This shall be a basis for students who are hard up in making an application letter.
Full description
Full description
Full description
ACROBAT
exam in filipino sa piling larangan
FilipinoFull description
El Filibusterismo - Kabanata 25Full description
This is a reviewer created for those students in the 8th grade with a problem of reviewing Filipino. And so, I came up with this. Starting from the regime of the japanese people.
Full description
Ang epekto ng Neo-kolonyalismo sa kabataang Pilipino- tesis
Copyreading
alamatFull description
filipino architectureFull description
Lesson Plan Filipino
Full description
school
Masusing Banghay Aralin sa Filipino Baitang 10
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng Kanlurang Asya
Pamantayang Pagganap:
Ang mag-aaral ay masining na nakapagtatanghal ng kulturang Asyano batay sa napiling mga akdang pampanitikang Asyano
Kasanayang Pampagkatuto
Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang: a. Nakapagbabahagi ng patalastas ng buong husay. b. Nabibigyang pagpapakahulugan ang paninindigan. c. Nalalaman ang kaligiran ng Sundiata.
II. Paksa:
Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali
Sanggunian:
Filipino 10 Module, pahina 302
Kagamitan:
Tisa at pisara
III. Yugto ng Pagkatuto: Linangin GAWAING GURO a. Pagganyak Magandang umaga klas!
GAWAING MAG-AARAL Magandang umaga rin po ma’am.
Magbalik-aral tayo. Ano ang paksang Patalastas ma’am. ating pinag-aralan kahapon klas? Tama! Ito ay ang patalastas. Mayroon (Magbabahagi ng patalastas) akong ipinagawa sa inyong gawain ngunit hindi niyo natapos at naibahagi. Ipagpatuloy natin ngayon ang pagbabahagi ng inyong gawain. b. Paglalahad Klas, sa inyong mga patalastas ay gumamit kayo ng mga salitang nakahihikayat upang matawag ang pansin namin.
Sa madaling salita, nagbigay kayo ng iba’t ibang mga pahayag o ebidensya na magpaptunay na subok na maganda at matibay ang inyong ineendorso. Sa araw na ito klas ay mayroon tayong panibagong paksa, sa paksang ito ay kinakailangan din ninyong magbigay ng impormasyon para mapatunayan ang katotohanan ng inyong pinaniniwalaan. Ito ay ang tinatawag nating paninindigan c. Pagtatalakay Ngayon klas, buksan niyo ang inyong mga aklat sa pahina 302. Basahin natin paninindigan.
ang
kahulugan
ng Ito’y sang paraan ng pagmamatuwid o pangangatuwiran. Layon ng naninindigan na mahikayat ang tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan o katotohanan ng pinaniniwalaan sa pamamagitan ng paglalatag ng sapat na katibayan o patunay upang ang panukala ay maging katanggaptanggap o kapani-paniwala. Gayundin sa paninindigan ay maaaring gumamit ng iba’t ibang ekspresyon upang maipaabot ang layon o damdamin ng pagpapahayag.
Samakatuwid klas, ito ay ginagamit natin para patunayan na ang mga pinaniniwalaan natin o mga prinsipyong pinanghahawakan natin ay makatotohanan at nais nating mapanatili hanggang sa huli. Ipinaglalaban natin ito at hindi tayo nagpapatinag sa paniniwalang inilalaan ng iba. Ngayon klas, basahin naman natin ang (Babasahin) maikling kaligiran ng epikong Sundiata. Ang kasunod na kahon sa pahina 302. Mula sa inyong binasa, ano ang Sundiata Keita pangalan ng pangunahing tauhan sa epiko? Itinuturing ba siyang bayani?
Opo ma’am.
d. Pangkatang Gawain Sa ating bansa ay mayroon din tayong mga natatnging bayani. Kung kayo’y bibigyan ng pagkakataong piliin ang mahihirang na Pambansang Bayani, sino ito at bakit? Ito ang magiging gawain niyo sa araw na ito. Gumamit kayo ng paninindigan kung bakit siya para sa inyo ang dapat maging bayani. Isulat sa isang buong papel. e. Presentasyon Simulan na natin ang pagbabahagi niyo ng kasagutan. f. Pagpapahalaga Bakit nga ba mahalaga na manindigan Ma’am dahil ito ang bumubuo sa ating tayo sa isang bagay na pinaniniwalaan pagkatao. Ito ang nagpapakita kung ano natin? nga ba tayong uri ng tao. Kasi ma’am hindi magandang tignan na sinasabi nating naniniwala tayo sa isang bagay pagkatapos mamaya iba na naman ang ating prinsipyo. Walang magtitiwala sa mga sinasabi natin kung paiba-iba tayo ng pinaninindigan.
IV. Pagtataya
Presentasyon ng awtput sa pangkatang gawain.
V. Takdang Aralin
Basahin ang epikong Sundiata sa pahina 303.
PAMANTAYAN SA PANGKATANG GAWAIN Organisasyon ng ideya Kooperasyon at Disiplina
5 Maayos ang pagkakahanay ng bawat ideyang inilahad.
3 May isa o dalawang ideya ang hindi maayos na nailahad.
1 Walang kaayusan ang pagkakalahad ng bawat ideyang inilahad.
Ang bawat miyembro ng grupo ay kakikitaan ng kooperasyon at disiplina.
May dalawa o higit pang miyembro ng grupo ang walang kooperasyon at disiplina.
Ang bawat miyembro ng pangkat ay walang kooperasyon at disiplina.
Kahandaan
Ang bawat miyembro ng pangkat ay kakikitaan ng kahandaan sa naiatas na gawain at nakapaglalahad nang buong husay.
May dalawa o higit pang miyembro ng pangkat ang walang paghahanda at hindi naging mahusay sa paglalahad.
Ang bawat miyembro ng pangkat ay walang kahandaan.