The Fable of the Turtle and the Monkey originally written by Dr. Jose Rizal
Ang Simula at Ang Katapusan _ TagalogFull description
Ang Matanda at Ang Dagat
Entrance Song for Lent- Choral Arrangement by Jordz VerdidaFull description
Ang Panginoon Ang Aking PastolFull description
nobela
tulang pang bata
It's a touching story of a Woman and a kid.Full description
ang modal
Maya MayaFull description
Descripción: educ
Ang Morpema
Lola
Luna Ang balong ina nina Ramon at Rey May sakit sa balat bunga ng katandaan Ulyanin Naghahanap ng kalinga mula sa kanyang mga anak ngayong matanda na siya’t mahina pa
Ramon Panganay na anak ni Lola Luna Asawa ni Carmen at ama naman ni Lida Kumupkop kay lola nang siya’y maging balo na Paboritong anak ng kanyang ama
Rey
Bunsong anak ni lola Luna Ama ni Odet Tumangging maging bagong tagapag-alaga ni lola nang ipasa sa kanya ang responsabilidad ng kuyang si Ramon Ang paboritong anak ni lola Luna •
•
•
•
Carmen
Ang magandang asawa ni Ramon na ina ni Lydia May malamig na boses Sinasabong maigi ang kamay at bisig ni Lydia kapag matatabi kay Lola Luna Lydia Anak nina Ramon at Carmen Malambing na batang apo ni Lola Luna •
•
•
• •
Odet
Ang apo ni lola Luna sa bunsong si Rey Hindi gaanong kakilala ni lola Luna di-tulad ni Lydia • •
Tinay
Kasambahay nina Ramon at Carmen Bisaya Tunay na nagpakita ng pagkalinga at pag-aalala kay lola •
•
•
Sa simula, nasa isang bahagi ng bahay na maituturing na sala Masasabing ang bahay ay may kalakihan na kumpleto sa mga pasilidad, may kusina, sala, kwarto at bakuran na maaaring maging paradahan ng kotse Ang bahay ay pagmamay-ari nina Ramon at Carmen Ang kwento ay naganap noong maulang hapon
Nakakandong kay lola Rosa ang apo niyang si Lydia. Tinatanung niya ang matanda kung aalis na ito sa bahay na iyon. Buong pagtataka namang sinagot ng lola ang bata. Hindi raw siya aalis sa bahay na iyon. Nagtataka si lola Rosa kung saan nanggagaling ang balitang iyon na nasambit ng kanyang apo. Maya-maya dumating si Carmen, ang magandang ina ni ni Lydia. Tinawag niya ang kanyang anak gamit ang isang malamig na boses. Mabilis na lumabas papuntang kusina si Lydia at sumunod naman sa kanya si Carmen. Mula sa upuang-pagulong ay natatanaw ni lola ang mag-ina. Sinasabong mabuti ni Carmen ang mga kamay at bisig ni Lydia.
Kinausap si lola ng panganay niyang si Ramon. Sinabi niya na gusto raw makuha ni Rey si lola dahil sabik daw sa lola ang anak niyang si Odet. Labag daw para sa kalooban nilang magasawa ang ipaubaya siya kay Rey ngunit baka raw magdamdam iyon. Habang sinasabi ito’y mailap ang tingin ni Ramon sa ina.
Mabagal ang takbo ng pag-iisip ng matanda. Pilit niyang inaalisa ang sinabi ni Ramon. Maraming mga tanong ang pumasok sa kanyang isipan gaya ng saan nakatira si Rey? Sino ang napangasawa niya? Ano ang itsura ni Odet? Dalawa nga ba ang kanyang anak? Tila padalas nang padalas ang ganoong magulong pag-iisip niya. Tila naaalala pa niya ang tinig ng kanyang asawa na nagsasabing huwag siyang mag-alala na maunang mamatay ito dahil mayroon naman siyang dalawang anak.
Biglang nawala ang kanyang kausap sakay ng upuang-pagulong, nagpunta siya sa tapat ng pinto. Nakasara ang pinto ngunit naririnig niya ang malakas na boses ni Ramon. Ganoon pa man, hindi malinaw ang mga salitang naririnig niya. Naroon din sa loob ng kwarto si Carmen na may malamig na boses.
Isang alaala o guniguni ang nasa isipan ni lola. Naalala niya ang naging pag-uusap nila ng kanyang asawa nang buhay pa ito. Pinagtatalunan nila noon kung nararapat bang ibigay nang ganoon kaaga ang mga mana ng dalawa nilang anak. Ipinagtanggol ni lola na dapat nang ibigay sa kanilang mga anak ang mana nila dahil hindi raw sila magiging makasarili tulad ng sinasabi niya. Bunga nito’y bumuti ang katayuan ng dalawa sa lipunan. Hanggang sa namatay na nga ang asawa ni lola at napunta siya sa pangangalaga ni Ramon.
Natigil ang pag-aalaala ni lola nang may bumusinang awto. Si Rey daw ang dumating ayon kay Tinay. Ikinatuwa ito ni lola.
Sa kanyang gunita’y kausap niya ang asawa. Doo’y tila nagtutuksuhan pa sila tungkol sa paborito nila sa dalawang anak; si Ramon sa asawa ni lola at si Rey naman ang kay lola. Buong saya raw niyang kausap ang asawa dahil sa wakas ay makakasama na niya ang bunso at titira sa bahay sa Timog. Sabik na sabik si lola na makita ang bunsong anak. Pinabilis niya ang takbo ng kanyang upuang –pagulong.
Sa may pinto’y napatigil siya nang marinig niya ang malalakasna tinig ng kanyang mga anak. Masasakit na salita tungkol sa pag-aalagang ginawa nila Ramon para sa kanyaang narinig ni lola. Dagdag pa rito ang ang pagtanggi ni Rey sa usapang siya naman ang kumopkop dito dahil mag-aaround-the-world- pa raw sila at mayroon nang sakit sa balat ang matanda. Sumunod din ang malamig na tinig ni Carmen na di niya maunawaan.
Ang
mga pangyayaring naganap ay sinlamig ng ambon na pumapatak sa kanyang ulunan habang patungo sa terraza. Tila sinlamig ng takipsilim ng araw na iyon.
Natagpuan ni Tinay si lola sa terraza. Niyaya niya itong pumasok sa loob. Bagamat utusan lamang at di- kaano-ano ng matanda, matinding awa ang nasa tinig ni Tinay.
Mapapansing sa kwentong ito ay litaw na litaw ang kawalan ng utang na loob ng mga anak sa kanilang ina. Noon, inalagaan sila nito at ibinigay agad ang kanilang mana. Ngayon, halos pandirihan nila ang sakit nito sa balat at pinagpapasa-pasahan ang pag-aalaga ng dalawa.
Tao-sa –tao
Sa akdang ito, ang pagtanaw ng utang na loob ang pinaglalabanan nina lola at ng kanyang mga anak na sina Ramon at Rey.
“Pagtanaw ng utang na loob sa nagkalingang ina.”
Pansinin
ang mga pahayag na ito mula sa akda.
Sa kabila ng nakapinid na pinto’y naulinigan niya ang tinig ni Ramon. Malakas. Ngunit hindi malinaw ang mga salitang hinahadlangan ng makapal na pinto. Naulinigan niyang bahagyang-bahagya ang tinig ni Carmen. Marahas. Hindi galit. Malamig. Naglaos sa pinid na pinto ang kalamigan ng tinig na iyon.
Ikatlong katauhang pananaw
“Takipsilim”
Sumisimbolo ang takipsilim sa isang yugto ng ating buhay na bahagi ng kwento, ang pagtanda.