Ang kakayahang ito ng kompyuter games na mang-akit ng ilang kabataan ang nakapaghihikayat sa mga mananaliksik na pag-aaralan ang epektong naidudulot ng computer games sa mga kabataan.Full description
Ang kakayahang ito ng kompyuter games na mang-akit ng ilang kabataan ang nakapaghihikayat sa mga mananaliksik na pag-aaralan ang epektong naidudulot ng computer games sa mga kabataan.Full description
Full description
Full description
Full description
Full description
Buod Ng Kabanata 7 Suyuan Sa AsoteaFull description
Ni Doris Mae Tabuno
Positibo at Negatibong Epekto Ng SocialFull description
EPEKTO NG SOCIAL NETWORKING SITES SA KABATAAN
Isang Pamamanahong Papel na Iniharap sa Kagawaran ng Departemento ng Turismo
Kolehiyo ng World Citi
Lungsod ng Quezon
Bilang Pagtupad sa Pangangailangan ng sa Asignaturang
Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat
Tungo sa Pananaliksik
Kabanata I
Ang Suliranin At Kaligiran Ng Pananaliksik
Introduksyon
Facebook, Twitter, Yahoo, Tumblr. Ilan lamany ang mga nabangit sa napakaraming social networking sites na kumakalat ngayon sa internet. Ang internet ay isang tsanel kung saan madalian kang makakasagap ng impormasyon at madali ding makakapag-bigay nito. Isa nga sa pinaka pakinabang nito ay ang pakikipag komunikasyon sa mga taong malalayo satin kaya naman nauso o nagawa ang napakaraming social networking sites. Ngunit dahil sa pagka-uso nito o dahil sa malakas nitong impluwensya marami sa mga kabataan ngayon ang lubos na nahuhumaling dito. Wala na yatang kabataan ngayon ang walang account sa mga nabangit na websites, o di kaya ay pamilyar dito. Ganap na sikat ang mga nabangit na websites, ngunit ano nga ba ang epekto ng social networking sites sa paguugali natin? Partikular sa mga kabataan ngayon? Isa sa mabuting epekto ng mga nabangit na websites ay ang easy access o madaling paraan upang makapaglaganap o makapag bahagi ng impormasyon. O mga balita na interesado ang lahat na malaman, kagaya ng suspensyon ng klase, mga balita tungkol sa gobyerno o mga artikulo o babasahin na marami tayong matututunan. Sa kabilang dako naman ay mas lalong nagiging bukas ang isipan ng mga kabataan sa pakikipagkapwa o pakikipag kaibigan. Minsan kahit hindi nila personal na kilala ay kanilan ina-add as friend o idinadagdag sa mga taong maaring makita ang laman ng kanilang profile. Kaya lang nga minsan madalas na nagkakapikunan ang mga kabataan sa mga post na hindi nila gusto, madalas itong humahantong sa batuhan ng mga mararahas at hindi kanais nais na salita Minsan naman ay nagiging masyadong mapanghusga ang mga kabataan ngayon marahil na din sa mga nakikita nila sa social networking sites na kalayaan sa pagpapahayag kahit nakakasakit na tayo. Isa sa mga malalalang kaso ng nito ay ang kaso ni Marimar Belnades Pattawi na nagpost lamang ng kanyang selfie sa facebook at samu't sari na ang natangap nyang pagbabatikos, pagkritika, pangungutya at kung ano ano pang panlalait galing sa mga friend nya sa facebook. Hindi kinaya nga dalaga ang labis na pagmamaliit sa kanya. Agad nyang dine-deactivate ang kanyang account dahil sa labis nyang dinamdam ito. At dahil san aka-link na contact number nya kanyang account madali itong nakuha ng mga cyberbully at araw araw syang tinawagan at pinapadalhan ng text messages kupang kutayin lamang. At dahil sa ganong dahilan lamang ideneklarang wala ng buhay ang dalaga noong Mayo 30, 2014. At ang pangunahing dahilan ng kanyang atake sa puso ay depresyon. Maraming epekto sa ating pag-uugali ang mga social networking sites. Kayat kung maari ay atin itong iwasan at limitahan, alamin ang hangganan kung makakasakit na tayo ng kapwa. Maraming mabubuting epekto at pakinabang ito, nakadepende na rin minsan sa gumagamit. Isa pa sa mga masasamang epekto nito ay ang pagbawas ng produktibidad ng mga kabataan, ang sobrang pagkahumaling dito ay nakakabawas ng oras ng mga kabataan sa mas importanteng bagay na mas dapat pagbuhusan ng pansin. Gaya ng pag-aaral, mga gawaing pangbahay at kung ano ano pa. Isa pa sa mga negatibong epekto nito ay ang kawalan ng privacy ng mga kabataan sa sobrang pagbibigay ng impormasyon sa kanilang profile. Isa pang paksa na maaring madagdag ay ang madali nilang ma-aaccess ang mga websites na may mga nilalaman na para lamang sa mga matatanda. At dahil din sa madalas o medaliang pagamit nito mas pinipili ng mga kabataan ngayon na gumamit na lang ng mga social networking sites para sa komunikasyon kesa sa personal na pag-uusap. Sa kabila ng mga negatibong epekto nito masasabing malaki ang tulong nito sa tao, lalo sa kabataan ngayon. Sa kabuuan ng paksang ito masasabing ang pagamit ng mga website na nabangit ay nakadepende sa gumagamit Dapat natin pag-isipan ang lahat ng ating gagawin sa mga social networking sites lalo na kung maraming tao ang nakakakita nito ika nga nila "Think before you click"
Suliranin at Layunin ng pag-aaral
Ano ang social networking sites?
Bakit nahuhumaling ang mga kabataan sa social networking sites?
Ano ang mga negatinong epekto ng social networking sites sa kabataan?
Ano ang mabuting pakinabang nito para sa kabataan
Ano ang epekto ng sobrang paggamit ng social networking sites?
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay maipaliwanag ang epekto ng social networking sites sa mga kabataan. Bakit sila nahuhumaling ditto? Ano ang mga negatibong epekto nito sa pag-iisip ng mga kabataan? Makakabuti ba ang sobrang paggamit nito? Nakakatulong ba ito sa pag-aaral ng mga kabataan?
Batayang Konseptwal/Teoretikal
Maipaalam ang mga epekto ng paggamit ng social networking sites sa mga kabataanMga Estudyante ng World Citi Colleges. Quezon CityImpormasyon hingil sa epekto ng paggamit ng social networking sites sa mga kabataan.
Maipaalam ang mga epekto ng paggamit ng social networking sites sa mga kabataan
Mga Estudyante ng World Citi Colleges. Quezon City
Impormasyon hingil sa epekto ng paggamit ng social networking sites sa mga kabataan.
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa Epekto ng social networking sites sa mga kabataan. Saklaw nito ang mga kabataang nag-aaral saWorld Citi Colleges sa unang semester ng akademikong taon ng 2013-2014.
Depinisyon ng mga Terminolohiya
Ang Facebook ay isang social networking sites na maari kang makipag komunika sa mga taong malalayo.
Ang Twitter ay isa ring social networking site na maari kang magpost ng litrato, mensahe.Kung saan pwede mo ifollow o sundan ang profile ng mga iniidolo mong artista o hilig.
Ang tumblr ay isa ring social networking site na maari kang mapost ng mga larawan, mensahe at maaari mong i-follow o masundan ang iyong mga hilig at interes.
Ang Yahoo naman ay isang email sending website na maari kang mag-dagdag ng contacts mo na mapapadalhan mo ng mensahe gamit ang e-mail.
Ang Social Networking Sites ay mga website na maaring mapuntahan o masalihan sa pamamagitan ng internet, nakakatulong ito sa komunikasyon ng tao.
Ang account naman sa social networking sites ay ang iyong sariling o personal na space sa mga social networking sites.
Ang Link ay nagsisilbing ungnayan o daluyan sa ibang website.
Ang Selfie ay isang makabagong salita na tawag ng mga kabataan ngayon sa iyong sariling litrato.
Ang Cyberbully mga tao na nanghaharas o gumagamit ng mga masasakit na salita laban sa ibang tao sa pamamagitan ng teknnolohiya o ng internet.
Ang internet ay isang tsanel ng kung saan madalian kang makakasagap ng impormasyon at madali ding makakapag-bigay nito.
Ang add-as-friend sa Facebook ay isang proseso sa mga networking sites kung saan maari kang makipag-ugnay sa iba pang tao na mayroon account.
Ang deactivate naman sa Facebook ay ang pagtangal o pagsawalang bahala ng iyong account. Upang wala ng iba pang makakita nito.
Ang Profile naman sa mga networking sites ay ang iyong personal na impormayson na maaring makita ng kahit na sinong nakakaugnay mo sa networking sites. Litrato ng may ari ng account at mga aktibidad nya ang makikita dito.
Ang Easy Access ay ang madaliang pagkuha o proseso ng kahit na anong gawain.
Ang Freedom of Speech naman ay ang kalayaan ng kahit na sino na maipahayan ang kanyang saloobin, damdamin o opinion.
Ang Epekto ay ang resulta ng isang gawain o mga bagay.
Ang artikulo ay isang sulatin na makikita sa mga dyaryo magasin at sa internet.
Ang Website(s) ay isang lokasyon sa internet kung saan naimimintina ang mga pahina sa World Wide Web.
Ang Tsanel ay isang daluyan.
Ang Impluwensya ay ang kapasidad o epekto ng isang bagay sa tao o epekto ng isang tao sa kanyang nakakasama.
Ang Pagkritika ay kagaya lamang ng pamimintas. O paghahanaap ng mali sa ibang tao.
Ang Contact Number ay ang numbero ng isang partikular na tao kung saan maari mo silang makaugnayan, mapadalhan ng mensahe at matawagan.
Ang Depresyon ay ang pakiramdam ng pagbaba ng tingin sa iyong sarili o kawalan ng pag-asa sa mga bagay bagay.
Ang Text Message ay ang mensahe na maaring maipadala sa pamamagitan ng mga telepono.