BABALA NG MGA ANAK NG ASO – GERMAN GERVACIO
Awooo! Awoooo! Awoooo! Awooo! Awooo! Awoooo! Awoooo! Sa simula pa lamang ay magkaiba na tayo Mula kayo kina Adan at Eba Kina Malakas at Maganda Samantalang kami, ang sabi ng Mito Ay mula sa angkan angkan ng Babaye Babaye at ng Aso Aso Subalit hindi namin iyon itinuring na sumpa Ng Mahal na Panginoon, Dakilang Magbabaya Kundi isang biyaya, isang pagpapala andog ng angit, kaloob ng upa Dahil kailangan naming magsa"aso abang naninimbang sa gulugod ng bundok Kapag kami ay nagtatanim At tinatalunton tinatalunton ang ang mga pitak pitak #pang isaka ang mga punla At inaog ang masaganang masaganang ani Na siyang bubusog sa aming lahi Anak daw kami ng Babaye Babaye at ng Aso Aso Subalit hindi kami panay atungal at angal Nagbanat kami ng buto Kinuba ang likod Pinalagutok ang mga tadyang Kumilos kami, tuminag, gumalaw indi namin tinalikuran Ang biyayang biyayang hatag hatag ni Magbabaya Magbabaya inugot namin sa lupa ang ginto, tanso, pilak At isinisid ang higanteng higanteng perlas perlas sa dagat dagat Kasama ng mga isdang bundat na bundat At inihatid kami sa kapatagan kapatagan ng kapalaran kapalaran At maging ito ay minahal minahal at pinagyaman pinagyaman
$ginalang namin ang Kalikasan At sinuyo ang Kapayapaan anggang sa dumating ang taga"kabilang dagat At ang yaman at puri namin ay sinalikwat Anak kami ng Babaye at ng Aso Subalit hindi bahag ang mga buntot namin Sanay kaming makipagbuno sa baboy"ramo May kidlat din ang aming mga kamao Ngunit marami sila at kami%y kakatiting Ano ang laban ng sibat namin at palaso Sa kanyon nilang bumubuga ng impiyerno& Pero langit daw ang kanilang dala"dala At pinapikit nila ang aming mga mata Pagdilat namin ay may tangan"tangan kaming aklat At ang mga lupain namin ay sila na ang may hawak Paano nga bang ang lupa ay aangkinin& 'ala ka pa ay nariyan na ang lupa At wala ka na, ang lupa%y nariyan pa rin& Subalit iba ang katuwiran ng kanilang sampalataya indi ang katuwiran ng mga anito o mga diwata Ni hindi ang katuwiran ni Dakilang Magbabaya Nasaksihan namin iyon sa sumasambulat na katawan Ng aming mga magulang at kapatid Sa pinipilipit at ginigilitang mga leeg Sa ginagahasang kagubatan at kababaihan Sa sinasalaulang dangal at kalikasan Nasaksihan namin iyon, nasaksihan! Naranasan namin iyon, naranasan! At hinding"hindi namin iyon kalilimutan! Kaming mga natira ay napilitang mamundok muli Pansamantalang itinanim sa dibdib ang pagkamuhi Pampalubag namin ang bulong ni Magbabaya Na wala sa mga kamay namin ang paghihiganti Sa tamang panahon, ipaniningil niya kami
Kaya sinikap namin muling mamuhay nang payapa $niligpit ang galit at kami%y nagparaya Pinagyaman muli ang natirang yuta Payapang dibdib, payapang lupa Payapang buhay, payapang diwa At ilan pang mga siglo ang bumukas"tumiklop Dumating"lumisan ang mga mananakop Maitutumba kami at madadayukdok Ang natira%y aakyat sa mas mataas na bundok Anak kami ng Babaye at ng Aso Sinanay namin ang sarili sa tira"tira at buto"buto Subalit wala kaming sinumang inaagrabyado Ang nais lamang namin ay igalang bilang tao At ngayon nga%y tinutugis namin ang mailap na talino Nangangarap din kaming ang mga anak at inapo Ay mabigyan ng edukasyon, mamulat, matuto At bakasakaling dahil dito, kami%y matanggap n%yo Subalit singlupit pala kayo ng mga dayuhan Di hinayaang makalipad, nagbabagwis naming isipan Pinasabog ang bungo namin, litid ay ginilitan $tinaling parang baboy, binolo, mina(hine gun! Kami raw ay makakaliwa, rebelde, pulahan Mga anak ng asong salot sa lipunan Subalit alam naming ang tunay ninyong pakay Ay bungkalin ang lupa namin at gawing minahan! Mga anak kami ng aso ngunit uulitin namin sa inyo indi bahag ang buntot namin, may kidlat ang kamao Ang aso kapag sinipa mo ay magatanong sa iyo $kalawa mong tadyakan, magtatakang totoo Subalit huwag mo nang isiping ikaw ay makatatlo Ang aso%y manlalapa, magtago ka na sa lungga mo!
Awooo! Awoooo! Awooo! Awoooo!