MAHAHALAGANG BAHAGI SA KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
Inihanda ni:
Asst. Prof. Amur M. Mayor-Asuncion, Ed D
Kolehiyo ng Edukasyon
Unibersidad ng Santo Tomas
MGA PAG-AARAL NG MGA DAYUHAN HINGGIL SA WIKANG PAMBANSA
David J. Doherty
Sa kanyang pag-aaral ay nabuo niya ang sumunod na kongklusyon:
maaaring pagsama-samahin ang mga wika sa bansa
ang pagpapagamit ng wikang dayuhan sa mga Pilipino ay walang katarungan gaya ng tinuran ni Schurman;
magagawa lamang ito kung gaganyakin ang mga guro at iba pang kawani ng pamahalaan na mag-aral ng katutubong wika at magsalin ng mabubuting aklat at ipaabot ito sa mga tao.
MGA PAG-AARAL NG MGA DAYUHAN HINGGIL SA WIKANG PAMBANSA
David J. Doherty
Inilathala niya ang artikulo ukol sa Tagalog noong Disyembre, 1902, nakapaloob sa artikulong ito ang magandang kapalarang naghihintay sa paglaganap ng Tagalog sa buong bansa. Bago pa dumating sa Pilipinas ay matagal na siyang nag-aral at nagsaliksik sa ating wika.
MGA SULIRANIN SA WIKA SA PANAHON NG AMERIKANO
Ang pag-unlad at paglaganap ng Ingles sa pagtuturo ay naging madali. Kung kaya, ang Kastila ay unti-unti nang nawala. Nahilig ang mga Pilipino sa Ingles sa pagdaan pa ng maraming taon. Sa ganitong kalagayan, dumami rin ang umayon at nagtanggol sa Ingles na ito ay maging wikang opisyal at gamitin sa pagkakaroon ng wikang pambansa. Ang pagpapahalaga sa Ingles ay napatunayan sa pagkakasulat ng ating Saligang-Batas noong 1935.
MGA DAHILAN NG PAGPIGIL NG MGA PRAYLE NA ITURO ANG WIKANG KASTILA SA MGA PILIPINO
ibig ng mga prayle na mapanatili sa kanilang kamay ang kapangyarihan nila sa mga tao at upang umasa rin ang pamahalaan sa kanila;
ayaw nilang maungusan sa talino ng mga katutubo kapag natuto silang mag-Kastila;
natatakot silang magkaisa ang mga katutubo at mag-alsa laban sa kanila kung may iisang wika silang sinasalita.
MGA BALAKID SA PAGTANGKILIK SA WIKA NOONG PANAHON NG KASTILA
Nakita sa pag-aaral na ang wika ay hindi sapat sa pagtuturo, pagpapaunlad, at pagpapalawak sa simulain at paniniwalang Kristiyano, kaya ipinasya ng Hari ng Espanya na ang mga prayle ay magturo ng Kastila sa mga Indio.
Sa kabila ng mga atas sa pagtuturo ng Kastila sa mga katutubo ay sinasabing ang mga prayle mismo ang sagabal sa pagpapatupad nito. Sila ang laging naghihigpit sa edukasyon.
MGA DAHILAN NG PANANAMLAY NG PAGTANGKILIK SA WIKANG TAGALOG
May mga manunulat at dalubwika pa rin ang nagpupumilit sa kaalamang laban sa paniniwala ng nakararami. (Purista)
May mga siyentipikong dalubwika ang nagpupumilit na ipagamit ang kanilang nilikhang mga bagong salita gayong hindi naman ito nauunawaan o tinatanggap ng nakararami.
Maraming Pilipino ang hindi tumangkilik sa sariling wika dahil sa kaisipang kolonyal.
Dahil na rin sa rehiyonalismong nangingibabaw sa damdamin ng ilang Pilipino
MGA BATAS KAUGNAY NG PAGSUSULONG NG WIKANG PAMBANSA
1988 (Agosto 25) - Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay ipinalabas at nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino na nagtatadhana ng paglikha ng Komisyong Pangwika na siyang magpapatuloy ng pag-aaral ng Filipino. Gayon din, pinagtibay ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan sa mga piling asignatura.
1987 (Marso 12) - Order Pangkagawaran Blg. 22, s. 1987 na ipinalabas ni Kalihim Lourdes R. Quisimbing na tumutukoy sa paggamit ng katagang "Filipino" sa Pagtukoy sa Wikang Pambansa ng Pilipinas.
1987 (Agosto 6)- Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, s. 1987 ay ipinalabas ni Kalihim Lourdes R. Quisimbing ang atas ukol sa "Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino", kalakip ng Kautusang Pangkagarawan Blg. 81, s. 1987
MGA PAG-AARAL NG MGA DAYUHAN HINGGIL SA WIKANG PAMBANSA
Iba naman ang gusto ni Frank R. Blake, isang dalubwika, na maaaring gawing batayan o saligan ang Tagalog sa pagbuo ng wikang pambansa. Samantala, si C. Everett Conant, isang dalubwika at dating naninirahan sa Pilipinas ay sumang-ayon na ang Ingles ang maging gamit sa pagtuturo at sa komunikasyon, bagamat hindi niya inisip na ipalit ito sa mga katutubong wika sa mga tahanan ng mga Pilipino.
TAGUMPAY NG WIKA SA
PANAHON NG HAPON
Hunyo 24, 1942 ay ipinalabas ang Ordinansa Militar blg.13 na nagsasaad na Niponggo at Tagalog ang mga opisyal na wika.
Sa panahong ding ito ay naitatag ang ang KALIBAPI (Kapisanan ng Paglilingkod sa Bagong Lipunan) na may layuning mapabuti ang edukasyon at moral na rehenerasyon at mapaunlad ang kabuhayan sa Pilipinas. Si Benigno Aquino ang nagsilbing direktor nito.
Ang pangunahing proyekto ay palaganapin ang wikang Pilipino sa buong kapuluan sa tulong ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP). Noong Oktubre 14, 1942 muling binuhay ang Wikang Pambansa.
MGA BATAS KAUGNAY NG PAGSUSULONG NG WIKANG PAMBANSA
1995 (Nob. 22) – Nilagdaan ng Tagapangulo Ponciano B.P. Pineda et al. ang Kapasyahan Blg. 1-95, kapasyahang humihiling sa Technical Panel on Humanities, Social Sciences and Communication Education ng CHED, na muling isaalang-alang, at rebisahin ang itinakdang academic units para sa Wikang Filipino sa General Education Curriculum
1997 (Hulyo 15) - Proklamasyon Blg. 1041, nagpapahayag ng taunang pagdiriwang tuwing Agosto 1-31 Bilang Buwan ng Wikang Pambansa na nilagdaan nina Pangulong Fidel V. Ramos at Kalihim Tagapagpaganap Ruben D. Torres.
ART. XIV (1987)
BATAS HINGGIL SA WIKA
Sek. 6 - Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng Batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum na opisyal na Komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.
Sek. 7 -Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at , hanggat walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrelihiyon ay pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong sa mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila ng Arabic.
Sek. 8 - Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.
Sek. 9 - Dapat magtatag ag Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba't ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanitili.
MGA BATAS KAUGNAY NG PAGSUSULONG NG WIKANG PAMBANSA
1968 (Marso) - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino.
1973 (Agosto 7) - Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsasaad na gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang pambayan o pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974--75.
1974 (Hunyo 19) - Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg.25 para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa lahat ng kolehiyo at pamantasan.
Matapos ang Rebolusyon sa Edsa, bumuo muli ang pamahalaang rebolusyonaryo ng Komisyong Konstitusyonal na pinamunuan ni Cecilia Muñoz Palma. Pinagtibay ng Komisyon ang Konstitusyon at dito'y nagkaroon muli ng pitak ang tungkol sa Wika.
MGA BATAS KAUGNAY NG PAGSUSULONG NG WIKANG PAMBANSA
1940 (Hunyo 7) - Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.
1954 (Marso 26) - Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4. Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon.
1959 (Agosto 13) - Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa nang lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang ito, kaylaman at tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin.
1967 (Oktubre 24) - Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino.
.
MGA BATAS KAUGNAY NG PAGSUSULONG NG WIKANG PAMBANSA
1935 Sa Saligang Batas ng Pilipinas, nagtadhana ng tungkol sa wikang pambansa: "… ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika." (Sek. 3, Art. XIV)
1936 (Nobyembre 13) - Pinagtibay ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng wikang pambansa.
1937 (Disyembre 30) - Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.
1940 (Abril 1) - Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap blg. 263 na nagtadhana ng paglilimbag ng isang balarila at isang diksyonaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang wikang pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19, 1940.
MGA PAG-AARAL NG MGA DAYUHAN HINGGIL SA WIKANG PAMBANSA
Taong 1924, sa artikulo ni N.M. Saleeby, The Language of Education in the Philippines Islands ay tinalakay ang pangangailangan ng isang wikang pambansang dapat maging isang bernakular. Ayon sa kanya, ang wikang Pilipinong maaaring lumagay dito ay ang wikang Tagalog na sinag-ayunan din ni Dr. Blake.
Click to edit Master title style
Edit Master text styles
Second level
Third level
Fourth level
Fifth level
9/19/2016
#
Click to edit Master title style
Click to edit Master subtitle style
9/19/2016
#
Click to edit Master title style
Click icon to add picture
Edit Master text styles
9/19/2016
#
Click to edit Master title style
Click icon to add picture
Edit Master text styles
9/19/2016
#
Click to edit Master title style
Edit Master text styles
9/19/2016
#
Click to edit Master title style
Edit Master text styles
Second level
Third level
Fourth level
Fifth level
Edit Master text styles
9/19/2016
#
9/19/2016
#
Click to edit Master title style
9/19/2016
#
Click to edit Master title style
Edit Master text styles
Second level
Third level
Fourth level
Fifth level
9/19/2016
#
Click to edit Master title style
Edit Master text styles
9/19/2016
#
Click to edit Master title style
Edit Master text styles
Second level
Third level
Fourth level
Fifth level
Edit Master text styles
Second level
Third level
Fourth level
Fifth level
9/19/2016
#
Click to edit Master title style
Edit Master text styles
Edit Master text styles
Second level
Third level
Fourth level
Fifth level
Edit Master text styles
Edit Master text styles
Second level
Third level
Fourth level
Fifth level
9/19/2016
#
Click to edit Master title style
Edit Master text styles
9/19/2016
#
Click to edit Master title style
Edit Master text styles
Edit Master text styles
9/19/2016
#
"
"
Click to edit Master title style
Edit Master text styles
Edit Master text styles
Edit Master text styles
Edit Master text styles
Edit Master text styles
Edit Master text styles
9/19/2016
#
Click to edit Master title style
Edit Master text styles
Second level
Third level
Fourth level
Fifth level
9/19/2016
#
Click to edit Master title style
Edit Master text styles
Second level
Third level
Fourth level
Fifth level
9/19/2016
#
Click to edit Master title style
Edit Master text styles
Click icon to add picture
Edit Master text styles
Edit Master text styles
Click icon to add picture
Edit Master text styles
Edit Master text styles
Click icon to add picture
Edit Master text styles
9/19/2016
#