ANO ANG EPEKTO NG SOCIAL MEDIA?
Ipinasa Nina: Mikaela Marie R. Dela Cruz Airah Shaynne A. Santos IV-Rizal
Ipinasa Kay: Bb. Cristina Enriquez
Ayon sa tala, mayroon humigit kumulang 45 pangunahing SNS ang aktibong sinasalihan ng mga mamamayan ng mundo ngayon. Ang mga SNS na ito ay may pagkakaiba base sa teknolohikal na katangian, kultura na namumuo sa
SNS, interes, gawain at pananaw ng mga miyembro, at serbisyong pangkomunikasyon. May mga epekto ang social media sa mga tao ngayon. Tulad ng bullying, pamimili sa tao, paninira sa mga tao at pagkawala ng panahon sa mga tao sa paligid. Ang mga social networking sites ay mga serbisyong web-based na pinahihintulutan ang mga indibidwal na gumawa ng pribado o pampublikong profayl sa loob ng sistema; pinahihintulutan ang mga gumagamit na makita ang listahan ng kanilang mga koneksyon at makita ang mga ginagawa ng iba pang tagatangkilik ng sistema (Boyd & Ellison, 2007). Ang social networking ay nakasentro sa pagbuo ng komunidad na onlayn ng mga miyembro na may pareho-parehong interes at gawain (Wikipedia, 2008). Ito ay kung saan ang isang tao ay gumagamit ng mga kontak upang makakilala ng mga bagong kaibigan bilang potensyal na koneksyon sa negosyo o social life. Ang mga koneksyong ito ay makatutulong upang mapalawak pa ang mga koneksyong mabubuo pa sa hinaharap (Bax, n.d.; MacEntee, 2007; Glaser, 2007). Ang Pilipino ay isa sa mga lahing tumatangkilik ng mga SNS at gumagamit ng mga serbisyo nito. Kaugnay ng paggamit nila ng SNS ang kanilang moralidad at mga kaugalian na nabuo sa paglipas ng panahon. Makikita ang mga markang Pilipino na ito sa kanilang mga dahilan ng paggamit ng SNS. Mula sa mga makalumang bagay hanggang sa bagong teknolohiya ay nagkakaroon din ng mga pagbabago ang hilig at interes ng mga tao. Aminin man natin o hindi maramng mga kabataan ang naadik sa iba’t ibang hightech na kagamitan at lalo na sa mga Social Networking Sites na nauuso na ngayon, maliban sa facebook nandiyan na din ang twitter. Naparami sa panahon ngayon ang may account sa mga social networking site. Mga pinaka-sikat na libangan ng pinoy ngayon ngunit hindi lang maganda ang naidudulot nito sa atin dahil sa pag-unlad ng teknolohiya sa panahon natin ay rumarami rin ang paraan ng tao na manira ng kanilang kapwa tao. Sa katunayan napakaraming highschool student o teenager ang may mga ganito dahil sinasabi na " IN " ka pag mag ganito ka kaya napakaraming bata ang nahuhumaling na gumawa nito dahil napapadali nga naman ang komunikasyon ng mga tao at easy access nga naman at wala kang babayaran, ngunit dahil rin dito marami ang nasisira, halimbawa na lang nito ay ang pagpopost ng kung anu-anong kasiraan ng tao o kaya mga malalswang panuorin at minsan ay dito pa nagbabangayan ang mga estudyanteng may alitan.Sa mga estudyante ang nagiging epekto nito ay malaki dahil hindi na lang sa school ginagawa ang “bully” pati na rin sa social networking site katulad ng pangblablackmail ginagawa na rin dito upang makasira lang ng bata at nandiyan rin ang panghihingi ng ibang bata ng pera sa binubully nila at meron rin na ang iba ay sinisiraan ang isang bata na may tendencing mabasa ng iba ang mga mapanirang pahayag na dahilan
na maapektuhan ito dahil nga bilang teenager madalas magtago ng sikreto ito sa mga magulang at minsan naaapektuhan rin ang emosyon at kilos ng teenager na nabubully sa social networking site. Marami ang mga negatibong dulot ng pag-unlad ng teknolohiya sa ating bansa katulad nga ng pangbubully sa social networking site na nararanasan ng ibang bata sa ating bansa na napakahirap talaga sugpuin dahil hindi naman natin kapit ang isipan ng ibang bata pero alam naman nating lahat na isang probleman ay may sulosyon kaya sa mga magulang ay dapat gabayan natin ang ating mga anak sa paggamit ng social networking site. Mahigit 37M na ang mamamayan na gumagamit ng internet sa bansa. Sa kabila ng pupugak-pugak na mobile internet 63% sa kanila ang subscribers nito at gumugugol ng apat na oras sa social media. Facebook ang nangungunang online social media network at 34 milyon sa mga gumagamit ng internet ay matatagpuan dito o katumbas ng 35% ng buong mamamayan. Gayunpaman, pangarap pa ang pagbuwag sa digital divide upang magkaroon ng akses ang mas malawak na rural areas. Bawat Facebook post, photo, note, like, share o anumang update sa News Feed ay dahan-dahan na pagbubukas ng pribadong buhay sa malawak na mundo ng online. Sa mundong ito, nanatili at iniimbak ang mga datos at tila may sariling buhay ang pagkalat ng impormasyon o ng simpleng status sa maraming sulok. Halimbawa, maaaring basahin o mag-trending o maging viral ang iyong simpleng status update na nagbubulalas ng galit sa paglustay ng Presidente sa kaban ng bayan gamit ang Disbursement Acceleration Program. Dahil na rin sa lawak na inaabot, inaakala na rebolusyon ang ibinubunga ng galit sa social media. Tulad ng ipinapakalat ng media na Twitter Revolution, Arab Spring at iba pa. Mahirap maabot gamit lamang ang like, post, note, o share sa facebook at social media ang katulad na nakayayanig na pagbabago. Nakahahawa ang damdaming kakabit ng status update sa News Feed. Ito ang ipinakita ng mapanghimasok sa eksperimento ng Facebook noong 2012 at inilathala sa Proceedings of National Academy of Sciences (PNAS) sa US, kamakailan. Sa eksperimento, nais makita nina Adam Kramer, Jamie Guillory at Jeffrey Hancock kung ang emosyon o “emotional state” ay naililipat sa pamamagitan ng “emotional contagion” kahit pa walang totoong interaksyon sa offline. Maraming pananaliksik na ang naisagawa hinggil sa impluwensya ng emosyon sa isang indibidwal sa pagkakataong nagkaroon ng interaksyon sa iba. Halimbawa, sumasaya tayo kapag kapiling ang mga kaibigan na masasaya at kabaliktaran naman kung malungkot ang grupo. Ipinakita nina Kramer na kahit walang “in-person interaction” at “non-verbal cues” o
pagiging “miron” lamang maaaring mahawa ng positibo o negatibong emosyon sa social media. Mula January 11 – 18, 2012, walang pahintulot na nagmanipula ang Facebook sa News Feed na nababasa ng mga 689,000 gumagamit nito. Hinango sa kanila ang tatlong milyong (3 M) post na may 122 M na salita na binubuo ng 4M positibo at 1.8M naman ang negatibo. Nagawang maitago o maipakita ang tinukoy na mga post sa News Feed upang alamin ang reaksyon ng gumagamit sa pagkakataon na mas maraming bilang ng status update ang naglalaman ng positibong salita at sa kabaliktaran nito. Nakakagimbal ang panghihimasok na ito. Ipinapakita ng eksperimento na hindi kailangan ng kumpanya ang tahasang pahintulot upang gamiting ang mga datos ng user lagpas sa isinasaad sa Data Use Policy. Higit pa, isinantabi nito na maaaring magkaroon ng masamang epekto sa user ang kanilang eksperimento lalo pa’t aspetong sikolohikal ang nais obserbahan. Ano pa kaya ang kanilang ginagawa sa ating mga datos? Matatandaan na isinawalat rin ni Edward Snowden ang aktibong partisipasyon ng Facebook sa mass surveillance project na PRISM ng National Security Agency (NSA) ng US. Sa pag-unlad ng teknolohiya, pinipilit ng mga kumpanya na boluntaryong ibigay natin ang mga personal na impormasyon kapalit ang diumano’y interconnectedness. Sa social media, halos buong buhay na natin o timeline ay pinipilit nitong iimbak. Mula sa mga datos na ito kumikita ang industriya ng advertising. Sa paghahabol ng tubo ng mga kumpanya, bulagsak na ginagamit ang mga datos upang kanilang pag-aralan ang “consumer behaviour” na ikinukubli sa kung anu-anong siyensya; Data Science, Big Data at iba pa. Sa mga datos rin sa social media mas masinop na nagagawa ang mass surveillance ng mga gobyerno. Isang esensyal na karapatan ang right to privacy na sumususog sa iba pang karapatan tulad ng freedom of expression and information, at freedom of association. Dito rin nagsisimula ang pamumuhay natin na may dignidad. Mali ang walang pahintulot na paggamit ng Facebook sa mga post sa nabanggit na pananaliksik. Sa tamang siyentipikong paraan, mahigpit na kaugnay ng mga “behavioral observation” ang “informed consent” sa mga kalahok. Ang lalong nakakabahala, nag-eksperimento ang kumpanya sa totoong mga user at isinantabi ang maaring epektong sikolohikal. Tanging ang bansang Canada ang pormal na nagreklamo sa kumpanya upang ipaglaban ang right to privacy ng kanilang mamamayan. Kung nagawa nila ang ganitong manipulasyon upang makita ang tugon natin sa nababasa sa News Feed, ano pa ang ibang eksperimentong kanilang ginagawa?
Sa kabilang banda, walang proteksyon ang mamamayan sa panghihimasok sa privacy at sa ganitong mga eksperimento maliban sa mas maingat na paggamit ng Facebook at iba pang matatagpuan online. Sa halip na manguna upang protektahan ang right to privacy ng bawat indibidwal, ang mga gobyerno pa ang may pinakamalawak na rekurso sa surveillance. ang SNS ay isang instrumento. Iba-iba ang depinisyon at gamit natin dito. Ito ay maaaring makasama o makabuti sa iba’t ibang aspeto ng buhay. At ang magdidikta kung ano ang kalalabasan ng paggamit nito, kung masama man o mabuti, ay ang taong tumatangkilik nito. Ang paggamit nito ay maaaring pangunahan ng mga moral at kaugalian ng isang tao ngunit minsan bumabaliktad ang sitwasyon at pinangungunahan ng paggamit ang moralidad. Sa oras na mauna ang paggamit sa moralidad, magdudulot ito ng mga isyu na makaaapekto sa lipunan o sa pamilya. Ang mga isyu ang siyang sumisira sa moralidad at kaugalian ng mga Pilipino at sa pagdami ng mga tagatangkilik ng mga SNS ay lumalaki rin ang pagkakataon na mabago ang mga mabuting kaugalian dahil sa impluwensya ng makabagong teknolohiya. Isang halimbawa nito ang paggugol ng oras sa harap ng isang kompyuter sa halip ng isang tao at dahil roon ay nababawasan ang kanyang kakayahan sa pakikihalubilo ng harapan. Isa pang halimbawa ang pagiging hadlang nito sa mga gawain. Ang mga SNS sa kabila ng kanilang mga gamit ay maaari ring maituring bilang isang libangan para mabawasan ang pagkahapo sa pamamagitan ng pakikipagusap at paglalahad ng mga problema. Kung ang paggamit nito ay hindi malilimitahan, ito ay maaaring magsilbing isang distraksyon sa trabaho o sa isang importanteng gawain. Sa kabuuan, ang kahihinatnan ng isang SNS ay nakasalalay sa taong gumagamit nito at kung pano niya ito gagamitin ayon sa kanyang moralidad.Ang SNS ay isang bagay, at ang isang bagay na ginagamit sa mabuti ay makabubuti, samantala kung ito ay gagamitin sa masama ito ay makasasama. Ang paggamit ng SNS ay may dalawang panig, isa ay ang positibo na siyang nagdadala ng mga benepisyo sa buhay ng isang Pilipino at ang ikalawa naman ay ang negatibo na nagdadala naman ng mga isyung nakasisira sa isang paninindigan o paniniwala tulad ng moralidad. Upang maiwasan ang pagkasira ng ugaling Pilipino o ang mga isyu na pinagmumulan ng lumot sa mga kaugaliang Pilipino, ayon sa pag-aaral ng mga mananaliksik, kanilang inirerekomenda sa mga mambabasa na alamin ang kulturang Pilipino at ang pinagmulan nito. Sa pamamagitan ng karagdagang kaalaman na iyon, ay posibleng mas lalo pang mapagtibay sa susunod na henerasyon ang mga mabubuting gawi at paniniwala ng mga Pilipino. Inirerekomenda rin ng mga mananaliksik na limitahan ang paggamit ng mga SNS at buksan ang mga filter na siyang nagsasala ng laman ng mga profayl. Sa pamamagitan ng mga paraan na ito ay mababawasan ang pagkakataon na maistorbo sa gawain, trabaho o pag-aaral at makakita ang kabataan ng letrato o impormasyon na hindi nararapat sa kanilang edad. Para naman sa isyu ng seguridad at pagkawala ng privacy inirerekomenda ng mga mananaliksik na
limitahan ang personal na impormasyon na inilalagay sa isang profayl sa SNS. Sa pamamagitan ng pagtatago ng maselang impormasyon, hindi ito magagamit laban sa may ari ng nasabing profayl. Ang mga hakbang na ito ay maaaring magkapagbawas ng mga isyu na naidudulot ng malabisang paggamit nito at upang mas maging epektibo ang prosesong ito inirerekomenda ng mga mananaliksik na humingi ng tulong sa mga magulang, propesor at awtoridad. Mga Sanggunian:
http://www.wattpad.com/7428489-social-networking-sites-ano-nga-baag-epekto-nito http://bulatlat.com/main/2014/07/09/status-update-social-media-atmapanghimasok-na-eksperimento-ng-facebook-sa-ating-news-feeds/ http://nasyonalistikpinoy.wordpress.com/2013/05/09/epekto-ng-socialmedia-sa-mga-kabataan/ http://disadvantge.blogspot.com/ http://labsqkohyunjung.blogspot.com/ http://snnsocialnetworkingngayon.blogspot.com/