ANG TALINGHAGA TALINGHAGA TUNGKOL TUNGKOL SA PARISEO AT SA PUBLIKANO Lukas 18: 9-4 9
Sinabi rin niya ang talinhagang ito para sa mga taong mababa ang tingin sa iba at nag-aakalang sila‟y matuwid. 10 “May dalawang lalaking pumasok sa Templo upang manalangin, ang isa ay Pariseo at ang isa ay maniningil ng buwis. 11 Tumayo ang Pariseo at nanalangin nang ganito: „O Diyos, nagpapasalamat ako sa iyo sapagkat hindi ako katulad ng iba na mga magnanakaw magnanakaw,, mandaraya, mangangalunya mangangalunya,, o kaya‟y katulad ng maniningil ng buwis na ito. 12 Dalawang beses akong nag-aayuno sa loob ng sanlinggo at nagbibigay rin ako ng ikasampung bahagi 13 mula sa lahat ng aking kinikita.‟ Samantala, ang maniningil ng buwis nama‟y nakatayo sa malayo at di man lamang makatingin sa langit.Dinadagukan niya ang kanyang dibdib m akasalanan!‟ at sinasabi, „O Diyos, mahabag po kayo sa akin na isang makasalanan!‟ 14 Sinasabi ko sa inyo,ang lalaking ito‟y umuwing pinatawad sa kanyang mga kasalanan, ngunit ang una ay hindi. Sapagkat ang sinumang nagmamataas ay ay ibababaat ang nagpapakumbaba ay itataas.” MORAL NA LEKSYON:
Ang moral na leksyon sa sa parabolang ito ay huwag huwag maging mapagmataas. mapagmataas. Huwag masyadong mataas ang tingin sa sarili. Kailangan matutong magpakumbaba magpakumbaba at rumespeto sa iba kahit na mataas ang posoisyon mo sa buhay. Sa halip na magmaliit sa kapwa, ay tulungan nalang .
REPLEKSIYON: Sa panahon ngayon ganyan na talaga ang mga tao lalong lalo na ang mga kabataan. Minsan ay maliit sa aking kapwa. Pero ngayon, iwasan ko na ang magmaliit at tulungan ko ang aking kapwa.
MGA ALIPING HANDA Lukas 12:35-40
"Maging handa kayong lagi at panatilihing maliwanag ang inyong mga ilawan. 36 Tumulad kayo sa mga aliping naghihintay sa pag-uwi ng kanilang panginoon buhat sa kasalan, upang kung it o’y dumating at kumatok ay mabuksan nila agad ang pinto. 37Mapalad ang mga aliping aabutang nagbabantay pagdating ng kanilang panginoon. Tandaan ninyo: magbibihis siya at pauupuin sila, ipaghahanda sila ng pagkain at pagsisilbihan. 38 Mapalad sila kung maratnan silang handa pagdating ng Panginoon, maging sa hatinggabi o sa madaling-araw man. 39 Sinasabi ko sa inyo, kung alam lamang ng may-ari ng bahay kung anong oras darating ang magnanakaw, hindi niya pababayaang makapasok ito. 40 Kayo man ay dapat na humanda, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo nalalaman." 35
MORAL NA LEKSYON: Para natin makamit ang isang bagay kailangan muna tayong maghintay at sakripisyo . dapat din maging handa sa mga pagsubok sa buhay.
REPLEKSIYON: Lahat tayo gustong makaangat sa buhay may gumagawa ng masama para lang maging isang magandang tao, mayroon din naman nagtitiis at naghihintay kung kalian sila bibigyan ng panginoon ng kanyang kahilingan. Hindi masama ang paghahangad, ngunit kailangan pa bang gumawa ng masama para makuha natin? Hindi natin alam na sinusubok lamang tayo ng Panginoon kung hanggang kalian ang pagtoo natin sa kanya. Kung kaya ba nating maghintay at magsakripisyo sa isang bagay na matuwid o sa isang iglap andyan na ngunit ito’y masama. Sa lahat nang ating ginagawa may kabutihan man o kasamaan may kaakibat na pagsisi o ang KONSENSYA. Tayo’y maghintay at sakripisyo sa mga bagay na gusto nating walang
pagsisisi. At maghanda sa anumang mga pagsubok na nararanasanm natin wag tayong magpadala sa mga emosyon kundi tawagin natin ang panginoon dahil siya ang makaksagot sa mga pangyayari na nararanasan natin .
Ang Talinhaga Tungkol sa Lingkod na Dimarunong Magpatawad Mateo 18:21-35 Lumapit si Pedro at nagtanong kay Jesus, "Panginoon, ilang beses ko po bang patatawarin ang kapatid kong paulit-ulit na nagkakasala sa akin? Pitong beses po ba?" 21
Sinagot siya ni Jesus, "Hindi ko sinasabing pitong beses, kundi pitumpung ulit na pito. d23 Sapagkat ang kaharian ng langit ay katulad nito: ipinasya ng isang hari na hingan ng ulat ang kanyang mga alipin tungkol sa kanilang mga utang. 24 Unang dinala sa kanya ang aliping may utang na milyunmilyong piso. 25 Dahil sa siya'y walang maibayad, iniutos ng hari na ipagbili siya, pati ang kanyang asawa, mga anak, at lahat ng kanyang ari-arian, upang siya'y makabayad. 26 Lumuhod ang taong ito sa harapan ng hari at nagmakaawa, 'Bigyan pa po ninyo ako ng panahon at babayaran ko sa inyo ang lahat.' 27 Naawa sa kanya ang hari kaya't pinatawad siya sa kanyang pagkakautang at pinalaya. 22
"Ngunit pagkaalis roon ay nakatagpo niya ang isa niyang kamanggagawa na may utang na ilang daang piso sa kanya. Sinunggaban niya ito sa leeg, sabay sigaw, 'Magbayad ka ng utang mo!' 29 Lumuhod ito at nagmakaawa sa kanya, 'Bigyan mo pa ako ng panahon at babayaran kita.' 30 Ngunit hindi siya pumayag. Sa halip, ito'y ipinabilanggo niya hanggang sa makabayad. 28
"Labis na nagdamdam ang ibang mga tauhan ng hari nang malaman iyon, kaya't pumunta sila sa hari at isinumbong ang buong pangyayari. 32 Ipinatawag ng hari ang malupit na lingkod. 'Napakasama mo!' sabi niya. 'Pinatawad kita sa utang mo sapagkat nagmakaawa ka sa akin. 33 Naawa ako sa iyo. Hindi ba't dapat ka rin sanang nahabag sa kapwa mo?' 34 At sa galit ng hari, siya'y ipinabilanggo hanggang sa mabayaran ang lahat ng kanyang utang. 35 Gayundin ang gagawin sa inyo ng aking Ama na nasa langit kung hindi ninyo patatawarin nang buong puso ang inyong mga kapatid." 31
MORAL NA LEKSYON: Wag mong gawin sa iba ang ayaw mong ipagawa sa iyo.
REPLEKSIYON: Kung ako ang nasa sitwasyon ng linkod na iyon ay hindi kona agad susunggaban, sasakalin at ipabibilanggo ang aking kapwa kakausapin ko siya ng masinsinan kung kailan niya mababayaran ang kanyana utang . at kung kailangan-kailangan ko ang pera at tatanungin ko siya kung mayroon siyang kaunting pera upang ito‟y magamit ko muna. At kung wala naman ay maaari naming sa susunod ay mabayaran na niya ako. Sabi nga sa Lords Prayer na Our Father “ and forgive us our sins. As we forgive those who sin against us”dapat matuto tayong magpatawad sa ating kapwa sapagkat wala tayo ngayon kung hindi tayo pinatawad ng Panginoon-pinatawad niya tayo sa pamamagitan ng pagsakripisyo ng kanyang buhay. Mapatawad tayo ng Panginoon kung magagawa habang magpatawad sa ating kapwa.
Nikki Lou Raguindin DIAMOND