Document in Tagalog on Philippine Language PolicyFull description
Full description
Full description
eFull description
Ladlad
Full description
Full description
Full description
Full description
Nasa aklat ni Melba Padilla Maggay, ang "Pahiwatig: Kagawiang Pangkomunikasyon ng Filipino" (2002).
Joselito Medina Stem-1 Competence
ANG PAGLALAKBAY SA VIGAN
Ang Pilipinas ay naging kolonya ng Espanya sa loob ng 333 taon kung kaya’t napakaraming lugar sa Pilipinas kung saan makikita ang naiwang marka ng mga kastila, iisa na rito ang Vigan City, Ilocos Sur. Maraming historical na lugar na matatagpuan dito tulad ng Calle Crisologo, Bantay Bell Tower, at Syquia Mansion. Isa ito sa aking mga napuntahan noong bata pa ako kasama ang aking pamilya. Naging isang karanasang hinding hindi ko na malilimutan ang nangyaring panlalakbay sapagkat doon ko natuklasan na napakaganda at napakalawak ng kasaysayan ng Pilipinas pagdating sa mga historical na lugar at pangyayari.
Pagdating namin sa Vigan, una kaming tumungo sa St. Augustine Church sapagkat linggo ang araw na yun. Dito makikita ang isa sa mga simbahang katoliko noong panahon ng mga kastila na may napakagarang istruktura at disenyo. Mayroon din ditong bilihan ng pasalubong na masasabi kong mas mura kaysa sa bilihan sa ibang lugar. Sunod naman ay tumungo kami sa Calle Crisologo kung saan makikita ang mga hilera ng mga bahay noong panahon ng mga kastila na tinitirhan noon ng mga mayayaman. Dito ako pinakanatuwa sapagkat sumakay kami sa isang kalesa na inikot kami sa Calle Crisologo na tumagal ng ilang oras. Ang huli naming pinuntahan ay ang Syquia Mansion kung saan dating naninirahan ang ika-anim na pangulo ng Pilipinas na si Elpidio Quirino. Dito matatagpuan ang iba’t ibang mga kagamitan at disenyo ng mga bahay noong panahon ng mga kastila at kasama na rin ang mga kagamitan na maiuugnay kay Pangulong Quirino.
Joselito Medina Stem-1 Competence
Sa paglalakbay namin sa Vigan, Ilocos Sur, naging realisasyon ko na tunay ngang maganda ang Pilipinas sapagkat malawak ang kasaysayan ng Pilipinas na
hindi
lamang nagtatapos sa kastila kundi na rin sa mga amerikano at mga hapones. Naging mas mapagsalamat ako na ako’y isang Pilipino. Mahalin natin ang ating nakaraan, sapagkat napakalaking impluwensiya nito sa ating kinabukasan.