Isang Natatanging Proyekto Na Inihanda ng BSBA-I Colegio de San Gabriel Arcangel
Bilang Bahagi ngPagtupad Sa mga kailangan sa Final na Proyekto sa Filipino I
Ipinasa ni: Delbo, Dolores C. (BSBA/I-1)
September 30,2011 i
Kami ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga nakiisa at tumulong sa aming pangkat upang mahanap ang mga kasagutansa kasagutansa aming pananaliksik at pagaaral tungkol sa sanhi at epekto ng maagang pag-aasawa sa FVR.
Sa ating panginoon na maylalang na siyang nagbigay ng lakas sa amin upang maisagawa ang pag-aaral.
Sa aming mga magulang at ibang kasapi ng aming pamilya
Kay Dr. Gabriel Uriarte, na nagtatag ng aming paaralang Colegio de San Gabriel Arcangel
Sa aming pinakamamahal pinakamamahal na guro na si Gng. Wilhelmina Lopez na siyang matiyagang nagbahagi ng kanyang kaalaman at karanasankaugnaysaamingpananaliksik.
Sa mga kabataan, kalalakihan kalalakihan at kababaihan na nagbahagi ng kanilang suliranin at karanasan hinggil sa aming pananaliksik henerasyon. Patuloy Sana‟y kayo‟y maging gabay sa mga susunod pang henerasyon. lamang tayong magtiwala sa panginoong Diyos. Sana‟y magkaroon pa ng lakas ng loob at tiwala sa sarili huwag tayong mawalan ng pag-asa sa buhay. Maraming Salamat Po! ii
Ang proyektong ito ay aming taos-pusong inihahandog inihahandog sa mga sumusunod: Sa poong maykapal
Sa aming mga magulang at ibang kasaping pamilya
Sa aming mga guro lalo na kay Gng. Wilhelmina Lopez
Sa mga mag-aaral ng Colegio de San Gabriel Arcangel
Sa mga kabataan, kalalakihan at kababaihan. kababaihan.
Ito po ay para sa inyo.
iii
Ang layunin ng pag-aaral na ito ay maipaliwanag ang mga “Sanhi at Epekto ng Maagang Pag-aasawa ng mga Kabataan sa FVR”
Layunin rin nito ay makahanap ng mga posibleng solusyon sa suliraning ito.
Narito ang mga tiyak na katanungan:
1. Anu-ano ang mga dahilan ng maagang pag-aasawa ng mga kabataan? 2. Ano ang maaaring epekto nito sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay?
3. Ano ang mga gampanin ng mga institusyon ng lipunan upang masolusyonan masolusyonan ang suliraning ito?
iv
Upang makahanap ng mga kasagutan sa aming pag-aaral ukol sa “Sanhi at Epekto ng Maagang Pag-aasawa ng mga Kabataan Sa FVR”, kami‟y gumamit ng ibat-ibang paraan o teknika. Una, ang pakikipanayam pakikipanayam o interbyu sa mga kabataang saklaw ng aming pag-aaral. Hindi lang sa mga kabataang kabataang may edad 19 anyospababa, anyospababa, maging sa mga kababaihan at kalalakihang nasa wastong edad ngunit may karanasang di malilimutan na may kinalaman sa aming pag-aaral.
Gumamit rin kami ngsarbey, kung saan ito ang may pinakamalaking pinakamalaking ambag sa aming pag-aaral, dahil aming nalaman ang kanilang mga hinaing.
Isa pa sa aming paraang ginamit ay ang pakikinig ng mga ulat ukol sa mga kabataang may ganitong suliranin.
v
KABANATA 1
Ang bansa natin ngayon ay lugmok sa kahirapan.. Dahil sa iba't ibang krisis na ating nararanasan o nadadama sa ngayon.. Mataas na presyo ng bilihin, kalamidad, panggigipit ng mga may kapangyarihan para sa kanilang pansariling kapakanan, paglabag sa batas ng ilang mamamayan na nagdudulot ng kaguluhan, paglabag sa mga karapatang pantao dulot ng kawalan ng respeto sa bawat isa, di pagkakaunawaan pagkakaunawaan sa pagitan ng mga nasa pamahalaan at mamamayan, at marami pang iba.. Haaay" kailan pa kaya ito mawawakasan o mabibigyan ng karampatang solusyon.. Patuloy na lang ba nating isisisi ang lahat ng ito sa pamamalakad ng gobyerno? Bakit di natin tanungin ang ating sarili may naitulong ba tayo upang maiayos ang kalagayan ng ating bansa? O nakadagdag lang tayo sa mga pinu problema ng ating bansa? Iyan ang ilan sa mga dapat nating maunawaan. Sa kabataan, nakasalalay ang hinaharap ng bansa.. Kabataan, munti man ay may malaking magagawa o maiaambag upang maisulong ang ating bansa.. Ang mga kabataan ay may mga karapatan gaya ng karapatang makapag-aral at marami pang iba.. Ang mga karapatan na ito'y makakatulong sa atin upang magkaroon ng magandang kinabukasan.. Hindi lang iyan, makakatulong din ito upang magkaroon tayo ng sapat na kaalaman sa paglilingkod sa ating bayan. Napakaraming problema kinakaharap kinakaharap ng ating bansa sa ngayon at napakaraming dahilan kung bakit nananatiling mahirap ang ating bansa sa ngayon. Tayo bilang kabataan ay may obligasyon na mag aral. Mag aral upang magkaroon tayo ng magandang kinabukasan at ang ating bansa. Ngunit papaano na lamang kung may mga kabataang nag aasawa ng maaga?
1
Talamak na ito sa ngayon, kaya't huwag nang magbulag bulagan bigyan na ng agarang solusyon.
Maraming kabataan sa ngayon ang nag aasawa ng maaga.
Hanggat maari ayaw ng mga magulang na ang kanilang mga anak ay magasawa ng maaga. Minimithi nilang makatapus muna ng pag-aaral at makanahap ng permanenteng trabaho ang kanilang mga anak bago magkapamilya. Dahil bilang mga magulang alam nila ang hirap at sakripisyo ng pagpapamilya at pagkakaroon ng mga anak na kailangang alagaan at palakihin ng maayos. At alam nila na ang bunga ng maagang pag-aasawa ay hindi madali. May kasabihan na ang buhay pag-aasawa kapag pinasok mo hindi ito parang kanin na kapag napaso ka pwede mong iluwa. Maraming mga taong nagtatagumpay sa buhay pag aasawa at marami din namang nabibigo, kapag pumasok ka sa buhay pag-aasawa maraming bagay ang mababago sayo, maraming bagay ang pwede mong talikuran at kalimutan.Marami ring pamilya ang nasisira kapag sila'y nagkakalayo, maraming hindi nagkakasundo, iba't ibang kwento sa buhay may asawa. Marami sa atin ang nag-aasawa sa hindi tamang panahon, akala nila na ang pag-aasawa ay sagot sa kanilang problema, akala nila ganun kadali ang buhay may asawa, masasabi mo lang na tagumpay ang buhay pag-aasawa kapag nakatagpo ka ng taong makakasama mo sa hirap at ginhawa, sa lungkot l ungkot at saya, taong magiging tapat sayo sa lahat ng bagay, magmamahal sayo habang buhay
2
Kapag may asawa ka na tapos na maliligayang araw mo…
Hindi mo na magagawa ang nagagawa mo nung binata/dalaga ka kapag may pamilya ka na… Katapusan na ng Happenings kapag nagka-asawa ka na! Hindi ka na Malaya!
Eto yung mga madalas nating masaisip kapag naririnig natin yung salitang pag-aasawa, parang lumalabas isang sumpa ang maging isang Ama ng tahanan o di kayay isang balakid sa buhay ang magkaroon ng pamilya. Ang pagkakaroon ng isang pamilya ay isang responsibilidad ngunit ang nakikita lamang ng mga tao ay ang hirap at hindi pinapansin ang sarap na nakakamit habang tinutuparan tinutuparan mo ang gampanin ng isang magulang. Lahat tayo ay may kanya-kanyang responsibilidad responsibilidad sa buhay iba-iba nga lang ng uri at iba-iba tayo ng pananaw sa mga gampanin na ito, nataon lang na ang interpretasyon ng maraming tao sa buhay may asawa ay puro reklamo dahil karamihan ng mga naghihirap ngayon ay may pamilya at maraming anak. Single ka man o may asawa walang pinipili ang kahirapan hindi sa estado kung may asawa ka na o wala ang usapan sa pag-unlad, maraming aspeto ang dapat pag-aralan upang umasenso tayo at hindi ko ito matatalakay sa artikulong ito.
Hindi malayong takot ang nabubuo sa mga kabataan ngayon kayat ang mga nagdadalang taong dalaga ay naiisipang ipalaglag ang nasa ikinasa-pupunan nila, ganun din lalo na sa mga lalaki, madalas na iniiwan ang kasintahan kapag nalamang nakabuo sila. Hindi rin malayong tumaas ang bilang ng mga wasak na pamilya dahil sa aking palagay ito ang isa sa mga dahilan kung bakit dumadami ang mga iresponsableng tao ngayon pagdating sa pagdadala ng gampaning pampamilya, dahil ang nasasaisip nila.
3
mahirap ang magkapam magkapamilya… ilya…
hindi ako uunlad kapag may pamilya na ako isang bigong buhay ang makapagmakapag-asawa asawa ng maaga. ito ang maaring mabuo sa ating kaisipan kung hindi tayo maingat sa pagtanggap ng mga impormasyong ating nadidinig. Ang pag-aasawa ay hindi katapusan ng kaligayahan ng isang single life ito ay extension ng mas marami pang good times at adventure, ibig sabihin mas lalong masaya, mas lalong makulay.
4
Ang pag-aaral na ito ay sumasagot sa mga tiyak na katanungan ukol sa “Sanhi at Bunga ng Maagang Pag -aasawang mga Kabataan sa FVR”
1. Anu-ano ang mga dahilan ng maagang pag-aasawa ng mga kabataan? 2. Ano ang maaaring epekto nito sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay?
3. Ano ang mga gampanin ng mga institusyon ng lipunan upang masolusyonan ang suliraning ito?
5
Ang maagang pag-aasawa ng mga kabataan ay may napakalaking epekto sa ating lipunan at sa mga kabataang may ganitong suliranin. Dahil sa suliraning ito, pinili naming ang paksang ito upang aming maunawaan ang mga problemang hinaharap ng ating mga kabataan. Kami ri‟y naghahanap ng mga posibleng solusyon.
Kailangang maunawaan at maimulat ang kaisipan ng mga:
KABATAAN (may ganitong suliranin): upang malaman ang mga posibleng epekto nito kung sakaling sila‟y nawawalan na ng pag -asa sa buhay.
KABATAAN( dalaga/binata) : upang maging silbing aral
PAMAHALAAN: upang kanilang mabatid at mapag-tuunan ng pansin ang suliraning ito.
MAGULANG: upang bigyang-pansin ang kanilang mga anak at magkaroon ng ideya kung paani nila didisiplinahin ang kanilang mga anak.
Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga sumasaklaw sa mga kabataang may edad 12-19 gulang. May iilan ring mga kababaihan at kalalakihan na masayang nagbahagi ng kanilang karanasan na may kaugnayan sa aming pag-aaral. Ang mga respondente ay may bilang 100(50 ang mga babae at 50 naman ang mga lalaki). Ang interbyu o panayam ay limitado lamang. Ito ay isinagawa lamang sa mga respondente na handang magpainterbyu. Ang pagpag aaral na ito ay ginawa sa FVR, Muzon, Tungko at Towerville.
7
PAG-AASAWA-
Sa 75 milyong Pilipino ngayon kalahati ng populasyon ay hindi hihigit sa 20 taong gulang. Napag-alaman ito kay National Statistics Administrator Tomas Africa. Ayon kay Africa pabata nang pabata ang mga babaing nanganganak at patanda nang patanda naman ang mga nagpapakasal. Maraming babaing menor de edad ang nabubuntis. Maraming dahilan ito, ayon kay Africa. Maagang sumasapit sa age of puberty ang mga kabataan. Maaga rin silang natututo ng sex at dahil sa kanilang curiosity kaya maaga nilang sinusubukan na makipagtalik. Malaki rin ang impluwensiya ng malalaswang babasahin at pelikula. Naoobserbahan Naoobserbahan na balik na naman sa mga magazine stands at maging sa mga bangketa ay naglipana ang mga pornographic materials. Dahil nga maagang na-introduce sa sex ang mga kabataan kaya dapat na ibayong pagbabantay at superbisyon ang gawin ng mga magulang sa kanilang mga anak anak.. Ang sobrang pagpapalayaw ang siyang nagbubunsod sa pagkapariwara lalo na ng mga kabataang babae. Marami na ang liberated. Sa isang talakayang ginanap kamakailan lamang, napag-alaman na maraming babaing mag-aaral ang hindi na „„virgin‟‟ dahil maaga nilang pagkamulat sa sex. Naobserbahan na natural na sa mga babae ngayon na pumunta sa bahay ng lalaki at nangyayari tuloy ang mga bagay na hindi dapat maganap. Kung ang mga kabataang ito ay busog sa pangaral at pagmamahal pagmamahal ng mga magulang na alam ang tinatawag na „„responsible parenthood‟‟ maraming maiiwasang mga kaso ng pre-marital sex, abortion at maagang pag-aasawa na kadalasan ay nauuwi lang sa paghihiwalay. paghihiwalay.
KABANATA III
Sa pamamaraang sarbey ay kumuha kami ng 50 babae at 50 lalaki na may gulang 15-19 gulang dahil sila ang saklaw n gaming pag-aaral. Aming inalam ang kanilang mga suliranin at karanasan. Kung labis silang naapektuhan at kuing anoi ang kanilang hinaing.
Sa pamamaraang interbyu o panayam ay kumuha kami ng 5 respondente upang matulungan kaming masagot ang mga katanungan sa aming isipan. Limitado lamang ang aming mga katanungan ukol sa maagang pag-aasawa ng mga kabataan. Ito ay ginawa sa FVR, Muzon, Tungko at Towerville.
STASTISTIKONG PANANLIKSIK Ang mga nakalap na impormasyon ay naisulat sa pamamagitan ng ibat-ibang paraan. Una, sa pamamagitan ng pagsasarbey ng mga kabataana may ganitong suliranin at sa mga iilang mga kababaihan at kalalakihan sa mga piling lugar Dahil rin sa interbyu ay nagkaroon ng matibay na impormasyon. impormasyon.
Sa mga nakalap na impormasyon ay aming sinuri at sa pamamagitan ng pagiinterpreta
TALAHANAYAN 1
MGA RESPONDENTE KASARIAN LALAKI BABAE KABUUANG BILANG
BILANG 50 50 100
*may 50 babae at 50 lalaking respondene respondene ang maagang nakapag-asawa nakapag-asawa *sa kabuuang bilang mayroong 100 respondente ang maagang nakapagasawa
INTERBYU MGA TANONG AT SAGOT 1. Ano ang sanhi ng maagang pag-aasawa sa: A. Indibidwal: Unang respondente: hirap ng buhay at sariling kagustuhan na rin
B. Pamilya: Pangalawang respondente: mahirap ngunit kakayanin pa rin. C. Lipunan Ikatlong respondente: Kahirapan !
2. Sa iyong palagay, masosolusyonan pa ban g pamahalaan ang suliraning ito?
Ikaapat na respondente: oo. Kung hindi sila mangungurakot! Ikalimang respondente: oo, kung maglalaan sila ng badyet para sa mga kabataan at maging sa mga mahihirap.
3. Ano ang maipapayo mo sa mga kabataang nawawalan na ng tamang pagdedesisyon sa kanilang sarili?
Ikaanim na respondente: mag-aral ng mabuti, huwag magpadala sa tukso. Walang magandang maidudulot ang maagang pag-aasawa. Darating din naman ang tamang panahon para sa pag-aasawa.
KABANATA IV
PAGLALAHAD, PAGSUSURI, INTERPRETASYON AT PAGTALAKAY NG RESULTA
Ang kabanatang ito ay naglalahad ng ebalwasyon ukol sa “Mga Sanhi at Epekto ng Maagang Pag-aasawa ng mga Kabataan sa FVR”
Ang resulta ng sarbey ay nagpapakita ng pagsang-ayon, minsa/siguro at di pagsang-ayon ng mga kabataan.
Amg mga salik na lubos na naapektuhan ng maagang pag-aasawa ay ang indibidwal na kabataan, pamilya at lipunan.
Ang maagang pag-aasawa ay pinaniniwalaang bunga ng mga sumusunod: 1. Pag bata pa ang babae at ito ay nagbuntis agad at nanganak, nanganak, maaring hindi pa kayanin ng kanyang kalusugan ang dulot ng panganganak lalo pa at maraming dugo ang mawawala sa kanya. 2. Pag bata pa pareho ang mag-asawa madalas madalas ang kanilang pag-aaway at pagtatalo dahil na rin sa kanilang ugaling bata pa. 3. Magiging kawawa ang mga magulang dahil natural na sa kanila pa rin pipisan o makikitira ang mag-asawa dahil kapwa hindi nakatapos, walang mahanap na trabaho. 4. Kung mag-kakaanak agad, hindi lang sila ang mahihirapan kundi pati mga anak. Hindi maibigay ang pangangailangan ng mga bata dahil hirap sa buhay. 5. Sa kabilang banda, may maganda ring bunga ito dahil parang makakasabayan lang nila ang paglaki ng kanilang anak.
Ayon pa rin sa mga kalahok may kinalaman pa rin ang mga pamahalaan at mga magulang ukol sa suliraning ito.
Dapat ay bigyan ng agarang solusyon ang suliraning ito.