PANIMULA
A.PAGPAPAKILALA SA PAKSA
Ang pagpapatiwakal ay sadyang pagkitil ng sariling buhay at naaayon sa kagustuhan. Dapat may maliwanag na intensiyon ang isang tao sa pagtatapos ng kaniyang buhay bago ito maturing na isang gawain na pagpapatiwakal.
"Ang pagpapatiwakal ay isang malubhang suliraning pangkalusugan ng bayan."(David Satcher, U.S. surgeon general, noong 1999).
B.ANG SARILING PANANAW SA ISYU
Hindi maganda ang pag papatiwakal dahil ayon sa bibliya ang pagpapatiwakal ay pag-patay sa sarili. Ang Diyos lamang ang dapat na magdesisyon kung kailan at paano mamamatay ang isang tao. Kung kukunin mo ang desisyong iyon at ilalagay mo sa iyong sariling mga kamay, ayon sa bibliya, ito ay isang pagkutya sa Diyos. Kung makakaranas ka ng depresyon magpa-konsulta agad sa psychiatric dahil baka ito ay humantong sa pagpapakamatay o pagpapatiwakal. Kung may kamag-anak, kaibigan o karelasyon ka naman na nakakaranas nito ay agad mo itong kausapin tungkol sa kaniyang problema para hindi niya ito gawin o kaya alalahanin natin kung pano siya magiging ligtas at humanap ng mga propesyonal na nakaka alam sa isyung ito. Wala naman gustong magpakamatay, gusto lang nilang maiwasan ang mapait na naranasan nila o ang mga problema nila, pero nawawalan sila ng pag asa pakiramdam nila walang may pake sa kanila walang may gusting makiramay sa kanilang problema kaya nila nagagawa ang pagpapakamatay.
33
MGA ARGUMENTO SA ISYU
3
3
A.BUOD NG MGA ARGUMENTO
PAGKAKAIBA-IBA NG KULTURA
Lubhang nagkakaiba-iba ang pangmalas ng mga tao sa pagpapatiwakal. Minamalas ito ng ilan bilang isang krimen, ng iba bilang isang duwag na pagtakas, at ng iba naman bilang isang marangal na paraan ng paghingi ng tawad para sa isang malaking pagkakamali. Itinuturing pa nga ito ng ilan bilang isang marangal na paraan upang isulong ang isang layunin. Bakit ang gayong pagkakaiba-iba ng pangmalas? Malaking papel ang ginagampanan ng kultura. Sa katunayan, sinasabi ng The Harvard Mental Health Letter na ang kultura ay maaari pa ngang "makaimpluwensiya sa posibilidad ng pagpapatiwakal."
B.MGA IMPORMASYONG SUMUSUPORTA SA MGA ARGUMENTO
Isaalang-alang ang isang bansa sa gitnang Europa—ang Hungary. Binabanggit ni Dr. Zoltán Rihmer ang mataas na bilang ng pagpapatiwakal doon bilang ang "malungkot na 'tradisyon' " ng Hungary. Sinabi ni Béla Buda, ang direktor ng National Institute for Health sa Hungary, na ang mga taga-Hungary ay handang-handang magpatiwakal, sa halos anumang dahilan. Ayon kay Buda, isang karaniwang reaksiyon ang, "May kanser siya—alam niya kung paano wawakasan ang gayong kalagayan."
May relihiyosong kaugalian noon sa India na kilalá bilang suttee. Bagaman matagal nang ipinagbabawal ang kaugaliang ito, kung saan kusang tumatalon ang isang biyuda sa sigáng pinansunog sa bangkay ng kaniyang asawa, umiiral pa rin ito. Nang isang babae ang iniulat na nagpatiwakal sa ganitong paraan, pinuri ng mga tagaroon ang trahedya. Ayon sa India Today, ang rehiyong ito sa India "ay nakasaksi sa halos 25 babae na nagsunog ng kanilang sarili sa sigáng pinansunog sa bangkay ng kani-kanilang asawa sa loob ng gayunding dami ng taon."
Kapansin-pansin, tatlong ulit ang dami ng mga buhay sa Hapón ang nasasawi sa pagpapatiwakal kaysa sa mga aksidente sa trapiko! "Ang tradisyunal na kultura ng Hapón, na hindi kailanman humahatol sa pagpapatiwakal, ay kilalá sa pagkakaroon ng isang ritwal at pormal na paraan ng paglalaslas ng sariling tiyan hanggang sa lumabas ang bituka (seppuku, o hara-kiri)," sabi ng Japan—An Illustrated Encyclopedia.
44
4
4
Sa kaniyang aklat na Bushido-The Soul of Japan,ipinaliwanag ni Inazo Nitobe, na nang maglaon ay naging pangalawang kalihim panlahat ng Liga ng mga Bansa, ang pagkabighaning ito ng kultura sa kamatayan. Sumulat siya "Isang imbensiyon noong Edad Medya, ang (seppuku) ay isang proseso kung saan ang mga mandirigma ay maaaring mapawalang sala sa kanilang mga krimen, mapatawad sa mga pagkakamali, makatakas sa kahihiyan, mawaging-muli ang kanilang mga kaibigan, o magpatunay sa kanilang kataimtiman." Bagaman ang ritwal na anyong ito ng pagpapatiwakal ay sa pangkalahatan, isang lipas na bagay na ginagawa pa rin ito ng ilan, alang-alang sa epekto nito sa lipunan.Sa kabilang panig naman, malaon nang minamalas sa Sangkakristiyanuhan ang pagpapatiwakal bilang isang krimen. Noong ikaanim at ikapitong siglo, itinitiwalag ng Simbahang Romano Katoliko ang mga nagpapatiwakal at pinagkakaitan sila ng mga seremonya sa libing. Sa ilang lugar, ang sigasig sa relihiyon ay nagbunga ng kakatwang mga kaugalian may kinalaman sa pagpapatiwakal kasali na ang pagbibitin sa bangkay, at maging ang pagtarak ng isang tulos sa puso.Balintuna nga, yaong nagtangkang magpatiwakal ay maaaring parusahan ng kamatayan. Sa pagsisikap na kitlin ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng paglalaslas ng kaniyang lalamunan, isang lalaking Ingles noong ika-19 na siglo ang binitay. Sa gayon ay nagawa ng mga awtoridad ang hindi nagawa ng lalaki. Bagaman ang parusa para sa tangkang pagpapatiwakal ay nagbago sa paglipas ng panahon, noon lamang 1961 ipinahayag ng Parlamentong Britano na hindi na krimen ang pagpapatiwakal at tangkang pagpapatiwakal. Nanatili itong krimen sa Ireland hanggang noong 1993.Sa ngayon, itinataguyod ng ilang awtor ang pagpapatiwakal bilang isang mapagpipilian. Isang aklat noong 1991 tungkol sa tinulungang pagpapatiwakal para sa mga may taning na ang buhay ang nagmungkahi ng mga paraan upang wakasan ang buhay ng isa. Nang maglaon, dumami ang mga taong gumagamit ng isa sa mga iminungkahing paraan bagaman wala namang taning ang buhay nila.
C.MGA EBIDENSIYA PARA SA MGA ARGUMENTO
Sa loob lamang ng isang taon, mga isang milyon katao sa buong daigdig ang nagpapatiwakal. Katumbas iyan ng halos isang kamatayan sa bawat 40 segundo!
55Gayunman, ang bilang ng pagpapatiwakal sa Estados Unidos, na 11.4 sa bawat 100,000 noong 1997, ay mababa sa pandaigdig na bilang na inilathala ng World Health Organization noong 2000 —16 sa bawat 100,000. Ang bilang ng pagpapatiwakal sa buong daigdig ay tumaas nang 60 porsiyento sa nakalipas na 45 taon. Subalit, hindi lubusang maiuulat ng estadistika ang buong situwasyon. Sa maraming kaso, ikinakaila ng mga miyembro ng pamilya na ang isang kamatayan ay dahil sa pagpapatiwakal. Isa pa, tinatayang sa bawat naisagawang pagpapatiwakal, sa pagitan ng 10 at 25 ang tinangka. Natuklasan ng isang surbey na 27 porsiyento ng mga estudyante sa haiskul sa Estados Unidos ang umamin na noong nakaraang taon, seryoso nilang pinag-isipan ang pagpapatiwakal; 8 porsiyento sa grupong sinurbey ang nagsabi na sila'y nagtangkang magpatiwakal. Natuklasan ng iba pang pagsusuri na mula 5 hanggang 15 porsiyento ng mga nasa hustong gulang ang minsa'y nakapag-isip na magpatiwakal.
5
5
Iniulat noong 1996 ng U.S. Centers for Disease Control na ang bilang ng mga pagpapatiwakal sa gitna ng mga Amerikano na may edad 65 at mas may-edad pa ay mabilis na tumaas nang 36 na porsiyento mula noong 1980. Ang ilan sa pagtaas nito ay dahil sa mas
maraming bilang ng may-edad nang Amerikano—ngunit hindi ito ang buong dahilan. Noong 1996 ang aktuwal na bilang ng pagpapatiwakal sa gitna ng mga mahigit sa 65 ang edad ay tumaas din nang 9 na porsiyento, sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 40 taon. Sa mga kamatayan na nauugnay sa pinsala, mas maraming may-edad nang Amerikano ang namatay dahil sa pagkahulog at pagkabunggo sa mga sasakyan. Sa katunayan, maging ang nakababahalang mga bilang na ito ay maaaring napakababa pa rin. "Ipinapalagay na ang pagpapatiwakal ay lubusang hindi binabanggit sa mga estadistika na salig sa sertipiko ng dahilan-ng-kamatayan," ang sabi ng "A Handbook for the Study of Suicide". Idinagdag pa ng aklat na tinataya ng ilan na ang aktuwal na bilang ay dalawang beses na mas mataas kaysa sa iniulat na estadistika. Ayon sa Center for Disease Control and Prevention sa mga taong may edad 10 hanggang 24 na taong gulang, ang pagpapakamatay ay pang-apat sa pinakamataas na dahilan ng kamatayan sa mundo o halos 4,600 na kaso ng suicide sa loob ng isang taon.45 posyento nito ay gamit ang iba't ibang uri ng baril, 40 posyento dahil sa suffocation, 8 porsyento ang dahil sa lason.Mayroong ilang mga risk factors na maaaring mag trigger sa pagnanais ng isang tao na wakasan ang kanyang buhay:
1.Maaaring may history na ito ng pagpapakamatay.
2.Meron nang kasaysayan sa ibang myembro ng pamilya ng suicide.
3.May kasaysayan ng depresyon at mental illness.
4.Gumagamit ng ipinagbabawal na gamot o di kaya'y pag inom ng alak.
5.May nangyaring hindi kaaya-aya sa kanyang buhay.
6.Madaling makahanap ng mga bagay na maaaring kumitil sa buhay nito.
7.Na expose sa suicide attempt ng ibang tao.
8.Pagkaka bilanggo.
Ang Depression na pinakakaraniwang dahilan upang magpakamatay ang isang tao. Kawalan ng pag-asa lalo na at hindi pa gaanong independent ang mga kabataan na nagiging dahilan upang mas madali itong sumuko sa buhay o frustration, Ffar o takot. Katulad na lamang ng takot na ipaalam ang kanilang pagkakatanggal sa scholarship, pagiging dalagang ina o ama, at marami pang iba. Psychosis , katulad ng Schizophrenia, Droga at Alak. Ang guilty feeling na nagiging dahilan upang naisin ng isang tao na takasan ang kanilang buhay. Ang Bullying lalo na sa mga social media at eskwelahan at Break up, kawalan ng dahilan upang mabuhay.
66
6
6
ANG SARILING POSISYON SA ISYU
A.UNANG PUNTO NG IYONG POSISYON
Kapag tinanong ninyo sa isang tao kung naisipan na ba niyang mag-suicide dahil sa kanyang mga problema, ang maaaring resulta ng inyong tanong ay ang pag-iisip niyang gawin ito, kahit na malayo ito sa kanyang iniisip bago mo pa siya natanong.
1.OPINYON SA UNANG PUNTO-Hindi ito totoo,sa totoo lang makaktulong pa tayo kung tayo ay mag tatanong sa mganakakaranas nito dahil naiisip nila na mayroong nakakaunawa sa kalagayan nila sa oras ng kabiguan ng buhay nila. Alam din ng mga taong may ganitong sitwasyon na may handang makinig na hindi matatakot o malilito kahit na ibahagi ang kanilang nararamdaman o saloobin.
2.MGA EBIDENSYA-Sina John at Mary ay malapit nang mag-60 at nakatira sa isang maliit na bahay sa kabukiran ng Estados Unidos. Si John ay unti-unting namamatay dahil sa emphysema at congestive heart failure. Hindi talaga lubos-maisip ni Mary ang buhay kung wala si John, at hindi niya makayanan ang kirot na nakikita siyang unti-unting nanghihina, na nangangapos sa paghinga. May mga suliranin din sa kalusugan si Mary at maraming taon nang nagdurusa dahil sa panlulumo. Nag-aalala si John nitong bandang huli dahil nagsasalita si Mary ng tungkol sa pagpapatiwakal. Ang kaniyang pag-iisip ay lalong nagugulumihanan dahil sa panlulumo at sa lahat ng gamot na iniinom niya. Sinabi niyang hindi niya makakayanan na isiping siya'y mag-iisa.Maraming gamot sa bahay—mga pildoras para sa puso, antidepressant, at tranquilizer. Isang madaling araw, si Mary ay nagpunta sa kusina at basta nagsimula na lang uminom ng mga pildoras. Hindi siya tumigil hanggang sa nakita siya ni John at inagaw ang mga pildoras mula sa kaniya. Tinawagan niya ang rescue squad habang unti-unti siyang nakoma. Nananalangin siya na sana'y hindi pa huli ang lahat.
B.IKALAWANG PUNTO NG IYONG POSISYON
ISANG KASALANAN ANG PAGPAPATIWAKAL
1.OPINYON SA IKALAWANG PUNTO-Wag magpatiwakal dahil ito ay isang kasalanan. Wag nating sayangin ang ating buhay dahil lamang sa kawalan ng pag-asa na malutas ang problema. Hiram lamang natin ang buhay natin sa Diyos kaya wag natin itong sasayangin. Ayon sa aking nabasa ang taong nag pakamatay ay mapupunta sa impyerno hindi dahil sa pagpapakamatay niya kundi dahil sa pambabaliwa niya sa kaligtisang pinagkaloob ni kristo. Kaya nanaisin nyo pabang magpakatiwakal.Isa itong malaking kasalan sa Diyos.
772.MGA EBIDENSYA-Ayon sa bibliya, kung ang isang tao ay magpakamatay hindi ito ang magtatakda kung makapapasok ba siya sa langit o hindi. kung ang isang hindi mananampalataya ay magpakamatay, wala siyang ginawa kundi ang padaliin ang kanyang pagpunta sa impyerno.
7
7
Gayon man, ang taong nagpakamatay ay mapupunta sa impiyerno hindi dahil sa siya ay nagpakamatay kundi dahil sa pagbalewala niya sa kaligtasang ipinagkakaloob ni kristo.Binanggit ng bibliya ang apat na partikular na mga tao na nagpakamatay: Saul(1 Samuel 31:4), Ahithophel (2 Samuel 17:23),Zimri(1 Hari 16:18),at Judas(Mateo 27:5).Bawat isa sa kanila ay masama, asal-demonyo, at makasalanan. Itinuturing ng bibliya ang pagpapakamatay na kapantay ng pagpatay sa tao (murder)-dahil ito ay pagpatay sa sarili. Ang Diyos lamang ang dapat na magdesisyon kung kailan at paano mamamatay ang isang tao. Kung kukunin mo ang desisyong iyon at ilalagay mo sa iyong sariling mga kamay, ayon sa bibliya, ito ay isang pagkutya sa Diyos.
C.IKATLONG PUNTO NG IYONG POSISYON
ISA SA PINAKAMALAKING DAHILAN NG PAG-PAPATIWAKAL AY ANG KAHIRAPAN SA ATING BANSA
1.OPINYON SA IKATLONG PUNTO-Ito ay isang malaking kalokohan at hindi dapat paniwalaan,dahil hindi ito totoo. Ang kahirapan ay hindi malaking dahilan ng pagpapatiwakal. Kagaya ng depression natatamaan ang lahat ng socio-economic status, at ang pagiging mayaman ay hindi garantiyang hindi magpapakamatay o hindi magiging depressed ang isang tao. Kahit po pag-aralan ang mga dahilan ng suicide, hindi sumasang-ayon ang mga pananaliksik na ang kahirapan ay dahilan ng pagpapakamatay ng isang tao. Ang kahirapan, kung sa pera lang ang pinaguusapan, ay hindi sapat na dahilan ng pagpapakamatay ng isang tao. Ang tunay na kahirapan (poverty) na maaaring maging epekto sa mga nagpapakamatay ay ang kakulangan ng gabay at pagmamahal sa kaniya ng pamilya o mga nakapaligid sa kaniya. Marahil ang maling paniniwalang ito ay ay dahil sa impluwensya ng media. Isang dahilan ay ang mga kuwento tungkol sa suicide ay siguradong makakakuha ng maraming mambabasa "good copy".Para tumaas ang interes sa storya, naghahanap ang iilang mga babasahin (newspapers, magazines) ng mga storyang talagang nakakaiyak, nakaka awa at tumatama talaga sa puso. Isa sa mga iyon ay ang sobrang kahirapan ng taong nagpakamatay.
2.MGA EBIDENSYA-Dahil sa mga bagay na nakapalibot sa isang tao na nagbibigay sa kanya ng depresyon katulad ng malaking problemang kinahahrap niya kaya humahantong ito sa masamang pagpapatiwakal.O kaya naman dahil sa mga bagay na nakaka impluwesya sa kanya na hindi maganda kaya sila ay nagpapatiwakal katulad ng problema sa pamilya o kaya naman sa karelasyon.Kung mahirap ang isang tao ay gagawa ito ng paraan para kumita ng pera katulad ng pag kapit ng iba sa patalim at pagtatrabaho sa ibang bansa.Kaya walang koneksyon ang pagpapatiwakal sa kahirapan ng isang tao.
88
8
8
KONKLUSYON
A.BUOD NG IYONG POSISYON
Sa mga nakalipas na mga taon mas lumala pa ang pagpapatiwakal sa ating bansa.Dito makikita natin na parang wala ng lunas ito,ngunit maraming paraan para maiwasan ito sabi nga nila"prevention is better than cure".Katulad na lamang sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga mabubuting kaibigan,sa pamamagitan nito makakaiwas ka sa mga problema na magdudulot sayo ng depresyon.Isa pa ang pagpapatiwakal ay hindi isang solusyon para makatakas ka sa isang problema,bagkus ay dumadag pa nga ito ng isa pang problema.Ang pagpapatiwakal ay isang kasalanan sa ating Diyos,dahil lumalabas na hindi natin siya sinusunod.Kaya wag natin gawin ito kung ayaw nating mapalayo sa kanya.Kahirapan ang dahilan kung bakit nag papakamatay ang isang tao.Hindi ito totoo dahil wala namang koneksyon ang kahirapan sa pagpapakamatay at hindi rin ito sapat na dahilan para gawin ito ng isang tao.
B.PLANO NG PAGKILOS
Para sa akin ang dapat natin gawin ay ang umiwas nalang tayo sa mga taong maghahatid sa atin ng problema o kaya naman kong meron tayong nakahalobilong taong sobrang laki ng problema tulungan natin syang labanan ang kinahaharap niyang problema,para iwasan niyang magpakamatay o mag-patiwakal,dahil siguradong alam nating makokonsensya tayo kung hindi man natin sya tutulungan. Para mas lalong makaiwas tayo dito umiwas tayo sa negative-vibes at puro positive-vibes ang ilabas natin para ma-kontrol natin ang problemang ito.At lakasan mo rin ang iyong confidence sa iyong sarili,kung malala na ang iyong depresyon mag patingin ka na sa psychiatrist para ang isipan mo ay maliwanagan ng husto.
99
9
9
(POSITION PAPER)
PAGPAPATIWAKAL
IPAPASA NI: IPAPASA KAY:
BEVERLY C. MANAGAYTAY CECILIA L. BONUS
10-NEWTON
11
1
1
SANGGUNIAN
MULA SA INTERNET:
Areglado Z.https://zayraareglado.wordpress.com/2016/10/17/kahirapan-sa-pilipinas/ (February 10,2019)
Estonilo A.J. http://www.academia.edu/31792163/POSITION PAPER IN ESP (February7, 2019).
https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102001761, g01 10/22 p. 3-4(Watchtower online library, 2001) February 7,2019
https://www.dobolp.com/teen-suicide-laganap-sa-buong-mundo/January 29, 2015(February 8,2019)
https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102000121(Watchtower online library, Pagpapatiwakal—Ang Nakakubling Epidemya Gumising!—2000).February 8,2019
1010
10
10
TALAAN NG NILALAMAN
I. PAGPAPATIWAKAL
I I. Panimula…………………………………………………….. 3
III.Ang argumento sa isyu……………………………………… 4
IV.Ang sariling posisyon sa isyu………………………………. 7
V.Konklusyon………………………………………………….. 9
VI.Sanggunian………………………………………………… 10
2222
2
2
2
2
.