Republika ng Pilipinas Lungsod ng Quezon
) ) S.S.
PINAGSAMANG SINUMPAANG-SALAYSAY
Kami, sina JUVIC CADIAO at FERNADO ROLLAN ROMERO, kapwa nasa hustong gulang, Filipino, at nakatira sa Block 1 Lot 2 Brgy. Narra San Jose De3l Monte City, Bulacan at Lot 29 Block 15, Brgy. Mulawin, San Jose Del Monte City, Bulacan , matapos na kapwa manumpa ng naayon sa saligang batas, na kapwa nagsasabi: 1. Na, personal naming kilala si EDWIN LARA REONAL na nagsampa ng reklamo laban kay ARLENE COQUIA ANDRES sa kasong Estafa; 2. Na petsa 27 ng Pebrero taong 2015, bandang alas 10 ng umaga sa kahabaan ng 3 rd Avenue, tapat ng Camp Crame, Quezon City, kapwa po kami naroon na kasama ni Mr. REONAL ng alukin ni Mrs. ANDRES si Mr. REONAL na mag file ng loan; 3. Narinig namin nong una ay tumatanggi si Mr. REONAL sa alok ni Mrs. ANDRES dahil sa may existing loan pa ito mula sa AMWSLAI, at bukod dito ay hindi nya dala ang kanyang ATM Bank Card na naiwan sa isa nyang bahay sa San Jose Del monte City, Bualacan, ngunit dahil sa sinabi ni Mrs. ANDRES na tutulong siya na mapabilis ang pag-approve pag-approve at release ng pera nito dahil sa mayroon daw syang koneksyon sa AMWSLAI, napapayag din po si Mr. Reonal na mag file ng loan; 4. Sumama kami sa Villamor Air Base sakay ng taxi kung saan dun kami isinama ni Mrs. ANDRES na magfile ng loan si Mr. REONAL, at matapos ang maghapong proseso ng loan, nalaman po naming mula kay Mrs. ANDRES na narelease na po ang pera bilang laon proceed po ni Mr. Reonal na nagkakahalaga na Php. 644,302.67, ang bag na kung saan inilagay ang pera na iniloan ay si Mrs. ANDREs po ang syang nagbitbit at kami po ay sumakay na ng taxi papunta sa bahay ni Mr. REONAL sa San Franciso San Jose Del Monte, Bulacan, upang kunin ang ATM Bank Card ni Mr. REONAL na ipinangako kay Ms. ANDRES; 5. Ngunit dahil sa kundisyon ni Mr. Reonal bilang stroke survival, ininda nya ang pagod at humingi ng pabor kay Ms. ANDRES na kung maari ay ibaba na lamang sya sa 1 st West, Crame San Juan City, at ipagpabukas na l;an gang pagkuha ng kanyang ATM card sa Bulacan; 6. Pumayag si Mrs. ANDRES, ngunit hiniling na sya ang hahawak ng pera bilang seguridad habang wala pa ang ATM Card sa kamay nya, ngunit nag bigay na muna ng paunang halagang Php.5,000.00 si pangkain at pamasahe ni Mr. REONAL; 7. Pagdating sa 1 st West Crame, San Juan City, sumabay na kami bumaba kasama si Mr. REONAL at doon ay malapit sa bahay ng ama ni Mr. REONAL kami nagkahiwalay pauwi kungsaan ay nag-bigay din ng pamasahe sa amin si Mr. REONAL mula sa Php.5,000 na binigay ni Mrs. ANDRES.
8. Pansamantala ng gabing yun doon kami sa transient ng Camp Crame natulog, at pagdating ng kinabukasan ay muli naming sinamahan si Mr. REONAL upang kunin ang ATM Card sa bahay nya sa Bulacan; 9. Nang araw din na iyon, kami ay dumeretso sa opisina ni Mrs. ANDRES No. 12 3rd Ave., Brgy. Bagong Lipunan, Quezon City, upang kunin ang pera na niloan ni Mr. REONAL, ngunit sa di malaman na dahilan ay di naibigay ni Mrs. ANDRES ang pera kay Mr. REONAL at ilang beses kami pinababalik balik sa kanyang opisina, hanggang sa lumipas ang ilang buwan ay itinatanggi na ni Mrs. ANDRES ang pera na dapat nyang ibigay kay Mr. REONAL. 10. Na kapwa naming ginawa ang pinagsamang sinumpaang-salaysay na ito sa ano man legal na mapag gagamitan nito. 11. Na bilang katotohanan ng mga nabanggit sa itaas, aming nilagdaan ang aming pangalan sa ibaba ngayon ika ____ ng ______________2017 dito sa Lungsod ng ____________.
JUVIC CADIAO Affiant ID No._________ Issued on ______ Issued at _______
FERNADO ROLLAN ROMERO Affiant ID No.________________ Issued on ______________ Issued at_______________
SUBSCRIBED AND SWORN to before me this 16 h day of June 2017, in the Quezon City, Philippines, affiant having exhibited to me his/her community tax certificate with no. ________________________. issued on ________________at ___________.
Doc. No. ________; Page No. ________; Book No.________; Series of 2017.
Notary Public