Panukalang Proyekto
Panukalang Proyekto:
Handog Ligaya
Proponent ng Proyekto:
SSG 2017-2018
[email protected]
Kategorya ng Proyekto:
Kilusang Panlipunan (Outreach Program)
Petsa:
Disyembre 16, 2017
Rasyonal ng Proyekto:
Alinsunod sa pagdiwang ng pasko, nilalayon ng kilusan (SSG) na maipadama sa mga estudyante ang tunay na halaga ng kapaskuhan ang pagbibigayan at pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng kilusang panlipunan.
Layunin ng Proyekto ay ang mga sumusunod:
1. Linangin ang mga kakayahan ng bawat estudyante sa pagiging aktibong miyembro ng lipunan at tumuon sa paglilingkod sa bayan. 2. Makapagbahagi ng mga biyaya at kaligayahan sa kapwa na nagpapakita ng pagkamakatao.
Deskripsiyon ng Proyekto
Ang Handog Ligaya ay isang kilusang panlipunan kung saan hinihikayat ang lahat sa pagbabahagi ng anumang bagay (aklat, damit, sapatos at iba pa) luma man o bago na maaring ibigay. Lahat ng donasyon ay ipamamahagi sa napiling paaralan ang Santa Clara Elementary School. May isasagawa ring programa ng pagpapakain, mga laro, kantahan at sayawan na pamumunuan ng SSG at mga boluntaryo. Ang panukalang proyekto ay isasagawa sa ika-16 ng Disyembre, ganap na 8:00 am hanggang 2:00 pm sa Santa Clara Elementary school.
Kinakailangang Badget sa Proyekto Php 7 5000.00 Dekorasyon Tarpolin Mga premyo para sa laro Pagkain Kabuoang halaga
800.00 500.00 1 000.00 5 000.00 Php 7 300.00