Proyekto Sa Filipino XII Ipinasa ni: Guia Mae V. Estellena Grade XII – ABM – C
Ipinasa Kay: Gng. Ninfa Tejares Guro sa Filipino XII
PANUKALA SA PAGPAPAGAWA NG DRAINAGE SYSTEM PARA SA BARANGAY 1, HINIGARAN
Mula kay Guia Mae V. Estellena Sitio Ubay Barangay 1 Hinigaran, Negros Occidental Ika-28 ng Setyembre 2017 Haba ng Panahong Gugulin: apat na buwan
I.
Pagpapahayag ng Suliranin Ang Barangay 1 ay isang parte ng baybaying bahagi ng Hinigaran
kung
saan
maraming
hanapbuhay
ang
madaling
pagkakitaan. Mabilis ang pag-unlad ng barangay dahil ito ang sentro ng kalakalan ng bayan subalit unti-unti narin nagsusulputan ang mga malalaking gusali at imprastraktura sa lugar. Isa sa mga suliraning nararanasan ng barangay ay ang pagbaha tuwing panahon ng tag-ulan. Ito ay nagdudulot ng malaking pinsala sa mga mamamayan. Isa sa pangunahing sanhi ng pagbaha ay unti unting pagkaubos ng mga punong kahoy sa lugar. Dahil dito nangangailangan ng drainage system ang barangay upang maiwasan ang mataas na pagbaha. Kung ito ay mapapagawa tiyak na di na mahihirapan at di na kinakailangan na sumulong sa baha ang mga mamamayan. Kailangan ang proyektong ito ay maisagawa sa lalong madaling panahon para sa kapakanan ng lahat.
II.
Layunin Makapaggawa ng darainage system na makakatulong na maiwasan ang pagbaha sa barangay na siyang nagiging pinsala sa mga tao at sa kanilang mga hanapbuhay.
III.
Plano na Dapat Gawin
1. Pagpapasa, pag-aaproba, at pagbigay ng badyet. (isang linggo) 2. Pagsasagwa ng pagsisiyasat. (tatlong lingo)
Pagkokolekta ng mga datus na kadalasang intensidad ng ulan at ng libel ng pagbaha sa barangay.
Pagkalkula ng resulta ng paglabas ng tubig na dumadaloy sa mga kanal papuntang drainage.
Pagsagawa ng bidding mula sa mga contractor at ang kanilang pagsumite ng kanya-kanyang tawad para sa pagpapagawa ng drainage system.
3. Pagpupulong ng mga konseho ng barangay. (isang araw)
Sa araw na ito opisyal na ipapahayag ang napiling contractor na gagawa ng drainage system.
4. Pagpapagawa ng drainage system sa ilalim ng pamamahal ng konseho ng Barangay 1. (tatlong buwan) 5. Pagpapasinaya at pagbasbas ng drainage system. (isang araw)
IV.
Badyet Mga Gastusin I.
Halaga
Halaga sa paggawa ng drainage system batay sa isinumite ng napiling
Php 3,500,000.00
contractor. (lahat ng mga materyales) II.
Suweldo ng mga trabahador
III.
Gastusin para sa papasinaya at pagbasbas nito.
Kabuuang Halaga
Php 1,220,000.00 Php 30,000.00 Php 4,750,000
V.
Konklusyon Ang pagpapagawa ng drainage system sa Barangay 1 ay magiging kapaki-pakinabang sa lahat ng mamamayan. Ang pinsala na dulot ng baha ay masosolusyunan na. Di na makakaranas ng pagbaha ang mga mamamayan na tunay na nagdudulot ng malaking epekto sa kanilang mga hanapbuhay tuwing tag-ulan. Higit sa lahat di na nila kailangan sumulong sa baha na siyang minsan nagiging dahilan ng kanilang sakit. Gayundin, patuloy na magiging maayos ang daloy pang araw araw na buhay ng mga mamamayan sa barangay.