Notes on Ligaya ng Pagiging LugamiFull description
Hope it can help..just indicate that you've got it from this site and pls append my name.thank youFull description
Isang pagsusuri ukol sa paggamit ng wikang Ingles sa iilang mga librong romansang popular
Nobela
Novelus (Latin) , Novella (Italyano)
Itinuturing na supling o kaugnay na kasaysayan (Servando Delos Reyes,1974)
Isang anyo ng panitikan panitikan na nagtataglay ng maraming ligaw na tagpo, maraming tauhan at nangangailangan ng mahabang kawing ng panahon. Kwentong pinahaba ng maaaring hindi makatotohanang kasaysayan subalit maaari rin namang nangyari. Madalas na ginagamit ginagamit na behikulo sa pang-uyam, pagtuturo o pagpapaliwanag sa pulitika at relihiyon o pagbibigay ng mga impormasyong teknikal. Tinatawag na kathambuhay.
Mga Layunin: 1. Manlibang sa pamamagitan ng sunud-sunod na pangyayari na inilalarawan ng kalikasan at mga hibla ng madamdaming pag-uulat. 2. Magbinhi ng simulaing nais pagbungahin ng may-akda. 3. Magdulot ng aliw aliw sa mga mga mambabasa o maglahad ng isang panganib na dapat iwasan at layunin. 4. Magbigay ng aral sa mga mambabasa o magpaalab sa damdamin ng isang inaapi. 5. Lumutas ng suliraning pambayan at panlipunan.
Sangkap: 1. Banghay
2. Mga Tauhan
3. Tagpuan
4. Tema – tumutukoy sa kaisipang iniikutan ng nobela (sentral na ideya)
Mga Uri: 1. Nobela ng Tauhan – pinangingibabaw ang mga pangangailangan, kalayaan at hangarin ng mga tauhan. 2. Nobela ng Pangyayari – ang binibigyang-diin ay ang mga pangyayari. 3. Nobela ng Romansa – binibigyang-pansin ang pag-iibigan o romansa at tumatalakay sa lahat ng uri ng pag-ibig (sa bayan, Diyos, kapwa-tao, magulang, kapatid, kasintahan , etc.) 4. Nobela ng Kasaysayan/ Historikal – binibigyang-diin dito ang kasaysayan ng bayan/pook (ang nakaran o mahahalagang pangyayaring may kaalaman sa kasaysayan nito.) - naglalarawan ito ng mga pagmamahal at pakikipaglabang ginawa ng ating mga bayani para sa minimithing kalayaan ng Inang Bayan. 5. Nobela ng Pagbabago – binibigyang-diin dito ang mga layunin ng may-akda o mga ninanais na pagbabago sa pamahalaan at lipunan. 6. Nobela ng Layunin – binibigyang-diin ang mga layunin at simulating mahahalaga sa buhay ng tao. 7. Nobelang Masining / Makabanghay – nobelang may mahusay na pagkakahanay at pagtalakay sa mga pangyayari. - taglay rin nito ang mahusay na paglalarawan ng pagkatao ng mga tauhan. Mga Katangian ng Nobela: 1. nagtataglay ng kwento o kasaysayan 2. pag-aaral o pagmamasid sa mga gawa at kilos ng mga tauhan 3. gumagamit ng malikhaing guni-gini.
Kasaysayan ng Nobela
1900 – sinasabing tunay na panahon ng nobela sa Pilipinas