Nepotismo o Palakasan System Sa pagmamasid sa ating palagid, mapapansin natin ang isang sistema na bagama’t simple ay malala. Makikita ang sistema ng palakasan o nepotismo na isa sa mga talamak na pandaraya o panghihigit. Ano nga ba ang nepotismo?Saan ba natin ito madalas makita sa pang araw-araw nating pamumuhay? Ano ba ang nagiging epektong naidudulot nito sa taong nabibigyan ng ganitong pabor? Paano kaya natin mababawasan ang ganitong di pantay na pagtingin o dili kaya’y paano ito maaalis upang maging pantay-pantay na ang pagtrato sa kahit sinong mamamayan na nabubuhay dito sa mundong ibabaw? Sa aking pananaliksik, nalaman ko ang nepotismo ay isang anyo ng paboritismong ibinibigay sa mga kamag-anak o mga kaibigan, na hindi tinitingnan o sinusukat ang kanilang pagiging karapat-dapat. Ito ang gawain ng isang nanunungkulan o may kapangyarihang tao na pagpabor o paglalaan ng biyaya o posisyon sa malalapit na mga kamag-anak at mga kaibigan. Ang isang halimbawa nito ay ang pagpili ng mga kakamag-anakan upang maitalaga sa isang tungkulin, tanggapan, o hanapbuhay. Ang ganitong kalagayan ay mararanasan at makikita rin sapag aaplay sa trabaho, sa pamahalaan, sa kulungan at maging sa paaralan. Ang iba namang tao ay gumagamit ng pagkakamag-anak nila para masunod sila. Isang halimbawa ay ang pagkuha ng trabaho. Malimit ay hindi na pumipila ang ilang mamamayang nag-aaplay ng trabaho dahil sa pribilehiyo na natatanggap nila. Nagagawa nilang sikmurahin ang paghihirap ng mga aplikanteng pumipila nang maghapon makahanap lamang ng trabaho. Isa pang halimbawa ay ang pagtakas sa kaso. Nagiging routine na para sa mga tao na kapag anak ng isang kilalang tao, sabihin natin alkalde ng isang lugar, ay papakawalan sa kasong kanyang kinakaharap at nakakatakbo rin responsibilidad na dapat na hinaharap. Nakakalungkot lang isipin na hindi ito napapagtuunan ng pansin ng pamahalaan marahil sila rin ang sangkot sa mga isyung ganito. Isa pang halimbawa ay pagpapabor sa mga tagasuporta, halimbawa sa trabaho sa gobyerno. Ito ay maaaring lehitimo gaya kapag ang isang bagong nahalal na pamahalaan ay nagpapalit ng mga mataas na opisyal sa administrasyon upang mapatupad ng epektibo ang mga patakaran nito. Ito ay nakikitang isang pagkakamali, kung ang mga walang kakayahang mga tao bilang kabayaran sa pagsuporta ng administrasyon ay napili bago sa mga mas may kakayahang mga indibidwal. Sa karamihan ng mga hindi demokrasya, ang maraming mga opisyal ng gobyerno ay kadalasang pinipili para sa kanilang katapatan sa halip na kakayahan. Sa paaralan, makikita ang ganitong sistema lalo na sa pagbibigay ng scholarship sa mga batang wala namang tunay na kakayahan subalit dahil lang sa mga taong inilalagay nilang mga character reference at kilala o dili kaya’y kamag-anak ng isang may mamataas na katungkulan, mas naibibigay ang pribelehiyo dahil lamang sa simpleng pagkakamag-anak o kakilala. Kung pagbabasehan ang mga halimbawa ay masasabi natin na tunay ngang talamak na ito sa ating lipunan.
Ilan sa mga masasamang epekto ng sistemang nepostismo sa isang indibidwal ay ang mga sumusunod. Gawin nating batayan ang isang empleyadong magaling sa isang kompanya. Una, kapag tinaas ng may-ari ng kompanya ang posisyon ng isang bagong empleyado na paborito niya, maaaring bumaba ang morale ng iba pa niyang empleyado. Pangalawa, kapag naapektuhan masyado ng paboritismo ang isang mahusay na empleyado, maaaring mawalan siya ng ganang magtrabaho at baka iwanan ang kanyang pinagtatrabahuhan. Pangatlo, kapag nakitaan ng isang beteranong empleyado ang kamag- anak ng may- ari ng kompanya na mali ang ginagawa sa trabaho, sila ay mahihirapang itama sila sapagkat maaari sabihan sila na sila ay di kamag- anak ng may-ari. At panghuli, maaaring dahil sa pagiging malapit sa isa’t isa, maaaring mawalan ng “privacy” ang mga kompidensyal na dokumento ng isang kompanya. Sa kabilang banda ang mga mabubuting epekto ito ay ang mga sumusunod. Una, mas bababa ang guguguling salapi sa pagsasanay ng mga empleyado. Pangalawa, mas mataas ang magiging lebel ng tiwala at moral sa mga empleyado. Panghuli, bababa rin ang porsiyento ng pagpapalit ng kawani at mapapaunlad rin ang kabuhayan ng mga kamag- anak. Kung susuriin, makikita natin na mas marami ang mga masasamang epektong dulot ng nepostismo sa ating lipunan. Ilan sa mga paraan upang mabawasan ito sa trabaho ay una, bilang isang may-ari ng kompanya, dapat ay ibase ang kakayanan ng isang indibidwal sa kanyang pagiging karapat-dapat para sa promotion Pangalawa, pairalin ang propesyonalismo. Pangatlo, mag-aalok ng isang sesyon ng pagsasanay sa kung ano ang paboritismo, kung bakit ito ay pumipinsala, at kung ano ang mga dapat gawin ng mga empleyado kung makita nila ito sa opisina. Kung ang iyong mga empleyado ay malinaw sa kung ano ang hahanapin, ang mga ito ay mas malamang na i-ulat ito kung makita nila ito. Pang-apat, kung matuklasan mo na ang paboritismo ay nagaganap sa iyong kumpanya, ang pinaka-mahalagang bagay ay tiyakin na ito tumigil. Kung ang isang tao ay lumalabas sa isang paratang ng paboritismo, huwag pansinin ito. Ipunin ang mga ebidensya at isaalang-alang ito para mailabas ang katotohanan sa paratang.m Ang nepotismong ay sistemang kinagisnan natin saan man dako tayo tumingin. May mga mabuti at masamang epektong dulot ito sa taong nakakaranas nito. Sa aking pananaw, nasa tao pa rin kung paano niya tatanggapin ito at kung ano ang magiging parte niya sa patuloy o pagsupil ng paglaganap nito sa kasalukuyan. Tandaan natin na ang nepotismo ay bumabalakid sa ating pag-unlad bilang isang bansa at bilang mamamayan. Tayo ay inatasan ng tungkulin na isipin ang kapakanan ng lahat at hindi sarili lamang. Oo nga’t masasabi ng ilang tao na sila ay umuunlad dahil sa nepotismo ngunit ito ay pansariling kabakinabangan lamang at hindi para sa lahat. Ang isang sistemang ay magiging maganda at kapakipakinabang kung ang bawat isa ay magiging parte ng pag-unlad nito.
Pagtangkilik o Padrino na tumutukoy sa Ang pagpapabor sa mga kamag-anak (nepotismo) o personal na mga kaibigan (kronyismo) ng isang opisyal ng pamahalaan ay isang anyo ng isang hindi lehitimikong kapakinabangang pampribado. Ito ay maaaring samahan ng panunuhol halimbawa sa paghiling ng isang opisyal ng pamahalaan sa isang negosyo na magbigay trabaho sa isang kamag-anak ng opisyal na kumokontrol sa mga regulasyon na umaapekto sa negosyo.
o di kaya’y sa mga nagsusuhulan. Ito ang gawain ng isang taong may kapangyarihan na nagpapabor ng isang kahilingan sa ibang mga tao. Kung susuriin natin, napakadaya ng sistemang ito sapagkat ang mga taong, sabihin natin ay nahuli sa kalsada, ay nakatatakas lamang dahil sa mga suhol na binibigay sa mga pulis na nanghuhuli. Dapat ay isaalang-alang natin na lahat tayo ay pantay- pantay . Walang sinuman sa atin ang nakaangat sa batas. Ang nepotismo ay makikita sa
Ating balikan ang tunay na silbi ng batas. Ang batas ay ginawa upang maging organisado at disiplinado ang mga mamamayan. Ito ay ipinatupad para sa lahat ng tao at walang sinumang makaaangat dito maging mayaman, mahirap, kilala, at kahit na presidente. Ngunit sa paglipas ng panahon ay patuloy na sumusuway ang ilang mamamayan. Ginagamit nila ang kahirapan ng isang tao para lamang masunod ang gusto nila. Papaano? Pera. Sino nga bang hindi mahahalina sa pera? Ginagamit nila ito upang makalagpas sila sa isang kasong nagawa nila, makatakas sa mga traffic violations at iba pa. Isa sa mga nakakainis na raline ng mga kumakandidato sa eleksyon ay, “Lahat tayo ay uunlad. Walang Pilipinong maghihirap”. Kung iisipin natin,
isa sa mga dahilan ng kahirapan ng Pilipinas ay ang mga pagsusuholan. Ito rin ang dahilan ng pagkawala ng mga tapat na mga manggagawa. Dahil dito, nagmumukha tayong mga taong nabibili ng pera. *Para sa mga taong nagsasabing wala nang nagawang mabuti ang gobyerno sa bansa natin, mag-isip muna sila. Mabuti sana kung sila mismo ay sumusubok gumawa ng pagbabago. Kung titingnan natin ang mga mamamayan rin ang nagsisimula ng sistemang nepotismo sa ating lipunan. Sila ay may pinakamataas na populasyon sa bansa at may pinakamataas ring probabilidad ng paggawa nito.
[1] Ang salitang nepotismo ay nagmula sa salitang Latin na nepos na may kahulugang "pamangkin na lalake". Ang salitang nepotismo ay nagmula sa pagsasanay sa Simbahang Katoliko Romano noong Mga Gitnang Panahon nang ang ilang mga papa ng Simbahang Katoliko Romano na kumuha ng panata ng selibasiya at kaya ay walang mga sariling anak ay nagbigay sa kanilang mga pamangkin ng mga posisyon ng preperensiya sa pagka-kardina Ang ilang mga papa ay naglagay ng kanilang mga pamangking lalake at iba pang mga kamaganak sa posisyon ng kardinal. Kadalasan, ang gayong mga paghirang ay paraan ng pagpapatuloy ng dinastiya ng papa. Halimbawa, si Papa Calixto III na pinuno ng pamilyang Sambahayan ng Borgia ay gumawa sa kanyang dalawang mga pamangkin na mga kardinal. Ang isa sa mga ito na si Rodrigo ay kalaunang gumamit ng kanyang posisyong kardinal bilang isang hakbang tungo sa kapapahan at naging Papa Alejandro VI.[5] Pagkatapos nito, ginawa naman ni Papa Alejandro VI si Alessandro Farnese na kapatid ng kanyang kerida bilang kardinal. Si Farnese ay kalaunang naging Papa Pablo III. [6]
Si Papa Pablo III ay lumahok din sa nepotismo. Halimbawa, kanyang hinirang ang kanyang mga pamangking lalake na may edad na 14 at 16 bilang mga kardinal. Ang pagsasanay ng nepotismo sa kapapahan ay nagwakas nang maglabas si Papa Inocencio XII ng isang bull ng papa na Romanum decet Pontificem noong 1692.[4] Ang bull na ito ay nagbabawal sa mga papa na magkaloob ng mga estado, opisina o sahod sa sinumang kamag-anak na may ekspepsiyon sa mga kwalipikadong kamag-anak na maaaring gawing kardinal. Kasabay nito, ang Simbahan ng Silangan mula ika-16 hanggang ika-19 siglo ay gumawa sa Patriarka na isang namamanang pamagat na naipapasa mula sa Patriarkang tiyuhin tungo sa pamangking lalake. Gayunpaman, ang pagkilos na ito ay sinimulan sa pagkakawasak ni Timur ng mga monasteryong nestoryo sa buong Asya(na ang mga monghe ang mahalagang pinagkukunan ng mga pari at patriarka para sa Simbahang ito) sa pagtatangka na magarantiya ang pag-iral ng isang patriarka. Ito ay napatunayang isang katalista para sa pagkakabahagi na umiiral hanggang sa kasalukuyang panahon sa pagitan ng mga Katolikong Kaldeo at mga Asiryong Nestoryo.
-Pagtangkilik o Padrino[baguhin | baguhin ang batayan] !Pangunahing lathalain: Nepotismo, Kronyismo, at Paboritismo Ang Pagtangkilik o Padrino na tumutukoy sa pagpapabor sa mga tagasuporta, halimbawa sa trabaho sa gobyerno. Ito ay maaaring lehitimo gaya kapag ang isang bagong nahalal na pamahalaan ay nagpapalit ng mga mataas na opisyal sa administrasyon upang mapatupad ng epektibo ang mga patakaran nito. Ito ay nakikitang isang korupsiyon kung ang mga walang kakayahang mga tao bilang kabayaran sa pagsuporta ng administrasyon ay napili bago sa mga mas may kakayahang mga indibidwal. Sa karamihan ng mga hindi demokrasya, ang maraming mga opisyal ng gobyerno ay kadalasang pinipili para sa kanilang katapatan sa halip na kakayahan. Ang pagpapabor sa mga kamag-anak (nepotismo) o personal na mga kaibigan (kronyismo) ng isang opisyal ng pamahalaan ay isang anyo ng isang hindi lehitimikong kapakinabangang pampribado. Ito ay maaaring samahan ng panunuhol halimbawa sa paghiling ng isang opisyal ng pamahalaan sa isang negosyo na magbigay trabaho sa isang kamag-anak ng opisyal na kumokontrol sa mga regulasyon na umaapekto sa negosyo. Ang pinakasukdulang halimbawa ay kung ang buong estado ay namamana gaya ng sa Hilagang Korea o Syria. Ang isang mas maliit na anyo nito ay sa Good ol' boys sa Katimugang Estados Unidos kung saan ang mga kababaihan at minoridad ay hindi isinasama. Ang mas katamtamang anyo ng kronyismo ay ang "old boy network" kung saan ang mga hinirang sa mga opisyal na posisyon sa pamahalaan ay napipili lamang mula sa isang malapit at eksklusibong network na panlipunan gaya ng mga alumni ng mga partikular na unibersidad sa halip na sa paghirang ng pinaka may kakayahang kandidato.
Kung pagbabasihan lamang ang mga naunang data na masama kaagad ang ideya na pumpasok sa isip ng mga mamamayan kapag narinig ang “political dynasty.” Ito ay sa kadihilanang marami sa mga angkan na ito ay naeexpose lamang sa tuwing nakagawa sila ng masama o mga karumaldumal na krimen.
Sa sinagawang pag-aaral ng mananaliksik sa lungsod ng San Juan ay nakita ng mga mananaliksik ang magandang epekto nito sa kanilang ekonomiya. Sa pagtataya ay hindi lageng masama ang epekto ng isang political dynasty may maganda rin namang itong naibubunga. Depende lamang ang bunga ng kanilang pamumuno sa layunin ng kanilang angkan. Kung may maganda silang layunin ay maganda rin ang nagiging epekto ng kanilang pamumuno sa bayan kung ang layunin lang nila ay ang payamanin ang saril at magkaroon ng kapangyarihan dito nagkakaroon ng mga negatibong epekto sa kanilang pamumuno.
II. Rekomendasyon
Habang wala pang batas na sumusuporta sa pagtutol sa isang “political dynasty” ay hindi ito maaring maihinto kahit marami pa ang tumututol dito. Hindi lahat ng political dynasty ay masama ang naibubunga may ilan din namang maganda ang naibubunga para sa lugar na
nasasakupan. Ang pagsuporta dito ay dapat ibase sa kanilang layunin para sa lugar at sa mga nagawa ng angkan na iyon para sa lugar na nasasakupan. Dapat tignan kung ipinagpapatuloy ng magkakapamilya ang maganda nilang nasimulan o ginagawa nalamang nila iyon para sa kayamanan, kapangyarihan at posisyon. Dapat pag-aralan ng mabuti ng mga botante lalo na ng mga kabataan ang mga angkan at mga politikong ito sapagkat ito ang magpapasya sa magiging pag-unlad ng bansa.
-Sadyang napakahirap na ring humanap ng trabaho sa ngayon at alam ba ninyo kung paano mas magiging madali ang inyong pagkakapasok sa trabaho? Iyon ay kung may kakilala ka sa isang kompanya at depende pa rin yun sa posisyon nya sa kompanyang iyon. Mga katoto, hindi lang sa mga kompanya nangyayari yan pati sa pagpasok sa paaralan ganyan din ang sistema… palakasan at paramihan ng kakilala.
Sa gobyerno ay ganyan rin. Mas marami ang kakilala mo mas madali kang makakapasok sa serbisyo sa gobyerno. Kalimitan nga kahit wala kang “civil service eligibility” pasok ka na. Ikaw anu sa palagay mo? Naranasan mo na ba ang ganito o sawang-sawa ka ng marinig ito.
Sa totoo lang hind naman talaga kailangan ang backer o paramihan ng kakilala para makapasok sa isang trabaho lalo na sa gobyerno. Diba pards may tinatawag naming “character reference” na nagsisilbing mga tao na pwedeng tanungin ng kompanya hingil sa karakter ng taong gustong pumasok. At mga kaibigan ating tandaan ito po ay “character reference” at hindi po “passes” para makapagtrabaho. Napapansin ko kasi sa mga nagpapagawa ng “resume” na minsan pa nga e hindi mabigkas ng tama yung salitang ito eh pataasan ng posisyon at patanyagan ang kanilang reference. Kung pwde nga lang na pati si George Bush e ilagay dun nilagay na para lang maipakita na sila ay sikat at kakilala nila o kilala sila ng taong yon.
-Ipagbabawal na ang midnight appointments at nepotismo sa gobyerno sa sandaling maisabatas ang panukala ni Senator Tessie Aquino-Oreta.
Sa ilalim ng Senate Bill No. 2132 o ang panukalang Civil Service Code of the Philippines ni Sen. Oreta, ipagbabawal ang pagtatalaga ng isang appointing authority sa kanyang mga kamaganak hanggang sa third degree of consanguinity o affinity sa anumang posisyon sa mga pambansang ahensiya, pamahalaang lokal, state universities at colleges at goverment-owned and controlled corporations.
Bukod sa nepotismo, mahigpit ding ipinagbabawal sa naturang panukala ang paghirang ng mga outgoing government officials, tatlong buwan bago ito umalis sa puwesto, sa sinumang tao o indibidwal para magkaroon ng posisyon sa gobyerno.
Layunin din ng nabanggit na panukala na maalis ang sistema ng palakasan o "bata-bata" system sa gobyerno. (Rudy Andal)