Korek Ka Diyan!
B. Dapat mong tandaan…
Ang tekstong narativ ay: • naglalahad ng mga impormasyon tungkol sa mga tiyak na pangyayari; • pagsasalaysay ng mga pangyayaring pinag-ugnay ng mga kalagayang tumuturol ng ano, sino, kalian, saan at paano. Ang kawing-kawing na pangyayari sa teksto ay nag iinterak upang mabuo ang kwento o nareysyon; • naglalayong magbigay-kabatiran, magturo, manghikayat, magpaganap o magbigaykaaliwan; • nararapat na maging maikli, kawili-wili sa mambabasa at sadyang nakakahikayat kung anuman ang tinutuunang damdamin; • ang pagsasalaysay na tinatawag rin ngayong narativ ay maaaring pasalita at pasulat. Ito ang maaaring ibatay sa: a. b.
personal na karanasan tuwirang nakita, narinig, nabasa likhang-isip o guniguni
Upang maging mabisa ang iyong nareysyon, sundin ang ilang mahahalagang elementong ito:
1.
Kawiliwiling paksa – ang pinakakaraniwang paksa ay magiging kasiya-siyang marinig kung ito’y maiuugnay sa karanasan ng isang isang nakikinig. Kaya’t mahalagang ikonsider ang antas ng kamalayan at kawilihan ng mga tagapakinig. Huwag magsalaysay ng paksang lubhang palasak o malayoung malayo sa kulturang kinagisnan.
2.
Kaakit-akit na tinig – makatutulong sa pagsasalaysay ang dinamiko at dramatikong tinig. Nakapupukaw at napananatili ang interes ng tagapakinig ang lakas at hina ng tinig, ang kapal at nipis ng timbre nito.
3.
Angkop na ekspresyon ng mukha – bukod sa tinig, nabibigyang buhay rin ang nareysyon sa pamamagitan ng ekspresyon ng mukha. Mas magiging makatotohanan ang kwento kung akma ang ekspresyon ng mukha sa ikinukuwento. Kung taliwas ang ekspresyon ng mukha sa ikinukuwento, nakadidistrak sa nakikinig.
4.
Wastong kilos, galaw, kumpas, tayo – ang wastong kilos, galaw, kumpas at tayo ay nangangahulugan ng masiglang pagkilos. Ang mga ito ay kailangan upang makuha agad ang atensyon ng mga tagapakinig. Iwasan ang “OA” o overacting, magiging katawa-tawa lamang sa nakikinig.
5.
Diksyon – Tumutukoy sa kaangkupan ng mga salitang ginagamit at kawastuhan ng pagbigkas sa katulad ng paksa, kailangan din itong itugma sa antas pangkaalaman at pangkaranasan ng mga tagapakinig.
Meron Pa Ba? Gawain 1
A. Pansinin ang pamagat: Isulat ang iyong ideya batay sa maaaring nilalaman ng tekstong ating babasahin. Isulat ang iyong sagot sa kahon sa ibaba.
M g a Si n a u n a n g K ul tu ra
Ideya:
B. Basahin at unawain. MGA SINAUNANG KULTURA Noon pa man, may kani-kaniyang paniniwala ang ating mga ninuno tungkol sa pinagmulan ng lahing Pilipino. Nariyan ang “paglalang” na pinagbatayan ay ang Banal na Kasulatan. Ang iba naman ay mula sa “Alamat ni Malakas at Maganda”. May nagsasabing mula sa luwad na niluto at binigyang-buhay sa pamamagitan ng paghinga ng isang Makapangyarihan at ila’y putok daw tayo sa buho ng kawayan. Samantalang ang mananalaysay na sina H. Otley Beyer at Jaime C. de Veyra ay iba ang paninindigan. Ayon sa kanilang pag-aaral, ang mga unang tao sa Pilipinas ay mula sa pangkat na nandayuhan. Sila’y ang mga pangkat ng “Dawnman”, “Pygmies”, “Indonesians”, “Malaya” at iba pang dayuhan. Iniuugnay nila ito na teorya tungkol sa tulay na lupa. Dito raw tumawid ang mga tao kasama ang mga hayop na pinaniniwalaang katulad din ng mga butong labi na natagpuan sa Gitnang Asya. Samantala, kung nagkaisa sina Beyer at de Veyra sa paniniwalang totoo ang tulay na lupa, makabubuo tayo ng haka na magkakaugnay ang Palawan, Mindoro at Luzon,gayundin ang Samar at Leyte. Samantalang ang Bohol, Negros, Cebu at Panay ay isang malaking pulo. Sa ganitong kalagayan, masasabing ang mga tao noo’y nagpalipatlipat sa iba’t ibang mga pulo. At naniniwala ang mga mananalaysay na nang matunaw ang mga yelo ay nawala na rin ang mga tulay na lupa at nanatili ang mga manlalakbay sa kapaligiran nilang pinakibagayan. Sa ngayon, maliwanag na mahihinuha na ang mga unang tao sa Pilipinas ay namuhay na may sariling kultura. May mga kasangkapan silang banga, palamuti sa katawan, mga armas, makinis na mga gamit, palayok, itak at iba pa. Sa mga gamit na natagpuan, masasabi na sila ay mangingisda at nakapag-imbak ng pagkain.
Korek Ka Diyan!
C. Sanggunian
Alegre, Emma. Ang Bagong Filipino sa Hayskul (Pagbasa at Gramatika). St. Bernadette Publications. Quezon City. 2003 Fortunato, Teresita F., et. al. Batingaw 2. Rex Printing Co. Inc. Quezon City. 1994. Geronimo, Cecilia C. Sanayang Aklat sa Filipino (Ikalawang Taon). EFERZA Academic Publications. Bagong Pook, Lipa City, Batangas.
Korek Ka Diyan!
B. Dapat mong tandaan…
Gawain 4.1 B. 1. a 2. Gio – seryoso at mukhang kapanipaniwala ang sinasabi Lucky – mukhang nagbibiro lang.
3. Gio – dahil nakikita ito sa ekspresyon ng kanyang mukha 4. Magsusumbong ako sa pulis.
Gawain 4.2 A. Nagsimula ang pagkakaroon ng mangagawa dahil na rin sa pangangailangan ng tao. C. 1. (a) a (b) dahil ang teksto ay naghatid ng impormasyon. (c) c 2. Sa panahong Prehistoric, maituturing na alipin ang mga tao dahil sila’y pwersang pinagtatrabaho at binibili o ipinagbibili ng mga taong sineserbisyuhan nila. Gawain 4.3 A. Si Job bilang: Ama ay mapagmahal. Anak ng Diyos ay matapat. Asawa ay mapag-aruga at masipag. C.1. Oo, dahil sa kabila ng mga pagsubok ay nanatili pa rin siyang matapat sa Diyos. 2. Mga pagsubok na ibinigay ni Satanas kay Job: • pinagalit ni Satanas ang mga tulisang Sabeo at nilusob ng mga ito ang bakahan, ang kawan ng mga asno at tupahan; • pinagpapatay ang mga pastol na nangangalaga sa mga hayop; • tinupok ng apoy ang mga tahanan at ang mga anak ni Job • tinubuan ng maraming sugat sa buong katawan si Job.
3. Ang karaniwang ginagawa ng mga alipin noon ay: • nagtatayo ng palasyo • naghuhukay ng ma kanal • gumagawa ng kalsada • nagbubungkal ng mga lupain 4. d 5. a
3. Nanatiling matapat si Job sa Diyos sa kabila ng mga pagsubok samantalang ang asawa niya ay sinisi ang Diyos sa kabila ng mga pagsubok na dumating sa kanila. 4. Angkop ang pamagat dahil ipinakita sa akda ang katapatan ni Job sa Diyos. 5. Panginoon, pinupuri at pinasasasalamatan kita sa lahat ng biyayang ipinagkaloob mo sa aimn. Tulungan Mo po akong maging karapat-dapat sa ‘Yong kabanalan at nawa Panginoon, turuan Mo akong maging matapat sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap ko.
Susi ng Pagwawasto
Meron Pa Ba? Gawain 1 A. Sa aking palagay ang nilalaman ng tekstong ating babasahin ay ang mga katangian ng sinaunang kultura ng ating mga ninuno. C. 1.
Paglalang batay sa Banal na Kasulatan Alamat ni Malakas at Maganda
Paniniwal
Mula sa luwad na niluto at binigyang-buhay sa pamamagitan ng paghinga ng isang Makapangyarihan.
Putok daw tayo sa buho ng kawayan Nagmula sa pangkat na nandayuhan 2. Para sa akin, sang-ayon ako na tayo aynagmula sa pangkat na nandayuhan, sapagkat ang iba ay walang matibay na batayan.(Maaaring maiba ang sagot)
K ul t u r a
3.
mayroon silang kasangkapan
natutuhan nilang mag-alaga ng mga hayop
nagkroon sila ng sari-saring pamilya
at iba pa
4. Oo, dahil ang mga katangiang taglay ng mga sinaunang Pilipino ay masasalamin natin ngayon sa ating mga kababayan. 5. Ang paksa ng teksto ay tungkol sa pinagmulan at kultura ng mga sinaunang Pilipino. Meron Pa Ba? Gawain 2 A.
Noon pa man, samantala(ng), sa ngayon, sa panahong iyon
B.
1. 2.
Noon pa man, kilala na ang mga Pilipino sa kasipagan. Sa ngayon, patuloy pa ring tumutuklas ng talino ang mga tao.
Meron Pa Ba? Gawain 3
Patunay/Katangian
1. Narativ
Patunay/Katangian
Patunay/Katangian