KAHULUGAN NG WIKA
-kalipunan ng mga salita na ginagamit ginaga mit ng isang lipunan.
1.
KAPANGYARIHAN NG WIKA a. ANG WIKA AY MAAARING MAKAPAGDULOT NG IBANG KAHULUGAN -anumang pahayag ng isang interlokyutor ay maaaring makapagdulot ng ibang kahulugan o interpretasyon sa mga tatanggap ng mensahe nito. b. ANG WIKA AY HUMUHUBOG NG SALOOBIN -sa pamamagitan ng wika,nagagawa ng tao na hayagang alisin ang mga negatibong paniniwala na sa kanyang palagay ay hindi makapagdudulot ng mabuti sa kanyang kapwa. c. ANG WIKA AY NAGDUDUDLOT NG POLARISASYON -ito ay ang pagtanaw sa mga bagay sa magkasalungat na paraan.Halimbawa nito ay masama at mabuti,mataas at mababa,pangit at maganda at iba pa. d. ANG KAPANGYARIHAN NG WIKA YA SIYA RING KAPANGYARIHAN NG KULTURANG NAKAPALOOB DITO -kailanman ay hindi maikakaila na kakambal ng wika ang kultura.
2.
GAMPANIN NG WIKA a. IMPORMATIB -ang wika ay impormatib kung nagagawa nitong makapaglahad ng impormasyon tungo sa tagatanggap nito. Hal: Si Leo Oracion ang kauna-unahang Pilipinong nakaakyat sa tuktok ng Bundok Everest na pinakamataas sa buong mundo. b. EKSPRESIB -nagagawa nitong makapagpahayag ng saloobin o makapagpabago ng emosyon. Hal: Napakasaya ko ngayon…
c.
DIREKTIB -nagiging direktib ang wika kung hayagan o di d i hayagan nitong napakikilos ang isang tao upang isagawa ang isang bagay. Hal: Pakipuntahan naman si Mr. Francisco sa kanyang opisina.
d.
PERPORMATIB -ang perpormatib na gamit ng wika ay higit pa sa pasalitang anyo a nyo ng komunikasyon.Ito ay kinapapalooban din ng kilos bilang pansuporta sa isang pahayag. Hal: Kapag ang isang tao ay nagsabi ng “paalam”,ka akibat nito ang pagkaway ng kanyang kamay sa direksyon ng taong kinakausap.
e.
3.
c.
d.
e.
f.
PERSWEYSIB -persweysib ang wika kapag nagagawa nitong makahikayat ng tao tungo sa isang paniniwala. Hal: Ang pahayag ng mga salesperson sa loob ng mall na nanghihikayat na bilhin ang kanilang produkto.
TUNGKULIN NG WIKA
a.INSTRUMENTAL -nagagawa ng wika na magsilbing instrument sa mga tao upang maisagawa o maisakatuparan ang anumang naisin. Hal: Adrian: Nais ko sanang maipadama sa iyo kung gaano kita kamahal. Jenifer: Ganun ba?Sige,walang problema. b.REGULATORI -nangyayari naman ito kapag nagagawa ng wika na kontrolin ang mga pangyayari sa kanyang paligid. Hal: Islogan ng MMDA: Bawal Umihi Rito.Multa: Php.500. George: Naku,saan kaya ako maaaring umihi?Bawal pala dito. REPRESENTASYONAL -ang wika ay ginagamit upang makipagkomyunikeyt,makapagbahagi ng mga pangyayari,makapagpahayag ng detalye,gayundin,makapagpadala a t makatanggap ng mensahe sa iba. Hal: Dominic: Alam mo ba na ang salitang goodbye ay nagmula sa pahayag na God be with ye? Jaja: A,talaga? INTERAKSYONAL -ipinapaliwanag dito na nagagawa ng wika na mapanatili at mapatatag ang relasyon ng tao sa kanyang kapwa.Kabilang ditto ang pang-araw-araw na pagbati at pagbibiruan. Hal: Sandy: Aba,ang hitad kong sister ,wis na ang pagka chaka doll. Aubrey: Siyempre,salamat po Doe yata ang drama ko. PERSONAL -nagagamit din ang wika upang maipahayag ang personalidad ng isang indibidwal ayon sa sarili niyang kaparaanan. Hal: Geser: Talaga?Nanalo ako ng limang milyon sa lotto?Yahoooo… Nelo: Balato naman diyan. HEURISTIC -ang wika ay tumutulong din upang makapagtamo ang tao ng iba’t ibang kaalaman.Ilan sa mga ito ang pagsagot sa mga tanong,pagtanaw sa mga argumentasyon at konklusyon bilang kongkretong kaalaman at pagtuklas sa mga bagay-bagay sa paligid. Hal: Gicko:Ngayon ko lang nalaman na ang Dalmatian ay isang wika,at hindi basta wika,ito ay isang halimbawa ng patay na wika o frozen language.
Nixan: A,oo.Namamatay kasi ang wika kapag hindi ito sasailalim sa pagbabago.Bawat wika sa mundo ay kinakailangang makaangkop sa pagbabago ng panahon,upang patuloy itong mabuhay at umunlad.Ang wikang Latin ay isa rin sa halimbawa ng patay na wika. g. IMAHINATIBO -isa sa mga kagandahang dulot ng wika ay nagagawa nitong hayaan ang isang tao na mapalawak ang kanyang imahinasyon na tumutulong sa knya upang siya ay maging artistic. Hal: Shimy: Rex,kung sakaling may makilala kang genie, ano ang hihilingin mu sa kanya? Rex: Siympre,ang makalipad tulad ng isang ibon para makapaglakbay ako sa paraang gusto ko at Makita ang buong mundo.At higit sa lahat,ang kalayaang magawa ang gusto ko tulad ng isang ibon. Kahalagahan ng Wika
Mahalaga ang wika dahil ito ang batay ng pakikipagugnayan at pakikipagtalastasan tungo sa pagkakaunawaan at pagkakaintindihan sa sangkatauhan. Mawawalan ng saysay ang gawain ng sangkatauhan kung wala ang wika. Dahil ang wika bilang pakikipagugnayan ay ginagamit sa pakikipagkalakalan, diplomatikong pamamaraan ng bawat pamahalaan at pakikipagpalitan ng kaalaman sa agham, industriya at teknolohiya. Ang wika bilang pakikipagtalastasan ay ginagamit sa pagtungo, paghahanapbuhay at paninirahan sa ibang bansa.
1. 2. 3. 4.
Limang Antas ng Wika pabalbal lalawiganin kolokyal pampanitikan 5.pambansa/neutral
Ang mga antas ng wika ay ang mga: balbal = wikang balbal ay ginagamit sa lansangan..............ang wikang sinasalita ng mga walang pinag-aralan. kolokyal= wikang sinasalita ng pangkaraniwang tao ngunit bahagyang tinatanggap ng lipunan
== Answer == Ang antas ng wika ay nagsasaad sa paggamitnito
1.)balbal ang unang antas ng wika-ito ang pinakamababang antas ng wika. 2.)lalawiganin ang pangalawang antas-ito ay kabilang sa antas ng mga salitain ng mga katutubo sa lalawigan. 3.)pambansa ang pangatlong antas-ang antas na ito ay laman parin ang pagtatalo kung ano ang kasama sa antas na ito.marami ang nagsasabing wikang filipino ang wikang pambansa,samantalang tagalog naman ang sa iba.ngunit wikang filipino parin ang naitala bilang wikang pambansa. 4.)pampanitikan naman ang pang apat-ito ay ang pinaka mayamang uri,madalas itong ginagamitan ng mga salitang may iba pang kahulugan.ginagamit dito ang mga idioma,tayutay,atbp.
Pormal. Ito ay antas ng wika na istandardm kinikilala/ginagamit ng nakararami. 1. Pambansa. Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa paaralan at pamahalaan. Halimbawa: Asawa, Anak, Tahanan 2. Pampanitikan o panretorika. Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining. Halimbawa: Kahati sa buhay Bunga ng pag-ibig Pusod ng pagmamahalan
Impormal. Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan. 1. Lalawiganin. Ito ay gamitin ng mga tao sa partucular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono o punto. Halimbawa: Papanaw ka na ? (Aalis ka na?) Nakain ka na? (Kumain ka na?) Buang! (Baliw!) 2. Kolokyal. Pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti, maari rin itor refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang titik sa salita. Halimbawa: Nasan, pa`no,sa'kin,kelan Meron ka bang dala? 3. Balbal. Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas na ito; ikalawa sa antas bulgar. Halimbawa: Chicks (dalagang bata pa)
Orange (beinte pesos) Pinoy (Pilipino)
Kolokyal/pambansa - ordinaryong wika na ginagamit ng mga kabataan sa kanilang pangaraw-araw na pakikipag-usap na kadalasang malayang pinagsasama ang mga wikang Ingles at Filipino · Kolokyalismong karaniwan - ginagamit na salitang may "Taglish" · Kolokyalismong may talino - ginagamit sa loob ng silid-aralan o paaralan · Lalawiganin/panlalawigan - wikang ginagamit ng isang partikular na lugar o pook. · Pabalbal/balbal (salitang kalye) - pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao, na nabuo sa kagustuhan ng isang partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan. ito rin ay maaring nabuo sa pag-baliktad ng mga salitang Kolokyal/pambansa. · Pampanitikan - wikang sumusunod sa batas ng balarila at retorika. ang mga antas ng wika ay ang mga:
balbal = wikang balbal ay ginagamit sa lansangan..............ang wikang sinasalita ng mga walang pinag-aralan. kolokyal= wikang sinasalita ng pangkaraniwang tao ngunit bahagyang tinatanggap ng lipunan
Mahalaga ang wika dahil ito ang batayan ng pakikipagugnayan at pakikipagtalastasan tungo sa pagkakaunawaan at pagkakaintindihan sa sangkatauhan. Mawawalan ng saysay ang gawain ng sangkatauhan kung wala ang wika. Dahil ang wika bilang pakikipagugnayan ay ginagamit sa pakikipagkalakalan, diplomatikong pamamaraan ng bawat pamahalaan at pakikipagpalitan ng kaalaman sa agha m, industriya at teknolohiya. Ang wika bilang pakikipagtalastasan ay ginagamit sa pagtungo, paghahanapbuhay at paninirahan sa ibang bansa. Ito rin ang hudyat ng ating pakikipagtalastasan sa iba upang magkakaintindihan.