Japan
Kabisera: Tokyo Uri ng Gobyerno: Constitutional monarchy Mga tanim: Bigas (Rice), Asukal (sugar), Beets, Prutas (fruits) Industriya: Electronic equipment, Auto machine tools, Chemicals Mamamayan: Japanese Wika: Japanese Relihiyon: Buddhismo, Shintoismo Ang salitang“Japan” ay nagmula sa salitang Nippon o Nihon na ang ibig sabihin ay “Land of the Rising Sun”.Ang bansa ay kilala sa maunlad na pamamalakad at mayaman sa kultura at tradisyon. Ang Shintoism ang pinakamalaki at tradisyonal na relihiyon ng Japan. “Gawing Diyos” ang ibig sabihin ng Shintoism. Ang Kami o Diyos ng kalikasan ang itinuturing diyos ng mga nanalig sa relihiyong Shinto. Kana Ang Kana o Hiragana ay isang uri ng pagsulat sa bansang Hapon, na isa rin sa pangunahing nilalaman ng Sistemang Panulat ng mga Hapon, kasama ang katakana, kanji , at ang Alpabetong Latin. Parehang nasa sistemang kana ang hiragana at katakana, na kung saan ang bawat panitik ay simisimbolo sa isang mora. Ito ang unang uri ng pagsulat sa bansang Hapon. Sistemang Piyudal Ang piyudalismo o peudalismo ay isang sistema ng pamamalakad ng lupain na kung saan ang lupang pag-aari ng panginoon ng lupa o may-ari ng lupa ay ipinasasaka sa mga nasasakupang tauhan na may katungkulang maglingkod at maging matapat sa panginoong may-ari. Isa itong sentralisadong pamahalaan kung saan isinusuko ng basalyo o taong alipin ang kanyang lupa sa isa isang panginoon.Nagsimula ito sa Japan noong ang nanunungkulan ay si Yoritomo.Ito ay nahahati sa tatlong panahon:Kamakura Shogunate,Ashikaga Shogonate, at Tokugawa Shogonate. Shintoism Sa pagdaraan ng panahon,ang magkakaibang tradisyong ito ay kanilang pinagsanib sa isang relihiyon na tinawag nilang Shinto, na ang kahulugan ay "ang
daan ng diyos".Ang relihiyong Shinto ay nakabatay sa paggalang sa kalikasan at pagsamba sa mga ninuno.Si Kami ang pinaniniwalaan nilang diyos ng kalikasan.
Samurai Ang samurai , mononohu, o bushi, ay ang mga kasapi ng uring militar ng sinaunang Hapon. Samakatuwid, sila ang mga mandirigma noong kanilang kapanahunan. Nagmula ang salitang samurai sa pandiwang ng Hapones ns saburai, na nangangahulugang paglingkuran (ang isang tao).Ang mga kabalyerong nakikipaglaban nang buongkatapatan para sa kaligtasan ng kanilang mga panginoon. Mga TRADISYON at KULTURA Nobela Ang "The Tale of Genji" ang kauna-unahang nobela sa daigdig na sinulat ni Lady Murasaki Shikibu.Ito ay tumatak sa mga isip ng mga Hapon dahil sa magandang kwento nito. Kimono Kasuotan Ang kimono ay isang uri ng tradisyonal na kasuotan sa Hapon. Dating may ibig sabihing "bagay na isinusuot" ang salitang "kimono". Matagal nang panahon ang nakararaan, dating araw-araw na nagsusuot ng mga kimono ang mga tao sa Hapon. Daan-daang taon na ang tagal ng panahon ng pagsusuot ng mga Hapones ng Kimono. Sa ngayon, isinusuot lamang nila ang kimono kapag may natatanging mga okasyon katulad ng mga seremonyang pormal. Pagkain Ang Sushi ay ang tradisyonal na pagkain na binabalik balikan sa Japan.Ito ay napakasarap at malasang pagkain.Dahil nga sa ito ay popular sa buong mundo ,ito ay tinangkilik at kumalat sa iba't ibang sulok ng mundo.
Korea
Ang Korea ay nagsimula nang mabuo ang Joseon (ang pangalang Gojoseon ay mas kadalasang ginagamit upang hindi malito sa isa pang Dinastiyang Joseon na nabuo noong ika-14 na dantaon; ang unlaping Go- ay
nangangahulugang 'Luma' o 'Sinauna') noong 2333 BCE ni Dangun. Ang Gojoseon ay lumawak hanggang sa makontrol na nito ang kabuuan ng tangway ng Korea at ilang bahagi ng Manchuria. Pagkatapos ng maraming mga digmaan laban sa Tsinong Dinastiyang Han, ang Gojoseon ay bumagsak, at nagsimula ang Panahon ng Tatlong Kaharian ng Korea. Ang Korea ay dating binansagang "Hermit Kingdom". Ayon sa kasaysayan, ito ay nasakop ng dayuhang bansa at nasupil pa ng ilang bansa sa magkakasunod na panahon. Bunga marahil ng kapaguran sa sunod-sunod na panunupil, napagisipan ng mga Koreano na iwasan muna ang labis na pakikisalamuha as ibang bansa upang mapagtuunan ng pansin ang higit na paglilinang at pagpapatibay ng kanilang kultura. Nahati ang Korea pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isang kapitalistang demokrasiyang liberal na ngayon ang Timog Korea, na sinusuportahan ng Estados Unidos, at tinutukoy minsan bilang "Korea". Nanatiling Kumunistang estado ang Hilagang Korea, sinusuportahan ngUnyong Sobyet, kadalasang sinasalarawan bilang Stalinista at totalitaryan. Maaaring kumatawan ang Watawat ng Pagsasanib (Unification Flag) sa mga pandaigdang labanang pampalakasan, ngunit hindi ito ang opisyal na watawat ng Timog Korea o Hilagang Korea. Korea "Choson" 'Lupain ng mapayapang umaga' North Korea Kabisera: Pyong Yang Uri ng Gobyerno: Komunista Mga tanim: Bigas (rice), Mais (corn), Patatas (potatoes), Pulses Industriya: Electric power, Metallurgy Mamamayan: North Korean Wika: Korean
Relihiyon: Buddhismo, Confucianismo Ang Demokratikong Republikang Popular ng Korea ay isang bansa sa Silangang Asya, sinasakop ang kalahati ng hilagang bahagi ng Tangway ng Korea. South Korea Kabisera: Seoul Uri ng Gobyerno: Republika Mga tanim: Bigas (rice), Rootcrops, Barley, Gulay (vegetables), Prutas (fruits) Industriya: Electronics, Chemicals, Ship buildings, Motor vehicles Mamamayan: South Korean Wika: Korean, English Relihiyon: Buddhismo, Kristiyanismo Ang Timog Korea, pantungkulin Republika ng Korea ay isang bansa na matatagpuan sa Silangang Asya, sa katimogang kalahati ng Tangway ng Korea.
Taiwan
Kabisera: Taipei Uri ng Gobyerno: Demokratiko Mga tanim: Bigas (Rice), Mais (Corn), Tsaa (tea), Gulay (vegetables) Industriya: Electronics, Chemicals, Textiles, Petroleum refining Mamamayan: Taiwanese Wika: Mandarin, Chinese Relihiyon: Buddhismo, Kristiyanismo Kasaysayan Matatagpuan ang Taiwan sa silangan ng Kipot ng Taiwan, sa dakong timogsilangang baybayin ng Punong-lupain ng Tsina. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1945, pangkat ng mga pulo ay sumailalim sa pamamahala ng Republika ng Tsina. Pinamamahalaan ang grupo ng pulo ng Republika ng Tsina (Republic of China; ROC) mula 1945 nang natamo ng ROC ang Taiwan mula sa Hapon bilang bunga ng Ikalang Digmaang Pandaigdig. Pagkaraan ng apat na taon, natalo sa Digmaang Sibil ng Tsina ang ROC sa Partido Komunista ng Tsina at umurong sa Taiwan. Ngayon, ang Taiwan ang bumubuo sa karamihan ng teritoryo ng ROC at ang ROC mismo ay karaniwang
kilala bilang "Taiwan". Ang Taiwan ay kasapi sa Apat na Tigre ng Asya. Ang Taiwan ay matatagpuan 180 kilometro timog - silangan ng Tsina sa may Taiwan Strait. Napalilibutan ito ng East China Sea sa Hilaga, Philippine Sea sa Silangan, Luzon Strait sa Timog at South China Sea sa Timog - Kanluran. Binubuo ng Taiwan ang 99 bahagdan ng Republika ng Tsina. Ang Taiwan ay nabuo sa hangganan ng Philippine Sea Plate at ng Eurasian Plate. Nakararanas ang bansa ng Humid Subtropical Climate na naapektuhan ng East Asian Monsoon. Relihiyon Ang paniniwala sa relihiyon ng mga Taiwanese ay ang pinaghalong - halong Buddhismo, Taoismo, Chinese folk religion at maging ang pagsamba sa mga ninuno. Naging aktibo ang mga Kristiyanong simbahan sa bansa lalo na ang Protestantismo. 93 bahagdan ng kabuuang populasyon ay BuddhismoTaoismo, 4.5 bahagdan ay Kristiyano at 2.5 bahagdan ang ibang relihiyon. Pagkain at Wika Naimpluwensyahan na ng kulturang Taiwanese ang mga bansa sa Kanluran tulad ng Pearl Milk Tea na kilala din sa tawag na bubble tea o boba. Ang mga pagkain sa bansa ay impluwensya ng mga probinsya sa Gitna at Timog Tsina lalo na sa probinsya ng Fujien o Hokkien. Maaaring ang sanhi nito ay ang malaking bilang ng mga Tsinong lumipat sa Taiwan matapos ang Chinese Civil War at dahil din pinamunuan ng ROC ang bansa. Karamihan sa mga taong naninirahan sa bansa ay nagsasalita ng Mandarin Chinese at Taiwanese. Ang wikang Hakka ay ginagamit ng mga Hakka na bumubuo ng 10 bahagdan ng populasyon. Ilan sa mga salitang Hapon ang ginagamit pa rin sa kanilang wika.
China
Kabisera: Beijing
Uri ng Gobyerno: communist party- led state Mga tanim: Bigas (Rice), Trigo (wheat), Patatas (potato), Tsaa (tea), Sorghum, Mani (peanuts) Industriya: Steel, Textiles, Iron Mamamayan: Chinese Wika: Mandarin, Chinese, Minbel Relihiyon: Buddhismo, Daoist Kasaysayan Sa katotohanan, madalang na makitang malinis ang kasaysayan ng Tsina, hindi katulad ng palagiang inilalahad, at madalang din talaga para sa isang dinastiyang magtapos ng mahinahon at kaagad at matiwasay na nagbibigay daan sa isang bago. Karaniwang naitatag ang mga dinastiya bago mamatay ang isang nangangasiwang pamahalaan, o nagpapatuloy magpahanggang isang kapanahun matapos na malupig sila. Wika Ang Classical Chinese ang ginamit na wikang pasulat ng mga Tsino sa mahabang panahon. Subalit, ito ay para lamang sa parmga iskolar at matatalino na bumubuo ng pinakamataas na uri ng lipunan na tinatawag na Shi Da Fu. Ang Four Great Classical Novels ng China ay isinulat sa disnastiyang Ming at Qing. Ang pagiimprinta ng mga gawang Tsino ay nagsimula sa dinastiyang Song. Musika, Literatura at Sining Ang dinastiyang Zhou ang kinikilalang simula ng paglaganap ng literaturang Tsino. Ang Five Cardinal Points ang naging pundasyon ng halos lahat ng mga itinuturo sa mga paaralan. Ilan sa mga naisulat na musika ay galing pa sa panahon ni Confucius. Ang pinakasentro ng musika ng Tsina ay para sa qin ng dinastiyang Tang. Ang paggawa ng porselana ay ang isa sa mga pinakaunang parte ng panahong Paleolitiko. Ang mga musika at tula ng bansa ay naimpluwensyahan ng Book of Songs at ng manunulat na si Qu Yuan.
Mitolohiya Ang relihiyong Tsino ay nagmula sa pagsamba sa kanilang pinaka - diyos na si Shang Di noong dinastiyang Xia at Shang. Ang mga hari at babaylan ang nagsisilbing mga pari ng diyos na gumagamit ng oracle bones. Ang dinastiyang Zhou naman ay sumamba sa kalangitan. Kahit maraming diyos ang naging parte ng tradisyong Tsino, mas kilala ang mga banal na imahe tulad ni Guan Yi, Jade Emperor at Buddha. Ekonomiya Ang ekonomiya ng bansa ay pumapangalawa sa buong mundo, pagkatapos ng Estado Unidos. Ito ay ang pinakamabilis sa mundo pagdating sa pagtaas ng ekonomiya na may 10 bahagdan sa nakaraang 30 taon. Ang Tsina ang pinakamalaking exporter sa mundo at pangalawa sa pinakamalaking importer.
Mongolia
Kabisera: Ulaan Bataar Uri ng Gobyerno: Parliamentaryo Mga tanim: Trigo (Wheat), Barley, Patatas (Potatoes) Industriya: Paggawa ng mga materyal para sa konstraksyon, mga pagkain at inumin, pagmimina Mamamayan: Mongol Wika: Khalka Mongol, Turkic/Turkish Relihiyon: Buddhismo, Tibetan Heograpiya Ang bansa ng mga Mongol, ang Mongolia, ay matatagpuan sa gitna ng Russia at ng China. Ang Hüiten Peak sa kanluran ng bansa ay ang pinakamataas na lupain na umaabot ng 4, 374 metro. Ang klimang nararanasan sa bansa ay malamig at tuyot na may mahahabang panahon ng tag - lamig at sandaling panahon ng tag - init. Iba ang halagang natatanggap ng Hilaga sa Timog pagdating sa ulan. Mayroon ding nararanasan na pagbagyo ng nyebe sa Mongolia tuwing tag - lamig. Ito ay namiminsala sa bansa na kumikital sa
buhay ng mga Mongol at sumisira sa kanilang mga pananim at tirahan. Pagkain, Pananamit at Literatura Ang mga pagkain sa bansang Mongolia ay nababase sa mga karne at mga pagkaing gawa sa gatas. Simula noong kalagitnaan ng 20th century, nagsimulang lumaganap ang pagkain ng mga gulay. Ang deel o kaftan ay ang tradisyunal na damit ng mga Mongol at karaniwang sinusuot tuwing araw ng paggawa at mga mahahalagang okasyon. Ang pinakamatanda at pinkasikat na literatura ng mga Mongol ay ang The Secret History of the Mongols. Relihiyon Noong 17th century, naging dominante sa bansa ang Tibetan Buddhism. Ang nasabing relihiyon ay isang relihiyon kung saan sumasamba sila ng maraming diyos. Ito ang naging ugat ng paggawa ng mga relihiyosong bagay tulad ng larawan at mga nililok. Taong 1930, opisyal na tinanggal ang mga relihiyong Buddhismo at Shamanismo. Simula noong 1900s, sinubukang palaganapin sa bansa ang Kristyanismo. Apat na bahagdan ng populasyon ng Mongolia ay mga Muslim. Paniniwala at Pamahiin Ang mga Mongol ay naniniwala sa konsepto ng swerte at malas. Sila ay naniniwala na ang pag - apak sa mga bagay na sagrado sa diyos at ang pag lapastangan sa isang lugar ay magbibigay sa kanila ng kapahamakan. Minsan, pinipintahan nila ng uling ang mga noo ng bata upang maisahan ang mga masasamang espiritu na hindi ito isang bata kung hindi ay isang kuneho na may itim na buhok. Kapag sila'y dadaan sa mga ovoos sa kanilang paglalakbay, nagaalay ang mga Mongol ng mga matatamis na pagkain upang magkaroon ng magandang biyahe. Para sa isang bata, ang pinaka - malaking selebrasyon ay ang kaniyang unang
paggupit ng buhok (haircut) imbes na kaniyang kaarawan. Ekonomiya Pera: 1 tögrög (MNT) = 100 möngö Ang ekonomiya ng Mongolia ay tradisyunal na binabase sa agrikultura.
Ang bansa ay may mga mineral tulad ng copper, coal, molybdenum, tin, tungsten, at gold.