` Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng 2010 Filipino II
Antas 3- Plano sa Pagkatuto
FILIPINO II
Pangkalahatang Pamantayan: Naipamamalas Pamantayan: Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo at kahusayan sa pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang mga piling tekstong pampanitikang pambansa upang maipagmalaki ang kulturang Pilipino.
1
`
Inaasahang Pagganap: Pagganap : Paglalahad nang maaaring damdamin at saloobin ni Balagtas sa kalagayan ng bansa at ng Florante at Laura sa kasalukuyan
Antas 2 Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagpapaliwanag at pagpapaliwanag at pagbabahagi ng mga ideya tungkol sa kahalagahan nang pag-aaral at pagsusuri ng Florante at Laura. Mga kraytirya: kaangkupan ng mga ideya; naglalahad ng mga patunay; nakabubuo ng sariling kongklusyon. paglalahad ng paglalahad ng sariling pananaw batay sa iba’t ibang paraan kung makatuwiran o mabisa ang paglalarawan ng tunay na kalagayang panlipunan ng bansa sa panahong naisulat ang Florante at Laura. Mga kraytirya: naglalahad ng sariling pananaw; may batayan ang nabuong sariling pananaw; napaninindigan ang sariling pananaw.
Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa itinanghal na paglalahad ng maaaring damdamin at saloobin ni Balagtas sa kalagayan ng bansa at ng Florante at Laura sa kasalukuyan batay sa mga kraytirya: A. Angkop sa paksa B. Makatotohanan C. Napapanahon
pagbabahagi ng sariling damdamin at damdamin ng iba kaugnay ng kalagayan ng mga awit, kabilang ang Florante at Laura sa kasalukuyan. Mga kraytirya: makatotohanan; tapat; naglalarawan ng pag-unawa sa sariling damdamin at damdamin damdamin ng iba. iba.
D. Masining E. Orihinal
paglalahad ng paglalahad ng magiging kontribusyon kung paano pa higit na kagigiliwan ng kabataan ang pag-aaral ng Florante at Laura sa panahong naisulat ito. Mga Kraytirya: makatotohanan; napapanahon, malikhain. paglalahad ng paglalahad ng ilang pangyayari sa kasalukuyan na may pagkakatulad sa naging kalagayan ng Florante at Laura sa panahong naisulat ito. Mga kraytirya: makatotohanan tapat; may kaugnayan sa paksa; batay sa pananaliksik. paghahambing sa kaligirang pangkasaysayan ng Florante at Laura sa iba pang kaligirang pangkasaysayan ng akdang pampanitikang kinagigiliwan pa rin sa kasalukuyan sa masining na paraan. Mga kraytirya: makatotohanan; napapanahaon; may mga patunay; napangangatuwiranan ang mga patunay.
3
`
Antas 3 A.
Tuklasin : Ang mga mag-aaral ay: nakapaglalahad ng ipinahihiwatig ng mga larawan (Ipakikita (Ipakikit a ng guro ang larawan ng iba’t ibang kalagayan ng mga Pilipino noong panahon ng mga Espa ñol. (Magbibigay ng mga katanungan ang guro kaugnay ng mga larawan.) Mga halimbawang tanong: (Ang tanong: (Ang mga ito’y mungkahi lamang, maaaring palitan o dagdagan ng guro.) 1. Ano ang ipinahihiwatig ng mga larawan? Bigyan ito ng ng sariling interpretasyon. 2. Ibigay ang mga dahilan nang pagkakalikha ni Balagtas sa Florante at Laura. 3. Kung ikaw ay isa sa mga Pilipinong nabuhay noong panahon ng pananakop ng mga Espa ñoL, paano mo ipagtatanggol ang iyong kapuwa Pilipino? 4. Nanaisin mo bang mabuhay sa mga panahong iyon? Ipaliwanag.
•
•
•
•
nakapagmumungkai ng mga kraytirya kraytir ya para sa pagtataya ng Inaasahang Produkto/Pagganap para sa aralin (Iminumungkahing gabayan ng guro ang mga mag-aaral sa pagsasagawa nito. Maaaring pangkatan ang gawaing ito. Ipasulat sa manila paper ang nabuong kraytirya na ipapaskil sa pisara upang malaman ng mga mag-aara l ang paraan ng pagmamarka sa gagawin nilang produkto/pagganap. ) nakapagbibiga-hinuha nakapagbibiga- hinuha sa Mahalagang Tanong para sa aralin: “ Bakit Bakit isinulat ni Balagtas ang Florante at Laura? ” (Maaaring pangkatin ang klase upang pag-usapan ang kanilang mga sagot sa mahalagang tanong na ito na isinulat nila sa manila paper. Pagkatapos, paper. Pagkatapos, papiliin kung sino sa kanila ang maglalahad ng kanilang napagusapan. ) nakapagbibigay ng mga karagdagang kaalaman o impormasyon na may kaugnayan sa salitang awit sa tulong ng teknik ng alinman sa Word Network, Webbing o Word Association at at iba pang estratehiya (Iugnay ang gawaing ito sa tatalakaying paksa sa bahaging Linangin.)
Awit
B. Linangin Ang mga mag-aaral ay: nakapagbibigay ng mga katangian ng awit na ikinaiba nito sa korido sa pamamagitan ng malayang talakayan o tseklist (Ang tseklist ay naglalaman ng mga katangian ng awit at korido. Pipiliin ng mga mag-aaral ang katangiang nakalahad kung ito ba ay katangian ng isang korido o ng isang awit. Talakayin ito pagkatapos. Ipaalam din sa mga mag-aaral na ang Florante at Laura ay isang halimbawa ng awit.) nakapag-uulat ng nasaliksik na mga impormasyon kaugnay ng paksa: Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura sa masining na paraan
•
•
4
`
(Pagkatapos pangkatin, ibibigay na ito ng guro bilang takdang aralin b sa bahaging ilang paghahanda sa pag-uulat.) Pangkat 1 – Magsasaliksik sa silid-aklatan Pangkat 2 – Magsasaliksik sa pamamagitan ng internet Pangkat 3 – Magsasaliksik sa pamamagitan ng pakikipanayam sa tao o mga taong may kaalaman sa paksa •
masigasig na nakikilahok sa malayang talakayan sa tulong ng mga gabay na tanong: (Ito’y mga mungkahi lamang, maaaring palitan o dagdagan ng guro) 1. Bakit maraming naakit sa pakikinig ng mga awit at korido noong panahon ng mga Espa ñol? Itala ang mga posibleng dahilan sa mga guhit ng Spider Map.Maaari ring gamitin ang pamamaraang Tree Map, Concept Map o iba pang estratehiya.
Mga dahilan kung bakit maraming naaakit sa pakikinig ng mga awit at korido noong panahon ng mga Espaňol Spider Map
2. Ilahad ang mga dahilan ni Balagtas upang sumulat ng awit na Florante at Laura. 3. Sino ang pinatutungkulan niya ng Florante at Laura? Patunayan. 4. Masasabi bang biktima nang di-pantay na timbangan ng hustisya si Balagtas ? Bakit? (Pagpangkatin ang mga mag-aaral sa apat at magpalitan ng opinyon hinggil sa paksang ito. Ipasulat ang kanilang sagot sa manila paper gamit ang pamamaraang Discussion Web, Grid, Flow Chart, Road Map o iba pang angkop na estratehiya .)
5
`
____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________ ____________________
Oo
Masasabi bang biktima ng dipantay na timbangan ng hustisya si Balagtas ? Bakit?
Hindi
_____________________ _____________________ _____________________ _____________________ _____________________ _____________________ _____________________ _____________________ _____________________ _____________________ _____________________ _____________________
Mga Kongklusyon
Discussion Web
6
`
5. Saan-saang wika naisalin ang Florante at Laura? Bigyang- kahulugan ang pagkakasalin nito sa iba’t ibang wika. Ilahad ito sa tulong ng Tree Map, Concept Map o iba pang angkop na estratehiya.
Iba’t ibang wika o bersyon ng Florante at Laura
Tree Map 6. Kung ikaw si Balagtas, ano ang iyong mararamdaman sa pagkakasalin ng Florante at Laura sa iba’t ibang wika?
7
`
7. Ihambing ang kagilirang pangkasaysayan ng Florante at Laura sa iba pang kaligirang pangkasaysayan ng akdang pampanitikan na kinagigiliwan pa rin sa kasalukuyan. Gamitin sa paghahambing ang Venn Diagram . Florante at Laura
Iba pang uri ng panitikan
Ibong Adarna
C. Palalimin : Ang mga mag-aaral ay: nakikiisa sa malayang talakayan tungkol sa nilalaman ng aralin sa pamamagitan nang pagsagot sa mga tanong na: 1. Bakit mahalagang pag-aralan at suriin ang Florante at Laura? Ipaliwanag ang naging impluwensiya nito sa mga mambabasa sa panahong naisulat ito sa tulong ng T-Chart, Concept Map o iba pang estratehiya, sagutin ang tanong na ito. •
Bakit mahalagang pag-aralan at suriin ang Florante at Laura?
1. 2. 3. 4.
T-Chart
8
`
2. Sa iyong palagay, nagkaroon ba ng impluwensiya ang Florante at Laura sa mga nangyayaring pag-aalsa/rebolusyon noong panahong naisulat ito? Magbigay ng ilang pangyayari sa ating kasaysayan na nagpapatunay ng iyong sagot. 3. Mabisa bang daan/instrumento ang panitikan upang maiparating ng manunulat ang kaniyang mga hinaing/mailarawan ang kalagayang panlipunan ng isng bansa? Patunayan. 4. Ang mga mag-aaral lamang ba ang dapat na magpakita ng interes na pag-aralan ito? Ipaliwanag. 5. Ilahad ang sariling pananaw kung makatuwiran at mabisa ang pagkakalarawan ng kalagayang panlipunan ng bansa sa panahong naisulat ang Florante at Laura. 6. Tanungin ang ilang kamag-aral kaugnay ng kaniyang damdamin sa kalagayan ng mga awit, kabilang ang Florante at Laura sa kasalukuyan. Ihambing ito sa sariling damdamin. Ilahad ito sa tulong ng Double Entry Journal, Chart o iba pang pamamaraan.
Sariling Damdamin _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________
Damdamin ng Kamag-aral __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________
Double Entry Journal 4. Ilahad ang ilang pangyayari sa kasalukuyan na may pagkakatulad sa naging kalagayan ng Florante at Laura sa panahong naisulat ito. 5. Gaano kahalaga sa iyo ang pag-aaral ng Florante at Laura? Ilahad ang iyong magiging kontribusyon kung paano pa higit na kagigiliwan ng kabataang katulad mo ang pag-aaral ng Florante at Laura. 6. Magbigay ng ilang akda na nagkaroon ng malaking impluwensiya sa tao o nakapagpabago sa kalagayan ng isang bansa/lipunan.
9
`
D. Ilapat: Ang mga mag-aaral ay: nakapaglalahad/nakapagbabalik-aral sa mga kraytirya sa pagtataya ng inaasahang produkto/pagganap nakapaglalahad nang maaaring damdamin at saloobin ni Balagtas kaugnay ng kasalukuyang kalagayan ng Florante at Laura sa moderno o makabagong paraan (kolaboratibong gawain) nakapagbibigay ng puna o feedback sa isinagawang pagtatanghal ng bawat pangkat (Maaaring sinoman sa guro o mga mag-aaral ang magbigay ng puna o feedback ) • •
•
(Iminumungkahi sa guro na balikan ang Mahalagang Tanong para sa aralin upang matiyak na natamo ng mga mag-aaral ang Kakailanganing Pag-unawa para sa aralin.) Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat na Florante at Laura Manila Paper Internet Mga kagamitang kakailanganin sa paglalahad Sipi ng estratehiya Mga kraytirya sa pagtataya ng inaasahang produkto/pagganap
10
`
• •
nakapagbabahagi ng naging damdamin sa bawat tauhan nakapagpapatunay na bawat tauhang nilikha ni Balagtas ay may sinisimbolo/kinakatawan sa panahong isinulat niya ang Florante at Laura
Antas 2 Inaasahang Produkto/Pagganap : Nakapagpapatunay na ang bawat tauhang nilikha ni Balagtas ay may sinisimbolo/ kinakatawan sa panahong isinulat niya ang Florante at Laura
Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagpapaliwanag sa sinisimbolo o kinakatawan ng mga tauhang nilikha ni Balagtas sa panahong isinulat niya ang Florante at Laura. Mga kraytirya: kaangkupan ng mga ideya; naglalahad ng mga patunay; nakabubuo ng sariling kongklusyon.
Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa isinagawang pagpapatunay batay sa mga kraytirya: A. Batay sa pananaliksik B. Makatotohanan
pagpapakilala sa masining na paraan ng ilang tao sa kasalukuyan na may pagkakatulad sa katangian ng ilang tauhan sa Florante at Laura. Mga kraytirya: makatotohanan; napapanahon; malikhain.
C. Malikhain D. Masining
pagpapatunay na taglay pa rin ng mga tao sa kasalukuyan ang mga katangiang taglay ng mga tauhan sa akda. Mga kraytirya: naglalahad ng pananaw ng iba’t ibang tao; may batayanang nabuong sariling pananaw; napaninindigan ang sariling pananaw.
E. Maiuugnay sa kasalukuyan
paghahambing ng sariling katangian sa mga tauhan sa akda at sa mga katulad nito sa kasalukuyan. Mga kraytirya: makatotohanan;tapat; may kaugnayan sa paksa. pagbabahagi ng naging damdamin sa bawat tauhan matapos silang makilala sa aralin. Mga kraytirya: makatototohanan; tapat; naglalarawan ng pag-unawa sa damdamin ng mga tauhan sa akda. paglalarawan sa naibigang tauhan sa akda at paghahambing ng mga ito sa ilang kakilala sa kasalukuyan. Mga kraytirya: makatotohanan; napapanahon; may mga patunay; napangangatuwiranan ang mga patunay.
12
`
Antas 3 A. Tuklasin : Ang mga mag-aaral ay: (Ipaskil sa pisara ang mga larawan ng mga tauhan sa Florante at Laura at itanong sa mga mag-aaral kung sino-sino ang mga tauhang nasa larawan. upang malaman kung mas malalim ang pagkakakilala ng mga mag-aaral sa mga tauhan, isagawa ang sumusunod na gawain.) •
•
nakapaglalarawan nang patula sa mga tauhan na ipahuhula sa klase (Maaaring pumili ang guro ng ilang mag-aaral na mahusay tumula. ( Isang tauhan sa bawat napiling mag-aaral ang maglalarawan nang patula na pahuhulaan sa klase.) nakapagbibigay ng iba’t ibang ideya sa tanong na “Makatotohanan ba ang ang mga katangian ng mga tauhang nilikha ni Balagtas sa Florante at Laura? Patunayan. ” Gamitin ang Mind Map Template. (Gawin itong kolaboratibong gawain. Maaaring tanunging muli ang mga mag-aaral para sa mahalagang tanong na angkop sa aralin.)
Patunay
Oo
Patunay
Hindi
Patunay
Oo “Makatotohanan ba ang mga katangiang ikinabit ng may akda sa bawat tauhan ng Florante at Laura? Patunayan
Patunay
•
•
Hindi Mind Map Template
nakapagmumungkahi ng mga kraytirya para sa pagtataya ng Inaasahang Produkto/Pagganap para sa aralin (Iminumungkahing gabayan ng guro ang mga mag-aaral sa pagsasagawa ng gawaing ito. Maaaring pangkatan ang gawaing ito. Ipasulat sa pisara ang mga kraytiryang ibinigay ng bawat pangkat at piliin ang mga angkop na kraytirya para sa inilahad na inaasahang pagganap para sa aralin.) nakapagbibigay ng mga salitang may kaugnayan sa salitang mabunyi sa tulong ng Word Association, Word Network, at iba pang estratehiyang makatutulong sa paghawan ng sagabal ( Iugnay ang gawaing ito sa paksang tatalakayin sa bahaging Linangin.)
13
`
mabunyi Word Association B. Linangin: Ang mga mag-aaral ay: nakapag-uulat sa nasaliksik na mga impormasyon tungkol sa mahahalagang tauhan ng Florante at Laura nakapagbibigay ng kaugnay na salita, ideya at parirala sa ilang salitang ginamit sa aralin
• •
katipan
sakim
lumusob
‘
•
masigasig na nakikilahok sa malayang talakayan sa tulong ng mga gabay na tanong (Ito’y mga mungkahi lamang, maaaring palitan o dagdagan ng guro.) (Ang sumusunod na mga gawain ay maaaring gawing kolaboratibo. Bigyan sila ng 15 minuto upang pag-usapan ang mga tanong na nakasulat sa activity card na nakalaan para sa kanila. Ipasulat ang sagot sa manila paper o kartolina. Pumili ang bawat pangkat ng lider na mag-uulat ng kanilang napag-usapan.) a. Isa-isahin ang mga tauhan sa Florante at Laura. Ibigay ang kanilang mga katangian ayon sa pagkakalarawan ni Balagtas sa tulong ng Character Map, Character Profile o iba pang angkop na estratehiya. Piliin sa mga tauhan kung sino sa kanila maaaring iugnay ang katangian nang pagiging mabunyi.
14
`
FLorante a. ____________________ b. ____________________ c. ____________________
Laura
Mga Katangian
1. _________________ 2. _________________ 3. _________________
Aladin 1. ____________________ 2. ____________________ 3. ____________________
Flerida Konde Adolfo 1. ________________
1. ________________ 2. _______________ 3. _______________
2. _______________ 3. _______________
Character Map b. Taglay ba ni FLorante ang katangian upang masabing tagapagtanggol ng Albanya ? Itala ang mga katangiang ito at ang saknong/mga saknong na nagpapatunay nito. Maaaring gamitin ang T-Chart, Bubble Map o iba pang angkop na estratehiya.
Taglay ba ni FLorante ang katangian upang masabing tagapagtanggol ng Albanya ? Katangian
Saknong/Mga Saknong na Nagpapatunay nito
T-Chart
15
`
c. Matapos makilala ang mga tauhan, sino sa kanila ang dapat na hangaan? Bakit? Sagutin ito sa tulong ng Discussion Web,Concept Map o iba pang angkop na estratehiya.
Dahilan __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________
Sino sa mga tauhan ang dapat na hangaan?
__________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________
Discussion Web
d. Ibahagi ang sariling opinyon tungkol sa pagiging makatotohanan/di-makatotohanan ng mga katangian ng ilang tauhan sa akda gamit ang Double Entry Journal, Discussion Web, Embedded Circles o ba pang estratehiya.
Makatotohanan
Dimakatotohanan
Double Entry Journal (Ito ay mga mungkahi lamang. Maaari pa itong dagdagan ng guro.)
16
`
C. Palalimin: Ang mga mag-aaral ay: nakikiisa sa malayang talakayan tungkol sa nilalaman ng aralin sa pamamagitan ng mga tanong / gawain: (Ito ay mga mungkahi lamang, maaaring palitan o dagdagan ng guro) 1. Gaano kahalaga ang mga tauhan sa akda? Ipaliwanag ang kahalagahan ng bawat isa sa tulong ng Fishbone Map, Flow Chart, T-Chart o iba pang angkop na estratehiya. •
Florante
Adolfo
Laura
Aladin
Duke Briseo
Sultan Ali-Adab
Flerida
Fishbone Map
Menandro
2. Bigyang- kahulugan ang katangian ng ilang tauhan at ang sinisimbolo ng bawat isa sa lipunang Pilipino sa pamamagitan ng tsart, Flow Chart o iba pang angkop na estratehiya. Larawan Florante Laura Aladin Flerida Adolfo Duke Briseo Sultan Ali-Adab
Kahalagahan
Simbolo
3. Taglay pa rin ba ng mga Pilipino sa kasalukuyan ang mga katangiang taglay ng ilang tauhan sa akda? Patunayan. Maaaring gamitin ang Web, Concept Map o iba pang estratehiya.
17
`
Patunay
Taglay pa rin ba ng mga Pilipino sa kasalukuyan ang mga katangiang taglay ng ilang tauhan sa akda?
Patunay
Patunay
Patunay 4. Kanino maaaring maihambing ang iyong sarili sa mga tauhan? Bakit? Maaaring gamitin ang H-Chart, Compare and Contrast Chart, Venn Diagram o iba pang angkop na estratehiya.
Paliwanag kung bakit siya ang napiling paghambingan
Tauhang Paghahambingan
H-Chart
18
`
5. Matapos makilala ang mga tauhan, ibahagi ang iyong naging damdamin sa bawat tauhan sa tulong ng Linear Graphic Organizer, Scroll, Flow Chart o iba pang estratehiya.
Tauhan Damdamin sa bawat tauhan
Tauhan
Tauhan
Damdamin
Damdamin
Tauhan
Damdamin
Linear Graphic Organizer
6. Ilarawan ang naibigang tauhan sa akda at ihambing siya sa ilang kilalang personalidad sa kasalukuyang lipunan ng ating bansa. Masining itong isalaysay sa klase, maaaring sa pamamagitan ng paggamit ng power point presentation na ipakikita ang larawan ng mga tauhan at ng ilang kilalang personalidad. D. Ilapat: Ang mga mag-aaral ay: (Magbigay ng input ang guro kung paano isinasagawa ang Character Mirror.) nakapaglalahad/nakapagbabalik-aral sa mga kraytiryang gagamitin sa pagtataya sa inaasahang produkto/pagganap nakapagpapatunay na ang bawat tauhang nilikha ni Balagtas ay may sinisimbolo/kinakatawan sa panahong isinulat niya ang Florante at Laura nakapagbibigay ng puna sa bawat pangkat na nagtanghal (Maaaring sinoman sa guro o mga mag-aaral ang magbigay ng puna o feedback.) (Muli, balikan ang Mahalagang Tanong upang matiyak na natamo ng mga mag-aaral ang Kakailanganing Pag-unawa para sa aralin.) • • •
Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat na Florante at Laura Internet Kraytirya sa pagpapakita ng Character Mirror Sipi ng mga gagamiting estratehiya / teknik Kraytirya sa pagpapakita ng Character Mirror
19
` Kurikulum ng Edukasyong Sekondarya ng 2010 Filipino II
Ikaapat na Markahan: Florante at Laura
Paksa: Aralin 3: Kay Celia
Pamantayang Pangnilalaman:
Bilang ng araw/sesyon: 2
Antas 1 Pamantayan sa Pagganap:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kasiningan at nilalaman ng Florante at Laura
Ang mag-aaral ay nakagagawa ng pagsusuri sa kabuuan ng Florante at Laura sa iba’t ibang aspekto (sosyal, esprituwal, ekonomiya, kultural, historikal, politikal, sosyo-ekonomiko, intelektuwal, aestetiko, at iba pa.)
Kakailanganing Pag-unawa Para sa Buong Markahan:
Mahalagang Tanong para sa Buong Markahan:
Pailalim o di-hayagang nailarawan ni Balagtas sa likod ng mga taludturan ng awit na Florante at Laura ang tunay na kalagayan ng bansa sa panahong isinulat niya ito.
Paano inilarawan ni Balagtas ang tunay na kalagayan ng Pilipinas sa panahong isinulat niya ang Florante at Laura?
Nagkaroon ng malaking impluwesiya sa isipan ng mga Pilipino ang Florante at Laura na naging daan upang hangarin nila ang pagkakaroon ng kalayaan at kapayaan ang bansa sa pananong isinulat niya ito.
Naging matagumpay si Balagtas sa layunin niya sa pagsulat ng Florante at laura? Ipaliwanag.
Ang Florante at Laura ay punong-puno ng pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino, at ang ilang pangyayari dito bagamat dayuhan ay maiuugnay pa rin sa mga pangyayari sa ating bansa sa kasalukuyan. Kakailanganing Pag-unawa para sa Aralin: Bahagi na ng buhay ang kabiguan na dapat harapin at gawing gabay sa paggawa ng kabutihan/ kadakilaan. Nauunawaan ng mag-aaral ang: Aralin 3: Kay Celia Tayutay na apostrope at eksklamasyon
Bakit hanggang sa kasalukuyan ay pinag-aaralan pa rin ang mga akda ni Balagtas, kabilang ang Florante at Laura?
• •
Mahalagang Tanong para sa Aralin: Bakit hindi dapat katakutan ang mga kabiguan sa buhay? Ang mag-aaral ay: nakapagbabahagi ng naging damdamin sa ginawang pagharap sa sariling kabiguan o kabiguan ng iba nakapagkukuwento ng ilang pangyayari sa kasalukuyan na may pagkakatulad sa aralin sa masining na paraan nakapagsasagawa ng panayam sa isang kakilala na nakaranas na ng kabiguan sa buhay nakabubuo ng ilang saknong ng tula gamit ang pinagkaugaliang taludturan (may sukat at tugma) para sa taong hinahangaan dahil sa katapangang ipinakita sa pagharap sa kabiguan
20
`
Antas 2 Inaasahang Pagganap: Pagbuo ng ilang saknong gamit ang pinagkaugaliang taludturan (may sukat at tugma)
Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagbabahagi sa naging damdamin sa ginawang pagharap sa sariling kabiguan o kabiguan ng iba. Mga kraytirya: makatotohanan, naglalarawan ng iba’t ibang damdamin, naglalahad ng pag-unawa sa sariling karanasan at ng ibang tao. pagbubuod at pag-uugnay ng mga pangyayari sa aralin sa kasalukuyan. Mga kraytirya: kaangkupan ng mga pangyayari sa aralin; masining ang pagkakalahad.
Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa ilang saknong na may pinagkaugaliang taludturan batay sa sumusunod na kraytirya : A. Kaangkupan sa paksa B. May sukat at tugma C. Orihinal D. Makatotohanan E. Tumutugon sa layunin
pagpapaliwanag sa mahalagang mensaheng nais ipahiwatig ng aralin. Mga kraytirya: kaangkupan ng mga ideya; naglalahad ng mga patunay, naglalahad ng sariling kongklusyon. paglalahad ng sariling pananaw kung may katulad pa ang may-akda sa kasalukuyan. Mga kraytirya: naglalahad ng iba’t ibang pananaw; may batayan/patunay ang nabuong pananaw, napaninindigan ang sariling pananaw. pagbabahagi kung paano hinarap ang mga kabiguang naranasan sa buhay . Mga kraytirya: makatotohanan; tapat. pagbabahagi ng sariling karanasan/karanasan ng iba kaugnay ng salitang kabiguan. Mga kraytirya: tapat; makatotohanan.
Antas 3 A. Tuklasin : Ang mga mag-aaral ay: •
•
nakapagbabahagi ng sariling karanasan o karanasan ng kakilala na humarap sa matinding kabiguan at ang naging damdamin niya sa ginawang pagharap sa kabiguan (Papikitin ang mga mag-aaral habang ipinaririnig sa kanila ang instrumental na awitin ng Natutulog ba ang Diyos?, Wind Beneath My Wings, o iba pang awiting instrumental na makapagpapaantig sa puso ng mga mag-aaral. Sabihin sa mga mag-aaral na alalahanin nila ang mga panahong nakaranas sila ng matinding kabiguan habang pinakikinggan ang awiting instrumental.) nakapagpapalitan ng opinyon sa Mahalagang Tanong na “Bakit hindi dapat katakutan ang kabiguan sa buhay? (Maaaring gawing pangkatan ang gawaing ito. Ipasulat sa manila paper ang buod ng napag-usapan ng pangkat. Ipapaskil sa pisara ang kanilang sagot at humandang iulat itosa klase. Maaaring bumuo ng iba pang mahalagang tanong ang bawat pangkat na maiuugnay sa aralin.)
21
`
•
•
nakapagmumungkahi ng mga kraytirya para sa pagtataya ng Inaasahang Produkto/Pagganap para sa aralin (Iminumungkahing gabayan ng guro ang mga mag-aaral sa pagsasagawa ng gawaing ito. Maaaring pangkatan ang gawaing ito. Ipasulat sa pisara ang mga kraytiryang ibinigay ng bawat pangkat at piliin ang mga angkop na kraytirya para sa inilahad na inaasahang pagganap para sa aralin. Hayaang ang mga mag-aaral pa rin ang magsuri sa mga kraytirya sa pamamagitan ng tseklist. ) nakapagbibigay ng kahulugan sa salitang kabiguan sa tulong ng Fruit Bearing Tree, Word Map, Word Association at iba pang estratehiya (Iugnay ang gawaing ito sa paksang tatalakayin sa bahaging Linangin.)
Fruit Bearing Tree
22