Iba’t Ibang Paraan Ng PagpapahayagFull description
EUPEMISTIKONG PAGPAPAHAYAG Ang eupemismo o eupemismo o badyang pangpalubagloob ay pangpalubagloob ay ang pagpapalit ng salitang mas magandang pakinggan kaysa sa salitang masyadong matalim, bulgar, o bastos na tuwirang nakapananakit ng damdamin o hindi maganda sa pandinig. Halimbawa nito ang paggamit ng "sumakabilang-buhay" sa halip na ang pabalbal na natigok, natepok, o natodas. Isang panggitnang o mahalagang aspeto ng pampublikong paggamit ng katumpakang pampolitika ang pagsasaad ng mga eupemismo.
•
•
Ang orihinal na katawagan ay pinagagaan sa kahulugan , sa pagpapalit ng katawagan upang di maging mabigat sa pandinig o damdamin ng iba ang sitwasyon.
EUPEMISTIKONG PAGPAPAHAYAG 1. Nauuri ang wika batay sa antas nito ayon sa: a. Paksa ng usapan b. Taong sangkot sa usapan c. Lugar 2. Mataas ang pandama o sensitibo sa mga pahayag na nagpapahiwatig lamang. 3. Gumagamit ng talinghaga para ‘di tuwirang tukuyin ang nais ipahayag na nakatutulong upang lalong mag-isip ang nagsasalita at kinakausap.
Sa kalahatan, umiisip ng magagandang salita o pahayag na kilala sa tawag o eupemismo. Ang eupemismo. Ang paggamit ng magagandang pahayag ay naglalayong pahalagahan ang damdamin ng iba.
MGA HALIMBAWA Sa halip na sabihing: 1. patay 2. nadudumi 3. iniwan ng asawa 4. katulong 5. ginahasa 6. pangit
Gumagamit ng: 1.sumakabilang buhay 2. tawag ng kalikasan 3. sumakabilang bahay 4. Kasambahay 5. Iginupo ang puri 6. Iba ang tabas ng mukha