Games Designer Workshop rules for gaming in the age of Flashing SwordsFull description
Descripción: Codex Garde Impériale v5
8:1 Multiplexer The multiplexer is a combinational circuit which accepts several data inputs and allows only one of them at a time to get through to the output.Descripción completa
jkFull description
1-8Full description
1-8
Description complète
voilaaDescription complète
Sangay ng mga Paaralang Lungsod SEKSYON NG SEKUNDARYANG FILIPINO Maynila MATAAS NA PAARALANG CAYETANO ARELLANO
BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO VIII IKAAPAT NA MARKAHAN- UNANG LINGGO Aralin 11- Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura
Baitang at Pangkat: VIII- 4, 3, 6, 15, 14
Petsa: Enero 20, 2014
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa Aralin 1:
-
“Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura”
MAHALGANG TANONG
-
Bakit isinulat ni Balagtas ang Florante at Lau ra?
KAKAILANGANING PAG-UNAWA
-
Isinulat ni Balagtas ang Florante at Laura bunga ng malungkot niyang karanasan sa larangan ng pag-ibig at upang pailalim niyang mailarawan ang kawalang katarungan sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol.
INAASAHANG PRODUKTO/ PAGGANAP
-
Ang mga mag-aaral ay nakapaglalahad ng maaaring damdamin at saloobin ni Balagtas sa kalagayan ng bansa at ng Florante at Laura sa kasalukuyan.
1
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO Pag-unawa sa Binasa -
Naiisa-isa ang mga konsepto ng nabasang teksto gamit ang Hot Seat
Pagsasalita -
Nakagagawa ng batas ukol sa mga paraan sa pagsupil ng katiwalian sa lipunan
-
Nakapaglalahad ng mga dahilan sa pag-aaral ng Florante at Laura
-
Nakapagsasadula ng patalastas ayon sa panghihikayat na mag-aral ng Florante at Laura
-
Nakapagbibigay-pananaw ukol sa pahayag na “Ang panulat ay higit na makapangyarihan kaysa tabak.” sa pamamagitan ng isang debate
Pagsulat -
Nakasusulat ng liham bilang si Balagtas hinggil sa kalagayan ng bansa at ng Florante at Laura ngayon panahon
-
Nagagamit ang kolokasyon sa isinulat na liham
PAMAMARAAN: A. Panimula Isulat sa mga kahon ang mga nalalaman niyo sa awit at korido. Awit
Korido
2
Paano sila nagkakatulad? Paano sila nagkakaiba? Konkulsyon -
B. Pagganyak Punan ng mga impormasyon ang Slam Book ni Balagtas. Pangalan: Palayaw: Kaarawan:
Zodiac Sign:
Kamatayan:
Edad:
Address: Paaralan: Paboritong Asignatura: Paboritong Kasuotan: Paboritong Pagkain: Paboritong Kulay: Paboritong Kasabihan: Mga Magulang: Mga Naging Kasintahan: Asawa: Mga Anak: Mga Naging Katungkulan: Mga Isunulat na Akda: C. Paglinang ng Talasalitaan Isa sa paglinang ng talasalitaan ang Pag-uugnayan ng mga Salita (Word Association). Hindi lamang kayarian at gamit n g salita
3
ang dapat na binibigyang-pansin natin sa pagpapakahulugan. Mahalga ring mapag-aralan at masuri ang kaugnayan ng mga salita sa iba pang salita upang magkaroon tayo ng ideya sa kabuuan ng kahulugan nito. Isa sa halimbawa nito ang:
Kolokasyon- ito ang pag-uugnay ng salita sa iba pang salita upang makabuo ng iba pang kahulugan.
Bigyang kahulugan ang mga salitang nasa loob ng bilog. Gamitin sa pangungusap ang mga salitang nasa loob ng bilog.
Pusong mamon Atake sa puso
PUSO
Pusong bato
PANGUNGUSAP:
4
Kabiyak ng puso
Hanapbuhay
Buhayreyna
BUHAY
Buhayalamang
PANGUNGUSAP:
5
Bagongbuhay
HimigPilipino KulturangPilipino
PILIPINO
BihisPilipino
PilipinongPilipino
PANGUNGUSAP:
D. Pagsususring Pampanitikan Sa pamamagitan ng Hot Seat, sagutin ang mga tanong ukol sa binasang teksto. UNANG TANONG:
IKALAWANG TANONG:
Bakit iba ang istilo ng pakikipaghimagsik ni Balagtas sa ibang rebede? Ano sa tingin mo ang pinakaepektibong paraan ng pagrerebelde?
Ano ang inspirasyon ni Balagtas sa pagsulat ng Florante at Laura?
6
IKATLONG TANONG:
IKAAPAT NA TANONG:
Ano ang tunay na himagsik ni Balagtas? Nakatulong ba ito sa kanyang pagsulat ng obra-maestra?
Paano mo maiuugnay ang Florante at Laura sa kasulukuyan?
IKALIMANG TANONG:
IKAANIM NA TANONG:
Ano ang ibig sabihin ng pangungusap na “Si Balagtas ay hindi isang makatang bayan kundi isang aral na makata”? Ipaliwanag ang sagot.
Ano sa tingin mo ang iniisip ni Balagtas habang isinusulat niya ang kanyang obra maestra? Bakit Niya ito isinulat? Patunayan ang sagot.
E. Pagbibigay- input ng guro -
“Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura”
-
Pahina 2-4 ng Kayumanggi sa Florante at Laura
F. Pangkatang Gawain Pangkat 1- Gumawa ng 5 batas ukol sa mga paraan sa pagsupil ng katiwalian sa lipunan. Pangkat 2- Maglahad ng dahilan kung bakit dapat pag-aralan ang Florante at Laura gamit ang bawat letra ng salitang Balagtas Pangkat 3- Magsadula ng isang komersyal kung paano mahihikayat ang kapwa mag-aaral sa pagbabasa ng Florante at Laura. G. Pag-uulat ng bawat pangkat H. Pagbibigay- ebalwasyon ng guro I. Pagsusulit Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang. 1. Ano ang buong pamagat ng obra maestra ni Francisco Baltazar?
7
2. Saan
nakatuon
ang
pakikibaka
ni
Balagtas
sa
kanyang
paghihimagsik? 3. Anong genre ng panitikan nabibilang ang obra maestra ni Balagtas? 4. Binubuo ng ilang pantig ang bawat taludtod ng obra maestra ni Balagtas? 5. Magbigay ng isang salitang nabuo mula sa kolokasyon at gamitin ito sa makabuluhang pangungusap. Salungguhitan ang kolokasyong ginamit. J. Sintesis Magtanghal ng isang debate ukol sa paninindigan ng klase sa pahayag na “Ang panulat ay higit na makapngyarihan kaysa tabak.” K. Takda 1. Magsulat ng liham bilang si Balagtas tungkol sa kalagayan ng bansa at ng Florante at Laura sa kasalukuyan. Gumamit ng hindi bababa sa 5 kolokasyon at salungguhitan ang mga ito. 2. Basahin at sagutan ang pahina 8-14.