Highly-enjoyable book. A feast to the curious mind by a renown author.Full description
cuento el arbol generosoDescripción completa
School VocabularyFull description
Achtung! Cthulhu Tales from the CrucibleFull description
Christian Chelman - Capricornian TalesFull description
Pdf of the rpg's core bookDescripción completa
Rad je objavljen u Zborniku radova 4. nedjunarodnog nau;nog skupa pod nazivom Tehnologija, Infornatika, Obrazovanje - Za društvo učenja i znanja, održanom 2007. godine Rad je objavljen u Zb…Full description
.Descripción completa
Joshua Christian T. Elijay BSM42
Kabesang Tales Si Telesforo Juan de Dios, o mas kilala bilang Kabesang Tales, ay isa sa mga prominenteng tauhan sa El Filibusterismo ni Jose Rizal. Siya ang anak ni Tandang Selo at ama ng magkapatid na Huli at Tano. Siya ay tahimik at masunurin sa mga prayle. Siya ay dating nakikisama sa isang mayamang pamilya ngunit nagsarili siya ng pamumuhay nang magkaroon siya ng dalawang kalabaw at daan-daang piso. Katulong ang kanyang ama, asawa, at mga anak, nabubuhay sila sa pagkakaingin. Ang hanapbuhay ding ito ang siyang naging sanhi ng pagkamatay ng kanyang asawa at panganay na anak na si Lucia dahil sa malarya. Pait na dinanas Sa unang ani ni Kabesang Tales, ipinag-utos ng isang korporasyon ng mga prayle na agawin ang lupang kaniyang sinasaka. Dahil manglaban sa mga makapangyarihang prayle, pumayag siyang magbayad ng taunang buwis. Naging maganda ang ani ni Tales sa kasunod na taon. Ito ang naging dahilan kung bakit tinaasan ang buwis na kaniyang binayaran Dahil sa matinding pagsisikap ay nakamit niya ang kaniyang pangarap na tumira sa mataong lugar sa bayan ng Sagpang at mapag-aral ang kanyang dalawang anak. Nakita ng kaniyang mga kanayon ang kaniyang kasipagan kung kaya't pinagkaisahan siyang maging cabeza de barangay. Ang pangunahing tungkulin ng isang kabesa ay ang maningil ng buwis sa kaniyang barangay. Sa kanyang paninilbihan bilang kabesa ay tila nawalan siya ng bibig magagamit upang ipahayag ang kaniyang saloobin. Tila nawalan siya ng karapatang ipagtanggol ang sarili sapagkat binabayaran niya buhat sa sariling bulsa ang mga nakatalang hindi nakapagbayad, na ang iba ay patay na at ang iba naman ay lumipat na ng tirahan. Dahil sa kalagayang ito ay unti-unting naghirap sina Tales at hindi natuloy ang pagpapa-aral kay Huli.
Inhustisya Tinaasan pa ng sampung beses ng mga prayle ang buwis para sa lupain ni Kabesang Tales at kung hindi ito mababayaran ay tuluyan na nilang aangkinin ang lupain. Sumangguni si Tales sa korte. Nagasta niya ang lahat ng kaniyang ipon para ipaglaban ang kaniyang kaso. Nauwi rin sa wala ang lahat dahil natalo si Tales sa usapin. Sa Kabanata 4 ng nobela, ipinapakita nang lantaran ang kawalang-hiyaan ng mga prayle, ang kawalang katarungan sa bansang Pilipinas, ang kawalang kahalagahan ng isang indiyong mangmang na mag-isang naniniwala at nakikipaglaban sa kaniyang karapatan at kabutihan. Ipinapakita rin sa kabanatang ito ang dahilan kung bakit ang rebolusyon ang tanging paraan sa pagkamit ng reporma sapagkat kung idadaan ito sa maayos at legal na paraan ay pumapanig pa rin ang hustiya sa may kapangyarihan. Ang pag-anib sa mga tulisan Matapos ang usapin ay walang ibang ginawa si Tales kundi bantayan ang kanyang lupain hanggang sa mahuli siya ng mga tulisan. Humihingi ang mga tulisan ng multa na nagkakahalaga ng limandaang piso. Nang makalaya dahil sa perang napagbili ni Huli sa kaniyang mga hiyas at sa tulong ni Basilio, napag-isip si Tales. Nakita niya ang katayuan ng kanilang buhay, pagpapalayas sa kanilang sariling bahay, at mga nasirang pangarap. [2] Nang sumunod na araw, nakituloy si Simoun sa kaniyang bahay upang magbenta ng kaniyang mga alahas. Tinangay niya ang rebolber ng huli kapalit ng locket na pinakaiingatan ni Huli. Kinabukasan ay may natagpuang patay sa kanilang lupain. Isang babae at isang bata. Simula noon ay umanib si Tales sa mga tulisan Ang kwento ni Kabesang Tales ay nagpapakita sa malalim na paglalarawan ng inhustiyang naranasan ng mga walang boses sa lipunan. Sinasagot nito ang tanong na “ebolusyon o rebolusyon?”, at kung aantayin pa ba ang hustiya sa kamay ng mga Kastila o hahawakan na lang ang batas sa sariling kamay?