LM FIRST QUARTER ARALIN
1 Layunin: Naibibigay ang mga uri ng pangngalan. TUKLASIN MO Basahin ang Patalastas at sagutin ang mga tanong ukol dito.
FILIPINO PATALASTAS Ngayong panahon nang BAGYO dumadami ang nabibiktima nang dengue ito ay kumukuha na nang mga buhay nang ating mga mahal sa buhay…………..dahil sa mga PESTENG mosquito!!! Pero sa Jan Sinfuego corporation mayroong solusyon diyan gamit ang ‘MOSQUITO ALIS!’ dahil dito ay marami na ang mga buhay na isinalba nito!
Mga tanong: 1. 2. 3. 4. 5. 6.
Tungkol saan ang patalastas? Anong sakit ang laganap tuwing panahopn nang bagyo? Saan nanggaling ang sakit na Dengue? Ano ang solusyon sa Dengue ayon sa patalastas? Sa iyong palagay, epektibo kaya ang Mosquito Repellant na ito? Anong kompanya ang nagbigay ng solusyon sa Dengue?
BASAHIN MO
PISTA SA AMING BAYAN Tuwing Mayo 1 ng bawat taon ay ipinagdiriwang sa lalawigan ng Nueva Ecija ang pistang bayan ng Gapan City. Ang mga patron ng syudad ay ang Divina Pastora at Tatlong Hari. Marami sa mga magsasaka ang kasama sa parade. Nakasakay sila sa mga kalabaw. Ilan sa mga sumamang kariton ay may mga bigkis na palay at buwig ng saging na palamuti. Ang nakahihigit ay traktora at mga trak ng palay. Ang Gapan ay unang bayan sa Nueva Ecija, lungsod na ito ngayon. Pagsasaka ang pangunahing pangkabuhayan ng mga tao. Naniniwala sila na ang patrona, Divina Pastora ay nagbibigay proteksyon sa mga naninirahan dito. Ang patrona ay milagrosa. Ang pista ng Gapan ay dinarayo ng mga tao sa kalapit bayan at lungsod..
Mga tanong: 1. 2. 3. 4.
Anong bayan sa Nueva Ecija ang nagdiriwang ng pista tuwing Mayo 1? Sinu-sino ang mga patron ng syudad? Paano ipinagdiriwang ng mga tao ang kapistahan sa syudad na ito? Ganyan din ba kayo magdiwang ng pista?
PAGYAMANIN NATIN Pansinin na ang mga salitang pantanging ngalan ay may isang salungguhit at ang pambalana ay may dalawang salungguhit.
ISAISIP MO Balikan ang mga may salungguhit na salita mula sa kwentong binasa,sabihin kung anong uri ng pangngalan ang mga ito.
ISAPUSO MO Tandaan na may dalawang uri ng pangngalan, 1. Pantangi-tiyak na pangngalan at sinisimulan ito sa malaking titik. Halimbawa: Divina Pastora Manila Hotel Tatlong Hari Nueva Ecija
2. Pambalana – Karaniwang pangngalan, sinisimulan ito sa maliit na titik. Halimbawa: saging kalabaw tao silya bayan bata
ISULAT MO A,Salungguhitan ang mga pantanging ngalan at ikahon ang mga pambalana. 1. 2. 3. 4. 5.
Si Edison ang panganay kong kapatid. Ang ibon ay umaawit. Sa Mababang Paaralan ng San Antonio nag-aaral si ate. Si Gng. Ramos ang aking guro. Ang Laguna ang aking lalawigan.
ARALIN
2 Layunin: Nabibigyang kahulugan ang patalastas. TUKLASIN MO Subukang magbigay ng isang halimbawa ng patalastas. Ipakita o iparinig ito sa mga kaklase.
BASAHIN MO Basahin ang patalastas sa ibaba at sagutin ang mga tanong ukol dito.
PAGYAMANIN NATIN
1. 2. 3. 4. 5.
Sagutin ang mga tanong: Tungkol saan ang patalastas? Anu-anong mga benepisyo ang dulot ng shampoo sa iyong buhok? Ilang oras ang itatagal ng bango ng iyong buhok? Saan gawa ang naturang shampoo? Sa iyong palagay epektibo kaya ang patalastas?
ISAISIP MO Kumuha ng kapareha at pag-usapan ninyo kung anu-anong shampoo na ang inyong nagamit. ang epekto nito sa inyong buhok at kung ngustuhan nyo ba ito o hindi?Sa inyong palagay mahalaga ba ang patalastas?
ISAPUSO MO Ano ang pangngalang pantangi? Pambalana? Mula sa patalastas na inyong binasa alin ang pangngalang pantangi at pambalana?
ISULAT MO Nasa loob ng kahon ang mga pangngalan. Piliin ang angkop na pangngalan na bubuo sa bawat pangungusap.
Monggol
1. 2. 3. 4. 5.
Luneta Park
ibon
Linggo
Mabait ang aking __________ na si Gng, Astrera. Nagsisimba ako tuwing araw ng ____________. Masarap mamasyal sa _________________. Ang _________ ay masayang umaawit sa sanga ng isang puno. Ang gamit kong lapis ay ____________.
guro
ARALIN
3 Layunin: Nakasusulat ng isang maikling balita. TUKLASIN MO Sino sa inyo ang nanood ng balita kagabi?
BASAHIN MO Basahin ang maikling balita na nasa ibaba. Pagmimina sa Bundok Diwalwal, Ipinatigil Ipinatigil ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pamumuno ni kalihim Heherson Alvarez ang pagmimina at lahat ng operasyon sa pagpoproseso ng mineral sa Bundok Diwalwal, sa Monkayo, Compostela Valley noong Linggo,Agosto 11, 2002 upang sugpuin ang patuloy na paglala ng polusyon at karahasang nagaganap sa naturang lugay. Magkasabay na ipinahayag nina AFP Chief Hen. Roy Cimatu at PNP Chief Director Hermogenes Ebdane ang pagpapadala ng puwersa ng pulisya at military upang kontrolin ang magulong kondisyon sa Bundok Diwalwal sa loob ng dalawa hanggang tatlong lingo. Ayon kina Cimatu at Ebdane, ang magksamang puwersa na itinalaga sa Bundok Diwalwal ay regular na papalitan upang maiwasan ang pagiging malapit ng mga awtoridad at ng mga opereytor ng minahan. Kapag natiyak na ang seguridad ng lugar at matigil na ang pagmimina, magtatayo ang mga inhinyero ng DENR ng mga dam kung saan patatakbuhin ang mga dumi dulot ng operasyon ng pagmimina. Kaugnay nito, lilinisin din ang Ilog Naboc at itatayo ang People’s Small Scale Mining Protection Fund.
PAGYAMANIN NATIN Sagutin ang mga tanong: 1. Saan matatagpuan ang Bundok Diwalwal? 2. An0-ano ang hakbang na gagawin ng PNP at AFP upang makontrol ang karahasang nagaganap sa Bundok Diwalwal? 3. Paano ikokontrol ng DENR ang patuloy na paglala ng polusyon sa Monkayo, Compostella Valley? 4. Paano tutulungan ng DENR ang maliliit na minero na makinabang sa yaman ng kanilang bayan?
ISAISIP MO
Ilang talata mayroon ang balita? Tungkol saan ang bawat talata?
Tandaan 1. Bawat talata ay nakatuon sa isang ideya. Kalimitan, nasa unang pangungusap ang panginahing ideya ng balita. Ang iba pang pangungusap sa talata ay sumusuporta sa pangunahing ideya. 2. Isipin ang unang salita ng bawat talata. 3. Gamitin ang malaking titik kung saan kailangan. 4. Gamitin ang wastong bantas sa mga pangungusap.
ISAPUSO MO Anu-ano ang mga pamantayan sa pagsulat ng balita?
ISULAT MO Punan ng angkop na pangngalan ang mga patlang upang mabuo ang talata. Alam Ba Ninyo? Nakakita ka na ban g mga pamayanan sa mga kabundukan? Paano ito nangyari? Maraming 1. __________ ang nag-iiwan ng kinalbong bahagi ng 2 ___________. Pinuputol nito ang mga 3__________ at hindi pinapalitan ng bago. Dito pumapasok ang mga 4_______. Tinataniman nila ito ng 5__________at 6________ . Pagkatapos ng dalawang 7________, hindi na nila ito tataniman. Kung maganda pa ang mga 8 ___________ na ginawa ng mga 9_________________. Maaaring may magtayo ng10_________ sa dating 11 __________, sa halaman, dadami ang mga 12______________ at ito’y magiging munting 13 ____________ ng mga 14___________, Sisikapin nilang taniman ang 15 _____________ upang makapag-ani. Ngunit dahil sa kakulangan sa 16_____________ hindi sila makapag-ani ng 17 _____________. At kung hindi marunong maglinis, magkakalat sila ng 18 ___________. Mga pagpipiliang salita
Kabundukan Kubo likha
daan
kaingero
puno
paligid
tubig
magtotroso
Ikabubuhay
tao
bundok
palay at mais
pamay
pamayanan
Kaingin
basura
pag-aani
ARALIN
4 Layunin: Nagagamit ng wasto ang mga pangngalan sa pagtalakay tungkol sa sarili, sa mga tao,, sa mga hayop, lugar, bagay at pangyayari sa paligid.
TUKLASIN MO Magsalaysay ka tungkol sa iyong sarili.
BASAHIN MO Basahin ang mga sumusunod na pangungusap 1. 2. 3. 4. 5.
Si Dr. Ramos ay nagpapakadalubhasa sa Amerika. Masipag tumahol ang aming aso. An bayanihan ay isang magandang kaugaliang Pilipino. Maalat ang tubig sa dagat. Nanganganib na pumutok ang bulkang Mayon.
PAGYAMANIN NATIN Alin ang mga pangngalan na ginamit sa bawat pangungusap sa itaas? Anong uri ng pangngalan ang ginamit sa bawat pangungusap?
ISAISIP MO Pangkatang Gawain: Ang bawat grupo ay magkakaroon ng talakayan gamit ang ibat-ibang pangngalan. Pangakt I- tao Pangkat 2- bagay Pangkat 3- hayop Pangkat 4- lugar Pangkat 5- pangyayari
ISAPUSO MO Nagagamit natin ang pangngalan upang matalakay ang mga bagay ukol sa ating sarili, tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari.
ISULAT MO Punan ang patlang ng wastong pangngalan upang mabuo ang bawat pangungusap.
ARALIN
5 Layunin: Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di- pamilyar sa pamamagitan ng paggamit sa pangungusap..
TUKLASIN MO Buuin ang magkakahiwalay na salita upang makabuo ng isang pangungusap. Ibigay ang kahulugan ng may salungguhit na salita. Maraming
ang nag-iiwan
kaingero
bahagi ng
ng kinalbong
BASAHIN MO Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita at gamitin ito sa pangungusap. 1. 2. 3. 4. 5.
Magtotroso Kaingin Munti Basura Kalbo
PAGYAMANIN NATIN Paano natin malalaman ang kahulugan ng isang salita pamilyar man o dipamilyar?
kagubatan
ISAISIP MO Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa pangungusap. Isulat ang nawawalang letra ng salitang kahulugan nito. 1. Ang pangalan ko ay hinango mula sa pangalan ng aking ama at ina.
i
2. Noon ay makaluma ang pangalan natin ngunit nang maglaon ay naging makabago na rin.
g i
3. Ibinatay niya ang kanyang isinulat sa kanyang narinig.
4. Ang magsasaka ang nagpunla ng mga palay na siyang inaani nila ngayon.
5. Hindi niya alam kung saan nagmula ang regalong natanggap niya kanina.
h
n
n
t a
a
t a
ISAPUSO MO Malalaman natin ang kahulugan ng isang salita sa pamamagitan ng paggamit nito sa pangungusap.
g
ISULAT MO
Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita at gamitin ito sa pangungusap 1. 2. 3. 4. 5.
Mabitag Nagimbal Masagip Mabangis maibsan.
LM 2ND QUARTER
ARALIN
9 Layunin: Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto
TUKLASIN MO
BASAHIN MO Tungkol saan ang karanasan? Ganyan din ba ang karanasan ninyo bilang bata?
PAGYAMANIN NATIN Ang bawat isa sa atin ay may kanya kanyang karanasan. Anu-ano ang iba’t – ibang karanasan ang maaaring maranasan ng mga batang katulad ninyo?
ISAISIP MO Bawat pangkat ay magsasalaysay ng tungkol sa kanilang iba’t-ibang karanasan sa: . Pangkat 1- sa paaralan Pangkat 2- sa simbahan Pangkat 3- sa pasyalan Pangkat 4- sa sasakyan
ISAPUSO MO Dapat ba nating pahalagahan an gating mga karanasan? Bakit?
ISULAT MO Bawat pangkat ay pipili ng isang kasapi na magsasalaysay ng sariling karanasan.
ARALIN
10 Layunin: Naisasalaysay ang mga pangyayaring naobserbahan sa paligid. TUKLASIN MO Sino sa inyo ang may alam ng awiting “Kapaligiran “?
BASAHIN MO Basahin at unawain ang mensaheng nais iparating ng awiting “Masdan Mo ang Kapaligiran”
PAGYAMANIN NATIN 1. Tungkol saan ang awit? 2. Anu-ano ang mga pangyayari na naobserbahan ng mang-aawit sa kanyang kapaligiran? 3. Ano ang mensahe ng awitin? 4. Kung ikaw ang mang await, ano ang iiwan mong mensahe sa mga tao?Bakit?
ISAISIP MO Pangkatang Gawain: Bawat pangkat ay magsasalaysay ng mga bagay o pangyayari na naobserbahan nila sa kanilang paligid.
ISAPUSO MO
Maraming mga bagay o pangyayari ang naoobserbahan natin sa ating paligid. Maaaring ito ay mabuti o hindi mabuti.May mga pangyayari na dapat natin tularan at meron naman na hindi natin dapat gayahin o gawin.
ISULAT MO Tingnan at suriin ang mga nasa larawan at isalaysay ang pangyayari na iyong naobserbahan.
ARALIN 11
Layunin: Nagagamit ang pang-uri sa paglalarawan ng mga hayop na exotic.
TUKLASIN MO Anu-ano ang mga hayop na makikita ninyo sa Manila Zoo? Lahat ban g hayop ditto ay pangkaraniwan at kilala ninyo?
BASAHIN MO Tingnan ang mga nasa larawan.Ano ang masasabi ninyo? Kilala n’yo ba ang mga ito? Ilarawan ang mga ito.
PAGYAMANIN NATIN Anong uri ng panalita ang inyong ginamit upang mailarawan ang mga hayop na ito?
ISAISIP MO Bumuo ng 5 pangkat ang bawat pangkat ay magbibigay ng isang exotic na hayop at ilarawan ito gamit ang pang-uring panlarawan.
ISAPUSO MO
Ang pang –uring panlarawan ay ginagamit upang mailarawan ang mga exotic na hayop.
ISULAT MO Tignan ang larawan at ilarawan ito gamit ang pang-uring panlarawan. Isulat ito sa sagutang papel
1
Wastong Pagkain (Tula)
Tuklasin Mo A. Buuin ang mga salitang nasa strips upang makabuo ng isang pangungusap. kayamananan
ang
Isang
pangangatawan.
malusog na
B. Bago natin basahin ang tula tungkol sa Wastong Pagkain ay atin munang alamin ang kahulugan ng ilang salitang ginamit dito. 1. 2. 3. 4.
Malusog ang taong hindi sakitin. Lilinaw ang mata ng batang kumakain ng papaya. Kapag palaging nagsisipilyo ay titibay ang ngipin. Palagi nating tatandaan na ang batang hindi sumusunod sa payo ng magulang ay tiyak na maliligaw ng landas. 5. Kumain ka ng gulay upang humaba ang iyong buhay.
Basahin Mo Isang kayamanan ang malusog na pangangatawan. Ang buhay ay biyaya ng Maykapal at dagdag na biyaya ang pagiging malusog. Ang pag-aalaga ng katawan upang maging malusog ang atin naming handog sa Maykapal. Paano ito magagawa? Pakinggan ang tulang babasahin ng guro na pinamagatang “Wastong Pagkain”.
Pagyamanin Natin Gawin Ninyo
Magbugtungan Tayo:
Gawin Mo Punan ng nawawalang salita ang patlang upang mabuo ang saknong. Nasa kahon ang mga pagpipiliang salita.
Isaisip Mo Nasunod mo ba ang mga dapat tandaan sa pakikinig? Magagawa natin na maging malusog ang ating katawan kung ito ay aalagaan at hindi natin aabusuhin. Iingatan at kakain ng masusustansyang pagkain. Isulat Mo Pakinggan ang tulang babasahin ng guro “Balik-Probinsya”. Pag-aralan at tandaan ang bawat salitang inyong maririnig. Sagutin ang pagsusulit sa ibaba. Lagyan ng ̸ ang patlang kung ang salitang may salungguhit ay tama sa narinig na tula at x kung mali at isulat sa patlang ang tamang kasagutan. ___________1. Basurang lansangan sa mga bangketa, Malaking baha, mga sirang daan, ___________2. Maraming totoo, sa mga taong lungsod, Hindi magkamayaw, hindi makakibo. ___________3. Mayaman ang lupa, sagana sa lahat, Laging tumutulong sa nangagsisikap. ___________4. Tayo nang magbalik sa ating probinsya, Iwanan ang lungsod na pugad ng saya. ___________5. Mga kaibigan ay handang tumulong, Sa ating probinsya, kaugalian yaon.
2
Bayanihan, Susi sa Pagbangon sa Kalamidad
Tuklasin Mo A. Pagmasdan ang larawan sa ibaba. Ano ang ginagawa nila? Saan sila naroroon? Magbigay ng mga salitang angkop sa kanilang ginagawa. Gamiting basehan ang mga letrang nasa ibaba. 1. A B N H Y A I N A _________________________ 2. A N G U U G N A T N T L U _________________________ 3. A G L N I I L S I N _________________________ 4. AGNUPTUOLP _________________________ 5. A K G A N K I A A S _________________________
Humanda na at pakinggan ang mo ang babasahing kwento ng iyong guro. B. Bago natin alamin ang kabayanihanh ginawa ng mga taga-Hagonoy, Bulacan, ibigay muna ang hinihingi ng ng bawat kahon kaugnay ng mga salitang mababasa mo sa balitang iyong babasahin. Gawin ito sa kwaderno. Salita Nasalanta Sakripisyo Panayam kalamidad manalasa
Alam Ko
Natutuhan Ko
Huwag mag-alala kung hindi nalagyan ng sago tang pangalawang kahon. Kilalanin ang mga salitang ito sa pamamagitan ng pagbasa ng isang balita.
Basahin Mo A. Bayanihan? Pagbangon? Alamin ang kwento ng pagbabayanihan ng mga tagaHagonoy, Bulacan sa kanilang naranasang kalamidad at kung ano ang nagging Tuesday, July 29, 2014
Bayanihan susi sa pagbangon sa kalamidad
HAGONOY, Bulacan—Hindi pa naiaayos ang mga kagamitang nasalanta sa loob ng kanilang tahanan ay tumulong na sa paglilis sa Pugad Elementary School sina Kagawad Ariel Dela Cruz, Renato Gregorio at Gilbert Tamayo. Bukod dito, nasira din ang bahagi ng kanilang tahanan, partikular na si Gregorio na tuluyang nawasak ang bahay. Agad namang namahagi ng relief good ang pamahalaang bayan ng Hagonoy sa mga Barangay ng Pugad at Tibaguin noong Biyernes, Hulyo 18 o dalawang araw matapos manalasa ang bagyong Glenda. Ito ay ilan lamang sa mga larawan ng pagbabayanihan ng mga residente ng bayang ito upang mapabilis ang pagbangon ng mga mamamayang naapektuhan at nasalanta ng bagyo. Bukod naman sa mga kagawad ng barangay Pugad, nakiisa rin ang mga guro,magulang, at mga mag-aaral ng nasabing paaralan sa paglilinis ng mga silid aralan na napinsala ng storm surge na hatid ng bagyo ng ito ay tumawid sa Manila Bay noong Miyerkoles. Katunayan, suspendido pa ang klase ay nagsibalik na ang mga guro ng Pugad Elementary School noong Huwebes, Hulyo 17 sa pangunguna ng kanilang head teacher na si Jocelyn Perez. Ito ay upang simulan ang pagsusuri sa pinsala sa paaralan at ang paglilinis. Kinabukasan, unang araw ng klase matapos ang pananalasa ng bagyo, si Perez at pito pang guro ng paaralan ay sinamahan at tinulungan sa paglilinis ng mga magulang, mag-aaral at opisyal ng barangay. “Katatapos lang namin ng Brigada Eskwela, balik na naman
kami sa paglilinis,” ani Perez sa panayam ng Mabuhay. Ang tinutukoy niya ay ang isinawang Brigada Eskwela noong Mayo o dalawang buwan pa lamang ang nakalilipas. Sa pagsasagawa ng Brigada Eskwela noong Mayo, ikinuwento ni Perez ang naging sakripisyo ng bawat isa sa paglilinis, pagpipintura at pagkukumpuni ng mga silid arala, maging ng mga mesa at silya ng mga mag-aaral. Ngunit anuman ang kanilang nagawan noong Mayo, ang mga ito ay naglaho sa loob ng isang iglap noong Miyerkoles ng salpukin ng malalaking alon ang mga gusali ng paaralan at nawasak ang pader nito. Bukod dito, nasira din ang mga bintana, maging ang mga kagamitan ng mga guro tulad ng mga mesa, silya, libro. Maging ang computer, telebisyon, DVD player,printer sa tanggapan ni Perez ay napinsalan, kasama ang lahat ng bentilador sa siyamna silid aralan ng paaralan. Sa kabila nito, tiniyak ng punong guro na magiging regular ang kanilang klase sa Lunes, Hulyo 21.
“Pipilitin po namin para madaling makabangon ang mga bata,” aniya. Hinggil sa kakulangan ng mga gamit sa pagtuturo ng mga guro, sinabi niya na “kakayanin yan ng mga teacher natin.” Bukod dito, ipinagmalaki rin niya ang suporta ng mga residente ng barangay Pugad. Inayunan din ito nui Mary Anne Agulto, ang pangulo ng Parents Teachers Community Association (PTCA) ng nasahing paaralan. Si Agulto ay isa sa maraming magulang na tumulong noong Biyernes sa paglilins sa paaralan. “Nakita kokasi yungmga nanay na nagpupuntahan dito kaya sumama na rin ako,” ani Agulto na ang tahanan ay bahagya ring napinsala. Para naman kina Dela Cruz, Gregorio at Tamayao, hindi nila maaaring pabayaan ng paaralan. Ito ay hindi lamang sa sila mga Kagawad ng Barangay, sa halip ay bilang mga dating estudyante bukod sa ang kanilang mga anak ay doon din nag-aaral. “Kailangang makabalik agad sa klase ang mga estudyante para magbalik sanormalang buhay,” ani Tamayo.
Inayunan din ito ni Kagawad Alfredo Lunes na ang may-bahay ay isa sa mga guro sa nasabing paaralan. “Hindi naming maaring pabayaan itong school, dito kami lahat nag-aral, pati mga magulang namin ay dito rin nag-aral,”ani Lunes. Kaugany nito, naghatid ng ngiti sa mga residente ng Pugad at Tibaguin ang ipinamahaging relief goods nina Mayor Raulito Manlapaz at Vice Mayor Pedro Santos. Sa panayam, binigyang diin ni Manlapaz na mas binigyang prayoridad nila ang ang dalawang barangay dahil mas malaki ang naging pinsala sa mga ito. “Maliit na tulong lang iyan para makabangon agad sila,” ani Manlapaz. (Dino Balabo) Posted by Mabuhay Online at Tuesday, July 29, 2014
Pagyamanin Mo Gawin Ninyo A. Ihanda ang pangkat sa presentasyong isasagawa. 1. Ibigay ang reaksyon o opinyon sa balita sa pamamagitan ng: a. Dula-dulaan b. Wrap c. Awit d. Tula
Gawin Mo A. Ano-ano ang pangyayari sa balita? Balikan natin sa pamamagitan ng pagsagot sa Gawain na ito. Isulat ang hinihingi ng bawat kahon. Gawin ito sa kwaderno.
Unang Pangyayari Pangalawang Pnagyayari Ikatlong Pnagyayari Sarili kong Wakas
Isapuso Mo
Isulat Mo Pumili ng isang nagustuhan mo mula sa ipinakita ng iba’t ibang pangkat. Ipaliwanag kung bakit ito ang nagustuhan mo. Gawin ito sa kalahating bahagi ng papel.
3
Kailanan ng Pangngalan
Tuklasin Mo A. Pagmasdan ang kahon. Kunin ang laman sa loob.
Humanda na at makinig sa usapang gaganapan ng dalawang mag-aaral. B. Bago magsimula ang usapan ay basahin muna ang mga pangungusap sa ibaba upang maunawaan ang nilalaman ng usapan. Sagutin ng TAMA o MALI ang mga ito upang matukoy ang kahulugan ng bawat isa. 1. 2. 3. 4. 5. Basahin Mo
Ang asignaturang Filipino ay ginagamit lamang dito sa Pilipinas. Sa Matematika pinag-aaralan ang mga bilang. Nag-iisa lamang ang nanay ko. Dalawa ang punungguro sa isang paaralan. Mahirap maggawa ng takdang aralin kapag marami.
Basahin at pag-aralan ang usapan.
Si Gng. Condino ang bagong guro sa Filipino. Marami na ngayong guro sa Filipino.
Dalawa naman ang bagong guro sa Matematika.
Pansinin ang mga salitang may salungguhit na tumutukoy sa dami o bilang ng pangngalan, ito ay tinatawag na kailanan ng pangngalan. Pagyamanin Natin Gawin Ninyo A. Punan ang mga patlang ng wastong kailanan ng pangngalan. 1. ___________ tatay ay umalis kanina. 2. ___________ ang apat na bata. 3. Sila ang ____________ sa ballroom dancing. 4. ____________ lola muna ako uuwi ngayong gabi. 5. Nagyakapan ang ____________ nang magkita. B. Isulat muli ang pangungusap sa maramihang anyo ang pangngalan. 1. Si Karen ay maganda. _________________________. 2. Ang aking kapatid ay maingay. _________________________. 3. Kay Alex ang nawawalang aklat. _________________________. 4. Ang kapatid ko ay malusog. _________________________. 5. Ang sapatos ay nalubog sa baha. _________________________. C. Bilugan ang pangngalan sa bawat pangungusap. Lagyan ng bilang 1 kung isahan, 2 kung dalawahan at 3 kung maramihan sa loob ng kahon. 1. Ang magkakaibigan ay nagbibigayan. 2. Isang bata ang nabigyan ng guro ng regalo. 3. Nagsama-sama ang magkakalabang koponan sa basketbol. 4. Kita ang pupunta sa palengke. 5. Payamot na sumagot ang katulong. 6. Matatangkad ang magpipinsan.
7. Ikaw ang susundo sa iyong kapatid sa paaralan. 8. Ako ang kukuha ng bola mo sa kanal. 9. Ang mga mag-aaral ay maagang pinauwi ng principal. 10. Tayong magkakapitbahay ang pararangalang pinakamalinis na kalye sa barangay San Antonio.
Gawin Mo A. Isulat sa Patlang ang angkop na kailanan ng pangngalan. 1.
_____________
2.
_____________
3.
______________
4.
______________
5.
______________
6.
_____________
7.
______________
8.
______________
9.
______________
10.
______________
Isaisip Mo Sagutan sa kwaderno. Panuto: Lagyan ng ang patlang kung ang pangngalan ay isahan, kung dalawahan at maramihan. 1. tatlong kuting _____ 2. isang kuting _____ 3. kina Mang Julian _____ 4. mga bulaklak _____ 5. mahkapatid _____ 6. si Cayetano Diaz _____ 7. mga mangingisda _____ 8. ang lola _____ 9. mag-asawa _____ 10. kay Lino _____ Isapuso Mo Tandaan: Ang kailanan ng pangngalan ay tumutukoy sa dami o bilang ng pangngalan. •
•
•
Isahan – kung tumutukoy sa isang pangngalan. Ginagamitan ng panandang si, ni, kay at ng, pang-uring pamilang na isa, tangi, solo at bugtong. Hal. Ang aklat Solong anak Dalawahan- mga pangngalang tiyak na dalawa ang dami o bilang. Karaniwa’y ginagamitan ito ng panlaping mag. Hal. Ang magkaibigan ay nagmamahalan. Kami lang ang magkapatid. Maramihan- kung ang pangngalan ay higit pa sa dalawa. Ginagamitan ng panandang maramihan gaya ng ang mga, sina, nina, at kina. Maaari rin itong gamitan ng salitang marami, sari-sari,iba-iba at ang panlaping mag na sinusundan ng pag-uulit ng unang pantig ng isahang pangngalan. Hal. sina Ana, Rona at Aida Iba-ibang bulaklak Sari-saring palamuti Maraming bata Magpipinsan, magkakapatid Ang mga mag-aaral.
Isulat Mo Panuto: Punan ang patlang ng wastong pangngalan at isulat sa ibabaw nito kung isahan, dalawahan o maramihan. 1. 2. 3. 4.
Siya ay _____________ na anak ni Tito Larry. _____________ na kami bata pa lamang. Ang inihandang menu ay para sa ___________ lamang. _______________ ng manlalaro ng basketbol ang dumarayo sa ibang bansa. 5. _____________ bata ay umiiyak.
4
Ang Kapistahan ng Hulong Duhat
Tuklasin Mo A. Word Hunt. Hanapin ang mga salitang nasa ibaba sa loob ng mga kahon.Bilugan ang mga ito. T B F HB A. S M B. G O D G P
I C I F T A O P C I F 1. 2. 3. 4. 5.
N A G U J K G F P I N O R E F Y W Y Z P G A N D M A G A K A P I N G U H N U G U Z X C A kapistahan ginugunita pinagdarayo tinagurian lumipas
R R A J A A O S U N Q
I D K R P P D T N I W
A Y A K I O S A I T E
N Y Y D T E I H T A R
O M L U M I P A S U
K N B H T Y U N P O I
B. Piliin sa loob ng panaklong ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit. 1. Inalok niyang bilhin ang sangang hugis krus. (inangkin, isinama, ipinakiusap, inalis) 2. Parang paglapastangan iyon sa Panginoon. ( pagmamahal, paglabag, paggalang, pag-alipusta) 3. Nais ng lalaki na maangkin ang hugis krus na sanga ng punongkahoy ( makuha, mawala, malipol, maipagmalaki) 4. Napagkaisahan ng mga mamamayan na putulin ang sangang hugis krus. (nagsitutol, nag-away-away,napagkasunduan) 5. Benindisyunan ng pari ang punong kahoy. ( binasbasan, biniyayaan, binigyan ng pahintulot) Basahin Mo Mga Susing Salita: tinagurian-binansagan pinagdarayopinupuntuhan kapistahan-pagdiriwang, kasaysayan
Mayaman ang Pilipinas sa mga tradisyon at kaugalian na patuloy na nagbibigay-sigla sa kulturang Pilipino. Isa na rito ang ….
Ang Kapistahan ng Hulong Duhat
Hindi magkamayaw ang mga anak nina Aling Rosa at Mang Jose sa nalalapit na kapistahan ng kanilang lugar. Paano’y nagkatipon na naman ang mga batang makukulit na apo nila. Bawat isa naman nilang anak ay may nais na sagutin sa kapistahang magaganap. Tunay ngang matanda na sina Aling Rosa at Mang Jose. Marami na silang apo. “Inay, kami na ang mag magluluto ng kare-kare at hamonado,”sanggumi ni Cleta. “Ang mga minatamis naman po ang sagot ko,kayang-kaya ko pong maghanda ng fruit salad at jelatin, dugtong ni Glenda. Nang lumapit si Cynthia sa kanilang lola Rosa …. “Lola, bakit po ba tayo magkakakaroon ng pista ng bayan?” tanong ni Cynthia. “Alam mo apo ko, mahabang kwento iyon. Gusto mo bang malaman ang kuwento?” “Opo Lola, “ sagot ni Cynthia. “Sige, tawagin mo pa ang iba mong pinsan para isang kuwento na lang ako,” tugon ni Lola Rosa. Ang bayan ng Malabon sa Metro Manila ay maraming ipinagdidiwang na kapistahan. Bukod sa pangunahing kapistahan, bawat baryo ay may ipinagdidiwang na kapistahan, tulad ng pistang Hulong Duhat. Maraming taon na ang lumipas ng maganap ang kasaysayan ng kapistahang ito. Isang araw, may lalaking nagpapahinga sa lilim ng puno ng duhat. Napatingala siya.napansin niya ang sangang di pangkaraniwan ang hugis. “Aba, hugis krus,” sambit ng lalaki, sabay tindig sa pagkakaupo. Pinagmasdan niyang mabuti ang sanga at nakita niyang hugis krus talaga. Nagpunta siya kay Doris, ang may ari ng puno ng duhat. Gusto niyang maging kaniya ang sangang hugis krus. Inalok niya ng malaking halaga si Doris upang bilhin ito. “Ikinalulungkot ko,” sabi ni Doris sa lalaki. “Hindi ko maaaring ipagbili ang sangang iyan sapagkat parang paglapastangan iyon sa Panginoong Diyos. Marahil, nais Niyang ako ang umangkin ng hugis krus na sangang iyan iyan kaya sa puno ng duhat ko pinatubo.” Walang nagawa ang lalaki sa pagtanggi ni Doris. Kumalat ang balita tungkol sa sangang hugis krus. Pinagdayo ito ng mga taong nagmula kung saan-saan.
Napagkaisahan ng mga mamamayan na putin ang sangang hugis krus at ilipat sa bisitang ipapagawa nila. Ngunit nakakapagtaka! Nabulag ang karpinterong pumutol sa sanga at hindi nagtagal, nagkaron ng pinsala ang kaniyang mga braso. “Ganoon po pala iyon, Lola. Lubos kong naunawaan ngayon kung bakit mayroong kapistahan ng Hulong na Duhat,” wika ni Cynthia. Masayang-masaya ang buong mag-anak sa naidaos na kapistahan. Batid nila na ang pagdiriwang ay patuloy na gugunitain sa darating pang mga taon.
Pagyamanin Natin Gawin Ninyo A. Pagsunud-sunurin ang pangyayari sa kwento.
Una Pangalawa Pangatlo At sa huli
Basahin ang mga pangungusap na nakasulat sa ibaba. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari batay sa kuwentong binasa, ilagay ang titik ng pangyayari sa puwang kasunod sa bawat tanong . a. Napagkaisahan ng mga mamamayan na putulin ang sanga ng pino. b. Nakita ng lalaking nagpapahinga sa lilim nhg puno ng duhat ang sangang hugis krus. c. Nabulag ang karpinterong pumotol sa sanga ng puno. d. Nagpunta ang lalaki sa may-ari ng puno upang bilihin ang sangang higis krus. e. Tinawag na Hulo ang pook bilang alaala sa hugis krus na sanga ng puno 1. 2. 3. 4. 5.
Alin ang unang pangyayari? __________________ Alin ang ikalawang pangyayari? _______________ Alin ang ikatlong pangyayari? _________________ Alin ang ikaapat pangyayari? _________________ Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari? _______________
Gawin Mo A. Basahin ang mga pangungusap na nakasulat sa ibaba. Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari batay sa kuwentong binasa, ilagay ang titik ng pangyayari sa puwang kasunod sa bawat tanong . f. Napagkaisahan ng mga mamamayan na putulin ang sanga ng pino. g. Nakita ng lalaking nagpapahinga sa lilim nhg puno ng duhat ang sangang hugis krus. h. Nabulag ang karpinterong pumotol sa sanga ng puno. i. Nagpunta ang lalaki sa may-ari ng puno upang bilihin ang sangang higis krus. 16
j.
Tinawag na Hulo ang pook bilang alaala sa hugis krus na sanga ng puno 6. Alin ang unang pangyayari? __________________ 7. Alin ang ikalawang pangyayari? _______________ 8. Alin ang ikatlong pangyayari? _________________ 9. Alin ang ikaapat pangyayari? _________________ 10. Alin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari? _______________
A. Basahin ang mga sumusunod na talata. Malapit na naman ang araw ng pagsilang ni Hesus o Kapaskuhan. Tatanggap ng bonus ang halos lahat ng mga manggagawa. Maraming magsa-shopping sa mall. Ibat-ibang sagisag ng Pasko ang makikita sa paligid. Masayang-masay ang mga bata sa aginaldong kanilang matatanggap. Bakas sa mukha ng bawat isa ang kasiyahan sa muli nilang pagtitipun-tipon.
A. B. C. D. E.
Tatanggap ng bonus ang halos lahat ng mga manggagawa. Malapit na naman ang araw ng Kapaskuhan. Bakas sa mukha ng bawat isa ang kasiyahan sa muli nilang pagtitipun-tipon. Ibat-ibang sagisag sa Pasko ang makikita sa paligid. Masayang-masay ang mga sa aginaldo.
1. Alin ang unang pangyayari? ____________ 2. Alin ang ikalawang pangyayari? _____________ 3. Alin ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari? Ilagay ito sa bawat baiting ng hagdanan.
17
Isapuso Mo
Tandaan Mo Lubos na mauunawan ang kuwento kung mababatid o matutukoy ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa kuwento.
Isulat Mo Panuto:Isaayos at isulat sa kuwadernong sagutan ang mga pangungusap ayon sa maaaring pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Lagyan ng bilang 1-5. A. _____Napakaraming bulaklak at halamang malalago. _____Nang magsimulang dumami ang mga sasakyang nagbubuga ng mga usok, unti-unting namayat ang mga halaman. _____Hindi na maganda ang hardin ni Mang Henry. _____Noong araw ay napakaganda ng hardin ni Mang Henry. _____Ngayon ay wala nang bulaklak ang mga halaman. B. _____Nagkaroon ng proyekto tungkol sa palinisan ng kalye. _____Dati rati’y maruming-marumi ang aming barangay. _____Ang aming barangay ngayon ay isa sa pinakamalinis na barangay sa aming bayan. _____ Ang mga tao’y tamad at hindi nagtutulungan. _____Nang mahalal ang bagong Barangay Captain ay muling sumigla ang mga tao. Ref. Kayumanggi Pagbasa pp.163-164
18
19
ARALIN Pagbibigay ng Paksa sa Napakinggang Kuwento / Usapan
3
Pagsasadula ng Napakinggang Teksto
Mahilig ka bang making ng mga kuwento? Unang Araw
Tinutulungan mo bang magluto si Nanay ng inyong kakainin? Paano mo binibigyang halaga ang iyong kalusugan?
Tuklasin Mo Alamin ang salitang tinutukoy ng mga katuturan sa loob ng banner. Isulat ang titik sa loob ng bituin. a. Umayon b. Katakam-takam c. Nalanghap
d. isangkutsa e. labog f. malabnaw
g. sangkap
payag
Paggisang mabuti sa ulam
Hindi malapot
Halos durog sa sobrang lambot
Sahog, rekado
Pag-amoy nang hindi inilalapit sa ilong
napakasarap
Basahin Mo Ang paksa ay ang iniikutang diwa sa talata. Ito ang pangkalahatang kaisipan sa isang teksto. Pagyamanin Natin Bumuo ng limang pangkat. Isadula ang kwentong napakinggan. Isaisip Mo Basahin ang bawat talata. • Itanong sa sarili: Anno ang paksa ng bawat talata? • Isulat ang paksa sa ilalim ng leybel na Paksa 1. Paboritong luto ng Lola ang pinakbet. Ito ang karaniwan niyang niluluto tuwing dadalaw kami sa kanila. Pumipitas siya ng mga sariwang talong, sitaw, kamatis, at kalabasa sa kanilang likod-bahay. Iginigisa niya ito sa hipon at baboy. Lalong sumasarap ang pinakbet kapag hinahaluan ng kaunting bagoong. Palaging nagluluto nito si Lola sapagkat alam niyang gusting-gusto naming ang ulam na ito. Paksa
________________________________________________________________
2. May mga taong nagpupuyat lagi at kulang sa pagtulog. Mayroon din mga taong kung ano ang ipinagbabawal na pagkain ay siya pa ring gusting kainin. May iba pang nagugumon sa pag-inom ng alak at mapanganib na mga gamut. Tunay na marami ang di pinangangalagaan ang kanilang kalusugan. Hindi nila nadarama ang kahalagahan ng kalusugan hangga’t di ito nawawala sa kanilang buhay. Paksa
________________________________________________________________
Isapuso Mo Ginagawa mo ba ang mga ito? Kung OO ang iyong sagot iguhit sa iyong kuwaderno ang at
kung hindi. 1. Kumakain ako ng gulay upang lumakas ang aking pangangatawan.
2. 3. 4. 5.
Nagpapasalamat ako kay Nanay sa mga pagkaing kaniyang inihahain. Ang pagkain ng masustansyang pagkain ay nakapanghihina ng ating katawan. Ang pagpupuyat ay isang magandang gawain. Hindi dapat kumain ng mga junk foods ang batang gaya mo.
Isulat Mo Matapos nating mapag-aralan ang pagbibigay ng paksa sa napakinggang kuwento, sumulat ng isang kuwento mula sa sariling karanasan na may lima hanggang walong pangungusap tungkol sa pagpapakita mo ng pagiging magalang. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
ARALIN Kasarian ng Pangngalan
3 Ikalawang Araw
Ibigay ang apat na Kasarian ng Pangngalan? Magbigay ng mga halimbawa nito.
Tuklasin Mo
Ano-ano ang iyong nakikita sa larawang ito? Ibigay sa iyong guro ang iyong sagot.
Basahin Mo Basahin nang malakas ang tula. Ikaw at ako mga Pilipino iisa ang lahi lahing kayumanggi.
Ang bawat Pilipino matapang at maginoo Tabak ang ipinanlaban sa sakim na mga dayuhan Sina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Gabriela Silang at Melchora Aquino. Mga bayaning hain ay buhay ipinaglaban kalayaan ng bayan.
Pansinin ang mga salitang may salungguhit. Alin sa mga ito ang tumutukoy sa lalaki? Sa babae? Sa di-tiyak kung anong kasarian? At alin ang walang kasarian?
Apat na Kasarian ng Pangngalan 1. Panlalaki – mga pangngalang tumutukoy sa mga lalaki. Halimbawa: lolo, tiyo, prinsipe, ginoo, kuya, Jerry 2. Pambabae – mga pangngalang tumutukoy sa mga babae. Halimbawa: lola, tiya, prinsesa, ginang, binibini, ate, Ana 3. Di-tiyak – ang tawag sa mga pangngalang ang kasarian ay maaaring lalaki o babae. Halimbawa: guro, pulis, katulong, nars 4. Walang kasarian – ang tumutukoy sa mga bagay na hindi babae o hindi naman lalaki. Halimbawa: plato, kotse, mesa, papel, lapis
Pagyamanin Natin Gawin Natin
Panlalaki
Pambabae
Di-tiyak
Walang Kasarian
Isaisip Mo Gumuhit ng
kung ang pangngalan ay pambabae at
kung ito ay panlalaki.
_____ 1. doktor
_____ 6. hari
_____ 2. piloto
_____ 7. ninang
_____ 3. kusinera
_____ 8. nobya
_____ 4. tandang
_____ 9. labandera
_____ 5. barako
_____ 10. Mayora
Isapuso Mo Lagyan ng tsek ( ) ang patlang kung ang isinasaad ng pangungusap ay naayon sa aksyon ng isang batang gaya mo. Ekis ( ) kung hindi. ______ 1. Iginagalang ang lahat ng kasarian. ______ 2. Hindi nararapat na bigyan nang pagpapahalaga ang isang taong hindi kakilala. ______ 3. Matutong gumamit ng po at opo sa mga nakatatanda. ______ 4. Suwayin ang utos ng mga magulang. ______ 5. Maging mapagmahal sa mga bagay na nakikita sa ating kapaligiran.
Isulat Mo
Ngayong alam mo na ang apat na kasarian ng pangngalan, sagutang muli ang nasa ibaba base sa iyong pagkaunawa.
ARALIN Pagbibigay Kahulugan sa Salitang Pamilyar at Di-Pamilyar
3 Ikatlong Araw
Sa Pamamagitan ng Tono o Damdamin
Ano ang tono? Ano ang damdamin?
Tuklasin Mo Ibigay ang mga damdamin na nasa larawan.
Basahin Mo Ang Kuwento Ni Felipe
Ito ang kuwento ng buhay ng isang batang nagngangalang Felipe. Bata pa lamang si Felipe nang naulila sa magulang. Panganay siya sa tatlong magkakapatid, at sa pagkamatay ng magulang, sa kanya napataw ang responsibilidad ng pagtataguyod sa kanilang pamilya. Labindalawang taon pa lamang siya, tatlong trabaho na ang kaniyang ginagampanan upang makaraos sa buhay. Sa umaga ay naglalako siya ng pandesal sa kanilang lugar. Sa tanghali naman ay naglilinis siya ng kotse sa parke sa may likod ng simbahan, at sa gabi ay nagtitinda siya ng balot at tsitsaron. Mahirap ang kaniyang trabaho dahil madaling araw pa lamang ay kailangan na niyang gumising upang magtinda ng tinapay. Sa pagtitinda naman ng balot at tsitsaron ay ginagabi na siyang umuwi ng bahay. Ang laat ng ito ay nakakaya niya dahil sa pagmamahal sa kapatid. Suki niyang nagpapalinis ng kotse ang pari sa parokya nila. Madalas silang nag-uusap ng pari lalo na kapag nililinis ni Felipe ang kotse. Sa paguusap nila ay napag-alaman ng pari na siya lamang ang bumubuhay sa pamilya at ulila na silang magkakapatid. Naawa ang mabait na pari, at inalok niya si Felipe na papagaralin niya ng libre. Hindi naman nagdalawang isip si Felipe, pumayag ito at nagpasalamat sa pari.
Nag-aral nga si Felipe habang nagtatrabaho na lamang sa umaga at gabi. Mas lalo siyang maagang gumising at mas malayo ang nilalakad upang makapagtinda ng mas maraming pandesal. Ganito rin ang ginagawa niya sa gabi. Pinag-igihan din niya ang pag-aaral. Hindi rin niya pinabayaan ang kaniyang dalawang nakababatang kapatid. Ilang buwan pa ay nakahanap na siya ng mas magandang trabaho na hindi kakain ng mahabang oras. Napag-aral niya sa elementarya ang dalawang kapatid habang nag-aaral siya.
Lumipas ang taon ay nakapagtapos ng pagaaral si Felipe. Nakahanap siya ng permanenteng trabaho at nakapagtabi ng naipong pera upang makapagtayo ng maliit na negosyo. Napagtapos niya ang dalawang kapatid. Bilang ganti sa kabaitan ng paring unang nagtiwala at nagbigay ng oportunidad sa kanya, siya rin ay kumuha ng mga papag-araling bata. Tumulong din siya sa simbahan at sa mga kapuspalad.
Lumago ang maliit na negosyo, nakapagpatayo siya ng magarang bahay at ng iba pang kagamitan. Nagtagumpay si Felipe sa kaniyang mga mithiin sa buhay, at napagtagumpayan niya ito dahil siya ay masipag, masikap, mapagmahal at mabuting tao.
Sagutin ang mga tanong: 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8.
Sino ang taong tumulong kay Felipe? Ano ang trabaho niya sa umaga, tanghali at gabi? Ilang taon siya unang naghanapbuhay? Sino ang panganay sa magkakapatid Ano ang ginawa niya upang maibahagi ang kayaman sa iba? Ano ang naging inspirasyon ni Felipe upang magsikap sa buhay? Ano ang itinulong ng pari na nagmagandang loob sa bata? Sa iyong palagay, anu-anong mga damdamin ang naramdaman ni Felipe? Ibigay kung saang talata natagpuan ito,
Pamilyar at Di-pamilyar na Salita Gamit ang Tono o Damdamin Ang pagbibigay ng kahulugan sa isang salita o teksto ay maaaring ipakita gamit ang tono at damdamin. Tono – tumutukoy sa saloobin ng may-akda sa ukol sa salita o paksang kanyang isinulat. Ang tono ay maaaring masaya, malungkot, mapagbiro, mapanudyo, o seryoso. Damdamin – tumutukoy sa saloobing nalilikha ng mambabasa sa salita o teksto. Ito ay maaaring tuwa, lungkot, galit, pagkainis, takot, paghanga, pag-ibig, pagkagulat, pagtataka, pagasa, kawalang pag-asa, katapangan, pangamba, at iba pang emosyon o damdamin. Pagyamanin Natin Gawin Natin Bumuo ng grupo na binubuo ng limang miyembro. Sasabihin ang salitang i-aasign ng guro sa iba’t-ibang damdamin at tono. Halimbawa: Kumusta ka? Iaarte ng nagulat, nagmamakaawa, in-love, malungkot at masaya. Gawin Mo Ibigay ang tono at damdamin ng bawat salita o parirala Pamilyar pag-ibig ayon sa isang awit: •
hindi basta-bastang napapalitan
•
tunay
•
walang pagdududa
•
habang-buhay
tono: masaya damdamin: tuwa; pag-ibig
tiwala ayon sa isang awit: •
mahirap ibalik kapag nawala na
•
hindi madaling ayusin
•
hindi maaaring palitan
•
nawawala nang hindi namamalayan
tono: _____________ damdamin: _________________ Di-pamilyar Mula sa awiting “Maskara” ng bandang Eraserheads “Kung may problema ka Magsuot ng maskara Takpan mo ang iyong mata Buong mundo'y mag-iiba” Ang salitang maskara ayon sa awitin ay hindi literal na maskara na sinusuot sa mukha. Nangangahulugan itong "pagtago ng damdamin o ekspresyon ng mukha." Tono: masaya Damdamin: pag-asa / lakas ng loob Mula sa awiting “At Tayo’y Dahon” ng bandang Asin “Tayo'y mga dahon lamang Ng isang matatag na puno Iisa ang ating pinanggalingan Hindi pareho sa pagtubo Maaaring ika'y isang dahong masigla
Ako nama'y dahong nalalanta na Pareho tayong mahuhulog sa lupa Kaibigan, 'wag ikabahala” Ang salitang dahon ayon sa awitin ay hindi literal na dahon ng halaman o puno. Tumutukoy ito sa tao na may pagkakaiba-iba. Tono: _______________ Damdamin: ______________ Isapuso Mo Sagutan ang sumusunod na mga tanong sa iyong kwaderno. 1. Ikaw ay isa pa lamang mag-aaral, paano ka makakatulong sa mga kapuspalad na kagaya ni Felipe? 2. Paano mo masusuklian ang pagsisikap ng iyong magulang na mapagtapos ka ng pagaaral? 3. Anu-ano ang gagawin mo upang ikaw ay magtagumpay sa buhay? Isulat Mo
Magbigay ng limang halimbawa ng pamilyar at di-pamilyar na salita sa pamamagitan ng gamit sa pangungusap.
ARALIN Pagsagot ng mga Tanong sa Binasang Tekstong Pang-impormasyon
3 Ikaapat na Araw
Paano mo nalalaman ang mga mahahalagang balita? Isinasabuhay mo ba ang mga balitang iyong naririnig o nababasa? Lahat ba ng impormasyon ay iyong pinapaniwalaan?
Tuklasin Mo Hanapin sa grid ang tumutukoy sa mga nasa larawan na nasa kahon.
Basahin Mo
P
A
G
G
O
I
L
O
A
A
M
I
L
I
O
G
A
S
G
P
L
A
G
O
S
O
K
H
A
G
U
Y
A
I
G
L
U
S
A
T
U
R
P
I
G
H
A
R
S
I
P
I
L
U
U
Y
O
I
H
U
L
I
Y
G
U
L
A
Y
D
Y
L
A
A
U
A
T
S
A
O
A
L
S
S
L
S
A
T
R
P
R
Sagutin ang mga tanong: 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8.
Tungkol saan ang balitang iyong nabasa? Sino ang umapela sa mga local na pamahalaan at pribadong sector? Ano ang inilunsad ng Department of Health? Ano ang tampok sa programang ito? Kailan ito unang inilunsad? Ibigay ang paliwanag ni Dr. Enrique Ona tungkol sa GP. Ano-ano ang kasama nito upang lalong mapasulong ang proyektong GP? Ano ang dapat maging puhunan mula sa pagkabata? Sa iyong palagay, bakit nasabi ito ni Secretary Ona?
Ang pag-unawa sa binasa ay hindi lamang matitiyak sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong tungkol ditto. Maaari ring malaman kung nauunawaan ng mag-aaral ang binasa kung makabubuo sila ng tanong tungkol sa teksto. Pagyamanin Natin Bumuo ng limang pangkat. Basahin ang maiklong balitang ito at sagutin ang mga sumusunod na tanong. HINDI PAGKAIN NG GULAY, NAKAKAPAGPABABA NG I.Q. Kayo ba ay mahilig sa gulay? Alam n'yo ba na lumabas sa pag-aaral sa Amerika na mas mataas ang I.Q. ng mga batang vegetarian kaysa mga batang hindi kumakainnito. Ayon sa "The Food Revolution Magazine",pumapatak sa average i.q. na 116 ang mga batang mahilig kumain ng gulay samantalang nasa 99 lang naman ang average i.q. ng mga batang karne lamang ang kinakain. Ang i.q. o intelligence quotient ang sukat ng katalinuhan ng isang bata. posted by Fred Tanong: 1. Tungkol saan ang impormasyong ito? 2. Paano ipinaghambing ang IQ ng batang kumakain ng gulay at hindi? Isapuso Mo Kulayan ng pula ang puso kung nagsasaad ito na makabubuti sa kalusugan at itim kung hindi. 1. Ang wastong nutrition ay ang pagkain ng tama at sapat na uri ng pagkain upang makakuha ng sustansya ang ating katawan mulang sa mga ito. 2. Ang kakulangan sa bitamina ay may malaking epekto sa ating pang labas na anyo. 3. Ang pagkain ng sapat ay nakakasama sa katawan ang pagkain naman ng sobra ay hindi rin nakakabuti. 4. Upang ang mga sakit ay maiwasan, kinakailangan nating kumain ng tama at sapat ng makuha lahat ng kinakailangang sustansya. 5. Kung ang lahat ng tao ay may alam tungkol sa wastong nutrisyon at ito ay ginagamit sa pang araw-araw na buhay lahat tayo ay magiging malusog at masigla. Isulat Mo
Gumawa ng walo hanggang sampung pangungusap kung paano mapahahalagahan ang iyong kalusugan. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
ARALIN
3
Pagbabaybay ng Wasto sa Salitang Natutuhan sa Aralin
Paano ang tamang pagbabaybay?
Ikalimang Araw
Ano ang salitang hiram? Paano nakaimpluwensya ang mga dayuhan sa ating wika?
Tuklasin Mo Sa mga salitang nasa loob ng kahon, bilugan mo ang sa palagay mo ay tama ang baybay. Kung mali ang baybay, ibigay ang tamang baybay nito. shoot
goal
shorts
depending champion
score
ring
coach
teem
championsheep
t-shirt
Basahin Mo
Pagbabago Malaon nang minimithi ng bawat Pilipino ang makitang maunlad at maayos an gating bansang Pilipinas. Kung kaya’t pinag-iibayo ng pamahalaan ang pagpapaunlad ng iba’t-ibang aspekto ng pamumuhay. Matatagpuan na sa Pilipinas ang mga teatro, museo, paaralang pangmusika at pansining, aklatan, at mga tindahang namamahagi ng mga likhang-sining ng mga Pilipino. Makikita na rin sa ating bansa ang maunlad na sistema ng transportasyon at komunikasyon. Matatagpuan ditto ang mga makabagong sasakyan tulad ng LRT at mga kalsadang nag-uugnay sa mga pamayanan tulad ng mga flyover, underpass na dinaraanan ng mga sasakyan at overpass naman para sa mga tao. Ang layunin nito ay upang mabigyan ng solusyon ang malubhang suliranin ng trapiko. Halos lahat ng tahanan ay may serbisyo ng kuryente at tubig. Ang mga kasangkapang kailangan sa araw-araw ay mga makabago na rin tulad ng computer, floor polisher, betamax o VHS, washing machine, at ang teleponong ginagamit ay mayroon nang caller I.D. Dito malalaman ang numero ng tumatawag sa iyo. Kung ikaw ay nasa labas naman ng bahay o kaya’y nasa loob ng sasakyan, maaari kang gumamit ng telepono sa pamamagitan ng cellphone. Maaari ka ring gumamit ng telepono sa pamamagitan ng Fonkard Plus. Tunay na malaganap na ang paggamit ng telepono sa bansa. Sa paaralan ay marami na ring makikitang pagbabago na lalong makatutulong sa mga mag-aaral tulad ng calculator na nagagamit sa Matematika, pag-aaral ng computer na nagagamit sa paggawa ng mga proyekto at term paper, Xerox machine na nagagamit sa pagkopya ng mga nasaliksik na aralin. Ganyan kabilis ang mga pagbabagong nagaganap sa bansang Pilipinas. Sagutin ang mga tanong: 1. Bakit kinakailangang magkaroon ng pagbabago sa bansa? 2. Bakit natin masasabing magtatagumpay tayo para sa mga mithiing ito? 3. Bilang isang makabagong Pilipino, ano pa ang iyong maimumungkahi na maaaring makatulong sa kaunlaran ng bansa? Pagyamanin Natin Sa ibang mga babasahin, may nababasa tayong mga salitang hiram na ginagamit sa mga pangungusap, tulad ng Ingles, Espanyol, at ang iba ay Tsino. Binabaybay natin ayon sa baybay ng ating mga salita. Bumuo ng limang pangkat. Ibigay ang baybay-Filipino at ang kahulugan nito.
Salitang Hiram
Baybay-Filipino
Kahulugan
1. cake 2. ballpen 3. basketball 4. taxi 5. driver
Isaisip Mo Ibigay ang tamang ng baybay ng mga hiram na salita. 1. 2. 3. 4. 5.
spaghetti pollution bouquet television principal
Isapuso Mo Lagyan ng tsek kung ang pangungusap ay nagsasaad ng katotohanan at ekis kung hindi. ________
1. Naging madali ang pakikipag-usap sa nasa malayong lugar.
________
2. Layunin ng pamahalaan na malutas ang suliranin sa trapiko.
________
3. Walang pag-unlad ang Pilipinas sa iba’t-ibang larangan ng sining tulad ng teatro at museo.
________
4. Nagkaroon ng mahusay at maunlad na sistema ng transportasyon.
________
5. Hindi maunlad ang ating bansang Pilipinas.
Isulat Mo
Lagyan ng kahon ang pinakawastong baybay sa alpabetong Filipino ng mga salitang hiram.
Miercoles
-
Mierkoles
Miyerkules
Miyercules
clase
-
klase
class
classe
atencion
-
attensyon
atension
atensyon
silla
-
cilia
silya
silia
leksyon
leksion
lecsyon
sakrifisyo
sakrificio
sakripisyo
sentral
sintral
zentral
leccion sacrificio
-
central Viernes
-
Viernez
Biyernes
Biernes
merienda
-
miryenda
miryinda
meryenda
product
-
produkto
froducto
frodukto
ARALIN Paggamit ngMagagalang na Pananalita sa Pagsasabi ng Ideya sa Isang Isyu
6
Mahilig ka bang making ng mga kuwento? Unang Araw
Tinutulungan mo bang magluto si Nanay ng inyong kakainin? Paano mo binibigyang halaga ang iyong kalusugan?
Tuklasin Mo Alamin ang salitang tinutukoy ng mga katuturan sa loob ng banner. Isulat ang titik sa loob ng bituin. d. Umayon e. Katakam-takam f. Nalanghap
d. isangkutsa e. labog f. malabnaw
g. sangkap
payag
Paggisang mabuti sa ulam
Hindi malapot
Halos durog sa sobrang lambot
Sahog, rekado
Pag-amoy nang hindi inilalapit sa ilong
napakasarap
Basahin Mo Ang paksa ay ang iniikutang diwa sa talata. Ito ang pangkalahatang kaisipan sa isang teksto. Pagyamanin Natin Bumuo ng limang pangkat. Isadula ang kwentong napakinggan. Isaisip Mo Basahin ang bawat talata. • Itanong sa sarili: Anno ang paksa ng bawat talata? • Isulat ang paksa sa ilalim ng leybel na Paksa 3. Paboritong luto ng Lola ang pinakbet. Ito ang karaniwan niyang niluluto tuwing dadalaw kami sa kanila. Pumipitas siya ng mga sariwang talong, sitaw, kamatis, at kalabasa sa kanilang likod-bahay. Iginigisa niya ito sa hipon at baboy. Lalong sumasarap ang pinakbet kapag hinahaluan ng kaunting bagoong. Palaging nagluluto nito si Lola sapagkat alam niyang gusting-gusto naming ang ulam na ito. Paksa
________________________________________________________________
4. May mga taong nagpupuyat lagi at kulang sa pagtulog. Mayroon din mga taong kung ano ang ipinagbabawal na pagkain ay siya pa ring gusting kainin. May iba pang nagugumon sa pag-inom ng alak at mapanganib na mga gamut. Tunay na marami ang di pinangangalagaan ang kanilang kalusugan. Hindi nila nadarama ang kahalagahan ng kalusugan hangga’t di ito nawawala sa kanilang buhay. Paksa
________________________________________________________________
Isapuso Mo Ginagawa mo ba ang mga ito? Kung OO ang iyong sagot iguhit sa iyong kuwaderno ang at
kung hindi. 6. Kumakain ako ng gulay upang lumakas ang aking pangangatawan.
7. Nagpapasalamat ako kay Nanay sa mga pagkaing kaniyang inihahain. 8. Ang pagkain ng masustansyang pagkain ay nakapanghihina ng ating katawan. 9. Ang pagpupuyat ay isang magandang gawain. 10. Hindi dapat kumain ng mga junk foods ang batang gaya mo. Isulat Mo Matapos nating mapag-aralan ang pagbibigay ng paksa sa napakinggang kuwento, sumulat ng isang kuwento mula sa sariling karanasan na may lima hanggang walong pangungusap tungkol sa pagpapakita mo ng pagiging magalang. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
LM: UNANG MARKAHAN Ika-apat na Linggo ARALIN 3 Layunin: Nasasagot ang mga tanong sa binasang anekdota. Mahahalagang Tanong: Sabihin: Ngayong araw na ito sagutin ang mga tanong na: Sino ang “Tala ng Baler?” Ano nagagawa niya sa ating bayan? Ano ang anekdota o talambuhay? Ipasulat sa kwaderno ng mga mag-aaral ang kanilang paunang sagot sa mga tanong na binigay. TUKLASIN MO A. Pagbasa ng anekdota sa ibaba.
Fernando Amorsolo Si Fernando Amorsolo, isa sa mahuhusay na pambansang pintor ng Pilipinas, ay isinilang sa Paco, Maynila noong Mayo 30, 1892. Napatanyag siya sa mga iginuhit niyang mga larawan ng tanawing bukid. Naglalarawan ng buhay at ugaling Pilipino tulad ng pagtatanim at pag-aani ng palay, paglalaba sa batis, pagiging dalagang Pilipina, pagsasalok ng tuig at iba pa. Napakahusay ng kanyang kamay at pambihira ang kanyang angking talino sa paggamit ng mga kulay. Nabibigyan niya ng buhay ang larawang kanyang iginuhit. Sa gulang na 13 ay napasok siya bilang manggagawang nagsasanay sa studio ng isang mahusay na pintor. Kabilang siya sa unang pangkat ng mga nagtapos ng sining sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1914. Nagturo siya sa paaralan ng sining. Nagtungo rin siya sa Paris at nagkaroon nag pagkakataong mapag-aralan ang gawain ng mga tanyag na pintor doon tulad ni Picasso. Siya ay tinanghal na pinakamahusay na pintor noong 1920- 1930. Mga Tanong: 1. Sino si Fernando Amorsolo? 2. Saan at kalian siya pinanganak? 3. Anu-ano ang mga larawang tanawin sa bukid na nagpatanyag sa kanya? 4. Saan nagtapos ng pag-aaral si Fernando Amorsolo? 5. Kailan siya tinanghal bilang pinakamahusay na pintor?
B. Pangkatin ang mga bata sa limang grupo. Buuin ang jigsaw puzzle at itanong kung sino ang nabuo nila. Ngayong kayang-kaya mo nang unawain ang anekdotang babasahin o paksang aralin sa araw na ito. Bago natin basahin ang anekdota ni Manuel L. Quezon ating munang alamin ang kahulugan ng ilang salitang ginagamit dito. Ilahad sa pisara ang mga sumusunod na mga salita. Liwanagin ang kahulugan ng mga ito sa pamamagitan ng paggamit sa pangungusap. a. pinanganak b. piskal BASAHIN MO Bakit kaya tinawag si Manuel L. Quezon na “Tala ng Baler”? Anu-ano ang mga tungkuling ginampanan niya sa bayan? Alamin sa anekdota. Pag-usapan ang nilalaman ng binasang anekdota sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong.
Ang Tala ng Baler Si Manuel L. Quezon ang unang Pangulo ng ng Komonwelt ng Pilipinas. Siya ay pinanganak noong Agosto 19, 1878 sa Baler, Tayabas na ngayon ay lalawigan na ng Aurora. Ang kanyang ama ay si G. Lucio Quezon at ang kanyang ina ay si Gng. Maria Molina. Matalino si Manuel. Lagi siya sa kanyang klase. Nagsimula siyang mag-aral sa paaralan ng mga pari sa Baler. Ipinagpapatuloy ang kanyang pag-aaral sa mataas na paaralan at sa kolehiyo sa Maynila. Nag-aral siya at nakatapos ng abogasya. Nagsimulang maglingkod sa Bayan si Manuel L. Quezon bilang isang piskal. Nahalal syang senador at siya ang kauna-unahang Pilipino na naging pangulo ng senado. Malaki ang kanyang nagawa para mapagtibay ang batas Tydings-McDuffie sa Kongreso ng Amerika. Ang batas na ito ay nagtakda ng pagtatatag ng Komonwelt ng Pilipinas. Ito ang nagbigay ng katiyakan ng kalayaan ng Pilipinas sa pamahalaan ng mga Amerikano. Nahalal na pangulo ng Komonwelt si Manuel L. Quezon noong 1935. Mga Tanong: Isulat sa buong pangungusap ang sagot sa mga tanong. 1. 2. 3. 4. 5.
Sino si Manuel L. Quezon? Saan at kalian siya ipinanganak? Sino ang nakatulong sa kanya sa pag-aaral? Ano ang kabutihang naidudulot ng batas ng batas Tydings-McDuffie sa bansa? Anu-ano ang mga naging tungkulin sa pamahalaan ni Manuel L. Quezon?
Talakayin ang mga sagot ng mga bata na nakasulat sa pisara sa anyong pabalangkas. C. Pagyamanin Natin Pagsasagawa ng ibat-ibang Gawain na ibibigay sa bawat grupo tungkol sa binasang anekdota/ talambuhay. Pangkat 1Pangkat 2Pangkat 3Pangkat 4-
Panayam Dula-dulaan Rap Tula
ISAISIP MO a. Patnubayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahad. Itanong ito “Anu-ano ang nilalaman ng isang anekdota? ISAPUSO MO Isulat ang mga detalye para sa mga sumusunod na bahagi ng buhay ni Manuel L. Quezon. Gawin ito bilang pangkatang Gawain. Gumamit ng Manila paper. 1. Kapanganakan: a. Lugar: ______________________
b. Petsa: ___________________
2. Mga Magulang: a. Nanay: _____________________
b. Tatay: ____________________
3. Pag-aaral: a. Elementarya: ____________________
c. Kolehiyo:__________________
b. Sekondarya: _____________________ Mga Tungkulin sa Bayan: a. _________________________
c. __________________________
b. _________________________
d. __________________________
ISULAT MO Buuin ang balangkas batay sa detalye ng binasang anekdota. “Ang Tala ng Baler” I. Sino si Manuel L. Quezon? a. ___________________________________ II. Ano- ano ang mga katangian niya? a. ___________________ b. ___________________ III. Ano-ano ang mga nagawa niya sa bayan? a. ___________________ b. ___________________
LM: UNANG MARKAHAN Ika-apat na Linggo Aralin 4
Bakit mahalaga ang pagbabasa ng aklat? Anu-anong mga mahahalagang impormasyon ang makukuha ditto? Paano ang tamang paggamit ng aklat?
TUKLASIN MO A. Bago natin basahin ang kwento, alamin muna ang kahulugan ng mga salitang nasa loob ng maliit na kahon. Isulat ang sagot sa kuwaderno. Gamitin ito sa pangungusap. Marubdob
Modelo
Matipuno
pag-awat
Tanyag
Mini-Diksyunaryo _____________paghadlang, pagtigil
______________uliran, huwaran
_____________maalab, masidhi _____________sikat, kilala _____________matikas, makisig
BASAHIN MO Isports para sa Kabataan Ininaraos ang palarong pampaaralan sa Paaralang Elementarya ng San Jose. Masayang –masaya ang mga batang kalahok sa araw na iyon. Suot-suot nila ang makukulay at bagong unipormeng pang-isports. Kabilang ditto ang magkakaibigang Jenny,Lenny at Benny.
“Hay nako, Excited na excite na talaga ako sa araw na ito! Malalaro ko narin ang aking paboritong isports, ang volleyball” ang masayang wika ni Jenny. “Ako rin, ang tagal ko na ring nagnenegosyo sa pagtakbo at talagang pinaghandaan ko ang paligsahang ito,” ang seryosong pahayag ni Lenny. “Kayo lang ba? Panoorin nyo ako mamaya kung paano ko patataubin ang kalaban ko sa table tennis. Kukunin ang kampeonato sa larong iyon.” Ang naniniguradong sabi ni Benny. “Ang yabang mo naman! Paano naman kung hindi? Ang pang aasar na wika ni Lenny sa kaibigan. “Okey lang naman, pero talagang pagbubutihin ko. Sana nga may maiuwi naman tayong medalya, ano? Ang umasang sagot ni Benny. Lumapit sa kanilang tatlo ang kaniulang guro sa MSEPP. “O mga bata, pumunta sa tanghalan ng paaralan.dumating na ang panauhing may dangal na hinigintay natin,” ang wika ni Bb. Corpuz sa kanila. “Opo Bb. Corpuz, susunod nap o kami,” ang sabay-sabay na wika ng tatlo. Marami nang magaaral ang nakaupo nang dumating ang mga kaibigan sa tanghalan. “Nakikita mo ba ang nakikuta ko? Hayun si Gng. Maria Dela Cruz, ang kilalang atleta rito sa ating bayan. Siya pala ang pangunahing pandanggal na magbibigay ng mensahe mamaya,” ang sabi ni Benny. “Magaling na atleta rin siya. Marami nang karangalan ang naibigay nya sa ating bayan sa larangan ng isports,” ang sabi naman ni Jenny. “Naku ang pogi nya talaga. Kat tikas ng katawan at malusog na malusog pa!” wika ni Jenny. “Iyan ang resulta sa kalusugan na taong nahihilig sa isports,” ang sabi ni Lenny. “Sssh, huwag na kayong maingay dahil magsisimula na ang palatuntunan,” ang pagawat ni Benny sa mga kaklase. Makalipas ang ilang minuto, tinawag na si G. Dela Cruz ng guro ng palatuntunan para sa kanyang mensahe. Narito ang bahagi ng kanyang pahayag. “Pinupuri ko ang pamunuan ng paaralan sa pagtataguyod ng sports development ditto sa inyong paaralan. Napalaking tulong ang naibibigay nito sa paghubog ng inyong pagkatao sa pisikal,sosyal at emosyonal na aspeto.” “Nagagalak din ako dahiln ibinibilang ninyo ang paglalaro ng ibat-ibang isports sa inyong mga libangan. Kaakibat ng tama o balanseng pagkain, ang ehersisyo ay lubhang kailangan n gating katawan. Dapat nating tandaan na ang mamamayang malusog at malakas ay maituturing na yaman ng bansa.”
“Matanong ko kyo, nais nyo bang maging tanyag tulada nina Lydia De Vega, Elma Muros, Paeng Nepomuseno at Mikee Cojuangco na napakahusay sa larangan ng sports at ngayo’y tinitingala na at iniidulo ng lahat?.” Ang tanong ni G. Dela Cruz sa mga bata. “Opo,” ang malakas na tugon ng mga bata. “Magaling!,” ang tuwang tuwang wika ng tagapagsalita. “Subalit ang pagiging sikat o tanyag ay isa lamang sa mga kabutihang naidudulot ng isports. Higit pa rito, nagtuturo rin ito ng maraming magagandang kaugalian. Unang una, ang isports ay nagtuturo sa atin na maging matiyaga at matiisin. Pangalawa, ang isports ay nagbibigay ng lakas ng loob upang harapin ang ano mang hamon. Ikatlo, ang Isports ay nagtuturo ng kooperasyon na ipinapakita ng team work sa paglalaro.” “Tunay na marami pang mga bagay ang nalilinang ng isports hindi lamang sa kakayahan ng indibidwa kundi sa kaugalian at asal parin na magagamit nilang sandata sa pagharap sa hamon ng buhay. Ang isports ay mahusay na pasimulkang pagsasanay para sa inyong lahat upang pagibayuhin ang inyong kasanayan, kakayahan at mabuting paguugali.” Isang malakjas na palakpakan ang iginawad ng mga bata matapos ang pahayag ng tagapagsalita. “Totoo ang sinabi nya. Kaya nga maging isports ka sa paglalaro. Wag kang magagalit kung matalo ka. Nagging malinius ka sa paglalaro at wag mandaraya. Hindi naman tinitingnan kung gaano karami ang iyong napanalunan kundi kung paano mo ito nilaro, diba?” ang mahabang pangaral ni Jenny kay Benny. “Opo Lola, susundin ko po,” ang sagot ni Benny. “Hoy!, wag ninyong kalilimutan ang inyong mga narinig na ipinahayag ni G. Dela Cruz sa kanyang mensahe dahil ipaliliwanag daw natin ito bukas,” ang pagpapaalala ni Jenny sa Kaibigan. “Oo nga pala at isa pa, pagaaralan nga pala natyin ang paggamit ng diksyonaryo ano?” ang dagdag pa ni Lenny. “Naku! Samahan ninyo ako mamaya sa maliit na book store diyan sa tapat. Bibili ako ng maliit na diksyonaryo. Magpapaturo ako kay inay mamaya para handa ako sa recitation bukas,”ang wika ni Benny. “Modelong magaaral ka nga. Kahit naglalaro, pagaaral parin ang inaatupag mo,” ang puri ni Jenny sa kaibigan. “aba,oo naman. Hindi naytin dapat pinababayaan ang pagaaral kahit na naglalaro,” ang sagot naman ni Benny. “O sya, hayun na si Sir. Lumapit na tayo sa kanya para malaman natin kung ano ang oras ang simula ng laro,” ang yaya ni Lenny. “Naku!, tiyak na matinding bakbakan ito, magcheer naman kayo para sa akin para lumakas ang loob ko,” ang pakiusap ni benny sa mga kaibigan.
“Oo na!, kaya lang pag natalo ka, ikaw ang manlilibre sa kantina ha!,” ang paninigurado ni Jenny. “Walang problema. May pera ako, bigay ni kuya. Medyo malaki para pagbutihin ko daw,” ang pagyayabang ni Benny. “at kung matalo ka nga!,” ang tanong ni Jenny. “E di kayo manlilbre sa akin!” ang sagot ni Benny. Daya mo talaga,” ang sabi ng dalawa. At nagtawanan ng malakas ang magkakaibigan. ISIPIN MO Sagutin ang mga katanungan 1. 2. 3. 4. 5.
Tungkol saan ang kwento? Sino-sino ang mga pangunahing tauhan? Ano ang nililinang ng sports sa mga kabataan? Sino ang panauhing pandanggal sa idinaos na palarong pang paaralan? Bilang manlalaro, paano mo maipapakita ang kagandahang sal sa paglalaro?
ISAPUSO MO Panuto: Pangkatin ang mga bata sa dalawa. Ipahanap kung saan makakakuha ng kaalaman tungkol sa mga sumusunod sa paksa. Ang maraming nasagot ang siyang panalo.
______1. Mga mamamayan ng Hapon. ______2. Paraan ng paggawa ng saranggola. ______3. Mga pulis sa trapiko. ______4. Paggawa ng papel. ______5. Mga karagatan ng daigdig ISULAT MO Panuto: Isulat kung anong pangkat kasama ang mga aklat sa ibaba. Sabihin ng pabilisan ang sagot.
_____1. Makabagong Matematika. _____2. Mga bantog na siyentipiko.
_____3. Si Hesus ang Dakilang Guro. _____4. Muhamadismo. _____5. Ang mga makata na Pilipino.
LM: IKALAWANG MARKAHAN Ikatlong Linggo- Aralin 5 I.
Layunin. Nakasusulat ng Talambuhay
TUKLASIN MO Pangkatin ang mga bata sa limang grupo, buuin ang Jigsaw Puzzle at itanong kung sino ang nabuong larawan. BASAHIN MO Bakit kaya tinawag na bayani si Josefa Llanes Escoda? Ano-ano ang mga ginampanan nya sa bayan noong panahon ng Hapones? Pagusap ang nilalaman ng binasang talambuhay sa pamamagitan ng mga tanong.
Ang Talambuhay ni Josefa Llanes Escoda Ipinanganak si Escoda sa Dingras, Ilocos Norte. Siya ang pinakamatanda sa pitong mga anak nina Mercedes Madamba at Gabriel Llanes. Isa siyang balediktoryana sa mababang paaralan at [[salutatoryana] sa Mataas na Paaralan ng Ilocos Norte. Nag-aral siya sa Paaralang Normal ng Pilipinas sa Maynila upang makamtan ang kanyang degri sa pagtuturo, at nagtapos ng may mga parangal noong 1919. Habang naghahanapbuhay bilang isang guro, nagkamit siya ng katibayan sa pagkaguro sa mataas na paaralan mula sa Pamantasan ng Pilipinas noong 1922. Pagkaraan makatanggap ng katibayan sa pagkaguro, naging isa siyang manggagawang panlipunan para sa Kabanatang Pampilipinas ng Amerikanong Pulang Krus (isang kolonya ng Estados Unidos ang Pilipinas noong panahong iyon). Binigyan siya ng Pulang Krus ng isang iskolarsip sa Estados Unidos, kung saan nakapagkamit siya ng degring masteral sa Sosyolohiya. Sa unang paglalakbay niya sa Estados Unidos, habang nasa Pandaigdigang Liga para sa Kapayapaan ng mga Kababaihan (Women's
International League for Peace) noong 1925, nakatagpo niya si Antonio Escoda, isang reportero mula sa Tanggapan ng Pagpapahayag ng Pilipinas (Philippine Press Bureau) na pinakasalan niya sa paglaon. Nagkaroon sila ng dalawang mga anak, sina Maria Theresa at Antonio. Noong 1925 din, nakatanggap siya ng Degring Pang-master sa Gawaing Panlipunan mula sa Pamantasan ng Columbia. Nagbalik siya sa Estados Unidos noong 1933 upang sumailalim sa pagsasanay kaugnay ng Mga Batang Babaeng Tagapagmanman ng Estados Unidos na may pagtangkilik ng Mga Lalaking Tagapagmanman ng Pilipinas. Pagkaraan nito, bumalik siya sa Pilipinas upang sanayin ang mga kabataang babae upang maging mga pinunong Tagapagmanmang mga Batang Babae, at pagdakang nagpatuloy sa pagtatatag ng Mga Batang Babaeng Tagapagmanman ng Pilipinas. Noong Mayo 26, 1940, nilagdaan ni Pangulong Manuel L. Quezon ang karta o tsarter ng Mga Batang Babaeng Tagapagmanman ng Pilipinas. Si Escoda ang naging unang Pambansang Tagapagpatupad ng pangkat na ito. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nilusob ng mga puwersang Hapones ang Pilipinas. Hinuli ang asawa ni Escoda noong Hunyo 1944, at inaresto rin siya pagkaraan ng dalawang buwan, noong Agosto 27. Ibinilanggo siya sa Kutang Santiago, sa kulungang pinagkabilangguan din ng kanyang esposong si Koronel Antonio Escoda, na sumailalim sa parusang kamatayan noong 1944, kasama ni Heneral Vicente Lim, na nakulong din sa piling ng koronel. Huling nakita si Josefa Escoda noong Enero 6, 1945. Pagdaka, kinuha siya at ikinulong sa isa sa mga gusali ngPamantasan ng Dulong Silangan (Far Eastern University'' na ginagamit ng mga Hapones. Pinaniniwalaang pinarusahan siya ng kamatayan [1] ng mga Hapones at inilibing sa isang walang tandang libingan sa loob ng Libingan ng La Loma, na ginamit ng mga puwersang Hapones bilang isang paslangan at libingan para sa libulibong mga Pilipinong lumalaban sa pananatili ng mga Hapones sa Pilipinas.
Mga Tanong:
1. 2. 3. 4.
Ano-anong samahan ang itinatag sa Bansa ni Josefa Llanes Escoda? Awa. Bakit masasabing walang sawa ang paglilingkod niya sa bayan? Marami pa ding kayang mga Filipinong tulad ni Josefa Llanes Escoda? Sa anu-anong paraan ang kannilang paglilingkod?Magbigay ng mga halimbawa.
D. Pagyamanin natin Pagsasagawa ng Ibat-ibang Gawain na ibibigay sa bawat grupo tungkol sabinasang anekdota/talambuhay. Pangkat I- Panayam Pangkat II- Dula-dulaan Pangkat III- Rap Pangkat IV- Tula ISAISIP MO a. Pagnubayan ang mga bata sa pagbuo ng paglalahad. “Ano-ano ang nilalaman ng isang Talambuhay?”
ISAPUSO MO Isulat ang mga Detalye sa mga sumusunod na mga bahagi ng buhay ni Josefa Llanes Escoda. Gawin ito bilang pangkatang Gawain. Gumamit ng Manila paper.
1. Kapanganakan: a. Lugar: _____________________ b. Petsa:_____________________ 2. Mga Magulang: a. Nanay:_________________b. Tatay:______________________ Paaralan: a. Elementarya:_________________ b. Kolehiyo:__________________ b. Sekondarya:_________________ Mga Tungkulin sa Bayan a. _______________________ b. _______________________
c.____________________________ d.____________________________
ISULAT MO Buuin ang balangkas batay sa detalye ng binasang annekdota. “Talambuhay ni Josefa Llanes Escoda” I. II.
III.
Sino si Josefa Llanes Escoda? a. ____________________________________________________ Ano-ano ang mga katangiaan niya? a. ______________________________________ b. ______________________________________ Ano-ano ang mga nagawa niya sa bayan? a. ________________________________________ b. ________________________________________
LM: IKALAWANG MARKAHAN Ikatlong Linggo- Aralin 4 I.
Layunin: Nasasabi ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.
Tuklasin Mo Pangkatang Gawain. Magbigay at magsagawa ang mga batas ng iskawt. Pangkat I- dula-dulaan. Pangkat II- Pantomime Pangkat III- Tula Pangkat IV- awit BASAHIN MO Ang Bayaning Iskawt Si Iskawt Aries Canoy Espinosa ay 13 taong gulang. Kasapi siya sa Kawan Blg. 60 sa ilalim ng pamamahala ng Paaralang Elementarya ng Rupagan, Lanao del Norte Council. Nabalita siya kaugnay ng isang malungkot na pangyayari noong Enero 30, 1994. Nangyari ito nang isang pangkat ng mga batang lalaki ang naglalaro ng Granada. Walang kamalaymalay ang mga bata na ang pinaglalaruan nila ay sumasabog. Ito ay ginagawa nilang parang bola ng basketbol na isinu-shoot sa ring. Bumagsak ang Granada sa malapit sa ibang pangkat ng mga batang naglalaro ng goma. Naroroon sa di kalayuan si Iskawt Espinosa. Mabilis niyang sinigawan ang pangkat ng mga batang lalaki, “Umalis kayo riyan, puputok iyan!” sabay takbo, papalapit sa Granada. Dumapa siya upang takpan ito ng kanyang katawan. Halos nagkasabay ang kanyang pagdapa at ang pagputok ng granada na siya niyang ikinamatay. Ang mabilis na pagpapasya, pagmamalasakit sa kapwa, at mga pagsasanay na natutuhan ni Iskawt Espinosa sa Scouting ang nakatulong upang mailigtas ang maraming buhay. Namatay siya nang wala sa panahon at lubhang napakataba pa upang ialay ang kanyang buhay para sa kanyang mga kaibigan. Nagampanan niya nang lubusan ang panunumpa at batas ng isang Iskawt na: “Tulungan ang kapwa sa lahat ng pagkakataon.”’ Isang pagpapakasakit sa sarili ang kanyang ginawa upang mabuhay lamang ang kanyang kapwa na siyang pinakamahalagang kasabihan sa larangan ng katapangan. Ito rin ang nagbibigay ng mahalagang katuparang nauukol sa kasabihan ng mga Iskawt, ang “LAGING HANDA.” Iyan si Iskawt Aris Canoy Espinosa, ang munting bayani.
ISAISIP MO Pagbibigay ng Sanhi sa Magkakaugnay na Bunga na Inilahad sa Kwento May mga kwentong ang binibigyang-diin ay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari. Ang Sanhi ay siyang dahilan ng pangyayari at Bunga naman ay ang resulta o kinalabasan. Halimbawa: Pinanindigan ni Ari sang Panunumpa niya sa Scouting kaya iniligtas niya ang batang naglalaro. Sanhi: Pinanindigan ni Ari sang panunumpa nya sa Scouting Bunga: iniligtas nya sa kamatayan ang mga batang naglalaro. SAGUTIN MO Basahin ang mga pangungusap. Bilugan ang sanhi at salungguhitan ang bunga. Gawin ito sa sagutang papel. 1. 2. 3. 4. 5.
Sumigaw sya ng malakas kung kayat nakalayo kaagad ang mga batang naglalaro. Dumapa siya sa Granada kaya siya ang nasabugan nito. Marami ang naligtas dahil sa kanyang ginawa. Lahat ay humanga ng malaman nila ang kanyang kabayanihan. Nagpatatag ng loob ni Ari sang kanyang pagiging Iskawt.
ISAPUSO MO Guhitan ang sanhi at bilugan ang bunga. Gawin ito sa manila paper. (Pangkatang Gawain) 1. 2. 3. 4.
Ipinapakasakit niya ang kanyang sarili upang mabuhay lamang ang kanyang kapwa. Hindi alam ng mga bata ang panganib sa Granada kapag pinaglaruan nila ito. Dahil sa alam ni Ari sang panganib, mabilis syang kumilos. Hindi malilimot ang batang si Aris Espinosa sapagkat kahanga-hanga ang kanyang pagmamalasakit. 5. Nakatuon ang mga layunin ng mga iskawt sa paglilingkod kung kaya handa ila anumang oras.
ISULAT MO: Isulat sa inyong sagutang papel kung sanhi o bunga ang lipon ng mga salitang sinalungguhitan. 1. 2. 3. 4.
Ang mamatay sa sarili ay mabubuhay sa Diyos. Sapagkat larawan ni Kristo an gating mabuting pastol, lubos ang pananalig ko sa kanya. Inialay nya ang kanyang sariling buhay upang tayo ay tubusin. Para sa lugod at kabutihan ng minamahal Niyang kapwa, naglilingkod Siya sa kanila sa mumuting paraan. 5. Handa Siyang mamatay upang ikaw ay mabuhay.
LM: IKALAWANG MARKAHAN Ika-apat na Linggo ARALIN
3 Layunin: Nakapagbibigay ng wakas sa nabasang kwento. Naitatala ang mga impormasyon mula sa binasang teksto.
Mahalagang Tanong Sabihin: Sa araw na ito sagutin ang mga tanong na: Ano ang kuwentong-bayan? Bakit sa gabi nakikita ang buwan at mga bituin? Paano magbigay ng wakas sa kwentong binasa? TUKLASIN MO a. Paghahawa ng balakid. Bilugan ang titik ng kahulugan ng salitang may salungguhit.
1. Isang makapangyarihang nilalang ang nabubuhay noon. a.tao
b.may buhay
c.hayop
2.Naisip ni Maka-ako na bigyan ng liwanag ang madilim na kalawakan. a.langit
b.papawirin
c.ekwador
3. Sumambulat ang bolang apoy at ito’y nagkapira-piraso. a.sumabog b.nadurog
c.napingot
BASAHIN MO Bakit kaya sa gabi lamang nakikita ang buwan at mga bituin? Ano ang ginawang hatol ni Ma-Ako sa araw? Alamin sa kwentong-bayan na babasahin. Pag-usapan ang nilalaman ng binasang kwento sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong.
Bakit sa Gabi Lamang Nakikita ang Buwan at mga Bituin? (Kwentong-Bayan) Ang daigdig sa simula ay ganap na kadiliman. Wala kahit na anumang bagay sa kalangitan. Isang makapangyarihang nilalang lamang ang nabubuhay noon at ito ay kilala sa pangalang Maka-Ako. Siya ang Diyos ng simula at ng katapusan at nakatira sa kalibutan. Naisip ni Maka-Ako na bigyan ng liwanag ang madilim na kalawakan. Dumipa siya at buong lakas na pumalakpak. Sumambulat ang isang nakabibinging pagsabog na kasunod ang isang nakasisilaw na liwanag. Isang bolang apoy na malakas na umiikot ang nagsimulang lumiwanag. Ito’y nagsabog ng maliliit at maiinit na bagay at ang isa rito ay tinawag na Duta. Tinawag naman ni Maka-Ako ang bola ng apoy ng Adlawino. Pumalakpak uli si Maka-Ako na hindi na masyadong malakas at ganoon din ang nangyari. At tinawag niya ang pangalawang maliwanag na bilog na bagay na Buyana. Si Adlawino at si Buyana ay nagsama. Mabilis na mabilis silang umiikot sa walang katapusang kalawakan. Nagkakarera sila ngunit palaging nauuna si Adlawino kay Buyana. Ang pagsasama nilang dalawa ay nagkabunga. Pinangalanan silang lahat ng Bituin ayon sa lakas ng kanilang liwanag. Isang araw ay sinabihan ni Maka-Ako si Adlawino na huwag masyadong bilisan ang pag-ikot at hintayin si Buyana. Hindi sinunod ni Adlawino si Maka-Ako. Nasaktan si BUyana at natuto niyang kamuhian ang asawa. Gustung-gusto niyang magkasabay sila ni Adlawino ngunit ayaw naman ng huli. Dahil dito ay nag-away ang dalawa. Nagbatuhan sila ng maliliit na gas. Binato ni Adlawino si Buyana ng kanyang maiinit na apoy na halos sunugin si Buyana sa pagiging abo. Naawa sa kanilang ina ang kanilang mga anak na sina Bituong Puya, Bituong Ruyaw, Tala, at Bituong Pisok. Pinakiusapan nila itong huwag nang sundan ang kanilang ama. Sinunod ni Buyana ang kanyang mga anak. Kaya ngayon, si Buyana at ang kanyang mga anak ay sa gabi na lamang nagpapakita kung wala si Adlawino. Sa tagal ng panahon, si Adlawino ay naging araw , si Buyana ay nagging buwan at ang kanilang mga anak ang mga bituin. Ang Kalibutan at ang Duta ay naging mundo at daigdig. Patuloy na naging Diyos na makatarungan si Maka-Ako hanggang sa araw na ito.
Mga Tanong: 1. 2. 3. 4.
Anong uri ng kwento ang iyong binasa ? Bakit nagkahiwalay ang araw at buwan ? Sa iyong palagay, totoo kayang nangyari ang mga ito? Bakit? Sa papaanong paraan napahahalagahan ang mga kathang pampanitikan sa kultura ng bansa?
C. Pagyamanin Natin Pagsasagawa ng ibat-ibang Gawain na ibibigay sa bawat grupo tungkol sa binasang kwentongbayan. Pangkat A – Dula-dulaan Pangkat B – Panayam Pangkat C – Tula Pangkat D – Pantomine
ISAISIP MO A. Patnubayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahat. Sagutin ang mga tanong, 1. Paano nagsimula ang kwentong-bayan na iyong binasa? 2. Angkop ba sa mga pangyayari ang nagging wakas nito? Bakit? 3. Anong mahalagang pangyayari ang nakatulong sa pagwawakas ng kwento?
ISAPUSO MO Isulat ng maayos ang kwentong hindi tapos. Basahin at angkupan ito ng sariling wakas. Gawin ito bilang pangkatang Gawain. (Group Activity) Mga Sulyap sa Ating Bayan Hindi halos makatulog si Dadong nang gabing nagdaan. Maaga pa’y nakahanda na siya. “Handa ka na ba, Dadong ?” tanong ng tatay niya. “Mabuti nang maaga tayo at sasakay pa tayo ng bus patungong piyer sa Batangas. Pagkatapos ay sasakay naman tayo sa bapor patungong Mindoro.” Hindi naglaon at nakarating ang magama sa Mindoro. Dinala sila ng kanilang kasamang tagaroon sa bukana ng kagubatan. “Mga tamaraw!” natutuwang sabi ni Dadong sa tatay niya. Pagkagaling nila sa Mindoro, nagtuloy sila sa Palawan. Dito ay nakita ni Dadong ang ilog sa ilalim ng lupa na dumadaloy sa isang kweba na may ilang kilometro ang haba. Pinuntahan din nila
ang kweba ng Tabon sa Munisipyo ng Quezon na kinakitaan ng bungo ng kauna-unahang tao sa mundo. “Saan po ang tuloy natin, Tatay?” ang tanong ni Dadong. Talagang hindi siya halos makapaniwala sa maraming lugar sa ating Isulatdalawin Mo ng isang Pilipino bago mangibang bansa. Sumakay ang mag-ama sa eroplano. Lumipad sila bansa na dapat sa Dagat-Sulu. “Hayun ang malaking sentral ng asukal sa Negros!” ang turo ng tatay niya. “Iyan naman ang Isulat nang maayos ang kwentong hindi tapos. Basahin at angkupan ito ng sariling wakas. Gawin bantayog ni Magellan sa pulo ng Mactan.” ito “Itay, iyon marahil ang tinatawag na mga Burol na tsokolate sa Bohol. Ang ganda-ganda talaga ng Pilipinas!”
“Paeng, young bulaklak, Anak. Huwag mong kalilimutan,” ang sabi ni Aling Naty. “Opo , Inay,” ang sabi ni Paeng. Ngunit si Paeng ay ginabi sa pag-uwi dahil nagpraktis sila sa paglalaro ng basketbol. Habang siya ay naglalakad, naalala niya na pinabibili siya ng bulaklak para sa kanilang altar. Dahil gabi na, wala nang mabiling bulaklak. Nadaan siya sa parke at nakakita ng maraming bulaklak . Namitas siya nang namitas ng mga bulaklak at hindi niya napansin ang patalastas na, BAWAL MAMITAS NG BULAKLAK dahil sa pagmamadali. Nilapitan siya ng pulis.
LM: IKALAWANG MARKAHAN Ika-apat na Linggo- Aralin 4 I. Layunin: Nakasusulat ng sulating pormal TUKLASIN MO Punan ng wastong pandiwa ng patlang ng talataan. Isaalang- alang ang iba’t- ibang aspeto ng mga pandiwa ayon sa pagkakaganap ng kilos na isinasaad sa bawat pangungusap.(Group Activity). Bago pa man ( dating) ___________ ang mga Espanyol sa bansa, ang ating mga ninuno ay may sariling wikang (gamit) ___________. (Sabi) ________ na ang Tagalog ang may pinakamayamang katangian sapagkat nagtataglay ito ng mga katangian ng ibang wika sa daigdig. Kabilang na ang Latin At Kastila. (Lagay)____ na ito ang dahlia kung bakit (pili)______ batayan ng Wikang Pambansang Tagalog. (Sikap)______ ng pamahalaan na (ganap)__________ ang pambansang wika. (Gamit)_________ ito sa iba’t ibang sangay. Patuloy itong (turo)_______ sa mga paaralan upang lalo itong mapagyaman. BASAHIN MO Wikang Pambansa Ang dating Pang. Quezon ang unang nagmalasakit na magkaroon ng wikang pambansa na mag- uugnay sa buong kapuluan. Siya ang pangulo ng Pamahalaang Komonwelt nang ipatupad ng kaniyang administrasyon ang probisyon ng Saligang Batas tungkol sa wikang pambansa. Ayon sa kaniya, sa tulong ng wikang pambansa, ang bawat mamamayang Pilipino ay magkakaisa. Mahigit sa walumpung katutubong wika ang umiiral sa Pilipinas. Ang sampung pangunahing wika ay Tagalog, Cebuano, Ilokano, Waray, Hiligaynon,Bicol Kapampangan, Pangasinan, Tausug, at Ibanag. Iba- iba pa rin ang wika sa iba’t ibang dako. Sa mga lalawigang bulubundukin, halimbawa, may sari- saring wika ang mga Bontok, Igorot, at Ifugao.Gayundin sa Mindanao at iba pang pook. May mga Muslim na nagsasalita ng Maranaw, Tausug, Magindanaw, at iba pa. Batay sa mga pag- aaral ng komisyon sa Wikang Filipino at iba pang mga ligguwista, mas angkop na tawaging Filipino ang ating wikang pambansa. Ang alpabetong Filipino ay may dalawampu’t walong titik. Marami tayong mga salitang ginagamit na nagtataglay ng mga titik na nasa alpabetong Filipino kaya karapat- dapat lamang na Filipino an gating maging wikang pambansa. Talakayin 1.Paano sinisimulan ang talata? 2.Anong Titik ang ginagamit sa simula ng bawat pangungusap? Nang mga pangalang pantangi? 3.Papaano nagtatapos ang bawat pangungusap? 4.Anong bantas ang ginagamit sa mga salitang hinahati sa dulo ng linya? 5.Saan- saan ang palugit? 6.Ano- ano ang pamaksang pangungusap sa bawat talata?
ISAISIP MO Patnubayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahat, Itanong “ Ano ang mga dapat tandaan o mga pamantayang sinusunod sa wastong pagsulat ng talata. Tandaan •
May mga panuntunang sinusunod sa wastong pagsulat ng talata. - Isulat ang pamagat sa gitna sa gawing itaas ng sulatang papel. - Lagyan ng espasyo sa pagitan ng pamagat at mga talata. - Gamitin ang malaking titik sa simula ng mahahalagang salita sa pamagat/ simula ng bawat pangungusap, simula ng mga pangangalang pantangi, at sa pagsulat ng pamagat. - Gamitin ang wastong bantas sa hulihan ng bawat pangungusap. - Ipasok ang unang pangungusap ng talata. - Magkaroon ng palugit sa magkabilang panig ng papel.
ISAPUSO MO Pagsunod- sunurin ang mga pangungusap upang makabuo ng isang maayos na talata. Isulat ang bilang 1- 5 sa patlang. Pagkatapos, Isulat sa manila paper ang nabuong talata ng bawat pangkat. A. ______ Noong itatag ito, pitong miyembro ang hinirang ni Pangulong Quezon. ______ Ang Surian ng Wikang Pambansa ay ang lupon ng wika na itinatag noong 1937 para sa pagpili ng wikang pambansa. ______
Lahat ng mga kagawad ng lupon ay nagsasalita ng iba’t ibang wika.
______
Ang iba pang kagawad ay kumakatawaan sa wikang Ilokano, Cebuano, Bicol, Hiligaynon, at Maranaw.
______
Ang Tagapangulo ng Lupon ay si Jaime de Veyra na taga-Leyte at ang kalihim ay si Cecilio Lopez, isang Tagalog.
B. ______ Pagkatapos n mapili ang Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa. ______
Ipinag-utos ng Pangulong Quezon sa Surian ng Wikang Pambansa na gumawa ng dalawang bagay.
______
Si G. Lope K. Santos ang naatasang gumawa ng Balarila ng Wikang Pambansa.
______
Una, isang diksiyonaryong Tagalog-Ingles at ikalawa, isang gramatika para sa Ikaapat na Taon ng mataas na paaralan at Ikalawang Antas ng Paaralang Normal.
______
Dahil sa isinulat niyang Balarila ng Wikang Pambansa na naging batayan ng mga sumusunod na aklat panggramatika. Kinikilalang “Ama ng Balarilang Pambansa” si Lope K. Santos.
ISULAT MO Sumulat ng dalawa o tatlong talata tungkol sa isang paksang mapipili sa mga nakatala. Sundin ang mga pamantayan sa pagsulat ng mahusay na talata. 1. Isang Paglalakbay 2. Mga Yaman sa Ating Kagubatan 3. Ang Ating mga Bayani
ARALIN Mabuting Pag-uugali, Ating Palaganapin
1 Ano ang sawikain?
Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang sawikain.
Tuklasin Mo Bago natin pakinggan ang mga pangungusap na babasahin ng iyong guro, alamin muna ang kahulugan ng mga sumusunod na parirala. Piliin sa kahon ang kahulugan nito. Isulat ang sagot sa kuwaderno. 1. 2. 3. 4. 5.
usad pagong malikot ang kamay ilaw ng tahanan bukal sa loob busilak ang puso
mabagal kumilos
ina
kumukuha ng hindi kanya
malinis ang kalooban
tapat
Basahin Mo Pakinggan ang mga pangungusap na babasahin ng guro. Itala ang mga salita o parirala na babanggitin ng iyong guro at tukuyin ang kahulugan ng mga ito. Pagyamanin Mo Gawin Natin (Pangkatang Gawain)
Bigyan ng kahulugan ang mga sumusunod na sawikain. Hanapin ang kahulugan nito sa Hanay B. Isulat ang titik ng sagot sa sagutang papel.
________ 1.balik-harap
a. mahigpit ang hawak
________ 2. busilak ang puso ________ 3. kapit-tuko
b. mabuti ang pakikitungo sa harap ngunit taksil sa likuran c. iyakin
________ 4. makapal ang palad
d. malinis ang kalooban
________ 5. mababaw ang luha
e. masipag
Gawin Mo Salungguhitan ang sawikain sa bawat pangungusap. 1. Halatang masama ang loob ni Bb. Gan dahil hindi siya nakasama sa mga nabigyan ng parangal. 2. Tinik sa lalamunan ang kanyang tiyuhin lagi na lang nakaayon sa kalabang pulitiko. 3. Wow! Parang di madapuang langaw si Terso sa suot nitong tuxedo. 4. Ang masasamang bagay na ginawa mo sa iyong kapwa, gaano man kaliit, ay muling babalik sa iyo sa ibang paraan, itaga mo sa bato. 5. Ingat na ingat akong kausapin si Bb. Austria, balat-sibuyas kasi siya.
Isaisip Mo
Ano ang sawikain? Ang sawikain o idioma ay salita o grupo ng mga salitang patalinhaga ang gamit. Ito’y nagbibigay ng di tuwirang kahulugan. Kadalasang malalim ang mga gamit na salita at pinapalitan ang pangkaraniwang pagtawag sa isang bagay at ginagawang matatalinghagang pahayag.
Hinango sa http://coconuter.blogspot.com/2007/11/mga- sawikain-o-idioma.html
Isapuso Mo Piliin ang titik ng sawikain na tugma sa isinasaad ng pangungusap. Isulat ang titik ng sa sagutang kuwaderno. a. b. c. d. e. f.
naniningalang pugad halik-hudas kakaning-itik taingang kawali isang kahig, isang tuka bantay-salakay
1. Binata na si Eric. Palagi siya sa kapitbahay na si Thelma. Si Thelma ay dalaga. Si Eric ay _________________ na. 2. Tawag nang tawag ang ina kay Romy. Naririnig ni Rom yang tawag ngunit hhhinnndi siya sumasagot. Patuloy siya sa ginagawa at parang walang naririnig. Siya ay may_________________. 3. Gabi-gabi si Aling Linda ay nawawalan ng paninda. Nagtataka siya kung bakit nagkagayon, samantalang may pinagbabantay naman siya. Naghihinala tuloy siya na ang pinagbabantay niya ay isang _________________. 4. Matipid si Ana. Hindi siya palabili, hindi siya namimili ng mamahaling bagay. Ang kita nila ay halos hindi sumasapat sa kanilang gastos. Sila ay __________________. 5. Sa lahat ng bata sa aming looban, kaawa-awang itong si Ramon. Kayang-kaya siyang paiyakin ng kapwa at siya ay lagging tampulan ng panunukso. Siya ay ________________ sa aming pook.
Isulat Mo Piliin ang kahulugan ng mga sumusunod na sawikain. Isulat ang titik ng tamang sagot. 1. malikot ang kamay A. palabati B. magnanakaw 2. nagasgas ang bulsa
C. kasalanan D. sinungaling
A. nabutas ang bulsa B. nawalan ng pera
C. nadukutan ng malaki D. nagkagastos ng malaki
3. pantay na ang paa A. namatay na B. pareho ang paa
C. magkasintaas na paa D. nakatayo na
4. mainit na ulo A. naguguluhan B. nagagalit
C. nilalagnat D. nakakapaso
5. di-maliparang uwak A. liparan ng mga ibon B. liparan ng mga hindi uwak
C. ubod ng lawak D. ubod ng liit na paliparan
ARALIN
2
Pangangalaga sa Kalikasan
Paano maipapakita ang pagmamahal sa kalikasan? Ano ang dapat gawin upang mailigtas sa tuluyang pagkasira ang kalikasan? Paano ang wastong pagbigkas ng isang tula?
Tuklasin Mo Bago natin pakinggan ang tulang babasahin ng guro, alamin muna ang kahulugan ng mga salitang nasa loob ng maliit na kahon. lanta
naglilimayon
bilasa
maylalang
Basahin Mo Humanda na at makinig sa babasahin ng guro. Kalikasan – Saan Ka Patungo? ni: Avon Adarna Nakita ng buwan itong pagkasira Mundo’t kalikasan ngayo’y giba-giba, Ang puno – putol nagbuwal at lanta Ang tubig – marumi lutang ang basura Nalungkot ang buwan sa nasasaksihan Lumuhang tahimik sa sulok ng damdam At nakipagluhaan sa Poong Maylalang Pagkat ang tao rin ang may kasalanan.
Ang hanging sariwa, bilasa na ngayon Nasira ng usok na naglilimayon Malaking pabrika ng goma at gulong Sanhi na ginawa ng pagkakataon! Ang dagat at lawa na nilalanguyan Ng isda at pusit ay wala nang laman Namatay sa lason saka naglutangan Basurang maburak ang siyang dahilan! Ang lupang mataba na bukid-sagana, Saan ba napunta, nangaglayag na ba? Ah hindi.... naroon... mga mall na pala Ng ganid na tao sa yaman at pera. Mga sapa at ilog sa Kamaynilaan, Ginawa na ng tao na basurahan At kung dumating ang bagyo at ulan Hindi makakilos ang bahang punuan. Ang tao rin itong lubos na dahilan, Sa nasirang buti nitong kalikasan, At darating bukas ang ganti ng buwan, Uunat ang kamay ng Poong Lumalang! http://tagalog-tula-pilipinas.blogspot.com/2011/07/tula-tungkol-sa-kalikasan.html
Tungkol saan ang binasang tula? Ilan saknong mayroon ang tula? Ilan sukat mayroon sa isang taludtod? May tugma ba ang bawat taludtod? Paano dapat bigkasin ang tula? Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa kalikasan? Pagyamanin Mo Gawin Natin (Pangkatang Gawain) Babasahin ng bawat pangkat ang tula nang may wastong tono, diin, antala at damdamin ang tula. Gabayan ang mga bata sa wastong pagbigkas ng tula.
Isaisip Mo
Mga dapat tandaan sa pagbigkas ng tula •
•
•
Tono – Ang taas o baba ng tinig na inuukol sa pagbigkas ng pantig ng isang salita, parirala, o pangungusap upang higit na maging mabisa at maunawaan ang pagsasalita. Diin – Ang bigat o lakas ng bigkas sa pantig ng salita na maaaring makapag-iba sa kahulugan ng salita kahit sa salitang magkapareho ang baybay. Antala – Saglit na pagtigil o paghinto sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap. Ginawa ito upang ihiwalay ang ideya o kahulugan ng nais ipahayag. Kuwit (,) ang ginagamit sa antalang ito na simbolo ng /.
Isapuso Mo Bigkasin ang tula nang may wastong tono, diin, antala at damdamin.
Isulat Mo Gumamit ng rubric sa pagtataya sa mga mag-aaral ukol sa wastong pagbigkas ng tula. Sana Ganito ang Bayan Ko Sana, ang bayan ko’y maging paraiso, May payapang lugar, tahimik ang tao; May ibong Malaya, may hanging mabango, May diwang makabayan, di kayang matukso. Sana, ang bayan ko’y sagana sa tanim Ng mga produktong tanging likas sa’tin, Sa bundok at parang lupa’y bubungkalin, Masaganang ani ang pagyayaymanin. Sana, sa bayan ko, gusali’y marikit Mataas na parang abot hanggang langit; Bangko’t pamilihan, dito’y nakasandig Upang kabuhayan ng bansa ay lumawig. Sana ang bayan ko ay aking matanaw
Na papaunlad na sa pangkabuhayan. May trabahong lahat mga mamamayan At sumagana itong ating pamumuhay.
ARALIN Likas na Yaman: Ito’y Pangalagaan
3
Paano naipapakita ang pagmamalasakit sa kapaligiran sa araling ito? Anu-ano ang gamit ng pangngalan sa pangungusap na ating mababasa at mapakikinggan sa araling ito?
Tuklasin mo Tukuyin ang mga larawan.
Basahin Mo Basahin ang talata. Bigyang pansin ang mga salitang may salungguhit. Magkaibigang matalik sina Lawin at Inahing Manok. Nagsumpaan sila na maging matapat sa isa’t isa. Binigyan ng lawin ng isang magandang singsing si Inahing Manok. Tuwang-tuwa si Inahing Manok kaya lumipad at nagmagara siya. Di-naglaon, nakilala ni Inahing Manok si Tandang. Ipinagkaloob niya ang singsing kay Tandang. Nagalit si Lawin nang mabalitaan ang pangyayari.
Pagyamanin Mo A. Isulat kung may salungguhit na pangngalan ay ginamit na panaguri, simuno, layon, ganapan, o pinaglalaanan.
Hindi masamang minahin ng tao ang likas na ¹yaman ng daigdig. Ngunit magagawa ito nang hindi masisira ang ²kapaligiran. Halimbawa, sa ³Montana, Estados Unidos, ⁴ karbon minimina. Ipasara ito ng isang naging gobernador ng Montan. Tumutol ang mga ⁵minero. ⁶Pagmimina ang kanilang hanapbuhay. Ipinaliwanag ng gobernador ang masamang ⁷epekto ng ⁸pagmimina ng karbon sa pulmon o baga. Aniya, hindi mawawala ang ⁹karbon. Ito ay para sa bukas, hindi sa ngayon. Maghintay tayo ng angkop na ¹teknolohiya sa pagmimina ng karbon. Mula sa Kuntil-Butil sa Kapaligiran Liwayway, Oktubre 27,1997
Isaisip Mo Isulat sa bilog ang gamit ng pangngalan sa pangungusap.
Gamit ng Pangngalan sa Pangungusap
Tandaan • Ang pangngalan ay maaaring gamitin bilang simuno, panaguri, layon ng pandiwa, layon ng pang-ukol/pinaglalaanan, at ganapan. 1. Simuno o Paksa – Ito ang pinag-uusapan sa pangungusap. Ito ay may panandang ang o si. Halimbawa: 1. Si Ana ay kaibigan ko. 2. Malakas ang bagyo. Paksa Paksa 2. Panaguri – Ito ang nagsasabi tungkol sa simuno. Halimbawa: 1. Kaibigan ko si Ana. 2. Taga-Samar ang lola namin. Panaguri
Paksa
Panaguri
Paksa
3. Layon ng Pandiwa – Ito ang tumatanggap sa kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Ito ay pinangungunahan ng panandang ng. Halimbawa: 1. Bumili si Janelle ng lapis sa tindahan. 2. Nagbasa siya ng aklat. 4. Pinaglalaanan – Ito ay pinangungunahan ng mga pang-ukol na sa/sa mga, para kay/para kay/para kina, para sa/para sa mga. Halimbawa: 1. Ang mga donasyon ay nilikom nila para sa mga biktima ng bagyo. 2. Para kay Pia ang manika. 5. Ganapan – Ito ang pinangyarihan o pinagganapan ng kilos ng pandiwa. Halimbawa: 1. Nagkagulo ang mga tao sa plasa. 2. Ipinagdiriwang ang Sandugo Festival sa Bohol tuwing buong buwan ng Hulyo. Ugnayan sa Wika at Pagbasa 5 pp.102-103 Vibal Publishing House, Inc.
Isapuso Mo Punan ng angkop na pangngalan ang mga patlang upang mabuo ang talata. Walang patlang ang unang pangungusap upang magkaroon ka ng ideya tungkol sa paksa. Ang pangngalan ay maaaring simuno, panaguri, layon, pinaglalaanan, o ganapan.
Alam Ba Ninyo
Nakakita ka na ba ng mga pamayanan sa mga kabundukan? Paano ito nangyari? Maraming ¹__________ang nag-iwan ng kinalbong bahagi ng ²__________. Pinuputol nito ang mga ³__________at hindi pinapalitan ng bago. Dito pumapasok ang mga ⁴__________. nila ito ng Tinataniman ⁵__________ at ⁶ _______ Pagkatapos ng dalawang ⁷___________
ang mga ⁸__________ na ¹ ⁰__________ mga ¹²__________ sa dating at ¹¹__________ ito’y magiging munting ¹³__________ ng mga ¹ ⁴__________. S ang ¹ ⁵__________ -ani. Ngunit dahil upang sa kakulangan m akapag sa ¹ ⁶_________ hindi sila makapag-ani ng ¹ ⁷_________. kakalat A t kung hi sila ng ¹ ⁸___________.
Mga Pagpipiliang Pangngalan
kubo daan paligid likha
kabundukan kaingero magtotroso ikabubuhay tao
tubig puno kaingin bundok basura
pamay palay at mais pamayanan pag-aani
Isulat Mo Panuto: May salungguhit ang pangngalan sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang kung ang gamit nito ay simuno,panaguri, layon ng pandiwa, pinaglalaanan, o ganapan. ________.1. Sabik na niyakap niya ang kanyang anak. ________ 2. Pinagsabihan siya ng kanyang mga magulang. ________3. Bayani si Dr. Jose Rizal. ________4. Namili kami sa palengke kahapon. ________5. Magtulungan tayo para sa bayan
ARALIN
4
Mahahalagang Pangyayari: Itala mo
Ano ang talaarawan? Anu-ano ang impormasyon makikita sa isang talaarawan? Ano ang kahalagahan ng pagsulat ng isang talaarawan?
Tuklasin Mo
Masaya, marami kaming pinuntahan at naranasan.
Ikuwento mo naman sa akin.
O sige, kukunin ko lang ang aking talaarawan.
Nakagawa na ba kayo ng isang talaarawan?
Basahin Mo Ang bawat araw ay napakahalaga sa ating buhay. Araw-araw ay iba’t ibang pangyayari ang nagaganap sa atin. Araw-araw ay iba’t ibang karanasan ang nararanasan natin. Ang ilan sa
mga karanasan natin ay mahalagang matandaan. Nagsusulat k aba ng mahahalagang bagay na nararansan mo? Basahin mo ang nakatala sa ibaba. Pag-aralan mo kung paano ito isinulat. Ang Talaarawan ni Arlene Kalagayan: Papunta sa Lungsod ng Tanggub, Ozamis sina Arlene. Ang paliparan ng eroplano o airport ay nasa Lungsod ng Dipolog. Sa Dipolog nakatira ang kaniyang Tita Carmen at Tito Teddy. Doon muna sila matutulog. Itinala miya sa kaniyang talaarawan ang mga karanasan niya sa pagtigil doon. Sabado, ika-3 ng Hunyo, 2006 Pagkakain ng agahan, ipinasyal kami ni Tita Carmen sa Rizal Shrine sa Dapitan. Ito pala ay nasa baybay-dagat. Napakalamig at sariwang-sariwa ang hangin na nagbubuhat sa dagat at napakalinaw ng tubig. Napasarap langhapin ang sariwang hangin. Linggo, ika-4 ng Hunyo, 2006 Pagkakain ng agahan, inihatid kami ni Tito Teddy sa Bus Terminal patungong Ozamis. Alas dose na kami nakarating sa Lungsod ng Tanggub. Dito kami titigil ng limang araw. Maulan ang lugar na ito, kaya mura rito ang mga bungangkahoy. Napakalaki ang inihain sa aming saging.
Kaninong talaarawan ang inyong binasa? Bakit naisipang itala ni Arlene sa kaniyang talaarawan ang mga karanasan niya? Ayon sa talaarawan ni Arlene, anu-ano ang kanyang naranasan sa pagbisita niya sa kanyang Tita Carmen? Ano ang mga impormasyon o detalye na makikita sa isang talaarawan?
Pagyamanin Mo Gawin Ninyo (Pangkatang Gawain) Ayusin ang mga nakasulat sa ibaba upang makabuo ng tatlong talaarawan. gawing huwaran sa pagsulat ang binasang talaarawan. Isulat ito sa inyong sagutang papel. 1. Miyerkules 2. Abril 12, 2006
3. namalengke kami sa palengke 4. tinulungan naming bumangon ang matanda 5. nakita naming ang isang matandan nakadapa 6. Huwebes, Abril 13,2006 7. naglaba kami sa ilog 8. isang napakalaking sawa ang bumagtas sa ilog 9. isang batang lalaki ang tumakbong takot na takot 10. wala na ang sawa nang dumating ang mga tao 11. Biyernes 12. Abril 14, 2006 13. sabik na sabik kaming nagtungo roon 14. nagkayayaang mamasyal sa plasa ang aming pamilya 15. naglaro kaming magkakapatid habang nagkukuwentuhan sina Nanay at Tatay 16. tinulungan ko si Inay na maghanda ng aming babaunin Isaisip Mo
Tandaan •
Sa pagsulat ng talaarawan, isinusulat muna ang araw at petsa bago itala ang mga pangyayaring nagaganap sa araw-araw. Ginagamit ang bantas na kuwit sa pagitan ng araw at petsa, petsa at bilang ng taon. Ginagamit ang malaking titik sa simula ng pangngalan ng araw at buwan.Ipinapasok ang unang pangungusap sa pagsasalaysay ng karanasan.
Isapuso Mo Gumawa ng talaarawan o talaan ng mga ginagawa mo sa loob ng isang linggo. Simulan sa araw ng Linggo.
Isulat Mo Panuto: Basahin ang talaarawan at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
ARALIN
5
Ako at ang Aking Kalikasan
Paano naipapakita ang pagmamalasakit sa kalikasan/kapaligiran sa araling ito? Anu-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng tula?
Tuklasin Mo Basahin ang mga bugtong na nakapaskil sa pisara. 1. Malayo pa ang sibat, Nganga na ang sugat. 2. Umulan man o umaraw Hanggang tuhod ang salawal. 3. May ulo, walang buhok, May tiyan, walang pusod. 4. Dalawang biyas ng kawayan Unahan nang unahan. 5. Bahay ni Doro Punung-puno ng bato. Ano ang napansin ninyo sa mga salitang ginamit sa bugtong? Kailan magkatugma ang mga salita?
Basahin Mo Isang kayamanan ang malusog na pangangatawan. Ang buhay ay biyaya ng Maykapal at dagdag na biyaya ang pagiging malusog. Ang pagaalagas ng katawan upang maging malusog ang atin namang handog sa Maykapal. Paano ito magagawa.
Wastong Pagkain Ang taong malusog, lubhang masayahin, matalas ang isip at hindi sakitin katawa’y maganda at hindi patpatin, pagkat alam niya ang wastong pagkain. Lusog ng katawan nasa kinakain, ang gulay at prutas, dapat na piliin Sa dilis at tulya, sa puso ng saging, lalakas ang buto, titibay ang ngipin. Lilinaw ang mata, katawa’y lalaki, sa sariwang gatas, itlog, at kamote, malunggay at petsay, sa isda at karne, ang bata’t matanda, lulusog, bubuti. Sa ating pagkain, lagging tatandaan, mga bitamina nitong tinataglay, Sa sariwang prutas, isda saka gulay, lulusog, gaganda, hahaba ang buhay. Hango sa Hiyas sa Pagbasa 5 p.3
Pagyamanin Mo Sumulat ng maikling tula na may tatlo hanggang limang saknong tungkol sa kalikasan. Isaisip Mo Basahin ang graphic organizer.
A. Tugma- nagpapaganda sa diwa ng tula ang alin mang paraan ng pagtutugma
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Tula
B. Sukat – tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod C. Saknong – tumutukoy sa grupo ng mga linya o taludtod D. Taludtod – linya sa loob ng saknong
E. Talinghaga – malalalim na salita
Isapuso Mo Sa pagsulat ng inyong tula, ipakita ang pagmamalasakit sa kalikasan. Ipabasa ang tulang nabuo ng piling mag-aaral.
Isulat Mo Gamitin ang rubrics sa pagmamarka sa nabuong tula ng mga mag-aaral.
Aralin
v Pangunahing Diwa
Ano ang pangunahing diwa? Ano ang kahalagahan nito sa pagbuo ng isang talata? Ano ang katangian ng paksang pangungusap? Saan bahagi ng talata ito matatagpuan?
Tuklasin Mo A. Isulat mo sa papel ang mga katangian ni Jose habang binabasa ng iyong guro ang kwento. Pagkatapos marinig ang kwento isulat mo sa kahon ang kaniyang mga katangian.
Jose
Masasabi mo ba na karapat-dapat tularan si Jose? Bakit? Basahin Mo Paano ipinagdiriwang ng mga taga- Parañaque ang sunduan? Sinu-sino ang mga gumaganap dito?
ANG SUNDUAN Noong araw, hindi umaalis ng bahay ang mga dalaga nang nag-iisa. Sinusundo sila kapag mayroon silang pupuntahan. Ito ay naging ugali nang mga tao sa Parañaque noon. Tinatawag nila itong Sunduan. Ang Sunduan ay isang matandang kaugalian. Tuwing pista sa bayan ng Parañaque, ang Sunduan ay kanilang binubuhay. May komite na namamahala sa mga gawain at pagtatanghal kung pista. Ang puno o chairman nito ay hermano mayor. Kung babae ang chairman tinatawag itong Hermana mayor. Ang komite ang pumipili ng mga dalaga at binata na gaganap sa sunduan. Magagandang dalaga at makikisig na binata na may kasiya-siyang ugali ang pinipili. Isang karangalan para sa mga dalaga at binata ang mapabilang sa Sunduan. Sa kaarawan ng pista sa bayan, sinusundo ng mga binata ang mga dalaga. Kasama ang banda ng musiko. Lumalakad sila sa mga pangunahing lansangan ng bayan. Makikisig ang mga binata sa kasuotang barong at naggagandahan naman ang mga dalaga sa kanilang baro at saya. Makukulay ang payong nila. Nagtatapos ang masayang paglalakad sa bahay ng hermano mayor. Isang masaganang salu-salo ang naghihintay sa kanila roon. Pagyamanin Natin Gawin Ninyo A. Subukan nating sagutan ang mga tanong na ito tungkol sa matandang kaugalian ng mga taga Paranaque, ang Sunduan. Isulat ito sa inyong kwaderno. Ako at ang Aklat Ang sagot ay maaaring nasa aklat o maaaring isipin muna bago hanapin sa aklat
Ano ang naging ugali ng mga tagaParanaque noon? (1 punto) Isinasagawa nila ang sunduan linggulinggo? (1 punto) Sino ang namamahala sa pagsasagawa ng Sunduan? (1 punto) Bakit itinuturing na isang karangalan ang mapasali sa Sunduan? (3 puntos)
Ako at ang may akda Ang sagot ay nasa may-akda o sayo o sa isipan mo
Bakit kailangang ipagpatuloy ang pagsasagawa ng mga matandang kaugalian n gating pamayanan? (4 puntos) Kung is aka sa mapili upang manguna sa pagsasagawa nito paano mo ito gagawing matagumpay? (5 puntos)
Ilang puntos ang nakuha mo? Binabati kita kung mataas ang nakuha mo! Kung mababa naman maaari mong balikan ang kwento. B. Matapos mong pag-aralan ang tungkol sa pangunahing diwa, subukin mong hanapin sa kahon ang pangunahing diwa ng bawat talata. Isulat mo ito sa iyong kwaderno. 1
2
Gawin Mo Subukin mong basahin ang mga talata at punan ng angkop na paksang pangungusap.
1. Pinagyaman ng mga Ifugao ang kanilang kabundukan. Binungkal nila ang gilid nito. Nakalikha sila ng makikitid na taniman sa paligid ng bundok. Parang hagdan patungo sa langit ang makikitid na taniman. Tinataniman nila ito ng palay. Ang hagdan-hagdang palayan ng mga Ifugao ay isang kahanga-kahangang tanawin.
Bakit ito ang napili mong paksang pangungusap? Isaisip Mo A. Buuin ang konsepto ng paksang pangungusap sa pamamagitan ng pagsulat ng mga salitang may kauganayan dito sa loob ng kahon. Gawin ito sa iyong kwaderno.
.
Paksang Pangungusap
.
.
B. Ano ang mga dapat tandaan sa pagsusulat ng isang talata? Isapuso Mo Iguhit sa inyong kwaderno ang masayang mukha kung tama pangungusap at malungkot na mukha
ang
kung mali.
__________1. Pinapahalagahan ko ang lumang kaugalian ng mga Pilipino __________2. Hindi ako makikiisa sa mga pagdiriwang sa aking pamayanan __________3. Ikinararangal ko ang kaugaliang tatak Pilipino __________4. Kalimutan na lang ang dating kaugalian __________5. Makulay ang kulturang Pilipino dahil sa mga pagdiriwang. Isulat Mo Matapos mong matutuhan ang pangunahing diwa. Subukan mong sumulat ng isang talata na susuporta sa paksang pangungusap na nakasulat. Isulat ito sa iyong kwaderno. Ang mga mag-aaral sa ika-limang baitang ay mga huwarang mag-aaral.
Aralin
Kaukulan ng Panghalip na Panao
Bakit mahalagang gumamit ng magagalang na salita sa pagsasabi ng hinaing o reklamo? Ano ang kaukulan ng panghalip na panao? Ano ang panghalip na kaukulang palayon? kaukulan palagyo? kaukulan paari? Tuklasin Mo A. Kilala mo ba ang nasa larawan? Siya ay si Sajid Bulig. Anu-ano ang alam mo tungkol sa kaniya? Isulat ang mga sagot sa iyong kuwaderno.
Huwag kang matakot kung wala o kaunti lamang ang nalalaman mo tungkol sa kaniya. Sa babasahin sa iyo ng guro mas makikilala mo pa ang Pilipinong ito. B. Isulat sa Venn dayagram ang mga magagalang na salitang magagamit sa pagsasabi ng hinaing o reklamo. Gawin ito sa iyong kwaderno.
.
.
Basahin Mo
Wastong Pagsasabi ng Hinaing o Reklamo
.
.
Gaano ba kahalaga ang paggamit ng magagalang na pananalita kahit hindi ka sangayon sa narinig mo? Ano kaya ang pwedeng mangyari kung hindi tayo magiging magalang sa ating pagsasalita? Alamin natin sa pamamagitan ng pagbasa ng isang kwento. “Ang Matalim Na Dila Ni Tonton, Saan Nga Ba Hahantong?” Sherald-Salamat
Isang pilyong bata si Tonton, hindi niya iginagalang ang mga nakatatanda sa kanya. Dahil iyon sa kapabayaan ng kanyang nagkahiwalay na magulang. Hindi na siya natutukan pa ng atensyon at payo simula noon. Hindi siya marunong gumamit ng salitang po at opo, bastos pa siyang makipag-usap. Pasigaw siyang lagi kapag nagsasalita, mainit ang ulo at pabalang sumagot. Madalas siyang pag-initan ng kanyang mga kalaro dahil sa kanyang ugali, inaaway niya ang mga bata kahit wala namang ginagawa ang mga ito sa kanya. Hindi siya kinagigiliwan ng mga tao, madalas pa siyang kainisan. Bastos na bata ang bansag sa kanya ng karamihan, mapanlait at walang modo. Isang gabi, habang natutulog si Tonton. Nagkaroon siya ng isang masamang panaginip, may isang matandang nagpakita sa kanya. Nagbanta ito ng isang sumpa dahil sa kanyang panlalait sa kapwa. “Ang lahat ng masasama mong bibigkasin, ay sa iyo rin masasalin.” Iyon ang banta ng ‘di kilalang matanda. Nagising si Tonton, natandaan niya ang kanyang panaginip. Ngunit ipinagsawalangbahala lamang niya iyon, dahil para sa kanya, kabaliktaran ang panaginip sa totoong buhay. Bumangon siya at kumain ng almusal. Sunod ay naligo, nagsuot ng uniporme, humingi ng sobrang baon sa kanyang ate, at nagtungo na sa eskwelahan. Habang naglalakad si Tonton, nakita niya ang kanyang kaklaseng may maliit na bukol sa ulo, in born iyon. Inakbayan ito ni Tonton, at sinabing “Kamusta boy bukol? Habang tumatagal, lumalaki ang bukol mo ah!” Matapos niya iyong sambitin, kumati nang bahagya ang kanyang likod. Kinamot niya iyon at nakapa niya ang isang maliit na bukol. Hindi niya iyon pinansin, dahil ang akala niya ay isa lamang iyong kagat ng gutom na lamok. Nagpatuloy lamang siya sa paglalakad, hindi niya alam na unti-unti nang lumalaki ang bukol sa kanyang likod. “May bukol ka sa likod, Tonton, napaano iyan?” Tanong ng napadaang mama na nakabisekleta. “Lokohin mo ang lelang mo, kulugo ka! Ipinaglihi ka sa palaka!” Sagot ni Tonton sa mamang nagtanong. Hindi na naman napansin ng batang mapanlait ang biglaang pagtubo ng kulugo sa kanyang noo, leeg at dalawang braso, nagpatuloy lamang siya sa pag-astang siga.
“Tonton, may sakit ka ba? Huwag ka nang pumasok.” Bilin ng kumare ng kanyang nanay. “Malakas pa ako sa iyo, palibhasa baboy ka! Malaki ang tiyan, huwag mo nga akong pakialaman.” Paliwanag ni Tonton. Nanahimik na lamang ang babaeng pinagsungitan niya, umismid, sabay balik sa pagwawalis. Naramdaman ni Tonton ang biglaang paggalaw at pag-alon ng kanyang tiyan, tinitigan niya iyon at pinagmasdan. Unti-unti itong lumolobo, at lumalaki tulad ng isang babaeng nagdadalang tao. Napasigaw siya sa kanyang nasaksihan, tinitigan siya ng ilang mga estudyante’t mga magulang, natulala ang mga ito sa kanya. “Ano ito?” Sigaw niya. “Tulungan n’yo ako, madali!” pag-uutos niya sa ilang mga saksi. Subalit, tinitigan lamang siya ng mga naroroon, pinagtawanan, at iniwan. “Mga wala kayong kuwenta, mga hayop! Mga unggoy kayong bumaba mula sa kagubatan.” Panlalait niya sa mga taong isinantabi ang kanyang ipinag-uutos. Tulad ng dati, mabilis siyang tinubuan ng mahahabang buhok sa buong katawan: sa braso, binti, likod at mukha. Nagmukha siyang unggoy na naka-uniporme, kinatakutan siya ng mga tao. Hindi na siya pinapasok pa sa loob ng lalaking nagsisilbing guwardiya ng paaralan, pinagtabuyan siya nito habang pinagmamasdan ng mga taong nagdaraan. “Ako ito si Tonton. Hindi n’yo ba ako nakikilala? Bakit ayaw n’yo akong papasukin? Estudyante ako rito.” Paliwanag ni Tonton sa guwardiya at ilang gurong nakiusyoso na sa kanyang ginagawang pag-iiskandalo. “Masama kang nilalang, may sapi ka, kaya lumayo ka rito.” Pagtataboy ng isang matandang guro. “Hindi ko hinihingi ang opinyon mo, bingot ka! Di ba, bingot ka dati? Ipinatahi ka lang ng magulang mo!” Sagot niya sa kanyang guro. “Aba! Bastos kang bata ka ah, wala kang galang sa mga nakatatanda sa iyo.” Wika ng gurong nag-iinit sa galit. Biglang-bigla, nagkaroon ng awang ang nguso ni Tonton, lumubog ito hanggang sa may bandang ilong. Nagulat na naman ang mga tao nang nangyari ang hindi kapanipaniwalang iyon. Mabilis nilang isinara ang gate ng paaralan at agad na siya’y iniwan. “Hwa nyo ao ngiiwan ngito, humawik ayo ngito. Manga waya ayo wenta tawo, angit ayo!” Sambit ng naging ngongong Tonton. Pati siya ay nagtaka na rin sa mga nangyayari sa kanyang katawan, nagtatakbo na lamang siya pauwi sa kanilang bahay. Umiiyak siya, hiyang-hiya sa mga taong nakakakita sa kanya. Pumasok siya sa kanyang kuwarto, at tumingin sa salamin. Hindi siya iyon, sabi niya sa kanyang sarili. Napasigaw na lamang siya nang malakas, dahil hindi niya lubusang mawari ang nagaganap. “Sino ka?” Malakas na tanong ng kanyang ate Sarah.
“Ao ngito ae, si On-on.” Sagot ni Tonton. “Ano? Hindi kita maintindihan, hindi kita kilala kaya lumabas ka rito.” Kinaladkad siya ng kanyang ate palabas ng bahay, iinagtabuyan kahit na nasasaktan. Pinagsarhan siya ng pinto, at sa labas nga niya natikman ang galit ng mga tao. Pinagbabato siya ng mga ito, sinuntok at tinadyakan. Nasugatan si Tonton sa ulo, nagtatakbo siya papalayo. Umakyat siya ng bundok, at doon na muna siya namalagi at nagpalipas ng gabi. Nagpakitang muli sa kanyang panaginip ang matandang babae, tumatawa ito nang malakas. “Natikman mo rin sa wakas ang parusa sa tulad mong walang galang sa kapwa, kung ibig mo pang bumalik sa dati ang iyong hitsura, matuto kang gumalang at humingi ng tawad sa mga taong nilait mo. Bwahahaha” Naputol ang kanyang panaginip sa isang malakas na tawa, umalingawngaw iyon sa kanyang tainga. Nang nagising si Tonton, nagmadali siyang nagtungo sa kapatagan. Nilapitan niya ang mga taong kanyang nasaktan dahil sa kanyang matalim na pananalita. Humingi siya ng tawad sa mga ito at nangakong hindi na niya uulitin ang lahat, pagkatapos ay bumalik siyang muli sa kabundukan kung saan siya kasalukuyang nagtatago. Matagal niyang binantayan ang kanyang katawan, walang pagbabagong nagaganap sa kanya. Niloko siya ng kanyang panaginip, iyon ang nasa kanyang isip. Matagal pa siyang nanatili sa kagubatan, humihiga sa ilalim ng puno, at walang kinakain. Tatlong araw na siyang hindi bumababa at kumakain. Kinatatakutan niya ang mababangis na hayop na maaaring naglulungga roon, gayon din ang kanyang sarili. Pinanghihinaan na siya ng loob at katawan, lumuluha at nagsisisi. Namiss niya ang kanyang ate, naalala niya ang masasayang sandali kasama ang kanyang mga dating kalaro at kaibigan, namiss niya ang paaralan, kaklase at mga guro. Naalala rin niya ang kanyang inay at itay na magkahiwalay, naghanap siya bigla ng kalinga at pagmamahal mula sa mga ito. Hindi niya napansin na lumuluha na pala siya dahil sa kanyang pag-iisip. Ang lahat ng iyon ay masaya, pero ngayon siya ay nag-iisa na. Muling nagpakita ang matanda sa kanyang panaginip, lumabas ito sa kanyang harapan. Napaatras naman si Tonton at napaupo sa pagkagulat. “Siyo a?” Tanong ni Tonton habang pinupunasan ang kanyang mga luha. “Huwag kang matakot, ako ang dahilan ng lahat ng iyong paghihirap. Ginawa ko iyon upang matuto ka at magtanda. Masyadong matalim ang iyong dila, nakasasakit ka ng iyong kapwa. Huwag mong gawin ang mga bagay na ayaw mong gawin sa iyo ng iba. Masakit ba sa damdamin ang laitin at pagkaisahan ng mga tao?” Tumango lamang si Tonton, sabay hikbi. Nagpatuloy sa pagsasalita ang matandang may kakaibang hiwaga. “Batid ko ang iyong pagsisisi, bata! Kaya tinatanggal ko na ang sumpa. Ngunit! Sa isang kondisyon. Hihingi ka ng tawad sa mga taong iyong nilait, hindi lang basta paghingi ng
tawad, dapat galing at bukal sa iyong puso. Ang isang paumanhin ay katumbas ng paglalaho ng isang bagay na tumubo sa iyong katawan. Iyon lamang.” Naglaho na agad ang matanda matapos bigkasin ang kanyang mga kondisyon. Hindi na nakapagsalita pa si Tonton. Tinahak na lamang niya ang daan patungong kapatagan, hinanap niya ang kanyang mga pinagkasalaan. Isa-isa siyang humingi ng tawad sa mga ito, naintindihan naman siya ng mga ito dahil tunay ang kanyang pagsisisi. Pinatawad rin siya ng mga tao, at tinanggap ang kanyang mga pagkakamali. Tulad nga ng sabi ng matanda, unti-unting naglaho sa kanyang katawan ang bukol, kulugo, malaking tiyan, balahibo at bingot. Naging maayos nang muli ang kanyang pananalita. Niyakap siya agad ng kanyang ate nang muli silang magkita, mahigpit na yakap. Nagdatingan naman ang kanyang mga kalarong matagal nang naghahanap sa kanya at mga gurong nag-aalala.
Pagyamanin Natin Gawin Ninyo Matapos mong matukoy ang mga panghalip na ginamit sa kwento, subukin mong ngayong igrupo ang mga panghalip sa kaukulang palayon, palagyo o paari.Isulat ang mga ito sa kahon. Palayon
Palagyo
Paari
Gawin Mo Naririto ang usapan ng makakaibigan. Punan ang mga patlang ng wastong panghalip. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. Lita: Rina: Oo,
ba ang bago naming kamag-aral? nga!
Lita: Kilala mo na ba si Gng. Marquez? Rina: Hindi eh. Sino Lita:
?
ang ating guro. Siyangapala, nakita mo ba sina Mercy at Tess?
Rina: Oo, nakita ko silang kumakain sa kantina. kaibigan? Lita: Oo,
ba ang iba mo pang malalapit na
nga.
Rina: Ilan nga pala
sa klase?
Lita: Mga dalawampu. Pero nagagalak
at napasama ka.
Rina: Nagagalak din
!
at nakilala ko
Isaisip Mo C. Buuin ang konsepto ng panghalip sa pamamagitan ng pagsulat ng mga salitang may kauganayan dito sa loob ng kahon. Gawin ito sa iyong kwaderno.
.
Panghalip
K a u k u l a n
.
.
K a t a n g i a n
Isapuso Mo A. Sa tatlong maiikling pangungusap, isulat kung paano mo maipapahayag sa tamang paraan ang iyong hindi pagsang-ayon sa iba’t-ibang sitwasyon. 1.
2. 3. Isulat Mo Sumulat ng isang maikling tula na sasalamin sa iyong sariling karanasan tungkol sa mabubuting dulot ng pagiging magalang.
Aralin
Angkop na pamagat ng talata at paggamit ng malalaking titik sa Pamagat
Bakit mahalaga na bawat tao ay may pangarap sa buhay? Ano ang iyong pangarap sa buhay na nais mong abutin? Ano ang katangian ng isang angkop na pamagat ng isang talata?
Tuklasin Mo A. Subukan mong isulat sa mga kahon ang mga salitang hindi masyadong malinaw ang kahulugan mula sa kwentong babasahin ng guro.
TALASALITAAN
Hanapin mo sa iyong diksyunaryo ang kahulugan ng mga salitang isinulat mo sa kahon. B. Gumawa ng talahanayan ng mga salita at ang katumbas nitong kahulugan. Salita 1 2 3 4 5
Kahulugan
Basahin Mo Mabuti ba sa isang tao ang magkaroon ng pangarap sa buhay? Kailan nagiging masama ang pagiging mapangarapin? Alamin natin ang kwento ni Maria. Si Mariang Mapangarapin 1 Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya. Ano pa't masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang mapangarapin. Umaga o tanghali man ay nangangarap siya. Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo, waring nag-iisip at nangangarap nang gising. Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang Mapangarapin. Hindi naman nagalit si Maria bagkus pa nga ikinatuwa pa yata niya ang bansag na ikinabit sa pangalan niya.
Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok. Tuwang-tuwa si Maria! Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng iisang manliligaw niya. Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga manok niya. Higit sa karaniwang pag-aalaga ang ginawa ni Maria. Pinatuka niya at pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa tanghali at sa hapon. Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng gamot at pataba. At pinangarap ni Maria ang pagdating ng araw na magkakaroon siya ng mga inahing manok na magbibigay ng maraming itlog.
2
Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nangitlog ang lahat ng inahing manok na alaga ni Maria. Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok araw-araw. At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng labindalawang alagang manok sa loob ng pitong araw sa isang linggo. Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang pangarap.
3
At inipon nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa araw-araw. Nakabuo ito ng limang dosenang itlog. At isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria. Sunong niya ang limang dosenang itlog. Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si Maria. Ipagbibili niyang lahat ang limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili siya ng magandang tela, ipapatahi niya ito ng magandang bistida at saka lumakad siya ng pakendengkendeng. Lalong pinaganda ni Maria ang paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG!
4
Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan. Saka siya umiyak nang umiyak. Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng pagbagsak ng limang dosenang itlog na kanyang sunung-sunong.
5
http://misterhomework.blogspot.com Pagyamanin Natin Gawin Ninyo A. Subukan mong bigyan ng pamagat ang bawat talata sa kwento ni Maria. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno. Talata Pamagat 1 2 3 4 5
B. Ano ang angkop na pamagat ng susunod na talata? 1.
Isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating mga Pilipino ay ang mabuti nating pagtanggap sa mga panauhin. Kapag ang isang pamilya ay may inaasahang panauhin, bawat isa ay abala sa paghahanda. Sila’y naglilinis at nag-aayos ng kabahayan. Nagluluto ang pamilya ng masarap na pagkain at naghahanda ng maraming prutas at inumin. Pinagkakaabalahan din nila kung ano ang maipauuwing pasalubong ng panauhin.
Gawin Mo Malaman mo kaya ang angkop na pamagat ng talata sa ibaba.. A. Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna ng maraming suliranin, dapat umiral ang pagmamahalan, pagkakaisa at pagtutulungan upang lalong tumibay ang pagsasamahan ng isa’t isa. Ano mang problema ang dumating, kailangang mapanatiling buo at matatag ang pamilya. Bukod dito biyaya ng Diyos ang ating pamilya kaya’t patuloy mong ingatan. Piliin mo nga sa ibaba ang angkop sa pamagat ng talata? a. Ang Pamilyang Pilipino b. Ang Pamilya c. Ang Problema sa Pamilya d. Biyaya ng Diyos ang Pamilya
B. Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang bawat lugar sa ating bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang bilang pasasalamat sa kanilang patron. Isa pang kilalang tradisyon natin ay ang bayanihan. Ang bayanihan ay ang pagtutulungan ng mga tao para sa isang gawain. May mga kababayan pa rin tayong sumusunod sa ganitong tradisyon lalo na sa mga lalawigan. Ano ang paksang pangungusap? _______________ Piliin ang angkop na pamagat a. Tradisyon ng mga Pilipino b. Kapistahan ng mga Pilipino c. Ang Bayanihan d. Mga Kapistahan sa lalawigan Isaisip Mo Pagkatapos mong mapag-aralan ang wastong pamagat ng talata. Maaari mo nang ibgigay sa iyong sariling salita ang mga tungkol sa pagsulat ng pamagat ng talata.Gawin ito sa loob ng 5 minuto.
Isulat mo Kopyahin sa iyong kwaderno ang talata sa ibaba at pagkatapos ay isulat ang maaaring pamagat nito. Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot. Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos.
Mga Pananda sa Mapa
Aralin
Gaano kadakila ang pag-ibig ng ama sa kanyang anak? Paano mo maipakikita na mahal mo ang iyong ama? Ano ang mga pamanda na ginagamit sa mapa ng pamayanan?
Tuklasin Mo A. Tingnan ang mapa ng Barangay Malinis. Pag-aralan kung nasaan ang ang bawat gusali o ahensiya ng pamayanan.
Purok 1 P u r o k 3
Purok 2
P u r o k 4
A. Saang direksyon naroon ang ospital? B. Saan makikita ang simbahan? C. Saang direksyon ka tutungo kung ikaw ay nasa paaralan papunta sa tindahan? D. Mula sa ospital, saang direksyon ka tutungo sa pagpunta sa paaralan? Basahin Mo Gaano kadakila ang pag-ibig ng isang ama sa kanyang anak? Gaano mo kamahal ang iyong ama? Ano ang aral ng kwento?
Nang minsang mawala si Adrian (Ito’y kuwento batay sa text message na ipinadala kay Dr. Romulo N.Peralta.)
Bunsong anak si Adrian sa tatlong magkakapatid. Siya lamang ang naiba ang propesyon dahil kapwa abogado ang dalawang nakatatanda sa kaniya. Dahil may kaya sa buhay ang pamilya, natupad ang pangarap niyang maging isang doktor. Lumaki siyang punong-puno ng pagmamahal mula sa aniyang mga magulang at mga kapatid na
nakapag-asawa rin nang makapagtapos at pumasa sa abogasya. Naiwan siyang walang ibang inisip kundi mag-aral at pangalagaan ang kaniyang mga magulang. Matagumpay niyang natapos ang pag-dodoktor at hindi nagtagal ay nakapagtrabaho sa isang malaking ospital. Ngunit sadya yatang itinadhana na matapos ang dalawang taon mula nang siya'y maging ganap na doktor, pumanaw ang kaniyang pinakamamahal na ina. Naiwan sa kaniya ang pangangalaga sa ama na noon ay may sakit na ring iniinda. Malimit siyang mapag-isa sa tuwing nabibigyan ng pagkakataong makapagpahinga dulot na rin ng hindi niya maiwan-iwanan na ama. Naisin man niyang magtrabaho at manirahan sa ibang bansa katulad ng kaniyang mga kapatid, ang katotohanang may nakaatang na responsibilidad sa kaniyang balikat ang pumipigil sa kaniyang mangibang-bayan upang manatili sa piling ng ama at alagaan ito hanggang sa kahuli-hulihang yugto ng kaniyang buhay. Inggit na inggit siya sa mga kasabayang doktor na nasa kanila nang lahat ang luho at oras na makahanap ng babaing makakasama habambuhay. Ayaw rin niyang mapag-isa balang-araw kapag nawala na ang kaniyang ama. Isang araw, habang nagpapahinga matapos ang halos limang oras na operasyon, nakatanggap siya ng tawag mula sa kasambahay na sinusumpong ng sakit ang kaniyang ama. Nagmadali siyang umuwi at sa kabutihang palad, naagapan naman niya ang ama. Bahay. Ospital. Bahay. Ospital. Paulit-ulit na takbo ng buhay na pakiramdam ni Adrian ay matatapos lamang kapag tuluyan nang mawala ang kaniyang ama. Hindi niya namamalayan, unti-unti niyang nararamdaman ang pagkaawa sa sarili. Nais niyang makawala sa responsibilidad at magkaroon ng panahon para sa sarili. “Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa katanghalian na po ako ng buhay ko. Ayaw ko pong mag-isa balang araw kapag kayo’y nawala.” Dahan-dahan niyang binuhat ang ama na halos hindi na makapaglakad nang maayos. Pinasan niya ang ama at isinakay sa kaniyang kotse. Walang imik na sumama ang ama. Naglakbay sila nang halos isang oras. Nang sila’y nakarating sa isang lugar, huminto ang kotse at pinasan ni Adrian ang ama. Tinunton nila ang daan papasok sa isang kagubatan. Mabigat ang ama kaya paminsan-minsan ay tumititigil sila sa lilim ng puno upang magpahinga. Wala pa ring imik ang ama habang binabali ang maliliit na sanga. Napansin niyang tumutulo ang luha ng anak. “Bakit ka umiiyak?” tanong ng ama kay Adrian. “Wala po, Dad.” Nagpatuloy sa paglalakad si Adrian na pasan-pasan ang ama. Patuloy rin ang pagtulo ng kaniyang luha. Alam niyang labag sa kaniyang kalooban ang kaniyang gagawin. Maraming beses din silang tumigil upang magpahinga at paulit-ulit din ang pagbabali ng ama ng maliliit na sanga ng puno. Napansin ito ni Adrian. “Bakit n’yo po binabali ang mga sanga ng puno sa tuwing tayo’y nagpapahinga, Dad?,” tanong ni Adrian. Tumugon ang ama na may ngiting namutawi sa kaniyang labi. “Alam ko nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan. Anak, palatandaan ito na dito tayo dumaan, para sa pagbalik mo ay hindi ka maliligaw.”Lalong bumilis ang pag-agos ng luha ng binata. Walang kaimik-imik, muling pinasan ni Adrian ang ama at natagpuan ang sariling bumabalik sa lugar kung saan sila nanggaling. Alam ni Adrian na hindi na siya maliligaw. Hinding-hindi na. http://emilybayla.blogspot.com/2014/06/panitikang-asyano-unang-modyul.html
Pagyamanin Natin Gawin Ninyo A. Subukan nating sagutan ang mga tanong na ito tungkol sa kwentong ating binasa, Nang minsang maligaw si Adrian.Isulat ito sa inyong kwaderno. Ako at ang Aklat Ang sagot ay maaaring nasa aklat o maaaring isipin muna bago hanapin sa aklat
Sinu-sinu ang nagsiganap sa kwento? (1 punto) Ano ang propesyon ni Adrian batay sa kwento? (1 punto) Anong uri ng pamilya meron sila Adrian? (1 punto) Bakit naiinggit si Adrian sa kanya kapwa doctor? (3puntos)
Ako at ang may akda Ang sagot ay nasa may-akda galling sa isipan mo
Bakit umiiyak si Adrian habang naglalakad sa may kagubatan? (4 puntos) Kung ikaw si Adrian, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa?Bakit? (5 puntos)
Ilang puntos ang nakuha mo? Binabati kita kung mataas ang nakuha mo! Kung mababa naman maaari mong balikan ang kwento. B. Ngayon muli nating balikan ang mga pamanda sa mapa ng pamayanan at sagutin ang mga tanong.
Ilan sa mga pamanda sa itaas ang maari mong gamitin upang ilarawan ang inyong pamayanan? Gawin ito sa inyong kwaderno.
Gawin Mo Matapos mong iguhit ang iyong pamayanan. Ngayon naman ay iguhit mo ang isang pamayanan na nais mo gamit ang mga pamanda ng mapa. Ipaliwanag kung bakit iyon ang pamayanang nais mo. Isaisip Mo Gamit ang web organizer isulat ang iba’t-ibang pamanda na maaring gamitin sa paggawa ng mapa ng pamayanan.
.
.
Ma pan
.
Ano ang mga dapat tandaan sa paggawa ng mapa ng pamayanan? Isapuso Mo Lagyan ng tsek ang mga pangungusap na nagpapahiwatig ng pagbibigay halaga sa ating pamayanan. __________1. Ipinagmamalaki ko ang aking sariling pamayan. __________2. Inaalam ko ang lokasyon ng mga ahensya sa aking pamayanan upang madali ko itong mahanap o maituro kapag may nagtanong sa kinaroroonan ng mga ito. __________3. Handa akong gumawa ng mapa ng aking pamayanan kung kakailanganin __________4. Ipagkakalat ko ang mga hindi magagandang bagay sa aking pamayan __________5. Pangangalagaan ko ang aking pamayanan
Isulat Mo Sumulat ng isang maikling talata upang ilahad kung paano ka pumapasok sa eskwelahan sa araw-araw at anu-anong kalye ang iyong nadadaan patungo sa iyong eskwelahan.
Aralin
Suring - pampelikula
Paano makatutulong ang isang bata sa kanyang pamilya? Nararapat ba na ang isang bata ay tumutulong sa kanyang pamilya? Anu-ano ang mga elemento ng isang pelikula?
Tuklasin Mo Nakikilala mo ba ang nasa larawan? Maari ka bang magbigay ng kahit anong nalalaman mo tungkol sa kanya?
Ang tagpong ito ay humipo sa puso ng maraming manonood at nagdulot dito ng napakadaming pagkilala hindi lang sa Pilipinas maging sa ibang bansa. Kilala mo na ba si Pikoy? Ngayon handa ka ng panoorin ang pelikulang Magnifico. Basahin Mo Sa paanong paraan mo maipakikita ang pagmamahal mo sa iyong pamilya? Ano nga ba ang kayang gawin ng isang bata para makatulong sa pamilya? Ating basahin ang buod ng pelikulang “Magnifico”.
“Magnifico”
Si Pikoy (Magnifico)ay mula sa isang maralitang pamilya. Umikot ang kanilang istorya sa kanilang tahanan sa Lumban, Laguna. Dahil sa kahirapan ay halos mawalan na ng pag-asa ang kanyang pamilya, dumagdag pa rito ang mga iba't-ibang klase ng suliranin-- ang kanyang bunsong kapatid na babae na may cerebral palsy, ang kanyang kuya na nagaaral sa Maynila na natanggalan ng scholarship, ang kanyang lola naman na may stomach cancer at siya naman na mahina sa eskuwela. Madalas nyang nakikitang nag aaway ang kanyang magulang nang dahil sa pera at sa gagastusin sakaling mamatay ang kanyang Lola Magda. Pasan pa nya ang pag aalaga sa kanyang kapatid na may sakit at hindi makalakad, Ang ama niya ay namamasukan lamang bilang isang karpintero at ang kanyang ina ay walang regular na trabaho. Kahit na bata pa lamang si Pikoy ay ninais na niyang makatulong sa magulang sa anumang paraan na kaya niya. Sa huli, ang kabusilakan ng puso ni Pikoy ang siyang nakatulong sa pamilya niya at sa mga ilang taong natulungan at naimpluwensiyahan niya kahit sa mga maliliit na paraan at bagay. Sa murang edad ay nagsikap sya upang makatulong sa araw-araw na gastusin sa abot ng makakaya nya. Gumawa si Pikoy ng paraan upang unti-unting buuin ang kabaong ng kanyang Lola sa tulong ng kanyang mga kaibigan. Walang reklamong narinig sa kanya ang kanyang magulang. Sa huli, hindi inaasahan ang mga nangyari. Nasagasaan si Pikoy at sya ang gumamit ng ginawa nyang kabaong para sa kanyang Lola. Naging inspirasyon ang
butihing
bata sa mga nagawa nya. Pagyamanin Natin Gawin Ninyo A. Isagawa ng pangkatang-gawain. Bumuo ng limang grupo at pumili ng isang tagpo sa pelikulang napanood. Gawing makatotohanan ang pagganap. Maghanda ng yell. Unang magtatanghal ang mabilis na nakagawa ng yell. Rubric 4 – Lubos na naging makatotohan at makatarungang sa pagganap 3 – Naging makatotohanan at makatarungan sa pagganap 2 – Di gaanong makatotohanan at makatarungan sa pagganap 1 – Hindi makatotohana at makatarungan sa pagganap
B. Bigyan ng sariling marka ang pelikulang napanood ayon sa sumusunod na elemento ng isang pelikula, markahan ng 1 – 5. Malinaw ang mensahe _____ Paggaganap _____ Daloy ng mga eksena _____ Musika/Sound Effects ______ Kabuuang Marka ______ Mataas ba ang marka ng pelikula ayon sa iyong pagsusuri? Isaisip Mo Patnubayan ang mga mag-aaral sa paglalahad. Itanong, “Ano ang katangian ng isang magandang pelikula?” Isapuso Mo Kumpletohin ang organizer sa ibaba sa pamamagitan ng pagsusulat sa bawat kahon ng mga elemento ng isang pelikula.
.
.
Pelikula
.
.
Isulat Mo Sumulat ng buod ng isang pelikulang tumatalakay sa buhay ng isang bayaning Pilipino. Bigyan ng marka ang pelikula ayon sa elemento ng isang makabuluhang pelikula.
8
1ST QUARTER / LM Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa tekstong napakinggan.
Mahilig ba kayo magbasa ng ibat-ibang teksto? Paano ang tamang paraan ng pagbibigay ng angkop na pamagat?
Tuklasin Mo Narito ang ilang salita mula sa maikling kuwentong babasahin sa iyo ng guro. Sabihin ang kahulugan ng bawat isa gamit ang inihandang Gawain. Gawin ito sa kuwaderno. 1. panglunas 2. pamalit Isulat ang mga gabay na salita na makikita sa diksiyonaryo para sa salitang lilinangin. Isulat kung anong bahagi ito ng salita. Isulat kung anong kahulugan nito. Sumulat ng isang pangungusap gamit ang salitang ito. Magbigay ng isang salitang kasingkahulugan ito.
Basahin Mo Makinig mabuti. Tingnan kung ano kaya ang angkop na pamagat sa maikling teksto na inyong maririnig? Alamin kung ano ang nakapaloob sa pamagat ng teksto? Noong araw, ang asin ay ginagamit na pamalit ng mga bagay na hindi mabili ng pera. Inilalagay din ang asin sa pagkain. Ang Isda at karne ay tumatagal kung inaasinan. Ginagawa rin itong pang ulam ng iba. Ang asin din ay ginagamit na pampaputi at panglinis ng mga ngipin. Ang asin ay nagbibigay din ng lasa sa mga pagkain. Ang asin din ay ginagamit din panglunas ng mga sakit at sugat. Ginagamit ng tao ang asin sa iba’t-ibang paraan.
Pagyamanin Mo Panuto: Makinig ng mabuti sa kuwento/teksto. Isulat ang titik ng angkop na pamagat sa kuwento/tekstong narinig. Si Maricar at ang kanyang ina ay nasa palengke. Maricar: Inay, sobra po ng siyam na piso ang sukli ng ale. Aling Aida: Oo nga, ano? Naku! Aling tindera, sobra ang ibinigay mong sukli. Isauli mo nga, Maricar. Maricar: Opo Inay. Ale, ito na po ang inyong sobrang sukli. Aling Tindera: Sa iyo na yan, Ineng. Iyan ay para sa mga batang matapat katulad mo.
A. Gantimpala para sa Katapatan B. Si Maricar at ang Tindera C. Ang Maling pagsukli ng tinder.
Isaisip Mo Patnubayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahad. Tanong: Anu-ano ang mga mahahalagang dapat tandaan sa pagbibigay ng angkop na pamagat? Ano ang napapaloob sa pamagat? Dapat tandaan na mahalaga ang pamagat sa anumang uri ng katha. Dito napapaloob ang diwang ipinahihiwatig o kaisipang ipinahahayag ng babasahin.
Isapuso Mo Panuto: Ibigay ang angkop na pamagat ng sumusunod. Piliin ang titik ng tamang sagot.
Isulat Mo A. Sumulat ng isang maikling teksto at bigyan ito ng angkop na pamagat.
B. Panuto: Narito ang mga piling sulyap sa buhay ng ilan sa ating mga bayani. Isulat sa patlang ang angkop na pamagat ng bawat isa.
8
1ST QUARTER / LM Nakapagbibigay ng Panuto.
Paano mo naipakikita ang paggalang sa inyong magulang? Sinusunod mo ba ng maayos ang mga inuutos o panuto na kanilang ibinibigay sa iyo? Ano ang kahalagahan ng pagsunod sa panuto?
Tuklasin Mo Ibigay ang mga panuto sa paggawa ng dalandan juice. Gawin ito sa inyong Kuwaderno.
Basahin Mo Kumuha ng isang buong papel, pakinggan at gawin ang panuto na sasabihin ng guro.
Pagyamanin Mo Panuto: Sa isang buong papel, iguhit ang direksyon magmula sa inyong tahanan patungo sa ating paaralan. Gamitin ang wastong pamamaraan sa pagbibigay ng panuto.
Isaisip Mo Patnubayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahad. Ano ang panuto? Bakit mahalaga na sumunod sa panuto? Ilan uri ang panuto? Ang Panuto ay tagubilin sa pagsasagawa ng inuutos na Gawain. Ang panuto ay maaaring pabigkas o nakasulat ang mga panuto. Mahalaga na marunong magbigay ng panuto upang makatulong sa maayos, mabilis, at wastong pagsasagawa ng Gawain.
Isapuso Mo Kuhanin ang inyong kuwaderno. Gawin ang ipinagagawa ng guro. Ibigay ang mga panuto sa tamang paglalaba ng damit.
Isulat Mo Sa tulong at gabay ng inyong guro, gawin at sagutin ang Gawain. Panuto: Pumili ng isang laro, isulat at ibigay ang mga tamang panuto sa paglalaro nito.
8
1ST QUARTER / LM
Nagagamit ang ibat-ibang uri ng Panghalip sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan.
Nakapagbahagi ka na ba sa iyong mga kaklase at kaibigan ng sarili mong karanasan? Ano-anu ang ibat-ibang uri ng panghalip? Paano ginagamit ang panghalip na Pananong?
Tuklasin Mo Isulat at gawin sa inyong kuwaderno. Naranasan mo na bang hindi maintindihan ng ibang Tagalog ang salita? Paano mo sila kinausap ng una? Ikwento ang iyong karanasan.
Basahin Mo Basahin mabuti. Sagutin ang mga sumunod na tanong batay sa isang usapan na “Ama ng Balarilang Wikang Pambansa”. Sagutin: Ano ang kanilang takdang aralin? . Sino si Lope K. Santos? Ano ang Surian ng Wikang Pambansa? Anong masasabi mo kay Lope K. Santos? Kaya mo ba siyang tularan? Paano?
“Ama ng Balarilang Wikang Pambansa” Marvin: Hello, magandang umaga po, Pwede po bang makausap si Christian? Christian: Magandang umaga naman. Ako na nga si Christian. Ikaw ba si Marvin? Marvin: Oo, ako nga. Natapos mo nab a an gating takdang aralin? Christian: Iyon bang talambuhay ni Lope K. Santos? Oo, natapos ko na. Handa ka na ba? Ididikta ko na sa iyo. Marvin: Sandali lang, kukuha lang ako ng bolpen at kwaderno. O sige, handa na ako. Ano ang sagot sa tanong na “bakit tinawag na Ama ng Balarilang Pambansa si Lope K. Santos?” Christian: Noong si Manuel Quezon ang pangulo ng Pilipinas,napili ang tagalong bilang batayan ng wikang pambansa. Ipinag-utos na Pangulong Quezon sa surian ng Wikang Pambansa na gumawa ng Balarila para mataas na paaralan. Si G. Lope K. Santos ang naatasang sumulat ng Balarila ng Wikang Pambansa. Ang aklat ang nagging batayan ng mga araling panggramatika. Marvin: Ang galling pala niya! Christian: Aba, oo. Hindi lamang siya manunulat kundi makata pa. Marami siyang nasulat na nobela at mga tula. Naging guro rin, gobernador at naging senador pa siya. Marvin: Naku, ang galling mong magsaliksik! Ang dami mong alam tungkol sa kanya. Christian: Nabasa ko lang sa aklat ng aking ate ang talambuhay niya. Marvin: O, sige, maraming salamat sa tulong mo. Narito si amie sa amin at magaaral na kami. Christian: O, hala, magkita na lamang tayo bukas sa paaralan. Marvin: Sige, babay. Christian: Babay.
Pagyamanin Mo Panuto: Punan ng mga wastong Panghalip na Pananong ang isang usapan/ dayalog. Sa paaralan. Nawawala ang libro ni Anna. Lea: Anna, _____ ang iyong hinahanap? Anna: hinahanap ko ang aking libro. Nakita mo ba? Lea: Naku, Anna hindi.. Anna: e ______ kaya ang nakakita ng aking libro? Lea: Hindi ko din alam. Halika at ipagtanong natin. ______ nga pala ang kulay ng iyong libro?
Isaisip Mo Ano ang panghalip na pananong? Saan ito ginagamit? Anu-ano ang mga halimbawa ng panghalip na pananong? Ang Panghalip na Pananong ay ang mga salitang ginagamit sa pagtatanong. Ang mga halimbawa nito ay : -Ano, Anu-ano, sino, sino-sino, nino, alin, alin-alin, kanino at nino..
Isapuso Mo Panuto: Bilugan ang angkop na Panghalip na Pananong.
Isulat Mo
Panuto: Gumawa at sumulat ng isang maikling usapan na ginagamitan ng iba’t-ibang halimbawa ng Panghalip na Pananong. (Ano, Anu-ano, sino, sino-sino, nino, alin, alin-alin, kanino at nino)
8
1ST QUARTER / LM
Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di- pamilyar sa pamamagitan ng kasalungat.
Gaano kalaki ang pananampalataya mo sa ating Panginoon? Paano mo mapapalawak ang talasalitaan?
Tuklasin Mo Panuto: Magbigay ng sampung (10) salita at ibigay ang kasingkahulugan nito.
Basahin Mo Basahin mabuti ang isang usapan. Magtalakayan sa tulong ng mga patnubay na tanong na: Sino ang nagkasakit? Anong solusyon ang naisip ni Mang Isko? Ano ang masasabi mong katangian? Magkano niya ipinagbili ang kalabaw? Bakit mura? Makatuwiran bas a bumili ang ginawa niya? Pangatuwiranan? “ Ang Pangako ni Isko” Ang mga Pilipino ay likas na maka-Diyos. Matibay ang kanilang pananalig sa pagibig at pagkamaunawain ng Poong Maykapal at Mahal ng Birhen. Ang pagiging Kristiyano ang isa sa ipinmana sa atin ng mga Espanyol. Ang isang halimbawa nito ang mga kuwentong baying ang “ Ang Pangako ni Isko”. Tagapagsalaysay: Sina Sinang at Isko ay ulirang mag-asawa. Isang araw, nagkasakit si Sinang. Tumawag agad ng doctor si Isko. Doktor: Kailangan madala agad sa ospital ang maysakit. Tagapagsalaysay: Dinala naman agad ni Isko ang asawa sa ospital. Isko: Ano po ang kanyang sakit, Doktor? Doktor: Hindi pa natin matiyak. Kailangang manatili muna siya rito nang ilang araw. Tagapagsalaysay: Nabagabag si Isko. Pagkagaling sa ospital nagtungo siya sa simbahan. Isko: Mahal na BIrhen, pagalingin mo po sana ang aking asawa. Gumaling po lamang siya ay ipagbibili ko an gaming kalabaw at iaabuloy sa simbahan ang pera. Tagapagsalaysay: Bumalik si Isko sa ospital para naming himala at bumuti an gang kalagayan ni Sinang. Naalala niya ang pangako sa Mahal na Birhen. Isko: Paano kaya ang gagawin ko? Si tarsan lamang an gaming kayamanan. Tagapagsalaysay: May nabuo sa isipan ni Isko. Noon din ay dinala niya si Tarsan at ang alagang tandang sa palengke. Mama: Magkano po ninyo ipinagbibili ang kalabaw? Isko: Piso po. Mama: Aba, kung ganoon ay bibilin ko na. Isko: Pero kailangang bilhin po ninyo ang tandang.
Mama:
Magkano naman po ang tandang?
Isko: Limang daang piso po. Tagapagsalaysay: Binayaran ng mama ng piso si Tarsan at ng limang daang piso ang tandang upang ipagkaloob ang pisong pinagbilhan sa kalabaw. Nakatupad na siya sa kanyang pangako at nakabili pa uli siya ng kalabaw.
Pagyamanin Mo Panuto: Hanapin mula sa mga salita sa ibaba ang maaaring kahulugan ng mga sumusunod at ibigay din ang kasalungat nito. Kahulugan
Kasalungat
1. Nanatili 2. Iaabuloy 3. Nagtungo 4. Maysakit 5. Nabagabag
Iaalay Nasiyahan Pumirma
nag-alala pumunta dumating
maykaramdaman
Isaisip Mo Isang mabisang paraan ng pagpapalawak ng mga salita ang pagtukoy sa kahulugan/ kasalungat ng mga ito.
Isapuso Mo Panuto: Isulat ang kasingkahulugan at kasalungat ng bawat salita. Punan ang tsart. Salita 1. nagalit 2. katulad 3. nawala 4. pareho 5. manloloko 6.mahusay
Kasingkahulugan
Kasalungat
Isulat Mo Panuto: Isulat sa patlang ang kasingkahulugan at kasalungat ng salitang nakahilig.
1. Muntik nang hindi mapuno ang mga upuan sa harap ng entablado. 2. Importante sa tao ang makatapos ng pag-aaral. 3. Ang maging president ang lagi niyang hinahangad. 4. Nakalimutan ko ang isang linya ng tula. 5. Binatak ni Mang Celso ang lubid ng lambat.
8
1ST QUARTER / LM
Naibibigay ang mahahalagang pangyayari sa nabasang talaarawan / talambuhay.
Nakagagawa ka na ba ng sarili mong talaarawan o talambuhay? Ano ba ang mga nakasaad sa talaarawan o talambuhay?
Tuklasin Mo Nakabasa ka na ba ng isang talaarawan ng isang bayani o pangkariniwang tao? Ano sa tingin mo ang pinamahalagang pangyayari sa nabasa mo? Gawin sa inyong kuwaderno.
Basahin Mo Basahin mabuti ang Talaarawan. Sagutin ang mga tanong mula ditto. 1. Kanino ang talaarawan/ talambuhay na nabasa mo? 2. Ano sa tingin mo ang pinakahalagang pangyayari na nabasa mong talaarawan/talambuhay?
Mahal kong Talaarawan, Maganda at maayos naman ang aking umaga ngayon dahil maaga akong nakapunta sa paaralan.Pero bago ako pumasok sa paaralan,naligo muna ako, nagbihis ng maayos, nagsuklay ng buhok, kumain at nagsisipilyo ng ngipin. Pagkatapos kong magsipilyo ng ngipin ay hinatid ako ng papa ko sa paaralan. Pagdating ko sa paaralan ay bigla nalang sumakit ang ngipin ko. Kaya uminom agad ako ng gamot upang mawala agad ang sakit ko sa ngipin. Sa tanghalian naman ay masaya kaming nagkainan sa "BBQ-han" at pagkatapos ng kainan namin ay dumiretso agad kami sa silid-aralan namin. Nag-aaral din ako sa paksa namin sa Ingles dahil magkakaroon kami ng pagsubok o pagsasanay. At iyan ang mga ginagawa ko sa araw na ito. Nagmamahal, Shekainah
Pagyamanin Mo Panuto: Basahin mabuti ang isang talambuhay. Ibigay ang mahahalagang pangyayaring nakapaloob dito. Ako si Lehgie P. de Leon ipinanganak noong Marso 16, 1995 sa Mandili Candaba Pampanga. Ang aking ama ay si Ronnie de Leon at ang aking ina ay si Rachelle de Leon mayroon akong dalawang kapatid sina Lean at Jency de Leon. Ako ay natapos ng elementarya sa Mandili Elementary School at ng Sekondarya sa San Miguel National High School at ngayon, kasalukluyan ay sa Bulacan State University sa kursong Information Technology. Ang aking hilig ay magsulat ng tula. Ang aking paboritong pagkain ay sinigang na luto ng aking ina. Ang paborito kong actor ay si Ryan Agoncillo. Ang paborito kong kulay ay puti at ang paborito kong “subject” ay Ingles. Payak lamang ang pamumuhay ng aking pamilya masaya, sama-sama, at tulong-tulong ngunit hindi maiiwasan ang mga problema na talagang susubukin ang isang pamilya pero ang kaylangan lamang ay pagmamahal, pagtutulangan at pananalig sa Diyos upang malampasan ang lahat ng iyon. Sa aking karanasan naman sa buhay ang hindi ko malilimutan ay noong natuklaw ako ng ahas noong akoy bata pa.Ako ay simple lamang mapagmahal, mabait ngunit kung minsan ay may pagka “moody”. Bilang kaibigan naman ako ay mapag biro at siyempre may pagpapahalaga ako sa mga kaibigan ko at madalas ay inaala ko muna ang kanilang mararamdaman bago ko magsalita. Tuwing ako ay may problema madalas akong umiyak sa Diyos sa Kanya ko lahat sinasabi ang sama ng loob, kasiyahan, at paghingi ng tawad lahat lahat sa buhay ko at sa Kanya din ako humihiling ng mga nais ko siya ang aking tagapagligtas. Sa buhay pag-ibig naman ay naranasan ko ito noong ako’y nasa ikatlo ng sekondarya masaya, pero madalas din ang lungkot siya ang una kong kasintahan atngayon ay dalawang taon na kami. Ang mithiin ko sa buhay ay masuklian ang paghihirap ng aking magulang, paglingkuran ang Diyos habambuhay, maging matagumpay sa buhay, at magkaroon ng asawa at anak sa tamang panahon. Ngayon ay sinisimulan ko to sa pag-aaral, pagsisikap at pananalig sa Diyos.
Isaisip Mo Ang talambuhay ay isang anyo ng akdang pampanitikan tungkol sa buhay ng isang tao. Isinusulat ito hindi para suriin ang tagumpay at kabiguan kundi upang kalaunan ay magamit na huwaran ng iba. Uri ng Talambuhay: 1.) Pansarili - tungkol sa buhay ng may akda 2.) Pang-iba - naglalahad ng makukulay na pangyayari sa buhay na dinadakila o hinahangaan Ang isang talaarawan, o journal, ay isang permanenteng personal na talaan ay iningatan ng mga kaganapan, mga saloobin at ideya na nauugnay sa isang indibidwal.
Isapuso Mo Panuto: Basahin ng mabuti ang talaarawan/talambuhay at ibigay ang mahahalagang pangyayari. Isagawa ang Isapuso Mo.
Benigno Aquino III (2010 - kasalukuyan) Si Benigno Simeon Cojuangco Aquino, III (ipinanganak noong Pebrero 8, 1960) na mas kilala sa palayaw na Noynoy Aquino o sa tawag na P-Noy ay ang ikalabing-limang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 2010 hanggang kasulukuyan) . Noong Hunyo 30, 2010, matagumpay siyang umakyat sa puwesto sa tulong ng kanyang Transition Team. Siya ang nag-iisang anak na lalaki ng dating Senador Ninoy Aquino at dating Pangulong Cory Aquino may mga kapatid rin siya na sina Maria Elena “Ballsy” Aquino-Cruz, Aurora Corazon “Pinky” Aquino-Abellada, Victoria Eliza “Viel” Aquino-Dee at Kristina Bernadette “Kris” Aquino. Siya rin ay dating Kongresista at Senador ng Bansang Pilipinas. Habang pangulo, kilala sa sa katawagang "P-Noy" na ngangahulugang "Pangulong Noynoy".
Isulat Mo Panuto: Magbasa ng talaarawan/talambuhay ng isang bayani ng ating bansa. Ibigay at isulat ang mahahalagang pangyayari. Gawin ang Isulat Mo.
8
1ST QUARTER / LM
Nakasusulat ng Balangkas sa anyong pangungusap o paksa sa binasang kwento.
Ano ang pagbabalangkas? Paano ang pagsulat ng balangkas?
Tuklasin Mo Panuto: Pair share- Pagbabahagi ng karanasan sa katabi ng mga hindi mo malilimutan na pangyayari.
Basahin Mo Pangkatang Gawain: Bigyan ng activity card ang bawat pangkat na naglalaman ng katanungan ng kanilang bibigyan ng kasagutan pagkatapos basahin ang teksto. Pangkat 1
Pangkat 2
Gawain: 1. Magsulat ng mga balangkas na pangungusap mula sa teksto na nabasa. 2. Sagutin ang mga tanong ng guro mula sa teksto.
Pagyamanin Mo Panuto: Ibigay ang balangkas o paksa ng maikling teksto. 1. May kanya-kanyang panauhin sa pagatatanim ng halaman sa maraming pook sa Pilipinas. Sa Batangas, ang pagtatanim ng niyog na makapuno ay itinataon tuwing kabilugan ng buwan upang maging hitik ito sa bunga. Kinakailangan din lagyan ng pulot ang hukay na pagtataniman. O kaya’y kailangan punuin ng kanin ang bibig ng nagtatanim nang sa gayon ay maging makapuno ang ibubunga ng niyog sa kanilang itinanim.
2. Sinisimulan niya ang kanyang hilig sa paggawa-gawa ng mga tugma hanggang nang lumaon, naging saknong ng ibat-ibang paksa. Sa pamamagitan ng pagbabasa at pagsasanay sa kanyang kakayahan sa pagsulat, makagagawa na siya ng mga tula. Iyan si Menandro, ang malikhaing
mag-aaral. Sa mga kasayahan, nahihilingan siyang bumigkas na magiliw naman niyang pinagbibigyan. Nagiging Masaya ang umpukan sa kanyang palaging pagbibigay.
3. Nagpatawag ng pulong ang samahan ng mga mag-aaral sa iaklawang baiting. Sa pulong ay nagmungkahi sila sa dapat magkaroon ng karagdagang kita upang matustusan ang mga proyekto ng samahan. Sinang-ayunan ng mga mag-aaral ang naturang mungkahi. Napagkaisahan nilang mag-aalaga ng manok sa bakuran ng paaralan. Sila ring kasapi ng samahan ang mag-aalaga sa mga manok.
Isaisip Mo Ano ang pagbabalangkas? Paano ang pagsulat ng isang balangkas sa anyong pangungusap o tekstong binasa? Ano ang mga uri ng balangkas? Ang pagbabalangkas ay maayos na pagtatala ng mga pangunahing kaisipan o paksa ayon sa pagkakasunod-sunod sa isang katha, teksto, o seleksyon. May dalawang uri ng balangkas: Papaksa- isinusulat ito sa anyong parirala. Pangungusap- isinusulat sa buong pangungusap.
Isapuso Mo Panuto: Humanap ng isang teksto na kapupulutan ng magandang aral. Isulat ang balangkas na nakapaloob dito. Gawin ang Isapuso Mo.
Isulat Mo
Panuto: Basahin mabuti ang teksto. Isulat sa kwaderno ang balangkas nito sa papaksa o pangungusap.
Buwan ng Hunyo noon. Abala si Ana dahil siya’y may patanim. Niyakag siya ng mga kasamahang magsasaka sa kanyang patanim sa bukid. Gumising ako ng maaga upang saksihan ang pagtatanim ng palay. Nanood sa kanilang mabuti na pagkilos. Nalibang ako sa saliw ng awit at tugtugin ng mga manananim. Lumipas ang oras nang di ko namamalayan. Tanghali nap ala at naghahanda na ng tanghalian si Inay para sa mga gumagawang manananim.
Republic of the Philippines Department of Education Division of Laguna Sta. Cruz
TEACHER’S GUIDE IN FILIPINO 5
ALICE B. GAZA Writer
Republic of the Philippines Department of Education Division of Laguna Sta. Cruz
APPROVAL SHEET Teacher’s Guide in Filipino 5 ALICE B. GAZA Writer
Reviewed by:
Checked by:
ZENAIDA C. YERRO EPS-Filipino
GODOFREDO C. MERCADO EPS LRMDS
Approved: ORLANDO T. VALVERDE Chief Curriculum Implementation Division
Nakaiiwas sa mga sakit dulot ng tag-ulan Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa napakinggang balita o isyu
1
Paano mo maiiwasan ang sakit dulot ng tag-ulan? Paano mo maipapahayag sa sariling opinyon o reaksyon ang isang napakinggang balita o isyu?
Basahin Mo Mabuting gawi ang pakikinig ng balita araw-araw lalo na kung hindi kayo nakababasa ng mga pahayagan hindi lamang mga balitang pambansa kundi maging balitang pandaigdig ang dapat pakinggan. Mahalaga rin ang maingat na pakikinig upang malaman ninyo ang mga detalye ng balita. A. Isagawa ang role play ng isang TV broadcaster gamit ang gawang telebisyon. Mga Mag-aaral Pinag-iingat Ngayong Tag-ulan Maganda umaga bayan, nagbabala ang Kagawaran ng Kalusugan tungkol sa mga sakit na dulot ng tag-ulan. Pinaaalalahanan ang mga magulang na huwag hayaan ang mga bata na maglaro sa mga lugar na may mataas na tubig. Magsuot ng anumang bagay na natatakpan ang paa upang maiwasan ang anumang bacteria na nagdudulot ng sakit na leptospirosis mula sa mga ihi at dumi ng hayop. Hugasan ng sabon at punasan ng malinis na tuwalya ang paa pagkatapos lumusong sa tubig. Maging maingat sa kalusugan upang sakit ay maiwasan.
Nag-uulat ( Sabihin ang pangalan ng mag-aaral)
Pagyamanin Natin Gawin Ninyo Sagutin ang mga tanong: 1. Tungkol saan ang balita? 2. Sino ang pinag-uukulan ng balita? 3. Anong sakit ang maaring makuha mo kung maglalaro ka sa lugar na may mataas na tubig ulan? 4. Ano ang sanhi ng sakit na ito? 5. Ano ang dapat mong gawin upang makaiwas sa sakit dulot ng tag-ulan? 6. Magbigay ng opinyon tungkol dito.
Gawin Mo Basahin ang balita sa ibaba. Magbigay ng opinyon tungkol dito. Isulat ang sagot sa iyong papel. Lilinangin ng National Manpower and Youth Council (NMYC) ang kakayahan ng mgakabataan sa bansa na maging mangangalakal o negosyante at magkaroon ng sariling sikap. Ang programang ito ay nagkakaloob sa mga kabataan ng kaalaman at kakayahan sa pagpapatakbo ng isang maliit na negosyo na sarili nila.
Isa-isip Mo A. Basahing mabuti ang mga balita at ibigay ang tamang reaksyon dito.Piliin ang tamang sagot sa ibaba. 1. Nagbabala kamakailan ang DepEd sa lahat ng mga paaralang pampubliko at pampribado laban sa madalas na pagpapalit ng mga aklat na kanilang ipinapagamit sa mga mag-aaral. Pinapayagan lamang ng DepEd ang mga paaralan na magpalit ng aklat tuwing ikaanim na taon a.Dapat sumunod ang mga itinatagubilin ng DepEd magpalit ng aklat tuwing ikaanim na taon. b.Nagbabala ang DepEd laban sa pagpapalit ng aklat. c.Maging masigasig ang mga paaralan sa pagpalit ng aklat tuwing ikaanim na taon
.2.Ang Kagawaran ng Pangkalusugan ay nangangampanya sa pagsugpo ng "Dengue Fever" sa ating mga mamamayan. Naglunsad ang bawat Health Center ng bayan kung paano maiiwasanang pagkakaroon ng "Dengue Fever". Ang tamang pagtatapon ng basura sa basurahan a.Dapat sundin ang mga pamamaraan ng kalinisan sa kapaligiran. b.Nagbabala ang Kagawaran ng Pangkalusugan sa pagsugpo ng “Dengue Fever”. c.Maging malinis sa paligid upang maiwasan ng “Dengue Fever
B. Ano ang natutuhan mo sa ating aralin ngayon?
Ang balita ay mga pangyayaring nagaganap, napapanahon at naka-tatawag pansin kaya ito’y mahalaga sa tagapakinig. Sa pagbibigay ng opinion o reaksyon, mahalaga na malinaw sa iyo ang inilalahad nito at ang mga detalye na sumasagot sa mga tanong na Ano, Sino, Saan Kailan at Paano.
Isa-puso Mo Lagyan ng tsek (/ ) ang patlang na nagsasaad ng mga dapat mong gawin upang maiwasan ang sakit tuwing tag-ulan. _____ 1. Maligo sa ulan kahit may lagnat. ______2. Hindi maglalaro sa mga lugar na mataas ang tubig ulan. ______3. Gumamit ng kapote kung lalabas ng bahay. ______4. Gumamit ng anumang pantakip sa paa tulad ng sapatos o medyas kung hindi maiwasang lumusong sa tubig. ______5. Yayain ang kaklase na maglaro sa tubig ulan.
Isulat Mo
Mag-isip ng balitang natatandaan mo. Isulat ito sa isang papel. Magbigay ng iyong opinyon o reaksyon tungkol dito.
2
Napahahalahahan ang ating mga bayani Nagagamit ang panghalip na pamatlig sa usapan Nakasusulat ng panghalip na pamatlig.
Paano mo mapahalagahan ang ating mga bayani? Ano ang panghalip na pamatlig? Kailan ito ginagamit? Paano ito isinusulat sa usapan?
Tuklasin Mo Hanapin sa Grid ang kasing-kahulugan ng sumusunod na mga salita
N S A K B L W H N U
1. inulos
3. tinugis
2. nagkanlong
4. heneral
B A M B K Y B I Y M
I B G A S G N N B H
N H A T L K L U S O
A J L I A D U L G M
R L S K M G M I A A
I R T N H E O N B S
L B W A K R H L U G
K A P I T A N T N T
A L A M S G T N K I
Ganito ba ang iyong sagot? 1. binaril 2. nagtago 3. hinuli 4. kapitan Tandaan mo ang iyong mga sagot upang lubos na maunawaan ang talatang babasahin.
Basahin Mo Basahin ang maikling talata Ito ay maikling kasaysayan ng huling sandali ni Andres Bonifacio sa mundo. Dito sa bundok Buntis inulos sa puso si Bonifacio na kanyang ikinamatay. Iyan ang daang paakyat sa bundok. Doon sa gawing silangan tumakbo si Procopio, ang nakababatang kapatid ni Bonifacio.Diyan sa likod ng malalaking bato nagkanlong si Bonifacio nang nakatakas. Binaril at tinugis ito ng mga tauhan ng heneral.
Iyan ang maikling yugto ng buhay ni Bonifacio na pinatay sa bundok Buntis, Marogondon, Cavite.
Pansinin ang mga salitang may salungguhit sa talata. Basahin ang mga ito. Ang tawag sa mga salitang may salungguhit ay mga panghalip na pamatlig.
Pagyamanin Natin Gawin Natin Pag-aralan ang mga pangungusap sa ibaba. 1. 2. 3. 4. 5. 6.
Ito ang bolpen ko. Ganito ang paggamit sa kutsilyo Hindi ganyan ang paghuhugas ng gulay. Diyan ko nakita ang tsinelas Pupuntahan natin sila doon Iyon ang bahay nila. Ang mga salitang may salungguhit sa pangungusap ay mga panghalip na pamatlig. Isulat sa tamang kolum ng talahanayan ang mga panghalip na pamatlig na ginamit sa mga pangungusap. Unang Panahunan
Ikalawang Panahunan
Ikatlong Panahunan
Sagutin ang mga tanong. 1. Anong panahunan ang nakasulat sa unang kolum? Sa ikalawa? Ikatlo? 2. Ano-anong panghalip na pamatlig ang isinulat ninyo sa unang kolum?Sa ikalawa?Ikaltlo? 3. Ano-ano ang isinasaad ng mga panghalip na pamatlig sa mga pangungusap? 4. Gaano kalayo ang mga bagay o lugar na tinuturo ng nagsasalita sa unang kolum? sa ikalawa? Ikatlo?
Nasagot mo ba nang tama ang mga tanong sa itaas? Kung ganun, alam mo na kung ano ang mga panghalip na pamatlig at kung kalian ito ginagamit.
Gawin Mo A. Ikahon ang wastong panghalip na pamatlig sa loob ng panaklong. 1. (Doon, Niyon) kami kukuha ng mga gulay 2. (Hayun, Niyan) ang mga bata. 3. (Ito, Dito) ang bago kong bag. 4. Ayoko (niyan, ganyan) 5. (Ganito, Ganire) ba ang upon a gusto mo. 6. ( Noon, Niyan) pa siya nagtitinda ng sampaguita. 7. (Diyan, Ganyan) ko nilagay ang tinapay mo. 8. ( Ito, Ganyan) ang bago kong aklat. 9. ( Iyan, Ganito) ang paghawak ng lapis. 10. ( Ayun, Ganyan) ang mga manok na iluluto mo.
Isa-isip Mo A. Pangkatang Gawain Basahin ang dayalogo.Punan ang patlang ng panghalip na pamatlig.Isadula ito pagkatapos sagutan. Unang Pangkat (Sa kusina) Angelice Rhyza Angelice Rhyza Angelice Rhyza
: Ate, saan ko ilalagay___________? : Ha,____________na lang sa ibabaw ng mesa.Gagayatin ko pa ang mga gulay na ___________. : Saan mo ba nabili ang mga ito?Napakasariwa naman! : ___________sa tindahan ni Aling Rosel. Tanim nila iyan sa kanilang bakuran. : Puwede rin pala tayong magtanim__________ sa ating bakuran. : Aba’y oo naman. Makakain na tayo ng sariwa, baka may maipagbibili pa.
Ikalawang Pangkat ( Sa bakuran ng bahay ni Gemma) Grace Gemma Grace Gemma Grace Gemma
: Saan ka ba pupunta? Mukang bihis na bihis ka a? : __________kina Mang Tato. Bibili ako ng pataba. : Saan mo gagamitin ___________? : __________ sa aking mga halaman. Tila wala na silang buhay. Payat na payat. Tingnan mo. : Tama ka makakatulong talaga ang mga patabang __________. : O, __________ na pala ang dyip na saskyan ko.Iiwan na kita _______.
Grace
: O, sige. Mag-ingat ka.
Ikatlong Pangkat ( Sa loob ng silid-aralan) Bb. Margie : O mga bata, dala ba ninyo ang inyong takdang-aralin? Weyden : ___________ po ang dala ko, mga buto ng okra. Adalia : Mga buto naman po ng ampalaya at kamatis ang dala ko. __________ po o! Nilagay ko na sa mesa ninyo. Bb. Margie : Talagang maagap ka. Naipasa mo na agad.. Ikaw naman Leonora, may dala ka ba? Leonora : Sorry po ma’am. Naiwan ko po___________sa bahay. Bukas ko na lang po ibibigay. Bb. Margie : O, sige mga bata, pakilagay lahat ng inyong dinalang buto___________ sa ibabaw ng mesa at kokolektahin ko ang mga ito.Rap-Rap, pakikuha mo __________ sa kabinet ang supot. Rap-Rap : ___________ po ba malapit sa may larawan? Bb. Margie : Oo, __________ nga. Salamat. B. Punan ang puwang ng tamang panghalip na pamatlig. _______ang bayan ko. ________ ako isinilang. Ipinagmamalaki ko ang baying ________ dahil sa kanyang likas na kagandahan at masaganang kayamanan na dulot ng Maykapal. ________ masdan mo ang payapang karagatan na patuloy na nagbibigay ng pagkain sa ating lahat. ________ ang mga magsasaka na sa pamamagitan ng kanilang lipakang palad ay patuoy na gumagawa sa bukid upang ang kanilang mga ani’y ating mapagsaluhan sa hapag- kainan. ________sa aming bayan ay madarama moang init ng pagtanggap sa sinumang dayuhang pumupunta, rito. ________ sa bayan ko, ang bawat isa’y nagtutulungan at nagkakaisa tungo sa kapayapaan at kaunlaran ng lahat. Nais mo bang manirahan _______ sa aming bayan? C. Ano- ano ang dapat tandaan sa paggamit ng panghalip na pamatlig? Ang panghalip na pamatlig ay mga panghalip na ginagamit sa pagtuturo ng tao, hayop, pook o gawa. Ginagamit ang mga ito kapag ang itinuturo ng taong nagsasalita ay malapit, malapit-lapit at malayo sa nagsasalita. Ito ay may tatlong panahunan. •
•
•
Unang panahunan, kapag ang pangalang itinuturo ng panghalip na pamatlig ay maaaring hawak o malapit sa taong nagsasalita. Ang ito, ire, nito, nire,ganito, ganire, ditto, dine, heto, eto ay mga panghalip na pamatlig. Ikalawang panahunan, kapag ang pangngalang itinituro ay malayo sa taong nagsasalita ngunit malayo sa kausap. Ang mga panghalip na ginagamit sa ganitong panauhan ay ang iyan, niyan, ganyan, diyan, hayan at ayan. Ikatlong panahunan, kapag ang pangngalang itinuturo ay malayo sa nag-uusap. Angiyon, niyon, noon, gayon, doon, hayan at ayun ay mga panghalip na ginagamit sa ikatlong panahunan.
Isa-puso Mo Lagyan ng masayang mukha pagpapahalaga sa ating mga
kung ang pangungusap ay nagpapakita bayani at malungkot na mukha kung hindi.
ng
_______1. Ibinabahagi ko sa iba ang mga kabutihang nagawa n gating mga bayani. _______2. Nagbibigay pugay ako sa rebulto ni Rizal kapag kami ay pumupunta sa Luneta. _______3. Dumadalo ako sa mga pagdiriwang na nauukol sa pag-ala-ala sa ating mga bayani, tulad ng pag-aalay ng bulaklak tuwing kaarawan ni Rizal. _______4. Sumasali ako sa mga programa sa paaralan kapag Araw ng Kalayaan. _______5. Ikinahihiya ko ang ating mga bayani.
Isulat Mo A. Punan ang dayalogo gamit ang mga panghalip na pamatlig.
B. Pag-aralan ang mga nakalarawan. Bumuo ng mga pangungusap kaugnay nito. Gamitin ang mga panghalip na pamatlig.
3
Naisasa-isip ang mabuti at masamang dulot ng teknoliya. Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar na salita sa pamamagitan ng kasalungat Naibibigay ang bagong natuklasang kaalaman mula sa binasang teksto
Ano-ano ang mabuti at masamang naidudulot ng teknolohiya? Ano ang salitang kasalungat? Ano-ano ang mga bagong kaalaman ang iyong matutuklasan mula sa binasang teksto? Malaking tulong ang teknolohiya sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto ng kaalaman at ng edukasyon. Subalit kailangan nating tandaan na nararapat nating gamitin ito ng wasto. Huwag natin hayaan ang ating mga sarili na abusuhin ang teknolohiya. Maaaring makapagdulot ito ng mga masasamang epekto sa atin kapag ito ay nagamit sa hindi tamang paraan. Ikaw paano mo ginagamit ang teknolohiya? Sa mabuti ba o sa masama?
Tuklasin Natin a. Basahin at pag-aralan ang mga pares ng salita. bukang-liwayway- takipsilim
magtiwala- mag-alinlangan
dagdagan, magdagdag -bawasan, magbawas ikabit/idugtong- ihiwalay/tanggalin kongkreto- basal ligtas- mapanganib
mahiyain- agresibo tandaan -alalahanin masikip - malawak ligtas- mapanganib
Ang mga salitang binasa mo ay mga salitang magkasalungat. Pareho ba ang kahulugan ng mga salita? Oo, kabaligtaran o naiiba ang kanilang kahulugan. b. Basahin ang salita sa loob ng bilog. Isulat ang dalawang kasalungat nito sa loob ng kahon na nakapaligid dito.
masalimuot
mahusay
nabubuo
umunlad
nakapaglalabas
Tandaan mo ang mga kasalungat na kahulugan ng mga salitang nakasulat sa bilog upang higit na maunawaan ang salaysay na iyong babasahin.
Basahin Mo Personal computer
mechanical digital computer
differential analyzer
Ang salaysay na iyong babasahin ay tungkol sa kompyuter. Alam mo ba kung sino ang nakaisip ng ideya tungkol sa kompyuter?Ating alamin. Kasaysayan ng Kompyuter Si Charles Babbage, isang Ingles na mahusay sa matematika ang unang nakaisip ng ideya tungkol sa isang mechanical digital computer noong 1830. Nagdisenyo at gumawa siya ng isang masalimuot na makinang tinagurian niyang analytical engine. Hindi natapos ito ni Charles, ngunit nagsilbing batayan ng paggawa ng mga kompyuter sa kasalukuyan ang mga simulaing ginagamit niya sa kanyang disenyo. 1
2
Pagkaraan ng sandaang taon, isang inhenyerong elektrikal na Amerikano, si Vannevar Bush, ang gumawa ng unang analog na kompyuter. Tinawag naman niya itong differential analyzer. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig mula 1939 hanggang 1935, gumawa ang mga inheyero ng elektrikong kompyuter analog para sa mga kanyong panudla ng mga eroplano. 3
Nakumpleto ang unang kompyuter na digital, ang Mark I, noong 1944 ni Howard Aiken, isang professor sa Pamantasan ng Harvard. Si JohnVon Neumann naman ang nakaisip gumawa ng isang kompyuter na nakapagtatago ng programa sa memorya ng makina. Ang unang mga disenyo ng kompyuter ay nabubuo ng programa, ngunit hindi nakapagtatago nito. 4
Sinasabing may tatlong henerasyon ang mga kompyuter. Binubuo ang unang henerasyon ng mga kompyuter noong dekada 50. Noon pa man ang mga kompyuter ay nakakagawa nan g libu-libong kalkulasyon sa loob ng isang Segundo. Nalinang ang ikalawang henerasyon ng dekada 60 na ang kahusayan ay 10 ulit kaysa sa unang henerasyon. Noong 1965 lumabas ang ikatlong henerasyon ng kompyuter na ang kahusayan ay halos 100 ulit ang kahigitan sa ikal;awing henerasyon. Nakagagawa na ito ng isang milyong kalkulasyon sa loob ng isang Segundo. Mula noon, patuloy nang umunlad ang disenyo ng mga kompyuter. Laganap na ito sa lahat ng larangan ng buhay tulad ng industriya, edukasyon, komunikasyon, transportasyon, medisina at iba pa. Kaya sinasabing ang kaslukuyan at ang hinaharap ay lubusan nang magiging panahon ng mga kompyuter.
Pagyamanin Natin Gawin Ninyo Pag-aralan at basahin nang tahimik isa-isa ang bawat talata sa sanaysay. Sagutin ang mga tanong: 1. Sino si Charles Babbage? 2. Anong uri ng computer ang unang naisip ni Charles? 3. Kailan niya ito naimbento? 4. Anong makina ang sumunod niyang naimbento. 5. Ano ang itinawag niya rito? 6. Ano-ano ang mga bagong kaalaman ang iyong natutuhan sa unang talata? Igawa ito ng graphic organizer tulad sa ibaba.
Charles Babbage
Basahin nang malakas ang mga bagong kaalaman na iyong natutuhan
Gawin Mo Pangkatang Gawain Subukin ninyong hanapin sa bawat talata ng binasang sanaysay ang mga bagong kaalaman na iyong natutuhan. Igawa ito ng paglalagom sa pamamagitan ng iba’t-ibang pamamaraan. Unang pangkat Gawin ang ikalawang talata. Ilagay ang inyong sagot sa facstorming web
Ikalawang Pangkat Alamin ang mga bagong kaalaman sa Ikatlong talata. Isulat ito sa semantic web.
Ikatlong Pangkat Alamin ang mga bagong kaalamang natutuhan sa Ika-apat na talata. Isulat ang iyong sagot sa Spider web
Isa-isip Mo A. Basahin ang talata at alamin ang mga bagong kaalaman na iyong matututuhan.Isulat ang mga ito sa iyong kwaderno. Iulat ang iyong natutuhan sa klase. Pambihirang prutas ang durian, Kapag hinog, matindi ang sangsang ng amoy na hindi mailarawan. Talagang masama raw ang amoy at madaling kumalat. Para sa mga maibigin sa prutas na durian, pinakamalinamnam daw ang durian sa lahat ng prutas sa tropiko. Kung tawagin ng mga dayuhan ito, ay ang kesong tumutubo sa puno dahil sa pinung-pinong linamnam na malalasahan sa mga keso. Ang bahaging kinakain ay kasing pino raw ng nilagang itlog at kasing linamnam ng gatas. Kasinsarap din ito ng nektar at katas ng mga bulaklak.
B. Basahing mabuti ang mga pangungusap. Tandaan ang mga bagong kaalaman na iyong matutuhan dito upang lumawak ang iyong kaisipan. Itala ito sa iyong kwaderno.Pagkatapos basahin, piliin sa loob ng panaklong ang kasalungat ng salitang italisado. 1. Ang may pinakamalaking kapatagan sa bansa ay ang Rehiyon III. ( pinakamalapad, pinakamaliit, pinakamalawag,pinakmadawag.) 2. Ang Nueva Eciya ay nag-aani ng pinakamaraming palay. (pinakakaunti, pinakamaliit, pinakamalaki, pinakapuno) 3. Ang Nueva Ecija ay tinatawag na mangkok ng palay.( tasa, pinggan, platito, bandehado) 4. Tunay ng malalim ang pagkakaugat ng butil na ito sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao. (matindi, mababaw, taimtim, masinag) 5. Ang ordinaryong bigas na isinasaing sa araw-araw ay pahaba ang hugis ng butil.(espesyal, karaniwan, di-karaniwan, pambihira ) C. Ano natutuhan mo sa araw na ito? Nasiyahan ka ba sa iyong mga natutuhan? Dapat maging mapanuri sa mga bagong kaalaman na matutuhan. Maaring ito ay magdulot ng mabuti o masama. Isagawa ang mabuti at iwaksi ang masama.
Isa-puso Mo Lagyan ng tsek ( dulot.
) ang mabubuting dulot ng teknolohiya at ekis (
) ang masasamang
_____1. Pag-unlad ng antas ng libangan _____2. Nakakadulot ng pagiging tamad ng mga tao _____3. Mas mapapalapit sa iba sa pamamagitan ng komunikasyon gamit ang teknolohiya _____4. Mas mapapadali ang pagresponde sa mga kaganapan _____5. Mas mapapabilis at madami ang gawaing maaaring magawa _____6. Maaaring gamitin sa karahasan _____7. Mas nakakamura sa ibang paraan _____8. Ang pagkakaroon ng sobrang kaalaman ay maaring humantong sa mali-maling sitwasyon. _____9. Global Networking _____10.Mas mapapalapit sa iba sa pamamagitan ng komunikasyon gamit ang Teknolohiya.
Isulat Mo Ihanay sa tsart ang pangalan ng mga larawan sa ibaba.
Internet Browser
4
Social Media
Naipapakita ang pagiging responsible Naibibigay ang hinihinging datos ng isang form
Paano mo maipakikita ang pagiging responsable? Ano- ano ang mga halimbawa ng pormularyo? Ano-ano ang mga datos na hinihingi nito?
Basahin Natin May iba’t-ibang “forms” o pormulasyong dapat sagutin para makuha ang pangangailangan. Kapag humihiram ng aklat sa silid-aklatan ay kailangan ang library kard. Kapag ibig maglabas ng pera o magdeposito ng pera sa bangko ay kailangan ang widrawal/deposit slip. Samantala, ang mga magulang o sinumang may sapat na gulang ay kailangang sagutin nang wasto ang mga hinihinging impormasyon sa community tax at bio-data. Basahin ang usapan sa ibaba. Sa paaralan, sa ilalim ng puno ng mangga habang nagbabasa ang magkakaibigang sina Cynthia, Maricar, Sonia at Gemma. Naalala ni Cynthia ang takdang- aralin na ibinigay sa kanila ng guro. “Oo nga pala, mayroon tayong takdang-aralin sa Filipino”, ang wika ni Cynthia. “Ah, oo nakagawa na ba kayo?, tanong ni Maricar. “Hindi pa, bukas pa naman yun” sagot ni Sonia. “Halikayo, pumunta tayo sa ating silid-aklatan, hanapin natin doon ang mga kasagutan.” ang sabi ni Cynthia. Nilisan nila ang lugar at pumunta sa silid-aklatan. “Magandang tanghali po Gng. Rosel, ( ang Librarian ng paaralan) kami po ay maghihiram ng aklat upang maghanap ng mga kasagutan sa aming takdang-aralin”, ang sabi ni Cynthia. “Maari na po ba kaming kumuha ng aklat?” tanong ni Maricar. “Hindi pa, kailangan sagutan nyo muna ang Pormang Pang-aklatan” ang sagot ni Gng Rosel. Iniabot sa kanila ni Gng. Rosel ang Pormang Aklatan at sinimulan itong sagutan. Nagpasiya ang apat na si Cynthia na lamang ang magbibigay ng datos sa pormularyo. Narito ang Pormang –Aklatan na kaniyang sinagutan. Paaralan: Paaralan ng Maytalang-1 Pangalan ng Batang Gumamit o Nanghiram ng Aklat na Ito Cynthia M. Manalo
Numero ng Aklat: Petsa ng Pagkakahiram Agosto 15, 2016
F23 Petsa ng Pagsasauli
Pagkatapos sagutan ang Pormularyo iniabot niya ito kay Gng. Rosel. “Tama ang mga impormasyon na inyong inilagay sa porm. Sige eto na ang aklat” sabi ni Gng. Rosel. Ingatan ninyo ang paggamit nito” dagdag pa niya. Opo, salamat po” ang sagot ng magkakaibigan.. “Madali lang palang sagutan ang Pormularyong Aklatan. Dapat ay makatotohanan ang mga
impormasyon na iyong ilalagay,” wika ni Cynthia. “Oo nga, halikayo gumawa na tayo ng ating takdang-aralin”, ang sabi ni Maricar. Pumunta ang sila sa mesa at umupo. Sinimulan nilang gawin ang kanilang takdang-aralin. Kinabukasan, nagwasto ng takdang-aralin ang kanilang guro at buong husay nilang nasagot ang kanilang takdang aralin.
Pagyamanin Natin Gawin Ninyo Sagutin ang mga tanong: 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9.
Sino-sino ang gumanap sa usapan? Ano ang naalala ni Cyhtia habang nagbabasa ang magkaibigan. Saan pumunta ang magkaibigan upang maghanap ng sagot sa kanilang takdang-aralin? Ano ang sinagutan ni Cyhtia bago makakuha ng aklat? Ano-anong pangangailangan ng card ang ibnigay datos ni Cynthia? Bakit hindi niya binigyan ng datos ang panghuling kolum? Tama ba ang mga datos na ibinigay ni Cynhtia? Anong mabuting ugali ang ipinakita ng magkaibigan? Ikaw, katulad ka ba ng magkakaibigan? Paano mo maipakikita ang pagiging responsable?
Gawin Mo Narito ang isang ang halimbawa ng isang porma sa bangko. Ipagpalagay mong ikaw ay magdedeposito sa bangko ng halagang limandaang piso. Subukin mong lagyan ng datos ang mga impormasyon dito. Deposit Slip Bangko Sentral SAVINGS ACCOUNT DEPOSIT SLIP Pangalan ( Account Name) Bilang ng Account Halaga ng ideneposito: (sa salita) ________________________________ P _____________________ Denominasyon ng perang ideneposito Perang Papel Tig-iisang Libo Tig-lilimang daan Tig-dadalawang daan Tig-iisang daan Tig-lilimampu Tig-dadalampu
Kabubuang Halaga
Bilang
Halaga
Isa-isip Mo A. Pag-aralan ang form sa ibaba. Sipiin mo ito sa iyong papel at ilagay ang mga impormasyong kailangan. Huwag kopyahin ang mga datos na nakasulat dito, tungkol sa iyong sarili ang ilalagay dito.
B. Ilagay ang datos na hinihingi ng Biodata/Resume
C. Ano ang natutuhan mo sa pagbibigay ng datos na hinihingi ng isang form? Ang mga forms ay magsisilbing batayan ng isang tao tungkol sa kanyang sarili. Mahalaga na malinaw at makatotohanan tayo sa mga datos na ibibgay sa isang form. Dahil kung hindi ito ay maaring magpahamak sa iyo.
Isa-puso Mo Ano ang gagawin mo sa mga sumusunod na sitwasyon? Itimana sa katapat na bilog ng iyong sagot 1. Ikaw ang pinakamatanda sa inyong limang magkakapatid. Nang mamatay ang inyong mga magulang, sa iyo ipinagkatiwala ang lahat ng inyong mga negosyo. Kukunin ko ang malaking kinkita para sa aking sarili Ibabangko ang lahat ng kinikita para sa aming lahat. 2. Umalis ang iyong mga magulang. Sa iyo ipinagbilin ang mga kapatid mo. Titiyakin kong ligtas at masaya ang aking mga kapatid. Titiyakin kong ako ang masusunod sa ayaw at gusto nila. 3. Kakunti ang ulam para sa hapunan. Dumating kang gutum na gutom at umuna ka na sa pagkain. Kakin ako hanggang sa ako’y mabusog. Swete nila kung may matira. 4. Araw ng Sabado. Araw ng paggawa sa tahanan ng mga anak ni Gng Santos. Gagawin ko ang trabahong ibibigay sa akin. Magsasakit-sakitan ako para hindi ako mabigyan ng trabaho. 5. Ikaw ang naghahapbuhay para sa inyong magkakapatid. May isa kang kapatid na nagaaral sa kolehiyo at dalawa sa hayskul. Pipilitin kong mapagtapos sila sa pag-aaral kahit pa ako mahirapan Pahihintuin ko na sila at paghahanapin ng trabaho para hindi ako mahgirapan.
Isulat Mo A. Igawa ng card ang iyong kaibigan o kapatid para makhiram ng card sa Aklatang
pambayan. Sipiin ito sa matigas na papel o sa index card. Ito ang ipakita sa Aklatang Pambayan. Dahon ng Impormasyon Pangalan ____________________ Gulang ______________Kasarian ________________ Tirahan _____________________Blg. Ng Telepono ______________________________ Petsa ng Kapanganakan ____________________________________________________ Pangalan ng Ina ___________________________________________________________ Pangalan ng Ama __________________________________________________________ Bilang ng Kapatid _____________________Babae _____________Lalaki _____________ Pang-ilan sa Magkakapatid __________________________________________________
LM: IKALAWANG MARKAHAN Ika-apat na Linggo ARALIN
3 Layunin: Nakapagbibigay ng wakas sa nabasang kwento. Naitatala ang mga impormasyon mula sa binasang teksto.
Mahalagang Tanong Sabihin: Sa araw na ito sagutin ang mga tanong na: Ano ang kuwentong-bayan? Bakit sa gabi nakikita ang buwan at mga bituin? Paano magbigay ng wakas sa kwentong binasa? Tuklasin Mo a. Paghahawa ng balakid. Bilugan ang titik ng kahulugan ng salitang may salungguhit.
1. Isang makapangyarihang nilalang ang nabubuhay noon. a.tao
b.may buhay
c.hayop
2.Naisip ni Maka-ako na bigyan ng liwanag ang madilim na kalawakan. a.langit
b.papawirin
c.ekwador
3. Sumambulat ang bolang apoy at ito’y nagkapira-piraso. a.sumabog b.nadurog
c.napingot
Basahin Mo Bakit kaya sa gabi lamang nakikita ang buwan at mga bituin? Ano ang ginawang hatol ni Ma-Ako sa araw? Alamin sa kwentong-bayan na babasahin. Pag-usapan ang nilalaman ng binasang kwento sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong.
Bakit sa Gabi Lamang Nakikita ang Buwan at mga Bituin? (Kwentong-Bayan) Ang daigdig sa simula ay ganap na kadiliman. Wala kahit na anumang bagay sa kalangitan. Isang makapangyarihang nilalang lamang ang nabubuhay noon at ito ay kilala sa pangalang Maka-Ako. Siya ang Diyos ng simula at ng katapusan at nakatira sa kalibutan. Naisip ni Maka-Ako na bigyan ng liwanag ang madilim na kalawakan. Dumipa siya at buong lakas na pumalakpak. Sumambulat ang isang nakabibinging pagsabog na kasunod ang isang nakasisilaw na liwanag. Isang bolang apoy na malakas na umiikot ang nagsimulang lumiwanag. Ito’y nagsabog ng maliliit at maiinit na bagay at ang isa rito ay tinawag na Duta. Tinawag naman ni Maka-Ako ang bola ng apoy ng Adlawino. Pumalakpak uli si Maka-Ako na hindi na masyadong malakas at ganoon din ang nangyari. At tinawag niya ang pangalawang maliwanag na bilog na bagay na Buyana. Si Adlawino at si Buyana ay nagsama. Mabilis na mabilis silang umiikot sa walang katapusang kalawakan. Nagkakarera sila ngunit palaging nauuna si Adlawino kay Buyana. Ang pagsasama nilang dalawa ay nagkabunga. Pinangalanan silang lahat ng Bituin ayon sa lakas ng kanilang liwanag. Isang araw ay sinabihan ni Maka-Ako si Adlawino na huwag masyadong bilisan ang pag-ikot at hintayin si Buyana. Hindi sinunod ni Adlawino si Maka-Ako. Nasaktan si BUyana at natuto niyang kamuhian ang asawa. Gustung-gusto niyang magkasabay sila ni Adlawino ngunit ayaw naman ng huli. Dahil dito ay nag-away ang dalawa. Nagbatuhan sila ng maliliit na gas. Binato ni Adlawino si Buyana ng kanyang maiinit na apoy na halos sunugin si Buyana sa pagiging abo. Naawa sa kanilang ina ang kanilang mga anak na sina Bituong Puya, Bituong Ruyaw, Tala, at Bituong Pisok. Pinakiusapan nila itong huwag nang sundan ang kanilang ama. Sinunod ni Buyana ang kanyang mga anak. Kaya ngayon, si Buyana at ang kanyang mga anak ay sa gabi na lamang nagpapakita kung wala si Adlawino. Sa tagal ng panahon, si Adlawino ay naging araw , si Buyana ay nagging buwan at ang kanilang mga anak ang mga bituin. Ang Kalibutan at ang Duta ay naging mundo at daigdig. Patuloy na naging Diyos na makatarungan si Maka-Ako hanggang sa araw na ito.
Mga Tanong: 1. 2. 3. 4.
Anong uri ng kwento ang iyong binasa ? Bakit nagkahiwalay ang araw at buwan ? Sa iyong palagay, totoo kayang nangyari ang mga ito? Bakit? Sa papaanong paraan napahahalagahan ang mga kathang pampanitikan sa kultura ng bansa?
C. Pagyamanin Natin Pagsasagawa ng ibat-ibang Gawain na ibibigay sa bawat grupo tungkol sa binasang kwentongbayan. Pangkat A – Dula-dulaan Pangkat B – Panayam Pangkat C – Tula Pangkat D – Pantomine
Isaisip Mo A. Patnubayan ang mga bata sa pagbubuo ng paglalahat. Sagutin ang mga tanong, 1. Paano nagsimula ang kwentong-bayan na iyong binasa? 2. Angkop ba sa mga pangyayari ang nagging wakas nito? Bakit? 3. Anong mahalagang pangyayari ang nakatulong sa pagwawakas ng kwento?
Isapuso Mo Isulat ng maayos ang kwentong hindi tapos. Basahin at angkupan ito ng sariling wakas. Gawin ito bilang pangkatang Gawain. (Group Activity) Mga Sulyap sa Ating Bayan Hindi halos makatulog si Dadong nang gabing nagdaan. Maaga pa’y nakahanda na siya. “Handa ka na ba, Dadong ?” tanong ng tatay niya. “Mabuti nang maaga tayo at sasakay pa tayo ng bus patungong piyer sa Batangas. Pagkatapos ay sasakay naman tayo sa bapor patungong Mindoro.” Hindi naglaon at nakarating ang mag-ama sa Mindoro. Dinala sila ng kanilang kasamang tagaroon sa bukana ng kagubatan. “Mga tamaraw!” natutuwang sabi ni Dadong sa tatay niya. Pagkagaling nila sa Mindoro, nagtuloy sila sa Palawan. Dito ay nakita ni Dadong ang ilog sa ilalim ng lupa na dumadaloy sa isang kweba na may ilang kilometro ang haba. Pinuntahan din nila
ang kweba ng Tabon sa Munisipyo ng Quezon na kinakitaan ng bungo ng kauna-unahang tao sa mundo. “Saan po ang tuloy natin, Tatay?” ang tanong ni Dadong. Talagang hindi siya halos makapaniwala sa maraming lugar sa ating bansa na dapat dalawin ng isang Pilipino bago mangibang bansa. Sumakay ang mag-ama sa eroplano. Lumipad sila sa Dagat-Sulu. “Hayun ang malaking sentral ng asukal sa Negros!” ang turo ng tatay niya. “Iyan naman ang bantayog ni Magellan sa pulo ng Mactan.” “Itay, iyon marahil ang tinatawag na mga Burol na tsokolate sa Bohol. Ang ganda-ganda talaga ng Pilipinas!”
Isulat Mo Isulat nang maayos ang kwentong hindi tapos. Basahin at angkupan ito ng sariling wakas. Gawin ito
“Paeng, young bulaklak, Anak. Huwag mong kalilimutan,” ang sabi ni Aling Naty. “Opo , Inay,” ang sabi ni Paeng. Ngunit si Paeng ay ginabi sa pag-uwi dahil nagpraktis sila sa paglalaro ng basketbol. Habang siya ay naglalakad, naalala niya na pinabibili siya ng bulaklak para sa kanilang altar. Dahil gabi na, wala nang mabiling bulaklak. Nadaan siya sa parke at nakakita ng maraming bulaklak . Namitas siya nang namitas ng mga bulaklak at hindi niya napansin ang patalastas na, BAWAL MAMITAS NG BULAKLAK dahil sa pagmamadali. Nilapitan siya ng pulis.
LM: UNANG MARKAHAN Ika-apat na Linggo Aralin 4
Bakit mahalaga ang pagbabasa ng aklat? Anu-anong mga mahahalagang impormasyon ang makukuha ditto? Paano ang tamang paggamit ng aklat?
Tuklasin Mo A. Bago natin basahin ang kwento, alamin muna ang kahulugan ng mga salitang nasa loob ng maliit na kahon. Isulat ang sagot sa kuwaderno. Gamitin ito sa pangungusap. Marubdob
Modelo
Matipuno
pag-awat
Tanyag
Mini-Diksyunaryo _____________paghadlang, pagtigil _____________maalab, masidhi _____________sikat, kilala _____________matikas, makisig
______________uliran, huwaran
Basahin Mo Isports para sa Kabataan Ininaraos ang palarong pampaaralan sa Paaralang Elementarya ng San Jose. Masayang –masaya ang mga batang kalahok sa araw na iyon. Suot-suot nila ang makukulay at bagong unipormeng pang-isports. Kabilang ditto ang magkakaibigang Jenny,Lenny at Benny. “Hay nako, Excited na excite na talaga ako sa araw na ito! Malalaro ko narin ang aking paboritong isports, ang volleyball” ang masayang wika ni Jenny. “Ako rin, ang tagal ko na ring nagnenegosyo sa pagtakbo at talagang pinaghandaan ko ang paligsahang ito,” ang seryosong pahayag ni Lenny. “Kayo lang ba? Panoorin nyo ako mamaya kung paano ko patataubin ang kalaban ko sa table tennis. Kukunin ang kampeonato sa larong iyon.” Ang naniniguradong sabi ni Benny. “Ang yabang mo naman! Paano naman kung hindi? Ang pang aasar na wika ni Lenny sa kaibigan. “Okey lang naman, pero talagang pagbubutihin ko. Sana nga may maiuwi naman tayong medalya, ano? Ang umasang sagot ni Benny. Lumapit sa kanilang tatlo ang kaniulang guro sa MSEPP. “O mga bata, pumunta sa tanghalan ng paaralan.dumating na ang panauhing may dangal na hinigintay natin,” ang wika ni Bb. Corpuz sa kanila. “Opo Bb. Corpuz, susunod nap o kami,” ang sabay-sabay na wika ng tatlo. Marami nang magaaral ang nakaupo nang dumating ang mga kaibigan sa tanghalan. “Nakikita mo ba ang nakikuta ko? Hayun si Gng. Maria Dela Cruz, ang kilalang atleta rito sa ating bayan. Siya pala ang pangunahing pandanggal na magbibigay ng mensahe mamaya,” ang sabi ni Benny. “Magaling na atleta rin siya. Marami nang karangalan ang naibigay nya sa ating bayan sa larangan ng isports,” ang sabi naman ni Jenny. “Naku ang pogi nya talaga. Kat tikas ng katawan at malusog na malusog pa!” wika ni Jenny. “Iyan ang resulta sa kalusugan na taong nahihilig sa isports,” ang sabi ni Lenny. “Sssh, huwag na kayong maingay dahil magsisimula na ang palatuntunan,” ang pagawat ni Benny sa mga kaklase. Makalipas ang ilang minuto, tinawag na si G. Dela Cruz ng guro ng palatuntunan para sa kanyang mensahe. Narito ang bahagi ng kanyang pahayag. “Pinupuri ko ang pamunuan ng paaralan sa pagtataguyod ng sports development ditto sa inyong paaralan. Napalaking tulong ang naibibigay nito sa paghubog ng inyong pagkatao sa pisikal,sosyal at emosyonal na aspeto.”
“Nagagalak din ako dahiln ibinibilang ninyo ang paglalaro ng ibat-ibang isports sa inyong mga libangan. Kaakibat ng tama o balanseng pagkain, ang ehersisyo ay lubhang kailangan n gating katawan. Dapat nating tandaan na ang mamamayang malusog at malakas ay maituturing na yaman ng bansa.” “Matanong ko kyo, nais nyo bang maging tanyag tulada nina Lydia De Vega, Elma Muros, Paeng Nepomuseno at Mikee Cojuangco na napakahusay sa larangan ng sports at ngayo’y tinitingala na at iniidulo ng lahat?.” Ang tanong ni G. Dela Cruz sa mga bata. “Opo,” ang malakas na tugon ng mga bata. “Magaling!,” ang tuwang tuwang wika ng tagapagsalita. “Subalit ang pagiging sikat o tanyag ay isa lamang sa mga kabutihang naidudulot ng isports. Higit pa rito, nagtuturo rin ito ng maraming magagandang kaugalian. Unang una, ang isports ay nagtuturo sa atin na maging matiyaga at matiisin. Pangalawa, ang isports ay nagbibigay ng lakas ng loob upang harapin ang ano mang hamon. Ikatlo, ang Isports ay nagtuturo ng kooperasyon na ipinapakita ng team work sa paglalaro.” “Tunay na marami pang mga bagay ang nalilinang ng isports hindi lamang sa kakayahan ng indibidwa kundi sa kaugalian at asal parin na magagamit nilang sandata sa pagharap sa hamon ng buhay. Ang isports ay mahusay na pasimulkang pagsasanay para sa inyong lahat upang pagibayuhin ang inyong kasanayan, kakayahan at mabuting paguugali.” Isang malakjas na palakpakan ang iginawad ng mga bata matapos ang pahayag ng tagapagsalita. “Totoo ang sinabi nya. Kaya nga maging isports ka sa paglalaro. Wag kang magagalit kung matalo ka. Nagging malinius ka sa paglalaro at wag mandaraya. Hindi naman tinitingnan kung gaano karami ang iyong napanalunan kundi kung paano mo ito nilaro, diba?” ang mahabang pangaral ni Jenny kay Benny. “Opo Lola, susundin ko po,” ang sagot ni Benny. “Hoy!, wag ninyong kalilimutan ang inyong mga narinig na ipinahayag ni G. Dela Cruz sa kanyang mensahe dahil ipaliliwanag daw natin ito bukas,” ang pagpapaalala ni Jenny sa Kaibigan. “Oo nga pala at isa pa, pagaaralan nga pala natyin ang paggamit ng diksyonaryo ano?” ang dagdag pa ni Lenny. “Naku! Samahan ninyo ako mamaya sa maliit na book store diyan sa tapat. Bibili ako ng maliit na diksyonaryo. Magpapaturo ako kay inay mamaya para handa ako sa recitation bukas,”ang wika ni Benny. “Modelong magaaral ka nga. Kahit naglalaro, pagaaral parin ang inaatupag mo,” ang puri ni Jenny sa kaibigan. “aba,oo naman. Hindi naytin dapat pinababayaan ang pagaaral kahit na naglalaro,” ang sagot naman ni Benny.
“O sya, hayun na si Sir. Lumapit na tayo sa kanya para malaman natin kung ano ang oras ang simula ng laro,” ang yaya ni Lenny. “Naku!, tiyak na matinding bakbakan ito, magcheer naman kayo para sa akin para lumakas ang loob ko,” ang pakiusap ni benny sa mga kaibigan. “Oo na!, kaya lang pag natalo ka, ikaw ang manlilibre sa kantina ha!,” ang paninigurado ni Jenny. “Walang problema. May pera ako, bigay ni kuya. Medyo malaki para pagbutihin ko daw,” ang pagyayabang ni Benny. “at kung matalo ka nga!,” ang tanong ni Jenny. “E di kayo manlilbre sa akin!” ang sagot ni Benny. Daya mo talaga,” ang sabi ng dalawa. At nagtawanan ng malakas ang magkakaibigan.
Aralin
Pagsulat ng Salaysay
4
Ano ang unang bersyon ng Lupang Hinirang? Paano mo pahahalagahan ang watawat ng Pilipinas? Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng salaysay?
Tuklasin Mo Isulat sa katapat na puwang sa loob ng bilog ng kahulugan ng mga salita. Piliin ang sagot sa Circle Graph B.
himno liriko martsa bersyon
A
Basahin Mo Basahin ang dayalogo
-Tsempong tugtuging pangmartsa -salin -tula ng damdamin -awit ng pagkilala
B
Pagpapayamang Gawain Gawin Natin Sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1. Ano ang itinugtog noong unang itaas ang watawat sa balkonahe ni Hen. Emilio Aguinaldo? 2. Bakit ipinasalin sa bersyong Ingles ang Pilipinas? 3. Kailan ipinahayag na opisyal ang pambansang awit na Lupang Hinirang? Gawin Mo Sumulat ng maikling pagsasalaysay gamit ang time line na ito.
1898-Emilio Aguinaldo
1898-Julian Felipe
1920-Camilo Osias at Mary A. Lane
1898-Jose Palma
1940-Francisco Caballo, Ildifonso Santos at Julian Cruz Balmaceda
1956- Instituto ng Wikang Pambansa
Isaisip Mo
Matapos ang aralin naramdaman ko na…
Isapuso Mo Paano mo maipakikita ang pagmamahal sa bansa?
Isulat Mo Sumulat ng isang pagsasalaysay batay sa kasunod na panayam.
ARALIN Pagsisikap Tungo sa Pag-Unlad
1
Ano ang magandang ibinubunga ng pagsisikap sa ating pag-unlad? Nasasagot ang mga literal na tanong sa napakinggang teksto
Tuklasin Mo A. Kilala mo ba ang nasa larawan? Siya ay si Dr. Federico B. Sarabia. Ano-ano ang alam mo tungkol sa kaniya?
B. Bago natin pakinggan ang talambuhay na babasahin ng iyong guro., alamin muna ang kahulugan ng mga salitang nasa loob ng bilohaba. Iugnay ito sa kahulugan na nasa loob ng kahon. Doktor para sa sakit sa mata
optometrist
ophthalmologist
Basahin Mo
Doktor para sa sakit sa mata at nagsasagawa ng operasyon sa mga sakit sa mata
Pakinggan ang talambuhay na babasahin ng guro. Kilalanin natin ang kauna-unahang Pilipinong optometrist.
Ang Kauna-unahang Pilipinong Optometrist (Talambuhay)
Pagyamanin Mo Narito ang mga talatang naglalahad ng mahahalagang bagay tungkol sa ilang Pilipinong tanyag sa larangan ng pagguhit o sining. Sagutin ang mga tanong tungkol sa talata inyong babasahin. 1. Si Jose V. Blanco ay kilalang pintor sa Angono, Rizal. Maraming gantimpalang nakamit niya at nagkaroon siya ng pagkakataon na makarating sa iba’t ibang bansa dahil sa kaniyang pagguhit. Noong 1978, sumali ang Pamilya Blanco sa pagtatanghal sa National Museum. Nasundan ito noong1979 – ng pagtatanghal noong 1980 sa The Hague Holland. Nagtanghal din sila sa Cultural Center of the Philippines. Ang unang One-Man Show niya ay itinanghal sa Manila Hilton Art Gallery noong 1971. Nasundan ito noong 1972-1973 sa Gallerie Bieve noong 1976 sa Hyatt Regency Art Gallery. a. Sino ang kilalang pintor sa Angono,Rizal? b. Anong taon sumali ang Pamilya Blanco sa pagtatanghal sa National Museum? c. Saan unang itinanghal ang One-Man Show ni Jose V. Blanco? 2. Si Larry Alcala ay nagsimulang maging kartunista noong 1946. Nakalikha siya ng mga sikat na tauhang sinubaybayan ng tao sa mga komiks at magasin, katulad ng Kalabog en Bosyo, ang unang kartun sa bansa na isinapelikula at ang Asyong Aksaya. Noong Marso 15, 1984, isa siya sa ginawaran ng Life Achievement Award ng KOMOPEC BO (Komiks Operation Brotherhood) dahil sa kaniyang mahalagang ambag sa industriya. Nagturo siya sa Unibersidad ng Pilipinas at nagsimula ang tinatawag na Commercial Art – bilang kursong pangkolehiyo noong 1953. a. Kailan nagsimulang maging kartunista si Larry Alcala? b. Ano ang unang kartun sa bansa na isinapelikula?
c. Ano ang iginawad kay Larry Alcala ng KOMOPEC BO (Komiks Operation Brotherhood) dahil sa kaniyang mahalagang amabag sa industriya? 3. Si Napoleon V. Abueva ang Pambansang Alagad ng Sining ay umiwas sa nakabihasnang estilo sa paglilok ng mga nauna sa kaniya. Minahalaga niya ang iskulturang may bagong tema, anyo, at pamamaraan. Napabantog siya sa iskulturang yari sa matigas na kahoy. Ilan sa mga tanyag na ginawa niya ang Crucified Christ sa kapilya ng UP, ang Transfiguration sa Eternal Gardens sa Novaliches, at ang Dambana sa Bundok Samat sa Bataan. Bago siya nahirang na Pambansang Alagad ng Sining noong 1976, tatlong beses siyang nagwagi sa patimpalak ng Art Association of the Philippines (1951, 1952, at 1957). a.Sino ang Pambansang Alagad ng Sining na umiwas sa nakabihasnang estilo sa pagglilok ng mga nauna sa kanya? b. Kailan siya nahirang na Pambansang Alagad ng Sining? c. Ilang beses siyang nagwagi sa patimpalak ng Art Association of the Philippines? .
Isaisip Mo
Pagsagot sa literal na tanong Nakapokus sa mga ideya at impormasyong tuwirang nakalahad sa teksto Ang mga kasagutan sa tanong na literal ay ang simpleng pag-alaala sa mga babasahin
Isapuso Mo Gumawa ng isang postcard upang maipagmalaki ang isang natataning Pilipino. Isulat Mo Basahin ang talata tungkol sa mga bayani ng himagsikang Pilipino. Sagutin ang mga kasunod na katanungan. 1. Isa sa pinakamahusay na mananalumpati at manunulat na bayani si Graciano Lopez Jaena. Kilala siya bilang nagtatag ng La Solidaridad, ang pahayagang propagandista ng mga Pilipinong nasa España. Dito nila isinulat ang nagaganap na pang-aapi sa Pilipinas ng mga namumunong Español. Dahil dito, hindi na nakabalik sa Pilipinas si Graciano Lopez Jaena.
a. Sino ang pinakamahusya na mananalumpati at manunulat? b. Ano ang pahayagang propagandista ng mga Pilipinong nasa España? c. Ano ang mga isinulat niya sa pahayagang La Solidaridad? 2. Si Marcelo H. del Pilar ay tinaguriang Dakilang Propagandista. Isa siyang abogado na kilala sa pagsulat ng mga artikulo laban sa pang-aabuso ng mga paring Español. Ipinagpatuloy niya ang gawaing ito sa España kung saan naging patnugot at tagapaglathala siya ng La Solidaridad. Sa kakulangan ng pera at pangungulila sa pamilya, nagkasakit siya at namatay sa España. a. Sino ang tinaguriang Dakilang Propagandista? b. Sa anong paraan niya ipanahayag ang pang-aabuso ng mga paring Español? 3. Nagtayo ng pagawaan si Guillermo Tolentino sa Kalye Retiro at sa Rizal Park, Maynila. Sa pagawaang ito niya pinasimulan ang kaniyang malikhaing mga gawa sa sining na nagbigay sa kaniya ng katawagang “Prinsipe ng mga Manlililok na Pilipino.” Ang dalawa niyang kahanga-hangang likha ay ang masagisag na Monumento ni Bonifacio na makikita sa Rotonda ng siyudad ng Caloocan at ang Oblation sa kampus ng Pamantasan ng Pilipinas. a. Sino ang kilala sa katawagangg “Prinsipe ng mga Manlililok na Pilipino”? b. Saan nagtayo ng pagawaan si Guillermo Tolentino? c. Ano ang dalawa niyang kahanga-hangang likha?
ARALIN Pagiging Masunurin
2
Paano mo maipapakita ang pagiging masunurin? Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng panuto? Ano ang kahalagahan sa pagsunod sa mga panuto?
Tuklasin Mo Upang lubos na maunawaan ang babasahing kwento, alamin natin ang kahulugan ng ilang mga salita na ginamit dito. Hanapin sa Hanay B ang salita o mga salitang tumutukoy sa Hanay A. Isulat ang mga pares na salita sa kwaderno. Hanay A
Hanay B
atipan
malaking barko
grado
uubusin
daong
huminto
lilipulin
lagyan ng bubong
sumadsad
palapag
Basahin Mo Basahin ang kwento. Ang Kasunduan
Nilikha ng Diyos ang mundo at ang tao. Sa paglipas ng mga araw dumami nang dumami ang mga tao sa daigdig. Nahilig sa kasamaan at lumaganap sa lahat ng dako. Nakita ng Diyos ang kanilang kasamaan. Gayon na lamang ang kaniyang pagsisisi sa paglalang ng tao at paglalagay sa kanila sa mindo. Nagalit ang Diyos at kaniyang winika “Lilipulin ko ang lahat ng tao. Lilipulin ko rin ang lahat ng hayop at mga ibon.” Nag-isip ang Diyos. May isang nilalang na naging kalugud-lugod sa kaniya. “Tama,” wika niya, “si Noe.” Napakabuting tao ni Noe. Tapat na maglingkod siya. Maliban kay Noe, ang lahat ng tao’y masasama at laganap ang karahasan kahit saan. Tinawag ng Diyos si Noe at kaniyang sinabi, “Noe, ikaw lamang ang natitirang mabuti sa mundo. Umabot na sa sukdulan ang kasamaan ng mga tao, kaya lilipulin ko silang lahat. Pakinggan mong mabuti at gawin ang lahat ng iniuutos ko.” “Ako po’y inyong lingkod, Panginoon, ang lahat ng inyong sasabihin ay aking susundin,” sagot ni Noe. “Pumutol ka ng kahoy na sipres at gumawa ka ng isang daong na may silid, pahiran mo ng alkitran ang loob at labas nito. Ang daong na gagawin mo ay may haba na apatnaraa’t limampung talamapakan at may taas na apatnapu’t lima, may luwang na pitumpu’t lima. Atipan mo ito at lagyan ng bintana sa paligid. Gawin mong tatlong grado ang daong at lagyan mo ng pintuan sa tagiliran. Palulubugin ko sa tubig ang buong daigdig at malilipol ang lahat ng may buhay. “Isama mo ang iyong asawa at mga anak, pati mga asawa nila sa daong. Magsakay ka ng pitong pares ng bawat uri ng malinis na hayop, ibon at mga gumagapang sa lupa. Magsama ka rin ng isang pares ng bawat uri ng di-malinis na hayop, ibon at mga gumagapang sa lupa.
Alagaan mong mabuti ang mga ito at huwag pabayaang mamatay. Magdala ka ng lahat ng uri ng pagkain para sa inyo na nasa daong,” pagpapatuloy ng Diyos. “Susunduin ko po lahat ng inyong utos,” ang magalang na sagot ni Noe. Nagsimulang bumuhos ang ulan. Patuloy na lumaki ang tubig sa paglipas ng mga araw. Lumutang ang daong. Patuloy pang tumaas ang tubig dahil sa walang tigil na pag-ulan sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi.
Nalipol ang bawat may buhay sa lupa. Namatay ang mga ibon, maamo man o mailap, lahat ng gumagapang sa lupa at lahat ng tao, at mga hayop. Maliban kay Noe at ang mga kasama niya sa daong. Hindi nawaglit sa isipan ng Diyos si Noe at mga kasama sa daong. Kaya pinaihip Niya ang hangin at nagsimulang humupa ang tubig. Unti-unting bumaba ang tubig hanggang sumadsad ang daong sa Bundok ng Ararat. Pagkalipas ng apatnapung araw, binuksan ni Noe ang bintana ng daong at pinalipad ang isang uwak ngunit ito’y hindi na nagbalik. Pinalipad niya ang isang kalapati para tingnan kung wala ng tubig. Pagbalik nito, may tangay-tangay na sariwang dahoon ng olibo. Natiyak ni Noe na kati na ang tubig.
Lumabas si Noe, ang kaniyang asawa, mga anak at manugang sa daong. Nagtayo siya ng dambana para sa Diyos. Sinunog niya ang isa sa bawat hayop bilang handog. “Ako’y makikipagkasunduan sa inyo ngayon. Kailanman ay hindi ko na lilipulin sa pamamagitan ng baha ang lahat ng may buhay. Palilitawin ko sa mga ulap ang aking bahaghari bilang palatandaan ng aking pakikipagkasunduan sa inyo. Tuwing magkakaroon ng ulap pagkatapos ng ulan ay lilitaw ang bahaghari. Maaalala ninyo ang aking pangako sa inyo at sa lahat ng hayop. Hindi ko na lilipulin sa pamamagitan ng baha ang lahat ng may buhay,” ang pagwawakas na salita ng Panginoon. Hinango sa Filipino 6 Yaman ng Lahing Kayumanggi pp. 22-23 Pagyamanin Mo Gawin Natin Gagawin ng bawat pangkat ang mga panutong kanilang napili at isusulat sa manila paper para sa pagpapakita sa kamag-aaral. 1. Pangkat 1 – Gumuhit ng isang bilog. Isulat sa loob ng bilog ang pangalan ng pangunahing tauhan sa kwento. Gumuhit ng tatsulok sa ilalim ng bilog. Isulat sa loob ng tatsulok ang bilang ng titik na bumubuo sa pangalan ng tauhan. Pangkat 2 – Isulat huling buwan ng taon at ikulong sa kahon ang unang titik nito. Bilugan naman ang huling titik. Pangkat 3 – Gumuhit ng isang paso na may halamang may tatlong bulaklak at limang dahon. Lagyan ng kuwadro ang iginuhit mong larawan at isulat ang buo mong pangalan sa ilalim ng kuwadro. Gawin Mo Sundin ang ipinapagawa sa bawat bilang. 1. Gumuhit ng parihaba. Isulat sa loob nito ang inisyal ng iyong pangalan.Gumuhit ng isang bilog sa ilalim ng parihaba at isulat sa loob nito ang iyong edad. 2. Gumuhit ng dalawang magkatapat na parihaba. isulat sa dalawang parihaba ang pangalan ng iyong mga magulang. Gumuhit ng puso sa pagitan ng dalawang magkatapat na kahon.
Isaisip Mo Isulat sa kahon ang sagot sa mga tanong na nakasulat sa bawat bilog. Gawin ito sa kuwaderno.
Ano ang panuto?
Ano ang kahalagahan ng pagsunod sa panuto?
Isapuso Mo Sumulat ng isang talata na nagpapakita ng kahalagahan sa pagsunod ng panuto.
Isulat Mo Isagawa ng mga sumusunod na panuto 1. Gumuhit ng isang parisukat. Gumuhit ng puso sa loob nito. Isulat ang pangalan ng iyong paboritong tao sa loob ng puso. 2. Isulat ang pangalan ng iyong tatay sa loob ng parihaba at ang pangalan ng iyong nanay sa loob ng bilog. Gumuhit ng linya mula sa parihaba patungo sa bilog upang pagdikitin ito.
3. Gumuhit ng parihaba. Gumuhit ng tatlong paribilog sa loob nito. Kulayan ang unang paribilog ng asul, pangalawa ng pula at pangatlo ng berde.
4. Gumuhit ng tatsulok. Sa ilalim nito gumuhit ng parisukat . Lagyan ng dalawang guhit na patayo sa ilalim ng parisukat. 5. Isulat sa loob ng parihaba ang pinakagusto mong katangian ng iyong guro. Gumuhit ng isang puso sa bawat kanto ng parihaba.
ARALIN Kontribusyon ng mga Bantog na Pilipino
3
Ating Pahalagahan
Ano ang pandiwa? Ano-ano ang panahunan ng pandiwa? Paano maipagmamalaki ang mga Pilipino na bahagi ng kasaysayan ng ating bansa at ang kanilang kontribusyon sa ating bansa?
Tuklasin Mo
Reus, nakita mo na ba ang napakagandang monumento ni Jose Rizal sa Plasa ng Sta. Cruz, Laguna?
Si Guillermo Tolentino.
Oo, nakita ko na iyon. Sino kaya ang gumawa niyon? Napakaganda, ano!
O, eto ang aklat. Basahin mo ang talambuhay niya.
Basahin Mo Kilalanin natin si Guillermo Tolentino.
Sino siya?
ba
Ang Dakilang Iskultor MARISSA : Nakita mob a ang bantayog ni Andres Bonifacio sa Lungsod ng Caloocan? AURORA: Hindi pa. MARISSA: Alam mo ba kung sino ang gumawa ng bantayog na iyan? AURORA: Hindi. Sino nga ba? MARISSA: Siya si Guillermo Tolentino, ang kilalang “Prinsipe ng mga Manlililokna Pilipino.” AURORA: Bakit siya tinawag na “Prinsipe ng mga Manlililok na Pilipino?” MARISSA: Ganito iyon. Bata pa man siya, mahusay na siyang lumilok. Pinangarap niyang makapag-aral sa Amerika at natupad ang kaniyang pangarap. Dahil sa kaniyang kasipagan at kahusayan sa sining, inirekomenda siya ng Pangulong Wilson sa isang milyonaryong Amerikano, si Bernard Baruch na siyang tumustos sa kaniyang pag-aaral sa Beaux Arts Institute. Pagkatapos niyang makapag-aral sa Estados Unidos, bumalik siya sa Pilipinas at nagtayo siya ng studio. Dito niya pinasimulan ang kaniyang mga malikhaing gawa sa sining na nagbigay sa kaniya ng katawagang “Prinsipe ng mga Manlililok na Pilipino.” AURORA: Napakahusay palang lumilok ni Guillermo Tolentino. MARISSA: Bukod sa monumento ni Bonifacio sa Caloocan at sa Liwasang Bonifacio, bungang isip din ni Tolentino ang Oblation sa Pamantasan ng Pilipinas. Naigawa rin niya ng busto sina Quezon, Laurel, Roxas, at Magsaysay.
Pagyamanin Mo Gawin Ninyo Salungguhitan ang mga pandiwang ginamit sa sanaysay. Isulat ang aspekto o panahunan ng pandiwa.
Si Tandang Sora Ang kasaysayan ng bansa ay hindi kailanman mawawaglit sa alaala. Isa si Mechora Aquino sa nagbigay kaganapan sa isang kasaysayan. Si Melchora Aquino ay kilala rin sa pangalang Tandang Sora.. Matanda na siya noong sumiklab ang himagsikang pinamumunuan ni Andres Bonifacio. Kinupkop niya ang mga Katipunero. Binigyan niya ng pagkain at tirahan ang mga ito. Inalagaan niya ang mga may sakit at sugatan. Lahat ng dumudulog sa munting tahanan ni Tandang Sora ay kanyang pinagyayaman, bata man o matanda, babae man o lalaki. Nalaman ng mga Kastila ang kabutihan ni Tandang Sora, kaya’t siya ay hinuli at ipinatapon sa pulo ng Marianas. Bumalik lamang siya nang ang Pilipinas ay nasa pamamamhala na ng mga Amerikano. Isa siyang matapang na Pilipino. Binabasa ng mga Pilipino ang talambuhay niya at patuloy na babasahin. Babalikan ang isang panahong makasaysayan ng bawat salinlahi. Gawin Mo Punan ng wastong pandiwa ang patlang sa talataan. Isaalang-alang ang iba’t ibang aspekto ng mga pandiwa ayon sa pagkakaganap ng kilos na isinasaad sa bawat pangungusap. Bago pa man (dating) __________ ang mga Español sa bansa, ang ating mga ninuno ay may sariling wikang (gamit) __________. (Sabi) __________ na ang Tagalog ang may pinakamayamang katangian sapagkat nagtataglay ito ng mga katangian ng ibang wika sa daigdig. Kabilang na ang Latin at Kastila. (Lagay) __________na ito ang dahilan kung bakit (pili) _________ batayan ng Wikang Pambansang Tagalog. (Sikap) ___________ ng pamahalaan na (ganap) __________ ang pambansang wika. (Gamit) __________ ito sa iba’ ibang Sangay. Patuloy itong (turo) ___________ sa mga paaralan upang lalo itong mapagyaman. Isaisip Mo
Tandaan • Ang pandiwa ay nagsasaad ng kilos o galaw. • Ang pagbabago ng anyo ng pandiwa ay nasa kanyang panahon kung kailan ito naganap, nagaganap o magaganap. • 1. Naganap o pangnagdaan – natapos na o nagawa na ang kilos. Halimbawa: 1. Binaril si Rizal sa Bagumbayan. 2. Sinulat sa damdaming makabayan ang tula. 2. Nagaganap o pangkasalukuyan – kasalukuyang ginagawa ang kilos. Halimbawa: 1. Binabasa ang Noli at Fili ng mga Filipino. 2. Sinusulat ang kasaysayan ng bawat bayani. 3. Magaganap o panghinaharap – gagawin pa lamang ang kilos. Halimbawa: 1. Babasahin pa ang mga aklat ni Rizal. 2. Isusulit ang bawat kasaysayan. •
Ang salitang-ugat at panlapi kapag pinagsama ay makakabuo bg pawatas. Ang pawata ay binabanghay sa tatlong aspekto ng pandiwa. Halimbawa: panlapi + salitang-ugat um + ulan hin + basa i + sulat Pawatas
Naganap
umulan basahin
umulan binasa
= = = =
pawatas umulan basahin isulat
Nagaganap umuulan binabasa
Magaganap uulan babasahin
Isapuso Mo Sumulat ng isang talata tungkol sa paboritong mong bayani gumamit ng angkop na pandiwa ayon sa panahunan. Isulat Mo Panuto: Gumawa ng dalawang hanay sa sagutang papel: Hanay A at Hanay B. Isulat sa hanay A ang wastong pandiwang dapat sa patlang at sa hanay B ang aspekto ng pandiwang dapat sa patlang at sa hanay B ang aspekto nito.
1. (Gawa) __________ ng ating malikhaing Ifugao ang Hagdan-hagdang palayan sa Banaue. 2. (Tibay) __________ nila ang gilid ng bundok. 3. . (Patag) __________ nila ito upang magawang pinitak na taniman ng palay. 4. Itang daang taon ang pinuhunan ng masisipag nating mga ninuno bago (tapos) _________ ang palayan sa kabundukan. 5. Isa na ito sa kahanga-hangang tanawin sa mundo na (dayo) ___________ ng mga turista.
ARALIN
4
Mga Bidang Pilipino
Paano nabibigyang kahulugan ang mga tambalang salita? Sino-sino ang maituturing mong “bida” sa iyong buhay? Bakit? Paano mo masasabing karapat-dapat silang hangaan?
Tuklasin Mo Sino-sino ang maituturing mong “bida” sa iyong buhay? Bakit? Paano mo masasabing karapat-dapat silang hangaan?
Basahin Mo Ang mga “Bidang” Pilipino “May nababasa tayo tungkol sa mga ‘bidang’ Pilipino sa mga kuwentong-bayan at epiko,” wika ni Ginang Santos. “Sa bawat lalawigan ng Pilipinas ay may mga ‘bida’ tayong kinikilala, ayon sa ating panitikan. Magbigay kayo ng alam ninyong ‘bidang’ Pilipino.”
“Sa Katagalugan po ay kilala si Bernardo Carpio, ang may kahanga-hangang lakas na pumigil sa dalawang nag-uumpugang bato,” sagot ni Adela. “Sa Ilocos po ay kilala si Lam-ang, ang magaling na mandirigma sa epikong Ilocano,” dugtong ni Rodel.
“Sa ating mga kuwentong-bayan, nariyan din po ang diwatang si Maria Makiling,” sabi naman ni Clarissa. “Napabantog siya dahil sa kaniyang kabaitan sa mga mamamayan ng Laguna.” “Sa mga komiks po ay marami ring mga ‘bidang’ Pilipino na nagtataglay ng mga katangiang kahanga-hanga at dapat pamarisan katulad nina Darna, Captain Barbel, at Kapitan Kidlat,” dagdag naman ni Mikko. “Tagapagtanggol po sila ng naaapi at simbolo ng kapayapaan.” Si Dumagit at Diwani naman po ang hari at reyna ng kagubatan at tagapagtanggol ng mga hayop at kalikasan sa mga kuwentong Pilipino natin noong unang panahon,” sabi ni James. “Sa panahon natin ngayon, marami rin pong mga huwarang Pilipino sa tunay na buhay na nakagawa ng kabutihan sa ating bayan at sa kapwa. Nariyan po si Rona Mahilum, ang batang nagligtas ng kaniyang mga kapatid nang sila’y samaing-palad. Niligtas sila ni Rona habang nasusunog ang kanilang tahanan. Sa pangyayari pong ito ay muntik na siyang mamatay,” dagdag ni Cynthia. “Ang mga tapat na taong nagsauli ng mga naiwang salapi at gamit ng iba ay maaaring ituring na huwaran din, di po ba?” tanong ni Rowena. “Tama kayo. Ang mga ‘bidang’ Pilipino ay nagpapakita ng mga katangiang dapat pamarisan. Ano-ano ba ang mga katangian ng ‘bidang’ Pilipino sa ngayon na dapat nating tularan?” tanong ni Ginang Santos. “Isa po ang pagiging tapat kahit sa maliliit na bagay,” sagot ni Rommel. “Ang pagiging mabuting mamamayan ay katangian din po ng isang ‘bidang’ Pilipino. Kasama po rito ang pangangalaga ng ating kalikasan at kapaligiran. Nakatutulong ito upang maging maayos at mapayapa ang buhay natin,” dagdag naman ni Bianca. “Sinisikap ng ‘bidang’ Pilipino na magkaroon ng kontribusyon kahit sa maliit na paraan, sa pagpapanatili ng kapayaan at katiwasayan sa kaniyang paligid. Hindi po siya palaaway,” sabi naman ni Joshua. “Nakatutuwang marinig ang mga katangiang binanggit ninyo. Maaari nating itala at ipaskil ito sa isang lugar sa ating silid para lagi nating maalaala ang mga ito at maging gabay natin sa araw-araw,” sabi ni Ginang Santos. “Kami na po ang magpaplano kung paano namin iaayos ang mga ito sa bulletin board,” ang alok ni Luis. “Magaling. Nakikita ko na ang mga katangian ng ‘bidang’ Pilipino sa inyo,” nakangiting pagtatapos ni Ginang Santos. Halaw sa Kaluskos 4 Tomo 10 Blg. 1 SY 2006–2007
Pagyamanin Mo Gawin Ninyo Pangkatang gawain (Paligsahan) Magsanay sa pagbuo ng mga tambalang salita. Tingnan ang mga larawan, isulat ang nabuong tambalang salita ayon sa kahulugan isinasaad.
bahay
gabi
bungang
aralin
damong
kubo
takdang
bahay
hating
kahoy
kapit
ligaw
Gawin Mo Ano ang kahulugan ng sumusunod na tambalan sa mga pinagsamang salitang-ugat? Pansining may gitling sa may nawawalang salita. Isulat ang sagot sa papel. Tambalan 1. anak-pawis 2. balat-sibuyas 3. likod-bahay 4. likas-yaman 5. agaw-buhay 6. buhay-Maynila 7. isip-bata 8. ayos-dalaga 9. hanap-bahay 10. buhay-binata
Mga Salitang-Ugat anak, pawis
Kahulugan Ipinanganak na mahirap
Isaisip Mo
Ang tambalang salita ay binubuo ng dalawang magkaibang salita na pinag-isa. May mga tambalang salita na pinagdurugtong ng gitling (–) at mayroon din namang hindi ginigitlingan. Mauuri sa dalawa ang anyo ng tambalang salita: 1. literal (hindi ganap) – Nananatili o hindi nagbabago ang kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal. Ang halimbawa nito ay ang salitang kuwentong-bayan . Pagaralan sa ibaba ang iba pang halimbawa ng literal na tambalang salita:
abot-tanaw – naaabot ng tanaw ang isang bagay, tao, o anuman bahay-kalakal – isang bahay o gusali kung saan maaaring ibenta ang mga paninda, kargamento, at iba pa hukbong-sandatahan – pangkalahatang puwersang militar ng isang bansa
2. matalinghaga (ganap) – Nagkakaroon ng panibagong kahulugan ang dalawang salitang pinagtambal. Ang halimbawa nito ay ang salitang samaing-palad . Pag-aralan sa ibaba ang iba pang halimbawa ng matalinghagang tambalang salita: magdilang-anghel – magkatotoo sana kapit-tuko – mahigpit na pagkapit (halimbawa sa posisyon sa gobyerno) matapobre – mapanghamak sa mahirap
Isapuso Mo Bumuo ng pangungusap gamit ang mga sumusunod na tambalang salita. 1. 2. 3. 4. 5.
anak- pawis anak-araw bukang liwayway isip bata sirang plaka
Isulat Mo Panuto: Bilugan ang titik ng angkop na kahulugan ng tambalang sa bawat bilang. 1. bungang-isip a. mula sa bunga ng panaginip b. mula sa bunga ng mga nakikita c. mula sa bunga ng iba’t ibang pangyayari d. mula sa bunga ng iba’t ibang pangyayari 2. nagpakitang-gilas a. ipinakita ang pagiging malikhain b. ipinakita ang katalinuhan c. ipinakita ang pagiging aktibo d. ipinakita ang kahusayan at kakayahan 3. bahay-kubo a. maliit na bahay na gawa sa kawayan at sawali b. maliit na bahay na gawa sa dahon ng saging c. maliit na bahay na gawa sa iba’t ibang kahoy d. maliit na bahay na gawa sa bato 4. kwentong-likha a. mga tinipong kwento b. mga isinulat na kwento c. mga ginupit na kwento d. mga pinagsama-samang kwento 5. kilalang pamilya a. maykaya sa buhay b. sikat sa pamilya c. pamilyang kasama sa pulitika d. malaking pamilya
ARALIN
5
Mundo: Ating Iligtas
Anu- ano ang mga polusyon? Paano natin maililigtas ang ating mundo? Paano ka nakapagbibigay ng hinuha sa isang pangyayari?
Tuklasin Mo Anu- ano ang mga polusyon na nagdudulot ng pagkasira ng mundo?
Iba’t Ibang Polusyon
Basahin Mo Basahin ang lathalain. Iligtas ang Mundo
Paiba-iba ang lagay ng panahon. Sobrang init ang nararanasan ng tao kung tag-araw. Kung minsan naman mababalitaan na may bagyong darating gayong panahon naman ng tagaraw. Kung tag-ulan naman, bihirang umulan. Isinisisi ang pangyayaring ito sa sobrang kapabayaan ng tao sa kapaligiran.
Walang tigil ang tao sa pagtatapon ng basura sa ilog at iba pang anyong tubig. Dahil dito dumudumi ang tubig na nagiging sanhi ng pagkamatay ng mga isda at iba pang lamang-dagat. Idagdag pa rito ang pagkakaroon ng “red tide”.
Ano ang kakainin natin? Maging ang mga estero sa lungsod ay nagbabara. Kaunting ulan lamang ay bumabaha. Maging ang tubig na iniinom ay di na rin ligtas. Maging ang hanging ating nilalanghap sa araw-araw ay marumi na rin. Masangsang ang amoy ng hanging nagmumula sa tabing-ilog at dalampasigan. Ang sobrang kapal at maitim na usok na nagmumula sa mga sasakyan ay nagpapahirap sa mga tao. Tulad din ng walang
tigil na pagbuga ng usok ng mga pabrika na siyang nagpapadilim sa kalangitan. Dahil sa polusyon sa hangin, ang pagdumi ng kapaligiran ay hindi maitatanggi. Isa pang epekto nito ay ang paghina ng ating baga at iba pang sakit na dulot ng maruming hangin.
Ang mga kagubatan ay unti-unting nakakalbo. Walang ingat ang ginawang pagpuputol sa mga puno. Patuloy ang pagsasagawa ng sistemang kaingin. Patuloy ang pagsunog ng mga kainginero sa kagubatan. Ginagawa nila itong lupang mapagtataniman. Unti-unting gumuguho at nawawala ang matabang lupa. Dahil dito wala nang makapitan ang mga ugat ng puno. Ang mga ugat ng puno ang sumisipsip sa tubig sa kabundukan kapag umuulan. Napipigil nito ang pagguho ng lupa at pagbaha sa mababang lugar.
Dapat tayong makiisa sa pagpapanatiling malinis at luntian ng kapaligiran. Labanan ang polusyon sa tubig at hangin. Isipin ang mundo at ang kalagayan ng susunod na salinlahi. Iligtas natin ang ating kalikasan upang matamo ang pinapangarap na mundo sa hinaharap.
Pagyamanin Mo Gawin Ninyo Balikan ang lathalain: “Iligtas ang Mundo!” Basahin ang pangyayari at magbigay ng hinuha tungkol dito. Isulat ito sa iyong sagutang kuwaderno.
Pangyayari
Hinuha
Patuloy na pagtatapon ng basura sa ilog Paglanghap ng makapal at maitim na usok na ibinubuga ng tambutso ng sasakyan Pagpuputol ng puno sa kagubatan Pagbabara ng mga estero Pagbuga ng usok ng mga pabrika Pagkakaroon ng red tide Pagdumi ng tubig na iniinom Pagkakalbo ng kagubatan. Gawin Mo Magbigay ng tig-dadalawang hinuha sa bawat talatang sumusunod at isulat ito sa iyong sagutang kuwaderno. 1. Pinukpok ni Sajid ang bahay-pukyutan. Naglabasan ang malalaking pukyutan. Hinuha 1: _____________________________________ Hinuha 2: _____________________________________ 2. Nakita ni Eli ang makukulay na mga bulaklak sa hardin. Papasok na siya sa paaralan nang umagang yaon. Hinuha 1: _____________________________________ Hinuha 2: _____________________________________ 3. Nalaglagan ng isang subong kanin ang mga langgam sa ilalim ng mesa. Hinuha 1: _____________________________________ Hinuha 2: _____________________________________ 4. Sumakay ang mga sundalo sa helicopter at lumipad ito sa himpapawid. Hinuha 1: _____________________________________ Hinuha 2: _____________________________________ 5. May naiwang bag sa isang tricycle na naglalaman ng maraming pera. Kinuha ito ng tatay mo. Hinuha 1: _____________________________________ Hinuha 2: ______________________
Isaisip Mo Ang pagbibigay hinuha o palagay sa maaaring kahinatnan ng mga pangyayari sa binasa ay isang paraan nang pagsasagawa ng mapanuring pag-unawa.
Isapuso Mo Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng pagmamasalakit sa kapaligiran. Isulat Mo Bumuo ng hinuha sa mga talatang sumusunod at isulat ito sa iyong sagutang papel. 1. Inani na ang mga palay. Tinuyo na ang mga ito at isinilid sa sako ng magsasaka. Hinuha ________________________________________ 2. Dala-dala ang baong pagkain at ilawan, sumakay sa bangka at pumalaot na ang magama. Hinuha ________________________________________ 3. Mahigit tatlumpong mag-aaral sa ika-apat na grado ang sinanay ng kanilang guro sa Musika. Suot na nila ang magara nilang uniporme at sila’y patungo na sa bayan. Hinuha ________________________________________ 4. Nagluto ng mga kakanin ang nanay. Inimbitahan ang mga kapitbahay at lahat ng kalaro at kababata ni Cris. Hinuha ________________________________________ 5. May taling pabigat sa binti ni Aimon at humihiyaw ito sa sakit. Awangawa ang kanyang mga kamag-anak. Hinuha ________________________________________
ARALIN El Niño: Huwag Ipagwalangbahala
6 Ano ang El Niño?
Ano ang problemang dulot ng El Niño? Anu-ano ang mga pangkalahatang sanggunian ang maaring gamitin sa pagtatala ng impormasyon tungkol sa isyu? Tuklasin Mo Alam ninyo ba ang gamit ng bawat aklat na narito sa harapan? Ngayon ituturo ko sa inyo ang gamit ng bawat pangkalahatang sanggunian sa pagtatala ng impormasyon tungkol sa isyu.
Basahin Mo
Basahin ang balita. El Niño ngayong 2015 at 2016 ,sinlakas noong 1997-98, ayon sa PAGASA
“Dapat seryosohin hindi lamang ng national government kundi pati ng mga ordinaryo nating kababayan ang naka-ambang problema dulot ng El Nino Phenomenon”. Yan ang naging babala ni Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Senior Weather Specialist Annaliza Solis
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ng naturang Climatologist na posibleng maranasan ng bansa ang “Strong” El Nino effect na naranasan din ng bansa noong 1997 hanggang 1998. “Base sa aming pag-aaral aabot sa 60% reduction sa ulan ang mararanasan ng malaking bahagi ng Pilipinas umpisa sa huling apat na buwan ng 2015”, ayon kay Solis. Tatamaan ng grabeng tag-init ang Hilagang bahagi ng Luzon particular na ang mga lalawigan ng Ifugao, Cagayan, Ilocos, Isabela at La Union. Sa Visayas Region ay mas mararamdaman ang epekto ng El Nino sa mga lalawigan ng Bohol, Cebu, Samar at Leyte samantalang Sulu, Bukidnon at Misamis Provinces naman sa Mindanao. Ayon kay Solis, “ang El Nino ay isang natural na weather occurrence na nararanasan sa ibatibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng pag-init ng mga tubig sa karagatan at mataas na air pressure”. Ipinaliwanag din ng naturang eksperto na habang mainit ang temperatura sa isang partikular na panig ng mundo ay kakaibang lamig naman ang nararanasan sa kabilang bahagi nito. Ang dapat na paghandaan ng bawat isa ayon kay Solis ay ang inaasahang kakapusan ng supply ng tubig dahil sa matinding init ng panahon. “Ngayon pa lamang ay dapat nang magtipid sa paggamit ng tubig ang bawat isa sa atin dahil inaasahan ang epekto ng El Nino sa bansa hanggang sa ikawalang bahagi ng 2016”, ayon pa kay Solis.
Hango sa: http://radyo.inquirer.net/5862/el-ninongayong-2015-at-2016-sinlakas-noong-1997-98ayon-sa-pag-asa#sthash.E87Xjx5V.dpuf
Ano ang makukuhang impormasyon sa bawat isang pangkalahatang sanggunian? Basahin at alamin ang mga ito.
Pangkalahatang Sanggunian Ang mga Pilipino ay mahilig magbasa at magsaliksik. Hindi tayo tumitigil sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman. Makakatulong ang mga sanggunian sa bawat isa sa atin upang matugunan ang pagkauhaw natin sa kaalaman.
Iba pang maaaring pagkunan ng impormasyon at kaalaman:
Internet – Isang teknolohiyang maaring pagkunan ng maraming kaalaman sa tulong ng network ng mga kompyuter sa buong mundo
Mapa – Isang palapad na drowing ng mundo o ng bahagi nito.
Globo – Isang replika ng mundo
Pagyamanin Mo Sabihin ang pangalan ng pangkalahatang sanggunian aking ipapakita. Sabihin din ang impormasyon makukuha dito.
Isaisip Mo
Isulat sa bilog ang iba’t ibang pangkalahatang sanggunian na napag-aralan.
Pangkalahatang Sanggunian
Isapuso Mo Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng wastong paggamit at pag-iingat sa mga pangkalahatang sanggunian. Isulat Mo Pagtugmain ang impormasyong hinahanap (Hanay A) sa angkop na aklat (Hanay B). Hanay A 1. Ipinakikita rito ang mga anyong-lupa at anyong tubig na matatagpuan sa isang lugar. 2. Nagtataglay ng mga impormasyon tungkol sa mga bagay-bagay at mga artikulo tungkol sa katotohanan. 3. Nagtataglay ng pinakahuling impormasyon tungkol sa mga punto ng kawilihan, mga pangyayari sa isang bansa, palakasan, relihiyon, pulitika at iba pa.
Hanay B a. diksyunaryo b. atlas c. internet
4. Pinagkukunan ng kahulugan, baybay o ispeling. 5. Isang teknolohiyang maaring pagkunan ng maraming kaalaman sa tulong ng network ng mga kompyuter sa buong mundo
d. almanac e. encyclopedia f. mapa
ARALIN Paggamit ng Magagalang na Pananalita sa Pagsasabi ng Ideya sa Isang Isyu
6 Unang Araw
Ikaw ba gumagalang sa mga nakatatanda sa iyo? Sa anong mga paraan mo maipapakita ang pagiging magalang?
Tuklasin Mo Ipapadinig sa inyo ng inyong guro ang isang awitin. Pakinggang maigi. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong. 1. 2. 3. 4.
Ano daw ang kaysarap sabihin at awitin? Alin ang hindi kakalimutan? Ang palaging gagawin? Paano daw magiging masaya ang lahat? Ano daw ang sabi ng Diyos?
Basahin Mo Maraming paraan ang pagpapakita ng paggalang. Ito ay ginagamit sa iba’t ibang pagkakataon tulad ng pagbati, pagtatanong, paghingi ng pahintulot, at iba pa. Basahin ng klase ang akda. Katangi-tanging Ugali I Ugaling kayganda na ating minana Paggalang sa kapwa Lalo na’t matanda. II Salitang magalang Turo ng magulang Bigkasin ang po at opo Saanman mapadako. III Maraming salamat Puwedeng makiraan Gamitin tuwina Sa kapuwa man bata. IV Dapat nating igalang Itong kaugalian Tradisyon, kultura At sagisag ng bansa. V Igalang din naman Alaalang naiwan Nitong mga bayani Dangal nitong lahi. VI Respeto po lamang Ang kailangan Upang bawat isa Tunay na magkaisa. VII Gulo’y maiiwasan Kung iginagalang Ang karapatan Nitong mamamayan. VIII Kung madla’y magalang Walang alinlangan Mga kapayapaan Uunlad ang bayan.
Sanggunian: Buklod 2, pahina 26 --- 27, Nina Carmelita B. Dizon at Liza M. Dem
Pagyamanin Natin Ang Mga Magagalang na Salita Ang pagpapakilala ay isang paraan ng pagkakaroon ng maraming kakilala at kaibigan. Isa pa rito, ito ay isa sa mga paraan kung saan maipakita mo ang wastong paggamit ng magagalang na pananalita sa pagpapakilala ng iyong sarili sa ibang tao. Pag-usapan sa klase ang mga naunawaan nila sa narinig o binasa. a. Ipasagot ang mga tanong. o Anong magandang ugali ang ating minana sa ating mga ninuno? o Ano ang itinuturo ng mga magulang sa anak? o Sino-sino ang ating dapat igalang? o Ano-ano ang bagay na dapat igalang? o Bakit dapat tayong maging magalang? b. Ano kaya ang maaaring mangyari kung: o Hindi tayo gagamit ng po at opo sa pakikipag-usap sa mga nakatatanda o awtoridad? o Hindi natin igagalang ang kaugalian, tradisyon at gawain ng mga Pilipino? o Patuloy nating igagalang ang ala-ala ng ating mga bayani? o Irerespesto natin ang bawat isa. Pagpangkat-pangkatin ang klase sa apat na grupo. Magsasadula sila ng mga sitwasyon na nagpapakita ng wastong paggamit ng magagalang na salita sa mga tao base sa isang isyu. Isaisip Mo
Isapuso Mo
Isulat Mo
Matapos nating mapagaralan ang mga magagalang na pananalita. Paano mo maipapakita ang magalang na pananalita sa pagsasabi ng ideya sa isang isyu?
ARALIN Paggamit ng Pang-uri sa Paglalarawan sa Pamayanang Kinabibilangan
6
Pagbibigay Kahulugan ng Salitang Pamilyar at Di-Pamilyar na Salita sa Pamamagitan ng Paglalarawan
Ikalawang Araw
Ano-anong lugar sa inyo ang pwedeng pasyalan? Anong mga salita ang gagamitin upang makapaglarawan? Paano makatutulong ang paglalarawan sa pagbibigay kahulugan sa mga salitang pamilyar at di-pamilyar?
Tuklasin Mo
Ilarawan ang mga nakikita mo sa larawang ito? Ibigay sa iyong guro ang iyong sagot. Basahin Mo Basahin nang tahimik ang kuwento.
Ang Pista sa Aming Bayan Mayo na naman at malapit na ang pagdiriwang n gaming kapistahan. Marami na ang naghahanda sa pagsapit nito. Nagsisimula na silang magsabit ng makikinang at iba’t-ibang kulay na mga banderitas. Sa gabi ay may mga Santacruzan na inaabangan ng lahat. Tampok ditto ang mga naggagandahang kababaihan at ang pinakamaganda ay Reyna Elena. Sa araw naman ng kapistahan, madaling araw pa lamang ay may musikong naglalakad at umiikot sa kabayanan habang tumutugtog na animo’y nanggigising at nagsasabing magdiwang na tayo. Mayroon din karnibal sa amin. Dito ay may ruweda, tsubibo, merry-go-round, bump-car at iba pa. May mga palaro rin ditto, kung saan mapapanalunan ay mga laruan o kaya’y pagkain.
May mga nagtitinda rin ng palamig para sa mga nagsasayang nauuhaw, o kaya’y popcorn, hotdog, at fishballs para sa mga nagugutom. Sa kapistahan ay maraming paligsahan. Isa na rito ay ang paghahanap ng pinakamagandang dalaga sa aming lugar. Magpapaligsahan ang bawat musa ng bawat barangay. Ang mananalo ay may gantimpala at ipaparada sa araw ng kapistahan. Mayroon pang paligsahan sa pagalingan ng pagsayaw at pagkanta, pabilisang tumakbo na pinakamarami ang sumasali, kasama na ako. Sabik na sabik na ako sa parating na pagdiriwang na ito, sana masaksihan din ninyo. Magbigay ng mga salita sa kuwento ng pang-uring nagbibigay katangian o larawan sa hitsura, ugali, kulay, hugis, amoy, lasa at tunog ng isang pangngalan o panghalip. Pang-uring Panlarawan Ang pang-uring panlarawan ay salitang naglalarawan sa laki, taas, kulay, hugis, katangian, at iba pang tao, bagay, hayop, pook o pangyayari, Halimbawa: Maputi at makinis ang kaniyang kutis. Makulay ang kanilang bahay. Ang klima sa Baguio ay malamig. Pagyamanin Natin Gawin Natin Lagyan ng dalawang angkop na pang-uri ang bawat pangngalang nakalarawan.
1.
2.
3.
Isaisip Mo Mas madali nating malalaman ang mga salitang pamilyar at di-pamilyar sa pamamagitan ng paglalarawan. Halimbawa: Pamilyar na Salita Tradisyon na ng aming pamilya na magsama-sama tuwing mayroong may kaarawan. a. Kinagawian b. Batas c. Naisip
Di-Pamilyar na Salita
Siya ang aking katuwang sa mga gawaing-bahay. a. Taong kasama o katulong b. Taong kaaway c. Taong hindi naniniwala sa iyong sinasabi d. Taong palaging nakasunod sa iyo Isapuso Mo Lagyan ng
ang patlang kung ang pahayag ay katotohanan at
kung opinyon.
_____ 1. Ang Laguna ay kabilang sa Region IV-A. _____ 2. Ang lahat ng nakapaloob sa pamayanan ay dapat magtulong-tulong upang maging maunlad ito.
_____ 3. Sa kultura ng mag-anak na Pilipino, bihira ang naninigarilyo. _____ 4. May batas na nagbabawal ng pagkakalat sa anumang pampublikong lugar. _____ 5. Ang Pilipinas ay kabilang sa kontinente ng Asya. Isulat Mo
Ikaw naman ang sumulat ng talata. Pagbalik-aralan ang natutuhan mo sa pagsulat ng talata, sa gamit ng malalaking titik at angkop na bantas sa hulihan ng mga pangungusap. Pumili ng isang pagdiriwang na inilalarawan.
Simbang Gabi
Anilag Festival
ARALIN Simbang Gabi
6 Ikatlong Araw
Tuklasin Mo
Anilag Festival Pagsagot sa mga Tanong sa Binasang Journal Pagtatala ng mga Impormasyon Mula sa Binasang Teksto
Paano ba madaling masagot ang mga tanong tungkol sa binasang journal? Ano-ano ang mga impormasyong dapat itala mula sa binasang teksto?
Magbigay ng limang salitang maaari mong iugnay sa larawan.Isulat ang iyong sagot sa ibaba.
Basahin Mo Narito ang isang Journal ni Tanya. Basahin ng tahimik at sagutan ang mga tanong na nasa ibaba.
Ang diyornal ay isang talaan ng mga pansariling gawain, mga repleksyon, mga naiisip at nadarama at kung anu-ano pa. Sagutin ang mga sumusunod na tanong: 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8.
Tungkol saan ang journal? Ano ang kaniyang ginawa sa unang araw ng journal? Sa pagbabasa, pagsusulat, at pagsasalita? Bakit sa palagay mo mahalaga sa kaniya ang matuto ng Filipino? Anong ginawa niya sa day 2? Ano ang kaniyang ginawa upang maresolba ang kaniyang mga suliranin? Ano-ano ang iyong mapapansin sa journal? Bakit mahalaga na may petsang nakalagay sa journal?
Pagyamanin Natin
Bumuo ng limang pangkat. Base sa iyong nabasang journal. Itala ang mga mahahalagang impormasyon mula dito. Pangkat I – Day 1, una at pangalawang talata. Pangkat 2 – Day 1, pangatlo hanggang panglimang talata. Pangkat 3 – Day 2, unang talata Pangkat 4 – Day 2, pangalawang talata Pangkat 5 – Day 2, pangatlong talata Isaisip Mo Sampung dahilan ng pagtatago ng journal. 1. Isang “travelogue” 2. Talaan ng mga panaginip 3. Isang “logbook” 4. Isang aklat ng kaisipan 5. Kwaderno sa pagplano 6. Batayan / Paraan ng malikhaing Gawain 7. Imbentaryong eklektik 8. Tagatago ng koleksyon 9. “Memoir” 10. Isang uri ng pakikipag-usap sa sarili Ang pagsulat ng journal ay walang sinusunod na anumang pisikal na kaanyuan. Hindi din kinakailangang nakatapos ng digri. Kahit anong oras o kahit saan ay pwede mo itong gawin. Walang sukat na dapat sundin at walang kailangang istilo. Isapuso Mo Lagyan ng tsek ( ) ang patlang kung ang isinasaad ng pangungusap ay naayon sa tamang pagsulat ng isang journal. Ekis ( ) kung hindi. ______ 1. Maaari mong isulat ang lahat na naisin mo. ______ 2. Hindi nararapat na ipabasa ang iyong journal kaninuman. ______ 3. Dapat ay nakatapos ng pag-aaral ang isang gagawa ng journal. ______ 4. Ang isang gumagawa ng journal ay maaari ring tawaging manunulat. ______ 5. Ang journal ay pang-araw-araw na talaan ng mga pangyayari sa iyong buhay. Isulat Mo
Gumawa ng isang journal.
ARALIN
6 Ikaapat na Araw
Tuklasin Mo
Pagsulat ng Pagsasalaysay
Mahilig ka bang magsulat? Ano ang pagsasalaysay?
Isulat sa bilog ang sagot sa mga pangungusap na nasa kanan.
1. Ito ay isinusuot ng mga boksingero sa kanilang mga kamay.
2. Huling boksingerong nakalaban ni Manny Pacquiao
3. Coach ni Manny Pacquiao.
4. Posisyon sa gobyerno ni Pacquiao.
5. Ilan ang anak niya.
Basahin Mo
Manny Paquiao Si Manny Paquiao ay ipinanganak noong ika-17 ng Disyembre taong 1978 sa Kibane, Bukidnon, Mindanao. Ang buong pangalan ni Manny ay Emmanuel Dapidran Pacquiao. Siya ang kauna-unahang Asyano na nagkamit na ng apat ng World Titles sa larangan ng Boksing sa iba’t-ibang Weight Divisions. Ang una sa pagiging IBF Super Bantamweight Champion noong ika-23 ng Hunyo, 2001. Ang pangalawa ay ang pagkamit niya ng karangalan bilang Ring Magazines Feather Weight Champion nang matalo niya si Marco Antonio Barrera. Ang pangatlo ay nakamit niya ng mapatumba si Juan Manuel Marquez at makamit ang Boxing Federation (WBA)at International Boxing Federation (IBF) Feather Weight Titles. Nito lamang ika-28 ng Hunyo, 2008 ay nakamit niya ang Ikaapat na World Title nang natalo niya si David Diaz sa ikasiyam na round ng kanilang laro. Nakamit niya ang WBC Light Weight Belt. Ngayon si Manny ay tinanghal ng bayani ng mga Pilipino. Ipinagmamalaki ng mga Pinoy ang tagumpay ni Manny sa larangan ng boksing. Tuwing umuuwi si Manny sa Pilipinas pagkatapos ng bawat laban ay sinasalubong siya ng libu-libong tagahanga.
Punan ang bawat patlang sa pangungusap. 1. 2. 3. 4. 5.
Si Manny Pacquiao ay ipinanganak noong __________________________. Ipinanganak siya sa Kibane, _____________________________________. Ang buo niyang pangalan ay _____________________________________. SIya ang kauna-unahang Asyano na nagkamit ng ______________________________. Ang mga ito ay a. ____________________________________________ b. ____________________________________________ c. ____________________________________________ d. ____________________________________________ 6. Kailan niya nakamit ang unang karangalan? ________________________ 7. Sino ang nakalaban niya nang makamit ang pangalawang World Title? ____________________________________________________________ 8. Anong karangalan ang nakamit niya nang matalo si Juan Manuel Marquez? ____________________________________________________________ 9. Pang-ilang round niya natalo si Diaz? ______________________________ 10. Si Manny ay kinikilala na ng mga Pilipino na _________________________.
Sining ng Pagsasalaysay Pagsasalaysay Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay. katulad ito ng pagkukwento ng mga kawil-kawil na pangyayari, pasulat man o pasalita. Itinuturing ito na pinakamasining,pinakatanyag at tampok na paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uring pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat; epiko at mga kwentong bayan. . Katangiang Dapat Taglayin ng Salaysay 1. Ang pamagat ay maikli, orihinal, kapana-panabik at napapanahon 2. Mahalaga ang paksa o diwa 3. Maayos at di - maligoy ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari 4. Kaakit-akit na simula«Kasiya-siyang wakas Pagyamanin Natin Igrupo ang mga mag-aaral sa lima. Ipakita ang iba pang mga ginagawa ni Manny Pacquiao bilang: Pangkat 1 – Boksingero Pangkat 2 – Mambabatas Pangkat 3 – Basketball player Pangkat 4 – Ama Pangkat 5 - Manananampalataya Gawin Natin Kumuha ng isang kapareha. Mag-usap kung ano ang inyong nais isulat na salaysay. Dapat ay masunod ang mga katangiang dapat taglayin ng salaysay. Isapuso Mo Iguhit ang
kung ang pangungusap ay tama at
kung ito ay mali.
1. Matutupad ang ating pangarap kung tayo ay magsisikap na gawin ang lahat para sa ating ikatatagumpay. 2. Pag-aralan ang isang bagay na alam nating makatutulong para sa ating ikauunlad.
3. Walang lugar ang tamad sa taong may magandang hinahangad sa buhay. 4. Magdasal ka lamang ay magtatagumpay ka na. 5. Kung ang lahat ng tao ay may alam tungkol sa wastong nutrisyon at ito ay ginagamit sa pang araw-araw na buhay lahat tayo ay magiging malusog at masigla. Isulat Mo
Magbibigay ang guro ng isang babasahin. Isulat ito ng pasalaysay. Maaaring Makagawa ka ng lima hanggang walong pangungusap.
Aralin
3
Mahahalagang Pangyayari sa Nabasang Talaarawan/Talambuhay
Mahahalagang Tanong: Paano natutukoy ang mahahalagang pangyayari sa nabasang talaarawan/talambuhay?
TUKLASIN MO
Tanong: 1. Kilala mo ba ang taong nasa larawan? 2. Paano mo sya nakilala? Anong larangan ng isport siya nakilala? 3. Ano ang kanyang mahalagang ambag sa ating kasaysayan? BASAHIN MO Basahin ang Talambuhay ni Manny Pacquiao. MANNY “Pacman” PACQUIAO (Talambuhay) Si Emmanuel Dapidran Pacquiao o mas kilala bilang Manny Pacquiao ay ipinanganak noong December 17, 1978 mula sa Kibawe, Bukidnon. Ang kanyang mga magulang ay sina Rosalio Pacquiao at Dionesia Dapidran-Pacquiao. Ang kanyang mga magulang ay naghiwalay noong siya ay nasa ika-anim na baitang pa lamang dahil nalaman ng kanyang ina na may ibang babae ang kanyang ama. Si Manny ay pang-apat sa anim na magkakapatid na binubuo nina: Liza Silvestre-Onding and Domingo Silvestre (mula sa unang asawa ng kanyang ina) and Isidra Pacquiao-Paglinawan, Alberto "Bobby" Pacquiao and Rogelio Pacquiao. Nakumpleto niya ang kanyang edukasyong pang-elementarya sa Saavedra Saway Elementary School sa General Santos City, pero iniwan niya ang high school dahil sa matinding kahirapan. Iniwan ang kanyang tahanan sa edad na 14 dahil sa ina na hindi
magawang sapat ang pera para suportahan ang kanyang pamilya. Noong 1995, ang pagkamatay ng kanyang minimithi at malapit na kaibigan na si Eugene Barutag ay ang nag-udyok sa kanya, noong binatilyo, para ipagpatuloy ang kanyang propesyonal na karerang boksing. Ikinasal si Manny Pacquaio kay Maria Geraldine Jamora o mas kilala bilang “Jinkee” noong Enero 10, 2000 at biniyayaan ng limang supling: sina Jimuel, Michael, Princess, Queen Elizabeth at Israel. Si Manny at ang kanyang pamilya ay nakatira sa kanilang probinsya sa General Santos City, South Cotabato, Philippines. Ngunit dahil si Pacquiao ay naging kongresman ng kanilang distrito sa Sarangani, tumutuloy siya ngayon sa Kiamba, Sarangani, na bayan ng kanyang asawang si Jinkee. Si Pacquiao ay kilala sa buong mundo sa larangan ng boksing at may titulong Kampeon ng IBO World Junior Welterweight, Kampeon ng WBC World Lightweight, Kampeon ng The Ring World Junior Lightweight, Kampeon ng WBC World Super Featherweight, Kampeon ng The Ring World Featherweight, Kampeon ng IBF World Junior Featherweight at Kampepn ng WBC World Flyweight. Siya din ay isang WBC Emeritus Champion, WBC Diamond Champion at WBO Super Champion. Binansagan si Pacquiao ng "Fighter of the Decade" noong dekada 2000 ng Boxing Writers Association of America (BWAA), World Boxing Council (WBC) at World Boxing Organization (WBO). Siya rin ay tatlong beses naging "Fighter of the Year" sa mga taong 2006, 2008 at 2009 ng The Ring at BWAAA. Best Fighter ESPY Award rin sya noong 2009 at 2011 PAGYAMANIN NATIN GAWIN NINYO Sagutin ang mga sumusunod na tanong: a. Tungkol kanino ang Talambuhay na binasa? b. Kailan at saan siya ipinanganak? c. Sino ang kanyang naging asawa? Kailan sila ikinasal? d. Ano ang kanyang ginawa noong siya ay nasa edad na 14? e. Ano ang napakahalagang pangyayari sa buhay nya noong 1995? GAWIN MO Sa nabasang talambuhay ni Manny Pacquiao, isagawa ang mga sumusunod: a. Itala ang mahahalagang taon sa buhay ni Pacquiao. b. Kasabay ng pagtatala ng mga taon, isulat rin ang pangyayaring naganap c. Bakit mahalaga ang petsa sa talaarawan/ talambuhay?
ISAISIP MO Upang mahango ang mahahalagang pangyayari sa talaarawan o talambuhay ng isang tao, mahalagang pansinin ang pagkakasunud-sunod at pagkakaayos ng mga pangyayari. Ang petsa sa isang talaarawa o talambuhay ay napakahalaga kung kaya isa sa mga hudyat ng mahalagang bahagi ay may taon o eksaktong petsa ng pangyayari.
ISAPUSO MO A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong: a. Paano natutukoy ang mahahalagang pangyayari sa nabasang talaarawan/talambuhay? b. Bakit mahalaga ang petsa sa isang talaarawan/talambuhay? c. Nakaranas ka na bang sumulat ng sarili mong talaarawan? d. May mahalagang pangyayari ba sa iyong buhay na hinding hindi mo malilimutan? e. Mayroon ka bang sarili mong talaarawan (diary)? Ano ang iyong nararamdaman kapag naaalala mo ang mahahalagang pangyayari sa iyong buhay? B. Isulat ang iyong sariling talambuhay. Itala ang mga di malilimutang pangyayari. ISULAT MO Isulat ang mahahalagang pangyayari sa buhay ni Jose Corazon De Jesus. Si Jose Corazon de Jesus ay isinilang sa Sta. Cruz , Manila noong Nobyembre 22, 1896 na anak nina Vicente de Jesus, ang unang direktor ng kagawaran ng kalusugan ng pamahalaang Amerikano sa Pilipinas, at Susana Cruz ng Pampanga. Bininyagan siyang Jose Cecilio de Jesus ngunit pinalitan niya ang Cecilio ng Corazon (puso sa Español) dahil iyon daw ang tumutugma sa kanyang katauhan. Lumaki si De Jesus sa bayan ng kanyang ama, sa Santa Maria, Bulacan. Nag-aral siya sa nasirang Liceo de Manila kung saan siya nagtapos noong 1915. Ang una niyang tula na nailimbag ay ang Pangungulila na lumabas noong 1913 sa nasirang Ang Mithi noong siya ay 17 taong gulang. Noong 1918, nakuha niya ang kanyang batsilyer ng batas mula sa nasirang Academia de Vera ngunit hindi niya pinagpatuloy ang kanyang pagiging abogado dahil abala na siya sa pagsulat ng isang kolum ng mga tula sa pahayagang Tagalog
na Taliba. Ang kolum ay tinawag na Buhay Cavite na isinulat niya sa pangalangpluma na Huseng Batute. Sa pamamagitan ng kanyang kolum, pinuna ni De Jesus ang lipunan sa ilalim ng mga mananakop na Amerikano at pinalaganap niya ang mithiin ng kasarinlan ng Pilipinas na noo'y isang commonwealth sa ilalim ng pamahalaang Estados Unidas. May mga 4,000 tula siyang naisulat sa kanyang kolum na Buhay Cavite. Sumulat din siya ng mga 800 kolum na pinamagatang Ang Lagot na Bagting. Paborito niyang pangalang-pluma ang Huseng Batute ngunit sumulat din siya sa ilalim ng mga pangalang Pusong Hapis, Paruparu, Pepito Matimtiman, Mahirap Dahong
Kusa, Paruparong
Salagubang at Tubig Lily'
Alitaptap,Amado
Viterbi, Elyas, Anastacio
Aralin
Bar Graph
4
Mahahalagang Tanong: Ano ang bar graph? Paano binabasa ang bar graph? Bakit mahalaga ang paggamit nito?
TUKLASIN MO
Bilang ng Nabasang Libro sa Loob ng Isang Buwan Librong nabasa
9 8 7 6 5 4
8
3
7
6
2
4
4
1 0 Juan
Marko
Maria
Celso
Pedro
Series 1 ngColumn1 Pangalan mag-aaral
Tanong:
1. Ano ang masasabi mo sa larawang nasa taas? 2. Ilarawan ito. Alam mo ba kung ano ang tawag dito? 3. Ano ang nakasaad sa graph na iyan?
BASAHIN MO Basahin ang maikling sitwasyon ng isang estudyanteng nangangailangan ng tulong mo. Isang estudyante si Nonoy, nais nyang malaman ang galaw ng populasyon kung kaya’t siya ay nagsagawa ng isang pag-aaral tungkol sa populasyon ng kanilang baryo, baryo Magalang. Napag-alaman nya na noong taong 2000, ang populasyon sa kanilang lugar ay nasa 1, 200 lamang. Taong 2005, nakalap nya ang datos na 2,000 na katao. Taong 2009 ay lumobo ng 3,800 at taong 2014, ang populasyon sa kanilang baryo ay nagging 4, 200 na. Nais itong gawan ni Nonoy ng biswal na representasyon sa tulong ng bar graph. Paano kaya niya ito gagawin?
PAGYAMANIN NATIN GAWIN NINYO Pangkatang Gawain. Tulungan si Nonoy sa kanyang problema. Magtulong-tulong kung paano ninyo magagawan ng bar graph ang mga datos o impormasyong kanyang nakuha.
Porsyento ng proyektong tapos na
GAWIN MO Pag-aralan ang bar graph. Sagutin ang mga tanong: Mga Proyekto ng Barangay Mabait 100% 90% 80% 70% 60% 50% 40% 1
2
3
4
5
6
7
8
Purok 1. Aling purok ang may pinakamaraming proyekto nagawa? 2. Aling mga purok ang may magkatulad na proyektong nagawa? 3. Aling purok ang may 60 % porsyentong nagawa? 4. Aling purok ang malapit nang pumantay sa unang may pinakamaraming proyektong nagawa? 5. Aling purok ang may 100% na proyektong nagawa?
ISAISIP MO Ang bar graph ay representasyon ng mahahalagang tala. Sa grap ay nakikita ang mabilis na pag-unlad ng produkto o anumang kauri nito. Ginagamit rin ito sa paghahambing o pagpapakita ng kalakaran ng sukat. Panuto sa pagbasa ng bar graph. 1. Alamin sa pamagat ng bar graph kung saan tungkol ang mga datos. 2.Suriing kung anong datos ang nakalagay sa kaliwa at baba ng grap. 3.Mapapansin na ang datos ay nakaayos mula pinakamababa hanggang pinakamataas. 4.Tingnan ang pinakamataas at pinakamababa na bar sa grap, ito ang magpapatunay ng resulta.
ISAPUSO MO Lagyan ng T kung tama ang mga sumusunod tungkol sa bar graph at M kung mali. ____ 1. Ang bar graph ay pabilog na representasyon ng mahahalagang tala. ____ 2. Kung gagawa ng sariling bar graph, dapat lamang na umpisa sa mababang bilang o halaga ang nasa ibaba sa kaliwa pataas. ____ 3. Hindi mahalaga ang pamagat ng bar graph. ____ 4. Maaaring gumawa ng bar graph kahit walang datos sa kaliwa. ____ 5. Mahalaga ang bawat detalye sa bar graph.
ISULAT MO Gawan ng sariling bar graph ang mga sumusunod na datos tungkol sa bilang ng mag-aaral sa Sta. Isabela Elementary School. Baitang 1 – 100 Baitang 2 – 105 Baitang 3 – 90 Baitang 4 – 115 Baitang 5 – 105 Baitang 6 – 120
Aralin
5
Pagsulat sa Buod ng Napanood na Palabas
Mahahalagang Tanong: Paano magbuod ng isang napanood na palabas? Anu-ano ang mga dapat tandaan sa pagbubuod ng napanood na palabas?
TUKLASIN MO
Tanong:
a. Anong palabas ang gusting-gusto mo? b. Mahilig ka bang magkwento sa iyong mga kaibigan? c. Naikwento mo na ba sa iba ang mgapangyayari sa paborito mong palabas?
BASAHIN MO “Ang pagiging mainggitin ay hindi magbubunga ng mabuti”
PAGYAMANIN NATIN GAWIN NINYO Panoorin ang kwentong “Nang Mainggit si Kikang Kalabaw” Pagkatapos mapanood ang kwento, ipakwentong muli sa buong klase ang napanood na palabas. Magdugsungan ng pangungusap. Bigyan ng umpisa ang pagbubuod ng buong klase.
GAWIN MO Sagutin ang mga sumusunod na tanong: a. Tungkol saan ang kwento? b. Katulad ka rin ba ni Kikang? c. Bilang isang kalabaw, tama ba ang mainggit sya sa isang aso? Bakit? d. Kung ikaw si Kikang kalabaw, ano ang gagawin mo? e. Kung ikaw si Mang Donato, ano ang gagawin mo?
ISAISIP MO Ang buod ay ang pagsulat o pagsasalaysay muli sa isang akda, narinig, nabasa o napanood sa maikling paraan na ginagamitan ng sariling pananalita. Ito ay maikli ngunit malaman at nagpapahayag ng pinakadiwa nito. Ito ay hindi nagtatagalay ng pansariling opinyon. Mga dapat tandaan sa pagbubuod ng napanood na palabas: 1. Pakinggan o panuoring mabuti ang palabas. 2. Habang nakikinig o nanonood ay itala ang mahahalagang bahagi o pangyayari at suriin ito. 3. Isulat ang natirang puntos sa sariling pangungusap. Huwag magsasama ng pansariling opinyon. 4. Palitan ang bahagi o pananalitang maaaring magpahaba o magpawalang linaw. 5. Tingnan kung ayon sa orhinal ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya. 6. Basahing muli upang lalo pang maiklian. 7.
ISAPUSO MO A. Lagyan ng tsek () ang pangungusap na nagpapakita ng wastong paguugali at ekis () kung hindi. ____ 1. Sobra ang pagkainggit ni Kika kay Basyo kung kaya’t ginaya nya ito ____ 2. Inaalagaan ni Mang Donato ang kanyang mga alagang hayop. ____ 3. Pinagalitan ng katiwala ni Mang Donato at pinagpapalo pa. ____ 4. Si Kika ay masipag, tumutulong sa pagsasaka. ____ 5. Nakikipaglaro si Mang Donato sa kanyang mga alagang hayop. B. Isulat ang buod ng kwentong “Nang Mainggit si Kikang Kalabaw”. Ididikta ito ng guro, isulat ito ng may wastong baybay ng mga salita at tamang gamit ng mga bantas. (Kwaderno)
ISULAT MO Panoorin ang kwentong “Ang sapatos ni Mommy” Isulat sa kwaderno ang sariling pabubuod sa kwentong ito.
Aralin
Pagsasalaysay muli ng Napakinggang Teksto
1
Mahahalagang Tanong: Anu-ano ang mga pamamaraan upang medaling maisalaysay muli ang napakinggang tekxto sa tulong ng mga pangungusap?
TUKLASIN MO
Tanong:
a. Kilala mo ba ang nasa larawan? b. Ano ang mahalagang papel nya sa ating kasaysayan? c. Ninais mo bang maging isang manunulat baling araw?
BASAHIN MO Pakinggan ang guro sa babasahin nyang teksto. Makinig mabuti upang masagot ang mga itanong.
PAGYAMANIN NATIN GAWIN NINYO Sa napakinggang teksto o sanaysay na binasa ng guro, sagutin ang mga sumusunod na katanungan: a. Sino si Marcelo H. Del Pilar? b. Ano ang kanyang propesyon? c. Ano sa tingin moa ng nabanggit na La Solidaridad?
d. Sa tingin mo, bakit sya kilala sa pagsulat? e. Ano ang dahilan ng kanyang pagkamatay? GAWIN MO Sa inyong narinig na teksto. Bumuo ng mga pangungusap ayon sa iyong pagkakaintindi sa binasa ng guro at isalaysay ito sa klase.
ISAISIP MO Masasalaysay mong muli ang napakinggang teksto sa tulong ng mga pangungusap. Talasan ang pandinig at ituon ang buong atensyon sa nagsasalita. Kung maari ay sikaping maibalangkas o maibuod ang pinakikinggan.
8.
ISAPUSO MO Makinig muli sa guro para sa isa pang tekstong babasahin. Tandaan ang mga pamamaraan upang maisalaysay mapapakinggang teksto. Isalaysay muli ang napakinggang teksto.
muli
ang
ISULAT MO (Pasalita) Pakinggang muli ang guro. Isalaysay muli ang mapapakinggang teksto sa tulong ng mga pangungusap
8
2ND QUARTER / LM
Nagagamit ang Pang-uri sa paglalarawan ng magagandang tanawin sa pamayanan.
Anu-anong magagandang tanawin ang napuntahan mo na? Kaya mo ba ilarawan ang mga ito? Ano ang mga gamit ng Pang-uri?
Tuklasin Mo Panuto: Anong mga magagandang tanawin ang makikita sa inyong pamayanan? Ilarawan ang mga ito. Sumulat ng pangungusap na naglalarawan sa mga magagandang tanawin sa inyong lugar o pamayanan.
Basahin Mo Basahin mabuti ang alamat ng bundok ng Tsokolate. Sagutin ang mga tanong kaugnay sa alamat na babasahin. Tanong: Ano ang pamagat ng maikling alamat na inyong binasa? Saan matatagpuan ang bundok ng mga tsokolate? Paano/saan nagsimula ang pagkakaroon ng bundok ng mga tsokolate? Ilarawan ang kagandahan taglay ng tsokolate hills.. Alamat ng Bundok ng Tsokolate
Ang mga bundok ng mga tsokolate ay matatagpuan sa pulo ng Bohol sa Kabisayaan. Ito ay isa sa mga magagandang tanawin na dinarayo ng mga banyangang pumupunta sa ating bansa. Basahin natin kung paano at kung saan nagmula ang mga bundok na ito. Noong unang panahon sa pulo ng Bohol, ang lupa ay tigang. Namimitak ang bukirin kapag taginit. Kung tag-ulan nama`y putikan ito. Sa tagsibol lamang lumalamig sa paningin mula sa mga tanim na palay ng mga luntian dahon nito. Ayon sa mga ninuno natin, sa magkabilang ibayo ng pulo ay may nakatirang higante. Ang isa ay taga timog at ang isa ay taga hilaga. Sa di inaasahang pagkakataon ang dalawa ay nagkatagpo. Ang mga tao ay nangatakot at lumisan. Nagtungo sila sa ibang dako ng pulo. Ang higanteng taga timog ay nagwika, "Hoy! Higanteng bubo, Akin ang lugar na ito". "Humanap ka ng sariling lupain mo" Sumagot ang higanteng taga hilaga. "Hindi maari! Ako ang nauna sa lugar naito", "Kung gusto mo, ikaw ang umalis". "Hindi ako makapapayag!", sagot ng higanteng timog sabay padyad. Yumanig ang buong lupa. "Lalo nanam ako!" patalon na sigaw ng higanteng hilaga. Nagpalitan sila ng matitigas at magagaspang na salita. Walang ibig sumuko. Dahil katatapos lamang ng ulan noon ang lupa ay malambot. Dumampot ng lupa si higanteng hilaga at binato si higanteng timog. Gumanti si higanteng timog. Gumawa ng bolang putik at ibinato rin nito. Bakbakan umaatikabo! ! Wala sa dalawa ang gustong sumuko. Patuloy ang pagbabatuhan nila hanggang isa man sa kanila ay hindi makaagapay sa pagod at kapinsalaan. Kapwa natimbuwang ng wala ng buhay. Ang naiwanan nila ay ang mga tumpok-tumpok ng mga bolang putik na pinagbabato nila. Ito ay naging bulubundukin na kapag tag-araw ay animo`y tumpok-tumpok ng mga tsokolate kapag pinagmamasdan mula sa himpapawid. Ngunit kung tag-ulan naman ay bulubunduking luntian na kaayaayang pagmasdan. Bakit tinawag na bundok ng mga tsokolate? Kung tag-init ang mga damo ay natutuyo at ang lupa ay tigang. Unang patak ng ulan, bago tumubo ang mga damo, ang lupa ay nagiging putik na animo`y tsokolateng natutunaw.
Pagyamanin Mo Panuto: Bilugan ang salitang panglarawan na ginagamit sa pangungusap. Lagyan ng star sa patlang kung pang-uri at bilog naman kung hindi.
___________ 1. Kay linis-linis ng aming paaralan ngayon. ___________ 2. Mahina na ang katawan ng aking lola. ___________ 3. Mabagal lumakad si Aling Salud. ___________ 4. Magandang magtrabaho ang nakuha kong pintor. ___________ 5. Ang mga tao ay masunurin sa batas. ___________ 6. Matamang nakinig ang mga tao sa mensahe ng pangulo. ___________ 7. Tapat na umiibig sa bayan ang kawal. ___________ 8. Tunay na nagmamahal ang ina sa kanyang mga anak.
Isaisip Mo Ang pang uri ay maaring maglarawan sa katangian, hitsura o anyo, kulay, lasa, amoy,tunog, kayarian at hugis ng pangalan at panghalip.Ang uring ito ng pang- uri tinatawag na Pang-uring Panlarawan.
Isapuso Mo Panuto: Basahin mabuti ang pangungusap. Punan ng angkop na pang-uri ang patlang para mabuo ang pangungusap. 1. Ang Caliraya Lake ay isa sa _____________ tanawin at pasyalan sa Laguna. 2. Ang Pagsanjan Falls ay dinarayo ng mga turista dahil sa taglay niyong ________. 3. __________ ang tubig na dumadaloy sa Balanac Dam sa Magdalena. 4. Kulay _______ ang langit kung pagmamasdan mo ito mula sa tuktok ng Bundok ng makiling. 5. Dinarayo ang lalawigan ng Laguna sa taglay nitong _______.
Isulat Mo Panuto: Sumulat ng mga pangungusap gamit ang mga pang-uri upang ilarawan ang mga magagandang tanawin sa ating bansa.
8
2ND QUARTER / LM
Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar sa pamamagitan ng kayarian nito. Naibibigay ang paksa ng isang talata.
Mahilig ka bang magbasa ng mga talata? Paano naibibgay ang paksa ng isang talata? Anu-ano ang mga kayarian ng mga salita?
Tuklasin Mo Panuto: Isulat sa loob ng bilog ang titik ng salitang binigyang kahulugan sa pangungusap. 1. Pahiwatig ito ng di-pagsang-ayon. 2. Walang mukhang iharap si Dave sa kanyang sinuway na ama. 3. Buong tatag niyang ipinagtapat ang mga pangyayari. 4. Panlipunan ang ayos at kilos niya. 5. Hindi kaaya-aya ang amoy ng patay na daga. Piliin ang sagot: A. Sosyal B. Mabaho
C. Isiniwalat D. Pagtutol
E. Nahihiya
Basahin Mo Basahin mabuti ang talata. Sagutin ang mga tanong kaugnay sa talatang babasahin. Ano ang pamagat ng talata? Tungkol saan ang talata? Ibigay ang paksa ng talata binasa. “ Ang Patatas na Masustansya”
Ang patatas ay isang gulay na hindi pa lubos na kilala sa Pilipinas. Para sa Pilipino, ito ay isa lamang pansahog sa ulam, tulad ng nilaga, mitsado, menudo at putsero. Ayon sa magasing National Geographic, ang patatas ay pagkaing nagpapalusog. Mayaman ito sa Bitamina C, B at iron. Halos walang taba ito at mababa lamang ang taglay nitong calorie, kaya mahusay ang pagkaing ito sa mga nagdidyeta. Higit pa ang protina ng patatas kaysa soybean. Ang minasang patatas na nilagyan ng gatas ay nakapagpalusog ng mga sanggol na isa o mahigit pang taong gulang. May naiulat na isang Scandinavian na nabuhay nang may 300 taon sa pamamagitan ng patatas at margarina lamang. Sa Rusya ay pangalawang tinapay ang patatas at sa maraming bansa ito ang pangunahing pagkain ng mga tao.
Pagyamanin Mo Paunto: Ibigay ang kahulugan ng bawat salita. Ilagay sa patlang ang P kung Payak ang salita, M kung Maylapi, I kung Inuulit at T naman kung Tambalan. ___ 1. ama ___ 2. kabaitan ___ 3. tatlo-tatlo ___ 4. pangalawa ___ 5. tama ___ 6. pag-alipusta ___ 7. aping-api ___ 8. kapitbahay ___ 9. kayamanan ___ 10. Anakpawis
Isaisip Mo Tandaan: Paano naibibigay ang paksa ng isang talata? Ang paksa ay sentro o pangunahing tema/pokus. Ano ang ibat-ibang klase ng kayarian ng salita? Apat na kayarian ng salita: Payak- salitang uagat lamang, Inuulit- inuuliy ang kabuuan nito o ang isa o higit pang pantig nito, Maylapi- binubuo ng salitang ugat at isa o higit pang panlapi, at Tambalan- dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng isang salita.
Isapuso Mo Panuto: Ibigay ang kahulagan ng mga salitang pamilyar at di pamilyar. Ibigay ang kayarian nito. 1. mahirap 2. damit 3. inaanak 4. pag-ikot 5. hampaslupa
Isulat Mo Panuto: Kopyahin ang isang talata. Ibigay ang paksa nito. “ Ang Batang matulungin at masunurin”. Si Paul ay nagmamadaling lumabas sa paaralan upang umuwi. Pagagalitan siya ng ina kapag mahuli siya sa pag-uwi. Habang naghihintay siya ng sasakyan may lumabas na mag-ina sa paaralan. Sa unang tingin palang niya, kitang-kita na masama ang pakiramdam ng bata. Tumayo ang mga ito sa tabi niya upang mag abang din ng sasakyan, maya may may humintong sasakyan sa harapan ni Paul. Sasakay n asana siya subalit nakiyta na namimilipit sasakit ng tiyan ang bata. Nagmamadali siya sa pag-uwi dahil pagagalitan siya ng kanyang nanay kapag nahuli sa paguwi subalit naawa siya sa bata. Alam niyang mas kailangan ng mag-ina na sumakay kaagad sa, kaya ipinaubaya nalang niya ang sasakyan sa kanila. Nagpapasalamat ang ina ng bata. Naghintay muli si Paul ng susunod na sasakyan na Masaya dahil nakatulong siya sa kapawa kahit sa munting paraan lang..
8
2ND QUARTER / LM Nabibigyang Kahulugan ang Mapa.
Marami ka na bang lugar na napuntahan at napasyalan? Ano ang naitutulong ng Mapa?
Tuklasin Mo Panuto: Buuin sa pisara ang larawan ng mapa ng Pitong Lawa ng Lungsod ng San Pablo,Laguna.
Basahin Mo Pitong Lawa Isang alaala ang lumutang sa aking isipan noong kinuwento na galing sa San Pablo, Laguna si G. Samar. Noong nasa ikalimang taon ako sa elementarya, nagkaroon kami ng field trip sa Seven Lakes sa San Pablo, Laguna. Sa pagkakaalam ko noong bata pa ako ay di gaanong malayo ang Laguna sa Manila. Kaya nagtataka ako kung bakit nakaabot kami ng halos isang oras sa bus kahit na alam kong nasa Laguna na kami dahil sa mga salitang 'Laguna' na nakasulat sa mga tindahan. Ayun pala, ang San Pablo ang pinakadulong lungsod ng lugar. Doon sa San Pablo nakatira ang tanyag na Seven Lakes. Tatlo lamang ang pinuntahan namin dahil kulang kami sa oras. Ang alam ko ay ang lawa ay isang maliit na anyo ng tubig dahil napapalibutan ito ng lupa. Subalit nalinawan ako na marami pa itong katangian na hindi gaanong alam ng karaniwang tao. Habang lumalangoy at naglalaro kami sa mga lawa, nadagdagan ang aking kaalaman tungkol sa ganitong anyo ng tubig: 1. Malalaman ang edad ng isang lawa sa lalim nito. Sinubukan namin kung gaanong kalalim ang Lawa ng Calibato, na sinasabing bata pa lamang. Mayroong instrumento na napakahabang lubid na may bilog na bakal na nakatali sa dulo. Nang ilublob namin ito sa tubig, hindi pa naabutan ng bakal ang sahig ng lawa kahit ubos na ang lubid na ipanlulublob. Ibig sabihin nito bata pa ang Lawa ng Calibato. 2. Ang susunod na pinuntahan namin ay ang Lawa ng Pandin. Sinasabing matanda na ito, ibig sabihin mababaw na ang lawa, kaya pinayagan kaming lumusong at lumangoy. Dahil ang lawa ay alam na maliit na anyo ng tubig, ang Lawa ng Pandin ay napapalibutan ng lupa, kung saan doon na nakatira ang ilang tao. Nang makilala ko ang mga nakatira doon, nalaman ko na dahil sa lawang ito,
nagkaroon sila ng kabuhayan at umaasa sila sa kagandahan ng kalikasan para sa kanilang pangangailangan imbes sa mabilis na buhay ng lungsod.
3. Makikita sa isang banda ng lawa ay may nakatayong mataas na bundok. Bago umuwi ay umakyat kami sa burol sa tabi rin ng lawa, dahil may nakatagong lawa pala ito sa likod ng bundok. Ito pala ang kakambal ng Lawa ng Pandin, ang Lawa ng Yambo. Habang nasa tuktok kami ay nakikita namin ang bilog na hugis ng malinis at bughaw na lawa. Sabi sa amin ay wala pa ang nakakababa at sumubok lumangoy doon o pag-aralan ang lawang iyon dahil mahirap itong puntahan ng tao sa tarik ng mga bundok na nakapalibot. Naisip ko na mainam rin na hindi pa nahahawakan ang lawang ito dahil ito lang ang paraan para mapanatili ang ganda nito. 4. Hindi lang kabuhayan ang naibibigay ng "kambal na lawa" 'ika nga sa mga kababayan ng San Pablo kundi pati rin ang mga alamat o kwento ng mga matatanda. Kwento raw ng mga matatanda doon na noong araw ay may taong nahulog at nalunod sa Lawa ng Yambo. Nang nawalan ng pag-asa ang mga tao na hanapin siya, bigla siyang umahon sa Lawa ng Pandin. Sabi niya na lumangoy lang siya ng lumangoy hanggang sa makita niya ang liwanag. Paniniwala ng mga tao noon na ang kambal na lawa na ito ay konektado sa ilalim. Pag-uwi namin galing San Pablo, Laguna, nalaman ko na ang isang paraan na madagdagan ang ating mga alala ay sa pamamagitan ng mga pangyayaring naranasan. At maaalala ko ang San Pablo at ang kanilang pitong mahiwagang lawa.
Pagyamanin Mo 1. Saan matatagpuan ang pitong lawa? 2. Anu-ano ang tawag sa pitong lawa? 3. Anu-ano ang mga kaalaman na nakuha nila sa kanilang fieldtrip? 4. Ano ang naibibigay na kabuhayan ng mga lawang ito sa mga taga-San Pablo? 5. Kung papipiliin ka sa pitong lawa sa San Pablo, saan ka pupunta?
Isaisip Mo Ang mapa ay ang paglalarawan ng kalawakan gamit ang mga simbulo at pinapahiwatig ang kaugnayan ng bawat bagay, rehiyon at temang nasasaad na kalawakan.
Isapuso Mo Panuto: Kumuha ng mapa ng Pilipinas. Iguhit sa kwaderno ang rehiyon na kinabibilangan mo.
Isulat Mo Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1. Ano ang mapa? 2-4.Magbigay ng gamit ng mapa? 5. Magbigay ng halimbawa ng mapa?
8
2ND QUARTER / LM Nakasusulat ng sulating di- pormal (email).
Ano ang mga lugar na maaari ninyong pasyalan? Naibabahagi mo ba ang iyong mga karansan sa mga kamag-anak o kaibigan na nasa malayong lugar? Paano?
Tuklasin Mo Panuto: Saan- saang lugar na kayo nakapagbakasyon? Ilarawan ang mga ito? Gamit ang isang balangkas, isulat ang inyong mga ginawa sa mga lugar na ito.
Basahin Mo Basahin mabuti ang isang sulat. Sagutin ang mga tanong kaugnay sa liham. Saan nagbakasyon si Ruth? Anu-ano ang kanilang ginawa sa kanilang bakasyon? Ano sa tingin mo ang naramdaman nila sa kanilang mga ginawa?
[email protected] [email protected] Bakasyon sa Subic
Dear Tita Terry, Kagagaling ko lang sa Subic! Maganda pala roon. Tumira kami sa isang cottage na malapit sa gubat. Pinasyalan namin ang mga tabing-dagat, ang mga tindahang dutyfree at ang iba't ibang kainab sa loob ng dating US Naval Base. Pagkalinis-linis ng lugar. Pumunta ako sa isang mataas-taas na pook sa loob ng tinatawag nila “jungle” at kumuha ng mga retrato. Medyo kalbo-kalbo na rin ang gubat pero maraming mga baging.
Nanood ako ng demonstrasyon ng pagpapaapoy nang walang posporo, paghanap ng maiinom sa gubat, at pagluluto nang walang kagamitan kundi kawayan. Huli kong pinuntahan ang butterfly farm. Hindi naman gaanong marami ang mga paruparo roon. Pero nakakatuwa. Gaya nitong isang retratong inilakip ko. Ano’ng sey mo? Maikli lang ang sulat ko ngayon, napagod kasi ako sa biyahe. Hanggang sa muli, Ruth
Pagyamanin Mo Panuto: Sa inyong computer room, gumawa ng isang di-pormal na sulatin sa anyong e-mail tungkol sa inyong sariling bakasyon.
Isaisip Mo Tandaan; Ang mga sanaysay na impormal o sulating di-pormal ay karaniwang nagtataglay ng opinyon, kuru-kuro at paglalarawan ng isang may akda. Ito ay maaaring nanggaling sa kanyang obserbasyon sa kanyang kapaligirang ginagalawan, mga isyung sangkot ang kanyang sarili o mga bagay na tungkol sa kanyang pagkatao. Karaniwan na ang mga sanaysay na di pormal ay naglalaman ng nasasaloob at kaisipan tungkol sa iba’t ibang bagay at mga pangyayari na nakikita at nararanasan ng may akda.
Isapuso Mo Panuto: Iguhit ang kung ang mga sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng wastong pagsulat ng sulating di-pormal at kung hindi wasto. _____ 1. Nagtataglay ng opinion ang isang sulatin. _____ 2. Ito ay naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos ng pagkakasunud-sunod upang lubos na maunawaan ng bumabasa. _____ 3. Ang mga salita’y umaakma sa piniling isyu at kadalasang may mga terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol sa asignaturang ginawan ng pananaliksik. _____ 4. Gumagamit ng mga salitang di pamilyar. _____ 5. Ito ay maaaring nanggaling sa kanyang obserbasyon sa kanyang kapaligirang ginagalawan, mga isyung sangkot ang kanyang sarili o mga bagay na tungkol sa kanyang pagkatao.
Isulat Mo Panuto: Gumawa ng isang sulating di-pormal sa anyong e-mail tungkol sa mga sumusunod na paksa. Pumili ng isa. a. Nakatatakot na pangyayari. b. Pinakamasayang pangyayari sa aking buhay. c. Ang Fieldtrip.
4
LihamPangkaibigan
Tuklasin Mo A. Pagmasdanangnasalarawan. Ilarawan.
B. Ibigayangkahuluganngmgasalitagamitangdiksyunaryo. 1. Liham _______________________________ 2. Panimula _____________________________ 3. Wakas _______________________________ 4. Katawan _____________________________ 5. Pamuhatan ___________________________ Basahin Mo Kung may naiskangsabihinsakaibigan o pinsangnasamalayo, maaaringisulat o itawagsatepelono. Kung hindinamannagmamadaliangbalita, sumulatnalamang. Paanoangpagsulat ?Pag-aralanangmgabahagingliham.
17 San Vicente Street Barangay San Pablo Lubao, Pampanga Hulyo 30, ______ Mahalkong Luke, Kamustaka?Sina Willie at Tita Ann, kamustarin? Kalian ba kayo dadalawsaPilipinas? Alammo, hindiko pa nalilimutanangisinulatmosa akin noon. Naismongmakabalitatungkolsa
lahar. Sabimo;ybalitariyanangtungkolsapagputokng Mt. Pinatubo.at dahiltaga Pampanga angmgamagulangmo, lagikangtinatanongngmgakaibiganmotungkolsabulkan. NasaZambalesang Mt. Pinatubo. NgunithigitnamalapititosaPampangakaysakalakhannglalawigan. Anghulingpagputokngbulkan ay mga 600 taonnaangnakaraan. UmulitangpaputoknitonoongHunyo 1991.Nagbugaitongmgabato, lava at batonamay 16, 000 metro angtaas. Maraminggusali ,palayan at bahayangnapinsalasapagputokngbulkan. Nang tumigilangpagputok, angmgabato, lava at mainitnatubig ay nadepositosagilidngbulkan. Kapagmalakasangulan, lumalambotangtumigasna abo at tinatawagitong lahar. Sumasamaitosabatoatbuhangingumaagossamgailog. Natatabunanng lahar angmgabukid, tulay at bahayan.Maramingtaoangnamamataytuwingdumadaloyanglahar.dahilsa lahar, nagibaang dike naipinatuyongpamahalaan. Sakasalukuyan, natabunannaangkalakhanngbayanngBacolor. Lumikasnaangmgatao at may pabahaysakanilaangpamahalaan. Hindi namatanimanangmgabukidna nagging tilangdisyerto. Naapektuhanangproduksyonngbigas.Alammo bangsa Thailand pa galingangbinibilingbigas? Matagal pa raw bagomaubosang lahar. Kaya tulunganmokamingmagdasalnamaubosnaang lahar. Hindi namanmaaaringumaagosnabiglaang lahar paramaubosnaang Masisiranamanangmga dike at bababawangmgailog.Anghirapano?
lahar.
Mabutinalamang at malayoangLubaosamgailogsamgailognadinadaluyanng lahar. Siyangapala, naglakipakongmgaretratongnapinsalang lahar.Ginupitkoangmgaiyansadiyaryo. Hanggang ditto nalamang at sakanaulikitababalitaan. Sagutinmoagadito, ha?
Angiyongpinsan, Donna
Pagyamanin Mo GawinNinyo
A. Iwastoangpagkakasulatngmgasumusunod: 1. 112 rizalst., binanlagunaagosto 3, 2003 2. mahalkongsusan 3. nagmamahal
4. luna 5. mataasnapaaralangtorrestondomaynilaagosto 5, 1998 6. Marie 7. Abby 8. mahalkongabby 9. angiyongpinsan 10. 720 macedast., Ermita, manila Agosto 15, 2003
Gawin Mo Kopyahinnangmaayosangginawangpagsasanayngbawatpangkat.Isulatitosainyongkwade rno. Isipin Mo Mag usap kayo ngkatabi mo. Pagusapanninyoangkahuluganngmgadaglatnaginagamitsaliham.Itambalninyosakahulugangnasaha nayB.Gumamitngpapel. A Mgadaglat
B kahulugan
A Mgadaglat
B kahulugan
Dr. Atty. Mr. Mrs. Gng.
Atorni Misis Doktor Ginang Mister
G. Bb. P.O. Blg. St.
Binibini Ginoo Post Office Bilang Street
Isapuso Mo Anoangunanglinyasapamuhatan ay nagsasaadngkalye, sasunodnasalinya ay angngalanng barangay, nasusundannamanngnakakasakopnabayan at lalawigan o ngalannglunsod. KasunodangbilangngZip Code o Zoning Improvement Plan.Bawatlugar ay may kani-kaniyangZip Code ayonsazonanaitinalagangGeneral Post Office. NakatutulongsapagpapadalingpagpapadalanglihamanglihamZip Code.
TANDAAN Angpamuhatan aynasadulongkananngpapel. Gamitinangmalakingtitik : 1. Ngalanngpaaralan 2. Ngalanngdaan, bayan, lalawigan o lungsod 3. Ngalanngbuwan Gamitinangkuwitsapagitan: a. Bayan at lalawigan b. Araw at taonsapetsa c. Mgasalitangsunod-sunodsaisangserye GamitinangtuldoksamgadaglattuladP.O .( Post Office )Box Blg. (bilang) St. (street)
Bating Panimula Anoangnapansinmosa bating panimulasaliham? espasyosapagitanngpamuhatan at bating panimula. nagtatapossakuwit.
Nagsisimulaitosakaliwangpalugit. May Nagsisimulaangbatisamalakingtitik at
Pansininangsumusunodnamgapagbatisaisanglihampasasalamat. Mahalkong Bb. Cruz, MahalkongGng. Perez, Mahalkong Dr. Trino, Mahalkong Ms. Legazpi, Mahalkong Atty. Lopez, Mahalkong Ms. Ruiz, Mahalkong G. Austria, Mahalkong Mrs. Reyes,
Tandaan Ilagayang bating panimulasakaliwangpalugit, may espasyopagkataposngpamuhatan. Gamitinangmalakingtitiksa: 1. Simulangsalitangpagbati 2. Simulangpangalanngtao 3. SimulangngalangpantawatuladngMr., Dr.,Atty. Gamitinangtuldoksamgadaglatngngalangpantawag. Gamitinangkuwitpagkataposng bating panimula.
KatawanngLiham Pansiningmuliangnilalamanngliham.Anoangnapansinmosaunanglinya? Ilangtalatamayroonangliham? Bakitmaramingtalata?
Tandaan 1. Ipasokangunanglinyangbawattalatasakatawanngliham. 2. Bawatpaksa ay ibangtalata. Angisangtalata ay umiikotsaisangpaksangdiwa. 3. Isulatangpaksangmagugustuhanngsinulatan. 4. Isulatanglihamsaparaangtilanakikipag-usapsasinusulatan.
Bating pangwakas Saanmatatagpuanang bating pangwakasngliham?paanoitosinisimulan? Paanoitonagtatapos?Pansininanggamitngkuwit at malakingtitik.
Tandaan Ilagayang bating pangwakassahulihanngkatawanngliham. Gawingkatapatitongpamuhatan. Simulant samalakingtitikngunangsalitang bating pangwakas. Lagyanngkuwitangkatapusanng bating pangwakas Saanmoilalagayanglagdangnagpadalngliham?Maaaringgamitinangpalayaw apelyido kung may kaparehoangpangalanngnagpadalangliham
o
angbuongpangalan
Tandaan Ilagayanglagdasalinyangkasunodng bating pangwakas. Walangbantasnggagamitin.Isulatangpangalan o palayawnangmalinaw.
Isulat Mo Isulatnamulianglihamnanasaibaba. Ilagayangmgabahagisadapatkalagyan. Sundinangpormatnaito.
______________ __________________ __________________ __________________, _______________________________________________________________ ________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________ _______________________________________________________. ________________ ________________
at
Agosto 15,1998 Pepperwood Lane Corona,Calfornia Mahalkong Donna, Salamatsapadalamongliham at maramiakongnalamanpinsalangdulotnglahat.GrabepalaangginawangMt.Pinatubo.Naapektuhan palapatikabuhayan.DitosaAmerika ay may Kalamidad din angmgaestadongmalapitsakaragatantuladng Texas at Florida namalinitmaapektuhannghurricane.Nangyayariitokapagangkaragatan ay nagigingnapakainit.Pumaitaasangsingawngmainitnahanginhanggangmaabotnitoangmalamignan abahaginghimpapawid. Natutunawangsingaw at nagigingnapakalakasnaulan. Wasakangbahay, puno at maramingnamamataysamadaanannitonglugar. Isa naitong hurricane. Tumatagalngmaramingarawang hurricane at patuloyitongumiikothanggangsauntiuntingmanghina. Nabubunotangmgapuno at kasamangpumapaitaaspagikot.Naglakipakongmgalarawanngnapinsalangbayanng Texas.Itonghuling hurricane ay naganapnamansa Acapulco, Mexico. Kawawaangmgataongnawalanngbahay, angiba’ynamatayanngmgakaanak.Nadalanghanginngulansapagikot. Mgakalamidadiyangdalangkalikasan.Sabingangangguroko, angmgaito’ydapatpaghandaan. May mgababalanamanbagoitodumating.Kailanganngalamangsumunodsaipinapayo. Tuladngpagalissatirahan kung duondadaanang hurricane. Angibakasiayawmaniwala.Ayun, maraminanamatayan.Angmagandanamansamgatao, marunong mag tulungan. At dapatalistoanggobyerno.Dahilkunghindi, nililinisagadangpaligid at ginagamotangmgasugatan. Inililikassaibangpookangmgabiktimanng hurricane habangginagamot at binibigyanngpansamantalangtirahan. Naku, napahabaataangkwentoko. Sige, sasusunoduli. Sagutinmoitoagad ha?
Angiyongpinsan, Luke
Ikalawang Markahan
1
Naisasagawa ang pagpapatawad. Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa napakinggang teksto. Naibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di-pamilyar sa pamamagitan ng kasalungat
Paano mo maisasagawa ang pagpapatawad? Paano mo mabibigyang hinuha ang kalalabasan ng mga pangyayari sa napakinggang teksto? Paano mo mabibiyan ng kasalungat na kahulugan ang mga salitang pamilyat at di-pamilyar sa iyo.
Tuklasin Mo Ayusin ang mga titik sa parihaba na siyang kasalungat ng salitang may salungguhit sa pangungusap. 1. Pinilit ni leon na makarating sa may pasukan upang masilayan ang kagubatan
a k m a l yo a
2. Nais masilayan ng nanlalabong mata ni Leon ang kanyang kahirapan
linawma
3. Lubhang kalunus-lunos ang kalagayan ni Leon sa kamay ng mga kaaway.
s i k a y a –y a i s
4. Ginamit ng baboy-ramo ang kanyang matalas na pangil sa pagkagat sa leon.
lomarup
5. Nalagutan ng hininga ang kawa-awang leon.
nagudutngan
Nagawa mo bang ayusin ang mga titik sa loob ng parihaba? Basahin ang mga ito nang malakas.Tandaan ang mga salitang ito na upang maunawaang lubos ang babasahing pabula
Basahin Mo Sa lahat ng hayop si Leon ang tinaguriang hari ng kagubatan. Dahil sa ugali niyang katapangan. Bukod dito ang kanyang pisikal na katangian ay lubhang nakakatakot na kaya nyang lamunin o kainin ang lahat ng hayop sa gubat, kung kaya’t takot sa kaniya ang karamihan ng hayop sa gubat. Subalit ano kaya ang mangyayari kung magkasakit si Leon na halos hindi na niya kayang ipagtanggol ang sarili. Basahin natin ang kwento.
Ang Leong May Sakit Sa mga huling sandali ng kanyang buhay, pinilit ni leon na makarating sa may pasukan ng yungib na kanyang kinaroroonan upang masilayan kahit saglit ang kanyang kagubatang pinagharian ng mahabang panahon. Nanlalabo na ang kanyang paningin. Nasa gayon syang kalunos-lunos na kalagayan nang siya’y lapitan ng mga hayop na kanyang pinamumunuan. Nakalarawan sa mukha ng mga ito ang paghihiganti. Pagdaka’y isaisang nanakit ang mga hayop kay leon. Ang lahat ng hayop na naroon ay nagsamantala sa pagkakataong iyon.Ngunit biglang dumating ang usa at nagsabing “Magsitigil kayo!” Lahat ay nahinto sa kanilang pananakit sa kahabag-habag na leon at hinarap nila si usa. Bawat isang hayop ay nagpa-alala kay usa ng mga paghihirap na dinanas nila kay haring leon.Lahat ng hinaing ng mga hayop ay nadinig ni leon. Gumitna si usa at sinabi “ Sapat na ang ginawa ninyong pananakit sa kanya ngayon. Tingnan ninyo ang kanyang kahabag -habag na itsura,” sabay turo sa sugat-sugat at lumuluhang leon. “Nalaman na niya ang kaniyang pagkakamali. Ang nangyayaring ito sa kanya ngayon ay bunga ng kanyang nagawang masama noon. Patawarin na natin sya. Hwag nating hayaang mamatay siya sa ating mga kamay. Baka dumating ang panahon tayo naman ang paghigantihan ng kanyang mga kalahi at kahit anong pagmamakaawa natin ay hindi rin nila
tayo pakinggan. Gusto nyo bang maging ganoon ang ating kalagayan?” naiyak na paliwanag ng mabait na usa. Walang nakakibo sa mga hayop. Lahat sila ay nakatingin sa kaawa-awang leon. Marahang lumapit ang baboy-ramo sa leon. Dahan-dahan niya itong binuhat sa kinalulugmukan nito. Unti-uniti ay lumapit din ang iba pang hayop upang tumulong sa baboyramo. Ang leon ay hinang-hina na at malapit nang mamatay. Ngunit bago nalagutan ng hininga, ang kahabag-habag na leon ay humingi sya ng tawad sa kanyang nasasakupan at nagwika, “Kung naging mabuti lamang akong panginoon sa inyo ay hindi ko sasapitin ang ganitong kamatayan. Patawarin ninyo ako”.
Pagyamanin Natin Gawin Ninyo Sagutin ang mga tanong: 1. 2. 3. 4. 5. 6.
Sino ang pangunahing tauhan sa pabula? Ano ang tungkulin niya sa kagubatan? Bakit naghiganti sa kaniya ang mga hayop? Tama ba ang ginawang pakiusap ni Usa sa mga kapwa hayop? Bakit? Bakit kailangan nating magpatawad sa kapwa? Kung ikaw si Leon, ano ang gagawin mo bilang isang makapangyarihang pinuno?Ano ang igaganti sayo ng iyong kapwa kapag dumating ang oras na malapit ka nang mamatay?
Gawin Mo A.
Isang mahalagang kasanayan ang pagbibigay hinuha sa maaring mangyari sa kwento sapagkat nakatutulong ito sa mga mambabasa na maging mabilis ang pang-unawa sa binasa. Makinig na mabuti sa mga teksto na babasahin ng guro. Ang mga ito ay hango sa kwentong binasa ninyo. Piliin ang tamang hinuha tungkol dito. Pumalkpak ng isa kung ang sagot ay titik a, dalawa kung b at tatlo kung c. Ngayon nakapagbigay ka na ng mga hinuha sa mga tekstong iyong narinig, Subukin mong gawin ang susunod na pagsasanay
B. Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Ibigay ang sariling palagay sa kalabasan ng pangyayari. Isulat ito sa iyong kwaderno. 1. Kulay ginto ang kabukiran. Namimintog ang mga butil ng palay. Handan na itong anihin sa susunod na buwan. Malaki ang pag-asa ng mga magsasaka na maganda ang kikitain nila sa pagsapit ng pag-aani. Ngunit isang bagyo ang biglang sumapit. Ano sa palagay mo ang mangyayari sa aanihing palay?
2. Isa sa di kanais-naisna ugali ni Gilbert ang di-pagdating sa mga pagtitipon sa takdangoras. Kasi nama’y sobrang bagal niya. Ngunit sa kabila niyon siya’y napakahusay sa pag-aaral. Isang araw ng pagsusulit sa paaralan, tinanghali siya ng gising. Umuwing malungkot ang mukha ni Gilbert ng hapong iyon. Ano sa palagay mo ang nangyari? 3. Paglalaro ng kompyuter ang kinahihiligan ni James. Walang puknat ang paglalaro niya nito sa kahit anong oras sa isang araw. Liban sa bahay, naglalaro din siya sa mga paupahang kompyuter sa kanilang kalye. Pagdilat niya isang umaga, nakaramdam siya ng panlalabo ng mata. Agad siyang ikinunsulta ng mommy niya sa doctor. Ano sa palagay mo ang ipapayo sa kanya ng doktor? 4. Mayaman ang mga magulang ni Joey. Lahat ng gusto niya’y ibinibigay sa kanya ng mga magulang niya. Ngunit dahil abala lagi ang mga magulang niya, di na nila nasusubaybayan ang kanyang pag-aaral at ang pangangalaga naman sa kaniya’y iniaasa na lamang sa mga katulong. Ano sa palagay moa ng mangyayari sa kaniya? 5. Isang matahimik na kalye ang kalye Mabini.Walang istambay na makikita rito lalo na yaong nag-iinom at naninigarilyo. Isang araw, nakitang itinatayo ang laruan ng video games at bilyar sa may kanto. Ano sa palagay mo ang mangyayari sa kalye?
Isa-isip Mo A. Isulat sa puwang ang sa palagay mo’y maaring kalalabasan ng mga pangyayari sa ibaba. 1. May natagpuang bangkay. Siya’y may tali sa mga kamay. Maagap naman ang mga pulisya sa pagtugis sa gumawa ng krimen. Agad na nakilala ang bangkay at ang nakasaksi. Saan sa palagay mo dadalhin ng pulisya ang mga gumawa ng krimen? _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ 2. Padami nang padami ang mga batang nagtitinda sa kalsada. Sari-sari ang kanilang inilalako-sampaguita, diyaryo at pagkain. Karamihan sa kanila’y payat at maputla. Ano sa palagay mo ang nangyayari sa mga bata? _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ 3. Maraming magsasaka ang nagtitipun-tipon at nag-usap-usap tungkol sa kanilang kalagayan. Nakatingin sila sa kanilang bukid na tuyung-tuyo at halos patay na ang tanim. May pumalakpak. Sabi niya. “Kilos na tayo”…! Walang mangyayari kung tayo’y maghihintay na lang ng awa! Nagpalakpakan ang lahat. Ano kaya ang sumunod na pangyayari? _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ 4. Ang mga mag-aaral ay nasa labas ng kanilang paaralan. Hindi sila pinapapasok. Ang mga guro ay nasa loob ay nasa loob at may dalang plakard. May isang Linggo na silang walang pasok. Ano sa palagay mo ang ginagawa ng mga guro? _________________________________________________________________ _________________________________________________________________
5. Malungkot na nakatingin ang mag-anak sa amang nakahiga sa kama sa isang ospital. Wala itong kakilos-kilos at nakapikit ang mga mata. Malalim ang paghinga nito. Hawak ng doktor ang pulso nito. Ano sa palagay mo ang mangyayari sa kanilang ama? __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________ B. Kompletuhin ang talata upang makabuo ng paglalahat sa iyong natutuhan sa araw na ito. Piliin ang mga salita sa loob ng kahon. binabasa
payak
pagpapalagay
basahin intindihing
Sa pagibigay ng hinuha o palagay sa isang pangyayari, kinakilangang ______________ at _______________mabuti ang ______________. Kinakailangang magkaroon ng batayan ang anumang ___________ na iyong gagawin. Gawing ____ ang pagbibgay ng palagay para sa lalong ikauunawa ng mambabasa,
Isa-puso Mo May nagawa ka na bang mali o kasalanan sa iyong kaklase? Humingi ka na ba sa kanya ng patawad? Kung hindi pa, ito na ang tamang panahon upang gawin mo ito.
Isulat Mo Isulat sa isang talata ang iyong palagay sa sitwasyong babasahin ng guro.
2
Naipakikita ang paggalang sa mga lider. Napagsusunud-sunod ang mga pangyayari sa kwento sa pamamagitan ng mga pamatnubay na tanong.
Paano mo maipapakita ang paggalang sa mga lider? Paano mo mapagsusunud-sunod ang mga pangyayari sa kwentong binasa?
Tuklasin Natin A. Buuin ang puzzle.
B. Ngayon nabuo mo na ang puzzle, handa ka nang bumasa ng isang kwento. Bago natin basahin ang kwento sagutan ang pagsasanay sa ibaba. 1. Isulat sa loob ng kahon ang titik na bubuo sa salitang inilalarawan sa bawat bilang. T
K
1.
Ginagamit na pamutol ng kahoy
D
S
2.
Ang makapangyarihang lumikha ng langit at lupa.
N
K K P
N O
3.Kayamanang hindi mananakaw ninuman. 4.Bahagi ng buhay na dinaraanan ng bawat tao. 5.Namumuno sa isang bansa
2. Piliin sa loob ng kahon ang salitang bubuo sa diwa ng pangungusap. Isulat sa patlang ang sagot. pag-unawa
panangis
kaibahan
katalinuhan
manirahan
1. Upang matamo ang kapangyarihan kailangan _____________ang laging laan. 2. Hiningi niya ay __________ higit pa ito sa kayamanan. 3. Gayon na lamang ang ____________ ng mga mag-anak ng namatayan sa sakuna. 4. Mas masarap _____________ sa sariling bayan. 5. Walang ______________ ang taong sakim sa taong gahaman sa laman. Tandaan ang mga salita na iyong natutuhan. Ang mga ito ay mababasa mo sa ating kwento.
Basahin Mo “ Ang karunungan ay higit na mahalaga kaysa anumang yaman sa mundo .”
Ang Karunungan ni Haring Solomon Si David ay matagal na naghari sa Israel. Siya’y mabuting hari at mahal siya ng mga tao. Nang siya’y mamatay, ang anak niyang si Solomon ang humalili sa kanya. Si Solomon ay mabuti ring hari, tulad ng kanyang ama. Isang gabi, ang Diyos ay nagpakita kay Solomon at ganito ang sinabi “ Hingin mo ang anumang ibig mo At aking ibibigay sa iyo” “Ginawa mo akong hari”, ang tugon ni Solomon. Ako ay katulad lamang ng isa ng isang munting bata sa katalinuhan, sapagkat wala akong nalalamang gaano. Kung maaari ay bigyan Mo ako ng isang pusong makakaunawaupang makilala ko ang kaibahan ng mabuti sa masama. Sa gayon, maari akong mkapaghukom nang mabuti”. Ang Diyos ay nasiyahan sa mga salita ni Solomon. Ang kanyang wika, “Sapagkat ang hinihingi mo ay pag-unaw; hindi ka man humingi ng mahabang buhay o mga kayamanan, ang lahat ng ito ay ibibigay ko rin sa iyo”. Hindi nagtagal ay naharap sa pagsubok ang karunungan ni Haring Solomon. Dalawang babae ang humarap sa kanya upang pahatulan ang kanilang alitan.
Ang wika ng isa, “Ang babaeng ito at ako ay naninirahan sa isang bahay . Ang anak niya ay namatay, ngunit kinuha niya ang aking anak samantalang ako ay natutulog at ang patay niyang anak ay siya niyang inilagay sa aking tabi. Nang ako’y magising ay nakita kong hindi iyon ang aking anak. “ Hindi!”. Wika ng isa pang babae. “Ang buhay na bata ay aking anak at hindi kanya”. Ang dalawang babae’y nagsimulan na naming mag-away. Ang Haring Solomon ay nag-utos,” Dalhin dito ang isang tabak. Hatiin sa dalawa ang batang buhay, saka sila bigyan ng tig-kalahati”. “ O Panginoon ko!” panangis ng tunay na ina. “ Ibigay mo na po sa kanya ang buhay na bata, huwag lamang patayin. Ngunit ang hindi tunay na ina ay nagwika, “ Hatiin nga ninyo ang bata upang hindi maging akin at hindi rin maging kanya.” Itinuro ni Haring Solomon ang unang babae, at ang wika, “ Ibigay sa kanya ang buhay na bata, sapagkat siya ang tunay na ina. Alam ni Haring Solomon na ang tunay na ina’y di makatiis na makitang patayin ang kanyang anak.
Pagyamanin Natin Gawin Ninyo Sagutin ang mga tanong: 1. 2. 3. 4. 5.
Sino ang hari ng Israel bago si Solomon? Sino ang nagbigay ng katalinuhan kay Solomon? Ilang babae ang humarap sa kanya dahil sa alitan? Ano ang pinag-awayan ng dalawang babae? Ano ang nais na gawin ni Haring Solomon sa bata upang matapos ang alitan ng dalawang babae? 6. Kung ikaw si Haring Solomon paano mo maipapakita ang tamang pagpapasya?
Gawin Mo Pangkatang Gawain Piliin ang tamang sagot. Isulat ito sa manila paper. Iulat sa klase ang inyong sagot pagkatapos masagutan ang mga tanong. 1. Ano ang nangyari sa unang talata ng kwento? a. Humalili si Solomon nang mamatay si Haring David b. Hiniling ni Solomon na bigyan sya ng Diyos ng kayamanan c. Ang Diyos ay nagpakita kay Solomon. 2. Ano ang hiniling ni Haring Solomon sa Diyos? a. Bigyan sya ng mahabang buhay b. Bigyan sya ng kayamanan c. Bigyan sya ng isang pusong makakaunawa 3. Anong pagsubok ang hinarap ni Haring Solomon? a. Dalawang babae ang lumapit sa kanya at humingi ng pagkain b. Dalawang babae ang humarap sa kanya upang hatulan ang kanilang alitan
c. Dalawang babae ang humarap sa kanya upang patayin 4. Ano ang naging alitan ng dalawang babae? a. Nag-aagawan sa isang sanggol b. Nag-aagawan sa isang bahay c. Nag-aagawan sa tabak 5. Ano ang naging hatol ni Haring Solomon upang malutas ang alitan. a. Ipaampon ang bata upang walang pag-agawan ang dalawang babae. b. Hatiin ang sanggol sa dalawa c. Ipagbili ang bata at paghatian ng dalawang babae ang mapagbibilhan 6. Ano ang sumunod na nangyari? a. Pumayag ang ikalawang babae na hatiin ang sanggol b. Pumayag ang unang babae na ipagbili ang sanggol c. Pinaubaya na lamang ng unang babae ang sanggol sa ikalawang babae hwag lang itong patayin. 7. Ano ang naging pasya ni Haring Solomon? a. Ibigay ang bata sa unang babae dahil ito ang tunay na ina b. Ibigay ang bata sa ikalawang babae na pumayag na hitiin ang bata c. Ibigay ang sanggol sa babaeng nais ipagbili ang sanggol
Ao-ano ang mga pagkakasunud-sunod na pangyayari sa kwento. Basahin nang malakas. Ngayon kaya mo nang magsunud-sunod ng mga pangyayari sa kwento.Gawin ang sususnod na pagsasanay.
Isa-isip Mo A. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa kwento.Lagyan ng bilang 1 hanggang 5 ____1. May dalawang ina na nag-aagawan sa isang sanggol. Napagpasyahan ni Solomon na hatiin ang sanggol sa dalawa. ____ 2. Hiniling ni Haring Solomon sa Diyos na siya ay bigyan ng katalinuhan. ____ 3. Hindi pumayag ang isang babae at sinabing mas nanaisin pa niyang mawalay ang kanyang anak kaysa mamatay ito ____ 4. Hindi nagtagal ay naharap sa pagsubok ang Hari. ____ 5. Nagpasya si haring Solomon na ibigay ang bata sa inang nagparaya dahil naniniwala siyang walang ina ang makatitiis na Makita ang kanyang anak na masaktan. B. Ngayon alam mo na ang pagsusunud-sunod ng mga pangyayari sa kwento. Ayusin ang mga pangyayari sa ibaba upang makabuo ng isang kwento. Lagyan ito ng bilang 1-5 ____ a. Nakilala ni Mikko si Carlito ____ b. Unang araw ng pasukan kaya inihatid si Mikko ng kanyang ina. ____ c. Naging matatalino at mababait sina Mikko at Carlito. ____ d. Sa panahon ngayon, kailangan ang malusog na katawan at matatag na layon. ____ e. Naipamalas ni Mikko ang damdaming makabayan.
Isa-puso Mo Lagyan ng tsek (
) ang mga bagay na nagpapakita ng paggalang sa mga lider.
____ 1. Nakikiisa sa mga tao sa proyektong inilunsad ng pinuno ng barangay. ____ 2. Nais ng mga mamamayan na mapatalsik ang kanilang pinuno dahil hindi nito sinunod ang kanilang kagustuhan. ____ 3. Maraming tao ang dumalo sa pagpupulong na pinatawag ng meyor. ____ 4. Hindi pinakinggan ni Juan ang mga tagapagsalita ng kanilang barangay sapagkat inis siya rito. ____ 5. Sinusunod ng mga mamamayan ang mga batas sa kanilang pamayanan.
Isulat Mo A. Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari . Gawin itong isang talata upang makabuo ng kwento. 1. 2. 3. 4. 5. 6.
Nagkaipon-ipon ang magkakalaro Napansin ni Marie na ayaw sumali ni Carol Walang makasagot sa bugtong ni Agnes Umalis si Carol noong alam niyang maparurusahan siya. Maayos na ang paglalaro ng magkakaibigan Humingi ng paumanhin si Carol kinabukasan
B. Kung ikaw ay magiging hari, anong korona ang nais mo. Ilarawan ito sa short bond paper.
3
Nakapagpapasya nang tama ayon sa sariling paniniwala. Nakasusulat ng balangkas ng binasang teksto sa anyong pangungusap o paksa
Paano ka makapagpapasya nang tama ayon sa sariling paniniwala? Paano ka makasusulat ng isang balangkas?
Basahin Mo “Alin ang Higit na Mahalaga, ang Lumang Tradisyon o ang Bagong Tradisyon?”
Sa pagdaraan ng mga araw ay naiiba ang pananaw ng tao sa kanyang mga paniniwala kaya’t siya’y patuloy na nagtatanong kung alin ang mahalaga. Makinig sa balagtasan na isasagawa ng inyong mga kamag-aaral. Sumabay ng pagbasa nang tahimik habang ito ay isinasagawa. LAKANDIWA: Bago pasimulan itong balagtasan Inyong lakandiwa ay nais magpugay Ang paksang napili’y tungkol sa tradisyon, Isang sinauna’t isa ay pangngayon; Ang unang titindig ay batang marilag, Ang lumang tradisyo’y napiling ihayag; Siya’y salubungin ng mga palakpak. MAKALUMA: Ang ano mang bagay lalo kung luma na, Sino mang magsabi’y napakahalaga Lalo’t kung tradisyon ang pag-uusapan, Ang pinakaluma’y higit pag-uusapan; Karapatang pantao’y binibigyang-buhay, Isinasapuso’y kagandahang asal. Hindi tulad ngayon, sa panahong ito Ang lumang tradisyo’y limot nang tao Kaya’t buhay nati’y hindi mapanuto. MAKABAGO: Ang lumang tradisyon kung di mawawala Pag-unlad ng bayn ay magiging bula. Katulad ng pista, kapag dumarating Ang marangyang handa’y agad mapapansin Kung di susgpuin ang lahat ng iyan Halagang pantao’y mawawalang saysay. MAKALUMA: Sa lumang tradisyon, tao’y magagalang At sunud-sunuran sa mga magulang; Walang taong suwail, walang lapastangan Kaya’t kabataan ay mga huwaran. Sabagong tradisyon, mga kabataan Waring nalimot na ang pinagdaanan; MAKABAGO: Ang bagong tradisyon dapat manatili Pagkat bansa natin ay nagsasarili Kaya’t tigilan na ang pagkakampi mo Sa lumang tradisyon di na magbabago Sa bagong panahon ay sumunod tayo, Hagdan ng tagumpay ng lahat ng tao. LAKANDIWA: At bago mag-init itong pagtatalo, Aking ibibigay ang huling pasya ko; Ang tradisyon natin, luma man o bago Kailangan nating mga Pilipino.
Pagyamanin Natin Gawin Ninyo A. Sagutin ang mga tanong: 1. Bakit daw huwag kalimutan ang lumang tradisyon ayon sa nagtatanggol? 2. Paano ipinagtanggol ng nagsasalysay ang kabuhayan n gating bansa sa makabagong tradisyon? 3. Kung ikaw ang tatanungin, alin ang pipiliin mo, Makalumang Tradisyon o Makabagong Tradisyon? Bakit? B. Pag-aralan ang pormat ng balangkas. Sa paggawa ng balangkas, magagamit mo ang maraming kasanayan. Isa na rito ang pagkilala sa mga detalye. Pati na rin ang pag-aayos ng mga ito ayon sa pagkakasunud-sunod. (Pamagat) “ Alin ang Higit na Mahalaga, ang Lumang Tradisyon o bagong Tradisyon?” I.
Katangian ng mga kaugalian sa bansa A. Makaluma B. Makabago
II.
Katwiran ng luma at bagong tradisyon kung bakit sila ang dapat manatili A. Lumang Tradisyon (Parirala) 1. Katulad ng kasysayan at antigong kasangkapan (Pangungusap) 2. Binigyan buhay ang halagang pantao B. Ang Bagong Tradisyon 1. Tinutulungan ang Pilipinas ng mayayamang bansa 2. Higit na maunlad ang bansa 3. May pagsasarili ang bansa Sa itaas bandang gitna ay nakasulat ang pamagat. Ang unang antas ay nagpapahiwatig ng pangunahing paksa. Ito ay isinusulat sa Romanong bilang. Ang malaking titik na A at B ay ang paksa sa unang antas. Sa ikalawang antas ang bilang 1 at 2 na nakasulat sa ilalim ng malaking titik A ay ang mga kaisipan o paksa na tumutukoy sa paksa ng pangalawang antas. Ito ay maaring parirala o pangungusap. Ngayon alam mo na ang pagsulat ng balangkas, gawin ang mga susunod na pagsasanay.
Isa-isip Mo A. Basahin ang Mayamang Pilipinas. Punan ang balangkas sa ibaba.. Mayamang Pilipinas “ Perlas ng Silangan” kung tawagin an gating bansa. Tunay ngang di mapasubalian ang katotohanang ito. Ang mga likas na yaman ng bansa ay binubuo ng yamang- tubig, yamanggubat at yamang minearal. May iba’t-ibang puno at pananim. Ang mga gubat ang nakasusugpo sa baha at nakahahadlang sa malakas na hangin. Matatagpuan sa mga ilog, lawa at dagat ng Pilipinas ang iba’t-ibang uri ng isda, perlas, kabibe at iba pang pagkaing dagat. May dalawang uri ng yamang mineral ang bansa, ang metal at di metal. Ang lakasheotermal ay ang mainit na singaw na nagmumula sa ilalim ng lupa. Ang lahat ng ito at marami pang iba ay matatagpuan sa ating bansa. Ganito kayaman ang Pilipinas.
Mayaman ang Pilipinas I.
Likas na yaman ng bansa A.__________________________ B. _________________________ C.__________________________
II.
Mga yaman at pakinabang natin sa ating likas na yaman A. Yamang-dagat 1.________________________ 2.________________________ B. Yamang-tubig 1.________________________ 2.________________________ 3.________________________ C. Yamang-mineral 1._________________________ 2._________________________
B.Basahin ang sanaysay. Punan ng wastong detalye ang balangkas sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel. Ang Lunsod ng Baguio Tunay na kawili-wili ang magbakasyon sa Lungsod ng Baguio. Ang pook na ito ay nasa bulubundukin sa gawing Hilagang Luzon. Dinarayo ng marami ang Lungsod na ito di lamang sa malamig at sariwang simoy ng hangin. Kaakit-akit pagmasdan ang bughaw na bundok na natatakpan ng putting-putting ulap, ang luntiang damuhan at ang maririkit na bulaklak na may sari-saring kulay.
Kaakit-akit ang mga pook pasyalan tulad ng Burnham Park, Mines View Park at Mansion House. Halina’t magpunta sa Baguio nang Makita ninyo ang pangunahing kabisera ng Pilipinas kung tag-init. I.
__________________ A. ___________________ B. ___________________
II.
__________________ A. _____________________ B._____________________ C._____________________
III.
__________________ A._____________________ B._____________________ C. ____________________
B.Ano ang natutuhan mo sa araw na ito?
Isa-puso Mo Isulat ang Tama sa patlang kung tamang pasya ang ginawa ng tauhan. Kung mali lumpatan ang patlang. _____1. Hindi pinayagan ng mga magulang si Alma na sumama sa mga kamag-aral sa pagpipiknik. Tumakas si Alma at sumama. _____ 2.Limampiso na lamang ang pera ni Lito. Pinauutang siya ni Ted para makabili ng gusto niyang laruan. Hindi siya umutang. _____ 3.Tinutukso ng mga salbaheng bata si Dino. Sinulsulan ng ibang bata si Dino na suntukin ang mga amnunukso sa kanya. Hindi pinansin ni Dino ang mga bata at tuluytuloy siyang umuwi. _____ 4. May parti sa kapitbahay nina Lety at siya ay imbitado. Pero mayroon siyang pagsusulit kinabukasan. Nag-aral muna siya at saka pumunta sa parti. _____ 5. Nagandahan si Mila sa laruan ni Daisy. Palihim na bumalik si Mila habang nagririses ang ibang mag-aaral. Kinuha niya ang laruan.
Isulat Mo Igawa ng balangkas ang mga balak mong gawin sa darating na baksyon. Sundin ang wastong pormat sa paggawa ng balangkas.Tiyaking wasto ang gamit ng mga bantas, titik, at bilang Romano. Gawin ito sa sagutang papel.
Aralin 1 : Unang Linggo Panimula: Naranasan mo na ba ang mailagay sa kakaunting espasyo na parang sardinas sa lata . Paano mo maipakikita ang angkop na kilos sa ganitong pagkakataon. Ang bilang ng tao ay nakakaapekto sa init na nararamdaman ng isang lugar. Anong gagawin mo upang mabawasan ang init na nararamdaman? Ninais mo bang manatili o lumabas upang makasagap ng sariwang hangin? Unang Araw Sa araling ito inaasahang , .
1. Maiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto. 2. Magagamit ang pang-abay sa sa paglalarawan ng kilos. 3. Maibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di pamilyar sa pamamagitan ng depinisyon.
Tuklasin Mo Gawain1 Kunin ang isang metacard . Ipakilos ang nasa metacard . Huhulaan ng ibang pangkat kung paano ito isinakilos . Magbibigay naman ng halimbawa ang pangkat kung sino ang nagsasakilos nito. Isulat ito sa tsart.Tumawag ng kasapi ng pangkat na magpupuno ng tsa KILOS / GAWI
MGA TAONG NAGSASAKILOS
MALAKAS NA PAGPADYAK MABAGAL LUMAKAD DAHAN-DAHANG UMUPO MATAMIS NA NGUMITI MALIWANAG MAGSALITA Masasabi mo ba kung paano isinagawa ang kilos?At kung sino ang mga taong /bagay o hayop na ganito ang ginagawa? isulat sa kwaderno ang limang pangabay na pamaraan na nagsasaad kung paano isinagawa ang kilos mula metacards.(Instructional Material 1-F5PS-IIIa-c-12.1)
Gawain 2 Bago mo pakinggan ang balita hayaang tuklasin ang kahulugan ng di pamilyar na salita sa pamamagitan ng depinisyon. Hanapin ito sa talata. A. Panuto. Hanapin ang kahulugan ng mga sumusunod na pamilyar at di pamilyar na salita sa kwento,Isulat sa kwaderno. 1.three shifts 2,multigrade scheme
B. Humanda na sa pakikinig sa guro . Maglista ng mga pang-abay at ang kilos na inilalarawan nito.Isulat sa kwaderno.
Basahin Mo Nagkaroon na ba kayo ng suliranin sa inyong paaralan na kagaya ng sa Maynila? Ating alamin kung paano nila nilutas ang suliranin.
(Pagbasa ng Balita .”Kalutasan sa isang Suliranin” BFSG- Wika pahina 180 )
Gawin ang “Pag-usapan Natin” (BFSG-Wika pahina 181).
Isaisip Basahin mo ang “Tandaan”. Ano ang pang-abay na naglalarawan ng kilos o pangyayari?
(BFSG-Wika pahina 181)
Pagyamanin Natin Gawin Ninyo Malaking Pangkatang Gawain( dalawang pangkat) Isadula ang three shifts at multigrade scheme habang isinasagawa ang tamang pamamaraan ng kilos sa ganitong mga sitwasyon. Magsulat ng parirala na ipinakikita ang wastong gawi sa pagpasok at paglabas ng silid aralan sa three shifts. Gayundin ang pamamaraan ng mga kilos gaya ng pakikinig sa guro sa multigrade scheme. Gawin Mo Ang kabilang pangkat ang magtataya kung naging tama ba ang isinagawa ng kabilang pangkat gamit ang rubrik sa Pangkatang Gawain. Kung kayo ang nasa kanilang kalagayan ano sana ang mas akmang kilos na dapat sana’y ipinakita ng pangkat ? Kung naging maayos sabihin din ito sa klase.
Isapuso Naging maayos ba ang isinagawang dula patungkol sa dapat gawin ng isang bata sa isang multigrade scheme? three shifts? May natutuhan ba kayo? Dapat ninyo rin itong isagawa ng maayos.
Isulat Iugnay sa inyong karanasan at gamitin sa pangungusap ang mga pangabay na pamaraan batay sa ibat-ibang gawain. Sagutan ang “Magsanay Tayo” titik A 1-5 (tingnan sa BFSW-Wika pahina 181)
Karagdagang Gawain Gumawa ng talatang ginagamitan ng pang-abay na pamaraan ayon sa suliranin ng ating nararanasang pagbabago ng klima na may paksang“ Ang Paginit sa Daigdig”.( tingnan sa Gawin 1 BFSW-Wika pahina 182).
Ikalawang Araw-Unang Linggo Panimula Nakakita ka na ba ng poster ? Alam mo ba na ito’y isang likhang sining. May mensahe ba ang mga poster o likhang sining na ginagawa ng isang pintor . Sa araling ito inaasahang, Mabigyang kahulugan ang isang poster.
Tuklasin Mo Tingnan ang isang poster ng isang batang kalahok sa K to 12 Exposition sa Los Banos na may temang “Pananaw” .
Isulat ang mga bagay na nakikita sa poster . Ibigay ang kahulugan nito kaugnay sa temang “Pananaw”. (IM1- F5EP-IIIa-15) Larawan Toga
Kahulugan kaugnay sa Tema Makatapos sa pag-aaral sa hinaharap
Bago magbasa ng kwento . Hayaang magbigay ng mga bagay na nakikita sa lunsod? bukid? Isulat sa Venn Diagram sa pisara. Isang halimbawa ang ginawa para sa inyo. (IM2- F5EP-IIIa-15)
Nakikita sa Bukid
Nakikita sa Lunsod Siksikang bahay
Bahay
Bahay kubo
Basahin Mo Babasahin ang kwento ng pangkat at panglahatan.Isipin nila ang mga detalye ng mga bagay na magiging bahagi ng poster upang magbigay kahulugan sa nais na ipahayag ng kwentong “Magandang Daigdig” . ( Bagong Filipino sa Salita at Gawa- Pagbasa pah. 110-111)
Pagkatapos sagutin ang “ Alamin”. ( Bagong Filipino sa Salita at Gawa- Pagbasa pah. 110-111)
Pagyamanin Natin Gawin Natin Gamit ang manila paper. Pipili nang batang magaling gumuhit para ilagay ang mga punongkahoy, palayan at iba pa sa gagawing poster, Kukulayan pati ang background o likuran ng mga bagay.Hayaang ilagay ang mga bagay na nais ilagay sa poster upang maging kahulugan nito ay may temang “ Magandang Daigdig “ ayon sa ipinapahayag ng kwento. (IM3- F5EP-IIIa-15).
Gawin Ninyo Gagawa ng poster ang pangkat ayon sa atas ng guro. Ibibigay ng kabilang pangkat ang kahulugan. Ipakita ang awtput, pagkatapos ay hulaan ng kabilang pangkat ang kahulugan ng poster.(IM4- F5EP-IIIa-15)
Isaisip Tandaan Ang poster ay larawan na may mensaheng nais ipabatid sa mga titingin nito. Makalilikha ka ng kwento sa mga larawang iginuhit ng may akda. Gayundin makakalikha ng larawan mula sa tekstong ating nababasa. Ang poster ay may kulay ang lahat ng bahagi ng papel,Hindi ito basta drowing.
Isapuso Sang-ayon ka ba kay Alex na maganda ang kanilang bukid ? Nais mo rin bang manirahan dito ? Bakit ? Bakit hindi?
Isulat Gamit ang awtput na poster ng bata sa Gawin Ninyo. Pumili ng isang poster . Ibigay ang kahulugan nito . 1. Ang kahulugan ng poster ay _________________________________. Ang _______________ay sumisimbolo na ____________________________. Samantalang ang _______________ay nagsasaad ng ____________________. Karagdagang Gawain Magsaliksik sa internet ng poster at ibigay ang kahulugan o tema nito.
Ikatlong Araw-Unang Linggo Panimula Nakarinig ka na ba ng patalastas o nakabasa nito sa mga paskilan sa inyong barangay o paaralan. Kaya mo rin bang gumawa nito ? Alam mo ba ang mga nilalaman nito ?
Sa araling ito inaasahang , Makasusulat ng simpleng patalastas
Tuklasin Mo Ibigay ang paksa ng patalastas. Piliin ang sagot sa kahon sa ibaba.
(IM 1, F5FU-III-a-b-2.11) Anunsyo Klasipikado
Panawagan
Anunsyo para sa produkto
Kautusan
Anong impormasyon ang mayroon sa isang anunsyo klasipikado ? Ito ba ay isang panawagan? Ito ba sumasagot sa tanong na sino? ano?kailan? saan? Maituturing mo ba na ito ay isang patalastas? Ito ba ay sumasagot sa tanong na sino? ano? kailan? saan?
Basahin Mo
( Hiyas sa Wika pahina 192 -193)
Pagyamanin Natin Gawin Natin Pagkatapos basahin at unawain ,sagutin ang “Talakayan” . Isulat sa kwaderno. ( Hiyas sa Wika pahina 194) .
Gawin Ninyo Gamit ang index card na may nakasulat na Sino:-----Ano-------Saan :-------Kailan:-------------. Magsulat ng simpleng patalastas mula sa binasang ulat sa aklat na Hiyas sa Wika. Ilahad ito sa iba’t ibang paraang ibibigay ng guro.
Sino: Ano: Saan: Kailan:
Gawain
Paraan
Pangkat I
Sabihin 1
pahina 195(Hiyas sa Wika)
dula
Pangkat II
Sabihin 2
pahina 195(Hiyas sa Wika)
awit
Pangkat III
Gawin
pahina 196(Hiyas sa Wika)
rap
Pangkat IV
Isulat B1
Pahina 196(Hiyas sa Wika)
tula
Pangkat V
Isulat B2
pahina 196(Hiyas sa Wika)
yell
(IM 2, F5FU-III-a-b-2.11)
Isaisip Araw araw , madalas tayong nakakarinig ng patalastas at babala sa ating paaralan at sa ating barangay. Nakababasa rin tayo ng mga patalastas sa mga pahayagan. Kung ikaw ay susulat ng patalastas ,paano mo ito isusulat? May tuntunin tayong dapat sundin upang makasulat ng isang anunsyo o patalastas . ( Hiyas sa Wika pahina 194)
Isapuso Mahalaga ba ang detalyeng isinasaad ng isang patalastas? Ano ang nararapat mong gawin kung nakakabasa o nakakarinig ka ng isang patalastas?
Isulat Sumulat ng simpleng patalastas ayon sa balangkas na ano,sino, kailan at saan patungkol sa “Isang Malaking Panlungsod na Paligsahan” Isulat C ( Hiyas sa Wika pahina 197) …
Karagdagang Gawain Gawin ang “Isulat D” ( Hiyas sa Wika pahina 197)
.,
Ikaapat na Araw-Unang Linggo Panimula Upang matupad ang pangarap , nararapat na magsikap.
Ano ang pananaw ng may akda ng poster? Ano ang nais mong maging sa hinaharap? Ibigay ang mga propesyon nasa poster? Sa araling ito inaasahang , Mailalarawan ang tauhan batay sa ikinilos o ginawi nito
Tuklasin Mo May pangarap ka ba? Tingnan natin kung paano natupad ang pangarap ng isang batang dating nagtitinda ng dyaryo? Anong mga gawi o kilos ni Kim ang nakatulong upang makita ng mga tao sa paligid na siya ay may pagsisikap?
Basahin Mo Unawain mabuti ang kwento . Kilalanin ang mga tauhan at ilarawan ang ugali ng tauhan batay sa ikinilos nito sa kwento.
Isaisip Tandaan 1) Ang pagkakaroon ng mga tamang kilos o gawi ay naglalarawan ng mga magagandang katangian ng mga tauhan sa kwentong binasa. 2) Gayundin ang masamang gawi ay nagbibigay aral upang ito ay maitama at maituwid para sa ikabubuti ng mga tauhan sa kwento sa mga magbabasa nito.
Isapuso Ano ang mabubuting ugali ni Kim ang pwedeng tularan ng batang katulad mo?
Pagyamanin Natin Balikan ang kwentong “Natupad na Pangarap” Kilalanin ang tauhan at mga pangyayari . Punan ng katangian upang mailarawan ang tauhan sa kwento .Iulat ang kanilang mga kasagutan. (IM 1-F5PS—IIIa-c-12.1)
Pangyayari /ikinilos Natutuwa si Gng, Ebert kay Kim Laging natutumba si Kim sa pagbibisikleta. Nanalangin si Kim sa payo ng pastor upang mawala ang takot. Nakabalik si Kim at naipamahagi ang mga kulang na aklat sa mga tao. Laging nagbabasa ng mga aklat si Kim. Pag-aaralin si Kim ni Pastor Ebert Inalok si Kim ni Gng. Ebert ng bisikleta .
Katangian/ Paglalarawan Si Kim ay______________ Si Kim ay________________ Si Kim ay________________ Si Kim ay natuto ng _____________ Si Kim ay may____________ Si Pastor ay_____________ Si Gng. Ebert ay ____________
Isulat Sabihin ang katangian ng mga sumusunod na tauhan batay sa kilos/sitwasyon ng tauhan. 1. 2. 3. 4. 5.
Si Joy ay nag-aaral mabuti ng leksyon at gumagawa ng takdang aralin. Si Jane ay sumusunod sa lahat ng utos na kanyang magulang. Nilalagay ni Hana ang natira niyang baon sa alkansya. Iniwanang bukas ni Joan ang tubig sa gripo. Tinatanggap ni Ner ang pagkatalo sa laro.
Karagdagang Gawain Basahin ang kwento, lalo na ang liham at isulat ang katangian ni Apolinario Mabini at ng kanyang ina.(“Dakilang Pag-ibig” BFSG- Pagbasa pahina 2021)Isulat sa inyong kwaderno.
FILIPINO IKATLONG MARKAHAN IKALAWANG LINGGO Panlingguhang Layunin Pag-unawa sa Napakinggan Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa tekstong napakinggan (kronolohikal na pagsusunod-sunod) F5PN-IIIb-8.4 Wikang Binigkas Nakabubuo ng mga tanong matapos mapakinggan ang isang salaysay F5PS-IIIb-e-3.1 Gramatika Nagagamit ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos F5WG-IIIa-c-6 Pag-unlad ng Talasalitaan Napapangkat ang mga salitang magkakaugnay F5PT-III-4.3 Pag-unawa sa Binasa Nasasagot ang mga tanong sa binasang talaarawan F5PB-IIIb-3.3 Estratehiya sa Pag-aaral Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagsasaliksik tungkol sa isang isyu F5EP-IIIb6 Pagsulat Nakasusulat ng simpleng islogan F5PU-III a-b-2.11 Panonood Nakapag-uulat tungkol sa napanood F5PD-IIIb-g-15 Unang Araw Layunin: Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa tekstong napakinggan (kronolohikal na pagsusunod-sunod) Tuklasin:
Ano ang makikita sa larawan?
Basahin Mo Ang Tipaklong at ang Paruparo
Ang katapatan ng isang kaibigan ay masusukat sa panahon ng pangangailangan. Kaylakas ng ulan! Kaylakas din ng hangin! May bagyo nang umagang iyon. Nagsasayawan ang mga puno maging ang mga halaman at bulaklak.
“Ginaw na ginaw na ako,” ang sabi ni
Tipaklong kay Paruparo. “Nakalabas pa kasi ako sa aking pinagtataguang kahoy”. “Tiyak na giginawin ka rin kahit nakatago ka na sa kahoy. Wala namang tumatakip sa katawan mo, a. Bakit sisisihin mo ang paglabas mo sa iyong pinagtataguan?” ang tanong ng kanyang kaibigang Paruparo. “Hindi nga ako mababasa kung ako ay nakakubli,” ang malumanay na sagot ni Tipaklong.
“Hindi mo naman makikita ang ganda ng paligid kung hindi ka lumabas sa
pinagtaguan mo. Ang lamig ng hangin ay hindi mo madarama. Hindi mo maaamoy ang halimuyak ng mga nababasang bulaklak. Ang dulas ng mga dahon at halaman ay hindi mo mahahawakan,” ang sagot ni Paruparo.
“Oo nga, ano?” ang sagot ni Tipaklong na may
pagsang-ayon. “Higit kang mapalad kaysa sa akin kaibigang Tipaklong,” ang sabi ni Paruparo. “Bakit mo naman nasabi iyan?” ang tanong ni Tipaklong.
“Ang katawan mo ay mahaba.
Matibay pa. Bakit giniginaw ka pa? Samantalang ako, ang nipis-nipis ng aking katawan. Kapag nagpatuloy ang paghihip ng malakas na hangin at pagbagsak ng malalaking tipak ng ulan, ang pakpak ko ay matatangay,” ang sabi ni Paruparo. “Makukulay ang mga pakpak mo ngunit may kanipisan. Hindi ba’t takot ang ulan sa nakasisilaw mong kulay? Huwag kang mag-alala. Ang mga pakpak mo ay hindi liliparin ng hangin,” ang sabi ni Tipaklong. “Saka, e ano kung liparin ang mga pakpak mo? Ang mahalaga’y buhay ka.” “Kung wala na akong ganda, aanhin ko pa ang buhay? Paano na ako makalalapit kay Bulaklak kung wala na akong mga pakpak?” ang malungkot na tanong ni Paruparo. “Kung sabagay, tama ang sinasabi mo, kaibigang Paruparo. Ako man ay natatakot na kapag hindi tumigil ang bagyo, dahil sa sobrang ginaw mababali ang aking mga paa na kahit anong pagpigil ay ayaw huminto sa panginginig,” ang sabi ni Tipaklong. “Upang makaiwas tayo sa bagyong ito, ano kaya ang mabuti nating gawin para maligtas ang ating buhay?” ang tanong ni Paruparo. “Alam ko na, may paraan akong naisip”, ang sabi ni Tipaklong. “Paano?” ang tanong ni Paruparo.“Sa ilalim ka ng mga bulaklak magtago,” ang mungkahi ni Tipaklong.
“At ikaw naman, paano ka?” ang tanong ni Paruparo.
“Habang
nakakapit ako at nagtatago sa sanga ng puno ay babantayan ko ang bulaklak na pagtataguan mo para hindi malaglag,” ang sagot ni Tipaklong. At sabay na kumapit sa bulaklak ang magkaibigang si Paruparo at si Tipaklong.
Pagyamanin Natin A. Gawin Ninyo Balikan ninyo ang mga pangyayari sa kuwento. Subukin mong pagsunudsunurin ang mga ito sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang 1-6 sa patlang. Sipiin at sagutin ito sa iyong sagutang papel. ______ Patuloy na pag-ihip ng malakas na hangin. ______ Sabay na lumapit sa bulaklak ang magkaibigang paruparo at tipaklong. ______ May bagyo nang umagang iyon. Malakas ang ulan at hangin. Ang mga puno, maging ang mga halaman at bulaklak ay nagsasayawan. ______ Nagtago sa ilalim bulaklak ang paruparo at binantayan siya ni Tipaklong. ______ Lumabas si Tipaklong sa pinagtataguang kahoy. ______ Nadarama ang lamig ng hangin, naaamoy ang halimuyak ng mga nababasang bulaklak. Nahawakan ang dulas ng mga dahon at halaman.
B. Gawin Mo
Pistang Bayan Ang pagdiriwang ng pistang bayan ay labis na nagugustuhan ng mga Pilipino. Bago pa dumating ang kapistahan ay abala na ang mga tao sa paglilinis ng kani-kanilang mga tahanan, naglalagay ng dekorasyon sa mga lansangan at naghahanda ng mga pagkain. Sa madaling-araw naririnig ang ingay ng baboy, kambing, itik, manok, bibe, baka at iba pang hayop na pinapatay. Sa araw ng kapistahan, makikita ang mga matatanda at bata na masayang nagsisimba, nanonood ng parada at sumasakay sa iba’t ibang uri ng sasakyang umiikot. Masaya rin silang lumilibot sa bahay ng mga kamag-anak at kaibigan upang pagsaluhan ang inihandang pagkain.
Sa gabi, sumasama sila sa prusisyon at nanonood ng mga palabas. Pagkatapos ng pista, masaya silang naglilinis ng tahanan, nagliligpit ng pinagkainan at nagkukuwenta ng pinagkagastusan subali’t makikita mo sa kanilang mga mukha ang labis na kaligayahan.
Ayon sa isinasaad ng mga pangyayari sa kuwentong binasa, ayusin ang mga ito ayon sa wastong pagkakasunud-sunod. Isulat sa sagutang kuwaderno. ______ sumasama sa prusisyon ______ naglilinis ng tahanan ______ masayang nagsisimba ______ naglalagay ng dekorasyon ______ nagkukuwenta ng pinagkagastusan ______ nagpapatay ng hayop
Isaisip Mo Ang pagsunod-sunod sa mga pangayayari ay nakabase sa kwentong napakinggan at ayon sa pagkakaganap ng bawat sitwasyon. Isapuso Mo
Pagpapakita ng mga pangkat ng kanilang isinigawang pagsagot sa pagkakasunodsunod ng pangyayari ayon sa kwentong “Ang Tipaklong at ang Paru-paro”.
Isulat Mo Sagutan ang Subukin Mo sa pahina 5 ng Self-Instructional Materials No. 12.
Ikalawang Araw
Layunin: Nakabubuo ng mga tanong matapos mapakinggan ang isang salaysay. Nagagamit ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos. Tuklasin: Paano bumuo ng mga tanong matapos mapakinggan ang isang salaysay? Ano ang pang-abay?
Basahin Mo Pista sa Barangay
“Heto na ang musiko. Baba na ako,” sigaw ni Bert sa mga kalaro. “Oo nga! Dali! Baka malampasan tayo,” nagmamadaling bumaba sa puno ng makopa ang mga bata. Nagkagulo ang mga bata nang makita ang Ati-atihan na sumasayaw sa saliw ng tugtog ng mga tambol. Buong siglang umiko’t-ikot ang mga majorette at ang kanilang baton habang tumutugtog ang banda. Ang mga tao ay talagang nagkakagulo. Talagang ang saya ng pista sa barangay. Puno ng pagkain ang mesa, may adobong manok, mitsadong karne ng baka, paksiw na pata at marami pang iba. May banda ng musiko sa umaga at sa gabi’y may prusisyon sila. Suot ng mga matatanda ang kanilang saya at nakikihanay sa mga kabataang umiilaw sa prusisyon. Ang problema ay nararamdaman sa kinabukasan o ilang araw pagkatapos ng pista. Pata at malata ang katawan ng mga tao. Kung wala silang natirang handa ay magtitiis na lang sila sa mga de lata o di kaya’y sa ginataang gabi. Ganyan ang mga Pilipino noon. Subalit unti-unting nang nagbabago. Ipinagdiriwang pa rin ang kapistahan at ipinaghahanda, subalit sa abot na lang ng kanilang makakaya.
Tapos ka nang bumasa. Sagutan mo naman ang mga tanong sa iyong kuwaderno. 1. Anong sinabi ni Bert sa bagong mga kalaro? 2. Paano mo mailalarawan ang pista sa barangay? 3. Ano ang suot ng matatanda kung sila ay nagpuprusisyon? 4. Anu-anong pagkain ang makikita sa mesa? 5. Masaya ka rin ba kung pista sa inyong pook? Pagyamanin Natin
A. Gawin Ninyo Bumuo ng limang tanong base sa kwentong nabasa na pinamagatang “Pista sa Barangay” sa pahina 2 ng MISOSA. B. Gawin Mo
Ngayon, basahin mo ang sumusunod na usapan. Salungguhitan ang mga ginamit na pang-abay sa usapan. Jose: Mataas ang punong iyon. Dahan-dahan ka. Roy: Naku, sanay si Deng umakyat. Jose: Kanina lang umaga umulan. Deng: Hayaan ninyo hahawak akong mabuti. Roy: Sige; hihintayin ka namin doon sa may sapa. Deng: Pumito ka kapag uuwi na tayo. Dali-dali akong bababa. Jose: Umuwi tayo agad pagbaba mo. Maingat na umakyat si Roy. Nagmamadali siyang bumaba nang marinig ang pito ni Jose. Napahawak siya sa isang marupok na sanga. Nabali ito, kasabay nito ang mabilis na paglagpak ni Deng sa lupa. Humahangos na sumaklolo sina Jose at Roy. Isaisip Mo Ang pang-abay ay naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay. Sa pagbubuo ng mga tanong kailangan ang mga salita sa tanong ay kaugnay sa kwentong napakinggan o nabasa. Isapuso Mo Ngayon, basahin mo ang mga sumusunod na pangungusap na makikita sa pahina 6 ng MISOSA. Isulat mo ang mga pang-abay na makikita sa bawat pangungusap.
Isulat Mo Pumili ng kwento sa Hiyas sa Pagbasa V. Gamitin ang mga halimbawa ng pag-abay na isinulat sa pagbuo ng mga tanong tungkol sa kwentong nabasa.
Ikatlong Araw
Layunin: Napapangkat ang mga salitang magkakaugnay. Nasasagot ang mga tanong sa binasang talaarawan.
Tuklasin: Ano ang Talaarawan? Ano ang magkakaugnay na salita?
Basahin Mo Mahal kong Talaarawan, Maganda at maayos naman ang aking umaga ngayon dahil maaga akong nakapunta sa paaralan.Pero bago ako pumasok sa paaralan,naligo muna ako, nagbihis ng maayos, nagsuklay ng buhok, kumain at nagsisipilyo ng ngipin. Pagkatapos kong magsipilyo ng ngipin ay hinatid ako ng papa ko sa paaralan. Pagdating ko sa paaralan ay bigla nalang sumakit ang ngipin ko. Kaya uminom agad ako ng gamot upang mawala agad ang sakit ko sa ngipin. Sa tanghalian naman ay masaya kaming nagkainan sa "BBQ-han" at pagkatapos ng kainan namin ay dumiretso agad kami sa silid-aralan namin. Nag-aaral din ako sa paksa namin sa Ingles dahil magkakaroon kami ng pagsubok o pagsasanay. At iyan ang mga ginagawa ko sa araw na ito. Nagmamahal, Shekainah Pagyamanin Natin A. Gawin Ninyo Basahin ang talaarawan ng tahimik at sagutan ang mga sumusunod na katanungan. 1. Sino ang nagsulat ng talaarawan? 2. Ano ang unang ginawa ni Shekainah bago pumasok sa paaralan? 3. Sino ang naghatid sa kanya sa paaralan? 4. Ano ang nangyari kay Shekainah ng siya ay nasa paaralan na? 5. Saang subject nagkaroon ng pagsubok o pagsasanay si Shekainah?
B. Gawin Mo Tukuyin ang uri, antas, o pangkat na kinabibilangan ng mga salitang magkakaugnay sa pangungusap. 1. Iba’t iba ang halaga o presyo ng sinandomeng, denorado, malagkit, at angelica sa pamilihan. a. b. c. d.
Mga uri ng bigas Mga tuyong paninda Prutas Gulay
2. Ang panukala ng inhenyero ay magtayo ng dike sa paligid ng ilog, mungkahing isinakatuparan ng lokal na pamahalaan upang maiwasan ang pag-apaw ng ilog. a. b. c. d.
Inhenyero at dike Panukala at mungkahi Ilog at lokal Paligid at ilog
3. Ang Pangulo ay itinuturing na pinakamataas na pinuno ng isang bansa batay sa isinasaad ng Saligang Batas ng isang pamahalaan. a. b. c. d.
Pangulo at pinuno Saligang Batas at Pamahalaan Bansa at pinuno Pinakamataas at Pangulo
Isaisip Mo Ang talaarawan ay kalipunan ng mga bugto-bugtong o baha-bahaging sulatin na nakasulat at nakaayos sa sunod-sunod na petsa o araw. Isapuso Mo Isulat ang mga pangyayari ng nakalipas na isang linggo sa pamamagitan o halintulad ng isang talaarawan. Isulat Mo Magsulat sa kwaderno ng limang halimabawa ng magkakaugnay na salita.
Ikaapat na Araw Layunin: Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian sa pagsasaliksik tungkol sa isyu Nakasusulat ng simpleng slogan.
Tuklasin:
Mag-isip ng mga bagay na nangangailangan ng pagbabago sa kalagayan ng Inang Kalikasan. Isulat ito sa kwaderno.
Basahin Mo
Pagyamanin Natin A. Gawin Ninyo Itambal ang hanay A sa hanay B.
A. 1. Pinagkukunan ng kahulugan, baybay o ispeling, pagpapantig, bahagi ng pananalitang kinabibilangan ng salita, pinanggalingan ng salita, at nakaayos ito nang paalpabeto.
2. Set ng mga aklat na nagtataglay ng mga impormasyon tungkol sa mga bagay-bagay at mga artikulo tungkol sa katotohanan. 3. Aklat ng mga mapang nagsasabi ng lawak, distansya at lokasyon ng lugar. Ipinakikita rito ang mga anyong- lupa at anyong tubig na matatagpuan sa isang lugar. Ito ay nakayos ayon sa pulitika, rehiyon o estado.
B a. b. c. d. e. f. g.
Ensayklopedya Diksyunaryo Almanac Atlas Internet Mapa Globo
4. Aklat na nagtataglay ng pinakahuling impormasyon tungkol sa mga punto ng kawilihan, mga pangyayari sa isang bansa, palakasan, relihiyon, pulitika at iba pa. 5. Teknolohiyang maaring pagkunan ng impormasyon gamit ang kompyuter, tablet o piling telepono. 6. Isang palapad na drowing ng mundo o ng bahagi nito. 7. Isang maliit na replika ng mundo. B. Gawin Mo 1. Ano ang mga mahahalagang impormasyon na makikita natin sa mga sumusunod na sanggunian: a. b. c. d. e. f. g.
Isaisip Mo
Ensayklopedya Diksyunaryo Almanac Atlas Internet Mapa Globo
Ang mga diksyunaryo, ensayklopedya, almanac, atlas, internet, mapa at globo ay mga halimbawa ng pangkalahatang sanggunian na kinukuhanan natin ng mga impormasyon. Ang islogan ay isang kasabihan o motto ng isang kompanya o ng mga aktibista na madali maalaala. Isapuso Mo Sumulat ng isang halimbawa ng islogan tungkol sa pagsagip sa Inang Kalikasan. Isulat Mo Ipagpatuloy ang paggawa ng islogan sa inyong mga tahanan.
Ikalimang Araw Layunin: Nakapag-uulat tungkol sa napanood. Naipamamalas ang paggalang sa ideya, damdamin at kultura ng may akda ng tekstong napakinggan o nabasa.
Tuklasin: Panoorin ang pelikulang “Jose Rizal”
Pagyamanin Natin A. Gawin Ninyo Hatiin sa apat ang klase bigyan ng manila paper at ipasulat ang mga kaganapan na nangyari sa pelikulang napanood.
B. Gawin Mo Basahin ang kwentong “Ang Magkatuwang” sa pah. 133 ng Pagdiriwang sa Wikang Filipino V, Batayang Aklat sa Pagbasa. Sagutin ang mga katanungan sa pahina 136 ng nasabing aklat.
Isaisip Mo Paano natin maipamamalas ang paggalang sa ideya, damdamin at kultura ng may akda ng tekstong napakinggan o nabasa.? Isapuso Mo Pag-uulat ng mga isinulat sa manila paper tungkol sa pelikulang “Jose Rizal”. Isulat Mo Pagpapatuloy ng mga pag-uulat.
Ikatlong Markahan
3
IKATLONG LINGGO
Unang Araw
Tuklasin Mo
Maganda ang ating bansang Pilipinas. Saan mang dako ng ating kapuluan ay sagana sa likas na ganda’t yaman. Mga bagong tanawin ang hindi pagsasawang masdan saan ka man pumunta. Pagmasdan ang larawan. Anong lugar ang makikita ninyo sa larawan? Nakarating na ba kayo sa lugar na ito?
Sa araling ito ay matutuklasan natin ang isang magandang kwento ng matatanda sa Pangasinan na nagpapaliwanag kung paano ba nagkaroon ng “Sandaang Pulo” sa Look ng Pangasinan.
Basahin Mo
Pakinggang mabuti ang alamat na babasahin ng guro.
Alamat ng Sandaang Pulo Ayon sa kwento, may iba’t ibang tribu sa iba’t ibang dako ng kapuluan. Ngunit watakwatak ang maliliit sa kaharian. Bawat isa’y pinamumunuan ng mga maharlika na tinatawag na datu, sultan o raha. Si Raha Masibueg, matalino, maunawain, at matapang na pinuno ang namumuno sa isang kaharian. Daan-daang kawal ang kanyang sinanay. Sa pagtanda ng raha, ipinagpatuloy ng kanyang anak, si Datu Mabisqueg, ang pamumuno sa mga sinanay na kawal. Sa pagdaraan ng panahon, naging matahimik, masagana, at maunlad ang kaharian. Agaw-dilim noon. Nilusob ng mga kaaway ang kaharian. Pinulong ni Raha Masibueg ang kanyang konseho. Ipinayo na salubungin ang kaaway. Mula sa maraming kawal na sinanay ni Raha Masibueg, pumili ng sandaan si Datu Mabisqueg. Naganap sa dagat ang labanan. Tumagal ang labanan nang maghapon at magdamag. Nang kinabukasan, tumahimik sa pook na pinaglalabanan. Walang natira isa man sa sinany ni Datu Mabisqueg. Nalipol lahat ang sandaang kawal pati ng mga kaaway. Lumipas ang araw. Naging malungkot ang buong tribu. Lagging nakatanaw sa dagat ang mga tao. Hanggang isang bukang liwayway, biglang naiba ang malawak na dagat. Humigitkumulang sa sandaang pulo ang kanilang nakita. Ang ilan ay hugis na tumaob na bangka; ang iba’y tulad ng katawan ng mga mandirigma.
Mula noon, pinaniniwalaan na ng mga tao na ang mga pulong iyon ay sandaang kawal na nalipol sa labanan. Magsisilbing alaala sa susunod na salinlahi ang alamat ng ‘Sandaang Pulo” sa Look ng Pangasinan.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong: 1. 2. 3. 4.
Sinu-sino ang namumuno sa mga maharlika? Sino si Raha Masibueg? Anu-ano ang mga katangiang taglay ni Raha Masibueg? Ano ang pangalan ng anak ni Raha Masibueg na siyang nagpatuloy ng pamumuno sa mga sinanay na kawal? 5. Ilang kawal ang pinili ni Datu Mabisqueg upang ipadala sa labanan? 6. Saan naganap ang labanan? 7. Gaano katagal ang nangyaring labanan? 8. Ano ang nangyari sa mga kawal na sinanay ni Datu Mabisqueg 9. Anu-ano ang napansin ng mga tao sa dagat makaraan ang nangyaring pagkawala ng mga kawal? 10. Ano ang pinaniniwalaan ng mga tao na kaugnayan ng mga pulo sa mga nalipol na kawal?
Ang mga tanong sa itaas ay tinatawag na mga tanong na literal kung saan ang mga sagot sa mga tanong na ito ay mga impormasyong tuwiran o hayagang nakalahad sa tekstong napakinggan.
Pagyamanin Natin
Gawin Natin Panuto: Pakinggang mabuti ang alamat na babasahin ng guro. Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod na literal na tanong. 1. 2. 3. 4. 5.
Ano ang tawag o taguri sa bayan ng Romblon? Bakit ganito ang itinawag sa Romblon? Anong diyalekto ng Bisaya ang salita ng mga tao sa Romblon? Saan matatagpuan ang mga sasakyang dagat kung bagyo? Paano nagsimula ang pangalang “Romblon”?
Gawin Mo Panuto: Sagutin ang mga literal na tanong mula sa babasahing alamat ng guro. 1. 2. 3. 4. 5.
Ano ang tanging nilalang na nabubuhay noon sa daigdig? Bakit naisipan niyang pag-awayin ang dagat at langit? Nagtagumpay ba ang ibon sa kanyang plano? Anu-ano ang nangyari sa pag-aaway ng dagat at langit? Sino ang lumabas sa unang biyas ng kawayan?sa ikalawang biyas?
Isaisip Mo
Ang mga tanong na literal ay mga tanong kung saan ang mga sagot ay mga impormasyong tuwiran o hayagang nakalahad sa tekstong napakinggan.
Isapuso Mo
PANGKATANG GAWAIN Bawat pangkat ay pipili ng isang magbabasa ng maikling alamat na inihanda ng guro. Pagkatapos mapakinggan ang alamat na binasa ng kagrupo, ang mga miyembro ang siyang magsasagot ng mga tanong na tungkol sa alamat na kanilang napakinggan.
Isulat Mo
Panuto: Pakinggang mabuti ang alamat na babasahin ng guro. Sagutan ang mga sumusunod na literal na mga tanong ayon sa inyong napakinggang alamat.
3
IKATLONG LINGGO
Ikalawang Araw
Tuklasin Mo
Piliin ang kahulugan ng may salungguhit na salita o parirala upang maging wasto ang ipinahahayag ng pangungusap. 1. Kinakatulong na si Ben ng kanyang ama sa pagsasaka kahit walong taon pa lamang siya. Wala siyang panahong lumaboy katulad ng ibang bata. (mag-aral, gumala, gumastos) 2. Lubhang matulungin si Dan. Pangarap niyang makagawa ng kabutihan sa lahat ng tao at tanghaling bayani ng lahi. (kilalang tao, tanyag na tao, mayamang tao) 3. Halos hindi naabot ng mga tao ang liblib na baryo ng San Vicente. (bilang, tagong lugar, malayo sa kabihasnan) 4. Mabigat ang mga sako ng palay na nakakalat sa kanilang bakuran, gayunpaman, isa-isang kinaladkad ang mga ito upang itago sa kanilang kamalig. (hinila nang paisa-isa, binuhat nang paisa-isa, isa-isang dinala) 5. Parang hindi na humihinga at walang malay ang mamang nabundol ng kotse. (tulog, patay, walang ulirat)
Maliban sa mga kilala ninyong bayani, sinu-sino pa sa palagay ninyo ang maaaring tawaging bayani? Paano maipakikita ang kabayanihan? Pwede ba kayong maging bayani?
Basahin Mo
Alam mo ba na sa murang gulang mo ay maaari kang tanghaling bayani? Tunghayan ang kwentong ito.
Walong Taong Gulang, Naging Bayani Si Rona Mahilum ay isang batang walong taong gulang at nakatira sa isang liblib na baryo sa Divina Colonia, Sagay, Negros Occidental. Mahirap lamang sila. Nagtatanim ng kape ang kanyang mga magulang. Isang araw bago umalis ang kanyang mga magulang ay kinausap nila si Rona. “Rona, ikaw na ang bahala sa iyong mga kapatid,” ang sabi ng kanyang tatay. “Kami ng iyong ina ay pupunta sa palengke.” “Huwag mong pabayaang lumaboy ang maliliit mong kapatid, anak. Ang ate mo, huwag mong kalimutang painumin ng gamut, ha?” dagdag na tagubilin ng kanyang nanay. “Opo. Huwag po kayong mag-alala. Babantayan kop o silang maigi,” magalang na sagot ni Rona. Inalagaan at pinakain ni Rona ang mga kapatid. Pinainom din niya ng gamot ang ateng may sakit.
Pagkatapos ng hapunan ay niyaya na ni Rona ang maliliit na kapatid na sina Dado at Edgar. “Dado, Edgar, halina kayo. Matulog na rin kayo at may pasok pa bukas. Mamaya pa siguro darating sina Itay at Inay,” ani Rona. “Sana, nabenta lahat ng kapeng dala nila, ano, ate?” ang ganting wika ni Dado. “Sana nga, Dado, sige, matulog na tayo. Magdasal muna tayo bago matulog,” ang sabi ni Rona.
Mahimbing na ang tulog ng magkakapatid nang nagising si Rona sa sobrang init at doon niya natuklasan na nasusunog ang kanilang bahay. Isa-isa niyang kinaladkad ang kanyang dalawang nakababatang kapatid at ang nakatatandang kapatid na babae na may sakit. Matapos mailabas lahat ang kanyang mga kapatid, tumakbo siya sa isang balon at nag-igib ng tubig na siyang ibinuhos at ginamit na pamatay sa apoy ng nasusunog nilang bahay. Natagpuan siya ng kanyang magulang na walang malay at sunog ang buong katawan. Dahil sa matinding sunog sa iba’t ibang bahagi ng katawan, kinailangan siyang dalhin sa Maynila upang ipagamot. Umabot sa kaalaman ni Alfredo Lim, ang dating alkalde ng Maynila, ang katapangan at kabayanihan ni Rona. Hangang-hanga siya sa bata. Bilang pagkilala sa kakaibang kabayanihan ni Rona siya ay ipinagamot nang libre ni G. Lim sa Ospital ng Maynila. Maliban ditto, tumanggap siya ng isang milyong pisong gantimpala buhat sa pamunuan ng naturang lungsod.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong. 1. 2. 3. 4. 5.
Tungkol saan ang kwento? Paano naging bayani si Rona Mahilum? Ibigay ang mga katangian niya. Mabuti bang maging bayani? Patunayan. Kung ikaw si Rona, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit o bakit hindi? Bakit si Alkalde Alfredo Lim ang tumulong sa kanya?
Pagyamanin Natin
Gawin Natin Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento? Kopyahin sa papel ang character web at isulat ang mga naging kilos o gawi ng mga tauhan batay sa kwento sa pamamagitan ng pagbabanig. Pagkatapos, ilarawan ang mga tauhan batay sa kilos o gawi nila sa kwento.
Mga Kapatid ni Rona
Rona
Mga Tauhan sa Kwento
Magulang ni Rona
Gawin Mo Gamit ang METACARDS, magsulat ng iba’t ibang pang-abay na maaaring magamit sa paglalarawan ng kilos ng mga tauhan sa kwento. Ipaskil ang mga metacard sa pisara.
Isaisip Mo
Ano ang iyong natutuhan sa paglalarawan ng tauhan? Sa paanong paraan mo kaya mailalarawan ang mga ito? Sa araw na ito, sa paanong paraan mo ginamit ang mga pang-abay?
Isapuso Mo
Pangkatang Gawain Ang bawat pangkat ay bibigyan ng envelope na may lamang manila paper, marker at kwento. Tahimik na babasahin ang kwento at pagkatapos ay isasagawa na ang bawat gawain. Iuulat ng bawat pangkat ang kanilang awtput sa klase.
Unang Pangkat – mula sa binasang kwento, ilarawan ang mga tauhan batay sa ikinilos o ginawi ng mga ito. Ikalawang Pangkat- mula sa binasang kwento, gumamit ng mga pang-abay sa paglalarawan ng mga kilos na nagmula sa kwento
Isulat Mo
Basahin nang tahimik ang kwento. Ilarawan ang mga tauhan sa kwento batay sa kanilang mga ikinilos o ginawi. Gumamit ng pang-abay sa paglalarawan ng kilos.
Pangkaraniwang empleyado ng gobyerno si Mang Danny. Araw-araw, maaga pa ay nasa opisina na siya at naglilinis. Ugali na niyang linisin ang tanggapan ng punong-lungsod tuwing umaga. Mabait, masipag at mapagkakatiwalaan si Mang Danny. Isang araw, sa pagpasok niya sa loob ng tanggapan ay may napansin siyang isang supot sa tabi ng upuan. Dinampot niya ito sa pag-aakalang mga basura ang laman nito. Aning gulat niya nang makitang mga dadaanin ang nasa loob nito. Ibinigay niya agad ito sa alkalde.
3
IKATLONG LINGGO
Ikatlong Araw
Tuklasin Mo
Sinu-sino ang mga bayaning babae na kilala ninyo? Magbigay ng ilang detalye ng buhay ng mga bayaning inyong nabanggit. Nakikilala ba ninyo kung sino ang nasa larawan? Siya si Teresa Magbanua o mas kilala sa tawag na Henerala Nay Isa. Anu-ano kaya ang mga pangyayari sa kanyang buhay? Tuklasin natin ito.
Ngayong araw na ito ay ating babasahin ang maikling talambuhay ni Henerala Nay Isa.
Basahin Mo
“Ang babae man ay maaaring maging tagapagtanggol ng bayan.”
Henerala Nay Isa (Talambuhay) Ayon sa kasaysayan, maliit pa lamang na bata si Nay Isa ay kinakitaan na ng kakayahang mamuno, lakas ng loob, at katapangan. Karaniwan nang makikita na siya ay kasama-sama ng kanyang mga kapatid at kapitbahay na lalaki. Siya ang lider ng mga batang lalaki sa kanilang paglalaro, paliligo sa ilog at dagat, sa pag-akyat sa puno, sa paninirador ng ibon, at sa pangangabayo. Matalino si Nay Isa sa pag-aaral. Nakatapos siya ng pagkaguro. Nagturo siya ng ilang taon sa kanilang lugar sa Pototan, Iloilo. Nakilala siyang mahusay ngunit mahigpit na guro. Ikinasal siya sa isang nakaririwasang magsasaka, kay Alejandro Baldera. Iniwan niya ang pagtuturo at sumama siya sa kanyang asawa sa bukid. Naging mapagmahal at matapat siyang asawa.
Sa kanyang malayang oras, nagsasanay siyang humawak at magpaputok ng baril. Tahimik at masagana silang namumuhay sa bukid nang sumiklab sa Iloilo ang himagsikan ng mga Pilipino laban sa Español. Nagpunta si Nay Isa sa kuta ng mga naghihimagsik sa bundok upang sumanib sa kilusan laban sa pamahalaang Español. Sinabi niyang kailangan ng bayan ang mga babaing may kakayahang makipaglaban tulad ng mga lalaki. Humanga si Heneral Poblador sa kanyang tapang. Binigyan siya ng sandata at mga tauhan. Walang takot siyang nakipaglaban at dahil sa bilis at husay humawak ng sandata, si Nay Isa ay hinirang na pinuno ng isang batalyong rebolusyonaryo. Mula noon, sunud-sunod na nabawi ng mga naghihimagsik na Pilipino sa pamamahala ni Nay Isa ang iba’t ibang bayan sa pulo ng Panay. Natanyag at hinangaan sa mga bayan-bayan sa pulo ng Panay ang ngalang Henerala Nay Isa. Isa siyang dakilang Pilipina na humawak ng sandata alang-alang sa bayan. Noong 1900, napasailalim ang buong Pilipinas sa pamamahala ng mga Amerikano. Nagbalik sa Pototan, Iloilo si Nay Isa sa piling ng kanyang asawa. Namuhay na muli nang tahimik sa kanilang bukid ang matapang at matalinong Henerala Nay Isa na walang iba kundi si Teresa Magbanua, ang pangalawa sa walong anak ng mag-asawang nakaririwasa na sina G. Juan Magbanua at Gng. Alejandra Ferreira Magbanua
Gawain 1 Punan ang mga ulap ng mga talang hinihingi mula sa kwentong binasa.
TAGPUAN
MGA TAUHAN
UNANG PANGYAYARI WAKAS
PAMAGAT
IKALAWANG PANGYAYARI KASUKDULAN IKATLONG PANGYAYARI
Alin sa mga pangyayari sa binasang talambuhay ang maaaring maiugnay at nakakahawig o nakakatulad ng inyong sariling karanasan? Inahagi ito sa klase.
Gawain 2 Isulat o itala sa metacards ang lahat ng pang-uri na inyong nabasa mula sa talambuhay. Ipaskil ang mga ito sa pisara. Pagkatapos, magbigay ng mga salitang magkakasalungat at magkakasingkahulugan. Gamiting batayan ang mga pang-uring nakapaskil sa pisara.
Pagyamanin Natin
Gawin Natin Basahin nang tahimik ang talata. Pagkatapos, ibigay ang mga salitang magkakasalungat at magkakasingkahulugan na nabasa mula sa talata. Ilagay ito sa tsart. Ang mga mag-aaral ay sama-sama sa kantina tuwing rises. Kantina ito ng paaralan. Sang-ayon sa kanila, may mahal at mura sa mga paninda. Masarap ang mga pagkain, malinamnam. Marumi ang basahan, malinis ang mesa. Maingay ang ilang bata at tahimik ang nakararami. Nagkakatuwaan sila tuwina. Masaya sila. Magkakasingkahulugan
Magkakasalungat
Gawin Mo Panuto: Basahin ang sumusunod na mga pangungusap. Magbigay ng mga salitang magkasingkahulugan o magkasalungat mula sa mga pangungusap. 1. Maligayang-maligaya sina Claude at Joel ng Sabadong yaon. Ngunit pagkatapos ng isang oras ay lungkot na lungkot sila dahil hindi sila maaaring maligo at mamingwit sa ilog.
2. Ibig na ibig na nilang makarating agad sa bukid. Gustung-gusto na ni Joel na mamitas ng mga bungang-kahoy. 3. Si Claude ay maliligo sa malinis na ilog ngunit hindi siya nakapaligo dahil marumi at mababaw ang tubig. 4. Ang mga pabrika ay nagtatapon sa ilog ng kanilang chemical waste. Ang chemical waste ay yaong mga dumi ng ginamit na kimiko at iba pang bagay sa pabrika na hindi na maaaring gamitin pang muli kaya itinatapon na. 5. Hindi maaaring mabuhay nang malusog ang mga gulay sa lupang tigang. Maaaring lagyan ng pataba ang tuyot na lupa upang mapagtaniman ito.
Isaisip Mo
Ang mga salita ay magkasingkahulugan kung ang ito ay nagsasaad ng magkaparehong ibig sabihin. Ang mga salita ay magkasalungat kung ang mga ito ay may magkabaliktad na kahulugan o ibig sabihin.
Isapuso Mo
Pangkatang Laro Bumuo ng 2-4 na grupo. Bawat miyembro ng grupo ay mag-uunahan na makapagbigay ng mga salitang magkasalungat/ magkasingkahulugan mula sa pangungusap na babanggitin ng guro.
Isulat Mo
Punan ang bawat puno ng pares ng mga salitang magkakasingkahulugan at magkakasalungat.
MAGKASINGKAHULUGAN
MAGKASALUNGAT
3
IKATLONG LINGGO
Ikaapat na Araw
Tuklasin Mo
Buuin ang mga piraso ng puzzle upang mabuo ang larawan.
Bigyan ng oras ang bawat grupo upang suriin at bigyang kahulugan ang larawan. Naranasan mo na bang mag-anyaya ng isang kaibigan o panauhin? Sa paanong paraan mo ito ginawa?
Basahin Mo
Isang Paanyaya
Pagyamanin Natin
Gawin Natin Isulat ang lahat ng mga salitang hiram na iyong nabasa mula sa kwento. Ibigay ang kahulugan ng bawat isa. Suriin ang baybay ng mga salitang ito. Isulat ito sa kwaderno
Gawin Mo Panuto: Piliin ang salitang hiram sa pangkat.isulat ito ng may wastong baybay sa iyong kwaderno. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. 10.
basketbol pinakbet binyagan shorts escalator pizza bus telebisyon coach martilyo
piko lumpia kumpilan pantalon bentilador sausage bapor radyo guro bumbilya
jack en poy spaghetti kasalan palda kubrador tinapay LRT telepono punong-guro kutsara
patintero sinigang despidida saya burador pandesal eroplano computer pulis Flashlight
Isaisip Mo
Sa paanong paraan mo maisusulat ng wasto ang baybay ng mga salitang hiram? Bakit mahalagang maisulat mo ng maayos at wasto ang baybay ng bawat salitang hiram na iyong matututuhan?
Isapuso Mo
Pangkatang Laro Bumuo ng 2-4 na grupo. Bawat miyembro ng grupo ay mag-uunahan na makarating sa finish line sa pamamagitan ng pagsulat ng wastong baybay ng mga salitang hiram na babanggitin ng guro.
Isulat Mo
Panuto: Anong salitang hiram ang tinutukoy ng bawat bilang? Isulat ang wastong baybay nito sa inyong kwaderno.
1.
2.
3.
4.
5.likas na langis sa puno ng buhok sa anit 6. pangkulay ng buhok 7. gamot o lunas sa kanser 8. kulang sa wastong nutrisyon 9. kagamitan o makina sa pagkopya o pagpaparami ng sipi ng mga papeles at dokumento 10. nakatutulong upang Makita ang mga bagay na nasa malayo tulad ng kalawakan
3
IKATLONG LINGGO
Ikalimang Araw
Tuklasin Mo
Panuto: Isaayos ang mga titik upang makabuo ng mga salitang maaaring maglarawan sa isang tauhan o tagpuan sa isang kwento. a. W M I N A A A b. T A K T A T O N A c. Y P A P A A d. T M B I A A e. N M K P A I R A Y H G A N A A
Pagmasdan ang larawan. Ano ito? Alam ba ninyo kung bakit o paano nagkaroon ng bahaghari? Halina’t ating tuklasin sa maikling pelikulang ating papanuorin.
Panoorin Mo
Panoorin at unawain ang Video Clip na ipakikita ng iyong guro.
Pagyamanin Natin
Gawin Natin Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong: 1. 2. 3. 4.
Ano ang pamagat ng pelikulang inyong napanood? Sinu-sino ang mga tauhan? Ibigay ang katangian ng bawat isa. Ilarawan ang tagpuan. Ano ang pangyayaring naibigan mo sa pelikula? Ipaliwanag kung bakit mo ito naibigan. 5. Alin naman ang hindi mo naibigan? Bakit?
Gawin Mo Panuto: Mula sa pagsusuri ng pinanood na pelikula, punan ang graphic organizer ng mga salitang maglalarawan sa mga tauhan at tagpuan nito.
TAUHAN PAMAGAT NG PELIKULA TAGPUAN
Isaisip Mo
Lubos na masusuri ang tauhan, tagpuan at mga pangyayari sa panonood ng pelikula kung uunawain at tatandaan ang mga pangyayari sa pelikulang napanood.
Isapuso Mo
Pangkatang Gawain Panoorin ang pelikulang ipakikita ng guro. Gawin ang sumusunod na pagsasanay.
Pangkat I - Itala ang pangalan ng bawat tauhan at katangian ng bawat isa. Pangkat II - Ilarawan ang tagpuan ng pelikulang napanood Pangkat III - Itala ang pangyayaring naibigan ninyo sa pelikula at ipaliwanag kung bakit ito Pangkat IV - Itala ang di kanais-nais na pangyayari sa pelikulang napanood at ipaliwanag kung bakit.
Isulat Mo
Panuto: Panoorin ang Video Clip na ipakikita ng guro at sagutin ang mga katanungang sumusunod: 1. Ano ang pamagat ng pelikulang inyong napanood? 2. Sinu-sino ang mga tauhan? Ibigay ang katangian ng bawat isa. 3. Ilarawan ang tagpuan sa pelikulang napanood mo na napanood mo. 4. Ano ang pangyayaring naibigan mo sa pelikula. Ipaliwanag kung bakit ito nagustuhan. 5. Alin naman ang pangyayaring hindi mo nagustuhan? kasagutan.
Bakit? Ipaliwanag ang iyong
Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino V Week 4- Ikatlong Markahan Unang Araw
Tuklasin Mo Ano ang panuto ?
Basahin Mo
Pagyamanin Mo Isagawa at sundin ang panuto Isulat ang pangalan ng iyong kaibigan sa loob ng isang bilog at kulayan ito ng dilaw
Isulat ang iyong pangalan salungguhitan ang mga patinig at bilugan ang mga katinig.
Gumuhit ng isang bulaklak. Lagyan ito ng dahon at isulat dito ang pangalan ng bulaklak
Isaisip Mo Sa pagsunod sa panuto nararapat na nakinig na mabuti. Unawain ang isaktong pagsasagawa ng panuto Isagawa mula sa simula hanggang sa katapusan i-tsek kung ang nagawa ay tama.
Isapuso Mo Inutusan ka ng nanay mo na magluto ng kanin sapagkat mayroon lamang siyang tinatapos na gawain.Ano ang unang hakbang na gagawin mo?
Isulat Mo Sumulat ng mga panuto na maaring isagawa ng iyong mga kamag-aaral.
Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino V Week 4- Ikatlong Markahan Ikalawang Araw
Tuklasin Mo Basahin ang usapan. Alamin ang mga pang-uri at pang-abay na ginamit
Basahin Mo
Pagyamanin Mo Alamin ang pagkakaiba ng gamit ng mga salitang may salungguhit. Nagpahid sila ng makapal na uling. Masayang naglundagan ang mga Ati. Ano ang napansin ninyo sa gamit ng salitang makapal? Naglundagan?
Isaisip Mo
Isapuso Mo Isulat kung pang-abay o pang-uri ang may salungguhit. 1. Mainit ang kape.
2. Taimtim siyang nanalangin.
3. Masayang ikinuwento ni Lisa ang kanyang karanasan.
4.Naglagay ako ng sariwang bulaklak sa plorera.
5.Totoong mabagal maglakad ang pagong
Isulat Mo Magsaliksk. Gumawa ng talata tungkol sa taong nagtagumpay sa buhay. Salungguhitan ang mga pang-uri at bilugan ang mga pang-abay.
Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino V Week 4- Ikatlong Markahan Ikatlong Araw
Tuklasin Mo Ayusin ang mga titik sa biluhaba na siyang magiging kahulugan 1. Dumatal sa kaniya ang isang napakalaking suliranin na nagpagulo sa kanilang isipan. D t n g I a m u 2. Dahil dito, binalak niya na manalangin sa Panginoon para siya”y gabayan Niya.
I anpolni
3. Nakapagpasya siya na gagawin ang lahat upang malutas ang problema. KapgIoas eaIndnsy
4. Itinuturing niyang ang mga iyo’y susubok sa kanyang katatagan. IakkIIlln a 5. Tunay na naging malupit sa kaniya ang kapalaran, ngunit di kalian man siya bibitiw sa kanilang paniniwala. a a m g k b I s
Basahin Mo Piliin sa talata ang mga salitang nais mong bigyang kahulugan. Ano ang tawag sa mga salitang ito? Panaginip Minsan, napanaginipan ko na ako’y nasa isang magarang silid. Antigo ang lahat ng gamit dito. May isang malaking mesa at dalawang silya na yari sa nara. May babaing nakaupo sa silya. May hawak siyang abaniko at nakasuot ng magarang bestida. Mula sa silya, lumapit siya sa bintana at masayang tinanaw ang kanyang malawak na hardin. Dito makikita ang iba’t ibang uri ng halaman tulad ng rosas, gumamela, santan, sampaguita at rosal.
Pagyamanin Natin Pangkatang Gawain Ang bawat grupo ay magtatala ng mga pamilyar at di pamilyar na salita buhat sa binasa. Iulat ang natapos na gawain sa klase.
Isaisip Mo Ang natutuhan ko sa araling ito ay_________________________________________.
Isapuso Mo Kung ikaw ang nasa katayuan ng tauhan sa binasang talata ano ang maari mong maramdaman ? ano kaya ang maaring magyari ?
Isulat Mo Upang lubos na maunawaan ang kuwento o talatang binasa, gumawa ng balangkas ng mga nakapalap na impormasyon .
Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino V Week 4- Ikatlong Markahan Ikaapat na Araw
Tuklasin Mo Ano ang Talata at komposiyon nito ? Ang komposisyon o katha ay binubuo ng mga talata. Ang talata naman ay binubuo ng lipon ng mga pangungusap na naglalahad ng isang bahagi palagay o paksang diwa. Upang maging mabisa ang paksang diwa, buong diwa, may kaisahan, maayos ang pagkakalahad, at may tamang pagkakaugnay at pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan: May iba’t ibang uri ng talata ayon sa kinalalagyan sa komposiyon. Ito ay ang mga sumusunod: 1.
Panimulang Talata – ito ang nasa unahan ng isang komposisyon. Dito nakasaad ang paksang nais, talakayin ng manunulat at kung ano ang kanyang ipninapilwanag, isinasalaysay, inilalarawan, o binibigyang-katwiran.
2.
Talatang Ganap – ito naman ang nasa bahaging gitna ng isang komposisyon. Ito ay may tungkuling paunlarin o palawakin ang pangunahing paksa. Binubuo it nng mga sumusuportang ideya upang ganap na matalakay ang paksang nais bigyang-linaw ng manunulat.
3.
Talatang Pabuod – ito naman ang kadalasang pangwakas ng isang komposisyon. Dito nakasaad angg mahahalagang kaisipan na nabangit sa gitna talata. Minsa, ginagamit ito upang bigyanglinaw ang kabuuan ng komposisyon.
Basahin Mo
Pagyamanin Mo Ano-ano ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng talata?
Isaisip mo
Ano ang talata? Ano-ano ang mga uri nito?
Isapuso Mo Isulat ang nawawalang salita sa tulong ng larawan upang makabuo ng talata.
Sa isang
_________ malapit sa paanan ng
_____________ay naninirahan si Ka Igme at Aling Rosa. Marami silang
_____________ na mga halamang napagkukunan ng iba’ibang uri ng
_____________ .Malago ang
Isang araw, naghahawan ng
________ sa likod ng kanilang
______
__________ si Ka Igme nang makakita siya ng isang
____________.
Isulat Mo Kumuha ng isang malinis na papel at sumipi ng isang talata .
Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino V Week 4- Ikatlong Markahan Ikalimang Araw
Tuklasin Mo Ano-anong mga salita ang mabubuo mo mula sa mga titik na ito.
lipelaku
gatnapu
nahuta
liikma
a tsitra
Basahin mo Sinasabing ang pelikula ang pinakahuling sining na natutunang sinupin ng mga manlilikha nito. Ito ang dahilan kung bakit ang ilang mga pelikula na nilikha noong unang panahon ay hindi naipalalabas ngayon. Sa kasalukuyan, kinahiligan na ng mga Pilipino ang panonood ng pelikula. Ito ang nagsisilbing libangan o pampalipas oras sa ilang mga Pilipino. Alam ng lahat ang malakas na pagtanggap ng madla sa ganitong uri ng sining. Kung kaya, marami ang mas nais ang pelikulang nanggagaling sa labas ng bansa. Nakapanood ka na ba ng isang pelikula? Ano ang masasabi mo sa iyong napanood? Natatandaan mo ba ang tagpuan at mga tauhan nito? Ilahad ang iyong karanasan?
Pagyamanin Mo Punan ang tsart. Iugnay sa paborito mong pelikulang napanood.
Pagsusuri sa :
Tauhan
Tagpuan
Isaisip Mo Kumpletuhin ang pangungusap batay sa napag-aralan. Sa panonood ng pelikula dapat nating suriin ang _____________at _____________
Isapuso Mo Ano-anong suliranin ang kinakaharap ng pelikulang Pilipino Pilipino? Magbigay ng mga mungkahi o solusyon sa suliraning kinakaharap ng pelikulang Pilipino?
Isulat Mo Isulat ang mga pelikulang napanood mo na nagbigay ng aral sa iyo at sa maraming manonood. Sino-sino ang mga tauhan at saan ang tagpuan.
Pamagat ng Pelikula
Tauhan
Tagpuan
ARALIN
5
Panlingguhang Layunin Pag-unawa sa Napakinggan Nasasagot ang mga literal na tanong tungkol sa napakinggang alamat F5PS III b-c -e3.1 Gramatika-Wikang Binibigkas Naibabahagi ang isang pangyayaring nasaksihan F5PS III b-e 3.1 Gramatika- Kayarian ng Wika Nagagamit ang pang –abay at pang-uri sa paglalarawan F5PB-IIId-e-9 Pag-unawa sa Binasa Nakagagawa ng isang timeline batay sa nabasang kasaysayan F5PB-Ie-18 Estratehiya saPag-aral Nagagamit ang iba t Iibang pahayagan ayon sa pangangailangan F5EP-IIIe-7.1 Pagsulat Nakakasusulat ng idiniktang liham ayon sa tamang anyo at ayos F5PU-III e-2.8
Humanap ng kapareha. Pakinggan ang isang liham na babasahin ng kapareha. Pagkatapos, tingnan kung nasa tamang ayos ang sulat na binasa at tukuyin ang mga nagamit na pang-abay at pang-uri na ginamit sa liham.
1
Layunin Anong kabutihang naidudulot ng alamat sa buhay ng tao? Ibigay ang mga mahahalagang pangayayari sa alamat ng gagamba.
Tuklasin:
. Ano ang ginagawa ninyo kapag nakakita kayo ng isang gagamba? Dapat ba natin patayin ang mga gagamba? Basahin Mo A.Bago Bumasa : Ang mga alamat ay salamin ng ating pagiging malikhain at mahilingin sa mga makabuluhang kwento na kapupulutan ng aral. Ito ay naglalaman ng istorya tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o isang lugar. Ang mga alamat ay nakakaaliw na likhang-isip ng may –akda. Sinuman ay maaring sumulat ng alamat.
Ipabasa ang Alamat ng Gagamba Isang tipikal na dalagitang mahinhin at pantahanan si Amba. Maraming kalalakihan ang nakapansin ng kanyang kagandahan at naaakit sa kanya. Ang libangan niya ay humabi.Mahusay siyang humabi at dahil ditto ay kinaiinggitan at hinahangaan siya ng marami.Sabi ng mga tao siya raw marahil ay tinuruan ni Athena, ang Diyosa ng karunungan sapagkat nang panahonng iyon ay mabibilang mo sa daliri ang may kaalaman sa paghahabi. Talagang may pakpak ang balita. At nang makarating kay Amba ang balitang ito, ganoon na lamang ang kanyang pagmamaktol. Ayaw niya na inihahambing siya sa iba. Para sa kanya, siya lamang ang tanging mahusay na manghahabi. Huwag kang mayabang!sabi ng isang babae. Tama lang naman,hindi ako mayabang! May pagmamalaki sa tugon niya. Kung gusto ninyong masubok ang aking husay,hinahamon ko si Athena na sinasabi ninyo. Mayabang si Amba palibhasay may kaalaman. Mayamayaynaghubad ng balatkayo ang babae at babaeng ubod ng ganda ang nakita niya. Ako si Athena na hinahamon mo! Hindi na siya nakaurong pa. Nagsimula sa paghabi ang dalawa. Pagkaraan ng ilang sandaliy napagtanto nilabna higit ang kagandahan ang gawa ni Athena. Sa labis na kahihiyan, binalak ni Amba ang magpatiwakal subalit pinigilan siya ni Athena. Upang magkaroon ka ng aral, mula ngayon, nahahbi ka nang hahabi hanggang sa wakas ng panahon. Pagkaraan noon, nawala pagdaka si Athena. Si Amba naman ay lumiit nang lumiit at unti-unting tinubuan ng walong paa. At doon din sa pook na pinaglalaanan sa malagong hanay ng gumamela sa harap ng bahay ay humahabi ang isang gagamba. Lumipas ang mga araw, dumami nang dumami hanggang sa mapansin ito ng marami.At napagtagtanto ng mga taong nabubuhay na noon na si Amba ang unang gagamba. 2. Ang pahayagan ay dalawang klase. Ito ay ang mahaba at maraming pahina. Malapad ang pahayagan .Tinatawag itong broadsheet. Tabloid ang tawag sa isang dyaryo na kaunti ang pahina at maliit. Karamihan sa mga tabloid ay walang gaanong impormasyon. Kung minsan nababasa rito ang mga balitang hindi dapat mabasa ng mga mag-aaral. Tandaan ang pahayagan ay isang lathalaing kinapapalooban ng mga balita, napapanahong isyu at mga pangyayari sa buong babsa at sa ibang bansa. Paggamit sa mga bahagi ng pahayagan ayon sa pangangailangan Mas kapakipaki-pakinabang ang pahayagan kung alam mo ang wastong paggamit nito. Sa pagtukoy ng mahahalagang impormasyon mula sa iba’t ibang bahagi ng pahayagan, kailangan ang pagbasang pahapyaw. Ginagawa ito sa pamamagitan ng mabilis na pagtingin sa mga bahaging importante sa babasahin, tulad ng mga detalye at pangunahing ideya. Pagyamanin Natin A. Gawin Ninyo .Hatiin ang klase sa apat na pangkat at ibigay ang seksiyon o bahagi ng pahayagang babasahin kung nais malaman ang tungkol sa mga sumusunod : Halimbawa : Malaking sakuna sa dagat na naganap nang nakaraang araw. Sagot : Unang pahina o pangunahing balita
1. Ibig mong malaman kung ano ang ipinalalabas na pelikula sa paborito mong sinehan. 2. Nais mong malaman ang palagay ng editor sa mahalagang isyu. 3. Mahilig kang sumagot sa krosword. 4. Ibig mong malaman ang horoscope mo para sa araw na ito. 5. Ibig mong malaman ang mga opinion at kuru-kuro ng ilang tao sa mga isyu at pangyayaring nagaganap. 6. Ibig mong malaman kung aling koponan sa basketball ang maglalaban kinagabihan. 7. Naghahanap ang pamilya ninyo ng mabibiling lote at bahay. 8. Makikibalita ka sa mga nangyayari sa mga kalapit nating bansa sa Asya. 9. Sinusubaybayan mo ang halaga ng piso laban sa dolyar. 10. Interesado ka sa buhay-buhay ng mga taong kilala sa lipunan. 11. Ibig mong malaman ang desisyon ng pangulo sa kasalukuyang krisis. 12. Naghahanap ka ng magandang palabas sa telebisyon ngayong araw. B. Gawin Mo Sumulat ng isang maikling editorial batay sa kasalukuyang isyung ppampaaralan sa : 1. Samahan o klub 2. Mga proyektong pambata 3. Mga proyektong para sa pagbibigay ng donasyon Isaisip Mo Sa iyong palagay, totoo bang mangyayari ang ganon sa buhay ng tao?Sa iyong palagay, ang alamat ba ay nakakatulong bas a batang tulad mo sa pagtuturo ng mabuting asal ? Bakit? Isapuso Mo Pagpapakita na nang bawat pangkat ng kanilang nabuong short skit tungkol sa alamat ng Gagamba. Isulat Mo Gumawa ng isang maikling buod tungkol sa Alamat ng Gagamba.
2
Ano ang pang-abay? Ano ang pang-uri? Kailan ginagamit ang pang-abay at kalian ginagamit ang pang-uri?
Layunin
Tuklasin Anong tawag sa salitang naglalarawan? Ano ang pagkakaiba nang pang-abay sa pang-uri? Basahin mo Pansinin ang mga salitang may salungguhit . 1. Mabait siyang bata.Ang salitang mabait ay pang-uri .Ang bata ay pangalan. 2. Tunay na mabait si Jesriel.Ang tunay ay pang-abay. Ang mabait ay pang-uri. 3. Lubhang mabagal kumilos yung isa,si Ann.Ang mga salitang lubhang at mabagal ay kapwa pang-abay at ang kumilos ay pandiwa. Ang pang-uri ay salitang naglalarawan sa pangalan at panghalip. Ang pang-abay ay naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay. Pagyamanin natin A.Gawin ninyo A.Pangkatin ang klase at suriin ng bawat pangkat ang bawat pangungusap. Bilugan ang pangabay na gingamit sa mga pangungusap. 1. Madalas siyang magkasakit. 2. Tunay na Masaya si Ana. 3. Patakbong sinalo niya ang bola. 4. Palihim na tumakas ang yaya. 5. Ubod ng bilis lumakad ang babae. 6. Mabagal kumilos ang bata. 7. Saksakan ng tamad si Juan. 8. Pasuray-suray tumakbo ang mama. 9. Mabilis na umakyat sa puno ang mga pusa. 10. Humihingal na nagsasalita ang guro. B.Kumuha ng kapareha at magtanungan kayo . Itanong kung anong uri ng pang-abay ang may salungguhit sa pangungusap sa ibaba. 1.Mainit ang ulo ng hepe kahit na mainit na tinanggap ang kaniyang talumpati. 2.Nang dumating ang mga Malayo,binili ba nila ang baybay-dagat? 3. Maingat na sumulat sa notebook si Cedrhix.
4. Naliligo ang bata araw-araw. 5.Mahusay magtalumpati si G. Cruz. Gawin mo: Isulat sa patlang kung pang-uri o pang-abay ang salitang may salungguhit. ________1.Maganda si Bb. Flores. ________2. Tunay na masaya ako. ________3. Mabagal magbasa ang bata. ________4. Manonood nang mag-isa ang bata ng telebisyon. ________5. Sadyang komikero si Raul.
Isaisip Mo Ano ang pagkakaiba nag pang-abay at pang-uri? Isapuso Mo Gumuhit ng mga larawan ng bagay, hayop, tanawin na gusto mong iguhit. Isulat ang pang-uri o pang-abay na panlarawan na maiuugnay sa mga ginuhit. Isulat Mo Bilugan ang salitang panlarawan at tukuyin sa kahon kung pang-uri o pang-abay. 1. 2. 3. 4. 5.
Sariwa ang mga gulay at bungangkahoy na tinda ninyo. Ang nayon ay matiwasay noon pa man. Bihasang magtrabaho ang mga manggagawa. Si Lloyd ay maagang kumikilos tuwing umaga. Tuwid ang buhok ni Rhein.
3
Paano nakakabuo ng isang timeline ? Bakit mahalaga ang pagkakasunod-sunod ng isang timeline sa kasaysayan?
Layunin
Tuklasin Humanap ng kapareha. Ang magkapareha ay mag-iisip kung anu-anong mahalagang kaganapan noong nakalipas na taon at ilagay nila ito sa isang hagdan batay sa pagkakasunod-sunod na pangyayari sa loob ng isang taon. Basahin mo Pangkat –I Thomas Robert Malthus Si Thomas Malthus (1766-1834) isang Ingles na unang tumawag-pansin sa mas mabilis na paglaki ng populasyon kaysa sa paglago ng mga pinagkukunang-yaman at ng produksiyon.
Thomas Malthus Ayon kay Malthus, kung patuloy ang pagdami ng tao samantalang ang lupa na kaniyang pinagkukunan ng pagkain ay hindi naman nadaragdagan darating ang panahon na hindi na ito makakasapat sa kanilang mga pangangailangan. Ayon sa kaniya kailangan ng agarang pagpaplano ng pamilya at pagpapaliban ng tao na mag-asawa. Katulad ni Ricardo, malaki ang nagawang kontribusyon ni Malthus upang maunawaan ang mga kadahilanan ng pagbabago ng presyo ng produkto sa pamilihan, sahod ng mga manggagawa, at ang upa sa lupa. Ayon sa Malthusian Theory of Population, angpopulasyon ay nagdaragdag sa isang geometric ratio, habangang pagtaas sa suplay ng pagkain sa isang arithmetic ration. Ang kawalan ng pagkakaisa ay humantong sa laganap nakahirapan at gutom, na kung saan ay maitatama lamang sa pamamagitan ng mga natural na pamamaraan tulad ng sakit,mataas na dami ng sanggol na namamatay, gutom, digmaan.Ang kanyang pangunahing kontribusyon ay sa sektor ngagrikultur a.
Ayon sa teorya na ito, may dalawang hakbang upang makontrol ang populasyon: preventative at positive check. Angpreventative na paraan ay kontrol sa panganganak, atgumagamit ng iba't-ibang mga paraan upang kontrolin angkapanganakan; at positive check tulad ng natural calamities,digmaan, atbp. Pangkat II -Karl Marx
Nakilala si Karl Marx (1818-83) sa kaniyang aklat na Das Kapital. Si Marx ay isang manunulat at rebolusyonaryong Aleman.
Karl Marx Ayon kay Marx, ang teknolohiya ang magiging lahilan ng pagsulong ng isang bansa sa ilalim ng kapitalismo at ang kakayahan nitongkumikha ng yaman ngunit iilan lamang ang maaaring makinabang dahil patuloy na maghihirap ang tao lalo na ing mga manggagawa. Ayon kay Marx, hindi babagsak asng kapitalismo ng dahil sa pagbaba ng produksiyon at sakulangan ng mga teknolohiya na siyang paliwariag ng mga naunang ekonomista kundi ang lubhang kailangan ay ang pagbabago sa kaugnayan ng mga tao sa isa't-isa. Naniniwala na dapat bigyang-pansin ang suliranin kung paano ipamamahagi ang nagawang produkto sa pag-unlad ng ekonomiya. Sa ilalim ng kapitalismo ay ang pagkakakani-kaniya ng bawat tao ang pangunahing sanhing kahinaan nito. Ayon sa kaniya, maaari lamang itong mabago sa pamamagitan ng pagpapalit ng sistema patungong sosyalismo at sa huli komunismo kung saan lahat ng mga tao ay pantay-pantay at magkakaroon ng lipunang walang uri o classless society. Dagdag pa niya na nararapat lamang na kumpiskahin ang mga pribadong pag-aari ng gamit sa produksyon at gawin itong pag-aari ng buong lipunan at alisin ang sistemang pasahod. Ang konseptong nabuo ni Marx ukol sa tao at produksyon ay hindi nagtagumpay sa mga maunlad na bansa. Ilan sa mga sosyalistang bansa na sumunod sa kaisipan ni Karl Marx ay ang mga bansang China, Russia at ibang maliliit na bansa sa Gitna at Silangang Europa.
Noong dekada 90, nagsipagbagsak ang ekonomiya ng mga bansang sosyalista at nahirapan makabangon pa ang mga ito. Nagkaroon ng suliranin kung paano matutugunan ang pangangailangan ng mga tao at pagtugon sa suliraning kung paano mapapaangat ng pamahalaan ang estado ng ekonomiya ng mga nabanggit na sosyalistang bansa. Malaki din naman ang naitulong ng mga doktrina ni Marx sa pagbuo ng mga samahang pang-manggagawa.
Pangkat III-Leon Walras Ang general equilibrium theory inihaharap upangipaliwanag ang paguugali ng supply, demand, at mga presyo saisang buong ekonomiya sa ilan o maraming merkado. Si Alfred Marshall ay pinakamahusay na akda ng,Principles of Economics (1890), ipinakilala sa akdang ito ang mga kaisipan ng, kabilang elasticity of demand, surplus ng mga mamimili,, at representative firm o ang mga kinatawan ngkompanya. Ang kanyang akda “on the theory of value”iminungkahi niya na ang oras bilang isang kadahilanan sapagtatasa sa cost-production principle. Pangkat IV-John Maynard Keynes Si John Maynard Keynes ay itinuturing na "Makabagong Ama ng Makroekonomiks." Nakilala siya sa aklat na General Theory of Employment, Interest, and Money na inilathala noong 1936.
Pangkat IV-John Maynard Keynes Sinaliksik ni Keynes ang dahilan ng krisis ng paghina ng ekonomiya ng bansa noong panahon ng "great depression" noong 1930. Ayon kay Keynes, hindi laging mabisa ang pamilihan sa pagsagot sa lahat ng suliranin ng ekonomiya ng isang bansa. Ayon sa kaniya, maaring hindi maging sapat ang pamumuhunan sa isang ekonomiya upang patuloy na paunlarin ito. Maaaring mabigyan ng solusyon ang suliranin kung ang pamahalaan ay makikialam sa ptimamagitan ng tamang alituntunin sa pananalapi at pinansiyal. Binigyang-pansin din Keynes na ang paggastos ng pamahalaan o pagbabawas ng buwis ay magbubunga ng tiis at trabaho na siyang magpapalago sa kabuuang ekonomiya ng isang bansa. Pagyamanin natin A.Gawin ninyo A. Gawin ninyo: Pangkatang Gawain : Ibigay ang timeline ng buhay ni Alfred Marshall at Leon Walras isulat ang mahahalagang pangyayari sa isang fish bone. Sina Alfred Marshall (Principles of Economics, 1890) at Leon Walras (Elements of Political Economy, 1894) ay maituturing na mga ekonomistang neoklasiko sapagka't sumunod sila sa mga teoryang sinimulan ng mga klasikong ekonomista tulad nina Ricardo at Smith. Naniniwala ang mga neoklasiko sa malayang pamilihan at ganap na kompetisyon upang bigyang kasagutan ang pangangailangan ng lipunan. Kung magkakaroon lamang ng kondisyong nabanggit, makakamit ng lipunan ang pinakamaayos nakalagayan pangekonomiya. Ipinaliwanag din ng mga neoklasikong ekonomista na kailangan ang aktibong pakikilahok ng pamahalaa upang bigyang solusyon ang mga suliraning pang-ekonomiya ng bansa.
Noong 1874 at 1877 inilabas ni Leon Walras ang aklat na “Elements of Pure Economics”, akda na nagging dahilan upang kilalaning “father of the general equilibrium theory”. B. Gawin mo: Igawa ng timeline ang mga nagawa ni Adam Smith sa pamamagitan ng pagkuha sa mahahalagang pangyayari at ilagay ito sa isang halaman. Adam Smith Masasabi na nagsimula ang sistematiko at siyentipikong pag-aaral ng ekonomiks noong huling bahagi ng ika-18 siglo. Isa sa pinakakilalang aklat na nakilala noong 1776 ang aklat na ‘An Inquiry to the Causes and Nature of Wealth of Nation’ ni Adam Smith. Si Adam Smith (1723-1790) ay isang pilosopo at propesor ng Ekonomiks mula sa Scotland. Itinuturing si Smith na "Ama ng Klasikong Ekonomiks" dahil sa kaniyang pangunguna na ipaliwanag ang mga prinsipyo ng ekonomiya at ang daan tungkol sa pag-unlad ng isang bansa. Layunin ni Adam Smith na malaman ang sanhi ng pagyaman at paghihirap ng mga bansa. Ayon sa kanya maaaring yumaman ang isang bansa kung; (1) makapaglalaan ito ng sapat na puhunan; (2) tumataas ang produktibidad ng paggawa. Naunawaan niya na ang pagtaas ng produksiyon sa pamamagitan ng espesyalisasyon o paghahati ng gawain ay magdudulot ng pagtaas ng produksiyon ng isang ekonomiya. Iminungkahi ni Smith na di-dapat makialam ang pamahalaan sa pakikipagkalakalan at hayaan ang mga tao na magpasiya kung ano ang tunay na makakabuti sa kanila at sa buong bansa. Ito ang konsepto ng free enterprise. Ipinaliwanag pa ni Smith na ang pagkakaroon ng kompetisyon sa pamilihan sa pagitan ng mga negosyante at mamimili ay makakabuti sa pangkabuong kalagayan ng pamumuhay ng mga tao. Ayon kay Smith, maaaring makialam ang pamahalaan upang ayusin lamang ang mga sistema ng pakikipagkalakalan at alisin ang anumang hadlang sa malayang kompetisyon sa pagitan ng mga mga tao sa pamilihan. Nagpahayag ng doktrinang Laissez Faire o Let Alone Policy
Isaisip Mo Ano ang pinagbatayan ninyo sa paggawa ng isang timeline? Bakit mahalaga na tama ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ?
Isapuso Mo Kumuha ng kapareha at gumawa ng timeline ang pitong araw na ginawa nang Panginoon ang sanlibutan. Ibigay ang mga mahahalagang pangyayari sa bawat araw. Isulat Mo Kunin ang mahahalagang pangyayari nang buhay ni Dr Jose Rizal at gumawa nang timeline tungkol dito. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ang buong pangalan ni Dr. Jose Rizal. Labing-isa silang magkakapatid at ikapito siya. Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos. Nakita niya ang unang liwanag noong ika-19 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna. Kung susuriin ang pinagmulan niyang angkan, ang kanyang ama na si Francisco Mercado ay anak ng isang negosyanteng Instik na nagngangalang Domingo Lam-co at ang kanyang ina ay isa ring mestisang Intsik na ang pangalan ay Ines dela Rosa. Intsik na Intsik ang apelyidong Lam-co kung kaya’t kung minsan ay nakararanas si Domingo Lam-co ng diskriminasyon kaya upang makaiwas sa ganoong pangyayari at makasunod sa ipinag-uutos ni Gobernador Claveria kaugnay ng pagpapalit ng mga pangalang Pilipino noong 1849, ang Lam-co ay pinalitan ng apelyidong Kastila at pinili nila ang Mercado na nababagay sa kanya bilang negosyante, sapagkat ang ibig sabihin ng Mercado ay palengke. Ang pamilyang Lam-co ay kilalang mangangalakal noon sa bayan ng Binan, Laguna. Bagamat ang mga ninuno ni Rizal sa ama ay kilalang negosyante, ang kanyang ama ay isang magsasaka. Isa siya sa mga kasama sa Hacienda Dominicana sa Calamba, Laguna. Ang apelyidong Rizal ay naidagdag sa kanilang pangalan sa bias ng Kautusan Tagapagpaganap na pinalabas ni Gob. Claveria noong 1849 at ito’y hinango sa salitang Kastila na luntiang bukid. Masasabing mayaman ang angkang Rizal sapagkat ang pamilya ay masikap, matiyaga at talagang nagbabanat ng buto. Nang tumuntong si Rizal sa gulang na tatlong taon, 1864, siya ay tinuruan ng abakada ng kanyang ina at napansin niyang nagtataglay ng di-karaniwang talino at kaalaman ang anak, kahit kulang sa mga aklat ay nagawa ng ginang na ito ang paglalagay ng unang bato na tuntungan ni Rizal sa pagtuklas niya ng iba’t ibang karunungan. Nang siya’y siyam na taong gulang, si Jose ay ipinadala sa Binan at nag-aral sa ilalim ng pamamahala ni Padre Justiniano Aquino Cruz, ngunit pagkalipas ng ilang buwan ay pinayuhan na ito na lumipat sa Maynila dahil lahat ng nalalaman ng guro ay naituro na niya kay Rizal. Noong ika-20 ng Enero, 1872, si Jose ay pumasok sa Ateneo Municipal de Manila. Siya ay nagpamalas ng kahanga-hangang talas ng isip at nakuha ang lahat ng pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng asignatura. Sa paaralang ito natamo niya ang katibayang Bachiller en Artes at notang sobresaliente, kalakip ang pinakamataas na karangalan.
Nang sumunod na taon sa Pamantasan ng Santo Tomas ay nag-aral siya ng Filosofia y Letras at Agham sa pagsasaka naman sa Ateneo Municipal de Manila. Kumuha rin siya ng panggagamot sa naturang pamantasan. Di pa nasiyahan, nagtungo siya sa Europa noong ika-5 ng Mayo, 1882 upang doon ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Nagpatuloy siya sa pag-aaral ng Medicina at Filosofia y Letras sa Madrid, Espana at tinapos ang kursong ito noong 1884 at 1885. Noong 1884, si Rizal ay nagsimulang mag-aral ng Ingles; alam na niya ang Pranses pagkat sa Pilipinas pa lamang ay pinag-aralan na niya ang wikang ito. Bukod sa mga wikang ito, nagaral din siya ng Aleman at Italyano dahil naghahanda siya sa paglalakbay sa iba’t ibang bansa sa Europa. Alam niyang mahalaga ang mga wikang ito sa pag-aaral ng mga kaugalian ng mga tao roon at ng pagkakaiba nila sa mga Pilipino sa bagay na ito. At upang mapag-aralan ang kasaysayan ng mga baying nabanggit na mapaghahanguan ng mga aral na alam niyang makatutulong sa kanyang mga kababayan. Bunga nito, si Rizal ay maituturing na dalubwika. Ayon kay Retana, ipinahayag ni Rizal na sinulat niya ang unang kalahati ng Noli Me Tangere sa Madrid noong magtatapos ang 1884, sa Paris naman ang ikaapat na bahagi at isa pang bahagi ay sa Alemanya. Ipinalimbag ito sa Berlin, at noon lamang Marso, 1887 ay lumabas ang 2000 sipi. Si Dr. Maximo Viola na taga-San Miguel, Bulacan ang nagbayad ng pagpapalimbag sa halagang 300 piso. Ang El Filibusterismo ang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere na ipinalimbag sa Gante, Belhika noong 1891. Itinatatag naman ni Dr. Jose Rizal ang La Liga Filipina noong ika-3 ng Hulyo, 1892. Ang kapisanang ito ay lihim na itinatag at layuning magkaroon ng pagbabago sa palakad ng pamahalaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan at di sa paghihimagsik. Noong ika-5 ng Agosto, 1887, siya ay nagbalik sa Pilipinas. Ngunit noong Pebrero 3, 1888, siya ay muling umalis sapagkat umiilag siya sa galit ng mga Kastila dahil sa pagkakalathala ng Noli Me Tangere. Bumalik siya sa Maynila noong ika-26 ng Hunyo, 1892. Noong Hulyo 7, 1892, alinsunod sa kautusan ni Kapitan-Heneral Despujol, si Rizal ay ipinatapon sa Dapitan, isang maliit na bayan sa hilagang kanluran ng Mindanao, dahil sa bintang na may kinalaman siya sa paghihimagsikan nang mga araw na iyon. Sa Dapitan, nagtayo si Rizal ng isang maliit na paaralan na may labing-apat na batang taga-roon na kanyang tinuturuan. Habang nagaganap ang labanan sa pagitan ng Espana at Cuba, sa pangambang madamay sa kilusang ukol sa paghihimagsik kaya hiniling niya na makapaglingkod siya sa mga pagamutan sa Cuba. Binigyan niya ng isang liham si Kapitan-Heneral Blanco na nagpapatunay na kailanman ay di siya nakikilahok sa mga himagsikan sa Pilipinas. Ngunit noong bago magtapos ang taong 1896, siya’y hinuli ng mga kinauukulan at ibinalik sa Pilipinas. Ikinulong si Rizal sa Maynila sa Real Fuerza de Santiago. Nang iharap sa hukumang militar at litisin, siya ay nahatulang barilin sa Bagumbayan.
Noong ika-29 ng Disyembre, 1896, Sinulat ni Rizal ang kanyang Mi Ultimo Adios (Huling Paalam) isang tulang kakikitaan ng magigiting na kaisipan at damdamin. At noong ika-30 ng Disyembre, si Rizal ay binaril sa Bagumbayan na ngayon ay tinatawag na Luneta.
4
Layunin Anu-ano ang bahagi ng isang liham na pangkaibigan? Anu-anong bantas ang dapat gamitin sa paggawa ng liham ? Ano ang tamang ayos ng isang liham pangkaibigan ?
Tuklasin: Pangkatin ang klase at hayan ang bawat pangkat ay Isaayos ang mga jumble letters. 1. 2. 3. 4. 5.
Antmupaha Tingba nimupala Takawan ng amhli Tingba kaswapang agdal
. Anu-anong paraan ang pwede natin gawin upang magkaroon tayo patuloy na ugnayan sa ating mga kaibigan/kamg-anak lalo na nong unang panahon? Basahin Mo Ilahad ang bawat bahagi nang sulat. 1. pamuhatan - nkikita ang address ng sumulat gayon din ang petsa.. 2. bating panimula - pambungad na pagbati sa sinusulatan. 3. katawan ng Liham- dito isinasaad ng sumulat ang dahilan ng kaniyang pagsulat 4. bating pangwakas- pamamaalam ng sumulat 5. lagda- pangalan ng sumulat MGA BAHAGI NG LIHAM 1. Pamuhatan - dito sinusulat ang tirahan o adres at ang petsa kung kailan niya ito sinulat. Hal: brgy.baras,palo,leyte ika-21 ng Enero,2011 2. Bating Panimula - ito ay maikling pagbati sa sinusulatan, na ang bantas na ginagamit sa hulihan ay kuwit. Hal: mahal kong Rose Wynne, Sa bating panimula ay gumagamit ng magagalang na salitang tulad ng Mahal kong,ang kaibigan kong si,at iba pa. 3. Katawan ng liham - dito ipinahahayag ang tunay na dahilan ng pagsulat hal:sana okay ka lang sa hospital at mamaya kung lumabas ka na laro tayo ng masayang mga laro 4. Bating Pangwakas - dito ay magalang na nagpapaalam ang sumulat. Ang bating pangwakas
ay nagtatapos sa kuwit. Hal: ang iyong kaibigan,ang iyong kapatid,at iba pa. 5. Lagda - dito isinusulat ng lumiham ang kanyang pangalan. Kung ang ating sinulatan ay isang kaibigan o dating kakilala, maaaring pangalan o palayaw na lamang ang ating ilagda. Raven 103 Mabini St. Luisiana, Laguna ( Pamuhatan) Mayo 16,2016 Mahal kong Cedrhix, ( Bating Panimula) Kamusta ka na? Sana ay nasa mabuti kang kalagayan Sumulat ako sayo dahil gusto kong kamustahin ka. Alam mo talagang nalungkot ako nang lumipat ako ng paaralan at lalawigan. Naalala ko pa noong mag kaklase pa tayo ay sabay sabay tayong kumakain ng ating kaibigan.At dinarasal ko na magkita tayong muli Hanggang dito na lamang. (Katawan ng liham)
Nagmamahal, ( Bating Pangwakas) Lloyd ( Lagda) Pagyamanin Natin A. Gawin Ninyo Kumuha ng kapareha at pag-usapan ninyo ang kahulugan ng mga daglat na ginagamit sa liham. Pagtambalin ninyo mula sa hanay A hanapin sa hanay B Hanay A
Dr.
Atty.
Mr.
Mrs.
Gng.
Hanay B
Atorni Misis
Doktor
Ginang
Post Office
Bilang
Street
G.
B. Gawin mo Iwasto ang pagkakasulat ng mga sumusunod: 1.112 rizal st., binan laguna agosto 12, 2016-05-19 2.mahal kong rhonie 3.nagmamahal 4.mark 5.ang iyong pinsan . Isaisip Mo Anu-anong mga daglat na ginagamit sa liham? Anu-ano ang bahagi ng liham ?
Bb.
P.O.
Mister Binibini
Blg.
St. Ginoo
Isapuso Mo Pumili ka ng iyong susulatin sa mga sumusunod : 1. Aanyahan mo ang iyong kaibigan sa isang bertday parti. 2. Ibabalita mo sa iyong kaibigan na ikaw ay paalis na patungong ibang bansa Isulat Mo Babasahin ng guro ang mga bahagi ng liham at isaayos ang liham- pangkaibigan sa espasyo. Lagyan ng wastong bantas. Mahal kong Shaila 43 Lorico St. Luisiana,Laguna Mayo 30,2016 Ang iyong kaibigan Agad mong sagutin ang sulat ko ha? Namasyal kami sa Manila Zoo noong Linggo. Kumusta ka na Tuwang-tuwa ako sa mga matsing. Paborito mong kuwento sina Matsing at Kuneho. Ito ang isa sa mga ipadadala kong aklat sa iyo. Basahin mo para sa iyong kapatid na bunso. Quing Sean Briquillo
5
Paano ka magbabahagi ng mga nasaksihan mo?
Layunin
Ano ang dapat mong tandaan bago ka magbahagi ng iyong nasaksihan?
Tuklasin: Ano angkadalasang makikita natin kung Mahal na araw ? Anong mga pangyayari ang masasaksihan natin ? Basahin Mo Ipabasa ang tungkol sa Ang Pabasa Noong Mahal na Araw, sa lalawigan ng mga loloako nagpunta. Napanood ako roon ng pabasa. Ayon sa Lolo Roger, isa raw itong matandang kaugalian na ipinamana sa atin ng mga Espanyol.Ang Pabasa ay paawit na pabasa ng uhay ni Jesus mula nang ipinaglihi Siya hanggang Siya’y namatay sa Krus. Binabasa ito nang paawit mula sa aklat na tinatawag na pasyon. Sinisimulan ang pagbasa mula sa pagpasok ng Mahal na Araw hanggang Biyernes Santo.Nag-aanyaya ng mga babasa ang may pabasa hanggang matapos ang buong pasyon. Iba-iba rin ang estilo o punto ng pagbasa. Sa pagsasalaysay ng karanasan gumamit ng mga salitang naglalarawan upang maging kawili-wiling pakinggan ang kwento. Isaayos ang mga pangyayari sa wastong pagkakasunodsunod.Gamitin ang malaking titik at mga bantas na kailangan.
Pagyamanin Natin A. Gawin Ninyo 1. Hatiin sa pangkat ang klase. Magkaroon ng pangkatang Gawain. Anu-ano mga pangyayari ang makikita ninyo sa loob ng paaralan,tahanan o pamayanan man na nagbigay ng magandang aral ? Ang bawat kasapi ay maglalahad ng kanyang nasaksihang mga pangyayari sa paaralan. At itala ang mga ito sa manila paper. B. Gawin Mo Sumulat ng kahit isa o dalawang tatatang naglalarawan ng isang karanasang nakatatawa/malungkot/di –malilimot. Isaisip Mo Ano ang inyong natutunan sa pagbabahagi ng inyong nasaksihan? Bakit kailangan na maibigay natin ang mga detalye ng isang pangyayari? Isapuso Mo Aalis ang iyong guro upang samahan ang iyong kamag-aral na magpatingin sa klinika.Pinagbilinan ka niya ng mga gagawin habang nasa klinika ang iyong guro. Ano ang iyong gagawin? Isulat Mo
IV. Pagtataya : Sumulat tungkol sa iyong kaarawan sa pamamagitan ng pagbuo ng talata. Sa Aking Kaarawan Naging__________ ang aking nakaraang kaarawan. Naghanda ang aking ina ng ______ na pagkain para sa aking mga kaibigan. Bumili naman ang aking Ninang ng ______ cake. Pagkatapos ng ______ salu-salo, nagkaroon ng palaro. Isang _______ pabitin ang ginawa ng aking tatay. Nagsabit dito ang aking Ate ng _____ laruan. Ang _____ kong kaibigan ang nakaabot ng bola sa pabitin. Lahat ng dumalo ay ______ pagkat may uwi silang laruan. Naibigan ko ang mga regaling ibinigay sa akin ngunit ang ______ ko ay ang walking doll. Ang buong mag-anak ay _____ subali’t nasiyahan sila dahil nagging masaya ang lahat.
Unang Araw Pagbibigay ng Paksa ng Napakinggang Kuwento/Usapan. Pagguhit ang Paksa ng Binasang Teksto/Tula. Tuklasin Mo Ibigay ang maaring pamagat ng mga salita na nasa ibaba. A. Jose Rizal Andres Bonifacio Marcelo H. Del Pilar Apolinario Mabini Basahin Mo Basahin ang maikling kuwento na nasa ibaba. Ibigay ang paksa ng kuwentong napakinggan. Sadyang natatangi ang buwan ng Agosto. Maraming mahahalagang pangyayari ang naganap sa naturang buwan. Ang Buwan ng Wikang Pambansa ay ipinagdiriwang taon-taon sa buong simula nang Agosto 1998. Tinatawag na ito ngayong “Buwan ng Wikang Pambansa.” Gayundin ang Unang Sigaw ng Balintawak na ginanap noong Agosto 26, 1896 sa pamumuno ni Andres Bonifacio. Pinakahuli at makasaysayan sa lahat ay ang huling linggo ng Agosto. Sa araw na ito, ipinagdiriwang natin ang araw ng Pambansang Bayani sa bisa ng Batas Republika 3827 na pinagtibay noong Oktubre 28, 1931. Buhat noon ay itinuring na itong pista opisyal sa buong bansa. Itanong: Alin ang paksa ng sanaysay? 1. Buwan ng Wika 2. Unang Sigaw ng Balintawak 3. Araw ng mga Bayani Pagyamanin Mo Basahin ang talatang sumusunod. Ibigay ang pangunahing diwa nito. Ang damo ay peste at kaaway ng halaman, kaya dapat patayin. Ito'y nagpapaliit sa inaani ng isang bukirin at nagsisilbi pang tirahan ng mga insekto at pesteng namiminsala ng mga halaman. Pinabababa rin nito ang uri ng produktong inaani. Ang damo ay bumabara, nakasasagabal sa takbo ng tubig sa mga kanal at padaluyan.
Isaisip Mo Anu-ano ang dapat gawin upang mabigay ang paksa ng kwentong inyong napakinggan?
Isapuso Mo Pangkat A. Basahin sa klase ang sanaysay na nasa ibaba. Ipasabi ang paksa nito at kung saang bahagi ng sanaysay natagpuan: sa unahan, sa ikalawa, o s ikatlong talata. Kailan nga ba maituturing na pambansang bayani ang isang dakilang Pilipino? Bilang tugon sa tanong, bumanggit tayo ng ilang magigiting na Pilipinong naging bahagi ng pambansang kasaysayan. Unahin natin si Dr. Jose Rizal na mula sa pagkabata ay nag-ukol na nga marubdob na pag-ibig sa bayan. Maihahanay din sa mga pambansang bayani sina Tandang Sora, Emilio Jacinto at Jose Abad Santos. Hindi pinansin ni Tandang Sora ang panganib sa kaniyang buhay; bagkus patuloy siyang tumulong sa mga katipunero. Sa kabila ng kabataan ni Emilio Jacinto, hindi siya nagdalawang isip ng pagsapi sa Katipunan. Bago barilin ng mga Hapones si Jose Abad Santos, sinabi niya sa kanyang anak na “Huwag kang lumuha, Anak, Hindi lahat ng tao ay nagkakaroon ng pagkakataong mamatay dahil sa bayan. Pangkat B. Makinig sa kwento at piliin ang tamang paksa nito. Bilugan ang titik ng tamang sagot. Masipag at matipid si Lisa. Kumikita siva sa pagtitinda ng mga rosas at sampagita. Arawaraw, naghuhulog siva ng dalawang piso sa kanyang alkansiya. Biglang nagkasakit ang nanay niya. Nagkataon wala itong pera. Sa pamamagitan ng naimpok ni Lisa, nabili niya ang gamot ng kanyang nanay. a. Pag may itinanim may aanihin. b. Ang gawang marangal at dakila, hindi dapat ikahiya. c. Pag may sinuksok, may madudukot Pangkat C. Iguhit ang paksa ng binasang kwento ng pangkat A. Pangkat D. Iguhit ang paksa ng binasang kwento ng pangkat B. Isulat Mo Ipabasa nang pahapyaw ang kuwentong Ang Bantayog ni Rizal sa Dapitan" Ipatukoy nang sunud-sunod ang mga pangunahing diwang bumubuo sa kuwento. _____
Kumilos agad si Rizal at tumuklas ng makina na nakagagawa ng 6,000 largo sa isang araw.
_____
Nang itapon ng pamahalaan si Dr. Jose Rizal sa Dapitan, napansin niyang pinakukuluan pa ng taong- bayan ang tubig na iinumin.
_____ Nagsiyasat siya at napag-alaman na may isang bukal sa may kalapit bundok. _____
Nakatulong nya sa paggawa ang mga taong bayan at nang matapos, ang daluyan ng tubig ay binubo ng mga tisa o laryo na nilagyan ng takip sa ibabaw.
_____ Dahil sa sikap at talino ni Rizal, nakagawa siya ng mapagkukunan ng malinis na tubig na hindi na kailangang pakuluan. _____
Nagpatayo si Rizal ng fountain na may ulo at tinawag itong " Fuente de Nuestra Senora del Carmen".
Ikalawang Araw Pagsasalaysay Muli ang Napakinggang Teksto Paggamit nang Wasto ng Pang-angkop sa Pakikipagtalastasan Tuklasin Mo
Basahin Mo Basahin nang malakas ang kuwento. Bago mo isagawa ang pagbabasa, sabihin sa mga mag-aaral na sundan ng kanilang mata ang binabasa at unawain ang isinasaad nito. Pagkatapos ng pagbabasa, patnubayan ang mga mag-aaral sa pagsagot sa mga tanong na nasa bahaging Talakayin.
Pagyamanin Mo Gawain 1:
Pangkatin sa tatlo ang mga bata:
Pangkat I: Basahin ang alamat. Tukuyin ang pang-angkop na ginamit na binasa. Pangkat II: Isulat ang guhit – banghay ang mga ginamit na pang-angkop at pang-angkop sa alamat at gamitin sa pangungusap. Pangkat III: Isalaysay ang pangyayari sa alamat ayon sa wastong pagkakasunudsunod Isaisip Mo Kailan ginagamit ang pang-angkop na na? at –ng? Isapuso Mo A. Pagbasa ng maikling kuwento ng "Naiinip si Aling Cristina". Lagyan ng bilang 1-5 ang mga patlang ayon sa inaasahang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. _____ Binigyan ng pera ng magkapatid ang dalawang batang nagugutom. _____ Naawa ang magkapatid na Ronnie at Miriam sa mga batao _____ Nakita nina R.onnie at Miriam nang bulyawan ng may-ari ng panaderya ang dalawang batang payat. _____ May dalawang batang titingin-tingin sa mga tinapay na nakadisplay sa panaderya. _____ Inip na inip si Aling Cristina dahil hindi pa dumarting ang kanyang dalawang anak na sina Miriam at Ronnie. B.
Isulat Mo Lagyan ng wastong pang-angkop ang patlang sa pangungusap. Ang klorina na isa _____ kemikal _______ ipinanlilinis ng inumin _______ tubig at mahalaga ______ pataba ________pagkain ng mga niyog na makapagpapabuti ng laki ng ani at pingangalagaan ang mga dahon ng niyog sa impeksyon at pinatitibay din ang halaman ____ ito laban sa tagtuyot. Ikatlong Araw Pagbibigay Kahulugan ng Sariling Hiram Tuklasin Mo Basahin natin ang mga salitang hiram na nakatala sa ibaba. basketball despedida shorts spaghetti escalator Basahin Mo
pizza sausage computer coach flashlight
Pagyamanin Mo A. Hanapin sa Hanay B ang hiram na salitang tinutukoy sa Hanay A. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot. Hanay A ______ 1. makabagong kagamitan sa pagpaparami ng sipi ng mga papeles at dokumento ______ 2. nakatutulong upang makita ang mga bagay na nasa malayo tulad ng nasa kalawakan ______ 3. atsara ng mga Koreano ______ 4. mahalaga upang makaakyat-panaog sa matataas na palapag ng mga gusali nang walang pagod ______ 5. isang makabagong computer na nagbibigay ng anumang kaalamang hinihingi natin sa isang pindot lamang Hanay B a. internet b. xerox c. elevator d. kimchi e. telescope f. shawarma
B. Kopyahin ang talata sa ibaba. Habang kinokopya, salungguhitan ang mga salitang hiram at ibigay ang katumbas nito sa wikang bernakular kung meron. Dumating si Daddy, kasama ang pinsan kong si Nely. Nagpunta kami sa Luneta. Sumakay kami sa LRT patungo roon. Ipinasyal kami ni Daddy sa Manila Zoo. Pagkatapos, kuma in kami sa restauran. Kumain kami ng Pizza Pie at Spaghetti at uminom kami ng orange juice. Salungguhitan sa bawat pangungusap ang mga salitang hiram. Magkaroon ng paligsahan sa pagbibigay ng katumbas nito sa wikang bernakular kung meron. Ang pinakamaraming masagot ay siyang panalo. 1. Ang kotse ni Don Santiago ay laging nagdaraan sa Roxas Boulevard. 2. Nagpunta ang nanay ko sa beauty parlor. 3. Manonood kami ng festival sa Linggo. 4. Nagbaon kami ng siopao sa sine. 5. Bumili si Angelito ng t-shirt Isaisip Mo Ang natutuhan ko sa araling ito ay_________________________________________. Isapuso Mo Sumama ka sa bahay ng isang kaibigan. NAkita mo ang mga mamahaling gamit sa loob kasama ang computer at compact disc na personal na gamit ng iyong kaibigan. Nakaramdam ka ng inggit at lungkot. Paano’y hindi kayang bumili ng mga ito ng magulang mo. Tama bang ikaw ay maiingit at malungkot? Bakit?
Isulat Mo Basahin ang bawat pangungusap at piliin ang titik ng tamang kahulugan ng mga salitang hiram na may salungguhit. 1. Bumili ang tatay ng bagong refrigerator. a. imbakan ng pagkain b. imbakan ng palay c. imbakan ng basura d. imbakan ng tubig 2. Pinagbawalan si Letty na magsuot ng slacks sa loob ng paaralan a. palda b. blusa c. saya d. pantalon 3. Hilig ni Elvie ang makinig sa mga awitin sa compact disc. a. radio b. TV c. plakang maliit d. lalagyan 4. Maari bang matikman ang ginawa mong kimchi? a. minatamis na atsara b. prutas c. atsara ng mga Koreano d. atsara ng mga Hapon 5. Ginamit nila ang generator nang biglang magbrown-out. a. pinagkukunan ng tubig b. pinagkukunan ng kuryente c. imbakan ng pagkain d. pinagkukunan ng dugo Ikaapat na Araw Pagsusuri ng Pahayag kung ito ay Opinyon o Katotohanan Tuklasin Mo Ano epiko ay kuwentong paawit ng buha ng isang tao na nagpapakita ng mga kaugaliang katutubo at mga kapaniwalaan. Anu-anong epiko na ang inyong nabasa. Magbigay ng halimbawa.
Basahin Mo
Pagyamanin Mo
Isaisip Mo Isulat sa kuwaderno ang sagot sa tanong tungkol sa mga naging aralin. Ano ang natutuhan mo?
Opinyon
Katotohanan
Isapuso Mo Tahimik na basahin ang artikulo at pagkatapos ay itatala ang mga pangungusap na nagsasaad ng katotohanan at opinyon sa tapat ng kolum nito. (MISOSA) Iuulat ng bawat pangkat ang kanilang awtput sa klase.
Isulat Mo Suriin ang mga pangungusap sa talata. Salungguhitan nang minsan ang mga pangungusap na nagsasaad ng katotohanan at dalawang ulit ang nagpapahayag ng opinion. (Filipino, Yaman ng Lahing Kayumanggi ph. 146) Panuto: Isulat sa patlang ang K kung ang pangungusap ay katotohanan at 0 kung ito'y opinyon. __ 1. Tila mali ang mangutang ng pera upang ipaghanda sa panauhin. __ 2. Ang taon ay binubuo ng 12 buwan. __ 3. Marahil, kung maging matalino tayo sa paggasta ng pera, hindi tayo siguro maghihirap. __ 4. Ang unang araw ng taon ay ika-1 ng Enero. __ 5. apat tayong magsaya sa tuwing sasapit ang Bagong Taon. Ikalimang Araw Paggamit nang Wasto sa Card Catalog OPAC Tuklasin Mo Narinig o maaaring nakagamit ka na ng card catalog, hindi ba? Ibigay ang hinihiling ng bawat hanay upang maipakita ang nalalaman mo tungkol dito. Saan ito makikita?
Kailan ito ginagamit?
Ano ang mga uri nito?
Basahin Mo Maaaring gamitin ang Kard Katalog o ang OPAC upang matukoy kung anong aklat o materyal ang kailangan para sa sulatin. I-type lamang sa kompyuter ang pamagat ng paksa, awtor o kaya ay ano mang maaaring iugnay sa paksang nais saliksikin. Importante lamang na bago pumunta sa aklatan upang kumalap nga mga datos ay mayroon ng ideya sa paksang nais tutukan
Ang OPAC o Online Public Access Catalog ay ang pinakamodernong paraan ng paghahanap ng mga sanggunian, awtor o anumang paksa. Sa kasalukuyan, karamihan sa mga laybrari sa mga pamantasan ay may modernong paraan upang ang sistema ng pagkakatalogo ng mga aklat, awtor at paksa ay mapadali. Gamit ang naiprogramang kompyuter, kailangan lamang i-type sa kompyuter ang awtor, o ang paksa, o ang pamagat ng aklat, o anumang salitang may kaugnayan sa paksang nais saliksikin. Lalabas sa screen o monitor ang lahat ng mga aklat, kabilang na ang mga awtor at iba pang mga aklat na may kaugnayan sa paksang nais saliksikin na maaaring gamiting sanggunian para sa paksang nais idebelop.
Pagyamanin Mo Bumasa ng ilang card catalog. Pag-aralan at suriin ang nilalaman ng bawat uri. Isaisip Mo Sumulat ng pangungusap bilang sagot sa tanong na: Ano ang dapat tandaan sa paggamit ng card catalog o OPAC sa pananaliksik?
Isapuso Mo
Isulat Mo Sabihin kung anong uri ng card catalog ang gagamitin sa paghanap ng mga sumusunod na paksa: 1. Asia Word 2. eleksyon 3. panitikang pambata 4. Light Rail Transit 5. Cavite
Ika-walong Linggo (Unang Araw) Kagamitan ng Mag-aaral -Pag-uugnay ng sariling karanasan sa napakinggang teksto -Pagsasalaysay muli ng napakinggang teksto ang sariling salita (Tinggan ang aklat ng Diwang Makabansa V ph.2-8)
Paano mo iuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto? Paano mo isasalayssay muli ang napakinggang teksto gamit ang sariling salita?
Tuklasin Mo Anu-ano ang mga pamantayan sa pakikinig? Pag-awit at pagbigkas ng Lupang Hinirang ng wasto, Bakit? Bakit kailangang maawit at mabigkas ang pambansang awit ng wasto?
Basahin Mo… Pagbasa sa kwentong “Ang Mali ni Mila” Pagyamanin Natin A. Gawin Mo Punan ng tamang salita ang bawat patlang. Lupang Hinirang Bayang Magiliw Perlas ng ____________ Alab ng puso Sa dibdib mo’y buhay Lupang Hinirang Duyan ka ng magiting Sa manlulupig Di ka ________________
B. Gawin Ninyo Pangkatang Gawain Hatiin ang mga mag-aaral sa dalawang pangkat. Ipasalaysay muli ang teksto base sa pagkakaunawa ng mga bata.
Isaisip Mo Ano ang dapat tandaan sa pag-uugnay ng sariling karanasan sa napakinggang teksto? Paano mo ito gagawin?Ano ang iyong pinagbasehan? Anu-anong paraan ang ginamit/ginawa mo upangmaisalaysay muli ang napakinggang teksto gamit ang sariling salita?
Isapuso Mo Pagbibigay ng sitwasyon at katanungan Katulad ni Mila, dumaan ka sa rin ba sa karanasang hindi mo naawit ang Lupang Hinirang na may wastong titik? May tumulong ba sa iyo upang maawit mo ito ng wasto? Ano ang ginawa mo at naawit mo ito ng wasto? Naisalaysay mo ito gamit ang ibang salita batay sa iyong pagkakaunawa Isulat Mo Makinig sa tekstong babasahin ng guro. Ipaliwanag ang gagawin mo sa mga sumusunod na sitwasyon. Ibase ito sa iyong sariling karanasan. 1. Nakapulot si Allan ng wallet habang naglilinis ng sild-aralan. Binuksan niya at nakita ang perang nakasalid dito pati na ang pangalan ng may-ari. 2. Sumama si Arturo sa kanyang mga kamag-aaral sa pamimitas ng mangga pagkagaling sa paaralan. Ginabi sila ng uwi sa bahay at nadatnan niya ang kanyang ama. Tinanong siya kung saan galing. 3. Ianbutan ng halagang Php. 50.00 si Lucia ng babae sa pagsasauli niya sa nahulog nitong pitaka. 4. Ang pagiging mataapt o pagsasauli ng mga bagay na napulot ay dapat bang gawin ng bawat tao? Bigyang katwiran. 5. Magbabalik lang ba tayo ng mga bagay na napulot sa pag-asang bibigyan tayo ng pabuya o kabayaran? Pangatwiranan.
Ikalawang Araw Paggamit ng Wastong Pangatnig Ano ang gamit ng pangatnig? Paano mo mapag-uugnay ang dalawang pangungusap gamit ang pangatnig? Tuklasin Mo Anu-ano ang mga nasa larawan? Bukod sa pagkain, anu-ano pa ang mga pwedeng paggamitan ng mga ito?
Basahin Mo Basahin ang Maikling Kwento.
May Pera sa Balat ng Talaba “Dahil sa lumalaganap na red tide, pinagpayuhan ang mga mamamayan na iwasan ang pagkain ng mga pagkaing may shell o kabibe tulad ng tahong at talaba upang hindi malison,” ang balita sa radio. “Kundangan kasi, may mga ng tahong at talaba pa. Sana wala na ang mga iyan para wala na ring malalason pa,” ang reaksyon ni crisanto pagkarinig sa balita sa radio. “Anak, sa mga pagkaing iyan makakukuha tayo ng bitamina at sustansiyang kailangan upang hindi tayo magkaroon ng sakit na goiter,” ang sagot ni Aling Sencia na kanyang ina. “ At kaya naman nagkakaroon ng red tide ay dahil na rin sa pagkakalason o pagdumi ng tubig na tayong mga tao na rin ang may kagagawan.” “Bukod pa po roon, mayroonpa po bang ibang pakinabang na nakukuha sa talaba?” ang tanong ng anak sa ina. “Noong araw,anak, noong wala pang polusyon sa tubig, sa Navotas at Malabo ay sagana sa pag-aani ng talaba. Dahil sa linamnamng lasa, kinagigiliwan ito ng balana. Kahit saang lugar, nagkalat ang taniman ng talaba.Kaya maginhawa ang pamumuhay ng mga tao. Malakas pagkakitaan ng mga tao ang talaba.Maging ang mga bata ay kumikita rin.Kung panahon ng tag-init na walang pasok,naghihimay kami ng talaba.. Sa pamamagitan ng kutsilyo, inaalis namin ang laman sa balat nito. Binabayaran kami sa nahihimay naming talaba.Kapag malakas kang maghimay, marami kang perang kikitain. Subalit kailangan din ang lubos na pag-iingat upang hindi masugutan ng kutsilyo o ng balat ng talaba ang iyong
mga kamay.Dahil sa paghihimay ng talaba, nakakaipon kami ng pera tuwing bakasyon.. Kaya sa halip na kami’y mainip, nagiging lubhang kapaki-pakinabang ang aming bakasyon. Dahil sa balat ng talaba, kumikita kami at nakaiipon ng pera para panggastos sa darating na pasukan. “ Inay, kapaki-pakinabang din po pala ang balat ng talaba noong araw,” ang nakangiting wika ni Crisanto. “Oo, anak. Noong araw na hindi pa nalalason ang ating tubigan,” ang malungkot na sagot ni Aling Sencia sa kanyang anak. . Gawin Mo Mga Tanong 1. Iulat ang balitang narinig sa radio. 2. Ano ang sanhi at bunga ng red tide? 3. Anong uri ng sakit ang goiter? 4. Saan-saang bayan sagana sa talaba?Ano kaya ang dahilan at sagana sa mga lugar na ito? 5. Noong kabataan ni Aling Sencia, paano sila kumikita kung bakasyon?Isalaysay ito. 6. Anong ugali ang ipinakita ng mga kabataan sa paghihimay ng talaba?Magagawa mo rin ba ang gayon? Sa paanong paraan? 7. Makikilala mo ba ang mga salitang hiram sa kwento? Maipaliliwanag mo ba ang kahulugan ng mga ito? Talakayin Natin Basahin ang mga pangungusap. Bigyang pansin ang mga salitang may salungguhit. 1. Dahilsa linamnam ng lasa, kinagigiliwan ito ng balana. 2. Kahit saang lugar, nagkalat ang taniman ng talaba. 3. Kung panahon ng bakasyon, naghihimay kami ng talaba. 4. Kapag malakas kang maghimay, marami kang perang kikitain. Bigkasin ang mga salitang may salungguhit. Ano ang tawag sa mga salitang ito? Ano ang pangatnig? Bakit kailangang maging sanay ang bawat isa sa paggamit ng angkop na pangatnig? Gawin Ninyo Pagpapayamang Gawain Pakinggang mabuti ang bawat pangungusap na babasahin ng guro. Tukuyin ang pangatnig na ginamit. 1. Aalis kami kung iyong mamarapatin. 2. Kung gabing tahimik, makakarinig ka ng huni ng kuliglig. 3. Dahil sa katahimikan, madaling makatulog ang may sakit. 4. Mabubuhay tayo sa bukid kahit wala tayong pera. 5. Nang sila’y dumating, tulog na kami.
Isaisip Mo Ang Pangatnig na at, kaya, sapagkat, pero, ngunit, datapwat, dahil, upang, kung habang, subalit, at kapag ay kataga o parirala o sugnay na ginagamit sa pagsusunud-sunod ng mga bahagi sa pangungusap.
Isulat Mo Basahin ang mga pangungusap at salungguhitan ang mga pangatnig na ginamit. 1. Kung ika’y naliligalig, tumira ka sa bukid. 2. Tumawag ka sa Diyos kung ika’y natatakot. 3. Wala na sila nang kami’y dumating. 4. Kung umuulan , magdala ka ng paying. 5. Kahit anong sabihin nila, ipagpatuloy mo ang iyong magandang pinasimulan. 6. Nainip ako kaya hindi na kita hinintay. 7. Nakita ko siya datapwat saglit lamang. 8. Babalik kami at mamamasyal sa inyong lugar. 9. Mahal ka niya kaya siya’y magbabalik. 10. Kinain niya ang pagkain nang siya’y magutom.
Ikatlong Araw Salitang Magkasalungat/Magkakasing-Kahulugan
Basahin Mo Sino ang Mapalad? Mapapalad kayong mahihirap Ang kaharian ng Diyos ay sa inyo Mapapalad kayong nagugutom Sapagkat bubusugin kayo. Mapapalad kayong nahahapis Sapagkat aaliwin kayo. Mapapalad, Panginoon, ang mga katulad Mo. Mapapalad kayong maawain. Kaaawaan kayo ng Diyos Mapapalad kayong tumatangis. Sapagkat liligaya kayo. Mapapalad kayong inuusig Maghahari ang Diyos sa inyo. Mapapalad, Panginoon ang mga katulad Mo. Gawin Mo Sagutin ang sumusunod na mga tanong. 1. Bakit mapalad ang mga mahihirap ayon sa binasa? 2. Ano ang gagawin sa mga nagugutom? 3. Bakit mapalad ang mga maawain? 4. Sino ang paghaharian ng Diyos? 5. Sinu-sino ba ang maituturing na katulad ng Panginoon?Bakit? Talakayin Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Unang Kolum Ikalawang Kolum 1. Maligayang – maligaya sina Clara at Jana 1. Ibig na ibig na nilang makarating agad sa ng Sabadong yaon. Ngunit pagkatapos ng bukid. Gustong – gusto na ni Joel na isang oras ay lungkot na lungkot sila dahil mamitas ng mga bungang – kahoy. hindi sila maaaring maligo at mamingwit sa ilog. 2. Si Clara ay maliligo sa malinis na ilog. Hindi 2. Hindi maaaring mabuhay ang mga gulay sa lupangtigang. Maaaring lagyan ng pataba siya nakapaligo dahil sa marumi at mababaw na tubig. angtuyot na lupa upang mapagtamnan ito. Pag – aralan ang mga pangungusap sa Unang Kolum. Ikalawang Kolum. Anu – ano ang mga salitang may salungguhit sa Unang Kolum? Sa ikalawang Kolum? Magbigay ka nga ng halimbawa ng salitang magkasalungat? Magkasingkahulugan?
Pag-aralan ang sumusunod na mga salita sa Pangkat A at B Pangkat A Pangkat B 1. gutom – busog 1. marami-sagana 2. hapis-tuwa 2. wagas-tapat 3. dukha-mayaman 3. busilak-malinis Anong pangkat ng mga salita ang magkasingkahulugan?Ang magkakasalungat? Gawin Ninyo A. Piliin ang titik ng salitang kasiingkahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. 1. Sa bawat kilos ni Mang Cenong, may mga taong palaging pumupuna sa kanya. a. Pumupuri c. Pumapansin b. Bumabatikos d. umaaligid 2. Nang siya’y nagretiro, siya ay naging pensyonado. a. Tumatanggap ng limos b. Tumatanggap ng peragaling sa pamahalaan c. Taga-utos d. Tagapagtanggol ng mahihirap. 3. Damang-dama ang paglingap ng alkaldesa mahihirap. a. Pagbibigay-pansin c. Pagsisikap b. Pag-aalaga d. pagtulong 4. Dahil sa hiya, hindi niya nasabi ang napakahalagang pakay sa kaibigan. a. Tanong c. regalo b. Salita d. sadya 5. Ang tulay ay puno ng maraming layak. a. dumi c. basura b. troso d. water lily B. Hanapin ang kasalungat ng mga salita sa Hanay A sa Hanay B
1. 2. 3. 4. 5.
Hanay A minamaliit gahaman nakatiwangwang hawanin kasunduan
Hanay B a. mapagbigay b. tamnan c. tinitingala d. kagustuhan ng nag-iisa e. ginagamit f. sakim
Isaisip Mo Pang-uring Magkasinggkahulugan at magkasalungat 1. Magkasingkahulugan –iisa ang kahulugan ng dalawang salitang panlarawan sa tao, hayop, bagay, pook, gawain at pangyayari. Halimbawa: maganda-marikit maliwanag-maaliwalas 2. Magkasalunagat-dalawang pang-uring nagpapakita ng pagkakaiba sa katangian ng tao, hayop,bagay, pook, gawain at pangyayari. Halimbawa: mayaman-mahirap malaki-maliit
Isulat Mo Ibigay ang kasalungat / kasingkahulugan ng mga salita sa ibaba. Kasingkahulugan
Kasalungat
1. madami 2. kilala 3. mabango 4. payat 5. mainit Hanapin ang kasalungat ng mga salita sa Hanay A sa Hanay B. Hanay A 1. minamaliit 2. gahaman 3. nakatiwangwang 4. hawanin 5. kasunduan
Hanay B a. mapagbigay b. tamnan c. tinitingala d. kagustuhan ng isa e. ginagamit f. sakim Pagtambalin ang salita sa Hanay A at ang kasingkahulugan nito sa Hanay B. Hanay A
1. talian 2. namataan 3. nakasalansan 4. kayanin 5. magulang
Hanay B a. kayurin ng kutsilyo b. bigkasin c. matanda d. nakita e. nakapatong f. bata
Ikaapat na Araw
Basahin Bandila: Sagisag ng Bansa Sagisag ngating bansa ang ating bandila.Masdan ang larawan ng ating bandila. Kulay bughaw ang taas na bahagi nito na sumasagisag sa mga dakilang simulain n gating ating bansa Kulay pula naman ang ibabang bahagi nito na sumasagisag sa kagitinagn, katapangan at kabayanihan ng mga Pilipino. Ang puti ay sagisag ng kadalisayan.Kalayaan ang sinasagisag ng gintong araw. Ang walo nitong sinag ay kumakatawan sa walong lalawigan unang nagbangon at lumaban sa mga Espanyol. Ang mga ito ay ang Maynila,Batangas, Bulacan, Cavite, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac.Ang tatlong bituin ay sa tatlong pulo:Luzon, Visayas at Mindanao. Dapat nating pag-ukulan ng pagmamahal at paggalang ang ating bandila. Tumayo tayo nang tuwid at ilapat an gating kanang kamay sa tapat ng atinan. Kapag ito ay ibig puso habang inaawit natin ang Lupang Hinirang at habang itinataas ang bandila sa tagdan sa hapon, tayo ay dapat ding tumayo nang tuwid bilang paggalang sa ating bandila.Sumasagisag ito sa kalayaan ng ating bansa. Marami sa ating mga bayani ang nagbuwis ng buhay upang makamit natin ang kalayaan. Gawin Mo Talakayin Sagutin ang sumusunod na mga tanong: 1. Anu-ano ang kahulugan ng bawat kulay n gating bandila? 2. Anu-ano ang mga lalawigang unang naghimagsik laban sa mga Espanyol/ 3. Anu-ano ang mga dapat tandaan sa pagpupugay sa ating bandila? 4. Paano mo ipinapakita ang pagpupugay sa ating bandila? 5. Bakit dapat pag-ukulan ng pagmamahal at paggalang an gating bandila?Nararapat nga bang maging sagisag ng ating bansa ang bandila? Ipaliwanag. Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. 1. 2. 3. 4. 5.
Ang bandila ay sagisag ng ating bansa. Ang gumagawa ng kabayanihan ay humahaba ang buhay. Ang taas ng bahagi ng ating bandila ay bughaw. Ang ating pambansang awit ay Lupang Hinirang. Ang Pilipinas ay uunlad kapag ang mga Pilipino ay magagalang.
Ang pangungusap 1,3,4 ay mga katotohanan ngunit 3 at 5 ay mga sariling palagay lamang. Gawin Ninyo Isulat sa sagutang papel kung opinyon o katotohanan ang mga pangungusap. 1. Lahat ng bata ay maaaring maging bayani. 2. Hindi dapat nawalan ng pag-asa ang bawat isa. 3. Ang pagbabago sa lipunan ay nagmumula sa pagbabago ng pananaw at pag-uugali. 4. Ang Filipino ang ginamit bilang wikang panturo sa asignaturang Makabayan. 5. Malalakas ang loob lamang ang nagtatagumpay.
Isaisip Mo Ang bawat pangungusap batay sa tunay na ulat o impormasyon ay katotohanan. At ang mga pangungusap na galling lamang sariling kuru-kuro o palagay ay opinyon.
Narito ang ilang impormasyon na nasipi mula sa balita. Kilalanin kung ito ay opinion o katotohanan. 1. Patuloy ang pagdami ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa dahil sa kahusayan ng buhay sa Pilipinas. 2. Patuloy ang pagbaba ng palitan ng piso laban sa dolyar. 3. Dumarami ang mga kabataang nalululong sa droga. 4. Hindi kailangan ng mga kabataan ang suporta ng mga magulang. 5. Sa panahon ngayon, maipagkakaloob sa kabataan ang mga karapatang dapat ba nilang tamasahin.
Ikalimang Araw Pagsusuri sa mga MaiklingPelikula
Tauhan/Tagpuan
at
mga
Pangyayari
sa
Napapanood
na
Panonood ng Maikling Pelikula “Alamat ngKawayan” Gawin Mo 1. Ano ang pamagat ng pelikulang inyong pinanood? 2. Sinu – sino ang tauhan? 3. Ilarawan ang tagpuan ng pelikulang napanood. 4. Anong pangyayari ang naibigan mong lubos? 5. Alin naman ang hindi mo naibigan? Bakit? 6. Ano ang dahilan ng paggiging mayabang ni Kawayan? 7. Ano ang ginagawa ni Kawayan kapag siya ay napapahiya? 8. Magbigay ng isang tagpona kung saan ang kawayan ay nagging mapaghigant. 9. Bakit laging nakayuko ang kawayan? 10.Patunayan na ang pagiging mapagmataas at mayabang ay walang mabuting maidudulot kaninuman. 11. Anu – ano ang hakbang sa pagsusuri sa mga tauhan / tagpuan at pangyayari sa napanood na pelikula? Gawin Ninyo Panonood ng pelikula. Sagutin ang mga sumusunod na pagsasanay. Pangkat I – Itala ang pangalan ng bawat tauhan at ibigay ang katangian ng bawat isa. Pangkat II – Ilarawan ang tagpuan sa pelikulang napanood. Pangkat III – Itala ang mga pangyayaring naibigan ninyo at ipaliwanag kung bakit ninyo ito naibigan. Pangkat IV – Itala ang di – kanais – nais na pangyayari sa pelikulang napanood at ipaliwanag kung bakit.
Ikatlong Markahan
IKASIYAM NA LINGGO
UNANG ARAW
Pagbibigay ng Angkop na Pamagat sa Tekstong Napakinggan
TUKLASIN MO
Anu-anong mga pagdiriwang pagdiriwang mayroon sa ating bansa? Isulat ito sa bawat kahon.
Basahin ang mga salita na mapapakinggan mo habang binabasa ng iyong guro ang kwento. Tukuyin ang kahulugan nito sa tulong ng diksyunaryo. palatuntunan
entablado
baro’t saya
katutubo
PAKINGGAN MO
Ngayon, kaya mo nang unawain ang kwentong babasahin ng iyong guro. Humanda na sa pakikinig. Ika -19 ng Hunyo, kaarawan ng bayaning si Dr. Jose Rizal kay may palatuntunan sa paaralan. Ang saya sa paaralan. Maraming magulang ang dumating upang mapanood ang kanilang mga anak na sasayaw ng iba’t –ibang katutubong sayaw. Karamihan sa mga batang babaeng sa, sayaw ay nakasuot ng baro’t saya. Nagtayo ng isang malaking entablado sa tabi ng mataas na puno. Maraming dumayo upang mapanood ang palatuntunan kaya puno ng tao ang bakuran ng paaralan.
Pito ang pulis na tulung-tulong na nangangalaga sa kapayapaan. Kapag may natutulakan o nanggugulo, agad hinihipan ng pulis ang kanilang pito. Pagdaka nama’y tumugil ang gulo.
PAGYAMANIN NATIN
1. Ano ang mayroon sa paaralan? 2. Ano ang suot ng karamihan sa mag batang sasayaw? 3. Saan nagtayo ng malaking entablado? 4. Ano ang nangyari dahil maraming dumalo sa palatuntunan? 5. Ano ang ginawa ng mga pulis kung may kaguluhan? 6. Maibibigay mo ba ang angkop na pamagat ng talata?
ISAISIP MO
Sa pagbibigay ng pamagat ng talata/teksto, alamin mo muna ang paksang diwa o pangungusap. Ang mga ito ang magbibigay ng ideya sa pagpili ng pamagat. Ginagamit ang malaking titik sa mahahalagang salita sa pamagat ng talata o kwento.
ISAPUSO MO
Bigyan ng angkop na pamagat ang talatang babasahin ng guro. Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang bawat lugar sa ating bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang bilang pasasalamat sa kanilang patron. Isa pang kilalang tradisyon natin ay ang bayanihan. Bayanihan ay ang pagtutulungan ng mga tao para sa isang gawain. May mga kababayan pa rin tayong sumusunod sa ganitong tradisyon lalo na sa mga lalawigan.
Ang angkop na paamagat ng talata ay _______________________________________
ISULAT MO
Pakinggan ang talatang babasahin ng guro at bigyan ito ng angkop na pamagat. Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna ng maraming suliranin, dapat umiral ang pagmamahalan, pagkakaisa at pagtutulungan upang lalong tumibay ang pagsasamahan ng isa’t- isa. Ano mang problema ang dumating, kailangang mapanatiling buo at metatag ang pamilya. Bukod dito biyaya ng Diyos an gating pamilya kaya’t patuloy mong ingatan. Ano ang angkop na pamagat ng talata?
IKALAWANG ARAW
Paggamit ng Magagalang na Pananalita sa Pagtatanong ng Direksyon Pagsasabi Kung Ano ang Simuno at Panag -uri sa Pangungusap
TUKLASIN MO
Sino sa inyo ang mahilig magbakasyon sa iba’t- ibang lugar. Naranasan mo na bang magbakasyon sa probinsya?
BASAHIN MO
“ANG BAKASYON SA PROBINSYA” Bakasyon na naman. Uuwi sa probinsya ang mag- anak nina Mang Rey at Aling Melba. Sabik na sabik na makarating sa probinsya ang mga anak nilang sina Jess at Luther, kaya habang naglalakbay ay panay ang kwentuhan. Jess: Inay, sabik na sabik na po akong makita ang nayon nina Lolo Ding at Lola Maring.
Luther: Si kuya talaga, makakarating din tayo doon. Inay, saang bahagi po ba ng Laguna matatagpuan ang Luisiana? Aling Melba: Ang Luisiana ay matatagpuan sa Timog- silangan ng Laguna. At sina Lolo at lola ay sa bukid nakatira. Jess: Kaya nga po, gusto kong magbakasyon doon. Mang Rey: Oh, malapit na tayo, tiyak na naghihintay na ang Lolo at Lola n’yo. Nangmakarating sila sa tahanan nina lolo Ding at Lola Maring, agad silang sinalubong, nagyakap- yakap at nagmano sa dalawang matanda. Pagkatapos masaya silang nagsalu-salo sa tanghalian na inihanda ni Lola Maring. Lola Maring: Mga anak, magpahinga muna kayo. Alam kong napagod kayo sa biyahe. Luther: Hindi po kami napagod. Gusto nap o naming mamasyal at maglibot sa bakuran. Jess: Oo nga po Lola. Lolo Ding: O sige, sasamahan ko na kayo. Jess: Kami na lang po Lolo. Paki turo n’yo na lang po ang direksyon pagpunta doon. Lolo Ding: O sige, saan n’yo ba gusting pumunta? Luther: Doon po sa halamanan, kasi tiyak n maraming gulay at prutas doon. Saan po ba kami pwedeng dumaan patungo roon? Lolo Ding: Mula dito sa harapan na ating tahanan, lumakad kayo pakanan. Matatanaw n’yo ang kubo, sa gawing Silangan nito, matatagpuan ang halamanan. Mang Rey: Naku, tiyak na marami doong gulay at prutas na katakam- takam. Lola Maring: At sa dakong Timog naman, may malalaking puno na nabibigay ng lilim. Aling Melba: Ay, doon masarap magpahinga lalo na’t nakahiga sa duyan. Luther: Gusto din namin doon Inay. Jess: Saan naman po kami pupunta upang makita ang malawak na bukirin at magagandang tanawin? Lolo Ding: Sa dakong Hilaga ng kubo, matatanaw n’yo ang malawak na bukirin at ang magagandang tanawin, tulad ng Bundok Banahaw. Mang Rey: Mga anak, huwag kayong magmadali, malilibot natin lahat iyon bago tayo umuwi. Luther / Jess: Yehey! Talagang masarap magbakasyon dito sa probinsya.
PAGYAMANIN MO
A. Sagutin ang mga tanong na sumusunod. 1. Saang lugar nagbaksayon ang mag-anak nina Mang Rey at Aling Melba? 2. Saang bahagi ng Laguna matatagpuan ang bayan ng Luisiana? 3. Anu-ano ang matatagpuan sa bakuran nina Lola Maring at Lolo Ding? 4. Paano nalaman nina Jess at Luther ang lugar na nais nilang marating at makita sa lugar nina Lolo Ding at Lola Maring? 5. Gumamit ba sila ng magagalang na pananalita sa pagtatanong ng direksyon?
Basahin ang mga pangungusap na hango usapan. a. Uuwi sa probinsya ang mag-anak nina Mang Rey at Aling Melba. b.
Ang Lisiana ay matatapuansa timog silangan ng Laguna.
c. Sina Lolo Ding at Lola Maring ay nakatira sa nayon. Itanong: Sa pangungusap a, b, c, aling bahagi ang pinag-uusapan o paksa sa pangungusap? Ito ang tinatawag na simuno ng pangungusap. Alin naman ang nagsasabi tungkol sa simuno? Ito naman ang tinatawag na panag-uri.
B. Isulat sa sagutang papel ang simuno at panag-uri ng bawat pangungusap. 1. Masaya ang bakasyon. Simuno: ______________________ Panag-uri: ______________________ 2. Kami ay nagpiknik sa bukid. Simuno: _______________________ Panag-uri: _______________________ 3. Sa bukid ay maraming pananim. Simuno: ________________________ Panag-uri: ________________________ 4. Magaganda ang mga tanawin sa Laguna.
Simuno: ________________________ Panag- uri: ________________________ 5. Ang mga Pilipino ay masayahin at mapagmahal. Simuno: _________________________ Panag-uri: _________________________
ISAISIP MO
May dalawang bahagi ang pangunusap, ang “simuno” at ang “panag-uri”. Ang simuno ang paksa o pinag-uusapan sa pangungusap. Ang panag-uri ang nagsasabi tungkol sa simuno. Ang pangngalan at panghalip ang mga bahagi ng pananalita na ginagamit simuno. At ang pandiwa at pang-uri ang ginagamit na panag-uri.
ISAPUSO MO
Ngayong alam mo na ang mga bahagi ng pangungusap, isulat mo ang simuno at panag-uri sa angkop na kahon ng sumusunod na mga pangungusap. O, kay liwanag ng buwan.
Simuno
Panag - uri
Sariwa ang hangin sa bukid. Simuno Panag - uri Nagpiknik kami sa ilalim ng puno.
Simuno
Panag - uri
Simuno
Panag - uri
Tunay na masarap ang buhay sa lalawigan.
Simuno
Panag - uri
Maraming bunga ang puno ng mangga sa aming bakuran.
Simuno
Panag - uri
ISULAT MO
Kopyahin ang mga pangungusap sa ibaba at salungguhitan nang minsan ang buong simuno at nang makalawa ang buong panag-uri. 1. Si Ashid ay nasiyahan sa pamamasyal. 2. Ang magagandang pook sa ating bansa ay dapat panatilihing malinis at maayos. 3. Ipinagmamalaki ko ang bansang Pilipinas. 4. Ang kinikita ng bansa sa turismo ay malaki. 5. Ang buwis ay mahalaga sa pagpapaunlad ng bayan.
TAKDANG- ARALIN
Gumupit ng larawan ng lugar na nais mong marating. Sumulat ng 3 pangungusap tungkol dito. Salungguhitan ang simuno at bilugan ang panag-uri.
IKATLONG ARAW
Pagbibigay ng Kahulugan ng Salitang Pamilyar at Di- Pamilyar sa Pamamagitan ng Paglalarawan Pagsusunud-sunod ng mga Pangyayari sa Kwento sa Pamamagitan ng Dugtungan Pagguhit ng Paksa ng Binasang Teksto/ Tula
TUKLASIN MO
Sumulat ng mga salitang may kaugnayan sa salitang nasa gitna na bawat ulap.
KULTURA
PISTA
Kailan ipinagdiriwang ang kapistahan sa inyong bayan? Paano ninyo ito ipinagdiriwang?
BASAHIN MO
“Ang Kapistahan ng Hulong Duhat” (nasa aklat na Filipino: Yaman ng Lahing Kayumanggi 5, ph.14-15) Tungkol saan ang kwentong iyong binasa? Saan matagpuan ang Hulong Duhat? Anong hugis ng sanga na nakita ng lalaki? Bakit ayaw ipagbili ng lalaki ni Doris ang sangang hugis krus? Paano pinahalagahan ng mga taga- Hulong duhat ang krus? Sa kwentong iyong binasa, alin sa mahahalagang salita ang pamilyar sa iyo? Alin naman ang di- pamilyar sa iyo?
PAGYAMANIN MO
(Pangkatang - gawain) Panuto: Piliiin sa loob ng panaklong ang kahulugan ng mga salitang pamilyar o di-pamilyar.
1. Inalok niyang bilhin ang sangang hugis puso. (inangkin, isinama, ipinakiusap, inalis) 2. Parang paglapastangan iyon sa Poon. (pagmamahal, paglabag, paggalang, pag-alipusta) 3. Nais ng lalaki na maangkin ang hugis krus na sanga ng punungkahoy. (makuha, mawala, malipol, maipagmalaki) 4. Napagkaisahan ng mga mamamayan na putulin ang sangang hugis krus. (nagsitutol, nag-away-away, napagkasunduan) 5. Benindisyunan ng pari ang punungkahoy. (binasbasan, pinahintulutan, bininyagan, biniyayaan)
Panuto: Balikan ang kwentong binasa at dugtungan ang mga pangungusap upang mabuo ang mga pangyayari. 1. Nakita ng lalaking nagpapahinga sa lilim ng puno ng duhat ang sangang __________. 2. Nagpunta ang lalaki sa may-ari ng puno upang bilhin ang __________. 3. Napagkaisahan ng mga mamamayan na _________ ang sanga ng puno. 4. Nabulag ang karpinterong pumutol sa _________. 5. Tinawag na _________ ang pook bilang alaala sa hugis krus na __________.
Panuto: Mag-usap kayo ng kaklase mo tungkol sa paksa ng kwentong, “Ang Kapistahan ng Hulong Duhat” at iguhit ito sa Manila Paper.
ISAISIP MO
Sa pagbasa ng kwento kinakailangang bigyan ng kahulugan ang mga salitang pamilyar at dipamilyar. Lubos na mauunawaan ang ang kwento kung mababatid o matutukoy ang wastong pagkakasunud-sunod.
ISAPUSO MO
Panuto: Dugtungan ang sumusunod na mga pangungusap upang mabuo ang pangyayari. Piliin ang wastong sagot sa talaan sa ibaba. Malapit na naman ang ________________. Iba’t- ibang ______________ ng __________ ang makikita sa paligid. Tatanggap ng ______ ang halos lahat ng mga manggagawa. Bakas sa mukha ng bawat isa ang ______________ sa muli nilang ___________. Masayang-masaya ang mga bata sa natanggap na ___________.
Kapaskuhan
sagisag
Pasko
pagtitipun-tipon kasiyahan
bonus
aginaldo
ISULAT MO
Dugtungan ang sumusunod na mga pangungusap ng mga salitang nasa talaan at pagsunudsunurin upang mabuo ang pangyayari. Isulat ang bilang 1- 5 sa patlang.
“PALIGSAHAN SA PAGLULUTO NG CHAMI” ______ Tuwing Araw ng Lucena, _________________________________________________ ______ Halos lahat ay nakakain ng mga ___________________________________________ ______ Pagkatapos maluto ng Chami _____________________________________________ ______ Marami ang dumarayo buhat sa malalayong lugar upan _________________________ ______ Umpisa pa lamang ng pagluluto ay _________________________________________
may paligsahan sa pagluluto ng Chami upang saksihan ang paligsahang ito nakapanood na ang lahat nilutong Chami tinitikman ng mga hurado
IKAAPAT NA ARAW
Pagsulat ng Balangkas sa Anyong Pangungusap o Paksa
TUKLASIN MO
Paano nakatutulong ang magsasaka sa pagpaparami ng pagkain at pagpapaunlad ng bukirin?
BASAHIN MO
“ANG MAGSASAKA” Malaki ang maitutulong ng magsasaka sa pag-unlad ng bansa. Sila ang nagbubungkal ng lupa at nagtatanim ng mga halaman na pinagkukunan ng ating pagkain upang mapanatili ang kalusugan ng mga mamamayan. Sa kanila rin nagmumula ang mga produktong iniluluwas sa ibang bansa. Pinangangalagaan nila ang ating kapaligiran sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno. Subalit may mga pagkakataong nagkakaroon sila ng suliranin sa pagpapaunlad ng kanilang bukirin bunga ng mga kalamidad na dumarating tulad ng pagkakaroon ng baha dahil sa bagyo, pagguho ng lupa, paglindol at pagkakaroon ng tagtuyot.
Matapos mong basahin ang talata, pag-aralan ang balangkas na nasa ibaba.
Ang Magsasaka Mga bagay na Naitutulong ng mga Magsasaka
Mga Pangyayaring Nagsisilbing hadlang sa Pagpapaunlad ng taniman ng mga magsasaka.
Ano ang nilalaman ng balangkas? Ito ba ay may kaugnayan sa talata? Paano isinulat ang balangkas?
PAGYAMANIN MO
Panuto: Basahin ang talataan at igawa ito ng balangkas. Ang puno ay pinakamahalagang nilikha ng Diyos upang magamit ng tao. Hindi lamang ito nagpapaganda ng kaniyang kapaligiran, kundi’y nagbibigay din ito ng pagkain na kinakailangan natin. Bukod sa pagkain, nagdudulot din ito ng mga materyales na kailangan sa pagtatayo ng bahay, gusali, tulay at pinipigil din nito ang pagbaha na isang suliranin natin tuwing tag-ulan. Ang pinakamahalaga sa lahat ay nagbibigay ito ng oxygen na kailangan natin upang mabuhay. Paano kaya kung walang puno?
ANG PUNO Ang puno ang pinakamahalagang nilikha ng Diyos
ISAISIP MO
Ang pagbabalangkas ay isang paraan ng pag-aayos ng mga pangunahing kaisipan ng isang babasahin at mga detalyeng nagpapaliwanag dito. Binubuo ang balangkas ng mga sumusunod: Pamagat Pangunahing kaisipan – Ito ang pinakapangunahing diwa ng binasa. Maaaring magkaroon ng daawa o higit pang pangunahing kaisipan.
Detalye – Ito’y mga kaisipang tumutulong sa pagbibigay linaw, pagpapayaman at pagpapatibay ng pangunahing kaisipan.
Narito ang dapat gawin sa paggawa ng balangkas: a. Basahing mabuti ang kwento. b. Alamin ang paJngunahing kaisipan at ang maliliit na detalye na tumutulong sa pagpapaliwanag sa pangunahing kaisipan. c. Gumamit ng bilang Romano para sa pangunahing kaisipan at bilang Arabiko para at titik ng alpabeto para sa mga detalye.
ISAPUSO MO
Panuto: Basahin ang sumusunod na talata at igawa ito ng balangkas.
Bakit nga ba nauubos na ang mga hayop sa kagubatan? Saan na sila napunta? Masakit mang isipin na isa sa mga dahilan ng kanilang pagkawala ay ang mga tao na rin. Ginagawa silang libangan ng mga mahihilig mangaso at pumatay ng hayop. Hinuhuli rin sila upang gawing pagkain at pulutan. Ang iba nama’y ginagawang palamuti o di kaya nama’y alagang hayop sa bahay. Ipinagbibili rin sila at dinadala sa ibang bansa. Tuluyan namang namamatay ang iba dulot ng pagkakaingin sa mga kagubatan. May makikita pa kayang hayop ang mga susunod na salinlahi?
ISULAT MO
Panuto: Igawa ng balangkas ang sumusunod na talata.
Ang pagkakaroon ng dumi sa hangin na siya nating nilalahanghap ay sanhi ng mga usok na mula sa mga pabrika. Sa paglabas natin sa mga kalye, maruming hangin din ang sumasalubong sa atin buhat sa ibinibuga ng mga tambutso ng mga sasakyan. Pinadudumi rin ang hangin ng mga basurang walang patumpanggang itinatapon sa mga daan.
_________________________________________________ Pamagat I.____________________________________________________________________ a. _____________________________________________________________ b. _____________________________________________________________ c.______________________________________________________________
IKALIMANG ARAW
Pagsusuri ng mga Tauhan / Tagpuan at Mga Pangyayari sa Napanood na Maikling Pelikula
TUKLASIN MO
Panuto: Hanapin sa puzzle ang mga salitang maaaring maglarawan sa tauhan/tagpuan sa kuwento.
A
E
M
A
M
A
L
T
A
L
M
A
B
A
I
T
S
C
H
A
G
A
L
A
A
M
E
B
A
A
N
U
L
H
A
X
A
W
N
A
N
T
I
L
A
D
A
D
U
G
O
M
I
L
H
I
A
E
K
A
I
N
M
N
A
T
A
T
A
K
O
T
Mahilig ka bang manood ng pelikula? Anong uri ng pelikula ang pinapanood mo?
PANOORIN MO
Panoorin mo at unawain ang Video Clip na ipakikita ng iyong guro.
PAGYAMANIN MO
1. Ano ang pamagat ng pelikulang inyong napanood? 2. Sinu-sino ang mga tauhan? Ibigay ang katangian ng bawat isa. 3. Ilarawan ang tagpuan sa pelikulang napanood mo. na napanood mo. 4. Ano ang pangyayaring naibigan mo sa pelikula. Ipaliwanag kung bakit ito nagustuhan. 5. Alin naman ang pangyayaring hindi mo nagustuhan? kasagutan.
Bakit? Ipaliwanag ang iyong
ISAISIP MO
Lubos na masusuri ang tauhan, tagpuan at mga pangyayari sa panonood ng pelikula kung uunawain at tatandaan ang mga pan
ISAPUSO MO
(Pangkatang Gawain) Panoorin ang pelikulang ipakikita ng guro. Gawin ang sumusunod na paggsasanay.
Pangkat I - Itala ang pangalan ng bawat tauhan at katangian ng bawat isa. Pangkat II - Ilarawan ang tagpuan ng pelikulang napanood Pangkat III - Itala ang pangyayaring naibigan ninyo sa pelikula at ipaliwanag kung bakit ito Pangkat IV - Itala ang di kanais-nais na pangyayari sa pelikulang napanood at ipaliwanag kung bakit.
ISULAT MO
Panuto: Panoorin ang Video Clip na ipakikita ng guro at sagutin ang mga katanungang sumusunod: 1. Ano ang pamagat ng pelikulang inyong napanood? 2. Sinu-sino ang mga tauhan? Ibigay ang katangian ng bawat isa. 3. Ilarawan ang tagpuan sa pelikulang napanood mo na napanood mo. 4. Ano ang pangyayaring naibigan mo sa pelikula. Ipaliwanag kung bakit ito nagustuhan. 5. Alin naman ang pangyayaring hindi mo nagustuhan? kasagutan.
Bakit? Ipaliwanag ang iyong
Ikatlong Markahan Ika-sampung Linggo Kagamitan ng Mag-aaral Unang Araw Pagbibigay ng Angkop na Pamagat ng Tekstong Napakinggan Simuno at Panag-uri sa Pangungusap
Paano mo mabibigyan ng angkop na pamagat ang tekstong napakinggan? Paano mo masasabi kung alin ang simuno? ang panag-uri?
Tuklasin Mo
Ano ang pamantayan sa pakikinig? Pagguhit ng paboritong bayani, bakit siya ang iginuhit mo?
Basahin Mo
Ano ang naging pangkalahatang paksa sa napakinggang talambuhay? Ang Bayani ng Lungsod ng Ozamiz (Talambuhay) I Si Jose Fortich Ozamiz ay ipinanganak noong May 5, 1898 sa Aloran, Misamis Occidental. Nahirang siyang unang gobernador ng lalawigan ng Misamis Occidental. Noong 1931, siya ang kauna-unahang nahalal na kinatawan ng Misamis Occidental. Nahalal din siyang kinatawan ng Pambansang Assembleya noong 1936: at noong 1940, siya rin ang kaunaunahang taga-Misamis Occidental na nahalal na senador. II Si Jose Fortich Ozamiz ay isa ring nakalaang opisyal sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas na may ranggong major ng USAFFE (United States Arm Forces). Nang sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig, siya ang itinalagang magsilbi sa Bataan at Corregidor. Noong 1942, pinabalik siya ni Pangulong Quezon sa kanyang tungkulin bilang senador at bilang opisyal militar. Ipinag-utos ni Pangulong Quezon at Heneral MacArthur na pamunuan nila ni Senador Roxas ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
III Inalok siya ng opisyal ng Hapon na maglingkod sa Malacañang. Sa simula’y nais niyang tanggihan ang alok sa kanya, subalit naisip niyang upang hindi siya paghinalaang kalaban ng mga Hapon at upang makatulong siya sa kanyang mga kababayang gerilya, tinanggap niya ang tungkulin. IV Samantalang ang mga gerilya sa Misamis Occidental ay naging aktibo at sila’y namundok sa Bundok ng Malindang. Sa paniniwala ng mga opisyales ng Hapon na si Jose Fortich Ozamiz lamang ang taong makapagpapasuko sa mga gerilyang kababayan, ipinadala siya sa Misamis Occidental. Subalit sa halip na himukin ang kanyang mga kababayan na sumuko, lihim siyang nakipag-ugnayan sa mga namumuno sa Mindanao tulad nina Koronel Fertig, Komander Parsons, Kapitan Morgan, at marami pang iba. Nakipag-ugnayan din siya sa iba’t ibang pangkat ng mga gerilya sa buong Pilipinas. V Noong ika-5 ng Pebrero, nahuli ang mga kasamahan niya sa Ermita, Maynila. Dahil dito, natiyak niyang nanganganib ang kanyang buhay. Binalak niyang tumakas patungong Australia sa pamamagitan ng submarino. VI Samantalang inaayos nina Heneral MacArthur at Pangulong Quezon ang kanyang pagtakas, ipinadala sina Vicente Lim at Jose Abad Santos bilang unang sugo para sa kanyang pagtakas. VII Nang sumunod na gabi, dinala si Jose Fortich Ozamiz sa Fort Santiago upang tanungin tungkol sa mga gawain ng mga gerilya. Dahil sa wala siyang maisagot o masabi, siya’y pinarusahan, Sa kabila ng matinding parusang kanyang tinanggap tulad ng pagtatanggal nang isa-isa sa kanyang kuko, hindi niya ipinagkanulo ang kanilang lihim na kilusan. VIII Noong Agosto 24, 1944, narinig ng kanyang pamilya ang testimonya ni Richard Sakkakirda, ang tagapagsalita o tagasalin ng mga bihag, na si Jose Fortich Ozamiz at ang dalawampu’t siyam pa nitong kasama ay dinala sa Sementeryo ng Norte at pinagpahukay ng kanilang paglilibingan. Habang sila’y nakaluhod sa harap ng kanilang hinukay, isa-isa silang pinugutan ng ulo sa pamamagitan ng matalas na samurai ng mga Hapon. IX BIlang pagkilala sa kanyang katapangan at sukdulang pagpapakasakit alang-alang sa kalayaan ng bayan, binigyan siya ng “gawad postumo”. Ito ay parangal sa mga namatay na bayani. Noong 1948, isinunod sa kanyang apelyidong Ozamiz ang pangalan ng Lungsod ng Ozamiz sa ilalim ng R.A. 321. Noong May 5, 1991, idineklara ng batas na ang araw na iyon ay araw ng Lungsod ng Ozamiz.
Pagyamanin Ninyo
Gawin Nyo
Bigyan ng angkop na pamagat ang bawat saknong (Hiyas sa Wika 5 ph.2 at ph. 11.)
Sa ating paligid iyong mapapansin Tao, bagay,lugar, hanapbuhay, gawain Tila OBRA MAESTRA ng Diyos na Butihin Bawat nilikha Niya, may dahild,may layunin. Paraisong masasabi itong kapaligiran Malilinang, mapauunlad kung pangangalagaan Lahat ng kailangan idinulot ng Maykapal Pagkat mahal Niya tayo, sa lahat Niyang nilalang. Binigyan ka ng talino hindi upang magwasak Sagana ang kalikasan ngunit iyong winaldas Nalason ang hangin,lupa, maging dagat Ito ba ang kasama ng iyong pag-unlad? Ikaw tao ay pinili sa lahat ng nilalang Ikaw ay nilikhang mangalaga, mamatnubay Mag - isip - isip ka, manalangin, magnilay-nilay Paano mo ililigtas ang Inang Daigdigan?
Saan nanggaling ang ulan? Ako, si Patak-Tubig ang sasagot niyan. Inyong lingkod sa Patak-Tubig, ako’y inyong kilalanin. Ako ang dating water vapor na kasama ni Hangin. Ako ay isa sa marami, milyon ang aming bilang. Dati kaming nasa lupa o sa dahon ng halaman. Nadadala ni Hangin kapag mainit si Araw Sama-sama kami hanggang sa kaitaasan. Kapag nadala ni Hangin kami’y nagiging water vapor Nagsasama-sama, ulap na natatangay. Kapag bumigat kami dahil sa kalamigan. Natutunaw kami’t babagsak na patak-ulan. Babalik sa lupa sa anyo ng ulan. Ito ang aming papel dito sa daigdigan. Sa pagbalik sa lupa roon sa kakahuyan Ang bahang dala naming ay naiiwasan. Ngunit kapag kinalbo iyong kabundukan Wala nang pipigil sa aming daluyan. Kaya nawawasak ang mga palayan Kayo ring mga tao ang may kasalanan. Kung hindin nagamit ng mga halaman Lumulubog sa lupa nang may kalaliman. Malakas ang hatak ng init ni Araw Watak-watak kami at hindi matunaw. “El Niño” ang tawag ninyo Sobrang init ng mundo. Kasalanan ninyong mga tao Ang mga puno ay kinitil ninyo.
Gawin Mo Suriin ang bawat pangungusap. Isulat sa angkop na kahon ang iyong sagot. 1.
a. Sariwa ang hangin sa probinsiya Pangungusap
Sariwa
ang hangin sa probinsya
Panag-uri
Simuno
b. Malinis at sagana sa talangka, tulya, at isda ang mga ilog. Pangungusap
Panag-uri 2.
Simuno
a. Maliwanag ang buwan.
Pangungusap
Panag-uri
Simuno
b. Naglalaro kami ng tumbang preso sa gabi. Pangungusap
Panag-uri
Simuno
c. Nagkukuwentuhan kami tungkol sa mga duwende at aswang. Pangungusap
Panag-uri
Simuno
3.
a. Sa manggahan kami nagpipiknik. Pangungusap
Panag-uri
Simuno
b. Nagtatawanan at nag-aawitan kami
Pangungusap
Panag-uri 4.
Simuno
a. Dalisay ang kapaligiran sa lalawigan. Pangungusap
Panag-uri
Simuno
b. Tunay ang pakikisama ng mga tao sa lalawigan.
Pangungusap
Panag-uri
Simuno
Isaisip Mo
Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng angkop na pamagat? Ano ang simuno? Ang panag-uri? Magbigay ng halimbawa.
Isapuso Mo
Sagutin ang Suriin Mo C sa Filipino,Yaman ng Lahing Kayumanggi 5 ph.29-30. Kilalanin ang panag-uri at salungguhitan ito. 1. 2. 3. 4. 5.
Si Tatay ang haligi ng tahanan. Siya ay mabait at masipag. Gumagawa siya sa aming bukid. Mabilis magtrabaho ang mahal kong Tatay. Si Inay ay maalalahanin sa kanya.
Isulat Mo
A. Kilalanin ang simuno at salungguhitan ito. 1. 2. 3. 4. 5.
Ginagabayan niya kaming mabuti. Masayang namumuhay ang aming mag-anak. Kayo rin ba ay nagmamahal sa inyong mga magulang? Ang mapagmahal sa magulang ay pinagpapala ng Diyos. Ang magagalang magsalita ay hinahangaan.
B. Gawin ang Suriin Mo C sa ph. 64 ng Filipino, Yaman ng Lahing Kayumanggi 5.
Ikatlong Markahan Ikasampung Linggo Kagamitan ng Mag-aaral Ikalawang Araw Pagbibigay ng Kahulugan ng Salitang Pamilyar sa Pamamagitan Pag-uugnay sa Ibang Asignatura
Ano ang salitang pamilyar? Paano mo mabibigyan ng kahulugan ang salitang pamilyar?
Tuklasin Mo
Sa panahon ngayon, nagagamit pa ba ang pagsulat ng liham sa malayong lugar? Bakit oo? Bakit hindi? Ikaw, sa paanong paraan ka nakikipag-ugnay sa taong malapit sa puso mo na nasa malayo o malapit na lugar?
Basahin Mo
Alam nyo bang mahalaga ang buhok? Isipin mo na lang ang hitsura mo kung kalbo ka o sobrang nipis ng buhok mo. Basahin ang liham sa Hiyas sa Pagbasa 5 ph. 24-26.
Pagyamanin Natin
Gawin Mo Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na pamilyar na salita. 1. 2. 3. 4. 5.
pamana - _______________________________________________ bituin - _______________________________________________ parirala - _______________________________________________ sangkap - _______________________________________________ ehersisyo- _______________________________________________
Isaisip Mo
Ano ang ibig sabihin ng salitang pamilyar? Mabilis ba itong mabigyan ng kahulugan? Bakit?
Isapuso Mo
Magbigay ng mga salitang pamilyar na may kaugnayan sa ibang asignatura at bigyan ang bawat isa ng kahulugan.
Isulat Mo
Sumulat ng 5 pangungusap, salungguhitan ang salitang pamilyar at sa katapat nito, ibigay ang kahulugan. 1. 2. 3. 4. 5.
__________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________
Ikatlong Markahan Ikasampung Linggo Kagamitan ng Mag-aaral Ikatlong Araw Sanhi at Bunga
Paano mo malalaman kung ito ay sanhi? bunga?
Tuklasin Mo
Ano ang masasabi nyo kay Dr. Jose Rizal? Kung makakaharap mo ang ating pambansang bayani, ano ang sasabihin mo? Ano ang mararamdaman mo kung makakadaupang-palad mo siya? Bakit?
Basahin Mo
Marami ang nagawa sa atin ni Dr. Jose Rizal. Basahin ang liham “Ang Bayani sa Dapitan” (sa Hiyas sa Pagbasa 5 ph. 70-72.)
Pagyamanin Natin
Gawin Mo Ibigay ang bunga ng sumusunod na sanhi ayon sa mapang pangkonsepto. Sanhi
1. pagkain ng sobra-sobra
Bunga
2. di-pag-inom ng tubig
3. pagkakaroon ng malinis na hangin
4. pagtulog ng sapat
5. pagdadagdag ng taon sa pag-aaral
Isaisip Mo
Ano ang sanhi? Ano ang bunga? Magbigay ng halimbawang pangungusap, salungguhitan ang sanhi at ikahon ang bunga.
Isapuso Mo
Bawat sanhi sa Hanay A ay may katumbas na bunga sa Hanay B. Pagtambalin ito at isulat sa patlang ang titik ng sagot. Hanay A _____1. _____2. _____3. _____4. _____5.
Pagtatapon ng basura sa ilog Pagtaas ng halaga ng gasolina Paggamit ng pataba Pananalanta ng bagyo Pagputol ng mga puno sa kabundukan
Hanay B a. b. c. d. e.
tumataas ang presyo ng bilihin bumabaha sa kapaligiran nagpapabagal ng daloy ng tubig umaani ng masagana ang magsasaka nasisira ang mga ari-arian
Isulat Mo
Bawat pangungusap sa ibaba ay may isinasaad na sanhi at bunga. Salungguhitan ang sanhi at bilugan ang bunga. 1. 2. 3. 4.
Mahusay na mekaniko si Edwin kaya maraming nagpapakumpuni sa kanya ng sasakyan. Bihirang magkasakit si Mang Gil dahil alagang-alaga niya ang kaniyang kalusugan. Napakahusay makisama ni Aling Binday kaya marami siyang kaibigan. Pagod na pagod siya sa pag-uwi sa bahay dahil maghapong naglaro sa lansangan si Darwin. 5. Si Willy ay hindi kasama sa pag-uwi sa Dagupan sapagkat tinanghali siya ng gising.
Ikatlong Markahan Ikasampung Linggo Kagamitan ng Mag-aaral Ikaapat na Araw Pagbibigay ng Datos sa Isang Form
Bakit kailangan ang tunay na pangalan ang isulat sa ID? Bakit kailangang magdala tayo lagi ng ID saan man magpunta?
Tuklasin Mo
Bakit kailangan nating mag-ipon ng pera? Maliban sa alkansya, saan pa tayo pwedeng mag-ipon?
Basahin Mo
Iwasan nating magkaroon ng bura o dumi ang form na ating binibigyan ng datos.
Tingnan mabuti at pag-aralan ang mga form.
Pagyamanin Natin
Gawin Mo
Punan ng mga datos ang form na nasa itaas.
Gawin Nyo Lagyan ng tamang datos ang sedula
Isaisip Mo
Anu-ano ang mga datos ang naibibigay sa isang form? Magbigay pa ng halimbawa ng form na hindi nabanggit.
Isapuso Mo Punan ng mga datos ang pormularyong ito. Republika ng Pilipinas Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon IV-A CALABARZON Sangay ng Laguna Purok ng Luisiana PAARALANG ELEMENTARYA NG LUISIANA SENTRAL
LRN____________ SY_____________
Pangalan ng Mag-aaral
Baitang at Baitang
Guro
Punongguro
Isulat Mo
Pag-aralan ang pormularyong nasa ibaba at maingat na isulat ang hinihinging impormasyon.
Apelyido
Unang Ngalan
Panggitnang Pangalan
Tirahan Gulang
Kasarian
Kapanganakan : _______________________________________ Buwan Araw Taon
Relihiyon Lugar ng Kapanganakan: ___________________________________ Bayan Lalawigan
Pangalan ng mga Magulang: Ama: ________________________________________ Hanapbuhay: ____________________ Ina: ________________________________________ Hanapbuhay:____________________ Pinakamataas na Natamong Pinag-aralan ng mga Magulang: Ama: _______________________________________________________________________ Ina: ________________________________________________________________________ Ang iyong Libangan: Paboritong Asignatura:
Ikatlong Markahan Ikasampung Linggo Kagamitan ng Mag-aaral Ikalimang Araw Pagsulat ng Editoryal
Ano ang editoryal? Paano ito isinusulat?
Tuklasin Mo
Basahin at suriin ang editoryal na ito.
Basahin Mo
Ang nabasa sa bahaging Tuklasin Mo ay makikita sa isang bahagi ng pahayagan kung saan nagbibigay ng opinyon ang sumulat. Balikan ang bahaging Tuklasin Mo upang matukoy ang mga bahagi ng pagsulat ng editoryal.
Pagyamanin Ninyo
Gawin Ninyo (Pangkatang Gawain) Sumulat ng isang editoryal hango sa pagpapalibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Isaisip Mo
Paano isinusulat ang isang editoryal? Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng editoryal?
Isapuso Mo
Sumulat ng isang editoryal ayon sa larawang nakikita.
Isulat Mo
Sumulat ng isang editoryal hango sa inyong pamayanan.
Ikaapat na Markahan
2
IKALAWANG LINGGO
Unang Araw
Tuklasin Mo
Basahin ang sumusunod na mga salita. tuso
Bungang-kahoy
Kapagud-pagod
matatakaw
naglalambitin
pampang
lahi
pulo
Pagmasdan ang larawan. Ano ang masasabi ninyo sa larawan? May alam na kayong kwento tungkol sa mga unggoy at buwaya? Kung mayroon, ikwento ang ilang bahagi nito sa klase.
Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang kahulugan ng salita ayon sa gamit sa pangungusap. 1. 2. 3. 4.
Nakatira sila sa isang pulo. ( damit, pagkain, lugar ) Nakatira rin ditto ang maraming matatakaw na buwaya. ( masiba, mataba, malaki ) Sagana sa isda at mga ligaw na hayop dito. ( masarap, marami, sariwa ) Masayang naglalambitin sa mga sanga ang mga unggoy. ( pagkapit sa kamay, pagkapit sa paa, pagkapit sa buntot ) 5. May mahalagang mensahe ang hari. ( balita, bilin, utos )
Basahin Mo
Pakinggang mabuti ang kwentong babasahin ng guro.
Ang Unggoy at ang Buwaya Sa isang pulo ay may nakatirang mag-amang lahi ng mga unggoy. Sa pulong ito, malinaw, malalim, malinis ang tubig sa ilog na nakapalibot ditto. Nakatira rin ang lahi ng matatakaw na buwaya sa ilog na nakapalibot sa pulo. Masarap at masaya ang buhay ng mga unggoy dahil marami ang mga punongkahoy na namumunga rito. Gayundin ang mga buwaya dahil sagana sila sa isda at iba pang hayop na minsan ay naliligaw sa ilog. Subalit dahil sa pagdami ng mga matsing at buwaya, dumating ang panahon na wala na halos silang makain. Isang araw, habang masayang naglalambitin sa mga sanga ang mga unggoy, napansin ng isa na maraming bungang-kahoy sa kabilang pulo. Tuwang-tuwa ang kanyang mga kasamahan. Gustong-gusto nilang lumangoy papunta sa kabilang pampang. Ngunit dahil maraming buwayang gutom ang nangakaabang sa kanila, wala silang madaraanan. Gustunggusto ng buwaya ang masarap nilang atay. Pumunta ang tusong unggoy sa tabi ng ilog at tinawag ang pinuno ng mga buwaya. “Pinunong Buwaya, may mahalagang mensahe ang hari,” ang kanyang pakli. Lumabas naman ang pinuno na halos nasa tabi ng unggoy. “Ano ang maipaglilingkod naming sa mahal na hari?” usisa ng punong buwaya. “Nais malaman ng hari kung ilan kayong lahat. Magpapasko na kasi at bibigyan kayo ng regalo. Pumila kayo at bibilangin ko kung ilan kayong lahat,” sagot naman ng unggoy. “Isa, dalawa, tatlo, apat…tatlumpu’t pito,” sabay talon sa kabilang pampang. Nakatawid siya sa kabilang pulo nang walang kapagud-pagod.
Pagyamanin Natin
Gawin Natin Panuto: Sagutin ang sumussunod na mga literal na tanong mula sa napakinggang kwento. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7.
Tungkol saan ang kwentong napakinggan? Sinu-sino ang tauhan sa kwento? Saan at kailan nangyari ang kwento? Ilarawan ang tirahan ng mag-aamang unggoy. Bakit naubos ang pagkain ng mga unggoy at buwaya? Ano ang katangian ng unggoy?buwaya? Isalaysay kung paano nakatawid sa kabilang pulo ang unggoy.
Gawin Mo Panuto: matapos mong mapakinggan ang kwentong “Ang Unggoy at ang Buwaya”, kumpletuhin ang sumusunod na balangkas. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
PAMAGAT TAGPUAN TAUHAN
Isaisip Mo
Ang mga tanong na literal ay mga tanong kung saan ang mga sagot ay mga impormasyong tuwiran o hayagang nakalahad sa tekstong napakinggan.
Isapuso Mo
PANGKATANG GAWAIN Bawat pangkat ay pipili ng isang magbabasa ng maikling kwentong inihanda ng guro. Pagkatapos mapakinggan ang kwento na binasa ng kagrupo, ang mga miyembro ang siyang magsasagot ng mga tanong na tungkol sa kwentong kanilang napakinggan.
Isulat Mo
Panuto: Pakinggang mabuti ang kwentong babasahin ng guro. Sagutan ang mga sumusunod na literal na mga tanong ayon sa inyong napakinggan. 1. 2. 3. 4. 5. 6.
Ano ang pamagat ng kwentong iyong napakinggan? Saan nagiging masaya ang agawaing pagtatanim? Paano isinasagawa ng mga magsasaka ang pagtatanim? Ano ang paniniwala nila tungkol sa pag-aani? Nasaan ang kaligayahan ng magsasaka? Paano tinatanggap ang isang magsasaka ang kanyang kapalaran?
2
IKALAWANG LINGGO
Ikalawang Araw
Tuklasin Mo
Gawain A Anu-ano ang mga uri ng pangungusap ayon sa gamit? Panuto: Sabihin kung anong uri ng pangungusap ang isinasaad ng bawat bilang. 1. Maraming tao ang nagsimba sa araw ng pista. 2. May palaro ba sa plasa? 3. Papasukin mo ang mga bisita natin. 4. Maaari po bang humingi ng tubig na maiinom? 5. Naku! Nadulas ang bata sa palosebo! 6. Masaya ang pista dito sa inyo. 7. Gusto mo pa ng leche flan? 8. Masaki tang tiyan ko! 9. Pahiran mo ng acete de manzanilla. 10. Pwede na po ba akong umuwi?
Gawain B Panuto: Hanapin sa puzzle ang mga salitang maaaring may kinalaman sa tatalakaying aralin. Isulat ito sa metacards. Magbigay ng maikling ideya o paliwanag tungkol sa mga salitang nahanap. D R O G A H P
O E S M I P A
P A B U S I U
I K A A A O T
N S N L T Y O
Y I S Y U E S
O Y A K I M R
N O I D E Y A
U N L A D P X
Basahin Mo
Marami nang nalathalang mga balita at impormasyon ukol sa pag-unlad ng mga karatigbansa ng Pilipinas. Tinagurian silang pitong dragon. Napakabilis ng pag-unlad ng mga bansang tulad ng Indonesia, Malaysia, Thailand, Hong Kong, Taiwan, Singapore, at South Korea. Hindi katulad ng Pilipinas na hanggang ngayon ang mga Pilipino ay nakasadlak pa rin sa kahirapan. May mga suliranin tayong dapat lutasin upang umunlad an gating bansa. Unang-una ay ang isyung kapayapaan at katahimikan sa bansa. Ikalawa ay ang kalinisan at pangangalaga sa paligid na tila nalilimutan na ng bawat Pilipino. Ikatlo ay ang isyu ng kahirapan ng nakararaming mamamayan. Ikaapat ay ang kawalan ng edukasyon ng mga kabataan na siyang inaasahang maglilingkod sa bayan. Paano nga ba malulutas ito ng bansang Pilipinas?
Pagyamanin Natin
Gawin Natin Panuto: Magbigay ng mga pangungusap na ginamit sa teksto. Kumpletuhin ang tsart sa baba. PASALAYSAY
Magbigay ng nabasa/napakinggan.
PAUTOS
sariling
PAKIUSAP
reaksyon,
ideya
o
PATANONG
opinyon
hinggil
PADAMDAM
sa isyung
inyong
Gawin Mo Panuto: Bumuo ng dalawang grupo. Batay sa mapagkakasunduan ng dalawang grupo, pumili ng isang paksa/isyu mula sa mga sumusunod na listahan. Ang dalawang grupo ay magsasagawa ng isang debate tungkol sa isyu. Gumamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagdedebate. Mga mungkahing paksa: 1. Marangya o simpleng pagdiriwang ng pista 2. Panukalang oras ng pagvivideoke 3. Nationwide liquor ban sa Pilipinas 4. Panukalang “No School Uniform” para sa mga mag-aaral
Isaisip Mo
Ang pagbibigay ng reaksyon, ideya o opinion tungkol sa isang isyu ay isang mabuting kasanayan dahil naipahahayag natin ang sariling saloobin, opinyon o pananaw hinggil sa mga kaisipang inilahad. Ang pagbibigay-reaksiyon ay maaaring sa pamamagitan ng pagsang-ayon o pagsalungat sa kaisipan ng nagsalita o kausap. Sikapin lamang na maging magalang upang maiwasan ang makasakit ng damdamin ng kapwa. Isang paraan din ng pagpapahayag ng reaksiyon ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng debate. Iba’t ibang uri ng pangungusap ang maaaring magamit sa pakikipagdebate tungkol sa isang isyu.
Isapuso Mo
Pangkatang Gawain Ang bawat pangkat ay bibigyan ng envelope na may lamang manila paper, marker at kwento. Tahimik na babasahin ang nakatakdang gawain at pagkatapos ay isasagawa na ito. Unang Pangkat – pumili ng isang napapanahong isyu at magbigay ng mga rekasyon, opinion o ideya tungkol dito. Iulat ito sa klase.
Ikalawang Pangkat - mag-isip ng isang napakinggan o nabasang isyung kinasasangkutan ng bansa. Magsagawa ng tatlong minutong debate tungkol dito. Gumamit ng iba’t ibang uri ng pangungusap sa pagdedebate.
Isulat Mo
Panuto: Magbigay ng sariling reaksyon, opinion o ideya hinggil sa sumusunod na isyu. Labanan ang polusyon Malaking isyu ngayon ang pagkasira ng kapaligiran dahil sa lumulubhang polusyon sa lupa, tubig, at hangin. Malulutas ang suliraning ito kung makikipagtulungan ang bawat tao. May mga batas na dapat sundin at may mga kautusang ipinatutupad ang ating pamahalaan. Magiging malinis ang paligid kung gagawin ng bawat isa ang kanilang tungkulin. Tayo ang dapat mangalaga na likas na kayamanan at ang pag-unlad ng bayan ay sa atin nakasalalay.
2
IKALAWANG LINGGO
Ikatlong Araw
Tuklasin Mo
Gawain A Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Ibigay ang kahulugan ng mga may salungguhit na salita sa papamagitan ng pagbibigay ng kanilang kasalungat. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Humusay ang kaniyang pagguhit dahil sa pag-eensayo. 2. Ang batang makulit ay napagalitan ng nanay. 3. Walang humpay ang pag-iyak ng bata. 4. Pati hangin yata’y walang pakialam sa kapal ng usok na nakabalatay 5. May maliit na liwanag na natatanaw ang bata. Gawain B Anu-ano ang mga tradisyon ng mga Pilipino na inyong nalalaman? Panuto: Kumpletuhin ang concept cluster na ito sa pamamagitan ng paglalagay ng mga ideyang inyong naiisip na kaugnay ng salitang nasa gitna.
PISTA NG BAYAN
Basahin Mo
Basahin nang tahimik ang teksto.
PIsta sa Aming Bayan Masayang-masaya ang lahat. Araw ng pista ngayon sa aming bayan. Maraming tao ang nagsimba. Masigla at masaya ang kalembang ng kampana sa simbahan. Hindi magkamayaw sa ingay ng pagbabatian at pagbabalitaan ang mga tagarito, mga balikbayan, at mga panauhin mula sa ibang bayan. Walang tigil ang masipag na banda ng musiko sa paglibot sa mga lansangan habang nagbibigay ng masiglang tugtugin. Umaambag rin sa sigla at saya ang malakas na bunghalit ng mga tugtugin sa mga perya at pondahan at maging sa mga tahanan man. Nagpapagaraan sa ganda ang mga arko sa mga panulukan ng mga kalye. May mga arkong kawayan na may makukulay na ginupit-gupit na papel. Ang mga banderitas na may iba’t ibang kulay ay nakagayak sa mga hayag na lansangan at maging sa maliliit na kalye man. Naku, higit sa lahat kabi-kabila ang handaan. May mga naglilitson doon at dine. Malalaking talyasi ng pagkain ang nakasalang sa kalan sa mga kusina at sa mga bakuran. Mula tanghalian hanggang hapunan ay pagsasalu-saluhan ang mga inihandang pagkain ng mga magkakamag-anak, magkakaibigan, at mga panauhin. Kainang hindi matapus-tapos. Ganyan ang pista. Nakalulungkot tuloy isipin na ang pista ay tila kainan na lamang at nawawala na ang diwang ispiritwal ng okasyon. E, bakit nga ba may pista? Hindi ba’t nagdudulot lamang ito ng malaking gastos? Hindi ba’t malaking pag-aabala ito? Pero sadyang hindi na maiaalis sa kulturang Pilipino ang pagpipista at pamimista. Ito’y isang kaugaliang minanapa natin sa ating mga ninuno. Ang pista ay araw ng pasasalamat sa Poong Maykapal sa mga biyayang ipinagkakaloob Niya sa mga tao. Ito ay araw ng pagdakila. pagpuri at pagpaparangal sa Panginoon. Kadalasan, ang pistang-bayan ay itinatapat sa kaarawan ng patron ng bayan, gaya ng pista ng Meycauayan na ipinagdiriwang sa kaarawan ng patron nito na si San Francisco de Asis, pista ng Santa Clara sa kaarawan ng Mahal na Birhen de Salambao, pista ng Obando sa kaarawan ni San Pascual de Baylon, pista ng Malolos sa kaarawan ng Birhen Immaculada Concepcion, at iba pa.
Pagyamanin Natin
Gawin Natin Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong: 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7.
Ano ang pista? Bakit may pista? Ilarawan ang pagdiriwang ng pista batay sa tekstong binasa. Sang-ayon k aba na ipagpatuloy ang tradisyon ng pagdaraos ng pista? Ipaliwanag. Bakit sinasabing ang pista ay isang pamanang kalinangan n gating mga ninuno? Batay sa binasang teksto, anong isyu ang nakapaloob dito? Sa isyung nakapaloob sa teksto, ano sa tingin mo ang paniniwala ng may-akda nito tungkol sa isyung ito?
Gawin Mo Panuto: Kumpletuhin ang tsart sa pamamagitan ng pagtatala ng mga salitang naging pamilyar at di-pamilyar sa inyo mula sa binasa ninyong teksto. Iugnay ang mga salitang ito sa inyong sariling karanasan upang matukoy ang kahulugan. PAMILYAR NA SALITA
DI PAMILYAR NA SALITA
SALITA
KAHULUGAN
Isaisip Mo
Sagutin ang balangkas ayon sa iyong natutuhan sa aralin. 3-2-1 3 Bagay na Natuklasan Ko 2 Bagay na Nakatawag ng Aking Pansin 1 Bagay na Hindi Ko Maunawaan
Isapuso Mo
Panuto: Basahin nang tahimik ang talata. Piliin ang mga salitang pamilyar at di pamilyar mula sa binasang teksto. Sa tulong ng pag-uugnay ng sariling karanasan, tukuyin ang kahulugan ng bawat isa. Tukuyin din ang paniniwala ng may-akda ng binasa tungkol sa isyung kanyang sinulat.
Isulat Mo
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit. Iugnay ang bawat salita sa sariling karanasan upang matukoy ang kahulugan. 1. 2. 3. 4. 5.
Hindi magkamayaw sa ingay ng pagbabatian at pagbabalitaan ang mga tao sa plasa. Maraming biyaya ang tinanggap ng mga manggagawa. Madilim at masikip ang iskinita. Naaalimpungatang sumunod si Ruth sa paglabas ng kanyang ina. Maaaring kapirasong tela ang ibigkis sa baywang ng sanggol.
2
IKALAWANG LINGGO
Ikaapat na Araw
Tuklasin Mo
Anu-ano ang mga bagay na ibinibigay o binibili ng inyong nanay para sa inyo? Naranasan na ba ninyong kayo naman ang bumili o magbigay sa inyong mga nanay? Ibahagi ang karanasang ito sa klase.
Panoorin Mo
Tahimik na panoorin ang video clip.
Pagyamanin Natin
Gawin Natin Panuto: Sagutin ang mga sumusunod: 1. 2. 3. 4. 5.
Ano ang pamagat ng palabas? Sino-sino ang mga tauhan sa palabas? Saan ito naganap? Ano ang katangian ng mga tauhan? Naranasan mo na ba ang naging karanasan ng tauhan sa palabas? Ano ang iyong ginawa at bakit?
Gawin Mo Panuto: Ibahagi o iugnay ang napanuod na palabas sa iyong sariling karanasan Sumulat ng maikling talata tungkol dito.
Isaisip Mo
Ano ang natutuhan mo sa aralin ngayon? Isulat ito sa metacard at ibahagi sa klase.
Isapuso Mo
Pangkatang Gawain Ang klase ay hahatiin sa dalawang grupo. Bawat grupo ay iisip ng isang palabas at iuugnay ang kanilang karanasan sa naturang palabas. Magsagawa ng isang dula-dulaan na nagpapakita ng ilang eksena o bahagi ng napiling palabas.
Isulat Mo
Panuto: Iugnay ang sariling karanasan sa isang pelikulang tumatak sa iyong isipan. Sumulat ng isang maikling talata tungkol dito.
ARALIN
3
Panlingguhang Layunin Pag-unawa sa Napakinggan Naisasakilos ang napakinggang awit F5PN-IVc-f-5 Gramatika- Kayarian ng Wika Nagagamit ang iba’ t ibang uri ng pangungusap sa pakikipanayam/interview F5WG-IVc-13.5 Pag-unlad ng talasalitaan Napapangkat ang mga salitang magkaka-ugnay F5PT-IVc-j-6 Pag-unlad sa Binasa Nasasagot ang mga tanong sa binasang tekstong pang-impormasyon F5PB-IVc-d-3.2 Estratehiya saPag-aral Nagagamit nang wasto ang Dewey Classification System F5EP-IVc-9.3 Pagsulat Nakasusulat ng iskrip para sa radio broadcasting at teleradyo F5PU-IVci-2.12
Humanap ng kapareha. Pakinggan ang isang isang iskrip para sa radio broadcasting.Itala ang mga salita na magka-ugnay. Mula sa iskrip gumawa ng mga tanong tungkol dito.
1
Layunin Naisasakilos ang napakinggang awit Napapangkat ang mga salitang magkaka-ugnay
Tuklasin: Iparinig ang awit ng Smokey Mountain na may pamagat na Anak ng Pasig. Basahin Mo A. Awit ng Smokey Mountain na Anak ng Pasig Ako'y umusbong sa tabi ng Pasig Nagisnan ang ilog na itim ang tubig Lumaking paligid ang bundok na umuusok Langhap na langhap ang amoy ng basurang bulok Ito ang buhay ng anak ng Pasig Pa-swimming swimming sa itim na tubig Playground lang ang bundok ng basura niyo Musika'y ugong ng kotse at bangka niyo Anak ng Pasig naman kayo Kalat doon, kalat dito Natakpan na ang langit kong ito Nilason din ang Ilog ko Anak ng Pasig naman kayo Tapon doon, tapon dito Di niyo alam ang tinatapon niyo Ay bukas ko at ng buong mundo Akala ko'y ganoon talaga ang mundo Hanggang makakita ako ng lumang litrato Di maniwalang Pasig rin ang tinitingnan ko Kaibigan ano ang nangyari dito Anak ng Pasig naman kayo Kalat doon, kalat dito Natakpan na ang langit kong ito Nilason din ang Ilog ko Anak ng Pasig naman kayo Tapon doon, tapon dito Di niyo alam ang tinatapon niyo Ay bukas ko at ng buong mundo Huli na ba ang lahat
Patay na ba ang ilog at dagat Kapag pasig ay pinabayaan Parang bukas ang tinalikuran Anak ng Pasig naman kayo Kalat doon, kalat dito Natakpan na ang langit kong ito Nilason din ang Ilog ko Anak ng Pasig naman kayo Tapon doon, tapon dito Di niyo alam ang tinatapon niyo Ay bukas ko at ng buong mundo Anak ng Pasig naman kayo May bukas pa ang ating mundo. B. Nakikilala ang pagkakaugnay ng mga salita sa pamamagitan ng pagtukoy kung magkasingkahulugan o magkasalungat ba ang mga ito. Halimbawa : Mataas:matayog -
magkasingkahulugan
Malayo-malapit-
magkasalungat
Pagyamanin Natin A. Gawin Ninyo : Kumuha ng kapareha.Ibigay ang pagkakaugnay ng bawat pares ng salita ay magkasingkahulugan o magkasalungat: 1. Hangal : matalino 6.lihim: sekreto 2. Lumubog:lumutang 7.namangha:nagulat 3. Nagdaralita:naghihirap 8.dahop:sagana 4. Umuusok: umaaso 9.intindihin:unawain 5. Matagal:sandal 10. Nabatid: nalaman
B. Iugnay ang bawat salita sa kaliwangh hany sa kasalungat nito sa kanang hanay. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel. __________ 1.nalupig a.taksil __________ 2 Nagdiriwang b.pagkainip __________ 3. Matapat c. mapayapa ________ 4. Pagkawili d.naghihinala _________ 5.maligalig enanalo _________ 6.nagdarahop f. nagluluksa __________ 7.nagtitiwala g. masagana __________ 8. Kinaiinisan h. bulagsak _________ 9.matipid i. kaguluhan _________ 10. Kapayapaan j. kinagigiliwan.
C. Gawin Mo Kung papipilin ka ng isang awit na nagsasaad ng damdamin mo para sa ating bansa, anong awit ang pipiliin mo? Ilista sa hiwalay na papel ang liriko o ang bahagi ng liriko ng awit na ito. Isaisip Mo Ano ang natutunan mo sa aralin ?Ano ang dapat natin gawin upang manatiling maayos an gating kapaligiran? Isapuso Mo Paano mo maipapakita ang pagmamahal mo sa ating inang kalikasan ? Isulat ito sa isang talata at gamitan ng mga salitang magkaka-ugnay. Isulat Mo Ibigay ang mga salitang magkakaugnay at ang paraan ng pagkakaugnay ng mga ito (gamit, bahagi,lokasyon o ugnayan sa kulay). Halimbawa sa bilang 1, ang watawat at tagdan ang magkaugnay. Ang paraan ng pagkakaugnay ay lokasyon dahil ikinakabit ang watawat sa tagdan nito. Gawin ang bilang 2-10 sa sagutang papel. 1.
watawat,awit,tagdan, bata.
2.
langit, bughaw, burol,lupa
3.
dagat,bapor,dyip, bus
4.
dingding,palay, bahay,paaralan
5.
panghiwa,palakol,kutsilyo,martilyo
6.
pala,pako,panghukay, gunting
7.
araro,gulong,kariton,puno
8.
ibon,pugad,aso,pusa
9.
kotse,garahe,kabayo,kambing
10.
Pilipinas, Timog-silangan, malayo, lahi
(lokasyon)
2
Anu-ano ang uri ng pangungusap na pwedeng magamit sa panayam? Anong magagalang na pananalita ang pwede mong magamit sa pakkipanayam?
Tuklasin: Kung kayo ay papipilin sino ang gusto ninyo makapanayam? Bakit? Basahin Mo
Layunin
Pagyamanin Natin A. Gawin Ninyo Pangkatin ang klase.Bigyan ang bawat pangkat ng kopya ng isa pa ring panayam naman sa Piyanistang Pilipina. Pumili sa grupo na pwedeng gumanap bilang Pilipinang piyanista at isang guro .
B.Gawin Mo Kung ikaw ang naatasan na makimanayam sa hari ng dyip o sa pilipinang piyanista. Anu-ano ang gusto mong sabihin at itanong sa kanila ? Isaisip Mo Ano ang natutunan mo sa aralin? Ano ang gagawin ninyo kung kayo ay naatasan na makipanayam sa isang sikat na tao sa ating bansa? Anu-anong uri ng pangungusap ang inyong pwedeng gamitin kung makikipanayam ka? Isapuso Mo Mahalaga ba na gumamit ng magagalang na pananalita kung ikaw ay makikipanayam sa isang tao? Dapat mo bang pilitin sila sa gusto mong maging sagot nila ? Isulat Mo Magtala ng limang pangungusap na maaring magamit kung makikipanayam.
3
Layunin Paano natin masasagot ang mag tanong sa tekstong ating binasa?
Tuklasin: Tumawag ng walong bata upang Ipabuo ito : Pagsasagot ang mga tanong sa binasang tekstong pang-impormasyon . Basahin Mo Ilahad ang kwento ni Pole at ang Bigas Si Pole at ang Bilao ng Bigas Ang mga magulang ni Apolinario ay mahirap lamang kaya kailangang magtrabaho nang husto ang mga ito para buhayin ang pamilya. Isang araw, maagang dumating sa bahay ang ina ni Pole na may dalang malaking basket na may lamang bigas. Kasalukuyan namang nagpapalipad ng saranggola si Pole. Kasama niya ang kanyang mga kaibigan nang tawagin siya ng kanyang ina. Patakbo namang umuwi si Pole. “Bakit po kayo bumili ng ganitong uri ng bigas, Inay? Kalahati po nito ay puro maliliit na bato.” “ Hindi ko iyan binili,anak,Ibinigay lamang iyan sa akin.” Kaagad nagtungo sa sakahan ang ina ni Pole at siya ay naiwang mag-isa. Sinimulan niyang isa-isahing alisin ang mga maliliit na bato sa bigas. “Halina,Pole,” tawag ng mga batang lalaking nagpapalipad ng saranggola. “Hindi ako makapaglalaro,”tugon ni Pole. “Abala ako rito.” Madaling nagtungo ang mga batang lalaki sa bahay ni Pole upang mag-usyoso sa kanyang ginagawa. Sinubukan nilang tulungan si Pole ngunit matapos makapag-alis ng ilang bato, umalis din ang mga bata. “Iwanan mo na iyang maruming bigas at tayo nang maglaro,”yaya ng isang kalaro.Ngunit buopng sipag na nagpatuloy si Pole sa paglilinis ng bigas. Nang dumating ang kanyang ina, nakadama ito ng kasiyahan nang makita niyang malinis na ang bigas at handa na para isaing. Pagyamanin Natin A. Gawin Ninyo . Pangkatin ang klase Ipagawa sa bawat pangkat ang habi ng tauhan ni Pole Pole Katangian
B. Gawin Mo
Patunay
Basahin at sagutin ang sumusunod na tanong: May isang batang ang pangalan ay David. Marunong manalangin at saka umawit. Itong batang si David ay kumuha ng limang bato upang gamitin niya sa kanyang paltik laban kay Goliat na lubhang malaki sa kanya. HNoong nagkaharap na si david at Goliat , tinawanan lang niya ito dahil sa bata pa sya at maliit pa. Ngunit di natakot si David isang bato ang nilagay sa kanyang tirador at pinaikot- ikot. At tumama ito sa noo si Goliat at natumba at tumama pa ang ulo nito sa bato. Sinu-sino ang pangunahing tauhan sa kwento? Bakit pinagtatawanan lamang ni Goliat si Davd? Isaisip Mo Anong aral ang napulot natin sa kwento ni Pole? Ano ang natutuhan mo sa aralin? Isapuso Mo Minsan nang tanungin ang dating Pangulong Fidel V. Ramos kung sino sa mga Pangulo ng Pilipinad ang hinahangaan niya. Walang atubili kanyang sinabi na si Dr. Jose P. Laurel dahil nagging pangulo ito noong panahon ng Hapon dahil napakahirap magpasya noon sapagkat maninimbang sa Pamahalaang Hapon at kapakanan ng mga Pilipino. Bakit humanga ang dating Pangulong Ramos kay Dr. Jose P. Laurel? Isulat Mo Basahin at sagutin ang sumusunod na tanong : Walang panginoon - Deogracias Rosario Ito ay kwento ng isang lalaking nagngangalang Marcos na sukdulan ang galit sa mayamang asenderong si Don Teong. Si Don Teong ang kontrabida sa buhay ng pamilya ni Marcos. Siya ang dahilan kung bakit namatay sa sama ng loob ang ama, dalawang kapatid, at kasintahan ni Marcos. Ang kasintahan ni Marcos ay si Anita, anak ni Don Teong. Ilang beses nang tinitimpi ni Marcos ang kaniyang galit kay galit kay Don Teong, kung hindi lang dahil sa ina niya ay matagal na sanang wala sa mundo si Don Teong. Para kay Marcos ang pangaapi ni Don Teong ay hindi lamang simpleng pang-aalipin sa pamilya nila kundi pagyurak na rin sa kanilang dangal at pagkatao. Sina Marcos ay pinagbabayad ng buwis para sa lupang kanilang sinasaka kahit na ito'y kanilang minana sa kanilang mga ninuno. Dahil sa walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang karapatan, napipilitan silang magbayad sa kanilang sariling pag-aari. iyan ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ama at dalawang kapatid. Namatay silang punung-puno ng sama ng loob kay Don Teong na matagal nilang pinagsilbihan. Lalong sumidhi ang galit ni Marcos kay Don Teong nang malaman niyang ang ahilan ng pagkamatay ng kaniyang kasintahang si Anita ay si Don Teong. Sinaktan ni Don Teong si Anita na siyang ikinamatay nito. Sa dami nang mga nawalang mahal sa buhay ni Marcos, hindi katakatakang takot siyang marinig ang animas, ang malungkot na tunog ng kampana. Hidni pa aman humuhupa ang galit niya, siya namang pagdating ng isang kautusan ng pamahalaan na sila ay pinaaalis na sa kanilang tahanan, ngayon pang malago na ang kanyang palayan dahil sa dugo at pawis sa maghapong pagbubukid. Binigyan sila ni Don
Teong ng isang buwang palugit upang lisanin ang lupang kanilang tinitihan. Alam niyang ang mga nangyayaring iyon sa buhay nila ay kagagawan ng mapangsamantalang si Don Teong. Dahil sa galit na nararamdaman ni Marcos kay Don Teong, nag-isip siya ng paraan kung paano siya makakapaghiganti dito. Nagbihis si Marcos nang tulad ng kay Don Teong at kaniyang pinahihirapan ang kaniyang paboritong alagang kalabaw. Ginawa niya iyon upang magalit ang kalabaw sa imahe ni Don Teong. Pinag-aralang mabuti ni Marcos ang bawat kilos ni Don Teong at inabangan niyang mamasyal sa bukid si Don Teong nag hapong iyon. Pinakawalan niya ang kaniyang kalabaw at hinayaang suwagin ang kaawa-awang si Don Teong. Kinabukasan, huling araw na pananatili ng mag-ina sa bukid, habang nagiimpake na sila ng kanilang mga gamit, mabilis na kumalat ang balitang patay na si Don Teong. Mahinahong pinakinggan ni Marcos ang malungkot na tunog ng kampana, hindi tulad ng dati na ayaw na ayaw niya itong marinig. Sa halip na ipanalangin niya ang kaluluwa ng namatay na si Don Teong ay mas inisip pa niya ang kaniyang matapang na kalabaw. 1. 2. 3. 4. 5.
Bakit galit si Marcos kay Don Teong? Sino ang pangunahing tauhan sa kwento? Ano ang nagging dahilan ng kamtayan ni Don Teong? Kung ikaw si Marcos gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa? Bakit? Anong aral ang napulot natin sa kwento?
4
Layunin
II. A.Paksang-Aralin Ano ang Dewey System at saan ito ginagamit? Pagbibigay kahulugan sa mga salitang pamilyar at di-pamilyar ayn sa gamit nito sa iba’t ibang sitwasyon Tuklasin: Tumawag ng labing dalawang bata bigyan ng titik ang bawat isa at ipabuo ang Dewey Decimal . Basahin Mo Isa sa sistema na ginagamit sa pa-aayos ng mga aklat sa aklatan ay ang Dewey Decimal System. Ito ay sinimulan ni Melvin Dewey,isang Amerikano. Inaayos ang mga aklat ayon sa paksang pinangkat sa sampubg kategorya. 00-99
General Works/ Sanggunian
100-199
Philosophy/Pilosopiya/Sikolohiya
200-299
Religion/Relihiyon
300-399
Social Studies/Araling Panlipunan(Pulitika, Batas, Edukasyon, Pamahalaan, Kalakalan, Komunikasyon)
400-499
Language/Wika
500-599
Pure Science/ Agham
600-699
Technology/Useful Arts o Applied Science
700-799
The Arts/ fine Atrs and Recreation
800-899
Literature/ Panitikan
900-999
Geography, History/ Heograpiya at Kasaysayan
Pagyamanin Natin A. Gawin Ninyo 1 . Pangkatin at klase at ipagrupo ang aklat na mayroon sila kung saan kabilang na code. Gawin Ninyo 2 Isulat sa sagutang papel ang Dewey Decimal Classification number ng sumusunod na mga paksa. 1. Paggawa ng mga bulaklak 2. Disyunaryo sa Filipino 3. Ang pilosopiya ng Buddhism 4. Kung saan galling ang kuryente 5. Ang pagkuha ng magandang larawan sa pamamagitan ng kamera
6. Ang uri ng pamahalaan ng bansang Tsina 7. Ang nobelang Florante at Laura 8. Ang bansang malapit sa Antartika 9. Ang sistema ng edukasyon sa Amerika 10. Ang kahulugan ng mahihirap na salita Gawin Ninyo 3 Batay sa mga paksa sa Dewey Decimal Syatem, Isulat sa sagutang papel ang klasipikasyonng paksa kung saan matatagpuan ang m,ga sumusunod: 1. Ang pambansang wika ng bansang Espanya 2. Ang iba’t ibang planeta 3. Ang pinakahuling kalagayan ng pambansang ekoinomiya 4. Mga naipintang larawan ni Amorsolo 5. Ang tamang paraan ng pagtatanim ng pakwan 6. Mga pinangalang bagong kwentista 7. Ang mga bansang unang nakipagkalakalan sa Pilipinas 8. Iba’t ibamng relihiyon sa Asya 9. Magagandang pookj na maaring pasyalan 10. Tungkol sa alamat ng pinya
B. Gawin Mo Sabihin kung anong code ang dapat ilagay sa sumusunod na aklat: 1. Science and Health 2. Hekasi 3. MSEP 4. Hiyas sa Wika 5. Magpalakas at Umunlad Isaisip Mo Ano ang kahalagahan ng code sa pag-aayos ng silid aklatan? Isapuso Mo Nagpunta ka sa aklatan para manghiram ng aklat na gusting –gusto mo. Nagkataong wala ang gurong nakatalaga sa aklatan. Alam mo kung saang cabinet ito nakalagay at naiinip ka na sa paghihintay. Ano ang iyong gagawion ? Isulat Mo A.Sagutin nang wasto. 1. 2. 3. 4.
Ikaw ba ay pumupunta sa inyong library?Bakit? Ano ang iyong ipiniprisinta bago manghiram ng mga aklat? Paano mo hahanapin ang isang aklat kung pamagat lamang nito ang alam mo? Sino ang maari mong pagtanungan tungkol sa aklat na hinahanap mo?
B.Isulat kung ang sagot ay tama o mali 1.Mas una ang pangalan ng awtor kapag hinahanap ang kard ng paksa 2.Nasasabi ang aklat kung saan at kalian ito nilimbag
5
Layunin
Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng radio skrip? Isulat Mo
Tuklasin: Guessing game ; Sinong news anchor ito : Di kita tatantanan? Magandang gabi bayan? SOCO? . Basahin Mo Maikli lamang ang pamagat ng balita. Dito napapaloob ang kabuuan ng balita. Ang pamagat ay inaayon sa unang talataan ng balita. Inilalagay sa unahan ng balita ang pinakamahalagang bahagi nito. Sa gayon, ang sinumang tao,maging siya ay abalang –abala ay maakit na bumasa ng balita. Ang unang talataan ng balita ay tinatawag na patnubay. Ito ay sumasagot sa tanong na ano, saan, at kalian. Ang ikalawang talataan ang mga detalye lamang ng balita. Suriin ang modelo Kakaibang Proyekto-Pagpapausok Proyektong pangkalusuagn ang ilulunsad ng mga taga- San isidro. Pupuksain ang mga lamok,langaw, at ipis sa pamamagitan ng pagpapausok. Nagtataglay ang usok ng gamut na pamatay sa mga insektong ito. Mag-aabuloy ng kaunting halaga ang mga resident eng subdibisyong San Isidro para sa proyektong ito. Nangunguna ang pangulo ng samahan sa hangarinng mapigil ang lumalaganap na mga sakit lalo na ang dengue fever. Pinaninindigan ng asosasyon ang proyektong ito. Pagyamanin Natin A. Gawin Ninyo Pangkatin ang klase.Bigyan ang bawat pangkat ng pitong bagay ng walang kaugnayan sa bawat isa. Ipagamit ang mga bagay na ito upang makagawa ng isang bagay na kapaki-pakinabang. Bigyang diin ganito rin ang strip sa radio. Bawat isa sa mga makikita natin sa istrip ay tungkuling ginagawa upang mapaganda ang isang radio show. B. Gawin Mo Ayusin nang sunud-sunod ang mga pangyayari sa ibaba upang makabuo ng isang magandang balita. Gawin ito sa sagutang papel. Liga ng Basketbol
Nagsimula noong Linggo ang liga ng basketbol sa Palmera, Phase I,II,III at IV. Sinimulan ang laro sa ganap na ika-3 ng hapon. Isang parading nilahukan ng lahat ng lahat ng manlalaro ang nagbukas ng liga. Panauhing pandangal ang alkalde ng lungsod. Nanalo sa pagandahan ng uniporme ang koponang Asit. Masayang-masaya ang mga nanonood sa basketbol tuwing Sabado at Lingngo ng gabi. Isaisip Mo Anu-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng skrip para sa radio o teleradyo? Isapuso Mo Paano mo gagawin ang isang skrip sa radio na hindi makkasakit sa damdamin ng iyong kapwa? Anong mga pananalita ang dapat mong gamitin? Isulat Mo Gumawa ng isang skrip sa radio tungkol sa tamang paraan ng paglilinis sa katawan o kaya tungkol sa halalan sa inyong lugar.
Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino V Week 4- Ika-apat na Markahan Unang Araw
Tuklasin Mo
Bakit kaya umiiyak ang bata?
Bakit ganito ang kasuotan ng bata?Bakit siya may dalang payong?
Basahin Mo Noon malinis, mabango at malinaw na tubig kaya marami ang namamasyal at naliligo sa Ilog- Pasig kaya nasira ang kagandahan ng makasaysayang ilog, pinabayaan ito ng mga tao. Marami ang nagtatapon ng basura sa ilog kaya sa kaunting pag-ulan ay umaapaw ito. Namatay ang mga isda dahilamarumi na ang tubig sa ilog. Nangangamba ang mga tao na tuluyan nang masira ang Ilog Pasig, kaya kailangan kumilos sila bago mahuli ang lahat. Ano-ano ang dahilan ng pagkasira ng Ilog Pasig? Ano-ano ang mga epekto ng pagkasira ng Ilog Pasig ? Bilang kabataan, paano ka makakatulong upang muling maibalik ito sa dati?
Pagyamanin Mo Itala ang iyong kasagutan sa tamang hanay. Sanhi/dahilan
Isaisip Mo
Isapuso Mo Itambal ang Hanay A sa Hanay B
Bunga/Epekto
Isulat Mo A.Tingnan ang mga larawan. Sumulat ng sanhi o bunga nito.
1.
2.
____________________________________________
_____________________________________________
3.
4.
5.
______________________________________________
_________________________________________________
__________________________________________
B.
Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino V Week 4- Ika-apat na Markahan Ikalawang Araw
Tuklasin Mo Ang sabi ng iyong kaklase, paki kuha mo nga ang aking aklat sa ibabaw ng mesa. Sa anong uri ng pangungusap ito kabilang?
Basahin Mo Basahin ang siniping bahagi ng maikling kwento. Isulat ang uri ng pangungusap na nasa bawat bilang. 1 Si Mang Pedro ay isang masipag na magsasaka. 2 Araw-araw ay nagtutungo siya sa bukid upang tapusin ang mga gawain. 3 Sa dakong hilaga ng kanyang taniman matatagpuan ang maraming puno ng mangga. 4 Ay! sadyang malalaki at matamis ang mga ito. 5 Mga gulay naman ang nasa dakong timog. 6 Ano-ano kaya ang mga gulay ito? 7 May upo, mabeberdeng petsay, naglalakihang kalabasa, makikinis at malalaking kamatis at iba pa.8 Sa bahaging silangan matagpuan ang kanyang kubo at sa kanluran naman naroroon ang kanyang mga alagang hayop.9 Tuwing sabado at linggo sumasama ang kanyang mga anak upang tumulong sa kanya.10 Isang huwarang magsasaka si Mang Pedro.
Pagyamanin Natin Pangkatang Gawain Pangkat I - Itala ang mga produktong maaring anihin ni Mang Pedro. Gamitin ang mga uri ng pangungusap sa pagkilatis ng mga ito
Pangkat II – Ano-anong direksyon ang nabanggit sa kwento? Pangkat III- Gamit ang mga direksyon, anong panuto ang ibibigay mo kung nais na makita ang taniman ng mangga, gulay, kubo at mga alagang hayop.
Isaisip Mo Natutuhan ko na sa pagbibigay ng panuto o direksyong dapat alam natin ang pangunahin at pangalawang direksyon. Pangunahing direksyon: __________,___________,_____________,______________ Pangalawang direksyon:__________,___________,_____________,______________ Natutuhan ko rin na ang mga uri pangungusap. Ito ay ang ____________, _________, ________________, ________________, ______________.
Isapuso Mo Lagyan ng tamang direksyon at iguhit ang mga bagay na matatagpuan dito batay sa binasang kwento
Isulat Mo Sumulat ng maikling kwento na nakapagbibigay ng panuto gamit ang mga direksyon at iba’t ibang uri ng pangungusap Isulat ito sa isang buong papel.
Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino V Week 4- Ika-apat na Markahan Ikatlong Araw
Tuklasin Mo Ibigay ang kahulugan ang may salungguhit. 1. Para akong natutunaw na kandila noong kinagagalitan ako ni Bb. Reyes. 2.Tila siya patabaing baboy sa kanilang bahay. 3. Mistulang pugon ang kuwento niya kaya’t kami ay hindi nagtagal. 4. Talak siya nang talak na parang inahin mula umaga hanggang gabi. 5. Tigre si Ginoong Cruz sa kanilang mga kasamahan.
Basahin Mo Maikling kwento ng palaka atuwang; Matahimik at masayang namumuhay sina Palaka, Gagamba at Susuhong sa lugar na iyon nang biglang dumating si Uwang.Hindi lamang matakaw ito sa pagkain ng dahon at maingay ang ugong, ito rin ay sadyang mapanudyo. Kapag pinagbawalan o pinagpagunitaan, ito'y nagbabanta pang manakit o maminsala .Isang araw, tahimik na nanginginain si Susuhong sa tabi ng sapa nang bigla na lamang siyang suwagin ni Uwang. Nahulog siya sa agos at tinangay siya sa dakong malalim. Mabuti na lamang at nakapangunyapit siya sa isang yagit, kaya nakaahon siya sa pampang.Minsan naman. Gumawa si Gagamba ng isang napakagandang sapot. Ipinagmalaki niya iyon kina Palaka at Susuhong. Natuwa rin ang dalawa at pinuri si Gagamba. Subalit kinabukasan, nang naghahanap ng makakain si Gagamba, Hindi niya alam na winasak na ni Uwang ang kanyang sapot. Gayon na lamang ang kanyang panlulumo habang si Uwang naman ay patudyong nagtatawa.Si Palaka naman ay sinuwag ni Uwang ng mga sungay nito, isang araw a nagpapahinga siya sa may batuhan. Namaga ang kanyang nguso ng ilang araw. Kaya ang magkakaibigan ay nagpasya isang araw. Hahamunin nila sa isang paligsahan si Uwang. Ang ilalaban nila ay si Palaka."Payag ako," sabi ni Uwang nang mabatid ang paligsahan."Kung kayo ay magwagi, lalayasan ko na ang lugar nai to.Kung ako naman ang magwagi, kayo'y magiging sunud-sunuran sa akin."Nagpalutang sila sa isang malapad na dahon sa gitna ng sapa.Mag-uunahan sina Palaka at Uwang sa pagsakay doon."Tiyak na ako ang magwawagi," pagmamalaki ni Uwang dahil alam niyang mabilis niyang maikakampay ang kanyang pakpak.Sinimulan ang paligsahan. Pumaimbulog pa si Uwang habang si Palaka naman ay mabilis nang glumangoy patungo sa dahon.Mula sa itaas, sumisid si Uwang, patungo sa dahon na inaanod sa gitna ng sapa.Ngunit nagkasabay sila sa pag-abot sa dahon.Kasabay ng pagsakay dito ni Palaka, dumapo naman si Uwang.Sa bigat nilang dalawa, lumubog ang dahon at kapwa nahulog sila sa tubig. Ang nabiglang si Uwang ay natangay ng agos."Tulungan mo ako, Palaka. Hindi ako marunong lumangoy, Sino-sino ang tauhan sa kwento? Ano ang aral na napulot sa kuwento?
Ibigay ang katangian ng mga tauhan?
Pagyamanin Mo Bigyang –pansin ang mga salitang may salungguhit sa binasa. Bigyang kahulugan ang mga ito at gamitin sa sariling pangungusap.
Isaisip Mo Sa pagbasa natin ng isang kuwento matitiyak natin sa ating sarili kung naunawain natin ang binasa sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan ukol dito. Minsan nagtatanong tayo sa ating sarili, ano kaya ang kahulugan ng salitang ito sapagkat ngayon mo lang ito nabasa o nagamit, at ano ang tawag natin dito?
Isapuso Mo Alamin ang mga salitang may salungguhit ay pamilyar o di pamilyar sa iyo. 1. Siya ay nanggilalas nang makita niya ang napakagandang gusali. 2. Ang damit ng anak ng may-ari ng kumpanya ay napakagara. 3. Ang kanyang sinasabi ay malaking kabulaanan. 4. Hintay! sansala ng guro sa aalis na mag-aaral. 5.Mababasa natin ang maraming kwento tungkol sa ating ninuno.
Isulat Mo Ibigay ang kahulugan ng mga may salungguhit na salita at gamitin ito sa pangungusap.
Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino V Week 4- Ika-apat na Markahan Ika-apat na Araw
Tuklasin Mo Bumuo ng salita gamit ang mga pinaghalong mga titik.
A
K
R
D
G
O L R
T A A D
Basahin Mo Ang kard catalog ay napapalooban ng tatlong mahahalagang bagay:
A K K
Pagyamanin Natin Pangkatang Gawain Pangkat I – Gumawa ng Kard ng Paksa Pangkat II- Gumawa ng Kard ng May-akda/Awtor Pangkat III- Gumawa ng Kard ng Pamagat Pangkat IV- Kumuha ng isang aklat sa Filipino. Gumawa ng tatlong uri ng kard katalog batay sa aklat na ito
Isaisip Mo Ang natutuhan ko sa aralin ay tungkol sa ____________________________________. May mga dapat tandaan sa paggamit nito ito ay ang mga _____________________________ ___________________________________________________________________________
Isapuso Mo
Suriin ang kard Katalog at sagutin ang mga tanong Anong uri ng kard catalog ito?
Ano-ano ang tatlong mahahalagang bagay ang napapaloob dito? Sino ang may akda? Ano ang pamagat ng aklat? Ano ang kahalagahan ng paggamit nito?
Isulat Mo
1. Ang kard ay halimbawa ng _____________________________________________ 2. Ang pamagat ng aklat ay_______________________________________________ Ang paksa nito ay ________________________________________________ Sinulat ang aklat ni _______________________________________________ 3. Ang katawaganng bilang ng aklat ay _____________________________________ 4. Ito ay matatagpuan sa _________________________________________________
Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino V Week 4- Ika-apat na Markahan Ikalimang Araw
Tuklasin Mo Isulat ang tinutukoy 1. Ito ang tawag sa lipon ng mga salitang walang diin o kaisipang ipinapahayag. _P__ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ 2. Ito ay lipon ng mga salita na may buong diwa P___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ 3. Lipon ng mga pangungusap na naglalahad ng isang bahagi ng buong pagkukuro, palagay o paksang diwa ___ ___ ___ ___ ___ ___
Basahin Mo Bahagi na ng ating buhay ang panonood na mdalas sa ating mga napapanood ay naiuugnay natin ito sa ating karanasan o kaya ay naisusulat natin ang mga pangyayari ukol dito. May palabas na malungkot , masaya, nakakatakot, pantaserye at may hango sa tunay buhay na minsan ay masasabi natin na ang mga eksena o kagapan ay halos kapareho ng pangyayari sa iyong buhay. Naranasan mo na ba na naiugnay ang iyong karanasan sa iyong napanood?
Pagyamanin Mo Bigyang laya ang mga bata na makapanoonod ng isang palabas.
Isaisip Mo Ang natutuhan ko sa aralin ay _________________________________
Isapuso Mo Ano ang masasabi mo sa iyong napanood? Anong magandang aral ang napapaloob dito? Sino sa inyo ang may karanasan na may kaugnayan sa napanood? Ilahad ang karanasan ?
Isulat Mo Sumulat ng talata tungkol sa buod ng napanood na palabas.
IKAAPAT NA MARKAHANG (IKA-5 LINGGO) Unang Araw
Basahin KALIGTASAN NG MGA NANGANGAILANGAN Ang pagtulong sa kapwa ay nagging ugali na ni Jacinta. Bawat pulubing lumapit sa kaniya’y kaniyang nililimusan. Madalas iniimbitahan niya ang mga batang mahihirap na makipaglaro sa kaniya. Si Jacinta ay madasalin.Tuwing araw ng Linggo, siya ay nagsisimba. Pagkatapos, namimigay siya ng mga laruan, damit, at pera sa hanay ng mga pulubi. Napamahal si Jacinta as kaniyang mga kababayan. Nakaugalian na ng mga tao na dalawin si Jacinta kung araw ng Pasko. Kakatok sila sa pintuan ng kaniyang tahanan at sila’y masayang patutuluyin at hahainan ng sari-saring pagkain. Isang araw ng Pasko, sa kanilang pagtataka, walang sumasagot sa kanilang pagkatok. Umakyat ang mga tao sa kabahayan at laking gulat nila nang makitang nakahandusay sa sahig at wala nang buhay si Jacinta. Nalungkot at nag-iyakan ang mga tao sa sinapit ng kanilang idolong si Jacinta. Ibigay ang pangunahing diwa ng apat na talata. Talata 1__________________________________________________________ Talata 2__________________________________________________________ Talata 3__________________________________________________________ Talata 4__________________________________________________________ Ano ang naging suliranin ng mga tauhan sa kwento? Anong solusyon ang maibibigay mo sa maraming pulubi? Gawin Mo TAGUMPAY SA KABILA NG SAGWIL Si Tessie Galasa ang bunso sa siyam na magkakapatid. Dalawa lamang silang magkapatid na nakapag-aral. Hindi kayang tustusan ng kanilang magulang ang pagpapaaral sa kanilang lahat. Ang kanilang karalitaan ay hindi nagging sagwil para kay Tessie. Nakapag-aral siya sa ilalim ng isang scholarship grant. Tatlong taong gulang lamang si Tessie nanag sinamang-palad siyang magkasakit at nalumpo. Habang siya ay lumalaki, sumisidhio ang kaniyang hinagpis at pagkaawa sa sarili. Ngunit natutuhan din niyang labanan ang damdaming ito.
Sa ginanap na Magnolia 10-Kilometers marathon on Wheels, nanalo si Tessie ng unang gantimpala sa karerang pambabae. Nanalo rin siya sa21 – kilometers wheel-a-thon. Noong 1982, tatlong medalyang ginto at isang medalyang pilak ang kaniyang napanalunan sa palarong languyang pandaigdig para sa mga may kapansanan. Ginanap ito sa Hong Kong. Dahil sa tibay ng kaniyang loob, nagtagumpay siya sa kabila ng sagwil sa kaniyang buhay. Sagutan ang mga tanong sa ibaba. 1.Ano ang paksa ng talong talata? 2.Ano ang suliranin ng tauhan? Anong nagging solusyon sa kanyang suliranin? 1. Ano ang pangunahing diwa ng huling talata? 2. Ano ang pangunahing diwa ng seleksyon? Gawin Natin ANG BATANG SI PULE Mahirap ang mga magulang ni Apolinario Mabini kaya hindi nila kayang papag-aralin sa Maynila ang anak nila. Matalino pa naman si Pule, ang palayaw nila kay Apolinario Mabini. Ngunit sadyang nais ni Pule na matuto. Pumasok siyang utusan sa isang mayaman sa Maynila. Naglingkod din siya bilang isang klerk upang makapagpatuloy ng pag-aaral. Dahil sa mga gawaing-bahay, malimit siyang mahuli sa kaniyang klase. Maaga siyang gumigising sapagkat nagluluto pa siya ng almusal, naghahain, at nagliligpit ng pinagkainan ng kaniyang pinaglilingkuran. Walang pambili si Pule ng aklat kaya nakikibasa na lang siya. Kinokopya niya sa aklat ang mahahalagang bagay na dapat pag-aralan nang masinsinan. Gayunpaman, palaging matataas ang marka ni Pule. Kaya hinahanganan siya ng kaniyang mga guro at kamag-aral. 1. Ibigay ang paksa ng bawat talata? 2. Ano ang naging suliranin ni Hermano Pule at ano ang nagging solusyon sa kanyang suliranin? ISULAT MO EMILIO AGUINALDO Hindi nabakas sa kabataan ni Emilio Aguinaldo na siya ay magiging pangulo ng Pilipinas. Ang kanyang ama ay naging gobernadorcillo ng Kawit, Cavite. Walang pambihira sa kanyang record sa pag-aaral. Natuto siya ng alpabeto sa bahay. Nagtapos siya ng elementary sa paaralang bayan ng kawit. Nagtapos siya ng sekondarya sa San Juan de Letran. Huminto siya ng pag-aaral sa kolehiyo. Umiwas siya na maglingkod sa sandatahang lakas. Tinulungan siya ng kanyang ina upang siya ay maging cabesa de barangay. Naging negosyante siya.Namili siya ng tela at mga yaring produkto.Ipinamalit niya ang mga ito ng prutas, gulay, baboy at manok. Ibigay ang paksa nito, ang inilahad na suliranin at ang solusyon nito.
Ikalawang Araw Basahin ang debate na pinamagatang “Ang Palaaral at Di-Palaaral, Yaman ng Bansa? Tagapamagitan: Sa oras na ito masusing pakinggan ang debate ng dalawang pangkat ang Palaaral at Di-Palaaral. Palaaral: Alam naming kami ay nagdudulot ng kasiyahan sa guro, magulang, lipunan pamayanan at bansa dahil sa aming pagsusunog ng kilay naabot namin ang kaalamang minimithi ng bawat isa. Kami iyong madalas nasa loob ng silid-aralan at masusing isinisilid sa isip ang aralin. Kami iyong kapag tinanong ng guro ay bumubukal sa isipan ang kasagutan. Kami rin ang taga sa panahon dahil madaling makakuha ng hanapbuhay. At naku! Kabilang kami sa tagapag-paunlad ng bansa! Kayo, ganun din ba? Di-Palaaral: Oo kabilang din kami sa tagapagpaunlad ng bansa. Bagamat mahina ang aming ulo. Laging uwi ay itlog, kalabasa at palakol sa magulang namin. Naku! Tingnan ninyo pagdating ng panahon. Yaman dinkami di ba?Paano? Kahit sa panahong di nakakakuha ng mataas na marka at Biyernes san to ang mukha kung kulilat sa mga aralin. Isipin din ninyo ang aming kabutihan. Pakisuriin nga ninyo na bagamat kami ay natataguriang “Physically Fit” but Mentally Absent” Mayroon kaming natatagong talino na magpapaunlad ng sarili, tahanan, pamayanan at bansa. Alam ba ninyo, mahina ang ulo namin ngunit may lakas at natatagong galing namin ngunit may lakas kami na kung minsan ito ang kailangan din naman, di ba? Tagapamagitan: Tama kayong dalawa kasi sabi nga kapag walis ay binigkis nagdudulot ng kasaganaan at katagumpayan ng pamilya at bansa. Sagutin ang mga tanong: 1. Ano ang debate? 2. Tungkol saan ang debate? 3. Anu-anong pangungusap ang ginamit sa debate? 4. May matatalinhaga bang salita sa debate? Anu-ano iyon?Ano ang kahulugan nito?
Ikatlong Araw ANG PANAYAM NI BB. DE LEON Isang umaga, dinal ni Bb. De Leon ang kanyang mga tinuturuan sa aklatan. “Mga bata, ditto ko kayo dinala sa aklatan sapagkat naririto an gating aralin para ngayon,” simula ni Bb. de Leon nang nakaupo na ang lahat. “Ang aralin natin ngayon ay tungkol sa kard catalog at kung ano ang gamit nito. May alam na ba kayo tungkol sa paksang ito?” Nagkatinginan at nagkailangan lamang ang mga bata. “kung gayon, making kayo at nang makuha ninyo nang husto ang mga ituturo ko,” sabi ni Bb. de Leon. Tumahimik ang lahat at mababakassa mukha nila ang pananabik na mapakinggan ang panayam na kanilang guro. “Ang isang aklat ay may indeks o talatuntunan upang patnubayan ang mambabasa sa kanyang paghahanap ng tiyak na impormasyon. Ang isang aklatan ay nakakatulad ng isang aklat. May talatuntunan ito sa anyong catalog na siyang nagsasabi kung saang mga istante hahanapin ang mga aklat na kailangan.” Upang maunawaan ang paggamit ng catalog, dapat malaman ng mambabasa ang sumusunod na katotohanan,” patuloy ni Bb. de Leon habang ipinapaskil ang isang tsart na nilalaman ang sumusunod. 1. Tatlong mahalagang bagay ang itinatago ng kard katalog – may-akda, pamagat at paksa. 2. Bawat kard ay may katawagang bilang na nagtuturo sa kinalalagyan ng aklat. Ang katawagang bilang ay isang grupo ng mga simbulo. Kumakatawan ito sa paksa ng aklat. Sa likod ito ng aklat nakasulat upang --a. Makita ang kinalalagyan ng aklat. b. maisauli agad ang aklat sa tamang lugar. 3. Ang mga kard ay nakaayos nang paabakada ayon sa mga salitang nasa unang guhit. 4. Sa kard ng may-akda, makikita sa unang guhit ang pangalan ng sumulat nang nauuna ang apelyido; sa kard ng paksa, ang pangalan ng paksa sapulang tinta o sa malalaking titik ang nasa itaas; sa kard ng pamagat, ang pamagat ng lobro ang nasa itaas.
Kard ng May-akda Santos, Angeles S. Isang Libo at Isang Bugtong: Dalubhasaang Epifanio de los Santos Press, Malabon, Metro Manila, 1982
Kard ng Paksa PANITIKAN Santos, Angeles S. Isang Libo at isang Bugtong: Dalubhasaang Epifanio de los Santos Press, Malabon, Metro Manila, 1982
Kard ng Pamagat Isang Libo at Isang Bugtong, Santos, Angeles S. Isang Libo at Isang Bugtong: Dalubhasaang Epifanio de los Santos Press, Malabon, Metro Manila, 1982 5. Ang mga kard katalog ay tinatawag nadiksyunaryong katalog dahil sa ang mga salita sa mga kard ay nakaayos nang ayon sa alpabetong Filipino, tulad ng pagkakaayos ng mga salita sa diksiyunaryo. 6. Ang mga tuntuning dapat sundin sa paggamit ng kard katalog ay maaring lagumin, tulad ng sumusunod: a. Kung alam mo ang pangalan ng may-akda, hanapin mo iyon. b. Kung hindi mo alam ang pangalan ng may-akda, hanapin sa ilalim ng pamagat. Huwag isaalang-alang ang mga pantukoy na tulad n gang, mga, si/sina, kay.kina sa simula ng pamagat. c. Kung hindi alam kapwa ang pangalan ng may-akda o ang pamagat, hanapin sa ilalim ng paksa. d. Kung may alinlangan, magtanong sa katiwala ng aklatan. Pagkatapos ng paliwanag ni Bb. de leon, dinala niya ang mga bata sa istante na kinalalagyan ng paksang Panitikan. Natiyak nila ang istanteng ito sa pamamagitan ng katawagang bilang na nakalagay sa kard katalog. “Ngayon, hanapin ninyo ang kopya ng Isang Libo at Isang Bugtong ni Angeles S. Santos,” sabi ni Bb. De Leon. “Nag-unahan sa paghanap ang mga bata. Walang anu-ano, napalakas ang tinig ni Pablito sa pagtuturo sa aklat. “Heto po, heto po!” “Aba, matalas ang mga mata ni Pablito,” sabi ni Bb. De Leon. “Mabilis niyang nakita. O, may ideya na kayo ng paggamit ng kard catalog. Kaya babalik na tayo sa ating silid-aralan. Bukas, babalik uli tayo rito para magkaroon pa kayo ng ibayong pagsasanay sa paggamit ng kard catalog. Gusto ba ninyo iyon?” “Opo,” sabay-sabay na sagot ng mga bata. Magtalakayan Tayo 1.Paano nagkakaiba-iba ang kard ng may-akda, kard ng pamagat, at kard ng paksa? 2.Anu-anong impormasyon ang ibinibigay ng bawat kard na ito?
3. Anong magandang asal ang ipinakita ng mga bata habang nakikinig sila sa panayam ni Bb.de Leon? Ginagawa mo rin ba iyon kung may taong nagsasalita o nagpapaliwanag?Bakit? a. Gawin Ninyo Kilalanin pa natin ang kard katalog sa pamamagitan ng pagsusuri sa nilalaman ng bawat kard na ito. Lagyan ng pangalan ang bahagi nito.
700.4 Lil2 1.
Aragon, Angelita L.d.d. Bagong Filipino5 JGM & Corporations Simoun St. Quezon City C2011 110p.: ill, 25 cm.
2.
3. 4.Anong uri ito ng kard katalog? 5.Gumuhit ng isang bilog. Sa loob nito, isulat ang bahaging makikita sa gawing kaliwa ng kard katalog? Isulat Mo Kumuha ng isang aklat sa Filipino na may kinalalaman sa mga natatanging Pilipino. Gamitin ang mga ito upang mapunan ang hinihingi ng kard.Ikahon ang call number.
Kard ng May-Akda May-akda: Pamagat ng aklat: Dibuhista: Manlilimbag: Copyright Date: Call Number: Bilang ng Pahina:
Ikaapat na Araw Basahin ang Balita Oplan, Alis Disease, Inilunsad Matagumpay na inilunsad ang mga proyekto ng pamahalaan. Isa na rito ang Oplan Alis Disease sa pamamahala ngKagawaran ng Kalusugan. Ito ay sa pamumuno ni dating kalihim Juan Flavier. Sinasabi ng nakararami ng mahhalaga ang pagbabakuna.Sa unang taon pa lamang ng bata ay dapat na siyang mabakunahan. Madaling kapitan ng sakit at karamdaman ang mga bata dahil ssa mahina ang resistesiya ng kanilang katawan. Dagdag pa rin nito ang paiba-ibang klima at maruming paligid. Napagg alaman mula sa mga nars sa ilang center na dapat ang pagbabakuna sa mga bata para sa tuberculosis ay isinagawa pagkapanganak pa lamang sa kanila. Pagkaraan ng anim na lingo, kailangang mapabakunahan na rin ang mga bata laban sa tuberculosis, tetanus at polio. Ang bakuna para sa tigdas ay kailangang gawin sa ikasiyam na buwan ng mga ito. Ayon naman sa nars sa isang Patak Center sa Bacoor Cavite, libu-libong bata ang namatay sa bansa taun-taon dahil sa limang pangunahing sakit. Ang mga ito ay tigdas, tuberculosis, poliomyelitis, diphtheria at tetanus. Kaya dapat silang mapabakunahan laban sa mga sakit na nabanggit. Sagutin ang mga tanong: 1. Tungkol saan ang balita? 2. Bakit mahalaga ang pagbabakuna? 3. Sa iyong palagay, saang bahagi ng pahayagan matatagpuan ang ganitong uri ng balita? 4. Mahilig ka bang magbasa ng diyaryo o making sa radio upang malaman ang mga balita?Bakit? Pag-aralan ang balita.Pahapyaw itong basahin.
Balitang Panlalawigan
11 tulak, 7 drug users sumuko JAEN, Nueva Ecija- Aabotsa labing-isang tulak ng bawal na droga at pitong drug users ang iniulat na sunud-sunod na sumuko sa himpilan ng pulisya sa magkahiwalay na lalawigan kamakalawa. Ang mga nagsisukong tulak sa himpilan ng pulisya sa Diwalwal, Compostella Valley ay nakilalang sina Jovelyn Pernito, Roger Orot, Arcely Pianas, Joseph Paderna, Donato Rinmaco, Abdul Montia, Jenifer Fernandez, Aga Magara, Marcelino Albarando, Caro Faisal at Amen Dimatanuay. Bunsod ng kampanya ng pamahalaan laban sa sindikato ng bawal na droga particular na ang pagpipintura sa bubungan ng mga bahay ng mga pinaniniwalaang tulak ay nagpasyang sumuko ang mga suspek. Kasunod nito, sumuko rin sa himpalan ng pulisya sa Jaen, Nueva Ecija ang mga drug users na sina Ferdinand Pablo, Gaudencio de Jesus, Emilio dela Cruz, Alejandro
Faustino, Rodolfo Eduardo, Felipe Santos at Reynaldo Avergas na pawing residente ng Barangay Sto. Tomas South, Jaeen Nueva Ecija. Ihahatid ang pitong drug users sa PNP Crime Laboratory sa Cabanatuan City at kasalukuyang ipaaalam kung nasa drug watchlist ang mga nagsisuko. Narito ang Bahgi ng Pahayagan Mga Bahagi o Pahina ng Pahayagan Pangmukhang Pahina - makikita rito ang pangalan ng pahayagan at ang mga pangunahin o mahahalagang balita. Balitang Pandaigdig - mababasa sa pahinang ito ang mga balitang nagaganap sa iba't ibang bahagi ng mundo. Balitang Panlalawigan - mababasa rito ang mga balita mula sa mga lalawigan sa ating bansa. Pangulong Tudling/ Editoryal - sa pahinang ito mababasa ang kuru-kuro o puna na isinulat ng patnugot hinggil sa isang napapanahong paksa o isyu. Balitang Komersyo - dito mababasa ang mga balita tungkol sa kalakalan, industriya, at komersyo. Anunsyo Klasipikado - makikita rito ang mga anunsyo para sa iba't ibang uri ng hanapbuhay, bahay, lupa, sasakyan, at iba pang kagamitang ipinagbibili. Obitwaryo - ang pahinang ito ay anunsyo para sa mga taong namatay na. Nakasaad dito kung saan nakaburol at kung kailan ililibing ang namatay. Libangan - ito ang pahina sa mga balita tungkol sa artista, pelikula, telebisyon, at iba pang sining. Naririto rin ang mga krosword, komiks, athoroscope. Lifestyle - mababasa sa pahinang ito ang mga artikulong may kinalaman sa pamumuhay, tahanan, pagkain, paghahalaman, at iba pang aspeto ng buhay sa lipunan. Isports - naglalaman ito ng mga balitang pampalakasan. Pagpapayamang Gawain A. Gawin Mo Isulat kung anong bahagi ng pahayagan ang ipinakikita sa ibaba. Isulat ito ssa sagutang papel.
__________________________
___________________________________
_____________________________
_______________________________
__________________________________ Isulat Mo Isulat ang titik ng tamang sagot sa sumusunod na kalagayan. 1. Wala kang trabaho. Aling bahagi ng pahayagan ang titingnan mo? a. Palaisipan c. Anunsyo b. Kolum ng mambabasa d. Pangulo Balita 2. Ibig mong alamin ang pananaw o pakahulugan ng publisher o palimbagan sa isyu tungkol sa unang 100 araw ng Presidente. Alin sa mga sumusunod ang sasangguniin? a. Pahinang pang-isport b. Kolum ng isang manunulat c. Editoryal o pangulong tudling d. Balitang Pampamayanan 3. Ibig mong malaman ang opinyon ng isang indibidwal tungkol sa isyu tungkol sa brownout. Alin dito ang babasahin mo? a. Kolum na isang manunulat b. Balitang pandaigdig c. Pahinang pampalakasan d. Editoryal 4. Aling bahagi ng pahayagan ang gagamitin mo upang maaliw?
a. Balitang Pampamayanan b. Pitak Palaisipan c. Pangunahing Balita d. Anunsyo 5. Pinakahuling balita tungkol sa paboritong laro ang mababasa sa bahaging ito. Aling pahina ito? a. Pitak-artista c. Palakasan b. Mga anunsyo d. Pandaigdig na balita
Ikalimang Araw Panonood ng mga Dokumentaryong Palabas Gawin Mo 1. Anu-ano ang pamagat ng dokumentaryong inyong pinanood? 2. Anu-anong uri ng dokumentaryo ang mga ito? 3. may pagkakatulad ba nag dokumentaryong pantelebisyon at pampelikula? 4. Ano ang kanilang pagkakaiba? 5. May napulot ba kayong magandang aral sa napanood ninyo 6.Base sa pinanood na dokumentaryo paghambingin ang dokumentaryong pampelikula at pantelebisyon. Uri ng Dokumentaryo DOKUMENTARYONG PAMPELIKULA Ang dokumentaryong pampelikula na ito ay ayon sa direksiyon ni Brillante Mendoza, isa sa pinakamahusay na direktor ng bansa sa kasalukuyan lalo na sa paglikha ng mga Independent o Indie Films o yaong mga pelikulang malaya sa kanilang tema at pamamaraan na ang pinakalayunin ay buksan ang kaisipan ng mamamayan tungkol sa mga isyung panlipunan. Ang nasabing dokumentaryo ay nilapatan ng cinema verite, kung saan aktuwal na nagtagpo at nakunan ang mga pangyayari ng filmmaker ang kanyangfilm subject, upang mas higit itong maging makatotohanan. Tunay ngang bahagi na ito ngayon ng ating kultura at panitikang popular. Nagwagi siya ng mga prestihiyosong parangal sa pandaigdigang “pinilakang-tabing”. Kabilang na rito ang “Manoro” (The Teacher) na pinarangalan sa CinemAvvenir-Torico Film Festival 2006. Gayundin ng Best Picture at Directors Award sa Cinemanila 2006. Ilan din sa kaniyang sikat na mga obra ay ang Foster Child (John John); Tirador (Slingshot) Lola at marami pang iba. Dahil kay Mendoza, muling naitayo sa pedestal ang galing ng mga Pilipino sa larangan ng filmmaking at film industry bilang isang internasyonal na likhang-sining ng mga Pilipino. Sinikap at tinangka ng manunulat na isulat ang iskrip nito sa kabila ng pagiging limitado nito sa iba’t ibang pamamaraan. Kapag pinanood ang buong pelikula, mapapansin na ang pangunahing gamit na wika ng mga tauhan ay ang mismong kanilang “mother tongue” o katutubong wika. May mga subtitle sa ilalim nito na nakasulat sa wikang Ingles. Kaya’t isang hakbang rin na isinagawa ng manunulat ay ang pagsasalin nito sa wikang Filipino upang maunawaan ng nakararami. Lahat ng ito ay isinagawa upang lubos na matutuhan at
mapahalagahan ang isa sa pinakamagandang Obra-Maestra na pambuong daigdig ang “Manoro” Ang ilan sa mga pelikula ay nagreresulta bilang dokumentaryong pampelikula sapagkat pangunahing layunin nito ang magbigay-impormasyon, manghikayat, magpamulat ng mga kaisipan at magpabago ng lipunan. Sa mas malawak nitong pakahulugan, ito ay isang ekspresyong biswal na nagtatangkang makita ang realidad at katotohanan. Sa mga unang taon noong 1900, nagsimula na ang paglikha ng mga Dokumentaryong Pampelikula. Ito ay isang salitang Pranses na ang pangunahing inilalarawan ay ang pagkuha ng iba’t ibang mga eksena sa anumang gawain ng mga tao sa araw-araw. Inilalarawan ito bilang ang“aktuwal na tanawin o eksena”. At sa patuloy na pagdaan ng panahon, naipakita sa mga tao ang nakakatulad na dokumentaryo tulad ng“travelogue”, “newsreel tradition” at “cinema truth”. Malaki umano ang ginampanang bahagi nito sa bawat bayan noon, sapagkat ito ang naging instrumento laban sa politika at maling pamamahala, dahil sa ipinakita nito ang realidad. Naging “wartime propaganda”, ethnographic film, at nagsilbing inspirasyon upang makamit ang maraming tagumpay noon. Sa pamamagitan ng tinatawag na“Cinema Verite” ang salitang French na nangangahulugang “film truth” o “pelikula totoo” kung saan nagkaroon ng totohanan at aktuwal na pagtatagpo at pag-uugnay ng mga pangyayari sa pagitan ng“filmmaker” o tagalikha ng pelikula at ng kanyang “film subject” o pinakapaksa ng dokumentaryo. Sa pamamagitan nito, mas nagiging makatotohanan, mabisa at makabuluhan ang isang dokumentaryo. Sa ating modernong kapanahunan ngayon at gaya na rin ng ilang mga nabanggit, karaniwang nauuso ang mga “Independent o Indie Films”, “Short Films”, “Advertisements” at mga “Video Advocacies” bilang bahagi ng kulturang popular at panitikang popular nating mga Pilipino.
DOKUMENTARYONG PANTELEBISYON? Gaya ng pelikula ang mga programang pantelebisyon ay maituturing ding isang uri ng sining na nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang tao. Ito’y mahalaga at mabisang sangay ng kabatirang panlipunan, pang-espirituwal, pangkultura, pangmoralidad, pang-edukasyon at iba pa. Malaki ang nagagawang impluwensiya nito sa katauhan ng isang nilalang. Ang mga kaisipan, ugali, kabuluhan at pananaw ng isang nilikha ay maaaring maimpluwensiyahan ng pinanonood na mga programa sa telebisyon.
Dokumentaryong Pantelebisyon – Mga palabas na naglalayong maghatid ng komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan.
Ika-apat na Markahan Ika-anim na Linggo Kagamitan ng Mag-aaral Unang Araw Pagsasakilos ng Napakinggang Awit at Pagbabahai ng Obserbasyon sa Kapaligiran
Ano na ang nangyayari sa kapaligiran natin? Paano mo masasagip ito sa pagkasira?
Tuklasin Mo
Umisip ng awit na may katungkulan sa kapaligiran at ikilos ito ayon sa himig at ipinahihiwatig ng awit.
Basahin Mo
Obserbahan ang dalawang larawan
Pagyamanin Ninyo
Gawin Ninyo Isulat sa manila paper ang mga naobserbahan sa dalawang larawan at sagutin ang tanong na ito, “Paano ka makatutulong sa pagsasayos ng kapaligiran?”. Gawin Mo Ikilos ang maririnig na awit habang pinatutugtog ng guro.
Isaisip Mo
Paano mo maipapakita/maikikilos nang maayos ang napakinggang awit? Ano ang gagawin mo para hindi masira an gating kapaligiran?
Isapuso Mo
Iguhit ang kapaligirang nais mo at isulat kung paano mo ito magagawa.
Isulat Mo
Sa kanya-kanyang barangay na tinitirhan, isulat ang mga maoobserbahan. Pananatilihin
Babaguhin
Ika-apat na Markahan Ika-anim na Linggo Kagamitan ng Mag-aaral Ikalawang Araw Paggamit ng Iba’t ibang Uri ng Pangungusap sa Pagsali sa Isang Usapan
Anu-ano ang mga uri ng pangungusap? Paano nagkakaiba ang bawat isa?
Tuklasin Mo
Ano ang masasabi nyo sa larawan?
Basahin Mo
Basahin ang “Pamayanan ng Langgam” sa Hiyas sa Wika 5 ph. 15-16.
Sa Pamayanan ng Langgam Natutulog si Abby habang nagbabasa ng aklat. Ipinababasa ng guro nila ang buhay ng langgam at iuulat nila ito kinabukasan. Nagising siyang parang iba ang kanyang paligid. Nagpalinga-linga siya. May nakita siyang maraming langgam. “Saan kaya ako naroroon?
Aba, parang may prusisyon! Sunod-sunod sila at may dalang parang butyl ng asukal. Saan kaya nila dadalhin iyon? Hayun, may taguan sila! At ano naman angisang iyon? Aba, malaking langgam at maraming itlog! O, may mga naglilipat naman ng itlog sa isang lugar. Sa isa naming silid ay tila maliliit ang mga langgam. A, siguro ang larvae ang nasa silid na iyon at katabi ang mga nasa pupa stage. Parang munting barangay pala ang tinitirhan nila,” buong pagtatakang nasabi ni Abby. Patuloy siya sa pagmamasid nang may marinig siyang tinig. “Pinakain na ba ang maliliit? Hanapin ang mga nars! O, nariyan na pala kayo! Kumusta ang mga inaalagaan ninyo, Punong Nars?” tanong ni Pinunong Langgam. “Mabuti po Kapitan. Tapos na silang kumain at kasalukuyang natutulog. Ang iba kopong kasamahan ang siyang nag-aasikaso sa mga bagong itlog ng Reyna. Hinahakot po nila,"ang maagap na tugon ni Punong Nars' “Marami bang initlog ang Mahal na Reyna ngayon?" tanong ni Kapitan. "Marami po, kaya panay ang bigay ng nars sa kaniya ng mga pagkain. Marami pong pagkain ang iniuwi ng ating mga trabahador. May asukal daw pong natapon sa mesa," patuloy na pag-uulat ni Punong Nars. “Mabuti at marami tayong maiipong pagkain. Hala,ipagpatuloy ang ginagawa ninyo at huwag pababayaan ang Reyna! Pupuntahanko ang mga sundalo at mga trabahador," bilin ni Kapitan sabay-alis. Pagpihit ni Kapitan,nakita niya si Abby na nakatingin din sa kaniya. Ssino ka? Bakit ka nakarating dito? At bakit wala kang ginagawa kundi manood? Hindi mo ba alam na lahat dito ay abala! Bawal dito ang walang ginagawa. Hala, tawagin ang sundalo! Hulihin siya! Hulihin siya!" sigaw ng kapitan. Humihingal sa pagtakbo si Abby. Takot na takot siya. Nagsisigaw na siya nang bigla siyang magising. “Naku, salamat at panaginip lamang ang lahat!" ang nasambit ni Abby.
Pagyamanin Natin
Gawin Nyo (Pangkatang Gawain) Punan ang puwang ng angkop na pangungusap upang mabuo ang diwa ng bawat dayalogo. Daisy : K-Ann, alam mob a na ikaw ang nakakuha ng perfect score sa pagsusulit natin sa computer kanina? K-Ann: _____________________? Hindi ka nagbibiro? Daisy : _____________________. Tiyak na babatiin ka n gating guro mamaya. K-Ann: _____________________! Di koi to inaasahan. Hirap na hirap pa naman ako kanina. (Tatawagin ang pinsang si Tess) _____________________! Halika rito! ____________________! Bilisan mo ang paglakad. Baka maluma ang ibabalita ko. Tess : ____________________? Ano naman ang ibabalita mo? K-Ann: Pinakamataas ako sa test natin! Tess : ____________________! Ang galling-galing mo talaga! Sana lagi kang ganyan.
Gawin Mo Pag-aralan ang larawan sa ibaba. Punan ang speech balloon ng usapan na ginagamitan ng mga pangungusap. (Fil.,Yaman ng Lahing Kayumanggi 5 ph. 130-D) ________
Isaisip Mo
Anu-ano ang mga ginagamit na uri ng pangungusap sa inyong binasa sa Pamayanan ng Langgam? Magbigay ng sarili mong halimbawa ayon sa uri ng pangungusap.
Isapuso Mo
Punan ang puwang ng angkop na pangungusap upang mabuo ang diwa ng bawat dayalogo. Chad : Gerry : Chad : Gerry : Chad :
___________________! Nakita ko na naman ang “crush” ko. ___________________? Ituro mo naman sa akin. ___________________. Baka agawin mo pa. ___________________. Sige, pag nakilala koi yon. Talagang mawawalan ka. ___________________? Eh, si Sandara lang naman na nasa poster. ___________________! (Sabay turo sa may dingding ng tindahan) Gerry: ___________________! Akala ko totoo na!
Isulat Mo
Gawin ang isulat C at D sa Hiyas sa Wika 5 ph. 20.
Ika-apat na Markahan Ika-anim na Linggo Kagamitan ng Mag-aaral Ikatlong Araw Pagpapangkat ng mga Salitang Magkakaugnay Pagsagot sa mga Tanong na Bakit at Paano
Paano mo ipapangkat ang mga salita?
Tuklasin Mo
Sino ang inyong matalik na kaibigan? Paano mo tinutulungan ang kaibigan sa oras ng pangangailangan?
Basahin Mo
Basahin ang “Matalik na Magkaibigan” sa Pagdiriwang ng Wikang Filipino 5 ph. 112-115.
Pagyamanin Ninyo
Gawin Ninyo (Pangkatang Gawain) A. Isulat ang mga salitang magkakaugnay sa nabasang kwento. B. Sagutin ang mga katanungan hango sa kwento. 1. 2. 3. 4. 5.
Paano nagtulungan ang magkaibigang Paula at Alice? Paano nakatulong sa maraming pagkakataon ang katatagan ng loob? Anu-anong katangian nina Paula at Alice ang naibigan mo? Bakit? Bakit hindi dapat mawalan ng pag-asa kapag may problemang kinahaharap? Anong aral ng kwento?
Gawin Mo Salungguhitan ang dalawang salitang magkaugnay sa pangungusap. 1. Hinanap nila ang kusina at nagulat sila nang tumambad sa kanila ang napakalaking lutuan. 2. Ang mga yabag niya ay halos bumingi sa kaniyang tainga. 3. Sumigaw si Pilay ng pagkalakas-lakas. 4. Hindi Bulag, talagang maganda itong nakikita ko. 5. Sa lakas ng pagkapalo ay halos nabingi ang higante. 6. May labindalawang talampakan ang taas ng higante. 7. May sampung yarda yata ang haba. 8. Hindi niya narinig ang sinabi ni Pilay. 9. Hingal-kanbayo na siya sa hirap. 10. Naglalakbay sila hanggang sumapit sa isang malaking tahanan.
Isaisip Mo
Paano mo mapapangkat ang salitang magkakaugnay? Magbigay ng halimbawa ng mga salitang magkakaugnay.
Isapuso Mo
Pagsamahin ang mga salitang magkakaugnay. Uri ng Yamang LIkas
Yamang tao monitor ugat Panimula Pabalat
Bahagi ng Puno
Talaan ng Nilalaman sanga Talahulugan Bunga Buwan
Bahagi ng Aklat
Bahagi ng Kompyuter
mouse ulap keyboard Yamang-lupa dahon
Yamang tubig CPU Yamang-mineral Bituin
Isulat Mo
Ibigay ang salitang kaugnay ng mga sumusunod na salita. 1. 2. 3. 4. 5.
buhok relo sombrero tinapay lapis -
________________ ________________ ________________ ________________ ________________
6. barko 7. singsing 8. hari 9. baso 10.kutsara
-
________________ ________________ ________________ ________________ ________________
Ika-apat na Markahan Ika-anim na Linggo Kagamitan ng Mag-aaral Ika-apat na Araw Paggamit ng IBa’t Ibang Pahayagan ayon sa PAngangailangan Pagsipi ng Talata mula sa Huwaran
Anu-anong impormasyon ang nakukuha sa pahayagan? Anu-ano ang mga uri ng pahayagan?
Tuklasin Mo
Suriin ang iba’t ibang pahayagan na ipakikita ng guro. Anu-ano ang mga makikita sa iba’t ibang pahayagan?
Basahin Mo
Pagyamanin Ninyo
Gawin Ninyo (Pangkatang Gawain) Isulat ang mga impormasyon/nilalaman ng bawat pahayagan. 1. broadsheet - ______________________________________________________ 2. tabloid - ______________________________________________________ 3. magazine - ______________________________________________________
Gawin Mo Sipiin ang talata
Ang paruparo ay isang uri ng insekto. Sila ay naninirahan sa mga "maiinit" na rehiyon ng mundo . Sila ay may dalawang pares ng pakpak na ginagamit sa paglipad. Ang kanilang mga pakpak ay makukulay at magaganda. Ginagamit ng mga paruparo ang kanilang makukulay na pakpak bilang panakot sa mga kaaway. Nagmumula sa maliliit na itlog ang mga higad o batang paruparo. Kadalasang kinakain ng mga higad ang dahon na kinalalagyan ng mga itlog. Pagkatapos ng ilang araw, binabalot nila ang sarili upang maging isang pupa o chrysalis. Lalabas sa pinagbalutan ang paruparo na may mga malalapad at makukulay na pakpak.
Isaisip Mo
Anu-ano ang dapat tandaan sa pagsipi ng talata? Paano nagkakaiba-iba ang uri ng pahayagan?
Isapuso Mo
Saang pahayagan mo titingnan kung ikaw ay nangangailangan ng sumusunod: 1. Paghahardin at pag-aayos nito 2. Stock Exchange 3. Balitang Probinsya
4. Nalalaman kung saan nakaburol ang patay 5. Mga resipi ng pagluluto
Isulat Mo
Sipiin sa inyong kwaderno ang talata.
Mga Halamang Gamot sa Kanser Marami ang namamatay sa sakit na kanser. Ngunit malulunasan ang sakit na ito. Bungangkahoy at gulay ang susi sa kalusugan. Panlaban sa kanser ang mga ito. Mayaman sa beta carotene ang kalabasa, karot, at kamote. Nilalapitan ng beta carotene ang cancer cells. “Ang sibuyas at bawang ay mahusay ding panlaban sa cancer cells. Ang Bitamina C ay proteksiyon sa cancer cells at matatagpuan ito sa suha, sinturis,sili, at kamatis. Gamot ang mga ito sa mga kanser sa baga, tiyan, at lalamunan. Matuto tay o maging biktima tayo ng sakit na kanser.
Magbigay ng halimbawa sa sumusunod na pahayagan:
1. broadsheet 2. tabloid 3. magazines
Ika-apat na Markahan Ika-anim na Linggo Kagamitan ng Mag-aaral Ikalimang Araw Pagsusuri ng Estilong Ginamit ng Gumawa ng Maikling Pelikula
Ano ang pelikula? Kailan mo masasabi na ang pinanood mo ay maikling pelikula?
Tuklasin Mo
Ano ang hinahanap mo sa isang pelikula? Bakit?
Basahin Mo
Panonoorin nyo ang maikling pelikula, Sulat (Yutube-maikling pelikula) Ano ang naramdaman mo habang pinanonood mo ito? Ano kaya sa palagay mo ang dapat gawin?
Pagyamanin Ninyo
Gawin Ninyo (Pangkatang Gawain) Manonood ng maikling pelikula(Youtube-maikling-pelikula) “Sulat”. Suriin ito kung anong estilo ang ginamit.
Isaisip Mo
Anong estilo ang ginamit sa pelikulang napanood nyo?
Isapuso Mo
Pangkatang Gawain Suriin ang maikling pelikula-Youtube-:Kwaderno”.
Isulat Mo
Pumili ng nais mong maikling pelikula sa youtube at suriin ito, Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.
Aralin 7 : Ikapitong Linggo Panimula: Ang internet ay ang makabagong teknolohiya tungkol sa komunikasyon na nagpapabilis ng mga gawain sa lahat ng bahagi ng buhay ng mga tao lalo na ngayong ika-21 siglo. Halinang alamin ang mga ilang bagong paraan na gumagamit ng internet sa buhay ng isang mag-aaral o mananaliksik. Unang Araw Sa araling ito inaasahang , .
1. Maipapahayag ang sariling opinion o reaksyon o ideya sa isang napakinggang isyu. 2.Maibibigay ang kahulugan ng salitang pamilyar at di pamilyar sa pamamagitan ng paglalarawan.
Tuklasin Mo Gawain1 . Sabihin kung ang mga sumusunod ay katotohanan o opinyon batay sa ipinahayag ng tao . Isulat sa kwaderno. a. “Magiging maunlad ang bansa kung mananalong presidente si Duterte”, ang sabi ng isang supporter ng dating mayor. b. “ May limang kandidado ng pagkapangulo sa Eleksyon 2016”, ito ang pahayag ng Commision on Election. c. “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”, sabi ni Gat Jose Rizal. d. “ Uunlad ang bansa kung tayo ay magtatrabaho sa ibang bansa” , sabi ng isang OCW sa Middle East? e. “ Mas mainam mamuhay sa tabing ilog “ , sabi ng isang magsasaka. Gawain 2. Bago mo pakinggan ang sanaysay hayaang tuklasin ang kahulugan ng di pamilyar na salita sa pamamagitan ng paglalarawan. Hulaan ang nawawalang titik sa salita. Panuto. Hanapin ang kahulugan ng mga sumusunod na pamilyar at di pamilyar na salita sa sanaysay. Isulat sa kwaderno. 1. Library catalog na nakakonekta sa internet.
O_PA_
2. Lagayan ng aklat sa mga aklatan.
_S_T_NT_
3. Pindutin ang keyboard.
_ - _ LI_K
4. May tatlong uri nito maaaring pamagat
_AR_
CA_ _L_G
paksa o may-akda. Makikita ito sa mga aklatan. 5. Konektado sa internet
_CC_S_
Basahin Mo Tula Hanap ,lakad, buklat Hanap, lakad ,buklat. Yan ang trabaho ng isang taong Nagsasaliksik sa aklatan. Bukas , basa , sara Bukas , basa , sara Makita ang hanap na detalye Kailangan sa pag-aaral. Magbigay ng reaksyon sa bagong teknolohiya para sa mga aklatan. Online Public Access Catalog Alam mo ba ang OPAC ? Ito ay nangangahulugang online public access catalog. Ito rin ay simpleng library catalog kung saan natutukoy mo ang lokasyon ng mga aklat , periodicals, audio visual materials at iba pang bagay na nasa isang aklatan. Ano ang kaibahan nito sa card catalog? Ito ay may access sa internet na nagiging madaliang paghanap ng mga aklat kumpara sa mga lumang sistema ( Dewey Decimal System). Ito ang electronic na version ng card catalog. Ang paghanap ng aklat ay may sistema na program na basta i-click mo at mahahanap mo an lokasyon ng aklat sa isang aklatan. Malalaman mo rin kung nasa estante pa ang aklat o may mga nakahiram na nito. Wow, ang bilis naman ng proseso! Kaya dapat ang mga aklatan sa Pilipinas gumamit na ng ganitong teknolohiya. Pwede kaya ito, ngayon na. Subalit ang malaking gastos ng sistemang ito ang malaking hadlang sa malawakang paggamit ng OPAC. (Isinalin sa wikang Filipino mula sa https://en.wikipedia.org/wiki/List_of_next-generation_library_catalogs) Sang-ayon ka ba sa ikatlong talata ng binasang sanaysay? Ito rin ba ang naging reaksyon mo tungkol sa OPAC ?
Pagyamanin Natin Ipabasa sa dalawang bata ang usapan.
( Pugad Baboy - http://theculturetrip.com/asia/philippines/articles/pugad-baboy-a-comicportrayal-of-filipino-foibles/) Ano ang reaksyon mo tungkol sa makabagong teknolohiyang nababanggit sa usapan? Totoo ba ito? Magbigay ng sariling opinyon tungkol dito.
Isaisip Tandaan Ang bawat tao ay may kalayaan ibigay ang opinyon . Ito man ay pabor o hindi pabor, sang-ayan o di sang-ayon . Ang bawat pangyayari o isyu ay pwedeng mahalaga o hindi masyadong mahalaga sa ating buhay .
Isapuso Kaya mo bang tanggapin ang pagbabago ng ika -21 siglo tungkol sa pagaaral, pagtatrabaho at pamumuhay ng mga tao?
Isulat Sabihin ang Swak kung sang-ayon at Pak kung di sang-ayon tungkol sa mga isyu nabanggit sa mga sumusunod . 1. 2. 3. 4. 5.
Pagtaas ng presyo ng kuryente . Pagdami ng bata sa internet café dahil sa mga on-line games. Pagkakaroon ng 4Ps para sa mga mahihirap na pamilya . Pagbibigay ng scholarship ng gobyerno. Paglutas sa problema sa baha ng pamahalaan.
Karagdagang Gawain Gumupit ng isang balita. Idikit sa kwaderno at magbigay ng opinion tungkol dito.
Ikalawang Araw-Ikapitong Linggo Panimula Nakasusulat ka na ba ng mga komposisyon sa pamamagitan ng pagbuo ng mga pangungusap , ng talata at ng mga sulating pwedeng isama sa isang pahayagan Sa araling ito inaasahang , Makapagbibigay ng lagom o buod ng tekstong napakinggan. Makasusulat ng iba’t ibang bahagi ng pahayagan
Tuklasin Mo Nakakita ka na ba ng pahayagan ? Mabilisang basahin ng pahapyaw ang nilalaman o bahagi nito . Isulat sa tsart ang mga bahagi nito. Gawain 1 Basahin ang mga bahagi ng pahayagan sa ibaba at ilagay sa tamang bahagi ng pahayagan sa pahinang dapat kalagyan nito. Isinagawa na ang isa bilang halimbawa. (IM1 - F5PU-IVe-h-2.11) https://www.google.com.ph/search?q=current+issues+in+the+philippines+2016& Bahagi ng pahayagan Pangmukhang Pahina
Halimbawa ng pahina ng pahayagan
Gawain 1 Sumulat ng balita mula sa mga sumusunod na ulat. Ano: Pulong ng mga Magulang Kailan : Lunes Mayo 30 Saan : Mababang Paaralan ng San Jose Agenda: Darating na bisita mula sa Japan Pambihirang pangyayari: Paanyaya para sa lahat ng mga pinuno ng bawa’t baitang upang magbigay ng kanilang kuru-kuro ukol sa paraan kung paano pakikitunguhan ang bisitang Hapones. __________________________________________________________ __________________________________________. _________________________._________________________________ _____________________.
Basahin Mo Kapag nakakita ka ng langgam , ano ang ginagawa mo? Bakit ? May alam ka ba tungkol sa kanila ? (MISOSA SIM 14 Filipino 5, pahina 2-3)
Pagyamanin Natin Gawin Natin (MISOSA SIM 14 Filipino 5, pahina 4)
Isaisip Tandaan (MISOSA SIM 14 Filipino 5, pahina 5)
Isapuso Paano naunawaan ng siyentipikong si Sandra Wolhlgemuth ang gawi ng mga langgam? Naisulat din ito ni Jojo Briones – Cruz , paano niya naisulat ang lathalaing ito? Mahilig ka ring bang magbasa ,? Kaya mo rin na makasulat ng ideya o buod sa mga nababasa at naririnig mong mga impormasyon.
Isulat Gamit ang binasang lathalain.
Gawin Mo (MISOSA SIM 14 Filipino 5, pahina 5)
Karagdagang Gawain ( Subukin Mo B , MISOSA SIM 14 Filipino 5, pahina 10)
Ikatlong Araw-Ikapitong Linggo Panimula Nakapanood ka ba ng patalastas sa telebisyon na binago ang ilang bahagi upang maging nakakatawa ? Ang tawag dito ay spoof commercial na nagbibigay ng tawa o halakhak lalo’t alam natin ang orihinal na ginaya ng mga komedyanteng artista. Sa araling ito , inaasahang 1. Magagamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap sa paggawa ng patalastas. 2. Makapagbibigay ng sariling kwento na may ilang bahagi na naiba sa kwento.
Tuklasin Mo Pagpapakita ng isang spoof commercial ng McDonald na ang orihinal ng artista ay sina Yaya Dub Maine Mendoza at Alden Richards. Binago ang huling bahagi ng mga artista ng Bubble Gang sa nasabing palabas sa telebisyon.
(IM 1, F5FU-III-a-b-2.11) You tube video clip (https://www.youtube.com/watch?v=4oBdBqdjRJQ) Anong uri ng patalastas ang ipinakita sa video clip ? Nakakatuwa ba ito? Mayroon ba itong bahagi na naiiba sa orihinal na patalastas ng McDonald.
Basahin Balikan ang sanaysay sa unang araw . Magbigay ng isang pangungusap na pasalaysay, patanong, pautos, at padamdam mula sa sanaysay na binasa. Anong bantas ang makikita sa pangungusap na patanong ? padamdam? pautos? pasalaysay?
Pagyamanin Natin Gawin Natin May mga ekspresyong maari mong gamitin sa pagsulat ng anunsyo o patalastas . Gusto mo bang malaman ito. Ilagay ito sa World Map . Isulat sa kwaderno. (MISOSA SIM 19 Filipno 5, pahina 6)
Alin sa mga ekspresyon ang pangungusap na patanong, pasalaysay, padamdam at pautos? Kung ikaw ay gagawa ng patalastas ,paano mo ito ipahahayag?
Gawin Ninyo Mag-usap kayo ng inyong katabi.Gamit ang ekspresyong 1 ( pangungusap na padamdam) , 2 (pangungusap na patanong) 3 ( pangungusap na pasalaysay) at 4 (pangungusap na pautos) gumawa ng anunsyo o patalastas at iparinig sa klase.Pumili ng dalawa upang makalikha ng dalawang patalastas ang bawat pares.
Isaisip Kung ikaw ay gagawa ng patalastas, paano mo ito isusulat? Anong uri ng pangungusap ang iyong gagamitin upang magbigay ng masidhing damdamin at makapupukaw sa babasa o makakarinig nito? Anong uri naman ang gagamitin mo upang sumunod ang mga babasa nito sa utos o babala ng patalastas? Nagagamit ba ng lahat ng uri ng pangungusap sa paggawa ng patalastas upang maging malinaw ito sa babasa? Ibigay ang mga uri ng pangungusap. ( Bagong Filipino sa Salita at Gawa- Wika pahina 4)
( Hiyas sa Pagbasa pah. 194)
Isapuso Mahalaga ang detalyeng isinasaad ng isang patalastas. Ano ang nararapat mong gawin kung nakakabasa o nakakarinig ka ng isang patalastas? Mapupukaw ang damdamin ng makakarinig , magiging malinaw ang isinasaad nito, mapakikilos mo ang mga taong kinauukulan kung gagamit ka ng malikhaing panulat gamit ang iba’t ibang uri ng pangungusap upang maging epektibo ang patalastas.
Isulat Tingnan ang World Map. Anong ekspresyon ang gagamitin mo sa mga sumusunod na patalastas na iyong gagawin? Kumpletuhin ang pangungusap. 1. Umalis na ang inyong kasambahay at wala ng mag-aalaga sa bunso mong kapatid. Ang iyong mga magulang ay parehong naghahanapbuhay. 2. Nakapulot ka ng aklat sa kantina. 3. Magkakaroon ng paligsahan sa paggawa ng poster . 4. May magaganap na camp sa distrito para sa mga batang iskawt. 5. Isang nakakagimbal na balita ang nangyari sa inyong barangay.
Karagdagang Gawain Gawin ang “Subukin” (MISOSA SIM 19 Filipino 5, pahina 9)
Ikaapat na Araw-Ikapitong Linggo Panimula Marami ka ng nalalaman tungkol sa malaking pagbabago ng teknolohiya. Nalaman mo na ang bagong impormasyon ngayong ika-21 siglo tungkol sa mga aklatan. Narinig mo na OPAC. Nagamit mo na ba ang OPAC ? Sa araling ito , inaasahang Magagamit ng wasto ang OPAC. Masusuri ang estilong ginamit ng gumawa ng maikling pelikula.
Tuklasin Mo Mapapanood mo ang paraan kung paano nagamit ng isang mag-aaral ang OPAC Pustaka Negeri Sarawak sa Malaysia. Ito ang online version ng card catalog. Ito na kaya ang epektibo at mas mabilis na paraan ng paghanap ng aklat sa aklatan? Panoorin mo ang video clip mula sa you tube . https://www.youtube.com/watch?v=-0ACv7pcdAY
Basahin Mo Bago mo panoorin ang video clip . Basahin ang gabay na tanong upang maging handa sa mga detalye ng paggamit ng OPAC. Gabay na Tanong 1.Anong hawak ng lalaki sa video sa umpisa ng pelikula / video clip habang nasa labas ? 2. Anong web site ang hinanap ng lalaki? 3. Pagkatapos i-click ang OPAC anong pagpipilian ang lumabas? Naroon ba ang Pustaka Miri na kabilang sa Sarawak na gumagamit ng Angkasa System? 4. Anong pangalan ng aklat na hinahanap sa video? Pagkatapos bang i-click ay nakita na ang lokasyon ? 5. Nakita rin ba kung nasa estante at hindi pa nahiram ang aklat? 6. Anong inilista ng lalaki sa video bago magtungo sa aklatan? 7. Nahanap niya ba kaagad ang aklat? Nakatipid ba ng panahong ginugol sa pagtungo sa aklatan? 8. Kung ikaw ang tatanungin , sang-ayon ka ba sa ganitong uri ng sistema sa mga aklatan? Bakit ? Bakit hindi? 9. Ayon sa sanaysay ng unang araw ,ano ang nagging hadlang ng malawakang paggamit nito?
Pagyamanin Natin Gawin Natin Kaya mo bang sagutan ang mga gabay na tanong ? Anong mga salita ang nakita mo sa screen ang dapat mong tandaan sa paggamit ng OPAC. Isulat sa kwaderno. Alam mo ba ang kahulugan nito? Gawin Ninyo Maraming paraan o estilo ang ginagamit ng gumagawa ng pelikula ayon sa layunin ng may akda o mga gumagawa ng pelikula. Balikan ang spoof commercial ng Bubble Gang McDonald kahapon at ang OPAC video clip mula sa You Tube. Ikumpara ang paraan o estilong ginamit ng kumuha ng video.Alin ang nakatatawa ? Alin ang nagbibigay ng impormasyon ? Alin ang mas nakapukaw ng iyong pansin? Ipaliwanag.
Isaisip Tandaan 1) Ang estilo ng pelikula / video ay maaring upang mang-aliw, magbigay impormasyon , o pukawin ang damdamin ng manonood. 2) Ang paggamit ng teknolohiya ay may mabuti at di-mabuting epekto . hindi laging okey ang koneksyon sa internet, minsan ay may problema din sa elektrikal na suplay. Higit sa lahat may karagdagang gastos ang paggawa ng sistemang OPAC.
Isapuso Pangkatang Gawain Suriin ang video ng OPAC , palagi bang okey kung ito ang gagamitin mong paraan ng paghanap ng aklat? Halimbawa nag-brown out o kung mahina ang internet connection ano ang magiging epekto nito sa iyong ginagawang paghahanap?
Isulat Piliin ang mga salita ang nakita sa video na may kaugnayan sa paggamit ng OPAC. Click
Facebook
Call number
Title
Twitter
Item
Registered members
Karagdagang Gawain Magbigay ng mga pelikulang nagpapatawa (spoofed commercial / comedy movies) at pelikulang nagbibigay ng impormasyon (OPAC video clip / historical film / tunay buhay ng tao ).
Ikaapat na Markahan
IKAWALONG LINGGO
UNANG ARAW
Pagbibigay ng Lagom o Buod ng Tekstong Napakinggan
TUKLASIN
Mahilig ka bang makinig ng mga kwentong- bayan? Ano ba ng kwentong bayan? Mapagbibigay ka ba ng halimbawa nito? Sige, magbigay ka ng halimbawa nito.
PAKINGGAN MO
Makinig sa kwentong babasahin ng guro. “Naging Sultan si Pilandok” (nasa aklat na Pagdiriwang ng wikang Filipino 5, ph. 146-148)
PAGYAMANIN MO
Ano ang dahilan ng panggigilalas ng sultan isang araw? Paano nakaligtas si Pilandok sa tiyak na kamatayan? Naniwala baa ng sultan sa pahayag ni Pilandok? Bakit? Paano nakumbisi ni pilandok ang sultan na pumunta sa kaharian sa ilalim ng dagat?
Marahil naunawaan mo ang kwentong ipinarinig ng iyong guro. Ngayon mag-usap kayo ng mga kagrupo mo. Igawa ng buod o lagom ang kwentong “Naging Sultan Si Pilandok” at iulat ito sa hanap ng klase.
ISAISIP MO
Ang buod o lagom ng teksto/kwento ay ang kabuuang nilalaman o paksa. Sa pagbubuod ng tekstong narinig, mapaiikli sa dalawa, tatlo o ilang pangungusap lamang ang isang buong talata.
ISAPUSO MO
Makinig sa kwentong babasahin ng guro at ibigay ang buod nito. “NATAPOS DIN” (mula sa aklat na Filipino: Yaman ng Lahing Kayumanggi 5, ph. 413)
ISULAT MO
Pakinggan ang talatang babasahin ng guro at ibigay ang buod nito. “Proyektong Pangkapaligiran, Inilunsad”
TAKDANG-ARALIN
Makinig ng balita sa radyo o telebisyon at igawa ito ng buod.
IKALAWANG ARAW
Paggamit ng Iba’t- ibang Uri ng Pangungusap
TUKLASIN
Basahin nang wasto ang mga pangungusap sa sumusunod.
Itinataas ang watawat sa tagdan. Nakita ko kung paano siya nadapa. Nadapa ang bata! Ano baa ng nangyari sa iyo? Lagyan mo ng gamot ang sugat niya.
Paano mo maipapakita ang pagiging magalang sa pakikipag-usap? Anu-ano ang uri ng pangungusap ang maari mong gamitin?
BASAHIN MO
Ay! Swerte! Josefino: Inay, maaari po ba akong magpunta sa lumang basketball court? Inay: Sige, anak, kaya lamang, huwaag mong pabayaang matuyo ang pawis mo, hane. Pakidaan mo na rin itong ginatan kay Mareng Sela. Josefino: Opo. (May pasipul-sipol pang naglakad si Josefino dala ang bola at mangkok ng ginatan.) Uy! Singkwenta pesos! Kanino kaya ito? Kay Inay? Ah, di na bale. Akin na ito! Napulot ko ito. Tiyak, marami akong mabibili nito. Ibibili ko si Titser Tess ang bulaklak at tsokolate. Bibigyang ko sina Carlo, Oscar, May at Grace ng sandwich. A, ewan! Inay! Inay! Nawalan po ba kayo ng pera? Singkwenta pesos, o! Napulot ko sa tabi ng pinto. Inay: Naku, salamat, Josefino! Kanina ko nga iyan hinahanap. Maraming salamat. (Hahalikan si Josefino.)
Mga tanong: Ano ang napulot ni Josefino? Ano ang una niyang naisip gawin tungkol ditto? Saang lugar niya ito napulot?
PAGYAMANIN MO
Ang mga pangungusap na sumusunod ay hango sa usapang inyong binasa. a. Uy! Singkwenta pesos! b. Napulot koi to sa tabi ng pinto. c. Kanino kaya ito? d. Inay, nawawalan po ba kayo ng pera? e. Huwag mong pabayaang matuyo ang pawis mo. Alin sa mga pangungusap ang nag-uutos? Nagpapahayag ng matinding damdamin? Ang nagsasalaysay? Sa anong bantas nagtapos ang bawat pangungusap?
Marahil alam mo na ang iba’t- ibang uri ng pangungusap. Ngayon basahin mo ang bawat sitwasyon. Anong sasabihin mo sa iyong katabi? Ano naman ang kanyang isasagot?
Nakalimutan mo ang iyong aklat sa bahay. Nais mong humiram ng aklat. Nagpahiram naman ang iyong kaibigan. Nanood kayo ng palatuntunan. Umawit ang isa ninyong kaklase at nagandahan kayo sa kanyang awit.
ISAISIP MO
May apat na uri ang pangungusap ayon sa gamit. 1. Paturol o pasalaysay ang pangugusap kung naglalahad ito ng isang katotohanang bagay. Nagtatapos ito sa tuldok. 2. Pautos ang pangungusap kung ito ay nag-uutos. Nagtatapos din ito sa tuldok. 3. Patanong ang pangungusap kung nagtatanong. Nagtatapos ito sa tandang pananong. 4. Padamdam ang pangungusap kung nagsasaad ng matinding damdamin. Nagtatapos ito sa tandang padamdam.
ISAPUSO MO
(Pangkatang Gawain) Bumuo ng usapan tungkol sa proyektong “Clean and Green” sa inyong paaralan. Gamitin ang iba’t- ibang uri ng pangungusap.
ISULAT MO
Panuto: Isulat ang angkop na pangungusap na dapat sabihin ng mga tao sa larawan.
TAKDANG-ARALIN
Gumawa ng usapan batay sa sumusunod na kalagayan. Gamitin ang iba’t ibang uri ng pangungusap.
* Nais mong pumunta sa kaarawan ng iyong kaibigan.
IKATLONG ARAW
Pagbibigay – Kahulugan sa Matalinhagang Salita
TUKLASIN
Paano binibigyan ng kahulugan o kasingkahulugan ang mga salitang ginamit sa pangungusap? May kilala ba kayong tao na hindi nakatapos ng pag-aaral dahil sa katamaran o kawalang interes na mag-aral? Ano ang katayuan niya ngayon sa buhay? Ngayon babasahin natin anng kwento na mapupulutan mo ng magandang aral upang maging higit kayong magsipag sap ag-aaral. Matutunan mo rin sa araling ito ang pagbibigay-kahulugan sa salitang matalinhaga.
BASAHIN MO
Pagbasa sa kwentong “Litong-Lito si Ben” (nasa MISOSA Blg. 10, ph. 2-3) Sino ang batang di mahilig mag-aral sa kwento? Ano ang sinabi ng kanyang guro dahil palagi siyang walang takdang-aralin? Ano ang pagkakaunawa ni Ben sa sinabi ng guro? Sino ang nagpaliwanag kay Ben sa nais ipahiwatig ng guro? Bakit dapat siyang mag-aral na mabuti? Ano ang dapat gawin ni Ben upang hindi siya makakuha ng kalabasa sa Marso? Anong uri ng salita ng makakakuha ng kalabasa?
PAGYAMANIN MO
Basahin ang mga pangungusap na hinango sa kwento. Pansinin mo ang mga salitang may salungguhit. Tiyak na makakakuha ng kalabasa si Ben pagdating ng Marso. Kailangang magsunog ka ng kilay anak, upang makapasa ka sa Marso. Sabi po ng guro itlog naman ang ibibigay ko ngayon. Ano ang tawag sa mga ito? Matalinhagang salita, di ba? Ito ay mga salitang tago ang kahulugan at kadalasan ang mga salitang ito ay nakakadagdag sa lalong ikalilinaw ng diwang nais ipahayag.
Panuto: Basahin ang mga pangungusap at bigyan ng pansin ang mga talinhagang may salungguhit. Piliin ang kahulugan nito sa lipon ng mga salitang nasa ibaba ng bawat bilang. Para akong natutunaw na kandila noong kinagagalitan ako ni Bb. Reyes. a. sumasama ang katawan b. hiyang-hiya c. naiinitan Tila siya patabaing baboy sa kanilang bahay. a. mahilig sa matatabang pagkain b. marumi ang katawan c. kain lang nang kain nang walang ginagawa Mistulang pugon ang lugar na pinagdausan ng palatuntunan kaya’t kami ay hindi nagtagal. a. mainit b. masikip c. madilim Talak siya ng talak na parang inahin mula umaga hanggang gabi. a. daing nang daing b. tawa nang tawa c. daldal nang daldal Tigre si Ginoong Cruz sa kaniyang mga kasamahan. a. mabagsik b. mapaghatol c. matapat
Kasintaas ng poste ang panganay niyang anak. a. matangkad na matangkad b. matalino c. nangangayayat Parang kiti-kiti ang batang ito. a. mapag-usisa b. malakas kumain c. malikot at di mapirmi Di-maliparang uwak ang bulwagan nang dumating ang sikat na artista. a. kakaunti ang tao b. punung-puno c. maraming ibon
ISAISIP MO
Ang matalinhagang salita ay mga salitang may malalim na kahulugan. Ito ay kadalasang binubuo ng tamabalang salita na ang kahulugan ay naiiba sa kahulugan ng dalawang salitang pinagtambal.
ISAPUSO MO
(Gamitin ang activity cards) Bigyan mo ng kahulugan ang mga sumusunod na salitang matalinhaga. Hanapin ang kahulugan nito sa Hanay B. Isulat ang sagot sa loob ng balulang na nasa ibaba.
Hanay A
Hanay B
1. Pagsusunog ng kilay
a. masama ang ugali
2. Nadilang anghel
b. masakit ang damdamin
3. Walang itulak-kabigin
c. nagkatotoo ang sinabi
4. Pasang krus
d. mayabang
5. Tupang itim
e. pag-aaral nang mabuti f. di-alam ang pipiliin
ISULAT MO
Panuto: Piliin mo ang titik ng matalinhagang salita na tugma sa isinasaad ng pangungusap. Isulat ang titik ng sagot sa sagutang papel. naniningalang pugad halik-hudas kakaning-itik taingang kawali isang kahig, isang tuka bantay-salakay 1. Binata na si Eric. Palagi siya sa kapitbahay na si Thelma. Si Thelma ay dalaga. Si Eric ay ______________ na. 2. Tawag nang tawag ang ina ay Romy. Naririnig ni Romy ang tawag ngunit hindi siya sumasagot. Patuloy siya sa ginagawa at parang walang naririnig. Siya ay may ____________.
3. Gabi-gabi si Aling Lindi ay nawawalan ng paninda. Nagtataka siya kung bakit nagkagayon, samantala may pinagbabantay naman siya. Naghihinala tuloy siya na pinagbabantay niya ay isang _________________. 4. Matipid si Ana. Hindi siya palabili. Hindi siya namimili ng mamahaling bagay. Ang kita nila ay halos hindi sumasagot sa kanilang gastos. Sila ay _____________________. 5. Sa lahat ng bata sa aming looban, kaawa-awa itong si Ramon. Kayang-kaya siyang paiyakin ng kapwa at siya ay laging tampuhan ng panunudyo. Siya ay ________________ sa aming pook.
Kung ganito ang iyong sagot, tama ka! Magaling! 1. a 2. d 3. f 4. e 5. c
TAKDANG-ARALIN
May mga matalinhagang salita sa loob ng kahon sa ibaba. Pumili ka ng 4 at gamitiin mo ito sa sarili mong pangungusap. agaw-buhay bukas-palad magaan ang loob
malamig ang kamay utak-lamok basing-sisiw
IKAAPAT NA ARAW
Pagsasabi ng Sanhi at Bunga ng mga pangyayari
TUKLASIN MO
Ano ang masasabi ninyo sa larawang ito. Sa palagay n’yo ba ay nagmamahalan at may pagkakaisa ang pamilyang ito? Sa sarili ninyong pamilya, paano ninyo naipamamalas ang pagmamahalan at pagkakaisa? Ano ang maaring maging bunga ng pagkakaroon ng mabuting samahan at pagmamahalan ng bawat miyembro na pamilya?
BASAHIN MO
“Ang Walis ng Tingting”
(Nasa pahina 133-134 ng aklat na Filipino Yaman ng Lahing Kayumanggi V)
PAGYAMANIN MO
Tungkol saan ang kwentong inyong binasa? Ano ang suliranin ng mag-asawang Mang Luis at Aling Perla? Paano nagkasundo ang mga magkakapatid? Ipaliwanag mo. Ano ang aral na natutunan natin? Dapat bang magkaisa ang magkakapatid? Bakit?
Panuto: Ibigay ang sanhi ng sumusunod na pangyayari. Kinuha ni Mang Luis ang walis tingting at balak hambalusin ang magkakapatid. Nalulungkot lagi si Mang Luis ___________________________________.
Ibigay ang bunga ng mga sumusunod na pangyayari. Ipinabali ni Aling Perla ang walis tingting _______________________________. Nagsundu-sundo ang magkakapatid __________________________________.
ISAISIP MO
Tinatawag na sanhi kung ito ay nagsasabi ng dahilan ng pangyayari. Karaniwan itong sumasagot sa tanong na bakit. Tinatawag naming bunga ng pangyayari kung ito ay nagsasabi ng kinalabasan o resulta ng pangyayari.
ISAPUSO MO
Bawat sanhi sa Hanay A ay may katambal na bunga sa Hanay B. Pagtambalin ito at isulat sa patlang ang titik ng sagot.
Hanay A ___ 1. Pagtatapon ng basura sa ilog ___ 2. Pagtataas ng halaga ng gasoline ___ 3. Paggamit ng pataba ___ 4. Pananalanta ng bagyo ___ 5. Pagpuputol ng mga puno sa kabundukan
Hanay B ___ a. tumataas ang presyo ng bilihin ___ b. bumabaha sa kapaligiran ___ c. nagpapabagal ng daloy ng tubig ___ d. umaani nang masagana ang magsasaka ___ e. nasisira ang mga ari-arian
ISULAT MO
Suriin ang bawat pares ng pangungusap at tukuyin kung aling pangungusap ang sanhi at kung alin ang bunga. Isulat ito sa sagutang papel. Si Mang Cenong ang paksa ng usapan halos araw-araw. Maraming ang tulong na nagawa niya sa mga tao. Sanhi: ____________________________________________ Bunga: _____________________________________________
Para na ring pensyonado si Mang Cenong. Kumikita na lahat ang kanya mga anak. Sanhi: ____________________________________________ Bunga: _____________________________________________
Ang poso at tulay ay naipatayo. Humingi ng tulong si Mang Cenong sa pamahalaan. Sanhi: ____________________________________________ Bunga: _____________________________________________
Hindi madaanan ang tulay. Malaking torso at layak ang nakaharang dito. Sanhi: ____________________________________________ Bunga: _____________________________________________
Inutusan ng matanda ang bunsong anak na manguna sa paglusong sa ilog. Tumulong na rin ang lahat ng tao.
Sanhi: ____________________________________________ Bunga: _____________________________________________
TAKDANG-ARALIN
Sumulat ng pangungusap na nagsasaad ng sanhi at bunga ng pagkakaroon ng polusyon sa tubig.
IKALIMANG ARAW
Paggamit ng Iba’t-ibang Pahayagan Ayon sa Pangangailangan Pagsulat ng Iba’t- ibang Bahagi ng Pahayagan
TUKLASIN MO
Hanapin sa puzzle ang pangalan ng iba’t ibang babasahin at sanggunian na maaari mong magamit sa iyong pag-aaral.
Q
M A
G
A
S
I
N
U
P
T
Z
G
N
T
A
B
L
O
I
D
X
K
L
A
K
L
A
T
R
T
O
Z
Y
R
E
M P
A
H
A
Y
A
G
A
N
Q
W
E
N
C
L
O
P
E
D
I
A
R
U
V
D
I
C
T
I
O
N
A
R
Y
T
Anu-ano ba ang mga bahagi ng pahayagan? Isulat ang sagot sa organizer na ito.
Mga Bahagi ng Pahayagan
BASAHIN MO
Iba’t ibang Uri ng Pahayagan at mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Balita.
Tabloid Ang tabloid ay isang uri ng dyaryo na mayroong masmaliit na sukat ng pahina kaysa sa broadsheet, bagaman walang pamantayan na sukat para sa tabloid. Ang terminong tabloid journalism (o periyodismong tabloid), kasama ang paggamit ng malalaking imahe, ay nagbibigay-diin sa mga paksa tulad ng mga kahindik-hindik na kwento ng mga krimen, astrolohiya, tsismis, at telebisyon. Gayunman, ang ibang respetadong dyaryo, tulad ng The Independent at ng The Times ay may parehong sukat sa tabloid, at ang sukat na ito ay ginagamit sa United Kingdom ng halos lahat ng lokal na dyaryo. Doon, ang sukat ng pahina ay humigit-kumulang na 430mm x 280 mm (16.9 pulgada x 11.0 pulgada). Sa Estados Unidos, ito ang karaniwang porma na ginagamit ng mga dyaryong alternatibo. Ang ilang dyaryong maliliit na umaangkin ng mas mataas na pamantayan ng pamamahayag ay tumutukoy sa kanilang sarili bilang mga diyaryong compact. Ang mga mas malalaking dyaryo na iniuugnay sa mas malaking kalidad ng pamamahayag ay madalas ng tinatawag na mga broadsheet, at ang titulo na ito ay karaniwan paring ginagamit, kahit man lumipat na ang mga dyaryo sa paglalathala sa mas maliliit na pahina tulad ng ginagawa na ng maraming dyaryo sa mga nakalipas na taon. Sa gayon, ang terminong tabloid at broadsheet sa panahong ito ay, sa di-teknikal na paggamit, mas naglalarawan ng posisyon ng isang dyaryo, kaysa sa sukat nito. Ang Berliner format na ginangamit ng mga pinakapopular na dyaryong Europeo ay may sukat na namamagitan sa laki ng tabloid at broadsheet. Sa konteksto ng dyaryo, ang terminong Berliner ay karaniwang ginagamit sa paglarawan ng sukat lang, at hindi sa paglarawan ng ibang katangian ng pahayagan.
Broadsheet Ang broadsheet ay tumutukoy sa mga pinaka-karaniwang format ng pahayagan. Marami sa mga pinakarespetadong mga pahayagan ng bansa ay ang mga broadsheet na papeles. Ang mga broadsheet ay may posibilidad na gumamit ng isang tradisyonal na pamamaraan sa balita na binibigyang-diin ang mga malalalim na sakop at maging
mahinahon sa pagtalakay sa mga artikulo at mga editorials. Ang mga mambabasa nito madalas ay ang mga may kaya sa buhay at edukado, at karamihan sa kanila ay nakatira sa suburbs. Samantala, ang tabloid naman ay tumutukoy sa isang uri ng pahayagang mas makitid kaysa sa isang broadsheet. Dahil ang mga tabloids ay mas maliit, ang kanilang mga kuwento ay may posibilidad na mas maikli kaysa sa mga matatagpuan sa broadsheets. Ang mga kadalasang nagbabasa naman ng tabloid ay ang mga empleyado’t trabahador. Ang tabloids ay may posibilidad ring maging mas lapastangan sa kanilang mga estilo ng pagsulat.
Magasin Ang magasin ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming artikulo, kalimitang pinopondohan ng mga patalastas. Ito ay nagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa. Maaring maipamahagi ang mga magasin sa pamamagitan ng koreo, pagbebenta sa mga tindahan ng pahayagan, aklat o ibang mga nagbebenta, o sa pamamagitan ng libreng pamamahagi sa piling lugar na pagkukuhanan.
PAGYAMANIN MO
Anong uri ng pahayagan ang tinutukoy ng mga sumusunod: Gusto mong malaman ang mga kahindik-hindik na kwento ng mga krimen, astrolohiya, tsismis at telebisyon. Anong uri ng pahayagan ang babasahin mo? Ibig mong magbasa ng pahayagan na ginagamitan ng tradisyonal na pamamaraan sa pagbabalita at binibigyang-diin ang mga malalalim na sakop at mahinahon ang pagtatalakay sa mga artikulo at mga editorials. Nais mong magkaroon ng kaalaman tungkol sa mga gawaing pantahanan tulad ng “Good Housekeeping”, “Cooking” at iba pa. Anong uri ng pahayagan ng gagamitin mo?
Isulat sa kahon ang mga uri ng pahayagan na hinihingi sa tsart.
Uri ng Pahayagan
Broadsheet Tabloid
ISAISIP MO
Ano ang iba’t ibang uri ng pahayagan?
ISAPUSO MO
(Pangkatang Gawain)
Magazines
Matapos talakayin ang iba’t ibang uri ng pahayagan at ang mga hakbang sa pagsulat nito, marahil ay may kakayahan ka ng sumulat ng iba’t ibang bahagi ng pahayagan. Gawin mo ito at patunayan mong kaya mo. Pangkat I Sumulat ng isang balita tungkol sa proyektong ng inyong barangay sa maayos na pagtatapon ng basura. Pangkat II Sumulat ng isang editorial na ipinahahayag ang iyong sariling palagay o kuru-kuro tungkol sa isyung pagkalulong ng mga kabataan sa droga. Pangkat III Sumulat ng editorial tungkol sa isyung “Ang Isports Bilang Libangan ng mga Kabataan”
ISULAT MO
Ibigay ang iba’t ibang uri ng pahayagan at sabihin kung saan at paano mo ito gagamitin.
TAKDANG-ARALIN
Magdala ng iba’t ibang uri ng pahayagan. Alamin kung anu-ano ang nilalaman ng bawat bahagi nito.