Buod Ng Kabanata 7 Suyuan Sa AsoteaFull description
Summary or buod ng Kabanata 1 (Sa Ibabaw ng Kubyerta) ng El Filibusterismo, mula sa ElFilibusterismo.com
ReadingFull description
reviews only
Mga Buod ng Noli Me TangereFull description
Florante at Laura - Alaala ng Kamusmusan (Buod)Full description
philosophy
Full description
buod ng el filibusterismoFull description
Full description
mula sa isang pelikula
Full description
Copyright Dinrad Galeon® inc. Properties filed via Domestic and recurring affairs. -----------------------------------------------------------------Unauthorized use of file may lead to 90-1…Full description
buod
ang maria makiling
Buod Ng Noli Me Tangere Kabanata 25-64Full description
TATA SELO BUOD
Filipino
FILIPINO III rd
3 Quarter Lecture Quarter Lecture S.Y. 2012-2013 BUOD NG MGA KABANATA KABANATA 9: MGA BAGAY-BAGAY UKOL SA BAYAN
Nagtungo si Padre Damaso sa bahay nina Kapitan Tiyago na wari’y may mahalagang pakay. Nag-usap silang dalawa at ang tinalakay ay may kinalaman sa pag-iibigan nina Ibarra at Maria Clara. Samantala, dinalaw ni Padre Sibyla ang kaibigang matandang paring maysakit. Pinag-usapan nila ang tungkol sa paghina ng kanilang korporasyon. Ayon dito, ang bayan ay unti-unti nang nagigising kaya hindi na dapat nilang dagdagan ang pagsasamantala.
TEORYA: ipinaliliwanag at sinusuri nito ang tauhan sa liwanag ng kalagayan niya sa lipunan at ang kanyang pagtingin sa mga tradisyon nito
* p a k a y – – layunin; sadya
MGA KATANUNGAN: 1. Saan nagtungo si Padre Damaso? Ano ang sadya niya kay Kapitan Tiyago? 2. Ayon kay Padre Sibyla, ang bayan ang unti-unti nang nagigising. Anu-ano ang mga palatandaan at nasabi niya ang ganito? 3. Bakit nasasabing ang katatagan ng isang bansa ay nakasalalay sa uri ng mga namumuno sa pamahalaan? 4. Anong uri ng namumuno ang dapat magkaroon ang bayan?
TEORYA: – may bahaging nagpapakita ng kapaligirang kaaya-aya, pangyayaring kasuklam-suklam at pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay
KABANATA 10: ANG BAYAN NG SAN DIEGO
Nagsimula ang munting bayan ng San Diego sa pagpapala ng isang matandang Kastila na binili sa mga tagarooon ang lupang nasasakop ng gubat na may malaking puno ng baliti. Pinagyaman ng matanda ang lupa, binungkal at tinamnan ng iba’t ibang uri ng halaman. Ngunit nagulat ang lahat nang magisnang bangkay ang matanda sa tabi ng puno ng baliti. Pinagkakatakutan ang lugar na iyon. Isang araw ay may dumating na isang mestisong Kastila at nagpakilalang anak ng namatay na Kastila. Tumira siya roon at pinaunlad ang lugar. Siya si Don Saturnino, nagkaasawa at nagkaanak ng lalaki – si 1
Don Rafael na ama ni Crisostomo Ibarra. Nang mamatay ang Kastila ay namana ni Don Rafael ang kayamanan nito. Umunlad ang kabuhayan. Ang dating baryo ay naging bayan. Nang mamatay ang unang kura paroko ay humalili si Padre Damaso.
– maliit * m u n t i * m a g i s n a n – makita; matagpuan * h u m a l i l i – pumalit MGA KATANUNGAN: 1. Paano inilarawan ni Rizal ang bayan ng San Diego? Maaari kayang ito ay kumakatawan sa isa sa mga bayan ng Pilipinas? 2. Paano umunlad ang bayan ng San Diego? 3. Makabubuti ba sa isang bayan ang magkaroon ng kura paroko (parish priest)?
KABANATA 11: ANG MGA MAKAPANGYARIHAN SA BAYAN
Nahahati sa dalawang pangkat ang makapangyarihan sa bayan ng San Diego. Ang isang pangkat ay pinamumunuan ng kura paroko at ang isang pangkat ay nasa ilalim ng alperes ng guwardiya sibil na kinatawan ng heneral na siya namang kinatawan ng Hari ng España sa Pilipinas. Ang dalawang pangkat na ito ay hindi nagkakasundo kaya naguguluhan ang mga mamamayan sapagkat hindi nila malaman kung sino ang nagtataglay ng kapangyarihang dapat sundin.
TEORYA: nagpapakita ng pagiging makapangyarihan ng tao batay sa kanyang kilos, gawi, ugali, paniniwala at pamantayan
Nagpapasiklaban ang dalawang makapangyarihang nabanggit kaya’t iba’t ibang uri ng paghihiganti ang ginagawa ng bawat isa. * p a n g k a t – grupo * k i n a t a w a n – representative *nagpapasiklaban – nagpapagalingan
MGA KATANUNGAN: 1. Sinu-sino ang mga itinuturing na makapangyarihan sa bayan ng San Diego? Karapat-dapat ba sila sa gayong tungkulin? Bakit? 2. Ano ang naidudulot ng pangkakaroon ng mga taong tulad nina Padre Salvi at ng alperes sa lipunan? May kahalintulad ba sila sa ating lipunan sa kasalukuyan? 2
3. Dapat bang paghiwalayin ang tungkulin ng simbahan at pamahalaan? Bakit? 4. Bagamat ang makapangyarihan sa bayan ng San Diego ay ang kura at ang alperes, magbigay ng mga mungkahi upang sila’y magkasundo kaugnay ng pamamahala sa bayan.
KABANATA 12: ARAW NG MGA PATAY
TEORYA: pumapaksa sa mga karanasan ng tao sa iba’t ibang kalagayang panlipunan, pampulitika, pangkultura at pangkabuhayan.
Ang libingan ng San Diego ay tulad din ng ibang libingan sa ibang dako ng bansa. Ang mga sepulturero ay abala sa paghuhukay ng bago at dating libingan. Sa isang dako ng libingan ay naroroon ang mga kamag-anak ng namatay na nanggagalaiti sa galit dahil hindi matagpuan ang libingan ng kanilang kamag-anak. Sa ibang dako ng libingan ay may mga nagsisipagdasal sa harap ng puntod, may umiiyak, may nagtutulos ng kandila, nag-aalay ng bulaklak at iba’t iba pang tanawin kung Araw ng mga Patay.
* s e p u l t u r e r o – tagapagbantay sa sementeryo * n ang gagalaiti sa galit – galit na galit * n a g t u t u l o s – nagtitirik; nagsisindi
MGA KATANUNGAN: 1. Ano ang ipinagkaiba ng mga Pilipino sa ibang lahi kung tungkol sa pag-aalaala sa mga patay ang pag-uusapan? 2. Bakit kaya nais ng kura na ilipat ang bangkay sa libingan ng mga Intsik? Anong karapatangpantao ang nilalabag dito? 3. Kailan dapat bigyan ng ibayong paggalang ang isang tao, habang siya ay nabubuhay pa o kung siya ay patay na? Ipaliwanag. 4. Ano ang pagkakaiba ng paggunita sa mga patay noon at ngayon?