Ang buhay ni Rizal sa pinadali at pinaikling balangkas.Full description
komunikasyon
Full description
Full description
FILKOMUFull description
FILKOMU
from Pan Pil 19 classFull description
Mga akda ni rizal
Life of Rizal
akda ni rizalFull description
worshipFull description
Ang Epiko Ni GilgameshFull description
ang kwento ni solampid
Short Story
Florante at Laura, Filipino, High SchoolFull description
ESP 8 Modyul 1
Ang lihim ng pamilya ni Rizal Hindi ko akalain na mayroong pa palang lihim sa buhay ng ating bayani kaya laking gulat ko na lamang ng mapanood ko ang isang dokyumentaryo ni Howie severino na may pamagat na Ang Lihim ng Pamilya ni Rizal. Tampok dito ang pamilya ni Teodora Alonzo. Malapit si Rizal sa ina kaya talaga namang kataka-taka ang ginawang family tree ni Rizal bago sya mamatay na kung saan ay kumpleto ang angkan ng Mercado ngunit putol ang sangay sa angkan ng mga Alonso. Alonso. Tila bagang nagiwan ng misteryo ang family tree na ito sa kasalukuyang henerasyon at may lihim na nakatago sa pamilyang Alonso. Nagsimula ang lahat sa Mansyon Mansyon ng mga Alberto na pinaniniwalaang pinaniniwalaang tahanan kung saan lumaki si Teodora Alonso, ina ng ating pambansang bayani, na unang naging guro ni Rizal. Ang mga Alberto Alberto ay ang mga kamaganak ni Teodora Alonzo. Ang masyon nila ay ginigiba na sapagkat hindi naman ito nakarehistro bilang isang national heritage at wala naman daw itong koneksyon kay Rizal. Ang di pagkilala na ito sa mansyon bilang isang landmark at national heritage ay nagbigay daan sa tsismis na bastarda umano ang pamilyang alonzo. Noong panahon ng kastila, ang mansyon ay pagmamay-ari ng paboritong kapatid na lalaki ni Teodora Alonzo na si Jose Maria Alberto at ng asawa nitong si Teodora Pormosa. Nalaman ni Jose Maria na nanglalaki umano si Teodora Pormosa kaya't ikinulong nya ang asawa sa kanilang mansyon at ibinilin ito sa kapatid nyang si Teodora Alonzo. Pinagbintangan ni Teodora Pormosa si Teodora Alonzo ng tangkang panglalason na naging dahilan ng pagkabilanggo nito ng mahigit 2 taon na labis dinamdam ni Rizal. Dito nagsilutangan ang di umano'y mga lihim ng pamilyang rizal na talaga namang nakakagulat . Sinasabi na si Teodora Alonzo at ang iba nyang kapatid ay bastardo o hindi lehitimong anak ni Lorenzo Alonso Alberto, sa madaling salita ay ampon lamang, at si Jose Maria lamang daw ang tunay na anak nito. Sinasabi din na ang bunsong anak nina Teodora Alonzo at Francisco Mercado Mercado Rizal na si Soledad ay anak talaga ni Saturnina (panganay nilang anak) kay Jose Maria Alberto. Sinasabi din na kaya daw hindi nanirahan si Rizal sa mansyon ng mga alberto noong nagaaral pa sya sa Unibersidad ng Santo Tomas ay dahil sa diskriminasyon ng mga alberto na nagpapahiwatig lamang ng di pagkakasundo ng mga Alonso at Alberto. Maari daw ito ang mga naging dahilan kung bakit hindi kasama ang ang pamilya ni Teodora Alonzo sa family tree tree na ginawa ni Rizal. Ngunit kahit ano pa mang dahilan yan ay hindi katanggap-tanggap sa akin na hindi kilalanin ang pamilyang alberto o alonzo bilang bahagi ng kasaysayan at walang koneksyon kay Rizal sapagkat malaki ang naging papel ni Teodora Alonzo sa buhay ng ating bayani. Bilang ina, sya ang humubog sa pagkatao ni Rizal, sya ang naging unang guro ni Rizal, at isa pa, isa sya sa mga naging inspirasyon ng ating bayani upang ipagpatuloy ang paglaban at pagtanggol sa ating bayan at sa kapwa Pilipino. Kung hindi dahil sa kanya wala tayong kinikilalang pambansang bayani na si Jose Rizal na naging susi para tayo ay makalaya sa mga mapang-aping mga Kastila.