Ang Lihim ni Lea Ni Augie Rivera Bagong-lipat lang sina Lea at ang tatay niya sa isang condominium. Walong taong gulang pa lang siya pero ito na ang ikalabindalawang bahay na tinirhan niya. Mula nang magtrabaho ang nanay niya bilang isang nars sa London, nakapag-ipon na rin sila para makalipat sa sariling condo unit na huhulog-hulugan nila. Noong una’y ayaw ni Lea sa bago nilang tirahan. Marami silang kapitbahay pero lagi namang sarado ang kanilang mga pinto. Tuwing napapadaan si Lea sa mahabang pasilyo ng magkakamukhang pinto, sari-saring tunog ang naririnig niya. May asong tumatahol sa 19A, malamyos ang huni ng biyolin sa 19F, at nambubulahaw ang telebisyon sa 19L. Isang araw, isang kagila-gilalas na pangyayari ang naganap kay Lea. Bigla siyang nagkaroon ng kapangyarihang tumagos sa mga saradong pinto! Labas-masok siya sa mga ito na parang multo. Nakita niya and naghihilik na si Mrs. Domingo na kinakamutan ang tiyan ng aso nito sa 19A. Maya-maya’y nasa 19F naman siya, at ipinaghehele ng musika ni Paula, ang batang nagpapraktis ng kaniyang biyolin. Sa 19L, nakinood naman siya ng TV kay Linda, ang kasambahay na mahilig sa Koreanong telenobela na biglang nataranta nang kumiriring ang telepeno nila. Paglingon ni Lea, nakita niya ang sariling nasa kwarto na uli ng condo nila. Nakaupo sa gilid ng kama ang tatay niya at may kausap ito sa telepono. “Lea… kausapin ka raw ng nanay mo.” Isang araw, sa eskuwelahan, naisip ni Lea, na subukan ang kaniyang k aniyang kapangyarihan. Nag-‘may I go out?’ siya kay Teac her Cynthia at dire-diretso sa nakasarang pinto, pero sumalpok lang siya dito! Nagtawanan ang buong klase. “H-hindi ko po napansin ang pinto,” pagdadahilan ni Lea, na ipinagtaka naman ng kanyang guro.
Minsan, palabas ng girls’ CR si Teacher Cynthia nang makarinig siya ng malakas na kalabog. Pagbukas ng pinto, nakita niyang nakahandusay sa sahig si Lea at namumula namumula ang noo. “Okay ka lang, Lea? Pumunta ka kaya sa clinic?” “Nagmamadali lang po kasi ako,” sagot ni Lea, sabay karipas ng takbo. May pagkakataon ding kitang-kita ni Teacher Cynthia si Lea, na bumwelo pa, bago tumakbo at sumalpok sa nakasarang pinto ng library. Sa paglipas ng mga araw, naging tampulan ng tukso si Lea ng kanyang mga kakalase. “May bukol! May sira! May tama siya!” Pero hindi ito pinansin ni Lea. Labis namang nagtataka ang guro sa kakaibang ikinikilos ng isa sa pinakamatalino niyang estudyante.
Kaya’t isang araw, pagkatapos ng klase, ki nusap ni Teacher Cynthia nang masinsinan si Lea. Nang tanungin na niya ito tungkol sa kusang pangbangga ng sarili, lalong nabahala ang guro. Kumbinsido kasi si Lea na sinusubukan lang daw niya ang bago niyang “power”—ang tumagos sa mga saradong pinto!
Nagpasya si Teacher Cynthia na humingi ng tulong sa isang psychologist para kausapin si Lea. Sa kanilang pagkukuwentuhan, nailarawan ni Lea kung paano siya nakakatagos sa mga pinto at kung saansaan siya nakakarating. Tuwang-tuwa ikinekwento ni Lea ang mga paborito niyang ginagawa sa iba’ t ibang condo na binibisita niya. Peron ang tanungin siya tungkol sa mga paborito niyang ginagawa sa condo nila, tila biglang nanahimik si Lea. Sa pira-piraso at paunti-unting pagkukuwento, nasabi ni Lea na ayaw niyang maglagi sa condo nila, lalo na’t kasama ang tatay niya sa kwarto. Pinapanood kasi siya nito ng malalaswang video, “Hhuwag daw po akong magsusumbong kahit kanino pag hinahawakan niya ako dito… at saka dito po…” halos pabulong na sabi ni Lea. Dagdag pa niya, tila gumagana lang daw ang “power” niya tuwing ginagawa iyon sa kanya ng tatay niya. Agad humingi ng tulong si Teacher Cynthia sa social worker para mailayo agad si Lea sa t atay niya. Kumilos naman ang abogado at ang pulis sa ilalim ng UP-PGH Child Protection Unit. Nadakip at nahatulang makulong sa loob ng maraming taon ang tatay ni Lea para pagdusahan ang ginawa niyang pang-aabuso sa sariling anak. Nakontak din ni Teacher Cynthia ang nanay ni Lea kaya’t humangos itong pauwi, upang makapiling at maalagaan ang anak.
“Hindi siguro ito nangyari kung hindi ako umalis,” ang mahigpitna sisi ng ina sa sarili. “Wala po kayong kasalanan,” sagot ni Teacher Cynthia. “Minsan, maari itong mangyari sa harap natin mismo, nang hindi natin namamalayan…” paliwanag pa niya. Sa payo na rin ng psychologist, dumaan si Lea sa regular na t herapy sessions upang matulungan siya sa kaniyang unti-unting paggaling. Di nagtagal, sa tulong na rin ng walang humpay na pagmamahal ng kanyang nanay, may naramdamang kakaiba si Lea. “Nay, nawala na po yung power kong tumagos sa mga saradong pinto!” bulong ni Lea sa nanay niya.