DEPED TAMBAYAN http://richardrrr.blogspot.com/ 1. Center of top breaking headlines and current events related to Department of Education. 2. Offers free K-12 Materials you can use and share.
10
Y P O C D E P E D
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral Yunit 1
Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula mula sa mga publiko publiko at pribadong pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
[email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas
1 All rights reserved. reserved. No part of of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 ISBN: Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang bilang kondisyon.
Y P O C D E P E D
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, names, tatak o trademarks trademarks,, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala ( publisher ) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC Pangalawang Kalihim: Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD
Mga Bumuo ng Modyul para sa Mag-aaral
Mga Konsultant: Editor: Mga Manunulat:
Manuel B. Dy Jr., PhD at Fe A. Hidalgo, PhD Luisita B. Peralta Mary Jean B. Brizuela, Patricia Jane S. Arnedo, Goeffrey A. Guevara, Earl P. Valdez, Suzanne M. Rivera, Elsie G. Celeste, Rolando V. Balona Jr., Benedick Daniel O. Yumul, Glenda N. Rito, at Sheryll T. Gayola Tagaguhit: Gilbert B. Zamora Naglayout: Jerby S. Mariano Mga Tagapamahala: Dir. Tagapamahala: Dir. Jocelyn DR. Andaya, Jose D. Tuguinayo, Jr., Elizabeth G. Catao, at Luisita B. Peralta Inilimbag sa Pilipinas ng FEP Printing Corporation Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Ofce Address: 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072 E-mail Address:
[email protected] 2
All rights reserved. reserved. No part of of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Talaan ng Nilalaman
Unang Markahan Modyul 1: Ang Mga Katangian ng Pagpapakatao................................................1 Pagpapakatao................................................1 Ano ang Inaasahang Maipamamalas Maipamamalas Mo?..................................... Mo?................... ............................... .............1 1 Paunang Pagtataya ....................................................................................2 Pagtuklas ng Dating Kaalaman ..................................................................4 Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa .................. .......7 Pagpapalalim .............................................................................................9 Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto ............................. ........... ..................................... .......................... ........... .....16 .16
Y P O C D E P E D
Modyul 2: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob......................21 Kilos-loob ......................21 ..
Ano ang Inaasahang Maipamamalas Maipamamalas Mo? ......................................... .................. ........................... .......2 ...21 1 Paunang Pagtataya ...................................................................................22 Pagtuklas ng Dating Kaalaman .................................................................24 Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa ................... ........................27 .....27 Pagpapalalim ............................................................................................30 Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto .......................... ....... .............................................. ............................... ........ ....38 38
Modyul 3: Paghubog ng Konsensiya Batay sa Likas na Batas Moral ..................42 Ano ang Inaasahang Maipamamalas Maipamamalas Mo? .................................... .................. .............................42 ...........42 Paunang Pagtataya ..................................................................................43 Pagtuklas ng Dating Kaalaman ............................................................... 46 Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa .......................48 Pagpapalalim ............................................................................................49 Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto ...............................................................62
Modyul 4: Ang Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan
.................................65
Ano ang Inaasahang Maipamamalas Maipamamalas Mo? .................................... .................. ............................ .......... 65 Paunang Pagtataya ..................................................................................66 Pagtuklas ng Dating Kaalaman ................................................................68 Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa .......................70 Pagpapalalim ........................................................................................71 Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto ............................................................79
All rights reserved. reserved. No part of of this material may be reproduced or transmitted transmitted in any form form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Unang Markahan
MODYUL 1: ANG MGA KAT KATANGIAN NG PAGPAPAKATAO A. ANO ANG INAASAHANG MAIP MAIPAMAMALAS AMAMALAS MO?
Y P O C D E P E D “Sa bawat kilos ko, anong uri ng tao ang binubuo ko sa aking sarili?”
Ngayong nasa Baitang 10 ka na, naitanong mo na ba ang tanong na ito sa
iyong sarili? Nakatulong ba ang mga konseptong konseptong natutuhan natutuhan mo sa mga modyul sa mga nakaraang baitang sa Edukasyon sa Pagpapakatao, lalo na ang Modyul 5 hanggang Modyul 8 sa Baitang 7? Malinaw ba sa iyo ang uri ng ng tao na binubuo mo sa iyong sarili? Kung pangarap mong maging
matagumpay na propesyonal (tulad ng isang
guro, guidance counselor o negosyante) o manggagawa na produktibo at nakikibahagi sa pag-unlad ng iyong pamayanan at bansa,
ano-anong mga pagpapahalaga kaya ang
makatutulong upang mabuo ang tao na iyong pinapangarap? Magandang tanungin
ang iyong sarili sa panahon ng mga tukso at pag-aalinlangan na para bang nakatingin ka sa salamin: Anong uri nga ba ng tao ang binubuo ko sa aking sarili?
Marahil dahil sa iyong kalayaan, naisasakilos mo agad ang anumang naisip
nang walang pagmumuni. Mahalagang isaalang-alang na ang bawat pasiya at kilos mo ay may epekto sa pagkataong pagkataong hinuhubog mo sa iyong iyong sarili. Paano kung sa huling yugto ng iyong buhay ay magulat ka sa iyong nakamit na pagkatao - dahil hindi pala ito ang nilayon mo? Ano-ano ang dapat mong gawin upang ang pagkataong hinuhubog mo sa iyong sarili ay magugustuhan mo, kapuri-puri sa iyong kapuwa at pamayanan at katanggap-tanggap sa Diyos? Sa modyul na ito, inaasahan ang pagsagot mo sa Mahalagang Tanong na: Paano makatutulong sa tao ang mga katangian ng pagpapakatao upang magampanan niya ang kaniyang misyon sa buhay tungo sa kaniyang kaligayahan? 1
All rights reserved. reserved. No part of of this material may be reproduced or transmitted transmitted in any form form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa: 1.1 Natutukoy ang mga katangian ng pagpapakatao 1.2 Nasusuri ang sarili kung anong katangian ng pagpapakatao ang makatutulong sa pagtupad ng iba’t ibang papel sa buhay (upang magampanan ang kaniyang misyon sa buhay) 1.3 Napatutunayan ang Batayang Konsepto ng aralin 1.4 Nailalapat ang mga tiyak na hakbang upang paunlarin ang mga katangian ng pagpapakatao
Y P O C D E P E D
Naririto ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Kasanayang Pampagkatuto 1.4: a. May malinaw na Personal Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB) b. Natukoy ang iba’t ibang papel papel sa buhay batay sa kaniyang PPMB c. Natukoy ang mga konkretong gawain upang matupad ang iba’t ibang papel sa buhay d. Natukoy ang mga katangian ng pagpapakatao pagpapakatao na nahuhubog sa pagsasagawa ng mga konkretong gawain na natukoy
Paunang Pagtataya
tamang sagot. Isulat ang mga sagot sagot sa kuwaderno. Panuto: Piliin ang titik ng tamang Panuto: Piliin
1. Alin ang hindi tinutukoy tinutukoy ng bahaging “madaling maging tao” sa kasabihang “Madaling maging tao, mahirap magpakatao?” a. May isip at kilos-loob ang tao. b. May kamalayan siya sa sa kaniyang kaniyang pagtungo pagtungo sa kaniyang kaniyang kaganapan. c. Tapat ang tao sa kaniyang misyon. d. May konsensiya ang tao.
2. Alin ang hindi tinutukoy tinutukoy ng bahaging “mahirap magpakatao” magpakatao” sa kasabihang “Madaling maging tao, mahirap magpakatao?” a. Ito ang nagpapabukod-tangi nagpapabukod-tangi sa tao sa kaniyang kapuwa-tao. b. Ibang mag-isip at tumugon ang bawat isa sa magkapatid na kambal kung maharap sa parehong sitwasyon. c. Nililikha niya sa kaniyang sarili ang mga katangiang nagpapabukod-tangi nagpapabukod-tangi sa kaniya habang siya ay nagkakaedad. d. May kakayahan ang tao na itakda ang kaniyang kilos para lamang sa katotohanan at kabutihan. 2
All rights reserved. reserved. No part of of this material may be reproduced or transmitted transmitted in any form form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
3. Alin ang nagpapahayag sa katangian ng tao bilang indibidwal? a. Ang tao ay may matibay na paninindigan, pagpapahalaga, at paniniwalang bukod-tangi sa lahat. b. Hiwalay ang tao sa ibang tao t ao dahil noong siya ay isinilang, nagsimula na siyang mag-okupa ng espasyong hiwalay sa ibang sanggol. c. Lahat ng tao ay pantay-pantay kahit magkakaiba ang mga katangian, pangarap at pagpapahalaga ng bawat isa. d. Bukod-tangi ang tao at at naiiba sa kaniyang kapuwa kapuwa dahil siya ang lumilikha ng ng kaniyang pagka-sino.
Y P O C D E P E D
4. Ano ang kahulugan ng pangungusap? “Ang tao bilang persona ay isang proseso ng ng pagpupunyagi pagpupunyagi tungo sa pagiging ganap na siya.” a. Nililikha Nililikha ng tao ang kaniyang kaniyang pagka-sino sa pamamagitan pamamagitan ng pagsisikap. pagsisikap. b. Lahat Lahat ng tao ay ay dumadaan dumadaan sa proseso ng pag-unlad. c. Dapat magsikap ang lahat ng tao. d. Nagiging Nagiging ganap ang tao dahil sa kaniyang pagpupunya pagpupunyagi. gi. 5. Aling yugto ng pagka-sino ng tao ang nagpapakita ng pagkamit ng kaniyang kabuuan, kaya hindi siya naiimpluwensiyahan ng pananaw ng nakararami dahil sa kaniyang matibay na paninindiga paninindigan? n? a. Persona b. Personalidad c. Pagme-meron d. Indibidwal 6. Alin sa sumusunod ang nagpakita ng katangian ng hindi pa ganap na personalidad? a. Nakibahagi Nakibahagi si Kesz sa paglutas ng mga suliraning kinakaharap ng kabataan kabataan sa buong mundo. b. Naitaas ni Kap Roger ang ang antas ng kabuhayan kabuhayan ng ng kaniyang kaniyang pamilya pamilya at kapuwa magsasaka. c. Naging instrumento ang mga mga painting painting ni ni Joey Velasco upang imulat sa mga tao ang epekto ng kahirapan at kawalan ng katarungan sa bansa. d. Nagpasya Nagpasya si Raffy Raffy na magsumite ng proposal tungkol sa Career Guidance upang mabigyang-solusyon mabigyang-solusyon ang problema ng job-skills ng job-skills mismatch mismatch sa sa bansa. 7. Ano ang buod ng talata?
May kakayahan ang tao na na gawing obheto ang kaniyang kaniyang sarili. Dahil sa kaniyang kakayahang magmuni-muni, alam ng tao na alam niya o hindi niya alam. Nagiging mundo ang kaniyang kapaligiran dahil sa kakayahan niyang pag-isipan ang kaniyang sarili. a. Ang tao ay may kamalayan sa sarili. b. Alam ng tao sa mundo ang anumang bagay na may kaugnayan sa kaniyang sarili. 3 All rights reserved. reserved. No part of of this material may be reproduced or transmitted transmitted in any form form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
c. Maraming magagawa ang isip ng tao. d. Gamit ang pagmumuni-muni, pagmumuni-muni, nalalaman ng tao ang mga mga bagay na hindi hindi niya alam. 8. Anong katangian ng pagpapakatao ang ipinakita ni Buddha sa pangungusap pangungusap? ? Noong nakita ni Buddha ang apat apat na lalaki – isang matanda, matanda, may may ketong, bangkay, at pulubi, nakabuo siya ng buod ng buhay: Ang buhay ay isang pagdurusa. a. May kamalayan sa sarili b. Umiiral na nagmamahal c. May May kakayahang kakayahang kumuha ng esensiya ng mga umiiral
Y P O C D E P E D
d. Tumutugo Tumutugon n sa tawag ng paglilingkod
9. Anong katangian ng pagpapakatao ang ipinamalas ni Mother Teresa sa talata?
Sa kaniyang pagninilay, narinig niya ang tawag ng paglilingkod sa labas ng kumbento – ang tulungan ang mga batang napabayaan, mga taong hindi minahal minahal at may sakit sakit na hindi inalagaan. Ginamit niya ang kaniyang kaniyang kaalaman sa panggagamot at kakayahan sa pagtuturo upang tugunan ang pangangailangang pangangail angang pisikal at espiritwal ng mga mahihirap. a. May kamalayan sa sarili b. Umiiral na nagmamahal c. May kakayahang kumuha ng buod buod o esensiya ng mga mga umiiral umiiral d. May pagtanggap sa kaniyang mga talento
10. Alin ang dapat paunlarin ng tao upang maisagawa ang kaniyang misyon sa buhay na siyang magiging daan tungo sa kaniyang kaligayahan? kaligayahan? a. Mga katangian ng pagpapakatao b. Mga pangarap at mithiin c. Mga talento at kakayahan d. Kasipagan at katapatan
B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN Gawain 1
Panuto:
1. Suriin ang ang kasabihang: kasabihang: “Madaling “Madaling maging tao, ngunit ngunit mahirap magpakatao.” 2. Sa gabay ng inyong inyong guro, hahatiin hahatiin ang klase sa apat apat na pangkat. Pag-uusapan Pag-uusapan ng bawat pangkat ang kahulugan ng kasabihan. Sasagutin ang tanong na: Ano ang mga katangian ng tao at ng nagpapakatao? Bawat kasapi ng pangkat ay magbibigay ng kaniyang opinyon. 4 All rights reserved. reserved. No part of of this material may be reproduced or transmitted transmitted in any form form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
a. Isusulat ng isang miyembro ng pangkat sa isang kartolina o i-encode sa laptop ang matrix sa ibaba: Mga Katangian ng Tao
Mga Katangian ng Nagpapakatao Ginagamit ang isip para sa paghahanap ng katotohanan
Hal.: May isip at kilos-loob
Y P O C D E P E D
b. Pagkatapos, bubuo ang bawat pangkat ng konsepto o buod mula sa mga sagot na lumabas sa talakayan.
c. Ibabahagi ng lider ng pangkat ang kanilang output sa klase.
3. Sagutin ang mga tanong ng guro tungkol sa pangkatang gawain:
a. Batay sa mga sagot ng mga pangkat, ano-ano ang pagkakaiba ng pagiging tao sa pagpapakatao?
b. Bakit sinasabi sa kasabihan na madaling maging tao? Bakit mahirap magpakatao? Ipaliwanag.
4. Pagkatapos, isasadula ng bawat pangkat sa malikhaing paraan sa loob ng tatlong minuto ang taong nagpapakatao (halimbawa: pagbisita sa mga bilanggo o maysakit).
5. Pagkatapos ng dula-dulaan, sagutin ang sumusunod na tanong sa klase:
a. Ano-anong katangian ng pagpapakatao ang napansin mo sa mga dula-dulaan? b. Kung isasabuhay mo ang mga katangian ng pagpapakatao, ano ang kabutihang idudulot nito?
c. Ano ang magsisilbing gabay ng lahat ng iyong mga pagpupunyagi na
dapat mong buuin upang makamit ang tagumpay at tunay na kaligayahan? Ipaliwanag.
5 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Gawain 2 Panuto: Napag-aralan mo sa Baitang 7 at Baitang 9 ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB). Dalawa ang bahagi nito: (a) Ano ang gusto mong maging at (b) Ano ang dapat mong gawin upang matupad ang “a.” Ito ang tuon ng gawaing ito. Gawin ang sumusunod sa iyong kuwaderno. 1. Balikan ang binuo mong Personal na Pahayag na Misyon sa Buhay (PPMB) sa Baitang 9. May gusto ka bang baguhin o paunlarin? Isulat sa iyong kuwaderno
Y P O C D E P E D
ang pinaunlad mong PPMB. Kung wala ka pang PPMB, bumuo ka nito gabay ang halimbawa sa ibaba: Halimbawa:
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB) ni Rita
Isang mapagkalingang lider na tagapagdaloy ng mga gawaing nagbibigay
ng prayoridad sa kabataan at mahihirap na tagalunsod tungo sa pag-unlad ng
kanilang positibong pagtingin sa sarili at ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng kaalaman at kakayahan sa musika at isports.
Ikaw naman, isulat ang binuo o pinaunlad mong PPMB:
_________________________________________________________ Pagkatapos, punan ang sumusunod:
a. Ano ang gusto mong maging: ______________________________ b. Ano ang dapat mong gawin (upang matupad mo ang “a”):
______________________________________________________ 2. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod:
a. Mahuhubog ba ang iyong pagkatao sa mga “dapat mong gawin” na binanggit mo sa iyong PPMB? Ipaliwanag.
b. Kaya mo bang tuparin ang iyong PPMB? Pangatwiranan. c. Ipaliwanag kung ano-ano ang mga katangian ng pagpapakatao ang makatutulong upang maisakatuparan mo ang iyong PPMB.
6 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN, AT PAG-UNAWA Gawain 3 Panuto sa Pang-isahang Gawain: 1. Batay sa ginawa mong PPMB sa Gawain 1, tukuyin ang mga dapat mong gawin
Y P O C D E P E D
upang matupad mo ang iyong misyon (na nakalahad sa iyong PPMB) sa iba’t ibang papel na ginagampanan mo sa buhay (halimbawa bilang anak, kapatid, kamag-aral, kabataan sa pamayanan, kaibigan ng kaklase, at anak ng Diyos). Halimbawa, sa PPMB ni Faustina:
Bilang anak : Pamumuno sa mga kapatid sa pagtulong sa paggawa ng mga takdang-aralin at gawaing bahay
Bilang mag-aaral: Pagpapanatiling mataas ang marka sa lahat ng asignatura sa klase sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti; Pagtulong sa mga kamag-aral na mahina sa klase.
Bilang mamamayan: Pakikiisa sa programang “Clean and Green” sa barangay Bilang Layko (o anak ng Diyos): Pagtuturo ng Katesismo sa mga batang lansangan
Ngayon, ikaw naman: Punan ang mga kahon ng mga gawain na makatutulong sa pagtupad mo ng iba’t ibang papel sa buhay. Maaaring magdagdag ng kahon kung may iba ka pang papel sa buhay (hal.: pangulo ng Student Council, lider ng isang pangkat ng kawanggawa para sa mga maralitang tagalunsod, blogger, editor ng student paper , layout artist , at iba pa).
7 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Bilang ANAK,
Bilang KAPATID,
Bilang MAG-AARAL,
Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay: (PPMB)
Y P O C D E P E D
Bilang PANGULO NG STUDENT COUNCIL
Bilang ANAK NG DIYOS,
Bilang MAMAMAYAN,
Panuto sa Pangkatang Gawain:
1. Bumuo ng dyad sa bawat pangkat. 2. Ibahagi ang output sa bawat isa sa loob ng tatlong minuto. 3. Ibahagi sa pangkat ang mga sagot na magkapareho. Halimbawa: ang mga ginagampanan sa buhay at ang mga gawaing makatutulong sa pagtupad ng iba’t ibang papel sa buhay. 4. Ilalahad ng bawat pangkat ang kanilang output. Sagutin ang mga Tanong:
1. Ano ang damdamin mo habang ibinabahagi ang iyong mga papel sa buhay at mga gawaing makatutulong sa pagtupad ng mga ito? 2. Ano-anong pagpapahalaga ang mahihinuha sa mga gawaing ibinahagi ng pangkat? Ipaliwanag. 3. Ano-anong katangian ng pagpapakatao ang masasalamin sa mga konkretong gawain na ibinahagi ng pangkat? Ipaliwanag.
8 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D. PAGPAPALALIM
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay Ang Mga Katangian ng Pagpapakatao “Madaling maging tao, mahirap magpakatao.”
Y P O C D E P E D
Ano ang pagkaunawa mo sa kasabihan? Bakit kaya madali ang “maging tao” ngunit “mahirap magpakatao”? May dalawang bahagi ang kasabihang ito. Ang una, “madaling maging tao,” ay sumasagot sa pagka-ano ng tao at ang ikalawa naman ay nakatuon sa pagkasino ng tao. Napag-aralan mo sa Baitang 7 na ang tao ay may isip at kilos-loob, may konsensiya, may kalayaan at dignidad. Naunawaan mo rin na iba ang tao sa hayop dahil sa kaniyang kakayahang mag-isip (pagkarasyonal) at kakayahang itakda ang kaniyang mga kilos para lamang sa katotohanan at kabutihan (pagkamalaya). Bukodtangi ang tao dahil sa kaniyang isip at kilos-loob, at may kamalayan siya sa kaniyang pagtungo sa sariling kaganapan. Ang ikalawang bahagi, “mahirap magpakatao,” ay tumutukoy sa persona ( person) ng tao. Binubuo ito ng mga katangiang nagpapabukod-tangi sa kaniya sa kapuwa niya tao. Halimbawa, ang kambal na Oyin at Yesa ay parehong mahilig umawit, at pareho ang uri ng musikang gusto nila, pero ibang mag-isip at tumugon si Oyin kung maharap sila sa parehong sitwasyon. Sa kaniyang pag-iisip, pagpapasiya, at pagkilos, nagiging bukod-tangi ang bawat tao. Hindi ipinagkaloob sa kaniyang pagkasilang ang lahat ng mga katangiang nagpapabukod-tangi sa kaniya, dahil unti-unti niyang nililikha sa kaniyang sarili ang mga ito habang siya ay nagkakaedad. Ang paglikha ng pagka-sino ng tao ay dumaraan sa tatlong yugto: ang tao bilang indibidwal , ang tao bilang persona, at ang tao bilang personalidad. Ang tao bilang indibidwal ay tumutukoy sa pagiging hiwalay niya sa ibang tao. Nang isinilang siya sa mundo, nagsimula na siyang mag-okupa ng espasyo na hiwalay sa ibang sanggol. Dahil sa kaniyang kamalayan at kalayaan, nasa kaniyang mga kamay ang pagbuo niya ng kaniyang pagka-sino. Ang kaniyang pagka-indibidwal ay isang proyektong kaniyang bubuuin habang buhay bilang nilalang na hindi tapos (unfnished ). Sa kabilang dako, ang aso, kahit ipinanganak na hiwalay sa ibang aso, ay ganap ng aso mula sa kaniyang pagsilang.
9 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ang tao bilang persona ay isang proseso ng pagpupunyagi tungo sa pagiging ganap na siya. Bilang persona, may halaga ang tao sa kaniyang sarili mismo. Ito ay dahil bukod-tangi siya, hindi siya mauulit (unrepeatable) at hindi siya mauuwi sa anuman (irreducible). Ibig sabihin, hindi siya mababawasan at maibababa sa kanyang pagkatao dahil “buo” siya bilang tao (Dy, 2012, ph. 295). Kaya napakahalaga ang pagtuklas at pagpapaunlad niya ng kaniyang mga talento, hilig, at kakayahan upang mabuo niya ang kaniyang pagiging sino. Ang persona ang tumutukoy sa paglikha ng pagka-sino ng tao. Ang tao bilang personalidad ay ang pagkamit ng tao ng kaniyang kabuuan, ang resulta ng pagpupunyagi sa pagbuo ng kaniyang pagka-sino. Ang taong itinuturing na personalidad ay may mga matibay na pagpapahalaga at paniniwala, totoo sa kaniyang sarili, at tapat sa kaniyang misyon. Kaya anuman ang mga nagtutunggaliang impluwensiya ng kapaligiran o teknolohiya, hindi siya nagpapadala o naiimpluwensiyahan ng pananaw ng nakararami dahil sa kaniyang matibay na paninindigan. Mataas ang antas ng kaniyang pagka- persona. Ang pagkamit ng kaniyang pagka- personalidad ay nangangailangan ng pagbuo ( integration) ng kaniyang pag-iisip, pagkagusto ( willingness), pananalita, at pagkilos tungo sa isang pagpapahalagang magbibigkis sa lahat ng mga ito. Mabubuo lamang ang kaniyang sarili kung itatalaga niya ang kaniyang pagka- sino sa paglilingkod sa kaniyang kapuwa, lalo na ang mga nangangailangan. Ngunit hindi lahat ng tao ay personalidad dahil hindi nila nakamit ang mataas na antas ng kanilang pagka- persona.
Y P O C D E P E D
Mabubuo ko lamang ang aking sarili kung itatalaga ko ang aking pagkasino sa paglilingkod sa aking kapuwa, lalo na ang mga nangangailangan.
May tatlong katangian ang tao bilang persona, ayon kay Scheler (1974, ph 37-42). Ang mga ito ay: may kamalayan sa sarili, may kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga umiiral at umiiral na nagmamahal ( ens amans). Ang mga ito ang mga katangian ng pagpapakatao. 1. May kamalayan sa sarili. May kakayahan ang tao na magnilay o gawing obheto ng kaniyang isip ang kaniyang sarili. Dahil dito, alam niya na alam niya o hindi niya alam. Nagiging mundo ang kaniyang kapaligiran dahil sa kaniyang kakayahan na pagisipan ang kaniyang sarili. Halimbawa, itinuturing ng isang guro bilang kaniyang mundo ang anumang tao o bagay na may kaugnayan sa kaniyang pagtuturo, tulad ng mag-aaral, banghay-aralin, pisara, at silid-aralan. Samantala, walang mundo ang hayop dahil lagi niyang dala ang kaniyang kapaligiran sa kaniyang organismo. 10 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ang taong may kamalayan sa sarili ay may pagtanggap sa kaniyang mga talento na magagamit niya sa kaniyang pakikibahagi sa mundo - halimbawa, sa paaralan o sa lugar kung saan siya nakikisalamuha sa mga tao. Dito nanggagaling ang positibong pagtingin niya sa sarili. Ito ang nagpapatibay ng kaniyang kalooban sa pagtugon sa kaniyang bokasyon at tunguhin sa buhay (Moga, 2005). Dahil sa kaniyang kakayahan sa pag-iisip, napauunlad niya ang kaniyang kamalayan sa sarili. Malaki ang kakayahan niyang ilarawan at bigyang-kahulugan ang mga imahe at palatandaan ng kalikasan, kilos, at mga panaginip. Nakatutulong ang mga ito upang mabantayan at mapaghandaan niya ang mga sitwasyon sa buhay lalo na ang mga hindi kanais-nais.
Y P O C D E P E D
2. May kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga umiiral. Ito ang kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga partikular na umiiral. May kakayahan siyang bumuo ng konklusiyon mula sa isang pangyayari. Halimbawa, noong nakita ni Buddha ang apat na lalaki - isang matanda, may ketong, bangkay, at pulubi, nakabuo siya ng buod ng buhay: Ang buhay ay isang pagdurusa. Sa kabilang dako, hindi alam ng gagamba na ang lamok na hindi dumikit sa kaniyang sapot ay pareho sa lamok na makakain niya na tumama sa kaniyang sapot (Scheler, 1974, ph.43). Nakikita ng tao ang esensiya ng mga umiiral ( essence of existence) kung humahanga at namamangha na siya sa kagandahan ng mga bagay sa kaniyang paligid, nauunawaan na niya ang layunin ng pag-iral ng mga ito, at ang kaugnayan ng mga ito sa kaniyang pag-unlad. Ang paghanga o pagkamanghang ito ay magbubunga ng kaniyang pagkamalikhain, pag-unawa, at pagiging mapanagutan sa mga bagaybagay sa kaniyang buhay. Nalilinang ang kaniyang kakayahan na makita ang esensiya ng isang upuan at ang pagka-upuan nito, ang narra at ang pagkapuno nito, ang kaniyang guro sa EsP at ang pagka-guro nito.
Ang buod o esensiya na nabuo mula sa mga partikular na bagay na umiiral ay naghihintay ng tugon sa tao. Mula sa mga natuklasan ni Buddha na nagdulot ng kalungkutan at sobrang pagkabagabag sa kaniya, bumuo siya ng mga mahahalagang prinsipyong nararapat isabuhay ng tao upang matigil ang kahirapan. Ang pagtugon niya sa mga sitwasyong nakaantig sa kaniyang kalooban ay mahalagang kilos upang mag-isip at gumawa siya ng mga angkop at mabisang solusyon sa kahirapan. 3. Umiiral na nagmamahal (ens amans). Ang pagtugon ni Buddha ay kilos ng pagmamahal. Ang umiiral na nagmamahal ang pinakamahalagang katangian ng tao bilang persona. Ang ens amans ay salitang Latin na ang kahulugan ay umiiral na nagmamahal. Ang tao ay may kakayahang magmahal dahil ang puso niya ay nakalaang magmahal. Lahat ng mabuting kilos ay kilos ng pagmamahal. Kumikilos ang tao para sa kabutihan dahil siya ay umiiral na nagmamahal. 11
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
`Ang pagmamahal ay galaw ng damdamin patungo sa mga tao at iba pang bagay na may halaga. Ito ang pinakapangunahing kilos dahil nakabatay dito Paano mo ipinamamalas ang lahat ng pagkilos ng tao at ang tunguhin ng lahat ng ang iyong katangian na umiiral na mabuting kilos ay pagmamahal. Halimbawa, napansin nagmamahal? mong tumutulo ang gripo sa palikuran ng inyong paaralan. Nangamba ka na baka lumaki ang bayarin ng paaralan sa tubig, kaya ipinaalam mo ito sa inyong guro upang maipaayos ang gripo. Ang pagmamalasakit mo ay patunay ng iyong pagmamahal, na ipinakita mo sa isang mabuting kilos - ang pagsasabi ng sirang gripo sa inyong guro.
Y P O C D E P E D
Hindi maituturing na bulag ang pagmamahal dahil nakikita ng t aong nagmamahal ang halaga ng minamahal. Kaya hindi totoo ang kasabihang “Love is blind.” Sabi nga ni Blaise Pascal, “May sariling katwiran ang pagmamahal na hindi maunawaan ng mismong katwiran.”
Ang pagmamahal ay isang galaw patungo sa meron (being ) na may halaga at pagpapaunlad ng halaga ng minamahal ayon sa kalikasan nito. Nakikita ng nagmamahal na may halaga ang isang meron tulad ng tao, bagay, at Diyos, at gumagalaw ang pagmamahal na ito tungo sa mas mataas na pagpapahalaga na naaayon sa kalikasan ng minamahal. Ibinibigay ng nagmamahal ang sarili sa minamahal nang walang kondisyon o kapalit. Nagmamahal ka hindi upang baguhin at gawing ibang indibidwal ang iyong minamahal; bagkus, napadadaloy mo ang tunay na siya. Kaya mapaglikha ang pagmamahal kahit hindi madali ang pag-unlad ng minamahal. Sandali lang:
Naisasabuhay mo ba ang tatlong katangian ng pagpapakatao: ang kamalayan sa sarili, kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga umiiral, at umiiral na
nagmamahal? Paano makatutulong ang mga ito sa pagtupad mo sa iyong misyon sa buhay, ang magbibigay sa iyo ng tunay na kaligayahan?
May kilala ka bang personalidad na nagtagumpay dahil isinabuhay niya ang mga katangian ng pagpapakatao? Narito ang apat na halimbawa ng personalidad: sina Cris Valdez, Roger Salvador, Joey Velasco, at Mother Teresa. Sa kaniyang murang edad, nagpamalas ng pagiging personalidad si Cris “Kesz” Valdez. Tumanggap siya ng International Children’s Peace Prize noong 2012 isang pagkilala sa mga kabataang nagpakita ng bukod-tanging paggawa at ideya upang makatulong sa paglutas ng mga suliraning kinakaharap ng mga kabataan sa buong mundo.
12 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Nahubog ang pagka-persona ni Kesz sa kaniyang natuklasang misyon sa buhay - ang pagkalinga sa mga batang lansangan. Binuo niya ang “ Championing Community Children” pagkatapos siyang sagipin bilang batang lansangan ni Harnin Manalaysay. Tinawag nilang “Gifts of Hope” ang ipinamimigay nila na mga tsinelas, laruan, sipilyo, kendi, at iba pa. Tinuruan nila ang mga kabataang ito na maging malinis sa katawan, kumain ng masustansiyang pagkain at ipaglaban ang kanilang mga karapatan. Ipinaunawa rin nila ang kahalagahan ng pagtutulungan at pagtuturo sa isa’t isa upang lumawak ang kanilang kaalaman at kasanayan.
Y P O C D E P E D
Dahil sa kaniyang kakayahan na impluwensiyahan at pamunuan ang mga batang lansangan, nahubog ang pagka-persona ni Kesz. Gamit ang kakayahang kunin ang buod o esensiya ng kahirapang kaniyang kinamulatan, nakita ni Kesz ang kaniyang misyong maging produktibo at makibahagi sa lipunan - sa pamamagitan ng pagkalinga sa mga batang lansangan. Isa rin sa mga nagpunyagi upang maging personalidad si Roger Salvador, isang magsasaka na taga Jones, Isabela. Nagpasiya siyang sakahin ang lupaing minana niya sa kaniyang mga magulang pagkatapos mamasukan sa isang bangko. Dahil kulang ang kasanayan sa pagtatanim at pag-aalaga ng baboy at manok, nagsaliksik at kumunsulta siya sa mga teknikong pang-agrikultura.
Dahil sa kaniyang dedikasyon sa trabaho at pagiging bukas sa mga bagong kaalaman, napili siyang Farmer-Leader Extensionist ng Local Government Unit ng Jones, Isabela. Tinuruan din niya ang kapwa magsasaka ng iba’t ibang istratehiya at makabagong teknolohiya sa agrikultura. Dahil dito, umani siya ng maraming pagkilala at parangal. Hinirang siyang “ Most Outstanding Corn Farmer ” ng Rehiyon 2, Finalist sa National Level ng Gawad Saka Search, at “Most Outstanding Isabelino.” Itinalaga siya sa iba’t ibang katungkulan upang pamunuan at matulungang umunlad ang kapwa magsasaka. Kinilala siya bilang Farmer-Scientist ng mani sa Cagayan Valley Agriculture Resources Research and Development (CVARRD). Isa siya sa mga Pilipinong tumanggap ng Asha Variety ng mani noong 2006 mula sa pangulo ng India. Dahil sa pagtaguyod niya nang mapanagutan sa kaniyang pamilya naging matagumpay ang kaniyang mga anak. Bilang mamamayan, naitaas niya ang antas ng kabuhayan ng kaniyang kapuwa magsasaka. Dahil sa kaniyang pagtitiyaga, pagsisikap, at pananampalataya sa Diyos, nalampasan niya ang kahirapan, tumugon siya sa tawag ng pagmamahal, at nakamit ang tagumpay sa buhay. 13
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Sa larangan ng sining, naging tapat sa kaniyang natuklasang misyon ang personalidad na si Joey Velasco. Umani ng paghanga ang kaniyang mga painting sa Pilipinas at sa buong mundo dahil sa espiritwal na paraan ng pagpapahayag ng mga ito ng kawalan ng katarungan sa lipunan. Nakaaantig ang mga larawan sa kaniyang canvass - tila humihingi ng tugon at aksiyon para sa panlipunang pagbabago. Ang “Hapag ng Pag-asa,” ang kaniyang bersiyon ng Huling Hapunan, ay naglalarawan kay Hesus na kasama ang mga batang lansangan, sa halip na mga Apostoles.
Y P O C D E P E D
Ano ang nag-udyok kay Joey upang ituon ang kaniyang canvass sa mga batang lansangan? Nagkaroon siya ng malaking bukol sa bato (kidney ) noong siya ay tatlumpo’t walong gulang. Bagamat tagumpay ang kaniyang operasyon, nakaramdam siya ng labis na kalungkutan at matinding takot sa muntik niyang pagkamatay. Pagkatapos siyang magkulong sa kaniyang silid nang matagal upang manalangin at magnilay, nagkaroon ng linaw ang layunin ng kaniyang buhay at naging positibo ang pananaw niya sa kamatayan. Dito siya nagsimulang magpinta ng mga kamangha-manghang larawan. Naunawaan niya na siya at ang kaniyang talento ay instrumento upang maiparating ng Diyos ang kaniyang mga mensahe. Tinanggap ni Joey ang misyong imulat ang mga tao sa kanilang kamalian at pagkukulang na sanhi ng kahirapan at inhustisya sa bansa sa pamamgitan ng kaniyang mga obra maestra. Ipinamalas niya ang pagmamahal at pagkalinga sa mga batang lansangan lalo na sa mga may sakit sa pag-iisip. Binigyan niya ng bahay sa Gawad Kalinga Village at disenteng pamumuhay ang mga batang lansangan na ginamit niyang modelo sa kaniyang pinintang Hapag ng Pag-asa. Umani ng maraming parangal at gantimpala ang kaniyang mga likha at ang kaniyang paglilingkod. Pumanaw si Velasco dahil sa kumplikasyon sa bato sa edad na 43 noong Hulyo 2010 habang patuloy pa rin ang pagtulong sa mga bata. Isa ring personalidad si Mother Teresa ng Calcutta, isang madre na nagpakita ng napakalalim na antas ng pagmamalasakit sa mga mahihirap. Sobra siyang naapektuhan sa nakita niyang kahirapan ng mga tao lalo na sa mga pulubi na namamatay dahil sa matinding gutom at pagkakasakit sa lansangan. Sa kaniyang pagninilay, narinig niya ang tawag ng paglingkod sa labas ng kumbento – ang tulungan ang mga batang napabayaan, mga taong hindi minahal, at mga maysakit na hindi inalagaan. Ginamit niya ang kaniyang kaalaman sa panggagamot at kakayahan sa pagtuturo upang tugunan ang 14 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
pangangailangang pisikal at espiritwal ng mga mahihirap. Ipinadama niya sa kanila ang tunay na pagmamahal at pagpapahalaga na nararapat sa tao. Nagtatag siya ng maraming kongregasyon ng mga misyonerong nakibahagi sa kaniyang adhikaing marating ng kalinga ang mga pinakamahirap na tao sa iba’t ibang sulok ng mundo. Nakabuo siya ng 610 foundation sa 123 bansa sa buong mundo. Kinilala si Mother Teresa sa kaniyang mga gawain kung kaya’t ginawaran siya ng iba’t ibang parangal, ang pinakamalaki ay Nobel Peace Prize noong 1979. Hanggang sa huling hininga ng kaniyang buhay ay hindi bumitiw sa kaniyang tungkulin. Namatay siya noong September 5, 1997 at hindi nagtagal ang kaniyang puntod ay naging lugar ng pagdarasal at paglalakbay ng mga taong may iba’t ibang pananampalataya, mga mayayaman, at mga mahihirap. Tumanggap si Mother Teresa ng canonization noong December 20, 2002 at hindi magtatagal magiging ganap na siyang santa.
Y P O C D E P E D
Mahalagang maunawaan ng tao ang mensahe ng mga pangyayari sa kaniyang buhay at kapaligiran (kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga umiiral ) upang makilala ang mga hakbang sa pagtugon sa tawag ng pagmamahal (umiiral na nagmamahal ) gamit ang kaniyang mga talento at kakayahan ( kamalayan sa sarili). Ang pagsasabuhay sa mga katangian ng pagpapakatao ay makatutulong sa pagtupad niya ng kaniyang misyon sa buhay na magbibigay sa kaniya ng tunay na kaligayahan.
Makikita sa mga halimbawa ang pag-unlad ng pagkatao ng apat na tao sa iba’t ibang larangan - bilang indibidwal tungo sa pagiging persona, hanggang marating ang yugto ng personalidad . Mula sa pagiging indibidwal, nahubog niya ang pagkabukodtangi niya bilang persona tungo sa pagiging personalidad . Hindi madali ang pagpapakatao. Kung patuloy ang pagsisikap na paglabanan ang mga tukso at kahinaan, gabay ang pananampalataya sa Diyos, mararating ng bawat isa ang pagiging personalidad. Kaya mahalaga ang pagtukoy natin ng ating misyon, gawin ang mga angkop na hakbang sa pagtupad nito upang makatugon tayo sa tawag ng pagmamahal. Tayahin ang Iyong Pag-unawa
Panuto: Sagutin ang sumusunod sa kuwaderno. 1. Paano naipakita ni Kesz Valdez ang kamalayan sa sarili? Ipaliwanag. 2. Maituturing bang personalidad si Kap Roger? Pangatwiranan. 3. Naipahayag ba ni Joey Velasco ang kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga umiiral? Pangatwiranan. 4. Patunayan: Ang buhay ni Mother Teresa ay ginugol sa pagmamahal. 15 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
5. Ipaliwanag ang mga yugto ng pagpapakatao gamit ang halimbawa ng isang tao na itinuturing mong isang personalidad. Banggitin ang mga hamong kinaharap niya sa buhay at paano niya nalampasan ang mga ito. 6. Paano naipakita ng tao sa Bilang 5 ang sumusunod? a. Kamalayan sa sarili b. Kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga umiiral c. Umiiral na nagmamahal
Paghinuha ng Batayang Konsepto
Y P O C D E P E D
Panuto: Mula sa iyong mga pagkatuto sa babasahin, tapusin ang sinimulang pangungusap upang mabuo ang Batayang Konsepto.
Ang pag-unlad sa mga katangian __________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________.
Pag-uugnay ng Batayang Konsepto sa Pag-unlad ko Bilang Tao
1. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa aking pag-unlad bilang tao? 2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto sa modyul na ito?
E. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO
Pagganap Gawain 4
Panuto: Paano mo maipamamalas ang tatlong katangian ng pagpapakatao sa iba’t ibang papel na ginagampanan mo sa buhay? Sundin ang sumusunod na hakbang. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. 1. Balikan ang nabuo mong PPMB sa Gawain 2. Isulat ito sa patlang sa itaas ng matrix ng Plano ng Pagsasabuhay ng Aking Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB). Sundan ang halimbawa sa pahina 17. 2. Balikan ang mga impormasyong tinukoy mo sa Gawain 3 - ang mga papel na ginagampanan mo sa buhay at mga gawain para maisakatuparan ang bawat 16 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
papel. Isulat ang mga ito sa Kolum 1 at 2 ng matrix ng Plano ng Pagsasabuhay ng Aking Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB). Isulat sa Kolum 3 ang bilang ng oras na ilalaan mo sa pagtupad ng bawat gawain. Gabay mo ang halimbawa. Halimbawa: PPMB ni Gng. Mary Jean Rivera: Isang mapagmalasakit na lider at tagapagdaloy ng mga pagkatuto ng mga mag-aaral at guro tungo sa pagbuo ng isang pamayanang patuloy na nagpapaunlad ng mga kaaalaman ( community of learners) at ng pananampalataya sa Diyos.
Y P O C D E P E D
Plano ng Pagsasabuhay ng Aking Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB)
Ang Aking mga Papel sa Buhay Mabuting anak ng Diyos
Mga Gawain sa Bawat Papel
•
•
Mapagkalingang ina
•
•
•
Mahusay na guro ng ESP
•
•
•
•
•
Pagtatalaga ng regular na prayer time sa isang tahimik na lugar
Pagsimba nang regular kasama ang pamilya
Pagsubaybay at pagtuturo sa mga anak ng takdang-aralin Pagtulong sa asawa sa paghahanapbuhay upang maitaguyod ang mga pangangailangan ng mga anak Pagbibigay ng regular na panahon para makapiling ang mga anak Pag-aaral sa kalikasan, kalakasan, at kahinaan ng mag-aaral upang mailapat ang angkop na paraan ng pagkakalinga at pagtuturo sa kanila Paghahanda ng banghay-aralin na angkop sa paksang ituturo Pagsasagawa at pagdalo sa mga seminar upang mapaunlad ang pagunawa at kasanayan sa mga bagong kaalaman at teknolohiya tungkol sa pagtuturo-pagkatuto Pagbuo ng malinaw na career plan upang maiangat ang mga kasanayan at matupad ang pangarap Paglalaan ng regular na panahon sa pagninilay gamit ang journal
Panahon para sa Bawat Gawain •
•
•
•
•
•
•
•
•
•
20 minuto sa madaling-araw at sa gabi bago matulog Tuwing linggo
2 na oras arawaraw 6 na aros arawaraw
Araw-araw Sa bawat libreng oras
2 oras arawaraw 1 oras bawat buwan
Sa simula ng semester Tuwing gabi
17 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Mapanagutang mamamayan
•
•
Pakikibahagi sa mga gawaing pampamayanan Pagtulong sa pagsasanay ng mga facilitator ng mga proyekto para sa kabataan
•
•
2 oras sa isang linggo 1 oras sa bawat buwan
Narito ang pormat na susundin mo: Ang aking PPMB: ____________________________________________________
Y P O C D E P E D
___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ Plano ng Pagsasabuhay ng Aking Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB)
Ang Aking mga Papel sa Buhay
1.
Panahon para sa Bawat Gawain
Mga Gawain sa Bawat Papel
•
•
•
•
•
•
Pagninilay Gawain 5
Panuto: Sagutin ang sumusunod sa iyong journal:
1. Ano-anong talento ko ang hindi ko pa lubos na nagagamit para sa paghahanda sa kolehiyo? para sa paglilingkod sa aking kapuwa? Ano-ano ang maaari kong gawin upang mapaunlad ang mga ito?
2. Nag-aalay ba ako ng regular na panahon para sa pagninilay para suriin ang sarili? para sa panalangin? Kung oo, ano-ano ang mga kabutihang naging resulta ng pagninilay na ito? Kung hindi, ano-ano ang dapat kong simulang gawin upang umunlad ako sa tatlong katangian ng pagpapakatao?
18 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Pagsasabuhay Gawain 6 Panuto: 1. Paano mo mapauunlad ang mga katangian ng pagpapakatao sa iyong sarili? Gabay ang binuo mong Plano ng Pagsasabuhay ng Aking Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (PPMB), gumawa ng konkretong plano gamit ang tsart sa ibaba. 2. Markahan ng tsek (a) kung ang isinulat na plano ay naisakatuparan at ekis (x) kung hindi. 3. Ipagpatuloy ang gawaing ito sa loob ng isang buwan. Palagdaan sa magulang at guro ang bawat tsart sa katapusan ng linggo bilang katibayan ng katapatan ng
Y P O C D E P E D ginawang pagtataya sa sarili.
Buwan : ______________ Bilang ng Linggo : ______ Araw
Oras
Lunes
Mga Gawain
Nagawa?
Mga Puna
6:00-10:00
10:00-12:00 1:00-3:00
3:00-5:00 5:00-8:00
Martes
6:00-10:00
10:00-12:00 1:00-3:00
3:00-5:00 5:00-8:00
Miyerkules
6:00-10:00
10:00-12:00 1:00-3:00
3:00-5:00 5:00-8:00
Huwebes
6:00-10:00
10:00-12:00 1:00-3:00
3:00-5:00 5:00-8:00
Biyernes
6:00-10:00
10:00-12:00 1:00-3:00
3:00-5:00 5:00-8:00
Sabado Linggo _________________________
_________________________
Lagda ng Mag-aaral
Lagda ng Magulang 19
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Mga Kakailanganing Kagamitan ( websites, software, mga aklat, worksheet ) Mga Sanggunian: Covey, S. (1989). The 7 Habits of Highly Effective People. Melbourne: McPherson’s Printing Group. Dy, M.Jr. (2013). Ang Pagtuturo ng Pilosopiya sa K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao. Kaisipan, 1(1) 18- 27
Y P O C D E P E D
Dy, M. Jr. (2012). Philosophy of Man: Selected Readings. Makati City: Katha Publishing Company, Inc.
Moga, M. (2005). The Enduring Questions: An Introduction to Philosophy . Makati City: St Pauls. Morato, E Jr. (2007). Self Mastery . Quezon City: Rex Printing Company, Inc..
Scheler, M. (1974). Man’s Place in Nature. (Translated by Hans Meyerhoff). New York: The Noonday Press.
Scheler, M. (1974). “Ordo Amoris”: Selected Philosophical Essays. Illinois: Northwestern University Press. Mula sa Internet:
Dy, Jr., Manuel. Phenomenology of Love. Retrieved from http://books.google.com.ph/ books?id=- on November 11, 2014. _____________. Ang Walong Landas ng Katotohanan. Retrieved from http:// tl.answers.com/Q/Ano_ang_walong_landas_ng_katotohanan on December 05, 2014. Gellman, R.M, & Hartman, M.T. The Eightfold Path of Buddhism. Retrieved from http://www.dumm,ies.com/how-to/content/the-eightfold-path-of-buddhism.html on December 05, 2014.
20 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Unang Markahan
MODYUL 2: ANG MATAAS NA GAMIT AT TUNGUHIN NG ISIP AT KILOS-LOOB A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO? Bilang persona, ano-ano ang ginagawa mo upang malinang ang iyong pagkasino? Ikaw ay isang obra maestra ng Diyos sapagka’t ikaw ay nilikhang kawangis Niya. May epekto ba ang katagang ito sa iyo? Ang katagang ito ay isang pampukaw at isang hamon sa tao sa pangkalahatan kung nagagawa niyang kumilos ayon sa pagkakalikha sa kanya … ang magpakatao. Higit kanino man, ang tao ang inaasahang may malaking papel na gagampanan sa mundong kaniyang kinaroroonan at ginagalawan. Mahalaga rito ang gagawin niya sa kaniyang sariling pagkatao bilang persona upang tuluyang makamit ang kaniyang pagiging personalidad.
Y P O C D E P E D
Bagama’t sinasabing madaling maging tao ngunit mahirap magpakatao, hindi sinasabing hindi ito kayang gawin ng tao. Sa Baitang 7 ng Edukasyon sa Pagpapakatao, naging malinaw sa iyo na ang tao ay natatanging nilikhang nabubuhay sa mundo. Ano ba ang nagpapabukod-tangi sa tao sa ibang nilikhang may buhay upang makamit niya ang layunin ng pagkakalikha sa kaniya bilang tao? Sa kaniyang pag-iisip, pagpapasiya, at pagkilos, nagiging bukodtangi ang tao.
Sa modyul na ito babalikan mong muli ang taglay mong kakayahan bilang tao upang matugunan mo ang hamon ng pagpapakatao. Paano mo nga ba gagamitin ang kakayahan na itinuturing pa ngang isang kapangyarihan? Tuklasin mo ang mahalagang perlas ng karunungang inihanda para sa iyo sa pagpapatuloy ng iyong pag-aaral ng modyul na ito. Inaasahang masasagot ang mahalagang tanong na: Paano dapat gamitin ang isip at kilos-loob ng tao? Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa: 2.1 Natutukoy ang gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob sa angkop na sitwasyon 2.2 Nasusuri kung ginamit nang tama ang isip at kilos-loob ayon sa tunguhin ng mga ito 2.3 Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin 2.4 Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang katotohanang maglingkod at magmahal 21
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Kakayahang Pampagkatuto 2.4: a. b. c. d.
Nakagawa ng paglilingkod sa kapuwa araw-araw sa loob ng isang linggo Naitala ang mga paraan ng ginawang paglilingkod gamit ang ibinigay na pormat May patunay ng pagsasakatuparan ng paglilingkod May kalakip na pagninilay
Bago simulan ang pagtalakay sa mga paksang susunod, mabuting sagutan ang maikling pagtataya bilang sukatan ng iyong mga kaalaman. Halika, simulan mo na!
Y P O C D E P E D Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang mga sagot sa iyong kuwaderno. 1. Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan? a. mag-isip b. makaunawa c. maghusga d. mangatwiran Para sa bilang 2 at 3
Si Rona ay mahilig sa tsokolate subalit nang nagkaroon siya ng sakit na diabetes naging maingat na siya sa pagpili ng kaniyang kinakain kahit gustong-gusto niya nito. 2.
Bakit kaya ni Rona na kontrolin ang sarili at ang udyok ng kaniyang damdamin? a. ang tao ay may kamalayan sa sarili b. malaya ang taong pumili o hindi pumili c. may kakayahan ang taong mangatwiran d. may kakayahan ang taong mag-abstraksiyon
3. Ano ang mensaheng mabubuo tungkol sa kakayahan ng tao sa sitwasyong ito? a. magagawa ng taong kontrolin ang kaniyang pandamdam at emosyon at ilagay ang paggamit nito sa tamang direksiyon b. ang tao ang namamahala sa kaniyang sarili at walang ibang makapagdidikta sa kaniya ng kailangan niyang gawin c. kailangang maging maingat ang tao sa pagpili ng kaniyang kakainin upang maiwasan ang pagkakasakit d. hindi maaaring pantayan ng hayop ang kakayahang taglay ng tao kaya nga ang tao ay natatangi 22 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
4. “Ibinibigay ng isip ang katuwiran bilang isang kakayahan upang maipluwensiyahan ang kilos-loob.” Ano ang kahulugan nito? a. walang sariling paninindigan ang kilos-loob b. nakadepende ang kilos-loob sa ibinibigay na impormasyon ng isip c. kailangang maging matalino ang isip sa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti d. hindi maaaring maghiwalay ang isip at ang kilos-loob dahil magkakaugnay ang mga ito
Y P O C D E P E D
5. Kung ang pandama ay depektibo nagkakaroon ito ng epekto sa isip. Tama ba o mali ang pahayag? a. Tama, dahil ang isip ay may koneksiyon sa pandama b. Tama, dahil ang pandama ang nagbibigay kaalaman sa isip c. Mali, dahil magkahiwalay ang pandama na kakayahan at isip d. Mali, dahil may taglay na kakayahan ang isip upang salain ang impormasyon na naihahatid dito
6. “Ang katotohanan ay ang tahanan ng mga katoto,” ayon kay Fr. Roque Ferriols. Ano ang ibig sabihin nito? a. ang katotohanan ay masusumpungan sa loob ng tahanan kung sama-samang hinahanap ito b. ang katoto ay mga taong magkakasama sa tahanan c. may kasama ako na makakita sa katotohanan d. ang katotohanan ay nakikita ng mga tao 7. Ano ang nagtutulak sa taong maglingkod at tumulong sa kapuwa? a. kakayahang mag-abstraksiyon b. kamalayan sa sarili c. pagmamalasakit d. pagmamahal
8. Nabibigyang kahulugan ng isip ang isang sitwasyon dahil sa kamalayan at kakayahang mag-abstraksiyon. Kapag nabigyan ng kahulugan ang isang bagay o sitwasyon nagkakaroon ito ng tawag ( calling ) sa tao na dapat tugunan. Ano ang kaisipan mula rito? a. nagkakaroon ng kabuluhan ang mabuhay sa mundo b. nabibigyang daan nito ang pagtulong sa kapuwa c. napauunlad nito ang kakayahang mag-isip d. nagkakaroon ng pagpipilian ang kilos-loob
23 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
9. Ano ang tawag kapag tumugon ang tao sa obhetibong hinihingi ng sitwasyon? a. pagmamahal b. paglilingkod c. hustisya d. respeto 10. Ang hayop ay may kamalayan sa kaniyang kapaligiran dahil may matalas itong kakayahan upang kilalanin ang bagay na nakikita, tunog, o amoy ng kaniyang paligid lalo na kung ito ay may kaugnayan sa kaniyang buhay. Mayroon din itong pakiramdam sa kung ano ang mabuti at masama para sa kaniyang kabutihan o kapakanan. Mula sa mga pahayag para saan ang kakayahang ito ng hayop? a. kailangang makita ang kakayahan ng hayop upang pahalagahan sila b. ang kumilos upang pangalagaan o protektahan ang kaniyang sarili c. mapaunlad ng hayop ang mga kakayahang ito d. upang maihalintulad ito sa kakayahan ng tao
Y P O C D E P E D B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Gawain 1
Panuto: Tunghayan ang dalawang larawan at sagutan ang mga tanong at gawain sa ibaba nito. Gawin ito sa inyong kuwaderno.
Tanong
Tao
Hayop
1. Ano ang mayroon sa bawat isa upang makita ang babala? 2. Ano ang kakayahang taglay ng bawat isa upang maunawaan ang sinasabi ng babala? 24 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
3. Ano ang kakayahang taglay ng bawat isa upang sundin ang sinasabi ng babala? 4. Ano ang inaasahang magiging tugon ng bawat isa sa babala? 5. Saan binatay ang pagtugon ng bawat isa sa babala? Ipaliwanag.
Y P O C D E P E D Batay sa iyong mga naging sagot sa gawaing ito, sagutin ang sumusunod: 1. 2. 3. 4.
Ano ang pagkakatulad ng hayop at tao? Ano ang pagkakaiba ng hayop at tao? Paano kumilos ang hayop? Ang tao? Ano ang natuklasan mo tungkol sa hayop at sa tao batay sa pagsusuri ng mga larawan?
Paano kaya ginagamit ng tao ang kaniyang pandama na kakayahan, emosyon, at ang kaniyang isip at kilos-loob? Upang mas lalo mo pang maunawaan ang kayang magawa ng tao dahil sa kaniyang kakayahang taglay, ipagpatuloy mong gawin ang susunod na gawain para sa iyo.
Gawain 2A
Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Ipagpalagay mo na isa ka sa mga tauhan sa bawat sitwasyon. Sagutan ang mga tanong sa inyong kuwaderno. Humanap ng kapareha at ibahagi ito sa kaniya.
Sitwasyon 1
Magkakasama Magkakasamakayo kayo ng ngmga ilankaklase sa iyong mo na mga kumakain kaklasesana kantina. kumakain Masaya sa kayong kantina. Masaya kayong nagkukuwentuhan nang biglang napunta ang kay usapan kay nagkukuwentuhan nang biglang napunta ang usapan tungkol Liza,tungkol isa rin sa Liza, isakaklase. rin sa inyong Walaninyo siya sa grupo nang orassana Ayon inyong Wala kaklase. siya sa grupo nang orasninyo na iyon. Ayon isaiyon. ninyong sa isa ninyong kasama, nakikipagrelasyon ito sa lalaking may asawa. kasama, nakikipagrelasyon ito sa isang lalaking mayisang asawa. Kapitbahay ninyo Kapitbahay ninyo si Liza. si Liza.
25 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Mga Tanong sa Sitwasyon 1 1. 2.
Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito? Ano ang magiging epekto ng gagawin mo sa mga kaklase mong nagkukuwentuhan tungkol kay Liza? 3. Ano ang magiging epekto kay Liza ng gagawin mo? 4. Ano ang magiging epekto sa iyo ng gagawin mo? 5. Babaguhin mo ba ang naging pasiya mo? Bakit oo? Bakit hindi? Sitwasyon 2
Y P O C D E P E D
May inirekomendang pelikula ang matalik mong kaibigan na dapat mo raw panoorin dahil maganda ito ayon sa kaniya. Mag-isa kang nanonood nito sa inyong bahay ngunit sa kalagitnaan ng pelikula, may isiningit pala na malaswang eksena (pornograpiya).
Mga Tanong sa Sitwasyon 2 1. 2. 3. 4.
Ano ang gagawin mo sa pagkakataong ito? Ano ang magiging epekto sa iyo ng gagawin mo? May epekto rin ba sa ibang tao ang gagawin mo? Kanino? Pangatwiranan. Gagawin mo pa rin ba ang iyong piniling gawin? Bakit?
Sitwasyon 3
Sinisiraan ka ng iyong kaibigan sa crush mo. Natuklasan mo na kaya niya ginawa ito ay dahil crush din pala niya ang crush mo. Mga Tanong sa Sitwasyon 3:
1. Ano ang mararamdaman mo sa pangyayaring ito? 2. Ano ang gagawin mo sa kaibigan mo? May kaugnayan ba ito sa iyong nararamdaman o emosyon? 3. Ano ang magiging epekto nito sa kaibigan mo? 4. Ano ang magiging epekto nito sa iyo? 5. Papalitan mo ba ang iyong piniling gagawin?
26 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Gawain 2B Batay sa naging sagot mo sa tatlong sitwasyon, tukuyin kung ano ang pinaggamitan ng iyong isip at kilos-loob sa bawat sitwasyon. Punan ang tsart sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Para saan ginamit ang: Sitwasyon Isip
Kilos-loob
Y P O C D E P E D 1. 2. 3.
C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN, AT PAG-UNAWA
Gawain 3
Panuto: Basahin ang usapan sa pagitan ng magkaibigang Buknoy at Tikboy.
Tunghayan mo kung paano sila nagbigay ng katuwiran kung tama bang mangopya sa pagsusulit o hindi. Pag-aralan ang argumento na kanilang ibinigay at ang salungat na argumento na nakasulat sa una at ikalawang hanay. Ibigay ang iyong reaksiyon. Isulat ito sa ikatlong hanay. Sagutan ang mga tanong pagkatapos nito.
BUKNOY AT TIKBOY
Buknoy at Tikboy
Ang tanong ko kasi sa sarili
Sa klase namin kanina, nag-
ko, alin ba ang dapat? Gawin
iisip ako kung mangongopya
ang tama at bumagsak, o
ba ako sa pagsusulit o hindi.
gawin ang mali at pumasa?
27 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Pero sino nga ba ang hindi nandaraya? Bagama’t walang kasiyahan sa
Halos karamihan kung hindi man lahat ay
hindi pinagpagurang tagumpay,
nag-aakala na maaari niyang balewalain
gayundin naman sa bagsak na
ang alituntuning ito. Pero, makatuwiran ba
grado.
itong dahilan para mangopya?
Y P O C D E P E D Pero para sa ibang
Iniisip ko, hindi naman malaking
bagay ang pangongopya, di ba? Wala
namang taong masasaktan o siguro nga binibigyan ko lang ng katuwiran ang
tao, mas mahalaga
‘Yan nga ang dahilan kaya
ang tagumpay
magulo ang buhay, di ba?
kaysa sa prinsipyo.
Dilemma talaga, pumipili
ka sa dalawang bagay na
takot kong harapin ang kahihinatnan ng
hindi kaaya-aya.
hindi ko pagbabalik-aral.
Kung sabagay, ang
Wala, hangang sa
tumunog na ang bell
Eh... ano ang
kaya ipinasa ko na
ginawa mo?
ang aking papel na
makilala ang moral na isyu ay isa ng tagumpay.
Hindi lang
kasi tama ang mangopya
sa anumang
asignaturang
blanko.
28 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Unang Argumento
Pangongopya: Walang kasiyahan sa pagkakaroon ng bagsak na grado.
Salungat na Argumento
Reaksiyon
Walang kasiyahan sa tagumpay na hindi pinagpaguran.
Y P O C D E P E D Ikalawang Argumento
Pero sino nga ba ang hindi nandaraya? Halos karamihan kung hindi man lahat, ay nag-aakala na maaari nilang balewalain ang alituntuning ito.
Ikatlong Argumento
Maliit na bagay lang ang pangongopya. Wala namang taong nasasaktan.
Salungat na Argumento
Reaksiyon
Pero, makatuwiran ba itong dahilan ng aking pagkopya?
Salungat na Argumento
Reaksiyon
Marahil binibigyan ko lang ng katwiran ang takot kong harapin ang kahihinatnan ng hindi ko pagbalik-aral ng leksiyon.
Ikaapat na Argumento
Salungat na Argumento
Para sa ibang tao, mas mahalaga ang tagumpay kaysa sa prinsipyo.
Iyan nga ang dahilan kaya magulo ang buhay, di ba?
Reaksiyon
Hinango at isinalin mula sa aklat ni Astorga, C. Living the Faith Option: Christian Morality. Christian Life Education Series. FNB Educational, Inc.
29 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Mga Tanong: 1. Ano ang natuklasan mo sa gawaing ito tungkol sa kakayahan ng iyong isip? 2. Ano ang pinagbatayan mo ng iyong pangangatuwirang ibinigay sa reaksiyon? Paano nito maapektuhan ang iyong kilos-loob? 3. Sang-ayon ka ba sa sinabi ni Tikboy na maling mangopya sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao lamang ? Bakit? 4. Totoo ba na walang taong naaapektuhan sa pangongopya ng iba? Ipaliwanag. 5. Makatarungan ba para sa iba ang pangongopya ng ilan? Pangatwiranan.
Y P O C D E P E D D. PAGPAPALALIM
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay
Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip (Intellect ) at Kilos-Loob (Will )
Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na kaniyang obra maestra. Naalaala mo ba ang linyang ito sa Baitang 7 ng Edukasyon sa Pagpapakatao? Ano ba ang pagkaunawa mo sa kahulugan nito?
Ang pagkakalikha ayon sa wangis ng Diyos ay nangangahulugan na ang tao ay may mga katangiang tulad ng katangiang taglay Niya. Binigyan Niya ang tao ng kakayahang mag-isip, pumili, at gumusto. Ang tao ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Ang kaniyang konsensiya ay indikasyon ng naturang orihinal na katayuang ito. Ang kakayahang gumawa ng malayang pagpili ay isa pang sumasalamin sa paglalang sa tao na kawangis ng Diyos. Ang mga katangian at kakayahang ito ang nagpapaiba sa tao sa iba pang nilikha ng Diyos. Mahalagang maging malinaw sa iyo ang pagkakaiba mo bilang tao sa hayop at maging matatag ang pagkaunawa rito upang mabigyang direksiyon ang iyong kilos at malinang kung sino ka bilang tao. Isang
mahalagang
konsepto
na
iyong
nalaman tungkol sa pagkakaiba ng tao ng hayop sa Modyul 1 ay ang kaalamang ikaw, bilang tao ay nilikhang hindi tapos – di tulad sa hayop. Ibig sabihin, ang hayop ay walang pinaghahandaang kinabukasan sapagkat sa kapanganakan pa lamang, tukoy na kung ano siya sa kaniyang paglaki. 30 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Bakit sinasabing hindi nilikhang tapos ang tao? Sapagkat walang sinuman ang nakaaalam kung ano ang kahihinatnan niya mula sa kaniyang kapanganakan, o magiging sino siya sa kaniyang paglaki. Siya ay may pinaghahandaang kinabukasan na siya mismo ang lililok para sa kaniyang sarili. Kaya nga patuloy ang pagkilos ng bawat tao patungo sa paghahanap ng mga piraso na makatutulong upang siya ay maging TAPOS. Bakit may kakayahan ang taong buuin ang kaniyang sariling pagkatao? Balikan natin ang kakayahang taglay ng tao. Bagama’t may mga kakayahan
Y P O C D E P E D
siyang taglay rin ng hayop, nagkakaiba ang paraan kung paano ito ginagamit sa ibang pagkakataon. Ayon sa pilosopiya ni Santo Tomas de Aquino, ang tao ay binubuo ng ispiritwal at materyal na kalikasan. Kakabit ng kalikasang ito ay ang dalawang kakayahan ng tao. (E. Esteban, 1990, ph.48)
1. Ang pangkaalamang pakultad (knowing faculty ) dahil sa kaniyang panlabas at panloob na pandama at dahil sa isip kaya’t siya ay nakauunawa, naghuhusga, at nangangatwiran
2. Ang pagkagustong pakultad (appetitive faculty ) dahil sa mga emosyon at dahil sa kilos-loob
Ipinakita ito ni Esteban gamit ang tsart sa ibaba:
Ang Kabuuang Kalikasan ng Tao
Kalikasan ng Tao
Pangkaalamang Pakultad
Pagkagustong Pakultad
Materyal (Katawan)
Panlabas na Pandama Panloob na Pandama
Emosyon
Ispiritwal (Kaluluwa) (Rasyonal)
Isip
Kilos-loob
Nakaaalam ang tao hindi lang dahil sa kaniyang isip kundi dahil din sa kaniyang
pandama. Sa pamamagitan ng mga panlabas na pandama-, ang paningin, pandinig, pandama, pang-amoy, at panlasa, nagkakaroon ang tao ng direktang ugnayan sa reyalidad. Ang reyalidad ang siyang nagpapakilos sa kapangyarihan o kakayahang makaalam.
31 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ang mga panloob na pandama naman ay ang: kamalayan, memorya, imahinasyon, at instinct . Kamalayan – pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod at nakapaguunawa Memorya – kakayahang kilalanin at alalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasan Imahinasyon – kakayahang lumikha ng larawan sa kaniyang isip at palawakin ito Instinct – kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon nang hindi dumaan sa katwiran
Y P O C D E P E D
Ang panloob na pandama ay walang direktang ugnayan sa reyalidad kaya’t dumidepende lamang ito sa impormasyong hatid ng panlabas na pandama. Mula sa impormasyong hatid ng mga panlabas na pandama na kakayahang ito, napupukaw, at kumikilos ang pagkagustong pakultad sapagkat sa bawat pagkilos ng kaalaman, nagbubunga ito ng pagkapukaw ng emosyon. Sa bahaging ito makikitang may tatlong kakayahan na nagkakapareho sa
hayop at sa tao ayon kay Robert Edward Brenan: ang pandama na pumupukaw sa kaalaman, pagkagusto (appetite) na pinagmumulan ng pakiramdam at emosyon, at ang pagkilos o paggalaw (locomotion). Bagama’t parehong taglay ng tao at hayop ang mga kakayahan, nagkakaiba ang paraan kung paano nila ginagamit ang mga ito. Masasabing ang hayop ay may kamalayan sa kaniyang kapaligiran dahil sa may matalas siyang pakultad o kakayahan upang kilalanin ang bagay na nakikita, tunog o kaya’y amoy ng kaniyang paligid lalo na kung ito ay may kaugnayan sa kaniyang buhay. Mayroon din itong pakiramdam sa kung ano ang mabuti at masama para sa kaniyang kabutihan o kapakanan. May kakayahan din itong gumawa ng paraan upang makuha ang kaniyang ninanais. Samakatwid, ang mga kakayahang ito ng hayop ay ginagamit nang walang ibang kahulugan sa kaniya kundi upang kumilos para pangalagaan o protektahan ang kaniyang sarili. Dito naiiba ang tao sa hayop dahil bukod sa pandama, Kung ang pandama ang tao ay may isip hindi lamang upang makaalam kundi ay depektibo, upang makaunawa at maghusga. Ang makaunawa ay ang nagkakaroon ito ng kakayahang makakuha ng buod ng karanasan at makabuo epekto sa isip. ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan. Ang maghusga ay ang kakayahang mangatwiran. Mayroon din siyang malayang kilos-loob bukod sa damdamin at emosyon upang magnais o umayaw. Nangangahulugan itong dahil may isip at kilos-loob ang tao, magagawa niyang pigilin ang pandama at emosyon at mailagay ang paggamit nito sa tamang direksyon. Maaaring piliin ng tao ang kaniyang titingnan o kaya’y pakikinggan at maaari niyang pigilin ang kaniyang emosyon upang hindi ito makasama sa kaniya at sa pakikitungo niya sa iba. Ito ang binanggit noong 32 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
ikaw ay nasa Baitang 7 na kakayahang taglay ng tao na nagpapabukod-tangi sa kaniya sa iba pang nilikha. Isip Bigyang-linaw natin ang kabuuang kalikasan ng tao upang lubos itong maunawaan. Ayon sa paliwanag ni De Torre (1980), ang kaalaman o
Y P O C D E P E D
impormasyong nakalap ng pandama ng tao ay pinalalawak at inihahatid sa isip upang magkaroon ito ng mas malalim na kahulugan. Nangangahulugan lamang na magsisimulang gumana ang isip kapag nalinang na ang pandama ng tao. Ang isip ay walang taglay na kaalaman o ideya mula sa kapanganakan ng tao. Nakukuha niya ito sa ugnayan niya sa reyalidad sa pamamagitan ng mga panlabas na pandama. Samakatwid ang kakayahang ito na nakakabit sa materyal na katawan ang nagbibigay ng kaalaman sa isip. Kung ang pandama ay depektibo, nagkakaroon ito ng epekto sa isip.
Muli, naunawaan mo sa aralin sa Baitang 7 na ang isip ay may kakayahang mag-isip, alamin ang diwa at buod ng isang bagay. Ito ay may kapangyarihang maghusga, mangatwiran, magsuri, mag-alaala, at umunawa ng kahulugan ng mga bagay. Higit sa lahat, may kakayahan itong matuklasan ang katotohanan.
Ibinibigay ng isip ang katwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensiyahan ang kilos-loob.
Ang pag-aaral ay isang susi sa paglinang ng isip upang matuklasan ang katotohanang kailangan ng tao sa paglinang ng kaniyang pagka-sino. Pinahahalagahan mo ba ito?
Ang katotohanan ayon kay Fr. Roque Ferriols, ay ang “tahanan ng mga katoto.” (Dy, 2012). Ibig sabihin, may kasama ako na nakakita o may katoto ako na nakakita sa katotohanan. Ano ang katotohanan na dapat makita? Ito ay ang mayroon o ang nandiyan na kailangang lumabas sa pagkakakubli at lumilitaw dahil sa pagiging bukas ng isip ng taong naghahanap nito. Halimbawa nito ay ang sakripisyo ng magulang para sa anak. Totoo itong nandiyan, ngunit kung isasarado ng anak ang kaniyang pag-iisip, hindi niya ito makikita. Sa kabilang dako, kung magiging bukas ang kaniyang isip, makikita niya ang sakripisyong ginagawa ng kaniyang magulang para sa kaniya. Kung totoo ito, hindi lang ito totoo sa akin, maibabahagi ko ito sa aking kapuwa at 33
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
makikita rin ito ng iba. Nagiging saksi siya sa katotohanang mahal siya ng kaniyang magulang. Ang katotohanan ay sumasakasaysayan ( historical ) dahil hindi hiwalay ang katotohanan sa tao, sa mga katoto na nakaaalam nito. Dagdag pa rito, ang tao ay sumasakasaysayan din - sumasakop sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap. Isang halimbawa nito ay ang kaalamang ang daigdig ay at. Totoo ito noong unang panahon, ang mga taong nakaaalam nito ay taong nabuhay noong unang panahon. Dahil nagbabago ang panahon, nagbabago ang tao, nag-iiba ang kanilang pananaw. Ngayon ang daigdig ay bilog. Masasabi ba nating mali sila noon? Ang sagot ay hindi, dahil noon, ang tinanggap na katotohanan ay at ang daigdig. Sa natuklasang katotohanan, lalo lamang naliwanagan, lumawak, at umunlad ang kaalaman at ito ang kontribusyon natin ngayon. Nadagdagan natin ang kaalaman noon. Kaya’t ang paghahanap ng isip sa katotohanan ay hindi nagtatapos; ang katotohanan ang siyang tunguhin ng isip.
Y P O C D E P E D
Ayon kay Dy, ang isip ay may kakayahang magnilay o magmuni-muni kaya’t nauunawaan nito ang kaniyang nauunawaan. Ito ang ipinaliwanag at tinalakay sa Modyul 1 na katangian ng pagpapakatao, ang kamalayan sa sarili. Dahil ang tao ay may isip, may kakayahan siyang pag-isipan ang kaniyang sarili. Kaya’t sa pagtatanong ko sa sarili kung sino ako, nagmumuni-muni ako; ginagawa kong obheto ng aking pag-iisip ang sarili. Matatawag itong kakayahan ng taong lumayo o humiwalay sa sarili at gawing obheto ng kamalayan ang sarili tungo sa pagsasaibayo sa sarili (self-transcendence). Dahil dito, kaya niyang pigilin ang sarili, ang udyok ng damdamin at pagnanasa. Halimbawa, maaari niyang sabihin sa sariling “masarap ang pagkain pero sandali muna, hindi puwede sa akin yan.” O kaya’y dahil galit ako gusto kong pagsalitaan ang kaibigan ko ng masasakit na salita, pero kung gagawin ko iyon baka masira ang aming pagkakaibigan, kaya kailangan kong magpakahinahon at kausapin na lamang siya. Isa pa sa nagagawa ng tao dahil sa kaniyang isip ay ang kakayahang kumuha ng buod o esensiya sa mga partikular na bagay na umiiral (mag-abstraksiyon). Ito ang ikalawang katangian ng pagpapakatao na tinalakay sa Pagpapalalim sa Modyul 1. Dahil sa kakayahang ito ng isip, ang tao ay nakabubuo ng kahulugan at kabuluhan ng bagay (man is a meaning maker ). Halimbawa nito ay ang nakikita kong paraan ng pakikitungo sa kapuwa mula sa mag-aaral na tumulong sa kaniyang guro na bitbit ang mabigat na laptop (hindi sa hangad na pagsipsip), sa magandang samahan ng magkakamag-aral, ang pakikinig sa sinasabi ng bata, at ang pagmano sa nakatatanda ay nagbigay sa akin ng kahulugan na ang pakikitungo sa kapuwa ay pagbibigay galang 34 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
sa kaniya. Ito ang katotohanang natuklasan ko tungkol sa pakikitungo sa kapuwa. Nagkakaroon ng sariling katayuan ang kaniyang pinag-iisipan; sa ibang pananalita, ayon pa kay Dy, nahuhulog ang mga bagay at tao sa isang kahulugan o katotohanan at humihingi sa tao na maging saksi, maging tapat sa katotohanan. Samakatwid, ang tao ay may kakayahang magbigay-kahulugan at maghanap ng katotohanan. Kilos-Loob Ano naman ang natatandaan mo tungkol sa kilos-loob sa Baitang 7? Inilarawan ito ni Santo Tomas bilang isang makatuwirang pagkagusto ( rational appetency ) sapagkat ito ay naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama. Umaasa ito sa isip, kaya’t mula sa paghuhusga ng isip ay sumusunod ang malayang pagnanais ng kilos-loob. Upang maunawaan ang kalikasan ng kilos-loob bilang natatanging kakayahan ng tao, mahalagang ihambing ito sa emosyonal na buhay ng hayop. Sa hayop, anuman ang mapukaw na emosyon ay kumikilos ito nang naaayon dito. Kung ito ay galit, maaari itong mangagat (depende sa kalikasan ng hayop). Samantalang sa tao, dahil may kamalayan at may kakayahan itong kumuha ng buod o esensiya sa mga bagay na umiiral, maaaring ang emosyon at ang kilos-loob ay magkakaroon ng magkaibang pagkilos. Halimbawa, maaaring piliin ng kilos-loob na hindi kumain ng masasarap na pagkain na nakahain sa mesa bagama’t ang kaniyang emosyon ay naaakit dito. Kaya’t maaari niyang sabihing “ Gusto ko, subalit ayaw ko sapagkat masama ang mga ito sa aking kalusugan.” Ibinibigay ng isip ang katwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensiyahan ang kilos-loob. Mahalaga ito sa moral na pagpili, sapagkat kailangang kilalanin ang pagkakaiba ng nararamdaman o emosyon at ang paghuhusga at pagpapasiya sapagkat may kakabit itong moral na tungkulin. Ang tao lamang ang makagagawa nito at hindi ang hayop. Dahil sa kamalayan at kakayahang kumuha ng buod o esensiya ng mga bagay na umiiral, nabibigyang-kahulugan ng isip ang isang sitwasyon. Dahil din sa dalawang katangiang ito, nagkaroon ng mundo ang tao (hindi lang kapaligiran), at ito ay may sariling katayuan ( object in itself ). May kahulugan ang mundo, may taglay na halaga ang sitwasyon na kinaroroonan ng tao. May tawag ang pagpapahalaga. Kapag nabigyan ng kahulugan ang isang bagay o sitwasyon, nagkakaroon ito ng tawag sa tao (calling) na dapat niyang tugunan. Maaaring ang tawag na ito ay ang tumulong sa kapuwa ayon sa sitwasyon. Ang tumugon sa obhektibong hinihingi ng sitwasyon ay katarungan, na minimum ng pagmamahal. May kakayahan ang taong maramdaman at gawin ito dahil sa katangian ng tao na umiiral na nagmamahal (ens amans), ang ikatlong katangian ng pagkatao ng tao ayon kay Max Scheler. Ang pagmamahal, ayon kay Scheler, ay ang pinakapangunahing kilos sapagkat dito nakabatay ang iba’t ibang pagkilos ng tao. Ang pagmamahal ay maipakikita sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapuwa na siyang pinagmumulan ng tunay na kaligayahan na hinahanap ng tao sa kaniyang sarili. Ayon pa rin sa kaniya, ang pagmamahal ay pagmamahalaga sa nakahihigit na halaga ng minamahal ayon sa kaniyang esensiya o buod. Tumutubo ang minamahal at nagmamahal.
Y P O C D E P E D 35
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Naririto ang halimbawa upang lubos na maunawaan ang talakay. “Isang mag-asawang kapitbahay ang lumabas upang tumulong nang makita nila ang isang ina na lumilipat sa maliit na tahanan sa kabilang pintuan. Wala siyang kasama maliban sa dalawang maliit na anak. Wala siyang katulong. Humantong sila sa paggugol ng buong Sabado sa pagbubuhat ng mga kahon, paglilinis ng sahig, at pag-aliw sa dalawang batang anak na babae. Nang matapos ang trabaho, inanyayahan ng ina ang bago niyang mga kapitbahay sa hapunan nang sumunod na linggo upang ipakita ang kaniyang pasasalamat. Noong una tumanggi sila dahil kitang-kita naman na sapat lang ang pera ng babae. Ngunit iginiit ito ng babae na may luha sa kaniyang mga mata. Natanto ng mag-asawa na ang pagtanggap sa kaniyang paanyaya ay magbubunga ng higit na pagkakaibigan at paggalang kaysa sa tanggihan ito dahil sa kanyang sitwasyon.” (Paglilingkod sa Kapuwa, http://www.mormon.org/tgl/paglilingkod, July, 2014)
Y P O C D E P E D
Kapag pinaglilingkuran natin ang iba, napaaalalahanan tayo na walang anumang bagay sa buhay na ito ang nagtatagal maliban sa ugnayang nabuo natin sa ibang tao. Walang mas mabuting paraan para makaugnayan natin ang iba kundi sa pagtutulungan lamang para sa kabutihang panlahat. Tinatawag tayo ng Diyos na tumulong sa kapuwa upang ipadama natin ang pagmamahal sa kanila. Naranasan mo na ba ito? Ano ang iyong naging pakiramdam? Ipinanganak man ang taong hindi TAPOS, nilikha naman siyang kawangis Kapag pinaglingkuran natin ang ng Diyos na may isip at kilos-loob upang iba, napaaalalahanan tayo na tuklasin ang katotohanan at buuin ang walang anumang bagay sa buhay kaniyang pagkatao sa pamamagitan ng na ito ang nagtatagal maliban sa pagmamahal at paglilingkod sa kaniyang ugnayang nabuo natin sa ibang tao, kapuwa. Sa puntong ito maaaring sabihing at walang mas mabuting paraan ang ginawang paglikha ng Diyos ay hindi upang makipag-ugnayan sa iba kundi pa tapos, nagpapatuloy ito sa kamay ng sa pagtutulungan lamang para sa mga taong nagsisikap lilukin ang kanilang kabutihang panlahat. kinabukasan, mga taong nagsisikap paunlarin ang kanilang sarili at abutin ang pagka-sino ng kanilang pagiging tao. Samakatuwid, magagawa ng taong magpakatao at linangin ang mga katangian ng kaniyang pagkatao dahil sa kaniyang isip at kilosloob. Nagkakaroon ng kabuluhan ang buhay ng tao kung inilalaan ito sa pagsasabuhay ng katotohanan, sa pagmamahal, at sa paglilingkod sa kapuwa. Sa palagay mo, patungo ka kaya rito?
36 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Tayahin ang Iyong Pag-unawa 1. Ano ang ibig sabihin na ang tao ay hindi tapos? Ipaliwanag. 2. Ano ang taglay ng tao upang makaya niyang buuin ang kaniyang pagkatao? Ipaliwanag. 3. Batay sa iyong nabasa, ano ang kakayahan ng isip? ng kilos-loob? 4. Anong bagong katuturan ng katotohanan ang iyong natuklasan mula sa babasahin? 5. Paano nagkakaugnay ang isip at kilos-loob sa katangian ng pagkatao ng tao? 6. Ayon kay Scheler ang pagmamahal ay ang pinakapangunahing kilos ng tao. Ipaliwanag ang kahulugan nito.
Y P O C D E P E D Paghinuha ng Batayang Konsepto
Ano ang naunawaan mong mahalagang konsepto sa babasahin? Isulat ito sa iyong kuwaderno gamit ang kasunod na graphic organizer
Pag-uugnay ng Batayang Konsepto sa Pag-unlad ko Bilang T ao 1. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa aking pag-unlad bilang tao? 2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto sa modyul na ito?
37 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
E. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO
Pagganap Gawain 4 Basahin ang sitwasyon at sundin ang panuto sa ibaba nito:
Y P O C D E P E D
Maganda ang performance mo sa iyong pag-aaral. Napatunayan mo na ang
iyong kakayahan mula pa noong ikaw ay nasa mababang taon ng sekondarya.
Subali’t mula nang nakilala mo at naging barkada si Rolly na mahilig sa internet gaming at walang interes sa pag-aaral, naimpluwensiyahan ka niya. Napabayaan mo na rin ang iyong pag-aaral. Nanganganib din na hindi mo matapos ang
Junior High School sa taong ito. Kinausap ka ng iyong ama, hinihingi niya sa iyo na sabihin sa kaniya ang iyong katuwiran sa iyong naging pasiya at ang plano mong gagawing solusyon kaugnay nito.
Isulat ang iyong mga katuwiran sa naging pasiya mo kaugnay ng iyong pagaaral at ang gagawing solusyon kaugnay nito sa mga speech balloon. Maaaring gawing gabay ang usapan ng magkaibigang Buknoy at Tikboy sa bahaging Paglinang. Kung hindi tugma ang sitwasyong ito sa iyo, ilahad at gawin ang naaayon sa iyong sariling karanasan.
______________________
__________________
______________________
__________________
______________________
__________________
_______________
______________________
.
__________.
38 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Pagninilay Gawain 5 Panuto: Pagnilayan ang sumusunod. Isulat sa journal ang iyong reyalisasyon tungkol sa mga ito. 1. Nagagawa ko bang gamitin ang aking isip tungo sa pagtuklas ng katotohanan? 2. Nagagawa ko bang gamitin ang aking kilos-loob upang magmahal at maglingkod? 3. Ano ang plano kong gawin kaugnay nito?
Y P O C D E P E D Ano-ano ang aking mga tanong kaugnay ng paksang ito:
______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________
______________________________________________ ______________________________________________
Pagsasabuhay Gawain 6
Hindi sapat na nabubuhay tayo sa araw-araw at nagagawa natin ang ating nais. Ang mahalagang tanong na kailangan nating sagutin sa ating sarili ay: nabubuhay ba ako nang may layunin at makabuluhan? Gawin mong makabuluhan ang iyong buhay sa pamamagitan ng paggawa nito. 1. Nasaan ka mang lugar araw-araw (sa bahay, sa paaralan, sa bus, o iba pa), mahalagang maging mapagmasid at maging sensitibo ka sa kapuwa at sa iyong paligid. 2. Maghanap ka ng pagkakataong makatulong gaano man ito kasimple. Ituon mo ang iyong pansin at isip sa mga tao na sa tingin mo ay nangangailangan ng tulong, kilala mo man sila o hindi. O kaya naman maging mapagmasid sa mga sitwasyon na kailangan mong tumugon sa hinihingi ng pagkakataon. 3. Gumawa ng paraan upang makatulong o tumugon sa hinihingi ng sitwasyon sa abot ng iyong makakaya. 39 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Halimbawa: 1. Napansin mong maraming takdang-araling kailangang tapusin ang iyong kapatid. Nagmamadali na, siya pa ang naatasang maghugas ng inyong pinagkainan sa hapunan. Inako mo na lang ang paghuhugas (o kaya’y tinulungan mo sa paggawa ng takdang-aralin). 2. Pagpasok mo sa inyong silid-aralan isang umaga, hindi pala nakapaglinis ang cleaner ng nakaraang araw kaya marumi ang inyong silid. Hindi ka cleaner ng araw na iyon pero naglinis ka at hinikayat din ang iba na tumulong na. 3. Naglileksiyon ang inyong guro, aktibo ring nakikisali sa gawain at talakayan ang iyong mga kamag-aral. Maganda ang paksa at alam mong mahalaga ang mensahe ng aralin na maunawaan mo subalit hindi ka nakikinig at iniisip mo ang paglalaro sa internet pag-uwi mo sa bahay. Napagtanto mong mali ang ginagawa mo kaya’t pinilit mong magkaroon ng pokus at nakisali sa gawain ng klase.
Y P O C D E P E D
4. Huwag hayaang lumipas ang araw na wala kang nagawa. Gawin ang gawaing ito araw-araw sa loob ng dalawang linggo. Maaaring gamitin ang ganitong pormat: Petsa / Oras
Sitwasyon
Tugon o Ginawa
Resulta
5. Ipaalam sa magulang ang gawain mong ito. Hingin ang kaniyang tulong at suporta sa pagsasagawa nito upang masiguro ang pagsasakatuparan.
6. Isulat ang iyong naramdaman at reyalisasyon mula sa gawaing ito sa iyong journal o kuwaderno. Ibahagi ito sa iyong magulang o kapamilya at palagdaan.
40 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Mga Kakailanganing Kagamitan (websites, software, mga aklat, worksheet ) Mga Sanggunian: Astorga, C. Living the Faith Option: Christian Morality. Christian Life Education Series. Quezon City: FNB Educational, Inc. Brenan, R. (1948). The Image of His Maker . Milwaukee: The Bruce Publishing Company
Y P O C D E P E D De Torre, J. (1980) Christian Philosophy . Sinag-Tala Publishers. Manila.
Dy, M. Kaisipan, Ang Opisyal na Dyornal ng Isabuhay, Saliksikin, Ibigin ang Pilosopiya (ISIP). Vol. No.1
Esteban, E. (1989). Education in Values: What, Why And For Whom. Manila: Sinag-Tala Publishers
De George, Richard T. (1966) Ethics and Society; Original Essays on Contemporary Moral Problems. New York: Anchor Books Doubleday and Company Mula sa Internet
Paglilingkod sa Kapwa retrieved from http://www.mormon.org/tgl/paglilingkod on July 18, 2014 Edukasyon sa Pagpapakatao retrieved from aque109450blogspot.com on August 20, 2014
41 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Unang Markahan
MODYUL 3: PAGHUBOG NG KONSENSIYA BATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO?
Y P O C D E P E D
Sa Modyul 1, naitanong sa iyo na “Sa bawat kilos mo, anong uri ng tao ang binubuo mo sa iyong sarili?” Ano ang epekto ng tanong na ito sa iyo? Bilang persona na patuloy na nililinang ang iyong pagka- sino, nakatitiyak ka ba na mabuti ang bawat pasiya at kilos mo? Nabanggit naman sa Modyul 2 na bilang natatanging nilikha, ang tao ay binigyan ng isip kaya’t may kakayahan siyang magnilay at magmuni-muni dahil may kamalayan siya sa kaniyang sarili. Bukod dito, ang isip ay may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Ito ang tinatawag na konsensiya.
Siguradong narinig mo na ang payo na, “Gawin mong gabay ang iyong konsensiya” o di kaya, “Makinig ka sa iyong konsensiya.” Naunawaan mo ba ang tunay na kahulugan ng pahayag na ito? Ano ang bahaging ginagampanan ng konsensiya sa pagpapaunlad ng tao sa kaniyang pagkatao bilang persona upang tuluyang makamit ang pagiging personalidad ? Ang konsensiya ay ang batayan ng kaisipan sa paghuhusga ng tama o mali. Ngunit naitanong mo na ba sa iyong sarili kung paano nga ba nalalaman ng konsensiya na tama o mabuti ang isang kilos samantalang mali o masama ang iba? Ibig bang sabihin nito ay laging tama ang hatol ng konsensiya at hindi ito kailanman nagkakamali? Paano natin huhubugin ang ating konsensiya upang kumiling ito sa mabuti? Ito at marami pang ibang mga tanong ang sasagutin sa modyul na ito. Sa pamamagitan ng mga gawain at babasahin sa araling ito ay inaasahang masasagot mo ang mahalagang tanong na: Paano huhubugin ang konsensiya upang magsilbing gabay sa mabuting pagpapasiya at pagkilos? Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa: 3.1 3.2
Nakikilala ang mga yugto ng konsensiya sa pagsusuri o pagninilay sa isang pagpapasiyang ginawa Nakapagsusuri ng mga pasiyang ginawa batay sa mga Prinsipyo ng Likas na Batas Moral 42
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
3.3
Napatutunayan ang Batayang Konsepto
3.4
Nakagagawa ng angkop na kilos batay sa konsensiyang nahubog ng Likas na Batas Moral Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Kasanayang
Pampagkatuto 3.4: a. Naitala ang mga pasiya at kilos na isinagawa sa loob ng isang linggo b. Natukoy kung mabuti o masama ang pasiya at kilos batay sa konsensiyang
Y P O C D E P E D nahubog sa Likas na Batas Moral
c. Nailahad nang malinaw ang mga hakbang na gagawin upang mapaunlad ang pasiya at kilos
d. May kalakip na pagninilay
Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang titik ng pinakaangkop na sagot at isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang sumusunod ay katangian ng Likas na Batas Moral maliban sa: a. Ito ay sukatan ng kilos
b. Ito ay nauunawaan ng kaisipan
c. Ito ay pinalalaganap para sa kabutihang panlahat
d. Ito ay personal at agarang pamantayan ng moralidad ng tao
2. Ang sumusunod at mga pangalawang prinsipyo ng Likas na Batas Moral maliban sa: a. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang ating buhay b. Kasama ng mga hayop, likas sa tao ang pagpaparaming uri at papag-aralin ang mga anak
c. Bilang rasyonal, may likas na kahiligan ang tao na alamin ang katotohanan, lalo na tungkol sa Diyos at mabuhay sa lipunan
d. Bilang tao na nilikha ng Diyos may puwang ang tao na magkamali dahil sa pagkakamali mas yumayaman ang kaalaman at karanasan ng tao
3. Bakit mahalagang mahubog ang konsensiya ng tao? a. Upang makilala nang tao ang katotohanan na kinakailangan niya upang magamit niya nang tama ang kaniyang kalayaan b. Upang matiyak na hindi na magkakaroon ng pagtatalo sa pagitan ng tama at mali, ng mabuti ay masama sa kaniyang isipan
43 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
c. Upang matiyak na palaging ang tamang konsensiya ang gagamitin sa lahat ng pagkakataon d. Lahat ng nabanggit 4. Paano mas mapalalakas at gagawing makapangyarihan ang konsensiya? a. Kung simula pagkabata ay imumulat na ang anak sa lahat ng tama at mabuti b. Kung mapaliligiran ang isang bata ng mga taong may mabuting impluwensiya c. Kung magiging kaisa ng konsensiya ang Likas na Batas Moral d. Kung magsasanib ang tama at mabuti Para sa bilang 5 at 6: Suriin ang sitwasyon.
Y P O C D E P E D
May suliranin sa pera ang pamilya ni Louie. Isang araw, may dumating na kolektor sa kanilang bahay, ngunit wala silang nakahandang
pambayad. Inutusan si Louie ng kaniyang ina na sabihing wala siya at may mahalagang pinuntahan. Alam niyang dapat sundin ang utos ng
ina. Sa kabilang banda, alam din niyang masama ang magsinungaling. Sa pagkakataong ito, ano kaya ang magiging hatol ng konsensiya ni Louie? Ano ang dapat niyang maging pasiya?
5. Alam ni Louie na dapat sundin ang kaniyang ina ngunit alam din niyang masama ang magsinungaling. Anong yugto ng konsensiya ang tinutukoy sa pangungusap na ito? a. Unang yugto b. Ikalawang yugto c. Ikatlong yugto d. Ikaapat na yugto 6. Alin sa sumusunod ang dapat gawin ni Louie batay sa hatol ng kaniyang konsensiya? a. Iutos sa kasambahay na sabihing wala ang may-ari ng bahay. b. Harapin ang kolektor at sabihing wala ang kaniyang ina. c. Magtago sa silid at hayaang maghintay ang kolektor. d. Tumawag ng pulis at isuplong ang kolektor. 7. “Malinaw sa atin ang sinasabi ng ating konsensiya: gawin mo ang mabuti, iwasan mo ang masama. Ngunit hindi ito nagbibigay ng katiyakan na ang mabuti ang pipiliin ng tao.” Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito? a. Sa lahat ng pagkakataon, tama ang hatol ng ating konsensiya. b. May mga taong pinipili ang masama dahil wala silang konsensiya. c. Maaaring magkamali sa paghatol ang konsensiya kaya mahalagang mahubog ito upang kumiling sa mabuti. d. Kumikilos ang ating konsensiya tuwing nakagagawa tayo ng maling pagpapasiya.
44 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
8. Ang konsensiya konsensiya ang batayan batayan ng isip isip sa paghuhusga paghuhusga ng mabuti o masama. masama. Ngunit Ngunit ito pa rin ay ang subhetibo, personal, at agarang pamantayan ng moralidad ng tao kaya may mas mataas na pamantayan pa kaysa rito. Ano ang itinuturing na pinakamataas na batayan ng kilos? a. Ang Sampung Utos ng Diyos b. Likas na Batas Moral c. Batas ng Diyos d. Batas Positibo 9. Ang tao ay nilikha na na may likas na pagnanais pagnanais sa mabuti at totoo totoo at binigyan ng kakayahan upang malaman kung ano ang mabuti at totoo. Sa kabila nito, bakit kaya maraming tao ang gumagawa pa rin ng bagay na masama? a. Kahit alam na na ng tao ang ang mabuti, pinipili pinipili pa rin rin ng ilan ang masama. b. Higit na madaling gawin ang ang masamang bagay sa mabuti. c. Madaling maimpluwens maimpluwensiyahan iyahan ang ang tao ng umuusbong na bagong bagong kultura. d. Hindi tuluy-tuloy tuluy-tuloy ang pagpili ng tao sa sa mabuti kaya’t nalilito nalilito siya.
Y P O C D E P E D
10. Alin sa sumusunod ang maituturing na kamangmanga kamangmangan n na di madadaig? a. pagbili sa inaalok na cellular phone ng kapitbahay sa murang halaga dahil ito ay galing sa masama b. pagbibigay ng limos limos sa mga bata sa kalye dahil dahil sa awa ngunit ipinambili ipinambili lamang ng rugby c. pagpapaino pagpapainom m ng gamot gamot sa kapatid na may sakit sakit kahit di-tiyak di-tiyak kung makabubuti ito d. pagtawid sa maling tawiran tawiran dahil walang walang paalala paalala o babala babala na bawal bawal tumawid
45 All rights reserved. reserved. No part of of this material may be reproduced or transmitted transmitted in any form form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Gawain 1 Panuto:: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon sa ibaba. Sakaling ikaw ang maharap Panuto sa ganitong pangyayari, ano ang iyong gagawin? Tuklasin mo ang iyong gagawing pagpapasiya sa bawat sitwasyon. Isulat ang mga paraan o hakbang ng pagkilos ng iyong konsensiya konsensiya na na maaaring makatulong sa iyong gagawing pasiya. Gabay mo ang unang sitwasyon bilang halimbawa. Sagutin ang mga tanong pagkatapos. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Y P O C D E P E D Paraan o Hakbang ng Pagkilos ng Konsensiya
Sitwasyon
1. Pagkatapos ng klase, inanyayahan si Janine ng kaniyang mga kaibigan na pumunta sa mall at manood ng sine. Matagal na rin mula ng huli silang nakalabas bilang isang grupo. Bago matapos ang palabas, biglang tumawag ang kaniyang ina at pilit siyang pinauuwi. Mahigpit na ipinagbabawal ng kaniyang mga magulang ang pamamalagi sa labas, lalo na kung gabi na. Ngunit sinabihan si Janine ng kaniyang mga kaibigan na kapag sinunod niya ang kaniyang ina, ititiwalag na siya sa kanilang barkada at hindi na iimbitahan pa sa alinmang lakad ng barkada kailanman. Ano ang dapat gawin ni Janine?
Unang Hakbang: Kailangang sumunod sa payo o utos ng magulang lalo na kung para ito sa pansariling kaligtasan. kaligtasan.
Ikalawang Hakbang: Likas sa tao na gawin ang mabuti at iwasan ang masama. Itinuturing na masamang gawain ang hindi pagsunod sa magulang. Ikatlong Hakbang: Kung ako si Janine, susundin susundin ang hatol ng aking konsensiya na makinig sa utos ng aking ina ina at umuwi umuwi nang maaga, kahit ikagalit pa ito ng aking mga kaibigan.
Ikaapat na Hakbang: Mapatutunayan ko na mabuti ang aking naging pasiya na sundin ang utos ng aking ina dahil para ito sa aking kaligtasan. Bukod dito, kung tunay ang pagkakaibigan na mayroon kami ng aking barkada, hindi nila ako papayuhan nang masama tulad ng pagsuway sa aking magulang.
46 All rights reserved. reserved. No part of of this material may be reproduced or transmitted transmitted in any form form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
2. Nalalapit na ang markahang pagsusulit sa paaralan nila John nang kausapin siya ng kaniyang ama. Ayon kay Mang Jun, bibilihin niya ang pinakabagong modelo ng cellphone na gustung-gusto ng kaniyang cellphone anak, sa kondisyon na makakuha siya ng mataas na marka sa lahat ng asignatura. Magandang motibasyon ito para kay John kaya’t naghanda at nag-aral siya nang mabuti. Nang dumating ang araw na pinakahihintay, napansin ni John na wala sa kaniyang pinag-aralan ang mga tanong sa pagsusulit. Kahit kinakabahan, sinimulan niyang sagutin ang mga tanong. Dahil hindi sigurado, makailang beses siyang natuksong tumingin sa sagutang papel ng kaniyang katabi lalo na kapag hindi nakatingin ang guro. Naisip niya na ito lamang markahang ito siya mangongopya at hindi na niya ito uulitin pa. Bukod dito, ayaw niyang mawala ang pagkakataon na mapasaya ang kaniyang ama at magkaroon ng bagong cellphone cellphone.. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni John, ano ang gagawin mo?
Unang Hakbang: _____________ ____________________ _________ __________________ _______ ____________________ _________ __________________ _______ ____________________ _________ __________________ _______ Ikalawang Hakbang: __________ ____________________ _________ __________________ _______ ____________________ _________ __________________ _______ ____________________ _________ __________________ _______ Ikatlong Hakbang: __________ ____________ __ ____________________ _________ __________________ _______ ____________________ _________ __________________ _______ ____________________ _________ __________________ _______ Ikaapat na Hakbang: __________ ____________________ _________ __________________ _______ ____________________ _________ __________________ _______ ____________________ _________ __________________ _______
3. Nais ni Mark na maging isang inhinyero balang-araw. Nag-aaral siya nang mabuti upang makapasok sa pinakamahusay na pamantasan pagdating ng kolehiyo. Ngunit kahit ginagawa na niya ang lahat, hindi pa rin siya makakuha ng matataas na marka. Isang kaibigan ang nag-alok ng tulong upang makapasa siya sa entrance exam ng isang sikat na pamantasan, kapalit ng malaking halaga. Walang hawak na pera si Mark at alam niyang hindi siya maaaring humingi sa kaniyang ama para ibigay sa kaibigan. Isang araw, binigyan siya ng pera ng kaniyang ama upang ibili ng aklat na kailangan niya sa paaralan. Napag-isipisip niya na ang halagang iyon ay sapat na upang makapasok sa sikat na pamantasan at makuha ang gusto niyang kurso. Hindi niya malaman kung bibili siya ng aklat na pangunahing kailangan o ibibigay ito sa kaibigan. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Mark, ano ang gagawin mo?
Unang Hakbang: _____________ ______________________ ___________ ________________ _____ ______________________ ___________ ________________ _____ Ikalawang Hakbang: __________ ______________________ ___________ ________________ _____ ______________________ ___________ ________________ _____ ______________________ ___________ ________________ _____ Ikatlong Hakbang: __________ ____________ __ ______________________ ___________ ________________ _____ ______________________ ___________ ________________ _____ ______________________ ___________ ________________ _____ Ikaapat na Hakbang: __________ ______________________ ___________ ________________ _____ ______________________ ___________ ________________ _____ ______________________ ___________ ________________ _____
Y P O C D E P E D 47
All rights reserved. reserved. No part of of this material may be reproduced or transmitted transmitted in any form form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Sagutin ang mga tanong: a. Naging madali ba sa iyo ang pagsagot sa gawain? Bakit? b. Ano ang iyong naging pasiya sa bawat sitwasyon? Sa iyong palagay, tama ba ang iyong pasiya? Pangatwiranan ang iyong sagot. c. Ano-ano ang mga hakbang o proseso ng pagsusuri ng konsensiya na nakatutulong upang makabuo ka ng isang mabuting pasiya?
C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN, AT PAG-UNAW PAG-UN AWA A
Y P O C D E P E D
Gawain 2
Panuto: Pagkatapos mong matukoy ang mga hakbang kung paano kumikilos ang iyong konsensiya, maaaring magamit ito sa paggawa ng mabuting pasiya.
1. Balikan ang mga sitwasiyon sa itaas at isulat ang naging naging tugon mo sa bawat bawat isa. 2. Tukuyin kung ano ang iyong naging batayan/prinsip batayan/prinsipyo yo sa pagbuo ng ng iyong pasiya. pasiya. 3. Gamiting gabay gabay ang pormat pormat sa ibaba. Isulat Isulat ang sagot sagot sa iyong kuwaderno. kuwaderno.
Sitwasyon
Pasiya
Batayan ng Pagpapasiya
1. 2. 3.
4. Matapos ang gawain, sagutin mo ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno: a. Naging madali ba ba para sa iyo ang makabuo makabuo ng pasiya sa sa bawat sitwasyon? Bakit? b. Bakit kailangang kailangang pakinggan pakinggan ang ating ating konsensiya? konsensiya? Nakatutulong Nakatutulong ba ito upang makabuo tayo ng mabuting pasiya? Pangatwiranan. c. Paano tayo makasisiguro na tama ang naging hatol ng ating konsensiya konsensiya upang matiyak na mabuti ang ang kilos na isasagawa? isasagawa? Ipaliwanag. d. Ano ang batayan batayan ng ating konsensiya sa sa pagpili sa sa mabuti o masama?
48 All rights reserved. reserved. No part of of this material may be reproduced or transmitted transmitted in any form form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D. PAGPAPALALIM
Panuto:: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay Panuto Paghubog ng Konsensiya Batay sa Likas na Batas Moral Noong bata ka pa, naniwala ka ba na ang konsensiya
Y P O C D E P E D ay isang anghel na bumubulong sa ating tainga kapag
tayo ay gumagawa ng hindi mabuti? O itinuturing mo ito
bilang “tinig ng Diyos” na kumakausap sa atin sa tuwing
magpapasiya tayo? Anuman ang iyong paniniwala, hindi
natin makalilimutan ang payo ng mga nakatatanda na sundin ang ating konsensiya. Pero paano natin masisigurado na tama ang sinasabi ng ating konsensiya?
Naunawaan mo sa Baitang 7 na ang konsensiya ang isa sa mga kilos ng isip
na nag-uutos o naghuhusga sa mabuting dapat gawin o sa masamang dapat iwasan. Malaki ang bahaging ginagampanan nito sa pagsisikap ng tao na makapagpasiya at makakilos nang naaayon sa kabutihan. Ngunit paano ba nalalaman ng konsensiya ang mabuti at masama, ang tama at mali? Paano natin huhubugin ito upang kumiling o tumungo ang ating mga pasiya at kilos sa kabutihan?
Sa ating buhay, humaharap tayo sa maraming katanungan
gaya ng “ano,” “alin,” “paano,” at “bakit.” Kailangang gumawa tayo ng mga pasiya mula sa ating pagkagising sa umaga hanggang sa pagtulog sa gabi. Ang ilan sa mga pasiyang ginagawa natin ay maituturing na pangkaraniwan lamang, samantalang ang iba ay may kabigatan dahil nakasalalay nakasalalay sa mga ito ang pagbuo ng ating pagkatao
at ang kapakanan ng kapuwa. Sa mga sitwasyong nabanggit, ginagamit natin ang ating konsensiya. Ang konsensiya ang pinakamalapit na pamantayan ng moralidad na gumagabay sa ating pamumuhay tungo sa kabutihan. Marahil ang pinakatumpak at pinakasimpleng paliwanag sa konsensiya ay ang praktikal na paghuhusga ng isipan na magpapasiya na gawin ang mabuti at iwasan ang masama (Lipio, 2004, ph. 2). Sa puntong ito, susubukan nating palalimin at palinawin ang galaw ng konsyensiya ng isang tao. Sa pag-unawa nito, makapagbibigay tayo ng paliwanag kung paano nagiging gabay ang konsensiya sa tamang pagpapasiya at pagkilos. 49
All rights reserved. reserved. No part of of this material may be reproduced or transmitted transmitted in any form form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Pag-isipan: 1. Paano nalalaman nalalaman ng konsensiya konsensiya ang ang tama at mali? 2. Paano mahuhubog mahuhubog ang ang konsensiya konsensiya upang piliin ang ang mabuti?
Kahulugan ng Konsensiya Sa ating pang-araw-araw na pakikibaka sa buhay, ginagamit natin ang ating konsensiya nang hindi natin namamalayan. Mahalagang maunawaan nang mabuti kung ano talaga ito dahil malaki ang maitutulong nito sa pagpapaunlad ng ating pagkatao at ng ating ugnayan sa ating kapuwa at sa Diyos.
Y P O C D E P E D
Sa pamamagitan ng konsensiya, Ang konsensiya ang munting natutukoy ang kasamaan at kabutihan ng kilos tinig sa loob ng tao na ng tao. Sa pagkakakilala ng marami, sinasabing nagbibigay ng payo sa tao ang konsensiya ang munting tinig sa loob ng tao at nag-uutos sa kaniya sa na nagbibigay ng payo at nag-uutos sa kaniya gitna ng isang moral na pagpapasiya kung paano sa gitna ng isang moral na pagpapasiya kung kumilos sa isang kongkretong paano kumilos sa isang kongkretong sitwasyon sitwasyon. (Clark, 1997). Waring bumubulong ito palagi sa tagong bahagi ng ating sarili na “ito ay mabuti, ito ang kinakailangan mong gawin, ito ang nararapat” o kaya naman ay “ito ay masama, hindi mo ito nararapat na gawin.” Ang munting tinig na ito ay hindi lamang nagsasabi ng mabuting dapat gawin o ng masamang dapat iwasan kundi nagpapahayag ng isang obligasyon na gawin ang mabuti, naghahayag nang may awtoridad at nagmumula sa isang mataas na kapangyarihan. Ngayon ay inaanyayahan kitang suriin ang isang sitwasyon mula sa aklat ni Felicidad Lipio (2004 ph. 3-4). Gagarahe na sana ang drayber ng taxi na na si Mang Tino nang matuklasan niya na may nakaiwan ng pitaka sa likod ng upuan ng sasakyan niya. Nang buksan niya ito ay natuklasan niya na marami itong laman; malaking halaga na maaari na niyang gawing puhunan sa negosyo. May nakabukod ding mga papel na dolyar sa kabilang bulsa ng pitaka. Walang nakakita sa kaniya kaya minabuti niya na itabi ang pera. “Malaki ang maitutulong nito sa pamilya ko,” sabi niya sa sarili. Noong dumating ang gabi ay hindi siya mapakali. Sa kalooban niya, nararamdaman niyang para siyang nalilito. Bago dumating ang umaga, nagbago na ang isip niya. “Hahanapin ko ang may-ari ng pitaka at isasauli ko ito,” nasabi niya sa sarili.
50 All rights reserved. reserved. No part of of this material may be reproduced or transmitted transmitted in any form form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Mang Tino, ano ang gagawin mo? Ayon kay Lipio, hindi mapakali o walang kapayapaan si Mang Tino dahil sa binagabag siya ng kaniyang konsensiya. Ito ang nagbigay-liwanag sa kaniyang isip upang makita ang kaniyang obligasyong moral na maging matapat. Ito ang nag-udyok sa kaniya na isauli ang pera sa may-ari. Kaugnay ng paliwanag sa itaas, makikita sa halimbawang ito ang dalawang elemento ng konsensiya. Una, ang pagninilay ang pagninilay upang upang maunawaan kung ano ang tama o mali, mabuti o masama; at paghatol at paghatol na na ang isang gawain ay tama o mali, mabuti o masama. Pangalawa, ang pakiramdam ang pakiramdam ng ng obligasyong gawin ang mabuti.
Y P O C D E P E D Sa madaling salita, isang paghatol isang paghatol ang ang ginagawa ng konsensiya kapag sinasabi nito sa atin na ang isang kilos ay masama at hindi dapat isagawa. Ngunit kung susuwayin ang konsensiya at ipagpapatuloy ang paggawa ng masama, masasabing ito’y isang paglabag isang paglabag sa likas na pagkiling ng tao: ang mabuti.
Ang konsensiya ay ay isang natatanging kilos pangkaisipan,, isang pangkaisipan paghuhusga ng ating sariling katuwiran.
Binigyang-diin ni Lipio ang kahalagahan ng pag-unawa sa dalawang mahalagang bahagi ng konsensiya: (1) ang paghatol ang paghatol moral moral sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos, at (2) ang obligasyong moral na gawin ang mabuti at iwasan ang masama. Ayon kay Santo Tomas de Aquino (Clarke, 1997), ang konsensiya ay isang natatanging kilos pangkaisipan, isang paghuhusga ng ating sariling katuwiran. Sa pamamagitan nito, nailalapat ng tao ang batas na naitanim sa ating puso mula pa noong ating kapanganakan. Sa mga partikular na sitwasyon na ating kinakaharap sa bawat araw, tumatawag ito sa atin upang gumawa ng pagpili o pasiya. Ayon pa rin sa kaniya, ang konsensiya ay ang kapangyarihang pumapagitna sa dalawang ito. Ito ang humuhusga kung paano ilalapat ang pangkalahatang kaalaman na ito sa partikular na sitwasyon na ating kinakaharap at gumagabay sa atin na magpasiya kung ano ang mabuting kinakailangang gawin at masamang kinakailangang iwasan. Malinaw sa atin ang sinasabi ng ating konsensiya: Gawin mo ang mabuti, iwasan mo ang masam a. Ngunit hindi ito nagbibigay ng katiyakan na ang mabuti ang pipiliin ng tao. Nagkakaroon ng pagtitimbang sa pagitan ng tama at maling katuwiran sa loob ng tao. Maraming mga impormasyon ang pumapasok sa kaniyang isipan. At ang mismong sarili rin ang nagbibigay ng katuwiran laban sa magkabilang panig. Kung ano ang naging kilos, iyon ang naging bunga ng ginawang pagtitimbang at pagpili kasama ang isip, kilos-loob, at damdamin. 51
All rights reserved. reserved. No part of of this material may be reproduced or transmitted transmitted in any form form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Kung mabuti ang kilos, nangangahulugan ito na ang kaalaman ng tao tungkol sa katotohanan ay tama. Ngunit kung masama ang ikinilos, nangangahulugan ito na taliwas sa katotohanan ang taglay niyang kaalaman o hindi pa gaanong matatag ang kaniyang paninindigan sa mabuti. Mahihinuha mula sa paliwanag sa itaas na maaaring magkamali ang paghuhusga ng konsensiya kung tama o mali ang isang kilos. Ngunit hindi lahat ng maling gamit ng konsensiya ay maituturing na masama. May mga pagkakataon na hindi ito kinikilalang masama dahil sa kamangmangan ng tao. Ang kamangmangan ay kawalan ng kaalaman sa isang bagay. Lumilitaw ito sa mga pagkakataong kinakailangang gamitin ang kaalaman sa isang pagkakataon. Halimbawa, lilitaw lamang ang kamangmangan ng isang tao sa isang konsepto kung ito ay itinanong sa isang pagsusulit. Hindi pa matataya ang kawalan ng kaalaman dito kung hindi dahil sa pagsusulit.
Y P O C D E P E D
May dalawang uri ng kamangmangan na mahalagang maunawaan upang
mataya kung kailan maituturing na masama ang maling paghuhusga ng konsensiya. Mga Uri ng Kamangmangan
1. Kamangmangang madaraig (vincible ignorance). Ang kamangmangan ay madaraig kung mayroong pamamaraan na magagawa ang isang tao upang malampasan ito at ang pagkakaroon ng kaalaman dito ay magagawa sa pamamagitan ng pagsisikap o pag-aaral. Ang kamangmangan ay dahil na sa sariling kapabayaan ng tao. May pagkakataon ang tao na makaalam ngunit hindi nagbigay ng panahon at pagsisikap upang malaman ang tama o ang mabuti. Nangyayari ito kapag may nararamdaman ang taong pag-aalinlangan ngunit
Mahalagang tandaan na may obligasyon tayong alamin kung ano ang tama at mabuti. Nawawala ang dangal ng konsensiya kapag “ipinagwawalang-bahala ng tao ang katotohanan at kabutihan.”
walang pagsisikap na maunawaan ang tunay na mabuti at masama. May mga sitwasyong hindi tiyak ng tao kung ano ang dapat niyang gawin. Sa pagkakataong ganito, may panganib na magpadalos-dalos ang tao sa pagkilos. Ngunit sa ganitong pagkakataon, hindi nararapat na sundin ang maling konsensiya.
Halimbawa, lumapit sa iyo ang iyong nakababatang
kapatid at dumaing dahil sa sobrang sakit ng kaniyang tiyan. Kitang-kita mo sa mukha nito ang labis na paghihirap. Binuksan mo ang lalagyan niya ng gamot at iba’t ibang gamot ang naroon. Hindi ka tiyak kung alin sa mga ito ang gamot para sa sakit ng kaniyang tiyan. Ano ang iyong gagawin? Kung pag-iisipang mabuti, hindi nararapat na 52 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
painumin ng gamot ang iyong kapatid dahil hindi ka tiyak sa kung ano ang ipaiinom sa kaniya. Kung magpapadalos-dalos sa pasiya sa pagkakataong ito, maaaring maging mapanganib ito sa iyong kapatid. Kung kaya hindi nararapat ipainom ang gamot kung walang katiyakan. Mahalagang magawan ng paraan upang matiyak sa iyong mga magulang o sa sinumang kasama sa bahay kung ano ang gamot na nararapat na ipainom upang mapawi ang labis na sakit ng kaniyang tiyan. Hindi kailanman dapat kumilos o magpasiya o gumawa ng pasiya nang nag-aalinlangan. May tungkulin ka na alamin ang katotohanan. Kung sa kabila ng pagsisikap na alamin ito, mayroon pa ring pag-aalinlangan o di nakasisiguro na sapat na ang kaalaman, dapat piliin ang mas ligtas na paraan. Mahalagang tandaan na may obligasyon tayong alamin kung ano ang tama at mabuti. Nawawala ang dangal ng konsensiya kapag “ipinagwawalang-bahala ng tao ang katotohanan at kabutihan” (Lipio, 2004, ph. 34).
Y P O C D E P E D
2. Kamangmangan na di madaraig (invincible ignorance) . Ang kamangmangan ay di madaraig kung walang pamamaraan na magagawa ang isang tao upang ito ay malampasan. Ito ang uri ng kamangmangan na bumabawas o tumatanggal sa pananagutan ng tao sa kaniyang kilos o pasiya. Ang paghusga nang tama ng tao sa isang bagay na buong katapatan na pinaniniwalaan na tama ay hindi maituturing na pagkakamali. Hindi masisisi ang tao sa kaniyang kamangmangan. Halimbawa, nagbigay ka ng pera sa isang batang namamalimos sa kalye dahil labis ang awa na iyong naramdaman para sa kaniya. Nakaramdam ka ng gaan ng pakiramdam dahil sa iyong pagtulong. Nalaman mo paglipas ng ilang araw na sila ang mga bata na namamalimos upang ipambili ng rugby . Maaaring makaramdam ka ng panandaliang pagsisisi dahil naiisip mo na nagbigay ka upang maipambili nila ng rugby ; ngunit hindi maituturing na masama ang iyong kilos dahil wala ka namang kaalaman dito noong nagbigay ka ng pera. Mag-iiba ang sitwasyon kung ipagpapatuloy mo ang pagbibigay ng pera sa kanila sa kabila ng pagkakaroon ng kaalaman. Kung talagang nais na makatulong, maaaring magbigay na lamang ng pagkain sa halip na pera sa kanila. Sa pagkakataong ito, hindi nawawalan ng karangalan ang konsensiya dahil tungkulin mong sundin ang iyong konsensiya kahit ito ay mali. Ito ay dahil sa pagkakataong ginawa ang pagpili, pinaniniwalaan mong tama at mabuti ang iyong ginawa. Ang mahalaga ay magkaroon ka ng pananagutan upang ituwid ang iyong pagkakamali matapos mong malaman ang katotohanan (Lipio, 2004, ph. 33). Kung ang kamangmangan ay madaraig at hindi nagsikap ang tao na malampasan o kaya’y binalewala niya ito, hindi nababawasan ang kaniyang pananagutan. Kung ang kamangmangan naman ay hindi madaraig, binabawasan 53
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
nito kung hindi man tinatanggal ang pananagutan ng isang tao sa kaniyang maling pasiya o kilos. Sa mas madalas na pagkakataon ay madaraig ang kamangmangan ng tao. Nangangahulugan ito na may kakayahan ang lahat ng tao na mas mapalalim ang kaniyang kaalaman upang magamit niya nang wasto ang kaniyang konsensiya. Ang mahalaga lamang ay maglaan siya ng panahon at pagsisikap upang kaniyang maragdagan ang kaniyang kaalamang kailangan niya upang mahubog ang kaniyang konsensiya. Ang hamon sa atin ay hindi lamang sundin ang konsensiya kundi hubugin ito.
Y P O C D E P E D
Ang Apat na Yugto ng Konsensiya
Bago natin pag-usapan ang paghubog ng konsensiya, mahalagang maunawaan muna ang proseso ng pagkilos ng konsensiya na nakatutulong sa ating pagpapasiya. Kadalasan, madali para sa atin ang makagawa ng mga pangkaraniwang pasiya sa iba’t ibang sitwasyong kinakaharap natin sa araw-araw. Bihirang dumating ang mga pagkakataon na hindi natin alam kung ano ang gagawin. Ginagamit natin ang ating mga kaalaman bilang gabay sa paggawa ng pinakamainam na pasiya. Gayunpaman, paminsan-minsan, nahaharap tayo sa krisis kapag hindi natin alam kung ano ang gagawin sa isang sitwasyon. Ang “krisis” na tinutukoy dito ay isang kritikal na sandali sa ating buhay; hindi ito palaging isang negatibong sitwasyon. Ito ay maaaring pagpili ng sasamahang kaibigan o pag-aaral ng kurso sa kolehiyo, pagkuha ng mahalagang pagsusulit kung saan hindi ka nakapaghanda, o ilan pang mga makabuluhang sandali sa ating buhay. Ngunit dumarating ang panahon na hindi tayo sigurado sa kung ano ang gagawin. Kahit pa marami tayong kaalaman sa maraming bagay, hindi ito nakapagbibigay sa atin ng malinaw na direksyon sa ganitong mga pagkakataon. Dahil dito, kinakailangan natin ang ating konsensiya kaya mahalagang pag-aralan ang proseso upang magamit ito nang mabuti. Ano-ano ang apat na yugto ng konsensiya at paano ito nakatutulong sa paggawa ng mabuting pasiya? 1. Unang Yugto: Alamin at naisin ang mabuti . Ang tao ay nilikha na may likas na pagnanais sa mabuti at totoo. Binigyan siya ng kakayahan upang malaman kung ano ang mabuti at totoo. Ito ang pinakamainam na paliwanag sa katotohanang tayo ay nilikha upang mahalin ang Diyos at ang kabutihan. Sa kabila nito, bakit kaya maraming tao ang gumagawa pa rin ng bagay na masama? Una, ang ilang mga tao, kahit alam na kung ano ang mabuti ay pinipili pa rin ang gumawa ng masama. Halimbawa, isang lalaki ang paulit-ulit na nagsisinungaling sa tuwing nahaharap siya sa isang mahirap o nakahihiyang sitwasyon. Alam niya na masama ang magsinungaling at nakaaapekto ito ang kaniyang pangunahing kakayahan na malaman kung ano ang mabuti. Sa katagalan, hindi lamang mas magiging madali sa kaniya ang hindi pagsasabi ng totoo ngunit maaaring siya ay maniwala na ito ay isang mabuting gawain.
54 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ikalawa, maaaring kulang ang kaalaman ng isang tao sa totoong mabuti upang tuluyan niyang naisin ito. Dito pumapasok ang kahalagahan ng Likas na Batas Moral bilang batayan sa pagkakaroon ng mabuting konsensiya. 2. Ikalawang Yugto: Ang pagkilatis sa partikular na kabutihan sa isang sitwasyon. May ilang gawaing kaugnay nito tulad ng pag-aaral ng sitwasyon, pangangalap ng impormasyon, pagsangguni na sinusundan ng pagninilay na naghahatid sa paghatol ng konsensiya. Sa sandaling ito, nailalapat natin ang ating nalalaman sa mga prinsipyo ng moralidad upang kilatisin ang mabuti sa isang partikular na sitwasyon.
Y P O C D E P E D
Balikan natin ang sitwasyon ni Mang Tino, isang drayber ng taxi . Pag-isipan ang sumusunod na tanong: Pag-isipan: 1. Bakit nagkaroon ng pagbabago sa naunang pasiya ni Mang Tino na hindi isauli ang pitakang naiwan sa kaniyang taxi? 2. Paano nakatulong sa kaniya ang una at ikalawang yugto ng konsensiya upang makabuo ng mabuting pasiya?
3. Ikatlong Yugto: Paghatol para sa mabuting pasiya at kilos. Mula sa unang yugto na tumatalakay sa pagnanais sa mabuti at sa ikalawang yugto ng pagkilatis sa partikular na kabutihan sa isang sitwasyon, ang ikatlong yugto ay oras ng paghatol ng konsensiya, kung saan wari’y sinasabi sa atin, “Ito ay mabuti, ito ang kinakailangan mong gawin,” o kaya naman ay, “Ito ay masama, hindi mo ito nararapat na gawin.” Sa sandaling ito, nahuhusgahan ang kabutihan o kasamaan ng isang kilos. Ang hatol na ibibigay sa atin ang magsisilbing resolusyon sa “krisis” na kinakaharap natin. 4. Ikaapat na Yugto: Pagsusuri ng Sarili / Pagninilay. Sa sandaling ito, binabalikan natin ang ginawang paghatol. Pinagninilayan natin ang ating paghatol upang matuto mula sa ating karanasan. Kung sa pagninilay ay mapatunayan natin na tama ang naging paghatol ng konsensiya, kinukumpirma natin ang ating pagiging sensitibo sa mabuti at masama at higit na pinagtitibay ang ating moralidad. Sa kabilang banda, ang negatibong resulta ng maling paghatol ng konsensiya ay indikasyon na itama ito kung maaari pa at matuto rin mula sa maling paghatol. Ang pagsusuri sa paghatol ng konsensiya ay nangyayari sa sarili nitong panahon. Maaaring suriin ang isang hatol sa loob ng isang araw o maaaring tumagal ng maraming taon. Ang tamang paghatol ng konsensiya ay naglalapit sa tao sa Diyos at kaniyang kapwa, kung kaya’t mahalagang hubugin ito nang mabuti upang makagawa siya ng tamang pagpapasiya na patungo sa tamang pagkilos. Ngunit saan nga ba nararapat ibatay ang paghubog ng konsensiya? Bagaman sinasabing ang konsensiya ang batayan ng isip sa paghuhusga ng mabuti o masama, ito pa rin ay ang subhetibo, personal, at agarang pamantayan ng moralidad ng tao 55
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
kaya may mas mataas na pamantayan pa kaysa rito. Ang pinakamataas na batayan ng kilos ay ang Likas na Batas Moral. Ano nga ba ito? Ang Likas na Batas Moral Bilang Batayan ng Kabutihan at ng Konsensiya Natutuhan mo sa Baitang 7 na ang Likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao dahil nakikibahagi siya sa karunungan at kabutihan ng Diyos. Sa pamamagitan ng batas na ito, may kakayahan siyang kilalanin ang mabuti sa masama. Ngunit may kakayahan din ang tao na gumawa ng mabuti o masama dahil sa kaniyang malayang kilos-loob. Kaya may Likas na Batas Moral upang bigyang direksiyon ang pamumuhay ng tao. Sa kaniyang pagsunod sa batas moral, siya ay gumagawa ng mabuti at isinasabuhay ang makabuluhang pakikipagkapuwa. Subali’t hindi ito nangangahulugan na ang Likas na Batas Moral ay pangkat ng mga batas na dapat niyang isaulo upang sundin arawaraw. Bagkus, kailangan niyang gawin ang mabuti dahil ito ay nakaukit na sa kaniyang pagkatao. Samakatuwid, ang konsensiya ng tao kung saan nakalapat na ang Likas na Batas Moral ay ginagamit na personal na pamantayang moral ng tao. Ito ang ginagamit sa pagpapasiya kung ano ang tama at kung ano ang mali sa kasalukuyang pagkakataon. Dahil dito, mahalagang maunawaan ang mga prinsipyo ng Likas na Batas Moral.
Y P O C D E P E D Pag-isipan:
Ano ang kaugnayan ng konsensiya sa Likas na Batas Moral? Ipaliwanag.
Ang Unang Prinsipyo ng Likas na Batas Moral
Una, gawin ang mabuti, iwasan ang masama. Hindi nagbabago ang Likas na Batas Moral. Hindi ito nakikisabay sa pagbabago ng panahon o nakabatay sa pangangailangan ng sitwasyon. Hindi ito maihahalintulad sa pagbabago na hindi natatapos at hindi ito maaaring mabawasan na “Gawin ang masama at iwasan ang mabuti.” Madali lamang unawain ang prinsipyong ito. Mula sa pagsilang ng tao, nakatatak na ito sa kaniyang isip, kaya nga kahit hindi ganap na hubugin, kayang kilalanin ng tao ang mabuti at masama. Kung mananatiling matibay na nakakapit ang tao sa unang prinsipyong ito sa proseso ng paghubog ng kaniyang konsensiya, kailangan na lamang ang pagiging matatag laban sa pagtatalo ng isipan sa pagitan ng mabuti laban sa masama. Ang mga Pangalawang Prinsipyo ng Likas na Batas Moral Mahalaga ring maunawaan ang mga pangalawang prinsipyo na makukuha sa kalikasan ng tao: 1. Kasama ng lahat ng may buhay, may kahiligan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay. Sino mang tao ay ginagawa ang lahat upang pangalagaan ang kaniyang buhay. Kaya tayo umiinom ng gamot kapag tayo ay may sakit, pumupunta 56 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
sa doktor upang alamin kung ano ang ating karamdaman, Kasama ng lahat nag-iingat sa ating mga kilos sa lahat ng pagkakataon, at ng may buhay, may hindi kinikitil ang ating sariling buhay ay dahil sa likas na kahiligan ang taong pagkiling ng tao para sa pangangalaga sa kaniyang buhay. pangalagaan ang kaniyang buhay. Mulat ang lahat ng tao sa prinsipyong ito. Hindi man niya sinasabi, natural itong dadaloy sa kaniyang mga gawain at kilos. Kung likas na inaalagaan ng tao ang kaniyang sariling buhay, natural lamang na likas itong maibahagi sa kaniyang kapuwa. Kung kaya alam ng taong hindi lamang masamang kitilin ang kaniyang buhay kundi masama ring kitilin ang buhay ng kaniyang kapuwa.
Y P O C D E P E D
2. Kasama ng mga hayop (mga nilikhang may buhay at pandama), likas sa tao (nilikhang may kamalayan at kalayaan) ang pagpaparami ng uri at papag-aralin ang mga anak. Likas sa tao ang naisin na magkaroon ng anak; nakaukit na rin ito sa kaniyang kalikasan. Ngunit hindi ito nagtatapos dito, mahalagang bigyang-diin na kaakibat ng kalikasang ito ay ang tungkulin na bigyan ng edukasyon ang kaniyang anak. Kung ang isang inang ibon ay hindi napapagod na gabayan ang kaniyang inakay hangga’t hindi ito ganap na natutong lumipad, mas lalo’t higit ang tao. Inaasahang ang kabutihang nakatanim sa bawat magulang batay sa Likas na Batas Moral ang siya niyang gagamitin upang hubugin ang kaniyang anak. Hindi dapat ganap na iatang sa balikat ng mga guro sa paaralan ang edukasyon ng kanilang anak. Binigyang-diin sa Baitang 8 na mas mabigat ang tungkulin ng mga magulang ang paghubog ng mga anak sa pagpapahalaga. Hindi nararapat na kalimutan ang tungkuling ito bago magpasiyang magkaroon ng anak. 3. Bilang rasyonal na nilalang, may likas na kahiligan ang Sa pamamagitan tao na alamin ang katotohanan at mabuhay sa lipunan. lamang ng Sa pamamagitan ng prinsipyong ito, nararapat na pagkakaroon ng maunawaan na kung tunay na hindi humihinto ang tao kaalaman ganap na sa paghahanap ng katotohanan, hindi rin nararapat mahahanap ng tao na ipagkait ito sa kaniyang kapuwa. Kung kaya nga ang katotohanan. maituturing na masama ang magsinungaling. Dahil sa pamamagitan ng pagsisinungaling, naipagkakait natin sa ating kapuwa ang katotohanan, napipigilan nito ang kaniyang paghahanap ng katotohanan. Ang kahiligan din ng tao ang nagtutulak sa kaniya upang magkaroon ng kaalaman at iwasan ang kamangmangan. Mahalaga ito dahil sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman, mahahanap ng tao ang katotohanan. Ang lahat ng mga nabanggit ay magiging posible lamang kung siya ay makikihalubilo sa kaniyang kapuwa sa lipunan dahil ang kaalaman, karunungan, at katotohanan ay makakamit sa tulong ng kapuwa.
57 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Paghubog ng Konsensiya Bakit mahalaga ang paghubog ng konsensiya? Nakatutulong ito sa tao na makilala ang katotohanan na kailangan niya upang magamit nang mapanagutan ang kaniyang kalayaan. Anumang paghubog ay nag-uugat sa pagnanais ng tao na paunlarin ang kaniyang kaalaman ukol sa katotohanan at ang kaakibat nitong pagnanais na gawin ang mabuti. Paano nga ba mahuhubog ang konsensiya ng tao upang kumiling sa mabuti? Makatutulong kung susundin ang mga hakbang ayon kay Sr. Felicidad Lipio (2004, ph 55-58).
Y P O C D E P E D
1. Matapat at masunuring isagawa ang paghahanap at paggalang sa katotohanan. Simulan ang paghubog ng konsensiya sa pamamagitan ng pag-unawa na ang katotohanan ay nangangahulugan ng pag-unawa sa mga bagay na umiiral. Mahalaga ang pagtutugma ng sinasabi o iniisip ng tao tungkol sa isang bagay at sa kung ano ang tunay na layon ng pag-iral nito. Kung talagang nais na mahubog ang konsensiya, kailangang mangibabaw ang layuning gawin ang mabuti at piliin ang katotohanan sa lahat ng pagkakataon. Hinuhubog natin ang ating konsensiya kapag kumikilos tayo nang may pananagutan. Maipakikita ang pananagutan sa kilos ng tao kung gagawin niya ang sumusunod: a. Kilalanin at pagnilayan ang mga tunay na pagpapahalagang moral na sangkot sa isang kilos. Tinitimbang ng mga mapanagutang tao ang mga katotohanan bago kumilos sa halip na sinusunod lamang ang sariling kapritso at maling palagay. b. Suriin ang mga sariling hangarin upang matiyak na kumikilos mula sa mga mabuting layunin at hindi mula sa makasariling interes. c. Unawain at pagnilayan ang mga karanasan at hamon ng buhay. Kung sapat ang panahon na inilalaan ng isang kabataan sa pagninilay sa mga bagay na nagawa niya sa bawat araw, mas magiging mulat siya sa kaniyang mga pagkukulang o pagmamalabis. Mayroon ka bang journal o talaarawan ng iyong gawain ?
Ano-ano ang mga pakinabang ng pagkakaroon ng talaarawan?
d. Alamin at unawain ang mga talakayan tungkol sa mga napapanahong isyung moral at mga implikasyong panlipunan ng mga ito. Mahalagang kilalanin ang mga pagpapahalagang nilabag ng mga ito. 2. Naglalaan ng panahon para sa regular na panalangin. Hinuhubog natin ang konsensiya kapag nagdarasal tayo. Ang regular na pakikipag-ugnayan sa Diyos sa takdang oras sa bawat araw ng nakatutulong sa pagpapanatag ng kalooban, paglinaw ng pagiisip, at kapayapaan ng puso. Matutukoy ito sa pagtataya ng kabutihan o kasamaan ng kilos dahil panatag tayo na ang ating konsensiya ay ginabayan ng panalangin. 58 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Kapag pinag-uusapan ang konsensiya, pinaguusapan din ang pagbubukas ng kalooban sa pagunlad ng pananampalataya at espiritwalidad. Kung kaya masasabing may kinalaman ang paghubog ng konsensiya sa pag-unlad ng buong pagkatao tungo sa pagiging personalidad . Dahil umuunlad ang ating konsensiya kasabay ng pag-unlad ng sarili, ang ating buhay bilang mananampalataya ay sangkot sa buong proseso.
Y P O C D E P E D
Isang mahalagang hakbang sa pagkilala ng ating sarili ang kamalayan sa dahan-dahang proseso ng paghubog ng konsensiya na nagaganap mula pa noong bata pa tayo hanggang sa kasalukuyan (Lipio, 2004 ph. 58). Katulad ng iba pang mga kakayahan ng tao, dahandahan din ang proseso ng paghubog ng konsensiya ng tao. Mahalagang matalakay ang iba’t ibang antas nito. Mga Antas ng Paghubog ng Konsensiya
Una, ang antas ng likas na pakiramdam at reaksiyon. Nagsisimula ito sa pagkabata. Dahil hindi pa sapat ang kaalaman ng isang bata ukol sa tama at mali, mabuti o masama, umaasa lamang siya sa mga paalala, paggabay, at pagbabawal ng kaniyang magulang. Dito niya ibinabatay ang kaniyang kilos. Gagawin ng isang bata ang lahat ng kaniyang nais na gawin hangga’t walang pagbabawal mula sa mga taong nakatatanda sa kaniya. Sa ganitong pagkakataon, sa labas nagmumula ang pagpigil sa kaniyang moralidad. Ikalawa, ang antas ng superego. Habang lumalaki ang isang bata malaki ang bahaging ginagampanan ng isang taong may awtoridad sa kaniyang mga pasiya at kilos. Ang awtoridad na ito ang nagpapatakbo ng kilos moral ng isang bata. Sa yugtong ito, umiiral ang superego - ang mga pagpapalagay at utos ng mga magulang at taong makapangyarihan na naisaloob na ng tao kasama ng mga ipinagbabawal ng lipunan at nakaiimpluwensiya sa isang tao mula pa sa pagkabata. Sa paglipas ng panahon, nagiging bahagi na ng isip ang mga pagbabawal na ito nang hindi namamalayan. Ngunit sa patuloy na paglipas ng panahon, nalalagpasan ng isang bata ang taong may awtoridad at unti-unti na siyang namumulat sa pananagutan. Alam na niya kung ano ang tama at mali at nararamdaman na niya ang epekto sa kaniyang sarili ng
Mahalagang simulan mula bata pa lamang ang paghubog ng konsensiya. Makatutulong ito upang hindi siya magkamali sa kaniyang paghusga ng mabuti o masama sa hinaharap.
59 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
pagkiling sa mali at sa masama. Nararamdaman na hindi niya dapat ginawa ang isang bagay na mali, hindi lamang dahil ipinagbabawal ito ng kaniyang mga magulang kundi nakikita niya mismo ang kamalian nito. Natututuhan niyang tanggapin at isaloob ang mga mabubuting prinsipyo at pagpapahalagang moral mula sa kaniyang mga magulang. Ito ang simula ng pagkilos ng “konsensiyang moral,” ang ikatlong antas ng paghubog ng konsensiya. Kaya mahalagang simulan mula bata pa lamang ang paghubog ng konsens iya. Makatutulong ito upang hindi siya magkamali sa kaniyang paghusga ng mabuti o masama sa hinaharap.
Y P O C D E P E D
Makatutulong sa proseso ng paghubog sa konsensiya ang pagsasagawa ng mga tiyak na kilos bago ang pagsasagawa ng pasiya. Ang layunin sa paghubog ng konsensiya ay mahubog ang pagkatao batay sa pagsasabuhay ng mga birtud, pagpapahalaga at katotohanan upang matiyak na ang sarili ay magpapasiya at kikilos batay sa kung ano ang tama at mabuti. Upang higit na mapaunlad ang paghubog ng konsensiya makabubuti na humingi ng paggabay sa sumusunod:
Ang layunin sa paghubog ng konsensiya ay mahubog ang pagkatao batay sa pagsasabuhay ng mga birtud, pagpapahalaga at katotohanan upang matiyak na ang sarili ay magpapasiya at kikilos batay sa kung ano ang tama at mabuti.
a. mga taong may kalaman sa at nagsasabuhay ng mga pagpapahalagang moral, may sapat na kakayahan sa proseso ng paghubog ng konsensiya tulad ng mga magulang at nakatatanda b. sa simbahan mula sa mga turo, panulat at magandang halimbawa ng mga pari, pastor, at iba pang namumuno dito c. sa Diyos gamit ang Kaniyang mga salita at halimbawa Sa proseso ng paghubog ng konsensiya gamitin nang mapanagutan ang sumusunod; a. Isip. Sa pamamagitan ng pag-aaral, pagkatuto, pagtatanong, pag-alam at pagkuha ng mga impormasyon, paghingi ng payo, panalangin, pagkakaroon ng kahandaan na baguhin ang nilalaman ng isip, pagiging maingat sa pagpapasiya sa kung ano ang pinakamabuting kilos na nararapat gawin, pag-unawa sa birtud b. Kilos-loob. Sa pamamagitan ng pagpili, pagpapasiya at pagkilos tungo sa kabutihan at pagninilay kung ang nabubuong pagkatao sa sarili ay patungo sa paglinang ng pagka-personalidad c. Puso. Pananalangin, pagkakaroon ng mas malalim na kakayahan sa pagkilala ng mabuti laban sa masama, kahandaan na mas piliin ang mabuti d. Kamay . Palaging isakilos ang ginawang pagkiling o pagpili sa mabuti, pagkakaroon ng pananagutan sa anumang kilos, pagsasabuhay ng mga birtud at pagpapahalaga, pakikihalubilo sa mga taong tunay na susuporta sa paghubog ng mga moral na pagpapahalaga. 60 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Gabay ang una at pangalawang prinsipyo ng Likas na Batas Moral, maaaring mapadali ang proseso ng paghubog ng konsensiya ng tao. Kung isasapuso ng lahat ng tao ang mga prinsipyong ito, malinaw ang magiging gabay ng tao sa kaniyang kilos at pagpapasiya. Hindi naman inaasahan ang agarang pagbabago sapagkat ang paghubog sa konsensiya ng tao ay isang mabagal na proseso. Mahalaga ng maiwan ang mahalagang mga kataga hango sa aklat na Konsensiya (Lipio, 2004). “Ang ating mga pagkabigo ay daan tungo sa ating pag-unlad. Tinatawag tayo upang maging ganap sa salita at gawa. Kung ano tayo at kung magiging ano tayo ay nakasalalay sa ating mga moral na gawain. Ang mga gawaing ito ay humuhubog sa ating pagkatao, paguugali at buong buhay.”
Y P O C D E P E D
Ang ating kakayahan na maunawaan at pillin kung ano ang mabuti patungo sa mabuting paraan ng pagkilos ay nagmumula sa konsensiyang nahubog nang mahusay. Ang pagsunod sa utos ng konsensiya ay hindi lamang ang paggawa ng mabuti kundi higit sa lahat, ang pagiging mabuting tao, ang pagpapakatao. Matatag ka na ba sa pagtugon sa hamon ng maayos at regular na paghubog ng konsensiya? Tayahin ang Iyong Pag-unawa
1. Ano ang pangunahing tungkulin ng konsensiya? 2. Ipaliwanag ang pagkakaiba ng kamangmangang madaraig at kamangmangang di madaraig gamit ang isang halimbawa. 3. Ano-ano ang apat na yugto ng konsensiya? Ipaliwanag ang bawat isa gamit ang isang halimbawa. 4. Bakit mahalagang maunawaan ang proseso ng pagkilos o mga yugto ng konsensiya? 5. Ano ang kaugnayan ng konsensiya sa Likas na Batas Moral? 6. Ano ang una at ikalawang prinsipyo ng Likas na Batas Moral? 7. Bakit mahalaga ang paghubog ng konsensiya? 8. Paano huhubugin ang konsensiya ng tao upang kumiling ito sa mabuti? Paghinuha ng Batayang Konsepto
1. Hahatiin ng guro ang klase sa apat na pangkat. Magkakaroon ng lima hanggang sampung minutong talakayan sa pangkat upang sagutin ang tanong na: Paano magsisilbing gabay ang konsensiyang nahubog batay sa Likas na Batas Moral sa tamang pagpapasiya at pagkilos? Matapos mapakinggan ang sagot ng lahat ng kasapi sa pangkat ay bumuo ng pangkalahatang sagot sa mahalagang tanong at isulat ito sa isang manila paper . 2. Ipaskil sa pisara at basahin sa klase. 3. Pagkatapos, gamitin ang output ng bawat pangkat upang bumuo ng pangkalahatang sagot ng klase sa mahalagang tanong. 61
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Pag-uugnay ng Batayang Konsepto sa Pag-unlad ko Bilang Tao 1. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa pag-unlad bilang tao? 2. Ano-ano ang maaari mong gawin upang mailapat ang iyong mga pagkatuto sa modyul na ito?
E. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO
Y P O C D E P E D
Pagganap Gawain 3
Panuto: Batay sa naging reyalisasyon sa mga nagdaang gawain, tayahin ang sariling kakayahan ng konsensiya na makabuo ng tama at mabuting pasiya. 1. Magtala ng dalawa o tatlong sitwasyon sa iyong buhay kung saan nakaranas ka ng isang “krisis” o kahirapan sa pamimili ng tama at mabuting pasiya. 2. Kaugnay ng sitwasyong ito, bumuo ng mabuting pasiya batay sa mga Prinsipyo ng Likas na Batas Moral. 3. Gawing tiyak, akma, at makatotohanan ang iyong pasiya. 4. Ipa- print ito at ilagay ito sa isang bahagi ng sariling silid sa tahanan upang magsilbing paalala sa bawat gawain sa araw-araw. Halimbawa: Nagtanong ang aking mga magulang tungkol sa dahilan ng pag-uwi ko ng gabi mula sa paaralan. Sinabi kong naghanda kami ng aking mga kaklase para sa isang pagtatanghal sa susunod na araw. Lingid sa kanilang kaalaman, naglaro ako ng computer games at sumama sa lakad ng aking mga kaibigan. Pasiya Noon
Pasiya o Kilos Kung Maharap sa Kaparehong Sitwasyon
1. Natakot akong mapagalitan kung malalaman ng mga magulang ko ang totoong dahilan ng paguwi ko nang gabi kaya pinili ko ang magsinungaling.
Sasabihin ko ang totoo sa kanila, kahit mapagalitan ako.
Prinsipyo ng Likas na Batas Moral
Ang Unang Prinsipyo: Gawin ang mabuti at iwasan ang masama.
Paliwanag
Alam ko na masama ang magsinungaling at hindi ko dapat ipagkait sa aking mga magulang ang katotohanan. Nag-aalala lamang sila para sa aking kaligtasan.
62 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Pagninilay Gawain 4 Panuto: 1. Sa iyong journal o kuwaderno, isulat ang iyong naramdaman at reyalisasyon mula sa gawain sa Pagganap. 2. Maaari ring magtala ng mga tanong na nananatiling nangangailangan ng sagot.
Pagsasabuhay
Y P O C D E P E D Gawain 5
Malinaw na sa iyo na ang konsensiyang nahubog sa Likas na Batas Moral ay gabay sa mabuting pagpapasiya at pagkilos. Gawin ang sumusunod: Panuto:
1. Sa pagkakataong ito, itala ang mga mahalagang pasiya at kilos na isinagawa mo sa loob ng isang linggo. 2. Tukuyin kung masama o mabuti ang iyong naging pasiya at kilos batay sa mga Prinsipyo ng Likas na Batas Moral. 3. Ilahad ang mga angkop na hakbang na gagawin upang mabago at mapaunlad ang mga masasamang pasiya at kilos. 4. Ipakita sa iyong mga magulang ang gawaing ito. Hilingin ang kanilang tulong at suporta sa pagsasagawa nito upang masiguro ang pagsasakatuparan. 5. Isulat ang iyong naramdaman at reyalisasyon mula sa gawaing ito sa iyong journal o kuwaderno. Ibahagi ito sa iyong magulang o kapamilya at palagdaan. 6. Maaaring sundin ang katulad na pormat sa ibaba. Mga pasiya at kilos na aking isinagawa
Lunes
Mabuti o Masama? (Batay sa mga Prinsipyo ng Likas na Batas Moral)
1. 2. 3.
Mga angkop na hakbang na dapat gawin upang mabago at mapaunlad ang mga masamang pasiya at kilos
1. 2. 3.
Martes
Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado Linggo
_________________________
_________________________
Lagda ng Mag-aaral
Lagda ng Magulang 63
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Mga Kakailanganing Kagamitan (websites, software, mga aklat, worksheet ) Mga Sanggunian: Astorga, Ma. Cristina A. (2009). Living the Faith Option: Christian Morality. Quezon City: FNB Educational, Inc. Cabellos, P. (1991). Forming the Conscience. Manila. Sinagtala Publishers, Inc.
Y P O C D E P E D
Clarke, W.N., S.J. (1997). Conscience and the Person. (Manila) Buddha
Donnelly, John and Lyons, Leonards (1973). Conscience. New York: Alba House.
Lipio, F.C. (2004). Konsensiya Para sa Katolikong Pilipino. Mandaluyong City: National Book Store.
O’Neil, Kevin J., and Black Peter, C. (2006). The Essential Moral Handbook (A Guide to Catholic Living). Bangalore: Asian Trading Corporation.
Reyes, Ramon. (2009). Ground and Norm of Morality. Quezon City: Ateneo de Manila University Press.
Mula sa Internet:
Moral Dilemmas for Students Retrieved November 14, 2014 from http://www.buzzle. com/articles/moral-dilemmas-for-students.html
64 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Unang Markahan
MODYUL 4: ANG MAPANAGUTANG PAGGAMIT NG KALAYAAN
A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO?
Y P O C D E P E D
“Wala silang magagawang masama sa atin, totoong wala. Maaari silang manakot, alisin sa atin ang materyal na bagay na ating kailangan at tanggalin sa atin ang pagkilos nang malaya. Subalit ang makatatanggal sa atin ng ating lakas ay ang ating negatibong ugali. Ang pinakamalaking pinsala na maaaring maranasan natin ay ang pinsalang ipinapataw natin sa ating sarili.” Ito ang tinuran ni Etty Hillesum, isang Hudyo na nakaranas pagkaitan ng panlabas na kalayaan. Sa gitna ng mga pagsubok mula sa pamahalaaang Nazi na kaniyang pinagdaanan, natuklasan niya ang kalayaan sa kaniyang sarili mismo. Ang kalayaang piliin ang kaniyang magiging ugali o tugon sa anumang sitwasyon ng buhay. Ang ating reaksiyon sa isang sitwasyon ay ating pinili at ninais. Kapag may ginagawa ang isang tao na hindi maganda, karaniwang ibinibigay niyang dahilan ang kaniyang kapuwa kung bakit niya ito ginawa. Ayon sa kaniya ang kilos niya ay reaksiyon lamang sa ginawa sa kaniya ng iba. Tama nga kaya ito? Nakatali ba ang kilos ng tao sa kilos ng kaniyang kapuwa? Sa Baitang 7 ng Edukasyon sa Pagpapakatao, tinalakay ang isa sa mga katangian o kakayahang taglay ng tao na nagpapatangi sa kaniya na ipinagkaloob mula pa sa kaniyang kapanganakan. Kakabit ng buhay na ipinagkaloob sa tao ay ang kapangyarihang pamahalaan ito, ito ay katangian ng kilos-loob ng tao … ang KALAYAAN. Ang kalayaan ang ninanais na makamit ng tao dahil sa pananaw na: ito ay pagkilos upang makamit ang ninanais na walang iniisip na hadlang upang magawa niya ito. Tama nga kaya ang kaisipang ito? Sapat ba ang ganitong pag-unawa tungkol sa diwa ng kalayaan? Ilan lamang ito sa tatalakaying tanong sa pag-aaral mo ng modyul na ito. Inaasahang masasagot mo ang Mahalagang Tanong na: Ano ang tinuturing na tunay na kalayaan at paano ito mapatutunayan? 65 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa 4.1 Natutukoy ang mga pasiya at kilos na tumutugon sa tunay na gamit ng kalayaan 4.2 Nasusuri ang tunay na kahulugan ng kalayaan 4.3 Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin 4.4 Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maisabuhay ang paggamit ng tunay na kalayaan: tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod Naririto ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa kakayahang pampagkatuto 4.4:
Y P O C D E P E D
a. Nakapili ng angking negatibong katangian na nakahadlang sa paggamit ng tunay na kalayaan b. Naitala ang mga nararapat gawin upang malampasan ang negatibong katangiang ito c. Naitala ang karanasan sa mga sitwasyon o pagkakataon na ginamit ang tunay na kalayaan d. May kalakip na pagninilay
A. Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Piliin ang pinakawastong sagot at isulat ito sa iyong kuwaderno. 1. Ano ang itinuturing na kakambal ng kalayaan? a. kilos-loob b. konsensiya c. pagmamahal d. responsibilidad
2. Ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay hindi ang nagmumula sa labas ng tao kundi ang nagmumula mismo sa loob ng tao. Ano ang nais ipakahulugan nito? a. Ang kalayaan ay matatagpuan sa sarili. b. Nakahahadlang ang kapwa sa pagkamit ng kalayaan. c. Niloob ng tao ang antas ng kaniyang pagiging malaya. d. Ang hadlang sa pagiging malaya ay ang sarili niyang pag-uugali. 3. Bakit may kakayahan ang taong kumilos ayon sa sariling kagustuhan at ayon sa pagdidesisyon kung ano ang gagawin? a. Dahil ang tao ay may malayang kilos-loob. b. May likas na batas moral na gumagabay sa kaniya. c. May kakayahan ang taong gamitin ang kaniyang konsensiya. d. Sapagkat ang tao ay may kakayahang pag-isipan ang mga ito. 66 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
4. Alin sa sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan? a. Nagagawa ni Connie ang mamasyal anumang oras niya gustuhin. b. Inamin ni Lala ang kaniyang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa ginawa. c. Hindi mahiyain si Greg kaya nasasabi niya ang gusto niyang sabihin sa isang tao. d. Kahit pagod na galing sa trabaho, sinamahan pa rin ni Jake ang kapitbahay na isinugod sa ospital. 5. Ang responsibilidad ay ang kakayahang tumugon sa tawag ng pangangailangan ayon sa sitwasyon. Ang pahayag ay: a. Tama, dahil ang tunay na responsableng kalayaan ay ang pagtulong sa kapuwa. b. Tama, dahil may kakayahan ang taong magbigay paliwanag sa kilos na ginawa. c. Mali, dahil ang responsibilidad ay palaging kakambal ng kalayaan na ginagamit ng tao. d. Mali, dahil ang responsibilidad ay ang pagtanggap sa kahihinatnan ng kilos na ginawa.
Y P O C D E P E D
“Higit na nagiging malaya ang tao kapag ginagawa niya ang mabuti. Walang tunay na kalayaan kundi sa pagmamahal at paglilingkod.”
6. Ano ang mensahe nito? a. Ang kalayaan ay ang paggawa ng mabuti. b. Ang pagiging malaya ay nakabatay sa kilos ng tao. c. Makabubuti sa bawat tao ang pagkamit ng kalayaan. d. Ikaw ay malaya kapag naipakita ang pagmamahal at paglilingkod. 7. Ano ang tinutukoy na mabuti? a. Ang pagkakaroon ng kalayaan. b. Ang pagmamahal at paglilingkod sa kapuwa. c. Ang kakayahan ng taong pumili ng mabuti. d. Ang magamit ang kalayaan sa tama at ayon sa inaasahan.
8. Bakit kailangang lumaya ang tao mula sa makasariling interes, pagmamataas, katamaran, at iba pang negatibong pag-uugali? a. Nakasentro lamang siya sa kaniyang sarili kaya hindi makakamit ang kalayaan. b. Magkakaroon ng kabuluhan ang buhay kung walang ganitong katangian. c. Nag-iiwan ito ng hindi magandang imahe sa pagkatao ng tao. d. Nilalayuan ng ibang tao ang may ganitong mga pag-uugali. 9. Para saan ang pagkakaroon ng kalayaan ng tao? a. Dahil kailangang malinang ang pagkatao ng tao sa pamamagitan nito upang matamo ang layunin ng kaniyang buhay sa mundo. b. Para maging malaya ang tao sa pansariling kahinaan at maging malayang tumugon sa pangangailangan ng sitwasyon. 67
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
c. Para maging masaya ang tao sa buhay niya dahil nagagawa niya ang kaniyang nais na walang nakahahadlang dito. d. Mahalaga ito upang malinang ang kakayahan ng taong piliin ang mabuti kaya ibinigay sa kaniya ang kalayaan. 10. Hindi mo maunawaan ang leksiyon ng inyong guro at nakababagot sa pakiramdam kaya nawalan ka ng interes na makinig sa kaniya. Dahil dito wala kang natutuhan sa itinuro niya, sinisi mo ang iyong guro. Sang-ayon ka ba sa kaniya? a. Sang-ayon, dahil responsibilidad ng guro ang maipaunawa sa mga mag-aaral ang leksiyon. b. Sang-ayon, dahil kailangang mapaganda ang leksiyon para hindi nakababagot sa mag-aaral. c. Di sang-ayon, dahil may pananagutan ang tao sa kaniyang kilos. d. Di sang-ayon, dahil may kakayahan kang piliin ang iyong kilos.
Y P O C D E P E D B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Gawain 1
Noong nasa Baitang 7 ka, naipaliwanag sa iyo na ikaw ay natatangi sa ibang nilikha dahil sa taglay mong isip at kilos-loob. May kakayahan kang gumawa ng pagpapasiya para sa sarili. Upang magamit ang iyong isip at kilos-loob sa pagpapaunlad ng iyong pagkatao, ipinagkaloob din sa iyo ang iyong kalayaan. Panuto:
1. Sa pagkakataong ito, balikan mo ang mga kaisipan at konsepto na natanim sa iyo tungkol sa kahulugan ng kalayaan. 2. Isulat ito sa mga bilog na inilaan para sa iyong mga sagot. Gamiting gabay ang pormat sa ibaba.
Kalayaan
68 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
3. Gawin ito sa kuwaderno ngunit maaari ding isulat sa pisara ang mga sagot sa paggabay ng iyong guro. 4. Matapos ang gawain ay sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang mga sagot sa kuwaderno. a. Ano-ano ang pakinabang na natatamasa mo dahil ikaw ay nilikhang malaya? b. Ano-ano ang nagiging mga hadlang sa paggamit mo ng kalayaan? c. Ano-ano ang tungkulin mo dahil ikaw ay malaya?
Y P O C D E P E D Gawain 2 Panuto:
1. Balikan mo ang iyong mga naging sagot sa naunang gawain. 2. Mula sa iyong mga sagot, tukuyin kung alin ang tama at maling pananaw tungkol sa tunay na kahulugan ng kalayaan. 3. Maaaring gamiting gabay ang pormat sa ibaba.
Tamang Pananaw Tungkol sa Kalayaan
Maling Pananaw Tungkol sa Kalayaan
1. 2. 3.
4. Sagutin ang sumusunod na tanong sa kuwaderno, pagkatapos na makapagpaliwanag ang lahat ng pangkat: a. Ano ang iyong mga natuklasan sa natapos na gawain? Ipaliwanag. b. Sa iyong palagay, saan patungo ang ganitong mga kaisipan (tama at mali) tungkol sa kalayaan? c. Para sa iyo, ano ang tunay na kahulugan ng kalayaan?
69 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN, AT PAG-UNAWA Gawain 3 Panuto: Ipagpalagay na ikaw ay bibigyan ng libreng limang oras upang gawin ang iyong gustong gawin. Saan mo ito gagamitin o paano mo ito gugugulin? Isulat sa iyong kuwaderno ang mga naiisip mong gagawin.
Y P O C D E P E D
1. Sa gabay ng iyong guro, isulat sa metastrip ang iyong sagot at idikit ito sa pisara. 2. Matapos mailagay ang mga sagot sa pisara, sa gabay pa rin ng inyong guro uriin o ikategorya ang mga naisulat na planong gagawin. (Maaaring ang mga ito ay ayon sa pag-aaral, kaibigan, kasiyahan, gadget , sarili, pamilya, bayan o pagtulong sa kapuwa, at iba pa). 3. Sagutin ang sumusunod na mga tanong pagkatapos ng gawain. a. Ano ang resulta ng gawain? b. Bakit ito ang iniisip mong gawin sa libreng oras na ibibigay sa iyo? c. Ano ang mensaheng nakuha mo tungkol sa kalayaan mula sa naging sagot mo at ng iyong kamag-aral sa gawaing ito? Gawain 4 Panuto:
1. Pangkatin ang klase batay sa bilang ng kategorya ng mga gawaing naging sagot ng klase sa Gawain 3. 2. Italaga ang isang kategorya sa isang pangkat. 3. Ipagpalagay na ang mga gawaing nakasulat sa metastrip na pinili mong gawin gamit ang iyong kalayaan ay isang tulay na iyong tinatahak. 4. Sa kaliwang dulo ng tulay iguhit ang larawan ng isang batang kumakatawan sa iyo. Idikit ang mga metastrip na nakapaloob sa isang kategorya na magiging anyong tulay gamit ang manila paper . Sa kanang dulo ng tulay ay isulat mo ang inaasahang makakamit pagkatapos gawin ang mga gawaing nakatala. Halimbawa: Kategorya: Kaibigan Inaasahang makakamit pagkatapos ng gagawin
70 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ikaw
Papasyalan
makikipag-
makikipag
ang kaibigan
kuwentuhan
jamming sa
sa kaibigan
kaibigan
at
iba
pa
Magiging malapit sa kaibigan
Y P O C D E P E D
5. Ibabahagi ng bawat pangkat ang kanilang ginawa sa klase. 6. Sagutin ang sumusunod na mga tanong: a. Kung ang gawaing pinili mong gawin ay ipagpapalagay na kumakatawan sa tulay na iyong tatahakin o tinatahak, anong uri ng tulay ang iyong itinatayo? b. Saan ito patungo? c. Kontento ka ba sa epekto o patutunguhan ng pinili mong gawin? Patunayan. d. Kung naging kontento/masaya ka sa resulta nito, hanggang kailan magtatagal ang iyong kasiyahan? Magtatagal ba ito o panandalian lamang? Patunayan. e. Nagamit mo ba nang tama ang kalayaang mayroon ka? Ipaliwanag. f. Alin sa mga kategorya ang nagpapakita ng tunay na kalayaan? Bakit? g. Matapos ang gawaing ito, ano ang maibibigay mong kahulugan sa tunay na kahulugan ng kalayaan? D. PAGPAPALALIM
Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay.
Ang Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan
“Galit ako sa kaibigan ko, nagsinungaling siya sa akin kaya sira na ang araw ko dahil sa kanya!”
“Napakaboring naman sa klase! Wala akong natutuhan sa aralin dahil sa aming guro.”
71 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Narinig mo na ba ang mga katagang ito? O di kaya nasambit mo na rin ang mga ito? Tama nga kaya ang mga katuwiran na binanggit - sira na ang araw ko dahil sa ginawa ng kaibigan at nakababagot ang klase, wala akong natutuhan sa leksiyon dahil sa guro? Nangangahulugan ba ito na ang nangyayari sa isang tao ay kagagawan ng kaniyang kapuwa? Para bang ibinibigay mo ang remote control ng iyong buhay sa ibang tao at sinabing: heto, palitan mo ang aking damdamin at kilos kung kailan mo gusto. (John Bytheway sa kanyang aklat na “What I Wish I’d Known in High School.”
Y P O C D E P E D
Noong nasa Baitang 7 ka, naipaliwanag sa iyo na ang tao ay may taglay na
kalayaan mula pa sa kaniyang kapanganakan. Ayon nga sa kahulugang ibinigay ni Santo Tomas de Aquino, “ang kalayaan ay katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kaniyang kilos tungo sa maaari niyang hantungan at itakda ang paraan upang makamit ito.” Ibig sabihin, ang tao ang nagtatakda ng kaniyang kilos para sa kaniyang sarili. Walang anumang puwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda nito para sa kaniya. Nangangahulugan lamang na ang
“Ang kalayaan ay ang katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos tungo sa kanyang maaaring hantungan at ang itakda ang paraan upang makamit ito.” Santo Tomas de Aquino
remote control ng kaniyang buhay ay hawak ng sarili niyang mga kamay, siya ang pumipili ng estasyon ng gawain na kaniyang nais gawin, sapagkat ang kapangyarihan ng kilosloob ay hindi maaaring ibigay sa iba. Kaya nga, kung sakaling nagalit ka at nasira ang
araw mo, iyon ay dahil pinili mong magpaapekto at masira ang araw mo. Gayundin kung wala kang natutuhan sa leksiyon, may paraan na puwede mong gawin upang maunawaan ang inyong aralin. Ito ay dahil may kakayahan ang taong isipin kung ano ang nararanasan niya sapagkat mayroon siyang kamalayan. Dahil sa pagiging malaya, may kakayahan ang taong piliin kung paano siya kikilos o tutugon sa nararanasan. Maaari mong
piliing magalit at masira ang iyong araw dahil sa kilos
ng isang kaibigan o kaya’y unawain ang kaniyang
kalagayan, patawarin siya, at manatiling maayos ang inyong ugnayan. Maaari mong piliin ang mabagot
at walang matutuhan sa leksiyon o kaya’y humingi ng tulong sa guro sa bagay na hindi naunawaan at magkaroon ng pokus upang maunawaan ito. May kakayahan ang taong magtimpi at may dahilan siya upang gawin ito.
72 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Bagama’t may kalayaan ang taong piliin at gawin ang isang kilos, hindi sakop ng kalayaang ito ang piliin ang kahihinatnan ng kilos na pinili niyang gawin. Binigyanglinaw ito sa talakayan sa EsP sa Baitang 7. Palaging may pananagutan ang tao sa kahihinatnan ng kaniyang piniling kilos. Ano kung gayon ang kalayaan? Ano ang kaugnayan nito sa iba pang pakultad ng tao? May kaugnayan kaya ito sa pagpapakatao ng tao? Naririto ang paliwanag ni Johann tungkol sa tunay na kalayaan. Ang salitang kalayaan ay karaniwang gumigising sa puso ng bawat tao. Ipinaglalaban ng bawat tao ang kaniyang karapatang mabuhay at magpasiya ayon sa kaniyang nais, sa pangangatuwirang walang panlabas na hadlang na sisirain sa paggawa niya nito. Ito ang madalas na iniisip ng tao tungkol sa kalayaan – ang paggawa ng isang bagay na nais niyang gawin o ang karapatang sabihin ang anumang bagay na nais niyang sabihin. Karaniwang sa pag-asam at pagsisikap na makamit ang kalayaan, nakaliligtaan ang mahalagang hakbang sa pagkamit nito. Karaniwang tinitingnan ang kalayaan bilang kawalan ng panlabas na hadlang sa pagkamit ng ninanais ng tao. Bibihirang kinikilala na ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay hindi ang nagmumula sa labas kundi ang nagmumula mismo sa loob ng tao. Ito ay hiwalay sa ginagawa o kilos ng iba kaya’t kailangan ng tao ng “higit” pa sa malayang kilos-loob upang maging malaya. Ang tinutukoy na “higit” ay makikita kung titingnan ang kalayaan sa aspektong mayroon itong kakambal na responsibilidad o sa madaling sabi, ang kalayaan ay may kasunod na responsibilidad.
Y P O C D E P E D
Narito ang paliwanag ni Johann sa dalawang pakahulugan sa pananagutan na nakaaapekto sa ideya ng kalayaan. 1. Simulan natin sa pagsasabing ang malayang kilos ay kilos na “mananagot ako.” Ito ay kilos na nagmula sa akin. Sa puntong ito, ang kalayaan ay nakakabit sa aking sarili (sa pagiging ako), sa aking kakayahang kumilos, sa aking sariling kagustuhan, sa pagsasabi ng oo o hindi sa mga nakapalibot sa akin, sa pagpapasiya ko kung ano ang aking gagawin. Ito ang kalayaang kaugnay ng malayang kilos-loob at mayroon ako nito dahil ako ay tao, likas ito sa akin. Sapagkat ang tao ay tao, siya ang pinagmumulan ng kaniyang kilos. Kaya may pananagutan siya sa kalalabasan ng kaniyang ginawa. Nangangahulugan Kakabit ng pananagutan itong kailangan niyang harapin ang kahihinatnan ng ang kakayahan ng kaniyang ginawa. Halimbawa, maaaring bumagsak taong tumugon sa ang marka ng isang mag-aaral na hindi pumapasok obhektibong tawag ng sa klase. Hindi niya maiiwasang harapin ang resulta pangangailangan ng ng pagliban niyang ito. Ang tao ay karaniwang sitwasyon. pinananagot sa paggawa ng isang bagay na hindi 73
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
niya mabigyan ng mapangangatwiranang dahilan ( justifable reason). Siya ay dapat managot (be accountable) sa mga kilos na ito.
Hindi tunay na malaya ang tao kapag hindi niya makita ang lampas sa kaniyang sarili; kapag wala siyang pakialam sa nakapalibot sa kaniya; kapag wala siyang kakayahang magmalasakit nang tunay at kapag siya ay nakakulong sa pansarili lamang niyang interes.
2. Subalit, bagama’t ako ay responsable sa aking ginawa, hindi ito nangangahulugan na ang kilos ko ay mapanagutang kilos. Bilang tao, ako ay responsable sa aking mga kilos, subalit hindi ito nangangahulugang ako ay isang responsableng tao. Ang responsibilidad sa sukdulang kahulugan nito ay hindi lamang pananagutan kundi ito ay kakayahan o abilidad na magbigay paliwanag ( give account ). Ibig sabihin, may kakayahan akong bigyang dahilan kung bakit kailangan kong gawin ang aking kilos ayon sa hinihingi ng pagkakataon o sitwasyon. Ibig sabihin, kakabit ng pananagutan ang kakayahan ng taong tumugon sa obhektibong tawag ng pangangailangan ng sitwasyon. Ang responsableng tao kung gayon ay ang taong tinutuon ang kaniyang kilos bilang tugon sa obhektibong tawag ng pangangailangan. Kaya nga kapag isinaalang-alang niya ang mga salik sa konteksto ng sitwasyon bago ang pagsasagawa ng kaniyang kilos, may pagsisikap siyang tumugon ayon sa mga salik na ito at hindi ang pagpapairal ng sariling kagustuhan; kaya hindi siya mahihirapang ipaliwanag at bigyang-katwiran ang kaniyang ginawang kilos.
Y P O C D E P E D
Kung ang pagiging mapanagutan ay hindi makapagbibigay sa akin ng kakayahang ipaliwanag ang aking kilos, gayundin ang pagkakaroon ng malayang kilos-loob, hindi masisigurong ako ay totoong malaya. Ang kalayaan ay hindi lamang nangangahulugan ng pagkakaroon ng kakayahang kumilos ayon sa aking kagustuhan, ang pagiging malaya Kung ang pagiging mapanagutan ay nangangahulugang mayroon akong ay hindi makapagbibigay sa kakayahang kumilos nang rasyonal o akin ng kakayahang ipaliwanag naaayon sa katuwiran. Kaugnay ng tunay na ang aking kilos, gayundin ang kalayaan, ang malayang kilos-loob ay paraan pagkakaroon ng malayang kiloslamang upang makamit ito, sapagkat ang loob, hindi masisigurong ako ay makatuwirang kilos ay humihingi ng pagiging totoong malaya. malaya sa pagiging makasarili (egoism). Ang kakayahang kumilos nang may katuwiran ay nangangailangan o humihingi ng pagpapalit ng pokus sa buhay. Ang pokus na ito ay ang pagpapahalaga sa kapuwa at paglalagay sa kanila na una bago ang sarili; ang tumugon sa kung ano ang kailangan ng sitwasyon kaysa sa magpaalipin sa sariling pagnanais at kapritso. Sinang-ayunan ito ni Lipio (2004) sa kaniyang paliwanag na ang tunay na kalayaan ay hindi sariling kalayaan ng tao na hiwalay sa sambayanan kundi isang 74 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
kalayaang kabahagi ang kaniyang kapuwa sa sambayanan. Dahil nabubuhay ang tao sa isang sambayanan, ginagamit ang kalayaan sa pakikipagkapuwa-tao sapagkat ang tunay na kalayaan ay ang pagpapahalaga sa kapuwa: ang magmahal at maglingkod. Mula sa mga naunang paliwanag, makikitang may dalawang aspekto ng kalayaan: ang kalayaan mula sa (freedom from) at kalayaan para sa (freedom for ). 1. Kalayaan mula sa (freedom from). Karaniwang binibigyang katuturan ang kalayaan bilang kawalan ng hadlang sa labas ng tao sa pagkamit ng kaniyang ninanais. Sa ganitong pag-unawa ng kalayaan, masasabing malaya ang tao kapag walang nakahahadlang sa kaniya upang kumilos o gumawa ng mga bagay-bagay. Subalit kailangang kilalanin na ang tunay na nakahahadlang sa kalayaan ng tao ay hindi ang nagaganap sa labas niya o sa kaniyang paligid kundi ang nagmumula sa kaniyang loob. Ang nagaganap sa labas ng kaniyang sarili ay pangyayaring wala siyang kontrol at wala siyang kalayaan upang pigilan ito. Samantalang ang nagaganap sa loob ng tao ay kaya niyang pigilin at pamahalaan upang maging ganap siyang malaya. Ano kung gayon ang nakahahadlang sa kalayaan mula sa loob ng tao? Ito ay ang mga negatibong katangian at pag-uugaling ipinaiiral ng tao kaya’t kahit mayroon siyang kilos-loob, pumipigil ito sa kaniya sa pagkamit at paggamit ng tunay na diwa ng kalayaan. Kailangang maging malaya ang tao mula sa makasariling interes, pagmamataas, katamaran, kapritso, at iba pang nagiging hadlang upang magawa niya ang ikalawang uri ng kalayaan.
Y P O C D E P E D
2. Kalayaan para sa (freedom for ). Ang tunay na kalayaan ayon kay Johann ay ang makita ang kapuwa at mailagay siyang una bago ang sarili. Kung malaya ang tao mula sa pagiging makasarili at maiwasang gawing sentro ng kaniyang buhay ang kaniyang sarili lamang, magkakaroon ng puwang ang kaniyang kapuwa sa buhay niya. Gagamitin niya ang kaniyang kalayaan para tumugon sa hinihingi ng sitwasyon at pagkakataon. Ito ang diwa ng pagmamahal sa kapuwa. Samakatwid, kailangang maging malaya ang tao mula sa mga pansariling hadlang upang maging malaya siya para sa pagtugon sa pangangailangan ng kaniyang kapuwa - ang magmahal at maglingkod. Narito ang halimbawa ng paliwanag tungkol sa dalawang aspekto ng kalayaan: Isang matanda ang nakatayo sa kanto at naghihintay ng tutulong sa kaniya upang makatawid. Maaari ko siyang tulungang tumawid o kaya’y huwag pansinin. Ngunit mayroon siyang pangangailangang nagsusumiksik sa aking kamalayan at humihimok sa akin na siya’y tulungan. Hindi ko siya tinutulungan para pasalamatan 75
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
niya ako o kaya’y sa magandang pakiramdam na nagmumula sa pagtulong sa kapuwa. Bagkus nakikita ko ang kaniyang pangangailangan at kung hindi ko ito papansinin ay alam kong hindi ako karapat-dapat bilang ako. Ngunit hindi ko rin makikita ang kaniyang pangangailangan at hindi ako makatutugon kung sarili ko lang ang iniintindi ko. Kung paiiralin ko ang aking katamaran hindi ko nanaising gambalain ako ng iba.
Y P O C D E P E D
Ang nasa kalooban kong pagpapakatao ang nagpapakilos sa akin upang tumugon sa tawag na magmahal ng kapuwa. Sa pagtugon ko ng “oo” rito, inakay ko at tinutulungang tumawid ang matanda sa kalsada. Sa pagtulong sa kaniya, ipinakikita ko ang aking pananagutan sa kaniya, lumalaya at naliligtas ako mula sa aking makasariling mga interes, pagmamataas, katamaran at iba pang hindi kaayaayang ugali. Binubuksan nito ang aking kamalayan na gamitin ang aking kalayaan para maglingkod sa kapuwa at palalimin ang aking pagkatao. (Lipio,F, 2004 ph.14.) Ayon kay Scheler, ang kalayaan ay kilos kung saan dumaraan ang isang tao mula sa pagtataglay nito patungo sa pagiging isang uri ng taong ninais niyang makamit. Higit sa pagkakaroon ng kalayaan, tinatawag tayo na maging malaya bilang tao. Ang kalayaang likas sa tao ay nauugnay sa pagpapahalaga na ninanais niyang taglayin bilang tao. Kung paano ito ginagamit ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng isang tao at nagpapakilala ng uri ng kaniyang pagkatao. Makikita ito sa dalawang uri ng kalayaan: ang malayang pagpili o horizontal freedom at ang fundamental option o vertical freedom. Sa paliwanag ni Cruz (2012), ang malayang pagpili ( free choice) o horizontal freedom ay tumutukoy sa pagpili sa kung ano ang tingin ng taong makabubuti sa kaniya (goods). Pinipili natin ang isang bagay dahil nakikita natin ang halaga nito sa atin. Halimbawa: Kailangan mong bumili ng bagong sapatos dahil sira na ang iyong ginagamit. Sa pagpunta mo sa isang department store marami ang pagpipiliang sapatos kaya’t naghanap ka ng komportable sa iyong paa, bagay o angkop sa iyong personalidad, istilo at pamantayan ng pananamit na inaasahan ng iyong mga kaibigan sa iyo at kung saan ito gawa. Sa pagpili ng pahahalagahan sa horizontal freedom, naaapektuhan nito ang unang pagpiling ginawa ( antecedent choice) na nakabatay sa vertical level o fundamental option na nakabatay sa uri o istilo ng pamumuhay na pinili ng isang tao. Ipagpatuloy natin ang halimbawa sa pagpili ng sapatos na bibilhin. Nang tanungin mo ang saleslady kung magkano ang sapatos na napili mo, ito ay nagkakahalaga ng isang libong piso. Eksaktong isang libo ang dala mong pera pero anim na raan lang ang budget na nakalaan para sa sapatos dahil ang dalawang daan ay pambili ng kailangang-kailangan mong gamit sa eskuwela at ang dalawang daan, allowance mo sa isang buong linggo. Kung bibilhin mo ang sapatos sa ganoong halaga, 76 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
maaapektuhan nito ang unang desisyon o pagpili na iyong ginawa na pagkasyahin ang perang mayroon ka at mamuhay ayon lamang sa iyong kakayahan. Ipinakikita mo rin na mas pinahahalagahan mo ang pansarili mong kasiyahan kaysa sa iyong pag-aaral at ito ang sinisimulang linangin sa sarili. Mas ninanais ang kaaya-ayang pakiramdam kaysa sa unahin ang mas mahalaga sa buhay - sa sitwasyong ito, ang pag-aaral. Sa kabuuan, kaugnay ng pagiging moral na indibidwal, may dalawang fundamental option na bukas sa tao, pataas tungo sa mas mataas na halaga o ang fundamental option ng pagmamahal, at pababa tungo sa mas mababang halaga o ang fundamental option ng pagkamakasarili (egoism). Tumutukoy ang mga ito sa pangunahing pagpili na ginagawa ng tao: kung ilalaan ba niya ang kaniyang sarili na mabuhay kasama ang kaniyang kapuwa at ang Diyos, o ang mabuhay para lamang sa kaniyang sarili. Ang fundamental option ng pagmamahal ayon kay Johann ay isang panloob na kalayaan ( inner freedom). Halimbawa nito ay ang naging sitwasyon nina Nelson Mandela, Benigno Aquino Jr., at Viktor Frankl na bagama’t nakakulong sa bilangguan, ay malaya pa rin dahil sa kanilang pagmamahal sa bayan at sa kapuwa. Ayon sa sariling salita ni Viktor Frankl: Ang karanasan sa buhay-piitan ay nagpapakita na maaaring makapamili ang tao ng kilos na kaniyang nanaisin. Ang ilan sa kapuwa naming bihag ay inaalo ang aming mga kasamahan o ibinibigay ang huling piraso ng kanilang tinapay. Maraming mga halimbawa akong nasaksihan na nagpapakita ng kadakilaan na nagpapatunay na ang kawalan ng pakikialam o pagiging manhid ay maaaring masupil, ang pagiging magagalitin ay maaaring pigilin. Ilan ito sa patunay na maaaring makuha ang lahat sa tao maliban sa isa …ang kaniyang kalayaan – ang piliin ang magiging kilos o ugali sa anumang uri ng kalagayan o sitwasyon ng buhay. (Frankl, Viktor Emil, year, ph.)
Y P O C D E P E D
Ngayong naunawaan mo na ang tunay na kahulugan ng kalayaan, suriin mo ang iyong kilos at ang dahilan mo sa paggawa nito … tunay ka bang malaya?
Tayahin ang Iyong Pag-unawa
Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong
naunawaan, sagutan mo ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno: 1. Ano ang karaniwang katuturan ng kalayaan? 2. Ano ang responsibilidad o pananagutan?
3. Paano nauugnay ang kalayaan sa pananagutan? 4. Ano ang tinatawag na tunay na kalayaan? 5. Ipaliwanag ang dalawang aspekto ng kalayaan. 6. Paano ito nauugnay sa pagkamit ng tunay na kalayaan?
77 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Paghinuha ng Batayang Konsepto Panuto: Gamit ang graphic organizer ay buuin ang mahalagang konsepto na nahinuha mula sa mga nagdaang gawain at babasahin na binasa.
Y P O C D E P E D
Pag-uugnay ng Batayang Konsepto sa Pag-unlad ko Bilang Tao
1. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa aking pag-unlad bilang tao? 2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto sa modyul na ito?
78 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
E. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO
Pagganap Gawain 5 Panuto: Sa pagkakataong ito ay napatunayan mo na ang tunay na kahulugan ng kalayaan, at
Y P O C D E P E D
ito ay ang kakayahang magmahal at maglingkod. Ngayon, balikan at suriin mo naman ang iyong mga naging pasiya at kilos nitong mga nagdaang araw. Isa-isahin mo ang mga negatibong katangiang naipamalas mo na maaaring naging hadlang sa iyong paggamit ng tunay na kalayaan. Sundin ang pormat sa ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Mga Negatibong
Mga Sitwasyon na
Ano ang Naging Epekto
Katangian na naging
Naipakita Ko Ito
sa Akin at sa Aking
Hadlang sa aking
Kapuwa?
Paggamit sa Tunay na Kalayaan
Halimbawa:
Nagkatampuhan kami
Isang taon kaming
pagiging
ng kaibigan ko, hindi ko
hindi magkabati,
mapagmataas
siya binabati at hindi ako
nag-iiwasan, at hindi
( pride)
hihingi ng paumanhin
komportable sa
kasi para sa akin, siya
presensiya ng isa’t
ang may kasalanan kaya
isa. Nabagabag ako,
siya ang dapat maunang
kaya naapektuhan
gumawa ng hakbang para
ang aking pag-aaral.
magbati kami.
1. 2. 3. 4. 5.
79 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Pagninilay Gawain 6 Panuto: 1. Isulat ang mga mahahalagang repleksiyong nakuha mo mula sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na tanong: a. Ano ang iyong naramdaman nang balikan at suriin mo ang pagpapasiya at pagkilos na isinagawa mo ng mga nagdaang araw? b. Ano-ano ang iyong natuklasan sa pagtala mo ng iyong mga pasiya at kilos na nagpakita ng mga negatibong katangian? c. Ano ang nakahadlang sa paggamit mo ng iyong kalayaan sa mapanagutang paraan? d. Bilang isang kabataan, paano mo magagamit nang mapanagutan ang kalayaan na ipinagkaloob sa iyo? 2. Ang lahat ng sagot sa mga tanong na ito ay isulat mo sa iyong kuwaderno. Mahalagang isulat ang pagninilay sa iyong mga karanasan upang magamit mo itong batayan sa pagpapaunlad ng iyong pagkatao.
Y P O C D E P E D
Pagsasabuhay Gawain 7 Panuto:
Mabisa ang pagkatuto kung nailalapat ang natutuhan at naunawaan sa pangaraw-araw na buhay. Ang pag-unlad ay matatamo sa pamamagitan ng paggamit nito sa buhay nang paulit-ulit hanggang ito ay maging bahagi na ng iyong pagkatao. Subukin mong gawin ang gawaing nakasaad sa bahaging ito. Simulan dito: Pumili ng isang negatibong katangiang taglay na nakahahadlang sa paggamit mo ng tunay na kalayaan na kailangan mong baguhin sa iyong sarili. Pumili sa iyong sagot sa bahaging Pagganap.
_________________________________________________________ _________________________________________________________ Magtala ng paraang gagawin upang mapagtagumpayan/ malampasan ang negatibong katangiang taglay na nakahahadlang sa paggamit ng tunay na kalayaan. ______________________________________________ _______________________________________________
80 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Sitwasyon o pagkakataon na nagagamit ang tunay na kalayaan. (pagtugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod)
Unang pagkakataon: _________________________________ _______________________________________________________ _______________________________________________________ Taong kasangkot: _____________________ Lagda: ____________ Petsa: _____________________
Y P O C D E P E D Ikalawang Pagkakataon:
_________________________________________ ______________________________________________________ ______________________________________________________ Taong kasangkot: ____________________ Lagda: _____________ Petsa: _____________________ Ikatlong pagkakataon:
____________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ Taong kasangkot: ___________________ Lagda: ____________ Petsa: ____________________
Ang aking natutuhan mula sa gawain
____________________________________________ ____________________________________________
81 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Mga Kakailanganing Kagamitan (website, software, mga aklat, worksheet ) Mga Sanggunian: Covey, S. (1998) The 7 Habits of Highly Effective Teens: The Ultimate Teenage Success Guide. Ontario: Fireside Dy, Manuel Jr. B. (2012). Philosophy of Man (Selected Readings). Quezon City: Katha Publishing Co., Inc.
Y P O C D E P E D
Lipio, F. (2004). Konsiyensiya Para sa mga Katolikong Filipino. Mandaluyong City. National Bookstore
Philip, J. (2006). I Choose to Be Free: The Power of Faith Hope & Charity. Manila: Sinag-Tala Publishers Mula sa Internet:
Dy, Manuel Jr. B. Liberation and Values. Chapter VIII . Retrieved October 16, 2014, from www.books.google.com.ph/books?id=GT7KOQ
McKay B. & K. (2012). A Man’s Life, On Manhood, Personal Development . Retrieved October 14, 2014, from http://www.artofmanliness.com/2012/02/21/freedom
from-freedom-to/
82 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED TAMBAYAN http://richardrrr.blogspot.com/ 1. Center of top breaking headlines and current events related to Department of Education. 2. Offers free K-12 Materials you can use and share.
10
Y P O C D E P E D
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral
Yunit
Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
[email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas
1 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 ISBN: Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Y P O C D E P E D
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala ( publisher ) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD
Mga Bumuo ng Modyul para sa Mag-aaral
Mga Konsultant: Editor: Mga Manunulat:
Manuel B. Dy Jr., PhD at Fe A. Hidalgo, PhD Luisita B. Peralta Mary Jean B. Brizuela, Patricia Jane S. Arnedo, Goeffrey A. Guevara, Earl P. Valdez, Suzanne M. Rivera, Elsie G. Celeste, Rolando V. Balona Jr., Benedick Daniel O. Yumul, Glenda N. Rito, at Sheryll T. Gayola Tagaguhit: Gilbert B. Zamora Naglayout: Jerby S. Mariano Mga Tagapamahala: Dir. Jocelyn DR. Andaya, Jose D. Tuguinayo, Jr., Elizabeth G. Catao, at Luisita B. Peralta Inilimbag sa Pilipinas ng FEP Printing Corporation Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Ofce Address: 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072 E-mail Address:
[email protected] 2
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Talaan ng Nilalaman Ikalawang Markahan Modyul 5: Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos at Mga Salik na Nakaaapekto sa Pananagutan ng Tao sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya .......................................................................................83 Ano ang Inaasahang Maipamamalas Mo? ................................................83 Paunang Pagtataya ...................................................................................85 Pagtuklas ng Dating Kaalaman .................................................................87 Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa ........................90 Pagpapalalim ............................................................................................92 Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto ..........................................................104
Y P O C D E P E D
Modyul 6: Ang Layunin, Paraan, Sirkumstansiya, at Kahihinatnan ng Kilos ..........................................................................................107 Ano ang Inaasahang Maipamamalas Mo?..............................................107 Paunang Pagtataya ................................................................................108 Pagtuklas ng Dating Kaalaman................................................................111 Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa ......................113 Pagpapalalim ...........................................................................................115 Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto ............................................................122
Modyul 7: Ang Kabutihan o Kasamaan ng Kilos Ayon sa Paninindigan, Gintong Aral, at Pagpapahalaga ..............................................125 Ano ang Inaasahang Maipamamalas Mo? ..............................................125 Paunang Pagtataya .................................................................................126 Pagtuklas ng Dating Kaalaman ................. ..............................................128 Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa ........................129 Pagpapalalim ...........................................................................................131 Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto ..........................................................138
Modyul 8: Mga Yugto ng Makataong Kilos at Mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya ..............................................................................143 Ano ang Inaasahang Maipamamalas Mo? .............................................143 Paunang Pagtataya ................................................................................144 Pagtuklas ng Dating Kaalaman ..............................................................146 Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa .......................149 Pagpapalalim............................................................................................151 Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto ..........................................................158
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Ikalawang Markahan
MODYUL 5: ANG PAGKUKUSA NG MAKATAONG KILOS AT AT MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA PANANAGUTAN NG TAO SA KAHIHINATNAN NG KILOS AT PASIYA
Y P O C D E P E D A. ANO ANG INAASAHANG MAIP MAIPAMAMALAS AMAMALAS MO?
Sa Modyul 4 natutuhan mo, na ang kalayaan
ang nagbibigay sa tao ng kakayahang pumili at maging
mapanagutan sa piniling pasiya. Kung lagi kang nagsisikap na piliin ang pasiya at kilos na nagpapakita
ng pagmamahal at tumutugon ka sa mga sitwasyong nangangailangan
ng
iyong
paglilingkod,
anuman
ang balakid, masasabing nagtataglay ka ng tunay na kalayaan.
Ngunit may mga pagkakataon na ganitong ganitong
mga kataga ang naririnig mo “Matuto ka namang magkusa dahil hindi ka na bata!” Bakit gayon na lamang ang laki ng inaasahan sa tao lalo na sa mga gawaing humahamon sa kaniyang kakayahan na tumugon dito? dito? Sa modyul modyul na ito, sagutin mo ang Mahalagang Tanong: Tanong: Halika! Tahakin Tahakin ang landas ng pagiging makatao sa pamamagitan ng pagpili ng mabuting opsiyon.
Sa modyul na ito, inaasahang masasagot mo ang mga mahahalagang
tanong na ito:
1. Bakit may pananagutan ang tao sa kahihinatnan (kabutihan o kasamaan) ng makataong kilos? 2. Bakit nakaaapekto ang kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan, at gawi sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kaniyang mga kilos?
83 All rights reserved. reserved. No part of of this material may be reproduced or transmitted transmitted in any form form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Inaasahan ding maipamamalas mo sa modyul na ito ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa: 5.1 Nakikilala: a. na may pagkukusa ang makataong kilos kung nagmumula ito sa malayang pagsasagawa ng kilos-loob sa pamamatnubay ng isip b. ang bawat salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kaniyang kilos at pasiya
Y P O C D E P E D 5.2 Nakapagsusuri ng:
a. mga kilos na may pananagutan
b. mga sitwasyong nakaaapekto sa pagkukusa ng kilos dahil sa
kamangmangan,, masidhing damdamin, takot, karahasan, at gawi kamangmangan
5.3 Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin 5.4 Nakapagsusuri ng:
a. sariling kilos na dapat panagutan at nakagagawa ng paraan upang maging mapanagutan sa pagkilos
b. sariling pasiya batay sa mga salik na nakaaapekto sa pananagutan ng
tao sa kahihinatnan ng kilos at pasiya at nakagagawa ng mga hakbang upang mahubog ang kaniyang kakayahan sa pagpapasiya nang tama at mabuti
Naririto ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa kakayahang
pampagkatuto 5.4:
a. May angkop na ow chart na na magiging gabay at nagpapakita ng kilos kung ito ay mabuti o masama kasama na ang mga salik na maaaring makaapekto rito;
b. May mga hakbangin sa paghuhusga paghuhusga ng isang kilos kilos bilang mabuti o masama na nagsasaalang-alang nagsasaalang-alang ng mga salik na maaaring makaapekto rito;
c. May paliwanag ang mga makataong kilos na nababawasan ang kapanagutan; at
d. May kongkretong kongkretong plano plano upang mapanatili ang kakayahan kakayahan at ang kamalayan kamalayan sa pagiging mapanagot sa makataong kilos.
84 All rights reserved. reserved. No part of of this material may be reproduced or transmitted transmitted in any form form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Bago magsimula ang pagtalakay sa mga paksang susunod, mabuting sagutan ang mga maikling pagtataya bilang sukatan ng iyong mga kaalaman at maging puhunan mo sa mga susunod pang talakayan. Handa ka na ba?
Paunang Pagtataya Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik ng iyong napiling sagot sa iyong
Y P O C D E P E D kuwaderno.
1. Kung kikilalanin ang katuruan ni Aristoteles, aling kilos ang ipinakita ng isang taong nanakit sa kapuwa dahil sa galit bilang reaksiyon sa panloloko sa kaniya? a. Walang kusang-loob b. Kusang-loob c. Di kusang-loob d. Kilos-loob 2. Nakagagawa ng mali ang tao hindi dahil ninais niya kundi nakikita niya ito bilang mabuti at nakapagbibigay ito ng kasiyahan. Ito ay sa kadahilanang ang _____ niya ay nakatuon at kumikiling sa mabuti sa kanya na nakikita niya bilang tama. a. Isip b. Kalayaan c. Kilos-loob d. Dignidad
3. Masipag at matalinong mag-aaral mag-aaral si Ali. Sa talakayan at pangkatang gawain ay hindi siya nagpapahuli. Marami siyang mga gawain na nagpapatunay ng kaniyang galing. Dahil dito, naging paborito siya ng kaniyang mga guro at lagi siyang nabibigyan ng papuri sa magaganda niyang ginagawa. May pananagutan ba si Ali kung bakit nasa kaniya ang paghanga at mataas na pagtingin ng kaniyang mga guro? a. Oo, dahil siya na lamang ang parating nagtataas ng kamay upang sumagot. b. Oo, dahil hindi niya pinagbibigyan ang ibang kaklase upang sumagot. sumagot. c. Wala, dahil ginagawa ginagawa niya ang tama bilang isang mag-aaral. d. Wala, dahil talagang may kumpetisyon kumpetisyon sa isang klase.
4. Ang tao ay inaasahan na dapat palagiang gumagawa ng mabuting kilos. Anuman Anuman ang mabuti ay dapat isinasakatuparan niya. Ang mabuting gawa ba ay dapat gawin sa lahat ng pagkakataon? a. Oo, dahil ito ang dapat para sa kabutihan ng lahat. lahat. b. Oo, dahil ang hindi nito pagsakatuparan ay isang maling gawain. c. Hindi, dahil walang obligasyon obligasyon ang tao na gawin ito. d. Hindi, dahil ang mabuting kilos ay kailangan lamang gawin kung ang hindi 85
All rights reserved. reserved. No part of of this material may be reproduced or transmitted transmitted in any form form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
pagsakatuparan nito ay magdadala ng isang maling bunga. 5. Alin sa sumusunod na halimbawa ang hindi madaraig ng kamangmangan? kamangmangan? a. Pagliban ng isang estudyante na ang dahilan ay wala siya noong nagbigay ng takdang-aralin ang kanilang guro. b. Hindi pagsuot ni Mabel ng kaniyang ID kaya hindi siya pinapasok. c. Pagpasiya ng isang estudyante na pumasok sa klase kahit pa laging huli sa pagpasok ang kanilang guro. d. Pag-uwi ng maaga ni Pedro dahil sa may emergency meeting ang ang mga guro ng araw na iyon.
Y P O C D E P E D
6. Alin sa mga ito ang kilos na dahil sa takot? a. Ang pagnanakaw pagnanakaw ng kotse. b. Ang pag-iingat ng isang doctor doctor sa pag-oopera. c. Ang pagsisinungaling pagsisinungaling sa tunay na sakit. d. Ang pag-ilag ni Manny Pacquiao Pacquiao sa suntok.
7. Alin sa sumusunod ang tunay na dahilan kung bakit hindi mapananagutan ang kilos dahil sa karahasan? a. Dahil sa malakas na impluwensiya impluwensiya sa kilos b. Dahil sa kahinaan ng isang isang tao c. Dahil hindi kayang maapektuhan maapektuhan ang isip d. Dahil hindi kayang maapektuhan maapektuhan ang kilos-loob
8. Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil dahil sa damdamin? a. Panliligaw sa crush crush.. b. Pagbatok sa barkada dahil sa biglaang panloloko. c. Pagsugod sa bahay bahay ng kaalitan. d. Panlilibre sa barkada dahil sa mataas na markang nakuha. 9. Alin sa mga ito ang ang hindi maituturing maituturing na gawi? a. Paglilinis ng ilong ilong b. Pagpasok nang maaga maaga c. Pagsusugal d. Maalimpunga Maalimpungatan tan sa gabi
10. Isang matandang babae babae ang nagpapapalit nagpapapalit ng malaking pera sa isang sari-sari store.. Ngunit walang barya na maaaring ipalit sa kaniyang pera. Ngunit ang totoo store ay mayroon naman dahil maraming benta ang kanilang tindahan. Ang tindera ay nagsinungaling. nagsinungal ing. Anong salik ang nakaapekto sa sitwasyong ito? a. Takot c. Karahasan b. Kamangmangan
d. Masidhing damdamin
86 All rights reserved. reserved. No part of of this material may be reproduced or transmitted transmitted in any form form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Gawain 1: Think, Pair, and Share Panuto: Basahin at suriin ang mga sitwasyon. Isulat sa iyong kuwaderno ang mga sagot. Pagkatapos, humanap ng kapareha at magbahaginan ng inyong sagot.
Y P O C D E P E D Sitwasyon 1. 1. Humanga ang iyong mga kaklase
Tanong:
dahil sa pambihirang galing na ipinakita mo sa
Dapat ka bang magpakita
isang paligsahan. Lumapit Lumapit sila sa iyo at binati ka.
ng galit dahil sa iyong
Hindi mo akalain na may kaklase ka na siniraan ka
pagkapahiya? Bakit?
dahil sa inggit sa iyo. Ngunit mas minabuti mong
manahimik at ipagsabalikat na lamang bagaman
nakaramdam ka ng pagkapahiya. May kaibigan ka na nagsabing naniniwala silang hindi iyon totoo.
Sitwasyon 2 . Nasaksihan mo ang pananakit ng
Tanong:
isang bully sa sa iyong kaklase sa loob ng klasrum.
Mapapanagot ka ba sa iyong
Dahil sa takot na baka madamay ka, hindi mo ito
pananahimik? Bakit?
sinumbong sa kinauukulan.
Sitwasyon 3. 3. Nagbilin ang ang inyong guro guro na sabihan sabihan
Tanong:
ang pangulo ng inyong klase na magpulong para
May
sa paghahanda sa darating na Foundation Day
sa
ng paaralan. Biglaang nagyaya ang iyong mga
dahil hindi mo nasabi ang
kaibigan na pumunta sa birthday party ng ng isang
ipinagbilin sa iyo ? Bakit?
pananagutan
maaaring
ka
ba
kahinatnan
kaklase kung kaya nakalimutan mong ipagbigayalam ang bilin sa iyo.
87 All rights reserved. reserved. No part of of this material may be reproduced or transmitted transmitted in any form form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Mga Tanong: 1. Ano ang iyong mga reaksiyon sa bawat sitwasyon? 2. Kung ikaw ang nasa unang sitwasyon, susundin mo ba ang udyok ng iyong damdamin? Bakit? Bakit hindi? 3. Sa ikalawang sitwasyon, makatutulong ba ang pananahimik mo na huwag magsumbong? Masasabi bang mayroon kang pananagutan bilang saksi sa ginawang pananakit pananakit ng iyong kaklase sa kapuwa mo kaklase? Ipaliwanag. 4. Sa ikatlong sitwasyon, gaano ang bigat ng iyong pananagutan sa pagbibigay ng bilin sa iyo na di sadya ay nakalimutan mo? 5. Kung ikaw ang nasa sitwasyon 1, 2, at 3, ano ang nararapat mong gawin na magpapamalas magpapamal as ng makataong kilos? 6. Paano dapat ipamalas ng tao sa kaniyang araw-araw na buhay ang paggamit ng isip at kilos-loob sa pagtugon sa mga gawaing nangangailangan nangangailangan ng pananagutan?
Y P O C D E P E D
Gawain 2
Panuto: Bumuo ng anim na pangkat. Pag-aralan ang mga sitwasyon sa ibaba. Gabay ang pormat, tukuyin ang mga salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao na naging dahilan kung bakit naging mahina ang tauhan sa pagpili ng mabuting opsiyon at hindi naging mapanagutan ang kaniyang kilos. Ang mga salik ay kamangmangan kamangmangan,, karahasan,, at gawi . Gawin sa loob ng 15 minuto. Pumili masidhing damdamin, damdamin, takot , karahasan ng lider na magpapaliwanag sa awtput. Para sa Pangkat 1
Si Fatima ay laging nahuhuli sa klase dahil tumatawid pa siya sa main highway sa kanilang lugar papunta sa paaralan.
Salik __________ __________ __________
Pananagutan ng Tauhan
______________ ______________ ______________ ______________ ____________
Para sa Pangkat 2
Nakasanayan ni Edgardo ang maginat at humikab. Isang araw, nagalit ang kanilang guro dahil napalakas ang paghikab niya habang nagtuturo ito.
Salik __________ _________ _ __________ _________ _ __________ _________ _
Pananagutan ng Tauhan
______________ ______________ ______________ ______________ ____________
88 All rights reserved. reserved. No part of of this material may be reproduced or transmitted transmitted in any form form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Para sa Pangkat 3 Pinatawag si Omar ng kaniyang guro ng dahil hindi siya nakilahok sa ginawang re drill ng paaralan.
Pananagutan ng Tauhan
Salik __________ __________ __________
______________ ______________ ______________ ______________ ____________
Y P O C D E P E D Para sa Pangkat 4
Papauwi na si Princess nang hinarang siya ng mga tambay at sapilitang kinuha ang kaniyang pera. Sa sobrang nerbiyos ay naibigay din niya ang perang nasingil mula sa kontribusyon nila para sa proyekto.
Salik __________ _________ _ __________ _________ _ __________ _________ _
Pananagutan ng Tauhan
______________ ______________ ______________ ______________ ____________
Para sa Pangkat 5
Isang tness instructress ang instructress ang naglalakad pauwi. Tinangkang kunin ng snatcher ang ang niya. Hindi bag niya. niya ito binigay at siya’y nanlaban. Bigla niyang naisip na sumigaw upang humingi ng saklolo habang nakikipagagawan ng bag sa sa snatcher .
Pananagutan ng Tauhan
Salik __________ __________ __________
______________ ______________ ______________ ______________ ____________
89 All rights reserved. reserved. No part of of this material may be reproduced or transmitted transmitted in any form form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Para sa Pangkat 6 Nagsauli ng mga proyekto ang guro ni Abdullah sa kanilang klase. Nang makita niya ang kaniyang mataas na marka ay bigla siyang napayakap ng hindi sinasadya sa kaniyang kaklaseng babae.
Pananagutan ng Tauhan
Salik __________ __________ __________
______________ ______________ ______________ ______________ ____________
Y P O C D E P E D
Sagutin ang mga tanong:
a. Ano ang iyong masasabi sa mga sitwasyong sinuri ng inyong pangkat? Bakit ito ang naging salik na nakaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kaniyang kilos at pasiya? b. Paano nakahahadlang ang mga salik na ito tungo sa mabuting pagpili at pagpapasiya? Ipaliwanag. c. Ano ang pananagutan ng bawat tauhan sa kaniyang kilos na makapagpasiya ng mabuting opsiyon tungo sa makataong kilos?
C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN, AT PAG-UNAWA
Gawain 3
Panuto: Gamit ang talahanayan, tukuyin kung ang kilos sa unang kolum ay nagpapakita ng presensiya ng isip, kilos-loob, at kung ito ay mapanagutang kilos. Lagyan ng tsek (ü) kung ang kilos ay ginamitan ng isip, kilos-loob, at mapanagutan, at ekis naman (X) kung hindi.
Mga Kilos at Gawain ng Tao
Isip
Kilosloob
Mapanagutang kilos
Paliwanag
1. Pagdala ng drayber ng taxi sa ospital sa kaniyang matandang pasahero na inatake sa puso 2. Pagsauli ng sobrang sukli sa tindera sa palengke
90 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
3. Paghikab ng malakas na hindi tinatakpan ang bibig 4. Pagsasalita habang natutulog 5. Pagtanggi sa isang alok ng barkada na magpunta sa comedy bar dahil sa maaga pa ang pasok bukas at may report sa trabaho kinabukasan na dapat tapusin
Y P O C D E P E D 6. Paghimas sa tiyan dahil sa gutom 7. Pagsisikap na bumuo ng mga tanong na may mapanuring pag-iisip sa ginagawang investigatory project 8. Pagkurap ng mata
9. Pagtuturo ng guro sa kaniyang klase nang handa at may pagnanais na magbahagi ng kaniyang kakayahan ayon sa learning competency ng kaniyang aralin 10. Pagsigaw dahil sa pagkagulat sa paputok
Sagutin ang mga tanong:
a. Aling kilos ang nagpapakita ng paggamit ng isip at kilos-loob? Ipaliwanag.
b. Aling kilos ang nagpapakita ng hindi paggamit ng isip at kilos-loob? Bakit?
c. Bakit mahalaga na magpakita ng kapanagutan sa mga kilos na ginagawa? d. Paano magiging mapanagutan ang isang tao sa kaniyang piniling kilos? e. Bilang mag-aaral sa Baitang 10, ano-ano ang iyong mga gingawa sa araw-araw na nagpapakita ng makatao at mapanagutang kilos? Ipaliwanag.
91 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Gawain 4 Panuto: Bumuo ng apat na pangkat. Bawat pangkat ay may diyaryo o anumang artikulo o balita na tungkol sa mga pangyayaring naganap. Pumili ng lider at tagasulat ng ulat. Pumili ng artikulo o balita at suriin ito kung ang mga kilos na ipinakita ng tauhan ay mapanagutan o hindi. Tukuyin ang mga salik na nakaaapekto sa pagkukusa ng kilos dahil sa kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan, at gawi. Pagkatapos sagutin ang mga tanong sa ibaba.
Y P O C D E P E D
Sagutin ang sumusunod:
a. Ano ang ipinakitang sitwasyon?
b. Dapat ba talagang managot ang may gawa ng kilos? Bakit?
c. Batay sa pangyayari o sitwasyon na inilahad, ano ang maaaring ipataw, pabuya, o kaparusahan? Ipaliwanag.
D. PAGPAPALALIM
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay.
Ang Makataong Kilos
Sa mga nakaraang modyul, natutuhan mo na ginagamit ng tao ang isip at kilos-loob, konsensiya at kalayaan hindi lamang upang mabuhay siya bilang tao, kundi upang siya ay magpakatao. Sadyang natatangi nga ang tao. Ipinagkaloob sa kaniya ang lahat ng kakayahan at pakultad upang hubugin ang kaniyang pagkatao at upang magpakatao. Kaya isang malaking hamon sa tao ang magpakatao at gamitin ang taglay niyang mga kakayahan sa pagkamit nito. Paano nga ba nahuhubog ang pagkatao ng tao? Paano niya ginagamit ang mga salik na nabanggit sa pagsisikap niyang magpakatao?
Ayon kay Agapay, anumang uri ng tao ang isang indibiduwal ngayon at kung magiging anong uri siya ng tao sa mga susunod na araw, ay nakasalalay sa uri ng kilos na kaniyang ginagawa ngayon at gagawin pa sa mga nalalabing araw ng kaniyang buhay. Dahil sa isip at kilos-loob ng tao, kasabay ang iba pang pakultad na kaniyang taglay tulad ng kalayaan, siya ay may kapangyarihang kumilos ayon sa kaniyang 92 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
nais at ayon sa katuwiran. Bawat segundo ng kaniyang buhay, siya ay kumikilos, naghahatid ng pagbabago sa kaniyang sarili, sa kaniyang kapuwa at sa mundong kaniyang ginagalawan. Ayon pa rin kay Agapay, ang kilos ang nagbibigay patunay kung ang isang tao ay may kontrol at pananagutan sa sarili. Sa puntong ito sa tulong ng babasahing ito, mahalagang lakbayin mo ang pag-unawa sa kilos mo bilang tao at ang pananagutan mo kaugnay nito. May dalawang uri ng kilos ang tao: ang kilos ng tao (acts of man) at makataong kilos (human act ). Ang kilos ng tao (act of man) ay mga kilos na nagaganap sa tao. Ito ay likas sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob. Ang kilos na ito ay masasabing walang aspekto ng pagiging mabuti o masama kaya walang pananagutan ang tao kung naisagawa ito. Halimbawa nito ay ang mga biyolohikal at pisyolohikal na kilos na nagaganap sa tao tulad ng paghinga, pagtibok ng puso, pagkurap ng mata, pagkaramdam ng sakit mula sa isang sugat, paghikab, at iba pa.
Y P O C D E P E D
Ang makataong kilos (human act) naman ay kilos na isinagawa ng tao nang may kaalaman, malaya, at kusa. Ang kilos na ito ay resulta ng kaalaman, ginamitan ng isip at kilos-loob kaya’t may kapanagutan ang tao sa pagsasagawa nito. Karaniwang tinatawag itong kilos na niloob, sinadya at kinusa sapagka’t isinasagawa ito ng tao sa panahon na siya ay responsable, alam niya ang kaniyang ginagawa at ninais niyang gawin ang kilos na ito. Ang makataong kilos ay kilos na malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng konsensiya. Pananagutan ng taong nagsagawa ng makataong kilos ang bunga ng kaniyang piniling kilos. Kung mabuti ang kilos, ito ay katanggap-tanggap. At kung masama ang kilos, ito naman ay kahiya-hiya at dapat pagsisihan. Maaari bang maging makataong kilos ang kilos ng tao? Ang sagot ay oo. Halimbawa: Si Jasmin ay isang mag-aaral sa Baitang 10. Hilig niya ang magpunta sa library at doon ay magbasa ng mga paborito niyang dyornal. Sa kaniyang paglalakad ay naririnig niya ang kuwentuhan ng kaniyang mga kaklase tungkol sa maagang pag-aasawa ng isa nilang kamag-aaral. Hindi sadya na marinig niya ito at magkaroon ng kaalaman tungkol dito. Kaya hindi niya ito inintindi at nagpatuloy siya sa paglalakad patungo sa library . Pagsusuri : Maliwanag na walang kamalayan si Jasmin sa tsismis sa loob ng kanilang klase. Kahit narinig pa niya ang mga ito sa kaniyang paglalakad 93
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
patungo sa library , hindi ito tumimo sa kaniyang isip gayundin ang mga detalye ng kuwento. Kaya, ang kilos na pagkakarinig ay hindi sinadya. Ang kakayahan niyang tumugon sa mga narinig ay hindi niya pinili. Kaya, ang kilos na pagdinig sa usapan ay hindi malayang pinili. Samakatwid, maipapalagay natin na isang kilos ng tao ang makarinig ngunit ang kilos na narinig mula sa usapan galing sa umpukan ay isang kilos ng tao na maaaring maging makataong kilos. Halimbawa: Sa mga narinig mula sa umpukan habang naglalakad, nahikayat si Jasmine at naengganyo sa usapan tungkol sa kaklase nilang maagang nakapagasawa. Siya ay lumapit sa umpukan, tuluyang nakihalubilo sa kanila, at nagbigay pa ng mga reaksiyon sa usapan.
Y P O C D E P E D
Pagsusuri : Si Jasmin ay nagkaroon ng kaalaman sa mga usapan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng interes sa tsismis. Binigyan niya ng mga ideya ang kaniyang isip na maengganyo sa tsismis at pagtanong pa tungkol dito. Kaya, ang kilos na ito ay sinadya at pinag-isipan. Sa pagkakataong ito, ginamit ni Jasmin ang kaniyang kakayahang pumili at malayang kilos-loob sa pagtukoy at pagpili ng kaniyang kilos. Ipinakita niya ito nang siya ay lumapit at makinig sa usapan/tsismis. Kaya, ang kilos ay malayang pinili. Siya ay hindi lamang nakinig kundi nakihalubilo, nagtanong at nagbigay pa ng kaniyang reaksiyon - isang indikasyon na ito ay ginusto at sinadya. Ang kilos ay nagpakita ng pagkukusang kilos (voluntary act ). Dahil sa ang simpleng narinig ay naging kilos na ang intensiyon ay makarinig at makipagtsismisan, ang dating kilos ng tao ay naging makataong kilos. Sa kasong ito, ang kilos ay may kapanagutan (imputable) para kay Jasmin na siyang responsable sa piniling kilos. Ang pananagutan ay nararapat na may kaalaman at kalayaan sa piniling kilos upang masabing ang kilos ay pagkukusang kilos ( voluntary act ). Ang bigat (degree) ng pananagutan sa kinakaharap na sitwasyon ng isang makataong kilos ay nakabatay sa bigat ng kagustuhan o pagkukusa. Ang mga ito ( degree of willfulness o voluntariness) ay nasa lalim ng kaalaman at kalayaan na tinatamasa. Sa madaling salita, kung mas malawak ang kaalaman o kalayaan, mas mataas o mababang digri ang pagkukusa o pagkagusto. Kung mas mataas o mababang digri ang pagkukusa, mas mabigat o mababaw ang pananagutan.
94 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Tatlong uri ng Kilos ayon sa Kapanagutan (Accountability) Kailangang maging maingat ang tao sa paggawa ng makataong kilos sapagkat ang mga ito ay maaaring maging isyung moral o etikal. Ito ay dahil ang kilos na ito ay ginagawa nang may pang-unawa at pagpipili dahil may kapanagutan (accountability ). Ayon kay Aristoteles, may tatlong uri ng kilos ayon sa kapanagutan: kusang-loob, di kusang-loob, at walang kusang-loob.
Y P O C D E P E D
Kusang-loob. Ito ang kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang gumagawa ng kilos ay may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito.
Halimbawa: Ang isang gurong nasa sekondarya na gumaganap ng kaniyang tungkulin bilang guro. Gumagamit siya ng iba’t ibang istratehiya sa pagtuturo para sa kaniyang klase. Nagbubuo rin siya ng banghay-aralin ( lesson plan) bilang preparasyon sa kaniyang araw-araw na pagtuturo. Naghahanda siya ng mga angkop at kawili-wiling kagamitang pampagtuturo upang mapaunlad ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Gumagawa rin siya ng mga angkop na pagsusulit upang matiyak ang mga minimithing pagkatuto ng mga mag-aaral.
Pagsusuri : Ang halimbawang ibinigay ay nagpakita ng isang tunay o lubos na kaalaman tungkol sa isang gawain at kung paano ito dapat isagawa sa pamamagitan ng pagganap kung paano ito isakatuparan at maging matagumpay ito.
Maliwanag sa halimbawa na may lubos na kaalaman ang guro sa kaniyang
ginagawang kilos. Ipinakita rin niya ang malayang kilos-loob na isakatuparan ang piniling kilos at maging mapanagutan dito. Kaya, masasabi nating ang kilos ay kusangloob.
Di kusang-loob. Dito ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon. Makikita ito sa kilos na hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan.
Halimbawa: Si Arturo, isang barangay ofcial ay naglingkod bilang COMELEC member para sa lokal at pambansang eleksiyon. Binulungan siya ng kaniyang chairman na tulungan ang isang kandidato sa pamamagitan ng “ dagdag-bawas.” Alam niyang ito ay ilegal at labag sa kanilang moral na tungkulin kaya hindi siya pumayag. Sa kabila nito, ginawa parin niya ang pabor na hinihingi dahil baka matanggal siya bilang miyembro kung hindi siya susunod bagaman labag ito sa kaniyang kalooban.
95 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Pagsusuri: Ang isinagawang kilos na mag “dagdag-bawas” ay naisakatuparan bagaman labag sa taong gumanap nito. Ito ay dahil may takot siya na matanggal sa kaniyang posisyon bilang miyembro ng COMELEC kung siya ay tatanggi. Ang kilos ay may pagkukusa (voluntary ). Malaya siyang nagpasiya sa piniling kilos na tumulong na gawin ang maling gawain. Sa sitwasyong ito, may depektibo sa intensiyon at pagsang-ayon ng taong nagsagawa kahit pa labag ito sa kaniyang kalooban. Kaya, masasabi nating ang kilos ay kulang ng pagsang-ayon at pagkukusa.
Y P O C D E P E D
Walang kusang loob. Dito ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang pagsang-ayon sa kilos. Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kaya’t walang pagkukusa.
Halimbawa: May kakaibang ekspresyon si Dean sa kaniyang mukha. Madalas ang pagkindat ng kaniyang kanang mata. Nakikita ang manerismong ito sa kaniyang pagbabasa, pakikipagkuwentuhan sa kaibigan, at panonood ng telebisyon. Minsan sa kaniyang pamamasyal ay may lumapit na dalaga at nagalit sa kaniyang pangingindat. Nagulat siya dahil hindi niya alam na nabastos niya nang hindi sinasadya ang dalaga. Hindi humingi ng paumanhin si Dean dahil iyon ay isang manerismo niya.
Pagsusuri: Bagaman may kaalaman si Dean sa kaniyang manerismo, hindi naman ang pagkindat ang kaniyang paraan ng pagpapahayag ng pagkagusto sa dalaga. Sa kaniyang pagkilos, makikita na wala siyang kaalaman na sadyang bastusin o magpakita ng interes sa dalaga at magkusa siyang makipagkilala. Kung kaya, ang kilos ay walang pagkukusa dahil walang pagsang-ayon sa taong gawin ang kaniyang naisip dahil iyon ay kaniyang manerismo.
Layunin: Batayan ng Mabuti at Masamang Kilos
Makikita sa layunin ng isang makataong kilos kung ito ay masama o mabuti.
Dito mapatutunayan kung bakit ginawa o nilayon ang isang bagay. Ayon kay Aristoteles, ang kilos o gawa ay hindi agad nahuhusgahan kung masama o mabuti. Ang pagiging mabuti at masama nito ay nakasalalay sa intensiyon kung bakit ginawa ito. Halimbawa, sa pagtulong sa kapwa, hindi agad masasabing mabuti at masama ang ipinakita maliban sa layunin ng gagawa nito. Magiging mabuti ito kung gagawin para sa isang tao na nangangailangan ng tulong mula sa pagbuhat ng mabigat na bagay at may kagustuhan siyang tumulong. Magiging masama ito kung may intensiyon siyang nakawin ang gamit ng kaniyang tinulungan.
96 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ang lahat ng bagay ay likas na may layunin o dahilan. Kung ilalapat sa mga sitwasyon, ang bawat kilos ng tao ay may layunin. Ang layuning ito ay nakakabit sa kabutihang natatamo sa bawat kilos na ginagawa. Ang kabutihang ito ay nakikita ng isip na nagbibigay ng pagkukusa sa kilos-loob na abutin o gawin tungo sa kaniyang kaganapan - ang kaniyang sariling kabutihan o mas mataas pang kabutihan. Ito ay ang itinuturing na pinakamataas na telos – ang pagbabalik ng lumikha sa tao, ang Diyos. Ngunit kailan ba obligado ang isang tao na ilayon o gustuhin ang isang
Y P O C D E P E D
kabutihan? Dapat ba na gawin at abutin ang lahat ng bagay na nagbibigay ng kabutihan? Ang kabutihan ng inuman ay maaaring nilalayon ng isang tao. Dito ay maraming bagay na nakapagdudulot sa kaniya ng kasiyahan. Ngunit kailangan ba niyang pumasok sa inuman lalo na kung ito ay may posibilidad na may masamang resulta at hindi lamang ang kasayahan? Sa lahat ng ito ang pagpasok sa inuman ay isang makataong kilos na ginamitan ng isip at kilos-loob. Ibig sabihin, ito ang kilos na may pagkukusang-loob. Kaya ang isang taong lasing na nakapanakit ay hindi masisisi sa pananakit ngunit masisisi naman sa dahilan kung bakit siya nalasing. Ang taong sangkot ay may kapanagutan sa kilos na hindi niya direktang nilayon. Hindi mapananagot ang isang tao kung ang bunga ng kilos niya ay walang kaugnayan sa mismong ikinilos niya. Halimbawa nito ay kung nasaktan ang kaklase mo dahil sa hindi mo siya pinakopya. Ang nasaktang damdamin niya ay hindi maaaring iugnay sa iyo sapagkat hiwalay na ito sa pasiya mo na huwag magpakopya. Pero sa kaso ng inuman, ang masamang bunga ng isang kilos ay hindi mangyayari kung hindi naman magaganap ang mas kinusang-loob na kilos. Ibig sabihin nito kailangan mong maging maingat sa pagpapasiya sa bawat kilos. Kailangan nga ba obligado ang isang tao na kumilos patungo sa kabutihan?
Makataong Kilos at Obligasyon
Ayon kay Santo Tomas, hindi lahat ng kilos ay
obligado. Ang isang gawa o kilos ay obligado lamang
kung ang hindi pagtuloy sa paggawa nito ay may masamang mangyayari. Dapat piliin ng tao ang mas mataas na kabutihan - ang kabutihan ng sarili at ng
Ano ang mga halimbawa ng obligasyon na kung hindi ilalayon o isasagawa ay may masamang mangyayari?
iba, patungo sa pinakamataas na layunin. Halimbawa, ang pag-akay sa isang matanda na tatawid sa kalye. Kung hindi mo tutulungan ay maaaring mahagip ng mga sasakyan. At kung iyong itutuloy ang pag-akay sa kaniyang pagtawid, makasisiguro kang magiging maayos ang kaniyang kalagayan. Iba pang halimbawa, ang hindi mo pagbayad ng buwis. Mayroon ba itong masamang bunga? Mayroon, dahil sa huli ng argumento ay maaapektuhan ka ng 97 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
layunin kung bakit kailangan mong magbayad ng buwis. Mayroon kayang masamang bunga kung hindi ka mag-aaral nang mabuti? Mayroon, dahil ang kaalaman sa isang gawain na hinihingi ng hanapbuhay na papasukin o negosyong itatayo balang araw ay hindi makakamtan. Kabawasan ng Pananagutan: Kakulangan sa Proseso ng Pagkilos Ayon kay Aristoteles, may eksepsiyon sa kabawasan sa kalalabasan ng isang kilos kung may kulang sa proseso ng pagkilos. May apat na elemento sa prosesong
Y P O C D E P E D
ito: paglalayon, pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin, pagpili ng pinakamalapit na paraan, at pagsasakilos ng paraan.
1. Paglalayon. Kasama ba sa nilalayon ang kinalabasan ng isang makataong kilos? Kung sa kabuuan ng paglalayon ay nakikita ng tao ang isang masamang epekto ng kilos na sa kaniya ang kapanagutan ng kilos.
Halimbawa, kung ang hindi mo pagbigay ng tulong sa isang kaklase na mahirap umunawa ng aralin ay nagbigay sa kaniya ng mababang marka, maaaring isisi sa iyo ang pagbaba ng kaniyang marka.
2. Pag-iisip ng paraan na makarating sa layunin. Ang pamaraan ba ay tugma sa pag-abot ng layunin at hindi lamang kasangkapan sa pag-abot ng naisin? Dito ay ginagamit ang tamang kaisipan at katuwiran.
Halimbawa, ang pagbibigay ng regalo sa kaklase o kaya ay pagiging mabait sa kaniya upang makapangopya sa panahon ng pagsusulit.
3. Pagpili ng pinakamalapit na paraan. Sa puntong ito, itatanong mo: - Nagkaroon ba ng kalayaan sa mga opsiyon na pagpipilian o pinili lamang ang mas nakabubuti sa iyo na walang pagsasaalang-alang sa maaaring epekto nito? - Iniwasan mo ba ang pagpipilian/opsiyon na mas humihingi ng masusing pag-iisip? - Ang lahat ba ay bumabalik lamang sa pansariling kabutihan na hindi nagtataguyod ng kabutihan ng iba?
4. Pagsasakilos ng paraan. Dito ay ginagamit ang kilos-loob na lalong nagpapalakas ng isang makataong kilos upang maging tunay na mapanagutan. Ang pagkilos sa pamaraan ay ang paglapat ng pagkukusa na tunay na magbibigay ng kapanagutan sa kumikilos. Halimbawa, ang planong pagtulong sa isang komunidad. Ang paglikom at paghanap ng sponsors at benefactors ang siyang unang naging punto ng plano at kasunod ay ang mga beneciaries. Lahat ay nabigyan ng kaukulang pansin dahil lahat ng komite ay nagbahagi ng kanilang makakaya.
98 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ikaw naman, ano-ano ang mga angkop na halimbawa ayon sa sitwasyong kinakaharap mo bilang mag-aaral sa Baitang 10? Ayon kay Aristoteles, kung may kulang sa mga ito, nagkakaroon ng kabawasan sa kapanagutan ng isang tao ang ginawang kilos. Ngunit hindi nawawala ang kapanagutang ito maliban sa kung apektado ito ng mga salik na maaaring makapagpawala ng kapanagutan. Dahil dito, maaaring mabawasan o mawala ang
Y P O C D E P E D
kapanagutan. Ibig sabihin, ang kahihinatnan ng makataong kilos, kasama na ang pagpapataw ng parusa kung mayroon man, ay nababawasan din o nawawala. Mga Salik na Nakaaapekto sa Makataong Kilos
Ang makataong kilos ay maaaring mabawasan o kaya ay mauwi sa pagiging
isang ordinaryong kilos ng tao dahil sa mga salik na nakaaapekto rito. Ang mga salik ay direktang nakaaapekto o nakapagpapabago ng kalikasan ng isang makataong kilos lalo na sa papel ng isip at kilos-loob. Maaari ring mabawasan ang pananagutan ng makataong kilos dahil sa impluwensiya ng mga salik na ito. May limang salik na nakaaapekto sa makataong kilos: ang kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan, at gawi.
1. Kamangmangan. Isa sa pinakamahalagang elemento ng makataong kilos ay ang papel ng isip. Ang kamangmangan ay tumutukoy sa kawalan o kasalatan ng kaalaman na dapat taglay ng tao. Ito ay may dalawang uri: nadaraig ( vincible) at hindi nadaraig (invincible). Ang kamangmangan na nadaraig ay ang kawalan ng kaalaman sa isang gawain subalit may pagkakataong itama o magkaroon ng tamang kaalaman kung gagawa ng paraan upang malaman at matuklasan ito. Ang kamangmangan na hindi nadaraig ay maaaring kamangmangan dahil sa kawalan ng kaalaman na mayroon siyang hindi alam na dapat niyang malaman. O kaya naman walang posibleng paraan upang malaman ang isang bagay sa sariling kakayahan o sa kakayahan man ng iba. Sa madaling salita, naibigay
na ang lahat ng paraan upang
maitama ang kamangmangan. Kung
walang paraan upang maitama ang kamangmangan, ang isang gawa ay hindi itinuturing na makataong kilos at walang pananagutan sa bahagi ng gumawa. Halimbawa ay ang gawa ng isang taong itinuturing na 99 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
wala sa matinong pag-iisip. Hindi siya mapapanagot sa sirkumstansiyang ito. Ngunit kung ang kamangmangan na kayang baguhin sa pamamagitan ng isang masikap na paraan na alamin ang isang bagay bago gawin, may kapanagutan na siya sa kaniyang kilos. Maaari itong makapagbawas ng pananagutan dahil sa kaunting kakulangan sa pagsisikap na malabanan ang kamangmangan. Halimbawa nito ang isang tao na dumating sa Maynila galing sa probinsya. Tumawid siya sa isang kalsada na kung saan ipinagbabawal ang pagtawid. Ang kapanagutan sa ginawa niya ay hindi direktang makikita dahil sa kawalan niya ng kaalaman tungkol sa batas ng jaywalking.
Y P O C D E P E D
2. Masidhing Damdamin. Ito ay ang dikta ng bodily appetites, pagkiling sa isang bagay o kilos (tendency ) o damdamin. Maituturing ito na paglaban ng masidhing damdamin sa isip - para bang ang pangangailangan ng masidhing damdamin ay mas matimbang kaysa sa dikta ng isip. Ito ay ang malakas na utos ng sense appetite na abutin ang kaniyang layunin. Tumutukoy ito sa masidhing pag-asam o paghahangad na makaranas ng kaligayahan o kasarapan at pag-iwas sa mga bagay na nagdudulot ng sakit o hirap. Halimbawa nito ay ang pag-ibig, pagkamuhi, katuwaan, pighati, pagnanais, pagkasindak, pagkasuklam, pagnanasa, desperasyon, kapangahasan, pangamba, at galit.
Ang masidhing damdamin o passion ay normal na damdamin subalit ang tao ay may pananagutan upang pangasiwaan ang kaniyang emosyon at damdamin dahil kung hindi, ang mga emosyon at damdaming ito ang mangangasiwa sa tao. Ang paghubog ng mga positibong damdamin at maayos na pagtanggap sa mga limitasyon sa buhay ay isang daan upang mapangasiwaan ang damdamin.
Ang masidhing damdamin ay maaaring nauuna (antecedent) o kaya’y nahuhuli (consequent). Ang nauuna (antecedent) ay damdamin na nadarama o napupukaw kahit hindi niloob o sinadya. Ito ay umiral bago pa man gawin ang isang kilos. Ang kilos sa ilalim ng damdaming ito ay hindi malaya kaya ito ay kilos ng tao (act of man). Ang nahuhuli (consequent ) naman ay damdaming sinadyang mapukaw at inalagaan kaya ang kilos ay sinadya, niloob, at may pagkukusa. Bago pa isagawa ang kilos ay dapat na magkaroon ng panahon upang labanan nang mas mataas na antas na kakayahan – ang isip – upang mawala ang sidhi ng damdamin.
Narito ang isang halimbawa: Sa sobrang kagalakan ng lalaki dahil sa pagkapasa
niya sa Bar Exam ay bigla niyang nayakap ang katabi niyang babae. Maaari ba siyang akusahan ng sexual harassment ? Depende ito sa uri ng damdamin. Ito ay tinatawag na nauna (antecendent ) kung ito ay umiral bago pa man gawin ang isang kilos at nahuhuli (consequent ) naman kung ito ay nagkaroon muna ng pagkukusa mula sa kilos-loob.
100 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ang naunang damdamin (antecedent ) ay hindi nakapag-aalis ng kapanagutan subalit nakapagpapababa lamang ito. Sinasabing sa ilalim ng damdaming ito nababawasan ang pagkukusa sapagka’t ito ay nakabatay sa kaalaman at kalayaan. Naaapektuhan ng damdaming nauuna (antecedent) ang isip kaya’t naaapektuhan nito ang paghuhusga at pagpapasiya. Katulad ng halimbawa natin sa lalaking nayakap ang kaniyang katrabaho sa sobrang galak. Hindi siya masisisi ng pagiging guilty ng harassment dahil hindi niya kinusa na matapakan ang karapatan ng iba. Ngunit kailangan pa rin niyang humingi ng paumanhin sa kaniyang maling kilos.
Y P O C D E P E D
Ang nahuhuling damdamin (consequent ) naman ay ang pagkakaroon ng panahon na alagaan ang damdamin at ginagamit na dahilan o paraan sa ikinikilos. Katulad ng galit na kinimkim at naging dahilan sa paghihiganti, ang may gawa ay direkta at lubos na mapanagot sa kaniyang ginawa. Sa kabilang dako, ang damdaming nauuna ay maaaring maging damdaming nahuhuli kung ito ay aalagaan at ipagpapatuloy na manatili.
3. Takot. Katatapos lang ni Diego na manood ng isang nakatatakot na palabas. Habang nag-iisa, naglalaro sa isip niya
ang mga napanood kaya pakiramdam niya ay may nakatingin sa kaniya. Biglang may tumalon na pusa sa harapan niya
kaya siya ay napasigaw. Dahil dito, nagulat at nataranta ang
mga tao sa bahay nila. Siya ba ay may pananagutan ng alarm at scandal ?
Ang pagkatakot ay isa sa mga halimbawa ng masidhing silakbo ng damdamin.
Ang takot ay ang pagkabagabag ng isip ng tao na humaharap sa anumang uri ng pagbabanta sa kaniyang buhay o mga mahal sa buhay. Tumutukoy din ito sa pagpataw ng puwersa gaya ng pananakit o pagpapahirap upang gawin ng isang tao ang kilos na labag sa kaniyang kalooban. Kasama rin dito ang pananakot sa tao o sa kaniyang mga mahal sa buhay upang mapasunod itong gumawa ng masama.
Sa buhay natin may mga pagkakataong kumikilos tayo nang may takot o
di kaya ay dahil sa takot kaya nagawa natin ang isang bagay. Hindi nawawala ang pananagutan ng isang tao sa kilos na ginawa dahil sa takot kundi nababawasan lamang. Ito ay dahil malinaw pa rin sa isip ang ginagawa mo. Halimbawa, ikaw ay nakakita ng pambubulas (bullying ). Dahil takot ka sa mga sigang mag-aaral, pinili mo na lamang na manahimik sa pag-usisa ng guro dahil sa takot sa pangyayaring nakita mo. Nabawasan ang kapanagutan ng pagsisinungaling mo sa sitwasyong ito. Kung ang takot ay makapagdadala sa isang tao ng pansamantalang kaguluhan ng isip at mawala ang kakayahang makapag-isip nang wasto, ang pananagutan ay nawawala.
101 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
4. Karahasan. Ito ay ang pagkakaroon ng panlabas na puwersa upang pilitin ang isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kaniyang kilos-loob at pagkukusa. Ito ay maaaring gawin ng isang taong may mataas na impluwensiya. Maaaring mawala ang pananagutan ng kilos o gawa na may impluwensiya ng karahasan. Ito ay kung nagkaroon ang tao ng sapat na paraan para labanan ang karahasan subalit nauwi sa wala at mas nasunod ang kalooban ng labas na puwersa. Ang tanging naaapektuhan ng karahasan ay ang panlabas na kilos ngunit ang pagkukusa o kilos-loob ay hindi. Ngunit kailangan mong maglapat ng ibang paraan sa gitna ng karahasan bago masabing hindi ka mapanagot. Halimbawa, isang kaklase mong siga ang pinipilit kang
Y P O C D E P E D
kumuha ng pagkain sa kantina. Binantaan ka niya na aabangan sa labas kung hindi mo siya susundin. Sa pagtanggi mo ay pinitik niya ang iyong tenga kaya napilitan ka na sundin siya. Sa pagkakataong ito, hindi ka mapananagot sa ginawa mo. Pero tandaan na kailangan mo munang mag-isip ng paraan para maiwasan ito.
5. Gawi. Ang mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng sistema ng buhay sa araw-araw ay itinuturing na gawi (habits). Kung ang isang gawa o kilos ay nakasanayan na, nababawasan ang pananagutan ng isang tao ngunit hindi ito nawawala. Ito ay dahil ang isang gawi bago nakasanayan ay nagsimula muna bilang isang kilos na may kapanagutan at pagkukusa sa taong gumagawa. Kaya ang gawi ay hindi kailanman nakapagpapawala ng kapanagutan sa kahihinatnan ng makataong kilos. Halimbawa nito ay ang pagmumura na naging pang-araw-araw ng ekspresyon ng isang tao. Mapanagot ka pa rin dahil nagsimula ito bilang kusang pagsasalita nang hindi maganda at nakasanayan na lamang.
Maraming gawa o kilos ang tinatanggap na ng lipunan dahil ang mga ito ay
bahagi na ng pang-araw-araw na gawain ng mga tao. Bilang bahagi ng sistema, may posibilidad na ituring ang mga ito na katanggap-tanggap na kilos na noong una ay hindi naman. Ang gawi ay masama kahit ito man ay maging isang uri ng kilos ng tao (act of man) dahil sa pinakaunang pagkilos nito ay may pag-iral ng kaalaman at kilosloob. Ang bawat kilos na niloob ng tao ay may kakabit na pananagutan. Ang antas ng pananagutan ay nakadepende sa antas ng kilos na ginawa. Nangangahulugan ito na may maliit at malaking pananagutan para sa maliit at malaking bagay na nagawa. Ang Likas na Batas Moral ay patuloy na iiral upang manatili at umiral ang katarungan. Lahat ng bagay ay may kapalit, malaki man ito o maliit pa.
Maituturing mo na ba ang sarili mo bilang isang tao na may pananagutan sa ginagawa? May kakayahan ka na gumawa ng mapanagutang pasiya? Malinaw na ba sa iyo kung kailan ka lamang maaaring ma-excuse sa mga ginagawa mo? Handa ka na bang kumilos kaakibat ang mapanagutang resulta o kahihinatnan ng ano mang pasiya mo? Sa mga sagot mo sa tanong na ito, ano ang mga patunay sa katatagan mo bilang isang mapanagutang indibidwal na may makataong kilos? 102 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Tayahin ang Iyong Pag-unawa Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong naunawaan, sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno. 1. Ano ang mga kilos na maituturing na makatao at dapat mapanagutan? Ipaliwanag. 2. Sa tatlong uri ng kilos na maituturing na makatao, alin ang karapat-dapat
Y P O C D E P E D panagutan? Bakit?
3. Kailan natin matutukoy na ang gawain o kilos ng tao ay hindi makakapanagot sa masamang epekto ng makataong kilos? Ipaliwanag.
4. Ang layunin ba ng kilos ay batayan din sa paghusga kung ang kilos ay mabuti o hindi mabuti? Pangatuwiranan.
5. Kailangan obligado ang tao na isagawa ang isang makataong kilos? Ipaliwanag.
Paghinuha ng Batayang Konsepto
Panuto: Mula sa iyong mga pagkatuto sa babasahin, tapusin ang sinimulang pangungusap upang mabuo ang Batayang Konsepto.
1. Ang makataong kilos ay sinadya at niloob ng tao, __________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
________________________________________________________________.
2. Nakaaapekto ang _______________ sa pananagutan ng tao sa _____________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
________________________________________________________________.
103 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
E. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO
Pagganap Panuto: Ang mapanagutang kilos ay may papel ng isip at kilos-loob. Bilang tao, hindi natin hangad ang masamang bunga ng ating piniling kilos o gawa; kung kaya dapat na maging maingat sa mga pagpapasiya. Kung maharap ka sa mga sitwasyon sa ibaba,
Y P O C D E P E D
ano ang dapat mong gawin? Ipaliwanag.
1. Sa isang pangkatang gawain, hinati kayo ng guro sa tig-aapat sa bawat pangkat. Ngunit may isa kayong kaibigan na nais makisama sa inyong pangkat. 2. May napulot kang cellphone sa tricycle na sinasakyan mo.
3. May mali sa panuto ng guro at maaaring mamali kayo sa pagsagot. 4. Nalaman mo na may kasintahan na ang nakababata mong kapatid. Pagninilay
Panuto: Pagnilayan ang sumusunod. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.
1. Ano ang pagkatao ng isang taong may matibay na paninindigan sa kaniyang kilos? 2. Ano ang mga paraan na maaari mong gawin upang hindi ka maapektuhan ng mga salik sa makataong kilos? Pagsasabuhay
Gunitain ang mga pangyayari sa buhay mo kung saan may mga tao kang
nasaktan (maaaring dahil sa kapabayaan mo o dahil sa pansariling kabutihan lang ang inisip mo). Isulat ang mga sitwasyong ito at ang kapuwang nasaktan sa una at ikalawang kolum. Magtala sa ikatlong kolum ng mga hakbang upang ayusin ang mga pagkakatong may nasirang tiwala, samahan, o ugnayan sa pagitan mo at ng iyong magulang, kapatid, kaibigan, kaklase, o kapitbahay. Sitwasyon kung saan may nasaktan akong kapuwa
Kapuwang nasaktan (Halimbawa: Magulang at iba pa)
Mga Hakbang upang aking ayusin ang mga ugnayan
104 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Mga Kakailanganing Kagamitan (websites, software, mga aklat, worksheet ) Mga Sanggunian: Mga Aklat: Agapay, R. (2001). Ethics and the Filipino: A Manual on Morals for students and educators. Mandaluyong City, Philippines: National Book Store. Articulo, A. & Florendo G. (2003).Values and Work Ethics. Bulacan: Trinitas Publishing, Inc.
Y P O C D E P E D
Babor, E. (1999). Ethics: The Philosophical Discipline of Action. Manila, Philippines: Rex Book store. Blackburn, S. (2005).Oxford Dictionary of Philosophy . Oxford: Oxford University Press. Carino, M. et al. (2008). A Pocketful of Virtues. Rizal: Glad Tidings Publishing, Inc. Glenn, P. J. (1930). Ethics: A Class Manual in Moral Philosophy . London: B. Herder Book Co. Law, S. (2007). Eyewitness Companions Philosophy . London: A Penguin Company. Montemayor, F. (1994).Ethics: The Philosophy of Life. Mandaluyong City, Philippines: Rex Book Store. Punsalan, T. et al. (2007).Kaganapan sa Maylalang IV . Quezon City: Rex Printing Company, Inc. Reyes, R. (1989). Rev. Ed (2009). Ground and Norm of Morality: Ethics for College Students. Quezon City: ADMU Press. Sambajon Jr., M (2011). Ethics for Educators: A College Textbook for Teacher Education and Educators in All Areas of Discipline. C & E Publishing, Inc. Dyornal Kaisipan (Ang Opisyal na Dyornal ng Isabuhay, Saliksikin, Ibigin ang Pilosopiya o ISIP) Vol. 1 No. 1 ISSN-2350-6601 pp. 18-27
105 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Mula sa Internet Babor, E. R. Ethics Updated Edition The Philosophical Discipline of Action . Retrieved 13 February 2014 from http://books.google.com.ph/oks? id=qzETCc5fhkkC&pg=PA170&lpg=PA170&dq=modiers+of+human +acts&source=bl&ots=Ayk6WY9Frw&sig=PChgiQHUUrdD35QdZpwD4m3PB dI&hl=en&sa =X&ei=fCj7Up7jJ-SdiAewyYDIAg&ved=0CGEQ6AEwCA#v=onepa ge&q= modiers%20of%20human%20acts&f=false Fernandez, KM. Modiers of Human Acts. Retrieved 09 February 2014 from http:// www.slideshare.net/KlmnMoisesFernandez/modiers-of-human-acts
Y P O C D E P E D
Glenn. P. J. A Tour of the Summa. Retrieved 09 February 2014 from http://www. catholictheology.info/summa-theologica/summa-part2A.php?q=438
Gilby OP, T. St. Thomas Aquinas Summa Theologiae Retrieved 13 February 2014 from http://books.google.com.ph/books?id=aHO__VcXhfYC&pg=PA5&lp g=PA5&dq=voluntariness+of+human+acts&source=bl&ots=ad8kfvAHb 0&sig=i1U24oQbFifVmBEkld-dVjcyvU4&hl=en&sa=X&ei=MRb7UuTwAe0iQfshoGQCQ&ved=0CEgQ6AEwBjgK#v=onepage&q=voluntariness%20of %20human%20acts&f=false Panuncialman, R. Modiers of Human Acts. Retrieved 13 February 2014 from http:// researchpaper-juniors.blogspot.com/2012/06/modiers-of-human-acts.html Paulin OP, T. The Human Acts Report in Moral Theology . Retrieved 13 February 2014 from http://prezi.com/5f6znb9qokst/the-human-acts/
106 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Ikalawang Markahan
MODYUL 6: LAYUNIN, PARAAN, SIRKUMSTANSIYA, AT KAHIHINATNAN NG MAKATAONG KILOS A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO?
Y P O C D E P E D
Kilos ko, pananagutan ko! Ito ang mga salitang nagsasabing bilang tao, nararapat
na suriin nating mabuti ang bawat kilos na ginagawa natin. Pamilyar ka ba sa iyong mga isinasagawang kilos? Nakikita mo ba ang mabuti o masama sa mga ito? Sa Modyul 5, nalaman mo na gamit ang katwiran, sinadya at niloob ng tao ang
makataong kilos; kaya pananagutan niya anuman ang kalabasan nito, mabuti man o masama. Nakaaapekto rin ang kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan, at gawi sa kaniyang pananagutan dahil maaaring mawala ang pagkukusa ng kilos.
Layunin naman ng modyul na ito na higit na makapagsuri ka ng kabutihan o
kasamaan ng iyong isinasagawang kilos at pasiya. Sa pamamagitan nito, matutulungan kang lubos na mapagnilayan kung paano ka nakapagsasagawa ng makataong kilos at mula rito ay masasagot mo ang Mahalagang Tanong na: Bakit mahalagang maunawaan na ang layunin, paraan, sirkumstansiya, at kahihinatnan ng kilos ay nagtatakda ng pagkamabuti o pagkamasama ng kilos ng tao?
Halika na! Simulan mong tuklasin ang kahalagahan ng iyong pagkilos bilang isang
tao.
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na
kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
6.1 Naipaliliwanag ang layunin, paraan, sirkumstansiya, at kahihinatnan ng makataong kilos
6.2 Nakapagsusuri ng kabutihan o kasamaan ng sariling pasiya o kilos sa isang sitwasyon batay sa layunin, paraan sirkumstansiya, at kahihinatnan nito 6.3 Napatutunayan ang Batayang Konsepto ng aralin 6.4 Nakapagtataya ng kabutihan o kasamaan ng pasiya o kilos sa isang sitwasyong may suliranin (dilemma) sa layunin, paraan (kilos) at sirkumstansiya nito
107 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Naririto ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa kakayahang pampagkatuto 6.4: 1. Nasuri nang maaayos ang sitwasyong may suliranin (dilemma) batay sa
layunin, paraan, at sirkumstansiya nito 2. Natukoy ang kabutihan o kasamaan ng pasiya o kilos 3. Nakapagbigay ng sariling sitwasyon mula sa karanasan na nabibigyan ng tamang pagtukoy sa layunin, paraan, at sirkumstansiya gayundin ang kabutihan o kasamaan nito
Y P O C D E P E D Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakatamang sagot. Isulat ito sa iyong kuwaderno. 1. Ito ang bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian. a. pasiya b. kilos c. kakayahan d. damdamin
2. Bakit sinasabing ang moral na kilos ay ang makataong kilos ayon sa etika ni Sto. Tomas de Aquino? a. Sapagkat nahuhusgahan nito ang tama at maling kilos. b. Sapagkat nakapagpapasiya ito nang naaayon sa tamang katwiran. c. Sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan. d. Sapagkat napatutunayan nito ang sariling kilos kung ito ay mabuti o masama.
3. Si Jimmy ay isang pulis. Kilala siyang matulungin sa kanilang lugar kaya’t mahal na mahal siya ng kaniyang mga kapitbahay ngunit lingid sa kaalaman ng kaniyang mga tinutulungan, na ang itinutulong niya sa mga ito ay galing sa pangongotong na kinukuha niya sa kaniyang mga nahuhuling tsuper sa kalsada. Tama ba o Mali ang kilos ni Jimmy? a. Tama, dahil marami naman siyang natutulungan na nangangailangan. b. Mali, dahil hindi sa kaniya galing ang kaniyang itinutulong. c. Tama, dahil mabuti naman ang kaniyang panlabas na kilos. d. Mali, dahil kahit mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala pa rin ang panloob na kilos. 4. Kung ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos, ano naman ang papel ng kilos-loob? a. Umunawa at magsuri ng impormasyon. b. Tumungo sa layunin o intensiyon ng isip. c. Tumulong sa kilos ng isang tao. d. Gumabay sa pagsasagawa ng kilos. 108 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
5. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng sirkumstansiya? a. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan kung saan ang kilos na ginawa ay nakaaapekto sa kabutihan. b. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos na nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob. c. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos. d. Ito ay nakapagpapabago sa halaga ng isang kilos. 6. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng Layunin? a. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos. b. Ito ang pinakatunguhin ng kilos. c. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag ng kabutihan o kasamaan ng kilos. d. Ito ay nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob.
Y P O C D E P E D
7. Isang araw habang wala sa bahay ang mga magulang ni Bren ay pumasok siya sa kanilang silid at kumuha ng 500 piso sa loob ng kabinet kung saan nakatago ang pera nila. Ang pagkuha ni Bren ng pera ay masama. Nadaragdagan ng panibagong kasamaan ang kaniyang ginawa dahil___________. a. kinuha niya ito nang walang paalam b. kinuha niya ito nang wala ang kaniyang mga magulang c. ang kinuhanan niya ng pera ay ang kaniyang mga magulang d. ang pagkuha niya ng pera ay hindi nagpakita ng pagrespeto 8. May babae na nagustuhan at minahal si Alex ngunit ang babaeng ito ay mayroon ng asawa. Ngunit sa kabila nito, ipinagpatuloy pa rin niya ang kaniyang pagmamahal sa babae hanggang sa magkaroon sila ng relasyon. Ano kayang prinsipyo ang sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita sa sitwasyon? a. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o masama. b. Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama. c. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama. d. Ang sirkumstansiya ay maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos. 9. Kaarawan ni Mang Robert, nagpunta ang kaniyang mga kaibigan at sila ay nagsaya. Humiram sila ng videoke at sila ay nagkantahan hanggang umabot sila ng madaling-araw. Naiinis na ang kaniyang mga kapit-bahay dahil sa ingay na dulot nito. Ano kayang prinsipyo ang sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita rito? a. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama. b. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o masama. c. Ang sirkumstansiya ay maaaring gawing mabuti ang masama. d. And sirkumstansiya ay lumikha ng mabuti o masamang kilos. 109
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
10. Naging pangulo ng kanilang pangkat si Julianna. Simula sa araw nang siya ay manalo, ginampanan niya nang lubos ang kaniyang tungkulin at responsibilidad. Ano kayang prinsipyong sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita rito? a. Ang sirkumstansiya maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos. b. Ang sirkumstansiya ay maaaring magdulot ng bagong kabutihan sa masamang kilos at bagong masamang hangarin sa masamang kilos. c. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng mabuti o masama. d. Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama. 11. Ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng kahulugan ng kahihinatnan ng kilos maliban sa _______________. a. Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan, at kaakibat na pananagutan. b. Ang kilos ay dapat makita sa layunin ng taong nagsasagawa nito. c. Ang bawat kilos ay dapat pag-isipan bago ito isagawa. d. Ang kilos ay kailangan ng sapat na pagpaplano upang makita ang mga bagay na dapat isaalang-alang.
Y P O C D E P E D
12. Si Gene ay isang espesyalistang doktor sa puso. Siya ay maingat sa pagbibigay kung anong gamot ang nararapat sa pasyente dahil alam niya bilang doktor na hindi lahat ng gamot na kaniyang ibinibigay ay may magandang idudulot sa mga pasyenteng iinom nito. Alin sa mga Salik na Nag-uugnay sa makataong kilos ang ipinakita ni Gene? a. Layunin b. Kilos c. Sirkumstansiya d. Kahihinatnan 13. Ito ay tinatawag na panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin. a. Layunin b. Kilos c. Sirkumstansiya d. Kahihinatnan 14. Mayroon kang mahabang pagsusulit ngunit hindi ka nakapag-aral dahil ginabi ka nang umuwi galing sa kaarawan ng iyong kaibigan. Nakikita mo ang sagot mula sa iyong katabi. Tama ba o mali na kopyahin mo ito? a. Tama, dahil hindi ko naman hiningi ang sagot, kusa ko naman itong nakita. b. Mali, dahil hindi ko dapat kopyahin nang walang paalam sa kaniya. c. Tama, dahil ang aking layunin ay makapasa sa pagsusulit. d. Mali, dahil kung ano lamang ang nalalaman ko ang dapat kong isulat na sagot sa pagsusulit.
110 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
15. Bakit hindi maaaring paghiwalayain ang panloob at panlabas na kilos? a. Dahil kung masama ang panloob, magiging masama rin ang buong kilos, kahit mabuti ang panlabas. b. Dahil kung ano ang kilos ng panlabas ay nagmumula sa panloob na kilos. c. Dahil hindi magiging maganda ang kalalabasan ng lahat ng kilos. d. Dahil maaaring madaig ng panlabas na kilos ang panloob na kilos.
B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Y P O C D E P E D Gawain 1 Panuto:
Basahin ang bawat sitwasyon. Tukuyin ang layunin, paraan, at sirkumstansiya
sa bawat ipinakitang kilos. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno. 1.
May markahang pagsusulit si Erick. Siya ay pumasok sa kaniyang silid at nagbasa ng kaniyang mga napag-aralan.
Layunin _______________________________________________________ Paraan _______________________________________________________ Sirkumstansiya _________________________________________________ 2.
Magaling sa asignaturang Matematika si Glenda. Siya ang panlaban ng paaralan sa mga kompetisyon at palagi siyang nananalo. Siya ay nagtuturo sa kapuwa niya kamag-aral na mahina sa asignaturang Matematika tuwing hapon bago siya umuwi.
Layunin _______________________________________________________ Paraan _______________________________________________________ Sirkumstansiya _________________________________________________
111 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
3.
Si Jomar ay malungkot dahil naiwan siyang mag-isa sa kanilang bahay. Tinawagan siya ng kaniyang barkada at niyayang mag-inuman sila ng alak sa bahay ng isa pa nilang barkada. Dahil nag-iisa si Jomar at nalulungkot, siya ay nakipag-inuman.
Y P O C D E P E D Layunin ______________________________________________________
Paraan _______________________________________________________ Sirkumstansiya ________________________________________________
4.
Matagal nang nais ni Kim na magkaroon ng cellphone. Isang araw, habang mag-isa lamang siya sa kanilang silid-aralan ay nakita niyang naiwan ng kaniyang kamag-aral ang cellphone nito. Kinuha ito ni Kim at itinago.
Layunin _________________________________________________ Paraan _________________________________________________
Sirkumstansiya ___________________________________________
Mga Tanong:
1. Ano-ano ang layunin, paraan, at sirkumstansiya sa bawat sitwasyon? 2. May pagkakaiba ba ang kilos sa sitwasyon bilang 1 at 2 sa sitwasyon bilang 3 at 4? Ipaliwanag. 3. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang mas tamang kilos, sitwasyon 1 at 2 o sitwasyon 3 at 4? Patunayan. Gawain 2 Panuto:
1. Tingnan ang Gawain 1. Isulat ang iyong mga konsepto tungkol sa kahulugan ng layunin, paraan, at sirkumstansiya ng makataong kilos. Isulat ito sa iyong kuwaderno. 2. Matapos mong maisulat ang mga konsepto ay bumuo ng tatlong pangkat. 3. Ibahagi ang sagot sa bawat isa at mula sa mga sagot ay bumuo kayo ng inyong malaking konsepto mula sa kahulugan ng layunin, paraan, at sirkumstansiya ng makataong kilos. 112 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
4. Maging malikhain sa gagawing presentasyon. 5. Mga Tanong: a. Ano ang iyong natuklasan sa kahulugan ng layunin, paraan, at sirkumstansiya ng makataong kilos? b. Bakit mahalaga na malaman ito ng tao? c. Paano ito nakatutulong sa tao sa kaniyang pagpili ng isasagawang kilos at pasiya?
C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN, AT PAG-UNAWA
Y P O C D E P E D Gawain 3 Panuto:
Suriin ang bawat sitwasyon sa ibaba at tingnan kung mabuti o masama ang ginawang pasiya o kilos ng tauhan. Lagyan ng tsek ang kolum ng mabuting kilos kung ikaw ay naniniwala na ito ay mabuti at lagyan ng ekis ang kolum ng masamang kilos kung naniniwala kang ito ay masama. Isulat sa susunod na kolum ang iyong paliwanag sa iyong napili. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno. Mga Sitwasyon
Mabuting Kilos
Masamang Kilos
Paliwanag
1. Nanalo si Mang Philip bilang baranggay captain sa kanilang lugar. Wala siyang inaksayang oras upang ibigay ang sarili sa kaniyang paglilingkod nang buong katapatan.
2. Nais ni Jaymee na matulungan ang kaniyang kamag-aral na pumasa kaya’t pinakopya niya ito sa kanilang pagsusulit. 3. Habang nasa loob ng simbahan si Pol at Andrew ay pinag-uusapan nila ang kanilang kamag-aral na di umano’y nakikipagrelasyon sa kanilang guro.
4. Si Mang Gerry ay matulungin sa kaniyang mga kapitbahay. Ngunit lingid sa kaalaman ng kaniyang mga tinutulungan, na ang perang ibinibigay niya sa mga ito ay galing sa pagbebenta niya ng ipinagbabawal na gamot.
113 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Mga Tanong: a. Sino-sino sa tauhan ang nagpakita ng mabuting kilos? Sino-sino ang hindi? b. Ano ang masasabi mo sa bawat tauhan? Pangatwiranan. c. Paano mo nahusgahan kung mabuti o masama ang pasiya at kilos na ginawa ng mga tauhan sa bawat sitwasyon? Gawain 4 Panuto:
Y P O C D E P E D
1. Mag-isip ng isang sitwasyon sa iyong buhay na kung saan nagpapakita ng iyong kilos. Isulat ito sa loob ng kahon. Gawin ito sa iyong kuwaderno. 2. Tukuyin mo ang layunin, paraan, at sirkumstansiya ng iyong pasiya o kilos sa sitwasyon. Sitwasyon na nagsagawa ng pasiya at kilos
Layunin
Paraan (kilos)
Sirkumstansiya
Mga Tanong:
1. Ano ang masasabi mo sa iyong kilos, mabuti ba o masama? Patunayan. 2. Ano ang iyong reyalisasyon matapos mong gawin ang gawain? Naging masaya ka ba o hindi? Ipaliwanag. 3. Paano nakatutulong sa iyo ang pagsusuri ng kilos bago ito isagawa? Upang higit na mapalalim ang iyong kaalaman sa kahalagahan ng layunin, paraan, o sirkumstansiya ng makataong kilos pagnilayan ang babasahin. Tayo na! Sasamahan kita upang maunawaan ang babasahin.
114 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D. PAGPAPALALIM
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay.
Layunin, Paraan, Sirkumstansiya, at Kahihinatnan ng Makataong Kilos
Y P O C D E P E D
“Kilos ay suriin, mabuti lagi ang piliin.” Kung ikaw ang tatanungin, ano ang pakahulugan mo sa mga salitang ito? Marami kang pinagkakaabalahan araw-araw mula sa gawaing bahay, sa pagpasok sa paaralan, sa pakikisalamuha sa iyong mga kaibigan, ay nagsasagawa ka ng maraming kilos. Nasusuri mo ba ang lahat ng ito? Napipili mo ba ang mabuti? Tumutugma ba ang paraan ng pagsasagawa mo ng kilos sa iyong mga layunin? Iyan ay ilan lamang sa mga tanong na magpapaalala sa iyo ng iyong dapat gawin bilang tao.
Ang makataong kilos ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian. Kung ano tayo at kung ano ang kalabasan ng ating kilos ay batay sa ating pagpapasiya.
Sa Modyul 5, natutuhan mong pananagutan ng tao ang anumang kahihinatnan ng kaniyang kilos, mabuti man o masama. Mahalagang mapagnilayan niya ang bawat kilos na kaniyang isasagawa dahil hindi magiging ganap ang pagiging tao niya kung hindi siya kumikilos ayon sa kabutihan. Pero teka muna, naaalala mo pa ba ang ibig sabihin ng kilos?
Hindi lahat ng kilos ng tao ay maituturing na makatao. Ang makataong kilos ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nasasalamin ang ating pagkatao. Kung ano tayo at kung ano ang kalabasan ng ating kilos ay batay sa ating pagpapasiya. Nangangahulugan ito na hindi lahat ng ating isinasagawang kilos ay mabuti.
Sa etika ni Sto. Tomas de Aquino, ang moral na kilos ay ang makataong kilos sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan. Ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos. Ang papel naman ng kilos-loob ay tumutungo sa layunin o intensiyon ng isip. Ang panloob na kilos ay nagmumula sa isip at kilos-loob. Samantalang ang panlabas na kilos ay ang pamamaraan na ginagamit upang isakatuparan ang panloob na kilos. Hindi maaaring maging hiwalay ang dalawang ito
Sa bawat makataong kilos, ang kilos-loob ang tumutungo sa isang layunin. Hindi makapaghahangad ng anuman ang isang tao kung wala itong pinakahuling layunin at ito ay ang makapiling ang Diyos sa kabilang buhay.
115 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
sapagkat kung masama ang panloob, magiging masama rin ang buong kilos, kahit mabuti ang panlabas. Halimbawa nito si Robin Hood? Siya ay kilala sa kaniyang pagiging matulungin lalo na sa mga mahihirap. Ngunit saan ba niya kinukuha ang kaniyang ibinibigay na tulong sa kanila? Hindi ba sa pagnanakaw? Masasabi mo ba na tama ang kaniyang kilos? Ikaw ba ay sumasang-ayon dito? Kung ating titingnan, mabuti ang kaniyang panloob na kilos ngunit masama naman ang kaniyang panlabas na kilos. Kailangang parehong mabuti ang panloob at panlabas na kilos dahil nababalewala ang isa kung hindi kasama ang isa. Ayon pa rin kay Sto. Tomas de Aquino, sa bawat makataong kilos, ang kilos-loob ang tumutungo sa isang layunin. Hindi makapaghahangad ng anuman ang isang tao kung wala itong pinakahuling layunin at ito ay ang makapiling ang Diyos sa kabilang buhay. Napakaganda, hindi ba? Kaya’t marahil ay nararapat lamang na mapagnilayan ng tao ang bawat layunin ng kaniyang isinasagawang kilos. Mahalaga ito upang lubos na malaman kung paano nagiging mabuti o masama ang isang kilos.
Y P O C D E P E D
May mga salik na nakaaapekto sa resulta ng kilos, kung ito ay maituturing na mabuti o masama. Ang mga ito ang batayan sa paghuhusga kung ang kilos ay moral o hindi. Una, Layunin. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob. Ito rin ay tumutukoy sa taong gumagawa ng kilos ( doer ); hindi ito nakikita o nalalaman ng ibang tao dahil ito ay personal sa taong gumagawa ng kilos. Ito ang pinakalayunin o pinatutunguhan ng kilos. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, ang mismong kilos ay hindi maaaring husgahan kung mabuti o masama kung hindi nito isasaalang-alang ang layunin ng taong gumagawa nito. Mahalagang tingnan ang kabuuang kilos na kasama ang layunin ng tao na nagsasagawa nito. Ang pamantayan sa kabutihan ng layunin ay kung iginagalang ng taong nagsasakilos ang dignidad ng kaniyang kapuwa. Halimbawa, binigyan ni Tanya ng pagkain ang kaniyang kamag-aral na walang baon. Ginawa niya ito dahil nais niyang kumopya sa kaniyang kaklase sa pagsusulit sa Matematika. Mabuti ba ang layunin ng kilos? May paggalang ba ito sa dignidad ng kamag-aral? Dito ipinapakita na mabuti ang pagbibigay ng pagkain sa kamag-aral na walang
baon ngunit ang layunin ay masama. Dito ay mahuhusgahan na ang kilos ay masama sapagkat masama ang kaniyang layunin.
Naharap ka na ba sa sitwasyon kung saan ang layunin ng kilos ay hindi mabuti?
116 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ikalawa, Paraan. Ito ay ang panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino, may nararapat na obheto ang kilos. Halimbawa, sa kilos na kumain, ang obheto ay makakain. Ngunit kung kakain ka ng bato, ito ay masama dahil hindi kinakain ang bato. Ang kilos ng uminom ay may obheto na makainom. Ngunit kung iinom ka ng muriatic acid ito ay masama dahil nakamamatay ito. Samakatuwid, ang paraan ng kilos ay ang nararapat na kilos dahil ang kabutihan ng panlabas na kilos ay ang nararapat na obheto nito. Ang bawat kilos ay may layunin. Ngunit paano mo ba nahuhusgahan kung ang layunin mo ay mabuti o masama? Halimbawa, sa pagsusulit, ano ba ang layunin nito? Paano kung ang isang mag-aaral ay mangopya ng sagot mula sa iba dahil hindi siya nakapag-aral ng leksiyon? Tingnan ang larawan sa ibaba.
Y P O C D E P E D Pangongopya
Ano ang layunin ng kilos?
Makasagot sa pagsusulit.
Ano ang nararapat na obheto?
Ang pagsulat ng nalalaman mo, hindi ang nalalaman ng iba.
Tanong: Ang kilos ba na ginawa ay sang-ayon sa obheto?
Mabuti ang kaniyang layunin na makapasa ngunit mali ang kaniyang pamamaraan o kilos na ginamit sa sitwasyon. Ikaw, naranasan mo na rin ba ang mangopya? Paano mo hinusgahan ang iyong kilos na ito? ________________________________________________________ ______________________________________________ _________
___________________________________________________ ___________________________________________________
117 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ikatlo, Sirkumstansiya. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na nakababawas o nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos. Narito ang iba’t ibang sirkumstansiya: 1. Sino. Ito ang tumutukoy sa tao na nagsasagawa ng kilos o sa taong maaaring maapektuhan ng kilos. Halimbawa, si Arnold ay pumunta sa bahay ng kaniyang Lola Ester. Nakita niya kung saan itinatago ng kaniyang lola ang pera nito. Isang araw ay pumunta siya sa bahay nito at kinuha niya ang pera sa lagayan. Masama ba ang ginawang kilos ni Arnold? Bakit? Ang pagkuha ni Arnold ng pera ay masama dahil pagnanakaw ito. Nadaragdagan ito ng panibagong kasamaan dahil ang pinagnakawan niya ay ang mismo niyang lola.
Y P O C D E P E D
Ikaw, ano ang masasabi mo ukol dito? ___________________________________________________________ _________________________________________________________
2. Ano. Ito ang tumutukoy sa mismong kilos, gaano ito kalaki o kabigat. Halimbawa, gamit pa rin ang halimbawa sa bilang isa, ang kaniyang Lola Ester ay naubusan ng gamot para sa sakit nito. Kinailangan nito ng pera upang makabili ng gamot ngunit nawala sa lagayan ang pera nito. Kung ikaw ang tatanungin, nadagdagan ba o nabawasan ang masamang kilos ni Arnold? ___________________________________________________________ _________________________________________________________
Ang uri ng kilos ni Arnold ay nagpakita ng mas masamang kilos dahil nahirapan sa paghinga ang kaniyang lola hanggang madala ito sa ospital. 3. Saan. Ito ang tumutukoy sa lugar kung saan ginagawa ang kilos. Halimbawa, nagtawanan nang malakas ang ilang kabataan dahil pinag-uuspan nila ang isang kamag-aral na biglang naghirap dahil nalulong sa sugal ang ama nito. Ginawa nila ito sa sambahan. Sa iyong palagay, nararapat ba na gawin nila ito sa kanilang kamag-aral? Bakit? __________________________________________________________ __________________________________________________________
Ang paninirang puri sa kanilang kamag-aral ay masamang kilos at hindi makatarungan sapagkat hindi alam ng tao na siya ay pinag-uusapan at wala man lang siyang magawa upang ipagtanggol ang kaniyang sarili. Isa pa, nadaragdagan ang masamang kilos dahil sa lugar kung saan isinagawa ito. 118 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
4. Paano. Ito ay tumutukoy sa paraan kung paano isinagawa ang kilos. Halimbawa, matalinong mag-aaral si Nestor. Pinaghandaan niya nang mabuti ang kanilang pagsusulit upang siya ay mapasama muli sa Top Ten sa kanilang seksiyon. Ngunit habang sumasagot siya sa pagsusulit, mayroon siyang hindi maalala na sagot sa tanong. Nanghihinayang si Nestor na hindi ito masagutan dahil alam niyang pinagaralan niya ito, iyon nga lamang ay nakalimutan niya. Napatingin siya sa papel ng kaniyang katabi at nakita niya ang sagot, kaya’t kinopya niya ito. Mabuti ba o masama ang ginawa ni Nestor? Bakit? ___________________________________________________________ _________________________________________________________
Y P O C D E P E D
Maaaring makabawas o makaragdag ng kasamaan o kabutihan ang sirkumstansiya. Sa kaso ni Nestor, nababawasan ang kasamaan ng kaniyang kilos dahil hindi ito pinagplanuhan o pinaghandaang gawin. Kaya, lumiliit ang bigat ng parusa rito.
5. Kailan. Ito ay tumutukoy kung kailan isasagawa ang kilos. Halimbawa, nasunugan ang isang pamilya sa lugar nila Chris. Sa halip na tulungan niya ang mga ito, sinamantala niya ang pagkakataon upang makapagnakaw sa pamilya. Ano ang masasabi mo sa kilos ni Chris? ___________________________________________________________ ___________________________________________________________
Dito ay mas lalong nadaragdagan ang kasamaan ng kaniyang kilos dahil sa sitwasyon ng pamilyang nasunugan. Ang mga nakapagpapalala o nakapagpapabawas ng kabutihan o kasamaan ng isang kilos ay tinatawag na sirkumstansiya. Maaaring ang m abuti ay mas maging mabuti at ang masama ay mas maging masama.
Tunay ngang makikita na ang kilos ay nagiging mas
mabuti o mas masama ayon sa sirkumstansiya. Ang mga nakapagpapalala o nakapagpapabawas ng kabutihan o kasamaan ng isang kilos ay tinatawag na sirkumstansiya. Maaaring ang mabuti ay mas maging mabuti at ang masama ay mas maging masama. Mayroon din namang pagkakataon na kung saan nakapagdaragdag ng panibagong kabutihan o panibagong kasamaan sa kilos na ginagawa.
Ikaapat, Kahihinatnan. Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan, at may kaakibat na pananagutan. Anuman ang gawing kilos ay may kahihinatnan. Mahalaga na masusing pag-isipan at pagplanuhang mabuti ang anumang isasagawang kilos dahil mayroon itong katumbas na pananagutan na dapat isaalang-alang. Kung minsan, nagkakaroon ng suliranin sa pagpapasiya dahil sa 119 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
kawalan ng kaalaman kung ang pinili niyang kilos ay mabuti o masama. Kung minsan, dahil sa bilis ng takbo ng isip ng tao ay nakapag-iisip at nakagagawa siya ng kilos na hindi tinitingnan ang kahihinatnan nito. Ngunit sa ikaapat na salik, sinasabi na ang bawat tao ay kailangang maging mapanagutan sa anumang kilos na kaniyang pipiliin. Kailangang mapag-isipang mabuti at makita kung ano ang magiging resulta ng anumang kilos na gagawin. Halimbawa: Si Leo ay isang doktor, matagal siyang nag-aral sa larangan ng panggagamot. Alam niya kung makasasama o makabubuti sa isang pasyente ang kaniyang ireresetang gamot. Kung itinuloy pa rin niya ang pagrereseta sa pasyente ng gamot kahit makasasama ito sa huli, mayroon siyang
Y P O C D E P E D
pananagutan sa anumang kahihinatnan nito.
Kung kaya’t sa pagsasagawa ng kilos gaano man ito kalaki o kaliit, kailangang pag-isipan itong mabuti at tingnan ang maaaring maidulot nito. Hindi lamang kailangag tingnan ang sarili kundi pati ang kabutihang panlahat.
Ngayon ay inaanyayahan kita na magnilay. Balikan mo ang iyong mga isinagawang kilos nitong mga nakaraang araw. Nakikita mo ba ang iyong pananagutan sa kahihinatnan ng mga ito?
Ngayon, lalong lumilinaw na upang maging mabuti ang kilos, nararapat itong
nakabatay sa dikta ng konsensiya batay sa likas na Batas Moral. Ang bawat kilos na iyong gagawin ay kailangang nakatuon sa pinakahuling layunin at ito ay ang makapiling ang Diyos sa kabilang buhay.
May mga tanong ka ba sa puntong ito? Ano-ano ang iyong mga realisasyon sa iyong mga isinasagawang kilos araw-araw?
Ang mabuting kilos ay dapat palaging mabuti hindi lamang sa kalikasan nito kundi sa motibo at sirkumstansiya kung paano mo ito ginagawa. Kaya’t mula sa layunin, paraan, at sirkumstansiya ng kilos ay madaling makikita o masusuri ang kabutihan o kasamaan nito.
Kung gayon, inaanyayahan kitang pagnilayang mabuti ang iyong mga kilos.
Ang kilos mo ba ay palaging kalugod-lugod sa paningin ng Diyos? Nagpapakita ba ito ng makataong gawain? Sana ay naging malinaw sa iyo na kailangan mong hubugin ang iyong sarili upang maging isang mabuting tao, na may kamalayan sa bawat kilos dahil ito ang iyong magiging gabay tungo sa iyong pagpapakatao.
120 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Tayahin ang Iyong Pag-unawa Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong naunawaan, sagutin mo sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno: 1. Ano ang kahulugan ng kilos? Ipaliwanag. 2. Ano-ano ang salik na nag-uugnay sa makataong kilos? Ipaliwanag ang bawat isa. 3. Bakit hindi maaaring ihiwalay ang panloob na kilos sa panlabas na kilos? Ipaliwanag. 4. Ibigay ang iba’t ibang uri ng sirkumstansiya at magbigay ng halimbawa sa bawat isa. 5. Paano nahuhusgahan kung ang layunin ng kilos ay mabuti o masama? Magbigay ng halimbawa. 6. Sa iyong palagay, upang ang kilos ay maging mabuti, saan ba ito dapat nakabatay? Ipaliwanag.
Y P O C D E P E D Paghinuha sa Batayang Konsepto
Matapos mong basahin at gawin ang mga natapos na gawain sa modyul na ito, isulat sa iyong kuwaderno ang lahat ng mga konsepto na iyong natutuhan. Pagkatapos, pumunta ka sa iyong pangkat at bumuo ng malaking konsepto gamit ang graphic organizer mula sa maliliit na konsepto na inyong naisulat. Gawin ito sa malikhaing presentasyon. Mga konseptong natutuhan ko:
Pag-uugnay ng batayang konsepto sa pag-unlad ko bilang tao 1. Ano ang kabuluhan ng batayang konsepto sa aking pag-unlad bilang tao? 2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto sa modyul na ito?
121 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
E. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO Ngayon malinaw na sa iyo na ang layunin, paraan, sirkumstansiya at kahihinatnan ng kilos ay nakapagtatakda ng kabutihan o kasamaan ng kilos ng tao. Ito ay isang hamon para sa iyo kung paano mo pag-iisipang mabuti ang pipiliin mong kilos sa araw-araw simula sa iyong paggising hanggang sa iyong pagtulog. Pagganap
Y P O C D E P E D
Gawain 5
Panuto: Punan ang matrix ayon sa hinihingi sa bawat kolum. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Mga Sitwasyon
Halimbawa: Nagkasayahan kayo bilang selebrasyon sa kaarawan ng isang kaibigan mo, kaya inabot kayo ng gabi sa inyong bahay. Hindi pa rin kayo tumigil sa kanilang pagkanta gamit ang videoke kahit natutulog na ang inyong mga kapit-bahay.
Pagsusuri ng kabutihan o kasamaan ng kilos batay sa layunin, paraan, sirkumstansya, at kahihinatnan nito
Pagtataya ng kabutihan o kasamaan ng kilos batay sa layunin, paraan, sirkumstansya, at kalalabasan nito
Paliwanag
Layunin: Magkasiyahan dahil sa pagdiriwang ng kaarawan ng kaibigan.
Layunin: Ang Ang pagkakaroon ng pagkakaroon kasiyahan ay bahagi ng ng kasiyahan isang pagdiriwang. sa isang kaarawan ay Paraan: hindi masama Paraan: Hindi masama na ngunit dapat Paggamit ng videoke gumamit ng videoke makita para magkantahan upang magkantahan ang mga ngunit dapat na bigyan limitasyon Sirkumstansiya: ito ng limitasyon. ng kilos Paggamit ng videoke upang hindi sa hating-gabi Sirkumstansiya: makapinsala Ang paggamit ng Kahihinatnan: sa ibang tao videoke sa hating-gabi Nakaabala ito sa mga ay hindi mabuting kilos. na maging tao na natutulog dahilan upang Kahihinatnan: makaabala o Ang pagkaabala ng makagalit sa mga kapitbahay ay kanila. hindi mabuting resulta ng kantahan.
1.Niyaya ka ng iyong kamag-aral na huwag pumasok sa klase at pumunta sa computer shop upang maglaro rito.
2. Nangungulit ang iyong katabi na pakopyahin mo siya sa pagsusulit dahil maaari siyang bumagsak. 3. Nakita mo na nalaglag ang pitaka sa isang babae sa loob ng simbahan.
122 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Pagninilay Gawain 6 Ngayon ay inaanyayahan kitang magnilay. Balikan mo ang iyong mga isinagawang kilos noong nakaraang linggo. Batay sa iyong mga natutuhan sa modyul na ito, tukuyin mo ang iyong mga naging reyalisasyon.
Ang napulot kong aral mula
Ang napul ot kong ar al mula saaking aking isinasagawang sa mgamga pinipiling kilos. kilos. Ang aking mga realisasyon .
Ang mga bago
Y P O C D E P E D Ang mga bago kong kong natutuhan natutuhan sa aralin.sa
aralin.
Ang aking mga realisasyon.
Ngayon ay alam ko nang handang-handa ka na sa pagsasabuhay ng iyong mga natutuhan. Ang kailangan mo lamang ay ang maingat na pagsusuri sa kabutihan o kasamaan ng iyong isinasagawang mga kilos upang makita mo ang kabutihan o kasamaan na dulot ng mga ito.
Pagsasabuhay Gawain 7
Panuto:
Mag-isip ng isang sitwasyon mula sa iyong karanasan na may suliranin (dilemma). Tayahin ang kabutihan o kasamaan nito batay sa layunin, paraan, sirkumstansiya at kahihinatnan nito. Ipakita at ipabasa ito sa iyong magulang. Anyayahan sila na magbigay ng komento o payo sa iyong ginawa. Palagyan ito sa kanila ng lagda bilang katibayan na kanilang nabasa ang iyong ginawa. Suliranin
Layunin
Paraan
Sirkumstansiya Kahihinatnan Paghuhusga: Mabuti o masama ang kilos? Bakit?
Komento, payo, at lagda ng magulang
Maligayang bati! Ako ay lubos na humahanga at natutuwa sa iyong dedikasyon at pagtitiyaga na matapos ang modyul na ito. Inaasahan kong patuloy kang magpapakita ng mabuting interes sa mga susunod pang aralin dahil ito ay lubos na makatutulong sa iyo sa patungo sa landas ng pagiging mabuting tao. 123 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Mga Kakailanganing Kagamitan (website, software, mga aklat, worksheet ) Mga Sanggunian: Agapay, Ramon B. (2007) Ethics and the Filipino: A Manual on Morals for Students and Educators. Mandaluyong City: National Bookstore Inc. Montemayor, Felix M. (1994) Ethics the Philosophy of Life. Mandaluyong City:
Y P O C D E P E D
National Bookstore
Nery-Nabor, Maria Imelda P. (2010). Christian Morality and Ethics. Mandaluyong City: National Book Store
Reyes, Ramon C. (2009). Ground and Norm of Morality: Ethics for College Students. Quezon City: ADMU Press.
Simbajon Jr., Marvin Julian L. (2011). Ethics for Educators: A College Textbook for Teacher Education and Educators in All Areas of Discipline. Quezon City: C&E Publishing, Inc.
Mga Saliksik sa Internet:
Ming, J. (1907). Human Acts. In The Catholic Encyclopedia. New York: Robert Appleton Company. Retrieved February 26, 2014 from New Advent: http://www.newadvent.org/cathen/01115a.htm
_________. Whether Human Acts are Specied by Their End? Retrieved from http:// biblehub.com/library/aquinas/summa_theologica/whether_human_acts_are_ specied.htm on February 25, 2014.
_________. The Morality of Human Acts. Retrieved from
http://www.vatican.va/arcive/ccc_css/archieve/catechism/p3s1c1a4 on February 24, 2014
__________. Human Acts. Retrieved from https://www.catholicculture.org/culture/library/dictionary/index.cfm?id=34013 on February 26, 2014
124 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Ikalawang Markahan
MODYUL 7: ANG KABUTIHAN O KASAMAAN NG KILOS AYON SA PANININDIGAN, GINTONG ARAL, AT PAGPAPAHALAGA A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAPAMALAS MO?
Y P O C D E P E D
Sa unang modyul, hinamon ka na sagutin ang tanong na, “Sa bawat kilos ko,
anong uri ng tao ang binubuo ko sa aking sarili?” Ito ay isang paraan ng paghikayat sa iyo na balikan at pagnilayan mo ang iyong mga isinasagawang kilos. Mulat ka ba sa mga gawi mo bilang tao? Paano mo nalalaman kung mabuti o masama ang mga ito? Bilang persona na nasa proseso ng pagpupunyagi tungo sa pagiging personalidad , paano ka makatitiyak na mabuti ang bawat gawi at kilos mo?
Naunawaan mo sa Modyul 6 na ang layunin, paraan, sirkumstansiya, at
kahihinatnan o bunga ng kilos ay nagtatakda ng pagkamabuti o pagkamasama ng kilos. Ipinaliwanag sa iyo ang kahalagahan ng pagsusuri ng layunin, paraan, o sirkumstansiya ng pagsagawa ng bawat kilos dahil dito masusukat kung naaayon ang mga ito sa kabutihan o hindi. Nalaman mo na ang mabuting kilos ay mahalaga sa pagkamit ng iyong kaganapan bilang tao. Ngunit naitanong mo na ba kung sapat na ba ang pagsusuri sa layunin, paraan, sirkumstansiya, at kahihinatnan ng isang kilos upang mahusgahan ang kabutihan at kasamaan nito? Kung hindi sapat na batayan ang mga ito sa paghusga ng kabutihan o kasamaan ng isang kilos, mayroon bang mas malinaw at matatag na pamantayan upang tayahin ang kilos ng tao?
Sa pamamagitan ng modyul na ito, matutulungan kang lubos na mapagnilayan
ang iyong mga kilos at mula rito ay masasagot mo ang mahalagang tanong na: Ano-anong turo o pananaw ang maaaring gamiting batayan sa paghusga ng kabutihan o kasamaan ng kilos?
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na
kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
7.1 Natutukoy ang batayan ng paghusga sa kabutihan o kasamaan ng kilos ayon sa paninindigan, gintong aral, at mataas na pagpapahalaga 7.2 Nakapagsusuri kung paano paiiralin ang mas mataas na pagpapahalaga sa isang sitwasyon na may conict 7.3 Naipapaliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin 125 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
7.4 Naitatama ang isang maling kilos sa pamamagitan ng paggawa ng mga tiyak na hakbang gamit ang paninindigan, gintong aral, at mas mataas na pagpapahalaga Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Kasanayang Pampagkatuto 7.4: a. Nakilala ang mabuti at masamang kilos ayon sa paninindigan, gintong aral, at mataas na pagpapahalaga
Y P O C D E P E D
b. Nakagawa ng isang “pocket reminder” na naglalahad ng mga paraan kung paano makabubuo ng mabuting paninindigan at makapipili ng mas mataas ng pagpapahalaga sa bawat kilos
c. Naipakita ang pagkamalikhain sa paggawa ng “pocket reminder” d. May kalakip na pagninilay
Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang letra ng pinakaangkop na sagot at isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Alin ang mas matatag na batayan ng pagiging mabuti o masama ng isang kilos ayon sa pananaw ni Immanuel Kant? a. ang mabuting bunga ng kilos
b. ang layunin ng isang mabuting tao
c. ang makita ang kilos bilang isang tungkulin
d. ang pagsunod sa mga batas na nagtataguyod ng mabuting kilos
2. Ayon kay Max Scheler, alin sa sumusunod ang tanging nakakikita sa pagpapahalaga natin sa mga bagay, gawi, at kilos? a. Isip
c. Kilos-loob
b. Damdamin
d. Saloobin
3. Alin sa mga kilos sa ibaba ang tumutugon sa tunay na tawag ng tungkulin? a. Ang pagbibigay ng regalo tuwing may okasyon. b. Ang pagtulong sa kapuwa ng may hinihintay na kapalit. c. Ang pagtakbo sa halalan upang maglingkod sa bayan. d. Ang pagbabayad ng tamang buwis sa takdang panahon. 126 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
4. Anong paninindigan ang hindi ipinakikita kung tamad ang isang tao na mag-aral? a. Ang pag-aaral ay sagot sa kahirapan. b. Ang pag-aaral ay para sa mga nagnanais yumaman. c. Ang pag-aaral ay nakatutulong sa pagtuklas sa katotohanan. d. Ang pag-aaral ay para sa mga matatalino at masisipag pumasok sa paaralan. 5. Sino sa sumusunod ang kumikilos bilang isang hilig at hindi pagganap sa tungkulin? a. Isang saleslady na tapat sa mga mamimili tungkol sa kalidad ng produkto upang lalo itong tangkilikin
Y P O C D E P E D
b. Isang driver na nagbibigay ng discount o libreng sakay sa mga matatanda. c. Isang lingkod-bayan na nagbibigay ng regalo tuwing Pasko sa mga mahihirap upang maalala siya sa panahon ng halalan.
d. Isang negosyanteng nagpapatakbo ng tindahan na maliit lamang ang tubo sa mga paninda.
6. Ang sumusunod ay dahilan kung bakit hindi maituturing na isang paninindigan ang pangongopya tuwing may pagsusulit o sa paggawa ng takdang-aralin maliban sa: a. Hindi ito patas sa mga kaklaseng nag-aaral nang mabuti. b. Hindi ito katangap-tanggap sa mga guro na gumaganap sa kanilang tungkulin. c. Nabibigyan ng pagkakataon ang mag-aaral na pumasa at makakuha ng mataas na marka. d. Nawawalan ng saysay ang pag-aaral, pagsusulit at paglikha ng orihinal na bagay. 7. Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng mataas na pagpapahalaga ayon kay Max Scheler?
a. nakalilikha ng iba pang halaga
b. nagbabago sa pagdaan ng panahon
c. mahirap o di-mabawasan ang kalidad
d. malaya sa organismong dumaranas nito
8. Kung pagbabatayan ang pananaw ni Max Scheler, ang pangongopya ay a. Tama, dahil natutugunan nito ang pangangailangang pumasa. b. Tama, dahil ito ay nagbibigay ng kasiyahan sa gumagawa. c. Mali, dahil hindi pinili ang negatibong halaga kaysa sa katapatan. d. Mali, dahil maaari kang mapagalitan ng guro.
9. Bakit kinakailangang isaalang-alang ang kapakanan ng kapuwa sa ating pagkilos? a. Ito ay tanda ng tunay na pananampalataya. b. Sa pagbibigay sa kapuwa, tumatanggap din tayo. c. Kung ano ang iyong ginawa ay maaaring gawin din sa iyo. d. Lahat ng nabanggit 127 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
10. Ang pagtulong sa kapuwa ay itinuturing na mabuting kilos. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng mas mataas na pagpapahalaga? a. Ang pagtulong sa kapuwa ay daan upang tulungan ka rin nila. b. Ang pagtulong sa kapuwa ay nakapagbibigay kasiyahan sa sarili. c. Ang pagtulong sa kapuwa ay pagtugon sa tawag na maglingkod. d. Ang pagtulong sa iba ay bunsod ng pakikisama.
Y P O C D E P E D B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Gawain 1 Panuto:
1. Itala ang mga kilos na ginagawa mo sa bawat araw.
2. Isulat ang dahilan mo sa pagsasagawa ng mga nasabing kilos.
3. Kilalanin kung mabuti o masama ang bawat kilos na ito ayon sa iyong palagay.
4. Ilahad ang mga batayan na ginamit mo sa paghusga ng kabutihan o kasamaan ng bawat kilos.
5. Gamiting gabay ang pormat sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. Ang Aking mga Kilos
1. 2. 3. 4.
Dahilan sa Pagsasagawa ng Kilos
Mabuti o Masama?
Batayan sa Paghusga ng Kabutihan o Kasamaan ng Kilos
6. Matapos ang gawain, sagutin mo ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno: a. Naging madali ba sa iyo ang pagkilala kung mabuti o masama ang mga kilos na isinasagawa mo? Bakit? b. Mahalaga bang may kamalayan tayo sa dahilan ng bawat kilos na ating isinasagawa? Pangatwiranan. c. Bakit mahalaga ang bawat kilos na ating isinasagawa? 128 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Gawain 2
Panuto: 1. Panoorin ang palabas na “The Unsung Hero” sa Youtube. (https://www.youtube. com/watch?v=cZGghmwUcbQ) 2. Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno. a. Batay sa palabas, ano ang kahulugan ng tungkulin? b. Sa iyong palagay, maaari bang gamiting batayan ang tungkulin sa paghusga
Y P O C D E P E D ng kabutihan at kasamaan ng kilos? Ipaliwanag.
c. Bakit itinuturing na mataas na pagpapahalaga ang paggawa ng mabuti sa kapwa?
C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN, AT PAG-UNAWA
Gawain 3 Panuto:
1. Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon. Tuklasin mo ang iyong gagawing pagkilos kung ikaw ang maharap sa ganitong pangyayari.
2. Suriin mabuti ang iyong kilos. Tukuyin ang mga pagpapahalaga na ipakikita mo sa bawat kilos na isasagawa mo.
3. Tayahin kung nagpapakita ang iyong kilos ng pag-iral ng mataas na pagpapahalaga. 4. Isulat ang mga hakbang kung paano mo matitiyak ang pag-iral ng mataas na pagpapahalaga sa bawat sitwasyon.
5. Gamiting gabay ang pormat sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Ang kilos na aking isasagawa
Mga pagpapahalaga na ipakikita ko sa bawat sitwasyon
Nagpakita ba ng pag-iral ng mataas na pagpapahalaga ang aking kilos? Oo
Hindi
Mga hakbang upang matiyak ang pag-iral ng mataas na pagpapahalaga sa bawat kilos
1. 2. 3.
129 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Sitwasyon A Inanyayahan si Kyle ng kaniyang mga kaibigan na maglaro ng basketbol pagkatapos ng klase. Matagal na rin mula ng huli siyang sumama sa lakad ng mga kaibigan at nami-miss na rin niya ang paglalaro. Alam niya na mahigpit na ipinagbabawal ng kaniyang ama ang pamamalagi sa labas, lalo na kung gabi na. Ngunit naisip ni Kyle na kung tatanggihan niya ang kaniyang mga kaibigan, maaaring magtampo sa kaniya ang mga ito at hindi na siya iimbitahan pa sa alinmang lakad. Ano ang gagawin mo kung ikaw si Kyle?
Y P O C D E P E D
Sitwasyon B
Isa ka sa mga sumisikat na batang aktor sa inyong henerasyon at mapalad na napiling gumanap sa isang palabas sa telebisyon. Nang mabasa mo ang script , naisip mong may ilang eksenang hindi ka komportableng gawin. Ngunit ayon sa director , kung nais mong magpatuloy ang iyong pagsikat, dapat mong sundin ang script at gawin ang papel mo, mabuti o masama man ito sa paningin ng iba. Ipinaalala niya na marami ang naghihintay ng pagkakataong sumikat at gampanan ang papel na ibinigay sa iyo. Ano ang gagawin mo? Sitwasyon C
Paborito mong tiyuhin si Bert, kahit may isyu siya sa alkoholismo. Habang naglalakad ka pauwi mula sa paaralan, napadaan siya dala ang kaniyang sasakyan at inanyayahan kang ihatid sa inyong bahay. Napansin mong nakainom siya at maaaring maaksidente kayo kung sasakay ka. Ngunit naisip mong madilim na at wala ka na ring kasabay sa paglalakad pauwi. Tulad ng nauna mong naisip, nakabangga siya ng isang puno ngunit mapalad pa ring walang malubhang nasaktan sa inyong dalawa maliban sa ilang gasgas sa iyong braso. Nakiusap ang Tito Bert mo na huwag nang sabihin sa mga magulang mo ang nangyari. Napansin ng iyong ina ang mga gasgas mo sa braso pagkarating mo sa bahay. Ano ang gagawin mo?
6. Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno. a. Ano ang kahulugan ng pagpapahalaga?
b. Bakit kailangang tiyakin ang pag-iral ng mataas na pagpapahalaga sa bawat kilos na isasagawa? c. Paano natin matitiyak ang pag-iral ng mataas na pagpapahalaga sa bawat kilos na isasagawa?
130 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D. PAGPAPALALIM
Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay. Ang Kabutihan o Kasamaan ng Kilos Ayon sa Paninindigan, Gintong Aral, at Paninindigan, Gintong Aral, at Pagpapahalaga
Y P O C D E P E D Natatandaan mo ba ang kahulugan at mga
katangian ng isang mabuting kilos? Bilang pagbabaliktanaw, naunawaan mo sa Modyul 5 at 6 na itinuturing na
mabuti ang isang makataong kilos kung ginamit ang isip
upang makabuo ng mabuting layunin at ang kilos-loob upang isagawa ito sa mabuting pamamaraan. Likas sa tao na naisin at gawin ang isang bagay na magbibigay ng kaligayahan sa kaniya. Ngunit naitanong mo na ba sa
iyong sarili kung tama bang gamitin ang kaligayahan bilang layunin sa pagsasagawa ng kilos? Halimbawa, may isang mag-aaral na mahilig manakit, mangopya, at manguha ng mga mahahalagang bagay sa kaniyang mga kaklase. Para sa kaniya, mabuti ang mga gawaing iyon dahil hatid ng mga ito ay kakaibang kasiyahan sa kaniyang sarili
– na kaniyang tanging layunin. Ngunit paano naman ang mga kaklaseng apektado ng kaniyang kilos? Pinatutunayan nito na hindi sapat ang layunin sa paghuhusga na mabuti ang isang kilos.
Sa kabilang banda, itinuturing ding batayan ng paghusga ng kabutihan o
kasamaan ng isang kilos ang bunga o kahihinatnan nito. Naririto ang ilang halimbawa. Isang bata ang nahuli sa akto ng shoplifting sa isang tindahan. Ginawa niya ito dahil malubha ang karamdaman ng kaniyang ina. Naisip niya na mabuting paraan ang pagnanakaw sa tindahan upang makabili ng gamot at malunasan ang sakit ng mahal sa buhay. Ayon sa kaniya, hindi na mahalaga kung masama ang paraan basta gumaling ang ina. Tama ba ang ganitong katuwiran? Ano naman ang masasabi mo sa mga ilegal na nagtitinda sa bangketa o kaya sa mga nagpapasada ng kolorum (hindi rehistrado) na mga sasakyan kung saan naniniwala sila na mas mainam na pagmulan ng kanilang kabuhayan ang mga gawaing ito kaysa sa magnakaw? Maituturing na bang mabuti ang isang kilos kung ang bunga ay mabuti? 131
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Pag-usapan naman natin ang isang gawi na madalas makita sa paaralan – ang pangongopya. Mula sa mga pagsusulit hanggang sa pang-araw-araw na takdang aralin, hindi makaiwas ang ilang mag-aaral na gawin ito. Bakit nga ba? Naghahatid ng mabuting bunga o kahihinatnan ang pangongopya. Maaaring matugunan nito ang pangangailangang pumasa ang isang mag-aaral, bukod sa maaaring makakuha rin siya ng mataas na marka. Ngunit hindi maituturing kailanman na mabuting gawain ang mangopya. Hindi sapat na batayan ang bunga o kahihinatnan sa paghuhusga
Y P O C D E P E D
ng kabutihan o kasamaan ng kilos. Ang bunga ay maaaring hindi rin agarang makita lalo na kung mas mahaba ang oras at proseso ng paggawa ng isang kilos. Tulad ng halimbawa sa itaas, ang pangongopya ay hindi palaging maghahatid ng magandang resulta. Sa pagkakataong ito, hindi malinaw na batayan sa paghusga ng mabuti o masama ang bunga ng isang gawain o kilos.
Ang mga katulad na sitwasyon sa itaas ang nagbibigay ng dahilan sa ilang tao na sumunod na lamang sa nakasanayan o binuong kultura ng nakararami. Sa kabila ng katotohanang likas sa tao ang kabutihan at nakaukit sa kaniyang puso ang Likas na Batas Moral, marami pa rin ang mas isinasaalang-alang ang pansariling kapakanan kaysa sa kabutihang panlahat. Kung hindi sapat na batayan ang layunin, paraan, sirkumstansiya, at kahihinatnan ng isang kilos sa paghusga ng kabutihan o kasamaan, mayroon bang mas malinaw at matatag na batayan ang isang mabuting kilos?
Ang Kautusang Walang Pasubali (Categorical Imperative)
“Gawin mo ang iyong tungkulin alang-alang sa tungkulin.” Ito ang pananaw na itinaguyod ni Immanuel Kant, isang
Alemang pilosopo na naglayong ipakita ang tunay na batayan
ng mabuting kilos. Ayon sa kaniya, anumang gawain na taliwas dito ay ituturing na masama. Binigyang-diin ng pananaw na ito
ang pagganap sa tungkulin, isang hamon sa nakararami na
tugunan ito. Ipinaliwanag ito ni Kant sa Kautusang Walang Pasubali o Categorical Imperative – isang kautusan na walang
kondisyon. Ang mismong tungkulin ay ang kondisyon. Bilang batayan sa pagkamabuti Ang Kautusang Walang Pasubali o Categorical Imperative ay ang pagkilos sa ngalan ng tungkulin. Ginagawa ng isang tao ang mabuti dahil ito ang nararapat at hind i dahil sa kasiyahan na gawin ito.
o pagkamasama ng isang kilos, inoobliga ng Kautusang Walang Pasubali na gawin ang tungkulin sa ngalan ng tungkulin. Ngunit hindi agad maituturing na mabuti o masama ang isang kilos. Nakabatay ito sa dahilan kung bakit ito ginagawa o gagawin. May mga kilos ang tao na dahil sa kaniyang hilig 132
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
(inclination) at hindi dahil ito ay isang tungkulin (duty ). Isang halimbawa ang paghinga ng tao (breathing ). Bagamat sa paghinga, tinutupad natin ang tungkuling mabuhay, wala naman itong katangiang moral dahil hilig o likas sa tao ang huminga. Subalit hindi likas o hilig ng isang tao ang pigilin ang paghinga na maaaring maging sanhi ng kamatayan, kahit pa nahaharap siya sa isang mahirap na pagsubok. Malinaw na siya’y kumikilos batay sa kaniyang tungkuling mabuhay. Ang pagganap sa tungkulin ay ginagawa dahil sa ito’y tungkulin, na siyang itinuturing na mabuting kilos. Sa pagkakataong ito, gamitin nating halimbawa ang pagbibigay ng tulong sa
Y P O C D E P E D
nangangailangan. Maaaring sabihin na hilig lamang ng isang mayaman na magbigay ng limos sa isang mahirap. Sa kabilang banda, kung magbibigay ng tulong ang isang
pulubi sa tao na alam niyang hindi pa kumakain at mahinang-mahina na, maituturing na mabuti ang kilos dahil tawag ito ng tungkulin at hindi dahil hilig ito ng pulubi. Naririto ang balangkas ng Kautusang Walang Pasubali ni Immanuel Kant: Una, sinasabi nito na dapat kumilos ang tao sa paraan na maaari niyang
gawing pangkalahatang batas ang paninindigan . Ano nga ba ang paninindigan? Ito ang dahilan ng pagkilos ng tao sa isang sitwasyon. Itinatakda nito ang kilos bilang isang tungkulin at mabuting dapat gawin. Paano natin ito maisasagawa?
Sa bawat sitwasyon na humihingi ng tugon sa pamamagitan ng mabuting kilos,
kinakailangang tayahin ang dahilan ng pagkilos. Ang dahilang ito ang itinuturing na
paninindigan. Tinataya
ito
sa
dalawang
paraan,
ang
maisapangkalahatan
(universability ) at kung maaaring gawin sa sarili ang
gagawin sa iba (reversibility ). Sa unang pagtataya, may dalawang tanong na dapat sagutin: Maaari bang maging paninindigan ng iba ang paninindigan ng isa sa parehong
Ang paninindigan ay ang dahilan ng pagkilos ng tao sa isang sitwasyon.
sitwasyon? Maaari bang ilapat ang paninindigan sa isang
sitwasyon sa mga kapareho nitong sitwasyon? Kung ang sagot sa mga ito ay oo, nangangahulugan itong ang paninindigan ay tungkulin na kailangang gampanan. Obligadong gawin ito dahil iyon ang nararapat. Kung ang sagot naman ay taliwas sa pagtatayang ito, samakatuwid ang paninindigan ay hindi mabuti. Suriin natin ang isang sitwasyon sa paaralan.
Madalas mong makita si Miguel na nananakit ng mga kaklase ninyo. Ginagamit niya ang kaniyang lakas upang kunin ang pagkain o mahalagang gamit ng iba para sa sarili niyang kapakinabangan. Isang araw, nakita mong sinasaktan niya si James na malapit mong kaibigan dahil pinipilit niya itong gawin ang takdang-aralin sa isang asignatura. Ano ang gagawin mo?
133 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Sa pagkakataong ito, ano ang dapat mong gawin? Maraming pagpipilian na paraan ng pagtugon sa ganitong sitwasyon. Maaari kang magsumbong sa awtoridad o magsawalang-kibo na lamang. Maaari mo ring ipagtanggol ang mga nagiging biktima ni Miguel at pagsabihan siya na mali ang kaniyang ginagawa. Ayon kay Kant, anuman ang sitwasyon, kailangan mong bumuo ng isang paninindigan bilang tugon mo sa sitwasyon. Ngunit kinakailangang ang paninindigang ito ay maaaring gawing pangkalahatang paninindigan at maaaring maging paninindigan ng iba sakaling maharap sila sa parehong sitwasyon. Ang binibigyang-diin dito ay mismong dahilan ng kilos kung magiging angkop ba ito sa lahat ng tao at sa mga kaparehong sitwasyon.
Y P O C D E P E D
Paano ka maninindigan sa ganitong sitwasyon? Sa iyong palagay, ang paninindigan mo ba ay maaaring magiging paninindigan din ng iba? Kung mauulit ang sitwasyon, maaari pa rin bang ilapat ang paninindigang ito? Kung ilalapat naman ito sa kilos ng pangongopya, anong paninindigan ang pinanghahawakan ng isang mag-aaral dito? Kung pinaninindigan niya na pumasa sa pamamagitan ng pangongopya, hindi ito maituturing na pangkalahatang paninindigan sapagkat hindi ito magiging katanggap-tanggap sa mga guro, mga magulang, at maging sa mga kaklaseng nag-aaral nang mabuti. Kung mangongopya na lamang ang lahat ng tao, mawawalan ng saysay ang pag-iisip, pag-aaral, at paglikha ng orihinal na mga bagay. Malinaw ang katotohanan sa usaping ito – mali ang pangongopya. Hindi rin ito isang tungkulin, bagkus ay masamang gawi. Sa ikalawang pagtataya, dapat sagutin ang tanong na: Maaari bang ilapat
ang paninindigang ito sa iba tulad ng paglapat mo nito sa iyong sarili ( reversibility)? Kung oo ang sagot, nangangahulugan ito na mabuti ang paninindigan at ito’y isang tungkuling dapat gawin. Gamitin nating halimbawa ang pagiging tapat at pagsasabi ng totoo. Isinasabuhay mo ba ang pagiging tapat? Nagsasabi ka ba ng totoo sa iyong kapuwa sa lahat ng oras? Nais mo bang maging tapat at magsabi rin sila ng t otoo sa iyo? Ito ang patunay na mabuting gawain at tungkulin ng tao ang pagiging tapat at pagsasabi ng totoo.
Kaugnay nito ang sinasabi sa ikalawang balangkas ng Kautusang Walang
Pasubali tungkol sa pagkilos ng tao. Inaasahan na dapat mangibabaw ang paggalang sa bawat isa, pagtrato ayon sa kanilang pagkatao bilang taong may dignidad, hindi lamang bilang isang kasangkapan kundi bilang isang layunin mismo. Halimbawa, katuwang natin sa gawaing-bahay ang isang katiwala o kasambahay kaya mahalaga ang pagtrato sa kaniya nang may paggalang sa kapuwa tao na may dignidad, na may malasakit sa kaniyang kapakanan at kabuuang pag-unlad. Ito ang naging batayan ng Karapatang Pantao (Human Rights). Ang paggalang sa dignidad ng tao ay ang pagbibigay-halaga sa kaniya bilang rasyonal na indibidwal. 134 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Maiuugnay ang ikalawang pagtataya sa Unang Balangkas ng Kautusang Walang Pasubali sa susunod na paksa sa babasahing ito - ang Gintong Aral ni Confucius. Ang Gintong Aral (The Golden Rule) “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo.” Mula sa kasabihang ito ni Confucius, isang pantas mula sa Silangang Asya, makikita ang pagkakatulad
Y P O C D E P E D sa ikalawang pagtataya ng Unang Balangkas ng Kautusang
Walang Pasubali ni Kant – ang reversibility. Ayon sa kaniya, mahalagang isaalang-alang ang mabuting pakikisama at kapakanan ng kapwa sa bawat kilos ng tao. Itinuturing ni
Confucius na matibay na batayan ng moral na kilos ang
reciprocity o reversibility. Kinakailangang pag-isipan nang malalim ang bawat kilos bago isagawa at ang magiging epekto nito sa iba. Dito higit na mapatutunayan kung mabuti o masama ang isang partikular na kilos.
Kaugnay ng kasabihang ito ni Confucius,
nabanggit ni Hesukristo nang minsang mangaral siya na, “Kung ano ang ibig ninyong gawin sa inyo ng mga tao, gayon din ang gawin ninyo sa kanila” (Lukas 6:31). Sumasang-ayon din ang kasabihan ni Confucius
sa turo ni Propeta Muhammad sa pananampalatayang Islam. Makikita sa Hadith (isa sa mga batayan maliban
sa Qur’an) ang pahayag na, “Wala ni isa man sa inyo ang tunay na mananampalataya hangga’t hindi niya ninanais sa kaniyang kapatid ang nais niya para sa kaniyang sarili.” Sa puntong ito, malinaw na ang gawain ay mabuti kung ito ay reciprocal (pagkakatugunan). Binibigyang-diin sa pahayag na ito ang pagsaalang-alang sa kapakanan ng kapuwa bilang tanda ng tunay na pananampalataya. Ipinaliliwanag nito na obligado ang taong gumawa ng kabutihan sa iba at tiyak na makatatanggap din siya ng kabutihan. Sa pagbibigay sa kapuwa, tumatanggap din tayo. Sa huli, mahalagang tiyakin na ang bawat kilos natin ay hindi lamang para sa ating sarili bagkus para sa lahat. Ang Pagnanais: Kilos ng Damdamin Kung ang paninindigan ay dahilan (isip) ng pagkilos ayon sa Kautusang Walang Pasubali ni Immanuel Kant, ang pagnanais na gawin ang isang kilos ay bunga ng damdamin. Ninanais ng tao na gawin ang isang kilos dahil makabubuti ito para sa 135
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
kaniyang sarili at sa iba. Hindi bulag ang damdamin dahil nakikita nito ang kahalagahan ng isang mabuting kilos kaya’t obligado ang tao na gawin ito. Dahil dito, kailangang bigyang-pansin ang damdamin sa pagkilos. Bakit tayo tumutulong sa
Sa bawat kilos na ating ginagawa, may nakikita tayong pagpapahalaga na nakatutulong sa pagpapaunlad ng ating pagkatao tungo sa pagiging personalidad .
kapuwa? Bakit natin sinasamahan o dinadamayan ang isang kaibigan? Bakit ka nagsisikap sa pag-aaral? Bakit kailangan mong maging maingat sa pagtawid sa kalsada? Bakit sinisikap mong maging mabuting tao? Sa
Y P O C D E P E D
bawat kilos na ating ginagawa, may nakikita tayong pagpapahalaga na nakatutulong sa pagpapaunlad ng ating pagkatao tungo sa pagiging personalidad .
Ang Pagpapahalaga Bilang Batayan sa Paghusga ng Kabutihan o Kasamaan ng Kilos
Isa sa mga isinasaalang-alang natin sa ating mga pasiya
at kilos ay ang ating kaligayahan. Dahil dito, binibigyang-halaga o ninanais natin ang anumang bagay na nagbibigay ng ganitong uri
ng damdamin. Paano natin malalaman kung masama o mabuti
ang mga bagay o kilos na mahalaga at nagbibigay ng kaligayahan sa atin?
Ayon kay Max Scheler, ang tao ay may kakayahang humusga kung mabuti o masama ang isang gawi o kilos ayon sa pagpapahalaga (values). Ano nga ba ang pagpapahalaga? Sa Baitang 7, naunawaan mo na ang pagpapahalaga ay obheto ng ating intensiyonal na damdamin. Obheto ito ng puso at hindi ng isip, kaya’t nauunawaan natin ang pagpapahalaga sa pamamagitan ng pagdama rito. Hindi iniisip ang pagpapahalaga dahil bulag ang ating isip dito. Ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi na natin mapag-iisipan ang mga bagay, gawi, at kilos na mahalaga sa atin. Ang mga pagpapahalaga ang nagbibigay ng kabuluhan o kalidad sa buhay ng tao. Sa paanong paraan ito nangyayari?
Gabay natin sa bawat pagpapasiya bilang tao ang ating mga pagpapahalaga.
Nasasalamin sa ating mga kilos at pasiya ang mga bagay na may halaga sa atin. Obhektibo ang mga pagpapahalaga, kahit tanging damdamin ang nakakikita ng mga ito. Ngunit, kailangan nating maging maingat sa pagnanais ng anumang mahalaga para sa atin. Ayon kay Scheler, nakasalalay sa pagpili ng pahahalagahan ang paghuhusga sa pagiging mabuti o masama ng kilos ng tao. Maituturing na mabuti ang isang gawain kung mas piniling gawin ang mas mataas na pagpapahalaga kaysa sa mababang 136 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
pagpapahalaga o positibong pagpapahalaga kaysa sa negatibong pagpapahalaga. Halimbawa, maaaring magdulot ng kasiyahan sa pakiramdam at pagtanggap ng iba pang kabataang tulad mo ang paninigarilyo. Subalit, alin ba ang mas mataas na pagpapahalaga; ang pansariling kasiyahan at pagtanggap ng iba o ang pangangalaga sa sariling katawan at kalusugan? Kung ilalapat natin ito sa pangongopya sa pagsusulit, maituturing na masama ang mangopya dahil pinili ang negatibong pagpapahalaga kaysa sa positibong pagpapahalaga ng pag-aaral nang mabuti at katapatan sa sarili at sa kapuwa.
Y P O C D E P E D
Binigyang-diin ni Scheler na hindi ang layunin o bunga ng kilos ang batayan sa paghuhusga ng kabutihan o kasamaan ng kilos. Hindi maaaring sa layunin dahil magiging masalimuot ang paghahanap ng pamantayan. Gayundin ang bunga dahil kailangan pang hintayin ito bago malaman kung mabuti o masama ang kilos. Aniya, ang batayan ay ang mismong pagpapahalagang ipinakikita habang isinasagawa ang kilos. Upang matiyak ang pagpili sa mataas na pagpapahalaga, balikan natin ang
Limang Katangian ng Mataas na Pagpapahalaga ni Max Scheler. Tinalakay ito sa Modyul 10 sa Baitang 7 kaya magsisilbi na lamang itong paalala sa iyo. Ang mga ito ay ang sumusunod:
1. kakayahang tumatagal at manatili (timelessness or ability to endure) 2. mahirap o hindi mabawasan ang kalidad ng pagpapahalaga (indivisibility) 3. lumilikha ng iba pang mga pagpapahalaga
4. nagdudulot ng higit na malalim na kasiyahan o kaganapan (depth of satisfaction)
5. malaya sa organismong dumaranas nito
Sa iyong pagtulay sa mahabang proseso ng pagpapakatao, mahalagang
maging malinaw sa iyo ang mga batayan sa paghuhusga ng kabutihan o kasamaan ng isang kilos. Ang malalim na pag-unawa sa Kautusang Walang Pasubali, Gintong
Aral, at mga pagpapahalaga ay magbibigay sa iyo ng matatag na kakayahan na gawin ang mabuti at iwasan ang masama. Hindi man ito maging madali sa iyo sa simula, ang pagsasabuhay ng mga ito ang makatutulong sa pagpupunyagi mong abutin ang ikatlong yugto ng pagpapakatao – ang pagiging personalidad . Tayahin ang Iyong Pag-unawa Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong naunawaan, sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno. 1. Bakit hindi sapat ang layunin at kahihinatnan ng kilos bilang batayan sa paghusga ng kabutihan o kasamaan ng isang kilos? 137 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
2. Ipaliwanag ang sumusunod na batayan ng moralidad gamit ang isang halimbawa: a. Kautusang Walang Pasubali ni Immanuel Kant b. Gintong Aral ni Confucius c. Pagpapahalaga ayon kay Max Scheler 3. Ano ang paninindigan? Paano tatayahin ang isang paninindigan bago ito ituring na tungkuling dapat gampanan? 4. Bakit naihahambing ang Kautusang Walang Pasubali ni Kant sa Gintong Aral ni Confucius? 5. Paano magagamit na batayan sa paghusga ng kabutihan o kasamaan ng kilos
Y P O C D E P E D
ang mataas na pagpapahalaga?
Paghinuha ng Batayang Konsepto
1. Hahatiin ng guro ang klase sa apat na pangkat. Magkakaroon ng lima hanggang sampung minutong talakayan sa pangkat upang sagutin ang tanong na: Anoanong turo o pananaw ang maaaring gamiting batayan sa paghusga ng kabutihan o kasamaan ng kilos?
2. Matapos mapakinggan ang sagot ng lahat ng kasapi sa pangkat ay bumuo ng pangkalahatang sagot sa mahalagang tanong at isulat ito sa isang manila paper. 3. Ipaskil sa pisara at basahin sa klase.
4. Pagkatapos, gamitin ang output ng bawat pangkat upang bumuo ng pangkalahatang sagot ng klase sa mahalagang tanong.
Pag-uugnay ng Batayang Konsepto sa Pag-unlad Ko Bilang Tao
1. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa aking pag-unlad bilang tao?
2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto sa modyul na ito?
E. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO
Pagganap Gawain 4 Panuto:
1. Gunitain ang iyong mga kilos na itinuturing mong hindi mabuti. 2. Ilahad kung anong paninindigan ang naging batayan mo at
ang mga
pagpapahalagang ipinakita mo sa pagsasagawa ng mga nasabing kilos. 3. Isulat ang mga paraan kung paano mo ito maitatama sa pamamagitan ng pagbuo ng mga pasiya gamit ang paninindigan, Gintong Aral, at mataas na pagpapahalaga. 138 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
4. Gamiting gabay ang pormat sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. Mga gawi o kilos
Ang paninindigan na naging batayan ng kilos
Mga pagpapahalaga sa pagsasagawa ng kilos
Mga tiyak na hakbang upang palagiang gawin ang mabuting kilos ayon sa sitwasyon (Mga pasiya batay sa paninidigan, Gintong Aral, at mataas na pagpapahalaga)
Bilang Anak
Y P O C D E P E D Halimbawa: 1. Hindi pagsunod sa utos ng mga magulang
Kakayahang magpasiya para sa sarili
Kawalan ng paggalang at pagmamahal sa mga magulang at hindi pagsunod sa ipinaguutos ng Diyos
1. Makikinig at susunod sa ipinaguutos ng mga magulang
Pumasa sa lahat ng asignatura sa kahit na anong paraan
Kawalan ng katapatan
1. Makikinig sa guro at mag-aaral nang mabuti 2. Iiwasan ang mga di-makabuluhang gawain na nakasisira sa pagaaral
Bilang Mag-aaral
1. Pangongopya sa kaklase kapag hindi nakapagaral para sa pagsusulit
Bilang Mamamayan 1. 2.
Pagninilay Gawain 5 Panuto:
1. Maglaan ng 15 minuto kung kailan maaari mong gunitain ang mga isinagawa mong kilos. Gawin mo ito nang dalawang beses sa loob ng isang araw, sa tanghali pagkatapos kumain at sa gabi bago matulog.
2. Pagnilayan ang sumusunod na tanong. Isulat sa journal ang iyong sagot. a. b. c. d.
Ano ang layunin ko sa aking isinagawang kilos? Paano ko ito isinagawa? Ano ang paninindigan at mga pagpapahalagang ipinakita ko sa aking kilos? Ano ang naramdaman ko sa aking isinagawang kilos? Ano ang maaari kong gawin sakaling bigo akong maipakita ang mabuting paninindigan at mataas na pagpapahalaga? 139
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
e. Paano ko maisasabuhay ang mabuting paninindigan at mataas na pagpapahalaga?
Pagsasabuhay Gawain 6 Panuto: 1. Mula sa mga aral na nakuha mo sa modyul na ito, maaari kang gumawa ng
Y P O C D E P E D
isang pocket reminder na naglalahad ng mga paraan kung paano makabubuo ng mabuting paninindigan at makapipili ng mas mataas ng pagpapahalaga sa bawat kilos.
2. Maaari mong hingin ang opinyon ng iyong mga magulang, guro, at iba pang nakatatanda upang higit na maging makabuluhan at makatotohanan ang mga paraang itatala mo. Maaaring tanungin ang magulang, kapatid, kaibigan, o kapitbahay sa pagpili ng paninindigan at mas mataas na halaga sa mga gagawin. 3. Ipakita ang pagiging malikhain sa paggawa ng pocket reminder. Halimbawa:
n i a w “G t i , u a b g m a n g a s a n a n w i a.” a s a m m
.
140 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Mga Kakailanganing Kagamitan (website, software, mga aklat, worksheet) Mga Sanggunian: Agapay, R. (2001). Ethics and the Filipino: A Manual on Morals for Students and Educators. Mandaluyong City, Philippines: National Book Store. Articulo, A. & Florendo G. (2003).Values and Work Ethics. Bulacan: Trinitas Publishing, Inc. Babor, E. (1999). Ethics: The Philosophical Discipline of Action. Manila: Rex Book Store.
Y P O C D E P E D
Blackburn, S. (2005).Oxford Dictionary of Philosophy . Oxford: Oxford University Press. Carino, M. et al. (2008). A Pocketful of Virtues. Rizal: Glad Tidings Publishing, Inc. Dy, M. (2007). Mga Babasahin sa Pilosopiyang Moral. Quezon City: Of ce of Reasearch and Publication.
Dy, M. (2013). Ang Pagtuturo ng Pilosopiya sa K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao. Kaisipan, 1(1), 18-27. Glenn, P. J. (1930). Ethics: A Class Manual in Moral Philosophy . London: B. Herder Book Co. Law, S. (2007). Eyewitness Companions Philosophy . London: A Penguin Company. Montemayor, F. (1994).Ethics: The Philosophy of Life. Mandaluyong City, Philippines: Rex Book Store. Punsalan, T. et al. (2007).Kaganapan sa Maylalang IV . Quezon City: Rex Printing Company, Inc. Reyes, R. (1989). Rev. Ed (2009). Ground and Norm of Morality: Ethics for College Students. Quezon City: ADMU Press.
141 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Mula sa Internet: Bradshaw, J. Kantian Deontology: The Categorical Imperative. Retrieved March 21, 2014 http://www.slideshare.net/abbenay/kant-introductory-pp Case, N. Max Scheler: Person as Bearer of Values. Retrieved March 21, 2014 from http://perfectpragmatist.blogspot.com/2013/05/max-scheler-person-as-bearer-ofvalues.html Johnson, R. Kant’s Moral Philosophy . Retrieved March 21, 2014 from http://plato. stanford.edu/archives/sum2014/entries/kant-moral/.
Y P O C D E P E D
Kantian Ethics. Retrieved March 21, 2014 from http://www.csus.edu/indiv/g/gaskilld/ ethics/Kantian%20Ethics.htm Linaloved. Heartwarming Thai Commercial - Thai Good Stories. Retrieved August 19, 2013 from https://www.youtube.com/watch?v=cZGghmwUcbQ Notes on Kantian Ethics. Retrieved March 21, 2014 from http://philosophy.tamu. edu/~sdaniel/Notes/ethics3a.html Scheler’s Heirarchy . Retrieved March 21, 2014 from http://brutus.wordpress. com/2011/10/18/schelers-hierarchy/
Skinner, C. Kant on Acting from Duty and Acting in Accordance with Duty . Retrieved 20 August 2014 from http://askaphilosopher.wordpress.com/2011/07/22/kant-onacting-from-duty-and-acting-in-accordance-with-duty/
142 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Ikalawang Markahan
MODYUL 8: MGA YUGTO NG MAKATAONG KILOS AT MGA HAKBANG SA MORAL NA PAGPAPASIYA A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO?
Y P O C D E P E D
Pamilyar ba sa iyo ang mga salitang: “Bahala na nga,” “Sige na nga,” o kaya naman ay “’P’wede na ‘yan?” Ang mga salitang ito ang nabibigkas mo lalo na kung hindi ka segurado sa iyong pipiliing pasiya o kung nagmamadali ka sa iyong isasagawang kilos. Sa Modyul 7, natutuhan mo na maaaring makaapekto ang kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan, at ugali sa pananagutan ng tao sa kalalabasan ng kaniyang pasiya at kilos. Layunin naman ng modyul na ito na lalo pang mapalawak ang iyong kaisipan sa masusing paggamit ng iyong isip na kaloob ng Diyos at maging mapanagutan sa bawat isasagawang kilos at pasiya. Sa pamamagitan nito, magagabayan ka upang masagot ang mahalagang tanong na: Bakit mahalagang gamitin ng tao nang tama ang isip at kilos-loob sa pagsasagawa ng moral na pagpapasiya? Handa ka na ba? Tayo na! Simulan na natin ang pagtuklas ng mga hakbang sa pagsasagawa ng moral na pagpapasiya. Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa: 8.1 Naipaliliwanag ang bawat yugto ng makataong kilos at mga hakbang sa moral na pagpapasiya 8.2 Natutukoy ang mga kilos at pasiyang nagawa na umaayon sa bawat yugto ng makataong kilos 8.3 Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto 8.4 Nakapagsusuri ng sariling mga kilos at pasiya batay sa mga yugto ng makataong kilos at nakagagawa ng plano upang maitama ang mga kilos o pasiya Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Kakayahang pampagkatuto 8.4: a. Nakapagsuri at nakabuo ng tatlong plano sa pagpapasiyang gagawin sa mga susunod na araw. b. Naisulat kung paano isasabalikat ang pananagutan sa gagawing pasiya. c. Naipakita kung ano ang mangyayari kung sakaling hindi magiging mapanagutan sa gagawing pasiya.
143 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakatamang sagot. Isulat ito sa iyong kuwaderno. 1. Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
Y P O C D E P E D
a. Isip at Kilos-loob
b. Intensiyon at Layunin
c. Paghuhusga at Pagpili d. Sanhi at Bunga
2. Habang naglalakad sa mall si Mary Rose ay nakakita siya ng sapatos. Matagal na niyang gustong magkaroon ng ganoong klaseng sapatos. Tumigil siya sandali at nag-isip kung saan siya kukuha ng pera upang mabili ito. Nasa anong yugto ng makataong kilos si Mary Rose? a. Intensiyon ng layunin b. Nais ng layunin c. Pagkaunawa sa lay d. Praktikal na paghuhusga sa pagpili 3. Gamit ang halimbawa sa Bilang 2. Pinag-isipan ni Mary Rose ang iba’t ibang paraan upang mabili niya ang sapatos? Hihingi ba siya ng pera sa kaniyang magulang, mag-iipon, o magnanakaw ng pera upang mabili ito. Nasaan na kayang yugto ng kilos si Mary Rose? a. Intensiyon ng layunin b. Pagkaunawa sa layunin c. Paghuhusga sa nais makamtan d. Masusing pagsusuri ng paraan 4. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ng pasiya? a. Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa pang-araw-araw na buhay. b. Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos. c. Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan. d. Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kaseguruhan sa kaniyang pagpili. 5. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasiya ang tao? a. Upang magsilbing gabay sa buhay. b. Upang magsilbing paalala sa mga gagawin. c. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pipiliin. d. Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili. 144 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
6. Alin sa sumusunod ang unang dapat gawing hakbang sa moral na pagpapasiya? a. Tingnan ang kalooban b. Magkalap ng patunay c. Isaisip ang posibilidad d. Maghanap ng ibang kaalaman 7. Kung ikaw ay magsasagawa ng pasiya, ano kaya ang pinakahuling hakbang na iyong gagawin? a. Isaisip ang mga posibilidad b. Maghanap ng ibang kaalaman c. Umasa at magtiwala sa Diyos d. Tingnan ang kalooban
Y P O C D E P E D
8. Niyaya si Alfred ng kaniyang mga kamag-aral na huwag pumasok at pumunta na lamang sa isang computer shop. Hindi kaagad sumagot ng oo si Alfred bagkus ito ay kaniyang pinag-isipang mabuti kung ito ba ay tama o mali at ano ang sakaling magiging epekto nito kung sakaling sumama siya. Anong proseso ng pakikinig ang ginamit ni Alfred? a. Isaisip ang mga posibilidad b. Maghanap ng ibang kaalaman c. Tingnan ang kalooban d. Magkalap ng patunay 9. Kung sa iyong pagpapasiya ay sinusuri mo ang iyong konsensiya at binibigyang halaga mo kung ang iyong pasiya, makapagpapasaya sa iyo o hindi. Anong bahagi kaya ito ng Hakbang sa Moral na Pagpapasiya? a. Magkalap ng patunay b. Maghanap ng ibang kaalaman c. Tingnan ang kalooban d. Umasa at magtiwala sa Diyos 10. Sa tuwing dumarating sa buhay ni Amir ang pagpapasiya palagi niyang tinatanong ang kaniyang sarili kung ito ba ang nais ng Diyos o naaayon sa Kaniyang kautusan? Sa iyong palagay, nasaan kayang bahagi ng hakbang ng pagpapasiya si Amir? a. Tingnan ang kalooban b. Isaisip ang posibilidad c. Maghanap ng ibang kaalaman d. Umasa at magtiwala sa Diyos
145 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN Gawain 1 Mapapansin mo na sa bawat oras at araw, ikaw ay nagsasagawa ng pagpapasiya. Naging madali ba ito para sa iyo? Napansin mo ba ang naging epekto nito sa iyo at sa iyong kapuwa? Mas mabuti kung ang bawat pasiya ay nakabatay sa makataong pagkilos.
Y P O C D E P E D
Panuto:
1. Ano ang kahulugan ng makataong kilos para sa iyo? 2. Isulat sa loob ng parisukat ang iyong sagot. 3. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Makataong Kilos Makataong Kilos
Sagutin ang mga tanong:
1. Bakit iyan ang mga kahulugan mo sa salitang makataong kilos? Ipaliwanag. 2. Kailangan ba na palaging isagawa ang makataong kilos sa lahat ng oras o pagkakataon? Bakit? 3. Paano ito makatutulong sa iyo sa araw-araw na pamumuhay? Gawain 2 Panuto:
1. Basahin at unawaing mabuti ang sitwasyon sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. 2. Sa susunod na pahina, lagyan ng tsek (a) ang loob ng panaklong kung ang tauhan ay nagpapakita ng makataong kilos at ekis ( x ) kung hindi. 3. Isulat ang paliwanag sa ibaba nito. 4. Pagkatapos, ibahagi mo sa isang kamag-aral ang iyong sagot. 146 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Sitwasyon A Niyaya si Omar ng kaniyang kamag-aral na huwag munang umuwi pagkatapos ng klase dahil mag-iinuman daw sila. Sumama si Omar kahit ipinagbabawal ito ng kaniyang magulang. Nagpakita ba si Omar ng makataong kilos? Oo ( ) Hindi ( ) Bakit: ______________________________________________________________ ______________________________________________________________
Y P O C D E P E D Sitwasyon B
Hindi nakapag-aral si Monica sa Filipino kahit alam niyang mayroon silang pagsusulit. Sa oras ng pagsusulit ay maraming tanong na hindi niya nasagot. Sinabihan siya ng kaniyang katabi na pakokopyahin siya ng sagot subalit tinanggihan niya ito.
Nagpapakita ba si Monica ng makataong kilos? Oo ( ) Hindi ( ) Bakit: ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ Sitwasyon C
Nakita ni Abdullah na ang kaniyang kamag-aral na si Fatima ang kumuha ng cellphone ng kaniyang guro. Ngunit nanahimik na lamang siya upang huwag nang madamay pa.
Nagpakita ba si Abdullah ng makataong kilos? Oo ( ) Hindi ( ) Bakit: ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ Sitwasyon D
Si Ella ay labinlimang gulang pa lamang. Niyaya siya ng kaniyang kasintahan na sila ay magsama na. Ngunit kahit mahal ni Ella ang kasintahan ay hindi siya sumama rito.
Nagpakita ba si Ella ng makataong kilos? Oo ( ) Hindi ( ) Bakit: ______________________________________________________________ ______________________________________________________________
147 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Sitwasyon E Si Ernie ay pinakiusapan ng kaniyang guro na tulungan ang isang pangkat sa Baitang 7 sa kanilang paaralan para sa paglahok nito sa isang paligsahan sa Sayawit. Pinili siya dahil mahusay si Ernie sa larangang ito. Masayang pumayag si Ernie kaya’t sinimulan na niya ang pagtuturo sa kapuwa niya mag-aaral. Tatlong araw na lamang bago ang paligsahan, biglang hindi na nagpakita si Ernie at ang sinabi niya, kailangan niyang alagaan ang kaniyang kapatid na maysakit. Ngunit ang totoo, kinuha siya ng isang pangkat at pinangakuang babayaran ng malaking halaga.
Y P O C D E P E D
Nagpakita ba si Ernie ng makataong kilos? Oo ( ) Hindi ( ) Bakit: ______________________________________________________________ ______________________________________________________________
Sagutin ang mga tanong:
1. Sino-sino ang tauhan na nagpakita ng makataong kilos? Ng hindi makataong kilos? Ipaliwanag.
2. Mahalaga ba para sa iyo ang pagsasagawa ng makataong kilos? Ipaliwanag.
3. Nakatutulong ba sa isang tao ang pagsasagawa ng makataong kilos? Ipaliwanag.
148 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN, AT PAG-UNAWA Gawain 3 Panuto: 1. Mag-isip ng mga sitwasyon sa iyong buhay na hindi mo makalimutan. Isulat kung paano ka nagpasiya at nagpakita ng makataong kilos sa bawat sitwasyon. 2. Punan ang hanay sa ibaba. Gabay mo ang halimbawa. 3. Isulat sa iyong kuwaderno ang sagot.
Y P O C D E P E D 4. Ibahagi sa iyong katabi ang nilalaman ng iyong sagot. Sitwasyon sa buhay na nagsagawa ng pasiya
Hal. Blg. 1 Niyaya ng kaibigan na mag-cutting classes.
Kilos na
isinagawa
Hindi sumama at pinili na pumasok sa klase.
Epekto ng isinagawang pasiya
Naunawaan ang tinalakay ng guro at nakakuha ng pasang marka sa pagsusulit sa araw na iyon.
Mga
realisasyon
Ang realisasyon ko ay mas makabubuti na piliin ang pagpasok sa klase dahil may mabuti itong maidudulot sa pag-abot ko ng aking pangarap at tunguhin sa buhay.
1. 2. 3. 4. 5.
Sagutin ang mga tanong:
1. Sa kabuuan, ano-ano ang natuklasan mo sa iyong isinagawang mga kilos at pasiya sa mga sitwasyon? 2. Sa iyong palagay, bakit naging mabuti o masama ang epekto ng iyong kilos at pasiya? 3. May kinalaman ba ang pasiya ng tao sa kilos na kaniyang isasagawa? Ipaliwanag. 149 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Gawain 4 Panuto: 1. Balikan ang mga sitwasyon sa iyong buhay na iyong isinulat sa Gawain Bilang 1. Suriin kung ang bawat isa ay kung naging mapanagutan ba sa iyong piniling pasiya at ito ba ay nagpakita ng makataong kilos. 2. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno. Nagpapakita baba ito ng Nagpapakita ito ng mapanagutang pasiya mapanagutang pasya at at makataong kilos? makataong kilos? Ipaliwanag Ipaliwanang.
Y P O C D E P E D
Mga Sitwasyon (1-5)
150 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Sagutin ang mga tanong: 1. Sa kabuuan, nakita mo ba ang mahalagang pananagutan mo sa bawat pasiya na iyong ginagawa? Ipaliwanag. 2. Matapos mong pagnilayan kung naging mapanagutan ka o hindi, ano ang nararamdaman mo ukol dito? 3. Sa iyong palagay, paano ito makatutulong sa iyo bilang isang kabataan? Upang higit na mapalalim ang iyong kaalaman sa kahalagahan ng
Y P O C D E P E D
yugto ng makatong kilos at mga hakbang sa pagsasagawa ng moral na pagpapasiya, halika, basahin mo ang akda tungkol dito.
D. PAGPAPALALIM
Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay.
Mga Yugto ng Makataong Kilos at Mga Hakbang Moral na Pagpapasiya
Bahagi ng buhay ng tao ang magsagawa ng pasiya. Ito ay madalas mong ginagawa sa iyong pang-araw-araw na buhay. Kung tatanungin kita, mula sa iyong iba’t ibang karanasan ng pagsasagawa ng pasiya, masasabi mo bang madali ang mga ito para sa iyo? Ito ba ay nakapagdulot sa iyo ng tagumpay o kabiguan? Ito ba ay nagpapakita ng makataong kilos? Ngayon ay inaanyayahan kitang balikan mo ang bawat sitwasyon kung saan gumawa ka ng pagpapasiya. Isipin mong mabuti kung ano-ano ang mga ito mula sa pinaka-simple at pinakamahirap na pasiya. Ngayon, ano ang masasabi mo rito? Nakatulong ba ito sa iyo upang ikaw ay lalong maging isang mabuting tao? Ito ba ay nakabatay sa pinakahuling layunin ng tao na makapiling ang Diyos sa kabilang buhay? Napagnilayan mo ba na ang bawat pangyayari sa iyong buhay ay bunga ng iyong pagpapasiya? Tulad ng isang nagmamaneho ng sasakyan, siya ang may hawak ng manibela at siya ang nagdadala kung saang direksiyon niya nais pumunta. Gayon din ang tao, ang bawat kilos at pasiya na kaniyang gagawin ay may epekto sa kaniyang sarili at kapuwa kung kaya’t kailangan na ito ay isagawa nang maingat gamit ang talino na ibinigay ng Diyos. Kung iyo lamang titingnang mabuti sa bawat araw na nagsasagawa ka ng kilos, may mga kilos na hindi mo kailangang pag-isipan tulad ng paghinga, pagbahin kung ikaw ay sinisipon, paglakad, at iba pa. Ngunit mayroon ka ring mga 151
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
kilos na kailangan mong pag-isipan at pagnilayan tulad halimbawa ng: kung papasok ba sa paaralan, makikinig ba sa tinuturo ng guro, kakain ba ng almusal bago pumasok, susunod ba sa utos ng magulang, gagawa ba ng takdang-aralin, at marami pang iba. Ang mga ito ay kailangan ng maingat na pagtitimbang sa kung ano ang dapat piliin at kung anong kilos ang dapat gawin. Mahalaga na makita mo kung ang pipilin mo ba ay nakabatay sa makataong pagkilos. May pagkakasunod-sunod (sequence) ang pagsasagawa ng makataong kilos. Para kay Sto. Tomas de Aquino, may 12 yugto ito. Nahahati sa dalawang kategorya ito: ang isip at kilos-loob. Kung ang isang tao ay nagsasagawa ng madaliang pagpapasiya, hindi siya nagiging mapanagutan; bagkus nagiging pabaya siya sa anumang kalalabasan nito. Ngunit kung daraan siya sa mga yugtong ito, tiyak na magiging mabuti ang kalalabasan ng kaniyang isasagawang kilos.
Y P O C D E P E D
Naririto ang mga yugto ng makataong kilos ni Sto. Tomas de Aquino. Ang isip at kilos-loob. Isip
Kilos-loob
1. Pagkaunawa sa layunin
2. Nais ng layunin
3. Paghuhusga sa nais makamtan
4. Intensiyon ng layunin
5. Masusing pagsusuri ng paraan
6. Paghuhusga sa paraan
7. Praktikal na paghuhusga sa pinili
8. Pagpili
9. Utos
10. Paggamit
11. Pangkaisipang kakayahan ng
12. Bunga
layunin
Paano gagamitin ang yugtong ito? Naririto ang isang halimbawa. Sitwasyon:
Nakakita si Alvin ng isang bagong modelo ng cellphone sa isang mall kung saan siya namamasyal. Lahat ng kaniyang mga kaibigan ay mayroon na nito.
152 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Suriin natin ang paglalapat ng makataong kilos sa sitwasyong ito. 1. Pagkaunawa sa layunin. Matagal na niyang nais magkaroon ng cellphone na bago sapagkat ang ginagamit niya ay luma na. 2. Nais ng layunin. Ang unang reaksiyon ni Alvin ay ang pagkakaroon ng pagnanasa rito. Nag-iisip na siya kung saan kukuha ng pera para mabili ito. 3. Paghuhusga sa nais makamtan. Ito ang nais ng kaniyang kalooban, ang magkaroon ng bagong modelo ng cellphone. 4. Intensiyon ng layunin. Hanggang ngayon ay wala pa ring kalayaan si Alvin na pumili sapagkat ang kaniyang kilos-loob ay likas na tumatanggap lamang kung ano ang mabuti na sinasabi ng kaniyang isip. Mayroon siyang pera ngunit iniipon niya iyon para sa kaniyang pag-aaral sa kolehiyo. Kailangan niyang pumili, bilhin niya ang bagong modelo ng cellphone o hayaang maubos ang pera para sa kaniyang pag-aaral sa kolehiyo. Kung itinigil na niya ang ideya na bilhin ang cellphone, natatapos na rito ang moral na kilos. Ngunit, kung nag-isip pa siya ng ibang alternatibo tulad ng panghihiram ng pera sa mga kaibigan o barkada, ang moral na kilos ay nagpapatuloy. Pinag-iisipan na niya ngayon ang ibat ibang paraan upang mabili ang bagay na iyon. Bibilhin ba niya ito ng cash o installment ? O nanakawain ba niya ito? 5. Masusing pagsusuri ng paraan. Ang pagsusuri ng paraan na kaniyang gagawin ay nagpapatuloy at ang pagsang-ayon niya sa mga nasabing pagpipilian. 6. Paghuhusga sa paraan. Ngayon ay huhusgahan na niya kung alin ang pinakamabuti. Pagbabayad sa kabuuang halaga, pagbabayad paunti-unti, o pagnanakaw; pagkatapos ay huhusgahan niya ang pinakamabuti sa lahat. 7. Praktikal na paghuhusga sa pinili. Ang isip ay kasalukuyang pumipili ng pinakamabuting paraan. 8. Pagpili. Dito ay pumapasok na ang malayang pagpapasiya na kung saan ang kaniyang isip ay nag-uutos na bilhin ang nasabing cellphone. 9. Utos. Matapos niya itong bilhin ay ginamit na niya ito agad. 10. Paggamit. Ngayon ay mauunawaan niya kung angkop ba ang kaniyang isinagawang kilos. 11. Pangkaisipang kakayahan ng layunin. Ngayon ay ikatutuwa niya ang pagtatamo niya ng cellphone.
Y P O C D E P E D 12. Bunga. Ito ang resulta ng kaniyang pinili.
Maaaring hindi tayo palaging may kamalayan sa mga yugtong ito o sa pagkakasunod-sunod nito, ngunit mahalaga na malaman ang bawat yugto upang maging gabay sa bawat kilos sa araw-araw na buhay. Sa katunayan, ang moral na kilos ay nagtatapos na sa ikawalong yugto – ang pagpili. Kung kaya’t kailangan ng masusing pagninilay bago isagawa ang pagpili. Hindi ito madali dahil kailangan itong pag-aralang mabuti at timbangin ang bawat panig ng mga bagay-bagay upang makita kung alin ang mas makabubuti dahil dito nakasalalay ang anumang maaaring kahinatnan nito. 153
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Alvin, ano ang iyong gagawin: Bibilhin mo ba ang cellphone o hindi?
________________________________________________
Moral na Pagpapasiya
Y P O C D E P E D
Ang bawat kilos ng isang tao ay may dahilan, batayan, at pananagutan. Sa anumang isasagawang pasiya, kinakailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang idudulot nito. Noong ikaw ay nasa Baitang 7, tinalakay ninyo ang tungkol sa paggawa ng mabuting pasiya. Naaalala mo pa ba ito? Ang mabuting pagpapasiya ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay. Ito ay mahalaga sapagkat dito nakasalalay ang ating pagpili.
Ang mabuting pagpapasiya ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay.
Halimbawa: Inalok ka ng iyong kaibigan na sumama sa kanila at subukang gumamit ng ipinagbabawal na gamot. Ano ang iyong gagawin? Paano mo titimbangin ang mga bagay-bagay ukol dito?__________________________ _____________________________ _____________________________
_____________________________________________
May kalayaan ang bawat isa sa anumang gugustuhin niyang gawin sa kaniyang buhay. Sabi nga ni Fr. Neil Sevilla na isang pari sa isang parokya sa Bulacan, simula nang magkaroon ng isip ang tao hanggang sa kaniyang kamatayan, nagsasagawa siya araw-araw ng pagpapasiya. Ngunit ang malaking tanong ayon sa kaniya; naaayon ba ang pagpapasiyang ito sa kalooban ng Diyos? Ibig sabihin, naisasama ba ng tao ang Diyos sa bawat pagpapasiya na kaniyang ginagawa? Marahil nakikita mo ngayon na sa bawat gagawin mong pasiya kinakailangan mo ang gabay ng Diyos. Ikaw, naisasama mo ba ang Diyos sa pagpapasiya na iyong ginagawa? ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________
154 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Sa anumang isasagawang proseso ng pagpapasiya, mahalaga na mabigyan ito ng sapat na panahon. Malaki ang maitutulong nito sapagkat mula rito ay mapagninilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili. Sa anumang isasagawang proseso ng pagpapasiya, mahalaga Sa anumang Sa anumang na mabigyan ito ng sapat na panahon. isasagawang proseso isasagawang proseso Malaki ang maitutulong nito sapagkat ng pagpapasiya, pagpapasya, ng mahalaga mula rito ay mapagninilayan ang mahalaga na na mabigyan ito ng sapat bawat panig ng isasagawang pagpili. Ito ba ay makabubuti na na panahon. panahon. Malaki o makasasama hindi lamang sa sarili kundi pati na rin sa maitutulong nito nito ang maitutulong sapagkatmula mularito ritoay kapuwa? Kaya nga, madalas nating marinig sa isang tao na sapagkat ay mapagninilayan mapagninilayan ang magsasagawa ng pasiya ang mga salitang ito, “Bigyan mo ang bawat panig ng bawat panig ng pa ako ng sapat na panahon.” Mapapansin natin na ang tao isasagawang pagpili. isasagawang pagpili. na nagsasagawa ng mga pagpapasiya nang hindi dumadaan sa tamang proseso at hindi nabibigyan ng sapat na panahon ay may malaking posibilidad na hindi maging mabuti ang resulta ng kaniyang pagpapasiya.
Y P O C D E P E D
Teka muna… Balikan ang mga sitwasyon kung saan naging pabigla-bigla o impulsive ka sa iyong mga pagpapasiya at pagkilos. Masaya ka ba sa naging resulta ng mga ito? Bakit? Bakit hindi?
Mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya
Sa yugto ng iyong buhay sa ngayon, napakahalaga na dumaan ka sa proseso bago ka magsagawa ng pagpapasiya. Makatutulong sa iyo ang proseso ng pakikinig (listen process). Ito ay isang malalim na pagkaunawa gamit ang tamang konsensiya. Ito rin ang magsisilbing gabay sa mga sitwasyon na kinakaharap mo sa ngayon at mula rito matututuhan mo na ang moral na pagpapasiya ay isang kakayahan na may malaking kontribusyon sa anumang moral na dilemma. Naririto ang mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya:
1. Magkalap ng patunay (Look for the facts). Mahalaga na sa unang hakbang pa lamang ay tanungin mo na agad ang iyong sarili. Naririto ang mga halimbawa ng tanong: 1. Anong patunay ang aking kailangang malaman upang makagawa ng mabuting pasiya? 2. Ano ba ang nangyayari sa sitwasyon? 3. Bakit ito nangyayari? 4. Sino-sino ang taong kasali o kasangkot? 5. Bakit sila napasali sa sitwasyon? 6. Saan nangyari ang sitwasyon? 155
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
2. Isaisip ang mga posibilidad (I magine possibilities). Mahalaga na tingnang mabuti ang mga posibilidad na mga pagpipiliang magagawa para sa sitwasyon. Dito ay kailangang makita kung ano ang mabuti at masamang kalalabasan nito. Ano ang maaaring maging epekto nito hindi lamang sa sarili kundi para sa ibang tao. 3. Maghanap ng ibang kaalaman (S eek insight beyond your own). Hindi sa lahat ng oras o pagkakataon ay alam mo ang mabuti. Kailangan mo pa ring maghanap ng mga magagandang kaalaman na maaaring makapagbigay sa iyo ng inspirasyong makagawa ng tamang pagpapasiya. Halimbawa, maaari mong tanungin ang iyong sarili. Ito ba ang nais ng Diyos na gawin ko? Ito ba ay naaayon sa kaniyang kautusan?
Y P O C D E P E D
4. Tingnan ang kalooban (T urn inward ). Ano ang sinasabi sa iyo ng iyong kalooban tungkol sa sitwasyon? Ano ang sinasabi ng iyong konsensiya? Ano ang personal mong nararamdaman ukol sa sitwasyon? Ang lahat ng katanungan ay kailangan mong sagutin sapagkat sa anumang pasiya na iyong gagawin, kailangan na ikaw ay magiging masaya. 5. Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos (E xpect and trust in God’s help). Tanging ang Diyos lamang ang nakaaalam ng pinakamabuti para sa atin, kaya’t napakahalaga na tumawag sa Kaniya sa pamamagitan ng panalangin. Ito ang pinakamabisang paraan upang malaman kung ano ang magandang plano Niya para sa atin. Ito rin ang magsisilbing lakas na magagamit sa sandaling dumaranas sa mahirap na sitwasyon. 6. Magsagawa ng pasiya (N ame your decision). Dito ay magsasagawa ka na ng pagpapasiya. Maaari mong tanungin ang iyong sarili kung bakit mo ito pinili. Ano ang iyong mga plano sa iyong ginawang pagpili? Ikaw ba ay masaya rito? Ito ba ay batay sa moral na pamantayan? Makatutulong ang mga tanong na ito upang kung mayroon ka pang agam-agam o pagkalito sa iyong pipiliin, ay mapagnilayan mo itong mabuti. Bilang kabataang katulad mo, napakabilis ng araw para sa iyo, kung kaya’t napakabilis din ang pagsasagawa ng pasiya. Lagi mong tatandaan na sa lahat ng nilikha ng Diyos, ang tao lamang ang binigyan Niya ng isip at kilos-loob. Ito ay para gamitin sa pagsasagawa ng mabuting pasiya at kilos. At dahil may isip at kilos-loob ang tao, magagamit niya ito sa pagsasagawa ng mabuting kilos na nagpapakita ng pagmamahal hindi lamang sa kapuwa kundi lalo’t higit sa Diyos. Sa magulong mundo na iyong ginagalawan, makatutulong para sa iyo na kung ikaw ay magpapasiya, ikaw ay manahimik. Damhin mo ang presensiya ng Diyos upang ikaw ay makapag-isip mabuti at matimbang ang mga bagay-bagay. Makatutulong 156 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
ito sa iyo upang lubusan mong malaman at mapagnilayan kung ano ang makabubuti para sa iyo, sa kapuwa at sa lipunan. Tayahin ang Iyong Pag-unawa Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong naunawaan, sagutin mo ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno: 1. Ano-ano ang yugto ng makataong kilos ayon kay Sto. Tomas de Aquino? 2. Ano ang kahulugan ng mabuting pagpapasiya? 3. Paano nakatutulong sa tao ang pagsasagawa ng mabuting pagpapasiya? Ipaliwanag. 4. Bakit kailangan ang paglalaan ng sapat na panahon bago magsagawa ng pasiya? 5. Ano ang iyong pagkaunawa tungkol sa proseso ng pakikinig? 6. Sa iyong palagay, makatutulong ba ito sa isang kabataang katulad mo sa pagsasagawa ng mabuting pasiya? Ipaliwanag. 7. Ano-ano ang hakbang ng proseso ng pakikinig. Ipaliwanag ang bawat isa.
Y P O C D E P E D Paghinuha sa Batayang Konsepto
Mula sa iyong binasa, ano ang konseptong naunawaan mo mula sa babasahin? Isulat ito sa iyong kuwaderno gamit ang graphic organizer. Maging malikhain sa pagbuo nito at ipakita ito sa iyong kamag-aral. Graphic Organizer
Batayang Konsepto: ____________________________________________________________ ____________________________________________________________
Pag-uugnay ng batayang konsepto sa pag-unlad ko bilang tao 1. Ano ang kabuluhan ng Batayang Konsepto sa aking pag-unlad bilang tao? 2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto sa modyul na ito?
157 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
E. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO
Ngayon ay nabatid mo na ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mabuting pasiya. Dito nakasalalay ang maaaring kahinatnan ng iyong buhay. Kaya’t ang wastong pagpili ay dapat pag-isipan at bigyan ng sapat na oras at panahon. Pagganap Gawain 5
Y P O C D E P E D
Panuto:
1. Isipin ang mga maling pasiya na naisagawa sa sumusunod: pamilya, kaibigan, pag-aaral, baranggay, at simbahan. Isulat ito sa unang hanay. 2. Isulat naman sa pangalawang hanay kung paano mo ito iwawasto. 3. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno. Maling pasiyang naisagawa
Paano ito iwawasto?
1. Sa pamilya
2. Sa kaibigan
1
3. Sa pag-aaral
4. Sa baranggay 5. Sa simbahan Pagninilay Gawain 6
Panuto: Balikang muli ang isang karanasan sa iyong buhay na labis mong pinagsisihan dahil sa maling pasiya. Isulat kung ano-ano ang iyong natutuhan mula rito.
Ang aking karanasan na hindi ko malilimutan ay ... Ang aking karanasanan na hindi ko m alilimutan ay….
Ang Aking natutuhan mula rito ay ... Ang aking natutuhan mula rito ay…..
158 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Pagsasabuhay Sa pagpapasiya, kailangan kang magplano dahil ito ang makapagbibigay sa iyo ng tamang kaisipan sa iyong pagpili. Gawain 7 Panuto: 1. Bumuo ng tatlong plano sa pagpapasiyang gagawin sa mga susunod na araw. 2. Isulat ang mga pasiya ng gagawin at kung paano isasabalikat ang pananagutan nang sa gayon ay magbunga ng makataong pagkilos. 3. Isulat sa ikatlong kolum ang maaaring mangyari kung sakaling hindi magiging mapanagutan sa gagawing pasiya. 4. Ipakita sa magulang ang ginawang plano at ipasulat sa kanila ang kanilang puna at payo. 5. Palagdaan ito sa kanila.
Y P O C D E P E D Mga pasiyang gagawin
Paano isasabalikat ang pananagutan?
Ano ang mangyayari kung hindi magiging mapanagutan sa gagawing pasiya?
Puna at payo ng magulang
1.
2.
3.
Binabati kita sa iyong pagbuo ng plano sa mga pasiya na iyong gagawin. Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa iyo sa pagtahak mo sa tamang landas ng iyong buhay upang hindi maligaw at magkamali.
159 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Mga Kakailanganing Kagamitan: (website, software, mga aklat, worksheet) Mga Sanggunian: Galicia, Jane S. (2011) Ang Pagsasabuhay IV . Quezon City: Rex Book Store Publication. Quito, Emerita S. (2008) Fundamentals of Ethics. Quezon City: C&E Publication.
Y P O C D E P E D
Gula, Richard M. (1997) Moral Discernment . New Jersey: Paulist Press Publication. Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 7 Learner’s Material Mula sa Internet:
Chris McDonald. A Guide to Moral Decision Making. Retrieved from http://www. ethicsweb.ca/guide/ on February 25, 2014.
Manuel Velasquez. Thinking Ethically: A Framework for Moral Decision Making . Retrieved from http://www.scu.edu/ethics/publications/iie/v7/thinking.html from February 25, 2014.
_____________. Moral Decision Making and Real – Life Applications. Retrieved from http://www.smp.org/resourcecenter/resource/2757/ from February 26, 2014.
160 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED TAMBAYAN http://richardrrr.blogspot.com/ 1. Center of top breaking headlines and current events related to Department of Education. 2. Offers free K-12 Materials you can use and share.
10
Y P O C D E P E D
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral
Yunit
Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
[email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas
1 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 ISBN: Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Y P O C D E P E D
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala ( publisher ) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD
Mga Bumuo ng Modyul para sa Mag-aaral
Mga Konsultant: Editor: Mga Manunulat:
Manuel B. Dy Jr., PhD at Fe A. Hidalgo, PhD Luisita B. Peralta Mary Jean B. Brizuela, Patricia Jane S. Arnedo, Goeffrey A. Guevara, Earl P. Valdez, Suzanne M. Rivera, Elsie G. Celeste, Rolando V. Balona Jr., Benedick Daniel O. Yumul, Glenda N. Rito, at Sheryll T. Gayola Tagaguhit: Gilbert B. Zamora Naglayout: Jerby S. Mariano Mga Tagapamahala: Dir. Jocelyn DR. Andaya, Jose D. Tuguinayo, Jr., Elizabeth G. Catao, at Luisita B. Peralta Inilimbag sa Pilipinas ng FEP Printing Corporation Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Ofce Address: 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072 E-mail Address:
[email protected] 2
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Talaan ng Nilalaman Ikatlong Markahan Modyul 9: Ang Maingat na Paghuhusga .........................................................161 Ano ang Inaasahang Maipamamalas Mo? .............................................161 Paunang Pagtataya ................................................................................163 Pagtuklas ng Dating Kaalaman ..............................................................166 Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa .......................168 Pagpapalalim ..........................................................................................170 Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto ..........................................................180
Y P O C D E P E D
Modyul 10: Ang Pagmamahal sa Bayan .........................................................184 Ano ang Inaasahang Maipamamalas Mo? .............................................184 Paunang Pagtataya ................................................................................185 Pagtuklas ng Dating Kaalaman ..............................................................188 Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa .......................191 Pagpapalalim ..........................................................................................194 Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto ..........................................................206
Modyul 11: Ang Pangangalaga sa Kalikasan ..................................................209 Ano ang Inaasahang Maipamamalas Mo? .............................................209 Paunang Pagtataya ................................................................................210 Pagtuklas ng Dating Kaalaman ..............................................................212 Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa .......................214 Pagpapalalim ..........................................................................................216 Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto ..........................................................232
Modyul 12: Espiritwalidad at Pananampalataya..............................................235 Ano ang Inaasahang Maipamamalas Mo? .............................................235 Paunang Pagtataya ................................................................................236 Pagtuklas ng Dating Kaalaman ..............................................................238 Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa .......................239 Pagpapalalim ..........................................................................................241 Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto ..........................................................251
v All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Ikatlong Markahan
MODYUL 9: ANG MAINGAT NA PAGHUHUSGA A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO ?
“Pag-isipan mo muna nang maraming beses
Y P O C D E P E D bago ka gumawa ng anumang pasiya.” Siguradong narinig mo na ang pahayag na ito sa isang kaibigan,
magulang, o nakatatanda. Ano ang kahulugan nito
para sa iyo? Bakit kaya hinihikayat ang tao na magisip nang mabuti bago magpasiya?
Sa Unang Markahan, naging malinaw sa iyo na bilang natatanging nilikha ng
Diyos, ang tao ay may misyon na hubugin ang kaniyang pagka- sino bilang persona upang makamit ang pinakamataas na yugto ng pagpapakatao – ang pagiging
personalidad. Kung kaya’t binigyan siya ng: (a) isip upang magnilay at makita ang buod o esensiya ng mga bagay na umiiral, (b) kilos-loob upang kumilos tungo sa kabutihan, (c) konsensiya upang makapili sa pagitan ng mabuti at masama, at (d) kalayaan na nagbibigay ng kakayahang tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod. Kailangang linangin ang mga ito upang makabuo ng mga pasiya na magpapaunlad ng kaniyang paninindigan sa pagpapakatao.
Sa Ikalawang Markahan, nalaman mo na dahil sa taglay na kalayaan ng tao,
may kakayahan siyang magpasiya at kumilos nang may kaakibat na pananagutan. Tinalakay din ang mga batayan ng pagsusuri ng kabutihan o kasamaan ng isang kilos. Mapapansin na ang tuon ng Ikalawang Markahan ay ang moralidad ng kilos. Paano naman natin matitiyak na magiging mabuti ang kilos bago ito isagawa? Ano-ano ang mga dapat isaalang-alang upang makabuo ng mabuting pasiya?
Sa bawat araw ng ating buhay, nasusubok ang ating kakayahan sa pagpapasiya.
Halimbawa, mauupo ka nang sandali upang makapahinga pagkatapos ng buong araw na pagtulong sa iyong ama na nagsaka sa bukid nang maabutan ka ng iyong ina at pinagsabihan na hindi ka maasahan sa bahay. Magpapaliwanag ka ba o palalagpasin na lamang ito? O ‘yung pakagat ka na sa kabibili mong tinapay nang nilapitan ka ng namamalimos at hinihingi niya ang kaisa-isang pirasong hawak mo. Kakainin mo ba ang tinapay o ibibigay na lang sa namamalimos? ‘Yung eksenang huli ka na sa 161 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
klase nang biglang may maaksidenteng matanda sa harapan mo. Ipapasa ba sa iba ang pagtulong para mahabol ang oras sa paaralan o ikaw mismo ang tutulong sa matanda? Para kang binibiro ng kapalaran. Sa dinami-dami ng tao, sa dinami-dami ng oras, bakit ngayon pa? Bakit ikaw pa ang kailangang matiyempuhan ng mga palaisipang ito: Uunahin ba ang sarili o magsasakripisyo para sa ikagiginhawa ng iba?
Y P O C D E P E D
Hindi bihira ang mga ganitong palaisipan sa ating buhay. May tamang sagot ba
rito? May mali ba? Ano ang tama? Ano ang mali? Paano ko malalaman? Sa modyul na ito, makikita ang prinsipyo sa likod ng mga paghusgang kailangang gawin sa tuwina na magsisilbing gabay ng mga mag-aaral upang sa panahong malagay siya sa mga alanganing sitwasyon, alam niya kung paano gumawa ng maingat na paghuhusga at mabungang pagpapasiya. Layon nito na masagot ang Mahalagang Tanong na: Paano nakatutulong ang maingat na paghuhusga sa pagpapasiya upang higit na mapaunlad ang paninindigan sa pagpapakatao?
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas ng mag-aaral ang
sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa: 9.1
Natutukoy ang mga kilos na nagpapakita ng maingat na paghuhusga
9.2
Nasusuri ang mga kilos na nagpapakita ng maingat na paghuhusga
9.3
Napatutunayan ang Batayang Konsepto ng aralin
9.4
Nakagagawa ng mga angkop na kilos na nagpapakita ng maingat na paghuhusga Narito ang mga batayan ng pagtataya ng output sa Kasanayang
Pampagkatuto 9.4:
a. Natutukoy ang mga pagsubok na nangangailangan ng maingat na paghuhusga. b. Nakikilala ang dalawang magkatunggaling dulo ng mga pagpipilian.
c. Nakabubuo ng pinakamabuting pasiya mula sa gitna ng dalawang magkatunggaling dulo ng mga pagpipilian.
162 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Paunang Pagtataya Unang Bahagi Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat sa inyong kuwaderno.
Y P O C D E P E D 1. Alin sa sumusunod ang tinaguriang “ina” ng mga birtud? a. Prudentia
b. Katarungan
c. Kahinahunan d. Katapangan
2. Sino sa sumusunod ang nagpapakita ng karuwagan? a. Si Belle na takot sa lumilipad na ipis
b. Si Abby na ayaw maglakad sa madidilim na kalye c. Si Drew na takot mahulog kung sasabit sa jeep
d. Si Marie na nahihiyang mag-ulat sa harap ng klase
3. “Ang karuwagan ay pagpikit ng mata sa tawag ng halaga. Yuyuko at titiklop ang isang duwag sa kaniyang sariling kahinaan.” Ang pahayag na ito ay:
a. Tama, dahil nakikita ng isang duwag ang wala sa kaniya sa halip ng napakaraming mayroon siya.
b. Tama, dahil hindi umaatras sa anumang hamon ang isang duwag.
c. Mali, dahil tiyak na susubukan harapin ng isang duwag ang hamon kahit walang kasama.
d. Mali, dahil batid ng isang duwag ang halaga ng mga nakapaligid sa kaniya.
4. Sino sa kanila ang hindi nagpapakita ng katarungan bilang birtud?
a. Isang guro na pumapasok nang maaga at nagtuturo nang buong husay sa klase.
b. Isang mag-aaral na itinuturing ang pag-aaral na huli sa kaniyang mga prayoridad sa buhay. c. Isang ama na ibinibigay ang kaniyang buong lakas at oras upang mabigyan ng magandang buhay ang pamilya. d. Isang empleyado na hindi lumiliban sa trabaho at tinitiyak na tapos ang gawain bago umuwi ng bahay. 163 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
5. Kung ang maingat na paghuhusga ay pagiging rasyonal ng isang tao, ano ang kaniyang pamantayan sa kaniyang mga kilos? a. Kumikilos nang malaya upang hubugin ang kaniyang mga kakayahan. b. Ginagamit ang talino at tamang katuwiran sa pagtugon sa mga sitwasyon. c. Mahinahon sa pagpapahayag ng kaniyang kaisipan at damdamin. d. Nagpapahalaga sa dignidad at karapatan ng kaniyang kapuwa. 6. Paano napatitingkad ng maingat na paghuhusga ang kabutihan ng tao? a. Kapag maingat ang paghuhusga sa mga pamimilian, nakagagawa ang tao ng
Y P O C D E P E D mabuti at tamang pagpapasiya na nagdidikta ng makataong kilos.
b. Kung maingat ang tao sa paghuhusga ng kaniyang kapuwa, naiiwasan ang pagbibintang at maling pagpaparatang.
c. Kapag may maingat na paghuhusga, napangangalagaan ang reputasyon nating lahat lalo na sa mga may kasalanan.
d. Kung maingat ang paghuhusga magkakaroon ng katarungan, kalayaan, at kapayapaan sa sangkatauhan.
7. “Ang pagpapakatao ay pagiging maingat sa paghuhusga.” Ano ang kahulugan ng pahayag na ito?
a. Mahalaga ang maingat na paghuhusga upang maiwasan ang mga maling pagpapasiya na makakasama sa ating sarili.
b. Ang maingat na paghuhusga ang nagbibigay hudyat ng matalinong pagpapasiya na mangangalaga sa kapakanan ng tao.
c. Laging tandaan na ang unang hakbang sa paggawa ng kabutihan ay maingat na pagpapasiya.
d. Nagiging ganap ang pagpapakatao kapag hindi nanghuhusga ng kapuwa kahit may matibay na katibayan.
8. Paano inilarawan ni Bernard Haring, ang maingat na paghuhusga? a. Wings of Love b. Eyes of Love
c. Pledge of Love d. Puppy Love
9. Ang maingat na paghuhusga ay tinatawag na “karunungang praktikal” na ang ibig sabihin ay isinasagawang karunungan. Kaninong akda ito? a. Pieper b. Keenan c. Aristotle d.
Isaacs
164 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
10. Bakit tinatawag na “ina ng mga birtud” ang “prudentia”? a. Dahil mas mataas ang halaga nito sa ibang birtud. b. Ito ang sagot sa pagpili sa dalawang dulo ng pagpipilian. c. Hindi kailangan ang ibang birtud sa pagbuo ng mabuting pasiya. d. Nailalagay nito sa konteksto ng panahon at kasaysayan ang pamimili. Ikalawang Bahagi Panuto:
Y P O C D E P E D 1. Suriin ang sumusunod na sitwasyon.
2. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng mga taong ito, paano mo maipapakita ang maingat na paghuhusga sa iyong pasiya at kilos?
3. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. Sitwasyon A
May nakitang pitaka si Carl habang paakyat siya sa ikalawang palapag
ng kanilang paaralan. Nang buksan niya ito, nakita niyang naglalaman ito ng malaking halaga, kasama ang ibang mahahalagang pagkakakilanlan ng mayari. Naisip ni Carl na hindi siya mahihirapang hanapin at isauli ito ngunit biglang may naalala siya. Noong nagdaang gabi, narinig niya ang may-ari ng kanilang inuupahang bahay na galit na galit habang kausap ang kaniyang ina. Ayon dito, kung hindi pa sila makababayad sa loob ng tatlong araw ay tuluyan na silang paaalisin. Limang buwan na silang hindi nakababayad ng upa. Si Carl lamang ang tao noon na paakyat sa hagdanan at walang nakakita sa kaniya. Ano ang nararapat niyang gawin?
Sitwasyon B
Saksi si Abby sa madalas na pangongopya at pandaraya ni Paula sa
mga pagsusulit sa paaralan. Nitong nakaraang markahan, tinanghal si Paula bilang isa sa Top 10 sa kanilang klase. Magkaklase sila mula elementarya kaya’t itinuturing na rin ni Abby na kaibigan si Paula. Ngunit nakaramdam siya ng lungkot at panghihinayang para kay Jenny na isa rin niyang kaibigan sa klase. Mahusay na mag-aaral si Jenny at higit siyang nararapat na itanghal sa mapasama sa Top 10 . Ayaw ni Abby na mapagalitan at mapahamak si Paula kung magsusumbong siya, ngunit maaaring magpatuloy ang gawaing ito at tuluyang mawalan ng pagkakataon si Jenny na mabigyan ng parangal. Kung ikaw si Abby, ano ang gagawin mo?
165 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Sitwasyon C Matapos bumili ng CDs ng paborito mong mang-aawit, napagpasiyahan mong kumain muna bago umuwi sa inyong bahay. Nang binilang mo ang iyong pera, napansin mong hindi nai- punch ng kahera sa record store ang isa sa mga CDs. May kamahalan ang halaga nito, kaya malaki ang natipid mo. Pagbalik mo sa tindahan, mahaba na ang pila ng mga bumibili at nagbabayad. Naisip mong hindi mo na ito pagkakamali at gamitin na lang ang sobrang pera na pambili ng
Y P O C D E P E D
pagkain mo at pasalubong sa iyong kapatid. Sa kabilang banda, alam mo rin na maaaring mapagalitan ang kahera at ibawas sa kaniyang suweldo ang halaga ng CD na hindi mo nabayaran. Ano ang gagawin mo?
B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Gawain 1 Panuto:
1. Balikan ang mga mahahalagang pangyayari sa iyong nakaraan. 2. Pumili ng isang pangyayari na:
a. kailangang gumawa ka ng isang maingat na pagpapasiya matapos husgahan o timbangin ang dalawang pagpipilian kung alin sa mga ito ang tama at dapat mong piliin.
b. naging matinding pagsubok ito sa iyo dahil kung maaari lang ay wala kang gustong piliin sa dalawang pagpipilian.
3. Isalaysay ang buong kuwento sa iyong kuwaderno. 4. Pagkatapos, sagutin ang sumusunod:
a. Bakit ka nahirapang pumili sa dalawang pagpipilian?
b. Ano ang ginawa mo bilang pagtugon sa hinihinging sitwasyon? c. Ipaliwanag ang iyong dahilan kung bakit mo ito ginawa. d. Ano ang kinalabasan ng iyong ginawang pagpapasiya?
166 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Gawain 2 Panuto: 1. Pagkatapos papangkatin ng guro ang klase sa apat. Ang bawat isa ay magbabahagi ng karanasang isinulat sa Gawain 1. 2. Pumili ng isang miyembro ng pangkat na mag-uulat sa sintesis ng napag-usapan pagkatapos punan ang hinihingi ng bawat kolum sa tsart sa ibaba. 3. Kung ilan ang bilang ng mga mag-aaral na kasapi ng pangkat ay siya ring bilang
Y P O C D E P E D ng kahon pababa.
4. Dito ilalagay ang mga pagsubok ng bawat mag-aaral, ang dalawang pinakamatinding pagpipilian at ang aksiyong isinagawa.
Pinakamatinding Pagpipilian
Mga Pagsubok
Una
Aksiyong Isinagawa
Ikalawa
1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9.
10.
167 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
5. Sagutin ang sumusunod na tanong sa kuwaderno. a. Ano ang iyong naging reyalisasyon matapos mong mapakinggan ang ulat ng iyong mga kamag-aral? b. May nabago ba sa iyong sariling pag-unawa tungkol sa kahulugan at kahalagahan ng maingat na paghuhusga? Ipaliwanag ang iyong sagot. c. Gaano kahalaga ang maingat na paghuhusga sa buhay ng isang tao? Patunayan.
Y P O C D E P E D C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN, AT PAG-UNAWA
Gawain 3: Pagsusuri ng mga sitwasyon
Panuto:
1. Suriin ang sumusunod na sitwasyon.
2. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng mga taong ito, paano mo maipakikita ang maingat na paghuhusga sa iyong pasiya at kilos? 3. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
Sitwasiyon A
Sitwasyon A
Parating na ang malakas na ulan. Nananawagan Parating na ang malakas na ulan. Nananawagan na ang na ang baranggay na simulan na ang paglikas. Ganoon na baranggay na simulanng na inyong ang paglikas. Ganoon na ang ginagawa nga ang ginagawa mga kapit-bahay. Lilikas ka ng inyong mga kapitbahay. Lilikas ka ba tulad nila o hindi? ba tulad nila o hindi? Delikadong maiwan ang mga Delikadong ang bahay mga kagamitan satalamak inyong bahay, dahil kagamitan maiwan sa inyong n’yo, dahil ang mga talamak ang nakawan sang mga panahon ng paglikas tulad ng nakawan samga mga panahon paglikas tulad ng naranasan naranasan na sa nakaraan. Ilangding taonpinagtrabahuhan ding pinagtrabahuhan mo na sa mo nakaraan. Ilang taon ng ng nanaymo mosa sa ibang ibang bansa angang gamit ninyo nanay bansa para paramakumpleto makumpleto gamit sa bahay. Ano angAno gagawin mo? Magpapaiwan ka ba upang ninyo sa bahay. ang gagawin mo? Magpapaiwan ka bantayan ang inyong bahay lilikas na upangna iligtas ang sarili? ba upang bantayan ang obahay o lilikas upang iligtas ang sarili?
168 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Sitwasyon B
Sitwasiyon B
Nagtapat ang kaibigan mo sa iyo na siya ang kumuha Nagtapat ang kaibigan mo sa iyo na siya ang ng dalawang libong pisong hinahanap ng inyong kaklase. kumuha ng dalawang libong pisong hinahanap ng inyong Kailangan ng kaibigan ang peramo ngayon pagtakpan kaklase. Kailangan ngmokaibigan ang upang pera ngayon ang nagastos niyang pambayad ng niyang kaniyang matrikula. ng Kilala upang pagtakpan ang nagastos pambayad kaniyang matrikula. Kilala ang sa kaniyang mga magulang sa ang kaniyang mga magulang pagiging malupit at mabigat pagiging malupit at mabigat ang kamay. Ang kaklase mo ang kamay. Ang kaklase mo naman ay may kayamanan at ang naman ay may kayamanan at ang dalawang libong piso dalawang libong piso ay ipambibili lamang niya ng sapatos na ay ipambibili lamang niya ng sapatos na marami naman marami siya. Nakarating na saguro inyong guro ang ng balita na siya.naman Nakarating na sa inyong ang balita ng nawawalang pera. Aaminin ba guro sa guro ginawang nawawalang pera. Aaminin mo mo ba sa angang ginawang pagkuha ng iyong kaibigan? Pagtatakpan mo ba pagkuha ng pera iyongng kaibigan? Pagrtatakpan mo ba siya tulad siyahinihingi tulad ngniya? hinihingi niya? ng
Y P O C D E P E D SitwasiyonC C Sitwasyon
Lagi pasimuno sa samga mgakalokohan kalokohan inyong Lagi kang kang pasimuno sasa inyong klase. Sa Sabawat bawat araw, mayroon kang na magiging klase. araw, mayroon kang hirit hirit na magiging dahilan dahilan upang maghagalpakan sa katatawa ang buong upang maghagalpakan sa katatawa ang buong klase. Hindi klase. Hindi natutuwa ang inyong guro rito dahil naaantala natutuwa inyong guro rito dahilna naaantala ang daloy ang daloyang ng talakayan. Nagbabala siya na dapat nang ng talakayan. Nagbabala na siya na dapat ang sa biruang itigil ang biruang ito. Isang beses, may itigil humirit klase.ito. Hindi beses, ikaw ito. Napuno ang at Hindi pinagalitan ka Napuno sa klase.ang Isang may humirit saguro klase. ikaw ito. Ano ang gagawin mo? Hindi mo kilala kung sino ang guro at pinagalitan ka sa klase. Ano ang gagawin mo? Hindi gumawa ng hirit na iyon. Ikaw ang tinuturo ng lahat na may mo kilala kung sino ang gumawa ng hirit na iyon. Ikaw ang gawa ng kalokohan. Ipagtatanggol mo ba ang iyong sarili? tinuturo Paano? ng lahat na may gawa ng kalokohan. Ipagtatanggol mo ba ang iyong sarili? Paano?
4. Sagutin ang sumusunod na tanong sa kuwaderno.
a. Ano ang iyong mga natuklasan sa natapos na gawain? Ipaliwanag.
b. Sa iyong palagay, ano ang nararapat na maging pasiya ng mga taong nabanggit sa mga sitwasyon?
c. Ano ang mangyayari kung hindi maingat sa paghuhusga ang tao? Ipaliwanag.
d. Paano nakatutulong ang maingat na paghuhusga sa pagbuo ng tama at mabuting pasiya? Upang higit na mapalalim ang iyong kaalaman sa maingat na paghuhusga, halina’t sasamahan kita upang maunawaan ang susunod na babasahin. 169 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D. PAGPAPALALIM Basahin ang sanaysay. Hamon Hindi Problema Maraming mga bagay ang kailangang tugunan sa araw-araw: Ano ang
Y P O C D E P E D
kakainin mamaya? Paano makatutuyo ng damit ngayong umuulan? Saan kukunin ang pambayad sa mahabang listahan sa tindahan? Sino ang mag-aalaga kay bunso? Paano gagawin ang takdang aralin? Alin ang uunahin sa mga problemang ito? “Haaay, buhay…”
Ang magbuntong-hininga ay panandaliang ginhawa
lamang. Hindi ka puwedeng bumitiw at magkibit-balikat ngayon. Kailangan mong harapin ang mga naghahatakang puwersa sa iyong buhay. Kailangan mong tugunan ang mga tungkuling nakalatag sa iyong harapan. Kung maaari nga lamang sana na
isang pitik ng mga daliri ay naayos na ang lahat ng kailangan mong gawin, hindi na sana kailangan pang pagkaabalahan ang mga ito. Kung maaari nga lamang sana na huwag na lamang
Inihanda ka ng mga nauna mong mga karanasan sa buhay upang makagawa ng mapagmalay at mapanimbang na mga pagpapasiya.
pansinin ang mga problema. Subalit, alam mong lalong hindi
ito makatutulong. Wala kang magagawa kundi ikaw mismo ang humanap ng solusyon sa mga problemang ito.
Lalo ngayong hindi ka na bata. Inaasahan ka nang makibahagi nang mas aktibo
sa mundo. Hindi na ang iyong mga magulang, o ang mga ate at kuya, ang gagawa ng mga pagpapasiya para sa iyo. Litaw na ang iyong mga personal na katangian at kakayahan, may hugis na rin ang kinabukasang ninanais mo. Ikaw na ang kailangang kumilos kung ibig mong magtagumpay sa buhay.
Tila mabigat na pasanin, subalit sa katunayan, isang nakatutuwang pagkakataon
ang hinahain sa iyo ngayon: nasa iyong kamay na ang pagpapasiya. Masusubukan ang iyong talino at kakayahan. Magagamit mo ang ilang taong pag-aaral ng Edukasyon sa Pagpapakatao: ang pagkilala sa sariling mga lakas at hangganan, ang Likas na Batas Moral, at mga prinsipyo ng moralidad ang magiging gabay sa pagpapasiya. Inihanda ka ng mga nauna mong mga karanasan sa buhay upang makagawa ng mapagmalay at mapanimbang na mga pagpapasiya. Kaya’t hindi talaga problema ang mga ito. Mga tungkulin mo ito sa iyong buhay na dapat tupdin. Isang hamon na mabigyan ng kaukulang atensiyon at pananagutan ang mga ito. Hindi madali, ngunit may mga paraan. May magagawa ka dahil may kakakayahan ka. Kaya mo ‘yan! 170 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Karuwagan at Takot Ang kalaban lagi ay karuwagan. Iba ang karuwagan sa takot. Natural ang matakot. Natatakot ka sa aso dahil baka ka kagatin. Natatakot ka sa ipis, lalo na ang lumilipad. Sino ba ang hindi takot sa ipis na lumilipad? Natatakot ka maglakad sa madilim na eskinita lalo na kapag ikaw lang mag-isa. Natatakot ka sumabit sa jeep baka ka mahulog.
Iba ang karuwagan sa takot. Ang pagiging duwag ay pagsuko sa hamon dahil sa kawalan ng tiwala sa sarili o sa iba.
Y P O C D E P E D Hindi masama ang matakot.
Babala iyan ng ating utak
upang ingatan ang sarili. Maaaring nagmula ang mga internal na babalang ito sa mga hindi kawili-wiling karanasan o sa mga kuwento at paalala ng ibang nakaranas na. Mabuting sundin ang takot na ito. Pero iba ang karuwagan. Ang pagiging duwag ay pagsuko sa hamon dahil sa kawalan ng tiwala sa sarili o sa iba. Nahaharap ka sa isang bagong sitwasyon at dahil bago, agad-agad aatras na lamang at hindi man lang susubukan. Tulad ng pagkain ng durian. Naaamoy pa lamang ang durian, inaayawan na agad. Hindi na ito titikman pa dahil sa amoy. Hindi niya alam kung gaano kasarap ang prutas na ito. Napapangunahan kasi ang sarili ng mga naiisip tungkol sa isang bagay. Hindi nagtitiwalang kayang tanggapin ng katawan ang pambihirang prutas na ito.
Kailangang makita ang pinong pagkakaiba ng taong umaayaw sa isang bagay
dahil natatakot siya sa hamon o dahil talagang alam niya sa kaniyang sarili na hindi niya kaya ang hamon. Maraming kailangang timbangin upang makita ang pagkakaiba ng dalawa: Ano-anong mga karanasan ko o ng iba ang nagsasabi sa aking huwag ko na subukan pa ang kinakaharap kong bagay? Nasubukan ko na ba (o ng iba) ito dati? Ano ang nangyari? Anong pahamak ba ang maidudulot nito sa akin o sa iba kung gagawin ko ang bagay na ito? May pakinabang ba akong makukuha rito? May madadagdag ba o mababawas sa kahulugan ng buhay ko kapag ginawa ko ito? Saan nagmumula ang takot: takot na masaktan, takot magkamali, takot sa sasabihin ng iba, o takot dahil talagang ikapapahamak ko ang gawin pa ang bagay na ito? Naalala ko ang aking pamangkin
nang minsang yayain ko siyang lumangoy.
Nagpunta ako sa pinakamalalim na bahagi ng swimming pool , tinawag ko siya at niyayang tumalon sa tubig. Marunong ako lumangoy at pati na rin magbigay ng paunang lunas, kung sakali. Tumakbo siya papunta sa dulo ng lupa at tubig, urong-sulong siyang umiiyak 171 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
sa pangamba. Totoong nakatatakot, may dahilan ang mangamba, dahil sa kaniyang pagtatantiya, hindi niya kakayanin talaga ang lalim ng tubig. Hindi siya marunong lumangoy. Sa kabila nito ang buong-loob ko namang paniniguro na sasaluhin ko siya at hindi pababayaan. Matagal-tagal ding pagpapakalma at pang-aamo ang naganap bago siya tuluyang tumalon. Ang magaling sa aking pamangkin, malay siya sa kaniyang sariling kakayahan at kahinaan. Hindi siya nagkunwari at nagtapang-tapangan sa mga
Ang karuwagan ay pagpikit ng mata sa mga tawag ng halaga.
Y P O C D E P E D
bagay na higit sa kaniyang abilidad. Hindi siya pikit-matang basta tumalon sa tubig nang walang paninimbang at paniniguradong
may sasalo sa kaniya. Nakatatakot ang malalim na tubig. Lalayo
na lamang ang duwag; tapos na ang usapan. Ang takot, nanginginig, nag-aalinlangan, hihingi ng suporta sa iba, at saka tatalon sa tubig kapag handa na siya. Nakatatakot man gawin ang isang bagay nang mag-isa, hindi na kung may kasama. Tatalon pa rin kahit nakakatakot dahil higit sa personal na takot ang tawag ng halaga sa paglangoy sa tubig.
Ang karuwagan ay pagpikit ng mata sa mga tawag ng halaga. Yuyuko at titiklop ang isang duwag sa kaniyang sariling kahinaan. Sa halip na tumingin sa liwanag ng mga dapat, tungkulin, prinsipyo, at pagpapahalaga, ang pagtutuunan ng pansin ay ang dilim ng sariling kahinaan. Hindi ko ‘yan kaya! Wala akong ganito, wala akong ganyan. Ang wala sa kaniya ang nakikita sa halip na tingnan ang napakaraming mayroon siya. Mayroon siyang tungkulin. Mayroon siyang kasama. Mayroon siyang malalapitan. Mayroon siyang kinabukasang binubuo. Mayroon siyang saysay. Ang mga ito ang mahalaga higit sa kahinaan at limitasyon ng sarili. Kaya nga nagagawa ng bulag ang maglakad pa rin sa kalye gamit lamang ang gabay na aso o ang patpat dahil higit na mahalaga ang makalanghap ng sariwang hangin sa labas kaysa sa magkulong sa loob ng bahay sa pangambang madarapa, mabubunggo, mawawala lamang siya sa lansangan. Hindi nagpapadaig ang bulag sa kawalan ng paningin. Tinitingnan ng bulag ang malinaw na mga hangarin at pagpapahalaga niya sa kaniyang buhay. Takot pa rin siya, oo; pero hindi siya naduduwag sumubok.
Ito ang unang pagpili na ating gagawin: magpadaig sa karuwagan o aminin
ang takot at kumilos nang angkop?
172 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Kahinahunan bilang Angkop Ano ang angkop? Madali ang magmalabis o ang kabaligtaran, magwalangbahala at walang gagawin. Kung may malakas na bagyong paparating, ang iba ay tutungo sa pamilihan at mag-iimbak ng pagkarami-raming pagkain, tubig, damit, baterya, ashlight , at iba pa. Walang mali sa paghahanda, ngunit kailangan ba talaga ang ganito karami? Ang iba naman, labis ang pagkapanatag: pahiga-higa lamang, palinga-linga, patambay-tambay. May saloobin na “bahala na!” o ang mas malala,
Y P O C D E P E D
ang saloobin na “hindi iyan mangyayari sa amin!” Ang ganitong pag-iisip ang dahilan kung bakit marami ang nalalagay sa peligro sa mga kalamidad. Ang labis na tiwala sa sarili—yaong nakalilimot na sa katotohanang marami ring bahagi sa mundong ito ang wala sa ating kamay—ang ikinakapahamak ng iba. Nagtawag na ng paglikas ang barangay dahil sa maaaring pagtaas ng baha. Ibinalita na ang paghampas ng daluyong ng dagat. Hindi pa rin lumikas dahil, “hindi iyan mangyayari sa amin! At kung maganap man iyan, bahala na!”
Ang angkop gawin ay akuin ang tungkuling kailangan kong tumugon. Wala nang
iba. Hindi ang mataranta o magdrama o ang panghinaan ng loob o sumabog sa galit. Magmahinahon at saka tingnan ang sitwasyon. Sa kahinahunan matitimbang nang may linaw at obhetibong pagtingin ang iba-ibang salik ng sitwasyon: ang pansariling kakayahan at limitasyon, ang kalagayan ng kapaligiran, at ang lakas at kahinaan ng mga kasama.
Ang unang hakbang ay tumugon. Angkop ang tumugon. Ang pangalawang
hakbang ay ang pagsusuri sa kalidad ng itutugon: hindi labis, hindi kulang. Angkop!
Ang angkop ay ang pinakamahusay na magagawa sa isang sitwasyon. Dahil ito ang pinakamahusay, ito ang sukdulan na maaaring gawin ng tao. Ang paggawa sa sukdulan na ito ang pinakamabuting dapat gawin. Kung may bagyo, maghanda. Bilhin ang kailangang bilhin. Hindi ang mga “puwede na” para lang mayroon, bibilhin ang pinakamahusay na gamit na makapagbibigay proteksiyon at ginhawa sa sakuna. Pagtibayin ang mga haligi ng bahay. Itali nang mahigpit ang mga maaaring tangayin ng hangin. Lumikas nang dali-dali kung ito na ang tantiya ng mga awtoridad.
Angkop ang magmadali, hindi angkop ang mataranta. Angkop ang mag-ingat,
hindi angkop ang maduwag. Angkop ang maging matapang, hindi angkop ang maging mapangahas. Pag-aangkop ang tawag sa paglalapat ng mga kakailanganin ng labas at ng maibibigay ng loob. Ang bungang-kilos nito ay ang angkop. Kahinahunan ang tawag sa saloobin na ayon sa angkop.
173 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ang Angkop bilang Makatarungan Ang paggawa nang hindi ayon sa angkop ay nagbubunga ng pagkasira. Sinisira nito ang kaayusan ng sarili, kapuwa, at kapaligiran gawa ng pagmamalabis o pagdarahop. Kawalang katarungan ang tawag sa pagkasirang ito. Upang higit na maunawaan ang kahulugan ng katarungan, subukin nating pagmunihan ang salitang “tarong” o “tarung” sa Bisaya na tila salitang ugat ng “katarungan.”
Ang “tarong” tulad ng sa kasabihang, “Magtarong gyud ka!” ay
Y P O C D E P E D
nangangahulugang “umayos,” “magmatino,” “magpakabuti.”
Saklaw ng salitang
“tarong” ang iba-ibang antas ng kabutihang pinag-aralan na sa mga naunang baitang ng Edukasyon sa Pagpapakatao: ang paglalagay sa ayos ng sarili sa pamamagitan ng pag-iingat at pag-aalaga sa katawan, ang pagkilos ng ayon sa likas na batas moral, at ang makataong pakikipagkapuwa. Samakatuwid, ang pagiging makatarungan (makatarung-an) ay pagpanig sa kabutihan, paglagay sa ayos, at pagiging matino sa pag-iisip at pakikiugnay. Para ring sinasabi ng “Magtarong gyud ka!” na maging makatarungan ka! Ito ang pinakaangkop na bunga ng pag-aangkop na magagawa ng tao.
Ngunit sa pagmamadali, nadudulas ang tao sa mga pagpapasiyang hindi
masyado napag-isipan. Malakas ang loob ng tao na sumuong sa kung ano-anong mga kompromiso sa pag-aakalang walang ibang maaapektuhan ng pasiya. Magpapabaya ang estudyante sa pag-aaral dahil tinatamad na siya mag-aral. Totoong siya nga lang ang makakakuha ng mababang marka sa kaniyang report card, ngunit hindi totoong siya lamang ang naaapektuhan. Dinidibdib ng guro ang hindi pagkatuto ng kaniyang estudyante. Iniisip niyang siya ang dahilan nito. Pati ang mga kaklase, naaapektuhan din. Bumabagal ang talakayan upang sa pagdadahan-dahan ay makahabol ang mga nahihirapan sa aralin. Dahil dito, ang ibang madaling matuto, nababagalan at tinatamad na rin, at ang mga tinatatamad na, lalo pang nawawalan ng gana. Ang pagpapabayang ito—ang kawalang katarungan sa sarili—ay hindi rin makatarungan sa iba.
Pansinin na ang usapin ng kawalang katarungan
ay hindi lamang tungkol sa mga malalaking isyu ng
patayan, krimen, at hindi pagkakapantay-pantay. Nangyayari ang mga ito sa mga pinakasimpleng mga pagpiling ginagawa ng tao sa bawat araw. Kakain ba ako? Marami o kaunti? Papasok ba ako sa paaralan? Mag-aaral ba ako o mangongopya na lamang sa pagsusulit? Aasarin ko ba ang kaklase ko? Papatulan
Kung ginagawa ang dapat , nangyayari ang sakto. Sa ganyang paraan nagaganap ang katarungan. Ang paggawa ng makatarungan ay ang angkop.
ko ba ang nang-aasar sa akin? Tutulong ba ako sa gawaing bahay? Lilinisin ko ba 174 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
ang kuwarto ko? Ililigpit ko ba ang pinagkainan ko? Ang hindi maglinis, magligpit, mag-aral, tumulong, kumain, maligo, matulog—ang lahat ng mga tungkulin natin sa ating sarili at sa ating kapuwa—ay nakapaloob sa konsepto ng katarungan. Angkop lagi ang maging makatarungan at kapag pinipili ang katarungan, nagiging angkop ang lahat. Pansinin ang pagbabago ng gamit sa kaisa-isang salitang “angkop” sa naunang pangungusap. Ang “angkop” ay nauunawaan bilang parehong “dapat” at “wasto, sakto, o tama.” Kung ginagawa ang dapat , nangyayari ang sakto. Sa ganyang paraan nagaganap ang katarungan. Ang paggawa ng makatarungan ay ang angkop.
Y P O C D E P E D Ang Kilos ng Pamimili
Kaya’t kung malalagay sa sitwasyon na kailangang mamili, ang dapat piliin
ay ang tatlong birtud sa itaas: ang katapangan, kahinahunan, at katarungan. Ang angkop gawin ay ang tamang timbang ng karuwagan at angas, ang tapat na pagtingin sa kalagayan, at ang wastong pagkilos ayon sa kaayusan, katinuan, at kabutihan. Sa ibabaw ng lahat ng ito ay ang tawag ng pag-aangkop. Ang bawat pagkilos ay kailangan laging angkop. Itong kilos ng pag-aangkop sa pamimili ay tinatawag na
prudentia, hiniram sa wikang Latin at prudence sa wikang Ingles. Tinuturo sa atin ng prudentia ang pag-
aangkop bilang sumasapanahon. Nauunawaan
ang prudentia sa Latin bilang isang uri ng pagtingin
sa hinaharap (foresight ). Sa maagap na pagtingin sa hinaharap, inuugnay ang kahapon, ngayon, at
bukas sa isa’t isa. Ang prudentia ay hindi lamang upang pangunahan ang mga posibleng epekto
Ang mga pamimili ay hindi reaksiyon lamang sa mga hinihingi ng kasalukuyan. Tugon ito sa hamon na gawing makabuluhan ang serye ng kahapon, ngayon, at bukas—ang kuwento ng ating pagkatao.
ng pagpili, kundi isang pag-uunawa na may isang kuwento ang mga pangyayari sa kahapon at ngayon na siyang magiging bukas. Ang mga pamimili ay hindi reaksiyon lamang sa mga hinihingi ng kasalukuyan. Tugon ito sa hamon na gawing makabuluhan ang serye ng kahapon, ngayon, at bukas—ang kuwento ng ating pagkatao.
Kaya’t tinatawag na “ina” ng mga birtud ng katapangan, kahinahunan, at
katarungan ang prudentia sapagkat nilalagay nito sa konteksto ng panahon at kasaysayan ang pamimili. Dahil sumasapanahon, hinihingi ng prudentia na maging Hindi namimili sa dalawang dulo, hinahanap ang gitna sa maingat na paghusga.
maingat sa paghusga at matino sa pagpasiya. Kailangang maging mulat sa mga partikular na kondisyon ng pagkakataon bago pumili. Mahalagang husgahan ang sitwasyon nang may pagmumulat sa natatanging kalagayan ng mga tauhan at kapaligiran sa pangyayari. Kailangan ding magpasiya nang 175
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
may pagmumulat sa kabuuang layunin ng pagkatao. Sa madaling salita, gawin ang pagpili hindi para lamang sa isang ano kundi dahil nais pagtibayin ang isang bakit . Ang pagmamatapang, pagkamahinahon, at pagiging makatarungan ay hindi lamang para magawa ang isang partikular na output . Ginagawa ang mga ito dahil sa hinahangad na bunga ng paggawa sa sarili, kapuwa, at kapaligiran. Laging nasasaisip ang malaking larawan (big picture), ang malawakang ugnayan, at ang kabuuang kuwento. Prudentia ang pagmamalay na ito sa kabuuan. Nagagawa ang pagbuo sa maingat na paghuhusga ng sitwasyon ayon sa pamantayang kailangan at dapat, ng
Y P O C D E P E D
panandalian at pangmatagalan, ng pansarili at panlahatan. Hindi namimili sa dalawang dulo, hinahanap ang gitna sa maingat na paghusga. Karunungang Praktikal
Kailangang maging maingat sa paghuhusga
dahil sa mga magiging bunga nito sa iyong sarili at
sa iba. Tinatawag ng pilosopong si Aristoteles ang
kinikilala nating birtud ng prudentia bilang phronesis o karunungang praktikal ( practical wisdom). Aniya, ang phronesis ay isinasagawang karunungan. Ibig
sabihin, iniaangkop ang natututuhan ng isip sa mga
Masasabing mabunga ang paghusga kung nakalilikha ito ng magagandang oportunidad upang magtagumpay at umunlad ang tao.
pang-araw-araw na gawain. Ang paghusga ay hindi
lamang gumagalaw sa larangan ng mga ideya kundi sa mga kinakailangan ng mga sitwasyon o pangyayari. May mga ideya tayong tama at mali, mabuti ang mga ito, ngunit, ang higit na mabuti ay ang paglapatin ang mga prinsipyo ng kabutihan at ang mga partikular na kondisyon ng sitwasyon. Kailangang isali sa pagtitimbang ang kahandaan ng panahon, mga pangangailangan at kakayahan ng mga tao, at kalagayan ng paligid upang makagawa ng isang maingat na paghusga ( prudentia). Ang dinadagdag ni Aristoteles na siyang pinakamahalagang sangkap ng phronesis ay ang aspekto ng pagiging mabunga. Masasabing mabunga ang paghusga kung nakalilikha ito ng magagandang oportunidad upang magtagumpay at umunlad ang tao.
176 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Isang Ehersisyo Tingnan muli ang sumusunod na sitwasyon. Ilagay ang sarili sa tagpo at kuwento. Timbangin ang sitwasyon at subuking gumawa ng isang maingat na paghuhusga. Tandaan na ang maingat na paghuhusga ay may kakayahang unawain ang pangangailangan ng partikular na sitwasyon para mailapat ang nararapat na kilos o lunas. 1. Tutulong o pababayaan?
Y P O C D E P E D
Nakiusap ang iyong kaklase na pakopyahin mo siya mamaya sa pagsusulit. Mababa talaga ang kaniyang mga grado kahit na gustong-gusto niyang magaral. Paano’y katulong siya ng kaniyang mga magulang sa pagtitinda ng mga kakanin sa hapon at balut tuwing gabi. Hirap na hirap siya talaga makapag-aral dahil sa pagod. Pakokopyahin mo ba siya na maaaring ikapahamak ninyong dalawa kapag nahuli kayo? Hindi rin makatutulong sa kaniya kung papasa siya sa pagsusulit nang hindi naman niya talaga naiintindihan ang aralin. Kung pabayaan mo naman siya, maaaring bumagsak siya sa pagsusulit at ikatanggal pa niya sa paaralan. Paano na ang kaniyang kinabukasan? Siya pa naman ang inaasahan ng kaniyang mga magulang.
2. Wawastuhin o mananahimik?
Narinig mong tinuturuan ng mama ang isang bata kung paano mandukot sa mga namimili sa palengke. Lalapitan mo ba sila at pagsasabihan? Isusumbong mo ba sila sa pulis? O mananahimik ka lang at ipagpapatuloy ang sarili mong pamimili?
3. Susunod o magsusumbong?
May proyektong tinakda ang inyong guro. Gumawa ng pagpapangkat-pangkat at sa kasamaang palad, kumpleto na ang bawat grupo maliban sa isa—ang pangkat na iniiwasan mo. Lumapit ka sa kanila at nagpresentang sumali. Ang sagot nila ay papayag silang tanggapin ka sa isang kondisyon, ikaw ang gagawa ng buong proyekto! Tinakot ka nila na kung magsusumbong ka, guguluhin nila ang buhay mo sa paaralan. Ano ang gagawin mo, magsusumbong ka sa guro sa kabila ng kanilang pagbabanta o susunod ka na lang sa gusto nila para lamang matapos na ang proyekto?
177 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Paghusga at Pagpapasiya Ang maingat na paghusga ay paninimbang sa mga nakalatag na kondisyon ng sitwasyon at pag-aangkop ng mga prinsipyo ng kabutihan sa mga ito. Hindi hinuhusgahan ang pagiging tama o mali ng isang bagay batay sa mga prinsipyo ng mabuti at masama. Ang maingat na paghuhusga ay kilos ng pagpapalitaw sa mabuting nakatago sa sitwasyon at mga pinagpipilian. Dahil sa totoo lang, sa kahit na anong ginawa ng tao, ang iniisip lamang niyang gawin ay ang makabubuti sa kaniya—maging mali o tama man ito sa larangan ng moralidad. Kaya sa maingat na paghuhusga,
Y P O C D E P E D
pilit na inuunawa ang mga konteksto ng mga kaganapan. Anong kabutihan ang mga nagsisilbing udyok at layon ng mga kaganapan? Ito nga ang dahilan kaya pinag-iingat tayo sa paghusga - upang hindi agad mabulag ng mga nakasanayang ideya ng tama at mali at makita ang binubuong kuwento ng mga tauhan.
Kapag namulat na rito, saka makagagawa ng matinong pagpapasiya. Ang
pagpapasiya ay hindi simpleng pamimili sa pagitan ng mabuti at masama - laging mabuti ang dapat at kailangang piliin sa kahit na anong kalagayan. Ang pagpapasiya ay ginagawa sa pagitan ng parehong mabuti. Pagkatapos makita na may kabutihan na pinanggagalingan ang magkabilang panig, makapagpapasiya na nang mas obhektibo at nang may talino.
Hindi kailangang makulong sa dalawang pagpipilian. Hindi iyan o iyon ang pipiliin. Hindi isa sa kanilang dalawa.
Sa unang tingin, tila napakahirap pumili sa dalawang
mabuti. May pakiramdam ng pagkaipit dahil nga kapuwa kanais-nais ang magkabilang panig. Sa pagkakataong ito, makatutulong ang kilos ng phronesis. Ang gabay na tanong sa pagpapasiya ay: Ano ang pinakamabunga?
Hindi agad na nagpapakita ang opsiyong magbibigay ng pinakamagandang
bunga. Hatid ng pagkapit sa mga birtud ang pagkita sa ibayo ng mga pinagpipilian. Sa madaling salita, hindi kailangang makulong sa dalawang pagpipilian. Hindi iyan o iyon ang pipiliin. Hindi isa sa kanilang dalawa. Pareho? Nakakakita pa siya ng iba pang mga opsiyong makasasakop sa mga pagpapahalagang nasa likod ng magkabilang panig. Nakabubuo ng ikatlo, ikaapat, o panlima pang opsiyon pagkatapos ng nakahaing unang dalawa. Kaya naman, hindi nagiging mahirap ang pagpapasiya dahil hindi naman pala kailangang paglabanin ang dalawang panig. Maaaring piliin ang pareho sa pagbuo ng bagong opsiyong sasaklaw sa dalawa. Nasisilayang posibilidad na ito ng “mata ng pag-ibig” ( eyes of love) na ayon sa akda ni Bernard Haring, ay ang kakayahang makita ang kalagayan hindi lamang sa perspektibo ng mga pagpipilian kundi sa perspektibo ng makabubuti . Sa ganitong 178 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
paraan, higit na nakikita ang kabuuang kalagayan at ang ugnayan ng kahapon, ngayon, at bukas.
Ang tao ay lumalapit sa talagang totoo at mabuti—ano ang
kabuuang kuwento? Ano ang pinahahalagahan? Ano ang dapat naising marating? Gamit ang “mata ng pag-ibig,” laging matapang, mahinahon, at makatarungan ang kaniyang pagpapasiya. Handa siyang tiisin ang sakit alang-alang sa pagmamahal. Paninindigan niya ang kabutihan dahil ito ang higit na magpapatao sa kaniya. Baka may masasaktan sa kaniyang pasiya—dahil hindi pipiliin ang isa laban sa kabila— ngunit, sa higit na malawakang pagtingin, ang pasiya ay hindi nakasasakit. Ito ang
Y P O C D E P E D pinakamabuti. Ito ang tamang gawin.
Balikan natin ang unang halimbawa sa isang Ehersisyo sa pahina 177. Tutulong
o pababayaan? Ito nga lamang ba ang mga opsiyon? Ano pang mga pagpipilian ang nakikita gamit ang “mata ng pag-ibig?” Hindi ang pagpapakopya ang isyu dito. Ang isyu ay ang nauubos na oras ng estudyante para makapag-aral nang mabuti. Hindi ba posibleng mag-aral habang nagtitinda? Maaari bang kausapin ang guro tungkol sa kalagayan ng pagsasabay ng pag-aaral at pagtitinda upang mabigyan ng kaibang paraan ng pagtatasa sa pag-aaral?
Hindi agad hinuhusgahan na mali ang isa at tama naman ang kabila. Tinitingnan
ang sitwasyon at binabasa ang mga hinihingi ng magkabilang panig. Tinitimbang ang mga ito ayon sa kabuuang mabuting bungang ninanais para sa lahat. Ganyan ang matinong paghuhusga: nagdudulot ng pasiyang makabubuti. Tayahin ang Iyong Pag-unawa
Naunawaan mo ba ang iyong binasa at natalakay? Makatutulong ang
sumusunod na tanong upang masukat mo ang iyong pang-unawa sa natapos na babasahin. Isulat ang mga sagot sa kuwaderno.
1. Ano ang katangian ng maingat na paghuhusga?
2. Bakit tinuturing na “ina ng mga birtud” ang prudentia?
3. Paano nakatutulong ang prudentia at maingat na paghuhusga sa pagbuo ng pasiya?
4. Ano ang pagkakaiba ng takot sa gagawin ng iba at karuwagan dahil sa kawalan ng tiwala sa iba? 5. Bakit mahalaga ang “mata ng pag-ibig” sa paggawa ng maingat na paghuhusga?
179 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Paghinuha ng Batayang Konsepto 1. Hahatiin ng guro ang klase sa apat na pangkat. Magkakaroon ng lima hanggang sampung minutong talakayan sa pangkat upang sagutin ang tanong na: Paano nakatutulong ang prudentia at maingat na paghuhusga sa pagpapasiya upang higit na mapaunlad ang paninindigan sa pagpapakatao? 2. Matapos mapakinggan ang sagot ng lahat ng kasapi sa pangkat ay bumuo ng pangkalahatang sagot sa mahalagang tanong at isulat ito sa isang manila paper. 3. Ipaskil sa pisara at basahin sa klase. 4. Pagkatapos, gamitin ang output ng bawat pangkat upang bumuo ng pangkalahatang sagot ng klase sa mahalagang tanong.
Y P O C D E P E D
Pag-uugnay ng Batayang Konsepto sa Pag-unlad ko Bilang Tao
1. Ano ang kabuluhan ng batayang konsepto sa aking pag-unlad bilang tao?
2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto sa modyul na ito?
E. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO
Pagganap Gawain 4
Panuto: Gunitain at isulat sa journal ang mga mahahalagang pangyayari ng iyong buhay kung saan nasubukan ang iyong kakayahang hanapin ang pinakamabuting pagpapasiya mula sa gitna ng magkabilang dulo ng mga pagpipilian. Gabay mo ang talahanayan sa susunod na pahina.
1. Tukuyin ang dalawang kritikal at magkasalungat na pagpipilian na hinihingi ng sitwasyon.
2. Pag-isipang mabuti at husgahan kung alin sa magkabilang dulo ng pagpipilian ang tama at mabuti.
a. Kung gagawin mo ang isa, ano ang epekto? Masaya ka ba?
b. Kung gagawin mo rin ang kabila, ano ang mangyayari? Mapapanatag ka rin ba? Pangatuwiranan. c. May nabuo ka bang pangatlong pagpipilian mula sa gitna ng dalawang magkabilang pagpipilian? Ipaliwanag. d. Ano ang isinagawang kilos na sa tingin mo ay bunga ng maingat na paghuhusga? Ano ang epekto nito?
180 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Mga pangyayari sa aking buhay na sumubok sa kakayahan kong hanapin ang pinakamabuting pagpapasiya mula sa gitna ng _____ pagpipilian
Dalawang kritikal at magkasalungat na pagpipilian
Alin sa magkabilang dulo ang tama at mabuti?
Opsiyon 1
Y P O C D E P E D Opsiyon 2 Opsiyon 3
Gawain 5
Panuto: Balikan ang inyong pangkat na binuo ng inyong guro. Alamin ang kanilang opinyon kung bakit maraming kabataan ang hindi dumadaan sa tamang proseso ng pagbuo ng tamang pagpapasiya para sa makataong kilos? May kaugnayan ba ito sa kawalan ng maingat na paghuhusga? Gumawa ng isang sanaysay mula sa mga opinyon ng mga kamag-aral.
Pagninilay Gawain 6 Panuto:
1. Magtala ng limang mahahalagang aral mula sa babasahin na iyong babaunin sa pang-araw-araw na buhay.
2. Maaari ring magtala ng mga tanong na nananatiling nangangailangan ng sagot pagkatapos ng ginawang pagtalakay.
3. Isulat ang sagot sa iyong journal o kuwaderno.
181 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Pagsasabuhay Gawain 7 Panuto: Alamin ang mahalagang pangyayari o sitwasyon na pinagdadaanan ng iyong pamilya o isang miyembro ng iyong pamilya, kaibigan, kapitbahay, o kamag-aral. Tulungan siyang bumuo ng pagpapasiya na nagsisimula sa maingat na paghuhusga. Sundan ang mga mahalagang bahagi nito. Gamitin bilang gabay mo ang talahanayan sa ibaba.
Y P O C D E P E D
1. Ilahad ang pagsubok na nahinuha sa pinagdadaanang sitwasyon.
2. Tukuyin ang dalawang kritikal at magkasalungat na pagpipilian na hinihingi ng sitwasyon.
3. Pag-isipang mabuti at husgahan kung alin sa dalawa ang tama at mabuti. a. Kung gagawin mo ang isa, ano ang epekto? Masaya ka ba?
b. Kung gagawin mo rin yung kabila, ano ang mangyayari. Mapapanatag ka rin ba? Pangatwiranan.
c. May nabuo ka bang pangatlong pagpipilian mula sa gitna ng dalawang magkabilang pagpipilian? Ipaliwanag ang mga batayan ng iyong maingat na paghuhusga.
d. Ano ngayon ang palagay mong isasagawang kilos na sa tingin mo ay magbubunga ng pinakamabuti sa nakararami kung hindi man sa lahat? Ipaliwanag.
Mga pangyayari sa buhay na sumubok sa kakayahang hanapin ang pinakamabuting pagpapasiya mula sa gitna ng _____ pagpipilian
Dalawang kritikal at magkasalungat na pagpipilian
Alin sa magkabilang dulo ang tama at mabuti?
Opsiyon 1 Opsiyon 2 Opsiyon 3
Binabati kita! Ipagpatuloy ang kasanayan sa maingat na paghuhusga na siyang susi ng tamang pagpili ng pinakamahusay na tugon sa mga pagsubok at solusyon sa mga suliranin sa buhay. 182 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Mga kakailanganing kagamitan (websites, software, mga aklat, worksheet) Mga Sanggunian: Curran, Charles E. and Fullam, Lisa A. (2011). Virtue: Readings in Moral Theology No.16. New Jersey: Paulist Press. Haring, Bernard. (1997). The Virtues of an Authentic Life: A Celebration of Spiritual Maturity . Missouri: Liguori Publications.
Y P O C D E P E D
Isaacs, David. (2001). Character Building: A Guide for Parents and Teachers. Oregon: Four Courts Press.
Keenan, James F. (2001). Virtues for Ordinary Christians. Quezon City: Claritian Publications.
Pieper, Josef. (1959). Prudence. New York: Panthem Books Inc.
Mula sa Internet
Bartunek, Jean M. and Tullen, Jordy. (2010) Individual Ethics: The Virtue of Prudence. Retrieved July 20, 2014 from www.sagepub.com/upm-data/15387-Chapter_5.pdf
Gallozzi, Chuck. (2009). What is Prudence? Retrieved August 18, 2014 from www. personal-development.com/chuck/prudence.htm
McKelvie, Rob. (2011). Acquire the Virtue of Prudence. Retrieved July 20,2014 from robmckelvie.hubpages.com/hub/acquire-the-virtue-of-Prudence
Sri, Edward P. (2009). The Art of Living: The First Step of Prudence. Retrieved August 18, 2014 from www.catholiceducation.org/articles/religion/re0961.html
183 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Ikatlong Markahan
MODYUL 10: PAGMAMAHAL SA BAYAN
A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO?
“Kaya ko silang tularan, magiging bayani rin ako tulad nila! Makikilala ako bilang
Y P O C D E P E D
makabagong Jose Rizal o Andres Bonifacio! Ako ang susi sa minimithing pagbabago ng bansa, ang pagmamahal ko sa bayan ang magdadala upang isakatuparan ang pangarap na ito.”
Marahil ang mga salitang ito ay minsan nang namutawi sa iyong bibig. Ngunit
sa harap ng mga nangyayari sa kasalukuyan, paano kaya ito maipamamalas? Kailangan din bang magsulat, at hikayatin ang iba na magpunit ng sedula, humawak ng baril, at gumamit ng tabak upang ipakita ang pagmamahal na ito? Sa mga nakaraang modyul, binigyang-diin ang mga konsepto tungkol
sa makataong kilos at mga salik na makatutulong upang makagawa ng mga pagpapasiyang moral ang isang indibidwal. Sa modyul na ito, inaasahang maunawaan mo nang mas malalim na ang makataong kilos ay naipamamalas din sa pamamagitan ng pagmamahal sa bayan.
Sa huli, masasagot mo ang mahalagang tanong na: Paano naipamamalas ang
pagmamahal sa bayan sa pagsisikap na maisabuhay ang mga pagpapahalaga sa pakikibahagi sa pag-angat ng kulturang Pilipino at kaunlaran ng bansa?
Sa modyul na ito, inaasahang malilinang sa iyo ang sumusunod na
kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
10.1 Nakikilala sa sarili ang mga indikasyon ng pagmamahal sa bayan
10.2 Nahuhusgahan ang angkop na kilos o tugon sa mga sitwasyong kailangan ang mapanuring pag-iisip bilang pagpapakita ng pagmamahal sa bayan 10.3 Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin 10.4 Nakagagawa ng mga angkop na kilos sa pamayanan o barangay upang maipamalas ang pagmamahal sa bayan
184 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Kakayahang Pampagkatuto 10.4: a. Nakabuo ng mga hakbang na angkop sa kilos na isasagawa bilang pagpapamalas ng pagmamahal sa bayan. b. Naisagawa ang hakbang na ginawa na may patunay gaya ng larawan, dokumento, o video. c. Nakahikayat ng isa o dalawang indibidwal na magsasabuhay
Y P O C D E P E D ng mga angkop na kilos na ito.
Paunang Pagtataya
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na titik ng iyong napiling sagot at isulat ito sa iyong kuwaderno. 1. Ano ang kahulugan ng “pater” na pinagmulan ng salitang patriyotismo? a. Katatagan at kasipagan
b. Kabayanihan at katapangan
c. Pinagkopyahan o pinagbasehan d. Pinagmulan o pinanggalingan
(para sa bilang 2, 3, at 4)
Ano ang mangyayari sa grupo ng manlalaro kung hindi ramdam ang pagmamahal
nito sa kanilang koponan? Maipananalo ba ng mga manlalaro ang kanilang grupo? Hindi ba lagi mong naririnig ang salitang “puso” sa tuwing kinakapanayam ang isang manlalarong nagbigay ng malaking puntos upang ipanalo ang kanilang koponan? 2. Anong pagpapahalaga ang ipinahahayag ng talata? a. Pagmamahal sa laro
b. Pagmamahal sa koponan c. Pagmamahal sa bayan d. Pagmamahal sa kapuwa
185 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
3. Ano ang pangunahing mensahe ng talata? a. Kung may pagmamahal sa loob ng koponan, masaya, at mas madali para sa mga manlalaro na isakatuparan ang mithiing manalo. b. Mahalaga ang pagbibigayan at sportsmanship ng mga manlalaro upang maiwasan ang tunggalian at sakitan. c. Ang pagsisikap na sanayin ang angking kakayahan na kinakailangan sa laro ay mahalaga para makamit ang tagumpay. d. Piliin ang tamang laro at libangan na lalong makatutulong sa paghubog ng malusog na pangangatawan at isipan.
Y P O C D E P E D
4. Ano ang kaugnayan ng paksang laro na binasa sa pagmamahal sa bayan?
a. Ang manlalaro at mamamayan ay magkatulad na may malaking pananagutan sa tagumpay ng koponan o bayan.
b. Ang pagmamahal sa koponan o bayan ang magbubuklod sa mga manlalaro o mamamayan para makamit ang tagumpay ng lahat.
c. Ang paglalaro ng mga kasapi ng koponan ay kumakatawan sa pagganap ng bawat mamamayan sa kanilang tungkulin para sa bayan.
d. Ang tagumpay ng lahat ay nakasalalay sa mabuting pamumuno at paggabay ng coach ng koponan o ng pinuno ng pamahalaan.
5. Alin ang hindi angkop na kilos ng nagmamahal sa bayan?
a. Pagiging tapat sa sarili, sa kapuwa, sa gawain, at sa lahat ng pagkakataon. b. Pag-awit sa Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad.
c. Pagsisikap makamit ang mga pangarap para guminhawa ang sariling pamilya. d. Paggawa ng paraan upang makatulong sa mga suliranin ng bansa.
6. Saan nakikita ang tunay na kahulugan ng patriyotismo para sa isang Pilipino?
a. Sa bawat pagkilos ng bawat Pilipino natutugunan ang mga pangangailangan ng taong bayan.
b. Sa mga hangarin at pangarap ng bawat mamamayan tungo sa pag-unlad ng sarili at kapuwa-Pilipino.
c. Sa pagtutulungan ng bawat mamamayang Pilipino sa panahon ng sakuna at kalamidad.
d. Sa pagsulong ng adhikaing ipagmalaki ang ating kultura at isulong ang turismo ng bansa.
186 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
7. Bakit mahalagang mahalin ng bawat Pilipino ang kanilang bayan? a. Utang natin sa ating bayang sinilangan ang kalayaan at pagkakataong hubugin ang ating pagkatao. b. Biyaya ng Diyos ang pagkalooban ang tao ng lipunang kinabibilangan at pamayanang matitirhan. c. Dito tinatanggap at iniingatan ang tao ng kaniyang mga mahal sa buhay upang hubugin ang kaniyang mga kakayahan. d. Nakilala siya ng mundo dahil sa talino at angking kagalingan na hinubog sa kaniyang bayang sinilangan.
Y P O C D E P E D
8. Alin ang hindi kabilang sa mga pagpapahalagang dapat linangin upang tuwirang maisabuhay ang pagmamahal sa bayan? a. Paggalang at pagmamahal
b. Katotohanan at pananampalataya c. Katahimikan at kapayapaan d. Katarungan at pagkakaisa
9. Paano napalawak ng pagmamahal sa bayan ang pakikipagkapuwa?
a. Nagmumulat ng kamalayan sa mga tao sa mga isyu at problema ng bayan. b. Gumagamit ang midya at teknolohiya
sa pagpapalawak ng kawilihan at
kaalaman.
c. Nagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan na magkaisa, magtulungan, at magdamayan.
d. Nagtataguyod ng reporma ng pamahalaan para sa mas mabuting pamumuno.
10. Paano nakahahadlang ang pandaraya at pagkamakasarili sa pag-unlad ng isang bayan gayundin sa pagka-Pilipino natin?
a. Hindi ito nagpapahayag ng pagmamahal sa bayan. b. Masamang matutuhan ng mga batang Pilipino.
c. Nawawala ang kapayapaan sa bayang sinilangan. d. Nakaaapekto sa mabuting pakikipagkapuwa.
187 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Gawain 1: Ako ba ito? Panuto: Suriin kung angkop sa iyo ang mga katangian o gawain na nakatala sa ibaba. Lagyan ng tsek ( ü ) ang angkop na kolum ayon sa mga katangian na iyong isinasabuhay. Isulat ang sagot sa kuwaderno.
Y P O C D E P E D Mga Katangian
Ako ito
Hindi ako ito
Halimbawa:
Inaawit ko nang maayos ang Lupang Hinirang at binibigkas na may paggalang ang Panunumpa sa Watawat at Panatang Makabayan.
ü
1. Nakikipagtulungan ako sa mga organisasyong ang adbokasiya ay protektahan ang buhay at kalusugan ng mamamayang Pilipino. 2. Tumatanggi ako sa anumang bagay na di ayon sa katotohanan kahit sa simpleng pagsisinungaling. 3. Masaya ako kapag tinutulungan ko ang mga nangangailangan.
4. Lagi akong nagpapasalamat at humihingi ng patnubay sa Diyos.
5. Nagmamano at humahalik ako sa kamay ng mga nakatatanda sa akin. 6. Sinisegurado na nakukuha ko kung ano ang dapat para sa akin at naibibigay kung ano ang nararapat para sa iba. 7. Isinasaalang-alang ko ang karapatan ng iba bilang tanda ng paggalang at pagkakaroon ng kapayapaan at kapanatagan ng loob.
8. Sinusunod ko ang mga panuntunan sa paaralan at komunidad. 9. Sumasama ako sa pagbisita sa mga museo.
10. Tinatapos at ginagawa ko ang lahat ng makakaya upang magawa ang gawain nang higit pa sa inaasahan. 11. Inihiwalay ko ang mga basura ayon sa uri nito. 12. Nakikiisa ako sa mga pagtitipong kailangan ang aking pakikilahok upang ipaglaban ang aking karapatan bilang mamamayan. 188 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
13. Nakihahalubilo ako sa mga kabataang nagpapalitan ng kuro-kuro sa kung anong maaaring gawin upang makatulong sa kapuwa Pilipino. 14. Sinisikap kong gamitin ang aking kalayaan sa kabutihan sa kabila ng mga masasamang impluwensiya sa kapaligiran. 15. Tumatawid ako sa tamang tawiran at hindi ako nakikipag-unahan o sumisingit sa pila. 16. Gumagawa ako ng paraan upang maisulong ang kapakanan ng lahat hindi lamang ang aking sarili, pamilya, kaibigan, at kabaranggay.
Y P O C D E P E D
Paraan ng pagmamarka Balikan ang gawain at bilangin ang mga aytem na nilagyan ng tsek sa kolum na “Ako ito.” Paglalarawan/ Interpretasyon
0–4
Nangangailangan nang sapat na kaalaman at pag-unawa sa kahalagahan ng pagmamahal sa bayan.
5–8
May kaalaman sa kahalagahan ng pagmamahal sa bayan na nangangailangan ng pagpapaunlad.
9 – 12
May kasanayan sa pagsasabuhay ng kahalagahan sa pagmamahal sa bayan
13 – 16
May sapat na kaalaman sa pagsasabuhay ng pagpapahalaga sa pagmamahal sa bayan na kailangang ipagpatuloy.
Ang nakuha mong iskor sa gawain na ito ay hindi nararapat na bigyan ng negatibong interpretasyon. Ang layunin ng gawaing ito ay upang tayahin ang iyong gawi o pagpapahalaga na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan. May magagawa ka pa upang ito ay mapaunlad at tuluyang maisabuhay ang pagmamahal sa bayan.
189 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Mga tanong na kailangang sagutin, isulat ang iyong sagot sa kuwaderno. 1. Naging madali ba ang paggawa sa gawain? Ipaliwanag. 2. Ano ang iyong naramdaman pagkatapos mong isagawa ang gawain? Ipaliwanag. 3. Ano ang puwedeng maging papel ng isang indibidwal upang maipamalas ang pagmamahal sa bayan? Ipaliwanag. Gawain 2: Pasyal at laro tayo! Panuto: Hatiin ang klase sa apat o limang pangkat. Kailangan ang bawat pangkat ay may panulat at papel. Ang pamamasyal na gagawin ay may kasamang laro, parang katulad ng napapanood sa TV , ito ay pinamagatang Amazing Drew (pinagsamang Amazing Race at Biyahe ni Drew). Bago pa mag-umpisa ang laro, may itinalaga nang lugar sa bawat grupo na kailangang puntahan. Sa bawat lugar na ito may mga gawain (tasks) na kailangang isagawa at mga katanungan na kailangang masagot (ang mga sagot sa tanong ay isusulat sa papel na dala ng bawat grupo) bago pumunta sa susunod na lugar. Gagabayan ka ng iyong guro sa gawaing ito. Handa ka na ba? Tayo na!
Y P O C D E P E D
Sagutin ang sumusunod na katanungan sa iyong kuwaderno. Ibahagi ang sagot sa klase. 1. Naging madali ba sa iyo ang sumusunod: a. Ang ginawang pamamasyal? Ipaliwanag. b. Ang paggawa sa mga gawain at pagsagot sa mga tanong sa bawat lugar na napuntahan? Ipaliwanag. 2. Kung sa totoong buhay ay bibigyan ka ng pagkakataon na puntahan ang mga lugar na ito, gagawin mo ba o hindi? Ipaliwanag. 3. Anong damdamin ang umiral sa iyo pagkatapos ng gawain? Ipaliwanag. 4. Naramdaman mo ba ang halaga ng pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan sa katatapos na gawain? Pangatuwiranan. 5. Ano ang iyong naging reyalisasyon matapos maisagawa ang gawain?
190 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN, AT PAG-UNAWA Gawain 3: Pag-aralan at unawain! Panuto: Pag-aralan at suriin ang sumusunod na sitwasyon: Sitwasyon 1
Y P O C D E P E D
Laging hinihintay ni Luis ang oras ng uwian upang makasama ang kaniyang mga kaibigan sa isang internet café na malapit sa kanilang paaralan. Sa mga araw na nagmamadali siya, lagi niyang kinakausap ang kaniyang mga kaibigan na pasingitin siya sa pila upang di na maghintay at pumila nang matagal. Sa tuwing siya ay pumupunta sa mall, tumatambay siya sa isang sikat na kapehan upang doon manigarilyo at makigamit ng wi . Sa mga araw na umuulan ay maaga siyang nagigising upang manood ng balita upang malaman kung may pasok o wala. Mas marami ang oras na ginugugol niya sa pakikipagpalitan ng mensahe sa Facebook at Twitter kaysa sa pagbabasa ng kaniyang mga aklat at mga aralin. Dahil hindi pa sinasabi ang araw ng pagsusulit may nakausap na siyang kamag-aral na magpapakopya sa kaniya. Lagi siyang pinapayuhan ng kaniyang mga magulang na gumamit ng mga salitang po at opo sa tuwing makikipag-usap sa mga nakatatanda sa kaniya, kilala man niya ito o hindi. Madalas siyang nagpapaiwan sa bahay tuwing araw ng Linggo upang mabigyang laya na mapakinggan niya nang malakas ang mga awiting ayaw pakinggan ng kaniyang mga magulang. Sitwasyon 2
Galit na galit ka sa kapit-bahay mo na anak ng konsehal sa inyong baranggay dahil nakuha niya ang trabaho na sana ay dapat mapunta sa iyo. Alam mong mas kuwalipikado ka kaysa sa kaniya kung pinag-aralan at kakayahan ang naging sukatan. Inireklamo mo siya sa inyong alkalde dahil sa palagay mo, ito ay hindi makatarungan at sistemang palakasan ang pinairal. Naging negatibo ang pag-uusap ninyo. Sa sobrang galit mo napagsalitaan mo ng di kanais-nais na salita ang inyong alkalde. Sa iyong pag-uwi, di maalis ang galit na iyong naramdaman at di mo napansin ang pagpalit ng kulay pula ng trafc light sa daan kaya nahuli ka ng trafc enforcer . Sa pagnanais na di maabala, kinausap mo ang nanghuli sa iyo na pag-usapan na lang ito at sinabi mong pamangkin ka ng isa sa mga kasama nila.
191 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Sitwasyon 3 Inhinyero si Jean. Inialok sa kaniya ang isang malaking proyekto na seguradong kikita at makikinabang ang kanilang munisipyo. Hindi ito pinalampas ni Jean sa kondisyon na siya ang mamamahala sa lahat mula sa mga kagamitan at sa mga taong kukunin at walang batas pangkalikasan ang malalabag sa pagsasagawa ng proyekto. Kinausap ni Jean ang mga punong baranggay kung may mga indibidwal sa kanilang nasasakupan ang interesado at maging katuwang niya sa proyekto bago siya kumuha sa ibang lugar. Pagkatapos maayos ang mga papeles na kailangan sa proyekto, inumpisaan na ito at natapos nang maaga kumpara sa inaasahan. Namangha ang alkalde ng bayan nang makita ang pagkakayari ng proyekto mula sa pagkakagawa hanggang sa mga materyales na ginamit. Nang silipin ang aklat ng kuwenta ng mga gastusin, ang mga materyales na ginamit na inaakalang mahal at imported ay gawa pala sa bansa. Ang budget na inilaan sa proyekto ay sobra sa unang napag-usapan. Kinausap si Jean ng alkalde na ideklarang nagastos sa proyekto ang lahat ng pondo. Ito ay upang maipagawa ang sirang tulay na napabalitang mahina ang pagkakagawa, na ang gumawa ay ang pamangkin ng alkalde. Bilang kapalit, ipinangako sa kaniya na ang lahat ng proyekto ng bayan ay ibibigay sa kaniya at ilalakad ang mga papel nito upang mapasali sa mga natatanging inhinyero ng probinsiya.
Y P O C D E P E D
Sagutin ang sumusunod na katanungan sa iyong kuwaderno. Ibahagi ang sagot sa klase. 1. Nangyayari ba sa totoong buhay ang mga sitwasyong nailahad? May pagkakaugnay ba ito sa iyong buhay bilang mag-aaral, miyembro ng pamilya at mamamayan ng bansa sa kabuuan? Ipaliwanag. 2. May pagkakatulad ba ang mga kilos na ipinakita sa mga sitwasyon sa iyong pang araw-araw na gawain? Kung ikaw, ang nasa sitwasyon, ano ang iyong gagawin o magiging tugon? Ano ang epekto nito sa iyo sa kabuuan? Ipaliwanag. 3. Sa mga sitwasyong nabanggit, paano gagamitin ang mapanuring pag-iisip bilang pagpapamalas ng pagmamahal sa bayan? 4. Ano-anong angkop na kilos ang ginawa ng mga karakter na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan? 5. Kaya mo rin bang isabuhay ang mga ito? Ano-anong hakbang ang iyong gagawin? Ipaliwanag.
192 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Gawain 4: Halika at Umawit Tayo! Panuto: Basahin at unawain ang liriko ng awiting pinasikat ni Noel Cabangon na may pamagat na “Ako’y Isang Mabuting Pilipino”. Maaari mo itong pakinggan gamit ang CD o MP3, o maaaring i-download sa internet . I Ako’y isang mabuting Pilipino Minamahal ko ang bayan ko Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin
[repeat chorus] VI Lagi akong nakikinig sa aking mga magulang Kaya’t pag-aaral ay aking pinagbubutihan ‘Di ako gumagamit ng bawal na gamot O kaya’y tumatambay at sa esk’wela’y ‘di pumapasok
Y P O C D E P E D II Tumatawid ako sa tamang tawiran Sumasakay ako sa tamang sakayan Pumipila at ‘di nakikipag-unahan At ‘di ako pasiga-siga sa lansangan
III Bumababa’t nagsasakay ako sa tamang sakayan (Nagbababa ako sa tamang babaan) ‘Di nakahambalang parang walang pakialam Pinagbibigyan kong tumatawid sa kalsada Humihinto ako ‘pag ang ilaw ay pula [chorus] ‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino Minamahal ko ang bayan ko Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin
IV ‘Di ako nangongotong o nagbibigay ng lagay Tiket lamang ang tinatanggap kong ibinibigay Ako’y nakatayo doon mismo sa kanto At ‘di nagtatago sa ilalim ng puno V “Di ako nagkakalat ng basura sa lansangan ‘Di ako bumubuga ng usok ang aking sasakyan Inaayos ko ang mga kalat sa basurahan Inaalagaan ko ang ating kapaligiran
VII Ipinagtatanggol ko ang aking karangalan ‘Pagkat ito lamang ang tangi kong kayamanan ‘Di ko ibinebenta ang aking kinabukasan Ang boto ko’y aking pinahahalagahan [repeat chorus]
VIII Ako’y isang tapat at totoong lingkod ng bayan Pabor o lagay ay ‘di ko pinapayagan Tapat ang serbisyo ko sa mamamayan ‘Di ko binubulsa ang pera ng bayan IX Ipinagtatanggol ko ang mamamayang Pilipino Mga karapatan nila’y kinikilala ko Iginagalang ko ang aking kapuwa tao Ipinaglalaban ko ang dangal ng bayan ko [repeat chorus twice]
‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino ‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino ‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino Ako’y isang Mabuting Pilipino Nililkha ni: Noel Cabangon
Nasiyahan ka ba sa himig ng awit? Ngayon naman, sagutin mo ang sumusunod na tanong, isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. 1. Ano-anong mensahe ang gustong iparating ng awitin? 193 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
2. Napapanahon ba ang mga mensaheng ito? a. Oo, bakit? Ipaliwanag. b. Hindi, bakit? Ipaliwanag. 3. Mahirap bang isabuhay ang mensaheng gustong iparating ng awitin? a. Oo, bakit? Ipaliwanag. b. Hindi, bakit? Ipaliwanag. 4. Makatutulong ba ang mensahe ng awitin sa pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan? Pangatuwiranan ang sagot.
Y P O C D E P E D D. PAGPAPALALIM
Basahin ang sanaysay.
Pagmamahal sa bayan
Napansin mo ba ang pagkahilig ng marami sa pagsusuot ng mga damit na naglalarawan ng pagiging makabayan? O kaya naman ang mga sasakyan na may mga bandila o mapa ng bansa?
Sa ganitong paraan ba ipinakikita o naisasabuhay ang pagmamahal sa bayan o ang pagiging makabayan? O, kailangan mong ibuwis ang iyong buhay tulad ng ating mga bayani upang masabing mahal mo ang iyong bayan? Tunghayan natin ang isang halimbawa.
Si Mang Ben ay tanod sa kanilang baranggay. Ang oras ng kaniyang ronda ay mula ikapito ng gabi hanggang ikalabindalawa ng madaling araw. Ang pasok niya sa trabaho sa kabilang bayan ay mula ikawalo ng umaga hanggang ikaapat ng hapon.
Walang kapagurang ginagawa ito ni Mang Ben araw-araw. Hindi nagrereklamo ang kaniyang asawa dahil alam niya na si Mang Ben ay talagang matulungin at masipag. Aktibo rin siya bilang isang lay minister ng kanilang simbahan. Maganda ang bonding nila ng kaniyang apat na anak. Isang araw, napili siya ng kanilang munisipalidad bilang natatanging mamamayan ng kanilang bayan. Nang tanungin ng mga hurado kung hindi ba siya nahihirapan sa kaniyang ginagawa, walang pag-alinlangan na sinagot niya na “ito ay bunga ng pagmamahal.” Hindi nagtatapos sa pamilya ang pagpapakita ng pagmamahal kundi nagpapatuloy ito sa kapuwa at sa pamayanan. Sa pagsisiyasat at pagtatanong ng mga hurado sa mga taong malapit at hindi gaanong kilala si Mang Ben, lumitaw na siya ang huwaran bilang mamamayan. May pagmamahal ba sa bayan si Mang Ben? Paano ipakikita ang pagmamahal sa bayan?
194 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ano ba ang pagmamahal sa bayan? Ang pagmamahal sa bayan ay ang pagkilala sa papel na dapat gampanan ng bawat mamamayang bumubuo rito. Tinatawag din itong patriyotismo, mula sa salitang pater na ang ibig sabihin ay ama na karaniwang iniuugnay sa salitang pinagmulan o pinanggalingan. Ang literal na kahulugan nito ay pagmamahal sa bayang sinilangan (native land ). Ang pagsasabuhay nito ay sa pamamagitan ng marubdob na paggawa ng trabahong pinili o ibinigay, aktibong pakikilahok sa interes ng mayorya o kabutihang panlahat, pagsawata sa mga kilos na di makatarungan at hindi moral (Institute for Development Education Center for Research and Communication). Kadalasang iniuugnay ang patriyotismo sa nasyonalismo ngunit hindi magkasingkahulugan ang dalawang ito. Ang nasyonalismo ay tumutukoy sa mga ideolohiyang pagkamakabayan at damdaming bumibigkis sa isang tao at sa iba pang may pagkakaparehong wika, kultura, at mga kaugalian o tradisyon. Iba ito sa patriyotismo dahil isinasaalang-alang nito ang kalikasan ng tao. Kasama rin dito ang pagkakaiba sa wika, kultura, at relihiyon na kung saan tuwiran nitong binibigyang-kahulugan ang kabutihang panlahat.
Y P O C D E P E D
Ikaw, gaano kalawak ang iyong kaalaman tungkol sa pagmamahal sa bayan? Ano na ang nagawa mo para masabing mahal mo ang bayan?
Ang Kahalagahan ng Pagmamahal sa Bayan
Ang pagmamahal sa bayan ay mahalaga. Walang sinuman ang ligtas sa pagsasabuhay ng responsibilidad na ito, dahil ang tao ay umiiral na nagmamahal at sumasakatawang-diwa. Ito ay nangangahulugan na tayo bilang tao ay umiiral sa mundo kasama ang ating kapuwa. Para maunawaan mo kung gaano kahalaga ang pagmamahal, gawin nating halimbawa ang sumusunod: Una, ano ang mangyayari sa isang pamilya kung hindi kinakikitaan ng pagmamahal ang bawat miyembro nito? Maaaring ang mag-asawa ay magkahiwalay, ang mga anak magkaniya-kaniya at sa pagtanda ng mga magulang, walang kakalinga sa kanila. Magulo at nakalulungkot, di ba? Ikalawa, ano ang mangyayari sa grupo ng manlalaro kung hindi nila ipinamalas ang pagmamahal sa kapuwa manlalaro nila sa kanilang koponan? Maipapanalo ba 195
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
nila ang grupo? Di ba lagi mong naririnig ang salitang puso sa tuwing kinakapanayam ang manlalaro na nagbigay nang malaking puntos upang ipanalo ang koponan? Kung magbabalik-aral ka at itatanong sa iyo ng iyong guro kung saan unang naituro ang pagmamahal, marahil maaalala mo ang iyong pagkatututo sa modyul na tungkol sa pamilya. Dito mo natutuhan na ang pamilya ang unang paaralan ng pagmamahal; pinapalawak ito
Y P O C D E P E D
sa paaralan at pinauunlad ng pakikisalamuha sa kapuwa sa lipunang kinagagalawan. Kung
ang pagmamahal ay nadarama sa bawat miyembro ng pamilya, walang pamilyang
magkakawatak-watak.
Magiging masaya at makakaya nila ang bawat hamon ng buhay. Para sa isang
koponan na nagpamalas ng pagmamahal sa grupo at miyembro
Ang pagmamahal sa bayan ay nagiging daan upang makamit ang layunin.
nito, hindi lang pagkapanalo sa mga laro kundi magkakaroon
ng sense of pride at mataas na tingin sa sarili. Ang pagmamahal na ito ang siyang magiging daan upang makamit ang mga layunin na gustong maisakatuparan.
Kung isasabuhay natin ang pagmamahal sa bayan; may mangyayari bang patayan? May manloloob at magmamalabis ba sa kapuwa? May mga negosyante bang magtatago ng kanilang paninda upang lumakas ang demand
Pinagbubuklod ng pagmamahal sa bayan ang mga tao sa lipunan.
at tumaas ang presyo ng bilihin? Uusbong ba
ang walang katapusang isyu
May
ng
korapsiyon?
mangyayari
bang
MAHARLIKA
kalamidad na likha ng tao
dahil
sa
walang
pakundangang pagsira ng likas na yaman?
Ang mga socio-economic problem na ito ay maiiwasan kung hindi man mapigilan kung may pagmamahal sa bayan. Ang pagmamahal na ito ang magbubuklod sa mga tao sa lipunan.
Ano ang nagiging epekto sa iyo ng mga socio-economic problem na ito? Paano ka magiging kabahagi sa paglutas sa mga problemang ito? 196 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ang pagpapamalas ng pagmamahal sa bayan ay pagsasabuhay ng pagkamamamayan; isang indibidwal na ibinabahagi ang talino sa iba, pinangangalagaan ang integridad ng pagkatao, pinahahalagahan ang karangalan ng pamilya, na ang pagmamahal ay likas bilang taong may malasakit para sa adhikaing mapabuti ang lahat. Ang pagmamahal na ito ay nakaugat sa kaniyang pagkakakilanlan bilang taong may pagmamahal sa bayan na iniingatan ang karapatan at dignidad. Naiingatan at napahahalagahan ng pagmamahal sa bayan ang karapatan at dignidad ng tao.
Y P O C D E P E D
Dito lang ba magtatapos ang lahat? Sabi nga, kapag Napahahalagahan mahal mo ang isang tao, alam mo kung ano ang magpapasaya ng pagmamahal sa at ang mahalaga sa kaniya. Wala itong ipinagkaiba bayan ang kultura, sa pagmamahal sa paniniwala at bayan, ang isang pagkakakilanlan. mamamayan na may pagmamahal sa bayan ay may pagpapahalaga sa kultura, tradisyon, at pagkakakilanlan ng kaniyang bayan. Napansin mo ba sa kasalukuyan kung paano dayuhin ng mga turista ang mga lugar na mayaman sa kulturang Pilipino? Ikaw, napuntahan mo na ba ang mga ito? O, mas pinipili mo ang pagiging banyaga sa sariling bayan dahil mas gusto mong pasyalan ang mga lugar na nasa ibang bansa kaysa sa kung ano mayroon tayo? Interesado ka ba kung ang Lakbay-Aral ng paaralan ay sa mga museo o mas gusto mo ang pagpunta sa mga sikat na mall at mga amusement park ? Kapag ba inaawit ang pambansang awit, ginagawa mo ba ito ng buong puso? Payag ka ba na itayo ang isang gusali na sisira sa imahe ng isang kilalang parke ng bansa? Ano ang damdaming iiral sa iyo kapag nakikita mo ang mga lugar na tanda ng iyong pagiging Pilipino ay unti-unting winawasak o binubura sa kasaysayan ng bansa? Anong kilos ang iyong gagawin upang ito ay matigil at mapreserba ang kulturang tanda ng iyong pagka-Pilipino?
Ano ang pambansang awit ng bansa? Ano ang pambansang prutas, dahon, hayop, o kahit ang kabisera ng bansa? Mga basic , wika nga sa wikang Ingles kaya lang, marami ang di nakaaalam. Mas in ba sa iyo kung ang salitang gagamitin mo ay ingles o pamamaraang jejemon? May sarili kang wika, bakit kaya hindi ito ang iyong ginagamit? Sabi nila, kapag mahal mo ang isang tao, gagawin mo ang lahat. Segurado ako, mahal mo ang bayan at alam ko na may gagawin ka para ito ay maisabuhay, maipakita at maging inspirasyon sa kapuwa Pilipino. Dahil ang pagmamahal mo sa bayan ay paraan upang pahalagahan ang kultura, paniniwala, at pagkakakilanlan. 197
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Sa mga kaisipang nabanggit, nakita mo ba kung gaano kahalaga ang pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan? Ano ang magagawa mo para ibahagi sa iba ang kahalagahan ng pagpapahalaga sa bayan? Mga Pagpapahalaga na Indikasyon ng Pagmamahal sa Bayan Sa Modyul 1 ng Baitang 9, naunawaan mo kung ano ang lipunan, layunin, at mga elemento nito. Ang “Ang dignidad ng persona lipunan ay binubuo ng mga indibidwal na may iisang ng tao ay kasama sa tunguhin o mithiin. Ito ay ang mapabuti ang lahat ng kaniyang karapatan na kabahagi ng lipunan, ang kabutihang panlahat. Ito maging bahagi sa aktibong ay posible kung ang pakikilahok sa lipunan Espiritual mga elementong upang makapag-ambag sa kabutihan panlahat.” bumubuo rito ay Panlipunan Pangkaisipan naisasakatuparan: - San Juan Pablo XXIII paggalang Pampolitikal ang Moral sa pagkatao ng tao, ang tawag ng katarungan, at Pang-ekonomiya Pangkatawan ang kapayapaan. Magiging maunlad at maayos ang lipunan kung isasabuhay ang mga birtud na itinataguyod nito (Character Building ni David Isaacs).
Y P O C D E P E D
Ang Pilipinas bilang lipunan ay naghihikayat sa mga mamamayan na isabuhay ang mga birtud na makatutulong upang gumawa ng makataong pagpapasiya at kilos, tungo sa makabuluhan at mabuting pakikipag-ugnayan sa Diyos, kapuwa, at sa kapaligiran. Ito ang kahulugan ng birtud ng kabanalan na inuugnay ni Santo Tomas de Aquino sa patriyotismo. Ang sumusunod ay mga pagpapahalagang dapat linangin ng bawat Pilipino upang maisabuhay ang pagmamahal sa bayan. Nakapaloob ang mga ito sa Panimula (Preamble) ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas. 1.
Pagpapahalaga sa buhay. Ang paggalang sa buhay ay isang moral na obligasyon sa Diyos ng bawat isa dahil ang buhay ay mula sa Kaniya kaya’t walang sinuman ang maaaring bumawi o kumuha nito kundi Siya. Kasama sa pagpapahala gang ito ang pagpapanatili ng malusog na pangangatawan at isipan. Mahalagang gawin ang makakaya upang maprotektahan ang buhay bilang pagkilala sa dignidad ng tao.
2.
Katotohanan. Hindi kailanman matatawaran ang integridad at hindi mapagkunwari, tumatanggi sa anumang bagay na di ayon sa katotohanan, kasama rito ang walang kapaguran at matiyagang paghahanap ng lahat ng uri ng kaalaman. Ang integridad ay pinangangalagaan sa lahat ng oras at pagkakataon.
198 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
3.
Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa. Ang pagpapakita ng malasakit sa kapuwa ay sa pamamagitan ng pagtulong na walang hinihintay na kapalit. Kung wala ako at mayroon ka, hati tayo o puwedeng ikaw muna at sa susunod ako naman. Kasama sa responsibilidad ng isang indibidwal ang tulungan at ipadama sa iba na sila ay bahagi ng ating pagkatao bilang kapuwa tao.
4.
Pananampalataya. Ang pagtitiwala at pagmamahal sa Diyos, na ang lahat ay makakaya at posible. Sa Modyul 12, mapauunlad ang pagkaunawa mo rito at ang kahalagahan nito sa iyong buhay at pagkatao.
5.
Paggalang. Ang paggalang bilang elemento na bumubuo sa kabutihang panlahat, naipakikita kapag ang karapatan ng isang mamamayan ay hindi natatapakan at naisasabuhay ayon sa tamang gamit nito at napangangalagaan ang dignidad niya bilang tao.
6.
Katarungan. Sinesegurado na ang paggalang sa karapatan ng bawat isa ay naisasabuhay, naibibigay sa isang tao kung ano ang para sa kaniya at para sa iba, hindi nagmamalabis o nandaraya sa kapuwa.
7.
Kapayapaan. Ang resulta ng pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan, at kawalan ng kaguluhan. May kapayapaan kapag iginagalang ang bawat indibidwal at umiiral ang katarungan. Ang kapayapaan ay indikasyon ng pagkakaroon ng kabutihang panlahat.
8.
Kaayusan. Ang pagiging organisado ng ideya, salita, kilos na may layuning mapabuti ang ugnayan sa kapuwa. Ang pagiging disiplinado sa lahat ng pagkakataon.
9.
Pagkalinga sa pamilya at salinlahi. Ang pangingibabaw ng papel ng pamilya bilang pangunahing institusyon ng lipunan na siyang tutugon sa pag-unlad na inaasam sa ikabubuti ng lahat. Binibigyang-halaga rito ang kasal bilang pundasyon ng pamilya at kumikilos upang mapangalagaan ang pisikal, moral, ispiritwal, at panlipunang pag-unlad ng bawat miyembro nito lalong-lalo na ang mga bata. Kasama na rito ang pagtuturo sa mga bata ng kultura, paniniwalang kinagisnan na kailangang ipagpatuloy na isabuhay at ang paggalang sa pagkakakilanlan ng bansa.
Y P O C D E P E D
10. Kasipagan. Ang pagiging matiyaga na tapusin ang anumang uri ng gawain nang buong husay at may pagmamahal. Ginagamit ang talento at kahusayan sa pamamaraang nakatutulong sa kapuwa nang buong kagalakan. 11. Pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran. Ang pagsasabuhay ng responsibilidad bilang tagapangalaga ng kalikasan at ng mga bagay na nilikha ng Diyos laban sa anumang uri ng pang-aabuso o pagkawasak. 12. Pagkakaisa. Ang pakikipagtulungan ng bawat indibidwal na mapag-isa ang naisin at saloobin para sa iisang layunin. Ang kaisipang “ikaw, ako, sila, tayo ay magkasama sa pag-unlad bilang isa” ay tanda ng pagiging mabuting mamamayan. 199
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
13. Kabayanihan. Sinasagot nito ang tanong na: Ano ang magagawa ko para sa bayan at sa kapuwa ko? 14. Kalayaan. Ang pagiging malaya na gumawa ng mabuti, mga katanggap-tanggap na kilos na ayon sa batas na ipinapatupad bilang pagsasabuhay ng tungkulin ng isang taong may dignidad. 15. Pagsunod sa batas. Ang pagkilala, paghihikayat, at pakikibahagi sa pagsasabuhay ng mga ipinasang batas na mangangalaga sa karapatan ng bawat mamamayan. Isa ito sa mga sa pangunahing susi sa pag-unlad ng bansa bilang pagsasabuhay ng makataong lipunan.
Y P O C D E P E D
16. Pagsusulong ng kabutihang panlahat. Ang sama-samang pagkilos upang mahikayat ang lahat na lumahok sa mga pagkakataong kinakailangan para sa ikabubuti hindi lamang ng sarili, pamilya kundi ng lahat. Narito ang talahanayan ng mga pagpapahalagang ito batay sa pitong dimensiyon ng tao na nakalahad sa Batayang Konseptuwal ng Edukasyon sa Pagpapakatao. Dimensiyon ng tao
Mga pagpapahalaga na nagpapakita ng pagmamahal sa bayan mula sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas
1. Pangkatawan
Pagpapahalaga sa buhay
2. Pangkaisipan
Katotohanan
3. Moral
Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapuwa
4. Ispiritwal
Pananampalataya
5. Panlipunan
6. Pang-ekonomiya 7. Pampolitikal
8. Lahat ng dimensiyon
Paggalang, katarungan, kapayapaan, kaayusan, at pagkalinga sa pamilya at salinlahi
Kasipagan, pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran
Pagkakaisa, kabayanihan, kalayaan, at pagsunod sa batas
Pagsusulong ng kabutihang panlahat
Ang mga kaalamang ito ay pinatunayan ng pahayag ni San Juan Pablo XXIII (1818-1963), “Ang dignidad ng persona ng tao ay kasama sa kaniyang karapatan na maging bahagi sa aktibong pakikilahok sa lipunan upang makapag-ambag sa kabutihang panlahat.” Ang isang mamamayang may pagmamahal sa bayan ay nauunawaan ang pangangailangang maglingkod sa bayan at sa kapuwa. Alam niya kung kailan siya kikilos dahil sa angking karunungan. Ibibigay ang nararapat para sa iba, kokontrolin 200 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
ang sarili lalo na sa mga sitwasyong siya lamang ang makikinabang at hindi ang lahat. Ang paggawa ng paghuhusga ay dumaraan sa isang prosesong magdidikta upang gawin ang mabuti para sa kabutihan ng lahat. Alin sa mga pagpapahalagang nabanggit ang kailangan mo pang linangin sa iyong sarili? Ano-anong mga kilos ang iyong gagawin bilang pagsasabuhay ng mga pagpapahalagang ito? Paano mo maiimpluwensiyahan ang katulad mong mag-aaral upang linangin at isabuhay ang mga pagpapahalagang ito?
Y P O C D E P E D Mga Angkop na Kilos na Nagpapamalas ng Pagmamahal sa Bayan May magagawa ang isang mamamayan upang mabigyan ng solusyon ang mga problemang kinakaharap ng bayan. Mulat ka na sa katotohanang kabahagi sa pagbabagong kailangan ang mga kabataan. Bukod sa mga tungkulin na dapat isabuhay bilang isang Pilipino at mamamayan ng ating bansa na nakasaad sa Konstitusyon, may mga simpleng bagay na maaaring isabuhay upang makatulong sa bansa ayon kay Alex Lacson:
a. Mag-aral nang mabuti . Ang isang taong may pinag-aralan hindi kailanman magiisip na gumawa ng anumang paglabag sa mga batas na ipinapatupad ng kaniyang bansa, bagkus ang kaniyang natutuhan sa pag-aaral ay gagawin niyang paraan upang mahanapan ng solusyon at tulungan ang bansa sa problemang kinakaharap at haharapin nito. Ang kaniyang natutuhan ay gagamitin upang tulungan ang nangangailangan, ipakita at ipadama sa iba na hindi nag-iisa sa kanilang pag-iisa at pangangailangan ng tulong. Kaisa sila sa pag-unlad ng lahat bilang mamamayang ginagamit ang pinag-aralan sa kapakinabangan ng lahat.
b. Huwag magpapahuli, ang oras ay mahalaga. Ang puwedeng maging susi upang maging positibo ang ibig sabihin ng Filipino Time, ang pagiging huli sa mga pagtitipon, programa, at ilan pang gawain ay hindi nakatutulong sa pagsulong ng anumang grupo, organisasyon at sa kabuuan ng bansa. Ang pagpasa ng RA 10535 o mas kilala bilang Philippine Standard Time ay makatutulong upang ang bawat Pilipino ay magkaroon ng tamang oras na susundan. May batas o wala, kailangang gamitin ang oras ng tama, kailangang isulong ang kultura nang pagiging maagap (culture of punctuality ). c. Pumila nang maayos. Unahan sa pila, gitgitan sa kalsada na kung minsan, dahilan ng pagtatalo na nauuwi sa aksidente, away, bugbugan hanggang sa patayan. Sabi nga lagi, “Disiplina lang pakiusap.” Mababaw kung tutuusin pero kailangan. 201
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
d.
Awitin ang Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad. Kung may simpleng bagay na maaaring gawin ang isang mamamayan para sa kaniyang bayan, ito ay ang igalang ang kaniyang pagkakakilanlan, pangunahin na rito ang pambansang awit. Awitin ito ng buong puso at may paggalang.
e.
Maging totoo at tapat, huwag mangopya o magpakopya. Isa sa pangunahing problema ng bansa sa kasalukuyan ay ang kawalan ng katapatan lalo ang iilang nasa pamahalaan, ang mga tao na inaasahan na mangangalaga sa karapatan ng mamamayan. Ang katapatan ay unang itinuturo sa bahay, at pinauunlad at pinalalawak ito sa paaralan at isinasabuhay sa lipunang kinabibilangan. Ang pangongopya o pagpapakopya na kadalasang ginagawa ng isang mag-aaral ay hindi makatutulong upang maging matapat at totoo sa lahat ng panahon at pagkakataon.
f.
g.
h.
i.
j.
k.
Y P O C D E P E D
Magtipid ng tubig, magtanim ng puno, at huwag magtapon ng basura kahit saan. Ang solusyon sa lumalalang problema ng bansa o ng mundo sa kapaligiran ay nasa kamay ng mamamayan at ito ay ang responsableng paggamit ng pinagkukunang yaman nito, kasama na rito ng pagtitipid sa tubig, koryente, pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno at tamang pagtatapon ng basura. Iwasan ang anumang gawain na hindi nakatutulong. Ang kalusugan ng tao ay yaman ng bansa, ang mga gawaing gaya ng pag-inom, paninigarilyo, pagsusugal, at ang labis na pagkahilig sa paglalaro sa kompiyuter ay tuwirang hindi makatutulong sa sarili at sa kabuuan sa pag-unlad ng bansa. Bumili ng produktong sariling atin, huwag peke o smuggled. Ang pagtangkilik sa produkto ng bansa ay hindi pagiging makasarili, paraan ito upang lalo pang matulungang mapalago at maiangat ang ekonomiya ng bansa, na sa huli ay ang mamamayan makikinabang nito. Ang produktong masasabing tunay na gawang Pilipino ay likas na matibay, maganda, at maayos ang pagkakagawa kaysa sa ibang bansa.
Kung puwede nang bumoto, isagawa ito nang tama. Ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng pagpili ng tamang pinuno na kakatawan sa mga bagay na nais mangyari sa lipunang ginagalawan. Ang boto ay hindi ibebenta o ipagpapalit sa kung anong pabor o materyal na bagay. Alagaan at igalang ang nakatatanda. Ipagpatuloy ang kagandahang-asal na pagmamano at pagsasabi ng “po” at “opo.” Ang pangangalaga sa nakatatanda ay isang pananagutan. Ang pananagutang ito ay maisasabuhay sa pamamagitan ng pagbibigay-galang sa nakatatanda, bahagi man ng pamilya o hindi. Isama sa panalangin ang bansa at ang kapuwa mamamayan. Ang kapangyarihan ng Diyos ay hindi matatawaran kailanman, ang pagtawag sa Kaniya, paghingi ng patnubay ay mahalaga sa pagsasakatuparan ng mithiin 202
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
sa buhay. Napakalaking bagay para sa bansa at kapuwa mamamayan kung lagi silang isasama ito sa panalangin. Sabi nga nila, pakikinggan at hindi pababayaan ng Diyos ang pamayanang nagkakaisa sa pananampalataya at paggawa para sa kabutihan ng lahat. Bukod sa mga nabanggit, malaking tulong din ang pagkakaroon ng tamang pag-uugali at kritikal na pag-iisip. Ang isang taong may tamang pag-uugali ay gagawa ng paraan upang may maitulong. Gagawin niya kung ano ang sa palagay niya ang makabubuti at pag-aaralan kung ano ang dahilan o sanhi kung bakit ang isang problema ay nangyayari. Sa ganitong paraan nagagamit niya ang kaniyang kritikal na pag-iisip na karaniwang nakakalimutan ng nakararami. Marahil, sasagi ito sa iyong isip: Paano ang mga ibang Pilipino na nangibangbansa upang doon magtrabaho at hindi rito sa bansa lalo na ang mga nagpasiyang manirahan at piliing matawag na mamamayan na ng ibang bansa ( citizen)?
Y P O C D E P E D Pag-isipan:
1. Ang aksiyon ba na kanilang ginawa ay lihis o di ayon sa pagiging makabayan?
2. Alin sa mga nabanggit ang naisagawa mo na? Paano mo gagawing instrumento ang iyong sarili upang maging kaisa ang iyong kapuwa kabataan na isabuhay ang mga kilos na ito?
Mga Paglabag sa Pagsasabuhay ng Pagmamahal sa Bayan Balikan natin ang awiting “Ako’y Mabuting Pilipino.” Tugma ba ang mensahe nito sa pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan? Kung ang sumusunod na tanong ay bahagi ng pagsusulit, maipapasa mo kaya ito o may masasagot ka ba sa mga ito?
1. Kung ang mahalaga lang sa iyo ay ang iyong pamilya at hindi ang iyong kapuwa: Masaya ka ba? Matututo ka ba? Uunlad ka ba? Magiging ganap ka ba? Kaya mo ba, kung ikaw o kayo lang? 2. Nag-aral ka ba nang mabuti? Naisagawa mo ba ang trabahong nakaatang sa iyo? Kung ikaw ay nasa ibang bansa, anong kilos ang naisagawa mo na upang masabing ipinagmamalaki kang mamamayan ng bansa? Ilang beses mo na bang ipinahiya ang bansa sa iyong mga makasariling mithiin? Ilang beses mo na bang ikinahiya o itinagong ikaw ay Pilipino? 203
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
3. Bakit ayaw mong tumulong sa iba? Bakit ayaw mong sumunod sa kanila bilang iyong pinuno? Bakit ayaw mong makilahok at makialam sa mga pagkakataong kailangan ka? Bakit nagkikibit-balikat ka lang? 4. May nakita kang nangyaring krimen, sasabihin mo ba ang nakita mo kahit na may banta sa iyong buhay? 5. Ano na ang nagawa mo para sa bansa? Ilang pirasong pinagbalatan na ng candy ang iyong pasimpleng itinapon sa kung saan-saan? Ilang pampublikong pag-aari na ba ang iyong sinulatan na kahit walang pahintulot ( Vandalism)? Kailan ka pa naging miyembro ng demolition team ng inyong munisipalidad upang sirain at wasakin ang mga ari-ariang mula sa buwis ng taong bayan? May pagkakataon na ba, na naging inspirasyon ka sa iba upang gumawa ng tama at mabuti?
Y P O C D E P E D
6. Kailan ka huling nagdasal? Ipinagdasal mo ba ang buong miyembro ng pamilya? Ang iyong kapitbahay? Ang iyong kaibigan? Ang iyong kaaway? At higit sa lahat, ang iyong bayan? Naisasabuhay mo ba nang tama ang iyong pagganap bilang mananampalataya? Ano kaya ang naging marka mo? Napapanahon ba na iparinig sa iyo o sa lahat ng Pilipino ang awiting “Ako’y isang Mabuting Pilipino”? Ang pagiging Pilipino ay isang biyaya, hindi ito aksidente, nakaplano ito ayon sa kagustuhan ng Diyos bilang isang indibidiwal na sumasakatawang diwa. Maisasakatuparan ito at magiging bahagi ng kasaysayan kung magkakaisa tayo bilang mamamayang may pagmamahal sa bayan.
Sa mga kaisipang nabanggit, tiyak akong naintindihan mo na kung paano ipamamalas ang pagmamahal sa bayan. Napakasimple lang, di ba? Dahil ikaw at ako ay Pilipinong nagmamahal sa bayan at may mga pagpapahalagang nagaambag sa pag-angat ng kulturang Pilipino para sa kaunlaran ng bansa. Handa ka na bang isabuhay ito? Tayahin ang Iyong Pag-unawa
Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong naunawaan, sagutin mo ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno: 1. Ano-anong kaalaman ang nahinuha mo sa sanaysay na binasa? Isa-isahin at ipaliwanag ang mga ito.
2. Bakit mahalaga na isabuhay ang mga pagpapahalagang itinataguyod ng bansa? Ipaliwanag. 3. Ano-anong kakayahang mayroon ka upang maisabuhay ang mga pagpapahalagang ito? Patunayan. 4. Makatutulong ba ang kaalamang iyong binasa sa pagkakamit ng kabutihang panlahat? Ipaliwanag. 204 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Paghinuha ng Batayang Konsepto Panuto: Anong mahalagang konsepto ang nahinuha mo mula sa nagdaang gawain at babasahin. Puwede mo itong gawin o sagutin sa pamamagitan ng paglikha ng concept web. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Y P O C D E P E D Ang Pagmamahal sa Bayan
Pag-uugnay ng batayang konsepto sa pag-unlad ko bilang tao
1. Ano ang kabuluhan ng batayang konsepto sa aking pag-unlad bilang tao? 2. Ano ang maaaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto sa modyul na ito?
205 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
E. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO Pagganap Gawain 5 Panuto: Pag-aralan ang mga sumusunod at isulat sa inyong dyornal ang naging realisasyon o pag-unawa: 1. Makipag-ugnayan sa guro at sa punong-guro upang maisagawa ang gawain.
Y P O C D E P E D
2. Hanapan ng tamang lugar para ipaskil ang isang manila paper na may nakasulat na “Ako’y Mabuting Pilipino _______________.” 3. Hayaan itong sulatan ng mga kapuwa mag-aaral o kahit na ang lahat ng nakakita rito.
4. Matapos ang isang linggo, kunin ang ipinaskil na manila paper . Bilangin at piliin ang pinakamaraming magkakaparehong sagot at isulat muli sa isang manila paper . Sa pinakaibaba ng manila paper , ilagay ang panuto na: Kaya mo bang isabuhay ang mga ito? Kung kaya mo, isulat ang pangalan at manumpa ng pagiging makabayan. 5. Iulat sa klase ang naging resulta ng ginawang gawain.
Pagninilay Gawain 6
Panuto: Gumawa ng isang liham ng pasasalamat sa Diyos sa mga biyayang ipinagkaloob Niya bilang isang mamamayang Pilipinong may pagmamahal sa bayan. Makipag-ugnayan sa iyong guro o sa mga mag-aaral na nakatalagang manguna sa pagtataas ng bandila, kung puwede mo o nilang basahin ang liham ng pasasalamat na iyong ginawa.
Pagsasabuhay Gawain 7
Panuto: Bumuo o gumawa ng mga angkop na kilos sa inyong pamayanan o baranggay bilang pagpapamalas ng pagmamahal sa (Halimbawa ang pagpapaskil ng mga tarpaulin na may impormasyong kung saan hango ang pangalan ng barangay at iba pang kaalaman na di alam ng iyong mga kabaranggay). Sa pagsasagawa ng mga ito, kailangan ang patunay gaya ng larawan, mga dokumento, o kaya video.
206 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Mas magiging madali at maayos ang pagsasabuhay nito kung may kasama kang magboluntaryong isagawa ang mga ito. Gawain 8 Panuto: Hahatiin ang klase sa tatlong grupo. Ang bawat grupo ay gagawa ng isang infomercial bilang paraan ng tamang pagsasabuhay ng pagmamahal sa bayan.
Y P O C D E P E D 1. Isaalang-alang ang sumusunod:
a. Kultura. Ipakita sa gagawing infomercial ang mayamang kultura ng barangay, munisipalidad, lalawigan, o ng bansa. b. Wika. Ang wikang gagamitin ay Filipino, maaari rin itong lagyan ng subtitle para kung ang manonood nito ay banyaga para maiintindihan nila. c. Kasaysayan ng bansa. Maaaring lagyan ito ng kuwento na may kaugnayan sa kasaysayan ng bansa. d. Sining at Kakayahan. Ang magiging awitin o background ng infomercial ay mula sa awiting ginawa. Mas maganda kung ito ay may isahang pag-awit, grupo, o maaari din ang paraang pa- rap. e. Iangkla ito sa kampanya ng pamahalaan na “It’s More Fun in the Philippines.” f. Makipag-ugnayan sa iyong guro sa asignaturang kompiyuter para sa editing nito at kung paano ito i-upload sa youtube o facebook .
O, kumusta? Nagawa mo ba nang maayos ang mga gawain? Kung oo, magpunta ka na sa susunod na Modyul. Kung hindi, balikan mo ang mga gawain sa modyul na ito. Hingin ang tulong o paggabay ng iyong magulang o kamag-aral.
207 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Mga kakailanganing kagamitan (websites, software, mga aklat, worksheet) Mga sanggunian: Agapay, Ramon B. (1991). Ethics and the Filipino: A Manual on Morals for Students and Education. Mandaluyong City: National Bookstore Isaacs, David (2001). Character Building: A Guide for Parents and Teachers. Scotland: Omnia Books Ltd, Glasgow
Y P O C D E P E D
Lacson, Alexander. 12 Little Things Our Youth Can Do to Help Our Country. Quezon City: Alay Pinoy Publishing House Salvana, Josena A. (2012). Building Our Nation from the Heart. Quezon City: Center for Leadership, Citizenship and Democracy - NCPAG University of the Philippines Diliman Department of Education, Culture and Sports and United Nations Educational Scientic and Cultural Organization: Values Education for the Filipino. 1997 Revised Version of DECS Values Education Program. Pasig Dy, Manuel Jr. B. (2013). Ang Pagtuturo ng Pilisopiya sa K to 12 – Edukasyon sa Pagpapakatao. Kaisipan. El Bulakeño Printing House. Malolos, Bulacan Mahaguay, Jerwin M. (2013). Nasyonalismo: Lakas ng Edukasyong Pilipino . El Bulakeño Printing House. Malolos, Bulacan Mula sa Internet
le:///C:/Users/user/Downloads/11-46-1-PB.pdf retrieved on November 18, 2014
208 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Ikatlong Markahan
MODYUL 11: PANGANGALAGA SA KALIKASAN A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO?
“Wala ka bang napapansin sa iyong kapaligiran?” Pamilyar sa iyo ang linyang ito ng isang awit, hindi ba? Usong-uso ito noon at patuloy na binabalik-balikan dahil sa kahulugan nito na magpahanggang ngayon ay masasabing totoo pa rin. Ano nga ba ang napapansin mo sa iyong kapaligiran o kaya ay sa kalikasan? May mga pagbabago ba? Ano-anong mga pagbabago ang napapansin mo?
Y P O C D E P E D
Tama. Marami tayong nakikitang nangyayari ngayon sa ating kapaligiran at kalikasan. Nakararanas tayo ng matinding tag-init, mga pag-ulang nauuwi sa pagbabaha, malalakas na bagyo, at kung ano-ano pa. Kadalasan, nauuwi ito sa pagkasira ng mga ari-arian at ng pagkitil sa buhay. Minsan, hindi natin maiwasang magtanong, “Ano nga ba itong mga nangyayari sa atin?” Galit na ba sa atin ang Inang Kalikasan? Sa modyul na ito, inaasahang maunawaan mo kung ano ang maaaring gawin o gampanin ng tulad mo upang makaiwas sa ganitong mga pangyayari. Sa gitna ng mga pangyayaring nauukol sa kalikasan at kalamidad na ating nararanasan, mahalagang masagot mo ang mahalagang tanong na: Bakit kailangang pangalagaan ang kalikasan? Inaasahan din na maipamamalas mo sa modyul na ito ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa: 11.1 11.2 11.3 11.4
Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan Natutukoy ang mga paglabag sa pangangalaga sa kalikasan na umiiral sa lipunan Naipapaliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipamalas ang pangangalaga sa kalikasan
209 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa kakayahang pampagkatuto 11.4: a. b. c. d.
Naipaliwanag ang kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan. Natukoy ang mga kasanayan sa pangangalaga sa kalikasan. Naitala ang mga kailangang hakbang upang mapangalagaan ang kalikasan. May kalakip na pagninilay.
Paunang Pagtataya
Y P O C D E P E D
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ang titik ng iyong napiling sagot sa iyong kuwaderno. 1. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit kailangan ng tao na pangalagaan ang kalikasan? a. Sa kalikasan nanggagaling ang mga materyal na bagay na bumubuhay sa kaniya. b. Responsibilidad itong ipinagkatiwala sa kaniya na dapat niyang gampanan. c. Ang kalikasan ay kakambal ng kaniyang pagkatao; ito ang bubuhay sa kaniya at bilang kapalit, kailangan niya itong alagaan at pahalagahan. d. Sa kalikasan nakadepende ang hinaharap ng tao dahil sa biyayang taglay nito. 2. Paano ipinapakita ng tao na pinahahalagahan niya ang kalikasan sa mga bagay na kaniyang ginagawa? a. Nagpapatupad ng mga batas na ayon sa pangangailangan ng kalikasan na ipinagkatiwala sa kaniya. b. Ginagawa ang tungkulin bilang isang mamamayang tagapangalaga ng kalikasan kahit na ito ay mapag-iwanan ng pag-unlad at panahon. c. Gumagawa ng mga paraan upang matulungan ang sarili at ang kaniyang kapuwa na maiwasan ang pagkawasak ng kalikasan sa pagtamo ng kaunlaran. d. Nakikiisa sa mga programang nagsusulong ng industriyalisasyon gaya ng road widening at earth balling . 3. Ano ang maaaring epekto ng global warming ? a. Unti-unting mababawasan ang bilang ng tao dahil sa gutom at mga trahedyang mangyayari. b. Matutunaw ang mga yelo, lalawak ang dagat at magkakaroon ng malawakang pagbaha. c. Unti-unting mararamdaman ng tao ang pag-iiba ng klima na maaaring magdulot ng pinsala sa buhay at ari-arian. d. Magiging madalas ang pag-ulan, pagguho ng lupa at pag-init ng panahon.
210 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
4. Paano mo isasagawa ang programang magsusulong ng pangangalaga ng kalikasan? a. Ipapatupad ang batas sa pamamagitan ng dagdag na multa sa bawat paglabag. b. Hihikayatin ang bawat indibidwal na magtanim at makiisa sa isang gawaing makakalikasan. c. Magkaroon ng takot sa batas at sa Diyos na nagbigay ng kalikasan. d. Makikipag-ugnayan at gagawa ng isang komprehensibong pag-aaral upang makapagsagawa ng isang gawaing pangkalikasan. 5. Ano ang paraan na maaaring gawin ng isang simpleng mamamayan bilang tagapamahala at tagapangalaga ng kalikasan? a. Magtapon ng basura sa tamang tapunan. b. Magpatupad ng mga batas. c. Magkaroon ng pagkukusa at maging disiplinado. d. Maging mapagmasid at matapang sa pakikipaglaban para sa bayan.
Y P O C D E P E D
6. Ang kalikasan ay tumutukoy sa ________. a. Lahat ng nakapaligid sa atin. b. Lahat ng nilalang na may buhay. c. Lahat ng bagay na nagpapayaman sa tao. d. Lahat ng mga salik na tumutugon sa pangangailangan ng mga nilalang na may buhay. 7. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na gumawa ng isang bagay na makakaya mo para sa kalikasan, alin sa sumusunod ang iyong gagawin? a. Lilinisin ang Ilog Pasig at sasali sa mga proyektong lilikom ng pondo para sa Ilog Pasig. b. Gagawa ng mga programang susundan ng baranggay upang makatulong ng malaki. c. Maging mapanuri at magkukusa sa mga gawaing kailangan ako. d. Magdarasal para sa bayan. 8. Ang pagiging tagapangalaga ng kalikasan ay nangangahulugang ___ a. Paggamit sa kalikasan na naaayon sa sariling kagustuhan. b. Paggamit sa kalikasan ng may pananagutan. c. Paggamit sa kalikasan ng walang pakundangan. d. Paggamit sa kalikasan na hindi isinasaalang-alang ang iba. 9. Ang sumusunod ay maling pagtrato sa kalikasan, maliban sa isa. a. Hindi maayos na pagtatapon ng basura. b. Paghiwa-hiwalay ng basura bilang nabubulok at di nabubulok. c. Pagtatapon ng basura sa mga anyong tubig. d. Pagsusunog ng basura.
10. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng paggamit sa kalikasan bilang isang kasangkapan? a. Pagpuputol ng puno at pagtatanim muli ng mga bagong binhi. b. Paggamit ng lupain na may pagsasaalang-alang sa tunay na layunin nito. c. Malawakang paggamit ng mga kemikal upang makakuha ng maraming ani. d. Pagkamalikhain at responsibilidad sa gagawing pagbabago sa kapaligiran.
211 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN Gawain 1 Panuto: Picture Analysis. Pag-aralan o siyasating mabuti ang mga larawan, pansinin kung ano ang pagkakaiba ng mga ito sa isa’t isa. Itala sa iyong kuwaderno ang mga napansing pagkakaiba ng mga ito.
1.
2.
3.
4.
Y P O C D E P E D 212
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Mga tanong na kailangang sagutin, isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. 1. Naging madali ba para sa iyo na tukuyin ang pagkakaiba ng mga larawan? a. Kung oo, bakit? Ipaliwanag. b. Kung hindi, bakit? Ipaliwanag. 2. Nakikita mo ba sa totoong buhay ang mga larawan na iyong sinusuri? 3. Ano ang iyong naramdaman sa naging resulta ng iyong ginawang pagsusuri? Ipaliwanag. 4. Apektado ba ang isang tulad mo sa naging resulta ng iyong pagsisiyasat? a. Kung oo, sa papaanong paraan? Ipaliwanag. b. Kung hindi, bakit? Ipaliwanag.
Y P O C D E P E D Gawain 2
Panuto: Tukuyin kung alin sa sumusunod ang mga karaniwang paalala na iyong nakikita sa iyong pamayanan o barangay? Isulat ito sa iyong kuwaderno.
Sagutin ang sumusunod na tanong, isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Ano-anong tema o paksa mayroon ang mga paalala? 2. Alin sa mga paalalang ito ang iyong sinusunod/hindi sinusunod? 3. Paano nakatutulong ang mga paalalang ito sa pangangalaga ng kalikasan? Ipaliwanag. 4. Bakit kaya sa kabila ng mga paalalang ito ay patuloy pa rin ang tao sa pagwasak sa kalikasan? Ipaliwanag. 5. Kung ikaw ang bibigyan ng pagkakataon na gumawa ng isang paalala para sa kalikasan, ano ang gagawin mo at paano mo ito ikakampanya?
213 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN, AT PAG-UNAWA Gawain 3 Panuto: Bumuo ng isang pangkat na may 5-8 miyembro. Pumili ng isang isyung pangkalikasan at pag-usapan kung paano kayo tutugon sa pangangailangan ng kalikasan batay sa isyung ito. Maghanda sa paglalahad ayon sa napag-usapan ng pangkat gamit ang isa sa sumusunod na pamamaraan: a. b. c. d. e. f. g.
Y P O C D E P E D
Tula Awit Skit Patalastas, Movie Presentation Pagbabalita Islogan
Sagutin ang sumusunod na katanungan at magtalaga ng mag-uulat upang ibahagi ang sagot ng grupo sa klase. 1. Naging madali ba sa grupo ang sumusunod: a. Ang pag-unawa sa isyu o paksang nakuha? Ipaliwanag. b. Ang pagbuo ng ideya batay sa paksang nakuha? Ipaliwanag. c. Ang pagganap ng bawat kasapi ng grupo sa napiling paraan ng pagsasabuhay nito? Ipaliwanag. 2. Napapanahon ba ang paksang natalakay ng grupo? Ipaliwanag. 3. May magagawa ba ang kabataang tulad mo/ninyo upang maging susi sa problemang kinakaharap ng bansa partikular sa isyung naatas sa grupo? a. Oo, sa papaanong paraan? Ipaliwanag. b. Hindi, bakit? Ipaliwanag. 4. Ano ang iyong naging reyalisasyon matapos maisagawa ang gawain? Gawain 4
Panuto: Basahin at unawain ang liriko ng awit na Kalikasan (song writing composition 2006 – youtube) na isinaayos nina Cesar Nebril Jr. at Necei L. Nebril. Maaari mo itong pakinggan gamit ang CD o MP3, o sa internet sundan ang url na http://www.youtube. com/watch?v=b6357-fsc3g (Retrieved March 2, 2014)
214 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Kalikasan I Masdan mo ang iyong paligid Bawat isa ay nanganganib Sa dalang kapahamakan Na tayo rin ang may lalang
II Paghawan sa kagubatan Paglason sa karagatan Usok na di mapigilan ‘Yan ba’y hakbang sa kaunlaran?
III Kalikasan, laan sa atin ng Maykapal Kalikasan, dulot ay kaginhawahan Pag-ingatan at ating pangalagaan Upang tayo’y mabuhay nang matiwasay
IV Hindi mo ba nakikita At di mo ba nadarama Ganda ng ating kalikasan, Tila ngayo’y naglaho na
V Ano ang iyong itutugon? Paano ka tutulong? Na ang ating kalikasan ay Kagiliwang pagmasdan
VI Kalikasan, laan sa atin ng Maykapal Kalikasan, dulot ay kaginhawahan Pag-ingatan at ating pangalagaan Upang tayo’y mabuhay nang matiwasay
VII Kung tayo ay magkakaisa Buhay nati’y liligaya Paligid ay giginhawa Kalikasan ay sisigla
VIII Kalikasan, laan sa atin ng Maykapal Kalikasan, dulot ay kaginhawahan Pag-ingatan at ating pangalagaan Upang tayo’y mabuhay nang matiwasay
Y P O C D E P E D IX Pag-ingatan at ating pangalagaan Upang tayo’y mabuhay Mahalin ang kalikasan Upang tayo’y mabuhay nang matiwasay
Nasiyahan ka ba sa himig ng awit? Ngayon naman, sagutin mo ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. 1. Ano ang mga mensaheng gustong iparating ng awitin? 2. Napapanahon ba ang mensaheng ito? Pangatuwiranan. 3. Mahirap bang isabuhay ang mensaheng gustong iparating ng awitin? Pangatwiranan. 4. Makatutulong ba ang mensahe ng awitin sa pagsasabuhay ng pangangalaga sa kalikasan? Pangatuwiranan.
215 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D. PAGPAPALALIM
“Lebel ng mga dagat sa mundo, tataas hanggang tatlong talampakan sa 2100, ang pagtaas ng temperature ay bumagal simula pa noong 1998, patuloy na pag-init ay magpapatuloy kahit binawasan na ang paggamit ng mga fossil fuels.
Y P O C D E P E D (United Nations’ Intergovernmental Panel on Climate Change, Agosto,
2013.)
Nagulat ka ba sa ulat? Ano ba ang mga dahilan kung bakit ang mga ito ay nagaganap? Sino ba ang may kagagawan sa ganitong mga pangyayari?
Pamilyar ka ba sa kuwento ng paglikha o paglalang? Marahil ay oo o hindi. Balikan natin ang kuwento ng paglikha at iugnay sa mga pangyayaring nakita, narinig o nabasa natin kanina. Ayon sa Aklat ng Genesis, kabanata 1, talatang 27 – 31, nilalang ng Diyos ang tao ayon sa Kaniyang sariling larawan bilang lalaki at babae. Binasbasan sila ng Diyos at binigyan ng tagubilin na magparami. Kaakibat ng pagbabasbas na ito ay ang utos na punuin ang daigdig at magkaroon ng kapangyarihan dito lalo na sa lahat ng Kaniyang nilalang.
Samakatuwid, sa kuwento ng paglikha ay TANDAAN ipinagkaloob ng Diyos sa tao ang kapangyarihan Ipinagkaloob ng Diyos sa na pangalagaan ang kalikasan na Kaniyang tao ang kapangyarihan na nilikha. Ipinagkatiwala ng Diyos ang lahat niyang pangalagaan ang kalikasan nilikha sa tao na Kaniya ring namang nilalang na kaniyang nilikha. bilang pinakamataas na uri sa lahat ng kaniyang mga nilikha. Ang pagtitiwalang ito ay isang patunay na minamahal tayo ng Diyos kung kaya’t ibinigay Niya sa atin ang kalikasan. Ano ba ang kalikasan? Ano ang kahalagahan nito sa atin bilang tao? Ang kalikasan ay tumutukoy sa lahat ng nakapaligid sa atin na maaaring may buhay o wala. Ito ay kinabibilangan ng mga puno’t halaman, at lahat ng iba’t ibang uri ng hayop mula sa maliit hanggang sa malaki. Maituturing ding bahagi ng kalikasan ang lahat ng salik na siyang nagbibigay-daan o tumutugon sa mga pangangailangan ng mga nilalang na may buhay upang ipagpatuloy ang kanilang buhay. Kabilang dito ang hangin, lupa, tubig, at iba pang mga anyo nito. May buhay man o wala, kapag sumusuporta sa pagpapatuloy ng buhay ng mga nabubuhay na nilalang ay maituturing 216 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
na bahagi ng kalikasan. Ang kalikasan ay kaloob sa atin ng Diyos upang tayo ay patuloy na mabuhay. Samakatuwid, tayo ay binubuhay ng kalikasan. Dahil dito, kung kaya’t binigyan Niya tayong lahat ng tungkulin at pananagutang ito’y ating igalang at pangalagaan. Sabi nga sa Compendium on the Social Tayo ay binubuhay ng kalikasan. Doctrine of the Church, sa bahaging may kaugnayan sa kalikasan, ang ugnayan natin o kaya’y tungkulin sa kalikasan ay makikita sa kung ano ang ugnayan natin sa ating kapuwa at sa Diyos. Subalit sa pagdaan ng mga panahon, mukhang nag-iba ang pagtingin at pagtrato ng mga tao sa kahalagahan ng kalikasan. Ang tao ay nagpatuloy sa walang habas na paninira sa pag-aakalang siya ay may karapatan sa kalikasan. Minaltrato ng tao ang kalikasan. Ginawa niyang sentro ang kaniyang sarili sa lahat ng nilikha ng Diyos. Dahil sa pananaw na ito kaya inabuso niya ang kalikasan.
Y P O C D E P E D
Ano-ano bang pang-aabuso ang nagawa ng tao sa kalikasan? Ano-anong paglabag sa pangangalaga sa kalikasan ang isinagawa at patuloy na isinasagawa ng tao na nagbunga ng unti-unting pagkasira ng kalikasan?
Mga Maling Pagtrato sa Kalikasan
Kung mapapansin natin ang kasalukuyang panahon, may pagkakaiba ba ito sa nakaraan? Marahil, pareho ang magiging sagot natin, Oo, napakalaki ng pagkakaiba. Napakainit ng panahon, hindi na mawari kung kailan ang tag-init at tag-ulan, kabikabila ang mga trahedyang hindi inaasahang mangyayari, mula sa di-inaasahang pagputok ng bulkan (Mt. Pinatubo, taong 1991), sa mga biglaang pagguho ng lupa (St. Bernard, Leyte 2006), mga pagbaha maging sa sentro ng bansa (Ondoy 2009), ang paglamon ng karagatan sa mga dalampasigan at kalupaan (Yolanda 2013), at iba pang mga pangyayari na kumitil ng maraming buhay ng tao at pagkawasak ng ariarian. Naitanong mo na ba kung bakit may mga nakagugulat na pangyayaring ganito ngayong mga panahon?
217 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ano kaya ang dahilan ng mga nakagugulat na pangyayaring ito? Anong mga gawain kaya ang nagawa ng tao upang ang mga ito ay maganap? Sa karamihan ng mga trahedyang pangkalikasan, malinaw na may kinalaman ang mga gawain ng tao. Maraming mga pagmaltrato at paglabag ang ginagawa ng tao na tuwirang taliwas sa pangangalaga sa kalikasan. Isa-isahin natin ang mga ito at pagkatapos ay suriin mo ang iyong sarili kung kabilang ka sa mga kabataan na gumagawa rin ng mga ito.
Y P O C D E P E D
1. Maling Pagtatapon ng basura. Dahilan sa komersiyalismo at konsiyumerismo, nagkaroon ang tao ng maraming bagay na nagiging patapon o hindi na maaaring magamit. Resulta? Walang habas ang ginawang pagtatapon ng basura kung saansaang lugar na lamang. Ang bawat bagay na maituturing na wala nang gamit ay ikinokonsiderang wala nang halaga kung kaya’t kadalasan itinatapon na lamang ito. Dahil sa walang habas na pagtatapon ng basura, nagbabara ang mga daanan ng tubig, kung kaya’t kapag dumating ang malakas na ulan, di maiiwasan ang pagbaha. Dagdag pa rito ang paglaganap ng mga sakit. Ito ay sa dahilang naging ugali na rin ng tao ang hindi tamang pagtapon ng mga maruruming basura o kalat na pinamumugaran ng mga insekto at mga mikrobyong nagdadala ng sakit. Sa walang habas na pagtatapon ng basura, ginagawa natin ang mundo bilang isang malaking basurahan. Kung saan-saan na lamang ito itinatapon na nakapagdudulot sa atin at sa ating kapaligiran ng malaking suliranin. Maraming bahagi ng kalikasan ang naaapektuhan dahil sa maling pagtapon ng basura. Ang mga anyong tubig na sumusuporta sa buhay ay unti-unting nasisira at dumurumi kung kaya’t ang layunin nitong magamit para ipagpatuloy ang buhay, hindi na minsan nasusuportahan. Dahil sa maling pagtapon ng basura, maraming mga bahagi ng kalikasan ay unti-unting nawawalan ng saysay. Ikaw, paano mo itinatapon ang iyong mga basura? Saan mo ito itinatapon? Maayos ba ang pagtatapong isinasagawa mo? 2. Iligal na pagputol ng mga puno. Ang mga puno at iba pang halaman ang siyang tagapagbigay sa atin ng napakahalagang hangin na ating hinihinga upang mabuhay tayo at iba pang mga hayop. Bukod pa rito, ang kanilang mga ugat ay itinuturing na tagapagdala at tagapag-ipon ng underground water na siyang pinagmumulan ng malinis na inuming tubig na atin ding kailangan upang mabuhay. Kapag ang mga punong ito na may mahalagang papel na ginagampanan sa siklo ng materyal (cycle of materials) sa ating kapaligiran 218 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
ay nawala o kaya’y maubos, tiyak ang pagkakaroon nito ng malawakang epekto sa mundo. Ang patuloy na pagputol ng mga puno lalo na iyong mga walang permiso o iligal ay may malaking epekto sa ating kapaligiran at kalikasan. Ang kadalasang pagulan na nagdudulot ng mga pagbaha ay bunga ng walang habas na pagputol ng mga puno at hindi pagpapalit ng bagong halaman sa mga naputol ng puno. Wala na kasi ang mga malalaking ugat na sumisipsip ng tubig. Gayundin naman, sa mga buwan ng tag-init ay nagkukulang ang supply ng tubig. Kadalasan ito rin ay nauuwi sa pagbitak ng mga lupa na nagiging sanhi upang ang mga pananim ay matuyo.
Y P O C D E P E D 3. Polusyon sa hangin, tubig, at lupa. Ang dalawang suliraning nabanggit sa itaas ay nagdudulot ng polusyon. Ang hangin na ating nilalanghap, ang tubig na iniinom at kailangan sa kalinisan at ang lupang sumusuporta sa mga halaman ay unti-unting dumurumi dahil na rin sa maling gawain ng mga tao. Ito ay ang malawakang polusyon na siyang nagpabago sa kondisyon ng hangin, tubig, at lupa na kailangan ng tao upang mabuhay.
Karaniwang nagdudulot ng mga karamdaman ang polusyon tulad ng respiratory diseases, sakit sa digestive tract , sakit sa balat, at marami pang iba. Kapag ang mga ito ay hindi naagapan, maaaring maging sanhi ng kamatayan lalo na kapag marumi na ang hanging nilalanghap. 4. Pagkaubos ng mga natatanging species ng hayop at halaman sa kagubatan. Ang Pilipinas ay napagkalooban ng Diyos ng isang napakagandang kagubatang tropikal. Dito makikita ang iba’t ibang uri ng mga halaman at mga hayop na ang iba ay dito lang talaga makikita. Mapalad tayong mabigyan ng ganitong kaloob ngunit sa panahon ngayon, ang diversity na ito ay unti-unting nauubos. Maraming uri ng mga hayop at halaman ang unti-unting nawawala at namamatay dahil sa malawakang pag-abuso ng tao rito. Maraming uri ng hayop at halaman ang nagiging threatened , endangered, at ang pinakamalala sa lahat ay ang kanilang extinction. Dahil dito, ang balanse ng kalikasan ( balance of nature) ay unti-unti na ring nawawala. Maraming uri ng mga hayop at halaman na may mahalagang papel na ginagampanan lalo sa pagkontrol ng iba pang uri ng hayop at halaman ang unti-unti nang nawawala o nagiging extinct na.
219 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
5. Malabis at mapanirang pangingisda. Ang Pilipinas ay nabiyayaan din ng mayamang karagatan at iba pang anyong tubig. Iba’t ibang uri ng isda ang naninirahan dito kung kaya nga’t maraming lugar dito sa atin ang umaasa sa pangingisda bilang kanilang ikinabubuhay. Subalit ang yamang dagat na ito ay unti-unti na ring nauubos dahil sa hindi matigil na cyanide shing, dynamite shing, at sistemang muro-ami na pumipinsala hindi lamang sa mga isda kundi maging sa kanilang natural habitat o tirahan.
Y P O C D E P E D
Ang malabis at mapanirang pangingisda ay nagbubunga ng pagkawala ng mga likas na yamang kailangan ng mga tao para sa kanilang ikinabubuhay. 6. Ang pagko-convert ng mga lupang sakahan, iligal na pagmimina, at quarrying. Bakit nagkakaroon ng kakulangan sa suplay ng bigas, asukal, at iba pang produktong mula sa mga magsasaka na ayon sa pangangailangan ng tao? Dahil sa hindi na mabilang na mga lupang sakahan ang hindi na tinatamnan dahil ginawa ng subdivision, golf courses, mga hotel , expressways, at iba pa. Bakit nasisira ang mga ilog, bakit bumababaw ang dagat, bakit nagkakaroon ng pagguho? Ito ay dahil sa maling sistema na patagong ginagawa ng mga kompanyang tulad ng pagpapasabog ng mga bundok upang makakuha ng marmol, ang paghuhukay sa mga dalampasigan upang makakuha ng black sand , ang pagtatapon ng mga debris ng mga pabrikang nagpoproseso ng ginto, nikel, at mga yamang mineral sa mga yamang tubig ng bansa.
7. Global warming at climate change. Ang malawakang pag-iiba-iba ng mga salik na nakaaapekto sa panahon na nagdudulot nang matinding pagbabago sa pangmatagalang sistema ng klima ay ang tinatawag na climate change. Ang patuloy naman na pagtaas ng temperatura bunga ng pagdami ng tinatawag na green house gases lalo na ng carbon dioxide sa ating atmospera ay tinatawag na global warming . Ang global warming ay nagdudulot ng climate change. Ito ay sa paraang patuloy na pag-iinit ng panahon na nakaaapekto sa kondisyon hindi lamang ng atmospera kundi gayundin sa mga glacier at iceberg na lumulutang sa mga dagat ng mundo. Dahil sa matinding init, unti-unting nalulusaw ang mga glacier at iceberg na nauuwi sa pagtaas ng lebel ng tubig sa dagat, mga pagbaha, at matinding pag-ulan. Ang global warming naman ay nagdudulot ng mahahabang tag-init na nauuwi sa malawakang tagtuyot o El Nino o kaya naman ay malawakan at matagal na pag-ulan o La Nina. 220 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
8. Komersiyalismo at urbanisasyon. Ang komersiyalismo ay tumutukoy sa paguugali ng tao at mga kilos na nagpapakita nang labis na pagpapahalaga na kumita ng pera o kaya ay pagmamahal sa mga materyal na bagay sa halip na ibang mga pagpapahalaga. Ang urbanisasyon naman ay ang patuloy na pag-unlad ng mga bayan na maisasalarawan ng pagpapatayo ng mga gusali tulad ng mga mall at condominium units. Ang dalawang ito ay maaaring iugnay sa konsyumerismo na isang paniniwala na mabuti para sa tao ang gumasta nang gumasta para sa mga materyal na bagay at serbisyo. Dahil sa mga paniniwalang ito, nawala sa isipan ng tao ang pangalagaan ang kanilang kapaligiran. Sa pagdami ng mga ninanais ng tao lalo na tungkol sa mga materyal na bagay, nakalimutan na niyang naapektuhan ang kaniyang kapaligiran at kalikasan.
Y P O C D E P E D
Nakita natin ang mga pinakamalalaki at napapanahong problema sa ating kalikasan at ang mga epekto nito sa atin. Mayroon pa bang ibang epektong nagaganap sa maling pagtrato sa kalikasan? Sino kaya ang dapat sisihin sa mga maling gawaing ito o pagmaltrato sa kalikasan? Sino ba ang patuloy na nagtatapon ng basura? Sino ba ang patuloy na pumuputol ng mga puno sa kagubatan? Sino ang gumagamit ng mga paputok sa pangingisda? Kung ating titingnan, walang sinomang dapat sisihin sa mga pangyayaring ito kundi ang tao rin mismo. Bakit?
Ang tao bilang tagapangalaga ng kalikasan
Sa kuwento ng paglikha na ating nabanggit, Inuutusan tayo ng binigyan tayo ng Diyos ng kapangyarihan na alagaan Diyos na alagaan ang ang kalikasan at hindi maging tagapagdomina nito. kalikasan at hindi maging Bilang natatangi sa lahat Niyang nilikha, tagapagdomina nito pinagkalooban ng Diyos ang tao ng kapangyarihang para sa susunod na henerasyon. gawin ang nararapat sa kalikasan ngunit nabigyan ito ng ibang pakahulugan. Ang kapangyarihang ipinagkaloob sa tao ay nakita niya bilang isang karapatang gamitin ang kalikasan nang walang pakundangan at naaayon sa kaniyang kagustuhan. Hindi kailanman isinaalangalang ng tao na ang kapangyarihan niya na gamitin ang kalikasan ay may kaakibat na pananagutan. Tinalakay sa Modyul 4 na malaya tayong gawin kung anuman ang nais nating gawin. Samakatuwid, may kalayaan tayong gawin o gamitin ang kalikasan. Ngunit dapat nating isipin na ang paggamit sa kalayaan ay napapalooban ng paggawa ng mabuti. Mabuti ang paggamit sa kalikasan, ngunit kung ito’y nauuwi sa pagmaltrato at hindi na tumutugon sa kabutihang panlahat, ang kalayaang ginagamit mo ay hindi tunay na kalayaan. 221
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ayon sa Compendium of the Social Doctrine of the Church, sa lalong paglaki ng kapangyarihan ng tao, lumalaki rin ang kaniyang pananagutan sa kaniyang pamayanan. Kung kaya’t lahat ng naisin niyang gawin sa kalikasan bilang kaniyang kapangyarihan dito ay nararapat na naaayon sa disenyo at kagustuhan ng Diyos na walang iba kundi ang Siyang tagapaglalang nito. Ang paggamit at pangangalaga sa kalikasan ay hindi pansarili lamang kundi isa itong pananagutan na bigyang pansin na nagsasaalangalang ng kabutihang panlahat. Oo nga’t malaya Ang tunay na pangangalaga kang pumutol ng puno, ngunit sa pagputol mo sa kalikasan ay pagpapakita ba nito ay walang maaapektuhan? Maaari ng paggalang sa kabutihang mong hulihin ang lahat ng isda sa dagat panlahat na siya namang sapagkat kaloob ito sa iyo ng Diyos, ngunit layunin kung bakit nilikha ng Diyos ang kalikasan. tama ba ang pamamaraang ginagamit mo?
Y P O C D E P E D
Ang tunay na pangangalaga sa kalikasan ay pagpapakita ng paggalang sa kabutihang panlahat na siya namang layunin kung bakit nilikha ng Diyos ang kalikasan. Marapat ding tandaan na ang lahat ng bagay na nilalang ng Diyos kabilang na ang tao ay magkakaugnay. Kung kaya’t anuman ang mangyari sa isa ay maaari ding maganap sa iba o kaya naman makaapekto sa iba. Ang pangangalaga sa kapaligiran at sa kalikasan ay isang pananagutang panlipunan. Ang pananagutang ito ay nangangahulugang nararapat nating isaalang-alang ang anumang epektong ginagawa natin sa kalikasan. Maaaring tayo ang maging biktima ng mga maling gawaing ito. Ang pangangalaga sa kalikasan ay kinakailangang gawin at sundin hindi lamang sa ating pansariling dahilan kundi para sa susunod na henerasyon. Naging kaisipan natin na may kapangyarihan tayong gamitin ito ayon sa paraang gusto natin. Ginagamit natin ang ating kalikasan at kapaligiran na animo’y isang kasangkapan na hindi inaalala kung may maaapektuhan o wala. Minsan, walang habas ang ginagawa nating paggamit at wala ring pag-iingat na parang hindi ito mauubos. Nagkaroon tayo ng kaisipan na tayo ang sentro ng mundo, na ang lahat ng bagay na nakapalibot sa atin ay para sa ating pansariling kapakanan lamang. Para bang ang kalikasakan ay “at our own disposal .” Ang etikang pangkalikasan ay nagbibigay sa atin ng dalawang mahalagang tanong na kailangang sagutin natin kaugnay ng mga pangyayaring nagaganap ngayon sa ating kalikasan: Ano ang mga tungkulin natin bilang tao sa kalikasan na ating tinitirhan, at bakit? Ang pagsagot sa unang tanong ay maaaring masagot sa pamamagitan ng pagsagot sa pangalawang tanong. Bakit mayrooon tayong pananagutan at tungkulin na pangalagaan ang ating kalikasan? Ang tungkulin natin na pangalagaan ang ating kalikasan ay nakaugat sa katotohanang lahat tayo ay mamamayan ng iisang mundo, dahil nabubuhay tayo sa iisang kalikasan. Ang tungkulin nating ito ay hindi lamang para sa mga taong 222 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
namumuhay sa kasalukuyan sa panahong ito kundi higit sa mga taong maninirahan dito sa susunod na panahon at henerasyon.
Ang tungkulin natin na pangalagaan ang ating kalikasan ay nakaugat sa katotohanang lahat tayo ay mamamayan ng iisang mundo, dahil nabubuhay tayo sa iisang kalikasan.
Sa pangangalaga sa kalikasan ay maaari tayong matulungan ng mga batas na nangangalaga sa kalikasan. Ngunit karaniwan, ang batas ukol dito ay walang ngipin. Hindi ito nasusunod dahil sa maling pagpapatupad at pag-aabuso na rin dito, lalo na ng mga nasa kapangyarihan.
Y P O C D E P E D
Matututuhan mo sa Modyul 16, na ang paggamit ng kapangyarihan at pera ng ibang indibidwal para sa pansariling benepisyo ay isa rin sa pangunahing dahilan kung bakit hindi matigil-tigil ang problema ng bansa sa tamang pangangalaga ng kalikasan. Kung susuriin at pag-aaralan, iisa lang ang pangunahing dahilan kung bakit nagkakasunod-sunod at nangyayari ang mga ito. Ito ay dahil sa kapabayaan ng tao sa kalikasang ipinagkaloob ng Diyos. Hindi mangyayari ang mga ito kung hindi naging pabaya ang tao, na kung magmalabis ay walang pakundangan at walang habas. Hindi masisira ang isang bagay kung ito ay pangangalagaan, hindi mangyayari ang di dapat mangyari kung nagawa ng tao ang tamang pangangalaga sa kalikasang ipinagkaloob ng Diyos.
Ano-anong halimbawa ang maaari mong ibigay upang mapatunayan ang saloobing nabanggit sa itaas? Paano nga ba natin pangangalagaan ang ating kalikasan at kapaligiran?
Ang Sampung Utos para sa Kalikasan
Upang tayo’y magkaroon ng gabay kung paano pangangalagaan ang kalikasang kaloob sa atin ng Diyos, tunghayan natin at unawain ang Sampung Utos para sa Kapaligiran (Ten Commandments for the Environment ) na ginawa ni Obispo Giampaolo Crepaldi, Kalihim ng Pontical Council for Justice and Peace. Ang sampung utos na ito ay mga prinsipyo ng makakalikasang etika ( environmental ethics) na kaniyang ginawa hango sa Compendium. Ang sampung utos para sa kalikasan ay hindi listahan ng mga dapat at hindi dapat gawin, kundi mga prinsipyong gagabay (guiding principles) sa pangangalaga ng kalikasan. Isa-isahin natin ang mga ito. 1. Ang tao na nilikha ng Diyos na kaniyang kawangis ang siyang nasa itaas ng lahat ng Kaniyang mga nilikha ay marapat na may pananagutang gamitin at pangalagaan ang kalikasan bilang pakikiisa sa banal na gawain ng pagliligtas. Nangangahulugan ito na ang pananagutan ng tao tungo sa kalikasan ay igalang 223
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
at hindi gamitin para sa sarili niyang kagustuhan. Ang pangangalaga na kailangan niyang gawin ay nararapat na naaayon sa kagustuhan o layunin ng Diyos nang likhain Niya ito. Samakatuwid, bilang mga tao na nilalang ng Diyos ay kaisa Niya tayo sa pagpreserba ng kalikasan at pagpapanatili ng kaayusan ng lahat ng nilalang ng Diyos. Ano ang maaari mong gawin bilang isang mag-aaral upang ang utos na ito Ang bawat nilalang ng ay maisabuhay at mabigyang katuparan? Diyos, tao man o kalikasan, Pagliligtas kayang maituturing ang pagpuputol ay hindi kailanman maaaring ng mga puno sa dahilang ikaw naman ang tratuhin na mga kasangkapan siyang nagtanim nito? Ang pangangalaga o gamit lamang na maaaring manipulahin at gamitin nang sa mga puno at pagtatanim nito ay isa hindi naaayon sa tunay nitong sa mga konkretong paraan upang tayo’y layunin. Ang tao lalo higit ay maging tagapagligtas ng kalikasan. Maaari itinuturing na kamanlilikha ng lamang itong putulin kung may karampatang Diyos at tagapangalaga ng pahintulot mula sa mga awtoridad kagaya ng lahat ng Kaniyang nilikha. DENR. Ang mga batas katulad ng Republic Act 3571, 10593, at Executive Order No 23, s. 2011 ay ilan lamang sa mga batas na napapalooban ng pagbabawal sa hindi tamang pagputol ng mga puno, hindi lamang sa mga kagubatan kundi maging sa iba pang mga lugar. Gayundin naman, nararapat kang magtanim uli ng bagong mga puno bilang kapalit sa mga pinutol mo.
Y P O C D E P E D
2. Ang kalikasan ay hindi nararapat na gamitin bilang isang kasangkapan na maaaring manipulahin at ilagay sa mas mataas na lugar na higit pa sa dignidad ng tao. Ang tao at ang kalikasang nilikha ng Diyos ay hindi pangkaraniwan, hindi ordinaryo o kaya’y walang saysay na bunga ng ebolusyon. Ang bawat isa sa atin ay bunga ng kaisipan ng Diyos, ninais, minamahal, at may halaga. Dahil dito, kung kaya’t ang bawat nilalang ng Diyos, tao man o kalikasan, ay hindi kailanman maaaring tratuhin na mga kasangkapan o gamit lamang na maaaring manipulahin at gamitin nang hindi naaayon sa tunay nitong layunin. Ang tao lalo higit ay itinuturing na kamanlilikha ng Diyos at tagapangalaga ng lahat ng Kaniyang nilikha. Ang tungkuling maging kamanlilikha ng Diyos at tagapangalaga ng Kaniyang mga nilikha ay nararapat gampanan ng tao na may pagkaalam at responsibilidad. Paano natin ipahahayag ang ating pagiging kamanlilikha ng Diyos? Ang pagtatanim ng mga halaman sa isang bukirin o bakanteng lote at pag-aalaga ng mga ito ay pagpapahayag ng ating tungkulin bilang mga kamanlilikha ng Diyos. Ngunit ang walang habas na paggamit ng pesticides o mga insectisides upang magkamit nang lubos o maraming ani ay maaaring magdulot ng iba pang epekto hindi lamang sa lupaing sinasaka, gayundin sa mga karatig nitong anyong tubig. Ang paggamit sa lupa bilang isang materyal na bagay na maaari mong gawin kung 224 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
ano ang iyong gusto ay pagsasawalang-bahala sa tunay na layunin ng pagkakaroon ng lupain. Ang paggamit dito ay nararapat na may kaakibat na pananagutan. 3. Ang responsibilidad na pang-ekolohikal ay gawaing para sa lahat bilang paggalang sa kalikasan na para rin sa lahat, kabilang na ang mga henerasyon ngayon at ng sa hinaharap. Ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi gawain at responsibilidad lamang ng iilan. Ito ay isang hamon para sa sangkatauhan at gawaing panlahat sapagkat ang kalikasan ay para sa kabutihang panlahat. Bukod pa rito, ang lahat ng nilikha ng Diyos ay magkakaugnay at may koneksyon sa bawat isa.
Y P O C D E P E D
Isang halimbawa rito ay ang mga lamang-dagat tulad ng kabibi sa Japan. Higit itong malulusog kaysa sa karaniwan sapagkat inaalagaan ng mga tao sa lugar na iyon ang kanilang kalikasan. Dagdag pa rito, higit na mainam na manirahan sa mga probinsya sapagkat presko roon sa dahilang marami pang mga puno ang nagbibigay ng malinis na hangin. Ayon sa isang pamosong salawikain sa Filipino, “ang sakit ng kalingkingan ay ramdam ng buong katawan.” Lahat ng ginagawang pagmanipula ng mga tao lalo ng mayayamang bansa sa kalikasan ay ramdam na ramdam ng mga tao lalo na ng mga nasa mahihirap na bansa. Halimbawa nito ay ang patuloy na paggamit ng mga tao sa ibang bansa ng mga kemikal na nakabubutas ng ozone layer . Higit na naaapektuhan ng mga gawaing ito ang mga tao sa mahihirap na mga bansa. Nararapat nating tandaan na ang pagwawalang bahala sa kapaligiran at kalikasan ay palaging nakakaapekto sa pag-iiral ng tao. Sabi nga ni Papa Benedicto, “mararating natin ang hinaharap kung hindi natin sisirain ang mga nilikha ng Diyos.”
4. Sa pagharap sa mga suliraning pangkalikasan, nararapat na isaalang-alang muna ang etika at dignidad ng tao bago ang makabagong teknolohiya . Maraming mga bagong tuklas bunga ng teknolohiya ang talaga namang nakatutulong sa tao. Ginagawa ng mga modernong imbensiyon na ito na maging mas madali ang buhay gayundin maging mas ligtas. Ang mga halimbawa nito ay mga bagong uri ng gamot, mga bagong kagamitan sa transportasyon at komunikasyon. Ngunit nagpaalala muli si Papa Benedicto, “ang mga tanda o halimbawa ng pag-asenso o progreso ay hindi lahat para sa kabutihan.” Kahit ang tao ay itinuturing na kamanlilikha ng Diyos, hindi niya kailanman maaaring gamitin ang kalikasan sa anumang gusto niyang gawin dito lalo pa kung hindi naaayon sa layuning nakapaloob sa paglikha ng Diyos dito. Kapag ginawa ng tao, siya ay kumikilos na mas mataas pa sa Diyos na maaaring dumating sa puntong ang kalikasan mismo ang magrerebelde laban sa tao. Maaari nating gawing halimbawa ang patuloy na pag-aabusong ginagawa natin sa mga kabundukan na kung saan ay matatagpuan ang iba’t ibang uri ng nilikhang may buhay. Ang patuloy na pagsira, pagkuha, at pagmanipula sa mga ito ay maaaring magdulot ng pagkawala ng mga mapagkukunan ng potensiyal na puwedeng gawing gamot at iba pang layunin.
225 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
5. Ang kalikasan ay hindi isang banal na reyalidad na taliwas sa paggamit ng tao. Ang paggamit dito ng tao ay hindi kailanman mali, maliban na lamang kung ginagamit ito na taliwas sa kung ano ang kaniyang lugar at layunin sa kapaligiran o ecosystem. Ang kalikasan ay kaloob ng Maylikha sa mga tao na dapat gamitin nang may katalinuhan at pananagutang moral. Dahil dito, hindi masamang baguhin ang kalikasan, ngunit kailangang isaalang-alang ang paggalang sa kaayusan at kagandahan nito. Gayundin, dapat ding isa-isip ang tunay na layunin o gamit ng bawat isang nilikha ng Diyos. Ang pagbabagong maaaring gawin ng tao sa kaniyang kapaligiran ay nararapat na may angkop na pagkamalikhain at responsibilidad, sapagkat ito mismo ang kaniyang tahanan.
Y P O C D E P E D
6. Ang politika ng kaunlaran ay nararapat na naaayon sa politika ng ekolohiya. Ang halaga at tunguhin ng bawat pagpapaunlad sa kapaligiran ay nararapat na bigyang-pansin at timbangin nang maayos . Nakapaloob sa utos na ito na nararapat pagtuunan ng pansin o kaya ay isaalang-alang ng tao ang integridad at ritmo ng kalikasan sa bawat pagpapaunlad na gusto natin dito. Sa kadahilanan ang bawat likas na yamang nasa mundo ay limitado o may hangganan. Dapat ding isaalang-alang ang maaaring maganap kung anong halaga ang nakataya sa bawat pagbabagong gagawin sa kalikasan at mga likas na yaman nito. Ang kaayusan ng kalikasan ay kailangang isiping ganap sa pamamagitan ng pagbibigay halaga sa mga gawaing hindi magbubunga ng permanenteng pagkasira nito. Ang mga gagawin sa kalikasan ay nararapat na nakapaloob sa pangsosyal, pangkultural, at pangrelihiyosong layunin nito sa bawat komunidad ng tao. Sa ganitong paraan, isang kaaya-ayang balanse ang mararating sa pagitan ng paggamit at pagpapanatili ng mga likas na yaman. Isang napapanahong halimbawa ng utos na ito ay ang pagtatayo ng isang hadlang o bakod sa mga hangganan ng Mexico at Amerika na magdudulot ng hindi magandang epekto sa ekolohiya ng tao; gayundin ng mga hayop sa mga bansang ito. Ang bakod o hadlang na ginagawa ay naglalayong maiwasan ang iligal na pagtawid ng mga Mehikano papunta sa Amerika. Kung ating susuriin, ang dahilan ng pagpapatayo ng bakod o hadlang ay pampolitika at hindi naman ekolohikal. Sa malalim na pagtingin, ang pagtatayo ng bakod o hadlang ay maituturing ding ekolohikal sa dahilang ang populasyon ng Amerika ay mananatiling maliit at madaling pamahalaan. Ngunit bukod pa rito, ang bakod ay pumipigil sa paggalaw ng mga hayop katulad ng Sonoran Pronghorn, isang antelope-like mammal na nanganganib nang maubos. Dahil sa epektong ito, maraming mga ekolohista at makakalikasan ang nagsasabing ang bakod na itinatayo ay may negatibong implikasyon, hindi lamang sa tao kundi sa mga hayop din.
226 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
7. Ang pagtatapos o wakas ng pangmundong kahirapan ay may kaugnayan sa pangkalikasang tanong na dapat nating tandaan, na ang lahat ng likas na yaman sa mundo ay kailangang ibahagi sa bawat tao na may pagkakapantay-pantay. Ang pagmamalasakit sa kalikasan ay nangangahulugan na ang bawat isa sa atin ay marapat na aktibong gumawa para sa pangkalahatang pag-unlad ng mga tao lalo na sa pinakamahihirap na rehiyon o bahagi ng mundo. Ang lahat ng nilikha ng Diyos lalo na iyong mga nagagamit ng tao ay nararapat na gamitin na may katalinuhan at kaalaman. Higit sa lahat, ang mga likas na yamang ito ng daigdig ay nararapat na ibahagi sa bawat isa sa paraang makatarungan at may pagmamahal. Sa ganitong paraan, ang lahat ng kaunlarang nararapat gawin ay hindi lamang para sa iilan, kundi para sa tunay na ikagagaling ng lahat ng tao at ng buong pagkatao nito.
Y P O C D E P E D
8. Ang karapatan sa isang malinis at maayos na kapaligiran ay kailangang protektahan sa pamamagitan ng pang-internasyonal na pagkakaisa at layunin. Ang pagtutulungan o kolaborasyon ng bawat isang lahi sa pamamagitan ng pangmundong kasunduan na itinataguyod ng internasyonal na mga batas ay mahalaga upang mapangalagaan Ang lahat ng tao ay mamamayan ang kapaligiran. Ang pananagutan sa ng iisang mundo, sapagkat tayo kalikasan ay kinakailangang ipatupad sa ay nabubuhay lamang sa iisang nararapat na paraan sa lebel na juridicial . kalikasang lalang ng Diyos para sa Ang mga batas na ito at pagkakaunawaan ating lahat. ay nararapat na gabayan ng mga pangangailangan sa kabutihang panlahat. Marapat lamang ito sapagkat sabi nga, “nasa iisang bangka tayo.” Ang lahat ng tao ay mamamayan ng iisang mundo, sapagkat nabubuhay sa iisang kalikasang lalang ng Diyos para sa ating lahat. Halimbawa ng mga batas na ito na ipinatutupad sa buong mundo ay ang Kyoto Protocol na siyang pinakatanyag na batas pang-internasyonal para sa kalikasan. Ito ay naka-ugnay sa United Nations Framework Convention on Climate Change na naglalayong pababain ang pagpapalabas ng nakalalasong usok mula sa mga pabrika at sasakyan. 9. Ang pangangalaga sa kapaligiran ay nangangailangan ng pagbabago sa uri ng pamumuhay (lifestyles) na nagpapakita ng moderasyon o katamtaman at pagkontrol sa sarili at ng iba. Ito ay nangangahulugang pagtalikod sa kaisipang konsyumerismo. Ang uri ng pamumuhay ng bawat isang tao ay kinakailangang sang-ayon sa mga prinsipyo ng pagtitimpi, pag-aalay, at disiplina hindi lamang sa sarili kundi maging sa panlipunang lebel. Kinakailangang iwaksi ng bawat tao ang kaisipang konsyumerismo bagkus ay itaguyod ang mga paraan ng paglikha na nagbibigay-galang sa kaayusan ng mga nilikha gayundin naman magbibigaykasiyahan sa batayang pangangailangan ng lahat. Ang pagbabagong ito ay maaaring matugunan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng higit na kamalayan sa pagkakaugnay-ugnay na siyang nagbibigkis sa lahat ng mga mamamayan ng mundo. 227
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Bilang mag-aaral, ano ang mga halimbawang maaari mong ibigay upang maipakita ang pagbabago sa uri ng iyong pamumuhay. Inuubos mo ba ang tubig na inilalagay mo sa baso? Nire-report mo ba ang leaking faucet ? Pinapatay mo ba ang ilaw sa silid na walang gumagamit? Sinusulatan mo ba ang likod ng papel na puwede pang sulatan? 10. Ang mga isyung pagkalikasan ay nangangailangan ng espiritwal na pagtugon bunga ng paniniwala na ang lahat na nilikha ng Diyos ay Kaniyang kaloob kung saan mayroon tayong responsibilidad. Sa ganitong paraan ay magagamit na may pagmamahal. Ang ating pagtingin at saloobin para sa kalikasan ay nararapat na mag-ugat sa pasasalamat at paggalang sa Diyos na siyang lumikha at patuloy na sumusuporta rito. Ang pagtingin, pangangalaga, pagmamahal, at paggalang sa kalikasan ay nararapat na nakaugat sa pasasalamat sa Diyos na Siyang lumikha sa Kapag kinalimutan ng tao ang Diyos, ang kalikasan lahat ng ito. Kapag kinalimutan ng tao ang Diyos, ay mawawalan ng ang kalikasan ay mawawalan ng kahulugan at kahulugan at mauuwi sa mauuwi sa kahirapan. Naunawaan mo ba ang kahirapan. sampung utos ng kalikasan?
Y P O C D E P E D
Ano-ano ang natutuhan mo mula rito? Ano ang ipinapahayag nito sa iyo? Anong konklusyon ang mabubuo mo mula sa mga ito? Paano mo pangangangalagaan ang iyong kapaligiran at kalikasan? Ano ang mga kailangan mong isaalang alang upang mapangalagaan ang kalikasan? Ano ang mga maaari mong gawin upang pangalagaan ang kalikasan?
Ang sumusunod ay mga karagdagang hakbang upang makatulong sa pagpapanumbalik at pagpapanatili sa kagandahan at kasaganaan ng mundo na ang makikinabang ay ang tao. 1. Itapon ang basura sa tamang lugar. Ang tamang pagtatapon ng basura ay malaking tulong upang maiwasan ang pagbaha. Sa kasalukuyan, kabikabila na ang mga programang nagsusulong ng mga programang nauukol dito, puwede kang maging kabahagi nito at kung daragdagan ng sipag at pagpupunyagi, ang basura na sana ay itatapon na ay puwede pang pagkakitaan.
2. Pagsasabuhay ng 4R. Maaaring makatulong ang isang tulad mo sa pamamagitan ng pag-iwas o hindi paggamit ng mga bagay na hindi makakalikasan ( reduce), huwag itapon ang mga bagay na mapapakinabangan o magagamit pa ( re-use), ang walang katapusang panawagan ng pagbabagong bihis ng mga bagay na nagamit 228 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
REDUCE REUSEABLE RECYCLE REPLACE
na at puwede pang gamitin sa ibang bagay (recycle) at ang paggamit ng mga bagay na hindi na kinakailangang kunin pa sa kalikasan. Halimbawa ang paggamit ng panyo kaysa sa tisyu, na alam naman natin na ang tisyu ay gawa mula sa hilaw na materyales mula sa kalikasan, partikular ang puno.
3. Pagtatanim ng mga puno. Maaaring magorganisa ang isang tulad mo ng mga programa sa paaralan o maging sa baranggay ng isang programa ng pagtatanim ng mga puno o maging ng mga gulay sa likod bahay. Maaaring makipag-ugnayan sa barangay o maging sa munisipalidad ukol dito. Kadalasan, ang mga lokal na pamahalaan ay may pondong nakalaan sa pamimigay ng mga libreng punla o mga buto na maaaring itanim sa bahay o sa iba pang mga lugar.
Y P O C D E P E D 4. Sundin ang batas at makipagtulungan sa mga tagapagpatupad nito. Huwag ipagpilitang gawin ang mga bagay na labag sa batas at hindi nakatutulong sa pangangalaga at pagreserba ng kalikasan. Ang isang tulad mo ay may papel na isumbong at ipagbigay-alam sa may kapangyarihan ang mga gawaing hindi ayon sa batas, lalo na kung ang mga ito ay napapatungkol sa kalikasan.
5. Mabuhay nang simple. Malaki ang pagkakaiba ng mga salitang kailangan (need) at kagustuhan (want). Ang pagkakaroon ng buhay na simple o payak ay nangangahulugang pamumuhay na naaayon sa kung ano ang mga pangangailangan lamang. Kapag ang tao ay namumuhay ayon sa kaniyang mga kagustuhan higit itong nagiging kumplikado na humahantong sa paghahanap at pag-aabuso ng mga bagay-bagay. Ang malabis na pagkagusto halimbawa sa mga junk foods ay tunay na makaaapekto sa kalusugan. Kasabay nito ay ang pagsasawalang bahala sa mga plastic na ibinabalot dito. Dahil sa maraming mga kagustuhan, naging parang normal na sa tao ang pagtatapon sa kapaligiran. Kung ang mundo ay itinuturing nating ina, ano ang gagawin mo sa kaniya? Sasaktan mo ba siya? Sisirain mo ba ang kaniyang pagkatao? Puputulin mo ba ang kaniyang mga kamay at paa? Aalipustahin mo ba siya sa pamamagitan ng kawalang paggalang sa kaniya? 229
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Kung nakasalalay ang buhay natin sa ating ina na siyang nagluwal sa atin, gayundin naman nakasalalay sa mundong ginagalawan natin ang patuloy nating pagkabuhay bilang tao. Kung ang mundo na tinatawang nating “Mother Earth” ay ating ina, igagalang din natin ito. Hindi natin ito pagsasamatalahan. Lahat ng bagay sa mundong ito ay ating kapatid. At kung ang mga ito ay ating kapatid, iingatan at aalagaan natin ang mga ito. At dahil magkakaugnay ang ating buhay, igagalang at aalagaan natin ang ugnayang ito. Ang anumang makasasama sa mga ito ay makakasama rin sa atin. Magiging iba ang buhay kapag nawala ang isa sa mga ito. Maisasabuhay natin ito kung ang bawat gawain sa kapaligiran ay ibabalanse. Gamitin nang wasto ang yaman ng kalikasan dahil lahat ng ito ay may limitasyon at hangganan. Alagaan ang mga hayop, magtanim ng maraming puno, tumupad sa mga batas na naaayon sa kapaligiran, at mabuhay nang simple. Tao ang nagdurumi, tao rin ang lilinis; dahil sa huli, tao pa rin ang tatamaan o makikinabang nito. Kabahagi ka sa pagsasabuhay ng mithiing ito.
Y P O C D E P E D
Gayundin naman, sa pagmamahal at pangangalaga sa kalikasan, nararapat nating tandaan na malaya nating magagamit ang mga ito sapagkat kaloob ito sa atin ng Diyos. Ngunit sa paggamit natin ng kalikasan, dapat din nating tingnan kung ito ba ay ginagamit nang tama o mabuti. Mayroon bang maaapektuhan sa paggamit natin ng kalikasan? Mabuti ba ang paggamit na ating isinasagawa? Ibinabahagi ba natin sa iba ang mga benipisyong nakukuha natin sa kalikasan? Paano naman ang ibang tao na umaasa rin sa tulong na nagmumula rito? Sa paggamit ng kalikasan, tayong mga tao na nasa modernong panahon ang magbibigay nang napakalaking epekto sa pamumuhay ng mga tao sa susunod na henerasyon. Dahil dito, kung kaya’t nagkakaroon tayo ng obligasyong pangalagaan ang kapaligiran para sa mga tao ng susunod na henerasyon. Sabi nga ni Santo Papa Benedicto, ang planetang hindi mo isinalba ay ang mundong hindi mo na matitirahan. Kung kaya’t sa maliit na paraan, gawin natin ang maaari nating magawa upang pangalagaan at mailigtas ang ating kalikasan, ang ating mundo.
The planet you do not save is the earth you will not live upon. -Pope Benedict XVI
230 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Tayahin ang Iyong Pag-unawa Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong naunawaan, sagutin mo ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno: 1. Ano-anong mga mga kaalaman ang nahinuha nahinuha mo sa sanaysay na binasa? Isa-isahin Isa-isahin at ipaliwanag ang mga ito. 2. Bakit mahalagang mahalagang isabuhay isabuhay ang pangangala pangangalaga ga sa kalikasan? kalikasan? Ipaliwanag. Ipaliwanag. 3. May kakayahan kakayahan ka bang bang isabuhay isabuhay ito? Patunayan. Patunayan. 4. Makatutulong ba ang kaalamang kaalamang iyong binasa binasa sa pagkakamit ng kabutihang kabutihang panlahat? Ipaliwanag. 5. Ano-anong maling maling pangangatwiran pangangatwiran ang makahahadlang makahahadlang sa pagsasabuhay pagsasabuhay ng
Y P O C D E P E D Sampung utos para sa kalikasan?
Paghinuha ng Batayang Konsepto
Panuto: Ano-anong mahalagang konsepto ang nahinuha mo mula sa nagdaang gawain Panuto: at babasahin? Gamit ang konseptong iyong natutuhan, ipaliwanag ang mensahe ng larawang nakikita mo sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
_____________________________
____________________________.
Pag-uugnay ng Batayang Konsepto sa Pag-unlad ko Bilang Tao 1. Ano ang kabuluhan kabuluhan ng batayang konsepto konsepto sa aking pag-unlad bilang bilang tao? 2. Ano ang maaari maaari kong gawin gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto pagkatuto sa modyul na ito?
231 All rights reserved. reserved. No part of of this material may be reproduced or transmitted transmitted in any form form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
E. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO
Pagganap Gawain 5: Tre Tree e Planting/Eco-Walk Panuto: Makipag-ugnayan sa inyong baranggay para sa pagsasagawa ng Tree Planting at Eco-Walk at Eco-Walk na gagawin ng inyong klase para sa lugar na pagtataniman at mga punla ng kahoy na inyong itatanim. Gayundin, ipa- schedule schedule ito ito sa baranggay at ang gagawin ninyong Eco-walk. Eco-walk. Magbigay Magbigay ng paalaala na ang lahat ay kinakailangang sumali sa gawaing ito.
Y P O C D E P E D
Gawain 6
Panuto: Obserbahan ang inyong pamayanan kung ito ba ay nakikitaan ng mga hakbang Panuto: sa pangangalaga ng kalikasan. Itala ang mga nakita sa ginawang pag-oobserba. Isangguni sa iyong guro kung paano ito ipaparating sa iyong lokal na pinuno upang mabigyan ng pansin.
Pagninilay Gawain 7 A
Panuto: Gamit ang isang maikling bond paper , iguhit at ipaliwanag ang sagot sa tanong na: Paano mo patitibayin ang ugnayan mo sa Inang Kalikasan? Gawain 7 B
Panuto:: Suriin ang sitwasyon sa ibaba (Moral Panuto ( Moral Dilemma) Dilemma)
Pag-unlad o kawalang dangal (degradation (degradation))
Sa bundok ka nakatira. Mahirap ang inyong pamayanan at karamihan ay walang hanap-buhay. Isang developer ang ang dumating at nagsabing pauunlarin pauunlarin niya ang inyong lugar sa pamamagitan ng pagtatayo rito ng isang establisyementong komersiyal na maaaring dayuhin ng mga taong galing sa iba’t ibang lugar. Ang pagsasagawa ng proyektong nabanggit ay magiging daan upang magkaroon ng hanapbuhay ang mga tao. Subalit, ito rin ay nangangahulugang pagputol ng mga punongkahoy na nasa pagtatayuan mismo ng nasabing establisyemento. Ano ang pipiliin pipiliin mo?
232 All rights reserved. reserved. No part of of this material may be reproduced or transmitted transmitted in any form form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Gawain 8 Panuto: Pagnilayan ang sumusunod at isulat sa iyong dyornal ang naging reyalisasyon o pag-unawa: a. b. c.
Ako’y mapalad sa biyayang kaloob ng kalikasan. Ang aking buhay ay karugtong ng inang kalikasan. Paano ko pananatilihin ang magandang ugnayang sa kalikasan?
Pagsasabuhay Gawain 9
Y P L O C A D P E P P E D I
Panuto: Gumawa ng simpleng obserbasyon sa inyong pamayanan kung ito ba ay Panuto: kakikitaan ng mga hakbang sa pangangalag pangangalaga a ng kalikasan. Makipag-ugnayan sa iyong guro at sa iyong mga lokal na pinuno upang ito ay maisagawa at tuluyang makatulong sa pangangalaga sa kalikasan. Maaaring gawing gabay ang pamamaraang LAPPIS.
ayunin
ktuwal na gampanin
aglingkuran
Ang iyong layunin ay maiparating sa iyong lokal na pinuno ang mga obserbasyon na iyong ginawa at ipaalam ang hakbang na maaaring isagawa sa pamamagitan ng plano ng pagkilos (action ( action plan) plan) na ipipresenta. Ang papel na gagampanan upang maging matagumpay ang programang pangkalikasan ng baranggay. Ang plano ng pagkilos ay ipipresenta sa mga lokal na pinuno: Ang kapitan ng baranggay, ang mga kagawad at mga bantay bayan.
Na ang proyektong gagawin ay ayon sa mga problemang pangkalikasan na kinakaharap ng barangay gaya ng amantayan at kraytirya a. Pagtatapon ng basura sa ilog, b. Ang dahilan ng pagbaha ng mga pangunahing kalsada ng baranggay, c. at iba pa.
naasahang pagganap
S
itwasyon
Ang proyektong gagawin ay makikinabang ang mga mamamayan ng baranggay, ang tagapamahala at ang mga karatig baranggay. Ang gagawing sukatan ng tagumpay ng programa ay base sa kung ano ang problema, ang mga hakbang na gagawin, ang magiging katuwang, gugugulin, at ang magiging kalalabasan nito.
233 All rights reserved. reserved. No part of of this material may be reproduced or transmitted transmitted in any form form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Mga kakailanganing kagamitan (websites, software, mga aklat, worksheet) aklat, worksheet) Mga Sanggunian: Armstrong, Karen. (1996). In the Beginning: A New Interpretation of Genesis. Genesis. The Random House Publishing Group, USA. pp. 9-23. Dupre, Ben (2013). 50 Ethics Ideas You Really Need to Know . Know . China
Y P O C D E P E D
Goddard, Andrew (2006). A (2006). A Pocket Guide Guide to Ethical Issues. Issues. Malta
Koenig- Bricker, Woodenee. (2009). Ten Commandments for the Environment . Pasay City. Paulines Publishing House Krier Mich, Marvin L.. (2012). The Challenge of Spirituality of Catholic Social Teaching , Teaching , Quezon City. Claretian Publication Singer, Peter (1993). Practical Ethics Second Edition. Edition . United States of America: Cambridge University Press Terbush, Jon . (2013). 4 shocking ndings from the U.N’s latest climate change report Spoiler: report Spoiler: It’s real, and it’s our fault. Retrieved from http://theweek.com/article/index/248472/4-shocking-n cle/index/2484 72/4-shocking-ndings-from-the-un dings-from-the-uns-latest-climate-cha s-latest-climate-change-report/ nge-report/ August 18, 18, 2014
Mula sa Internet:
https://ph.images.search.yahoo.com/images/
http://www.youtube.com/watch http://www .youtube.com/watch?v=b6357-fsc3g ?v=b6357-fsc3g
234 All rights reserved. reserved. No part of of this material may be reproduced or transmitted transmitted in any form form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Ikatlong Markahan
MODYUL 12: ESPIRITWALIDAD AT AT PANANAMPALATAYA
A. ANO ANG INAASAHANG MAIP MAIPAMAMALAS AMAMALAS MO?
Y P O C D E P E D
Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung bakit kailangang mahalin ang kapuwa? Ang pagmamahal pagmamahal na na ito ang susi ng pagpapalalim pagpapalalim ng tao ng kaniyang kaniyang pagmamahal pagmamahal at pananampalataya sa Diyos. Ikaw, paano mo minamahal ang iyong kapuwa? Paano ka nagbibigay ng iyong sarili upang paglingkuran sila? Mga ilang katanungan na maaari mong pagnilayan habang dumaraan ka sa bahagi ng modyul na ito. Layunin ng modyul na ito na magabayan ka na maunawaan na bilang pinakaespesyal na nilalang, tayo ay dapat tumugon sa panawagan ng Diyos na mahalin natin ang lahat ng Kaniyang nilikha lalo’t higit ang ating kapuwa. Sa pamamagitan nito, naipahahayag natin ang ating tunay na pananampalataya na nagpapalalim ng ating espiritwalidad at mula rito ay masasagot mo ang Mahalagang Tanong na: Bakit mahalaga ang pagpapatibay ng espiritwalidad at pananampalataya sa pagkakaroon ng relasyon ng tao sa Diyos? Handa ka na ba? Tayo na! Sasamahan kita sa pagtuklas kung nasaan na ang iyong espiritwalidad at pananampala pananampalataya. taya. Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa: 12.1 12.2 12.3 12.4
Natutukoy ang mga katangian katangian ng tao bilang bilang espiritwal na na nilalang Nasusuri ang ang ugnayan sa Diyos Naipaliliwanag Naipaliliwa nag ang Batayang Konsepto Konsepto ng aralin Nakagagawa ng angkop na kilos upang mapaunlad mapaunlad ang sariling pananampalataya pananampalataya at espiritwalidad
Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Kakayahang Pampagkatuto 12.4: a. Nakagawa ng personal ng personal daily log at nakaisip ng sariling pamagat nito na may kinalaman sa pagpapaunl pagpapaunlad ad ng pananampala pananampalataya taya at espiritwalidad espiritwalidad.. b. Nakapagtala ng mga mabubuting gawain gawain sa Diyos at kapuwa. c. Nakapagpaki Nakapagpakita ta ng mga patunay. patunay. 235 All rights reserved. reserved. No part of of this material may be reproduced or transmitted transmitted in any form form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng Panuto: pinakatamang sagot. Isulat ito sa iyong kuwaderno. 1. Ito ay ang personal personal na ugnayan ugnayan ng tao sa Diyos. Diyos. Isa itong malayang malayang desisyon na malaman at tanggapin ang katotohanan sa pagkatao. a. Espiritwalidad b. Pananampalataya c. Panalangin d. Pag-ibig
Y P O C D E P E D
2. Ang pagsasabuhay pagsasabuhay ng pananampalataya pananampalataya ng mga Muslim Muslim ay nakabatay nakabatay sa Limang Haligi ng Islam. Ang Ang sumusunod ay sakop sakop nito maliban maliban sa: sa: a. Pagdarasal b. Pag-aayuno c. Pagninilay d. Pagsamba 3. Ang sumusunod ay mahahalagang mahahalagang aral ng pananampalataya pananampalatayang ng Kristiyanismo maliban sa: a. Magmahalan at maging mapagpatawad sa bawat bawat isa. b. Ang Diyos ay nasa ating lahat sa bawat pagkakataon ng ating buhay. buhay. c. Pagpapabut Pagpapabutii sa pagkatao sa pamamagita pamamagitan n ng pag-iwas sa materyal na bagay. d. Tanggapin ang kalooban ng Diyos na may kagaanan at likas na pagsunod. 4. Alin sa sumusunod sumusunod ang nagsasabi ng ng tunay na diwa diwa ng espiritwalidad? espiritwalidad? a. Ang palagiang palagiang pag-aaral pag-aaral at pagbabasa ng salita ng Diyos. b. Ang pagiging pagiging maawain at matulungin sa pangangailangan pangangailangan ng kapuwa. c. Ang pananatili pananatili ng ugnayan ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng pananalangin pananalangin sa araw-araw. d. Ang pagkakaroon pagkakaroon ng mabuting mabuting ugnayan ugnayan sa kapuwa at pagtugon sa sa tawag ng Diyos. 5. Sinasabi sa Hebreo 11:1 11:1 na “Ang pananampalataya ang siyang kapanatagan sa mga bagay na inaasam, ang kasiguruhan sa mga bagay na hindi nakikita.” Alin sa sumusunod na pahayag ang tama ukol dito? a. Nagiging panatag ang ang tao dahil dahil iniibig iniibig siya ng Diyos. b. Nagiging panatag panatag ang tao dahil siya ay naniniwala naniniwala at nagtitiwala nagtitiwala sa Diyos. c. Nagiging panatag panatag ang tao dahil siya ay umaasa sa pagmamahal ng Diyos. d. Nagiging panatag ang tao dahil alam niya na hindi siya pababayaan ng Diyos. 236 All rights reserved. reserved. No part of of this material may be reproduced or transmitted transmitted in any form form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
6. “Ang nagsasabi na iniibig iniibig ko ang Diyos, subalit subalit napopoot naman sa kaniyang kaniyang kapatid ay sinungaling sinungaling.” .” Ang pahayag ay______. a. Tama, dahil dapat mahalin ang kapuwa. b. Mali, dahil maipakikita ang pagmamahal pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal at pagsisisimba. c. Mali, dahil ang pagmamahal pagmamahal sa Diyos Diyos ay maipakikita maipakikita sa mabuting mabuting ugnayan ugnayan sa Kaniya. d. Tama, dahil maipakikita lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos kung minamahal din ang kapuwa.
Y P O C D E P E D
7. Bakit mahalaga mahalaga sa buhay ng tao ang panahon ng pananahimik o pagninilay? pagninilay? a. Upang malaman ng tao ang mensahe ng Diyos sa kaniyang buhay. b. Upang lumawak lumawak ang kaniyang kaniyang kaalaman kaalaman at magsabuhay magsabuhay ng aral aral ng Diyos. c. Upang lumalim ang kaniyang kaniyang pakikipag-ugna pakikipag-ugnayan yan sa Diyos. d. Upang lalong lalong makilala makilala ng tao ang Diyos at maibahagi maibahagi ang Kaniyang Kaniyang mga Salita. 8. Araw-araw ay nagsisimba nagsisimba si Aling Aling Cora at hindi nakalilimot nakalilimot na magdasal. magdasal. Siya rin ay nagbabasa ng Bibliya bago matulog sa gabi. Kahit ganito, malupit si Aling Cora sa kaniyang kasambahay. kasambahay. Pinarurusahan niya ito kapag sila ay nagkakamali. Nagsasabuhay Nagsasabuha y ba si Aling Cora ng kaniyang pananampalataya? pananampalataya? a. Oo, dahil ginagawa naman niya niya ang kaniyang tungkulin tungkulin sa Diyos. b. Oo, dahil ang ang kaniyang pagsisimba, pagsisimba, pagdarasal, pagdarasal, at pagbabasa pagbabasa ng Bibliya ay ikinalulugod ikinalulugo d ng Diyos. c. Hindi, dahil siya ay nagpaparusa sa kaniyang kasambahay. d. Hindi, dahil dahil nababalewala nababalewala ang kaniyang ugnayan ugnayan sa Diyos kung hindi maganda maganda ang ugnayan niya sa kaniyang kapuwa. 9. Alin sa sumusunod ang naglalarawan naglalarawan ng aral ng Budismo? Budismo? a. Pag-aayuno. b. Pagmamahal at pagpapatawad pagpapatawad sa isa’t isa. c. Pagdarasal ng limang beses sa isang araw. d. Pagpapahala Pagpapahalaga ga sa kabutihang kabutihang panloob panloob at mataas na na antas ng moralidad. 10. Ang sumusunod ay naglalarawan ng buhay na pananampala pananampalataya taya maliban maliban sa: sa: a. Kumikilala at nagmamahal sa Diyos. b. Naglilingko Naglilingkod d at palagiang nananalangi nananalangin n sa Diyos. c. Nagmamahal at tumutulong sa kapuwa. d. Nagmamahal sa Diyos Diyos at nagmamahal sa kapuwa. kapuwa.
237 All rights reserved. reserved. No part of of this material may be reproduced or transmitted transmitted in any form form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN Gawain 1 Panuto: 1. Isulat sa loob ng kahon ang iyong mga katangian bilang tao ayon sa sumusunod na aspekto (pangkatawan, panlipunan, pangkaisipan, emosyonal, at espiritwal). 2. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.
Y P O C D E P E D Pangkaisipan
Panlipunan
Pangkatawan
Emosyonal
Espiritwal
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang masasabi mo sa iyong mga katangian sa mga aspektong nabanggit? 2. Ano-ano ang iyong isinulat sa aspektong espirituwal? Ipaliwanag. 3. Sa iyong palagay, alin sa mga aspektong iyan ang pinakamahalaga? Bakit?
238 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Gawain 2 Panuto: 1. Isulat sa loob ng bilog ang iyong pakahulugan sa salitang espiritwalidad. Gawin ito sa kuwaderno. 2. Matapos gawin ay ibahagi ang iyong sagot sa katabi.
Y P O C D E P E D Espiritwalidad
Sagutin ang mga tanong:
1. Sa iyong palagay, mahalaga ba na malaman ng tao ang kaniyang espiritwalidad? Patunayan. 2. Ano ang magandang dulot nito sa tao? Ipaliwanag. 3. Paano makatutulong ito sa pagpapaunlad ng pananampalataya?
C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN, AT PAG-UNAWA
Gawain 3 Panuto: 1. Sagutan ito na may katapatan. 2. Lagyan ng tsek ang iyong sagot sa bawat kolum at bigyan ng paliwanag ang sagot sa huling hanay ng kolum. 239 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
3. Isulat ang sagot sa kuwaderno. Palaging ginagawa
Paminsanminsang ginagawa
Hindi
Paliwanag
ginagawa
1. Pagdarasal bago at pagkatapos kumain. 2. Pagdarasal bago matulog at pagkagising sa umaga.
Y P O C D E P E D
3. Pagbabasa ng Bibliya/ Pag-aaral ng Salita ng Diyos.
4. Pagsisimba/ Pagsamba.
5. Pagtulong sa kapuwa na nangangailangan. 6. Pananahimik o personal na pagninilay. Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang iyong natuklasan sa iyong sarili matapos mong magawa ang gawain? 2. Naging masaya ka ba sa nakita mo mula sa iyong mga sagot? Bakit? 3. Ano ang masasabi mo sa iyong ugnayan sa Diyos? Ipaliwanag. Gawain 4 Panuto
1. Humanap ng lima hanggang anim na kamag-aral upang makabuo ng isang pangkat. 2. Muling balikan ang inyong mga naging sagot sa mga tanong sa Gawain 3. 3. Gumawa ng isang malikhaing presentasyon kung paano ninyo maipakikita ang inyong ugnayan sa Diyos. 4. Sagutin ang mga tanong: a. Ano ang napansin mo sa bawat presentasyon? Isa-isahin. b. Ano ang dapat gawin upang maipakita ang mabuting ugnayan sa Diyos? Ipaliwanag. c. Paano mo maisasabuhay ang iyong pakikipag-ugnayan sa Diyos? Ipaliwanag. Upang higit kang matulungan kung paano mapalalim ang iyong ugnayan sa Diyos at kapuwa. Tayo na! Sasamahan kita upang higit mong maunawaan ang babasahin. 240 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D. PAGPAPALALIM
Ugnayan sa Diyos at pagmamahal sa kapuwa Naranasan mo na bang magmahal? Kung naranasan mo na ito, ano ang iyong naging pakiramdam? Naging masaya ka ba o kakaiba ang iyong pakiramdam? Tila hindi mo napapansin ang paglipas ng oras sapagkat doon umiikot ang iyong mundo. Sa pagmamahal, binubuo ang isang maganda at malalim na ugnayan sa taong iyong minamahal. Sa ugnayang ito, nagkakaroon ng pagkakataon ang dalawang tao na magkausap, magkita, at magkakilala. Ito ay nagsisimula sa simpleng palitan ng usapan at maaaring lumalim kung patuloy ang kanilang ugnayan. Mas nagiging maganda at makabuluhan ang ugnayan kung may kasama itong pagmamahal.
Y P O C D E P E D
Ngayon ay inaanyayahan kitang tumigil sandali at tanungin ang iyong sarili: Paano ka nakikipag-ugnayan sa mga taong nakapaligid sa iyo o sa iyong kapuwa?
Mula sa pagmamahal ay nagbabahagi ang tao ng kaniyang sarili sa iba. Naipakikita niya ang kaniyang pagiging kapuwa. Sa oras na magawa ito ng tao, masasalamin sa kaniya ang pagmamahal niya sa Diyos dahil naibabahagi niya ang kaniyang buong pagkatao, talino, yaman, at oras nang buong-buo at walang pasubali. Ito ang makapagbibigay ng kahulugan sa kaniyang buhay. Ito rin ang makasasagot ng dahilan ng kaniyang pag-iral sa mundong ito. Paghahanap ng kahulugan ng buhay
Naitanong mo na ba sa iyong sarili ang kahulugan ng buhay para sa iyo? Ang buhay ay maituturing na isang paglalakbay. Sa paglalakbay na ito ay kailangan ng tao ang makakasama upang maging magaan ang kaniyang paglalakbay. Una, paglalakbay kasama ang kapuwa at ikalawa, paglalakbay kasama ang Diyos. Ngunit tandaan, hindi sa lahat ng oras ay magiging banayad ang paglalakbay, maaaring maraming beses na madapa, maligaw, mahirapan, o masaktan; ngunit ang mahalaga ay huwag bibitiw o lalayo sa iyong mga kasama. Anumang hirap o balakid ang maranasan sa daan, mahalagang harapin ito na may determinasyon na marating ang pupuntahan. Tanong: Ikaw ba ay naggagala o naglalakbay sa iyong buhay?
241 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Hindi maaaring paghiwalayin ang paglalakbay kasama ang kapuwa at ang paglalakbay kasama ang Diyos dahil makikita ng tao sa mga ito ang kahulugan ng kaniyang buhay. Sa kaniyang patuloy na paglalakbay sa mundong ito, siguradong matatagpuan niya ang kaniyang hinahanap. Kung siya ay patuloy na maniniwala at magbubukas ng puso at isip sa katotohanan ay may dahilan kung bakit siya umiiral sa mundo. Dapat palaging tandaan na ang bawat isa ay may personal na misyon sa buhay.
“Ang pananampalataya ang siyang kapanatagan sa mga bagay na inaasam, ang kasiguruhan sa mga bagay na hindi nakikita.” (Hebreo 11:1)
Y P O C D E P E D Tanong: Ikaw, alam mo ba ang dahilan ng iyong pag-iral sa mundo?
May magandang plano ang Diyos sa tao. Nais ng Diyos na maranasan ng tao ang kahulugan at kabuluhan ng buhay, ang mabuhay nang maligaya at maginhawa. Ngunit kailangan na maging malinaw sa kaniya na hindi ang mga bagay na materyal tulad ng cellphone, gadgets, laptop, mamahaling kotse, malaking bahay, at iba pa, ang makapagbibigay ng tunay na kaligayahan at kaginhawahan, kundi, ang paghahanap sa Diyos na Siyang pinagmumulan ng lahat ng biyaya at pagpapala. Kaya’t sa paglalakbay ng tao, mahalagang malinaw sa kaniya ang tamang pupuntahan. Ito ay walang iba kundi ang Diyos – ang pinakamabuti at pinakamahalaga sa lahat. Espiritwalidad at Pananampalataya: Daan sa pakikipag-ugnayan sa Diyos at Kapuwa Ang tao ang pinaka-espesyal sa lahat ng nilikha dahil hindi lamang katawan ang ibinigay sa kaniya ng Diyos kundi pinagkalooban din siya ng espiritu na nagpapabukodtangi at nagpapakawangis sa kaniya sa Diyos. Ngunit ang nagpapakatao sa tao ay ang kaniyang espiritu na kinaroroonan ng persona. Ang persona, ayon kay Scheler ay, “ang pagka-ako” ng bawat tao na nagpapabukod-tangi sa kaniya. Ang tunay na diwa Kaya’t ang espiritwalidad ng tao ay galing sa kaniyang ng espiritwalidad ay pagkatao. Ito ay lalong lumalalim kung isinasabuhay niya ang pagkakaroon ng ang kaniyang pagiging kalarawan ng Diyos at kung paano mabuting ugnayan niya minamahal ang kanyang kapuwa. Kaya’t ang tunay na sa kapuwa at ang diwa ng espiritwalidad ay ang pagkakaroon ng mabuting pagtugon sa tawag ng Diyos. ugnayan sa kapuwa at ang pagtugon sa tawag ng Diyos na may kasamang kapayapaan at kapanatagan sa kalooban. Ang espiritwalidad ay nagkakaroon ng diwa kung ang espiritu ng tao ay sumasalamin sa kaibuturan ng kaniyang buhay kasama - ang kaniyang kilos, damdamin, at kaisipan. Kaya’t anuman ang relihiyon ng isang tao, ang espiritwalidad ang pinakarurok na 242 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
punto kung saan niya nakakatagpo ang Diyos. Ang tao ay naghahanap ng kahulugan ng kaniyang buhay. Mula sa kaniyang pagtatanong kung bakit siya umiiral. Sa harap ng mga pagsubok o problema na kaniyang pinagdaraanan, marahil nagtatanong ang tao kung may Diyos bang makapagbibigay ng kasagutan sa kaniyang mga pagtatanong. Dito kailangan niya ang pananampalataya. Ang pananampalataya ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong malayang pasiya na alamin at tanggapin ang katotohanan ng presensiya ng Diyos sa kaniyang buhay at sa pagkatao niya. Isa itong biyaya na maaaring Malaya niyang tanggapin o tanggihan. Sa pananampalataya, naniniwala at umaasa ang tao sa mga bagay na hindi nakikita. Sa aklat ng Hebreo sinasabi na, “Ang pananampalataya ang siyang kapanatagan sa mga bagay na inaasam, ang kasiguruhan sa mga bagay na hindi nakikita.” (Hebreo 11:1) Ibig sabihin, nagiging panatag ang tao dahil siya ay naniniwala at nagtitiwala sa Diyos kahit pa hindi niya ito nakikita at mula rito, nararanasan niya ang kapanatagan, ang tunay na kaginhawahan at kaligayahan.
Y P O C D E P E D
Ngayon ay inaanyayahan kita na pagnilayan ang isang awit na may pamagat na “ I believe,” ni Tom Jones: I believe for every drop of rain that falls A ower grows I believe that somewhere in the darkest night A candle glows I believe for everyone that goes astray Someone will come to show the way I believe I believe
I believe above the storm the smallest prayer Will still be heard I believe that Someone in the great somewhere Hears every word Every time I hear a newborn baby cry Or touch a leaf Or see the sky Then I know why I believe
Source : www.azlyrics.com/lyrics/tomjones/ibelieve.html
Tanong: Ano ang mensahe ng awit para sa iyo?
243 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Sa awit ipinapahayag ang paniniwala at pagtitiwala ng tao sa Diyos kahit hindi pa Siya nakikita. Sa pananampalataya, itinatalaga ng tao ang kaniyang paniniwala at pagtitiwala sa Diyos. Inaamin niya ang kaniyang limitasyon at kahinaan dahil naniniwala siyang anuman ang kulang sa kaniya ay pupunuan ng Diyos. Ang pananampalataya, tulad ng pagmamahal ay dapat ipakita sa gawa. Ito ay ang pagsasabuhay ng tao sa kaniyang pinaniniwalaan.
Y P O C D E P E D
Kung kaya’t, ang pananampalataya ay hindi maaaring lumago kung hindi isinasabuhay para sa kapakanan ng kapuwa. Naipapahayag ng tao ang kaniyang pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng aktuwal na pagsasabuhay nito. Wika nga ni Apostol Santiago sa Bagong Tipan, “ Ang pananampalatayang walang kalakip na gawa ay patay” (Santiago 2:20). Ibig sabihin, ang mabuting kilos at gawa ng tao ang siyang matibay na nagpapakita ng kaniyang pananampalataya. Ikaw, kumusta naman ang iyong pananampalataya? Ito ba ay pananampalatayang buhay? Sa paanong paraan?
Naririto ang isang sitwasyon na maaari mong pagnilayan at bigyan ng angkop na pagpapasiya. Si Vicky ay isang pinuno ng isang samahan sa kanilang simbahan. Bilang isang pinuno ay nagsagawa siya ng isang recollection o pagninilay para sa kaniyang mga kasama. Ito ay matagal na niyang pinaghandaan at marami siyang tiniis na hirap ng kalooban mula sa kaniyang mga kasama dahil maraming tumututol dito. Bago dumating ang araw ng recollection ay sinabi niya sa kaniyang mga kasama na hindi maaaring hindi sila dumalo sa gawaing ito dahil hindi na sila maaaring magpanibago o mag renew sa kanilang tungkulin. Ito ay napagkasunduan ng lahat. Kinagabihan bago idaos ang recollection ay naisugod ang kaniyang asawa sa ospital dahil sa kaniyang sakit. Walang ibang maaaring magbantay sa kaniyang asawa maliban sa kaniya dahil ang mga anak niya ay nasa ibang bansa. Ngunit may mahalaga siyang tungkulin na dapat gawin sa simbahan. Siya ang pinuno at nasa kaniya ang malaking responsibilidad para sa gawaing iyon. Tanong: Kung ikaw si Vicky ano ang iyong gagawin at bakit?
244 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Naipahahayag ang pananampalataya ng tao kahit ano pa man ang kaniyang relihiyon - maging Kristiyanismo, Islam, Buddhismo o iba pa. Naririto ang iba’t-ibang uri ng relihiyon. Pananampalatayang Kristiyanismo. Itinuturo nito ang buhay na halimbawa ng pagasa, pag-ibig, at paniniwalang ipinakita ni Hesukristo. Ang ilan sa mga mahalagang aral nito ay ang sumusunod:
Y P O C D E P E D
a. Ang Diyos ay nasa ating lahat sa bawat pagkakataon ng ating buhay. Nangangahulugang kasama ng tao ang Diyos sa bawat sandali ng kaniyang buhay. b. Tanggapin ang kalooban ng Diyos na may kagaanan at likas na pagsunod. Ang pagtanggap na ito ay nagmula sa pagkakaroon ng tiwala sa Diyos sa bawat oras at pagkakataon. Laging humingi ng pagpapala sa Diyos upang makagawa ng kabutihan. c. Magmahalan at maging mapagpatawad sa bawat isa. Maging mapagpakumbaba at ialay ang sarili sa pagtulong sa kapuwa. Pananampalatayang Islam. Ito ay itinatag ni Mohammed, isang Arabo. Ang mga banal na aral ng Islam ay matatagpuan sa Koran, ang Banal na Kasulatan ng mga Muslim. Sa bawat Muslim, ang kaniyang pananampalataya ay aktibo sa lahat ng araw at panahon ng kaniyang buhay habang nabubuhay siya. Ito ay dahil sa Limang Haligi ng Islam, na dapat na isakatuparan. Dahil dito, ang Muslim ay laging buhay ang pananampalataya upang maisakatuparan ang limang haliging ito. Ito ay ang sumusunod: 1. Ang Shahadatain (Ang Pagpapahayag ng Tunay na Pagsamba). Ayon sa mga Muslim, walang ibang Diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah at kay Mohammed na Kaniyang Sugo. Ito ay nangangahulugan ng pagsamba sa Iisang Diyos at di pagbibigay o pagsasama sa Kaniyang kaisahan. 2. Ang Salah (Pagdarasal). Sa Islam, ang pamumuhay ay isang balanseng bagay na pangkatawan at pang-espiritwal. May limang takdang pagdarasal sila sa arawaraw. Ito ay paraan upang malayo sila sa tukso at kasalanan. 3. Ang Sawm (Pag-aayuno). Ito ay obligasyon ng bawat Muslim na may sapat na gulang at kalusugan ng katawan tuwing buwan ng Ramadhan. Ang pag-aayuno para sa kanila ay isang bagay na pagdisiplina sa sarili upang mapaglabanan ang tukso na maaaring dumating sa buhay. 4. Ang Zakah (Itinakdang Taunang Kawanggawa). Ang Zakah ay hindi lamang boluntaryong pagbibigay sa mga nangangailangan kundi isang obligasyong itinakda ni Allah. Ito ay hindi lamang naglalayon ng pagtulong sa kapuwa kundi paglilinis sa mga kinita o kabuhayan upang ibahagi sa kanilang kapuwa Muslim. 5. Ang Hajj (Pagdalaw sa Meca). Ang bawat Muslim, lalaki at babae, na may sapat na 245
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
gulang, mabuting kalusugan at kakayahang gumugol sa paglalakbay ay nararapat na dumalaw sa banal na lugar ng Meca, ang sentro ng Islam sa buong mundo. Pananampalatayang Buddhismo. Ayon sa Buddhismo, ang paghihirap ng tao ay nag-uugat sa kaniyang pagnanasa. Ang pagnanasa ay nagbubunga ng kasakiman, matinding galit sa kapuwa, at labis na pagpapahalaga sa materyal na bagay. Ito ang nakatuon sa aral ni Sidhartha Gautama o ang Budha, na isang dakilang mangangaral ang mga Budhismo. Si Gautama ay kinikilala ng mga Budhista na isang naliwanagan. May apat na katotohanan na naliwanagan kay Sidharta Gautama, ang Budha (ibig sabihin “The Enlightened One”): 1. Ang buhay ay dukha (kahirapan, pagdurusa). 2. Ang kahirapan ay bunga ng pagnanasa (‘taha’). 3. Ang pagnanasa ay malulunasan. 4. Ang lunas ay nasa walong landas (8 Fold Path) – tamang pananaw, tamang intensiyon, tamang pananalita, tamang kilos, tamang kabuhayan, tamang pagsisikap, tamang kaisipan, tamang atensiyon. Siya ay nagbahagi ng kaniyang kabatiran upang tumulong sa mga may kamalayang nilalang na wakasan ang pagdurusa sa pamamagitan ng pagtatanggal ng kamangmangan, sa pamamagitan ng pag-unawa at pagkita sa nakasalalay na pinagmulan at pag-aalis ng pagnanasa upang makamit ang pinakamataas na kaligayahan, ang nirvana. Ang pagkamit ng pinakamataas na kaligayahan ang nagbibigay kahulugan sa kanilang buhay. Binibigyan nila ng pagpapahalaga ang kabutihang panloob at mataas na antas ng moralidad.
Y P O C D E P E D
Pinapabuti rin nila ang kanilang pagkatao sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga materyal na bagay.
Tanong: 1. Ano ang napansin mo sa pananampalataya ng tatlong relihiyon na nabanggit? 2. Mayroon ba silang pagkakatulad? Pangatwiranan.
Sa tatlong relihiyon na nabanggit, iisa lamang ang makikita at ipinapahayag at ito ay ang sinasabi sa Gintong Aral ( Golden Rule): “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo”. Ibig sabihin: Anuman ang gawin mo sa iyong kapuwa, ginagawa mo sa iyong sarili. Naipapahayag ang pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng relihiyon. Maaaring iba’t iba ang relihiyon at ang pamamaraan ng pagsasabuhay ng pananampalataya, mahalagang igalang ang mga ito. Magkakaiba man ang turo o aral ng bawat isa, ang mahalaga ay nagkakaisa sa iisang layuning magkaroon nang malalim na ugnayan ang tao sa Diyos at kapuwa.
Anuman ang gawin mo sa iyong kapuwa, ginagawa mo sa iyong sarili.
246 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ang pananampalataya ay dapat ding alagaan upang mapanatili ang ningas nito. Katulad ng dalawang tao na nagmamahalan, kailangang alagaan nila ang kanilang ugnayan upang mapanatili ito. Naririto ang ilan sa mga dapat gawin upang mapangalagaan ang ugnayan ng tao sa Diyos. 1. Panalangin – Ito ay paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos. Sa pananalangin, ang tao ay nakapagbibigay ng papuri, pasasalamat, paghingi ng tawad, at paghiling sa Kaniya. Kung hindi natutupad ang hinihiling sa panalangin, huwag agad panghinaan ng pananampalataya dahil may dahilan ang Diyos kung bakit hindi Niya ibinibigay ito sa tao. Maaaring hindi pa ito dapat mangyari, o di kaya’y maaaring makasama ito sa taong humihiling.
Y P O C D E P E D
2. Panahon ng Pananahimik o Pagninilay – Sa buhay ng tao, napakahalaga ang pananahimik. Ito ay makatutulong upang ang tao ay makapagisip at makapagnilay. Mula rito mauunawaan ng tao ang tunay na mensahe ng Diyos sa kaniyang buhay. Makatutulong ito upang malaman ng tao kung ano ang ginagawa niya sa kaniyang paglalakbay, kung saan siya patutungo. 3. Pagsisimba o Pagsamba – Anuman ang pinaniniwalaan ng tao, mahalaga ang pagsisimba o pagsamba saan man siya kaanib na relihiyon. Ito ang makatutulong sa tao upang lalo pang lumawak ang kaniyang kaalaman sa Salita ng Diyos at maibahagi ito sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng kaalaman na napulot sa pagsisimba/pagsamba.
4. Pag-aaral ng Salita ng Diyos – Upang lubos na makilala ng tao ang Diyos, nararapat na malaman ang Kaniyang mga turo o aral. Tulad ng isang tao na nais makilala nang lubos ang taong kaniyang minamahal, inaalam niya ang lahat ng impormasyon ukol dito. Hindi lubusang makikilala ng tao ang Diyos kung hindi siya mag-aaral o magbabasa ng Banal na Kasulatan o Koran. 5. Pagmamahal sa Kapuwa – Hindi maaaring ihiwalay sa tao ang kaniyang ugnayan sa kapuwa. Ito ang isang dahilan ng pag-iral ng tao, ang mamuhay kasama ang kapuwa. Hindi masasabi na maganda ang ugnayan ng tao sa Diyos kung hindi maganda ang ugnayan niya sa kaniyang kapuwa. Mahalagang maipakita ng tao ang paglilingkod sa kaniyang kapuwa.
6. Pagbabasa ng mga aklat tungkol sa espiritwalidad – Malaki ang naitutulong 247 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
ng pagbabasa ng mga babasahin na may kinalaman sa espiritwalidad. Ito ay nakatutulong sa paglago at pagpapalalim ng pananampalataya ng isang tao. Tanong: 1. Alin sa sumusunod na paraan ang iyong nagagawa upang mapalalim ang iyong ugnayan sa Diyos? Ipaliwanag.
Mula sa iba’t ibang paraan, napalalalim ng tao ang kaniyang ugnayan sa Diyos. Kaya’t dito ay makikita ng tao na hindi maaaring ihiwalay ang espiritwalidad sa pananampalataya. Ang espiritwalidad ng tao ang pinaghuhugutan ng pananampalataya at ang pananampalataya naman ang siyang nagpapataas ng espiritwalidad ng tao. Dito ay nagkakaroon nang malalim na ugnayan ang Diyos at ang tao.
Y P O C D E P E D
Ang Pagmamahal sa Diyos at Kapuwa ang Tunay na Pananampalataya
Paano ka ba magmahal? Naitanong mo na ba ito sa iyong sarili? Paano mo minamahal ang Diyos at ang iyong kapuwa? Pamilyar ka ba sa dalawang pinakamahalagang utos? Ito ay ang: Ibigin mo ang Diyos nang buong isip, puso, at kaluluwa at ibigin mo ang iyong kapuwa tulad ng iyong sarili. Ang magmahal ang pinakamahalagang utos. Sinasabi sa Juan 4:20, “ Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa kaniyang kapatid ay isang sinungaling. Kung ang kapatid na kaniyang nakikita ay hindi niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita?” Tanong: 1. Ano ang reaksiyon mo sa pahayag na ito? Ipaliwanag. 2. Ano ang hamon nito sa iyo?
Tunay nga ang sinasabi ng pahayag na ito. Masasabi lamang ng tao na siya ay nagmamahal sa Diyos kung nagmamahal siya sa kaniyang kapuwa. Hindi ito madali, ngunit isa itong hamon para sa lahat dahil kung anuman ang ginawa natin sa ating kapuwa ay sa Diyos natin ginagawa. Kilala mo ba si Mother Teresa ng Calcutta? Nakita sa kaniya ang maIalim na ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng paglilingkod sa mga tao na hindi katanggaptanggap sa lipunan tulad ng mga pulubi sa lansangan, mga may sakit na ketong, mga matatandang maysakit na iniwan ng kanilang pamilya, at marami pang iba. Sila ay inalagaan at tinulungan, pinakain at minahal ni Mother Teresa na walang hinihintay na anumang kapalit. Sinabi ni Mother Teresa: Paano mo nalalaman na nagmamahal ka? Ito ang tunay na pagmamahal, ang magmahal na walang hinihintay na anumang kapalit kahit na nahihirapan o nagsasakripisyo ay nagmamahal pa rin. Ganyan ang ipinakitang pagmamahal ni Mother Teresa - isang pagmamahal na ang hinahanap ay makita ang Diyos sa piling ng kapuwang pinaglilingkuran. Kaya’t mapapatunayan 248 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
lamang ng tao na minamahal niya ang Diyos kung minamahal niya ang kaniyang kapuwa. Mayroon tayong tinatawag na Apat na Uri ng Pagmamahal ayon kay C.S. Lewis. 1. Affection – Ito ay ang pagmamahal bilang magkakapatid, lalo na sa mga magkakapamilya o maaaring sa mga taong nagkakilala at naging malapit o palagay na ang loob sa isa’t isa. 2. Philia – Ito ay pagmamahal ng magkakaibigan. Mayroon silang iisang tunguhin o nilalayon na kung saan sila ay magkakaugnay. 3. Eros – Ito ay pagmamahal batay sa pagnanais lamang ng isang tao. Kung ano ang makapagdudulot ng kasiyahan sa kaniyang sarili. Halimbawa: Mahal mo siya dahil maganda siya. Ito ay tumutukoy sa pisikal na nais ng isang tao. 4. Agape – Ito ang pinakamataas na uri ng pagmamahal. Ito ay ang pagmamahal na walang kapalit. Ganyan ang Diyos sa tao. Patuloy na nagmamahal sa kabila ng mga pagkukulang at patuloy na pagkakasala ng tao ay patuloy pa rin Niyang minamahal dahil ang TAO ay mahalaga sa Kaniya. Kung gayon, ang bawat isa sa atin ay inaanyayahan na tularan ang Diyos. Sikapin natin na mahalin ang ating kapuwa dahil ito ang palatandaan ng pagmamahal natin sa Diyos na Lumikha.
Y P O C D E P E D Ngayon ay tatanungin kitang muli, nagsusumikap ka ba na magmahal para sa Diyos?
Tayahin ang Iyong Pag-unawa
Ano ang naunawaan mo sa iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong naunawaan, sagutin mo ang sumusunod na mga tanong sa iyong kuwaderno: 1. 2. 3. 4.
Ano ang kahulugan ng espiritwalidad? Ano ang kahulugan ng pananampalataya? Paano nakatutulong ang pananampalataya ng tao sa kaniyang buhay? Ibigay ang anim na paraan upang mapangalagaan ang ugnayan ng tao sa Diyos? Ipaliwanag ang bawat isa. 5. Ano ang pagkakatulad ng pananampalatayang Kristiyanismo, Islam, at Buddhismo? 6. Magbigay ng paraan upang maipakita ang pagmamahal sa Diyos at kapuwa?
249 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Paghinuha sa Batayang Konsepto Mula sa iyong binasa ay bumuo ka ng konsepto tungkol dito. Isulat ito sa iyong kuwaderno. Matapos mo itong gawin, ibahagi ito sa iyong katabi. Mula rito ay bubuo kayo ng isang malaking konsepto gamit ang graphic organizer o diagram. Ipakikita ito sa klase. Graphic Organizer
Y P O C D E P E D
Pag-uugnay ng Batayang Konsepto sa pag-unlad ko bilang tao
1. Ano ang kabuluhan ng batayang konsepto sa aking pag-unlad bilang tao?
2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto sa modyul na ito?
250 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
E. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO
Ngayon ay nabatid mo na ang kahalagahan ng espiritwalidad at pananampalataya sa iyong buhay. Ito ang iyong magiging sandata sa oras ng problema at pagsubok. Ito rin ang nagpapalalim ng iyong ugnayan sa Diyos. Pagganap Gawain 5
Y P O C D E P E D Mga sitwasyon
Ang aking gagawin
1. Mahal na mahal mo ang iyong mga magulang. Isang araw, habang ikaw ay nasa paaralan, nakatanggap ka ng balita na naaksidente sila at nag-aagaw buhay sa ospital. Hindi ka nakalilimot sa Diyos sa araw-araw at nagsisilbi ka sa inyong simbahan. Ngunit pareho silang binawian ng buhay dahil sa aksidente na kanilang sinapit. Sisisihin mo ba ang Diyos sa pangyayaring ito? 2. Isang gabi, habang ikaw ay naglalakad pauwi sa inyong bahay, may nakita kang isang lalaking nakahandusay sa kalsada. Siya ay duguan at halos hindi na humihinga. Paglapit mo sa kaniya ay namukhaan mong siya ang lalaking bumugbog sa iyong ama na naging dahilan ng pagka-ospital nito. Ano ang iyong gagawin? 3. Kumatok ang iyong kapitbahay at humihingi sa iyo ng tulong dahil ang kaniyang anak ay may malubhang karamdaman. Noong araw na iyon, sakto lamang ang iyong pera para sa inyong gastusin sa bahay. Ano ang iyong gagawin?
251 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Pagninilay Gawain 6 Panuto: Ngayon ay inaanyayahan kita na muling balikan ang iyong naging ugnayan sa Diyos at kapuwa. Paano mo ito mapalalago at mapalalalim gamit ang iyong bagong kaalaman at reyalisasyon sa iyong natutuhan? Isulat ito sa iyong kuwaderno. Pagsasabuhay Gawain 7
Y P O C D E P E D
Ngayon ay hinahamon ka kung paano sisimulan ang pagpapaunlad ng iyong pananampalataya at espiritwalidad. Nawa’y maipakita mo ito sa pang-araw-araw na buhay. Panuto:
1. Gumawa ng Personal Daily Log (Pansariling pang-araw-araw na talahanayan) na may kinalaman sa pagpapaunlad ng pananampalataya at espiritwalidad para sa susunod na dalawang linggo. 2. Itala rito kung nagpapakita ng mabuting ugnayan sa Diyos at kapuwa. 3. Maglakip ng patunay sa iyong ginawa. 4. Ipakita at ipabasa ito sa iyong mga magulang. Bigyan sila ng pagkakataon na makapagbigay ng payo o komento sa iyong ginawa. Anyayahan sila na ito ay lagdaan.
My Personal Daily Log
Mga Araw
Ugnayan sa Diyos
Ugnayan sa kapuwa
Mga patunay
Komento at lagda ng magulang
Lunes
Martes
Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado Linggo
Binabati kita sa iyong pagsisikap na makilala ang Diyos at mapalalim ang iyong ugnayan sa Kaniya. Nawa’y ipagpatuloy mo ito lalo na sa pagharap mo sa hamon ng buhay. 252 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Mga kakailanganing kagamitan (website, software, mga aklat, worksheet) Mga sanggunian: Pope Paul VI,. 2005. Pastoral Constitution on the Church in the Modern World. Revised Edition. Ramon Maria Luza Bautista (2009). Schooled by the Spirit . Quezon City: Jesuit Communication Foundation Inc.
Y P O C D E P E D Mga Saliksik sa Internet:
Retrieved from:http://biblehub.com/james/2-17.htm on July 14, 2014.
__________. Catholic Spirituality. Retrieved from:http://www.all-about-the-virgin-mary. com/catholic-spirituality.html on July 14, 2014
Hobart E. Freeman, ThD. The Biblical Denition of Faith. Retrieved from:http:// thegloryland.com/index.php?p=1_11_The-biblical-denition-of-faith on July 13, 2014.
Abul Ala Maududi. Spiritual Path of Islam. Retrieved from:http://www.islam101.com/ sociology/spiritualPath.htm on July 14, 2014.
253 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
VISIT DEPED TAMBAYAN http://richardrrr.blogspot.com/ 1. Center of top breaking headlines and current events related to Department of Education. 2. Offers free K-12 Materials you can use and share.
10
Y P O C D E P E D
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral
Yunit
Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan at pamantasan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
[email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.
Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas
1 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015 ISBN: Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Y P O C D E P E D
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng tagapaglathala ( publisher ) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD
Mga Bumuo ng Modyul para sa Mag-aaral
Mga Konsultant: Editor: Mga Manunulat:
Manuel B. Dy Jr., PhD at Fe A. Hidalgo, PhD Luisita B. Peralta Mary Jean B. Brizuela, Patricia Jane S. Arnedo, Goeffrey A. Guevara, Earl P. Valdez, Suzanne M. Rivera, Elsie G. Celeste, Rolando V. Balona Jr., Benedick Daniel O. Yumul, Glenda N. Rito, at Sheryll T. Gayola Tagaguhit: Gilbert B. Zamora Naglayout: Jerby S. Mariano Mga Tagapamahala: Dir. Jocelyn DR. Andaya, Jose D. Tuguinayo, Jr., Elizabeth G. Catao, at Luisita B. Peralta Inilimbag sa Pilipinas ng FEP Printing Corporation Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS) Ofce Address: 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072 E-mail Address:
[email protected] 2
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Talaan ng Nilalaman Ikaapat na Markahan Modyul 13: Mga Isyung Moral Tungkol sa Buhay .............................................254 Ano ang Inaasahang Maipamamalas Mo? .............................................254 Paunang Pagtataya ................................................................................255 Pagtuklas ng Dating Kaalaman ..............................................................258 Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa .......................260 Pagpapalalim ..........................................................................................263 Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto ..........................................................276
Y P O C D E P E D
Modyul 14: Mga Isyung Moral Tungkol sa Seksuwalidad ..............................280 Ano ang Inaasahang Maipamamalas Mo? .............................................280 Paunang Pagtataya ................................................................................281 Pagtuklas ng Dating Kaalaman ..............................................................283 Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa .......................285 Pagpapalalim ..........................................................................................287 Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto ..........................................................298 Modyul 15: Mga Isyung Moral Tungkol sa Kawalan ng Paggalang sa Katotohanan 302 Ano ang Inaasahang Maipamamalas Mo? ................................................302 Paunang Pagtataya ...................................................................................303 Pagtuklas ng Dating Kaalaman .................................................................306 Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa ..........................307 Pagpapalalim .............................................................................................314 Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto ...................... .......................................330 Modyul 16: Mga Isyung Moral Tungkol sa Paggawa at Paggamit ng Kapangyarihan...334 Ano ang Inaasahang Maipamamalas Mo? .............................................334 Paunang Pagtataya ................................................................................335 Pagtuklas ng Dating Kaalaman ...............................................................338 Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa ........................340 Pagpapalalim ...........................................................................................341 Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto ...........................................................356
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Ikaapat na Markahan
MODYUL 13: MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA BUHAY
A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO?
Y P O C D E P E D
Sa nakaraang markahan, nalaman mo ang iba’t ibang pagpapahalagang moral na makatutulong upang ikaw ay makapagpasiya at makakilos tungo sa makabuluhan at mabuting pakikipag-ugnayan sa Diyos, sa kapuwa, sa bayan, at sa kapaligiran. Naunawaan mo na ang bawat pasiya at kilos ng isang tao ay may dahilan, batayan, at kalakip na pananagutan. Anumang isasagawang pasiya ay kinakailangang pagnilayan at timbangin ang mabubuti at masasamang maaaring idulot nito. Sa pagkakataong ito, pag-uusapan naman natin ang mga isyung moral na nagaganap sa lipunan at susubok sa iyong matatag na paninindigan sa kabutihan sa gitna ng iba’t ibang pananaw sa mga isyung ito at mga impluwensiya ng kapaligiran. Ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang isyu? Ano-ano ba ang iba’t ibang mga isyu na maaaring makaapekto sa ating moral na pagpapasiya? Lahat ng mga ito ay masasagot sa pamamagitan ng mga modyul sa markahan na ito. Atin itong simulan sa pagtalakay sa isyu na malaki ang kinalaman sa ating pagiging tao: ang mga isyung moral tungkol sa BUHAY.
Bilang isang kabataan, naranasan mo na ba ang makatanggap ng handog na gustong-gusto mo? Ito ba ay pera, damit, pagkain, aklat, o makabagong gadget ? Ano ang naramdaman mo nang natanggap mo ito? Marahil, ngayong nasa Baitang 10 ka na sa hayskul ay marami ka nang natanggap na handog sa iba’t ibang okasyon. Ngunit, naitanong mo na rin ba ang iyong sarili kung ano ang pinakamahalagang handog na iyong natanggap mula nang isilang ka? Kanino ito nagmula? Maituturing mo ba na ang iyong BUHAY ay ang pinakamahalagang kaloob ng Diyos sa iyo? Bakit sagrado ang buhay ng tao? Sa pamamagitan ng modyul na ito, inaasahan na makakamit ng kabataang tulad mo ang malalim na pag-unawa sa iba’t ibang mga pananaw kalakip ng mga isyu sa buhay na sa huli ay makabuo ka ng pagpapasiyang papanig sa kabutihan. Inaasahang masasagot mo ang Mahalagang Tanong na: Paano mapananatili ang kasagraduhan ng buhay ng tao?
254 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa: a. Natutukoy ang mga gawaing taliwas sa batas ng Diyos at sa kasagraduhan ng buhay b. Nasusuri ang mga gawaing taliwas sa batas ng Diyos at sa kasagraduhan ng buhay c. Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin d. Nakagagawa ng sariling pahayag tungkol sa mga gawaing taliwas sa batas ng Diyos at sa kasagraduhan ng buhay
Y P O C D E P E D Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output mo sa titik d:
a. May malinaw na posisyon tungkol sa mga isyu sa buhay na pumapanig sa kabutihan at ginamitan ng moral na pagpapasiya. b. Makapagbigay ng tiyak na mga hakbang sa pagpapanatili ng kasagraduhan ng buhay. c. May kalakip na mga paliwanag at patunay ng pagsasabuhay.
Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Piliin ang pinakawastong sagot at isulat ito sa iyong kuwaderno. 1. Anong isyung moral sa buhay ang tumutukoy sa pagpapalaglag ay pag-alis ng isang fetus o sanggol na hindi maaaring mabuhay sa pamamagitan ng kaniyang sarili sa labas ng bahay-bata ng ina? a. Aborsiyon b. Alkoholismo c. Euthanasia d. Pagpapatiwakal 2. Isang mahalagang katanungan na kinapapalooban ng dalawa o higit pang mga panig o posisyon na magkakasalungat at nangangailangan ng mapanuring pagaaral upang malutas. a. Balita b. Isyu c. Kontrobersiya d. Opinyon
255 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Basahin at unawaing mabuti ang talata. Sagutin ang aytem tatlo at apat ayon sa pagkauunawa mo nito. The Lifeboat Exercise Hango sa aklat ni William Kirkpatrick Why Johnny Can’t Tell Right from Wrong: And What We Can Do About It (1992)
Sa isang klase, nagbigay ng sitwasyon ang guro upang mapag-isipan ng mga mag-aaral. Ayon sa kaniya, isang barko ang nasiraan sa gitna ng karagatan at nanganganib nang lumubog. Dahil dito, ihinanda ng mga tauhan ng barko ang mga lifeboat upang mailigtas ang mga pasahero. Ngunit limitado lamang ang bilang nito at hindi lahat ng mga pasahero ay makagagamit nang sabay-sabay. Nangangahulugan ito na may maiiwan at di tiyak ang kanilang kaligtasan. Nagbigay ang guro ng maikling paglalarawan ng mga nasa loob ng barko. Kabilang dito ang mag-asawa at ang kanilang anak, accountant , manlalaro ng basketball, guro, doktor, inhinyero, artista, mang-aawit, pulis, sundalo, isang batang Mongoloid, matandang babae, at marami pang iba. Mula sa nabanggit, dapat pumili ang mga mag-aaral kung sino-sino ang mga sasakay sa lifeboat at ang mga maiiwan sa barko.
Y P O C D E P E D
3. Sa pahayag na “Limitado lamang ang bilang ng mga lifeboat at hindi lahat ng mga pasahero ay makagagamit nang sabay-sabay. Nangangahulugan na may maiiwan at di-tiyak ang kanilang kaligtasan,” ano ang dapat na maging kaisipan ng taong may hawak ng lifeboat ? a. Mahalaga ang oras sa pagsagip lalo na kung nasa panganib. b. Mahalaga ang kontribusyon ng mga tao sa lipunan sa pagpili ng sasagipin. c. Mahalaga ang buhay anuman ang katayuan o kalagayan ng tao sa lipunan. d. Mahalaga ang edad sa pagsasaalang-alang sa pagpili ng sasakay sa lifeboat. 4. Bakit hindi maituturing na mabuting halimbawa ang lifeboat exercise kung iuugnay sa kasagraduhan ng buhay? a. Dahil susi ito tungo sa mabuting pagtingin sa tunay na kahulugan ng buhay. b. Dahil nagbibigay ito ng positibong pagtingin sa kasagraduhan ng buhay. c. Dahil balakid ito upang mabawasan ang halaga ng pagtingin sa buhay. d. Dahil daan ito upang maisantabi ang pagpapahalaga sa buhay. 5. Dahil sa isip at kilos-loob, inaasahan na ang tao ay makabubuo ng mabuti at matalinong posisyon sa kanila ng iba’t ibang isyung moral na umiiral sa ating lipunan. Ang pangungusap na ito ay: a. Tama, dahil ginagabayan ng isip ang kilos-loob tungo sa kabutihan. b. Tama, sapagkat ang tao ay may isip na nagbibigay ng kakayahang gumawa, kumilos, pumili, at magmahal. c. Mali, dahil ang tao ay malayang mamili at mamuno sa kaniyang paghusga, gawi, at kilos. d. Mali, dahil ang tao ay may kakayahang hanapin, alamin, unawain, at ipaliwanag ang katotohanan sa kaniyang paligid. 256 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
6. Ang sumusunod ay pisikal na epekto ng labis na pag-inom ng alak maliban sa: a. Nagpapabagal ng isip b. Nagpapahina sa enerhiya c. Nagiging sanhi ng iba’t ibang sakit d. Nababawasan ang kakayahan sa pakikipagkapuwa 7. Si Matteo ay mahilig sumama sa kaniyang mga kaibigan sa labas ng paaralan. Dahil dito, naimpluwensiyahan at nagumon siya sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Hindi nagtagal, nakagagawa na siya ng mga bagay na hindi inaasahan tulad ng pagnanakaw. Marami ang nalungkot sa kalagayan niya sapagkat lumaki naman siyang mabuting bata. Ipaliwanag ang naging kaugnayan ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot sa isip at kilos-loob ni Matteo at sa kaniyang maling pagpapasiya. a. Ang isip ay nagiging “blank spot,” nahihirapang iproseso ang iba’t ibang impormasyon na dumadaloy dito – sanhi ng maling kilos at pagpapasiya. b. Ang isip ay nawalan ng kakayahang magproseso dahil na rin sa pag-abuso rito at di pag-ayon ng kilos-loob sa pagpapasiya. c. Ang isip at kilos-loob ay hindi nagtugma dahil sa kawalan ng pagpipigil at matalinong pag-iisip. d. Ang isip at kilos-loob ay humina dahil sa maraming bagay na humahadlang sa paggawa nito ng kabutihan.
Y P O C D E P E D
8. Bakit pinakaangat ang tao sa ibang nilikhang may buhay? a. Nilikha siyang may isip, kilos-loob, puso, kamay, at katawan na magagamit niya upang makamit niya ang kaganapan bilang tao. b. Taglay niya ang kakayahang piliin ang mabuti para sa sarili at sa ibang nilikha ayon sa Likas na Batas Moral. c. May kakayahang hanapin, alamin, unawain, at ipaliwanag ang mga katotohanan at layunin ng mga bagay-bagay sa kaniyang paligid. d. May isip at kilos-loob na nagbibigay ng kakayahang kumilos, gumawa, at magpahalaga sa kaniyang sarili, kapuwa, at iba pang nilikha. 9. Anong proseso ang isinasagawa sa modernong medisina upang wakasan ang buhay ng taong may malubhang sakit na kailanman ay hindi na gagaling pa? a. Suicide b. Abortion c. Euthanasia d. Lethal injection 10. “May tamang oras ang lahat ng pangyayari sa ating buhay. Hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa. Sa kabilang banda, hindi nararapat husgahan ang mga taong nagpatiwakal. Maaaring sila ay may pinagdaraanang mabigat na suliranin at wala sa tamang pag-iisip (halimbawa, depresyon) sa oras na ginawa nila iyon.” Ano ang mahalagang diwa ng isinasaad ng pahayag? a. Ang buhay ay sadyang mahalaga anuman ang pinagdaraanan ng tao sa kaniyang kasalukuyang buhay. b. May responsibilidad ang tao sa kaniyang sariling buhay. c. Hindi sagot ang mga pinagdaraanang suliranin upang magpasiyang magpatiwakal. d. Ang pag-asa ay magiging daan sa pagpapatuloy sa buhay gaano man kabigat ang pinagdaraanan. 257
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN Gawain 1 Pamilyar ka ba sa larong “4Pics 1Word?” Kung gayon, tiyak na magiging madali sa iyo ang susunod na gawain. Panuto:
Y P O C D E P E D
1. Suriing mabuti ang apat na larawan sa bawat kahon. 2. Tukuyin ang mga isyu na tumutugon sa bawat kahon ng mga larawan. May ibinigay na clue sa bawat bilang upang mapadali ang iyong pagsagot. 3. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.
A __ O R __ __Y __ N
P __ G __ A __ I T N __
E __ T __ A __ __ S __ A
P __ G P __ __ A T __ W __ K __ L
D __ O __ A
A __ K O H __ L __ __ M __
258 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
4. Sagutin ang sumusunod na tanong. a. Ano-anong isyu sa buhay ang nakita mo sa mga larawan? b. Alin sa mga isyung ito ang madalas mong nababasa at naririnig na pinaguusapan? Bakit? c. Kung ikaw ang tatanungin, bakit sinasabing mga isyu sa buhay ang mga gawaing ito? Ipaliwanag ang iyong sagot. Gawain 2 Panuto:
Y P O C D E P E D
1. Sa iyong kuwaderno, isulat ang mga kaalaman sa mga isyung nabanggit sa Gawain 1. 2. Matapos isulat ang iyong mga kaalaman, hahatiin ng guro ang klase sa apat na pangkat. 3. Ibahagi ang iyong mga sagot sa pangkat. 4. Pagsama-samahin ang magkakaparehong sagot at bumuo ng isang graphic organizer. May halimbawang ihinanda sa ibaba para sa mga mag-aaral. 5. Maging malikhain sa gagawing presentasyon. 6. Maghanda sa pag-uulat sa klase. Aborsiyon -----------------------------------------------------------------------
Euthanasia -----------------------------------------------------------------------
ISYU
Paggamit ng Droga -----------------------------------------------------------------------
Pagpapatiwakal -----------------------------------------------------------------------
Alkoholismo -----------------------------------------------------------------------
7. Itala sa iyong kuwaderno ang mahahalagang pangyayari na naganap sa iyong ginawang pagbabahagi. 8. Matapos ito ay sagutin ang sumusunod na tanong sa kuwaderno: a. Ano ang iyong mga natuklasan sa natapos na gawain? Ipaliwanag. b. Ano ang nadarama mo sa tuwing pinag-uusapan ang mga isyung ito? c. Paano nakaaapekto sa buhay ng tao ang sumusunod na isyu? Ipaliwanag ang iyong sagot. 259
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN, AT PAG-UNAWA
Gawain 3 Panuto: 1. Panoorin ang sumusunod na palabas sa youtube:
Y P O C D E P E D
a. Former drug addict shares life story, lessons http://www.youtube.com/watch?v=z25TmQk_AeM b. Pinay Alcoholics (Sandra Aguinaldo’s I-Witness Documentary) http://www.youtube.com/watch?v=XoJLkFa76Y8 c. Abortion in the Philippines documentary (1 of 2): Agaw-Buhay (Fighting for Life) http://www.youtube.com/watch?v=qUgZSBc_asc Abortion in the Philippines documentary (2 of 2): Agaw-Buhay (Fighting for Life) http://www.youtube.com/watch?v=HgKB_Z8p-DI d. Philippines has most cases of depression: NGO http://www.youtube.com/watch?v=AueZNzvMadE e. Euthanasia: Life In The Hands Of Others http://www.youtube.com/watch?v=ZEFRKYY_C7k
2. Matapos manood ay sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang mga sagot sa kuwaderno. a. Ano-ano ang mahahalagang mensahe na ipinararating ng bawat palabas? Ipaliwanag. b. Ano-anong argumento sa mga isyu sa buhay ang ipinakita sa bawat isa? c. Bakit mahalagang maunawaan ang mga gawaing taliwas sa batas ng Diyos at kasagraduhan ng buhay? d. Paano natin matutukoy kung ang isang gawain ay taliwas sa kasagraduhan ng buhay?
260 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Gawain 4 Pagsusuri ng mga sitwasyon. Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon na nagpapakita ng mga iba’t ibang isyu tungkol sa buhay. Sa bawat sitwasyon, sagutin sa iyong kuwaderno ang sumusunod: a. Ilarawan ang isyu sa buhay na tinutukoy sa sitwasyon. b. Isa-isahin ang mga argumento sa mga isyung nabanggit. c. Konklusyon sa bawat sitwasyon.
Y P O C D E P E D
1. Malaki ang pag-asa ng mga magulang ni Jodi na makapagtapos siya ng pagaaral at makatulong sa pag-ahon ng kanilang pamilya mula sa kahirapan. Matalinong bata si Jodi. Sa katunayan ay iskolar siya sa isang kilalang unibersidad. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, naging biktima siya ng rape sa unang taon pa lamang niya sa kolehiyo. Sa kasamaang-palad, nagbunga ang nangyari sa kaniya. Kung ikaw ang nasa kalagayan niya, ano ang gagawin mo? Itutuloy mo ba ang iyong pagbubuntis? Maaari bang ituring na solusyon sa sitwasyon ni Jodi ang pagpapalaglag ng dinadala niya gayong bunga ito ng hindi magandang gawain?
2. Kasama si Agnes sa mga pinakamalubhang nasaktan sa isang aksidente na naganap noong nakaraang taon. Ayon sa mga doktor, nasa comatose stage siya at maaaring hindi na magkaroon ng malay. Ngunit posibleng madugtungan ang buhay niya sa pamamagitan ng life support system. Malaking halaga ang kakailanganin ng kanilang pamilya upang manatiling buhay si Agnes. Hindi mayaman ang kanilang pamilya. Sa iyong palagay, makatuwiran bang ipagpatuloy ang paggamit ng life support system kahit maubos ang kanilang kabuhayan? O nararapat na tanggapin na lamang ang kaniyang kapalaran gayong mamamatay rin naman si Agnes?
3. Dahil sa matinding lungkot, nagpasiya si Marco na kitlin ang sariling buhay dalawang buwan pagkatapos ng kaniyang ika-16 kaarawan. Nagsisimula pa lamang siya noon sa ikaapat na taon ng high school . Sa isang suicide note, inilahad niya ang saloobin ukol sa mabibigat na mga suliraning kinakaharap niya sa bahay at paaralan. Humingi siya ng kapatawaran sa maaga niyang pagpanaw. Makatuwiran ba ang ginawang pagpapatiwakal ni Marco?
261 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
4. Si Jose ay nagsimulang uminom ng alak noong 13 taong gulang pa lamang siya. Sa lugar na kaniyang tinitirhan, madali ang pagbili ng inuming may alkohol kahit ang mga bata. Naniniwala si Jose na normal lamang ang kaniyang ginagawa dahil marami ring tulad niya ang lulong sa ganitong gawain sa kanilang lugar. Ayon pa sa kaniya, ito ang kaniyang paraan upang sumaya siya at harapin ang mga paghihirap sa buhay.
5. Masalimuot ang buhay ayon kay Michael. Hindi siya nabigyan ng pagkakataon na makilala ang kaniyang totoong ama. Ang kaniyang ina naman ay nasa bilangguan dahil nasangkot sa isang kaso. Napilitang makitira si Michael sa mga kamag-anak upang maipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral. Ngunit hindi naging madali para sa kaniya ang makisama sa mga ito. Isang araw, may lumapit na nakakikilala sa kaniya at nagtanong kung nais niya bang subukin ang shabu, isang uri ng ipinagbabawal na gamot. Nag-alangan pa siya sa simula, ngunit sa kapipilit ng kakilala ay pumayag din siya. Ito na ang simula ng kaniyang pagkalulong sa droga. Naniniwala si Michael na ito ang pinakamainam na paraan upang makaiwas sa mga suliranin niya sa buhay.
Y P O C D E P E D
1. Hahatiin ang klase sa apat na pangkat. Gagabayan ng guro ang pagbibigay ng paksa, pagpapaliwanag sa paraan ng pagtataya sa gawain, pagsubaybay sa paghahanda, at panahon na ilalaan sa pagpaliwanag ng iba’t ibang panig ng mga isyu sa buhay. 2. Sagutin ang sumusunod na tanong sa kuwaderno, pagkatapos na makapagpaliwanag ang lahat ng pangkat: a. Ano ang iyong mga natuklasan sa natapos na gawain? Ipaliwanag. b. Sa iyong palagay, ano ang nararapat na maging pasiya ng mga taong nabanggit sa mga sitwasyon? c. Bakit nararapat na pahalagahan ang buhay? d. Paano natin mapananatiling sagrado ang buhay na ipinagkaloob sa atin?
262 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Upang higit na mapalalim ang iyong kaalaman sa kasagraduhan ng buhay, halina’t sasamahan kita upang maunawaan ang susunod na babasahin.
D. PAGPAPALALIM Basahin ang sumusunod na sanaysay.
Y P O C D E P E D
Sa mga modyul sa Unang Markahan ng Baitang 10, naipaliwanag sa iyo ang mga konsepto na ikaw, bilang tao, ay natatangi at naiiba sa ibang mga nilalang na may buhay. Naunawaan mo na pinagkalooban ka ng isip, kilos-loob, puso, kamay, at katawan na siyang nagpabubukod sa iyong pagkatao at nagpapatibay na nilikha ka na kawangis ng Diyos. Nalaman mo na sa pamamagitan ng isip, ang tao ay may kakayahang hanapin, alamin, unawain, at ipaliwanag ang mga katotohanan, layunin at dahilan ng mga bagay-bagay sa kaniyang paligid. Bukod pa rito, maituturing din na isang mahalagang kaloob sa tao ang pagkakaroon ng kilos-loob sapagkat ito ang nagbibigay sa tao ng kakayahang gumawa, kumilos, pumili, at magmahal. Bawat isa sa atin ay biniyayaan ng Diyos ng kalayaan na mamili at mamuno sa ating paghusga, gawi, at kilos. Ang kilos-loob ang nagdadala sa atin na piliin ang mabuti, magkaroon ng disiplina sa sarili, pagtibayin ang mga unibersal na katotohanan, at panatilihin ang pagsasagawa nito nang paulit-ulit. Tulad ng isip, mahalaga na magabayan ang ating kilos-loob tungo sa kabutihan. Dahil sa ating isip at kilos-loob, inaasahan na tayo ay makabubuo at makagagawa ng isang mabuti at matalinong posisyon sa kabila ng iba’t ibang isyu na umiiral sa ating lipunan. Ano ang kahulugan ng salitang isyu isyu? ? Ayon sa website website na na www.depinisyon.com, ang isyu ay isang mahalagang katanungan na kinapapalooban ng dalawa o higit pang mga panig o posisyon na magkakasalungat at nangangailangan ng mapanuring pag-aaral upang malutas.” (retrieved February 25, 2014) Ang mga modyul sa ikaapat na markahan sa Baitang 10 ay tatalakay sa iba’t ibang napapanahong isyung moral sa sa ating lipunan. Marahil sa pagsulong ng agham at sa mabilis na agos ng pamumuhay ng mga tao, tayo ay nakararanas ng kalituhan at unti-unti nang nagbabago ang ating pananaw sa moralidad. Ang mga gawi na itinuturing na masama sa mga nagdaang panahon ay nagkakaroon na ng iba’t ibang pagtingin sa kasalukuyan. Dahil din sa nakalilitong mensahe ng media, mahirap makabuo ng matalino at mabuting posisyon ukol sa mga isyung ito. Sa kasamaang-palad, ang iba ay nakalilikha na ng mga opinyon nang hindi pa nasusuri at napag-iisipan ang iba’t ibang panig, mga argumento, at batayan sa pagbuo ng posisyon kaugnay ng iba’t ibang isyung moral. 263
All rights reserved. reserved. No part of of this material may be reproduced or transmitted transmitted in any form form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Madalas mong marinig na ang tao ay natatangi at espesyal sa lahat ng nilikha ng Diyos. Sa kadahilanang ito, ang buhay na ipinagkaloob sa tao ay itinuturing na banal o sagrado. Naniniwala ka ba rito? Paano mo pinahahalagahan ang iyong buhay? Sa aklat na “Perspective:” Current Issues in Values Education” (De Torre, 1992) sinasabi na, “Ang buhay ng tao ay maituturing na pangunahing pagpapahalaga. Ang isang tao ay hindi hindi maaaring gumawa at mag-ambag sa lipunan kung wala siyang buhay. Ang isang tao ay dapat unang isilang upang mapaunlad ang kaniyang sarili at makapaglingkod sa kapuwa, pamayanan, at bansa. Kaya kinakailangang isilang at mabuhay siya.”
Y P O C D E P E D
Ang buhay na ipinagkaloo ipinagkaloob b sa tao ay kakaiba sa buhay na mayroon ang ibang nilikha. Bagaman ang tao ay nilikhang malaya, hindi nangangahulugang ito ay ganap. Kung ating babalikan ang Modyul 4, nabanggit doon na kailangan nating maging mapanagutan sa ating kalayaan. Kung ating susuriin ang pahayag na ito, mapatutunayan natin na bagama’t may kalayaan tayong mabuhay at pumili ng landas na ating tatahakin habang tayo ay nabubuhay, nabubuhay, hindi bahagi nito ang pagsira o pagkitil sa sariling buhay o ng ibang tao kung sakaling napagod tayo at nawalan na ng pagasa. Tungkulin natin bilang tao na pangalagaan, ingatan, at palaguin ang sariling buhay at ng ating kapuwa. Sa kabila ng katotohanang ito, nakalulungk nakalulungkot ot isipin na may ilang gawain ang tao na taliwas at tuwirang nagpapakita ng pagwawalang-halaga sa kasagraduhan ng buhay. Ano-ano ang mga ito? Halina’t pag-usapan natin ang iba’t ibang mga isyu tungkol sa buhay. Mga Isyu tungkol sa Buhay
Ang Paggamit ng Ipinagbabawal na Gamot
Pamilyar ka ba sa mga katagang nasa kaliwa? Sino kaya ang maaaring magsabi nito? Tama! Ito ay mga kataga mula sa isang taong high high sa sa droga. Ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay isa sa mga isyung moral na kinakaharap ng ating lipunan ngayon. Ito ay “isang estadong sikiko ( psychic psychic ) o pisikal na pagdepende sa isang mapanganib na gamot, na nangyayari matapos gumamit nito nang paulit-ulit at sa tuloy-tuloy na pagkakataon.” (Agapay, 2007) Ang pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot ay nagdudulot ng masasamang epekto sa isip at katawan. Karamihan din ng mga krimen na nagaganap sa ating lipunan ay malaki ang kaugnayan sa paggamit ng droga.
Dahil sa droga, ang isip ng tao ay nagiging blank spot . Nahihirapan ang isip na iproseso ang iba’t ibang impormasyon na dumadaloy dito.
264 All rights reserved. reserved. No part of of this material may be reproduced or transmitted transmitted in any form form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Sa kasalukuyan, may ilang mga tao na gumon sa ipinagbabaw ipinagbabawal al na gamot. Ang ilan sa kanila ay naiimpluwensiya naiimpluwensiyahan han sa pamamagitan pamamagitan ng kanilang kanilang mga kaibigan kaibigan o mga taong nakasasalamuha sa kanilang paligid. Nakalulungkot isipin na ang mga ilang kabataang tulad mo ay kasama sa mga taong gumon dito. Ngunit bakit nga ba pati ang kabataan ay nagiging biktima ng masamang bisyong ito? Karamihan sa mga kabataan ay nais mapabilang sa isang barkada o samahan ( peer peer group). group). Kung hindi sila matalino sa pagpili ng sasamahang barkada, maaaring mapabilang sila sa mga gumagamit ng droga. Samantala, ang iba naman ay nais mageksperimento at subukin ang maraming bagay. Iniisip nila na sila ay bata pa at may lisensiya na gawin ito. Ang ilan pa sa kanila ay nagsasabing may mga problema sa kani-kanilang mga pamilya at nais magrebelde. Ginagamit nila ito upang makalimutan ang kahihiyan at pagtakpan ang sakit na kanilang nadarama. Sang-ayon ka ba sa mga dahilang ito? Makatuwiran bang ibaling sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot kung sakaling may mga suliraning pinagdadaanan pinagdadaanan ang iyong pamilya? Hindi, sapagkat ito ay walang kabutihang maidudulot sa mga tao lalo na sa mga kabataan. Maaari itong makaapekto sa kanilang pag-aaral at personal na buhay. buhay. May tuwiran din itong epekto sa pag-iisip at damdamin ng isang tao. Dahil sa droga, ang isip ng tao ay nagiging blank spot . Nahihirapan ang isip na iproseso ang iba’t ibang impormasyon na dumadaloy dito, na karaniwang nagiging sanhi ng maling pagpapasiya at pagkilos. Ito ay kadalasang nauuwi sa paggawa ng mga di kanais-nais na bagay na higit na nakaaapekto sa ating pakikipagkapuwa tulad ng pagnanakaw at pagkitil ng buhay ng ibang tao. Bukod pa rito, nagpapaba nagpapabagal gal at nagpapahina rin ito sa isang tao na maaaring maging sanhi ng pagkakaroon ng maraming kabiguan sa buhay. Ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay maaaring maghatid sa tao sa maling landas. Malaki ang nagiging epekto nito sa pagkamit natin ng tunay na kaganapan bilang tao. Nararapat na ang isang kabataang tulad mo ay magkaroon nang sapat na kaalaman ukol dito upang makaiwas sa mga taong maaaring makaimpluwensiya makaimpluwensiya na gumamit nito.
Y P O C D E P E D
Balikan natin ang halimbawa na ibinigay sa iyo sa Modyul 8 Yugto ng Makataong Kilos:
Inalok ka ng iyong malalapit na kaibigan na sumama sa kanila at subuking gumamit ng ipinagbabaw ipinagbabawal al na gamot. Ano ang iyong gagawin? Paano mo sila kukumbinsihin na huwag nang ituloy ang kanilang gagawin? Paano mo ipaliliwanag sa kanila na ito ay isang paglabag sa kasagraduhan ng buhay?
265 All rights reserved. reserved. No part of of this material may be reproduced or transmitted transmitted in any form form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Alkoholismo Tulad ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot, ang alkoholismo alkoholismo o labis na pagkonsumo ng alak ay Let’s drink all may masasamang epekto sa tao. Ito ay unti-unting night! Alak Alak pa! nagpapahina sa kaniyang enerhiya, nagpapabagal ng pag-iisip, at sumisira sa kaniyang kapasidad na maging malikhain. Dahil sa kaibahan ng kanilang pag-uugali at kawalan ng pokus, nababawasan ang kakayahan sa paglinang ng makabuluhang pakikipagkapuwa ang mga nagugumon sa alkohol. Ang ilan sa mga away at gulo na nasasaksihan natin sa loob at labas ng ating mga tahanan ay may kinalaman sa labis na pag-inom ng alak. Kung minsan, nauuwi pa ang mga away na ito sa iba’t ibang krimen. Sa pagkakataong ito, masasabing naaapektuhan ng alak o alkohol ang operasyon ng isip at kilos-loob ng tao na naging dahilan kung bakit nakagagawa siya ng mga bagay na hindi inaasahan katulad katulad ng pakikipag-away pakikipag-away sa kapuwa. Kung matatandaan mo, mo, ayon sa Modyul 5, maaaring hindi siya masisi sa kaniyang ginawa dahil nasa ilalim siya ng impluwensiya ng alak at wala sa tamang pag-iisip, ngunit may pananagutan pa rin siya kung bakit siya uminom ng alak at gaano karami ang kaniyang nainom. Ang paginom ng alak ay hindi masama kung paiiralin lamang ang pagtitimpi at disiplina. Bukod sa epekto nito sa ating pag-iisip at pag-uugali, apektado rin ang ating kalusugan. Maraming sakit sa katawan ang kaugnay ng labis na pagkonsumo nito, tulad ng cancer , sakit sa atay at kidney . Kung hindi pagtutuunan ng pansin ang mga nabanggit na sakit, maaaring magresulta ito sa maagang pagkamatay ng isang tao. Bilang nilikha ng Diyos, inaasahan sa atin na isabuhay ang pagpapahalaga sa kalusugan ng ating katawan - tanda ng pagmamahal sa buhay na ipinagkaloob Niya sa atin.
Y P O C D E P E D
Aborsiyon
Isa sa mga pinakamahahalagang isyu sa buhay ay ang aborsiyon aborsiyon.. Ang isyung ito ay may mahabang kasaysayan at mabigat pa ring pinag-uusapan ng mga mananaliksik at ng publiko – higit lalo sa pagiging moral at legal nito. Ano ba ang aborsiyon? Bakit ito itinuturing na isyu sa buhay? Ang aborsiyon aborsiyon o pagpapalaglag ay pag-alis ng isang fetus fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina. Sa ilang mga bansa, ang aborsiyon ay itinuturing na isang lehitimong paraan upang kontrolin o pigilin ang paglaki ng pamilya o populasyon, ngunit sa Pilipinas, itinuturing itong isang krimen. (Agapay (Agapay,, 2007) Narito ang sumusunod na mga pangunahing katanungan ukol sa aborsiyon na nilalayong sagutin sa modyul na ito. Una, makatuwiran ba ang aborsiyon o pagpapalaglag? Ikalawa, maituturing na bang tao ang sanggol sa sinapupunan ng 266 All rights reserved. reserved. No part of of this material may be reproduced or transmitted transmitted in any form form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
ina? Siya ba ay nagtataglay na ng mga kapakanang moral at mga legal na karapatan na dapat pangalagaan? Paano naman ang kapakanang moral at karapatan ng ina? Ano-anong mga pamantayan ang maaaring maaaring sumuporta sa kasagutan sa mga tanong na ito? Pro-life at Pro-Choice Ang isyu sa aborsiyon ay nagbigay-daa nagbigay-daan n upang magkaroon ng dalawang magkasalungat na posisyon ang publiko: ito ay ang Pro-life at at Pro-choice. Pro-choice.
Y P O C D E P E D
Pro-life.. Naniniwala ang mga tagapagtaguyod ng posisyong ito na: 1. Pro-life 1. a. Ang sanggol ay itinuturing na isang tao mula sa sandali ng paglilihi; ito ay nangangahulugang ang pagpapalaglag sa kaniya ay pagpatay, na tuwirang nilalabag ang mga pamantayang moral at batas positibo. b. Kung ang pagbubuntis pagbubuntis ay resulta ng kapabayaan ng ina ina (halimbawa, hindi hindi niya ginawa ang tamang pag-iingat upang epektibong maiwasan ang hindi nilalayong pagbubuntis), pagbubuntis), dapat niyang harapin ang kahihinatnan nito. Tungkulin niya na iwasan ang pagbubuntis kung siya at ang kaniyang asawa ay hindi nais magkaanak. c. Kung magiging magiging katanggap-tangga katanggap-tanggap p sa lipunan ang aborsiyon, aborsiyon, maaaring maaaring gamitin gamitin ito ng mga tao bilang regular na paraan para hindi ituloy ang pagbubuntis. d. Ang lahat ng sanggol ay may mahusay mahusay na potensiyal; potensiyal; bawat bawat isa na ipinalalagla ipinalalaglag g ay maaaring lumaki at maging kapaki-pakinabang sa lipunan o sa buong mundo. e. Maraming mga relihiyon relihiyon ay hindi nag-eendorso ng pagpapalaglag pagpapalaglag o ilang mga paraan ng birth control dahil dahil sa paniniwalang ang pakikipagtalik ay para sa layuning pagpaparami ( procreation procreation)) lamang at ang sinumang batang nabubuhay ay mga anak ng Diyos. Ang pagkitil sa buhay ng isang anak ng Diyos ay masama. 2. Pro-choice. Pro-choice. Ang Ang mga tagapagsulong tagapagsulong ng posisyong posisyong ito ay pinananatili pinananatili na:
a. Ang bawat batang isinisilang isinisilang sa mundo ay ay dapat mahalin at alagaan. alagaan. Ang Ang tamang pagpaplano sa pagkakaroon ng anak ay karaniwang nagbubunga ng mas magandang buhay para sa mga bata dahil may kakayahan ang mga magulang na suportahan ang kanilang mga anak sa pisikal, emosyonal, at pinansiyal na aspekto. b. Ang fetus fetus ay hindi pa maituturing na isang ganap na tao dahil wala pa itong Ang isyu sa aborsiyon ay nagbigay-daan upang kakayahang mabuhay sa labas ng bahaymagkaroon ng dalawang bata ng kaniyang ina. Hindi maituturing na magkasalungat na posisyon pagpatay ang pagpapalaglag ng isang fetus ang publiko: ito ay ang dahil umaaasa pa rin ito sa katawan ng Pro-life at at Pro-choice. Pro-choice. kaniyang ina upang mabuhay. Ang unang 267
All rights reserved. reserved. No part of of this material may be reproduced or transmitted transmitted in any form form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
prayoridad samakatuwid, ay ang katawan ng ina, at may karapatan siyang magpasiya para rito. Ang katawan ng isang babae ay bahagi ng kaniyang sarili, at nararapat siyang maging malaya na gawin kung ano sa palagay niya ang kinakailangan para sa kaniyang katawan at pangkalaha pangkalahatang tang kalusugan sa anumang sitwasyon. c. Sa mga kasong rape o incest , ang sanggol ay maaaring maging tagapagpaalala tagapagpaalala sa babae ng trauma na kaniyang naranasan. Ayon Ayon sa ilang pananaliksik pananaliksik,, ang trauma na mga sanggol na ipinanganak bunga ng mga ganitong kaso ay nahaharap sa mataas na panganib ng kapabayaan o pang-aabuso mula sa kanilang mga ina. d. Kung sakaling ituloy ang pagbubuntis pagbubuntis at magpasiya magpasiya ang ina na dalhin dalhin sa bahaybahayampunan ang sanggol pagkatapos, maraming bahay-ampunan ang kulang sa kapasidad na magbigay ng pangunahin pangunahing g pangangailangan ng mga bata. e. Ang aborsiyon, sa sa pangkalahatan pangkalahatan ay ligtas na pamamaraan. Mas Mas mababa pa sa 1% ng mga aborsiyon na ginawa bago ang ika-21 na linggo ng pagbubuntis ang nagresulta ng mga pangunahing komplikasyon tulad ng pagdurugo o impeksiyon. Habang itinuturing itong iligal, tiyak na maraming babae ang patuloy na sasailalim nang palihim sa ganitong proseso at maglalagay sa kanilang kalusugan sa di-tiyak na sitwasyon at maaaring mauwi sa kamatayan.
Y P O C D E P E D
Ang dalawang uri ng aborsiyon:
1. Kusa (Miscarriage Miscarriage). ). Ito ay ang pagkawala ng isang sanggol bago ang ika-20 linggo ng pagbubuntis. Ito ay tumutukoy sa natural na mga pangyayari, at hindi ginamitan ng medikal o artipisyal na pamamaraan. 2. Sapilitan (Induced ). ). Ito ay ang pagwawakas ng pagbubuntis at pagpapaalis ng isang sanggol, sa pamamagitan ng pag-opera o pagpapainom ng mga gamot. Suriin ang sitwasyon:
Isang ina na limang buwan nang nagdadalan nagdadalang-tao g-tao ang nagkaroon ng malubhang sakit. Sa pagsusuri ng mga doktor, nalaman niya na kailangang alisin ang kaniyang bahay-bata ngunit maaari itong magresulta sa pagkamatay ng sanggol sa kaniyang sinapupunan. Kung hindi naman ito isasagawa, maaaring magdulot ito ng mga komplikasyon at malagay sa panganib ang kaniyang buhay.
Ano ang nararapat niyang gawin sa sitwasyon na ito? Nararapat ba siyang bigyan ng pagkakataon na sagipin ang kaniyang sarili kahit maaari itong maging dahilan ng pagkamatay ng kaniyang anak? Maituturing ba itong isang halimbawa ng aborsiyon? Pangatwiran ang iyong sagot. 268 All rights reserved. reserved. No part of of this material may be reproduced or transmitted transmitted in any form form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Sa sitwasyong ito, maaaring balikan ang aralin sa Modyul 6: Ang Layunin, paraan, sirkumstansiya, at kahihinatnan ng kilos kilos upang upang mas maunawaan at mabigyangkatuwiran natin ang ating sagot sa sitwasyon sa pahina 268. Suriin ang talaan sa ibaba: Layunin
Iligtas ang buhay ng ina.
Iligtas ang buhay ng sanggol sa sinapupunan ng ina.
Y P O C D E P E D Paraan
Gamutin ang
Hindi itutuloy ang
mapanganib na sakit ng
operasyon upang alisin
ina sa pamamagitan ng
ang bahay-bata ng ina.
pag-alis ng bahay-bata.
Sirkumstansiya
Kahihinatnan
Wala ng iba pang
Makasasama ito sa
medikal na pamamaraan
kalusugan ng ina dahil
na maaaring gawin
maaaring mamatay ang
bukod sa alisin ang
sanggol sa sinapupunan
bahay-bata ng ina.
ng ina.
Masasagip an ang bu buhay
Maililigtas ang sanggol
ng ina sa tiyak na
dahil hindi aalisin ang
kamatayan ngunit
bahay-bata ngunit
maaaring mamatay ang
malalagay sa panganib
sanggol.
ang buhay ng ina.
Sa pagkakataong ito, ano ang pipiliin mo?
Ang Prinsipyo ng Double Effect
Ayon kay Sto. Tomas Tomas de Aquino, may mga oras kung kailan ang isang kilos na nararapat gawin ay maaaring magdala ng mabuti at masamang epekto. Bilang resulta, nagkakaroon ng isang problemang etikal. Ang isang halimbawa ay ang sitwasyon na inilahad sa itaas kung saan kinakailangang mamili kung aalisin ang bahay-bata ng ina upang malunasan ang kaniyang karamdaman, ngunit maaaring ikamatay ng sanggol sa kaniyang sinapupunan, o hindi ito aalisin subalit maaaring magkaroon ng komplikasyon at malagay sa panganib ang kaniyang buhay. Kung gagamiting batayan ang Prinsipyo ng Double Effect sa sa sitwasyong ito, maaaring pumili ng isang kilos na magdudulot ng masamang epekto kung matutugunan ang sumusunod na apat na kondisyon. 269
All rights reserved. reserved. No part of of this material may be reproduced or transmitted transmitted in any form form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Una, ang layunin ng kilos ay nararapat na mabuti. Kung iuugnay sa sitwasyon sa pahina 268, ang pagsagip ng buhay ng ina o ng sanggol ang nararapat na ilayon, at hindi ang pagkitil ng alinman sa dalawa. Samakatuwid, ang direkta at intensiyonal na pagpatay sa sanggol ay itinuturing na masama, kahit pa bunga ng masamang gawain o pagsasamantala ang pagbubuntis. Hindi kailanman magiging mabuti ang pumatay ng inosenteng sanggol. Gayunman, maaaring gamitin ang Prinsipyo ng Double Effect sa sitwasyon ng isang inang may karamdaman at nararapat alisin ang bahay-bata upang sagipin ang kaniyang buhay, kahit maaari itong maging dahilan ng pagkamatay ng kaniyang anak. Ngunit kinakailangan pa ring matugunan ang tatlo pang natitirang kondisyon ng Prinsipyo ng Double Effect.
Y P O C D E P E D
Ikalawa, ang masamang epekto ay hindi dapat direktang nilayon ngunit bunga lamang ng naunang kilos na may layuning mabuti. Halimbawa, pinahihintulutan o hindi itinuturing na masama ang pagkamatay ng sanggol sa sinapupunan ng ina, kung hindi naman ito ang totoong layunin ng ina bagkus gamutin ang kaniyang karamdaman. Ang pagpanaw ng kaniyang anak ay epekto lamang ng isasagawang panggagamot at hindi tuwirang ginusto. Ikatlo, ang mabuting layunin ay hindi dapat makuha sa pamamagitan ng masamang pamamaraan. Halimbawa, sa isyu ng aborsiyon, ang kamatayan ng hindi pa isinisilang na sanggol ay hindi maaaring gamitin bilang isang paraan ng paglilimita ng paglaki ng pamilya, pagpigil sa kapanganakan ng mga may depekto, o sa pagpapahusay ng karera ng mga magulang. Sa kabilang banda, ang paggamot sa nakamamatay na sakit ng ina sa pamamagitan ng pag-alis ng kaniyang bahay-bata ay katanggap-tanggap kahit pa maaaring ikamatay ito ng kaniyang anak. Ikaapat, kinakailangan ang pagkakaroon ng mabigat at makatuwirang dahilan upang maging katanggap-tanggap ang masamang epekto. Sa kaso ng aborsiyon, hindi masasabing makatuwiran kung ang gagamiting dahilan sa pagsasagawa nito ay ang pagpapanatili ng hubog ng katawan, pigilin ang kapanganakan ng mga batang may depekto, o kahit pa para iwasan ang kahihiyan dahil ang ipinagbubuntis ay bunga ng masamang gawain. Sa kabilang banda, magiging katanggap-tanggap ito kung dahil sa pagsagip ng buhay ng ina ay hindi maiwasan ang pagkamatay ng sanggol sa kaniyang sinapupunan. Sa huli, mas makabubuti pa rin kung makahahanap ng iba pang paraan (medikal o hindi) kung saan parehong maililigtas ang buhay ng ina at ng sanggol. Pagpapatiwakal Ano ang iyong naiisip at nararamdaman sa tuwing may mababalitaan kang nagpatiwakal? Napapanahong pagusapan ang isyu ng pagpapatiwakal o suicide dahil may ilang kabataang tulad mo ang nagsagawa na nito, at patuloy pang nadaragdagan ang bilang nila. 270 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ano ba ang kahulugan ng pagpapatiwakal ? Ito ay ang sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at naaayon sa sariling kagustuhan. Dapat may maliwanag na intensiyon ang isang tao sa pagtatapos ng kaniyang buhay bago ito maituring na isang gawain ng pagpapatiwakal. Hindi na mahalaga kung anuman ang piniling paraan, hangga’t naroroon ang motibo. Gayunpaman, may mga tao na kahit tuwirang inilalagay ang kanilang sarili sa panganib, ito ay hindi itinuturing na kilos ng pagpapatiwakal sapagkat inihahain nila ang kanilang mga sarili sa matinding panganib para sa isang mas mataas na dahilan. Masasabing magiting na pagkilos ang mawalan ng buhay sa pagtatangkang pangalagaan ang buhay ng iba. Ang magandang halimbawa nito, ay ang pagsasakripisyo ng ating mga sundalo at pulis, kung saan nalalagay ang kanikanilang mga buhay sa alanganin sa pagtatanggol sa ating mga mamamayan mula sa mga masasamang loob.
Y P O C D E P E D
Ngunit bakit nga ba may mga taong nagpapatiwakal? Ang kawalan ng pagasa (despair) ay isa sa mga karaniwang dahilan kung bakit may ilang taong pinipiling kitlin ang sarili nilang buhay. Ito ay tumutukoy sa pagkawala ng tiwala sa sarili at kapuwa, gayundin ang pagkawala ng paniniwala na may mas magandang bukas pang darating. Marami sa mga nakararanas nito ay itinuturing ang kanilang sarili na wala nang halaga. Ayon kay Eduardo A. Morato sa kaniyang aklat na Self-Mastery (2012), upang mapigilan ang kawalan ng pag-asa, kinakailangang mag-isip ang isang tao ng mga malalaking posibilidad at natatanging mga paraan upang harapin ang kaniyang kinabukasan. Ang pananatili sa isang mahirap na sitwasyon ay maaari lamang makaragdag sa kawalan ng pag-asa. Bukod pa rito, mahalagang maging positibo sa buhay upang mabawasan ang mabigat na dinadala ng isang tao. Sa kabilang banda, hindi nararapat husgahan ang mga taong nagpatiwakal. Maaaring sila ay wala sa tamang pag-iisip (halimbawa, depresyon) sa oras na ginawa nila iyon. Kung ating babalikan, nabanggit sa Modyul 3 na may kahiligan ang taong pangalagaan ang kaniyang buhay. Ang pagkain ng tama, pag-inom ng gamot sa tuwing may sakit, at pag-iingat sa sarili ay bahagi ng pagpapahalaga ng tao sa kaniyang buhay. Natural itong dumadaloy sa kaniyang mga gawain at kilos, kung kaya masasabing hindi likas sa tao ang kitlin ang sariling buhay. Hindi nararapat ilagay sa sarili nating mga kamay ang pagpapasiya kung dapat nang wakasan ang buhay na ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Upang makaiwas sa depresyon at hindi mawalan ng pag-asa, mahalagang panatilihing abala ang sarili sa mga makabuluhang gawain tulad ng paglilingkod sa kapuwa at pamayanan. Makatutulong din nang malaki ang pagkakaroon ng matibay na support system na kinabibilangan ng ating pamilya at tunay na mga kaibigan na makapagbibigay ng saya at pagmamahal tuwing makararamdam tayo na walang halaga ang ating buhay. Sa iyong palagay, may karapatan ba ang tao na maging Diyos ng sarili niyang buhay? Pangatwiranan. 271
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Euthanasia (Mercy Killing) Isang lalaki ang may nakamamatay na sakit. Sa ospital kung saan siya namamalagi, makikitang maraming medikal na kagamitan ang nakakabit sa kaniya. Sa ganitong kalagayan, masasabi na hinihintay na lamang niya ang takdang oras. Isang araw, nakiusap siya na alisin ang lahat ng kagamitang medikal at payagan na siyang umuwi at mamatay sa kapayapaan. Ngunit tumanggi ang mga doktor, sa kadahilanang kapag ginawa nila iyon, tiyak na magreresulta sa kaniyang agarang kamatayan. (Source: www.yahoo.com)
Y P O C D E P E D
Ang euthanasia o mercy killing ay isang gawain kung saan napadadali ang kamatayan ng isang taong may matindi at wala nang lunas na karamdaman. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng mga modernong medisina at kagamitan upang tapusin ang paghihirap ng isang maysakit. Ang euthanasia kung minsan ay tinatawag ding assisted suicide, sa kadahilanang may pagnanais o motibo ang isang biktima na wakasan ang kaniyang buhay, ngunit isang tao na may kaalaman sa kaniyang sitwasyon ang gagawa nito para sa kaniya. Isang halimbawa nito ay maaaring ang isang maysakit ang humihiling sa isang taong may kaalaman sa mga gamot na bigyan siya ng isang labis na dosis ng pampawala ng sakit. Ang sakit at paghihirap ay likas na kasama sa buhay ng tao. Ang pagtitiis sa harap ng mga pagsubok ay isang anyo ng pakikibahagi sa plano ng Diyos. Samakatuwid, hindi maaaring hilingin ng isang tao na tapusin ang kaniyang paghihirap sa pamamagitan ng kamatayan. Higit na mabuti kung pagmamahal at pag-aalala ang ibibigay sa kanila, hindi kamatayan. Hindi ipinipilit ang paggamit ng mga hindi pangkaraniwang mga pamamaraan at mamahaling mga aparato upang pahabain ang buhay ng isang tao. Sa madaling salita, ang pagpapatigil sa paggamit ng mga life support ay hindi itinuturing na masamang gawain. Ito ay maliwanag na pagsunod lamang sa natural na proseso. Ang ipinagbabawal ay ang mga gawain na tuwirang naglalayon na mapadali ang buhay tulad ng pagbibigay ng lason o labis na dosis ng gamot.
Kung susuriin natin ang sitwasyon sa itaas, maituturing bang isang paglabag sa kasagraduhan ng buhay kung sakaling pumayag ang mga doktor na tanggalin ang mga kagamitang medikal? Bakit? 272 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Paano ang buhay para sa mga Di-normal? (Persons with Disabilities o PWD) Madalas nating marinig na ang buhay ng tao ay sagrado o banal. Naniniwala ka ba rito? Ang pahayag na ito ay karaniwang ginagamit bilang argumento sa mga isyu tulad ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot at alak, aborsiyon, pagpapatiwakal, at euthanasia. Kung susuriin, bakit mas mataas ang pagpapahalagang ibinibigay sa buhay ng tao kung ikukumpara sa buhay ng ibang nilalang? May malalim bang dahilan ito? Ano-ano ang mga patunay na sumusuporta sa pahayag na “ang buhay ay sagrado?”
Y P O C D E P E D
Ayon sa Bibliya, ang kabanalan ng “Ang buhay ng tao ay napakahalaga; buhay ay maiuugnay sa kapangyarihan kahit na ang mga pinakamahihina at ng Diyos bilang Dakilang Manlilikha. Ang madaling matukso, mga may sakit, tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos. matatanda, mga hindi pa isinisilang at mahihirap, ay mga obra ng Diyos na Nangangahulugan ito na ang tao ay may ginawa sa sarili Niyang imahe, laan mga ilang katangian na gaya ng katangian upang mabuhay magpakailanman, at Niya. Ngunit hindi ito tumutukoy sa karapat-dapat ng mataas na paggalang materyal na aspekto. Sinasabi ng Bibliya at respeto.” – Papa Francis ng Roma na ang Diyos ay Espiritu kaya Siya’y walang pisikal na katawan o anyo. Dahil dito, ang tao ay nilalang na may espiritu. Ito ang ipinagkaiba ng tao sa mga hayop at iba pang nilikha ng Diyos. Binigyan Niya tayo ng kakayahang mag-isip, pumili, magdesisyon at makisama. Lahat ng tao, anuman ang katayuan sa buhay ay pantay-pantay sa kakayahang ito. Sabi ni Papa Francis ng Roma, “Ang buhay ng tao ay napakahalaga; kahit na ang mga pinakamahihina at madaling matukso, mga may sakit, matatanda, mga hindi pa isinisilang at mahihirap, ay mga obra ng Diyos na ginawa sa sarili Niyang imahe, laan upang mabuhay magpakailanman, at karapat-dapat ng mataas na paggalang.” Ang pahayag ni Papa Francis ay tumutukoy sa dignidad ng tao na nagmula sa Diyos. Ito ay likas sa tao. Ito ay umiiral sa pangkalahatan, samakatuwid taglay ng lahat ng tao. Dahil sa dignidad, nagiging karapat-dapat ang tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapuwa. Lahat ng tao, anuman ang kanilang gulang, anyo, antas ng kalinangan, at kakayahan ay may dignidad. Sa pananaw ng iba’t ibang mga relihiyon, ang buhay ay sagrado. Ito ay kaloob mula sa Diyos. Itinuturing na maling gawain ang hindi paggalang sa kabanalan ng buhay dahil ito ay indikasyon ng kawalan ng pasasalamat at pagkilala sa kapangyarihan ng Diyos.
Masasabing isang maliwanag na batayan ang pagkakaroon ng dignidad kung bakit obligasyon ng bawat tao ang igalang ang sariling buhay at ang buhay ng kaniyang kapuwa. Ang buhay ay ipinagkaloob sa atin ng Diyos upang gamitin natin sa mabuting paraan. Subalit hindi natin maitatanggi na 273
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
marami sa mga gawain ng tao ngayon ay taliwas sa kabutihan at may tuwirang epekto sa ating dignidad. Hindi lahat ay naisasapuso at napaninindigan na sagrado ang buhay at nararapat itong pangalagaan. Ngunit, paano ang buhay para sa mga taong di-normal? Halimbawa, ang isang mag-asawa ay nagkaroon ng anak na may Down Syndrome. Maaari ba nating sabihin na walang karapatan mabuhay ang bata dahil ang kalidad ng buhay na magkakaroon siya ay lubhang limitado? Kung susundan natin ang pahayag ni Papa Francis ng Roma, lahat ng tao, kahit iyong isinilang na may kapansanang pisikal o sa pag-iisip ay may karapatang mabuhay at bigyan ng paggalang. Nararapat nating isipin na bawat isa sa atin, normal man o hindi, ay maaaring makapagbigay ng kontribusyon at makapagambag sa pagbabago ng lipunan.
Y P O C D E P E D
Sa pananaw ng iba’t ibang mga relihiyon, ang buhay ay sagrado. Ito ay kaloob mula sa Diyos. Itinuturing na maling gawain ang hindi paggalang sa kabanalan ng buhay dahil ito ay indikasyon ng kawalan ng pasasalamat at pagkilala sa kapangyarihan ng Diyos. Bukod pa rito, ang tao ay nilikha na may likas na pagkahilig sa kabutihan. Kahit pa sinasabing siya ay may kalayaang pumili para sa sarili, inaasahan pa rin na magiging mapanagutan siya sa bawat pagpapasiya at pagkilos na kaniyang isasagawa. Magkaroon man ng iba’t ibang impluwensiya galing sa media at kapaligiran, nararapat lamang na gamitin niya ang kaniyang mapanuring pag-iisip upang makabuo ng mabuti at tamang posisyon tungkol sa iba’t ibang isyung moral sa buhay. Bilang isang sa mga kabataan, paano mo mapananatiling sagrado ang buhay?
Tayahin ang iyong pag-unawa
Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Upang masubok ang lalim ng iyong naunawaan, sagutin mo ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno: 1. Ano ang kahulugan ng isyu? 2. Paano naiiba ang buhay na ipinagkaloob sa tao kung ikukumpara sa buhay ng ibang nilikha ng Diyos? 3. Paano nakaaapekto sa ating isip at kilos-loob ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot at alkoholismo? 4. May karapatan ba ang tao na maging Diyos ng sarili niyang buhay? Ipaliwanag ang iyong sagot. 5. Bakit sagrado ang buhay ng tao? 6. Paano natin mapananatili ang “kasagraduhan” ng buhay ng tao?
274 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Paghinuha sa Batayang Konsepto Panuto: Gamit ang graphic organizer ay buuin ang mahalagang konsepto na nahinuha mula sa mga nagdaang gawain at babasahin na binasa.
Ang pagbuo ng ________ tungkol sa mga isyung may kinalaman sa
Y P O C D E P E D ____________ ng
sa
niya sa
bilang kaloob ng Diyos
ay kailangan upang __________ ang ating pagkilala sa Kaniyang
__________ at _________ at kahalagahan ng
bilang _____ ng Diyos.
Pag-uugnay ng Batayang Konsepto sa Pag-unlad ko Bilang Tao
1. Ano ang kabuluhan ng batayang konsepto sa aking pag-unlad bilang tao? 2. Ano-ano ang maari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto sa modyul na ito?
275 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
E. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO Pagganap Gawain 5 1. Sa pagkakataong ito ay napatunayan mo nang sagrado ang buhay na kaloob ng Diyos sa iyo. Balikan mo ang iba’t ibang isyu tungkol sa buhay at pag-aralan ang mga argumento sa mga isyung ito na inilahad sa bahagi ng Pagpapalalim. Sumulat ng isang position paper na maglalahad ng iyong sariling pananaw sa mga gawaing taliwas sa batas ng Diyos at kasagraduhan ng buhay. Sundin ang pormat sa ibaba. Gawin ito sa malinis na papel. (short bond paper ) I. II.
Y P O C D E P E D
Title Page Panimula
A. Pagpapakilala ng paksa
B. Ang sariling pananaw sa isyu III.
Mga Argumento sa Isyu
A. Buod ng mga argumento
B. Mga impormasyong sumusuporta sa mga argumento C. Mga ebidensiya para sa mga argumento IV. Ang
Sariling Posisyon sa Isyu
A. Unang punto ng iyong posisyon 1. Opinyon sa unang punto 2. Mga ebidensiya
B. Ikalawang punto ng iyong posisyon 1. Opinyon sa ikalawang punto 2. Mga ebidensiya
C. Ikatlong punto ng iyong posisyon 1. Opinyon sa ikatlong punto 2. Mga ebidensiya IV.
Konklusyon A. Buod ng Iyong posisyon B. Plano ng pagkilos
V.
Sanggunian
276 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Pagninilay Gawain 6 Panuto: Sa iyong kuwaderno, isulat ang mga mahahalagang repleksiyong nakuha mula sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na tanong: 1. Bakit sinasabing ang buhay ng tao ay higit na sagrado kaysa sa iba pang uri ng buhay? 2. Bilang isang kabataan, paano mo mapananatili ang kasagraduhan ng buhay?
Y P O C D E P E D Pagsasabuhay Gawain 7
Panuto: 1. Hahatiin ng guro ang klase sa apat na pangkat. 2. Maghanap at magtala ng mga organisasyon sa inyong lugar na nagsusulong ng kasagraduhan ng buhay. 3. Makipag-ugnayan sa mga ito at pumili ng isang samahan na ang itinataguyod na paniniwala ay katulad ng sa inyo. Alamin kung paano kayo makatutulong sa kanilang mga programa sa pamamagitan ng paglalaan ng inyong panahon at kakayahan (Halimbawa: paggawa at pamimigay ng mga yers tungkol sa kasagraduhan ng buhay). 4. Maglaan ng isa o dalawang araw upang maisagawa ito. Lumikha ng isang photo journal bilang patunay ng inyong pagsasabuhay ng gawain. 5. Ang inyong photo journal ay nararapat na maglaman ng mga tala at larawan na nagdedetalye ng inyong mga naging karanasan sa gawain at nagpapakita ang iyong kaalaman tungkol sa mga isyu sa buhay.
277 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Mga kakailanganing kagamitan (website, software, mga aklat, worksheet) Mga sanggunian: Agapay, Ramon B. (2007) Ethics and the Filipino: A Manual on Morals for Students and Educators. Mandaluyong City: National Bookstore Inc. Goddard, Andrew. (2006) A Pocket Guide to Ethical Issues. England: Lion Hudson Plc
Y P O C D E P E D
De Torre, Joseph M. et al. (1992) Perspective: Current Issues in Values Education Book 4 (Values Education Series) Manila: Sinagtala Publishers Inc. Esteban, Esther J. (1990) Education in Values: What, Why and for Whom. Manila: Sinag-tala Publishers Inc. Morato, Eduardo Jr. A. (2007) Self-Mastery. Quezon City: Rex Printing Company Inc. Pojman, Louis P. (1990) Life and Death: Grappling with the Moral Dilemmas of our Time (Second Edition) Canada: Wadsworth Publishing Company Publishers, Inc. Punsalan, Twila G. et al. (2008) Goodness in Spirit . Makati: Salesiana Publishing House Mula sa Internet:
Stewart (2010 ) General Format for Position Paper: 2010 Retrieved July 2, 2014 from http://www.montana.edu/craigs/HDCF%20371%20POSITION%20PAPER%20 FORMAT.html
Arguments For and Against Abortion: 2013 Retrieved October 27, 2014 from http://www.
soc.ucsb.edu/sexinfo/article/arguments-and-against-abortion
Irving, Dianne N. (2000) Abortion: Correct Application of Natural Law Theory Retrieved October 27, 2014 from http://www.lifeissues.net/writers/irv/irv_08natlaw.html Mga larawan: 3d Illustration of Poison Bottle over White Background. Retrieved March 8, 2014 from www.shutterstock.com/pic-71... Alcohol Abuse. Retrieved March 8 2014 from blog-post-week-39-2.jpg www.valiantrecovery.com/blog/category/alcohol-abuse-2
278 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Drunk Men. Retrieved March 8, 2014 from http://shutterstock.7eer.net/c/77643/10811 0/1305?u=http%3A%2F%2Fwww.shutterstock.com%2Fpic-37922248%2Fstockvector-drunk-men-vector.html%3Fsrc%3DPS5DwrRy6S3EBRIUs8iKRA-1-1 Forceps. Retrieved March 8, 2014 from http://foto.bilgibende.com/forceps I Quit. Retrieved March 8, 2014 from http://www.istockphoto.com/photo/iquit-9788923 Marijuana Leaf . Retrieved March 8, 2014 from www.thirdage.com/news/test-stripsrecall-blood-glucose-test-strips-recalled_1...
Y P O C D E P E D Medical Doctor. Retrieved March 8, 2014 from especialidade_medica_ oncologia_7b193e... www.fotosefotos.com/category/Gifs%20e...
Silhouette-man health-care icon - hospital sick bed. Retrieved March 8, 2014 from www.shutterstock.com/pic-70... White Wine Poured into Glass. Retrieved March 8, 2014 from http://www. gettyimages.com/detail/photo/white-wine-poured-into-a-glass-royalty-free-image/ med311053
279 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Ikaapat na Markahan
MODYUL 14: MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA SEKSUWALIDAD A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO?
Y P O C D E P E D
“Kung mahal mo ako, sumama ka sa akin ngayon at patunayan mo ito.” Pamilyar ka ba sa mga katagang ito? Nasabi mo na ba ito o kaya’y sinabi na ito sa iyo? Ano ang nasa isip mo nang sabihin mo ito? Ano ang naisip mo nang ito’y sabihin sa iyo? Ang mga katagang nabanggit ay may kaugnayan sa paggamit ng seksuwalidad ng tao. Ano ba ang kahalagahan ng seksuwalidad sa buhay? Ano ang nangyayari kapag ito ay naaabuso? Sa Baitang 8, natutuhan mo kung ano ang seksuwalidad. Nalaman mo rin na binibigyan tayo ng hamon na buuin at palaguin ito. Subalit sa panahon ngayon, marami tayong makikitang mga manipestasyon na hindi na ginagalang ang seksuwalidad. Marami tayong nakikitang mga isyu na hindi maintindihan at natutugunan. Sa modyul na ito, inaasahang masagot mo ang Mahalagang Tanong na: Bakit mahalagang magkaroon ng malinaw na posisyon sa mga isyu ng kawalan ng paggalang sa seksuwalidad? Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa: 14.1 Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa seksuwalidad 14.2 Nasusuri ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa seksuwalidad 14.3 Napatutunayan ang Batayang Konsepto ng aralin 14.4 Nakagagawa ng malinaw na posisyon tungkol sa isang isyu sa kawalan ng paggalang sa seksuwalidad Naririto ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Kakayahang Pampagkatuto 14.4: Ang nabuong malinaw na posisyon o pagpapasiya tungkol sa isang isyu sa kawalan ng dignidad at seksuwalidad ay: 1. Nararapat na isang mabuting kilos 2. Sumusunod o naaayon sa batas 3. May mataas na pagpapahalaga 4. Paggalang sa sarili at sa iba
280 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Bago magsimula ang pagtalakay sa mga paksang susunod, sagutin ang maikling pagtataya bilang sukatan ng iyong mga kaalaman at maging puhunan mo sa mga susunod pang talakayan. Handa ka na ba?
Paunang Pagtataya Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang pinakatamang sagot sa iyong kuwaderno.
Y P O C D E P E D 1. Ang gawaing pagtatalik bago ang kasal ay isyung may kinalaman sa a. Pang-aabusong seksuwal b. Pre-marital sex c. Pornograpiya d. Prostitusyon
2. Ang pang-seksuwal na kakayahang kaloob ng Diyos sa tao ay tumutugon sa mga layuning a. Magkaroon ng anak at magkaisa. b. Magkaisa at maipahayag ang pagnanasa. c. Makadama ng kasiyahan at magkaroon ng anak. d. Magkaroon ng trabaho at makadama ng kasiyahan. 3. Kailan masasabing ang paggamit sa seksuwalidad ng tao ay masama? a. Kapag ang paggamit ay nagdadala sa kasiyahan. b. Kapag ang paggamit nito ay nauuwi sa pang-aabuso. c. Kapag ang paggamit ay hindi nagdadala sa tunay na layunin ng seksuwalidad. d. Kapag ang paggamit ay nagdadala sa tao upang maging isang pakay o kasangkapan.
4. Alin sa sumusunod ang hindi tumutukoy sa mga isyung seksuwal? a. Si Jessica ay araw-araw hinihipuan ng kaniyang amain sa maseselang bahagi ng kaniyang katawan. b. Niyaya ni Noli ang matagal na niyang kasintahang si Malyn na magpakasal sapagkat gusto na nilang magtatag ng pamilya. c. Dala ng kabataan at bugso ng damdamin, nagbunga ang isang gabing pagkalimot sa sarili ni Daisy at ng kaniyang boyfriend na si Ariel. d. Maganda ang hubog ng katawan ni Ann kaya nagpasiya siyang magpaguhit nang nakahubad.
281 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
5. Alin sa sumusunod ang tamang pananaw sa pakikipagtalik? a. Ang pakikipagtalik ay isang karapatang makaranas ng kasiyahan. b. Ang pakikipagtalik ay kailangan ng tao upang maging malusog at mabuhay. c. Ang pakikipagtalik ay tama kapag parehong may pagsang-ayon ang gagawa nito. d. Ang pakikipagtalik ay ang pagsasakatawan ng pagmamahal na ipinapahayag ng mag-asawa sa bawat isa. 6. Ang isang lalaki o babae ay nagkakaroon ng kakayahang makibahagi sa pagiging manlilikha ng Diyos kapag tumuntong na sa edad ng pagdadalaga o pagbibinata (puberty). Subalit kahit sila ay may kakayahang pisyolohikal na gamitin ito, hindi nangangahulugang maaari na silang makipagtalik at magkaroon ng anak. Hanggang wala sila sa wastong gulang at hindi pa tumatanggap ng sakramento ng kasal, hindi sila kailanman magkakaroon ng karapatang makipagtalik. Anong katotohanan ang ibinubuod ng pahayag na ito? a. Maaari nang makipagtalik ang kabataang nagdadalaga at nagbibinata na. b. Maaari nang magkaroon ng anak ang kabataang nagtatalik. c. Ang mga taong may kakayahang pisyolohikal ay maaari nang makipagtalik. d. Ang mga taong nasa wastong gulang at ipinagbuklod ng kasal ang maaari lamang na makipagtalik.
Y P O C D E P E D
7. Nag-iisa sa bahay si Arlyn at dumating ang kaniyang kasintahang si Jonel. Pinatuloy niya ito at sila’y nag-usap. Habang tumatagal ay nag-iba ang tema ng kanilang usapan. Naging agresibo si Jonel at sinimulan nitong halikan si Arlyn. Sabi pa ni Jonel, “tayo lang naman ang nandito.” Kung ikaw si Arlyn, ano ang iyong gagawin? a. Magagalit kay Jonel at ito ay paaalisin sa kanilang bahay. b. Magpapakipot muna pero sasang-ayon din sa kagustuhan ni Jonel. c. Kakausapin si Jonel at sasabihing panagutan kung anuman ang mangyayari sa kanila. d. Kakausapin si Jonel nang mahinahon at ipapaliwanag kung ano ang tama. Para sa Bilang 8-10. Panuto: Suriin ang sumusunod na sitwasyon at tukuyin kung nararapat o hindi ang pagpapasiyang ginawa ng mga tauhan sa kuwento. Isulat ang N kung ito ay nararapat at HN kung hindi marapat. Ipaliwanag ang iyong sagot. 8. Si Wilson ay nakatira sa kaniyang nanay at amain. Isang araw, pumasok ang kaniyang amain sa kuwarto niya at nagpakita ng mga malalaswang litrato. Hindi mapakali si Wilson at hindi niya alam ang kaniyang sasabihin. Sabi ng kaniyang amain,“Halika rito, anong klaseng lalaki ka?” Kinuha ni Wilson ang babasahin at ito’y kaniyang tiningnan at nagustuhan naman niya ito.
282 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
9. Hiniling ng isang kapitbahay ni Mela na kunan siya ng litrato na nakabikini. Sinabi sa kaniyang maaari itong ipagbili sa isang kompanya ng pagmomodelo at kumita ng malaking pera. Tumanggi si Mela at sinabing ang katawan niya ay hindi kailanman maaaring i-display . 10. Si Aileen ay 15 taong gulang at miyembro ng mahirap na pamilya. Wala na siyang interes na mag-aral mula ng paulit-ulit siyang pagsamantalahan ng kaniyang amain. Nakilala niya si Merly at niyaya siya nitong mamuhay sa lansangan at magbenta ng aliw. Sumama siya rito at nagsabing lubog na rin naman siya sa putik kung kaya’t marapat lang na ito ang kaniyang gawin at kikita pa siya.
Y P O C D E P E D B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Gawain 1: Pag-isipan Mo Panuto: Isulat mo ang sarili mong pagkaunawa sa salitang “Seksuwalidad”. Maglagay sa bilog ng mga salitang maiuugnay dito. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
SEKSUWALIDAD SEKSWALIDAD
Gawain 2: Mga Titik at Larawan
Panuto: Pag-aralan ang mga larawang ipamimigay ng guro at tukuyin kung anong isyu tungkol sa seksuwalidad ang tinutukoy ng mga ito. Buuin ang mga titk na angkop sa mga larawang ipinamahagi. Sagutin ang mga tanong: 1. Ano ang iyong naging damdamin mula sa mga larawang nakita? 2. Anong mahahalagang katotohanan ang naiparating sa iyo ng mga larawan? 3. Ano kaya ang maaari mong gawin upang hindi maranasan o matulad sa mga taong kaugnay ng binuod mong balita? Bakit?
283 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Gawain 3: Pag-usapan Natin Panuto: Suriin ang sumusunod na pahayag. Pag-usapan sa klase kung ikaw ay sangayon o hindi sa mga pahayag na nabanggit batay sa konseptong napapaloob sa aralin. Magbigay ng dahilan o paliwanag kung bakit sang-ayon o hindi sang-ayon sa pahayag. Pahayag
Sang-ayon o Hindi sang-ayon
Paliwanag o Dahilan
Y P O C D E P E D
1. Ang pakikipagtalik ay normal para sa kabataang nagmamahalan.
2. Ang pagtatalik ng magkasintahan ay kailangan upang makaranas ng kasiyahan. 3. Tama lang na maghubad kung ito ay para sa sining.
4. Ang pagtingin sa mga malalaswang babasahin o larawan ay walang epekto sa ikabubuti at ikasasama ng tao. 5. Ang tao na nagiging kasangkapan ng pornograpiya ay nagiging isang bagay na may mababang pagpapahalaga.
6. Ang pang-aabusong seksuwal ay taliwas sa tunay na esensiya ng seksuwalidad. 7. Ang paggamit ng ating katawan para sa seksuwal na gawain ay mabuti ngunit maaari lamang gawin ng mga taong pinagbuklod ng kasal.
8. Ang pagbebenta ng sarili ay tama kung may mabigat na pangangailangan sa pera. 9. Ang pagkalulong sa prostitusyon nakaaapekto sa dignidad ng tao.
ay
10. Wala namang nawawala sa isang babae na nagpapakita ng kaniyang hubad na sarili sa internet . Nakikita lang naman ito at hindi nahahawakan.
Matapos ang pagsusuri sa mga pahayag, subukin mo namang bigyang paliwanag ang sitwasyon. Pagpasiyahan mo kung sang-ayon ka o hindi sang-ayon gamit ang sumusunod na tanong. 1. Tama kaya ang naging mga kasagutan mo? Pangatwiranan. 2. Ano ang mga batayan mo sa pagsang-ayon o hindi-pagsang-ayon sa mga pahayag na nabanggit? 284 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN, AT PAG-UNAWA Gawain 4 Madalas tayong nagkakaroon ng pagkakataon para tulungan ang ating mga kaibigan lalo na kapag may problema sila.
Y P O C D E P E D
Panuto: Basahin ang sitwasyon sa ibaba at magtala ng mga maaaring gawin upang ang suliranin sa kuwento ay malutas
Si Bing ay labis na nag-aalala sa kaniyang matalik na kaibigang si
Clarissa. Wala silang lihim na itinatago sa isa’t isa. Matapos ang tatlong araw na pagliban sa klase, nakita ni Bing si Clarissa na umiiyak. Niyaya ni Bing si Clarissa sa kantina ng paaralan upang mag-usap.Hinayaan lang ni Bing na magsalita si Clarissa. Sabi ni Clarissa, hindi niya nagugustuhan ngayon ang kaniyang hitsura at hindi siya maunawaan ng kaniyang ina ngayon. Naiisip ni Clarissa na maglayas. Nararamdaman ni Bing na may mas mabigat pang dahilan kung bakit ganoon si Clarissa.
Inamin ni Clarissa na hindi na siya masaya sa kanilang bahay. Dagdag pa
niya, sa mga nagdaang buwan ay pinagsasabihan siya ng nobyo ng kaniyang ina ng malalaswang salita at marami na ring beses na hinihipuan siya nito. Natatakot siyang sa mga susunod ay mas malala pa ang gawin nito sa kaniya.
Nararamdaman na ni Clarissa na siya ay unti-unting naaabuso ng nobyo
ng kaniyang ina ngunit siya ay natatakot na sabihin ito sa kaniyang ina. Hinikayat siya ni Bing na gawin ang pagsabi sa kaniyang ina ng mga nararamdaman. Di nagtagal, nagkasarilinan ang mag-ina at sinabi ni Clarissa ang kaniyang mga naranasan sa nobyo nito. Subalit sinabi ng ina ni Clarissa na binibiro lang siya ng nobyo nito kaya huwag niyang masyadong seryosohin.
Mga Tanong: 1. Ano sa tingin ninyo ang dapat gawin ngayon ni Clarissa? 2. Tama kaya ang gagawin niyang pasiya? Ipaliwanag ang iyong sagot. 3. Bakit kailangan niyang gawin ang pasiyang naiisip niya? Ipaliwanag ang iyong sagot.
285 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
GAWAIN 5 Panuto: Gamit ang sitwasyong nabanggit sa Gawain 5, buuin ang pasiyang maaari mong gawin kung ikaw ay nasa parehong sitwasyon. Gabay mo ang graphic organizer sa ibaba, kopyahin ito sa iyong kuwaderno at ilagay dito ang iyong mga sagot.
SULIRANIN SULIRANIN
Y P O C D E P E D Mga solusyon Mgamaaaring maaaring solusyon
Mga Mga batayang ginagamit sa pasiya batayang ginamit sa pagpasiya
Napagpasiyahang Napagpasiyahang solusyon solusyon
Pagtatasa napili Pagtatasang ngsolusyong solusyong napili
Mga Tanong:
1. Ano ang naging posisyon mo sa suliranin ni Clarissa? 2. Ano ang naging batayan mo sa paggawa ng posisyon o paninindigan? 3. Tama at mabuti ba ang nagawa mong posisyon? Pangatuwiranan.
286 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D. PAGPAPALALIM
Basahin ang sanaysay. Natutuhan mo sa Baitang 8 na ang seksuwalidad ng tao ay kaugnay ng kaniyang pagiging ganap na babae o lalaki. Ito ay nangangahulugang magiging ganap kang tao at bukodtangi sa pamamagitan ng iyong pagkalalaki o pagkababae. Bagama’t nalalaman ang kasarian ng tao mula pa sa kaniyang pagsilang, malaya ang kaniyang pagtanggap at pagganap sa kaniyang seksuwalidad. Ito ay nararapat na naaayon sa tawag ng pagmamahal at batay sa kaniyang pagkatao sa kabuuan niya - ang Bawat isa sa atin ay hinahamon na buuin at pagkakaisa ng katawan at espiritu. Ang seksuwalidad linangin ang seksuwalidad samakatuwid ay isang malayang pagpili at personal upang maging ganap ang na tungkulin na ginagampanan ng tao gamit ang pagiging pagkababae o kaniyang katawan at espiritu tungo sa kaniyang pagkalalaki. kaganapan kaisa ang Diyos.
Y P O C D E P E D
Natutuhan mo rin sa Baitang 8 na bawat isa sa atin ay hinahamon na buuin at linangin ang seksuwalidad upang maging ganap ang pagiging pagkababae o pagkalalaki. Kung ang seksuwalidad at ang pagkatao ay hindi mapag-iisa habang nagdadalaga o nagbibinata, maaaring magkaroon ng kakulangan sa pagkatao sa pagsapit niya sa sapat na gulang o adulthood . Kapag nagkulang ang tao sa aspektong ito, maaari siyang magpakita ng mga manipestasyong magdadala sa kaniya sa mga isyung seksuwal. Sa panahon ngayon dumarami ang mga ito at kadalasan ay hindi natutugunan. Ano-ano nga ba ang mga isyung seksuwal na palagi nating naririnig at nababalitaang madalas ay kinasasangkutan ng kabataan?
Ayon sa isangsurvey na ikinomisyon ng National Secretariat for Youth Apostolate (NSYA), ang kabataang Filipino ngayon ay patuloy na nakikibaka sa mga isyung may kinalaman sa seks at seksuwalidad. Kabilang sa mga ito ay pakikipagtalik nang hindi kasal (pre-marital sex), pornograpiya, pang-aabusong seksuwal, at prostitusyon. I saisahin nating tingnan ang mga isyung ito, ang mga dahilan kung bakit nangyayari ang mga ito at mga nagtutunggaliang pananaw kung tama o mali ang mga ito.
287 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Pagtatalik bago ang kasal (Pre-marital sex ) Ang isang lalaki o babae ay nagkakaroon ng kakayahang makibahagi sa pagiging manlilikha ng Diyos kapag tumuntong na siya sa edad ng pagdadalaga o pagbibinata (puberty). Subalit kahit siya ay may kakayahang pisyolohikal na gamitin ito, hindi nangangahulugang maaari na siyang makipagtalik at magkaroon ng anak. Hanggang wala siya sa wastong gulang at hindi pa tumatanggap ng sakramento ng kasal, hindi siya kailanman magkakaroon ng karapatang makipagtalik.
Hanggang
wala
siya
sa
wastong gulang at hindi pa tumatanggap ng sakramento ng kasal, hindi siya kailanman magkakaroon ng karapatang
Y P O C D E P E D makipagtalik.
Ano ba ang pre-marital sex ? Ito ay gawaing pagtatalik ng isang babae at lalaki na wala pa sa wastong edad o nasa edad na subalit hindi pa kasal. May iba’t ibang pananaw na siyang dahilan kung bakit ang isang tao lalo na ang kabataan ay pumapasok sa maagang pakikikapagtalik. Ito ay ang sumusunod: 1. Ito raw ay normal at likas na gampanin ng katawan ng tao upang maging malusog siya at matugunan ang pangangailangan ng katawan. Kapag hindi raw ito isinagawa hindi mararating ng tao ang kaganapan ng kaniyang buhay. 2. Maraming kabataan ang nag-iisip na maituturing na tama ang pakikipagtalik lalo na kapag ang mga gumagawa nito ay may pagsang-ayon. Karapatan ng tao na makipagtalik at malaya silang gawin ito. 3. Naniniwala ang mga gumagawa ng pre-marital sex na may karapatan silang makaranas ng kasiyahan. 4. Ang pakikipagtalik ay isang ekspresyon o pagpapahayag ng pagmamahal.
Kung iyong susuriin, batay sa mga natutuhan mo, tama ba ang mga pananaw na ito? Nararapat bang makipagtalik ang kabataan kahit hindi pa sila kasal?
Ang pakikipagtalik ay hindi pangangailangang biyolohikal tulad ng pagkain at hangin na ating hinihinga. Hindi kinakailangan ng tao ang makipagtalik upang mabuhay sa mundong ito. Ang pananaw na kailangan ang pagtatalik upang mabuhay ay isang mahinang pagkilala sa pagkatao ng tao dahil ipinagwawalang-bahala niya ang kakayahan ng taong ipahayag ang kaniyang tunay na pagkatao. Mayroon o walang pagtatalik, mananatiling buhay ang tao. Maraming mga taong nagpasiyang mabuhay nang walang asawa tulad ng mga pari, mga madre, at mga kasapi ng 3rd orders, ang patuloy na nabubuhay nang maayos, malusog, at masaya. Samakatuwid, ang 288 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
seksuwal na pakikipagrelasyon lalo pa kung hindi pa kasal ang lalaki at babae, ay hindi kailanman pangunahing pangangailangan ng tao. Ang pakikipagtalik nang hindi kasal ay nagpapawalang-galang at nagpapababa sa dignidad at integridad ng pagkatao ng mga taong kasangkot sa gawaing ito. Hindi nagiging kapaki-pakinabang ang pagtatalik sa pagtungo sa kaganapan ng buhay na isa sa mga halaga ng seksuwalidad.
Ang pakikipagtalik at paggamit ng ating mga kakayahang sekswal ay mabuti sapagkat ito ay kaloob sa atin ng Diyos. Ito ay isang regalo o banal na kaloob ngunit maaari lamang gawin ng mga taong pinagbuklod sa Sakramento ng Kasal.
Y P O C D E P E D
Sa puntong malaya ang taong magpasiya kung gusto niyang makipagtalik o hindi, balikan natin ang inyong napag-aralan noong unang markahan tungkol sa kalayaan. Bilang tao, tayo ay malaya. Ngunit ang ating kalayaan ay hindi nangangahulugang malaya tayong piliin kung ano ang gusto nating gawin. Ang ating kalayaan ay mapanagutan, malaya tayong pumili ngunit nararapat na ang pipiliin ay kung ano ang mabuti at tama. Ang paggamit ng ating mga kakayahang seksuwal ay mabuti ngunit maaari lamang gawin ang pakikipagtalik ng mga taong pinagbuklod ng kasal. Mahalaga ang sapat na kamalayan at maingat na paghuhusga bago gamitin ang mga kakayahang ito. Subukin nating suriin ang moral dilemma na nasa kahon.
Isa kang lider sa inyong paaralan. Mahalaga sa iyo ang pag-aaral dahil naniniwala kang ito ang mag-aahon sa inyo sa kahirapan. Nagtutulong-tulong ang iyong pamilya upang makapagtapos ka ng pag-aaral. Mayroon ka ring kasintahan na mahal na mahal mo. Isang araw nagyaya siyang pumasok kayo sa hotel upang mapatunayan ang pagmamahal na iyon. Sabi niya, iiwanan ka niya at magpapakamatay siya kung hindi mo siya pagbibigyan. Ano ang iyong gagawin?
Karaniwang naririnig o kaya’y nababasa mo, “Kung mahal mo ako, papayag kang makipagtalik sa akin.” Sa ganitong pananaw, masasabing ang pagmamahal na alam ng kabataan ay kondisyonal. Hindi ito tunay na pagmamahal. Ang pagmamahal kapag tunay ay hindi kailanman humihingi ng kapalit. Ayon kay Sta. Teresita, “Ang mabuhay sa pag-ibig ay pagbibigay ng di nagtatantiya ng halaga at hindi naghihintay ng kapalit.” 289
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ang tunay na pagmamahal na isinasakatawan sa pagtatalik ay bukas sa katotohanang dapat itong humantong sa pagbubuo ng pamilya. Kung kaya, bago ito gawin ng lalaki at babaeng nagmamahalan, kinakailangang ito’y binasbasan ng kasal. Sa konteksto ng pagbubuklod ng isang babae at isang lalaki, sila ay nangangakong magkaisa at maging mapanlikha, magkaroon ng anak at bumuo ng pamilya. Ang pakikipagtalik nang hindi kasal ay nagpapahayag ng kawalan ng paggalang, komitment, at dedikasyon sa katapat na kasarian. Itinuturing ng taong nagsasagawa nito ang kaniyang kapareha bilang isang seksuwal na bagay na tutugon sa personal at sarili niyang kasiyahan. Kapag hindi na niya kailangan ang kaniyang kapareha, maaari na niya itong itapon at palitan. Nawawala ang komitment sa kaniyang kapareha at sa pamilya nito. Nakasisira ito hindi lamang sa kanilang dalawa kundi maging sa komunidad. Sa pakikipagtalik na walang kasal, napaglalaruan ng kabataan ang kanilang seksuwalidad. Sinasaliksik nila ito bunga ng kuryosidad at kasiyahan at hindi isinasaalang-alang ang maaaring maging bunga nito sa kanila. Dahil dito, napabababa nila ang kanilang pagkatao dahil sa kanilang pagtatalik. Ang sarili nila ay maaaring maging mga bagay lamang na tutugon sa kanilang makalupang pagnanasa. Ang seksuwalidad sa ganitong konteksto ay nagiging kasangkapan at hindi nadadala sa nararapat nitong kaganapan.
Y P O C D E P E D
Dagdag pa rito, ang kabataang nagsasagawa ng pre-marital sex ay hindi pa handa sa mga maaaring maging bunga nito sa kanilang buhay. Hindi pa sila ganoon katatag upang harapin ang responsibilad na kaakibat ng pag-aasawa at pagkakaroon ng anak. Ang kabataan ay nasa panahong nagbubuo pa lamang ng kanilang sarili upang maging ganap at responsableng tao. Kung kaya hindi pa sila napapanahong magkaroon ng anak, na mangyayari iyon kapag nakipagtalik sila nang wala pa sa hustong gulang at hindi pa kasal.
Pornograpiya
Napag-aralan mo na kung ano ang pornograpiya sa mga araling nakapaloob sa Modyul 13 noong ikaw ay nasa Baitang 8. Ang pornograpiya ay nanggaling sa dalawang salitang Griyego, “porne,” na may kahulugang prostitute o taong nagbebenta ng panandaliang aliw, at “graphos” na nangangahulugang pagsulat o paglalarawan. Samakatuwid, ang pornograpiya ay mga mahahalay na paglalarawan (babasahin, larawan, o palabas) na may layuning pukawin ang seksuwal na pagnanasa ng nanonood o nagbabasa.
290 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Balikan natin ang mga epekto ng pornograpiya sa isang tao. Ito ay ang sumusunod: 1. Ang maagang pagkahumaling sa pornograpiya ay nagkakaroon ng kaugnayan sa pakikibahagi ng tao o paggawa ng mga abnormal na gawaing seksuwal, lalonglalo na ang panghahalay. 2. May mga kalalakihan at kababaihan ding dahil sa pagkasugapa sa pornograpiya ay nahihirapang magkaroon ng malusog na pakikipag-ugnayan sa kanilang asawa. Nakararanas sila ng seksuwal na kasiyahan sa panonood at pagbabasa ng pornograpiya, at pang-aabuso sa sarili at hindi sa normal na pakikipagtalik.
Y P O C D E P E D
3. Ito rin ay ginagamit ng mga pedophiles sa internet upang makuha ang kanilang mga bibiktimahin. Ang mga mahahalay na eksenang ipinakikita ng pornograpiya ay pumupukaw ng mga damdaming seksuwal ng kabataang wala pang kahandaan para rito. Nagdudulot ito nang labis na pagkalito sa kanilang murang edad.
Ano ba ang masama sa pornograpiya?
Dahil sa pornograpiya, ang tao ay maaaring mag-iba ng asal. Ang mga seksuwal na damdamin na ipinagkaloob ng Diyos sa tao, na maganda at mabuti, ay nagiging makamundo at mapagnasa. Ayon kay Immanuel Kant, nauuwi sa kawalangdangal o nagpapababa sa kalikasan ng tao ang mga makamundong pagnanasa. Kapag ang tao ay nagiging kasangkapan sa seksuwal na pangangailangan at pagkahumaling, Kapag ang tao ay nagiging lahat ng mabuting layunin sa pakikipagkapuwa ay kasangkapan sa sekswal maaaring hindi na makamit. Ang tao na nagiging na pangangailangan at kasangkapan ng mga pagnanasa ay hindi na pagkahumaling, lahat nagpapakatao; bagkus, tinatrato ang sarili o ang ng mabuting layunin sa kapuwa bilang isang bagay o kasangkapan. Sa pakikipagkapuwa ay ganitong paraan, ibinababa ng tao ang pagkatao maaaring hindi na matupad. o ang kaniyang dignidad bilang tao. Hindi rin naisasagawa ang pagbibigay ng preperensiya sa kabutihan. Isang pananaw tungkol sa pornograpiya na lumalaganap ngayon ay ang pagtingin dito bilang isang sining.
Sa palagay mo, kailan ba sining ang pornograpiya at kailan pornograpiya ang sining?
291 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ang sining ay nagpapahayag ng kagandahan at ang pagkaranas ng kagandahan ay nakapagbibigay ng kasiyahan, pagkalugod at pagtanggap sa isang magandang nagawa. Ito rin ay humihikayat na makalinang ng mga kilos at kalooban patungo sa kung anong ipinapakahulugan sa ipinakikita. Isang halimbawa nito ay ang estatwa ng “oblation” na nasa bungad ng Pamantasan ng Pilipinas sa Diliman. Ang estatwang hubad ay sumisimbolo sa ganap na pag-aalay ng sarili sa Diyos, hindi nagsasaalang-alang sa anupamang mga bagay at kahubarang nagnanais na mabihisan ng kaalaman. Ilan pang halimbawa ng sining na nagpapakita ng kahubaran ay ang estatwa ni Venus de Milo at ni Haring David na pawang mga nilikha ni Michaelangelo. Maaari kaya natin itong uriin bilang halimbawa ng pornograpiya? Dapat nating tandaan na hindi lahat ng hubad na larawan ay halimbawa ng pornograpiya.
Y P O C D E P E D
Ang pornograpiya ay nagpapakita ng mga larawang hubad o mga kilos seksuwal na kadalasan ay suggestive at provocative. Hinihikayat nito ang taong tumitingin na mag-isip ng masama at magkaroon ng hindi magandang pagtingin sa katawan ng taong nasa larawan. Ang anggulo ng isang babae na nasa mga babasahin, ka lendaryo, patalastas, at mga pelikula ay nagpapakita ng inklinasyon sa seks. Sabi nga, ang mga larawan ay “hindi na nagtitira sa imahinasyon.” Ang katawang sagrado, gayundin ang mga gawaing angkop lang na makita, madama, at maipahayag ng mga mag-asawa ay lubusang ipinapakita. Nawawala na ang propriety at decency na dapat sana ay kaakibat ng makabuluhang pagtingin sa katawan ng tao. Dahil dito, ang mga larawang hubo’t hubad, gayundin ang pagpapakita ng aktong seksuwal ay nagiging daan upang ang taong nahuhumaling dito ay magnasa at pairalin ang kaniyang mga makamundong damdamin. Ilan sa mga maaari niyang maisip ay ang pagsasakatuparan ng mga isiping tumutugon sa seksuwal na maaaring mauwi sa pang-aabuso, panghahalay, at sa iba pang epekto na nabanggit na. Ito ang mga dahilan kung bakit hindi dapat ituring na sining ang pornograpiya. Mga Pang-aabusong Seksuwal
Walang pangkalahatang pagpapakahulugan ang maaaring ibigay sa pangaabusong seksuwal. Sa gitna ng mga pang-aabusong ito, ang nangingibabaw na posisyon ay ang pang-aabuso ay isinasagawa ng isang nakatatanda na siyang pumupuwersa sa isang nakababata upang gawin ang isang gawaing seksuwal. Ang pang-aabusong seksuwal ay maaaring paglalaro sa maseselang bahagi ng sariling katawan o katawan ng iba, paggamit ng ibang bahagi ng katawan para sa seksuwal na gawain at sexual harassment . Maaari rin itong hindi pisikal tulad ng paglalantad ng sarili na gumagawa ng seksuwal na gawain at pagkakaroon ng kaligayahang seksuwal sa pamamagitan ng pagtingin sa mga hubad na katawan, seksuwal na pag-aari o kaya’y panonood ng pagtatalik na isinasagawa ng iba. Bakit nga ba nangyayari ang mga pang-aabusong seksuwal? Ano ang karaniwang nagtutulak sa mga kabataan na gawin ito o pumayag sa ganitong uri ng pagsasamantala? 292 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Karamihan sa mga nagiging biktima ng pang-aabusong seksuwal ay ang mga bata o kabataang may mahihinang kalooban, madaling madala, may kapusukan at kadalasan, iyong mga nabibilang sa mahihirap at pamilyang hiwalay ang mga magulang. Sa gitna ng kanilang pagiging mahina, pumapasok ang mga taong nagsasamantala, tulad ng mga pedophile na tumutulong sa mga batang may mahinang kalooban subalit ang layunin pala ay maisakatuparan ang pagnanasa. Dagdag pa rito, may mga magulang din na sila mismo ang nanghihikayat sa kanilang mga anak na gawin ito upang magkapera. Ilan sa mga ito ay sila mismo ang umaabuso sa kanilang mga anak.
Y P O C D E P E D
Kung susuriin natin, bakit ang mga gawaing seksuwal na nabanggit sa itaas ay itinuturing na pang-aabuso? Bakit hindi ka dapat magpabuyo sa mga ito?
Ang mga kadahilanan ng mga taong Ang paggamit ng kasarian ay nagsasagawa ng mga pang-aabusong para lamang sa pagtatalik ng magseksuwal na ating binanggit ay taliwas sa asawa na naglalayong ipadama ang tunay na esensiya ng seksuwalidad. Ang pagmamahal at bukas sa tunguhing gawaing paglalaro ng sariling pag-aari at magkaroon ng anak upang bumuo ng kapuwa, panonood ng mga gawaing ng pamilya. Ito ang esensiya ng seksuwalidad. seksuwal, pagpapakita ng ginagawang paglalaro sa sariling ari at paghihikayat sa mga bata na makipagtalik o mapagsamantalahan ay maituturing na pang-aabusong seksuwal. Hindi nito ipinapahayag ang tunay na mithiin ng seksuwalidad. Ang paggamit ng kasarian ay para lamang sa pagtatalik ng mag-asawa na naglalayong ipadama ang pagmamahal at bukas sa tunguhing magkaroon ng anak upang bumuo ng pamilya. Ito ang esensiya ng seksuwalidad. Prostitusyon
Ang prostitusyon na sinasabing siyang pinakamatandang propesyon o gawain ay ang pagbibigay ng panandaliang-aliw kapalit ng pera. Dito, binabayaran ang pakikipagtalik upang ang taong umupa ay makadama ng kasiyahang seksuwal. Bakit ba ang tao ay nasasangkot sa ganitong gawain? Ano kaya ang kanilang mga dahilan upang gawin ito?
Ayon sa mga pag-aaral, karamihan sa mga taong nasasangkot sa ganitong gawain ay iyong mga nakararanas ng hirap, hindi nakapag-aral, at walang muwang 293 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
kung kaya’t madali silang makontrol. Mayroon din namang may maayos na pamumuhay, nakapag-aral ngunit marahil ay naabuso noong bata pa. Dahil dito nawala ang kanilang paggalang sa sarili at tamang pagkilala kung kaya’t minabuti na lang nilang ipagpatuloy ang kanilang masamang karanasan. Dahil nasanay na, hindi na nila magawang tumanggi kung kaya’t naging tuloy-tuloy na ang kanilang pagpagamit sa masamang gawaing ito.
Y P O C D E P E D
Masama o mali nga ba ang prostitusyon? Ayon sa mga peminista, marapat lamang ang prostitusyon sapagkat ito ay nakapagbibigay ng gawain sa mga taong walang trabaho lalo na sa mga kababaihan. Ang pagbebenta ng sarili ng isang prostitute ay maihahalintulad sa isang manunulat na ibenebenta ang kaniyang isip sa pamamagitan ng pagsusulat. Bukod pa rito, kapag ang prostitusyon daw ay isinagawa ng isang tao na may pagkagusto o konsento, maaaring sabihin na hindi ito masama. Ito ay sa kadahilanang alam niya ang kaniyang ginagawa at nagpasiya siya na ibigay ang kaniyang sarili sa pakikipagtalik kapalit ng pera o halaga.
Dapat kaya natin itong paniwalaan? Ano ba ang katotohanan sa prostitusyon?
Gaya ng nabanggit sa itaas, ang pakikipagtalik na may kapalit na halaga o ang prostitusyon ay isang pang-aabusong seksuwal na nakapagpapababa sa pagkatao ng taong sangkot dito. Sa paanong paraan napabababa ng prostitusyon ang dignidad ng tao? Una ang mga taong sangkot dito, ang bumibili at nagpapabili ng aliw, ay nawawalan ng paggalang sa pagkatao ng tao. Naituturing ang taong gumagawa nito (na kadalasan ay babae), na isang bagay na lamang kung tratuhin at hindi napakikitaan ng halaga bilang isang tao. Mapagsamantala ang prostitusyon. Sinasamantala ng mga taong “bumibili” ang kahinaan ng babae o lalaking sangkot dito. Nagsisilbi ang babae o lalaki sa pamamagitan ng paggamit sa kanila bilang isang kasangkapan na magbibigay ng kasiyahang seksuwal. Sinasamantala naman ng tagapamagitan ang babae o lalaking sangkot sa pamamagitan ng hindi pagbabayad o panloloko rito. Ito ang mga dahilan kung kaya’t ang prostitusyon ay nagiging pugad ng pamumuwersa at pananamantala. Sa prostitusyon, naaabuso ng tao ang kaloob na handog ng Diyos na seksuwalidad. Isa sa mga halaga ng seksuwalidad ay ang pagkakaranas ng kasiyahang seksuwal mula sa pakikipagtalik sa taong pinakasalan. Nakararanas ng kasiyahan ang taong nasasangkot sa prostitusyon ngunit hindi ito angkop sa tunay na layunin ng pakikipagtalik. Sa prostitusyon, ang kaligayahan ay nadarama at ipinadarama dahil sa 294 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
perang ibinabayad at tinatanggap. Mahalagang maunawaan na ang pakikipagtalik ay hindi lamang para makadama ng kasiyahang sensuwal. Hindi ito isang paraan para makadama ng kaligayahan, kundi ito ay isang paraan na naglalayong pag-isahin ang isang babae at lalaki sa diwa ng pagmamahal. Ang konsento o pagsang-ayon na ipinapahayag ng taong nagbebenta ng kaniyang sarili ay hindi nagpapabuti sa kaniyang kilos. Malaya ang tao na gumawa ng pasiya na sumailalim sa prostitusyon, ngunit makabubuti kaya ito sa kaniya? Maaaring gamitin ng tao ang kaniyang kalayaan bilang dahilan sa pagpasok sa prostitusyon, ngunit laging tandaan na ang kalayaan ay may kaakibat na pananagutan sa paggawa ng mabuti.
Mahalagang maunawaan na ang pakikipagtalik ay hindi lamang para makadama ng kaligayahang sensuwal. Hindi ito isang paraan para makadama ng kaligayan, kundi ito ay isang paraan na naglalayong pag-isahin ang isang babae at lalaki sa diwa ng pagmamahal.
Y P O C D E P E D Pagbubuo
Natukoy natin at nasuri ang iba’t ibang isyu tungkol sa seksuwalidad. Nalaman natin ang iba’t ibang epekto sa mga taong sangkot sa mga ito gayundin ang iba’t ibang pananaw na kaugnay ng mga isyung ito. Mahihinuha rin natin sa mga paglalahad na ang mga isyung seksuwal na mga ito ay hindi nararapat gawin lalo na ng kabataan pa lamang. Ano ba ang katotohanang ipinapahayag ng mga isyung ito? Sa malalim na pagtingin, ano ang epekto ng mga isyung nabanggit sa pagkatao ng tao o sa dignidad ng tao? Ang pagpayag, pagsasagawa, at pagiging kaugnay sa mga isyung panseksuwalidad ay nagsasawalang-bahala sa sumusunod na katotohanan: 1. Nilikha ng Diyos ang tao na mabuti at tumutungo sa sariling kaganapan, at ang pagtungo sa kaganapang ito ay malaya at may kamalayan. 2. Ang tao ay may espiritwal na kaluluwa (porma) at katawan (materya) na kumikilos na magkatugma tungo sa isang telos o layunin. 3. Upang marating ang kaniyang telos o layunin, kailangang gamitin ng tao ang kaniyang isip at kilos-loob na siyang magpapasiya kung ang kilos at pamamaraan ay mabuti o masama. Iugnay natin ngayon ang mga katotohanang ito sa mga isyung seksuwal na ating tinukoy at inunawa. Ang seksuwalidad ay kaloob sa atin ng Diyos. Ito ay mabuti at magdadala sa bawat isa sa atin sa layuning makamit at madama ang tunay na pagmamahal na siya namang dahilan kung bakit nilalang tayo ng Diyos. Ang 295
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
paggamit sa mga kakayahang seksuwal kabilang na ang katawan bilang ekspresyon ng pagmamahal Ang mga seksuwal na ay mabuti, ngunit nararapat itong gawin sa tamang faculdad o kakayahan ng tao ay tumutukoy sa dalawang panahon. Ang mga seksuwal na faculdad o layuning maaari lamang kakayahan ng tao ay tumutukoy sa dala gawin ng isang babae at wang layuning maaari lamang gawin ng lalaki na pinagbuklod ng isang babae at lalaki na pinagbuklod ng kasal. Ito kasal o pag-iisang dibdib ay tumutugon sa layuning magkaroon ng anak – ang magkaroon ng anak (procreative) at mapag-isa ( procreative) at mapag-isa (unitive). Anumang (unitive). layuning taliwas sa dalawang nabanggit ay magdadala sa atin sa katotohanang mali ang ating kilos sa paggamit ng ating seksuwalidad. Halimbawa na rito ay ang pakikipagtalik kahit hindi pa kasal, prostitusyon, pornograpiya, at pang-aabusong seksuwal. Ang mga isyung ito ay humaharap sa maling paggamit ng ating seksuwalidad na nauuwi sa kawalan ng paggalang sa dignidad ng tao.
Y P O C D E P E D
Malaya tayo na gamitin ang ating mga kakayahang seksuwal, ngunit ang ating kalayaan ay mapanagutan at nauukol sa paggawa lamang ng mabuti. Ang pakikipagtalik nang walang kasal, pagbebenta ng sarili sa prostitusyon, pagbabasa at pagtingin sa mga seksuwal na babasahin ay malaya nating magagawa, ngunit mabuti ba ang mga kilos na ito? Kaakibat ng malayang kilos ay ang pananagutan na alamin kung ang mga ito ay mali at kung may naaapektuhan ba o wala. Nararapat na tingnan ng tao kung ano ang kalalabasan nito sa kaniyang sarili at sa iba kapag ito ay isinagawa. Sa pagsasagawa ng mga isyung seksuwal na nabanggit, marapat ding alamin ng tao lalo na ng kabataan kung ano ang layunin nila sa pagsasagawa nito. Ang layunin ba nila ay mabuti? Paano naman ang kanilang paraan? Ang paraan ba ay mabuti? Sa ganito dapat maintindihan na ang paraan sa paghantong sa layunin ay dapat na magkatugma. Layunin mong ipahayag ang iyong pagkatao o kaya’y pagmamahal. Ngunit kung sa pagpapahayag nito, ang pamamaraan ay hindi mabuti, hindi rin maituturing na mabuti ang kilos. Dagdag pa rito, nararapat ding tingnan sa ating pagpapasiya kung ang pinipili ba natin ay may mas mataas o mababang pagpapahalaga. Sa paghusga ay nararapat na piliin ang mga kilos na may mas mataas na halaga. Maaari mong pagpasiyahang gamitin ang mga seksuwal mong kakayahan ngunit nararapat mong isipin kung ano ang tunay na halaga at layunin ng paggamit mo nito. Ito ang dahilan kung kaya’t ang mga isyung seksuwal ay hindi nararapat na kasangkutan ng kabataang katulad mo. Upang magbunga ng mabuti ang iyong pagpapasiya, dapat na maging bukas ang 296 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
isang kabataang katulad mo tungkol sa pinagdaraanan mo. Huwag mo itong itago o ilihim. Maghanap at paligiran mo ang iyong sarili ng mga kapamilya at kaibigang iyong mapagkakatiwalaan. Magbibigay sila sa iyo ng suporta at magkakaloob sa iyo ng lakas na labanan ang mga tukso. Maaari ka ring maghanap ng propesyonal na tulong kung sakaling ikaw ay lulong na sa mga pang-aabusong ito. ikaw ay mahaharap sa ganitong sitwasyon, ano kaya ang magiging KungKung ikaw ay mahaharap sa ganitong sitwasyon, ano kaya ang magiging posisyon posisyon o pananaw mo?maaari Ano ang maaari mong maging paninindigan ukol sa o pananaw mo? Ano ang mong maging paninindigan ukol sa paggamit ng paggamit ng iyong seksuwalidad? Ano ang mga natatangi mong gagawin? iyong seksuwalidad? Ano ang mga natatangi mong gagawin?
Y P O C D E P E D Tayahin ang Iyong Pag-unawa
Mula sa iyong nabasa, subukin natin ang iyong pagkaunawa sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa ibaba at isulat ito sa iyong dyornal o kuwaderno. 1. Ano ang mga maling pananaw ng kabataan sa mga isyung seksuwalidad na kanilang kinakaharap ngayon? Ipaliwanang ang bawat isa. 2. Ano-ano ang mga katotohanan ukol sa dignidad ng tao na nababalewala sa mga isyung tungkol sa seksuwalidad? Pangatwiranan. 3. Bilang kabataan, anong posisyon o mabuting pasiya ang maaari mong gawin bilang paggalang sa seksuwalidad? Paghinuha ng Batayang Konsepto Anong konsepto ang naunawaan mo sa tinalakay na mga isyu tungkol sa seksuwalidad?. Punan ang graphic organizer . Mga MgaIsyu isyu
tungkol tungkolsa sa
seksuwalidad sekswalidad
Epekto sa dignidad at seksuwalidad
Mga posisyon o pasiya upang mapanumbalik ang paggalang sa pagkatao ng tao at sa tunay na layunin nito
297 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Batayang Konsepto: __________________________________________________ ___________________________________________________________________ ______________________________________________
Pag-uugnay ng Batayang Konsepto sa Pag-unlad ko Bilang Tao 1. Ano ang kabuluhan ng batayang konsepto sa aking pag-unlad bilang tao? 2. Ano-ano ang maaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto sa modyul na ito? 3. Bakit kinakailangan ko ng malawak na pang-unawa sa mga isyung may kinalaman sa seksuwalidad?
Y P O C D E P E D E. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO
Pagganap Gawain 6
Panuto: Pag-aralan ang mga sitwasyon sa ibaba. Pag-usapan sa inyong pangkat kung ano ang tamang gawin sa mga sitwasyon o isyung nabanggit. Pangatwiranan ang bawat sagot.
1. Maysakit ang nanay mo at di siya makapagtrabaho. Wala kayong pambili ng gamot at pagkain. Nagugutom na ang maliliit mong mga kapatid. Nakita ng kapitbahay ninyong lalaki ang inyong sitwasyon. Inalok ka niya na makipagtalik sa kaniya kapalit ng perang pambili ng gamot at pagkain. 2. Isang araw, umuwi ang nanay mo na may kasamang lalaki. Ipinakilala niya ito sa inyong magkakapatid bilang kaniyang kasintahan. Sa bahay din ninyo na tumira ang lalaki. Mahal na mahal niya ito at sinusunod lahat ng gusto nito. Binilinan kayo ng inyong ina na sumunod at paglingkuran ang kaniyang kasintahan. Sa isang gabing wala ang inyong ina, pumasok ang kasintahan ng inyong ina sa iyong kuwarto at hinipuan ka sa maseselang bahagi ng iyong katawan. Sinabi niyang huwag kang magsusumbong dahil pag ginawa mo iyon, papatayin niya ang inyong ina.
Talakayin ang inyong mga sagot. Buuin ang mga kasagutan ng bawat miyembro ng grupo at gumawa ng isang posisyon tungkol sa mga isyung nabanggit sa itaas. Maghandang ibahagi ito sa klase. 298 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Gawain 7 Panuto: Punan o sagutin mo ang mga hanay at tanong na nakapaloob sa gawaing nasa ibaba. Planuhin Mo ang Iyong Kinabukasan 1. Ano ang ninanais mong makamit o layunin sa sumusunod na aspekto ng buhay? a. Edukasyon ________________________________________________ b. Kasal ____________________________________________________ c. Anak ____________________________________________________ d. Libangan _________________________________________________ e. Pagreretiro _______________________________________________ f. Iba pang Aspekto ng Buhay __________________________________
Y P O C D E P E D
2. Sa gulang na 30, alin sa mga aspekto/layuning ito ang sa palagay mo ay nakamit mo na? 3. Sa gulang na 40, alin sa mga aspekto/layuning ito ang sa palagay mo ay nakamit mo na? 4. Sa iyong buhay ngayon, ano kaya ang maaari mong gawin upang makatiyak na ang iyong mga layunin ay makamit o maisakatuparan? 5. Ano kayang pagbabago ang maaaring mangyari sa mga plano mo sa buhay kung ikaw ay mabuntis? Maging batang ama o ina? Masangkot sa prostitusyon, at iba pa? 6. Magsulat ng isang maikling essay tungkol sa isang tanong na nabanggit sa itaas. Iugnay ito sa iyong buhay. Isinalin mula sa My Life, My Choices: Key Issues for Young Adults ni Mary Ann Burkley
Wojno, 2004, pp. 113-127
Pagninilay Gawain 9
Panuto: Pagnilayan ang sumusunod. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.
1. Bakit mahalagang magkaroon ka ng tamang posisyon tungkol sa mga isyung tungkol sa seksuwalidad? 2. Ano ang kahalagahan ng tamang paggamit ng seksuwalidad bilang tao? Ipaliwanag
299 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Pagsasabuhay Bumuo ng isang grupo na magsasagawa ng Advocacy Campaign laban sa pang-aabusong seksuwal. Ito ay gagawin sa pamamagitan ng paggawa at pag-aayos ng isang bulletin board na magpapakita ng mga masasamang epekto ng seksuwalidad at ng mga nararapat gawin upang makaiwas. Maaari rin silang gumawa ng isang video presentation na may kaparehong layunin na nabanggit. Isasabay sa pag-aayos ng bulletin board o paggawa ng video ang paglalagay ng mga prinsipyo o quotations na nagpapahayag ng dignidad at seksuwalidad. Halimbawa: “Ang pag-aasawa ay hindi
Y P O C D E P E D
isang kaning mainit, na maaaring iluwa kapag napaso.” Ang grupong nabanggit ay makikipag-ugnayan sa mga samahan ng mag-aaral sa paaralan katulad ng Student Council , samahan ng mga mag-aaral sa Edukasyon sa Pagpapakatao, at iba pa para sa Advocacy campaign na ito. Maaari ding isama ng mga mag-aaral ang mga opisyales ng GPTA o iba pang magulang para sa pagbubuo ng Bulletin Board o kaya ay pagbibigay ng pondo para sa mga materyal na kanilang gagamitin.
300 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Mga kakailanganing kagamitan (website, software, mga aklat, worksheet) Mga Sanggunian: Bautista, Ma. Socorro L. (2002). Questions and Answers on The Truth and Meaning of Human Sexuality . De Torre, Joseph. (1988). Sexuality and Sanctity . Sinag-Tala Publishers, Inc. Manila. p. 46-49
Y P O C D E P E D
Finley, James and Pennock, Michael. (1977). Christian Morality and You. Ave Maria Press, New York, USA. p 123-138. Jason , Joel O. (2007). Free Love True Love. Shepherds Voice Publication, Quezon City, Philippines. Pontical Council for the Family. (1996). The Truth and Meaning of Human Sexuality: Guodelines for the Education withion the Family . Word and Life Publications, Makati, Philippines. Soria, Jose Luis. (1975). Is Purity Possible? A Better Understanding of the 6th and 9th Commandment . Sinag-Tala Publishers, Manila. Torralba, Antonio N. et. Al. (2013) Sexuality Education 101(Education in Love, Sex and Life. Phil. ISBN978-971-95729-0-9. p. 17-20 Wojno, Mary Ann Burkley. (2004). My Life, My Choices. Key Issues for Young Adults. Claretian Publications.Diliman, Quezon City, Philippines. p. 113-127 Mula sa Internet:
Adam Lee. (2007). Morality of Prostitution. Retrieved from http://www.patheos.com/ blogs/daylightatheism/2007/11/prostitution on March 1, 2014 Flaman, Paul. (1999). Premarital Sex and Love: In the Light of Human Experience and Following Jesus. St. Joseph’s College, University of Alberta, Edmonton, Canada. Retrieved from http://www.ualberta.ca/~paman/PSAL/ Contents&Introduction.pdf/ on March 1, 2014 Life Planning Education. (2007) Washington, DC: Advocates for Youth. Retrieved from http://www.advocatesforyouth.org/for-professionals/lesson-plans-professionals/200lessons on March 6, 2014 Williams,Jarrod. (1995) Pornography in Art Right or Wrong? Retrieved from http:// www.kc-cofc.org/39th/IBS/Tracts/pornogra.htm on March 3, 2014 http://philippines.ucanews.com/2012/05/28/%E2%80%98sex-issues%E2%80%99top-youth-problem-%E2%80%93-survey/. Retrieved on February 27, 2014 301 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Ikaapat na Markahan
MODYUL 15: MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA KAWALAN NG PAGGALANG SA KATOTOHANAN A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO? Sa natapos na Modyul 14, nabigyang-diin ang kaganapan ng pagiging tao at pagkabukod-tangi sa pamamagitan ng pagiging ganap na babae at lalaki. Dito mo rin natutuhan ang mga mahahalagang gampanin ng tao sa kaniyang halaga bilang tao. Ang pagganap sa mga inaasahang tungkulin ay hudyat na ikaw ay nasa hustong kamalayan at sumasakilos ayon sa iyong kalikasan. Bilang kabataan, paano mo gagamitin ang mga kakayahan at pagkakataon na ipinagkaloob iyo sa pag-unlad ng iyong pagkatao? Ano ang mga katibayan na tunay na nagagamit ang mga ito? Sa mga nagdaan na dilemang moral na iyong kinaharap sa naunang modyul, paano hinamon ang iyong kakayahan sa pagpili ng tama at mabuti? Ano ang mga nakatulong na kaalaman sa iyo na nagpatatag ng pagkilala mo sa tunay na kabuluhan ng iyong pagkatao sa pagsasabuhay ng mga inaasahan sa iyo?
Y P O C D E P E D
Sa modyul na ito, tatalakayin naman ang mga isyung moral tungkol sa kawalan ng paggalang sa katotohanan. Bilang tao, inaasahang maging matapat at gawing makabuluhan ang buhay sa abot ng ating pagsisikap na makamit ito. Ito rin ay hakbang tungo sa maayos at mabuting pamumuhay na may pagmamahal sa katotohanan. Mahirap nga ba o madali ang manindigan sa katotohanan? Paano ba ang maging totoo na hindi isinasantabi ang kahihinatnan o epekto ng pinanindigang pasiya at ang kalakip na obligasyon bilang tao? Bibigyan ka ng babasahing ito ng pagkakataon na maging bukas, mapanindigan, at hayag sa iyong saloobin na mahalin at igalang ang katotohanan.
302 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Pagkatapos mong basahin ang modyul na ito, inaasahang masasagot mo ang Mahalagang Tanong: Bakit mahalaga na maging mulat sa mga isyu tungkol sa kawalan ng paggalang sa katotohanan? Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa: 15.1 Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa katotohanan 15.2 Nasusuri ang mga isyung may kinalaman sa kawalan ng paggalang sa katotohanan 15.3 Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin 15.4 Nakabubuo ng mga hakbang upang maisabuhay ang paggalang sa katotohanan
Y P O C D E P E D
Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Kakayahang Pampagkatuto 15.4: a. b. c. d.
Nakapagpasiya ng posisyon sa paninindigan sa katotohanan Nakapagbigay ng tiyak na mga hakbang sa pagsasabuhay ng katotohanan Nakapaglunsad ng isang symposium bilang pandagdag kaalaman sa katotohanan May kalakip na mga paliwanag at patunay ng pagsasabuhay
Bago magsimula ang pagtalakay sa mga paksang susunod, mabuting sagutin ang mga maikling pagtataya bilang sukatan ng iyong mga kaalaman. Handa ka na ba?
Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang mga sagot sa iyong kuwaderno. 1. Ang pagsisinungaling ay ang hindi pagkiling o pagsang-ayon sa katotohanan. Itinuturing ding isang lason na humahadlang sa kaliwanagan ng isang bagay o sitwasyon. Anong patunay na ito’y natural na masama? a. Sapagkat ipinagkakait ang tunay na pangyayari. b. Sapagkat inililihis ang katotohanan. c. Sapagkat ito ay isang uri ng pandaraya. d. Sapagkat sinasang-ayunan ang mali. 2. Ang sumusunod ay mga gawain na lumalabag sa karapatan sa pag-aari. Ang ilan sa mga ito ay ang karapatan sa pagpaparami, pagpapakalat, pagbabahagi, at panggagaya upang makabuo ng bagong likha, maliban sa isa: a. Intellectual piracy b. Copyright infringement c. Theft d. Whistleblowing 303
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
3. Alin sa sumusunod ang tamang pahayag tungkol sa mental reservation? a. Maingat na ibinibigay ang mga impormasyon sa tamang tao lamang. b. May karapatan ang naglalahad na manahimik at kimkimin ang mga impormasyon. c. Walang paghahayag at di mapipilit para sa kapakanan ng taong pinoprotektahan. d. Nagbibigay nang malawak na paliwanag at kahulugan sa maraming bagay upang ilayo ang tunay na katotohanan. 4. Si Lando ay dating bilanggo. Bahagi ng kaniyang pagbabagong-buhay ay ang kalimutan ang madilim niyang nakaraan. Dahil dito, itinago niya ang karanasang ito sa kompanyang kaniyang pinaglilingkuran sa kasalukuyan. Sa iyong palagay, may karapatan ba siyang itago ang katotohanan? a. Mayroon, dahil siya ay responsable rito. b. Mayroon, dahil may alam siya rito. c. Mayroon, dahil sa kahihiyang ibibigay nito sa kaniya. d. Mayroon, dahil lahat ay may karapatang magbago.
Y P O C D E P E D
5. Ayon sa isang whistleblower , “Hindi naman sa gusto ko, pero kailangan eh. Ayaw na ng pamilya ko, at ayaw ko na rin sana, pero itutuloy ko na rin.” Paano pinanindigan ng whistleblower ang kaniyang pakikibaka para sa katotohanan? a. Mula sa suporta ng mga nagtitiwala sa kaniya. b. Mula sa dikta ng kaniyang konsensiya. c. Mula sa kaniyang tungkulin at obligasyon sa pamilya at bayan. d. Mula sa di-makatotohanang akusasyon sa kaniya. 6. Sa pangkalahatan, ang katotohanan ay dapat mapanindigan at ipahayag nang may katapangan sa lahat ng pagkakataon sapagkat ito ang nararapat gawin ng isang matapat at mabuting tao. Bakit mahalagang matandaan ang pahayag na mapanindigan at ipahayag sa lahat ng pagkakataon? a. Dahil ito ang katotohanan. b. Dahil ito ang nararapat gawin ng isang tapat at mabuting tao. c. Dahil ito ang maghahatid sa tao ng paghanga at paggalang. d. Dahil ito ay para sa kabutihang panlahat. 7. Ang sumusunod ay mga dahilan ng isang tao kung bakit mas nahihikayat na gawin ang pagnanakaw sa gawa ng iba kaysa sa lumikha ng sarili at paulit-ulit na pagsasagawa nito, maliban sa isa: a. Mababang presyo b. Anonymity c. Madaling transaksiyon d. Hindi sistematiko
304 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
8. Ang katotohanan ang nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at layunin niya sa buhay. Sa bawat tao na naghahanap nito, masusumpungan lamang niya ang katotohanan kung siya ay naninindigan at walang pag-aalinlangan na ito ay sundin, ingatan at pagyamanin. Ano ang kalakip nitong kaluwagan sa buhay ng tao? a. Kaligayahan at karangyaan b. Kapayapaan at kaligtasan c. Kaligtasan at katiwasayan d. Katahimikan at kasiguruhan
Y P O C D E P E D
9. Si Tony ay naparatangan ng plagiarism sa kanilang paaralan. Siya ay kasama sa mga magagaling na manunulat sa kanilang journalism class. May mga katibayan na nagpapatunay na ito ay intensiyunal. Anong prinsipyo ang nalabag niya? a. Prinsipyo ng Condentiality b. Prinsipyo ng Intellectuality c. Prinsipyo ng Intellectual Honesty d. Prinsipyo ng Katapatan 10. Matagal nang napapansin ni Celso ang mga maling gawi ng kaniyang kaklase sa pagpapasa ng proyekto. Alam niya ang mga batas ng karapatang-ari ( copyright ), dahil dito, nais niya itong kausapin upang mabigyan ng babala sa kung ano ang katapat na parusa sa paglabag dito. Tama ba ang kaniyang gagawing desisyon? a. Tama, sapagkat ito ay nasa batas at may parusa sa sinumang lumabag dito. b. Tama, sapagkat ito ay para sa ikabubuti ng kaniyang kaklase. c. Tama, sapagkat ito ay karapatan din ng taong sumulat o may-ari ng katha. d. Tama, sapagkat ito ay kaniyang obligasyon sa kapuwa.
305 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN
Gawain 1 Panuto: Papangkatin ng guro ang klase sa lima na binubuo ng anim hanggang pitong miyembro. Sa pangkatang gawain ay pag-uusapan ang iba’t ibang isyu sa lipunan na nagpakita ng kawalan ng paggalang sa katotohanan. Bibigyan ng guro ang bawat pangkat ng 10 hanggang 15 minuto para sa paglilikom ng mga sagot mula sa miyembro nito. Pagkatapos nito, malayang ipasulat ng guro sa pisara ang mga isyu tungkol sa katotohanan.
Y P O C D E P E D
Mga Tanong:
1. Ano-ano ang mga nailista sa pisara na mga isyu tungkol sa kawalan ng paggalang sa katotohanan? 2. Sang-ayon ka ba sa mga nailista? Bakit? 3. Ano sa iyong palagay ang mga dahilan ng pagkakaroon ng ganitong mga isyu sa ating lipunan? Ipaliwanag. 4. Paano nakaapekto ang mga isyung ito sa tunay na kahulugan ng katotohanan? 5. Posible pa ba itong masolusyunan sa kabila ng marami ang gumagawa nito? Gawain 2 - Think Pair Share
Panuto: Basahin at timbangin ang sumusunod na mga pahayag. Lagyan ng tsek ang kahon ng S kung ikaw ay sumasang-ayon sa pahayag, DS kung di-sumasang-ayon at DT kung di ka tiyak sa iyong palagay at saloobin. Malayang magbigay ng sariling opinyon ayon sa pasiyang napili. Hinihingi ang pagiging bukas na isip at malawak na pananaw mula sa mga tatalakaying isyu. Humanap ng kapareha at magkaroon ng maikling talakayan sa mga sagot. Ilagay ang mga ito sa iyong kuwaderno.
1. Ang sinuman ay may karapatan na itago ang katotohanan.
2. Ang isang guro ay nagbigay ng mga special assignment sa kaniyang mga mag-aaral upang magamit sa tinatapos niyang term paper sa Masteral. Tulong na rin para sa kaniya na mabawasan ang hirap sa paggawa nito ngunit lingid ito sa kaalaman ng mag-aaral niya.
306 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
3. Ang mga sensitibong usapin tulad ng pagbubunyag ng mga lihim ay nararapat na pag-usapan nang bukas, may paggalang, at pagmamalasakit sa nagpapahayag nito. 4. Ang mga tagapagturo ay may moral na obligasyon na ingatan ang mga dokumento tulad ng kanilang academic records. Gayunpaman, maaari niya itong ipakita sa mga magulang kahit pa walang pahintulot sa anak nito.
Y P O C D E P E D 5. Marapat na gawing pribado ang anumang pag-uusap lalo na kung nakasalalay ang kapakanan ng nakararami sa mga anomalyang nangyayari sa loob ng samahan o organisasyon. Mga tanong:
1. Ano ang iyong masasabi sa mga sitwasyon sa itaas? Bakit? 2. Alin sa mga sitwasyon ang lubha kang nahirapang sagutin? Ipaliwanag. 3. Bilang nasa Baitang 10, paano ka dapat tumugon sa tawag ng katotohanan lalo na sa panahong kailangan itong ipahayag? Ipaliwanag.
C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN, AT PAG-UNAWA
Gawain 3 – Pagsusuri ng kaso
Panuto: Hatiin ang klase sa limang grupo na may anim na miyembro. Pag-aralan ng grupo ang mga kaso at ibigay ang mga resolusyon dito. Pagkatapos, magkaroon ng pagbabahaginan at mungkahi ang bawat isa. Maglaan ng 30 minuto para sa pangkatang talakayan. Unang kaso
Dahil sa takot na maparusahan ng kaniyang ama, ang isang mag-aaral sa kolehiyo na nakakuha ng lagpak na marka sa isa niyang asignatura, ay gumawa ng isang pandaraya na gawin itong mga pasado. Tanong: a. Nabigyan ba ng sapat na katuwiran ng mag-aaral ang kaniyang ginawang pandaraya? Bakit? b. Sa iyong palagay, ano ang nararapat gawin? Ipaliwanag. 307
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Mungkahing resolusyon sa kaso A. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ B. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ Ikalawang kaso
Y P O C D E P E D
Dahil sa mababang presyo ng mga pirated cd, mas gusto pa ng ilan na tangkilikin ito kaysa sa bumili ng orihinal o di kaya ay pumila pa at manood sa mga cinema theater. Tanong:
a. Makatuwiran ba ang pahayag sa itaas? Paano ito nakaapekto sa taong lumikha nito? b. May posibilidad bang gawin mo rin ito? Bakit?
Mungkahing resolusyon sa kaso A. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ B. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ Ikatlong kaso
Dahil sa kakulangan ng mapagkukunang datos sa pananaliksik na ginagawa ng isang gurong-mananaliksik sa kaniyang pag-aaral, minabuti ng guro na gamitin ang isang pribadong dokumento nang walang pahintulot sa gumawa. Tanong:
Mayroon bang sapat na kondisyon na makalilimita sa paggamit ng lihim na dokumento tulad ng kaso sa itaas na maging katuwiran sa paggamit ng pribadong pag-aari ng isang tao? Pangatuwiranan.
Mungkahing resolusyon sa kaso A. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ B. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ 308 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Gawain 4 – Pagsusuri ng mga piling dokumentaryo May alam ba kayong dokumentaryo mula sa youtube.com na may kaugnayan sa pagsisiwalat ng katotohanan na nakapamumulat, o di kaya naman ay nagkaroon ng paglabag sa kasagraduhan ng katotohanan at hindi nagkaroon ng kakayahang mapanindigan ito ng may prinsipyo at pamantayan? Tingnan ang mga mungkahing panoorin: •
Punto por punto Sen. Sotto, dapat bang managot sa isyu ng plagiarism? https://www.youtube.com/watch?v=ilUpTniccF0 (Published on November 14, 2012 and viewed at Umagang Kay Ganda on November 15, 2014) Philippine Optical Media Board Raided Pirated DVD den in QUIAPO – July 1, 2011 - https://www.youtube.com/watch?v=9JOqiOk9rfQ (Published on March 24, 2013 and viewed at 24 Oras Channel 7 by Ms. Mel Tiangco ) ANC Talkback: Protecting Whistleblowers 1/5 –https://www.youtube.com/ watch?v=5GlfR0yz4bA (Uploaded on February 13, 2011 and viewed at ANC hosted by Tina Monzon-Palma)
Y P O C D E P E D •
•
Mga tanong:
1. Ano ang iyong naging reaksiyon sa iba’t ibang mga isyu kaugnay ng paninindigan na isiwalat ang katotohanan? 2. Paano nakaapekto ang mga dokumentaryo sa mga taong nakaalam nito? Sa taong nagsiwalat nito? 3. Bilang kabataan, ano ang hamon na ipinararating sa iyo ng mga reyalidad na ito sa ating lipunan? Gawain 5 - Pagsusuri ng mga siping lathalain (Clippings)
Bukod sa napanood na mga napapanahong dokumentaryo mula sa youtube. com kaugnay ng pagsisiwalat ng katotohanan at kabutihan nito para sa bawat isa, mabuting suriin ang apat na mga halimbawa ng lathalaing sinipi mula sa Google. Malayang talakayin ang mga ito sa pamamagitan ng pangkatang gawain. Maaaring magbigay ng iba pang napapanahong lathalain na makatutulong sa bawat isa na maging aktibo at magkaroon ng kamalayan sa mga usaping may kaugnayan sa pagsisiwalat ng katotohanan at pagsasabi ng totoo para sa kabutihan. Basahin at suriin ang sumusunod na mga lathalain at pagkatapos ay sagutin ang bawat katanungan.
309 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Lathalain # 1
Y P O C D E P E D Tanong:
Paano dapat harapin ng isang tao ang hamon para sa marangal na hanapbuhay sa kabila ng matinding kahirapan?
310 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Lathalain # 2
Y P O C D E P E D Tanong:
Paano nakaapekto sa reputasyon ng isang tao ang kaniyang pangongopya?
311 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Lathalain # 3 Napoles, itinangging sangkot siya sa Pork Barrel scam November 7, 2013 5:45pm Sa pagharap sa Senado nitong Huwebes, itinanggi ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles ang mga paratang ng kaniyang mga dating empleyado na sangkot siya sa P10-bilyon pork barrel scandal. Paliwanag ni Napoles, hindi niya inutusan ang kanyang mga dating kawani na gumawa ng mga pekeng non-government organization o NGO. Pinasinungalingan naman ni B enhuy Luy, whistleblower sa kaso, ang ginawang pagtanggi ni Napoles. “She’s lying,” ani Luy sa mga sagot ni Napoles. Bukod kay Luy, naroon din sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee ang iba pang whistleblowers na sina Gertrudes Luy, Marina Sula, Merlina S uñas, Simonette Briones, at Mary Arlene Baltazar. Bukod sa pagtanggi sa mga paratang laban sa kanya, umiwas din si Napoles sa mga tanong kaugnay sa kanyang kompanya na JLN.
Y P O C D E P E D
“May kaso na po sa BIR [Bureau of Internal Revenue]. Dun na lang sasagutin kung ano yung tinetrade namin,” sagot ni N apoles nang tanungin siya Senador Teosto Guingona III kaugnay sa trading business nito. Ayon sa whistleblower na si Sula, pinagawa siya ni N apoles ng 20 NGOs at isang foundation na nakapangalan sa nanay ni Janet. Tanging ang Madalena Luy Lim Foundation ang NGO na inamin ni Napoles na hawak niya.
“Yan totoo dahil outreach namin yan sa Boys Town, Girls Town, Golden Heart, sa kaparian,” paliwanag ni Napoles. Inamin naman ni Napoles na kilala niya ang mga whistleblower na sina Benhur at Gertudes Luy, Sula, at Baltazar, subalit itinanggi niyang kilala niya si Suñas. “Hindi ko alam. Hindi ko alam kung ano ang gusto nila sabihin. Tutal nademanda na nila ‘yan sa Ombudsman,” ani Napoles sa mga patutsada ng mga whistleblower laban sa kanya. Pinabulaanan din ni Napoles na may suhol siyang ibinigay sa mga mambabatas kaugnay sa nasabing scam. “Nakakaawa yung mga senador na nada-drag ang pangalan dito e hindi naman totoo,” aniya.
Mahigpit naman itong tinutulan ni Luy. Aniya, bago pa man siya magtrabaho sa JLN Corporation na pagmamay-ari ni Napoles, may mga kontrata na ito sa gobyerno. “Nakikita ko na sa ledger may nakalagay na mga porsyento doon,” giit ni Luy. Dagdag pa ni Luy, makikitang totoo ang sinasabi niya sa mga dokumento sa bangko na may mga endorsement letter pa mula sa m ga pulitiko. Ngunit, inamin niya na wala sa kaniya ang mga dokumento. “Hindi naman ako magkakaroon ng record kung hindi na-assign sa akin. Hindi ako magkakaroon ng record ng bank accounts kung hindi niya ibinigay sa akin,” patuloy ni Luy.
Tanong:
Paano pinatunayan ng mga whistleblower ang kanilang paninindigan sa pagsisiwalat ng katotohanan?
Nang tanungin si Napoles kung kilala niya ang mga pulitiko na nasangkot sa P10 bilyon pork barrel scam, sinabi ng negosyante na kilala niya ang mga ito bilang mga kilalang personalidad pero hindi sa personal. Itinanggi rin niya ang pagbibigay ng voucher bilang kickback sa mga mambabatas. “Sa tingin niyo kung may ganoong kickback, do you think isang mambabatas at chief of staff ay pipirma ng voucher? Wala pong ganyang voucher at bigayan ng pera,” depensa ni Napoles.
Kinontra naman ito ng mga whistleblowes. Ayon kay Luy at Suñas, inutusan sila ni Napoles na gutaygutayin o i-shred ang mga voucher. “Ako nagpa-le ng vouchers mula pa nang ako ay magtrabaho kay Napoles hanggang nitong Aug 2013, pero itong January 2013, pina-shred niya sa Pacic Plaza,” ani Suñas. Idinagdag niya na may biniling heavy duty shredder sa dami ng mga dokumento na kailangan nilang sirain. “Sabi niya, kailangan i-shred lahat ng evidence para in case magka-search warrant wala po makikita na [kunektado sa] NGO at sa legislators,” ani Baltazar. Pahayag naman ni Luy, ilang beses niyang nakita na bumisita ang mga mambabatas o ang chief of staff ng mga ito sa kanilang opisina sa Disicovery Suites. Kung minsan ay siya pa umano ang personal na nagdadala ng pera sa mga kawani ng gobyerno.
“Nakikita ko lawmakers at sinasabi sa akin ni madame [Napoles]. May pagkakataon [din] na inuutusan ako ni madame at ihahatid ko po sa bahay,” aniya. Banat naman ni Napoles, hindi opisyal kung hindi empleyado lamang ng kanilang opisina si Luy. “Lagi siyang may religious ... kaya bihira siya sa ofce. Siya may gawa niyan kaya hindi ko alam,” pahayag niya.
Ilan pa sa mga alegasyong pinabulaanan ni Napoles ay ang pagbili niya umano ng dolyar sa black market na idinedeposito nito sa mga bank account niya sa Amerika; pag-uutos sa mga empleyado niya na pekein ang pirma ng mga benepisyaryo ng mga proyekto ng gobyerno. -- Rouchelle R. Dinglasan/ FRJ, GMA News Sipi mula sa: http://www.gmanetwork.com/news/story/334454/ulatlipino/balitangpinoy/napoles-itinangging-sangkot-siyasa-pork-barrel-scam
312 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Lathalain # 4 Ang ‘Think Before You Click’ campaign ng GMA Network July 16, 2011 12:07am
Tags: Facebook Dahil sa mabilis na pagdami ng mga Pinoy na nahuhumaling sa mga social networking site gaya ng Facebook at Twitter, inilunsad ng GMA Network ang kampanyang, ‘Think Before You Click.’ Sa ulat ng GMA News TV State of the Nation nitong Biyernes, sinabing pampito na ngayon ang Pilipinas sa buong mundo na may pinakamaraming gumagamit
Y P O C D E P E D Sa ulat ng GMA News TV State of the Nation nitong Biyernes, sinabing pampito na ngayon ang Pilipinas sa buong mundo na may pinakamaraming gumagamit ng Facebook. Bukod dito, mabilis din ang pagdami ng mga Pinoy na nagbubukas ng kanilang mga Twitter account.
Kaya naman bilang bahagi ng “Serbisyong Totoo” ng GMA Network, inilunsad ang kampanyang ‘Think Before You Click,’ para paalalahanan ang mga Kapusong Pinoy tungkol sa responsabilidad sa paggamit ng mga social networking site.
“Sometime we forget what we posts online stays there forever. Hindi ‘yan parang, I can delete it tapos mawawala na, hindi ganun ang Internet di ba?” pahayag ni Sheila Paras, News Creative Imaging Head, GMA Network, sa ulat ni GMA news reporter Dano Tingcungco. Dagdag pa ni P aras, kahit “anonymous” o hindi tunay na pangalan ang ginamit sa binuksang account, hindi ito dahilan para manira at manakit ng kapwa sa mga social networking site.
“Just because meron silang mga account they’re anonymous so to speak, pwede na silang basta-basta na lang manira ng ibang tao. Hindi nila nalalaman na yung taong sinisiraan nila, totoong tao ‘to, merong personality outside the Internet; totoong buhay ‘yon na naapektuhan,” paliwanag niya.
Kabilang sa mga magbibigay ng tips tungkol sa responsableng paggamit ng mga social networking site ay ang mga Kapuso stars na sina Iza Calzado, Maxene Magalona, Moymoy at Palaboy, Ramon Bautista, at German “Kuya Germs” Moreno.
Tanong:
Paano nagagamit ang social media network sa pansariling kapakanan at kapahamakan ng iba?
Nandiyan din sina Howie Severino, news anchor at Editor in Chief ng GMA News Online; Gang Badoy, founder RockEd Philippines; Carlos Celdran, Manila tourist guide at si Secretary Mario Montejo, Department of Science and Technology.
Ang ‘Think B4 U Click’ campaign ng Kapuso ang kauna-unahang social media awareness campaign ng isang media organization sa bansa.
Ayon kay Maxene, siya man ay ilang beses nang napagsabihan ng masama, napadalhan ng mga negative comments at nabastos sa mga social networking site.
“Ang gusto ko lang ipaalala na sana matuto pa rin tayong rumespeto ng kapwa,” ayon sa young actress. Samantala si Iza, natuto raw na i-censor ang sarili sa mga ipino-post sa kanyang mga social networking site.
Ang simpleng paalala naman ni Howie, “ Dapat lagi mong iniisip na ang social media ay isang public space, kung ano ang ayaw mong gawin sa publiko dapat hindi mo gagawin dito.”
Mapapanood ang “Think Before You Click” campaign sa lahat ng platform ng GMA Network kasama na ang GMA 7, GMA News TV 11 at GMA News Online. Abangan din ito sa Twitter at Facebook account GMA News. – FRJimenez, G MA News
More from: http://www.gmanetwork.com/news/story/226458/showbiz/chikaminute/ang-think-before-you-clickcampaign-ng-gma-network
313 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D. PAGPAPALALIM Paninindigan Para sa Katotohanan at Pagsasabi ng Totoo Para sa Kabutihan Pamilyar ka ba sa mga pahayag sa ibaba?
Y P O C D E P E D May palagay akong siya ang kumuha ng orihinal na manuscript ng kaniyang boss para makagawa ng isang artikulo!
Totoo bang kinopya lamang ni Lina ang kaniyang proyekto kay Ramon? Bakit kaya?
Maiging manahimik kaysa sa magkamali ng mga sasabihin. Hindi na lamang ako kikibo!
Mabuti na ang mangupit kaysa sa magnakaw ng malaking halaga…
Kung ikaw ang nakikinig sa bawat pahayag, maniniwala ka ba agad, sasangayon o maghahanap ng katibayan bago maniwala? Umaasa ka lamang ba sa obserbasyon at sa sarili mong kutob o pakiramdam ngunit wala namang matibay na paninindigan? Paano mo gagamitin ang iyong maingat na paghuhusga na napagaralan mo sa Modyul 9 sa pagtukoy mo ng katotohanan at sa pagkilatis mo ng mabuting opsiyon sa mga isyung etikal at mabuting pagsuri sa mga dilemang moral? Ibabahagi sa iyo ng babasahing ito kung paano maging bukas sa katotohanan na taglay ang matalinong pag-iisip at wastong pangangatuwiran. 314 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ang Misyon ng Katotohanan Ang katotohanan ang nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at layunin niya sa buhay. Ang pagsukat ng kaniyang katapatan ay nangangailangan ng pagsisikap na alamin ang katotohanan. Sa bawat tao na naghahanap nito, masusumpungan lamang niya ang katotohanan kung siya ay naninindigan at walang pag-aalinlangan na sundin, ingatan, at pagyamanin. Ang sinumang sumusunod dito ay nagkakamit ng kaluwagan ng buhay (comfort of life) na may kalakip na kaligtasan, katiwasayan, at pananampalataya.
Y P O C D E P E D
Sa Modyul 2 inilarawan dito ang pahayag ni Fr. Roque Ferriols tungkol sa “tahanan ng mga katoto,” (Dy, Manuel Jr.). Ibig sabihin, may kasama ako na makakita o may katoto ako na makakita sa katotohanan. Mahalaga na makita ng bawat tao ang katotohanan mula sa pagkakakubli na lumilitaw mula sa pagsisikap niya na mahanap ito. Kung hindi, magiging bulag siya sa mga bagay o isyu sa lipunan na makakaapekto sa kaniyang isip upang magsuri at makaalam. Hindi ito maipagkakait sa kaniya dahil bilang tao siya ay may kakayahan na kumuha ng buod o esensiya sa mga bagay na umiiral. Ang katotohanan din ay ang kalagayan o kondisyon ng pagiging totoo. Upang matamo ito, inaasahan na Magpahayag sa maging mapagpahayag ang bawat isa sa kung ano ang simple at tapat na totoo sa simple at tapat na paraan. Dahil dito, malaya paraan ang isang tao na gamitin ang wika sa maraming paraan lalo na sa pakikipagtalastasan. Higit pa rito, nagagamit ito bilang instrumento sa pag-alam ng katotohanan. Ang pagsasabi ng totoo ay mahalaga sa paninindigan ng katotohanan. Ang tunay nitong halaga ay ang pagiging isa at matatag na ugnayan sa pagitan ng wika at kaalaman. Maipakikita ito sa paglilipat ng kaalaman patungo sa pagsasawika nito. Ito ay malayang pagpapahayag sa kung ano ang nasa isip. Ipinahihiwatig na kung ano ang wala sa isip ay hindi dapat isawika. Sa ganitong paraan, ang pagsisinungaling o hindi pagkiling sa katotohanan ay magaganap. Sa Modyul 7, inilatag sa iyo ang pagiging mapanagutan sa kilos. Kabilang dito ang pagkakaroon ng kamalayan at kaalaman tungo sa makataong kilos. Dito magbubukas ang isip ng tao na magkaroon ng paninindigan sa kabutihan tungo sa pagyakap sa katotohanan. Mula sa Kautusang Walang Pasubali ( Categorical Imperative) ni Immanuel Kant na nagsasabi na isang obligasyon ang pagtupad ng tao sa kaniyang tungkulin at mga gawain. Kung mapaninindigan ng tao ang kaniyang 315
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
kilos at reaksiyon sa isang sitwasyon, matatamo niya ang mataas na pagpapahalaga dahil mas higit ang pagpili niya na umanib sa katotohanan at maging mapanagutan sa aspektong ito. Ang imoralidad ng pagsisinungaling Mula sa paglawak ng Tanong: iyong kaalaman sa halaga ng Nakagawa ka na ba ng isang pagsisinungaling katotohanan at mga kaakibat na para mapagtakpan ang pagkakamali at pananagutan dito, hindi pa rin maging malinis ang imahe sa mata ng iba? maipagkakaila na ang sinuman ay may kakayahan na makalikha ng isang kasinungalingan upang pagtakpan ang pagkakamali at maging malinis ang imahe sa mata ng iba. Nagawa mo na ba ito? Ilang beses na? Kung maraming beses na, paano mo ito aaminin at pananagutan? Sa pagbabalik-tanaw noong ikaw ay nasa Baitang 8, naliwanagan ka tungkol sa katapatan sa salita at sa gawa sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga kabutihang dulot nito tungo sa mabuti at malusog na pakikipagkapuwa. Higit pa rito ay makakukuha rin ng paggalang at tiwala mula sa iba dahil sa ipinamalas na pagiging totoo sa lahat ng pagkakataon. Ikaw ngayon na nasa Baitang 10, anu-ano ang iyong mga paninindigan sa pagsasabi ng totoo laban sa pagsisinungaling? Ayon kay Sambajon Jr. et.al (2011), ang pagsisinungaling ay ang hindi pagkiling at pagsang-ayon sa katotohanan. Ito ay isang lason na humahadlang sa bukas at kaliwanagan ng isang bagay o sitwasyon na nararapat na mangibabaw sa pagitan ng mga tao sa isang grupo o lipunan.
Y P O C D E P E D
Ang kasinungalingan ay may tatlong uri:
1. Jocose lies – isang uri na kung saan sinasabi o sinasambit para maghatid ng kasiyahan lamang. Ipinapahayag ito upang magbigay-aliw ngunit hindi sadya ang pagsisinungaling. Halimbawa: Pagkukuwento ng isang nanay tungkol sa Santa Klaus na nagbigay ng regalo sa isang bata dahil sa pagiging masunurin at mabait nito. Gayundin, ang isang guro na magbibigay sa kaniyang klase ng dagdag na puntos mula sa ipinakita nitong katahimikan ngunit hindi naman niya ito tutuparin. 2. Ofcious lie – tawag sa isang nagpapahayag upang maipagtanggol ang kaniyang sarili o di kaya ay paglikha ng isang usaping kahiya-hiya upang dito maibaling. Ito ay isang tunay na kasinungalingan, kahit na gaano pa ang ibinigay nitong mabigat na dahilan. Halimbawa: Pagtanggi niya sa pagkain ng hita ng pritong manok na nasa malaking pinggan, na ang totoo ay kinain naman niya. At ang isang mag-aaral na idinahilan ang kaniyang pagliban sa klase nang nakaraang araw dahil sa pagkamatay ng kaniyang ama, na ang totoo’y noong nakaraang taon pa yumao. O kaya ay isang 316 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
empleyado na may dalawang magkasabay na komitment o napangakuang trabaho sa magkaibang lugar, kung kaya napilitan siyang pumili sa dalawa at umisip nang mabigat na dahilan upang iwasan ang anumang di inaasahang alitan o diskusyon. 3. Pernicious lie – ay nagaganap kapag ito ay sumisira ng reputasyon ng isang tao na pumapabor sa interes o kapakanan ng iba. Halimbawa: Pagkakalat ng maling bintang kay Pedro ng pagnanakaw niya sa wallet ng kaniyang kaklase na hindi naman siya ang kumuha nito, na kung saan siya ay kinuhaan din. Gayundin, ang paghihinala kay Lyn na isa siyang call girl dahil sa inggit sa kaniyang karisma at sa maraming humahangang kalalakihan sa ganda niya.
Y P O C D E P E D
Ang Kahulugan ng Lihim, Mental Reservation, at Prinsipyo ng Confdentiality Ikaw ba ay malihim na tao? May mga itinatago sa malalim na dahilan? Ito ay masama dahil ang pagtatago ng lihim ay isang uri na rin ng pagsisinungaling o mabuti upang hindi na lumaki ang isyu at maiwasan ang Ang lihim ay pagtatago ng mga impormasyon na eskandalo o anumang hindi hindi pa naibubunyag o naisisiwalat. mabuting kahihinatnan. Unahin natin ang kahulugan nito. Ang lihim ay pagtatago ng mga impormasyon na hindi pa naibubunyag o naisisiwalat. Ito ay pag-angkin ng tao sa tunay na pangyayari o kuwentong kaniyang nalalaman at hindi kailanman maaaring ihayag sa maraming pagkakataon nang walang pahintulot ng taong may-alam dito. Ang sumusunod ay mga lihim na hindi basta-basta maaaring ihayag: Natural secrets – ay mga sikreto na nakaugat mula sa Likas na Batas Moral. Ang mga katotohanan na nakasulat dito ay magdudulot sa tao ng matinding hinagpis at sakit sa isa’t isa. Ang bigat ng ginawang kamalian (guilt) ay nakasalalay kung ano ang bigat ng kapabayaang ginawa. Halimbawa: Ang pagtatago ng isang maambisyong babae na isa siyang ampon na pinipilit pagtakpan ang kaniyang nakaraan. Ito ay maaaring magdulot ng kahihiyan sa kaniyang pagkatao. At ang isang dating bilanggo na nagsisikap makapagbagongbuhay sa ibang lugar upang itago ang kaniyang dating buhay. Promised secrets – ito ay mga lihim na ipinangako ng taong pinagkatiwalaan nito. Nangyari ang pangako pagkatapos na ang mga lihim ay nabunyag na. Halimbawa: Paglihim sa isang sinisimulang magandang negosyo hangga’t hindi pa ito nagtatagumpay. 317
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Hindi rin sinasabi ang mga mahahalagang detalye at impormasyon kahit sa mga kasamahan at kaibigan man. Committed or entrusted secrets – naging lihim bago ang mga impormasyon at kaalaman sa isang bagay ay nabunyag. Ang mga kasunduan upang ito ay mailihim ay maaaring: a. Hayag. Kung ang lihim ay ipinangako o kaya ay sinabi ng pasalita o kahit pasulat. Halimbawa: Ang isang sekretarya ng doktor, na inililihim ang mga medical records ng isang pasyente.
Y P O C D E P E D
b. Di hayag. Ito ay nangyayari kapag walang tiyak na pangakong sinabi ngunit inililihim ng taong may alam dahil sa kaniyang posisyon sa isang kompanya o institusyon. Madalas ito ay pang propesyonal at opisyal na usapin. Mga halimbawa nito ay mga impormasyon na natatanggap ng mga doktor at nars mula sa kanilang mga pasyente, mga facts na nasa pangangalaga ng government intelligence men, mga pambihirang kaalaman ( priviledge knowledge) na nakuha ng mga abogado, social workers, mga pari (at iba pang mga lihim sa kumpisalan na binigyan ng ganap na kapatawaran at iba pang di ginagawa ng hayagan), at iba pang mga tungkulin na binigyan ng tiwala upang humawak ng mga lihim. Ang mga doktor at espesyalista sa pag-oopera at mga katulong nitong mga nars ay may karapatang magtago ng lihim mula sa mga personal na impormasyon ng kanilang pasyente na nasa ilalim ng anesthesia, ayon ito kay Papa Pius XII. Ang pagtatago ng mga lihim na propesyonal ay isang grave moral obligation. Ang mga lihim ay maaaring ihayag o Ang mental reservation ay ang itago lalo’t higit kung may matinding dahilan maingat na paggamit ng mga upang gawin ito. Sa kabilang banda, ang salita sa pagpapaliwanag na kung saan ay walang ibinibigay paglilihim ay maaaring magbunga ng malaking na tiyak na impormasyon sa sakit at panganib sa taong nagtatago nito, nakikinig kung may katotohanan sa ibang taong may kaugnayan rito maging nga ito. sa kaniyang lipunan ginagalawan. Maaaring itago ang katotohanan gamit ang mental reservation. Ito ay ang maingat na paggamit ng mga salita sa pagpapaliwanag na kung saan ay walang ibinibigay na tiyak na impormasyon sa nakikinig kung may katotohanan nga ito. Ito ay paraan ng paggawa ng kasinungalingan. Halimbawa nito ay ang pahayag na, “Ang sabi ko ay pupunta ako sa isang excursion na ang totoo ay wala naman talaga akong planong gawin iyon.”
318 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Pangalawa ay ang pagbibigay nang malawak na paliwanag at kahulugan sa maraming aspekto at anggulo ng mga isyu upang ang nakikinig ay makakuha ng impormasyon sa isang pahayag na walang katotohanan. May mga kondisyon sa paggamit nito, ang ilan ay ang sumusunod: 1. Walang panganib sa tao na siyang may karapatan na malaman ang totoo – ang magulang at mga tagagabay ay may karapatan na malaman ang katotohanan tungkol sa kanilang mga anak at maging sa kanilang pinangangasiwaan. 2. Magandang intensiyon sa paglilihim dito – hindi man matatawag na tunay na makatarungan ang pagprotekta sa kaalaman ng tao sa pagtatago ng mga lihim gaya ng edad, tirahan, o personal na impormasyon gaya ng isang charitable institution na humahawak sa talaan nito upang masagip ang reputasyon mula sa kahihiyan sa mga taong mapanghusga. Ang kaligtasan ng buhay ng isang tao mula sa kamay ng mga hoodlums o sa kamay ng kaniyang mga kaaway.
Y P O C D E P E D
Ang iba pang mga paraan sa pagtago ng katotohanan ay sa pamamagitan ng pag-iwas (evasion) at paglilihis ng mga maling kaalaman (equivocation). Makatutulong ito kung ang isyu o problema ay hindi lubhang mahalaga at ang isang partido ay may pahintulot dito. Sa iyong palagay, mas mabuti ba Sa iyong palagay, mas mabuti ba manahimik na lamang upang hindi na manahimik na lamang upang hindi na magkaroon ng isyung pag-uusapan at magkaroon ng isyung pag-uusapan at ikubli na lamang kung ano ang nasa likod ikubli na lamang kung ano ang nasa ng katotohanan? Sa prinsipyo ng likod ng katotohanan? Condentiality , ang pagsasabi ng totoo ay hindi lamang pagpapahayag nang ayon sa nasa isip, ito rin ay maipahayag sa mas malalim na pag-iisip, pananalita, at pagkilos bilang isang taong nagpapahalaga sa May situwasyon katotohanan. Mula sa matalinong pag-iisip at pagpili, May ka basitwasyon na hindi ka ang pagiging totoo ay solusyon sa mga posibleng ba hindiang mo mo na masabi hidwaan, mga pagkakaiba-iba sa pananaw at masabi ang nasa nasa isip mo? opinyon, hindi pag-uunawaan, mga sakit ng isip mo? kalooban at kahihiyan at nakababawas ng May agam-agam pagkakahiwa-hiwalay sa pagitan ng bawat isa tungo May agam-agam ba ba kung bakit sa pagkamit ng kapayapaan at maayos na samahan. kung bakit hindi mo hindi mo ito ito maipahayag? Ilang mga sitwasyon na ba tulad ng di pag-uunawaan maipahayag? at matinding pagtatalo sa mga magkakaibigan ang naayos dahil sa bukas na pagsasabi ng totoo kaakibat ng pagmamahal at pagmamalasakit sa iba? At ilang relasyon at magandang samahan ang tuluyang nasira dahil sa walang puso at walang pagmamalasakit na pagbubunyag ng katotohanan? Sa ating lipunan na talamak ang pandaraya at kawalan ng galang sa tunay na halaga ng katotohanan, may paraan pa ba upang ito ay maituwid? Ano-ano ang mga isyu sa ating kapaligiran ang humahamon sa kasagraduhan ng katotohanan? Ano ang 319
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
mga itinuturing na paglabag sa intelektuwal na gawain at pag-aari ng tao? Paano na kaya ang mga taong tila bulag na sa katotohanan? May ideya ka ba kung paano ito nakasisira sa halaga ng pangkaisipan at moral na paglago ng isang tao mula sa mga pinaghirapan niya at bunga ng kaniyang pagpupunyagi? Umpisahan natin sa isyu ng plagiarism. Plagiarism Ang plagiarism ay isang paglabag sa Intellectual Honesty (Artikulo, A. et al, 2003). Ito ay isyu na may kaugnayan sa pananagutan sa pagpahayag ng katotohanan at katapatan sa mga datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng isang akda, programa, himig, at iba pa ngunit hindi kinilala ang pinagmulan bagkus, nabuo lamang dahil sa ilegal na pangongopya. Ito ay maituturing na pagnanakaw at pagsisinungaling dahil inaangkin ang hindi iyo (Atienza, et al, 1996). Lahat ng mga naisulat na babasahin o hindi man naitala, maging manuscript (mga sulat-kamay na hindi nalimbag), mga nailimbag o kaya sa paraang elektroniko ay sakop nito. Ang pagbubunyag sa lihim na kasunduan sa pagitan ng dalawa o grupo ng mga tao upang magtagumpay ang proyekto ay plagiarism.
Y P O C D E P E D
Sumasailalim sa prinsipyo ng Intellectual Honesty ang lahat ng mga orihinal na ideya, mga salita, at mga datos na nakuha at nahiram na dapat bigyan ng kredito o pagkilala sa may-akda o pinagmulan. Ang pag-angkin sa gawa ng iba ay hindi lamang indikasyon ng mababang uri ng kaalaman at kakayahan, kundi isang kahinaan sa kabuuan ng pagkatuto ng tao. Paano ito maiiwasan? 1. Magpahayag sa sariling paraan. Magagawa ito sa pamamagitan ng malayang pagpapahayag ng kaisipan sa pagpapaliwanag o pagbuo ng ideya at konsepto. 2. Mahalaga rin na magkaroon ng kakayahan na makapagbigay ng sariling posisyon o stand sa anumang argumento o pagtatalo. 3. Ang tamang pagsusuri sa gawa ng iba, pagtimbang sa bawat argumento at pagbuo ng sariling konklusyon o pagbubuod ay makatutulong sa sarili na magpahayag. Mahalaga na matutuhan, hindi lamang ang kasanayan at teknik ng pagsusulat at iba pang katulad nito kundi ang pagpapamalas ng pagkilala sa kredibilidad at impluwensiya sa iyo ng taong tumulong upang makabuo ka ng iyong likha. At pagpapakita rin ito ng iyong komitment sa prinsipyo ng Intellectual Honesty.
320 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Nakalulungkot ngunit maraming tao ang gumagawa ng pangongopya lalo na sa paaralan na siyang inaasahang tagapagturo ng katapatan at kasipagan pangalawa sa pamilya . Suriin natin ang isang dilemang moral at ang mga opsiyong mapamimilian: Isang pangkat ng mga mag-aaral sa kolehiyo ng isang kilalang pamantasan ang pinatawag ng Disciplinary Committee. Ito ay dahil sa natuklasang pagkopya sa isang pomosong artikulo ng sikat na manunulat para sa kanilang thesis, isang major requirement sa kinuhang kurso. Hindi nila binigyan ng tamang pagkilala ang pinagkunang sanggunian bagama’t nagawa nilang ilagay ang ibang sanggunian bilang etika sa prinsipyo ng Intellectual Honesty . Magtatapos sana sila sa Marso ngunit may takot silang hindi mangyayari ito. Humingi sila ng konsiderasyon at bagong pagkakataon upang maituwid ang kanilang ginawang pagkakamali sa pamamagitan ng paglalagay nito sa talaan ng sanggunian. Kung ikaw ang isa sa miyembro ng panel ng thesis, ano ang magiging pasiya at kilos mo?
Y P O C D E P E D
Isa-isahin natin ang mga opsiyon na maaaring piliin ng panel ng thesis.
Talaan
Layunin
Opsiyon 1
Maturuan ng leksiyon ang mga mag-aaral na mali ang pangongopya
Opsiyon 2
Mabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral para sila ay makapagtapos sa Marso
Mga Pagpipilian / Paraan
Ihain ang kaso sa disciplinary committee ng unibersidad upang mabigyan ng kaukulang pansin ang ginawang maling aksiyon
Gawin ang nararapat sa pamamagitan ng paglalagay ng pangalan ng manunulat sa kanilang sanggunian
Sirkumstansiya
Hindi papayagan ang mga mag-aaral na makatapos hanggat hindi tapos ang kasong plagiarism
Bigyan ng palugit ang mga mag-aaral na maitama ang mga detalye sa sanggunian bago dumating ang graduation
Kahihinatnan
•
•
Magkakaroon sila ng kasong plagiarism Hindi makatatapos sa takdang araw na dapat sana ay makahahanap ng trabaho
•
•
Makatatapos sa araw ng graduation Magkakaroon ng kamalayan at aral sa halaga ng Intellectual Rights
Bakit kaya may mga taong tila nahihirapan na kilalanin at ipagbigay-alam ang pinanggalingan ng kaalamang ginamit? May takot bang mapulaan ng katamaran o isang kahihiyan na mabansagan na mangmang? Kung magagawa ng tao na mapanindigan ang kaniyang likha mula sa tulong at gawa ng iba, ito ay magbubunga ng patas, tapat, 321 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
at proteksiyon sa sariling gawa. Kung wala ang proteksiyong ito, ang tao ay hindi na magaganyak pang gumawa, lumikha at mag-isip ng magagandang ideya at konsepto na magagamit para sa kapakinabangan ng kaalamang pantao ( human knowledge). Ang panel ng thesis bilang isang tao na sapat ang kaalaman at kakayahan sa pagpili ng tama at tuwid na katuwiran ay dapat na kilalanin ang halaga ng katotohanan na siyang magiging direksiyon sa pagbibigay ng tamang katuwiran. Ang tao ayon sa paliwanag mula sa Modyul 2 ay nilalang na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Kung kaya sa dilemang moral, mabuting piliin ay ang opsiyon 2. Ang pagbigay ng pagkakataon sa pagkakamali ng iba at pagpapaunawa sa ginawang kasalanan ay isang halimbawa ng kilos ng pagmamahal.
Y P O C D E P E D
Ang ikalawang isyu na ating pag-uusapan ay may kinalaman sa intellectual piracy.
Intellectual piracy
Ang paglabag sa karapatang-ari (copyright infringement) ay naipakikita sa paggamit nang walang pahintulot sa mga orihinal na gawa ng isang taong pinoprotektahan ng Law on Copyright mula sa Intellectual Property Code of the Philippines 1987. Ang paglabag ay sa paraan ng pagpaparami, pagpapakalat, pagbabahagi, at panggagaya sa pagbuo ng bagong likha. Copyright holder ang tawag sa taong may orihinal na gawa o ang may ambag sa anumang bahagi at iba pang mga komersiyo.
Ang piracy ayon sa Dictionary.com website ay isang uri ng pagnanakaw o ilegal na pang-aabuso sa mga barko na naglalayag sa karagatan. Malinaw na uri ito ng paglabag dahil may intensiyon para sa pinansiyal na dahilan. Gayunpaman, ang salitang ito ay may kilos ng paglabag sa karapatang-ari para sa isang napakahalagang bagay at pagkakataon. Ang theft ay hindi lamang literal na pagnanakaw o pagkuha nang walang pakundangan kundi lubusang pag-angkin sa pag-aari nang iba na walang paggalang sa karapatang nakapaloob dito. Ito ay matatawag na isang krimen tulad ng pagpatay, kidnapping, at iba pang uri ng kriminal na gawain sa ating lipunan. Ngunit kahit pa ipinagbabawal ang mga ito at may mga pinagtibay na batas, bakit may mga tao pa ring nahihikayat na gawin o di kaya ay paulit-ulit na pagsasagawa nito? Tingnan natin ang iba’t ibang dahilan: Presyo. Kawalan ng kakayahan na makabili dahil sa mataas na presyo mula sa mga legal na establisimyento, kung kaya mas praktikal na ito ay i- pirate na lamang o tahasang kopyahin sa pamamagitan ng downloading.
322 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Kawalan ng mapagkukunan. Kung ang produkto ay limitado sa mga pamilihan at may kahirapang hanapin, maiisipan na mas madali itong maangkat sa ibang paraan tulad ng pag-access sa internet o ibang website address. Kahusayan ng produkto. Kung ang produkto ay napakinabangan ng lahat at nakatutulong sa iba, ito ay magandang oportunidad upang tangkilikin ng lahat. Dahil ito ay madaling makita o mahanap sa internet , hindi maiiwasan na marami ang tumangkilik at ibahagi ito sa ibang taong may kaparehong pangangailangan. Sistema/paraan ng pamimili . Ang sistemang ito ang nagbibigay sa mamimili ng komportableng paraan na mapadali ang mga transaksiyon gamit ang online orders. Dahil sa sistemang ito, ang mamimili ay nakatitipid ng oras gayundin sa paraan ng pagbabayad sa nagustuhang produkto.
Y P O C D E P E D
Anonymity . Dahil sa napakadali ng access sa internet , hindi na rin mahirap ang mag download o makakuha ng mga impormasyon at detalye mula sa nais na website ng isang copyright owner na hindi na kailangan pa ng anumang pagkakakilanlan o identication. Sa mga nabanggit sa itaas, masasabing tunay na naghahatid ng kaluwagan at kaginhawaan sa mga konsyumer ang ganitong paraan ng pagbili at pag-angkat ng produkto. Nakalulungkot ngunit hindi sa taong lumikha nito. Bagaman pinahihintulutan ang mga ito, masasabi pa ring ilegal at walang hatid na proteksyon at pagkilala sa taong nagbahagi at nag-ambag nito. Samakatuwid, anuman ang maging dahilan sa pagkuha ng mga les sa net, ito ay isa pa ring maituturing na paglabag sa karapatangari ng taong nararapat na tumanggap ng pagkilala at paggalang. Karapatang-ari at ang Prinsipyo ng Fair Use
Kinikilala ng ating batas ang prinsipyo ng Fair Use na magkaroon ng limitasyon sa pagkuha ng anumang bahagi ng likha o kabuuang gawa ng awtor o manunulat sa kaniyang pag-aari upang mapanatili ang kaniyang karapatan at tamasahin ito. Ang sumusunod ay ilan lamang sa pangunahing eksepsyon sa karapatang-ari: 1. Ang pagsasapubliko ng anumang likha o gawa, maging ito man ay personal na kopya o sipi at walang bayad (free of charge) o di kaya ay mahigpit na patnubay ng mga nasa mapagkawanggawa at panrelihiyosong institusyon o samahan. (Sek.184. 1 Talata a) 2. Ang paggamit ng mga quotation o pahayag mula sa mga gawang nailimbag kung magtutugma sa prinsipyo ng Fair Use at may makatuwirang dahilan sa paggamit nito. Halimbawa nito ay mga sipi at artikulo mula sa diyaryo at iba pang uri ng pahayagan. Sa ganitong pagkakataon, mahalagang banggitin ang mga pinagkunan at ang pangalan ng awtor, kung ang kaniyang gawa ay gagamitin. (Sek. 184.1 Talata b) 323
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
3. Ang paglalangkap ng mga gawa sa paglalathala, pagbabalita, at iba pang uri ng komunikasyon upang isapubliko ito, sound recording o anumang pelikula, kung ang mga ito ay gagamitin sa pagpapakita ng halimbawa ng pagtuturo sa silid-aralan at ibang pang-akademikong layunin at magtutugma sa prinsipyo ng Fair Use at may makatuwirang dahilan sa paggamit nito, sa ganitong pagkakataon, mahalagang banggitin ang mga pinagkunan at ang pangalan ng awtor, kung ang kaniyang gawa ay gagamitin. (Sek. 184.1 Talata e) Sa patakaran ng Fair Use sa ilalim ng Copyright Law , ang mga awtor ay maaaring magtakda ng paggamit sa gawa ng ibang kapuwa awtor kahit hindi pa humingi ng pahintulot dito. Ang fair use ay mula sa paniniwala na ang publiko ay may karapatan sa malayang paggamit ng mga bahagi ng inilathalang babasahin para sa pagbibigaypuna at komentaryo. Ang pribilehiyong ito marahil ang pinakamakabuluhang limitasyon sa isang awtor sa kaniyang karapatan sa pag-aari.
Y P O C D E P E D
Ang susunod na isyu ay may malaking kinalaman sa katapangan sa pagpapahayag ng katotohanan. Hindi man madali ang pag-amin gayundin ang pag-akusa sa maling gawain ng iba; mahalaga ang pagsaalang-alang ng personal na obligasyon na ituwid ang baluktot na gawi at isakripisyo ang sariling reputasyon o imahe kapalit ng pagsunod sa mabuti at totoo. Ang isyung tinutukoy dito ay ang whistleblowing. Whistleblowing
Ano ang reaksiyon mo sa isang news ash sa radio o telebisyon tungkol sa rebelasyon na may kinalaman sa napapanahong isyu sa lipunan – ang korapsiyon? Sa ganitong sitwasyon pumapasok ang isyu ng lantarang pagbunyag ng isang taong naging susi para malaman ang katotohanan at ang seguridad na para sa pagkamit ng kabutihang panlahat. Ang whistleblowing ay isang akto o hayagang kilos ng pagsisiwalat mula sa tao na karaniwan ay empleyado ng gobyerno o pribadong organisasyon/korporasyon. Whistleblower naman ang tawag sa taong naging daan ng pagbubunyag o pagsisiwalat ng mga maling asal, hayagang pagsisinungaling, mga immoral o ilegal na gawain na naganap sa loob ng isang samahan o organisasyon. Nangyayari ito mula sa hindi patas o pantay na pamamalakad, korapsiyon at iba pang ilegal na gawaing sumasalungat sa batas. Hindi madali para sa isang simpleng empleyado ang lumantad at mag-akusa laban sa kaniyang amo o boss na pinaglingkuran. Maaaring ang mabigat na kapalit nito ay ang sapilitang pagkatanggal sa trabaho o pagkabagsak ng kabuhayan. Ngunit sa panahong tulad nito, hindi na ang usapin ay kung tama ang hayagang pagbunyag sa publiko, ang mahalaga ay kailan at paano ilalahad o ipapaalam ang lahat sa mga tao. 324 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Subukin nating suriin ang isa pang dilemang moral na ito: Malaki ang utang na loob ni Rudy sa kaniyang Ate Cecil na isang Head Nurse sa malaking ospital sa Maynila. Dahil sa paghanga rito, kumuha rin siya ng kursong Nursing. Nang siya ay nakatapos, tinulungan siya ng kaniyang ate na makapasok at mapabilang sa ospital na pinapasukan nito. Lalo siyang nagkaroon ng mataas na pagtingin at respeto sa kaniyang kapatid dahil sa laki ng naitulong nito sa kaniya. Nagkaroon ng pagkakataon at nagkasama sila sa isang department sa pareho ding shift , ang night shift. Sa mga pang-araw-araw na routine sa ospital, napapansin niya na sa kanilang pag-uwi ay laging may uwing bag ng mga gamot ang kaniyang ate. Lingid sa kaalaman niya, matagal na palang ginagawa ni Cecil mula pa noong siya ay nag-aaral pa lamang. Ibinebenta ito ni Cecil sa isang maliit na pharmacy malapit sa pamilihan sa kanilang lungsod. Dumating ang pagkakataon at nalaman niya ang maling gawaing ito ng kaniyang ate. Nang minsan silang nagharap tungkol sa isyung ito, umamin si Cecil sa kaniya na totoong nagpupuslit ito ng mga gamot at ito rin ang naging daan at paraan upang makatapos siya ng pag-aaral sa kolehiyo. Dapat bang isiwalat ni Rudy ang maling gawain ng kaniyang kapatid?
Y P O C D E P E D Suriin natin ang mga talaan sa ibaba:
Talaan
Opsiyon 1
Opsiyon 2
Opsiyon 3
Layunin
Ikondena ang kapatid na mali ang gawaing pagpupuslit at may responsibilidad kang iparating ito sa management ng ospital.
Protektahan ang kapatid bilang kadugo at tanawin ang mga naitulong noong ikaw ay nag-aaral pa.
Lihim na ipaalam sa mga pasyente ang maling gawaing ito ng kapatid.
Mga Pagpipilian / Paraan
Ilatag sa kapatid ang mabuti at di mabuting dulot ng pagpupuslit at maging bukas na may kaso siyang dapat harapin.
Manahimik at huwag ipagsabi sa iba ang nalalaman upang protektahan ang kapatid.
Payuhan ang mga pasyente na magsampa ng kaukulang kaso laban sa mga nagpupuslit na ito kabilang na ang kapatid.
Mabibigyan ng pagkakataon ang kapatid na maitama at maituwid ang maling gawa.
Magpapatuloy ang masamang gawain at posibleng mas lumala ang pagnanakaw.
Mabibigyang hustisya o katarungan ang mga pasyente na niloko gayundin upang hindi na matularan ng iba pa.
Maaaring masira ang inyong magandang ugnayan bilang magkapatid.
Magpapatuloy ang magandang ugnayan sa pagitan ninyong magkapatid.
Maaaring masira ang inyong magandang ugnayan bilang magkapatid.
Sirkumstansiya
Kahihinatnan
325 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ang pagpapahayag ng katotohanan ay tunay na mabuti at matuwid na gawain at walang pasubali na isa itong moral na obligasyon ng bawat tao. Ngunit kung iuugnay sa tunay na mga kaso o tiyak na sitwasyong moral, may mga bagay na dapat bigyang-pansin at hindi dapat balewalain bago magpahayag o magsiwalat ng katotohanan. Kung magkaroon man ng problema sa lugar na pinagtatrabahuan, makatuwiran lamang na malaman ito ng amo o “boss” upang magkaroon ng isang mainam na solusyon o pag-aayos sa loob ng kaniyang nasasakupang organisasyon o korporasyon. Kung mabibigong gawin ito, saka pa lamang magiging makatuwiran ang whistleblowing .
Y P O C D E P E D
Naririto ang ilang hakbang bago isiwalat ang katotohanan mula sa kompanyang pinagtatrabahuan: 1. Siguraduhin na ang kilos o piniling pasiya ay ayon sa batas moral. Isiping mabuti kung kapakanan ito ng nakararami. Magkalap ng impormasyon tulad ng kasalukuyang mga batas kaugnay ng sitwasyong kinakaharap - halimbawa ang karapatang nilabag sa iyo, mga posibleng multa sa ginawang paglabag at iba pang mga katibayan o impormasyon na maaaring gamitin. 2. Harapin nang buong tapang ang taong nakatataas sa iyo na gawin ang isang bagay na hindi mo ginawa - halimbawa, pagtatapon sa nakalalasong kemikal o pandaraya sa mga dokumento atbp. at ipagbigay-alam ito sa kaniya. Kung mabibigong gawin ito, maaaring idulog ito sa may awtoridad at ipaliwanag na ang kilos ay mali at masama. Maaring hindi alam ng kompanya o organisasyon ang ganitong kalakaran o sistema, ngunit may pagnanais silang bigyang-solusyon ang isyu o problema sakaling ipaalam sa kanila ito nang maayos at malinaw. 3. Kung ang lahat ng paraan ay ginawa na ngunit nabigong isakatuparan ang mga ito, isiping maigi kung dapat na ba itong ihayag sa publiko o midya. Sa ganitong sitwasyon, maaring piliing manahimik at magtrabaho na lamang. 4. Kung ilalantad ang isyu sa publiko, dapat na ito ay gawin at isakatuparan nang buong tapang. Ngunit mas higit na dapat mangibabaw ang interes at kabutihan ng nakararami kaysa sa pansariling interes lamang. Sa modernong panahon kasabay ng mabilis na pag-unlad hatid ng makabagong teknolohiya, tila nakakaapekto sa pananaw at pag-uugali ng kabataan na maagang namulat sa malaking impluwensiya nito. Bagamat malaki ang kontribusyon sa paglago ng kaalaman ngunit nagkukulang sa aspektong moral at etikal ng kabataang nasa henerasyong kung tawagin ay Generation Z. Sa iyong personal na pagsusuri, ano ang mga pagbabagong iyong napapansin sa kapuwa mo kabataan na lubhang umakap sa napakagandang alok na kasiyahan at kaaliwan ng internet at social media? Paano nito naapektuhan ang katapatan pagdating sa katarungan at halaga ng katotohanan sa impormasyon at orihinalidad ng isang obra? Talakayin natin at pag-usapan ito. 326 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ang gampanin ng Social Media sa paglinang ng kaalaman at kamulatan ng tao sa pagpapasiya patungo sa kaliwanagan at katotohanan Hindi maipagkakaila ang laki at lawak ng impluwensiya ng social media sa ating kasalukuyang panahon. Ang mga impormasyong nakapaloob dito ay magbibigay sa bawat tao nang sapat na kaalaman na kailangan niya sa aspekto ng edukasyon, kabuhayan, at maging sa pagpapasiya at pagpili ng mga bagay na nakaaapekto sa kaniyang pagkatao at mga mahalagang gampanin niya sa araw-araw na pagganap ng tungkulin sa sarili, tahanan, paaralan, at hanapbuhay.
Y P O C D E P E D
Si Jasmine ay isang tipikal na tinedyer sa Paano Baitang 10 na maagang namulat sa mundo ng nakakaapekto ang social media. Sa edad na 12 ay may Facebook ganitong mga gawi account na siya. Ang minimum age restriction sa sa aspeto ng pagkakaroon ng sariling account sa Facebook , mapanuri at kritikal Twitter , Instagram, Pinterest , Tumblr , Kik , and na pag-iisip sa Snapchat ay edad 13. Ang Youtube account holders kalayaan ng tao na ay kailangang tumuntong sa edad na 18 ngunit kung humusga at magmay permiso at patnubay ng magulang, maaari na isip para sa ang edad na 13. Kahit malinaw pa ang paalala sa kabutihan ng kabataan tungkol sa limitasyon sa paggamit ng mga kaniyang sarili? social media, patuloy pa ring lumalaki ang bilang ng mga batang nasa gulang na 12 pababa kahit pa may permiso ng kanilang magulang. Ayon sa “ The Social Age Study” ng knowthenet.org.uk, tinatayang 59 porsiyento ng mga bata sa edad na 10 ay maagang gumagamit ng social network . Mas marami ang tumatangkilik at naaaliw sa Facebook sa edad na 13, 52 porsiyento naman sa edad na walo hanggang labing-anim ay umamin na hindi nila sinunod ang edad na kailangan bago magkaroon ng Facebook account . Ayon sa pag-aaral, kailangang tumuntong ang isang bata sa edad na 12 bago mahubog ang kaniyang kagalingang kognitibo upang maabot niya ang mapanuri at kritikal na pag-iisip tungo sa etikal na pamantayan. Posible sa isang kabataan na dayain ang petsa ng kaniyang kapanganakan bagama’t may nagpapalagay na isa itong mababaw na kasinungalingan lamang, isa pa rin itong maituturing na pandaraya. Posible na sa simpleng gawaing ito ay maging biktima ang sinuman ng panggigipit (harassment ), pangingikil at ng cyber-bullying sa kanilang sobrang pagkahumaling at maagang pagsali sa mga social networking sites.
327 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Paano nakaaapekto ang ganitong mga gawi sa paghubog ng mapanuri at kritikal na pag-iisip ng isang bata? Kung maaga siyang nahumaling sa kakaibang aliw na naibibigay ng social media, may malaking epekto kaya ito sa kaniyang mga tungkulin sa sarili, tahanan, at pagkamamamayan? Kung hindi niya pagsusumikapan na matamo at mahasa ang kasanayan sa pagiging mapanuring pag-iisip, may kalayaan pa kaya siya? O tuluyan siyang mapaglalamangan? Ayon kay Manuel Dy, “hindi natin maipagkakaila na marami sa ating kabataan at mga bata ngayon ay nalilito sa harap ng maraming pagbabago sa lipunan at kapaligiran: ang mabilis na pag-unlad ng information technology katulad ng internet at cell phones kasama na ang mass media, na kung minsan ay nag-aambag patungo sa kakulangan ng kritikong pag-iisip at pagpapasiya, pagmamahal sa sambayanan at pakikiisa sa sangkatauhan at kalikasan. (“Ang Pagtuturo ng Pilosopiya sa K to 12 Edukasyon sa Pagpapakatao.” Kaisipan Vol. 1 No. 1, May 2013: pp 18-19, El Bulakeño Printing House). Kaakibat nito na maisaayos ang mga pagpapahalagang Filipino tungo sa kabutihang panlahat (common good ).
Y P O C D E P E D
Sa pangkalahatan, ang katotohanan ay dapat mapanindigan at ipahayag nang may katapangan sa angkop na pagkakataon dahil ito ang nararapat gawin ng isang matapat at mabuting tao. Ang pagsasabi ng totoo ay pagpapairal ng kung ano ang inaasahan sa atin bilang tao at mapanagutang mamamayan sa lipunan. Ito rin ay pagpapakita ng paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng sarili at ng kapuwa. Maraming mga pagkakataon na ang tao ay nakapagsisinungaling, at hindi katanggaptanggap ang gawi na ito dahil isa itong panloloko sa ibang tao. Kung ang dahilan ng pagsisinungaling ay upang makapag-abot ng kasiyahan sa ibang tao, maprotektahan o mapangalagaan ang dignidad at kaligtasan ng iba ay maaaring hindi natin hayagang sabihin ang totoo. Ngunit kung darating sa mga sitwasyon o pagkakataon na kailangan nating ihayag at sabihin ang totoo para sa kabutihang panlahat dapat ay mangibabaw ang katotohanan. Sa ating lipunan, nakikita natin ang kawalan ng paggalang sa katotohanan dahil sa mga isyu sa plagiarism, intellectual piracy , whistleblowing, at gampanin ng social media sa usapin ng katotohanan. Nilalabag ng plagiarism at intellectual piracy ang mga karapatang pantao at kawalan ng pagkilala at paggalang sa pagkatao ng tunay na may-akda. Samantala, masasabing gawaing mabuti naman whistleblowing dahil naibubunyag ang katotohanan at naisisiwalat ang gawaing masama. Hindi rin maihihiwalay ang impluwensiya ng social media na tila nagpapahina o nagpapalakas sa kaisipan ng mga netizens na maging mapanagutan sa mga kaakibat na obligasyon sa paggamit dito. Ang obligasyong ito ay mula sa kampanyang “Think before you click” ng isang media outlet.
328 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ang pagmamahal sa katotohanan o ang Para sa iyo, gaano na ang pagiging makatotohanan ay dapat maisabuhay impluwensiya sa iyo ng mga at mapagsikapang mapairal sa lahat ng sitwasyon sa araw-araw na pagkakataon. Ito ay napakahirap maisagawa at maipakita ang esensiya ng sa maraming dahilan, tinatanggap na lamang sa katotohanan? paggabay kung ano ang hindi makatotohanan. Dahil sa kawalan ng paghahanap ng katotohanan, ang kasinungalingan ang nangingibabaw. Ito ngayon ang hamon sa bawat tao na maging instrumento tungo sa katotohanan at magsikap na mapanindigan nang may katuwiran ang piniling pasiya at mga pagpapahalaga. Para sa iyo, gaano na ang impluwensiya sa iyo ng mga sitwasyon sa araw-araw na maipakita ang esensiya ng katotohanan?
Y P O C D E P E D Tayahin ang Iyong Pag-unawa
1. Ano ang katotohanan para sa iyo? 2. Bakit dapat panindigan ang katotohanan? 3. Ano ang mental reservation? Anong kabutihan ang hatid nito sa taong may hawak ng katotohanan at sa taong pinoprotektahan nito? 4. Ano-anong mga balakid o hadlang ang maaaring mangyari sa paninindigan sa katotohanan? 5. Ano-ano ang mga isyung may kinalaman sa katotohanan? Isa-isahin ang mga ito at ipaliwanag kung paano mo maisusulong ang pagiging mapanagutan at tapat na nilalang sa bawat isyu. 6. Paano maisasabuhay ng isang tao ang kaniyang pagmamahal at pagpapahalaga sa katotohanan? Paghinuha ng Batayang Konsepto Ano ang naunawaan mong mahalagang konsepto sa babasahin? Isulat ito sa iyong kuwaderno gamit ang kasunod na graphic organizer.
D A A
N
SA P
Mga Isyu sa kawalan ng galang sa katotohanan
A
G S U L O N G
329 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Pag-uugnay ng batayang konsepto sa pag-unlad ko bilang tao 1. Ano ang kabuluhan ng batayang konsepto sa aking pag-unlad bilang tao? 2. Ano ang maaaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto sa modyul na ito?
E. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO
Y P O C D E P E D
Pagganap Gawain 6
Ikaw ngayon ay bibigyan ng pagkakataon na makabuo ng mga hakbang sa paninindigan at paggalang sa katotohanan sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na sitwasyon. Mga sitwasyon
Ang gagawin ko
Paliwanag
1. Gahol na ako sa oras upang magkalap ng mga impormasyon tungkol sa aking action research. Nakatakda itong ipasa ikatlong araw mula ngayon. Sa isang site ng internet ay may nakita akong kahawig ng aking research. Makatutulong ba ito para sa akin?
2. May paborito kang movie title na kasama ang hinahangaan mong artista. Matagal mo na itong nais panoorin. May isang nag-alok sa iyo sa murang halaga at may libre pa itong kasamang dalawa pang panoorin sa P200 na halaga nito. Kasama ka sa adbokasiya ng kampanya sa Anti Piracy sa inyong paaralan. Mahikayat ka kayang bumili nito?
3. May isa kang ka-opisina na madalas dumaraing ng tungkol sa ugali at sistema ng pamumuno ng inyong boss. Nagdedetalye na rin siya ng mga anomalyang ginagawa nito at nagbabanta na rin ng kaniyang plano na gumawa ng isang anonymous letter bilang ganti sa kalupitan nito sa kaniya. Pipigilan mo ba siya sa kaniyang balak na magreklamo?
330 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Gawain 7 Kung ikaw ay bibigyan ng isang posisyon sa pamahalaan o maging kinatawan ng isang samahan o organisasyon na maging bahagi sa paggawa ng isang batas tungkol sa mga gawaing intelektuwal at etikal na isyu upang makapagbigay ng paninindigan sa pagpapahalaga sa gawa at likha ng iba, ano ang nais mong ipanukala? Kung ikaw ay isang…. 1. Pangulo ng “Student Council Government” 2. Abogado 3. Awtor ng libro 4. Opisyal ng gobyerno 5. Non-government organization
Y P O C D E P E D Pagninilay Gawain 8
Panuto: Pagnilayan ang mga tanong para sa pagninilay.
Mga tanong: 1. Sa paanong paraan ako makatutulong sa pagpapanatili ng kasagraduhan ng katotohanan bilang bahagi ko sa aking lipunan? 2. Sa mga pang-araw-araw kong gawain, ano-anong patunay na niyayakap ko ang katotohanan bilang tugon ko sa tawag ng aking konsensiya? Pagsasabuhay Gawain 9
Panuto: Maglunsad ng isang symposium sa pamumuno ng lider ng inyong klase sa tulong at gabay ng guro sa EsP. Sundan ang mga pamamaraan. 1. Bumuo ng limang grupo na siyang kakatawan sa bawat komite. a. Komite para sa Programa Imbitasyon Poster • •
b. Komite para sa dokumentasyon c. Komite para sa pagkain (refreshments)
331 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
d. Komite para sa pasilidad Lugar na pagdarausan Mga bilang at ayos ng upuan Backdraft • • •
e. Komite para sa sound system Amplier/speaker Mikropono Extension wires • • •
Y P O C D E P E D
2. Pumili ng isang prominenteng tao na siyang magiging resource speaker para sa pinaplanong programa. 3. Makipag-ugnayan sa opisyales ng inyong Parent-Teachers Organization (PTA) at ang suporta ng mga magulang ng bawat baitang/grado. 4. Hikayatin ang mga magulang sa bawat baitang/grado na makipagtulungan sa mga imbitasyon gayundin sa lugar na pagdarausan ng programa. Mas mainam din kung may magulang na kasama sa bawat komiteng pamumunuan. 5. Ang guro ng EsP at ang Pangulo ng PTA ang siyang magiging punong-abala para sa makabuluhang programang ito.
332 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Mga kakailanganing kagamitan (websites, software, mga aklat, worksheet) Mga sanggunian: Articulo, Archimedes C. et.al. (2003.) Values and Work Ethics. Trinita Publishing, Inc. Meycauyan, Bulacan Quito, Emerita S. 1989. Fundamentals of Ethics. De La Salle University Press. pp. 72-185 Sambajon Jr., Marvin Julian L., (2011.) Ethics for Educators: A College Textbook for Teacher Education and Educators in All Areas of Discipline . C&E Publishing, Inc. pp. 252-273
Y P O C D E P E D
Timbreza, Florentino T. et.al. (1982.) Pilosopiyang Pilipino. Rex Booktstore, Recto Avenue, Manila Intellectual Property Code of the Philippines and Related Laws. 27 th Edition. (1998.) Central Book Supply, Inc. Manila Phils. Perspective: Current Issues in Values Education Book 4 Values Education Series for Fourth Year High School. (1992.) Sinag-Tala Publishers, Inc., Manila KAISIPAN (Ang Opisyal na Dyornal ng Isabuhay, Saliksikin, Ibigin ang Pilosopiya o ISIP) Vol. 1 No. 1 ISSN-2350-6601 pp. 18-19 Mula sa Internet:
___________. The ‘Fair Use’ Rule: When Use of Copyrighted Material is Acceptable. Retrieved from http://www.nolo.com/legal-encyclopedia/fair-use-rule-copyrightmaterial-30100.html on August 20, 2014 ___________. Why You Should Avoid Plagiarism. Retrieved from http://www.ox.ac. uk/students/academic/goodpractice/about/ on February 10, 2014 ___________. What Are Some Examples of Cheating and Plagiarism. Retrieved from http://www.niles-hs.k12.il.us/district/academic-integrity/examples-cheating-andplagiarism on March 15, 2014 ___________. 6 Consequences of Plagiarism. Retrieved from http://www.ithenticate. com/resources/6-consequences-of-plagiarism on March 15, 2014 __________. What is a Whistleblowing/ Whistleblower? Retrieved from http:// wbhelpline.org.uk/about-us/what-is-whistleblowing on March 18, 2014 Philippine Daily Inquirer 3:43, Saturday, August 18, 2012. Retrieved from http:// newsinfo.inquirer.net/252074/whistle-blower-jun-lozada-welcomes-graft-probe on April 20, 2014 Araullo, Atom, ABS-CBN News posted at 2/23/2011 3:46 PM. COA Whistleblower Heidi Mendoza named Woman of Courage. Retrieved from http://www.abs-cbnnews. com/lifestyle/02/23/11/coa-whistleblower-heidi-mendoza-named-woman-courage on April 20, 2014 __________.
333 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Ikaapat na Markahan
MODYUL 16: MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA PAGGAWA AT PAGGAMIT NG KAPANGYARIHAN
A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO?
Y P O C D E P E D
Sa Modyul 15, binigyang-diin ang mga isyu sa kawalan ng paggalang sa katotohanan at ang mabuting kahihinatnan ng mga paraang pinili kung gagamitin ng tao ang kaniyang mapanuring pag-iisip at tamang katuwiran sa pagpapahayag nito. Ang pagkakaroon ng kamalayan sa sarili na alamin ang totoo at ang kakayahang tumugon dito ay nakatutulong sa tao na gampanan ang obligasyong ipinagkatiwala sa kaniya. Ikaw ay mahalagang bahagi ng lipunan at may tungkulin na maging instrumento ng pagbabago na magsimula sa sarili patungo sa kagapanan ng iyong pagkatao. Hindi man madali ang mga ito, ikaw naman ay biniyayaan ng sapat na kakayahan upang mapatunayan ang iyong kabutihan bilang nilalang na katangi-tangi sa ibang nilikha ng Diyos. Tatalakayin sa modyul na ito ang mga isyu tungkol sa paggawa at paggamit ng kapangyarihan. Ang pag-aaral ng mga isyung ito ay magbibigay sa iyo ng kahusayan sa pagsusuri ng mga moral na pagpapahalaga na nilabag sa bawat panig ng isyu at maging mapanindigan sa piniling pasiya tungo sa pagiging mapanagutang nilalang. Magiging sandata mo ang mga ito sa pagharap sa mga sitwasyong hahamon sa iyong pagsisikap tungo sa pagpapakatao.
Bilang mag-aaral sa Baitang 10, handa ka na bang maging kabilang sa mga manggagawang Pilipino ilang taon mula ngayon? Ano-anong katangian ang nais mong taglayin sa pagpapamalas mo ng iyong mga kakayahan at galing? Marangal at maipagmamalaki ang anumang gawain kung ito ay ginagawa nang may katapatan. Sa pamamagitan ng mga gawain sa modyul na ito, inaasahang matututuhan mong bigyang pagpapahalaga ang paggawa at ang paggamit ng kapangyarihan. 334 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Pagkatapos mong basahin ang modyul na ito, inaasahang masasagot mo ang Mahalagang Tanong: Paano magiging daan sa mapanagutang paglilingkod ang paggawa at paggamit ng kapangyarihan? Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa: 16.1 Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa paggawa at paggamit ng kapangyarihan 16.2 Nasusuri ang mga isyung kaugnay sa paggawa at paggamit ng kapangyarihan 16.3 Naipaliliwanag ang batayang konsepto ng aralin 16.4 Nakabubuo ng matatag na posisyon tungkol sa mga isyu sa paggawa at paggamit ng kapangyarihan
Y P O C D E P E D
Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa kakayahang pampagkatuto 16.4: Malinaw at makatotohanan ang pagkakagawa ng panayam b. Naisagawa ang gawain ayon sa mga katanungan at impormasyon na dapat alamin c. May mga patunay na kinikilalang organisasyon sa paaralan ang kinapanayam d. May kalakip na pagninilay tungkol sa iyong karanasan nang araw na kinapanayam mo ang lider ng organisasyon a.
Bago magsimula ang pagtalakay sa mga paksang susunod, mabuting sagutan ang mga paunang pagtataya sa pagsukat ng iyong kaalaman sa paghahanda para sa susunod pang talakayan.
Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa iyong kuwaderno. 1. Sa simula ng paglikha ng Diyos, inilaan na siya upang gumawa ng mga katangi-tanging gawain, at siya lamang ang binigyan ng natatanging talino. a. Hayop b. Halaman c. Kalikasan d. Tao 2. Ang moral na obligasyon sa paggawa ay malinaw na nakasaad sa Banal na kasulatan sa Genesis 3:19, “Ang lupaing ito para pag-anihan, pagpapawisan mo habang nabubuhay,” at sa Exodo 20:9, “Anim na araw kayong gagawa ng 335
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
inyong gawain,” na kung saan ang tao ay inatasan ng Diyos na gumawa at magtrabaho. Ano ang ibig ipahiwatig ng mga pahayag na ito? a. Isang panlipunang proseso na ang layunin ay mapangalagaan ng tao ang lipunan. b. Nilikha ang tao upang maging kabahagi ng Diyos sa Kaniyang gawain sa pamamagitan ng paggawa. c. Ipinakikita na ang anumang bagay na nais tamasahin ng tao ay kailangan niyang paghirapan. d. Ang paggawang ito ang siyang batayan ng ating pagkilos upang ituloy at kumpletuhin ang sinimulan Niyang paglikha.
Y P O C D E P E D
3. Ayon sa Panlipunang turo ng simbahan, Rerum Novarum ni Blessed Paul II, “Work bears a particular mark of man and of humanity, the mark of a person operating within a community of persons.” Paano naipakikita dito kung ano ang paggawa? a. Ang paggawa ay pagmamahal sa isang gawain na nagiging katulong ang Diyos sa pagbubunsod ng paggawa. b. Ang paggawa ay isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa, at obligasyong pagkamalikhain. c. Ang paggawa ay nagbibigay sa atin ng kahulugan, at tinuturuan tayong makilahok sa ating mundong ginagalawan upang ipagpatuloy ang paglikha ng Panginoon. d. Ang paggawa ay anumang gawaing pangkaisipan man ito o manwal, anuman ang kaniyang kalikasan o kalagayan na makatao, nararapat para sa tao ang gumawa bilang anak ng Diyos. 4. Ang sumusunod ay nagpapakita ng ilang halimbawa kung paano ginagamit ng kabataan ang kanilang mga oras. Sa anong sitwasyon sa ibaba hindi naipakikita ang paggamit ng wastong oras? a. Si Sassy Nichole ay laging maagap sa pagpasok sa kaniyang trabaho. b. Si Catherine Kate ay may listahan ng mga gawain na kaniyang gagawin sa bawat araw. c. Si Genrich ay laging pinapaalalahanan ng kaniyang mga guro para magpasa ng kaniyang mga proyekto. d. Si Cristina Karylle ay naglalaba at naglilinis ng kanilang bahay tuwing sabado at linggo. 5. Ayon kay Karl Marx, ang kabihasnan ng tao ay naaayon sa pagkamasalimuot ng mga kagamitan. Ano ang ibig sabihin nito? a. Ang kagamitan natin sa kasalukuyan ay bunga ng lipunan, iniwan ng naunang henerasyon b. Ang mga kagamitan ay produkto ng kapuwa at ginagamit niya upang makalikha ng bagay para sa kapuwa
336 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
c. Ang lahat ng bagay ay yaong nasa ating pananagutan, lahat ng may kinalaman sa pagpapaunlad ng sarili. d. Naiiba ang tao sa hayop sa paggamit ng kagamitan at sa pagkamalay niya sa kaniyang ginagawa. 6. Ito ay uri ng korapsiyon, paglalagay ng mga kamag-anak na may katungkulan sa ahensiya ng pamahalaan. a. Korapsiyon b. Kolusyon c. Nepotismo d. Suhol
Y P O C D E P E D
7. Ano ang tamang kahulugan ng kapangyarihan? a. Ang kapangyarihan ay pagkontrol sa batas. b. Ang kapangyarihan ay nakikita sa kaisipan, kilos, pananalita, lakas, at tatag ng kalooban. c. Ang kapangyarihan ay tumutukoy sa proseso o pamamaraan sa pagpapalakad ng isang pinuno. d. Ang kapangyarihan ay tumutukoy sa pagkaka-impluwensiya ng pinuno sa kaniyang nasasakupan. 8. Alin sa sumusunod na pagpapahalaga ang susi sa pagbuwag ng Graft and Corruption? a. Integridad b. Katapatan at pagkatakot sa Diyos c. Kabaitan at pagkamasunurin d. Pagtitimpi 9. Paano ang dapat gawin upang matigil ang pagkawala ng pondo ng pamahalaan? a. Mahigpit na pagpapatupad ng parusa sa mga nagkasala. b. Pagbabantay sa mga tiwaling empleyado ng pamahalaan. c. Pagbatikos sa mga maanomalyang gawain ng mga nanunungkulan. d. Pagbubulgar ng mga pandarayang nagaganap sa ahensiya ng pamahalaan. 10. Si Jonathan ay nahuli ng pulis trapiko sa kadahilanan paglabag sa batas trapiko. Kinuha ang kaniyang lisensya ngunit hindi niya ito ibinigay bagkus inabutan niya na lamang ng pangmeryenda ang nakahuli sa kaniya. Ang pagtanggap ba ng pulis sa pangmeryenda ay nagpapakikita ng katiwalian? a. Opo, dahil ang pagtanggap ng meryenda ay pagtanggap ng suhol. b. Opo, dahil ang pulis ay hindi nagpakita ng katapatan sa kaniyang tungkulin. c. Hindi po, dahil ang pagmeryenda ay napakaliit lamang na halaga. d. Hindi po, dahil nakagawian nang nakararami ang magbigay kapalit ng kaparusahan.
337 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN Gawain 1 Panuto: Tukuyin ang mga maling gawi o kasanayan na ipinakikita ng mga manggagaw a sa bawat sitwasyon. Isulat ang mga ito sa kahon. Si Leo ay isang program organizer ng kanilang organisasyon. Naghain siya ng project proposal kasama ang badget na kinakailangan at ito ay inaprubahan. Siya na rin ang naatasang bumili ng mga kagamitan para sa programa. May lugar pamilihan na kung saan may mga mabibiling murang gamit na kailangan niya para sa kaniyang programa. Laking gulat niya dahil halos kalahati ang kaniyang natipid. Dahil dito, ang kaniyang natipid na pera ay pinambili niya ng kaniyang pansariling kagamitan. Ano ang maling kasanayan ang ipinakita ni Leo?
Y P O C D E P E D
___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ ___________________ __________________ __________________ __________________
______________________ ____________________________ ____________________________ ____________________________
_______________ _______________ _______________ _______________ _______________ _______________ _______________ _______________ _______________ _______________ _______________ ______________
Ang isang sekretarya na madalas na nag-uuwi ng mga supplies gaya ng ballpen, mga bondpapers, at minsan ay folders. Ang katuwiran niya ay mga sobra naman iyon sa kanilang mga kagamitan at bilang nasa admin, ito ay pribilehiyo. Gayundin ang paggamit ng telepono at kompyuter sa opisina ay malaya niyang nagagamit sa kaniyang mga personal na pangangailangan. At may pagkakataon na tumatanggap siya ng mga regalo kapalit ng binigay niyang pabor sa ibang humihingi ng tulong sa kaniya. Paano naabuso ng sekretarya ang kaniyang posisyon?
338 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Mga Tanong: 1. Ano-ano ang nailistang mga maling kasanayan sa paggawa? 2. Sang-ayon ka ba sa mga katuwiran at pananaw ng mga opisyal sa kanilang paggamit ng posisyon o kapangyarihan? Bakit? Bakit hindi? 3. Sa iyong palagay, ano ang posibleng pinag-ugatan ng mga maling kasanayan na ito? Ipaliwanag. 4. Paano nakakasagabal ang mga kasanayang ito sa tunay na kahulugan ng hanapbuhay? Sa tunay na kahulugan ng paglilingkod at pagiging mapanagutan?
Y P O C D E P E D
5. Bilang manggagawa sa hinaharap, ano-anong katangian ang inaasahan sa iyo na dapat mong ipamalas?
Gawain 2
Panuto: Basahin ang bawat speech balloon. Buuin ang usapan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga pahayag kung ikaw ay mahaharap sa ganitong usapan. Isulat ang iyong sagot sa kuwarderno.
A.
Dahil sa nakaraang bagyo kaya nasira ang tulay sa amin. Sa ginagawang bagong tulay nakasulat PROYEKTO ni .......
B.
Sir. lisensya po ... Bawal po pumarada rito.
339 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Matapos na masagutan, ibahagi ang mga sinulat sa speech balloon sa klase. Ano ang kadalasang sagot mo sa sumusunod kapag narinig mo ang mga usapan? Mga Tanong: 1. Ano ang mga reaksiyon mo batay sa mga naging sagot ng inyong klase? 2. Sang-ayon ka ba sa mga napag-usapan? Bakit? Bakit hindi? 3. Kung ikaw ang nasa sitwasyon, ano ang nararapat na maging tugon at kilos mo
Y P O C D E P E D
rito?
C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN, AT PAG-UNAWA
Gawain 3: Panonod ng video
Panuto: Panoorin ang video na may pamagat na “What is corruption” sa youtube. Pagkatapos, pangkatin ang klase sa lima at sagutin ang mga tanong para sa pangkatang gawain.
a. h t t p : / / w w w . f a c e b o o k . c o m / l . p h p ? u = h t t p % 3 A % 2 F % 2 F w w w . y o u t u b e . com%2Fwatch%3Fv%3DnpNF9ByzIsE&h=YAQE8cu-C
b. http://www.facebook.com/l.php?u=http%3A%2F%2Fwww.youtube. com%2Fwatch%3Fv%3D19IPyWdC7Sg&h=BAQFhHfNz Sagutin ang mga tanong:
1. Ano-ano ang kilos na nagpakita ng korapsiyon?
2. Sa iyong palagay, bakit may korapsiyon sa ating mga kumpanya o lugar na pinagtatrabahuan?
3. May solusyon pa kaya sa mga ito?
4. Bakit dapat pagtuunan ng pansin ang mga isyu tungkol sa paggawa? Sa paggamit ng kapangyarihan?
5. Paano nakaaapekto ang mga isyung ito sa pagkatao ng isang tao?
340 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
D. PAGPAPALALIM
Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay. Mapanagutang Paglilingkod at Matatag na Paninindigan sa Tungkuling Sinumpaan “At your service.” Ito ang magiliw na sinabi ng isang crew pagkatapos niyang pagsilbihan ang isang kliyente. Kapansin-pansin ang kaniyang kakaibang sigla, maaliwalas na mukha, at magiliw na pagbati habang nagbibigay ng serbisyo sa bawat kliyente. Kung ikaw ang kliyente, ano ang mararamdaman mo? At kung ikaw naman ang crew, ano naman ang pakiramdam matapos na makapagbigay ka ng ganitong serbisyo para sa iba? Gaano ang naibibigay ng isang maayos at mabuting paggawa sa lipunan kung ang pananaw o mindset ay makapaglingkod at maging mapanagutan dito? Hindi ba’t magiging makabuluhan ang anumang bunga ng paggawa na kalakip ay ang pagbibigay ng bahagi ng sarili para sa iba?
Y P O C D E P E D
Napapanood mo sa telebisyon araw-araw ang laman ng mga balita tungkol sa mga isyung may kaugnayan sa paggawa. Ilang halimbawa ang mga manggagawang humihingi ng dagdag na suweldo at mga benepisyo, mga suliranin sa kawalan ng trabaho, mga minaltrato ng amo, at mga OFW na kailangang pauwiin dahil sa isyung pangkaligtasan. Ang mga ito lang ba ang problema kung isyu ng paggawa ang paguusapan? Kung susuriin, mas napapanahon na pag-aralan ang mga isyu na may kaugnayan sa mismong manggagawa at ang walang katapusang problema sa maling paggamit ng kapangyarihan sa ating lipunan. Iisa-isahin natin ang mga ito. Mga isyu sa paggawa: Paano malulunasan? Basahin at suriin ang maikling kaso ni Mylene.
Si Mylene ay nagtatrabaho sa isang kompanya. Binigyan siya ng pribilehiyo na gumamit ng mga kagamitan sa opisina tulad ng LCD Projector at laptop. Dahil sa pribilehiyong ito na nasa kaniya, naisip niyang gamitin itong para sa kaniyang sideline. Pinaparentahan niya ito sa nagdaraos ng mga seminar o workshop na hindi ipinapaalam sa kaniyang boss. May karapatan ba si Mylene na gamitin at pagkakitaan ang hindi naman sa
kaniya? Bawat kagamitan sa paggawa ay kailangang gamitin nang may katapatan dahil ito ang inaasahan at tungkulin ng isang matapat at mabuting manggagawa. Maliwanag na inilahad ito noong ikaw ay nasa Baitang 9 na nilikha ang tao upang makabahagi ng Diyos sa Kaniyang gawain sa pamamagitan ng paggawa. Ang lakas, isip, at damdamin 341 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
ng tao ang mga biyayang kaloob upang mapabuti nito ang kalagayang pansarili at kapuwa. Ito ang angkop na pamamaraan upang mapangalagaan ang mga bagay na ipinagkatiwala ng Diyos sa kaniya. Ano-ano ang mga gawain at isyung kaugnay ng paggawa na sumasalungat sa mga prinsipyo ng matatag na paninindigan at mapanagutang paglilingkod?
1. Paggamit ng kagamitan. Katuwang ng tao sa paggawa ang mga kagamitan upang mapadali at mapagaan ang anumang trabaho. Ang mga ito ay produkto mismo ng kaniyang talento na ipinagkaloob ng Diyos. Ayon nga ni Karl Marx, ang kabihasnan ng tao ay naaayon sa pagkamasalimuot ng mga kagamitan at sa pagkamulat niya sa kaniyang ginagawa. Pinatutunayan ito na ang paggamit ng mga kagamitan sa paggawa (tulad ng computer , printer, fax machine) ay napakahalaga sa pagpapabilis ng gawain ng tao. Napakahalaga ng mga ito sa maayos at mabilis na trabaho lalo na sa panahon ng mga deadline. Ngunit ito ba ay pinapahalagahan at ginagamit nang maayos
Y P O C D E P E D
ayon sa gamit nito?
Suriin natin ang dilemang moral sa kahon.
Si Tony ay bagong miyembro ng Student Government . Naobserbahan niya ang kanilang tagapangasiwa na si Dina na matagal nang miyembro ng kanilang samahan. Madalas itong gumamit ng computer, printer, at iba pang kagamitan sa opisina sa paggawa nito ng mga takdang-aralin. Sa pagkaalam ni Tony, malaking bahagi ng kanilang budget ay inilaan para sa mga kagamitan sa opisina. Patuloy pa rin sa ganitong gawain si Dina. May mga miyembro na tahasan ang reaksiyon tungkol sa laki ng gastos na pagbili ng ink ng printer sa kanilang opisina. Dahil dito, naglakas-loob si Tony na kausapin si Dina tungkol dito. Ikinatwiran ni Dina na ang lahat ng ito ay bilang konsuwelo lamang sa kaniyang mga overtime work kapag may programa sila at iba pang gawain ng samahan. Hindi sigurado si Tony sa kaniyang dapat gawin. Kaiba sa ibang mga miyembro, malaki ang oras na binibigay ni Dina sa samahan lalo na kapag mayroon silang mga proyekto. Isa si Dina sa mahuhusay na miyembro ng Student Government at may malaking ambag sa tagumpay ng organisasyon. Ayaw ni Tony na masira ang kanilang ugnayan, ngunit may pakiramdam siyang mali ang gawi at katuwiran ni Dina at hindi na dapat ipagpatuloy ito. Ano ang gagawin ni Tony? Lubos ba talaga ang karapatan at pribilehiyo ni Dina dahil sa mahabang oras niyang paglilingkod sa samahan sa bawat araw? Ang mga kagamitan ba sa trabaho ay para sa personal na paggamit ng bawat miyembro nito? Paano dapat lutasin ang ganitong isyu sa loob ng samahan?
342 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Tingnan natin ang mga talaan sa ibaba. Opsiyon 1 Layunin
Opsiyon 2
Opsiyon 3
Ipaalam sa Pangulo ng Student Government ang maling kasanayan ni Dina.
Maipaalam kay Dina ang mga maling paraan niya ng paggamit sa kagamitan sa opisina.
Maghain ng isang reklamo para kay Dina dahil sa maling gawain niyang ito.
Mga Pagpipilian/ Paraan
Ihain sa Grievance Committee ang mga maling kilos at gawi ni Dina sa paggamit ng mga kagamitan sa opisina.
Kausapin si Dina at ipahatid sa kaniya ang maling paggamit ng mga kagamitan sa opisina.
Ipetisyon si Dina at magkalap ng matibay na ebidensiya sa kaniya.
Sirkumstansiya
Hindi na siya pahintulutan na mabigyang ng isa pang termino para sa kaniyang panunungkulan bilang miyembro.
Limitahan ang oras ng mga gawain sa loob ng samahan lalo na ang mahabang pananatili sa opisina.
Mag le ng forced resignation si Dina upang hindi tularan ng iba pang kasamahan lalo na ang mga baguhang miyembro.
Kahihinatnan
Matututo ang iba na gamitin sa tama ang mga kagamitan at maiiwasan ang pag-abuso sa binigay na pribilehiyo bilang kasapi ng samahan.
Madidisiplina ang lahat na gamitin nang tama ang mga supplies gayundin ang mga pasilidad para lamang sa mga gawain ng samahan.
Maging aral sa iba ang ganitong kaso at mahigpit na sundin ang By Laws ng oraganisasyon sa lahat ng pagkakataon.
Y P O C D E P E D 343
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
May mga manggagawa na naniniwala na ang paggamit ng mga kagamitan sa sariling kapakanan ay isang pribiliheyo. Ngunit limitado lamang ito dahil hindi lahat ay nabibigyan ng kalayaan sa paggamit nito. Makatuwiran ba ang paggamit ng telepono para makipagkuwentuhan sa oras ng trabaho o kaya laging hawak ang cell phone para sa pagtetext at paglalaro? Kung pag-aaralan hindi mainam na gawin ito at makita sa pang-araw-araw na gawain sa loob ng kompanya o establisimyento. Maaaring hindi saklaw ng kaisipan ng ibang manggagawa na ang mga kagamitang ito ay inilaan para sa ikagaganda at ikadadali ng trabaho at hindi para sa pansariling
Y P O C D E P E D
interes. Kung babalikan natin ang kaso ni Mylene hindi ito dapat magpatuloy at maging kalakaran sa kaniyang araw-araw na gawain sa opisina. Sa pagsasabuhay ng tunay na kahulugan ng paggawa, kailangan ang tamang paggamit ng kagamitan, na naaayon sa tunay na layunin ng paggamit nito. 2.
Paggamit ng oras sa trabaho. Bakit ang haba ng pila? Anong oras na? Ang katanungang ito ay madalas mong maririnig sa mga iba’t ibang tanggapan. Ano ang totoo sa batas na “No Noon Break ” o sa ibang tanggapan ang nakalagay ay “No Lunch Break Policy?” Sinusunod kaya ito ng mga kawani ng gobyerno? Ikaw paano mo pinapahalagahan ang oras mo kapag nasa paaralan ka o nasa bahay man? Sa isang manggagawa, paano mo ginagamit ang walong oras mo ng pagtatrabaho sa buong araw? Sulit ba ang ibinabayad sa iyo sa trabaho mo sa maghapon?
Ang pagganap ng gawain sa oras ng trabaho ay pag-angkin ng tiwala
mula sa isang bagay na ipinagkatiwala sa iyo. Masasagot mo lamang ito kung sinasabayan mo ang bawat tikatik ng oras para gawin ang iyong obligasyon bilang manggagawa. Dahil dito, hindi masasayang ang anumang salapi o kapalit na bayad dahil naging makabuluhan ang paggamit mo rito. Anong uri ng pagkatao ang binubuo mo kung di mo ginagamit ng mapanagutan ang oras? Ano kaya ang mararamdaman mo kung pagkatapos ng walong oras sa paaralan o trabaho ay hindi mo natapos ang mga gawaing itinakda mong tapusin? Tunghayan ang sitwasyon sa ibaba.
Mahilig magkuwento si Ditas tungkol sa kaniyang pamilya, isyu sa asawa, o kasintahan sa oras ng trabaho. Nararapat ba itong gawin sa oras ng trabaho? Bakit? Kadalasan ang ganitong pangyayari sa opisina ay pangunahing dahilan kung bakit hindi epektibo sa kanilang trabaho ang mga manggagawa. Sinasayang nila ang panahon sa pakikipagkuwentuhan. 344 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Madalas ang kuwentuhang ito ay maaaring tungkol sa mga di kapuri-puring bagay hinggil sa isang tao o mga bagay na hindi naman mahalaga o nakasasakit sa iba o udyok lamang ng masamang gawi na siraan ang ibang tao. Kapag ganito na ang nangyayari, masama na ang epekto at nakasasakit na ng damdamin ng iba, tsismis na ang kanilang pinagkakaabalahan. Dito nag-uugat ang tinatawag na crab mentality . Sa lahat ng matutukoy nating maling gawi, ang crab mentality ang pinakadahilan kung bakit nagagawa ng tao ang hindi ayon sa magandang ugnayan sa kaniyang kapuwa. Kapag umiral sa ating puso ang galit at inggit sa kapuwa, maaaring maging
Y P O C D E P E D
ugat ito ng mga mapanirang salita, na hindi lamang ang kapuwa ang maapektuhan kundi ang pagbuo ng sarili. Malinaw sa Modyul 4 na sa pagiging malaya, may kakayahan ang taong piliin kung paano siya kikilos o tutugon sa nararanasan. Bagaman naiinis ka sa ugali ng iyong katrabaho, ikaw pa rin ang may pananagutan sa iyong tugon at kilos bilang reaksiyon sa saloobing ito. Magiging makabuluhan ang mga gawain kung malaya mong gagampanan ang mga tungkulin na may kamalayan at pag-iisip na bahagi ito ng pananagutan bilang tao.
Sa bawat pagpipilian, mahalaga ang masusing
pag-iisip
at
pagpaplano
ng
anumang
isasagawang
kilos dahil mayroon itong katumbas na pananagutan na
dapat isaalang-alang. Kung kaya’t sa pagsasagawa ng kilos, kailangang pag-isipan itong mabuti at tingnan ang
maaaring maidulot nito hindi lang sa iyong sarili kundi para sa kabutihan ng lahat. Kung ano ang naging kilos, iyon
ang naging bunga ng ginawang pagtitimbang at pagpili kasama ang isip, kilos-loob, at damdamin.
3. Sugal. Kadalasan, ang pagsusugal ay mas karaniwang kilala bilang pustahan gamit ang pera bilang produkto ng isang tiyak na laro. Ang posibilidad ng panalo ay masyadong mababa dahil iniaasa lamang ito sa pagkakataon ng pagkakapanalo. Sa pagsusugal, ang mga tao ay karaniwang sumusubok upang makakuha
ng
kahit na ano sa kabila na may nakataya sa likod ng isang laro. Ang ilan ay
patuloy na naglalaro sa paniniwalang hindi sila dapat panghihinaan ng loob para makamit ang panalo. Sa pamamagitan ng paggawa nito, sila ay magpapatuloy sa pustahan at sa huli ilagay ang kanilang sarili sa panganib at pagkawala ng higit pa sa mayroon sila.
345 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Basahin ang nasa kahon. Ang mga libangan tulad ng pagtaya sa lotto, roleta, jueteng , sabong o cockghting , pustahan sa mga laro tulad ng dota, ending , boksing, madjong , poker ay ilan lamang sa mga halimbawa ng mga gawaing ito kung hahayaan ay magiging bisyo. Ngunit ang malalim na katanungan ukol sa mga gawaing ganito - totoo nga bang isa lamang itong “libangan” na para sa iba ay pampalipas pagod bunga ng maghapong trabaho? Kung ikaw ang tatanungin,
Y P O C D E P E D
ang pagsusugal ba o
ang pakikipagsapalaran sa anumang uri ng laro ng
pagkakataon (game of chance) ay maituturing mong makabuluhang gawain sa buhay ng isang tao? o humahatak sa kaniya upang mas maging gahaman sa pagkamal ng madaliang pera?
Karamihan sa taong kasangkot sa pagsusugal ay nakikipaglaban na
lamang para sa kasiyahan o bilang isang paraan ng paglilibang. Ang iba naman ay may layuning kumita ng malaking pera bukod sa kita mula sa kanilang trabaho. Sa Modyul 4, ipinaliwanag na ang kalayaan ng tao ay nakakabit sa kaniyang sarili (sa pagiging ako), sa kakayahang kumilos at sa sariling kagustuhan, sa pagpigil sa sarili at sa pagpapasiya kung ano ang gagawin. Samakatwid, malayang gawin ng tao ang lahat ng kaniyang nais, ngunit dapat laging tandaan na mayroon siyang kaakibat na pananagutan sa kalalabasan ng kaniyang pagpili. Ibig sabihin, malaya ang taong pumili ng kilos na isasagawa, ngunit hindi siya malaya sa anumang kalalabasan ng kilos na ito.
4. Magkasalungat na interes (Conict of Interest). Nangyayari ito kapag nangibabaw ang personal na interes ng isang tao lalo na kung ito ay magbibigay sa kaniya ng kasiyahan at pakinabang. Ilang halimbawa ang sumusunod:
Pinansiyal na Interes. Ang magkakasalungat na interes ay kapag ikaw o ang isang kamag-anak ay may pinansiyal na interes, trabaho o posisyon sa isang kompanya na iyong pinapasukan.
Mga Regalo at Paglilibang . Ito ang pagtanggap ng anumang regalo o pabor mula sa sinumang tao bilang kapalit sa ginawang paglilingkod. Ang ganitong sistema ay hindi dapat maging motibasyon ng isang opisyal sa pagbibigay-serbisyo sa pagtupad ng kaniyang tungkulin. Sa Modyul 7, ipinaliwanag ang pamantayan sa pagiging mabuti ng isang kilos sa bawat pagpili sa ginawang aksiyon. Sa ikaapat nitong katangian ay nagpapaalala na nagdudulot ng higit na malalim na kasiyahan o kaganapan sa isang tao ang kaniyang ginawa o piniling mabuting kilos. Ang paglilingkod ng isang tao nasa katungkulan man o wala na naglakip ng pagmamahal sa ginawang paglilingkod 346 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
na walang hinihintay na kapalit mula sa nagawang kabutihan ay katangian ng isang mabuting kilos bilang mabuti at tama. Ang kautusang walang pasubali o Categorical Imperative ay ang pagkilos sa ngalan ng tungkulin. Nais mong gumawa ng kabutihan hindi dahil masaya ka o may kapalit ito, kundi dahil ito ang dapat gawin. Ating suriin ang Panunumpa ng Kawani ng Gobyerno.
Y P O C D E P E D PANUNUMPA NG KAWANI NG GOBYERNO
Ako’y kawani ng gobyerno tungkulin ko ang maglingkod ng tapat at mahusay; dahil dito, ako’y papasok nang maaga at magtratrabaho nang lampas sa takdang oras kung kinakailangan; Magsisilbi ako ng magalang at mabilis sa lahat ng nangangailangan; Pangangalagaan ko ang mga gamit, kasangkapan at iba pang pag-aari ng pamahalaan; Magiging pantay at makatarungan ang pakikitungo ko sa mga lumalapit sa aming tanggapan. Magsasalita ako laban sa katiwalian at pagsasamantala; Hindi ko gagamitin ang aking panunungkulan sa sarili kong kapakanan. Hindi ako hihingi o tatanggap ng suhol Sisikapin kong madagdagan ang aking talino at kakayahan upang ang antas ng paglilingkod sa bayan ay patuloy na maitaas sapagkat ako’y kawani ng gobyerno At tungkulin ko ang maglingkod nang tapat at mahusay sa bayan ko at sa panahong ito; Ako at ang aking kapwa kawani ay kailangan tungo sa isang maunlad, masagana at mapayapang Pilipinas, Sa harap ninyong lahat; Ako’y taos-pusong nanunumpa.
347 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Ano-ano ang gawaing nagpapamalas ng katangian ng isang mabuti at mapanagutang manggagawa na inilarawan sa itaas? Paano pinatunayan ng Panunumpa ng Kawani ng Gobyerno ang isang tunay at tapat na paglilingkod? Mayroon ka bang kakilala na nagtataglay nito? Anong mga gawain ang pinamalas niya na napahanga ka nang husto?
“With great power comes great responsibility.” Naaalala mo ba ang pangungusap sa itaas? Nasubukan
mo
na
bang
Y P O C D E P E D
humawak ng isang tungkulin na sa iyong tingin ay mahirap gampanan? Totoo dahil nangangailangan ito ng katapatan. Pag-aralan naman natin ang isa pang isyu na hahamon sa iyong pagkatao na maging mapanindigan sa tungkuling ipinagkatiwala sa iyo – ang isyu tungkol sa kapangyarihan.
Kapangyarihan: Paano ba gagamitin sa mabuti o tungo sa kabutihan?
Ang kapangyarihan ay kakayahan upang ipatupad ang isang pasiya, kapasidad
upang maka-impluwensiya sa saloobin at pag-uugali ng iba, at lumikha ng panukala na makabubuti sa lahat. Maipamamalas ito sa pamamagitan ng posisyon organisasyon at pagiging lider ng isang grupo.
Mga Isyu sa Paggamit ng Kapangyarihan
Anu-ano nga ba ang mga isyung napapaloob sa paggamit ng kapangyarihan? Bakit nagkaroon ng mga ito? Paano natin haharapin ang mga ito nang may paninindingan at nang buong katapatan at integridad? Upang masagot ang mga tanong na ito, kailangang balikan natin ang mga konsepto sa Baitang 9 sa Lipunang Politikal.
Sa isang lipunan, kailangan ang pamahalaan - halimbawa, gobyerno o estado
(Plattel, Martin 1965). Ito ay dahil may pangangailangan ang tao na hindi kayang makamit nang mag-isa, tulad ng kaayusan at kapayapaan, pangkabuhayan, mga bagay na kultural, at iba pa. Kaya nariyan ang gobyerno upang gumawa ng mga programa para sa ikauunlad ng bansa at para sa kabutihang panlahat. Upang makamit at mapanatili ang kabutihang panlahat na pinaliwanag sa Baitang 9, kailangan ang sama-samang pagkilos ng mga tao - hindi ng iilan lamang kundi ng lahat . Lahat ay maaaring mag-ambag para sa pagkamit at pagpapanatili ng kabutihang panlahat.
348 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Napakarami ng namumuno sa atin subalit bakit laganap pa rin ang isyu ng tungkol sa kapangyarihan? Tunghayan ang sitwasyon na nasa kahon. Isang opisyal ng pamahalaan na may mataas na tungkulin ang naguuwi ng mga kagamitan tulad ng typewriting paper at iba pang supplies na maaaring gamitin ng kaniyang anak sa paggawa ng proyekto sa paaralan.
Y P O C D E P E D
Ito ba ay isang uri ng korapsiyon? Halimbawang magulang mo ito o kakilala,
paano mo ito haharapin?
1. Korapsiyon. Ito ay isang sistema ng pagnanakaw o pagbubulsa ng pera. Tumutukoy ito sa espiritwal o moral na kawalan ng kalinisan at paglihis sa anumang kanais-nais na asal. Ang taong may malinis na puso at tapat ang talagang karapat-dapat magsilbi sa lipunan. Maipakikita ito sa pamamagitan ng pagsasabi ng totoo at pag-iwas sa pandaraya.
Tingnan ang halimbawa ng isang mabigat na kaso ng korapsiyon na nangyari
taong 2005.
Ang iskandalong Hello Garci ang krisis elektoral na lumitaw noong
Hunyo 2005 sa Pilipinas. Ito ang krisis na kinaharap ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa di-umanong pakikipagsabuwatan niya kay Virgillo Garcillano, isang opisyal ng Komisyon sa Halalan upang manipulahin ang halalan ng pagkapangulo noong 2004. Lumabas ang kontrobersiya sa paglitaw ng sinasabing wiretapped conversations sa telepono sa pagitan nina Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at noong canvassing ng 2004 halalan sa pagkapangulo
Paano naapektuhan ng mga ito ang sistema ng ating eleksiyon? Pangatuwiranan.
2. Pakikipagsabwatan (Kolusyon). Hindi maililihim ang
pagkakaroon ng ganitong isyu sa ating
lipunan. Ano nga ba ang pakikipagsabwatan? Ito ay iligal na pandadaya o panloloko, halimbawa ay ang pagtatakda ng mga presyo, limitahan ang mga oportunidad, pagtatakda ng sahod, mga kickback, pandaraya sa halalan sa pamamagitan ng iligal na panghihimasok sa proseso ng isang halalan at sa 349 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
pagbilang ng boto, pagsupil at pagpaslang ng mga katunggali, pagbili o panunuhol ng mga botante. Nangyayari ang mga gawaing ganito dahil sa kagustuhan ng isang tao na mapaunlad ang pansariling kapakanan. Bakit nga ba maraming nakatataas sa lipunan ang gumagawa ng mga ganitong bagay? Bakit mali ang mga ganitong gawain? Paano kaya ito maiiwasan? 3. Ang bribery o panunuhol ay isang gawain ng pagbibigay ng kaloob o handog sa anyo ng salapi o
Y P O C D E P E D
regalo pamalit sa pabor na ibinigay ng tumanggap.
Ang mga suhol na ito ay bahagi ng pagtatakip sa ginawang katiwalian ng isang taong may puwesto
sa pamahalaan. Ito ay isang krimen. Ang iba pang
mga halimbawa nito ay pagbibigay ng malaking tip, regalo, diskuwento (discount), libreng tiket, pagkain,
espesyal na anunsiyo, pamamasyal sa iba’t ibang lugar, kickback/payback , paglalaan ng malaking pondo sa isang proyekto, magandang alok sa kontrata, donasyon, mga kampanya para sa kontribusyon, fundraising at sponsorship, lihim na komisyon at promosyon (mataas na posisyon o ranggo).
4. Ang kickback ay bahaging napupunta sa isang opisyal mula sa mga pondong itinalaga sa kaniya. Isang halimbawa nito ang paghiling ng isang opisyal ng pamahalaan sa isang negosyante na magbigay ng trabaho sa isang kamag-anak ng opisyal na kumokontrol sa mga regulasyon na umaapekto sa negosyo. Mayroon ding mga katiwalian sa ating pansariling buhay. Ang mga pangyayaring nagaganap sa ating lipunan ay isang malinaw na repleksiyon ng iba’t ibang pansariling katiwalian. Ang pagiging tagapangalaga ng dignidad ng tao ay dapat maging permanenteng bahagi ng ating pakikipagkapuwa. Ito rin ay isang panghabambuhay na proseso ng pagpapatibay ng katatagang moral tungo sa ultimong kabutihan .
5. Ang nepotismo ay ang lahat ng paghirang o pagkiling ng kawani sa pamahalaan, maging pambansa at sa alin mang sangay o ahensiya nito, kabilang ang mga korporasyon na ari o kontrolado ng pamahalaan, na igagawad sa kamag-anak na hindi dumaraan sa tamang proseso.
350 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Suriin ang sitwasyon kaugnay ng nepotismo.
Si Lando ay isa sa mga kuwalipikadong aplikante para sa job hiring sa posisyon bilang Branch Manager na ginanap sa inilunsad na Job Fair 2014 sa kanilang munisipyo. Karamihan sa mga aplikante ay kaniyang kakilala at kabilang doon ay pamangkin ng sikat na pulitiko sa kanilang lungsod. Bagaman may kumpiyansa siya sa magiging resulta, hindi pa rin maialis sa kaniyang isip at damdamin ang mag-alinlangan.
Y P O C D E P E D
Isang araw, tinawagan siya at pinag-uulat para sa kaniyang unang araw. Laking gulat niya dahil kasama sa newly hired employee ay ang pamangkin ng pulitiko sa kanilang lungsod. Dagdag pa rito, mas mataas ang posisyon nito sa kaniya. Hindi nagtagal, nadiskubre niya ang sistema ng pagtanggap ng mga bagong aplikante sa kanilang opisina. Ang mga pasadong aplikante ay kinakailangang sumailalim sa pagsusulit at ipasa ito. Napag-alaman niya na ang isa sa proctor ay naging maluwag sa mga aplikante na magtanungan at magkopyahan sa isa’t isa. Ang mga ito pala ay tanggap na at pormalidad na lamang ang pagkuha ng pagsusulit. Hindi niya matanggap ang ganitong kalakaran dahil siya ay dumaan sa matinding proseso bago natanggap sa trabaho.
Ipinagbigay-alam agad niya ito sa General Manager ng kanilang opisina. Ngunit pinayuhan siya na manahimik at sarilinin na lamang ang lahat ng nalalaman. Paliwanag sa kaniya na ang mga ito ay rekomendado ng kanilang Alkalde kaya wala ng dapat ireklamo. Dagdag pa nito sa kaniya kung ayaw niya ng ganoong sitwasyon, mabuting mag-resign na lamang siya sa trabaho. Naiipit si Lando dahil sa panahon ngayon ay mahirap ng maghanap ng trabaho. Mayroon pa siyang mga dating utang at breadwinner sa kanilang pamilya. Kahit ilang buwan pa lamang siya sa kaniyang trabaho ay nagustuhan na niya ito at may kalakihan rin ang kaniyang suweldo kahit bago pa lamang siya. Sa kabilang banda, siya ay nakaramdam ng pagkadismaya sa lawak ng katiwalian sa loob ng kanilang kumpanya. Isusuko ba niya ang kaniyang paninindigan kapalit ng kaniyang pangangailangan? Kung ikaw si Lando, ano ang gagawin mo?
351 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Suriin ang mga talaan at ang bawat opsiyon.
Opsiyon 1 Layunin
Manahimik at manatili na lamang sa trabaho.
Opsiyon 2 Maibunyag ang katiwalian.
Opsiyon 3 Maisiwalat ang katiwalian sa maingat na paraan
Y P O C D E P E D
Mga Paraan/ Pagpipilian
Sirkumstansiya
a. Maging bulagbulagan na lang sa mga katiwaliang nagaganap at masasanay na rin sa bandang huli.
Maaaring masanay sa mga katiwaliang nangyayari at gagawin na rin ang mga ito sa mga darating na panahon
Gagawa ng paraan upang matigil na ang mga katiwalian nangyayari.
a. Lumapit sa mapagkakatiwalaan at sabihin ang mga katiwaliang nangyayari b. Humanap ng mga matibay na ebidensiya na magpapatunay sa mga katiwalaang nangyayari. c. Gawin ang lahat ng paraan upang matigil ang katiwalian
Ang gagawin na mga hakbang ay maaaring magdulot ng kapahamakan sa iyong sarili at kamag-anak.
Maghintay ng tamang pagkakataon. Maaaring gawin ang nasa ibaba:
Mangalap ng matibay na ebidensiya
Maghanap ng mapapasukang trabaho habang nagkakalap ng sapat na ebidensiya
Kung magtatagumpay ang unang plano sa mga paraan, mananatili sa posisyon
Kung hindi magtatagumpay, may fallback mula sa nahanap na trabaho bago magbitiw sa kasalukuyang trabaho
352 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Kahihinatnan
Patuloy ang mga katiwalian nangyayari at maaaring mawalan nang prinsipyo sa buhay.
b. Mapuputol ang mga katiwaliang nangyayari sa tanggapan at mabibigyan ng pagkakataon ang mga ibang aplikante na mabigyan ng trabaho kahit wala silang kaibigan o kamag-anak sa tanggapan. c. Magiging masaya ang pakiramdam dahil naging daan para sa pagbabago.
Naisiwalat ang tunay na pangyayari na may paghahanda sa anumang epekto ng ginawang pagsisiwalat ng mga katiwalian
Y P O C D E P E D
Sa ating pang-araw-araw na pakikibaka sa buhay, gabay natin ang ating
konsensiya sa paniniguro sa kasamaan at kabutihan ng isang pasiya o kilos. Sa sitwasyong ito, nararapat lamang na gawin ang tama na sabihin ang totoo para sa kabutihang panlahat. Mahalaga na gamitin ang maingat na paghuhusga sa pagpili ng tamang opsiyon. Sa mga tatlong opsiyon, ang nagpamalas ng maingat na paghuhusga ay ang ikatlo. Ang patunay na pinag-iisipan ang mga kilos at plano bago maisakilos ay katangian ng isang taong may kamalayan at may kakayahang magsuri ng mga bagay-bagay.
Mahalagang mapangalagaan ng bawat mamamayan ang kagalingang moral
ng lipunan. Matatandaan na ang
pinagmumulan at tanging layunin ng pamumuhay sa lipunan ay nag-
uugat sa pangangalaga at pag-
Ang disente at maayos na lipunan ay hindi lamang pinapangarap kundi pinagsisikapang maisabuhay.
unlad ng bawat tao. Isang malaking
kabiguan ng lipunan kung ang kaniyang sitwasyong ginagalawan ay kinapapalooban ng mga seryoso at malalang sakit ng kawalan ng disiplina at moralidad. Pangarap ng bawat mamamayan, lalong lalo na ang kabataang katulad mo, na mamulat sa isang disenteng uri ng pamumuhay sa pamayanan. Ang disente at maayos na lipunan ay hindi lamang pinapangarap kundi pinagsisikapang maisabuhay. Upang maiwasan ang mga isyung ito, kailangang magkaroon ang tao ng integridad . Ang integridad ay katapatan. Sa diksyunaryo, ipinaliwanag ang kahulugan nito bilang “kalagayan ng tao na kung saan siya ay buo, iisa o kumpleto ang kaniyang 353
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
pagkatao.” Kung ano ang kaniyang sinasabi, iyon din
Ang integridad ay pagpapakatao.
ang kaniyang ginagawa. Kung ano siya sa publiko, ganoon din siya sa pribadong buhay o sa lugar na walang nakakikita. Ang mabubuting sinasabi ng mga
tao patungkol sa kaniya ay ganoon din ang sinasabi ng kaniyang mga kasambahay. Siya ay iisang tao maging saan man at anumang sitwasyon ang kaniyang makaharap. Siya ay bukas na aklat; walang itinatago; walang kinatatakutan. May ilang tao na ang tingin sa integridad ay listahan ng bawal gawin at dapat gawin. Ngunit ang integridad
Y P O C D E P E D
ay higit kaysa listahan. Ang integridad ay pagpapakatao. Ito ay ang iyong pagka-sino na binubuo mo tungo sa iyong pagiging personalidad. At kung sino ka, iyon ang iyong gagawin. Pinag-iisa nito ang iyong sinasabi at ginagawa. Mahalaga ang mga ito sa pagbuo ng sarili tungo sa kaganapan ng pagkatao.
Bakit mahalaga ang integridad? Naririto ang mga dahilan:
Una, nagbibigay-galang sa iyong sarili. Kung may paggalang ka sa iyong sarili,
nangangahulugan ito na malinis ang iyong konsensiya at nakatutulog ka sa gabi nang mahimbing.
Pangalawa, bibigyan ka ng iyong kapuwa ng paggalang at pagkakatiwalaan
ka ng ibang tao. Ang isang lider ay mahihirapang mamuno kung ang mga taong kaniyang pinamumunuan ay hindi nagtitiwala sa kaniya at hindi maibigay ang respeto na kinakailangan niya. Ang tiwala at respeto na kinakailangan ng isang pinuno ay makukuha lamang kung patuloy siyang mamumuhay nang may integridad.
Pangatlo, ang taong may integridad ay madaling makaimpluwensiya. Hindi niya kailangan ng titulo o kapangyarihan upang mamuno. Ang mga tao ay sumusunod sa pinunong mapagkakatiwalaan. Ilang makapangyarihang lider na rin, hindi lang sa Pilipinas, ang napaalis sa kapangyarihan ng mga taong kanilang sinasakupan dahil sa kakulangan ng tiwala. Kabaligtaran nito ang taong may integridad. Isang magandang halimbawa ay ang yumaong Kalihim ng DILG at dating Mayor ng Lungsod ng Naga sa loob ng labinwalong taon na si Jesse Robredo na nagpamalas ng dedikasyon at komitment sa kaniyang tungkulin bilang isa sa magiting na lider ng ating bansa. Itinuturing siyang tunay na lingkod-bayan. Mula kay Senador Francis “Chiz” Escudero sa huling mensahe nito sa kaniya ay sinabi nito na “I mourn the loss of Secretary Robredo. He embodied everything a Filipino leader should be. He was an honored 354 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
son of Bicol, a decent and loving husband and father, and a principled man whose honesty and integrity were beyond question.” Ang integridad ay pagbubukas ng sarili sa katotohanan at paninindigan dito. Kapag ang isang tao ay tapat, wala siyang katapat na halaga sa kaniyang sarili, sa kapuwa at maging sa buong daigdig. Ayon kay Mahatma Gandhi na nagsasabing “Kung gusto mo ang pagbabago at kung gusto mo ng mas maayos na buhay, dapat simulan mo ito sa iyong sarili.” Kung sisikapin ng bawat isa na magbago, unti-unting magbabago ang ating lipunan. Kapag tinanggal mo ang mga kasamaan sa sarili mo, ay matatanggal din ang kasamaan ng
Y P O C D E P E D lipunan. Ikaw, kaya mo bang simulan ito sa buhay mo? Tayahin ang Iyong Pag-unawa
1. Ano-anong isyu sa paggawa ang tinalakay sa babasahin? Ang mga isyu sa kapangyarihan? Isa-isahin ang mga ito.
2. Paano nakaapekto ang mga isyung ito sa pag-uugali at performance ng isang manggagawa sa kaniyang pagtugon sa tawag ng tungkulin?
3. Bakit mahalaga na may kamalayan ang bawat manggagawa sa kanilang mga tungkulin?
4. Ano-ano ang katangian ni dating DILG Jesse Robredo bilang magiting na lider ng ating bansa ang inilarawan sa Panunumpa ng Kawani ng Gobyerno?
5. Anong mga katangian ang nais mong taglayin bilang isang manggagawa sa hinaharap? Ipaliwanag.
Paghinuha ng Batayang Konsepto
Panuto: Gamit ang graphic organizer , buuin ang mahalagang konsepto na nahinuha mula sa nagdaang gawain at mga babasahin.
ISYU SA PAGGAWA
ISYU SA KAPANGYARIHAN
355 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Pag-uugnay ng batayang konsepto sa pag-unlad ko bilang tao 1. Ano ang kabuluhan ng batayang konsepto sa aking pag-unlad bilang tao? 2. Ano ang maaaari kong gawin upang mailapat ang aking mga pagkatuto sa modyul na ito?
E. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO
Y P O C D E P E D
Pagganap Gawain 4
Panuto: Ang sumusunod ay mga isyung napapaloob sa mga isyu sa paggawa at paggamit ng kapangyarihan. Pumili ng isang isyu lamang at gumawa ng reaction paper tungkol dito. a. Korapsiyon b. Suhol
c. Nepotismo
d. Sugal (game of chance) e. Paggamit ng oras
f. Paggamit ng kagamitan g. Conict of Interest
Pagninilay Gawain 5
Panuto: Sagutin at pagnilayan ang mga tanong.
1. Bilang mag-aaral sa Baitang 10, paano ko mapatatatag ang mga positibong katangian ko na magiging kapital ko sa aking pagharap sa mga isyu sa paggawa? 2. Paano ko dapat paglabanan ang mga isyu sa paggamit ng kapangyarihan na mapangibabaw ko ang pagiging mapanagutang paglilingkod?
356 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Pagsasabuhay Gawain 6 Panuto: Pagkatapos mong maunawaan ang mga inaasahang kaalaman at kasanayan sa modyul na ito, inaasahang magsisilbi itong gabay sa paggawa mo ng matatag na posisyon tungkol sa paggawa at paggamit ng kapangyarihan. Ang bawat organisasyon sa paaralan ay may kani-kanyang gawain tungo sa pagiging ganap ng bawat kasapi sa organisasyon. Alamin ang mga tungkulin at impormasyon. Pagkatapos ng gawaing ito ipakita ang naging resulta sa inyong magulang at
Y P O C D E P E D magkaroon ng pag-uusap dito.
1. Bakit siya ang napiling lider sa kanilang organisasyon?
2. Tungkulin ng organisasyon sa paaralan at sa kapuwa mag-aaral 3. Paraan ng pagganap sa mga tungkuling tinutukoy
4. Mayroon ba siyang hindi nagampanan? Alin ang mga iyon? 5. Mga dahilan kung bakit hindi ito naisasakatuparan
6. May mga pagkakataon ba na hindi siya sinusunod ng kaniyang mga kasamahan? Ano ang mga pangunahing dahilan?
Gawain 7
Panuto: Panoorin sa youtube ang dokomentaryo ni Malou Mangahas kasama ang magulang at magkaroon ng talakayan tungkol dito. Iulat ito sa klase.
357 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.