Fokus: Dance/Humanities Mga Sayaw-Asyano Tulad ng mga sayaw ng mga bansang Asyan, ang katutubong mga sayaw ng Pilipinas ay mayroong impluwensya ng mga sayaw buhat sa iba¶t ibang bansa. Masasabing nagkakahawig ang mga sayaw-Asyano kung pagbabatayan ang mga kilos, galaw, kasuotan at damdaming ipinapahayag ng mga ito. Kung tutuusin, ang batayang posisyon ng mga paa at bisig sa pagsasayaw, maging ang iba¶t-ibang hakbang-sayaw na karaniwang ginagamit sa katutubong mga sayaw ng Pilipinas, ay ginagamit din sa mga sayaw na mula sa iba¶t ibang bansa sa Asya. Ang sayaw sa bansang Hapon ay masasabing 1,5000 taong gulang na subalit ang tradisyunal na mga anyong sayaw sa bansang ito napanatili hanggang ngayon. Ang bugaku ay isang maharlikang sayaw na itinuturing na pinakamatandang sayaw sa Hapon. Ito ay sinasayaw sa pamamagitan ng paggamit ng magagandang kasuotan. Ang kabuki ay isang sayaw sa Hapon na bumubuo sa isang sining na kinabibilangan ng drama, sayaw at musika. Ang pinakakilalang sayaw sa Hapon ay ang sayaw ng geisha. Bagamat ito ay pangunahig sinasayaw sa pribadong mga pagtititpon sa mga geisha house, ito ay sinasayaw na rin sa mga teatro. Gusto mo bang malaman ang sayaw ng India? Kung saan ito nagmula? Ayon sa isang alamat ng India, lumikha si Brahma, isang Diyosa ng mga Hindi, ng sayaw bilang libangan ng mga celestial being. Ito ay kanyang itinurong lahat kay Bharata na gumawa naman ng isag sistema ng sayaw. Ayon pa rin sa lamat, si siva ang unang bantog na
mananayaw ng India. Sina Brahma, Vishnu at Siva ang bumubuo sa trinity o tatlong katauhan na sinasamba ng mga Hindu. Dahil ditto, ang karamihan sa mga sayaw sa India ay may kaugnayan kay Siva at sa mga pangyayari sa kanyang buhay. Ang bharatanatyan ay isang klasikal na sayaw ng India na nag-uugnay-ugnay sa mga galaw ng mga paa. Ang maharot na ritmong nalilikha ng mga paa sa paggalw nito ay pinatitingkad ng maliliit na kampanilyang nakasabit sa may bukung-bukong at sakong ng paa. Kung may sayaw ang Hapon at India, hindi naman pahuhuli ang bansang Korea. Nakarating ang Budismo sa Korea mula sa Tsina sa taong 400 P.K. Kasabay ng pagdating ng relihiyong ito ang mga sayaw panrelihiyon na ginaganap sa mga ritwal ng mga Buuddhist. Ang karaniwang uri ng sayaw na ito ay yaong itinatanghal ng mga mga monghe. Ang mga monghe ay may hawak na patpat sa bawat kamay na ipinapalo sa isang tambol. Ang pagwawagayway ng mga mananayaw ng mahahabang manggas ng kanilang kasuotan ang pangunahing galaw ng sayaw. May sayaw pangmaharlika rin sa ||Korea. Ang mga sayaw sa korte ay para sa kasiyahan ng mga namumuno nito ay may uri ng sinaunang |Koreano at |Tsino. Isang halimbawa ng sayaw pangkorte ang chung-Aeng-Jae o sayaw ng nightingale. Ang mananayaw ay nakasuot ng dilaw na bata(robe) at isang kumikinang na korona. Ang sayaw ay lubhang banayad at malamyos at nagtatampok ng eleganteng pagkilos ng mga bisig at paa. May katutubong sayaw din ang India na nilikha nang madalian bunga ng imahinasyon ng mga India at ng kanilang pagnanasa sa sining. ||nilikha rin ang mga ito bilang paraan ng paglalahad ng damdamin. Bagamat naniniwala ang mga Indian sa kalayaan, may pagkakaiba ang kanilang mga sayaw panrelihiyon. Makikita ang mga
pagkakaiba sa pamamagitan ng pagkilos, ekspresyon ng mukha at kalawang bighani at kagandahan ng sayaw. Dahil sa katutubong likha, ang kaugalian at tradisyon ng India ay naging ganap. Sanhi ng pambansang kamalayan sa sayaw na lumalaganap sa araw-araw, marami sa magagandang mga sayaw ay nakarating sa mga tagalunsod at tinggap nang buong kasiyahan. Sa pagpapatuloy ng lahi, ang katutubong sayaw ay nagkaroon ng sariling pitak sa kultura ng India kasama ng mga sayaw na klasikal. Kabilang sa katutubong mga sayaw ng India ang dhandya ras at jata jatin. Ang dhandya ras ay katutubong sayaw sa rehiyong Limbai sa Estado ng Gujerat na may natatanging anyo, tiyak na pamamaraan ng paggalw ng mga paa at pagkilos na nagpapakita ng pigura. Ang mga lalaki ay buong magdamag na nagsasayaw sa saliw ng tunog ng tambol, mga awit at mga tunog na hihipan. Ang dhandya ras ang pinakabantog na sayaw sa rehiyong ito. Ang 24 na lalaki ay pawang may hawak ng maikling patpat. Ang mga awit na ipinasasaliw sa sayaw ay nagsasaad ng isang mahalagang episodya o tagpo hango sa dulang ramayana at ang jata jatin ay naiibang sayaw sapagkat ang mga babaing nasa hustong gulang at may maybahay na mga kabataan pa ay nagtitipon sa liwasan tuwing tag-ulan kapag kabilugan ng buwan. Ang mga ito ay nagsasayaw mula hatinggabi hanggang umaga. At alam nyo ba ang nakatutuwa sa matandang sayaw na ito? Ito ay nagsasaad ng kasaysayan ng pag-ibig nina Jata at Jatin. Sila ay nagkahiwalay sanhi ng pagkakabihag kay |Jatin ng isang bangkero. Ang magkasintahan ay dumanas ng maraming hirap at sakit bago pinalaya si Jatin. (Edukasyong Pangkatawan, Kalusugan at Musika IV; Lucresia Kasilag).
Fokus: Painting/Fine Arts/Humanities
Mga Sangkap sa Pagpipinta May mga sangkap sa pagpipinta na kailangang isaalang-alang upang maging maganda ang ginagawang pinta. A. Hugis Sa pagpipinta at iba pang pandalawang-dimensyonal na sining, ang hugis ay isang lugar na patag na napapalibutan ng linya. Lumilitaw ang kagandahan nito dahil sa iba't ibang kulay, halaga, kayarian o pagsasama-sama ng mga ito. Kung minsan, nahihirapan tayong makita ang nais ipabatid ng isang painting dahil sa una nating nakikita ang mga bagay na nakaguhit dito. Isang paraan upang madevelop ang ating abilidad na makita ang mga hugis ng mga bagay at tao ay tingnan natin ang mga ito kasama ang kailang kulay at textura. Dahil sa pamamaraang ito, mas madali nating maipipinta ang mga bagay. Ang mga hugis ay nagbibigay ng ilusyon ng bigat, laki at pagiging lapat. Ang mga makatotohanang pintor ay nakakagawa ng mga bagay na may dalawang dimensyonal sa pamamagitan ng paggamit ng mga linya at kulay. Ang isang kwarto o hardin ay maaaring magawa na parang totoo kung saan maaari tayong gumalaw.
B. Kulay
Ang kulay ay hindi permanenteng bagay na nakikita natin sa ating paligid. Ang mga kulay ng bagay ay mawawala kapag madilim ang ating paligid. Ang kulay ay isang serye ng wave lengths kung saan tumatama sa ating retina. Kaugnay nito ang mga sumusunod na konsepto: 1. Hue ± ito ay anyo na nagbibigay ng pangalan sa kulay. 2. Value ± ang pagdaragdag ng mga neutral colors tulad ng itim o puti sa alin mang kulay. Ang kulay na hinaluan ng itim ay lalabas na matingkad at ang kulay na hinaluan ng puti ay lalabas na mapusyaw. 3. Intensity o saturation ± ito ay tumutukoy sa kalidad ng kapusyawan sa kulay. Ang pula, halimbawa, ay maaaring lumitaw na mapusyaw kug sinag lamang nito ang makikita. Kung ang berde at pula ay balanseng pinagsama ito ay makalilikha ng neutral gray na kulay. |Kung ang ibang kulay ay hahaluan ng gray, nagkakaroon lamang ito ng kaunting pagbabago. Ang kulay ay mahalaga dahil sa rito maipapakita ang emosyon ng isang larawan. Ito ay nagbibigay sa ating kaisipan ng ideya ukol sa mga bagay na nakaguhit. Paano nagagawa ng mga pintor na gamitin ang kulay upang mailahad ang kanilang mga ideya at makakuha ng reaksyon sa atin? Ang kulay ay maaaring magbigay ng kakaibang anyo sa larawan. Dahil sa kulay, maaaring magkaroon ng tatlong-dimensyonal na kalidad o kaya maaaring makagawa ng mga galaw na naghuhudyat ng pagsulong o pag-urong.
Ang kulay ay nakakagawa ng lagay ng kalooban, nagpapahiwatig ng ideya at mailalabas ang ating emosyon. Ang mga kulay na matingkad ay nagbibigay ng damdaming masaya. Ang mapusyaw na kulay ay nagbibigay ng kalungkutan. Ang mga kulay ay nagbibigay ng iba't ibang emosyon sa bawat indibidwal. Ang pula ay naglalarawan ng matinding galit, asul ay kalungkutan. Ang asul ay maaaring maglarawan din ng katapatan. Ang dilaw ay sumisibol sa kaduwagan. Itim ay para sa kamatayan. Ang berde ay para sa buhay at pag-asa. Ang puti ay naglalarawan ng pagka-inosente o kalinisan. Ang pagiging mapusyaw at matingkad ay maaaring makapagpabago ng emosyon. Ang kulay ay may kakayahang makapagpataas ng pandama ng kaginhawaan dahil sa inayos na sistema ng tonality. Ang kulay ay hindi lamang para sa pagpipinta. Ang value o tone ay maaaring gamitin para makagawa ng mga ilusyon, espasyo, galaw ng mga larawan at mailahad ang damdamin.
C. Galaw at Espasyo Ang espasyo ay isang solusyon sa graphic arts. May dalawang urt ng espasyo sa pagpipinta; decorative space at plastic space.
PLASTIC SPACE- ang tawag sa iniaplay natin sa third dimension kung san may ilusyon sa paggawa ng larawan.
DECORATIVE SPACE- ang kawalan nbg lalim ng espasyo.
Karamihan sa mga makabagong pintor ngayon naaaapektuhan ng mga pagbabago sa kanyang paligid at sa mga bagong kaalamanng pansyensya.Lumulitaw sa kanyang mga iginuhit ang damdamin at emosyon.
Fokus:Sculpture/Humanities
Ang Iskultura Bilang Isang Sining
Ang buong mundo ay nababalot ng iba¶t- ibang abilidad, kakayahan, at kagalingan ng isip ng tao. Sila ay natututong gumawa, lumikha at dumiskubre ng iba¶t ibang bagay kahit pa nong unang panahon. Dahil sa kakayahang ito, natutong gumawa at lumikha ang tao ng mga bagay-bagay na kapakipakinabang at maipagmamalaki at dahil ditto, nabuo ang tinatawag na sining.
Ang sining ay katulad ng pagmamahal na mahirap ipaliwanag. Ito ay may konsern sa sariling damdamin na may halong komunikasyon sa maraming
midyum²kulay, tunog, marmol at salita. Ang mga bagay na ito ay tumatak sa atin bilang wika na may kagandahang anyo. Ito ay may apil sa ating utak, pumapasok sa ating emosyon at nagpapaliwanag sa ating imahinasyon (Machilis 1963).
Kahit sa anong panahon at lugar, palaging may sining. Kahit saan ka pumuntang bansa, kahit sa Pilipinas ay makakakita ka tayo ng mga monumento at istatwa. Ang mga ito ay kumakatawan sa iskultura, isa sa pinakamatanda at pinakamahalagang parte ng sining ang sining na tinatawag na viswal na sining. Dahil sa mga ideya na pinili ng mga iskultor at ang forma ng kanilang linikha, kanikang naipapakita ang kanilang ideya, pag-asa at takot.
Dahil sa ang iskultura ay isa sa pinaka mahalagang parte ng sining, ito ay binibigyang importansya. Ang kultura ay mula sa latin na sculpture na ibig sabihin ay pag-ukit. Ito ay iniuugnay sa mga disenyo at pagtatayo ng tatlong dimensional na forma na nagpapakita ng natural na bagay o iyong imahinasyon na hugis( Sanchez, et al., 2000). Ito nanan ay sinasabing sining ng pagkilos, isang figura, monument at larawang nililok o inukit (Abellera, 1986).
Sa poagdaan ng panahon, ang mga iskultor ay patuloy na lumilikha ng bagong ideya upang maiangat ang anyo sa larangan ng iskultura. Dahil ang pagaaral ng sining ay pagaaral ng isang katauhan at dahil sa sining, madidiskuvre natin ang tunay na interes, damdamin at probvlema ng mga tao.
Sa pagpili natin ng paksa sa iskulyura, ang pinaka mahalagang bagay na dapat ikonsidera ay ang mga materyales. Ang mga bagay na ginagamit sa iskultura ay limitado. Noong una, ang ginagamit na materyales ay bato o kahoy. Ang bato at kahoy ay hindi naman hinayaang makibagay sa mga kley. Dahil malambot ang clay ay napapaganda at nahuhugisan nang lalong magaling. Ang matitigas naming bato at kahoy ay ginagamitan ng prosesong pagpupuytol piutol at inuukitan. Mayroong dalawang uri ng iskuyltura; subraktivo at aditivo. Matatawag itong subrativo kung ito¶y inuukit sa bato at kahoy. Dito ang mga bagay na hindi gusto ay tinatanggal. Ang iba pang materyales na pwedevg gamitin ay mga sabon, plaster at tisa sa Paris. Ang pagbuo naman ng mula sa clay, welding, metal, tukod at ohas ay ginagamit sa aditivo na sa pagdidikit-dikit ng mga ito o pagwwewelding ay makakalikha ng isang sining. Kung titingnan ang mga paggawa ng isang sining ay mahirap dahil limitado lang ang materyales. Ang iskultura ay may dalawang uri: ang tinatawag na relief at round sculpture.
Relief- kapag ang sining na inuukit ay hindi buo o nagpapakita lamang ng isang parte ngunit nagpapakita naman ng buong kaisipan. Round- kapag ito¶y nagpapakita ng buong dimension o hubog ng isang inukit. Ang pag-uukit, paghuhubog at pagmomodelo naman ang mga karaniwang pamamaraan nito.s
Simula noong ika 2 siglo, ang larangan ng iskultura ay mas napalawak at napagyaman saa pamamagitan sa paggamit ng mga makabagong pamamaraan, katulad ng pagwewelding at pagbubuo, kasabay ng paggamit ng makabagong materyalkes bunsod na rin ng makabagong teknolohiya. Ang pag-uukit o xcarving ay isa sa pamamaraang ginamit noon pang unang panbahon. Ngunit ang pagu-ukit ay ubos-oras at nangangailangan ng mas maingat na paggawa kaya¶t karamihan sa mga iskultor ay umiiwas na lamang sa pamamaraang ito. Nangangailangan din ito ng higit na materyales upang maging perfecto ang isang obra. Karaniwan ditto ang magagaspang at mabibigat na bagay. Pagmomodelo naman ang pagdaragdag o pagbubuo ng hubog. Ang ginagamit na materyales ditto ay ang mga bagay na makikinis at malalambot at yaong medaling mahubog. Ang iskultor ay kailangang may magandang kondisyon o mood at malalambot na kamay gaya ng mga pintor. Luwad o di kjaya naman ay clay ang kailangan sa prosesong ito.
Ang natatangi naman para maabot ang tikas o tayo ng isang obra ay ay tinatawag na pahuhubog. Pinaka angkop namang gamitin dito ang tanso at iba pang pang matagalang materyales. Kahit na ang tradisyunal na pamamaraan ay kasalukuyan nang ginagamit, ang paggawa ng iskulrtura noong ika-20 siglo sa pamamaraang pagbuo o pagaasembol. Ang pamamaraang ito ang napaatunay sa collage, ang pagpipintang ginamit ni Pablo Picasso, ng isang French artist na si Georgis Brague noong 1912, kung saan ang mga papel at materyales ay idinikit sa tagiliran ng mga litrato. Si Picasso ay gumawa rin ng tatlong dimensyunal na bagay tulad ng instrumentong pang musika na gawa sa papel at pira-pirasong materyales na iba¶t iba at tinawag niyang pagtatayo (construction). Ang pagbubuo ( assemblage) na kasalukuyang ginagamit na pamalit sa construction ay binuo ni Jean Debuffet, isang French painter upang maikama ang sariling gawa na yari sa collage.
Fokus: Music/ Humanities
Musika: Anong Hiwaga Mo?
Ano nga ba ang musika? Bakit may musika? Ang musika ay isang sining na binubuo ng mga tunog na pinag sama-sama at iniayos upang makalikha ng
ng isang kaaya-ayang tunog. Sa tulong ng musika, naipapakita ang iba¶t ibang mukha ng buhay; may musikang puno ng saya, may musikang puno ng pag-ibig, puno ng lumbay, pananabik, pangungulila, panghihinayang at pamamahal sa Diyos. Ang musika ay hagdan ng kaluluwa paakyat sa langit. Nagagawa niyang pasayahin ang isang taong nalulumbay. Nagagawa niyang bigyang kulay ang buhay ng isang taong may suliranin. Kaya nga sinasabing ang musika ay isa sa mga bagay na nagbibigay-kulay sa mundong ating ginagalawan. Ang musika ay isa ring instrumento ng komunikasyon. Sa pamamagitan ng musika, naipapahayag ng isang nilikha ang iba¶t ibang kaisipan at damdamin. Naakapaghahatid ito ng mensahe sa isang indibidwal. Ngagawa ng musika na paliparin ang isip ng tao, kaya nga nagagawa niyang psayahin ang isang taong nalulungkot kahit panandalian lamang.Sa dalawang taong nagmamahalan, sa pamamagitan ng musika,nagagawa nilang ipahayag at ipaabot sa isa¶t isa ang kanilang damdamin. Ang musika ay makapangyarihan. Nagagawa nitong pag-isahin ang mga tao, pagbatiin ang dalawang taong magkagalit,magpatawad sa isang taong nagkamali, palawakin ang isip at imahinasyon ng isang tao upang makalikha ng iba¶t ibang himig ng music, katulad ng naggagawa niya sa isang kompositor² ang taong lumilikha sa liriko at melodiya ng isang awit.Ang taong nawalay sa diyos ay kayang ibalik ang musika sa Panginoo. Iyan ang nagagawa ng musika. Iyan angs hiwaga ng musika.
PANITIKAN
Ang Panitikan ay ang pagsulat ng ng tuwiran o tuluyan o patula. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa abang walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang panitikan ay ang mainam na na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakakasanhi ng matagal na pagkawili at gana.Samakatuwid, may hugis, may punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating pang panitikan.
Nagsasalaysay
ng
buhay;
pamumuhay,
lipunan,
pamahalaan,
pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba¶t ibang uri ng damdamin katulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba. Ito ang isang dahilan kung bakit pinagaaralan ang larangan ng literature sa mga paaralan. Ang Iliad ni Homer ang isang halimbawa ng mga mabuting likhaing pampanitikang kaunlaranin maging ang Aenid ni Vergil. Etimolohiya
Nanggaling ang salitang panitikan sa mula sa pang/titik/an, kung saan ikinakabit ang unlaping pang at hulaping -an sa ugat na titik. Ang may bahid kaunlaraning salitang literature ang isa pang katawagan para sa larangan ng panitikan. Nagmula ang salitang literature sa salitang latin-litera-na nangangahulugang ³titik´.
Mga Uri ng Panitikan
Sa pinakapayak na paghahati, dalawa ang uri ng panitikan: ang kathang isip (fiction) at ang hindi kathang-isip (non-fiction) na mga sulatin at babasahin. Ginagamit ng mga manunulat ang kanilang imahinasyon para sa pagsulat ng mga akdang bungang-isip lamang. Umiimbento sila ng mga kathang-isip na mga tauhan, pangyayari, sakuna at pook na pinangyarihan ng kwento para sa kanilang mga prosing katulad ng mga nobela at maikling kwento. Para sa ikalawang uri ng panitikan, bumabatay ang may-akda sa mga tunay na balita at iba pang kaganapan ayon sa kanyang mga kaalaman hinggil sa paksa. Pinipilit ditto ng manunulat na maging lumpak sa mga detalye ng mga pangyayari. Hindi gawagawa lamang ang nakakainyangang mga kwento. Kabilang sa sa mga hindi bungang isip na susulatin at babasahin ang mga talambuhay,awtobitograpiya, talaarawan, sanaysay at mga akdang pang kasaysayan. Ang maikling kwento
Ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may isang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan.Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang
pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na ³Ama ng Maikling Kwento.´ Paglalarawan
Bilang isang masining na panitikan, naglalahad ng asang pangyayari ang maikling kwent. Hindi katulad ng nobela, hindi kahabaan ang pagsasalaysay sa maikling kwento higit na kakaunti ang tauhan nito, mas mabilis ang paglalahad at higit na matipid sa paggamit ng mga pananalita. Layunin
Bilang anyo ng panitikan, may layunin itong mag salaysay ng isang maselan at nangingibabaw na pangyayari sa buhay sa pangunahing tauhan, at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mambabasa. Isa pa rin sa mga pangunahing layunin nito ang manlibang. Kayarian
Bilang isang akdang pampanitikan, maaaring magsalaysay ang ng tuluy-tuloy ang maikling kwento ng isang pangyayaring hango sa tunay na buhay;may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw ng maikling panahon, may isang kasukdulan at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa.
HUMANIDADES
Tumatalakay ito sa mga kaugnayan sa kultura at sining katulad ng sayaw, musika, eskultura, pelikula, arkitektura, pagpipinta, teatro, panitikan at iba pang makataong sining at wastong pagtingin ditto.Ang sining ay napakahalaga sa buhay ng tao dahil nagagawang makipag ugnayan at maipahayag ang kanyang damdamin. Sa humanidades higit nating nakikilala an gating sarili at higit tayong nagiging maingat at magalang sa paniniwala sa mga likha at gawa ng ibang tao.
MUSIKA Inayos at pinag dugtong dugtong ang mga tunog ng ibat ibang tono upang makalikha ng isang musikang katha na nagpapahayag ng ibat ibang kaisipan at damdanin.
ISKULTURA Ito ay sining na lumilikha ng dimensyunal na pagpapahayag ng ideya at kaisipan.Itoy nakagagawa ng masining na kagandahan bunga ng malikhaing isipan gaya ng rebulto, kaanyuan ng tao, monument, imahen at iba pang simbolo.
SAYAW Gumagamit ng katawan bilang tagapagpahayag ng mga kaisipan at damdamin. Ito¶y nagbibigay aliw at saya. Sa pamamagitan nito¶y naiibsan ang dinadalang sakit ng loob, problema at alalahanin ng isang tao.
ARKITEKTURA Ay isang halimbawa pa rin ng disiplinang ito na tumutugon sa mabisang pag uugnay-ugnay ng kagandahan at kahusayan ng gamit nito tulad ng pantahanang kasangkapan at palamuti na aniaayos sa mga simbahan, tahanan, paaralan at iba¶tibang gusali.
PELIKULA Isa pa ring sining na naghahandog at nagpapakita ng sining ng pagganap sa pamamagitan ng mga dulang panradyo at pan telebisyon na pumupukaw sa damdamin at imahinasyon ng tao.
PAGPIPINTA
Ito ay nakakaganyak at nakapag bibigay aliw at inspirasyon sa tao na ang produktong gawa ay nagsisilbing palamuti sa nga bahay at iba¶t ibang gusali.
Dahil sa mga napanlikhang kanay ng alagad ng sining napupukaw ang sarisaring damdamin ng mga tao. Sa pamamagitan ng kanilang nilikha, nalilimutan ng tao ang problena at tuloy naihahanap ng solusyon. Ito¶y nagpapatunay lamang na ang disiplinang humanidades ay para sa lahat ng urim ng tao.