Bases para la programación de series de fuorier en matlabDescripción completa
Full description
rru
deskripsi pekerjaan untuk tambangDeskripsi lengkap
This document is very helpful for BSS description.
Hardware Description
Huawei GRFU
bravehart guitar
MRFU
FUEL DISCRIPTIONFull description
DRFU-Description-
operations management
An amusing way to read about animals.Descripción completa
Huawei MRFUd
XLTFull description
Full description
mrfu
Mengembangkan media dan membina hubungan kerja secara rutin dengan seluruh Dinas/Instansi/BUMN/BUMD/Badan/Lembaga dsb, guna mencapai target yang telah ditentukan melalui monitoring program d…Deskripsi lengkap
Course Description
Pamagat ng Kurso: KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KOMFIL) Bilang ng Yunit: 3 Deskripsyon ng Kurso: Ang KOMFIL ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kontekstwalisadong komunikasyon sa wikang Filipino ng mga mamamayang Pilipino sa kani-kanilang mga komunidad sa partikular, at sa buong lipunang Pilipino sa pangkalahatan. Nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang pakikinig at pagsasalita, gayundin sa kasanayan sa paggamit ng iba’t ibang tradis yonal at modernong midya na makabuluhan sa kontekstong Pilipino sa iba’t ibang antas at larangan.
Pamagat ng Kurso: FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA (FILDIS) Bilang ng Yunit: 3 yunit Pre-requisite: Konstektwalisadong Komunikasyon sa Filipino (KOMFIL). Deskripsyon ng Kurso: Ang FILDIS ay isang praktikal na kursong nagpapalawak at nagpapalalim sa kasanayan sa malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at pananaliksik sa wikang Filipino sa iba’t ibang larangan, sa konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayang Pilipino. Nakatuon ang kursong ito sa makrokasanayang pagbasa at pagsulat, gamit ang mga makabuluhang pa nanaliksik sa wikang Filipino, bilang lunsaran ng pagsasagawa ng pananaliksik (mula sa pangangalap ng datos at pagsulat ng borador ng pananaliksik hanggang sa publikasyon at/o presentasyon nito) na nakaugat sa mga suliranin at realidad ng mga komunidad ng mga mamamayan sa bansa at maging sa komunidad ng mga Pilipino sa iba pang bansa. Saklaw rin ng kursong ito ang paglinang sa kasanayang pagsasalita, partikular sa presentasyon ng pananaliksik sa iba’t ibang porma at venue.
Pamagat ng Kurso: SINESOSYEDAD/PELIKULANG PANLIPUNAN (SINESOS) Bilang ng Yunit: 3 yunit Deskripsyon ng Kurso: Ang SINESOS ay kurso sa Panitikan na nakatuon sa paglinang sa kasanayan sa kritikal na panonood at komparatibong pagsusuri ng mga pelikulang makabuluhan sa konteksto ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng dulog na tematiko ay inaasahang masasaklaw ng kurso ang mga paksang makabuluhan sa pag-unawa ng kontemporaryong lipunang lokal, nasyonal at internasyonal, alinsunod sa pagtanaw sa panitikan bilang transpormatibong pwersa.