la lluna la pruna vestida de dol son pare la mira sa mare no la vol.Descripción completa
Essay regarding the movie entitled "Heneral Luna". Story of betrayal, patriotism and heroism.
La menstruación es un tiempo sagrado que nuestra cultura no honra. La información menstrual es reflexiva e intuitiva. Nos la transmiten lo sueños, emociones y anhelos. Cuando bloqueamos cont…Descripción completa
Descripción: asasasas
Descripción completa
Tecnicas de seduccionDescripción completa
Descripción: armonia bicordal
asdasdFull description
Descripción: Expediente técnico para proponer la creación del área de conservación regional Huaca Luna, provincia de Ilo, Moquegua-Perú.
derecho civil 2 obligacipnesDescripción completa
A great book!
Pequeña versión de tres espejos: Tiene 26 páginas
Antonio N. Luna (1866-1899)
Ipinanganak si Antonio Luna noong Oktubre 29, 1866 sa Urbiztondo, Binondo, Maynila. Sia ay isang parmasyotikong dinakip at ipinatapon ng mga Espanyol sa Spain. Sumanib siya sa Kilusang Propaganda at nag-ambag ng kanyang mga akda sa La Solidaridad. Ang karamihan ng kanyang mga akda ay naglalaman ng pagtuligsa sa pamamalakad ng simbahan at pamahalaang Espanyol. Ang iba naman ay may paksang natungkol sa kaugalian ng mga Pilipino. Pinamatnugutan niya ang pahayagang La Independencia, ang pahayagan ng mga manghihimagsik at ng unang Republika ng Pilipinas. Nakilala siya sa sagisag-panulat na Taga-ilog. Nag-aral siya ng kaalamang panghukbo at nagpakadalubhasa sa paghawak ng mga sandata. Hinirang siyang heneral ni Emilio Aguinaldo nang sumiklab ang digmaang Pilipino-Amerikano. Noong ika-5 ng Hunyo, 1899 sa gulang na 33 ay pinaslang siya sa Cabanatuan, Nueva Ecija, dahil umano sa kanyang kahusayan ngunit mahigpit na disiplina sa mga sundalo at mga sibilyan na lumalabag sa mga batas. Kilala rin siya sa katapangan at dagliang pag-iinit ng ulo, kung kayat marami ang nagagalit sa kanya.
Ilan sa kanyang akda ay ang sumusnod: 1. N o c h e B u e n a . Naglalarawan ng tunay na buhay ng mga Pilipino. 2. P o r M a d r i d . Tumutuligsa sa mga Espanyol na nagsasabing ang Pilipinas ay lalawigan ng Spain. 3. Se Divierten (Naglilibang Sila). Isang pagpuna sa sayaw ng mga Espanyol na halos di maraanang sinulid ang pagitan ng mga nagsisipagsayaw. 4. I m p r e s i o n e s . Ito’y isang paglalarawan ng isang mag-aaral na naulila sa amang kawal. 5. L a C a s a d e H u e s p e d e s . Naglalarawan ng isang pangaserahan na ang kasera’y naghahanap ng mangangasera hindi upang kumita, kundi upang humanap ng mapapangasawa ang kanyang anak. 6. L a T e r t u l i a F i l ip i n o . Naglalahad
ng kaugaliang Pilipino na ipinapalagay niyang lalong mabuti kaysa sa kaugaliang Espanyol.