Ang mga Buod ng bawat Kabanata ng
Isinumite ni:
Payumo, Miko W. G9-Faraday
Isinumite kay:
Bb.Rose Ann Davin Arante
1: Ang pagtitipon Isang pagtitipon an idinaos ni Kapitan Tiyago sa kanilang tahanan sa Daang Anloague sa Binundok. Marami ang dumalo.
2: Si Crisostomo Ibarra Dumating si Kapitang Tiyago na hawak ang isang lalaking nakaluksa ang kasuotan, siya’y si Juan Crisostomo Ibarra.
3: Ang Hapunan Bilang pasasalamat sa Mahal n Birhen sa pagdating ni Ibarra, Isang hapunan ang ibinigay ni Kapitan Tiyago. Sa hapag-kainan, minsan pang minaliitni Padr e Damaso si Ibarra.
4: Erehe at Pilibustero Nalaman ni Ibarra ang sinapit ng kaniyang ama si Don Rafael, na s kabila ng kayamanan at karangalan lihim na kaaway na mga Espanyol at prayle.
5: Pangarap sa Gabing Madilim Mula sa silid ni Ibarra sa Fonda de Lala, matatana ang kasayahan sa tahanan sa ibayo ng ilog. Ngunit ang kasayahang iyonat maging si Maria Clara ay hindi pansin ni Ibarra.
6: Si Kapitan Tiyago Kung si Don Rafael ang pinakamayaman sa San Diego, Si Kapitan Tiyago naman ang sa Binundok. Kasundo siya ng Diyos, ng pamahalaan, at ng mga tao.
7: Pag-uusap sa Asotea Pagkaraan ng pitong taong paghihiwalay muling nagkita ang magkababata’t magkasitahang Ibarra at Maria Clara.
8: Mga Gunita Maraming nahihimlay na alaala ang muling nanariwa sa gunita ni Ibarra nang magdaan ang kaniyang sasakyan sa isang arable ng Maynila.
9: Mga Bagay-bagay Ukol sa Bayan Napayapa ang damdamin at isipan ni Maria Clara nang ipag-utos ni Kapitan Tiyago na magsindi ng dalawang kandila sa mga pintakasi ng mga manlalakbay para sa maluwalhating paglalakbay ni Ibarra patungong San Diego.
10: Ang Bayan ng San Diego Maganda ang kasayayan ng San Diego. Sa gitna ng kabukiran ay may isang gubat na naibigan a binili ng isang matandang espanyol. Hindi naglaon, ang gubat a nabalotan alamat at kinatatakutan.
11: Ang mga Makapangyarihan Dalawang pangkat ang may hawak ng kapangyarihan sa sa bayan ng San Diego. Ang unang pangkat ay pinamumunuan ng Alperes ng mga guardia civil at ang ikalawa ay ang ikalawa ay ang pinamumunuan ng Kura Paroko ng simbahan. Nais mangibabaw ang kapangyarihan ng bawat isa kaya kung ano-ano ang naiisip na paraan upang makapaghiganti sa bawat isa.
12: Araw ng mga Patay Ang libingan ng San Diego ay nasa dakong kanluran sa gitna ng mga palayan. Sa may pagpasokn libingan, may dalawang sepulturero na naghuhukay at naguusap. Sa kanilang pag-uusap, naihayag nila ang katiwaliang nangyari sa libingan.
13: Mga babala ng Sigwa Hindi na nakita pa ni Ibarra ang libingan ng kaniyang ama sapagkat ipinahukay na ito ng kurang malaki. Parang walang sa sarili ang binata ng lumakad pauwi sa kaniyang bahay nang masalubong ang Kura ng San Diego, si Padre Salvi.
14: Si Pilosopo Tasyo Si Don Anastacio ay nakikitang naglilibot sa mga lansangan sa mga lansangan walang tiyak na paroroonan. Kilala siya sa tawag na Pilosopo Tasyo at baliw.
15: Ang mga Sakristan Ang magkapatid na sakristan ay sina Basilio at Crispin. Si Crispin, ang bunso, ay pinagbibintangan nagnakaw ng dalawang onsa sa simbahan kaya ayaw pauwiin hangga’t hindi niya ito inilitaw. Si Basilio, ang panganay, ay minultahan dahil sa paputol-putol nf pagtugtog ng batingaw kaya hindi kaya hindi mkakauwi ikawalo ng gabi a sa halip ay sa ikasampu ng gabi.
16: Si Sisa Mababakas pa rin sa mukha ni Sisa ang kaniyang kagandahang noong kabataan niya. Isa siyang mapagmahal na ina nina Basilio at Crispin subalit walang suwerte sa lalaking kaniyang napangasawa.
17: Si Basilio Isang mapagmahal na anak at kapatid si Basilio. Nang gabing iyon, ipinagtapat niya sa kaniyangina na ayaw na niyang magsakristan. Inilahad niya sa ina ang mga balak niya para sa kanilang mag-iina na hindi kasam ang ama.
18: Mga Kaluluwang Nagdurusa Nagtungo si Sisa sa kumbento upang makasap ang kura at makita ang anak na si Crispin. Subalit may sakit ang Kura at wala roon ang anak. Ayon sa isang utusan, si Crispin ay nagtanan din pagkatapos nitong magnakaw sa kumbento.
19: Mga Karanasan ng Isang Guro Nag-usap si Ibarra at ang guro. Nalaman ni Ibarra kung saan nalibing ang kaniyang ama at ang karanasan at ang mga naging karanasan at mga suliranin ng Guro sa pagtuturo sa San Diego. Sa kabila ng mga paglait at pag-alipusta n Kura sa Guro, nagtiis siya at hindi umalis sa paaralan.
20: Ang Pulong Tribunal Nagkaroon ng pulong sa tribunal upang pag-usapan ang piyesta ng San Diego. Nawalang-saysay ang mainit na pagtatalo para sa karapat-dapat na mungkahi sapagkat iba ang gusto ng Kura na siyang dapat masunod.
21: Kasaysayan ng Isang Ina Sa labis na paghihirap ng loob at masidhing pag-aalala sa mg anak, ang isipan ni Sisa’y lubhang naligalig. Kinabukasan, nakita na lamang siyang pagala-gala, ngumingiti-ngiti, umaawit, at kinakausap ang lahat ng nilalang ng kalikasan. Ang kaawa-awang si Sisa ay nabaliw.
22: Mga Liwanag at Dilim Nagkaroon anas-anasan sa mga pagbabagong nakikita kay Padre Salvi. Bumalik namansi Ibarra sa bahay nina Maria Clara pagkaraan ng ikatlong araw. Ibinalita ni Ibarra na matutupad na kinbukasan ang ipinangako niyang piyestang pambukid.
23: Ang Pangingisda Masayang nagkita-kita ang mga dalaga’t binate sa piyestng pambukid ni Ibarra. Sumakay sila sa dalawang malaking bangkang magkakabit. Nagtungo sila sa unang baklad upang kumuha ng mga isdang kanilan lulutuin. Gayon na lamng ang pagtataka nila nang walang isda ang baklad.
24: Sa Gubat Idinaos ang piyestang pambukid ni Ibarra. Dumating ang kura habangnaglalakad sa batis sina Maria Clara. Nakinig siya sa pinag-uusapan ng mga dalaga. Nang magkita ang Kura at Alperes, ang pag-uusap nila’y nauwi sa pagtatalo. Habang naglalaro ng ahedres sina Kapitan Basilio at Ibarra, isang telegrama ang tinangggap ni Ibarra.
25: Sa Bahay ng Pilosopo Pagkatapos dumalaw sa kaniyang mga lupain, si Ibarra’y nagsadya sa bahay ni Pilosopo Tasyo upang humingi ng payo hinggil sa pagpapatayo niya sa paaralan. Gaya ng inaasahan, binigyan siya ng mga payo ni Pilosopo Tasyo. Noong una, parang hindi matanggap ni Ibarra ang mga ito subalit napahinuhod din siya.
26: Bisperas ng Piyesta Abalang-abala ang mga taga-San Diego sa paghahanda para sa piyesta. Ang mga daan ay nagagayakan ng mga arkong kawayan. Kaalinsay ng piyesta ay ang paghahanda sa paglalagay ng unang bato sa itinayong paaralan.
27: Sa Pagtatakipsilim Inanyayahang mamasyal ng mga kaibigang dalaga si Maria Clara. Kasama nila si Ibarra. Sa liwasan, naawa si Maria Clara sa ketongin. Inilagay niya sa bakol nito ang mga agnos na kabibigay pa lamang ng kaniyang ama.
28: Ilang Sulat Ang pagdararaos ng piyesta ng San Dieso ay inilathala sa isang kilalang pahayagan sa Maynila. Isang liham ang ipinadala ni Kapitan Manuel Aristorenas kay Luis Chiquito. Samantala, tumanggap naman ng liham si Ibarra mua kay Maria Clara.
29: Ang Umaga Idinaos ang prusisyon ng ika-8:30 ng umaga ng piyesta. Pawang nakaabitong ginggon ang umiilaw sa prusisyon. Si Padre Salvi ang nasa ilalim ng palyo. Nang matapat ito sa bahay ni Kapitan Tiyago, sandal itong tumigil. Si Padre Salvi’y tumanaw sa may bintana nito subalit hindi nagpakita ng pagkilala sa mga taong nasa bintana.
30: Sa Simbahan Dumating na ang hinihintay ng lahat.. ang sermon na binarayan ng dalawang daan at limamung piso pinangunahan ni Padre Damso ag ikalawang sakristanat isang prayle na may hawak ng maikling kuwarderno. Sa pulpito, napakindat I Padre Damaso nang makita si Ibarra at tinapunan ng nanlilibak ng tingin si Padre Martin.
31: Ang Sermon Nagsimula na kahanga-hanga ang sermon ni Padre Damaso at nagwakas na kabagotbagot. Kayrami ng kaniyang panasaringan at hindi nakaligtas si Ibarra. Habang patuloy ang misa, isang lalaki ang lumapit ay Ibarra. Ito ay si Ellias.
32: Ang Panghugos Nailigtas ni Ellias si Ibarra sa tiyak na kamatayan sa pagbagsak ng panulukang bato. Sa halip, ang Taong Madilaw ang namatay. Umuwi si Ibarra upang magbihis. Hindi nagtagal,dumating si Ellias.
33: Malayang Isipan Dumalaw si Ellias sa bahay ni Ibarra na ikinahiya ng huli. Pinaalalahan niyang muli si Ibarra na mag-ingat sa mgakaaway. Sa pag-uusap ni Elllias at Ibarra. Labis na hinangaan ni Ibarra si Ellias sa mga kaisipang ipinahayag ng binate.
34: Ang Pananghalian Hindi pinatulan ni Ibarra ang mga parunggit n Padre Damaso sa kaniya. Ngunit nang hamakin ng prayle ang alaala ni Don Rafael, nawalan ng pagtitimpi ang binata. Sinunggaban niya si Padre Damaso at inamban ng kutsilyo. Naawa lamang sila dahil kay Maria Clara.
35: Mga Kuro-kuro Iba’t-ibang balita ang kumalat sa pagtatangka ni Ibarra ni Padre Damaso. May umaayon sa ginawa ni Ibarra; mayroon namang hindi. May mga nagpalagay na hindi matutuloy ang pagtatayo ng paaralan.
36: Ang Unang Panganorin Nilapatan ng excomunion si Ibarra dahil sa tangkan pagpatay kay padre damaso. Pati si Kapitan Tiyago ay magiging excomulgado kung hindi niya sisirain ang kasunduan ng kasal nina Maria Clara at Ibara. Ni hindi na maaaring kausapin ng binata si Maria Clara.
37: Ang Kapitan Heneral Magaan ang loob ng Kapitan-Heneral kina Maria Clara at Ibarra. Nagpasalamat ang Kapitan-Heneral kay Maria Clra dahil sa pagkakapigil nit okay Ibarra sa tangkang pagpatay kay Padre Damaso. Hinangaan naman ng Kapita-Heneral si Ibarra sa mga pahayag ng binata na nagpapahiwatig ng katalinuhan, pagkamakabayan, at pagkamapagkumbaba. Ngunit hinayang na hinayang ang Kapitan-Heneral kay Ibarra.
38: Ang Prusisyon. Sa prusisyon, kapansin-pansin ang diskriminasyon ng mga prayle. Ang mga paborito nilang santo ay magra ang kasuotan at ang gayak ng karo ay naiilawang mabuti. Sumama sa prusisyon ang matataas na pinuno at kilalang mamamayan. Ang iba ay nag-abang sa bintana ng kanilang bahay.
39: Si Donya Consolacion Lahat ay nagsasaya sa araw ng piyesta ng San Dieso maliban ka Donya Consolacion. Pinagbawalan siya ng Alperes na lumabas dahil sa nakakahiyang anyo at pag-uugali. Ang napagbuntungan ng Donya ng galit kay Sisa na noon ay nakakulong sa bahay ng Alperes.
40: Ang Karapatan at ang Lakas Naging maranya ang pagdiriwang ng araw ng piyesta ng San Diego. May misa at sermon sa araw, may prusisyon sa gabi, may mga paputok at mga kuwitis na sarisaring hugis at kulay. Nagkaroon ng pagtatanghal at dito nagmula ang kaguluhan.
41: Dalawang Panauhin Nagkaroon ng dalawang panauhin s Ibarra—sina Ellias at Lucas na magkaiba ang pakay. Si Ellias, upang sabihing magtutungo siya sa Batangan at ibininalitang may sakit si Maria Clara; Si Lucas, upang humingi ng kabayaran sa pagkamatay ng taong madilaw na kaniyang kapatid. Si Maria Clara man ay may tatlong panauhin.
42: Ang Mag-asawang de Espadanya Tumuloy kina Kapitan Tiyago ang mag-asawang Don Tiburcio at Donya Victorina de Espadanya upang gamutin si Maria Clara. Kasama nila sa Linares, ang binatang pamangkin ni Don Tiburcio.
43: Mga Panukala May kaniya-kaniyang balak sina Padre Damaso, Padre Salvi, at Lucas—mga balak na pawang magdudulot ng kapighatian sa magkasintahang Ibarra at Maria Clara. Dahil sa tindi ng suliranin nagkasakit ang dalaga.
44: Paggugunam-gunam ng Kasalanan Lahat ay gingawa ng mga namamahal kay Maria Clara upang siya ay gumaling. Ipinadoktor, ipinagmisa, ipinagtulos ng kandila, at higit sa lahat, ipinagkumpisal at hinatdan ng viatico. Kay Ellias nabalitaan ni Ibarra na nagkasakit si Maria Clara ng minsan dumalaw ag piloto upang ipaalam ang pagtungo niya sa Batangan.
45: Ang mga Pinag-uusig Nagsadya sa kabundukan ng Batangan si Ellias upang makipagkita kay Kapitan Pablo, isa sa mga pinag-uusig ng pamahalaan. Ibig ni Ellias na iwan na ng matanda. Ang pamumundok, sumama sa kaniya hilaga, at magsama sila parang mag-ama. Sinabi niya sa Kapitan na may kaibigan siyang mayaman at kaibigan ng KapitanHeneral, si Ibarra. Sinabi niyang makatutulong ang binata sa pagpaparating sa Madrid ng kanilnang mga karaingan.
46: Ang Sabungan Sa Pilipinas, ng Linggo ng hapon ay ginugol sa sabungan. Sa pagsasabong, may nabibigyan ng katuwan o kalungkutan, ng kasaganaan o kagutuman. Sa sabungan may namumuong pakana na si Ibarra raw ang namumuno sa paglusob sa kuwartel ayon kay Lucas.
47: Ang Dalawang Senyora Nag-away sin Donya Victorina at Donya Consolacion. Sa pag-aaway ng dalawang donya, nadamay sina Don Tiburcio, Linares, at ang Alperes. Ibig ni Donya Victorina na hamunin ng kaniyang asawa o ni Linares ng barilan o sable ang Alperes. Kung hindi susunod si Linares ibubunyag ng Donya kung sino talaga ang binata. Noon naman natuklasan ni Maria Clara na siya pala’y ipinagkasundo kay Linares.
48: Ang Talinghaga Dumating kinabuksan si Ibarra kina Kapitan Tiyago na ibalita na siya’y hindi na excomulgado. May dala siyang sulat ng arsobispo para sa kura. Nadatnan niya si Maria Clarang nakaupo sa balkonahe habeng nmimitas ng rosas at sampaga si Linares. Namula si Maria Clara at namutla si Linares ng makita nila si Ibarra. Nang siya’y umalis, ang puso ni Ibarra’y ginutay ng pag-aalinlangan.
49: Tinig ng mga Pinag-uusig Habang namamangaka sa lawa, inilahad ni Ellias kay Ibarra ang mga karaingan ng mga pinag-uusig. Sinabi ni Ibarra na hindi kailangan ang pagbabago, na ang mga guardia civil ay kailnangan ng pamahalaan at ang kasarian ng korporasyon ng mga prayle ay isang masamang kailangan.
50: Ang kaanak ni Ellias Matapos ni isalaysay ni Ellias ang kaniyang buhay kay Ibarra, muli iyag inungkat sa mga pagbabagong hinihiningi ng mga pinag-uusig ngun atiba paniniwala ni Ibarra na ang sama ay hindi magagamot ng kapwa sama. Bago umalis si Ellias, may ipinagbilin siya kay Ibarra.
51: Mga Pagbabago Labis na nabalisa si Linares sa tinatanggap na sulat mula kay Donya Victorina. Dumating bahay ni Kapitan Tiyago si Padre Salvi at sinabing hindi na excomulcado si Ibarra. Buong lugod na sinalubong at kinamayan ng kura si Ibarra na lubha nitong ikinamagha. Makausap ni Ibarra si Sinang pinakiusapan niya itong sabihin kay Maria Clara a gusto niyang makausap ng sarilinan ang dalaga.
52: Ang Baraha ng mga Patay at ang mga Anino Tatlong anino ang nasa libingan upang hintayin si Lucas na magbibigay sa kanila ng sandata sa paglusob nila sa kumbento at sa kuwartel. Sa kanilang paglusob, ang sisigaw nila’y, “Mabuhay si Ginooong Crisostomo Ibarra”. Dumating si Ellias na nagmamanman kay Lucas. Umalis siya ng matalo sa pagsusugal nilang dalawa.
53: Ang Mabuting Araw ay Nakikilala sa Umaga Ayon kay Pilosopo Tasyo, ang puno ay dapat manatili sa kaniyang tungkulin sa panahon ng digmaan ngayon nag-iisa na si Don Filipo, wala siyang magagawa para sa bayan. Ang mga kabataan na dapat asahan ay maraming kapintasang taglay.
54: Lahat ng Lihim ay Nabubunyag Natuklasan ng Alperes sa pamamagitan ng kura ang pag-aalsa sa ikawalo ng gabing iyon. Isang babae ang nagtapat nito sa Kura. Habang pinaplano ng dalawang makapangyarihan ang gagawin sa pagdakip sa mga mag-aalsa, si Ellias naman ay nagtungo sa bahay ni Ibarra upang ibalita ang natukasang pakana laban sa binta.
55: Ang Pagkakagulo Ika-8 ng gabi nang magsimula ang kaguluhan. Nang manauli ang katahimikan, namumutlang nanaog ang Kura na sinundo ng Alperes sa tahanan ni Kapitan Tiyago. Nanaog narin si Ibarra. Nagmamadaling umuw ng bahay ang binate naghahanda siya sa pagtakas nang dumating ang mga guardia civil upang siya’y dakpin at dalhin sa kuwartel. Samantala, ang mga putok ay nagpanumbalik sa katinuan ng isip ni Ellias. Nagmadali siyang bumalik sa bayan at pumunta sa tahanan ni Ibarra.
56: Mga Sabi-sabi at Pala-palagay Lumikha ng iba’t ibang palagay ang nangyaring kagulahan. Isang utusang babae ang nagbalita na nakita nitong nakabitin ang bangkay ni Lucas sa isang puno sa bakuran ng isang kapitbahay. Isang lalaking tila isang tagabukid ang lumapi sa bangkay ni Lucas at pagkatapos ay nagtungo sa kumbento.
57: Vae Victics ( Sa Aba ng mga Natalo ) Nilitis ng Alperes ang dalawang bilanggo sa harap ni padre Salvi. Ipinakita niya ang mga bangkay ng mga nagsipag-alsa tulad ni Pedrong asawa ni Sisa, ni Bruno, kapatid ni Tarsilo, at ni Lucas na may tali sa leeg. Nanatiling hindi kumikibo si Tarsilo kaya iniutos ng Alperes na siya’y igapos sa bangko at paluin. Nang hindi parin ito umimik, iniutos ng Alperes na timbain si Tarsilo hanggang sa mamatay, si Tarsilo’y hind nagsalita.
58: Ang Isinumpa Nang ilabas ang bilanggo upamng dalhin sa pangulong-bayan, lahat sila’y may gapos matangi kay Ibarra. Kahit pilit siyang nagpalagay ng gapos, hindi nabawas ang galit nito ng mga ito. Sinigawan, isinumpa, at inulin si Ibarra ng bato at buhangin. Isa mang kaibigan ay wala siyang nakita.
59: Pag-ibig sa Bayan at Kapakanang Sarili Nang mapabalita sa Maynila ang nangyaring pag-aalsa, nagkaroon ito ng iban anyo, hugis, at kahulugan. Nabalitang pagkakalooban ng mitra si Padre Salvi. Pagkaligalig at pagkatakot naman ang namayani kay Kapitang Tino. Sa payo ni Don Primitivo, isang singsing ang ineregalo ni Kapitana Tinchang sa Kapitan-Heneral. Nang malaman ito ng isang lalaking pingkok pagtitipon sa Intramuros, ito’ nagdahilan at nanaog. Pakagkaraan ng dalawang oras, isa si Kapitang Tinong a tumagga ng paanyaya ng matulog sa Fuerza de Santiago.
60: Ikakasal si Maria Clara Ikakasal si Maria Clara kay Linares sa lalong madaling pahahon gaya ng napagkasunduan nina Kapitan Tiyago at Donya Vicorina ia ibang naririnig ni Maria Clara hinggil sa kaniya at kay Ibarra na labis nakasakit ng kaniyang damdamin. Nang tahimik na ang lahat, lumabas siya sa asoteya at tumanaw sa ilog. Ilang sandalipa, isang Bangka ang huminto sa sadsaran ng bahay ni Kapitan Tiyago. Isa sa dalawang lulan nito ang umakyat sa kinaroroonan ng dalaga.
61: Ang Pamamaril Sa Lawa Sa pagtakas, naparaan sa tapat ng palasyo ng Kapitan-Heneral sina Ibarra. Natuklasan na ang pagtakas ng binata. Pumasok si Elias sa Ilog Beata upang akalain taga-penyafrancia siya. Nang makarating sila sa lawa, nabanaagan ni Elias ang palwa kaya pinahiga niya sa Bangka ngunit may sumulpot na isa pang palw . Ipinihit ni Elias ang Bangka patungong Pulo ng Talim.
62: Ang Pagpapaliwanag ni Padre Damaso Ang balitang nalunod si Ibarra’y tuluyang pumaram sa pagnanais ni Maria Clara na makibaka, maghintay, at magtiwala. Sa pagdadalamhati ng dalaga, ipinagtapat ni Padre Damaso ang dahilan ng pag-ayaw kay Ibarra. Para sa dalaga, ngayong wala na ang binate, ang tanging nalalabi sa kaniya ay ang kumbento o ang kamatayan.
63: Ang Noche Buena Muling nagkatagpo ang mag-inang Sisa at Basilio, subalit anong sakit nang pagkikita. Kung kalian naging malinaw na ang pag-iisip ni Sisa at nakilala na ang anak na si Basilio, saka naman siya pinanawan ng buhay. Si Ellias man ay binawian din ng buhay na hindi namasdan ang pagsikat ng araw sa kaniyang bayan.
64: Katapusan Di naglaon nabawian din ng buhay si Padre Damaso. Si Kapitan Tiyago naman ay tila nagbago naging gusto niyang mapag isa, panlulumo, nangangayayat, naging mapagisip, at nawalan ng tiwala kaninuman.