anekdota compiled by: aprilmbagon-faeldan mindoro state college of agriculture and technology
Tax DigestFull description
ISANG ANEKDOTA NA NAGBABAHAGI NG ARAL UKOL SA IMPORTANSYA NG PAGKAIN NG ALMUSALFull description
AnekdotaFull description
Sami Frashëri - Anekdota
...Description complète
Descripción completa
Descripción completa
Descripción: “Mejor que decir es hacer y mejor que prometer es realizar”, reza la máxima Justicialista. Los gobiernos cipayos o gorilas mucho han dicho, mientras que lo que han hecho, poco feliz ha sido para lo...
Ramon RecuerdaDescripción completa
Full description
Descripción completa
Descripción completa
Full description
Anekdota ni Ramon Magsaysay
Si Ramón' '"Monching" del Fierro Magsaysay (31 Agosto 1907 – 17 Marso 1957) ay ang ikapitong Pangulo ngRepublika ng Pilipinas (30 Disyembre 1953-17 Marso 1957), na nagsilbi hanggang sa kanyang kamatayan sa di sinadyang pagbagsak ng eroplanong kanyang sinasakyan. Siya ay isinilang sa Castillejos, Zambales noong ika-31 ng Agosto, 1907 kina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro. Nag-aral siya sa Pamantasan ng Pilipinas at sa Jose Rizal College (na ngayon ay kilalang Pamantasang Jose Rizal). Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors noong panahong bago magdigmaan. Nang bumagsak ang Bataan, inorganisa niya ang "Pwersang Gerilya sa Kanlurang Luzon" at pinalaya ng puwersang Amerikano at Pilipino ang Zambales noong 26 Enero 1945. Noong 1950, bilang kalihim ng Pagtatanggol, kaniyang binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap. Pinigil niya ang panganib na binabalak ng Pulahang Komunista at naging napakatanyag sa mamamayan. Noong eleksiyon ng 1953, tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng Pangatlong Republika ng Pilipinas. Ang kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia. Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinakamahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Hukbalahap o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya". Siya ay tinawag na "Kampeon ng mga Masa" at ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng mga mamamayan sa pamahalaan. Winakasan niya ang korupsiyon sa pamahalaan at pinatalsik ang mga inkompetenteng heneral. Nagwakas ang kanyang pamamahala nang mamatay siya dahil sa pagbagsak ng eroplanong kanyang sinasakyan(Mt. Pinatubo) sa Bundok Manunggal sa Balamban, Cebu noong 17 Marso 1957.