KABANATA I
1
PANIMULA
Isa sa pinakamalaking suliranin na kinakaharap ng ating bansa ngayon ay ang kahirapan. Kaugnay nito ang pagdami ng pamliyang naparaming miyembro ngunit di kayang tustusan ang pangangailangan ng bawat isa. Lingid din sa ating mga kaalaman na napakarami ng kabataan ngayon ang nakararanas ng tinatawag nating “pre -marital sex” at dumadami rin ang bilang ng “unwanted pregnancy” o di inaasahang pagbubuntis sa edad 16 at pababa. Kakulangan sa payo at pag-aalaga ng magulang ang naging dahilan kaya maraming kabataan ang nabubuntis ngayon. Maaari rin na maging kadahilanan ang impluwensya ng ibang tao at kakulangan sa edukasyon kaya ito ang nag udyok sa ating mga mambabatas na ipatupad ang RH Bill. Ang RH Bill o Responsib Responsible le Parenthood Parenthood and Reproductive Reproductive Health Health Act of 2012 (Republic Act No. 10354) na tinatawag din na Reproductive Health Law ay isang batas na naglalantad ng pagdami ng populasyon ng ating bansa. Sa pamamaraan ng paggamit ng mga “contraceptives” tulad ng condoms, pa g-inom ng pills at pagturok ng injectibles upang maiwasan ang di-inaasahang pagbubuntis at maaaring mabawasan ang pagdami ng populasyon ng Pilipinas sa susunod na mga taon. Nakapaloob din sa batas na ito ang pagkontrol ng “fertility rate”. Ang sakop din ng batas na ito ang pagkakaroon ng “Responsible Parenthood” na magtutulak sa mga magulang na gampanan ang kanilang mga gampanin upang magabayan ang kanilang mga anak pagdating sa usaping pagtatalik. Marami man ang tutol sa pagpapatupad ng batas na ito, naging matatag ang pamahalaan upang ipagpatuloy ang tagumpay ng batas na ito. Malinis ang layunin ng batas na ito at ito ay magpapatuloy nang walang natatapakan at nasisirang buhay. 2
Kaligirang Kasaysayan
Sa paglipas ng panahon nagbabago ang pananaw sa buhay ng bawat tao. Sa iba‟t ibang henerasyon, iba‟t ibang kultura ang ipinapasa. Halimbawa nalang ng paraan ng panliligaw, kung dati ay kailangan pang pumunta sa tahanan ng babae ang lalaki para manligaw ngunit ngayon, ang panliligaw ay idinadaan na lamang sa text. Noong dating panahon, ang pagtatalik ay isinasagawa lamang pagkatapos maikasal ang magkasintahan. Sa panahon ngayon, ang pagtatalik ay isinasagawa na lamang bilang pangkaraniwang gawain ng magkasintahan. Kumakalat na rin ngayon ang mga “sexually transmitted diseases” tulad ng AIDS at HIV. Katulad ng tipikal na pamilyang Pilipino, paminsan minsan lang sa pamilya na matatalakay ang isyu tungkol sa pakikipagtalik. Malaki ang pakinabang ng payo ng ama o ina upang ang kanilang mga anak ay mamulat sa tunay na ibig sabihin ng pakikipagtalik. Naiimpluwensyahan ngayon lalo na ang mga kabataan dahil sa kanilang mga napapanuod sa telebisyon at pelikula ng mga banyagang bansa at ito ang naguudyok sa kanila na subukan ang pakikipagtalik. Naipatupad ang RH Bill upang tulungan ang bawat Pilipino sa mga pangunahing suliranin tulad ng pagdami ng populasyon, “unwanted pregnancy” at pagkalat ng “sexually transmitted diseases.” Ayon sa isang Obispo na nagunguna sa pagtutol ng pagpapatupad ng Reproductive Health Law, di raw sapat ang kaalaman ng mga Pilipino upang maintindihan ang tunay na ibig sabihin ng batas na ito. Pero ayon sa isang senador, ang batas daw na ito ang nagtuturo sa mga Pilipino ng kaalaman at tamang disiplina upang ang tunay na layunin ng batas na ito ay maisakatuparan.
3
Balangkas Teoretikal
Ang maselang maselang pagtalakay pagtalakay sa usaping Reproductive Reproductive Health Health bill (RH (RH bill) bill) ay kinapapalooban ng iba‟t ibang teorya na siyang dahilan ng pagkakaiba‟t iba ng mga desisyon at antas ng pagsang-ayon. Katulad ng Kristiyanismo, na ang paglalang sa buhay ay hindi dapat minamanipula o pinapakialaman sapagkat ito ay biyaya, ayon sa panig ng mga humindi. Ayon naman sa panig ng mga sumang-ayon, talagang lumolobo na ang bahagdan ng ating populasyon na siyang sanhi ng kahirapan at kakulangan sa mga pangunahing pangangailangang kinahaharap ng bansa.
Balangkas Konseptual
4
Paglalahad ng suliranin
1. Paanong ang RH bill ay makakaapekto sa moralidad ng mga tao?
2. Magtutulak ba ito sa mga kabataan upang lumahok sa “Pre -marital sex”? 3. Paanong ang batas na ito ay nayuyurakan ang pagkatao ng mga kababaihan? 4. Sa paanong paraan ang batas na ito ay makakatulong sa pagbaba ng population rate? 5. Sa kabuuan, paano ito makakatulong sa pambansang pag-unlad?
Haypotesis
1.) Walang kinalaman ang edad sa pagtutol o pagsang-ayon sa pagpapatupad ng RH bill. 2.) Walang kinalaman ang batas na ito sa pagbaba ng pagkatao ng mga kababaihan. 3.) Walang tuwirang kontrol ang batas na ito sa pakikilahok ng kabataan sa ”Pre -
marital sex”
5
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay umaasang makatutulong na maipabatid sa mga tao ang tunay na ibig sabihin ng batas na ito. Nararapat lang na mayroon tayong sapat na kaalaman upang maunawaan ang tunay na ibig sabihin ng batas na ito. Kung makatutulong ba ang pagpapatupad nito at kung anu-ano ang maaaring maging epekto nito sa ating mga kabataan at maging sa lahat ng mamamayan nang sa gayon mabatid natin ang ating dapat gawin. Ang pag-aaral na ito ay naghahangad ng positibong epekto para sa lahat na dapat ay mayroong malawak na pananaw sa mga bagay-bagay lalo na ang pagpapahalaga ng buhay.
6
Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa “Reproductive Health Bill: “Problema o Solusyon?”. Ang epekto nito ay makakapagpamulat sa kabataan kung ano ang ibig sabihin ng pakikipagtalik. Sakop nito ang paggamit ng condoms at birth control pills. Saklaw din nito ang mga katanungang kaugnay sa aming pag-aaral tulad ng: 1. Pabor ba ang mga tao sa pagpapatupad ng RH Bill. 2. Makatutulong ba ang RH Bill sa pag-unlad ng moral ng mamamayang Pilipino. 3. Epekto ng pagpapatupad ng RH Bill sa kabataang Pilipino. 4. Kung ito ba ay makabubuting mapag-usapan sa pagitan ng anak at magulang ang isyu sa pakikipagtalik. 5. Kung ito ba ay makatutulong sa pagbuo ng relasyon sa pagitan ng bawat miyembro ng pamilya. 6. Kung sinu-sino ang magiging benepisyaryo sa pagpapatupad ng RH Bill. 7. Natatapakan ba ng batas na ito ang pagkatao ng mga kababaihan. 8. Naniniwala ba ang mga tao na makakabawas ng populasyon ng bansa sa lilipas na mga taon matapos ang pagpapatupad ng RH Bill. 9. Pabor ba ang mga mamamayang Pilipino sa panghihimasok ng Simbahang Katoliko sa pagpapatupad ng RH Bill. 10. Sapat na ba ang kaalaman ng maraming Pilipino upang maintindihan ang tunay na ibig sabihin ng batas na ito. 7
Katuturan ng mga Salitang Ginamit
1. Pre-marital sex – ito ang pagtatalik na isinasagawa ng magkasintahan na hindi
pa naikakasal. 2. Pakikipagtalik – pisikal na gawain na susi sa pagbuo ng buhay. 3. Moral – paniniwala sa kung ano ang tama at mali. 4. Fertility control – pagpigil sa pagdami ng pag-aanak. 5. Economic Uplift – pag-unlad o pagtaas ng ekonomiya 6. Contraceptives – ito ang tawag sa ginagamit ng babae at lalaki sa upang
maiwasan ang pagbunga ng kanilang pagtatalik. 7. Sexually Transmitted Diseases - sakit o karamdaman na nakukuha
sa pakikipagtalik.
8. Unwanted pregnancy – hindi inaasahang pagbubuntis.
8
KABANATA II
9
Lokal na literatura at pag-aaral
Ang “Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012” (Republic Act no.) ay isang batas na tumatalakay sa kontrasepsyon, “fertility control” edukasyong ,
pang-sekswal at “maternal care”. Kahit mabuti man ang mga nakasaad na layunin at nilalaman ng batas na ito, marami pa din ang hindi sang-ayon ditto. Maraming tumututol sapagkat ito daw ay magtutulak lamang sa pang-aabuso ng pagkatao at karapatan ng mga kababaihan. Sabi naman ng simbahang katoliko, ito daw ay kaugnay ng aborsyon na uri ng pagkitil ng buhay, pagkitil ng buhay ng walang kalaban-labang sanggol. Ang sagot naman ng pamahalaan ay ito daw ang solusyon sa kinakaharap na kahirapan na kinakaharap ng ating bansa sa pangkasalukuyan, dahil daw sa kakayahan nitong mapababa ang bahagdan ng populasyon upang magkaroon ng sapat na suplay ng mga pangangailangan at mas mataas na tsansa ng pagkakaroon ng trabaho sa bawat mamamayan na magbubunga ng pambansang kaunlaran at “economic uplift”.
10
Banyagang literatura at pag-aaral
Maraming nagsasabing na dahil sa bill na ito ay maaari ng magkaroon ng tinatawag na “safe sex”, ngunit sinabi naman ni Edward C. Green, Harvard director for AIDS prevention, sa kanyang kongklusyon na mas mapapataas pa nga nito ang probabilidad ng pagkakaroon ng mga malulubhang sexually transmitted diseases. Ayon sa kanya, “Availability of condoms makes people take wider sexual risks, thus worsening the spread of the disease”. Nakakuha ng kakampi ang mga hindi sang-ayon sa batas na ito mula sa pahayag na nabanggit, ngunit nananatiling matibay pa rin ang pamahalaan sa pagpapatupad ng batas na ito. Dahil pinaniniwalaaan nilang ang immoralidad sa lipunan ay nandyan na, hindi na iyan mawawala, pero hindi ibig sabihin ay wala ng dapat gawin, at iniisip nilang ang bill na ito ang siyang makapagpapababa sa suliraning kinakaharap ng bansa natin sa kasalukuyan.
Paghahambing
Mapapansin natin sa parehong literatura at pag-aaral (lokal at banyaga man) ay nagkakaroon ng pagtatalo, wala pa ring kalinawan kung ano ba ang tama at matuwid sa dalawang panig na naglalaban. Pero sa huli, ang tanging sagot na mananaig ay tayo rin mismo, ang disiplinang ihahasik natin sa bawat isa sa atin, ang hinahangad na pagunlad ay nakasalalay sa kagustuhan at pagtutulungan natin upang maabot ito.
11
KABANATA III
12
PAMAMARAANG GINAMIT
Hindi isang biro at hindi basta basta ang pagsasagawa ng ulat pananaliksik katulad nito. Upang makabuo ng isang makabuluhang pananaliksik, ang mga mananaliksik ay dumaan sa masusing pagpaplano at pagsasanib ng mga kaalaman.
PARAAN NG PANANALIKSIK
Una munang nagsagawa ng pagpaplano ang mga mananaliksik hinggil sa paksang napapanahon na siyang gagawan ng pag-aaral sa thesis na ito. Matapos ang naganap na pagpaplano ay napagpasyahan na rin ang mga katanungan na maaaring makatulong upang maging epektibo ang gagawing pagsusuri. Sarbey
riserts
ang
napagkasunduang
pamamaraan
na
gagamitin
sa
isasagawang pananaliksik. Sa pamamagitan nito ay nalaman natin ang saloobin, opinyon, at suhestiyon ng mga piling respondents patungkol sa “Reproductive Health Bill.” Matapos ang pangangalap ng impormasyon mula sa mga tumugon ng sarbey ay nagkaisaang mga mananaliksik na magsagawa ng lagumang interpretasyon sa mga datos. Isinaayos ang mga ito sa wastong kinalalagyan at pagkatapos ay bumuo ng paglalagom,
konklusyon
at
rekomendasyon
interpretasyon.
13
batay
sa
una
nang
isinagawang
PARAAN NG PANGANGALAP NG IMPORMASYON
Sa pangangalap ng impormasyon, tinimbang ng mga mananaliksik kung sino ang pabor at hindi pabor sa Reproductive Health Bill sa mga respondente ng pananaliksik. Ipinahayag ng mga impormasyon kung nakakaapekto ba ang RH Bill sa pag-unlad ng iba‟t ibang aspeto ng lipunan. Binigyang diin ang magiging epekto ng pagpapatupad ng RH Bill sa pag-unlad ng moral ng mamamayang Pilipino, sa kabataang Pilipino, sa pamilyang Pilipino, sa mayayaman, sa mahihirap, sa kababaihan, sa populasyon, at sa simbahang Katoliko. Nagsagawa rin ng talatanungan at kasabay nito ay ang panayam. Tinanong ang mga piling tao sa loob at labas ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Manila campus, tungkol sa pagpapatupad ng RH Bill, at ang epekto nito sa kanila bilang indibidwal at sa lipunan. Matapos ang ginawang talatanungan, agad itong ipinamahagi ng mga mananaliksik sa mga piling respondente upang tugunan ang mga katanungan. Pagkatapos itong makolekta ay agad ding naghanda ng talahanayan ng mga impormasyong nakalap kasunod ang interpretasyon.
14
MGA KASANGKOT NA RESPONDENTE AT PARAAN NG PAMIMILI NG TAO
Ang mga mananaliksik ay nag-imprenta ng limampung sipi ng talatanungan. Ipinamahagi ang mga ito sa mga taong sa tingin ng mga mananaliksik ay dapat ng makibahagi sa mga isyung panlipunan katulad ng pagpapatupad ng RH Bill. Ang mga sumusunod ang nakapasok sa kwalipikasyong nabanggit:
Estudyante mulasa iba‟t ibang kurso sa PUP;
Dalubguro;
Manggagawa ng PUP; at
Magulang
Ang mga nakasaad sa itaas ang napiling respondente sapagkat sila ang labis na naapektuhan ng pagsasabatas ng RH Bill. Napagtanto rin ng mga mananaliksik na ang mga nabanggit ay may sapat na kaalaman patungkol sa paksang nais bigyang linaw. Pinili lamang ng mga mananaliksik ang mga dapat tumugon sa sarbey upang lumawak pa ang saklaw ng ginawang pananaliksik sa iba‟t ibang tao sa loob at labas ng PUP.
15
INSTRUMENTONG GINAMIT
Upang makakalap ng sapat na datos at impormasyong gagamitin sa pananaliksik, ang mga mananaliksik ay gumamit ng mga instrument katulad ng: 1. Telebisyon kung saan tinatalakay ang mga nagaganap sa pag-usad ng pagsasabatas ng RH Bill; 2. Dyaryo kung saan mababasa at mas mauunawaan ang tinalakay sa telebisyon; 3. Internet kung saan nakapangalap ang mga mananaliksik ng mga artikulong may kaugnayan sa RH Bill na may mas malawig na saklaw kumpara sa mga impormasyong nakalap sa telebisyon at dyaryo; at 4. Mga ginawang pananaliksik ng mga estudyante na matatagpuan sa Filipiniana seksyon ng Ninoy Aquino Library and Learning Resources Center, PUP.
16
KOMPUTASYONG ISTADISTIKA
Para sa pagkakaroon ng wastong komputasyon, maging sa pinakamaliliit na detalye, na kukuha sa tamang porsiyento ng mga nakilahok sa pagsusuri, ay ginamitan ito ng pormula na:
S B = (100) R Kung saan ang:
B, ay nagsisilbing porsiyento;
S, ay bilang ngmga sumagot; at
R, ay kabuuang bilang ng respondante.
17
KABANATA IV
18
KABANATA IV Paglalahad, Pagsusuri at Pagpapahalaga sa mga Datos
Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng mga nakalap na impormasyon na tumatalakay sa Reproductive Health Bill at sa iba pang isyu na nakapaloob dito. Kabilang din sa mga matutunghayan sa kabanatang ito ang pagsusuri, at pagpapahalaga sa mga impormasyong nakalap na makakatulong sa pag-aaral na ito. Sa kabanatang ito inaasahang masagot ang mga katanungan at mailahad ang mga datos na kung saan ang mga respondent ay binigyan ng sampung katanungan tungkol sa paksang Reproductive Health Bill: “Problema o Solusyon?” na magbibi gay linaw sa ating lahat tungkol sa usaping ito. Sa kabanatang ito binibigyang importansya ang mga kabilang sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga katanungan sa kanila at upang mabigyang halaga ang kanilang saloobin sa pagsagot sa mga katanungan.
19
Talahanayan 1
Pabor ka ba sa pagpapatupad ng RH Bill? Mga Pagpipilian
Bilang ng Tumugon
Porsiyento
Oo
26
52%
Hindi
24
48%
Kabuuan
50
100%
Ipinapakita ng unang talahayan ang bilang ng mga tumugon na pabor at hindi pabor sa pagpapatupad ng Reproductive Health Bill. Ayon sa datos na nakalap namin mula sa iba‟t ibang uri ng tao sa loob at labas ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, may kabuuang dalawampu‟t anim o 52% ang sumang -ayon sa pagpapatupad nito. Sa kabilang dako naman ay may dalawampu‟t apat o 48% ang nagsasabing hindi sila pabor sa nasabing batas. Sa pamamagitan ng pormula, ay nakuha ng mga mananaliksik ang porsyento ng mga sagot ng naging respondent: B = S/R (100)
B = S/R (100)
= 26/50 (100)
= 24/50 (100)
= 0.52 (100)
= 0.48 (100)
= 52%
= 48%
20
Talahanayan 2
Makatutulong ba ang RH Bill sa pag-unlad ng moral ng mamamayang Pilipino? Mga Pagpipilian
Bilang ng Tumugon
Porsiyento
Oo
21
42%
Hindi
29
58%
Kabuuan
50
100%
Binibigyang diin naman sa ikalawang talahanayan ang kahalagahan ng isinapatupad na batas sa moral ng bawat mamamayang Pilipino. Makakatulong nga ba ito sa ikauunlad ng atin g moral? May kabuuang dalawampu‟t isa o ikaapatnapu‟t dalawang
bahagdan
ng
mga
tumugon
ang
nagsasabing
makakatulong
ang
napasapatupad na batas sa pangmoral na kaunlaran ng mga mamamayan. Samantala ang mas malaking bahagi ng mga tumugon sa katanungang ito, dalawampu‟t siyam o 58%, ang naniniwalang hindi ito ang kasagutan upang mapaunlad natin ang ating sarili sa aspetong moral. Sa pamamagitan ng pormula, ay nakuha ng mga mananaliksik ang porsyento ng mga sagot ng naging respondent: B = S/R (100)
B = S/R (100)
= 21/50 (100)
= 29/50 (100)
= 0.42 (100)
= 0.58 (100)
= 42%
= 58% 21
Talahanayan 3
Ano ang maaaring maging epekto ng pagpapatupad ng batas na ito sa kabataang Pilipino? Mga Pagpipilian
Maraming kabataan ang
Bilang ng Tumugon
Porsiyento
21
42%
6
12%
22
44%
1
2%
50
100%
makikilahok sa “pre-marital sex.”
Makakaiwas sila sa „premarital sex” dahil natatalakay itosa sex education.
Mamumulat ang kabataan sa tunay na ibig sabihin ng pakikipagtalik.
Mas mapapalapit sila sa kanilang mga magulang. Kabuuan
22
Inilalahad sa talahanayan bilang 3 ang mga possibleng epekto sa kabataang Pilipino ng pagsasabatas ng RH Bill. Dalawampu‟t isa o 42% sa mga tinanong ng parehong katanungan ang nagsasabing dadami lamang ang mga kabataang makikilahok sa “pre-marital sex” matapos ipasa sa Senado ang nasabing batas. Anim na tao o 12% ng kabuuan ang sumalungat sa una, na nagsasabing maiiwasan ng mga kabataan ang “pre-marital sex” dahil nakapaloob sa RH Bill ang tinatawag na sex education. Ang dalawampu‟t dalawa o 44% ay naniniwalang magkakaroon at mamumulat ang kabataan sa tunay na kahulugan ng pagtatalik. Mas mapapalapit ang mga kabataan sa kanilang mga magulang naman ang katuwiran ng isang tumugon o 2% ng kabuuan. Sa pamamagitan ng pormula, ay nakuha ng mga mananaliksik ang porsyento ng mga sagot ng naging respondent: B = S/R (100)
B = S/R (100)
= 21/50 (100)
= 22/50 (100)
= 0.42 (100)
= 0.44 (100)
= 42%
= 44%
B = S/R (100)
B = S/R (100)
= 6/50 (100)
= 2/50 (100)
= 0.12 (100)
= 0.02 (100)
= 12%
= 2%
23
Talahanayan 4
Ayos lang ba na napag-uusapan sa loob ng tahanan sa pagitan ng anak at magulang ang mga isyung may kaugnayan sa pakikipagtalik? Mga Pagpipilian
Bilang ng Tumugon
Porsiyento
Oo
41
82%
Hindi
9
18%
Kabuuan
50
100%
Makikita natin sa ikaapat na talahanayan ang saloobin ng mga tumugon sa sarbey patungkol sa pagkakaroon ng pag-uusap ng mga magulang at kanilang mga anak sa mga isyung may kaugnayan sa pakikipagtalik. Apat na beses na mas malaki ang bilang nga mga nagsasabing dapat ay napag-uusapan ito sa loob ng bawat tahanan kung ikukumpara sa mga hindi sumasang- ayon. Apatnapu‟t isa o 82% ang sumagot ng „Oo‟ at siyan o 18% naman ang sumagot ng „Hindi.‟ Sa pamamagitan ng pormula, ay nakuha ng mga mananaliksik ang porsyento ng mga sagot ng naging respondent: B = S/R (100)
B = S/R (100)
= 41/50 (100)
= 9/50 (100)
= 0.82 (100)
= 0.18 (1000
= 82%
= 18%
24
Talahanayan 5
Makakatulong ba ang batas na ito sa pagbubuo ng magandang relasyon sa pagitan ng bawat miyembro ng pamilyang Pilipino? Mga Pagpipilian
Bilang ng Tumugon
Porsiyento
Oo
33
66%
Hindi
17
34%
Kabuuan
50
100%
Maliwanag na isinasaad sa ikalimang talahanayan ang resulta ng sarbey sa katanungan nakasulat sa itaas. May tatlumpu‟t tatlong katao o 66% ang sumagot na ang RH Bill ay makakatulong sa pagbuo ng magandang relasyon o samahan sa pagitan ng bawat miyembro ng pamilyang Pilipino. Ang natitira namang labingpitong katao o 34% ay sumalungat sa paniniwala ng mga nauna. Sa pamamagitan ng pormula, ay nakuha ng mga mananaliksik ang porsyento ng mga sagot ng naging respondent: B = S/R (100)
B = S/R (100)
= 33/50 (100)
= 17/50 (100)
= 0.66 (100)
= 0.34 (100)
= 66%
= 34%
25
Talahanayan 6
Sinu-sino ang magiging benepisyaryo sa pagpapatupad na ito? Mga Pagpipilian
Bilang ng Tumugon
Porsiyento
Mayayaman lamang
5
10%
Mahihirap lamang
4
8%
Parehong mayayaman at
41
82%
50
100%
mahihirap Kabuuan
Ang talahanayan bilang anim ay nagbunyag ng mga maaaring maging benepisyaryo ng RH Bill. Ang malaking bahaging mga tumugon, apatnapu‟t isa o 82%, ay nagkaisa sa paniniwalang ito ay para sa parehong mayayaman at mahihirap. May limang katao naman 0 10% ang nagsabing ang mayayaman lamang ang makikinabang sa pagpapatupad ng RH Bill. Ang apat na katao naman o 8% ang sumagot sa katanungang ito na para sa mahihirap ang batas na isinapatupad. Sa pamamagitan ng pormula, ay nakuha ng mga mananaliksik ang porsyento ng mga sagot ng naging respondent: B = S/R (100)
B = S/R (100)
B = S/R (100)
= 5/50 (100)
= 4/50 (100)
= 41/50 (100)
= 0.10 (100)
= 0.08 (100)
= 0.82 (100)
= 10%
= 8%
= 82% 26
Talahanayan 7
Natatapakan ba ng batas na ito ang pagkatao ng mga kababaihan? Mga Pagpipilian
Bilang ng Tumugon
Porsiyento
Oo
22
44%
Hindi
28
56%
Kabuuan
50
100%
Ipinababatid sa atin ng ikapitong talahanayan ang pangangalaga sa karapatan ng mga kababaihan laban sa RH Bill. Hindi nagkakalayo ang nagiging resulta sa katanungang ito. Malaking bahagdan ng mga tumugon, dalawampu‟t walo 0 56%, ang nagsasabing hindi naman natatapakan ang pagkatao ng mga kababaihan sa batas na ito. Samantala sa kabilang dako, naniniwala ang dalawampu‟t dalawang katao o 44% na hindi nabibigyan ng pagpapahalaga ang karapatan ng mga kababaihan. Sa pamamagitan ng pormula, ay nakuha ng mga mananaliksik ang porsyento ng mga sagot ng naging respondent: B = S/R (100)
B = S/R (100)
= 22/50 (100)
= 28/50 (100)
= 0.44 (100)
= 0.56 (100)
= 44%
= 56%
27
Talahanayan 8
Naniniwala ka ba na mababawasan ang pagtaas ng populasyon ng bansa sa lilipas na mga taon matapos ang pagpapatupad ng RH Bill? Mga Pagpipilian
Bilang ng Tumugon
Porsiyento
Oo
28
56%
Hindi
22
44%
Kabuuan
50
100%
Sa ikawalong talahanayan ay nasasaad ang isyung may kinalaman sa populasyon at RH Bill. Mababawasan nga ba ang bilang ng populasyon sa kabila ng pagpapatupad ng RH Bill? Dalawampu‟t walong katao o 56% ng kabuuang bilang ng mga tumugon na PUPians, mga dalubguro, mga empleyado, at mga magulang ang nagsabing liliit ang populasyon ng bansa sa dadaan pang mga taon. Ang dalawampu‟t dalawa 0 44% naman ay naniniwalang hindi mangyayari ang pinaniniwalaan ng mga nauna. Sa pamamagitan ng pormula, ay nakuha ng mga mananaliksik ang porsyento ng mga sagot ng naging respondent: B = S/R (100)
B = S/R (100)
= 28/50 (100)
= 22/50 (100)
= 0.56 (100)
= 0.44 (100)
= 56%
= 44% 28
Talahanayan 9
Pabor ka ba sa panghihimasok ng Simbahang Katoliko sa pagpapatupad ng batas na ito? Mga Pagpipilian
Bilang ng Tumugon
Porsiyento
Oo
25
50%
Hindi
25
50%
Kabuuan
50
100%
Ipinapakita ng ika-siyam na talahanayan ang isyu sa pagitan na simbahang Katoliko at RH Bill. Nahati sa pantay na bilang ang paniniwala ng mga tumugon sa sarbey. Ang unang kalahati ay nasa panig ng simbahang Katoliko. Ang huling kalahati naman ay nagsasabing hindi dapat manghimasok ang simbahang Katoliko sa pagpapatupad ng nasabing batas. Sa pamamagitan ng pormula, ay nakuha ng mga mananaliksik ang porsyento ng mga sagot ng naging respondent: B = S/R (100)
B = S/R (100)
= 25/50 (100)
= 25/50 (100)
= 0.50 (100)
= 0.50 (100)
= 50 %
= 50 %
29
Talahanayan 10
Sapat na ba ang kaalaman ng maraming Pilipino upang maintindihan ang tunay na ibig sabihin ng batas na ito? Mga Pagpipilian
Bilang ng Tumugon
Porsiyento
Oo
5
10%
Hindi
45
90%
Kabuuan
50
100%
Malalaman natin sa huling talahanayan kung sino ang tunay na nakakaalam at nakakaintindi ng nakasapaloob sa Reproductive Health Bill. Apatnapu‟t limang katao o 90% ang umaming hindi pa sapat ang kaalaman ng maraming Pilipino sa tunay nakahulugan ng naipasang batas. Malayong malayo sa porsiyento ng mga nagsabing sapat na ang kaalaman natin patungkol sa naisasaad na batas. Ang natitirang limang katao o 10% ng kabuuan ang naniniwalang ang kaalaman nating mga Pilipino ay sapat na upang maintindihan natin ang ibig ipabatid at pangalagaan ng RH Bill. Sa pamamagitan ng pormula, ay nakuha ng mga mananaliksik ang porsyento ng mga sagot ng naging respondent: B = S/R (100)
B = S/R (100)
= 5/50 (100)
= 45/50 (100)
= 0.10 (100)
= 0.90 (100)
= 10%
= 90% 30
KABANATA V
31
Paglalagom
Ang Reproductive Health Bill (RH Bill) na isang maselang talakayin ay pinagtatalunan pa rin hanggang sa kasalukuyan. Maraming sumang-ayon ngunit marami rin namang sumalungat sa pagpapatupad nito. Sa ginawang pag-aaral ng mga mananaliksik, narito ang lagom ng mga nakalap na impormasyon: 1. Sa 50 kalahok, 26(52%) ang nagsabing pabor sila sa pagpapatupad ng RH Bill habang 24(48%) naman ang hindi sang-ayon dito. 2. Sa 50 kalahok, 21(42%) ang nagsasabing hindi ito makakatulong sa pagunlad ng moral ng mga mamamayang Pilipino habang nangunguna naman ang 29(58%) na nagsabing hindi ito makakatulong. 3. Maraming maaaring maging epekto ang pagpapatupad ng batas na ito sa kabataang Pilipino. Nangunguna na diyan ang pagkamulat ng kabataan sa tunay na ibig sabihin ng pakikipagtalik na may 22(44%) bahagdan ng sagot, pumapangalawa ang pagtaas ng probabilidad ng pakikilahok ng mga kabataan sa “pre-maritalsex” na may 21(42%), sumunod ang pagiwas ng mga kabataan sa pre-marital sex dahil sa sex education na nakapaloob sa batas na ito na may 6(12%) at huli ang mas matibay na relasyon ng anak sa mga magulang na may 1(2%) bahagdan ng sagot. 4. Sa 50 kalahok, 41(82%) ang nagsabing mas makabubuti kung mapaguusapan sa loob ng tahanan sa pagitan ng mga magulang at mga anak ang mga maseselang isyu kaugnay ng pakikipagtalik habang 9(18%) 32
naman ang tumutol. 5. 33(66%) ng mga kalahok ang naniniwalang makakapagpaganda ng relasyon sa pagitan ng bawat miyembro ng pamilya ang pagpapatupad ng batas na ito, habang 17(34%) ang nagsabing hindi ito makakapagpaganda ng relasyon sa pamilya. 6. 41(82%) ng mga kalahok ang nagsabing parehong mayayaman at mahihirap ang benepisyaryo ng pagpapatupad ng batas na ito, 5(10%) naman ang nagsabing mahihirap lang ang makikinabang sa batas na ito. 7. 28(56%) ng mga kalahok ang nagsabing hindi natatapakan ng batas na ito ang pagkatao ng mga kababaihan habang 22(44%) naman ang nagsabing may pang-aabuso sa mga kababaihan ang batas na ito. 8. 28(56%) ng mga kalahok ang naniniwalang mababawasan talaga ang bahagdan ng populasyon sa pagpapatupad ng batas na ito, habang 22(44%) naman ang hindi naniniwala. 9. Nagkaroon ng tabla o pantay na bahagdan ng mga sago tang Oo at Hindi na may 25(50%) na bahagdan. 10. 45(90%) sa mga kalahok ang nagsasabing hindi pa sapat ang kaalaman ng mga mamamayang Pilipino ukol sa batas na ito, habang 5(10%) naman ang nagsabing sapat na ang kanilang kaalaman sa RH Bill.
33
Kongklusyon
Ang Reproductive Health Bill (RH Bill) ay sadyang maraming talakayin at impormasyon na siyang salik upang magkaiba-iba ang pananaw at pagsang-ayon ng maraming mamamayang Pilipino ukol dito. Base sa lagom ng mga natuklasan ay nakabuo ang mga mananaliksik ng mga kongklusyon at ito ang mga sumusunod:
1. Marami sa ating kapwa Pilipino ay naniniwalang malakas ang maitutulong ng batas na ito sa pambansang kaunlaran. 2. Napatunayang mas maraming naniniwala na negatibo ang magiging bunga nito sa moralidad ng mga mamamayang Pilipino. 3. Mas mataas sa bahagdan ng mga Pilipino ang naniniwalang bagaman may kahinaan ang batas na ito, naniniwala pa rin silang malaki ang maitutulong nito sa pagbubukas ng kaisipan ng bawat isa ukol sa maselang usapin ng pakikipagtalik. 4. Marami pa rin ang naniniwalang dapat napag-uusapan ang mga sensitibong isyu katulad ng pakikipagtalik at mga kaugnay na tatalakayin sa loob ng tahanan ng bawat pamilya. 5. Naniniwala ang mas maraming Pilipino na mas makakapagpatibay ng relasyon sa pagitan ng bawat miyembro ng pamilya ang mga nakapaloob sa batas na ito dahil sa pagbubukas ng mga maselang usapin na ito sa loob ng pamilya.
34
6. Maraming naniniwala na ang batas na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa bawat mamamayang Pilipino, mahirap man o mayaman. 7. Malaki sa bahagdan ng mamamayang Pilipino ang nagsasabing ito ay hindi nakakayurak ng karapatan at pagkatao ng mga kababaihan dahil sa huli nasa mga kababaihan pa rin ang desisyon at disiplina sa kanilang pagkatao. 8. Marami sa ating mga kababayan ang naniniwalang kaya ng batas na ito na mapababa ang bahagdan ng populasyon sa ating bansa sa paglipas ng mga taon. 9. Ang pakikilahok ng Simbahang Katoliko sa maselang isyu na ito ay sadyang pinagtatalunan. 10. Marami ang nagsasabing hindi pa talaga alam ng mga mamamayang Pilipino ang kalikasan ng Reproductive Health Bill (RH Bill).
35
Rekomendasyon
Batay sa kinalabasan at pagwawakas ng pag-aaral na ito, ang mga sumusunod na mungkahi ay itinatagubilin: 1. Mas mabuting alamin ang bawat sulok ng detalye ng RH Bill upang higit na
maunawaan
ang
tunay
na
kahalagahan
at
kapakinabangang
pambansa ng batas na ito. 2. Pahalagahan pa rin ang disiplina na natututunan sa loob ng pamilya upang maiwasan ang pagkasira ng moralidad ng bawat isa. 3. Ang makatuwiran at maingat na pagdedesisyon ukol sa pakikipagugnayan sa katapat na kasarian ay dapat pakatandaan. 4. Igalang ang sekswalidad ng bawat isa, lalo na sa katapat na kasarian. 5. Igalang ang kaisipan o ideya ng kapwa ukol sa antas ng pagtanggap nila sa batas na ito.
36
SANGGUNIAN Websayt
http://www.geeky-guide.com/2011/06/Philippines-i-support_rh-bill.html
en.wikipedia.org/wiki/Responsible_Parenthood_&_Reproductive_Health_Act_of_ 2012
cbcpforlife.com/?p=164; Article 4
http://www.interaksyon.com/article/50304/rh-bill-fact-sheet--key-provisions-ofhouse-bill-4244
http://www.facebook.com/notes/apostles-filipino-catholic-community/featurearticle-no-need-for-an-rh-bill-now-or-ever-must-read-article/465023360195353
http://www.gmanetwork.com/news/story/279400/news/nation/copy-of-new-rh-billversion-filed-at-the-house-of-representatives#section1
http://www.abs-cbnnews.com/blogs/insights/09/28/12/rh-bill-debate-andresponsible-participation
37
APENDISE
38
KURIKULUM BITA Pangalan: Abigail D. Poquiz Edad: 17 Kasarian: Babae Telepono: 09067753106 Kapanganakan: Ika-5 ng Oktubre 1995 Tirahan: San Jose Del Monte, Bulacan Mga Magulang: Edwin Poquiz at Ana Liza Poquiz Mga Kapatid: Emmanuel Poquiz, Stephanie Poquiz at Samuel John Poquiz Edukasyong: Kolehiyo: Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Sta. Mesa, Manila Sekundarya: Clairemont Academy San Jose Del Monte, Bulacan Elementarya: Christar Academy Dasmarinas, Cavite
39
Pangalan: Christian Renne F. Santos Edad: 17 Kasarian: Lalaki Telepono: 09266133391 Kapanganakan: Ika-1 ng Enero 1996 Tirahan: Genesis Royale I Subd. San Juan, Cainta, Rizal Mga Magulang: Renato Santos at Josephine Santos Mga Kapatid: Ryan Christopher Santos at Christine Joy Santos Edukasyong: Kolehiyo: Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Sta. Mesa, Manila Sekundarya: Rizal National Science High School Batingan, Binangonan, Rizal Elementarya: Roots of Learning San Juan, Cainta, Rizal
40
Pangalan: Gianna Gayle H. Santos Edad: 17 Kasarian: Babae Telepono: 09179262947 Kapanganakan: Ika-31 ng Mayo 1995 Tirahan: 261 Santol, Balagtas, Bulacan Mga Magulang: Pascual Santos Jr. at Jannet Santos Mga Kapatid: Annica Shayne Santos at Carl Paolo Santos Edukasyong: Kolehiyo: Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Sta. Mesa, Manila Sekundarya: Immaculate Conception Child Development Center, Inc. Pandi, Bulacan Elementarya: College of Saint Lawrence Balagtas, Bulacan
41
Pangalan: Kristine Joy D. Santos Edad: 17 Kasarian: Babae Telepono: 09265521047 Kapanganakan: Ika-7 ng Hulyo 1996 Tirahan: Guadalupe Viejo, Makati City Mga Magulang: Ruben Santos Sr. at Noralyn Santos Mga Kapatid: Norben Santos, Ruben Santos Jr. at Katherine Mae Santos Edukasyong: Kolehiyo: Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Sta. Mesa, Manila Sekundarya: Makati High School Gen. Luna St., Poblacion, Makati Elementarya: Guadalupe Viejo Elementary School Guadalupe Viejo, Makati
42
Pangalan: Paul Tristan F. Sicangco Edad: 17 Kasarian: Lalaki Telepono: 09064904192 Kapanganakan: Ika-28 ng Hulyo 1995 Tirahan: 471 Alegria St. Sta. Mesa, Manila Mga Magulang: Danilo Sicangco at Alma Marietta Sicangco Mga Kapatid: Mark Anthony Sicangco Edukasyong: Kolehiyo: Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Sta. Mesa, Manila Sekundarya: Colegio de Tablas Odiongan, Romblon Elementarya: Virginia Centurione Bracelli School Odiongan, Romblon
43
Pangalan: Sheila M. Sta. Ana Edad: 16 Kasarian: Babae Telepono: 09172797067 Kapanganakan: Ika-12 ng Marso 1996 Tirahan: 148 Rizal Ave. Brgy. Dolores Taytay, Rizal Mga Magulang: Romulo Sta. Ana at Liberty Sta. Ana Mga Kapatid: Benedict Sta. Ana, Joswa Sta. Ana, Elizabeth Sta. Ana at Sarah Sta. Ana Edukasyong: Kolehiyo: Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Sta. Mesa, Manila Sekundarya: San Juan Sumulong Memorial Junior College D. Espiritu St. San Juan, Taytay, Rizal Elementarya: Dolores Elementary School
44