Original work for the Provincial Office of Apayao Words and Music by Darren VegaFull description
swingFull description
Full description
Gawad Palanca - Maikling KwentoFull description
Ba...Ba.. Baciami, Piccina (Vl)
Ba listFull description
Descrição completa
de gestion _4Descripción completa
Descripción completa
BA List for GSM
sdt thong tin ctyFull description
gghghg
bb
Full description
ba rekonFull description
preguntas resueltasFull description
preguntas resueltasDescripción completa
jhkjlkgljhvbnfghDescripción completa
Description : armies of germany for the game bolt action
BAKIT BA KAILANGAN TAYO’Y MAGBASA?... UPANG…… UPANG…… magkaroon ng impormasyon. makapagtanong at makapag-isip nang malalim ukol sa pansariling ideya at karanasan. malaman ang ideya at karanasan ng iba. makasiguro sa pansariling paniniwala. PARA SA….. kasiyahan pampalipas oras paghahasa ng kaisipan pagsusuri ng emosyon Sapagkat gusto nating…… magpa-ikot ng mga ideya. maghambing at magsuri ng iba’t ibang pananaw. Sapagkat tayo ay interesado sa….. isang partikular na sabjek. isang partikular na istilo at ideya ng awtor.
KAHULUGAN ng PAGBASA Sinasabi ni Goodman na ang pagbasa ay isang “psycholinguistic guessing game” kung saan ang nagbabasa ay nagbubuong muli ng isang mensahe o kaisipang hango sa tekstong binabasa. Ayon kay Coady, para sa lubusang pang-unawa ng isang teksto, kailangan ang dating kaalaman ng tagabasa ay maiugnay niya sa kanyang kakayahang bumuo ng mga kaisipan at kasanayang pagpoproseso ng mga impormasyong masasalamin sa teksto. Pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita. Ito rin ay pag-unawa sa wika ng awtor sa pamamagitan ng mga nasusulat na simbolo. Paraan din ito ng pagkilala, pagpapakahulugan at pagtataya sa mga simbolong nakalimbag. KAHALAGAHAN ng PAGBASA 1. mahalaga sa pagbabasa ang pag- alam sa ilang tiyak na kalakaran sa pagsulat. 2. Isang sistema sa pagtaguyod sa ating buhay. 3. makabuluhan at kawili-wili kawili-wi li 4. proseso ng pag-iisip 5. pag-unawa sa wika at teksto kung saan ito nasusulat. TEORYA ng PAGBASA 1. Bottom – Up - nanalig ang teoryang ito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugto yugtong pagkilala ng titik, salita, parirala, pangungusap at teksto bago magpakahulugan sa teksto. 2. Top – Down - itinuturing na ito’y pagtuklas ng mga impormasyon na maaaring taglay na ng tagabasa at nakaimbak sa kanyang dating kaalaman. 3. Interakatibo - nagaganap ang interaksyon ng mambabasa at ng awtor. 4 na HAKBANG sa PAGBASA 1. Peresepyon o Pagkilala - kakayahan ito sa pagbigkas ng salita bilang isang makahulugang yunit o pagkilala ng mga nakalimbag na simbolo. 2. Pag-unawa - sa kaisipan na ipinapahayag ng mga simbolo o salita ng nakalimbag. 3. Reaksyon – kakayahan itong humatol o magpasya ng kawastuhan, kahusayan at pagpapahalaga sa mga naisulat ng may-akda. 4. Asimilasyon at Integrasyon – kakayahan ng mambabasa na isabuhay ang natutuhang isipan sa binasa. Naiuugnay niya sa kasalukuyan ang mga karanasang tinalakay sa binasa.
URI ng PAGBASA 1. Masining - ito’y ang maingat na pag -aaral at puspusang pag-unawa sa isang aralin na maaaring dalawa o hanggang lima ang pahinang haba. 2. Masaklaw - ginagawa ito sa labas ng klase at itinatakda nang mas maaga upang mapaghandaan. 3. Tahimik - pagbasa na ang gamit ay mata lamang. 4. Malakas - ang taong bumabasa ng malakas ay dapat na may katamtamang tinig, wastong galaw ng katawan,pinag-iiba-iba ang tono,wastong pagtigil at pagbibigay buhay sa binabasa. 5 DIMENSYON ng PAGBASA 1. Pang - unawang Literal a. pagkuha ng mga detalye. b. wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. c. pagkilala sa mga tauhan. 2. Pagkaunawang ganap sa mga kaisipan ng may-akda lakip ang mga karagdagang kahulugan. a. pagdama sa katangian ng tauhan b. pag-unawa sa tayutay at patalinghagang salita. c. pagbibigay ng kuru-kuro o opinyon d. paghula sa kalalabasan. e. pagbibigay ng solusyon / kalutasan f. pagbibigay ng pamagat. g. pagtukoy sa sanhi at bunga ng mga pangyayari. h. pagtukoy sa layunin ng may-akda. 3. Pagkilatis sa kahalagahan ng mga kaisipan at ng kabisaan ng paglalahad . a. pagbibigay ng reaksyon b. pagdama sa pananaw ng may-akda. c. kaugnayan ng pamagat sa seleksyon. 4. Pagsasanib ng mga kaisipang nabasa at ng mga karanasan upang magdulot ng bagong pananaw at pagkaunawa. a. pagbibigay ng opinyon b. pagpapaliwanag sa nilalaman o kaisipang binasa batay sa sariling karanasan 5. Paglikha ng sariling kaisipan ayon sa mga kasanayan at kawilihan sa binasang seleksyon . a. pagbabago ng panimula sa kuwento, wakas, pamagat, pangyayari, katangian ng mga tauhan sa kuwento at paglikha ng sariling kuwento batay sa binasa.