1
ANG MGA KADAHILANAN NG VANDALISM, EPEKTO, AT MAAARING ALTERNATIBO NITO SA MGA MAG-AARAL NG CBA SA PAMANTASANG DE LA SALLE – AKADEMIKONG TAON 2011–2012 IKALAWANG SEMESTRE.
Isang Pananaliksik na Iniharap kay Propesor Mailyn B. Ambion ng Kagawaran ng Filipino at Panitikan sa Pamantasang De La Salle – Dasmarinas
Bilang bahagi ng pangangailangan sa Sabjek na FILI 102 (Sulating Pananaliksik sa Wikang Filipino).
Nina: Gonzaga, Michael Joe M. Flores, Patricia Joy A. Vicente, Janine Micah B. MKA3-4
2
TALAAN NG NILALAMAN
Pamagat na Pahina ---------------------------------------------------------------------------------------1 Panimula ----------------------------------------------------------------------------------------------------Pamamaraan -----------------------------------------------------------------------------------------------Pagtalakay --------------------------------------------------------------------------------------------------Konklusyon ------------------------------------------------------------------------------------------------Rekomendasyon------------------------------------------------------------------------------------------Bibliyograpiya --------------------------------------------------------------------------------------------Apendiks ---------------------------------------------------------------------------------------------------A. Talatanungan Sampol sa sarbey ------------------------------------------------------
3
Panimula
Ang “vandalism” o bandalismo ay isang gawain ng isang indibidwal o higit pa na lumilikha ng mga marka, pinsala, o maaring sining. Masasabing ang gawaing ito ay napapailalim sa anyo ng hindi etikal na gawain ay kung ang dulot nito ay hindi maganda at nakapipinsala sa nakararaming tao tulad ng mga masasamang salita, mensahe, at imahe na isinusulat o iginuguhit sa mga lugar gaya ng upuan, mesa, palikuran, at iba pang mga posibleng lugar na maaring pagsulatan. Masasabi naman na ito ay napapailalim sa larangan o anyo ng sining kung ito ay nasa tamang lugar at malinis ang mensaheng ipinararating, kung ito ay kapupulutan ng aral, at ang lugar o kagamitan na pinaglikhaan ay hindi napinsala dahil ito ay bahagi ng mga makakabuluhang programa o proyektong isinusulong upang magmungkahi at magpahayag ng mas mabubuting paraan at ilang alternatibo upang mapuksa ang mapanirang “vandalism” o bandalismo.
Sa kasalukuyan, nararanasan ang napakalaking suliranin sa De la Salle University – Dasmarinas, ang “vandalism” o bandalismo kung saan ang mga hindi dapat sulatan ay sinusulatan at ang hindi dapat markahan ay minamarkahan. Ito ay suliranin ng Unibersidad o Pamantasan at ng lahat ng estudyante bahagi ka man o hindi ng lumalabag sa “vandalism” o bandalismo. Ito ay suliranin ng Unibersidad dahil kung patuloy itong magiging suliranin ay bababa ang istandard at katayuan ng Pamantsan ng De La Salle Dasmarinas. Ito rin ay suliranin ng mga estudyante na lumalabag sa “vandalism” o bandalismo dahil oras na sila ay mahuli at mapatunayang lumabag o gumawa ng ganitong bagay ay may karampatang parusa. Ito rin ay suliranin ng mga
4
estudyante na hindi gumagawa ng “vandalism” o bandalismo dahil sila ay bahagi o kasangkot sa mga sumasalo ng gastusin sa pagpapapinta at pagsasaayos ng mga lugar o kagamitan na napipinsala na nagreresulta sa pagtaas ng matrikula na siyang pangunahing hinaing ng bawat isa. Napakahalaga ng pag-aaral o pananaliksik na ito dahil ang bawat tao ay mayroong karapatan at ang bawat karapatan ay may hangganan at nararapat lamang na limitahan. Dahil ang gawaing ito sa Pamantasan ng De La Salle Dasmarinas ay salungat sa tama o etikal na gawain na dapat nang matuldukan para sa ikabubuti ng nakararami at ng sarili. Mahalaga ang pag-aaral na ito upang maipabatid sa mga estudyante at bigyan ng mas malalim na pagpapaliwanag at pagtatalakay ang mga bagay-bagay na patungkol sa “vandalism” o bandalismo. Mahalaga din ito upang mailahad and mga kadahilanan at mabigyan ito ng mga suhestiyon tungo sa mga alternatibo na maaring isagawa hindi upang konsintihin ang hindi etikal na gawaing ito ngunit upang mabigyang daan ang bawat isa upang mailabas ang kanilang talento. Hindi dahil ikaw ay nagmamarka o nagbabandal ay mali na ito, minsan ang ganitong gawain ay daan lamang upang maipamalas ang kagalingan sa sining. Isinusulong ang pag-aaral na ito upang makatulong sa paglutas sa suliranin ng Unibersidad o Pamantasan, ang “vandalism” o bandalismo. Nais ng mga mananaliksik na mabigyan ng mas malalim na pagpapaliwanag at pagtatalakay ang isyu ukol sa “vandalism” o bandalismo at kung paano ito maiiwasan at mapipigilan. Dapat din na magsulong ng mahigpit at istriktong implementasyon ng mga batas at kaparusahan na nakalahad sa “Student Handbook” at iba pang sanggunian sa tulong ng mga empleyado, propesor, at mga kapwa estudyante ng Unibersidad o Pamantasang ito.
5
Ang pananaliksik na ito ay isang hakbang upang maitaas ang isatndard o katayuan ng Unibersidad o maiwasan ang patuloy na pagbaba nito sa kadahilanang nailahad sa mga naunang pahayag. Ninanais din ng mga mananaliksik na matulungan ang mga estudyante na maging disiplinado sa paraang maka-Lasalyano. Ayon sa panayam na ginagawa kay Dr. Merais (Dekano ng CBA), na ang pinagmumulan ng “vandalism o bandalismo” na ginagawa ng mga estudyante at ibang tao ngayon sa ating pamantasan ay dahil sa sila ay walang magawa o “boredom”, masyadong malikot at di mapakali ng walang ginagawa, “stress reliever”, at pagpapahayag ng kanilang angking galing sa sining na pati sa kung saan saan ay gumuguhit o nagmamarka. Ayon din sa kanya na itong isyu sa “vandalism o bandalismo” ay napakalaki at nararapat ng masugpo dahil sa ito ay nakakaapekto sa atin bilang indibidwal, grupo, at maging komunidad. Ayon sa pananaliksik na ginawa ni Silang (1996) na nagtalakay sa mga kadahilanan kung bakit nagvavandal ang mga estudyante ay inisa-isa ang mga kadahilanan at ito ay ang mga sumusunod: 1. Problema sa pamilya o “family problem” 2. Kakulangan sa pag gabay at pag-aaruga ng magulang 3. Pansarili o personal na suliranin 4. Pang-akademikong suliranin Dito ay naisa-isa at natukoy ang mga kadahilanan kung bakit nagvavandal ang mga estudyante ay ang mga nailista sa itaas. Ang sa suliraning pampamilya ay sa kadahilanan ngang ang bata o ang indibidwal ay hindi nagiging masaya sa estado ng
6
kanyang pamilya kaya may mga bagay na pinagbubuhusan niya ng sama ng loob at problema. Ang personal na suliranin naman ay patungkol sa sariling problema ng indibidwal na kanyang pinagdadaanan na nakakaapekto sa kanyang mga ginagawa at nagiging ugali sa mga bagay-bagay katulad ng sa pagvavandal na hindi naman dapat ngunit kanyang ginagawa. At ang panghuli ay ang sa pang akademikong suliranin na nagtatalakay sa problema na nagmumula sa pamantasan at loob ng silid-aralan. Kadalasan ay kasangkot ditto ang guro, kamag-aral, at maging ang sarili sa kanyang perpormans sa loob ng silid-aralan.
7
Pamamaraan Ang mga mananaliksik ay gumamit ng pamamaraang kilos saliksik na palarawan sa pagbuo ng konklusyon, rekomendasyon at mga posibleng alternatibo para masolusyonan
ang
vandalismo.
Sa
paggamit
ng
panlarawang
pamamaraan,
naipaliwanag ng mabuti ang bawat aspeto ng ginawang pananaliksik, isang dahilan kaya ito’y madaling maiintindihan ng kahit sino mang mambabasa. Gumamit din ang mga mananaliksik ng pamamaraang sarbey upang malaman ang pulso ng mga taong pinagbasihan
ng
pag-aaral
na
kabilang
sa
Kolehiyo
ng
Pagnenegosyo
at
Pangangalakal at ito rin ang nagbigay daan para malaman ang mga kasagutan, kung bakit ginagawa, ang mga sanhi at bunga ng bandalismo maging ang implikasyon nito sa karakter at personalidad ng mga mag-aaral na nabibilang sa kolehiyong ito. Ang mga nakuhang impormasyon ay ginamit sa pagbuo ng konklusyon tungkol bandalismo. Kung saan napag-alamang ito ay sanhi ng agresyon, matinding damdaming hindi maisiwalat maging ang mga “latent/hidden desires” ng mga tao na natuklasan lamang sa pamamagitan ng tulong ng ilang pilosopiya at pag-aaral mula sa “Psychology”, itinuturing rin itong pagpapakita ng sining at “freedom of expression”. Ginagamit rin ng ilan ang bandalismo bilang isang paraan ng pantanggal ng stress o “stress reliever”. Ang pinakahuli, nangunguna at kadalasang kadahilanan ng nakararami ay napag-alamang sanhi ito ng pagkabagot o “boredom”. Sa nasabi at nabuong konklusyon ito ay pinagtibay ng mga rekomendasyon na naglalaman ng mga posibleng solusyon at mga maaaring gawing alternatibo para matugunan ang paulit-ulit na problema tungkol sa bandalismo. Ilan dito ay ang kawnseling, pag-instal ng mga upuang may martibay na materyales at hindi madaling kapitan ng tinta, pagatatayo ng
8
“freedom walls” at paggawa ng mga bagong batas na magdedesiplina, maghihipit at magreregula sa mga nasasakupan ng mga administrador. Makalipas ang ilang panahon darating ang pagkakataong ang mga ginamit na mga alternatibo at solusyong hinango sa konklusyon ay mawawalan ng bisa at magkakaroon ng posibilidad na ang proyektong isinasagawa ay hindi magtatagumpay ngunit ang pag-aalalang ang ginawang pananaliksik ay masasayang ay dapat isantabi, sapagkat maari pa rin itong gawing batayan upang makagawa muli ng panibagong mga pamamaraan na makapagpapabuti sa mga naunang mga proyekto na naglalayong matugunan ang isyu na tungkol sa bandalismo. Sa pagbuo ng pananaliksik, ang mga mananaliksik ay nangalap ng mga datos sa pamamagitan ng iba’t ibang babasahin sa Aklatang Emilio Aguinaldo, gumamit rin sila ng mga ”websites” sa “internet” na patungkol at may kaugnayan sa usapin ng bandalismo. Isa pa ang mga mananaliksik ay nagmasid at nagobserba ng maigi sa kanilang paligid. Upang mapatunayan ang kanilang haypotesis at magkaroon ng mga kasagutan at konklusyon. Dito, nakita nila ang aktwal na pagsasagawa ng bandalismo at di-berbal na pagtugon ng mga taong kasangkot, kung saan nadiskubre ng mga mananaliksik ang ilang mahahalagang kasagutan sa mga tanong tungkol sa bandalismo na siyang iniugnay sa pilosopiya at ilang pag-aaral ng Psychology na mababasa sa parte ng konklusyon. Ito ay isang impormasyong makakategorya sa Paunang batis o “first hand data” na maituturing na matibay na ebidensyang magpapatunay sa nabuong konklusyon. Nagsagawa rin ng sarbey sa tatlompung katao na binubuo ng mag-aaral, guro at meyntenans. Pinili sila sa pamamaraang “random quota sampling” kung saan hinati sa tatlo ang tatlompung koresponde, sampung mag-
9
aaral, sampung guro at sampung meyntenans ayon sa proporsyonalidad ng kabuuang bilang at pagkakataong sila ay naroon sa lugar ng pinagdausan ng “random quota sampling survey” sarbey na may kasamang maikling panayam. Sila ay tinanong sa kung ano ang kanilang saloobin at ideya tungkol sa bandalismo. Ang mga respondante ay ininterbyu rin tungkol sa kanilang mga naging karanasan at mga naging hakbangin bilang tugon sa isyu na ito. Sa interbyu na ito napag-alaman rin ang kanilang tinatagong emosyon at bugso ng damdamin tungkol sa usaping ng bandalismo. Kinapanayam din ang dekano ng CBAA na si Dr. Danilo Merais dahil bukod sa may alam siya sa sistema ng buong kolehiyo ng CBAA at pasikot-sikot ng unibersidad ng De La Salle Dasmariñas, siya rin ay gumawa ng sariling pag-aaral at pananaliksik tungkol sa bandalismo. Ang mga nakalap na impormasyon ay pinagsamasama at ginawan ng pinaleng riport na siyang ipinasa sa propesor sa pananaliksik. Pagkatapos matsekan ay ibinalik ang mga papel na may kalakip na suwestyon, paalaala at mga patnubay mula sa propesor sa reserts para mas mapaganda at maisaayos ang kabuuang daloy ng pananaliksik na siya namang magiliw na isinagawa ng mga mag-aaral na tumatayong resertser sa papel na ito. Matapos ito isinagawa na ang mga nabuong pamamaraan at regular itong ginagawan ng riport upang makita ang progreso ng proyekto. Sa kasalukuyan ang mga impormasyong nakalap ay patuloy na pinaplantsa at niluluto para sa pagsasagawa at pagpapatupad nito sa buong unibersidad na naglalayong tuluyang mapuksa ang lumalalang isyu sa bandalismo at matugunan ang tunay na pangangailangan ng mga taong nasa likod ng problemang ito.
10
Pagtatalakay 1.
Maisa-isa ang kadahilana kung bakit laganap ang bandalismo sa Kolehiyo ng Administrasyon ng pagnenegosyo.
Ayon kay Silvia A. (1996). Ang mga kadahilan kung bakit laganap ang bandalismo sa ating Pamantasan ay binubuo ng limang kadahilanan. Una ang probemang pampamilya. Maaring sa kakulangan ng pagmamahal na kanilang nakikita at nararamdaman sa kanilang pamilya, maging ang kawalan ng oras, atensyon ng mga ito na kanilang hinahanap-hanap bilang isang anak. At ang madalas na hindi pagkakasundo ng kanilang mga magulang na siyang nagbubunga ng away sa pagitan ng dalawa at nagsisilbing dahilan din kung bakit nagagawa ng isang estudyante ang pagbabandal. Ikalawa, ang problemang pansarili, sinasabing ito daw ay maaring pagkaramdam ng hindi pagtanggap sa lipunan, mga problema sa ibang tao na kinikimkim at nais lamang makakuha o makapukaw ng atensyon ng ibang tao. Ikatlo, ang problemang kanilang natatamo sa kanilang mga propesor. Isa na sa mga kadahilanang ito ay ang kakulangan at kawalan ng komunikasyon sa pagitan ng mga mag-aaral at ng kanilang mga propesor, “favoritism” at ang hindi makatarungang pagbibigay ng marka sa mga mag-aaral ay nagiging dahilan din kung bakit patuloy na ginagawa ng isang mag-aaral ang maling gawaing ito. Ikaapat, ang promblema kanilang natatamo sa Administrasyon ng Pamantasan, kagaya ng hindi makatarungang pakikisama ng mga empleyado sa mga mag-aaral .At ang huli at ikalima ay, ang impluwensya ng ibang tao kagaya ng kanilang mga barkada, “fraternity group”, at iba pang organisasyong kanilang kinakasangkutan sa loob at labas ng Pamantasan.
11
Ayon naman kay Ahmad Mahmoud (2009). Vandalism at Boys Schools in Jordan, ang ilan sa mga kadahilan ng bandalismo ay sa pamamagitan ng sikolohikal na kadahilanan. Dahil sa pagkakaroon ng malawak na imahinasyon bilang isang indibidwal ito ay kanilang inilalabas at pinapakita sa pamamagitan ng paguguhit o pagbabandal dahil na rin sa kawalan ng kontrol sa sarili kung saan ginagawa nila ito. Ang Ikalawa naman ay ang sosyal na kadahilanan, ang kanilang relasyon sa kanilang pamilya, kaibigan, kamag-aral, propesor at ang lahat ng mga taong nakapaligid sa kanila ay isa pa sa mga kadahilanan ng pagkalat ng suliraning ito. At ang huling ay ang pansariling kadahilanan, kagaya ng pagkakaroon ng hindi maganda o masaklap na karanasan na kanilang dinadanas sa buhay bilang isang tao. Ayon naman sa ginawang pakikipanayam kay Dr. Merais (Dekano ng CBA) na ang sanhi ng patuloy na pagkalat ng bandalismo sa kolehiyo ay dahil madalas ang pagkaramdam ng pagkabagot at hindi pagkapirmi kung walang magawa ang mga estudyante.
At ang “stress reliever” kung saan ito ang paraan para mawala o
mabawasan man lamang ang “stress” na kanilang nararamdaman. At huli, ito ay ang pagpapahayag ng kanilang angking galing sa larangan ng sining at pagpapakita ng kalayaan bilang isang indibidwal na nagtatamo ng karapatan na ipahayag ang kanilang nararamdaman sa paraan ng paguguhit sa mga bagay o pagbabandal. Ayon sa sarbey o talatanungan na ginawa sa tatlompung estudyante sa Kolehiyo ng CBA ang mga kadihalanan kung bakit laganap ang bandalismo sa Kolehiyo. Una,ay ito ay isang agresyon o matinding damdaming hindi maisiwalat maging ang mga “latent o hidden desire” ng mga tao na naibubulas lamang sa pamamagitan ng tulong ng ilang pilosopiya at pag-aaral mula sa “psychology” at ay nakukuha ng 34% sa ginawang
12
sarbey. Ikalawa, na nakakuha ng 26 % na pag-sasangayon ito ay ginagawa ng mga estudyante kapag sila ay walang magawa, nababagot sa klase kung kaya’t ginagawa nilang pamatay oras ang pagsusulat o paguguhit sa mga bagay na hindi naman nila dapat sulatan. Ika-tatlo, ito ay isang paraan upang mailabas ang saloobin o ang mga bagay na kinikimkim ng bawat estudyante sa kanilang pamilya, kamag-aral, propesor, kaibgan at iba pang mga taong nakapaligigd na maaring makaapekto sa kanilang pagiisip, emosyonal at pananaw sa buhay . Madalas ang kadahilanang ito na kung saan ang mga estudyante ay nakakakuha ng mababang marka sa kanilang mga propesor, pagkakaroon ng hindi magandang komunikasyon sa kanilang mga propesor , maging sa kanilang mga kaibigan na siyang pinagmumulan ng away o bangngaayan ng dalawa o higit pang bilang ng mga tao ay nakakuha naman ng 20% sa sarbey na ginawa ukol dito. Ika-apat, na sinang-ayunan ng mga estudyante bilang na nakakuha ng 20% na pag-sangayon ay ang pagbabandal ay isang paraan ng pagpapakita ng sining na nais nilang ipamalas sa iba pang mga taong maaring makakita nito.
2.
Maipaliwanag ang maling gawaing ito ay nakakaapekto sa mga mag-aaral, propesor, at maging sa kabuoang pagtinggin sa katayuan ng Unibersidad.
Ayon sa artikulo ni sacsheriff sa internet ang epekto ng bandalismo sa mga magaaral ay una, ang pagbabayad sa maling gawaing ito. Sapagkat bilang isang Unibersidad sila ay naglalaaan ng pondo upang mapanatiling malinis at kaaya-ayang ang magiging kabuoang pagtinggin sa Pamantasan. Na siyang nagiging kadahilanan kung bakit tumataas ang matrikula na binabayaran ng mga mag-aaral. Ikalawa, ito ay
13
higit pa sa pera. Bagkus, ito ay maaring makaapekto sa emosyunal na aspekto ng mga taong nakakakita at nagsusulat nito. Sapagkat ang mga taong kasangkot sa naturang bandal ay maaring makakaramdam ng galit, sakit at pagkatakot sa kanilang nabasa. Ayon naman sa artikulo ng “criminal find law” ito ay nakakaapekto sa ating kapaligiran , sapagkat ang bandalismo ay nakakadumi sa ating lugar kung saan ito ay nakakasira ng kaayusan at kalinisan ng isang bagay. Kung ating matatandaan tayo ay nilikha at nilalang ng ating Diyos upang pangalagaan at inggatan ang mundong pinagkaloob Nito, Kung kaya’t bilang isang tao kinakailanggan nating panatilihin ang kalinisan ng mga bagay bagay sa mundo. Sinasabing
ang bandalismo ay
nakakapagdulot din ng takot o pangamba sa mga taong nakakabasa nito kahit hindi naman sila kasangkot dito. Ayon sa talatanungan na ginawa sa tatlompung estudyante sa Kolehiyo ng CBA Ang bandalismo ay nakakaapekto una sa mga mag-aaral mismo ng naturang kolehiyo, sapagkat ito ang kadahilanan
kung bakit tumataas ang kanilang matrikula, na
nakakuha ng 46%. Pangalawa ito rin ay nakakaapekto sa mga propesor sa pamamagitan ng ito ay nakakabuo ng hindi magandang relasyon. Dahil sa mga pagbabandal nakikita ang hindi magandang katayuan ng relasyon ng mga estudyante at propesor, maging ang relasyon nila sa kanilang kapwa mag-aaral o kaibigan at sa administrasyon ng pamantasan, na nakakuha ng 40% sa ginawang sarbey. At 13% naman ang sumangayon na ito ay nkakababa ng kredibilidad ng isang kolehiyo. At ayon naman sa pakikipanayam kay Dr. Merais (Dekano ng CBA) ang patuloy ng pagkalat ng bandalismo sa Kolehiyo ng CBA ay nadugulot ng isang malaking suliranin sa pagitan ng kanilang administrayon at sa mga mag-aaral nito. Sapagkat, sa
14
hindi maiwasang pagdami ng bandal kada semester kinakailangan nilang maglaan ng malaking pondo ukol dito upang mapanatili lamang ang kalinisan at kaayusan ng buong gusali ng kanilang Kolehiyo. At ang pondong kanilang ginagamit ay kinkuha din sa mga estudyante kung saan itinataas ang kanilang matrikula para maisagawa o malimitahan lamang ang bandalismo sa CBA. Pagdating naman sa buong katayuan ng kolehiyo ang, hindi maiwasang paglaganap ng bandalismo sa bawat silid-aralan, CR at sa buong gusali ay nakakasira ng kredibilidad, kalinisan at kaayusan ng Kolehiyo ng CBA kung kaya’t ito rin ay kanilang bibigyang pansin .
3.
Maisa-isa ang paamamaraang ginagawa ng CBA upang mapanatili ang kaayusan at kalininisan ng bawat silid-aralan, CR, at buong gusali ng kolehiyo at maisa-isa ang pamamaraan upang malunasan ang patuloy na pagkalat ng bandalismo sa naturang kolehiyo at makabuo ng alternatibong solusyon hinggil sa suliraning ito. Ayon kay Dr. Merais (Dekano ng CBA) na ang mga hakbang na ginagawa ng
administrasyon ay ang pagsasa-ayos ng mga napipinsala upang mas maging presentable ang bawat parte o bahagi ng kolehiyo. Upang bigyan ng patibay ito, mapapansin na sa simula ng ikalawang semester taong 2011 bago ang pintura ng mga silya sa bawat silid aralan. Isa lamang itong patunay sa kanilang ginagawang hakbang upang mailimitahan ang pinsalang ginawa ng pagbabandal ng mga estudyante sa kanilang kolehiyo. Ngunit, ang ganitong hakbangin ay hindi sapat dahil sa ito ay rumeresulta lamang sa pagtaas ng matrikula na siyang ayaw ng bawat estudyante, maging ang mga magulang ng mga mag-aaral. Upang bigyang katibayan muli ito,
15
mapapansin ang patuloy na pagtaas ng matrikula ng mga mag-aaral na CBA. Ngunit kapansin pansin naman ang pagiging angat nito pagdating sa kagandahan at kalinisan kung ikukumpara ito sa iba pang kolehiyo. Kaya naman nilalayon ng pananaliksik na ito na magsulong ng mga pamamaraang mas magiging epektibo at produktibo. Ang mga pamamaraang ito ay binubuo ng “video” na magtatalakay ng mga bagay na dapat malaman ng estudyante patungkol sa bandalismo. Ang sumunod ay ang mga “flyers” na ipapakalat sa kolehiyo na patungkol pa din sa bandalismo. Ang isa pang pamamaraan o “promotional tool” ay ang “Freedom Wall” na naglalayong bigyan ng espasyo ang bawat isa na magsulat magmarka o gumihit ng mga bagay na nais nilang ilgay ng sa gayon ay hindi na sila magmamarka sa mga bagay na hindi nman dapat guhitan o sulatan. Ang isa pa ay ang “poster” na ipapakalat sa mga “bulletin boards” sa buong kolehiyo na patungkol sa bandalismo. At ang paghuli ay ang mga “seminar” at “forum” na magtatalakay at magpapaliwanag ng mas malalim na patungkol sa bandalismo at kung ano ang mga dahilan at paano matutugunan ang ganitong mga isyu na dapat namang aksyunan na sa lalong madaling panahon. At ang patuloy na paggawa ng prosesong ito.
16
Konklusyon Ang mga napatunayan ng mga mananaliksik sa ginawang pag-aaral ukol sa paksang (Bandalismo). Ang kalagayan ng Bandalismo at ang epekto nito sa mga mag-aaral sa CBA sa Pamantasang De La Salle TP 2011 - 2012, Ikalawang Semestre ay patuloy ang paglaganap ng bandalismo sa maturang kolehiyo. Maraming nakakapansin at nakakakita nito ngunit bilang estudyante, walang nagnanais na bigyang pansin at bigyan ito ng alternatibong solusyon. Sapagkat, sa kanilang npalagay ay hindi naman nila responsibilidad ang pagsugpo sa maling gawain na ito. Lumabas din sa pag-aaral ng mga mananaliksik na may mga iba’t ibang kadahilanan kung bakit ito talamak ngayon. Isa sa mga kadahilanang ito ay ang problema sa pamilya, pansariling problema, problemang natatamo sa kanilang mga propesor, problema hinggil sa administrasyon at ang impluwensya ng iabng grupo. At ang bandalismo ay nakakaapekto din sa emosyonal at sikolohikal na aspeto sa mga taong nakakakita at nagsusulat nito. Napagtanto din ng mga mananaliksik na ang CBA ay gunmagawa ng solusyon upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng bawat sulok ng Kolehiyo. Dahil dito nababawasan ng kaunti ang bandalismo, ngunit ito ay hindi napipigilang kumalat sa buong kolehiyo. Sapagkat, iba’t ibang ang persepsyon nila sa bandalismo may ibangtaong tinitiganan itong sining, karapatan ng pagpapahayag at iba pa. Ngunit sa iba ang bandalismo ay itinuturing na krimen kung saan dapat siyang bigyan ng atensyon at agarang aksyon.
17 Rekomendasyon Estudyante -
Iminumungkahi ng mga mananaliksik sa mga mag-aaral ng CBA ay iwasan ang pagkalat nito. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng disiplina sa sarili, pagsunod sa pamantayan ng pamantasan sa kabuuan. Inirerekomenda din ng mga mananaliksik, na ito ay pagtuunan ng pansin hindi lamang ng Unibersidad, maging ang mga mag-aaral sa saklaw nito. Sapagkat isa sa kanilang responsibilidad sa pamantasan, bilang isang magaaral at bilang isang indibidwal na kawangis ng Diyos na pangalagaan ang kapaligiran at panatilihing malinis at maayos ito.
Propesor -
Iminumugkahi ng mga mananaliksik na ito rin ay kanilang bigyan ng pansin. Ituro sa bawat mag-aaral ang mga maaaring epekto nito sa kanila at maging instrumento sa pagsugpo ng bandalismo sa CBA. Sa pamamagitan ng pagsisita o pagbabawal sa mga estudyanteng gumagawa nito. Sa paggawa ng mga aktibidad upang maiwasan ang paglaganap ng bandalismo sa kolehiyo at maiwasan ang mga epektong kaakibat nito.
Dekano ngt CBA -
Iminumungkahi ng mga mananaliksik na patuloy na bigyan ng pansin ang paglaganap ng bandalismo sa nasabing kolehiyo. Gumawa ng pamantayan o batas na bibigyan ng kaparusahan ang mga mahuhuling gumagawa nito. Gumawa ng mga programa at proyekto na patungkol sa bandalismo. Bumuo at gumawa ng mga paalala at babala sa bawat sulok ng kolehiyo na bawal ang bandalismo. At ang huli, iparating sa mga magaaral ang epekto nito sa kanila gaya ng pagtaas ng matrikula sa bawat programa ng CBA.
18 APENDIKS
SARBEY Kami ay ang mag-aaral ng Pamantasang De La Salle- Dasmariñas at kami ay nagsasagawa ng kilos saliksik bilang pagtugon sa pangangailangan sa FILI102. Bilang bahagi ng pag-aaral, isang serber ang aming isasagawa hinggil sa aming napiling paksa, “ANG MGA KADAHILANAN NG VANDALISM, EPEKTO, AT MAAARING ALTERNATIBO NITO SA MGA MAG-AARAL NG CBA SA PAMANTASANG DE LA SALLE – AKADEMIKONG TAON 2011–2012 IKALAWANG SEMESTRE.” Mangyari lamang na tugunan ang mga tanong na nakapaloob sa sarbey form na ito ng tapat at tahasan. Paki lagyan lamang ng (X) ang iyong sagot at pumili lamang ng isa (1). Maraming salamat po. I.
Sa iyong palagay, bakit laganap ang bandalismo sa Kolehiyo ng CBA Anung problema ang maaring dahilan nito? ___Problemang pansarili ___Problema sa propesor ___Problema sa administrasyon ___ Problema sa pamilya Iba pa, tukuyin:______________________________________________
19
II.
Ano ang maaring kadahilan kung bakit nagbabandal ang isang indibidwal? ___Agresyon o “latent desire” ___ Bunga ng pagiging bugnutin ng mga mag-aaral ___ Pagiging malikhain o pagkakaroon ng malawak na imahinasyon ___Kawalan ng kontrol sa sarili ___”form of expression” ___Bunga ng pagiging maluwag ng Kolehiyo Iba pa, tukuyin:______________________________________________
III.
Ano ang maaring maidulot ng bandalismo sa mga mag-aaral, propesor, at maging sa kabuoang pagtinggin sa katayuan ng Pamantasan? ___nakakataas ng matrikula ng bawat mag-aaral ___nakakadumi at nakakababa ng kredibilidad ng CBA ___daan ng away at hindi pagkakaintindihan Iba pa, tukuyin:______________________________________________
IV.
Bilang mag-aaral na sangkot sa ganitong suliranin, ano ang iyong mamumungkahing aksyon upang maalis o mabawasan ang bandalismo sa naturang kolehiyo ?
20
Bibliyograpiya
D. Merais ,personal na pakikipanayam ika-24 ng Pebrero 2012.
Silvia A. (1996).Vandalism at DLSU-Aguinaldo-Its Causes as Perceives by Selected Students
Ahmad Mahmoud (2009). Vandalism at Boys Schools in Jordan.2012
Thawabieh. (2001). Criminal find law
Sacsheriff (http://www.sascheriiff.com) – Reason why students vandal