Republika ng Pilipinas Pamantasan ng Mindanao Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Humanidades
Teacher- Made Test
Andales, Irene D. Tagapag-ulat
Hulyo __, 2013 1
Teacher-Made Test Ang pagsusulit na ito ay inihanda ng Guro ayon sa nilalaman ng mga aralin na natalakay ng mga Mag-aaral.
Mga Hakbang sa Pagsasagawa ng Teacher-Made Test.
Pagpaplano ng Pagsusulit. Dapat isaalang-alang ang pagkakaroon ng sapat ng kagamitan na maaring gamitin sa pagsusulit.. Ang Layunin ng pagsusulit ay gawing malinaw. Isaalang-alang ang kalikasan ng pagsusulit kung saan ito isasagawa. Sa pagpaplano ng pagsusulit, kailangan ding ikonsidera ang sumusunod na salik: Edad, Karanasan ng kukuha ng pagsusulit, pisikal na kaligiran ng pagdadausan ng pagsusulit, maayos na Bentilasyon, Halaga ng Materyales na gagamitin. Kailangang masukat ang haba ng pagsusulit.
Paghahanda ng Pagsusulit. Ang unang Borador ng pagsusulit ay dapat ihanda sa lalong madaling panahon. Ang gagawing pagsusulit ay dapat binubuo ng higit sa isang uring ay ang tukuyan, Tama o Mali, Pagtatapat-tapat, Essay type. Ang aytem ng pagsusulit ay dapat ihanay mula sa pinakamadali hanggang sa pinakamahirap. Ang una at huling Borador ng pagsusulit ay baguhin at repasuhin. Ang magkatulad na aytem ay dapat pag-isahin sa parehong uri ng pagsusulit. Ang pagkakaroon ng pattern sa mga sagot ay iwasan. Gawing malinaw ang panuto sa pagsusulit.
2
Pagbibigay ng kopya ng pagsusulit Bawat paaralan ay dapat magkaroon ng kanya-kanyang pasilidad na sapat sa pagpaparami ng kopya. Tiyakin na magkakaroon ng kopya ang bawat mag-aaral sa pagsasagawa ng pagsusulit.
Pamamahala ng pagsusulit. Siguraduhing walang kahit anumang bagay ang makikita maliban sa mga kagamitan na gagamitin sa pagsusulit. Bigyang linaw ang mga kamaliang makikita sa test paper bago simulan ang pagsusulit. Magbigay ng kompleto at malinaw na panuto bago simulan ang pagsusulit at maaring tumanggap ng mga katanungan habang isinasagawa ang pagsusulit. Ilagay sa pisara kung anong oras magsisimula at magtatapos ang pagsusulit. Hindi maaring umalis ng silid ang mag-aaral habang isinasagawa ang pagsusulit maliban kung ito ay pampersonal na pangangailangan.
Pagbibigay Puntos sa Pagsusulit. Ang pinakamabisang pagbibigay puntos sa pagsusulit na patukoy ay isang puntos bawat tamang sagot. Kung sakaling ang pagsusulit ay may dalawa o tatlong pagpipilian bawat aytem, ang Correction Formula ay ginagamit. Halimbawa: SCORE= TAMA-MALI. Kung gagamitin ang pormulang ito, marapat na ipaalam sa mag-aaral bago magsimula.
3
Halimbawa ng Teacher-made Test (Grade 7)
Pangkalahatang panuto: Basahin ang bawat panuto. Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel. I. Panuto: Lagyan ng Tsek ( √ ) kung tama ang isinasaad ng pangungusap at Ekis ( X ) mali.
kung
_______1. Ang Biag ni Lam-ang ay epiko ng mga Tagalog. _______2. Ang Epiko ay kwento ng kabayanihan. _______3. Ang Salawikain ang kwento ng pinagmulan ng mga bagay-bagay. _______4. Ang pabula ay kwentong ang pangunahing tauhan ay mga hayop. _______5. Nagpapahayag ng aral at magandang pag-uugali ang salawikain.
II. Panuto: Piliin ang tamang sagot, Titik lamang ang isulat sa sagutang papel. Nagsasaad ng bilang o dami ng pangngalan o panghalip________. a. panlarawan
b.pamilang
c. Pang-abay
d. pandiwa
Ang bahaging pinag-uusapan o pinagtuunan ng pansin sa pangungusap. a. paksa
b. Panaguri
c. pandiwa
d. pang-abay
Uri ng tauhan na nagbabago ng karakter at nagkakaroon ng pagkatuto sa kanyang hinaharap na tunggalian o suliranin. a. Bilog
. lapad
c. Kontra-bida
. bida
Uri ng tauhan na hindi nagbabago ng karakter at nagkakaroon ng pagkatuto sa kanyang hinaharap na tunggalian o suliranin. a. Bilog
b. lapad
c. Kontra-bida 4
d. bida
Makatutulong sa _________ ng Filipino ang paggamit ng wika sa mga leksyon sa klase. a. Modernisasyon
b. Istandardisasyon
c. Intelektwalisasyon
III. Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.
Dayalogo Kasukdulan Monologo Isahang pagbigkas
wakas
konotasyon denotasyon
talatinigan
panimulang pangyayari simbolo
1. Isang uri ng pagsasalita kung saan ang isang tauhan ay sinasabi ang kanyang isinasaisip sa isa pang tauhan o kaya sa kapulungan ng nakikinig.
2. Ditto inilalahad ang kahihinatnan ng mga tauhan at mga pangyayari sa akda.
3. Inilalahad sa bahaging ito ang masidhing damdamin ng mga tauhan ang mga pangyayari.
4.
pagpapakahulugan na nagmula sa Diksyunaryo.
5. Ang pagpapakahulugan na tahas at aktwal.
5
TALAAN NG ESPISIPIKASYON (TOS)
Dimensyon
Uri ng pagsusulit
Lokasyon
Aytem
Kabuuan
bahagdan
a. Pagsuri sa kawastuhan ng mga pahayag.
Papili( tama o Mali)
1, 2, 3, 4, 5
I. 1-5
5
33.33%
b. pagtukoy sa tamang sagot sa mga katanungan.
Uring papili
1, 2, 3, 4, 5
II. 1-5
5
33.33%
c. paggamit ng mga angkop na salita sa pangungusap.
Pagpupuno
III. 1-5
5
33.33%
15
100%
1, 2, 3, 4, 5
6
7