Sino Ka Ba, Jose Rizal?
Isinilang Isinila ng ang Kapati Kapatid d Ko
KORO Jose Rizal, Dr. Jose Rizal (Jose Rizal, Dr. Jose Rizal) Ikaw raw ay bayani ng bayan (Ang buhay mo’y pinag-aaralan)
NENENG Isinilang ang kapatid ko Disinuebe ng buwang Hunyo Mil ocho cientos sesenta y uno
Kahit musmos alam ang iyong pangalan (Ang iyong dating ay parang si Superman) May monumento ka kahit saan (Kayrami-rami mong nalalaman) Ngunit sino ka, sino ka ba Sino ka nga bang talaga, sino ka ba Sino ka ba Jose Rizal, sino ka ba Mayron nga bang taong singdunong mo Sino ka ba Jose Rizal, sino ka ba Mayron nga bang taong katulad mo Duktor, pintor, siruhano, arketekto, iskultor (Bata pa’y nanalo na ng tula at drama) Tunay bang kayrami kayrami nga ng alam mo (Nangolekta ng kayraming medalya) Mahusay na manunulat, manunula (Di lang henyo sa isip, pati sa puso pa) Kahit sa mga lengguwaheng banyaga (Nangolekta rin ng mga nobya) Italyano, Aleman, Pranses, Kastila (Nelly, Josephine, Gertrude Leonor, Leonor, Segunda at marami pang iba) Sino ka ba Jose Rizal, sino ka ba Mayron nga bang taong singdunong mo Sino ka ba Jose Rizal, sino ka ba Mayron nga bang taong katulad mo Ngunit sino ka, sino ka ba Sino ka nga bang talaga, sino ka ba Sino ka ba Jose Rizal, sino ka ba Mayron bang Pinoy na kasinggaling mo Sino ka ba Jose Rizal, sino ka ba Mayron bang Pinoy na katulad mo
Pagitan ng alas onse’t Alas dose ng gabi Nang niluwal yang si Jose Bago bumilog ang buwan Yan ang natatandaan Si ina ay lubhang nahirapan FRANCISCO Si Paciano at si Jose Tanging anak na lalake Ang siyam ay puro babae PACIANO Sampu silang kapatid ko Si Jose ang ikapito Sampung taon ang tanda ko FRANCISCO Siya’y lumaking masunurin Takot sa Dios, masimbahin Sa ina nagsimula ng aralin TEODORA Mali-mali ang iyong pagbasa O inaantok ka lang ba O naglalakbay na naman ang iyong isipan RIZAL Naaaliw lang po ako Sa munting gamugamo Paikut-ikot sa apoy Tuwang-tuwa, gustong-gusto TEODORA May kasaysayan dito Tungkol sa isang gamugamong Matigas ang ulo RIZAL Tulad ko po ba ang gamugamong iyan Na mahilig magtanong Ng kung ano at kung saan TEODORA Shh.. Makinig ka na lang..
Gamugamong Munti
TEODORA Gamugamong munti sa apoy ay naakit Ina ay nangamba, binalaang huwag lumapit Init ng apoy na nakahahalina Init ng tukso’y ang sa iyo humihila Sa dulot na liwanag ay huwag kang mahumaling Sa dulot na liwanag ika’y aangkinin Gamugamong munti ay pailing-iling Ano kaya itong pinagkakait sa akin Paglisan ng ina, gamugamo ay nagpasya Unti-unting lumapit sa apoy ng lampara Habang lumalapit kanyang nadarama Kaysarap ng init, di dapat mangamba At siya nga’y binulag nitong kapusukan Lumapit nang lumapit, walang pakundangan Kaysarap na init, biglaang bumagsik At siya ay tinupok, singbilis ng saglit NENENG Ay anong sakit, anong hapdi ng sinapit Ay anong lungkot, anong tindi, anong lupit RIZAL Gamugamong munti sa apoy ay nahalina Ang takot tak ot ng ina ay hindi nya alintana Init ng apoy na nakahahalina Init ng tukso’y sa kanya humila Ang dulot na liwanag nag-aalok ng init Ang dulot na liwanag ay napakarikit Gamugamong munti ay mapalad na rin Tupok man ang pakpak, ang pangarap ay naangkin
BOY Pepeng tarat, Pepeng tarat GIRL Lumalaki ang ulo kapag nagugulat RIZAL Paglaki ko makikita ninyo Ulo ko’y gagawing monumento PACIANO Sa bayang Binyang nag-eskwela NENENG Nag-aral ng Latin, pagsulat, pagbasa FRANCISCO Ngunit sa Binyang ay di sya masaya Doon ika niya’y di kaiga-igaya PACIANO Pinasok ko sa Ateneo de Manila Kailangan pang gumamit ng influencia FRANCISCO At ang ginamit na apelyido Rizal sa halip na Mercado Dahil sa pagkasangkot sa kaso Ni Burgos nitong si Paciano PACIANO At siya ay nangasera Sa bahay ni Doña Pepay Doon pala kalabas-labasa’y Kalokohan ay panay KAKLASE1 Di siya gaanong magaling sa Kastila Nang bagong dating sa Maynila
TEODORA Mayrong aral diyan na dapat mong matutunan Sinag ng karunungan huwag gaanong lapitan
KAKLASE2 Masyado itong maramdamin Masyado pating matampuhin KAKLASE3 Nang minsan siya’y napagdisketahan Ng isang maestrong hibang
RIZAL Ngunit ang liwanag ay napakarikit Matupok man ako, maluwalhati ang pait!
Naku di maawat-awat si Jose Nagmukmok araw at gabi
Que Bobo Bobo
MAESTRO Ay que bobo bobo bobo Ke bobo bobo bobo mo Ay que bobo bobo bobo Ke bobo bobo mo
PACIANO Madalas tuksuhin si Jose Pagkat ang ulo niya’y malaki Madalas biruin si Pepeng Pepe Pepe, ulo ay higante
Nagtatangka pang mag-aral Kung sumagot ay kaybagal Español na butal-butal Buhol-buhol, nauutal
Kalamba Hanggang Santa Cruz
MAESTRO Ay que bobo bobo bobo Ke bobo bobo bobo mo Ay que bobo bobo bobo Ke bobo bobo mo
PACIANO Naroroon nag-aaral nang ina’y nasakdal NENENG Pinukol ng bintang na gawa-gawa lang FRANCISCO Hipag ay nilason daw, muntik nang mamatay PACIANO At nagsipaglitaw mga lihim na kaaway
KAKLASE Magtimpi ka Jose Rizal Hayaan nang siya’y magdadadaldal Matandang ya’y talagang hangal At sadyang malupit ang asal
TEODORA Kalamba hanggang Santa Cruz Para akong kandilang nauupos Darang sa titig ng mga naawa At hatid-hatid ng bulungang nangungutya
RIZAL Siya ang que bobo bobo bobo Pagkat di nya nalalamang Siya pala ay que bobo bobo Ang maestrong timang
Kalamba hanggang Santa Cruz Tinik na landas di matapus-tapos Sa bawat yapak puso’y nagdurugo Sa bawat hingal kahihiya’y gumuguho
Tingnan mo ang mga Español Kahit na ang leksyon ay nasa Español Pati na ang mga propesor Pag nagtuturo ay Español Di pa rin nila nasasakyan Ang leksyon di maintindihan Samantalang dehadong Indio Sandali lang ay intiendido Sobresaliente ang grado RIZAL Sino ngayon ang katangi-tangi KAKLASE Mga puti ba o kayumanggi RIZAL Sino ngayon ang kapuri-puri KAKLASE At mas matino ang lahi RIZAL Sino ang tunay na mas mapurol Mga Indio ba o mga Español Sino ang tunay na mas matalas Kitang-kita at namamalas LAHAT Sino ngayon ang que bobo bobo Pasalamat ka nga maestro At kami’y di naging ke bobo Kahit ke bobo mo
RIZAL Ano’ng ginawa nila sa iyo, Ina Akala ko’y kaibigan natin sila Tinanggap ng buo sa ating tahanan Ang sukli sa inyo ika’y parusahan Ano’ng ginawa nila sa iyo, Ina Akala ko’y kaibigan natin sila Sa harap ng madla, hinamak, hiniya Parang isang kriminal, pinalakad, kinaladkad TEODORA Kalamba hanggang Santa Cruz RIZAL Ano’ng ginawa nila sa iyo, Ina TEODORA Pagpapahirap na lubus-lubos RIZAL Akala ko’y kaibigan natin sila PAMILYA Pagkamuhi sa atin, bakit ganun na lang Pagkamuhi nila’y parang walang hanggan TEODORA Kalamba hanggang Santa Cruz RIZAL Ano’ng ginawa nila sa iyo, Ina TEODORA Puri’t pangalan ay binusabos RIZAL Akala ko’y kaibigan natin sila
PAMILYA Ang Korte Suprema sa wakas nagpasya Doña Teodora, walang pagkakasala TEODORA Kalamba hanggang Santa Cruz RIZAL Ano’ng ginawa nila sa iyo, Ina TEODORA Kalamba hanggang Santa Cruz RIZAL Ano’ng ginawa nila sa iyo, Ina TEODORA Kalamba hanggang Santa Cruz RIZAL Ano’ng ginawa nila sa iyo, Ina Kalamba
RIZAL Kalamba Labis akong nangungulila, Kalamba Ilang patak ng luha ang Tumakas sa aking mata Sa mga gabing naaalala ka Bayan kong sinta Kalamba Ang lahat ng nilalaman nitong dibdib Ang lahat ng tanawin mong Laging buhay sa aking isip Lahat ng minahal, lahat ng dinasal Lahat ay nagmula, dito nag-umpisa Sa bayan kong sinta, Kalamba Damhin mo ang bighani ng Makiling Habang niyayapos ng takipsilim Tuklasin ang hiwagang nililihim May dilag bang sa puso mo’y nahihimbing Duda Ako
KAIBIGAN1 Pabasa, pabasa ng tulang sinulat Patingin, patingin, diwa ba’y malawak? KAIBIGAN2 Ito ba’y gawa mo, sulat mo ba ito? KAIBIGAN1 Ang galing, ang husay kung talagang sa iyo LEONCIO Duda ako, dudang-duda ako Kung ikaw nga Jose ang sumulat nito Kamangha-mangha, kaylalim-lalim na tula Di maaring isang bata ang gumawa, kaya
Duda ako, dudang-duda ako Kung ikaw nga Jose ang sumulat nito Ang duda ko, ang may katha Isang kilala’t batikang makata RIZAL Ano’ng akala mo, nangongopya ako Lumikha ng tula ay di ko magawa? Ibig mo bang utak ko ay buksan Naroon ang tulang doon ko nilinang LEONCIO Duda ako, dudang-duda ako Kung ikaw nga Jose ang sumulat nito Ang duda ko, ang may katha Isang kilala’t batikang makata RIZAL Ibig mo bang puso ko ay buksan Naroon ang tulang hinahangaan LEONCIO Duda ako, dudang-duda ako Kung ikaw nga Jose ang sumulat nito Ang duda ko, ang may katha Isang kilala’t batikang makata RIZAL Ang duda ko, ang duda mo Ay isang inggit ng paring masungit LEONCIO Duda ako, dudang-duda ako Kung ikaw nga Jose ang sumulat nito RIZAL Padre Leoncio, dudang-duda rin ako Kung tulang ganito ay magagawa mo BOTH Duda ako!
Abogado
Leonor, Leonor
NENENG Kumusta, kumusta, kumusta Ilang medalya na ang iyong nakolekta RIZAL Madalas ako’y may karamdaman Ngunit marami na ring nakamtan
CHENGGOY Pepe aking kaibigan Tayo ay magsaya naman Mahirap yang puro aral Puso’y pagbigyang minsan
PACIANO Kailangang magpatuloy Kailangan pang mag-aral Magsunog, magsunog ng kilay Ano bang kurso’ng kukunin mo? RIZAL Mas makakatulong ako sa maraming tao Kung ang kursong kukunin ko Kapatid na Paciano, ay pag-aabogado PACIANO Ahh abogado.. Abogado?!
Ang abogado rito Ay hindi talaga totoong nag-aabogado Kontratista o maestro Magsasaka, haciendero Pero nunca abogado
RIZAL Chenggoy aking kaibigan Tandaan tiyakin mo lang Tiyaking sa tamang Leonor Iabot ang mga liham CHENGGOY Tamang Leonor, maling Leonor Baka magkabuhol-buhol Ang kay Leonor ay kay Leonor Medyo magulo, nakakaulol RIZAL Itong isa ay kay Leonor Itong isa ay kay Leonor Chenggoy aking kaibigan Huwag mong pagpalitin por favor CHENGGOY Riverang Leonor, Valenzuelang Leonor Sino ba ang tunay mong inaamor?
Mag-medisina, magsulat o magpinta Optalmolohiya, mata ni ina’y malabo na Mag-inhinyero o kahit anong kurso Pero huwag na huwag na huwag kang Maging abogado
RIZAL Si Leonor.. Si Leonor..
Saan kumikita ang abogado Sa pagtanggol ba ng panig ng tama o panloloko Tama ang pera kahit mali Kapatid na Jose, kaya ba yan ng iyong budhi
Tuwing na lang naririnig ang pangalang Leonor, Leonor May kung anong lumulukso sa dibdib ko Leonor, Leonor
RIZAL Literatura ang tunay kong hilig Mga tula at nobela ang tunay kong pag-ibig
Tuwing ang mukha mo’y nasisilayan Leonor, Leonor May kung anong tumutunaw sa tuhod ko Leonor, Leonor
PACIANO Sepulturero o tagatulak ng barko Pero huwag na huwag na huwag na huwag kang Huwag na huwag na huwag na huwag kang Huwag na huwag na huwag kang Maging abogado!
Leonor, Leonor, Leonor, Leonor Mi solamente amor
Leonor, Leonor, Leonor, Leonor Mi solamente amor Sa paghimbing lagi kang panaginip Leonor, Leonor Sa paggising lagi kang nasa isip Leonor, Leonor
Tuwing nasasagap ko ang iyong tinig Leonor, Leonor May awit na naririnig sa paligid Leonor, Leonor Leonor, Leonor, Leonor, Leonor Mi solamente amor Kapag natatabunan ng ulap Ang nanonood na burans Ang dilim ng matang Leonor, Leonor Laging kumikinang Kapag napupukaw ng hangin Ang init ng katanghalian Halimuyak ng aking Leonor, Leonor Laging naiiwan Leonor, Leonor, Leonor, Leonor Ang buong araw ko, ang buong buhay ko Ang buong mundo ko, Leonor, Leonor Leonor, Leonor, Leonor, Leonor Puso’t kaluluwa ko, isip at diwa ko Lahat ng ito, O Leonor, Leonor Leonor, Leonor, Leonor, Leonor Mi solamente amor Dapat Ikaw
INDIO Huwag po! Huwag po! ASAWA Maawa po kayo INDIO Huwag po! Huwag po! ASAWA Patawarin po ninyo GWARDYA Magbayad ng buwis o makalaboso Doon sa piitan mabubulok kayo PACIANO Huwag na, huwag na, maawa na kayo RIZAL Huwag na, huwag na, kuya Paciano PACIANO Sapagkat sinakop, sapagkat dinahas Sapagkat ginahis ng bayang malakas
Itong ating baya’y bayang walang lakas Bayang binusabos, bayang naghihirap RIZAL Huwag padalus-dalos, ingatan ang hakbang At ang bawat balak dapat paghandaan PACIANO Isa sa atin dapat mangibang bayan Doon hasain sandatang karunungan Talas ng utak ating panlalaban Upang ating baya’y bigyang katarungan RIZAL Dapat ikaw PACIANO Dapat ikaw RIZAL Dapat ikaw PACIANO Dapat ikaw RIZAL Dapat ikaw PACIANO Dapat ikaw PACIANO Ako’y di pwede dahil ako’y markado Gulo sa Cavite, naaalala mo Ako’y nasabit, muntik maaresto Kay Burgos nadawit na kadormitoryo RIZAL Si Padre Burgos, Gomez at Zamora Ay ginarote kahit walang sala PACIANO Kaya dapat ikaw, di ka delikado Apelyido’y Rizal at hindi Mercado RIZAL Dapat ikaw PACIANO Dapat ikaw RIZAL Dapat ikaw PACIANO Dapat ikaw RIZAL Dapat ikaw PACIANO Dapat ikaw RIZAL Baka si ina lalong mag-alala Ni ayaw niyang ako’y mag-aral sa Maynila PACIANO Ating ililihim, di niya malalaman Tanging si Ate Neneng ang ating sasabihan RIZAL Saan kukuha ng malaking panggastos PACIANO Ako ang bahala, ako’ng magtutustos Laging alalahanin ang ating sumpaan Ang isa sa atin maglingkod sa bayan
RIZAL Dapat ikaw PACIANO Dapat ikaw RIZAL Dapat ikaw PACIANO Dapat ikaw RIZAL Dapat ikaw PACIANO Dapat ikaw PACIANO Ating sumpaa’y sumpang walang hanggan RIZAL Ibuhos ang buhay, sa bayan ilaan PACIANO Di mag-aasawa RIZAL Di mag-aasawa?! PACIANO Di mag-aasawa RIZAL Di mag-aasawa?! RIZAL Aba’y dapat ikaw! PACIANO Dapat ikaw RIZAL Dapat ikaw PACIANO Dapat ikaw RIZAL Dapat ikaw PACIANO Dapat ikaw Taimis
LEONOR Chenggoy aking kaibigan Ano ang nalalaman mo Nasaan ang iyong kaibigang May-ari ng puso ko CHENGGOY Di ako magkakaila Baka lalo lang lumubha Si Pepe’y umalis na Mag-aaral sa España LEONOR Huwag mo akong biruin Ano ba ang totoo Huwag mo sanang laruin Ang tiwala’t pag-ibig ko CHENGGOY Leonor, Leonor, Leonor, Leonor Patawad ngunit ang totoo Leonor, Leonor, Leonor, Leonor Lumisan na si Pepe mo LEONOR Bakit ka ba lumisang di nagpaalam Sino ba ako na basta mo na lang iniwanan
Bakit pa ba nilihim ang iyong pag-alis Di man lang naisip na iiwa’y hinagpis Bakit pinagdamutan, bakit pinagtaguan Kahit konting paalam, bakit mo pinagkait Ako ba ay nagkulang at dapat parusahan Di man lang dumaan, di man lang naglaan Ng kahit kapirasong saglit Kahit na ilang ulit basahin ang iyong liham Ni kaunting pahiwatig walang nilalaman Nang huli tayong magkita, akin pang naaalala Kinabukasan natin ang pinipinta Ano’ng kinabukasan, ano’ng maaasahan Kung wala ka rin lang, para que, para saan Buhay ko ay walang kahulugan Bakit ka ba lumisang di nagpaalam Parang ang pag-ibig ko’y walang kabuluhan Bakit mo sa akin nilihim, ano ba ang iyong nais Sadya bang nais nang limutin si Taimis Sadya bang nais nang limutin si Taimis Sadya bang nais nang limutin si Taimis Di Na Nakapagpaalam
RIZAL Di na nakapagpaalam Kahit saglit man lamang Nakapiling kang muli At nakausap sandali Naalayan ng tula O awit na maikli Di na nakapagpaalam Kahit saglit man lamang Nasilayan kang muli Nadapuan ng ngiti Natapunan ng halik Giliw ko kahit munti Di na nakapagpaalam Kahit saglit man lamang Paliit nang paliit Palayo nang papaya Ligayang kahapon lang Ay yakap-yakap ko Di na nakapagpaalam Kahit saglit man lamang Pawala nang pawala
Palabo nang palabo Ang pangakong pagsintang Matapat na pagsuyo Di na nakapagpaalam Kahit saglit man lamang
RIZAL Parang mga hayok na lawin Sa ganid kung ihahambing Mga matang matatalim Walang ibang lunggatiin Kundi bulsa ay punuin
España, España Sa loob ng barkong patungong Espanya.
ESPAÑOLES Nasasabik sa kalamigang Aming muling maramdaman At ang iba’t iba mong klimang Malaon nang inaasam RIZAL Asahan mong panay reklamo Ang iuuwi sa iyo Gayong sila’y nagpasasa Sa bayang di nila bansa At nagkamal na ng husto LAHAT España, España Mga anak mo’y naririyan na España, España Madre mia, como esta? ESPAÑOLES O kaybilis ng pagbabago O kaybilis ng iyong pulso Ang buhay na sibilisado Ang buhay ko sa piling mo
LAHAT España, España Mga anak mo’y naririyan na España, España Madre mia, como esta? Kaysarap isiping uuwi na rin! Circulo Hispano-Filipino Proyekto Circulo Hispano-Filipino
LAHAT Simulan na natin at umpisahan Pulong-pulong natin, ng ating samahan Circulo Hispano-Filipino Circulo Hispano-Filipino ATAYDE Tayo ba’y kumpleto na’t naririto REGIDOR Kailan pa ba naging tayo ay kumpleto LAHAT Circulo Hispano-Filipino Circulo Hispano-Filipino
RIZAL Dating muchacho’t panadero At pipitsuging sundalo Sa pag-alis no dinero Sa pagbalik Don Tiburcio Daig pa ang may dukado
ATAYDE Maximo Paterno JAENA Tulog ATAYDE Graciano Jaena M.PATERNO Sabog ATAYDE Pedro Paterno, Dela Serna at Rizal
LAHAT España, España Mga anak mo’y naririyan na España, España Madre mia, como esta?
ATAYDE Maximo Viola LUNA Excuse ATAYDE At Juan Luna VIOLA Paos ATAYDE Jugo, Sanciangco, Esquiveles at Vidal
ESPAÑOLES Kami’y mistulang bagong gising Sa matagal na paghimbing Kami’y salat sa bagong sining Sa bagong dunong salat din
ATAYDE Lete LETE Si! ATAYDE Zaragosa ZARAGOSA Hola!
ATAYDE Aguirre AGUIRRE Yow! ATAYDE Villanueva VILLANUEVA Moi! FIGUEROA Atayde ATAYDE Huh?! Figueroa FIGUEROA Achtung! ATAYDE Regidor REGIDOR Ole!
Mga retirado, mga pensionado Kayo ang mag-ambag para sa Circulo LUNA Kaming estudyante, kapos palagi Kulang pa na pansugal at pangkape LAHAT Asosasyong walang kwenta ay itigil na Walang misyon, walang kusa at walang pera Circulo Hispano-Filipino Circulo Hispano-Filipino
MATATANDA Samahan ng mga katutubo at creole MGA BATA Samahan ng mga Indio’t Español
RIZAL Huwag iwanan ang ating minimithi Huwag lumisan at magsama-samang muli
LAHAT Circulo Hispano-Filipino Circulo Hispano-Filipino
LAHAT Circulo Hispano-Filipino Circulo Hispano-Filipino
LUNA Señor Atayde, ako’y may mungkahi ATAYDE Teka muna, mabunying Juan Luna JAENA Pwede kaya na ako ang mauna ESPAÑOL 1 Kayong bata, matatanda ang pakinggan
Simulan na natin at umpisahan Simulan ang di masimu-simulan Circulo Hispano-Filipino Circulo Hispano-FIlipino
PATERNO Punto de vistang kabataan Ang inyong kinakailangan ESPAÑOL 2 Mapusok Umuusok Konting kibot! LAHAT Samahan ng mga bata at matanda Di magkasundo, samaha’y sumasama Circulo Hispano-Filipino Circulo Hispano-FIlipino ATAYDE Koleksyon, koleksyon, bunutin ang sinuksok Circulo’y di iikot kung pera’y di papasok LAHAT Circulo Hispano-Filipino Circulo Hispano-Filipino JAENA
Proyekto
RIZAL Ako ay may proyekto, ako ay may mungkahi Isang libro.. LUNA Tungkol saan? RIZAL Tungkol sa ating lahi LAHAT Ano? Ano? Ano? RIZAL Teka, makinig kayo.. LAHAT Si RIzal ay may proyektong isang libro RIZAL Mga sinulat ko at mga sinulat n’yo Ay hiwa-hiwalay at walang epekto Ngunit kung kolektahin at pagsasama-samahin Isisilang ang librong tungkol sa bayan natin ESPAÑOL 1 Teka, teka, yang libro, ano’ng kabuluhan Ba’t ililimbag kwento ng ating bayan RIZAL
Mundo’y walang alam kung saan ang bayan natin Kung tagaroo’y unggoy o uhugin PATERNO Maganda! Maganda! Aba’y umpisahan na ESPAÑOL 1 Nangangarap, nangangarap, Nangangarap kayo ESPAÑOL 2 Makaalis na nga at nang matigil na Mga walang katuturang usapang ito RIZAL Kayo na lang ang aming tanging maaasahan Batang magigiting, kami rin ba’y iiwan? MGA BATA Kami’y sumasang-ayong gawin yang libro Pero teka, mag-aliw-aliw muna tayo RIZAL Ay kayhirap-hirap pagsama-samahin JAENA Ay kayhirap-hirap pagbuklod-buklurin RIZAL Ay kayhirap-hirap nga namang intindihin LAHAT Nitong mga Indiong kababayan natin LUNA Nang magsimula’y punong-puno ng plano JAENA Nang maglaon na’y kanya-kanya, talo-talo RIZAL Panahon nang mabago ang ugali nitong Indio LAHAT May pag-asa pa kayang tayo ay magbago RIZAL May pag-asa pa kaya LAHAT May pag-asa pa kaya RIZAL May pag-asa pa kayang tayo ay magbago Magdiwang!
PATERNO Magdiwang! Magdiwang! Ibuhos ang champan Nanalo, nagwagi Ang ating kababayan
Ang obra maestra ni Juan Luna Isa sa nanguna JAENA Ang Spoliarium? PATERNO Alin pa! JAENA Ilan ba’ng nakalaban ni Luna? LUNA Halos lahat ng pintor sa Europa Sikat na Pranses Italyano’t Olandes Mga bituin ng bellas artes JAENA Sabi sa inyo di patatalo Ang galing-galing ng Filipino PATERNO Ang hatol ng lupon Ng magigiting na hukom Medalya de oro ang Spoliarium LAHAT Magdiwang! Magdiwang! Ibuhos ang champan Nanalo, nagwagi Ang ating kababayan Magdiwang! Magdiwang! Ibuhos ang champan Nanalo, nagwagi Ang ating kababayan RIZAL Ika’y isang henyong Filipino Sikat ng araw ang tulad mo Hinahawi mo ang kadilimang Kumukubli sa ating bayan Ipinakita at ipinamalas Na sa bansang Filipinas Taglay na kulturang nagniningning Sa Europa’y maihahambing LAHAT Magdiwang! Magdiwang! Ibuhos ang champan Nanalo, nagwagi Ang ating kababayan LUNA
Salamat, salamat Ako’y nagagalak Puso’y umiindak Para akong naiiyak Ang nilikha kong Spoliarium Ay binuhusan ng dunong Isang marubdob na mensaheng Aking kinulayan ng emosyon Sa hilakbot ng kalawakan May tinig ng kapighatian Awa’t hustisya’y hinihingi Tinig ng naaapi LAHAT Magdiwang! Magdiwang! Ibuhos ang champan Nanalo, nagwagi Ang ating kababayan Magdiwang! Magdiwang! Ibuhos ang champan Wala na, wala na Wala na ang champan! Magdiwang! Magdiwang! Magdiwang! Magdiwang! Magdiwang! Magdiwang! Magdiwang!
Willkommen! Willkommen! Herr Rizal, Willkommen! Willkommen, Herr Jose Rizal FILIPINOS Kami po ay karaniwang Mga taong simple lamang Di naman dapat pagkaguluhan BLUMENTRITT Mga liham mo sa akin Dunong na kaylalim-lalim Kay Socrates ay maihahambing JOSE RIZAL Ako man ay humahanga Sa iyo, Alemang Dakila Nag-aaral ng sarili kong wika At sa puso ko’t isipan Dalubhasa kong kaibigan Asahang di ka lilisan kailanman GERMANS Willkommen! Willkommen! Herr Rizal, Willkommen! Willkommen, Herr Jose Rizal Willkommen! Willkommen! Herr Rizal, Willkommen! Willkommen, Herr Jose Rizal
Willkommen Utang
BLUMENTRITT Ginoong Jose Rizal Aking ikinararangal Na kayo ay makilalang personal RIZAL Kami ma’y nasisiyahan Herr Blumentritt na kaibigan Ng aming baya’t kayo’y nakamayan BLUMENTRITT Mga kaibigan ko Mula sa kabilang mundo Di ko akalaing kay bata pa nyo
VIOLA Tingnan mo ang iyong itsura Ika’y mukhang latang-lata Tinakasan na nga yata Ng dugo ang iyong mukha Tinamaan na ng salot Ang iyong kaluluwa Pati na ang iyong anino’y Mapanglaw, namumutla
Ang buong siyudad Sa inyo’y nag-aabang Sampu ng peryodistang Ibig makipanayam
Kahit na ika’y dilat Tulog ang iyong mga mata Mga bulate mo’y Atat na atat na na pumirma Para kang manggang binuro O puntod na kinalburo Ano ba? Ano ba! Ang nangyayari sa yo?
GERMANS
RIZAL
Mabigat pa kaysa riyan Kaibigang Maximo Ang sidhing dinaramdam Sa loob ng dibdib ko Kailangan ng dagdag Na limangdaang piso Upang maipalimbag Ang sinulat kong libro VIOLA Ang Noli Me Tangere?
Hayaan mong ika’y tulungan Eto ang tatlong daan Dalwang libong kopya rin Ang maiimprenta niyan RIZAL Huwag na, huwag na Maximo Yan ay perang ipon mo Hihingi na lang uli ako Kay Kuya Paciano VIOLA Wala ka bang tiwala Sa sinulat mong libro? Ako nga ay hangang-hanga Sa mga trabaho mo O, Jose Rizal Nakatitiyak ako Perang pahiram sa iyo Ay mababayaran mo Nabasa Mo Na Ba ang Noli?
KORO Nabasa mo na ba ang Noli? Nabasa mo na ba ang Noli? Ano ang iyong masasabi Sa Noli Me Tangere? Masasaktan ang mga frayle Magpuputok ang mga frayle Matitiis kaya nila’ng Nobela ni Jose RIZAL Ano na nga ba ang nangyari Sa pinadala ko sa España? VIOLA Ayaw padaanin sa Adwana Kailangan daw munang mabasa
HIDALGO Ngunit sa Hongkong dumating na Kinakalat ni Jose Basa JAENA Ang opinyon ko ay wala pa E, wala pa naman akong kopya KORO Nabasa mo na ba ang Noli? Nabasa mo na ba ang Noli? Ano ang iyong masasabi Sa Noli Me Tangere? Masasaktan ang mga frayle Magpuputok ang mga frayle Matitiis kaya nila’ng Nobela ni Jose CHENGGOY Liham mula sa isang frayle Laking galit sa iyo Pepe RIZAL (reading letter) Ikaw ay napaka ingrato Kung ikaw man ay may reklamo Kami’y hamunin ng harapan Di ka namin tatakbuhan Ngunit sa lihim na kamay Baka ka lang mapaslang CHENGGOY Si Regidor nabasa na Mula sa Londres ang liham niya Kanyang sarili ay nakita Sa katauhan ni Ibarra Nagkalat ang mga polyetos Ang Noli ay binabatikos Pagkondena ay labis-labis Ni Padre Font at Rodriguez VIOLA Si Del Pilar ay may pangontra Polyetos nila ay kinopya Ang argumento dun sa loob Ay wikang Tagalog ARSOBISPO PAYO Mula sa unibersidad Comite espesyal ay buuin Ang Noli ay masusing suriin Kung ipagbawal at samsamin
HIDALGO Doon sa Bazaar Gran Britaña Doon sa may Escolta Mayron na ngang mga kopya Nagbebenta na sila PADRE FONT Eskandaloso! Heretico! Hindi lang yan, subersibo! Ang mungkahi ng komite Ay ipagbawal yang Noli
Nananakit ang mga frayle Pumuputok ang butse Wala akong paki! Indios Bravos
DEL PILAR Ang lathalaing sariling atin Sa wakas ay naimprenta rin Reporma ay ating ipamahayag Viva! La Solidaridad!
Ipagbawal ang importasyon Reproduksyon, sirkulasyon
Ito ang pahayagang Magsasabi ng totoo Ihayag sa buong mundo Indio’y hindi utak-tsonggo
BARRENTES Kuro-kuro ng mga persona Dun sa kanyang librong madrama Ay kuro-kurong walang duda Na kuro-kuro din niya
LAHAT Indios Bravos! Indios Bravos! Indios Bravos! Indios Bravos!
RIZAL Hindi ang aking pagkatao Mga tauhan sa aking libro Hindi ako si Ibarra At si Ibarra’y di ako
RIZAL Mula ngayon ay manindigan Sa bagong kaisipan JAENA Hah ha! Mga Indiong mabababa Ngayon ay taas-baba
PADRE GARCIA Binasa kong paulit-ulit Ang Noli at walang nasilip Walang base kahit ipilit Ang kaso ni Padre Rodriguez Ang binatikos ni Rizal Abuso ng indibidwal Nangangasiwang tauhan Hindi mismo ang Simbahan GOV. TERRERO Mga nag-uudyok sa akin Na ikaw daw ay usigin Di ko sila pinapansin Ngunit mungkahi ko’y dinggin Bayan ay muling lisanin Bayan ay muling lisanin KORO Nabasa mo na ba ang Noli? Nabasa mo na ba ang Noli? Ano ang iyong masasabi Sa Noli Me Tangere? Nagngingitngit ang mga frayle
DEL PILAR Mga Indiong mabababa Ang bansag na pangutya RIZAL Bakit di natin gawin itong Bansag na dakila LAHAT Indios Bravos! Indios Bravos! Indios Bravos! Indios Bravos! RIZAL Mula ngayon di yuyuko Taas-noong nakatayo DEL PILAR Mula ngayon kayumanggi Ay kulay na itatangi JAENA Mas lalo nang ipaglaban Ating angking karapatan At tayo’y itatanghal Na isang lahing marangal LAHAT Indios Bravos! Indios Bravos! Indios Bravos! Indios Bravos!
Indios Bravos! Indios Bravos! Indios Bravos! Indios Bravos!
Abusado! Peste! Leche! Cochinos indecente!
Indolente
Abusado! Peste! Leche! Cochinos indecente! Abusado! Peste! Leche! Cochinos indecente!
RIZAL Kinukutya nila tayo Tamad daw ang Pilipino Hindi raw aasenso Kung hindi magbabago JAENA Ano’ng ugaling babaguhin Ang panghamak nila sa ‘tin? Na tayo’y lahing batugan Makupad, puro mangmang RIZAL/JAENA Indolente! Ignorante! Tayo raw walang silbi Que tamad e, que tanga e Cochinos indecente! RIZAL Aba’y para namang Dios ay kaylupit-lupit Lumikha ng lahi Na kaypangit-pangit Aba’y para namang Sa kulay lang ng balat Ay isusumpa ka na At di na aangat RIZAL/JAENA Indolente! Ignorante! Tayo raw walang silbi Que tamad e, que tanga e Cochinos indecente! RIZAL Dadaganan ka na At sasakluban pa Iipitin ka na At pipilipitin pa Mga doña’y tingnan nyo Opisyales ng gobyerno Zapaterong tinyente At matatabang frayle RIZAL/JAENA Indolente! Ignorante! Sila ang walang silbi
Sa Ulan, Sa Lamig, Sa Lungkot
DEL PILAR Eto ang sabaw na mainit Gising na Gracing, gising na Gracing JAENA Kaysama-samang panaginip Umiinom ako’y di malasing-lasing RIZAL Puro ka biro Gracing DEL PILAR May balita ba sa Maynila? RIZAL Walang pagbabago Kayo, may balita ba kayo? JAENA Natatanggap ko ay puro sulat Puro salita, puro satsat Kumusta, kumusta, kumusta Sa liham kaydalas n’yong tinatanong Kalagayan nami’y ano na Nais nyo bang malaman ang tugon Kaydalas nagdarahop Sa gutom ay nanlalambot Ang pighati sa puso ay nanunuot TRIO Sa ulan, sa lamig, sa lungkot Nakayuko’t nangangatog ang tuhod Sa ulan, sa lamig, sa lungkot Naghahanap ng ginhawang masasambot DEL PILAR Kumusta, kumusta, kumusta Sa liham kaydalas ninyong binabanggit Katayuan nami’y ano na Nais n’yo bang malaman ang pait O kay laking kahihiyan Kaibiga’y di malapitan Sa lamig, sa lungkot, sa ulan TRIO
Sa ulan, sa lamig, sa lungkot Mga bulsang walang madukut-dukot Sa ulan, sa lamig, sa lungkot Naglalakad, namumulot kahit upos
Bakit kaylapit sa akin ang pag-ibig Bakit naakit agad itong dibdib Pangalan niya ay kaytamis na himig Paulit-ulit, hindi makaidlip
RIZAL Kumusta, kumusta, kumusta Sa liham kaydalas n’yong sinusulat Buhay buhay nami’y ano na Nais n’yo bang malamang kaysalat
RIZAL Ako ay nangakong di pagagapi Ang hibo ng puso’y isasantabi Di pabubuyo at di palulupig Di patutukso, di padadaig
Ang makabagong daigdig Nagmimistulang liblib Sa lungkot, sa ulan, sa lamig
MGA BABAE Bakit kaylapit sa akin ang pag-ibig Bakit naakit agad itong dibdib Pangalan niya ay kaytamis na himig Paulit-ulit, hindi makaidlip
TRIO Sa ulan, sa lamig, sa lungkot Nakayuko’t nangangatog ang tuhod Sa ulan, sa lamig, sa lungkot Naghahanap ng ginhawang masasambot Sa ulan, sa lamig, sa lungkot Mga bulsang walang madukut-dukot Sa ulan, sa lamig, sa lungkot Naglalakad, namumulot kahit upos Kumusta, kumusta, kumusta Hindi sa ayaw naming kayo’y lumiham Kumusta, kumusta, kumusta Kundi sa ayaw naming ipaalam.. Di Dapat Umibig
JAENA Huwag tayong masyadong seryoso Sa lungkot huwag patatalo DEL PILAR Simple lang ang gamot Kung di ka lubhang kuripot JAENA Ang lunas diyan ay pagsinta Bakit di ka pa mag-asawa RIZAL Huwag n’yo akong biruin Problema ko’y sapin-sapin Bakit kaylapit sa akin ng pag-ibig Dagling naaakit, agad naririnig Tawag ng puso ay kaytamis na awit Paulit-ulit, hindi makaidlip MGA BABAE
RIZAL Bakit kaylapit sa akin ng pag-ibig Dagling naaakit, agad naririnig Tawag ng puso ay kaytamis na awit Paulit-ulit, hindi makaidlip MGA BABAE O kaysarap-sarap niyang suminta Winiwika niya’y kaibang-kaiba Para kang lagi nang sinasamba Napakatangi, napakahalaga LAHAT Bakit kaylapit sa akin ng pag-ibig Dusa’t pasakit ang tanging hatid RIZAL Bakit kasi nangakong di iibig Di dapat umibig, di dapat umibig MGA BABAE Di dapat umibig, di dapat umibig Di dapat umibig, di dapat umibig RIZAL Bakit kasi nangakong di iibig Nagtarak ng tinik sa sariling dibdib Anong Uring Pagsinta?
LEONOR Umalis siyang walang paalam Nawala nang kaytagal Walang pasabi, walang liham Ito ba’y pagmamahal Siya pala’y nakabalik na Bakit niya nililihim
Kung ano at nasaan siya Di man lang iparating Anong uring pagsinta Anong pag-ibig mayron siya Anong uring pagsinta Ang naroon sa puso niya Anong uring pagsinta Anong pag-ibig mayron siya Parang mumunting bula Pagsalo’y nawawala Bakit pa ako umaasa Umaasang huwag sana Sana’y huwag na huwag nawa Na ako’y nilimot niya Bakit pa ako umaasa Nangangarap nang gising Sa badha ng bituin Na kami’y kami pa rin Anong uring pagsinta Anong pag-ibig mayron siya Anong uring pagsinta Ang naroon sa puso niya Anong uring pagsinta Anong pag-ibig mayron siya Parang mumunting bula Pagsalo’y nawawala Bakit pa nananalanging Naroon pa ang pagsinta Bakit di pa haraping Siya ay malayo na Bakit di pa aaminin Bakit di pa tanggaping
Oo, oo, itutuloy ko Ang makasaysayang kasaysayan ninyo Oo, oo, palalalimin ko Mga tunggalia’t katanungan ninyo Saan at paano, kailan at gaano Bakit, kanino at sino ang sino Nobelang ito’y mas ganap, mas buo El Filibusterismo JAENA Kayhusay, kaypino ng mga talata Kaykinis, kayklaro ng mga kataga Kaylawak, kaylalim ng iyong pandama Kaytalas, kaytining ng iyong pang-unawa O kayganda, kayhusay na aklat Ngunit kulang pa, kulang pa, di pa sapat Kung saan hahantong, kung ano ang pasya Kung iniisip mong iisipin nila.. Tiwangwang na tanong, alanganing bugtong Ay kapos sa kailangan ng bayan ngayon Ikaw ang gabay, ang mitsa, ang hudyat Sagutin mo’ng lahat! Sayang Lang ang Laway
MGA FRAYLE Mga walang modo, mga walanghiya Tayo pa ngayon ang mukhang masama Matapos kumita sa ating lupain Tayo pa, tayo pa ang mamasamain TAGA-CALAMBA Nagtaas na naman ang ating buwis Talaga ngang tayo’y lubhang ginigipit Kung di raw magbayad, sila’y mang-uusig Tayo ay lalayas sa tahana’t bukid
El Filibusterismo
MGA FRAYLE Ano’ng hinihintay, kumilos na ngayon Magpatumpik-tumpik di makakatulong Indio’y kastiguhin, bigyan na ng leksyon Upang kilalanin tayong Panginoon
SIMOUN Ang aking misyon at hindi pa tapos Hayaan mo akong makikipagtuos Handa, mas mailap at mas mabagsik Kay Simoun si Ibarra ay magbabalik
RIZAL/JAENA Sayang lang ang laway, sayang lang ang tinta Ang Inang España bingi, walang tenga Sayang lang ang laway, sayang lang ang tinta Ang Inang España manhid, batong ina
RIZAL
JAENA
Wala na siya, wala na siya Wala na siya, wala na siya Wala na siya, wala na siya..
Patuloy na gapos itong Filipinas Mga kababayan walang patid ang hirap Ano ba ang silbi nitong pagsisikap Meron bang reporma na naipatupad RIZAL/JAENA Sayang lang ang laway, sayang lang ang tinta Ang Inang España bingi, walang tenga Sayang lang ang laway, sayang lang ang tinta Ang Inang España manhid, batong ina NENENG Tulungan n’yo kami, mga kababayan FRANCISCO Nilimas nila ang aming kasangkapan
KORO Hongkong Hongkong, malayo sa gulo Hongkong Hongkong, aaliwin kayo Hongkong Hongkong, malilimot ninyo Hongkong Hongkong, ang sakit ng ulo FRANCISCO Dumarami na ang iyong mga pasyente Dito sa Hongkong tila maglalagi RIZAL Hindi po Itay, ako po’y uuwi Di matitiis ng aking budhi
TAGA-KALAMBA Tayong maliliit ang isusunod naman
TEODORA Bakit uuwi? Uuwi saan? Ano’ng uuwian, kaaway lang FRANCISCO Wala na ang tahana’t ari-arian Kamag-anak, kapitbahay, kaibigan
MGA FRAYLE Tagumpay! Tagumpay ang ating misyon Ngayo’y magtatanda sino mang hahamon Malalim ang latay nitong ating leksyon Magsiluhod lahat, kami’y Panginoon
KORO Hongkong Hongkong, malayo sa gulo Hongkong Hongkong, aaliwin kayo Hongkong Hongkong, malilimot ninyo Hongkong Hongkong, ang sakit ng ulo
RIZAL/JAENA Sayang lang ang laway, sayang lang ang tinta Ang Inang España bingi, walang tenga Sayang lang ang laway, sayang lang ang tinta Ang Inang España manhid, batong ina
FRANCISCO Bakit uuwi pa, ligaya’y eto na Tahanan, klinika at iyong pamilya TEODORA Bakit uuwi pa, ano’ng iyong pakay Ibig mo na yatang mamatay
TEODORA / PACIANO Ang libro! Ang libro! / Matanda'y igalang!
JAENA Ang lahat ng hirap meron bang resulta Lungkot, pagod, pawis, ito lang ang bunga? RIZAL Sayang lang ang laway, sayang lang ang tinta Halinang magbalot, tayo’y umuwi na! Hongkong
KORO Hongkong Hongkong, malayo sa gulo Hongkong Hongkong, aaliwin kayo Hongkong Hongkong, malilimot ninyo Hongkong Hongkong, ang sakit ng ulo TEODORA Salamat, sa wakas tayo’y samasama Pamilya’y nabuo, malayo sa dusa RIZAL Pero bakit ako’y binabagabag pa Tama kaya itong naging pasya
RIZAL Ano ba ang dapat na katakutan Ano ba ang aking kasalanan Ang akin bang mga sinulat Malayo ba sa katotohanan TEODORA Ang mga frayle ay nasaktan Sa sinulat mo, alam mo yan RIZAL Sinulat kong daing dapat lang dinggin FRANCISCO Kung Indio’ng humiling ito ay krimen RIZAL Kung España ay may dangal at may bait Di magdadamot, di ipagkakait TEODORA
Buo na’ng isip mo, tumangis man ako Ano’ng magagawa ng luha ko KORO Hongkong Hongkong, malayo sa gulo Hongkong Hongkong, aaliwin kayo Hongkong Hongkong, malilimot ninyo Hongkong Hongkong, ang sakit ng ulo RIZAL Ang buhay ko ay naroroon Ang puso ko ay naroroon Pangarap ko ay naroroon Dapat lisanin ko ang Hongkong Narinig N'yo Na Ba?
FILIPINOS Narinig n’yo na ba, narinig n’yo na ba Narinig n’yo na ba, nagbalik si Rizal Narinig n’yo na ba, narinig n’yo na ba MGA FRAYLE Narinig n’yo na ba, narinig n’yo na ba Narinig n’yo na ba, nagbalik si Rizal Ano’ng balak ng ating kalabang mortal FILIPINOS Narinig n’yo na ba, narinig n’yo na ba Narinig n’yo na ba, nagbalik si Rizal Liga’y itatayo, dito iluluwal MGA FRAYLE Narinig n’yo na ba, narinig n’yo na ba Nagbalik si Rizal, kumilos ngayon din Hadlangan ang hangal, balak niya’y puksain FILIPINOS Narinig n’yo na ba, narinig n’yo na ba Sa Dapitan tinapon nila si Rizal Pinalalabas na siya’y isang kriminal LAHAT Narinig n’yo na ba, narinig n’yo na ba MGA FRAYLE Tayo ay nanaig, tayo’y nagtagumpay LAHAT Narinig n’yo na ba, narinig n’yo ba ba FILIPINOS Dapat nang tumindig, dapat nang sumuway! LAHAT (4 times)
Narinig n’yo na ba, narinig n’yo na ba Narinig n’yo na ba, narinig n’yo na ba Narinig n’yo na ba, narinig n’yo na ba Narinig n’yo na ba, narinig n’yo na ba Dapitan
RIZAL Dapitan.. Ako ba’y dapat magmukmok Dahil tinapon sa sulok Palulunod sa hinagpis Sa lungkot na labis-labis KORO Dapitan.. May ilawan sa iyong isip Sindihan mo’t maaalis Pangungulila sa lamig Mga gabi na ligalig Dapitan.. Dapitan.. Dapitan.. Sa dibdib mo’y may tahanan Ligayang mauuwian Kung mapadpad kahit saan Kahit saan maparaan RIZAL Dapitan.. Itatanim sa damdamin Sa puso ko’y maghahardin Araw-araw pipitasin Ang iyong ganda Dapitan.. Ang iyong buwan at bituin Gabi-gabi kwikwintasin Alahas na magniningning Sa aking mata KORO Dapitan.. RIZAL Pinagtapunan kong Eden KORO Dapitan.. RIZAL Kalungin mo’t patahanin KORO Dapitan.. RIZAL
Kapayapaan mo’y Ikumot mo sa akin KORO Dapitan.. RIZAL Kapayapaan mo’y Ikumot mo sa akin
TAGA-DAPITAN Mag-alaga ng bata Linis, saing, laba Mangisda, magsaka At magpaka-ama Magmano sa pari Mag-abuloy onti Para di mabigti
Karaniwang Araw
TAGA-DAPITAN Kahit inaantok Tama na’ng pahinga At ang mga manok Ay tumilaok na Umigkas, umigtad Lumikwas, lumiyad Humatsing, humikab Kahit nangangatog Mag-inat ng braso Sa ginaw ng hamog Magbanat ng buto Magkamot ng kati Uminom ng kape Tapos na ang gabi Isa na namang karaniwang araw Ng mga karaniwang mortal nitong mundo Isa pa uling karaniwang araw Dito sa munting matadhanang pulo RIZAL Magtayo ng poso At ng paaralan Tumaya sa lotto At manalo minsan Bumili ng lupa Magtanim, kumita At magkawanggawa Maglibot, mangalap Mag-ikot, tumuklas Ng mga halama’t Hayop na likas Makipagsulatan Makitunggalian Sa mga kalaban Isa na namang karaniwang araw Ng isang karaniwang mortal nitong mundo Apat na taong karaniwang araw Dito sa mundong bilangguang pulo
Kunin ang gitara Umakyat ng ligaw Pag nakainom na Kumanta, sumayaw Hanggang sa antukin Ang Diyos ay purihin At nakaraos din.. Sa isa na namang karaniwang araw Ng mga karaniwang mortal nitong mundo Isa pa uling karaniwang araw Dito sa munting matadhanang pulo RIZAL Gumawa ng gusaling Matutuluyan Ng mga panauhing Galing kung saan Ngunit maya’t maya Ay magpapakita Sa punong kastila Lumikha ng tula, Magsulat, magbasa Gumawa ng tala Manggamot ng mata Magluksa, magdusa Malamang patay na Ang Leonor kong sinta Isa na namang karaniwang araw Ng isang karaniwang mortal nitong mundo Apat na taong karaniwang araw Dito sa mundong bilangguang pulo TAGA-DAPITAN Minsa’y may dumating Dayuhang pasyenteng May kasamang dilag Maganda, marilag At hindi nagtagal Siya ay napamahal Sumigla si Rizal!
Dito pala naroroon Estranghera sa Munting Pulo
RIZAL Di ka kilala ngunit kakilala Dito sa dibdib di ka estranghera Kahit na ngayon lang tayo nagkita Sa aking mata ay di ka banyaga Parang noon pa minahal ka na Nasa langit pa iniibig na kita TAGA-DAPITAN Estranghera, Estranghera Ano ba ang iyong dala-dala Estranghera, Estranghera Ano ba ang iyong pinadarama JOSEPHINE Dito pala sa munting pulo Na kaylayu-layo Dito pala naghihintay Ang katambal na puso Dito pala sa munting pulo Sa sulok ng daigdig Dito pala nagtatago Ang mailap na pag-ibig Dito pala matatagpuan Ang munting tahanan Ng lagi nang bilog na buwan At araw na walang hanggan Dito pala humahapon Dito pala naroroon Paruparong nagtitipon Naglalarong mga ibon RIZAL Tubig na tahimik ay iyong natinag Puso kong tulog napukaw ng liwanag Tabing na sagabal iyong hinawi Lumang panaginip kinalag ang tali May kung anong himig na naririnig Kay timyas na huni buhat sa dibdib TAGA-DAPITAN Estranghera, Estranghero JOSEPHINE (counterpoint) Dito pala humahapon TAGA-DAPITAN Estranghera, Estranghero JOSEPHINE (counterpoint)
TAGA-DAPITAN Estranghera, Estranghero JOSEPHINE (counterpoint) Paruparong nagtitipon TAGA-DAPITAN Estranghera, Estranghero JOSEPHINE (counterpoint) Naglalarong mga ibon TAGA-DAPITAN Dito sa aming munting pulo RIZAL/JOSEPHINE Dito pala sa munting pulo Sa silong ng ulap Dito pala mayayakap Ang mga pangarap RIZAL/JOSEPHINE Dito pala sa munting pulo TAGA-DAPITAN (counterpoint) Estranghera, Estranghero RIZAL/JOSEPHINE Dito sa dulo ng dagat TAGA-DAPITAN (counterpoint) Estranghera, Estranghero RIZAL/JOSEPHINE Dito pala makatatagpo TAGA-DAPITAN (counterpoint) Estranghera, Estranghero RIZAL/JOSEPHINE Ng pagsingtang tapat Rebolusyon
RIZAL Ayaw ko ng himagsikan Ang paggamit ng dahas Hangga’t sana maiwasan Huwag digmaan ang landas Pighati at kasawian Ang maghihirap ay bayan Kayraming mauulila Musmos na kaawa-awa
Dahas, galit at poot Ang wakas ay anong lungkot Kayraming masasangkot Mas masidhi, mas sigalot
Tayo ba’y gagamutin ng sumugat sa atin Tayo ba’y mumulatin ng bumulag sa atin Tayo ba’y tutubusin ng sa ati’y umalipin At bigyan ng halaga ng sa ati’y gumahasa
Ang pasyang padalus-dalos Ang sa atin ay uubos Kung walang kahandaan Huwag makipagsapalaran Iwaksi ang himagsikan!
Anong klaseng dignidad Anong klaseng katarungan Anong uring prinsipyo’t dangal Anong klaseng pag-unlad Anong klaseng kalayaan Anong uri, anong uri, Rizal?
BONIFACIO Ngunit yan ang kailangan Kung nais ay kalayaan Dadaan sa pagdurusa’t Sakripisyo ang bayan Ito’y di na maiwasan Tukoy na ang Katipunan Di man natin kagustuhan Said na ang dahilan VALENZUELA 'Sa sandata tayo’y kulang Magtimpi,' kanyang sabi Mayayamang kababayan Di pa natin kakampi BONIFACIO Ang dangal nati’y ibangon Tapang at hindi hinahon Ang kasalukuyang hamon Ng kasaysaya’t panahon Ay Rebolusyon! Anong Uring Kalayaan?
BONIFACIO Ibig mong ang baya’y magising Ayaw mong ikaw ay gisingin Ibig mong ang baya’y pumiglas Ayaw mong ikaw ay itakas Sa España ika’y nangako’t sumumpa Oo na’t ikaw nga’y may isang salita Datapwa’t alin nga ba ang mas matimbang Ang pangako sa España o tungkulin sa bayan Ibig mong ang baya’y humakbang Ayaw mong sila’y pamunuan Ibig mong hustisya’y igiit Ayaw mong ikaw ay madawit
Di ba kaya ng masa dahil di pa handa O dahil sa sila ay ignorante’t dukha Mayayaman kamo ay dapat na kakampi Hindi ba’t sila rin ang sa atin ay aapi Anong klaseng dignidad Anong klaseng katarungan Anong uring prinsipyo’t dangal Anong klaseng pag-unlad Anong klaseng kalayaan Anong uri, anong uri, Rizal? Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
KATIPUNEROS Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya Sa pagkadalisay at sa pagkadakila Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa Aling pag-ibig pa, wala na nga wala Walang mahalagang hindi ihahandog Ng may pusong mahal sa bayang nagkupkop Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod Buhay may abuting magkalagot-lagot Hayo na kayo, kayong nangabuhay Sa pag-asang lubos na kaginhawaan At walang tinamo kundi kapaitan Hayo na’t ibigin ang inaabang Bayan Kayong mga pusong kusang niyurakan Ng daya at bagsik ng ganid na asal Ngayon ay magbangon, Baya’y itangkakal Agawin sa kuko ng dayuhang sukaban Kayong mga dukhang walang tanging palad Kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap Ampunin ang Bayan kung nasa ay lunas Pagkat ginhawa niya ay para sa lahat Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya Sa pagkadalisay at sa pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa Aling pag-ibig pa, wala na nga wala
DE ALCOCER Ang dapat ay kamatayan! MGA FRAYLE Kamatayan!
Mabuhay ang Kalayaan! Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay si Jose Rizal! Kamatayan sa España!
TOGORES Maliwanag na napatunayan ng korteng ito Ang mga pagkakasala ng akusado Don Jose Rizal Mercado y Alonso Sumalangit nawa ang kaluluwa mo
Hatol
Maligayang Pasko
OLIVE Batay sa mga nakasulat na mga dokumento At sa mga patotoo ng maraming testigo Lumalabas na si Jose Rizal Mercado y Alonso
MGA FRAYLE Maligayang pasko Masayang bagong taon Mga bobong Indio Kayganda ng panahon
Tirahan: Calamba, Laguna Gulang: Tatlumpo’t lima Manggagamot at binata, yan ang sabi niya Ay siyang pangunahing tagapag-organisa Kataas-taasang pinuno at kaluluwa Ng kilusang sa pamahalaan nakikipagdigma DE ALCOCER Sa pagsulat ng Noli Me Tangere MGA FRAYLE Kamatayan! DE ALCOCER Sa pagsulat ng El Filibusterismo MGA FRAYLE Kamatayan! DE ALCOCER Sa pagiging Mason at Protestante MGA FRAYLE Kamatayan! DE ALCOCER Sa paglait sa relihiyong Katolisismo MGA FRAYLE Kamatayan! DE ALCOCER Sa makamandag na propaganda MGA FRAYLE Kamatayan! DE ALCOCER Sa pagtatag ng La Liga Filipina MGA FRAYLE Kamatayan! DE ALCOCER Sa pagtataguyod ng himagsikan MGA FRAYLE Kamatayan!
Maligayang pasko Bago matapos ang taon Ang bayani ninyo Ay aming ililitson Magdiwang! Magdiwang! Ibuhos ang champan Natalo, nasawi Ang inyong kababayan Magdiwang! Magdiwang! Ibuhos ang champan Ating ipagbunyi Doon sa Bagumbayan Felices pascuas! Feliz año nuevo! Very merry krismas Mga Katipunero Maligayang pasko Mangmang na Filipino Sino ang magtatanggol Sa tagapagtanggol nyo Yea, Yesss! Anak Ko
TEODORA Ang sanggol na yapus-yapos Minahal nang lubus-lubos Inalagaan, kinumutan Binugawan ng lamok
Ang paslit na akay-akay Ang buhay ng aking buhay Inawitan, tinuruan Upang inyong mailugmok? Papatayin ang anak ko Babarilin ang anak ko Bakit, bakit, bakit Diyos ko Mga punglong kay lulupit Itarak sa aking dibdib Huwag na lang, huwag na lang Huwag na lang sa aking paslit Tatanggapin ng puso ko Ang lahat ng pahirap n’yo Huwag lang saktan Huwag lang saktan Huwag lang saktan Ang anak ko Ultimo Adios
RIZAL Ang lahat ng ito, ano ba ang saysay Ano ang kapalit, dusa, sakit, lumbay Iniwan kong lahat, ang lahat ng mahal Sinikil ang pusong inalay sa bayan Ang lahat ng ito, ano ba ang silbi Ang tinipon ko ba’y pawang pagsisisi Sa lahat ng ito, ano’ng mapapala Bayan kong iiwan, magliwanag kaya Adios Patria adorada, region del sol querida Perla del mar de oriente, nuestro perdido Eden A darte voy alegre la triste mustia vida Si fuera mas brillante, mas fresca, mas florida Tambien por ti la diera, la diera por tu bien KORO Paalam Bayang hirang, lupang hitik sa araw Perlas ng Silanganan, aming naglahong Eden Lugod kong iaalay lanta’t hapis na buhay Naging mas marilag man, sariwa’t mas mabunga’y Handog man din sa iyo, sa iyong ikagagaling Ensueño de mi vida, mi ardiente, vivo anhelo Salud! te grita el alma, que pronto va a partir Salud! oh que es hermoso, caer por darte vuelo
Morir por darte vida, morir bajo tu cielo Y en tu encantada tierra la eternidad dormir Mithi ng aking buhay, adhikang nagniningas Mabuhay! hiyaw ng diwang handa nang maglakbay O kay timyas pumanaw, tamis ang kamatayan Upang ika’y mabuhay, maitanghal ka lamang Sa iyong sinapupunan malaong hihimlay Adios, kapatid, magulang, kabiyak ng aking diwa Kababatang kaibigan sa tahanang natangay Sa nakakahapong araw, salamat at hihimlay na Adios, dayong magiliw, aking sinta’t ligaya Mga mahal paalam, kapahingahang mamatay Adios, padres y hermanos, trozos del alma mia Amigos de la infancia en el perdido hogar Dad gracias que descanso del fatigoso dia Adios, dulce extranjera, mi amiga, mi alegria Adios, queridos seres, morir es descansar Reprise
Sino ka ba Jose Rizal, sino ka ba O kayyaman-yaman ng iyong mundo Sino ka ba Jose Rizal, sino ka ba Napakadakilang pamana mo Jose Rizal, Dr. Jose Rizal (Jose Rizal, Dr. Jose Rizal) Ikaw nga ay bayani ng bayan (Kabayanihang dapat tularan) Nagpunyagi, nakibaka’t namatay (Naging sawi upang kami’y magtagumpay) Upang ang kalayaan mabuhay (At ang aming bansa’y magkamalay) Ngunit sino ka, sino ka ba Sino ka nga bang talaga, sino ka ba Sino ka ba Jose Rizal, sino ka ba Buhay na bumuhay sa bayan ko Sino ka ba Jose Rizal, sino ka ba Sino ka ngayon sa bansang ito
Hayy natapos din, ehehe