SURING-AKDA S A N D O S E N A N G S A P AT O S Ni L u i s P. G a t m a i t a n
I. Panimula: Ang akdang Sandosenang Sapatos ay isang maikling kuwento ni Luis P. Gatmaitan na nagkamit ng unang gantimpala sa Timpalak Palanca noong 2001. Naisulat niya ito nang magkaroon siya ng pasyenteng ipinanganak na putol ang paa. II. Buod ng Genra: Sandosenang Sapatos ni Luis P. Gatmaitan Sapatero ang ama ni Karina. Sa tuwing may okasyon, ginagawa siya nito ng bagong sapatos. Natuwa ang mga magulang niya nang magkaroon siya ng kapatid. Nang malamang babae ang kasunod niya, sinabi ng tatay niya na magiging ballet dancer ito. Ngunit di ito nagkatotoo; isinilang ang sanggol na putol ang dalawang paa bunga ng pagkakasakit ng ina nang ipinagbubuntis pa lang siya. Susie ang pangalan ng bunsong kapatid ni Karina. Sa tuwing igagawa si Karina ng sapatos ng kanyang tatay, napapatingin ito sa bunso at napapabuntung-hininga. Isang araw, ikinuwento ni Susie na napanaginipan niyang may suot siyang sapatos. Inilarawan pa niya ito. Sa tuwing nalalapit ang kaarawan si Susie, nananaginip siya ng sapatos. Nang 12 taong gulang na si Susie, namatay ang kanilang ama. Isang araw, pinasok ni Karina ang bodega upang maghanap ng mga sapatos na ibibigay sa bahay-ampunan. Napansin niya ang ilang kahon na maingat na nakasalansan. Nang buksan niya ang mga ito, nakita niya ang isang dosenang pares ng sapatos na may iba’t ibang laki at para sa iba’t ibang okasyon. Laking gulat niya na may liham-pagbati pang nakasulat mula sa tatay niya – para sa pinakamamahal na anak nitong si Susie.
Nang makita ang mga ito ni Susie, sinabi niya na ito ang mga sapatos na napapanaginipan niya. Mga Aral: 1. Ang pagmamahal ng isang magulang sa isang anak ay walang katulad. 2. Hindi hadlang ang kapansanan sa pagkakaroon ng normal at matagumpay na buhay. III. Banghay:
.
Tunggalian Sa tuwing igagawa ng bagong sapatos si Karina ng ama, napapatingin ito sa kuna at nagbubuntunghininga.
Suliranin Ipinanganak ang sanggol na walang paa.
Simula Natuwa ang mga magulang ni Karina nang malaman nila na masusundan na siya.
Sandosenang Sapatos ni Sukdulan Luis P. Gatmaitan Sa tuwing sasapit ang kaarawan ni Susie, nananaginip siya ng sapatos na maganda.
Kakalabasan Namatay ang ama nang 12 taong gulang si Susie. Sa bodega, natuklasan ang 12 pares ng sapatos na may kalakip na pagbati sa bawat kaarawan ni Susie.
Wakas Nang makita ni Susie ang 12 pares ng sapatos, napasigaw siya dahil ito ang nakita niyang mga sapatos sa panaginip.
IV. Suring-Akda: A. Pamagat (Angkop ba ang kuwento? Bakit?) Angkop ang pamagat ng kuwento dahil, sa pamamagitan ng isang dosenang sapatos, ipinakita ng ama ang pagmamahal niya sa anak na may kapansanan. Wala ngang paa si Susie, ngunit minahal siya ng kanyang ama nang tulad ng pagmamahal niya kay Karina, o masasabi nating higit pa sa pagmamahal niya sa isang normal at malusog na anak. B. Paksa (Tungkol saan ang akda? Makatotohanan ba ito? Bakit?) Tungkol sa pagmamahal ng isang ama sa isang anak ang ipinakikita sa isang dosenang sapatos. Makatotohanan ito dahil walang sukatan ang pagmamahal ng isang magulang sa isang anak. Ibig sabihin nito, kahit na may kapansanan pa ang isang anak, mamahalin niya ito. Ang anak ay anak, mamahalin at tatanggapin anuman ang maging itsura o kalagayan niya. C. Mga Tauhan (Sinu-sino ang mga tauhan ? Anu-ano ang naging damdamin mo sa bawat isa?) 1. Ang amang sapatero – Hanga ako sa kanya dahil tunay siyang naging huwarang ama.
Hindi niya ipinagkait ang pagkakataong paunlarin ang
kakayahan ng kanyang anak na may kapansanan. Hindi niya ikinahiya ang bata. Pinalaki niya ito nang maayos. 2. Karina – Tumupad siya sa kanyang tungkulin bilang ate ni Susie. Tulad ng ama niya di niya alintana ang kapansanan ng kapatid. Kahanga-hanga si Karina dahil minahal niya si Susie at naging tagapagtanggol ng nakababatang kapatid. 3. Susie – Hindi maaawa sa kanya kundi hahanga pa nga dahil hindi naging sagabal ang kapansanan upang makapag-aral at mapaunlad ang kakayahan. 4. Ina – Natanggap niya ang kalagayan ng anak kaya hanga rin ako sa kanya.
D. Bahagi (Anu-ano ang magaganda at hindi nakahihinayang basahin g bahagi? Bakit?) (Anu-ano ang hindi kanais-nais na bahagi? Bakit?) Naibigan ko ang bahaging niyakap ng ama ang anak sa kuna at bumulong sa bata na hindi baleng may kapansanan siya, ang mahalaga ay palalakihin siya nang maayos. Dito mo madarama na isa siyang mapagmahal at responsableng ama. Kapanapanabik ang pagkakatuklas ng isang dosenang sapatos sa bodega. Sa loob nito ay may sulat ng pagbati ng pagmamahal sa isang anak na may kapansanan. Sa bahaging ito madarama mo na ang pagmamahal ng isang ama ay wagas. Naglinaw ang buong kuwento nang sabihin ni Susie na ang isang dosenang sapatos na nasa bodega ang napapanaginipan niya sa tuwing sasapit ang kanyang kaarawan. Dito ko naunawaan na ang tindi ng pagmamahalan ng ama at anak ay lumilikha ng ispiritwal na koneksyon na lumalabas kahit man lang sa daigdig ng panaginip. Sa totoo lang, walang di kanais-nais na bahagi ang kuwento.
Ang tanging
masasabing malungkot na bahagi ng kuwento ay nang magkasakit ang ina habang nagbubuntis, na siyang nagbunga ng pagsisilang niya ng sanggol na walang paa. Malungkot din ang pagkamatay ng ama nang labindalawang taon pa lang si Susie. Ngunit kung tutuusin, ang dalawang kaganapang ito ay mahalaga sa pagbuo ng tunggalian at kakalabasan ng kuwento. E. Wakas (Ano ang naging wakas? Nagustuhan mo ba ang wakas ng kuwento? Bakit?) Nagwakas ang kuwento sa pagkakatuklas ng isang dosenang sapatos na may kalakip na sulat pagbati sa minamahal na anak. Nang makita ni Susie ang sapatos, nagulat siya dahil ang mga ito ang nakita niya sa panaginip. Nagustuhan ko po ang wakas dahil dito lamang nagliwanag ang kabuuan at mensahe ng kuwento – ang pambihirang pagmamahal ng ama sa anak at ang ispiritwal na koneksyong nabuo bunga ng pagmamahalang ito.
F. Rekomendasyon (Dapat bang irekomenda sa iba ang akda? Bakit?) Dapat na irekomenda dahil maraming mahahalagang aral na matututuhan. G. Opinyon (Nagustuhan mo ba ang kabuuan ng akda o hindi? Bakit? Magbigay ng matibay na dahilan sa pamamagitan ng mga halimbawa kung bakit naibigian o hindi naibigan ang akda.) Naibigan ko po ang kabuuan ng kuwento dahil dito makikita ang isang magandang relasyon sa pamilya – ang pagmamahal ng ama sa anak at ang pagmamahal ni Karina kay Susie – na nangingibabaw sa materyal na bigayan at nakalilikha ng ispiritwal na koneksyon sa isa’t isa.
Halimbawa, sa kabila ng
kapansanan ng anak, na kabalintunaan ng pangarap ng amang maging mahusay na mananayaw ito ng ballet, itinuloy ng ama ang palihim na paggawa ng sapatos tuwing kaarawan ng anak. Matatandaang ang ama ay isang mahusay na sapatero, at ang pinakamagandang regalo na maihahandog niya sa kaarawan ng anak ay ang gawa ng kanyang mga kamay. Kamangha-mangha naman ang mga panaginip ng anak, dahil kahit wala sa hinagap niya ang ginagawang iyon ng ama, lumabas sa anak ang katotohanan sa pamamagitan ng kanyang mga panaginip. Ito ang patibay na ang tunay na pagmamahal ay nanunuot sa bawat hibla, sa iba’t ibang dimensyon, ng mga likha ng Diyos. Ang pagmamahal ay di kailangang bigkasin – ito’y nadarama kahit sa katahimikan ng paghimlay ng taong minamahal.