Eppekto ng qualifying exam sa mga estudyanteng kumukuha ng kursong Accountancy sa Unibersidad ng San Agustin
Isang pananaliksik na iniharap sa Kagawaran ng mga Wika at College of Management and Accountancy
Sa bahagyang katuparan ng mga kinakailangan sa asignaturang Filipino II
Itinatanghal kay: Bb. Tessahnie Serdeña
Itinatanghal nina: Mary Grace Almanzor Pearlie Mae Nagrit Dannah Mae Bernas Pope John Castro Ryan Villas
Enero 2015
KABANATA I PANIMULA Ang kabanata I ng pananaliksik na ito ay nahahati sa (8) walong parte: (1) Panimula, (2) Paglalahad ng Suliranin, (3) Paglalahad ng Layunin, (4) Hipotesis, (5) Konseptwal na Balangkas, (6) Kahalagahan ng Pag-aaral, (7) Saklaw at Limitasyon, (8) Katuturan ng Katawagan.
Unang Parte, Panimula, Ito ay nagsasalita tungkol dahilan ng mga nananaliksik kung bakit nila itong pinili.
Ikalawang Parte, Paglalahad ng Suliranin, Ito ang parte kung saan isinasaad ang mga tanong na gusting masagot ng pananaliksik na ito.
Ikatlong Parte, Paglalahad ng Layunin, Ito ang parte kung saan isinasaad ang mga layunin ng pananaliksik na ito.
Ikaapat na Parte, Hipotesis, Ito ang parte kung saan isinasaad ang tentatibong kasagutan sa mga tiyak na suliranin.
Ikalimang Parte, Konseptwal na Balangkas, Ito ang parte kung saan nakalagay ang pagkakaugnay ng mga baryabol.
Ikaanim na Parte, Kahalagahan ng Pag-aaral, Ito ang parte kung saan ipinapakita ang kahalagahan ng pananaliksik na.
Ikapitong Parte, Saklaw at Limitasyon, Ito ang nagsasalita ukol sa parametro ng pananaliksik.
Ikalimang Parte, Katuturan ng mga Katawagan, Ito ang nagsasalita ukol sa mahalagang katawagan sa pananaliksik na ito.
Background ng Pag-aaral
Ang Bachelor of Science in Accountancy ay isa sa mga kabilang sa mga mahihirap na kurso na puwedeng kunin ng isang estudyante sa kolehiyo. Ang mga taong nakatapos ng Accountancy ay may maraming naghihintay na trabaho dahil ang mga taong nakatapos sa Accountancy ay puwedeng magtrabaho sa kahit anong sector ng lipunan. Ang mga nakatapos sa Accountancy ay kumukuha ng C.P.A. board exam para mapataas ang posibilidad nilang matanggap sa trabaho at dumami ang pagpipilian nila ng trabaho at pati na ang pagtaas ng kanilang sahod na natatanggap.
Kaya napili ng mga mananaliksik na ito ang maging paksa ng kanilang pananaliksik dahil ito ay isa sa mga nagiging isyu sa Unibersidad ng San Agustin. Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa epekto ng qualifying exam sa mga estudyanteng kumukuha ng kursong Accountancy sa Unibersidad ng San Agustin.
Ang Qualifying exam ay ang batayan kung maipagpapatuloy ng estudyante ang pagkuha ng Accountancy. Ito ay ginagawa kada taon, mga ilang lingo pagkatapos ng final exam. Sa pamamagitan nito nasusukat ang kapasidad ng isang mag-aaral sa pagsagot sa mga mahihirap na mga tanong.
Sa pananaliksik na ito malalaman natin ang mga hinaing ng bawat isa, mga taong nakapasa o wala o mismong mga guro na makakapagbibigay ng kailang opinyon tungkol dito. Ang pananaliksik na ito ay naglalayong mabigyan ng solusyon ang mga problema na hinaharap ng mga estudyanteng kumukuha ng B.S. Accountancy sa Unibersidad ng San Agustin.
Paglalahad ng Suliranin
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang mga epekto ng pagkakaroon ng Qualifying Exam kada taon para sa mga estudyateng kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Accountancy sa Unibersidad ng San Agustin.
Ang mga suliranin na nais bigyan ng kasagutan ng pananaliksik na ito ay ang mga sumusunod:
1.
Nagdudulot ba ng positibong epekto ang pagkakaroon ng Qualifying exam kada taon para estudyanteng kumukuha ng kursong B.S.A.?
2.
Nagdudulot ba ng negatibong epekto ang pagkakaroon ng Qualifying exam kada taon para estudyanteng kumukuha ng kursong B.S.A.?
3.
Nakakatulong ba ang Qulifying exam sa pagsusuri kung sino ang nararapat na manatili sa kursong B.S.A.?
4.
Tulay nga ba ang pagkakaroon ng Qualifying exam sa mga estudyateng kumukuha ng B.S.A. para makapasa sa C.P.A. Board Exam?
Paglalahad ng Suliranin
Ang mga layunin ng pananaliksik na ito ay ang mga sumusunod:
1.
Upang malaman kung naging positibo o negatibo ang epekto ng pagkakaroon ng Qualifying exam kada taon para sa mga estudyateng kumukuha ng kursong B.S.A.
2.
Upang makapagbigay ng impormasyon kung magandang paraan nga ba ang pagkakaroon ng Qualifying exam para mahanda at makapasa sa C.P.A. board exam.
3.
Upang malaman kung nakakatulong ba ang Qulaifying exam sa pagsusuri kung sino ang mga nararapat manatili sa kursong B.S.A.
Hipotesis
Batay sa mga nabanggit na katanungan, ipinapahayang ang mga sumusunod na mga hipotesis:
1.
Hindi nagdudulot ng positibong epekto ang pagkakaroon ng Qualifying exam kada taon para sa mga estudyanteg kumukuha ng kursong B.S.A.
2.
Hindi nagdudulot ng negatibong epektdo ang pagkakaroon ng Qualifying exam kada taon sa mga estudyanteng kumukuha ng kursong B.S.A.
3.
Hindi nakakatulong ang pagkakaroon ng Qualifying exam sa pagsusuri ng nararapat na manatili sa kursong B.S.A.
4.
Hindi nagging tulay ang pagkakaroon ng Q.E. sa mga estudyanteng kumukuha ng B.S.A. sa C.P.A. board exam.
Konseptwal na Balangkas
Malayang Baryabol
Di-Malayang Baryabol
Estudyanteng kumukuha
Epekto ng Pagkakaroon
ng kursong Bachelor of
ng Qualifying Exam
Science in Accountancy Sa pananaliksik na ito, ipinapakita ang malayang baryabol na ang mga Estudyanteng kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Accountancy at ang di-malayang baryabol na ang Epekto ng Pagkakaroon ng Qualifying Exam
Kahalagahan ng Pag-aaral Ang pananaliksik na ito ay mahalaga sa mga sumusunod:
Mga mag-aaral na
Bilang sentro ng pananaliksik na ito,
kumukuha ng kursong
maliwanagan nawa ang kanilang mga pag-
B.S.Accountancy.
unawa sa magiging epekto ng qualifying exam at para ngayon pa lang, mapaghandaan nila ang posibleng mangyari.
Mga nakapasa sa Qualifrying Exam.
Mula sa pananaliksik na ito mapapabuti pa nila ang kanilang pag-aaral at para sila ay mabigyan ng dahilan para mag aral pa ng mabuti dahil hindi lahat nakakapasa sa qualifying exam.
Mga hindi nakapasa sa Qualifying exam.
Para sa mga hindi nakapasa, mahinuha nila kung ang nagging kakulangan nila o naging mali nila sa pagkuha ng exam. At maisip nila na kung ano pala ang dapat nilang ginawa, at mabigyan sila ng ideya kung anu ang mas mabuti at epektibo nilang gawin para magtagumpay.
Para sa mga guro
Mahalaga ang pananaliksik na ito sa mga
na nagtuturo ng
gurong nagtuturo ng Accountancy upang
Accountancy.
mas maintindihan nila ang mga hinaing ng mga estudyante at kung bakit iilan lamang ang nakakapasa pagdating ng Qualifying exam. Sa pananaliksik na ito, mapapabuti pa ng mga mga guro ang kanila stratehiya sa pagturo sa mga estudyante.
Saklaw at Limitasyon Ang pananaliksik na ito ay nagtatalakay sa mga epekto ng pagkakaroon ng Qualifying exam kada taon para sa mga estudyanteng kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Accoutnancy. Ang taong napapabahagi sa pananaliksik na ito ay lilimitahan sa hindi kukulang sa dalawampu (20) ka tao, Ang lima (5) ay magmumula sa ikalawang taon, lima (5) rin sa ikatlong taon, lima (5) sa ikaapat na taon at lima (5) rin ay magmumula sa mga taong nakapasa na sa C.P.A. Board exam. Ang impormason na kakailanganin sa pananaliksik na ito ay titipunin sa pamamagitan ng pakikipanayam. Ang pakikipagpanayam ay gaganapin sa loob Unibersida ng San Agustin.
Katuturan ng Katawagan Ang mga salitang nakasulat dito ay para sa mas masinsinang pagunawa sa mga salitang ginamit sa pananaliksik na ito. Ang mga salitang ito ay binibigyan ng kahulang literal at operational. Ang mga salitang binabanggit ay isinalin mula sa depinisyong ingles.
Accountancy.
C.P.A Examination.
1
Ang propesyon o kasanayan ng accounting.
Ang pagsusuring ito ay ipinag-uutos ng bawat pamahalaan upang matiyak ang awtoridad ng isang indibidwal na maging isang Certified Public Accountant. Bilang karagdagan sa mga pagsusuri, dapat na maabot ng kandidato ilang mga 2
kinakailangan sa edukasyon.
Estudyante.
3
Isa na dumadalo sa isang paaralan.
(Sa pananaliksik na ito, ito ay ginagamit bilang malayang baryabol).
1
Merriam-Webster Dictionary 2
Business Dictionary 3
Merriam-Webster Dictionary
Qualifying Exam.
Anumang pagsusuri na kailangan ng isa pumasa upang simulan o magpatuloy sa 4
isang kurso ng pag-aaral.
(Sa pananaliksik na ito, ito ay ginagamit bilang di-malayang baryabol)
4
Collins Dictionary