Ang diskurso ay ang tawag sa paggamit ng wika bilang paraan ng pagpaparating ng mensahe ng isang tao sa kanyang kapwa upang siya ay lubusang maunawaan. Isa itong yunit ng wika na higit na mahaba sa isang pangungusap. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paraang pasalita o pasulat. Ang diskurso ay fanksyunal sapagkat sa pamamagitan nito ay nagkakaroon ng ugnayan sa pagitan ng tagapagsalita at tagapakinig, at ng manunulat at mambabasa. Samakatuwid, masasabing ang diskurso ay isang anyo ng pagpapahayag ng ideya hinggil sa isang paksa. Masasabi rin, kung gayon, na ang diskurso, ay sinanimus sa komunikasyon.
PAGKAKAIBA NG PASALITA AT PASULAT NA DISKURSO PASALITA PASULAT SIKOLOHIKAL SIKOLOHIKAL -gawaing sosyal -gawaing mag-isa -dahil may awdyens at may interaksyong nagaganap; -isang anyo ng pakikipagtalastasan na ginagawa nang -may kagyat na pidbak sa anyong berbal at di-berbal; nag-iisa; at -maraming ginagawang pag-aakma ang m anunulat upang -gumagamit ng mga hudyat o paralinguistic maisaalang-alang ang di-nakikitang awdyens, o mambabasa; minsan siya mismo ang gumaganap na tagabasa ng sulat na ginagawa; at -walang kagyat na pidbak kaya’t hindi agad na mababago kung ano ang naisulat -kailangang panindigan kung ano ang naisulat LINGGWISTIKA -maaring gumamit ng mga impormal at mga pinaikling konstruksyon ng mga salita -maaring ulitin, baguhin at linawin ang nabitiwang salita ayon sa reaksyon ng tagapakinig -napagbibigyan ang mga pag-uulit ng mga pahayag -nauulit ang anumang sinabi
LINGGWISTIKA -kailangang mahusay ang paglalahad ng kaisipan upang makatiyak na malinaw ang dating sa mambabasa. -mas mahaba ang konstruksyon ng mga pangungusap at may tiyak na estrukturang dapat na sundin.
KOGNITIBO -ang pagsasalita ay madaling natatamo -natutuhan sa isang prosesong natural na tila walang hirap (ego building) -ang pagsasalin ng “inner speech’(kaisipang binubuo bago ipahayag sa anyong pasalita) ay isang madaling proseso
KOGNITIBO -natutuhan sa paaralan at kailangan ang pormal na pagtuturo at pagkatuto; -mahirap ang pagbubuo ng isusulat na mga ideya kaysa pagsasabi nito; at -karamihan sa karanasan ng mga bata sa pagsulat ay hindi maganda kaya ang gawaing ito’y egodestructive lalo na kung ang sulatin ay sa W2 (pangalawang wika)
Paglinang sa ideya 1. PAKSA Ito ang pinakasimula ng lahat. Sa bawat usapan kinakailangan ng paksa upang may pag-usapan. Ito ay maaaring tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari na nagsisilbing pokus ng diwang sinasaad sa pandiwa. Ito ang bahaging pinagtutuunan ng pansin o pinaguusapan sa pangungusap 2. LAYUNIN Lahat ng ating ginagawa ay may kalakip na layunin Hal. a. Ang mag-aaral ay naglalayong magkakaroon ng magandang bukas b. Ang mga guro ay naglalayong makapagturo at makapaghubog ng isang m abuting mamamayan. 3. PAGSASAWIKA NG IDEYA Ang ideya ay isang kaisipan ng isang tao tungkol sa isang paksa, at ito ay mananatiling kaisipan lamang hangga’t hindi ito nalalapatan ng mga kongkretong salita na siyang magbibigay kabuuan dito 4. TAGATANGGAP/AWDYENS Sa proseso ng pakikipagtalastasan, pasulat man o pasalita, ay may dalawa o higit pang sangko. Ito ay ang tagapaghatid ng mensahe at ang tagatanggap dahil malalaman kung gaano kabisa ang tagatanggap. Isinasaalang-alang ng tagapaghatid ang tagatanggap dahil malalaman kung haano kabisa ang kanyang paglalahad kapag naintindihan ito ng tagatanggap.
Organisasyon ng Diskursong Pasalita o Pasulat Ang organisasyon ng pahayag ay isang proseso ng pagsasaayos ng iyong mga m ateryales para maging malinaw at makapangyarihan ang iyong ideya sa iyong mambabasa o tagakapakinig. Karaniwan, ang patern ng debelopment ay kinakailangang maging consistent sa mga punto o pananaw hinggil sa paksa, nililinaw ang uganayan ng mga ideya at nakapagbibigay ng epektibong halimbawa.
1. KAISAHAN NG IDEYA (COHERENCE)
May tama at dominanteng paksa, na nalilinang ng mag magkakaugnay na pangungusap Hindi malilikha ang kaisahan kung halu-halo ang pahayag na magpapalito sa mambabasa o tagapakinig Suportahan ang pamaksang pangungusap ng mga pangungusap na makadedevelop sa ideya. Halimbawa: Malawak ang paksang Ang Pag-unlad ng Panitikang Tagalog .higit na matatalakay at malilinang ang kaisahan kung lilimitahan sa isang panahon ang paksa ( Ang Pag-unlad ng Dulang TAgalog noong Ikalawang Digmaang Pandaigdigan. Sa ganitong pagtukoy sa dominanteng paksa, nalimita mo ang gagawing diskusyon sa dula sa isang natatanging panahon at maiiwasan na ang kalat na kaisipan sa pagbuo ng mga sumusuportang pahayag sa pag-unlad ng dulang tagalong noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Isang katangian o aspeto ng pagpapahayag. Sa literal na kahulugan, ito ay “magkakalapit lahat” Sa pamamagitan ng kaisahan sa pagpapahayag, ang mga mambabasa o tagapakinig ay magkakaroon ng kadalian sa pag-unawa sa mga ideyang iyong ipinahahayag.
2. UGNAYAN
Dapat na magkakaugnay ang mga pangungusap upang magpatuloy ang daloy ng diwa buhat sa simula hanggang dulong pahayag. Natitiyak ang kohirens kung ang daloy ng mga magkakasunod na pangungusap ay sumusunod sa order o kaayusan. Kapag walang order o kaayusan, ang susulatin ay maaaring sabihing magulo at hindi maintindihan. Mahalaga ang papel ng mga salita na ginagamit bilang mga tagapag ugnay sa talata. Ito ay nagsisilbing tulay sa pagitan ng mga bahagi ng pahayag. Ito ay mga palatandaan na tumutulong sa mga mamababasa at tagapakinig para mabigyang kahulugan ang mga gustong iparating ng tagapagsalita o ng manunulat. Tumutulong din ito upang madala ang diwa ng isang pangungusap patungo sa isa pang pangungusap, talata patungo sa iba pang talata sa iba pang salita o mga parirala. tumutulong din upang mapag ugnay ang mga pangungusap at mga talata upang mapakinis ang takbo ng pahayag para hindi magkaroon ng biglaang pagtalon o pagputol ng mga ideya. Pagdaragdag- at, ulit, pagkatapos, bukod, ano pa Paghahambing- pero, sa kabilang bandsa, subalit, gayon man Pagpapatunay- kung saa, dahil sa, para sa , tunay, sa katunayan Pagpapakita ng oras- kaagad, pagkatapos, sa lalong madaling panahon, sa wakas, noon Pag uulit- sa madaling salita, gaya ng sinabi ko, tandaan Pagbibigay diin- tiyak, labis, talaga, sa katunayan Pagpapakita ng Pagkakasunud sunod- Una, pangalawa, pangatlo, a,b,c Pagbibigay halimbawa- halimbawa, sa ganitong klase, sa ganitong pagkakataon, PAgbubuod o Pagbibigay ng Kongklusyon- sa madaling salita, bilang resulta, kaya naman, sa pagbubuod
3. DIIN
Ito’y pagbibigay ng halaga o diin sa kaisipan ng paksa para mag ing lutang na lutang ito at maging matingkad sa isipan ng mambabasa o tagapakinig. Maari itong banggitin sa unang bahagi o sa huling bahagi ng talata, o maar ing ipakita mo ang kaisipan o ideyang ito bilang isan hiwalay ng pangungusap na isa na ring maikling talata. Waring ibinubukod, maaaring inuulit ang pagsasabi, at magagawa ngang mabigyan ng halaga ang kaisipang nabanggit.
Paglalagay ng Kaisipan sa Dapat Kalagyan Ayon kina Bisa, Lota, at Sayas, para m aipakita o maipadam sa mambabasa ang antas ng kahalagahan ng kaisipan ideyang nililingan sa isang teksto kailang ang diin. Maipapakita ang diin sa mga sumusunod:
A. Ang posisyon na dapat kalagyan ng pangunahing ideya Paglalagay sa una o sa huling bahagi ng teksto Halimbawa. Mistulang mga tanikala ang pagkakabit-kabit at pagkakadugtong ng mag makakasunod na daloy ng kultura ng sambayann o sangkabansaan. It ang tanging dahilang kung bakit aang ating nakaraan, magin it man ay historical o lultural, ay may malaking kaugnayan hindi lamang sa ating kasalukuyankundi pati sa ating hinaharap. Tayo ang nakaraan sapagkat tayo mismo ang nagig bunga ng nakalipas na panahon. At bilang mga tagadala ng kultura ng nakaraan, tayo rin ang tagapaglipat nito sa hinaharap, kung kaya’t bahagi rin tayo ng kinabukasa(Timbreza 2001)
B. Ang proporsyon ng may kinalaman sa timbang na kahalagahan ng paksa at ng hakbang sa pagtalakay Ang paglalahad ng maraming ideya bilang tulong sa pangunahin o dominanteng kaisipan ay nakaragdag ng kalinawan lalo pa at ang mga ito ay inilalahad sa isang estrukturang magkakatulad, gaya ng pagsusunod-sunod ng mga pangungusap, mga sugnay, at mga parirala Halimbawa. Ngayon, kapag dumarating ang Taglish sa lalawigang labas ng Kamaynilaan ay nahahaluan ito ng mga salita’t estrukturang hango sa wikang katutubo. Ang pagsasanib ng Taglish at bernakular ay, sa aking palagay, ang tinatawag nating Filipino. Sa madaling salita, ang wikang Filipino sa Cebu at Davao ay Taglish na may halong Cebuano. Ang Wikang Filipino sa Iloilo ay Taglish na may halong Ilonggo. Ang wikang Filipino sa Kabikulan ay Taglish na may halong Bikulano. Ang wikang Filipino sa Katagalugan ay Taglish na may halong Tagalog, na walang iba kundi Taglish. Samaktuwid, Taglish ang Filipino ng mga Tagalog, pero hindi Taglish ang Filipino ng mga di-Tagalog, kundi Tagsebuwish, Tagilonggish at iba pa. (Cruz 1992)
C. Pag-uulit ng salita o lipon ng mga salita at tunog na mga salita Matatamo ng isang sumusulat ang diin sa pamamagitan ng pa-uulit ng tunog(ponemang/a/,/e/,/i/,/o/,/u/) at pag-uulit ng salita o lipon ng mga salita a isang talata o magkakasunod na talata. Nabibigyang-diin ang kahalagahan ng isang salita o lipon ng mag salita kapag ito’y inuulit-ulit Halimbawa. Ang pagtuturo ay isang pagtulog na matutuo ang isang tao, isang pagpapakita kung paano gagawin ang isang bagay, at isang pagpapaunawa tungkol sa anupamang sinasabi o itinuturo. Kaya matututuhang sumulat at bumasa ang isang batang nasa takadang taong gulang. Matuturuan ang isang estudyanteng magkompyuter o lumutas ng isang problemang pampulitika, pampisika, o panlohika. Matuturuan din ng isang magsasaka ang kanyang anak na maghabi ng sambalilo, mag-araro, magtanim, at mag-ani ng palay sa bukid. Matuturuan naman ng isang ina ang kanyang dalagitang magsaing at magluto ng ulam (Timbreza 2001)