Pangungusap Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Sa linggwistika linggwistika,, ang pangungusap ay lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa diwa.. Binubuo ito ng panlahat na sangkap, ang panaguri at ang paksa subalit buo ang diwa.
Mga ayos ng pangungusap May dalawang ayos ang pangungusap: karaniwan at di-karaniwan. Kung panaguri ay nauuna kaysa simuno, ang pangungusap ay nasa karaniwang ayos; at kung ang simuno naman ang nauuna kaysa sa panaguri, ang pangungusap ay nasa dikaraniwan ayos. Ang panandang "ay" ay kadalasang makikita sa mga pangungusap na nasa di karaniwang ayos.
Karaniwan - Nagsisimula sa Panaguri at Nagtatapos sa simuno.
Halimbawa: Bumili ng bagong sasakyan si Elsie. Elsie.
Di- Karaniwan - Nagsisimula sa Simuno at Nagtatapos sa Panaguri.
Halimbawa:
Si Elsie ay bumili ng bagong sasakyan.
Uri ng mga pangungusap Ayon sa pangungusap na walang paksa Mga pangungusap na eksistensyal - nagpapahayag ng pagkamayroon ng isa o higit pang tao tao,, atbp. Pinangungunahan ito ng may o mayroon. Halimbawa: Mayroon daw ganito roon.
Mga pangungusap na pahanga – nagpapahayag ng damdaming paghanga. Halimbawa: Kayganda ng babaing iyun!
Mga sambitlang – tumutukoy sa mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin. Halimbawa: Aray! Halimbawa: Aray!
Mga pangungusap na pamanahon – nagsasaad ng oras o uri ng panahon. Halimbawa: Maaga pa.
Mga pormularyong panlipunan – mga pagbati, pagbibigay-galang, atbp. na nakagawian na sa lipunang Pilipino Pilipino.. Halimbawa: Magandang umaga po.
Ayon sa kayarian Ang pangungusap ay may apat na kayarian: payak, tambalan, hugnay at langkapan. Ang payak na pangungusap ay nagpapahayag ng iisang kaisipan. Maaaring nagtataglay ng payak o tambalang simuno at panaguri. May apat itong kayarian: payak na simuno at payak na panaguri; payak na simuno at tambalang panaguri; tambalang simuno at payak na panaguri; at tambalang simuno at tambalang panaguri. Mga halimbawa:
Ang pamahalaan pamahalaan ay masigasig sa mabilisang pagsugpo ng kriminalidad sa bansa bansa..
Ang mga lalaki lalaki at at babae babae ay naghahanda ng palatuntunan para sa darating na pista.
Ang aming pangkat ay naglinis ng mga kalye at nagpinta ng mga pader sa paaralan.
Ang mga guro at mag-aaral ay aawit at sasayaw para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ng Wika..
Ang tambalang pangungusap ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa: Halimbawa: Nagtatag ng isang samahan sina Arnel at agad silang umisip ng magandang proyekto para sa mga kabataan ng kanilang pook.
Maraming balak silang gawin sa Linggo Linggo:: magpapamigay sila ng pagkain pagkain sa mga batang lansangan, magpapadala sila nga mga damit sa mga batang ulila saka maghahandog sila ng palatuntunan para sa mga maysakit maysakit sa sa gabi.
Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isa o dalawang sugnay na di-makapag-iisa. Halimbawa:
Gaganda ang iyong buhay iyong buhay kung kung susunod ka sa mga pangaral ng inyong magulang. Ang batang putol ang mga kamay kamay ay ay mahusay gumuhit.
Ang langkapang pangungusap ay binubuo ng dalawa o mahigit pang sugnay na makapag-iisa at dalawa o mahigit pang sugnay na di-makapag-iisa. Halimbawa: Ang buhay sa mundo ay pansamantala lamang kaya't dapat na tayo ay magpakabuti upang makamit ang kaligayahan sa kabilang buhay.
Nahuli na ang mga masasamang-loob kaya't payapa na kaming nakatutulog sa gabi, kasi sila lamang ang gumugulo sa amin.
Ang mga bayani bayani natin natin ay namuhunan ng dugo upang makamtan ang kalayaan ang kalayaan nang ang bayan ang bayan ay matahimik at lumigaya.
Iba pa Maiuuri rin ang pangungusap bilang pasalaysay o paturol, patanong, pautos at padamdam:
Pasalaysay o Paturol: Ito ay nagsasalaysay ng katotohanan o pangyayari. Lagi itong nagtatapos sa tuldok(.)
Patanong: Ito ay nag-uusisa tungkol sa isang katotohanan o pangyayari, at tandang pananong(?) ang bantas sa hulihan
nito.
Pautos: Ito ay uri ng pangungusap kung saan ay nakikiusap o nag uutos ito.
Padamdam: Ito ay nagsasabi ng matinding damdamin gaya ng tuwa, lungkot, pagkagulat, paghanga, panghihinayang at iba pa.
Ang Pangungusap ay ang kalipunan ng mga salitang nagsasaad n g isang buong diwa. Ito ay may patapos na himig sa dulo na nagsasaad ng diwa o kaisipang nais niyang ipaabot. Ito ay tinatawag na Sentence sa wikang Ingles.
[baguhin]Mga
Bahagi ng Pangungusap
[ baguhin ] Simuno o Paksa Ang Simuno o Paksa (Subject sa wikang Ingles) ang bahaging pinag-uusapan o pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap. Ang paksa o simuno ay maaaring gumaganap ng kilos o pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa pandiwa at ganapan ng kilos ng p andiwa. Halimbawa: Naglalaro si Crisanto ng ahedres. (gumanap ng kilos) Inihaw ni Wilson ang mga nahuling isda ( pinagtutuunan ng diwang isinasaad ng pandiwa) Si Melody ay kumakanta sa liwasan ngayon. [ baguhin ] Panaguri Ang Panaguri (Predicate sa wikang Ingles) ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa. Ito ay naglalahad ng mga bagay hinggil sa simuno. Ito ay maaaring:
panaguring pangngalan
panaguring panghalip
panaguring pang-uri
panaguring pandiwa
panaguring pang-abay
panaguring pawatas
Halimbawa:
Bangus ang pambansang isda ng Pilipinas. ( pangngalan)
Sila ang aawit sa misa. ( panghalip)
Malulusog ang anak niyang kambal. ( pang-uri )
Naglalabada ang kanyang ina. ( pandiwa)
Dahan-dahan ang kanyang pag-akyat. pang-abay ( )
Magtanim ng orkidyas ang kinahihiligan niya. ( pawatas)
Mga Kayarian ng Pangungusap Payak
Ito nagsasaad ng isang diwa at nagtataglay lamang ng iisang sugnay na makapag-iisa. Halimbawa: Si Andres Bonifacio ay isang matapang na bayani.
Mga Kayarian ng Payak na Pangungusap Payak na Simuno at Payak na Panaguri Halimbawa: Si Jose Rizal ang pambansang bayani ng Pilipinas.
Tambalang Simuno at Payak na Panaguri Halimbawa: Si Ding at Dang ay matalino sa matematika.
Payak na Simuno at Tambalang Panaguri Halimbawa: Si Toto ay matulungin at madasalin.
Tambalang Simuno at Tambalang Panaguri Halimbawa: Ang Pransya at Alemanya ay magkalapit at makaibigang bansa.
Isang sambitla na may patapos na himig sa dulo Halimbawa: Umuulan! Sunog!
Tambalan Ito ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa at pinag-uugnay ng mga pangatnig o paggamit ng tuldukwit (;). Halimbawa: Ang ilan sa mga mag-aaral ay hindi gumagawa ng takdang-aralin; samantalang ang karamihan aygumagawa.
Langkapan Ito ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapagiisa at isa o higit pang sugnay na hindi makapagiisa. Halimbawa: Tayong mga magkakagrupo ay kailangang magtulungan para mabilis nating matapos ang ating gawain. Dahil sa tayo ang mamamayan ng Pilipinas, kailangan nating magtulungan upang tumatag ang ekonomiya.
Mga Ayos ng Pangungusap Karaniwang Ayos Ang panaguri ay nauuna sa simuno. Halimbawa: Mabilis magsampay ng damit si Nena.
Di-karaniwang Ayos Ang simuno ay nauuna sa panaguri. Kapunapuna ang paggamit ng ay pagkatapos ng simuno sa pangungusap. Halimbawa: Si Nena ay mabilis na nagsampay ng damit.
Paraan ng Pagpapalawak ng Pangungusap Batayang Pangungusap: Nag-aral si Engelbert sa math.
Lagyan ng mga paningit Kabilang sa mga paningit ay ang mga salitang: daw,
kaya,
ba,
sana, at iba pa.
Halimbawa: Nag-aral kaya sa math si Engelbert?
Gumamit ng pang-uri bilang panuring Halimbawa: Nag-aral ng mabuti sa math ang batang si Engelbert.
Gumamit ng pang-abay bilang panuring Halimbawa: Nag-aral ng mabuti sa math si Engelbert para sa darating na kompetisyon.
Mga Uri ng Pangungusap Paturol Ito ay nagsasaad ng katotohanan o isang kaganapan. Nagtatapos sa bantas na tuldok (.). Halimbawa:
Ang Asya ang pinakamalaking kontinente. Ang mga kabataan ngayon ay mahilig magbulakbol. Ang EDSA Shrine ay dausan ng mga pag-aaklas.
Pautos Ito ay naghahayag ng utos o kahilingan. Nagtatapos din a bantas na tuldok(.) Halimbawa:
Dalhan mo ako ng pasalubong.
Anyo ng Pautos ] Pautos na Pananggi Pinangungunahan ng salitang "huwag ". Halimbawa:
Huwag kang lalabas ng bahay.
Pautos na Panag-ayon Ito ang paksa ng pangungusap ay nasa ikalawang panauhan at may pandiwang nasa anyong pawatas. Halimbawa:
Ipaluto mo si Marissa ng tinola.
Patanong Ito aynagsasaad ng isang katanungan.
Anyo ng Patanong Patanong na masasagot ng OO o Hindi Halimbawa:
Kumain ka na ba?
Pangungusap na Patanggi ang Tanong Halimbawa:
Hindi ka ba papasok? Hindi ka ba kakain dito?
Gumagamit ng Panghalip na Pananong Ang mga panghalip ay kinabibilangan ng mga salitang: Halimbawa:
ano,
alin,
sino,
saan
at iba pa.
Ano ang iyong kinain kanina? Alin ang pipiliin mo?
Nasa Kabalikang Anyo ng Tanong Halimbawa:
Siya ba ay pupunta rin? Tayo ba ay aalis na?
Tanong na may Karugtong o Pabuntot Halimbawa:
Kumain ka na, hindi ba? Dumaan ka na dito, hindi ba?
Pakiusap Ito ay nagsasaad o nagpapahayag ng pakiusap. Halimbawa:
Maaari po kayong umupo. Pakibuksan mo nga itong lata ng sardinas. Maaari po ba akong lumabas bukas?
Padamdam Ito ay nagpapahayag ng matinding damdamin. Halimbawa:
Hala!
Aba!
Ha!
Hoy!
Gising! Naku!
Magnanakaw!
Pangungusap na Walang Paksa Pandamdam Nagpapahayag ng matinding damdamin. Halimbawa:
Ay mali!
Pakiusap Nagpapahayag ng kahilingan o pakiusap. Halimbawa:
Pakiabot nga.
Eksistensyal Ito ay pahayag na ginagamitan ng may, mayroon o wala. Halimbawa:
May tao sa loob.
Temporal nagsasaad ito ng mga kalagayan o panahong panandalian karaniwan na itong mga adverbial na nagsasabi ng....... *Oras,araw, petsa
halimbawa:
Umaga na. Bukas ay Sabado. a sais pa lang ng umaga. Ika-8 ng pebrero ngayon.
*Panahon, selebrasyon halimbawa:
Bagong taon na bukas Kaarawan ko sa makalawa. Pasko na sa Lunes. Magbabakasyon lang.
Penomenal Ito ay nagpapahayag ng pangyayari. Halimbawa: Lumindol sa Africa. Bumabagyo sa Bikol.
Pormulasyong Panlipunan Ito ay nagpapahayag ng paggalang. Halimbawa: Makikiraan po.
Tao po.
Salamat po.
Ang Pangungusap ay lipon ng mga salita na nagsaad ng buong diwa. Ang pangungusap ay may dalawang bahagi: Simuno (subject) ay ang paksa o ang pinag-usapan sa pangungusap.
May mga panandang si, sina kung tao ang simuno at ang o ang mga kung bagay, lunan o pangayayari. Panaguri (predicate) ito ay ang bahagi ng pangungusap na nagsasabi ng kung ano tungkol sa simuno.
Halimbawa: Simuno
Ang mga bata ay tumatakbo.
Panaguri
Ayos ng Pangungusap Karaniwang Ayos ng pangungusap kung ang nauuna ay ang panaguri kaysa sa simuno/paksa. Hindi ginagamitan ng salitang “ay”.
Halimbawa: (panaguri)
Bumili ng tinapay ang bata. (simuno)
Ang Di-karaniwang Ayos ng pangungusap kung nauuna ay ang simuno kaysa panaguri at ginagamitan ng panandang "ay". Halimbawa Ang bata ay bumili ng tinapay. (simuno) (panaguri) Mga Uri ng Pangungusap Paturol o Pasalaysay – ang pangungusap kung naglalahad ito ng isang katotohanang bagay. Nagtatapos ito sa tuldok (.).
Halimbawa
Tumakbo ng mabilis ang aso.
Pautos – ang pangungusap kung nag-uutos at nagtatapos din ito sa tuldok (.).
Halimbawa
Kunin mo ang aking damit sa lalagyan.
Anyo ng Pautos Pautos na Pananggi – Pinangungunahan ng salitang "huwag".
Halimbawa:
Huwag kang lalabas ng bahay.
Pautos na Panag-ayon – Ito ang paksa ng pangungusap ay nasa ikalawang panauhan at may pandiwang nasa anyong pawatas.
Halimbawa:
Ipagluto mo si Anna ng adobo.
Patanong – ang pangungusap kung nagtatanong at nagtatapos ito sa tandang pananong (?).
Halimbawa
Bakit ka umiiyak?
Anyo ng Patanong Patanong na masasagot ng OO o Hindi
Halimbawa:
Naglinis ka na ba ng bahay?
Pangungusap na Patanggi ang Tanong
Halimbawa:
Hindi ka ba papasok?
Gumagamit ng Panghalip na Pananong
Ang mga panghalip ay kinabibilangan ng mga salitang: pa. Halimbawa:
ano,
alin,
sino, saan
at iba
Ano ang iyong ginagawa kanina?
Nasa Kabalikang Anyo ng Tanong
Halimbawa:
Tayo ba ay aalis na?
Tanong na may Karugtong o Pabuntot
Halimbawa:
Dumaan ka na dito, hindi ba?
Padamdam – ang pangungusap kung nagsasaad ng matinding damdamin at nagtatapos ito sa tandang padamdam (!). Hala! Aba! Ha! Hoy! Gising! Naku!
Halimbawa:
Naku, nalulunod ang bata!
Pangungusap -lipon ng mga salitang binubuo ng buong diwa. Bahagi ng Pangungusap Simuno/Paksa - ang pinag-uusapan sa pangungusap Panaguri - nagsasabi tungkol sa simuno o paksa ha. Itapon mo ang basura ang basura - ang paksa ng pangungusap sa itaas itapon mo - ang panaguri ng pangungusap sa itaas Dalawang ayos ng Pangungusap 1.Karaniwang - ayos - nauuna ang panaguri na sinusundan ng paksa o simuno 2.Kabaligtarang - ayos - nauuna ang paksa o simuno na sinusundan ng panaguri. Apat na Kayarian ng Pangungusap 1.Payak - binubuo ng isang diwa lamang.
hal. Humanga siya sa iyo. 2.Tambalan - binubuo ng dalawa o mahigit pang sugnay na makapag-iisa. Pinaguugnay ito ng mga pangatnig na sapagkat, at, pati, dahil sa, ngunit, subalit, datapwat, bagamat at o. hal. Napapahalagahan nila ang mga mamamayan sapagkat sinabi ng mga ito ang kanilang karaingan. 3.Hugnayan - Binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa na sinasamahan pa ng isa o mahigit pang katulong na sugnay. Ginagamitan ito ng mga pang-ugnay na kung, kapag, pag, nang, upang, kaya, gayon at habang. hal. Kung di ka makaalis ngayon, sabihin mo lang sa akin. 4.Langkapang Pangungusap - binubuo ito ng dalawa o mahigit pang punong sugnay na kapag-iisa at isa o mahigit pang sugnay na pantulong o sugnay na di makapg-iisa. hal. Pinapahalagahan ngayon ang mga magsasaka dahil sila ang nagbibigay ng pagkain sa buong bansa kaya maypagpupulong ngayon.