Buod Noong araw ay may isang dakilang hari. Siya ay si Indarapatra, hari ng Imperyo Mantapuli. Ang Mantapuli ay matatagpuan sa kanluran ng Mindanaw, doon sa malayong lupain kung saan ang araw ay lumulubog. Si Indarapatra ay nagmamay-ari ng isang mahiwagang singsing, isang mahiwagang kris, at isang mahiwagang sibat.
“Hinagud, aking sibat, magtungo ka sa silangan at lupigin ang aking mga kaaway!" utos ng hari. Pagkatapos magdasal, inihagis niya si Hinagud nang malakas. Pagkatapos makarating ni Hinagud sa Bundok Matutum, bumalik ito sa Mantapuli at nag-ulat sa kanyang panginoon.
“Aking panginoon, maawa kayo sa mga taga -Maguindanao. Sila'y pinahihirapan at pinaglalamon ng mga halimaw. Sinira ng mga halimaw ang kanilang mga pananim at ang kanilang mga kabahayan. Binabalot ng mga kalansay ang kalupaan!" ulat ni Hinagud. Nagalit si Indarapatra sa narinig. "Sino ang mga halimaw na iyon? Sino ang mga walang-awang pumapatay sa walang kalabanlabang mga taga-Maguindanao?" galit na tanong ni Indarapatra. "Una'y si Kuritang maraming paa at ganid na hayop sapagkat sa pagkain limang tao'y kanyang nauubos," sagot ni Hinagud. "Ikalawa'y si Tarabusao. Isa siyang halimaw na mukhang taong na nakatatakot pagmasdan. Ang sinumang taong kanyang mahuli'y agad niyang kinakain. Ikatlo'y si Pah, isang ibong malaki. Ang bundok ng Bita ay napadidilim niya sa laki ng kanyang mga pakpak. Ang lahat ng t ao'y sa kweba ay nananahan upang makaligtas sa salot na itong na may matang malinaw at kukong m atalas. Ikaapat ay isa pang ibong may pitong ulo, si Balbal. Walang makaligtas sa bagsik ng kanyang matalas na mata pagkat m aaari
niyang matanaw ang lahat ng tao” sunud-sunod na paliwanag ng sibat. Nang marinig ito ni Indarapatra, nagdasal siya at inutusan ang kapatid na si Sulayman, ang pinakadakilang mandirigma ng kaharian, "Mahal kong kapatid, umayon ka at tulungan ang mga tagaMaguindanao. Ito ang aking mahiwagang singsing at Juru Pakal, ang aking mahiwagang kris.
Makatutulong ang mga ito sa iyong pakikidigma”. Kumuha si Indarapatra ng isang batang halaman at ipinakiskis niya ang singsing na ibinigay kay Sulayman sa halaman at kanyang sinabi, "Ang halamang ito ay mananatiling buhay habang ika'y buhay at mamamatay kung ika'y mamatay." At umalis si Sulayman sakay ng kanyang vinta. Lumipad ang vinta pasilangan at lumapag sa kaMaguindanaoan. Biglang dumating si Kurita. Biglang tumalon si Jur Pakal, ang mahiwagang kris, at
kusang sinaksak si Kurita. Sila ay nagbaka at hindi tumigil hangga’t malagot malagot ang tanging hininga niyong si Kuritang sa lupa ay salot. Sa pakikidigma ni Sulayman, nawala niya ang kanyang singsing.
Pagkatapos ay kinalaban ni Sulayman si Tarabusao. "Lisanin mo ang lugar na ito... kung hindi, mamamatay ka!" utos ni Sulayman. "Lisanin ang lugar na ito! Nagkasala ang mga taong ito at dapat magbayad!" sabi ni Tarabusao. "Nandito ako upang alisin ang lagim mo rito sa Maguindanao . . . ang aking Diyos ay mabait sa mga nagdurusa at pinahihirapan ang mga demonyo," sabi ni Sulayman. "Matalo man ako, mamamatay akong martir!" sagot ni Tarabusao. Naglaban sila at duguan si Tarabusao. "Binabati kita sa iyong kagalingan, sa iyong kapangyarihan, paalam," huling sambit ni Tarabusao at tuluyan na siyang namatay. Naglakad si Sulayman sa kabilang bundok upang sagupain si Pah. Ang Bundok Bita ay balot ng mga kalansay at ng mga naaagnas na bangkay. Biglang dumating si Pah. Inilabas ni Sulayman si Juru Pakal at pinunit nito ang isang pakpak ni Pah. Namatay si Pah ngunit nahulog ang pakpak nito kay Sulayman na siya naman din ikanasawi nito. Sa Mantapuli, namatay ang tanim na halaman ni Indarapatra. Agad siyang nagtungo sa Maguindanao at hinanap ang kapatid. Nakita niya ang kanyang kapatid at siya'y nagmakaawa sa Diyos na buhayin muli ang kapatid. Tumangis siya nang tumangis at nagdasal kay Allah. Biglang may bumulwak na tubig sa tabi ng bangkay ni Sulayman. Ipinainom ito ni Indarapatra kay Sulayman na biglang nagising. "Huwag kang umiyak, aking kapatid napatulog lamang ako nang mahimbing," sabi ni Sulayman. Nagdasal sina Indarapatra at Sulayman upang magpasalamat sa Diyos. "Umuwi ka na, aking kapatid. Ako na ang tatapos kay Balbal, ang huling halimaw," utos ni Indarapatra. Umuwi si Sulayman at nagtungo si Indarapatra sa Bundok Suryan at doon nakipaglaban kay Balbal. Isa-isang pinutol ni Indarapatra ang mga ulo ni Balbal hanggang isa na laman ang natira. Matapos ito, lumisan si Balbal na umiiyak. Inakala ni Indarapatra na namatay na si Balbal habang ito'y tumatakas. Ngunit ayon sa mga tao ngayon a buhay pa si Balbal. patuloy na lumilipad at humihiyaw tuwing gabi. Pagkatapos ng labanan, naglakad si Indarapatra at tinawag ang mga taong nagtago sa kuweba ngunit walang sumagot. Naglakad siya nang naglakad hanggang siya'y nagutom at napagod. Gusto na niyang kumain kaya pumulot siya ng isda sa ilog at nagsaing. Kakaiba ang pagsaing ni Indarapatra. Inipit niya ang palayok sa kanyang mga hita at umupo siya sa apoy upang mainitan ang palayok. Nakita ito ng isang matandang babae. Namangha ang matandang babae sa taglay na kagalingan ni Indarapatra. Sinabihan ng matanda na maghintay si Indarapatra sa kinalalagyan sapagkat dumaraan doon ang prinsesa, ang anak ng raha. Umalis ang matandang babae dala ang sinaing ni Indarapatra. Pagkalipas ng ilang sandali ay dumaan nga ang prinsesa at nakuha ni Indarapatra angtiwala nito. Itinuro ng prinsesa kung saan nakatago ang ama niya at ang mga nalalabi sa kaharian nila. Nang magkita si Indarapatra at ang raha, inialay ng raha ang kanyang mga pagmamay-ari kay Indarapatra. Ngunit tinanggihan ito ni Indarapatra bagkus kanyang hiniling ang kamay ng prinsesa.
Nanatili si Indarapatra nang maikling panahon sa Maguindanao. Tinuruan niya ang mga doon kung paano gumawa ng sandata. Tinuruan niya rin sila kung paano maghabi, magsaka, at mangisda. Pagkalipas ng ilang panahon, nagpaalam na si Indarapatra.
“Tapos na ang aking pakay rito sa Maguindanao. Ako ay lilisan na. Aking asawa, ang mga anak kong dalawa, isang babae at isang lalaki. Sila ang mamumuno rito sa inyong kaharian pagdating ng araw. At kayong mga taga-Maguindanao, sundin ninyo ang aking mga kadugo, batas, at kapangyarihan. Gawin ang aking mga utos hanggang may isang mas dakilang haring dumating at mamuno sa inyo," paalam ni Indarapatra. Habang kumakain, nakita ni Indarapatra ang kanyang mahiwagang singsing na naiwala ni Sulayman sa isdang ulam. Pagkatapos nito ay bumalik na siya sa kanyang kaharian sa Mantapuli.