kaisipang kolonyal Hay, ang mga Pinoy nga naman masyadong bilib sa mga produktong "Made in US" . 'Yong bang parang µpag may nausong isang bagay na gawang kano eh paglalaanan na kaagad o pagiipunan na, kesyo maganda ang kalidad ,kesyo matibay kesyo, kesyo at walang katapusang kesyo. Pero hindi nila alam na mga sub-standard o mga hindi nakapasa sa qua lity control ang karamihan ng pinagbibili nila sa madaling salita mga basura ng Amerika ang ibinenta sa kanila at sa mas mataas na presyo!. Siyempre, imbis nga naman na masayang bakit hindi na lang ipadala sa Pilipinas? Ganyan ang ginagawang panloloko sa atin. Ginagawa na ngang "Dump site" ang pinas, pinapatay pa ang nasyonalismo at pagiging makabayan natin. Kung tutuusin ay marami naman ang kasing tibay at hindi kasing mahal na produktong Pilipino. Tulad ng sapatos sa Marikina.'pag bumili tayo eh nakatulong pa tayo sa lokal na industriya. kaso, ang problema eh masyadong pa- pasosyal ang mga Pinoy. Maganda nga naman ipagyabang ang gamit na "Branded". Sa sobrang sosyalin nila baka pag nagka martial law ulit eh ganito ang mangyari: Pulis: martial law na ulit! gusto ko nang magamit ang bago kong lakas (nakakita ng estudyante) Pulis: ayan may nakita ako! yari ka sa akin Pulis ulit :hoy! ikaw! ika w! estudyante: bakit ho? Pulis: bakit ganyan ang porma mo? aktibista ka no? estudyante: ano ho un? Pulis: paduda ka pa! komunista ka siguro? estudyante: hindi ho Pulis: hindi? sosyalista ka no? estudyante: opo sir, korek ka d'yan! sosyalista ako! mahilig ako sa sosyalan, yung tipong ang inaatupag eh puro party araw at gabi... Sosyalista nga!...Hindi lang pananamit ang nagiging Amerikano sa atin, ang mga pangalang Pinoy na Pinoy tulad ng Kurdapio, Macario, Restituto eh unti-unti na ring nababaon sa nakaraan at napapalitin na ng mga kanluraning pangalan tulad ng John, Michael, David etc.mas maganda ngang pakinggan ngunit wala namang bahid ng pagka Pilipino. Pati a pagsasalita lahat nag-iingles tanungin mo kung kumain na s'ya sasagut i ka ng"yes". Basta nag iingles bida sa atin. 'yon ang sukatan sa atin ng talino, pero ang hindi nila alam eh instrumento lang 'yon ng mga kano para lalong kumita. S'yempre marunong mag-ingles ang Pilipino edi kailangang bumili ng librong Ingles (na ang publisher ay Kano) samantalang ang mga magagandang libro natin eh naiitsapwera, kaya mayaman ang mga author na Kano at Mahihirap naman ang karamihan kara mihan ng Pinoy na manunulat. Dahil Diyos ang tingin natin sa
kanila«ayon sa nabasa ko sa isang libro ni Bob Ong (hindi eksakto ang mga salita). May naganap na episode ng amazing race sa Africa at dahil nagmamadali yung Kano tinanong niya ung isang native "can you speak English?" na sinagot naman niya ng "yes, i can speak English can you speak Swahili?". Hindi nakapag-salita yung Kano!. Sinupalpal s'ya nung native. Nasa bansa ka namin hindi kami ang dapat mag adjust sayo!. Pero pumunta ang Puti sa Pinas at sumakay sa taxi "can you please speed up?" na sinagot s inagot ng tsuper " yes I will break the speed limit". ha? , ganyan ka gago ang ilan sa atin. Iniisip nila na mas mababa tayo kahit na tayo'y nasa sarili nating lupain, na mas superyor ang mga kano kesa sa atin. at in. Bakit ba pinagpipilitan nating isiksik ang mga sarili natin sa mundo ng mga puti? gayong, kung tutuusin ay mas biniyayaan pa ang lahing kayumangi.. Sana magbago ang mga kaisipang ito, Bago Dumating ang araw na wala nag pagkakakilanlan ang mga Pilipino.