Homogeneous na Kalikasan ng Wika Ang wika ay midyum ng pakikipagtalastasan. Ginagamit ito upang epektibong makapagpahayag ng damdamin at kaisipan. Kakambal ng wika ang kulturang pinagmulan nito, kung kaya mahalaga rin ang papel na ginagampanan ng wika sa pagpapalaganap at pagpapayabong ng kulturang pinanggalingan nito. Mayroong mahigit sa 100 wika ang ginagamit sa 17 rehiyon sa Pilipinas. Bawat wika a y mayroong kani-kaniyang katangian. Gayunpaman, bilang behikulong ginagamit upang magkaunawaan ang mga tao, nagtataglay ang mga wikang ito ng mga pagkakatulad. Ito ang tinatawag na homogeneous na kalikasan ng wika. Ang kalikasang ito ay tumutukoy sa mga katangiang taglay ng lahat ng wika anuman ang pinagmulan at kultura ng pamayanang inusbungan nito.
Mahahalagang Mahahalaga ng Kaalaman
Ang wika ay nagtataglay ng mga pagkakatulad, ito ay tinatawag na homogeneous na kalikasan ng wika. Ang wika ay may mga homogeneous na kalikasan: isang masistemang balangkas, arbitraryo, dinamiko, bahagi ng kultura, at kultura, at may sariling kakanyahan. Sa kabila ng pagiging arbitraryo at dinamiko ng wika ay mababakas pa r in ang likas na pagkakatulad ng wika.
Wika: Isang Masistemang Balangkas
Ponema ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng makabuluhang tunog na binibigkas sa isang wika. Morpema naman ang tawag sa makabuluhang yunit ng salita na nabuo mula sa mga tunog. Ang pag-aaral ng mga ponema ay tinatawag na ponolohiya , samantalang morpolohiya naman ang pag-aaral ng mga morpema. Ang wika ay isang masistemang balangkas sapagkat pinagsasama-sama at isinasaayos ang mga salita upang makabuo ng pangungusap. Ang pagsasaayos na ito na nagtatakda ng mensahe ng pangungusap ay tinatawag na sintaks.
Wika: Arbitraryo at Dinamiko Lahat ng wika ay may mga katangiang arbitraryo at dinamiko. Arbitraryo ang Wika
Ang wika ay natututuhan sa lipunan, kung kaya kinakailangang makipag-ugnayan sa kapwa upang mapag-aralan ang paggamit sa isang wika.
Ang wika ay pinagkakasunduan. Nagkakaunawaan sa kahulugan ng mga salita ang mga gumagamit nito. Hindi dinidikta ng mismong itsura at tunog n g salita ang kahulugan, kung kaya masasabing arbitraryo ang wika. Halimbawa nito ay kung paanong ang salitang Tagalog na "kamay" ay "ima" sa wikang Ilokano, "kamot" naman sa Bikolano, at "gamat" naman sa Kapampangan.
Dinamiko ang Wika
Ang wika ay patuloy na nagbabago at umuunlad. Mayroong mga salitang nagbabago ang kahulugan o nagkakaroon ng dagdag na kahulugan sa paglipas ng panahon. Halimbawa nito ay kung paanong ang salitang "tuyo" ay may parehong kahulugang "hindi basa," at "isdang binilad at kinakain na bagay pang-agahan." Nanghihiram din tayo ng mga salitang dayuhan at nagbibigay ng sariling kahulugan dito. Halimbawa nito ay kung paanong ang salitang "gimmick" na nasa wikang Ingles ay may kahulugang "pakulo o paraan ng pagpukaw ng atensyon." Habang ngayon nagkaroon ito ng kahulugan na "pamamasyal kasama ng mga kaibigan."
Wika: Bahagi ng Kultura at May Sariling Kakanyahan Bukod sa pagiging arbitraryo at dinamiko, ang wika ay sumasalamin din sa isang bahagi ng kultura at may sariling kakanyahan. Bahagi ng Kultura ang Wika
Sinasalamin ng wika ang kulturang pinagmulan nito.
Halimbawa : Sa wikang Arabe ay mayroong iba’t ibang katawagan para sa mga uri ng kamelyo. Ang mga salitang ito ay wala sa ating wika dahil hindi bahagi ng kulturang Pilipino ang paggamit ng mga kamelyo. Kung gayon, hindi maisasalin sa Filipino ang mga salitang Arabe para sa salitang kamelyo dahil walang katumbas ang mga salitang ito sa ating wika. May Sariling Kakanyahan ang Wika
Ang lahat ng wika ay may natatanging palatunugan, leksikon, at estrukturang panggramatika.
Halimbawa : Ang wikang Nihonggo ay sumusunod sa estrukturang "paksa-layon ng pandiwa pandiwa" samantalang ang Ingles ay "paksa-pandiwa-layon ng pandiwa."
Heterogeneous na Kalikasan ng Wika
Ang salitang heterogeneous ay mula sa mga salitang Griyego na hetero, na nangangahulugang "magkaiba," at genos, na nangangahulugang "uri o lahi." Ang heterogeneous na kalikasan ng wika ay tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng wika bunga ng paggamit ng iba’t ibang indibiduwal, at pangka t na may magkakaibang uring pinagmulan, edad, kasarian, gawain, tirahan, interes, edukasyon, at iba pa.