CALABARZON HYMN Dito sa Timog Katagalugan Sumibol ang bagong pangalan Ang kaunlaran kaybilis at masagana Lahat kami ay nagkakaisa Sa mithiin ay sama-sama Mabuhay ang CALABARZON CALABARZON sa habang panahon Interlude: Lalawigang Rizal, Cavite Laguna, Batangas, Quezon at mga lungsod pa Antipolo, San Pablo Cavite, Lucena, Batangas, Calamba Sta. Rosa, Dasmariñas, Tanauan at Lipa Hey, Hey Mga kawani ay tanging-tangi Maglingkod ay laging gawi Kaylan pa man sa Diyos ang aming lahi Kabataan ay paunlarin Ito ang unang layunin Mabuhay ang CALABARZON CALABARZON sa habang panahon (Repeat Interlude & 1) Mabuhay ang CALABARZON CALABARZON sa habang panahon Mabuhay!
HIMNO NG BATANGAS
I. Batangas, bukal ng kadakilaan Ang pinakapuso ay BulkangTaal Kaygandang malasin, payapa't marangal Ngunit nagngangalit kapag nilapastangan II. Batangas, hiyas sa katagalugan May barong tagalog at bayaning tunay Mabini, Laurel, Recto, Diokno, Kalaw Agoncillo, Malvar sa bayan ay dangal. III. Batangas, mutya sa dulong silangan Bantayog ng sipag at kagandahan Sulo sa dambana nitong Inang Bayan Batangas, Batangas, ngayon at kailanman (Repeat I. and II.) (Batangas kong mahal, ngayon at kailanman)
BAGONG ARAW (HIMNO NG SAN JUAN)
I. San Juan, bayan kong mahal Kristal na tubig sa lupa’y bumukal Isang bagong araw sa dulong silangan Ika’y aking dangal ngayon at kailanman II. Bundok at dagat biyaya ng Diyos Luntiang sagana’t katas ng lambanog Pagkit na lupa may ginto ring kaloob Ika’y aking yaman sa kabataa’y handog III. Buhay na matuwid lubos na payapa Angkang pinaghugpong isang tinig na dakila Sulong bagong araw ako’y pag-alabin Ika’y aking pag-asa, tagumpay ay kakamtin.