Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino Kakayahang Sosyolingwistik: Pag-unawa batay sa pagtukoy sa sino, paano, kailan, saan, bakit nangyari ang sitwasyong komunikatibo.
*Nauunawaan nang may masusing pagsasaalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural na katangian at pagkakaiba-iba sa lipunang Pilipino at mga sitwasyon ng paggamit ng wika dito. *Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa. * Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng pa ggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin at grupong kinabibilangan. (F11PS-IIe-90) Tiyak na Layunin: 1.Nasusuri ang mga konsiderasyon sa mabisang komunikasyon batay sa isinagawang presentasyon. 2. Nakapagsasagawa ng isang maikling dula-dulaan gamit ang mga konsiderasyon sa mabisang komunikasyon (SPEAKING SKILLS). 3. Napahahalagahan ang sosyolingwistikong pag-aaral ng wika sa pamamagitan ng paggawa ng islogan. 60 minuto
1. PANIMULA 2. PAGGANYAK 3. INSTRUKSYON
Balitaan (5 minuto) Pagpapakita ng dayalogo(5 minuto)
4. PAGSASANAY
Pagpapakilala sa Kakayahang Sosyolingwistiko(25 minuto)
5. PAGPAPAYAMAN
Pagsasadula (10 minuto)
6. PAGTATAYA
Tanong-Sagot na Metodo (5 minuto)
Paper and Pencil Test (10 minuto)
: laptop at LCD Projector : Komunikasyon sa Akademikong Filipino na Aklat PAMAMARAAN: (PROCEDURE)
A. B. C. D. E.
Panalangin Pagbati sa mga mag-aaral Pagtsek ng atendans Pagpapaskil ng tiyak na layunin at ipababasa sa mga mag-aaral. Pagbabalik-tanaw
GAWAING PAMPAGKATUTO
TALASALITAAN
A. Pagpili ng 2 mag-aaral para magsagawa ng diyalogo na nakabatay Ipapakita sa klase ang diyalogo. sa sitwasyong inihanda ng guro. B. pagbibigay ng mga gabay na tanong batay sa ipinakitang dayalogo gaya halimbawa ng: *Ano ang inyong napapansin sa ipinakitang dayalogo ng inyong mga kamag-aral? *Saan nagkita ang magkakaibigan? *Ano ang kanilang pinag-uusapan? * Ano ang damdaming napapaloob sa pagkikita ng magkaibigan? *Ano ang tono ng kanilang pag-uusap?
a. Pagtatalakay sa pamamagitan ng power point presentation. * Ano ba ang sosyo-linggwistika/o? Sagot 1: Sa pagpapaliwanag ni Savignon(1997), sinabi niyang ang kakayaha ng sosyolinggwistik ay isang kakayahan na gumagamit ng wika na nangangailangan ng pag-unawa sa konteksto ng lipunan kung saan niya ito ginagamit.
Talakayan
Kabilang sa pag-unawang ito ang kaalaman sa gampanin ng mga kasangkot sa komunikasyon, ang mga ibinahagi nilang kaalaman at ang tunguhin ng pag-uugnayang nagaganap. Paano ba natin mabigyan ng pagkakataon ang isang indibidwal na mapataas ang antas ng kanyang kakayahang sosyolinggwistik lalo na sa paggamit ng ikalawa o banyagang wika? Sagot1: Mahalagang malinaw sa kanya ang mga mahahalagang paktor ng linggwistikong interaksyon na pinakilala ng Sosyolinggwistikang si Dell Hymes noong 1974. Ginamit niya ang akronim na SPEAKING, upang ilawan ang mga komunikasyong ito. Ano ba ang kahulugan ng SPEAKING? Setting- saan ang pook ng pag-uusap o ugnayan ng mga tao Partisipants- sinu-sino ang mga kalahok sa pag-uusap o Pakikipagtalasan. Ends- ano ang pakay o layunin ng pag-uusap na ito. Act sequence- paano ang takbo ng usapan. Keys- ano ang tono ng pag-uusap? Pormal ba o di pormal? Instrumentalities- anong tsanel ang ginagamit? Pasalita o pasulat? Norms -ano ang paksa ng usapan? Ano ang umiiral na panuntunan sa pagtakalay sa nasabing paksa? Genre- ano ang diskursong ginagamit? Nagsasalaysay ba, Nangangatwiran o nakikipagtalo? Ano ang ispesipikong sitwasyong ginamit?
* Pagpapangkat sa mga mag-aaral sa apat na grupo. * Gumawa ng maikling dula-dulaan gamit ang mga konsiderasyon sa mabisang komunikasyon (SPEAKING SKILLS) *Ang representativ ng bawat pangkat ay bubunot ng envelope na naglalaman ng mga sitwasyong kanilang isasadula. *Bibigyan sila ng 2 minuto para sa paghahanda at pagsasanay. *Itatanghal sa klase ang dula-dulaan.
-Maaaring gumamit ng rubriks ang guro kung sa palagay niya ay akma o angkop sa ibinigay na aktiviti. -Maaari ding bibigyan ng iskor ayon sa kabuuang presentasyon.
(Tanong-sagot na Metodo) * Magbabahagi ang bawat pangkat ng kanilang mga opinyon at damdamin , reaksyon at komento batay sa ipinakitang presentasyon ng bawat grupo. * Magbibigay ang guro ng pinal na input.
Panuto: Papangkatin ng guro ang klase sa 3 grupo. Bawat pangkat ay gagawa ng isang islogan na magpapakita ng kahalagahan ng sosyolingwistikong pag-aaral ng wika.
PAMANTAYAN SA PAGGAWA NG ISLOGAN
May kaugnayan sa tema (20puntos) Malinaw na naipapahayag ang mensahe/ideya (15 puntos) Pagkamalikhain (10) Kalinisan sa Paggawa (5) KABUUAN: 50 PUNTOS
Ipapaliwanag ng mga mag-aaral ang mga islogan na nagawa.