1
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA FiLokano: Paghahambing sa Ponetikong Talahanayan at Punto ng Artikulasyon ng Wikang Filipino at Ilokano
ABSTRAK Tunay ngang mahalaga ang apabeto sa isang lugar na ating kinabibilangan at ang alpabetong ito ay saklaw ng ortograpiya o palatitikan. Ang ortograpiya ay ang nagsisilbing gabay sa tamang pagbaybay o ispeling ng mga salita at fonetikong talahanayan sa isang lugar. Ito ay tumatalakay sa paghahambing ng fonetikong talahanayan ng Wikang Ilokano at Wikang Filipino sa bansa. Nakapaloob din dito ang mga saykolojikal na faktor na nakapailalim sa interaksyon ng mga nagsasalita ng wika. Kung gayon, napakahalaga ng pag-aaral na ito upang matukoy ang iba’t ibang varyasyon sa pagsasalita ng Wikang Ilokano at kung saang bahagi ng Ilocos ka nagmula. Ibig sabihin, malaki ang impluwensya o faktor ng pinagmulang lugar sa pagkilala at pagaaral ng kanilang fonema o makabuluhang tunog. Sinabi ni Santiago (2003) na makabuluhan ang isang tunog kung nagagawa nitong baguhin ang kahulugan ng isang salita. Napakahalaga at makabuluhan ang bawat fonemang Ilokano sa pagtalakay ng fonema at punto ng artikulasyon. Sa pag-aaral na ito, ipinapakita ang fonetikong talahanayan ng Wikang Filipino at Wikang Ilokano na gagamitan ng teoryang Language Expectancy bilang pangunahing gagamitin sa komparatibong pagsipat sa fonetikong talahanayan ng Wikang Filipino at Wikang Ilokano. Ito ang napiling teorya dahil naniniwala ang mga tagapagtaguyod ng teorya na ang wika ay may pardon, format o maging alituntunin na nabuo sa isang partikular o espisipikong konteksto.
2
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
I. Sipat Halina’t
pag-usapan
natin
ang
ortografiya.
Ang
ortografiya
o
palatitikan ay binubuo ng mga tuntunin kung paano sumusulat gamit ang wika. Hinango ang mga tuntunin sa mga umiiral na kalakaran sa paggamit ng Wikang Pambansa, bukod sa napagkasunduang mga tuntunin, bunga ng mga forum at konsultasyon, hinggil sa mga kontrobersyal na usapin sa ispeling (Almario, 2013). Saklaw ng ortograpiya ang iba’t ibang umiiral na wika sa Filipinas sang-ayon sa itinadhana ng 1987 Saligang Batas, Artikulo XIV, Seksyon 6, kung saan itinuturing na ang Filipino bilang Wikang Pambansa ng Filipinas, gayunpaman dapat itong payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Filipinas at sa iba pang mga wika. Kung gayon, maipapalagay natin na napakalaki ang sinasaklaw ng ortografiya hindi lamang ang iba’t ibang umiiral na wika sa bansa maging ang wastong baybay o ispeling ng mga salita at fonetikong talahanayan. Sa
puntong
ito,
ano-ano
kaya
ang
maaaring
pagkakatulad
o
pagkakaiba-iba sa fonetikong talahanayan ng dalawang magkaibang wika partikular na ang Filipino at Ilokano? Sang-ayon sa inilabas na Pambansang Ortografiya ng Komisyon sa Wikang Filipino noong 2013, mapapansing na pinahahalagahan ng Wikang Filipino ang wikang banyaga tulad ng Ingles sa pamamagitan ng pagdaragdag ng walong dagdag na letra sa alfabetong Filipino. Isama pa rito ang impluwensya ng mga Espanyol sa bansa na maging sa alfabeto ay nakuha nating mga Pilipino kaya naman hindi maiaalis ang letrang ñ mula sa mga pantanging ngalan ng tao at lugar. Ibig sabihin, ang ating wikang pambansa ay produkto at refleksyon ng mga bansang sumakop at higit na nakaimpluwensya sa ating pagka-Pilipino. Dahil dito, nagmarka na ang mga ito bilang bahagi ortografiyang Filipino gayundin sa fonetikong talahanayan. Hindi natin maikakaila na ang ating wikang pambansa ay may tunog banyaga. Malalaman din ang mga saykolojikal na faktor na nakapailalim sa paginterak ng mga nagsasalita ng wikang pinag-aaralan sa konteksto ng
3
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA komunidad at sa mga pahayag nila tungkol sa sariling karanasan at damdamin (Paz, 2005). Kung kaya’t napakahalaga sa ganitong uri ng pagaaral ang malalim na pagsipat sa wika at kultura ng target na wika ng taong pag-aaralan tulad na lamang sa
wikang Ilokano kung saan nagkakaiba-iba o may iba’t ibang varyasyon sa pagsasalita batay kung saang bahagi ka ng Ilocos nagmula. Ipinapahayag lamang nito na sa punto ng artikulasyong Ilokano, may malaking impluwensya o faktor ang pinagmulang lugar sa pagkilala at pag-aaral ng kanilang kinalakhang fonema o makabuluhang tunog. Ayon naman kay Santiago (2003), malalaman natin na makabuluhan ang isang tunog kung nagawa nitong baguhin ang kahulugan ng salitang kinapapalooban nito sa sandaling ito’y alisin o palitan. Ibig sabihin, ang bawat ponemang Ilokano ay makabuluhan at mahalaga sa pagtalakay ng fonema at artikulasyon nito. Ang punto ng artikulasyong Filipino at Ilokano ay nagkakaiba rin sa pamamagitan ng paraan ng pagbigkas kung ito’y pasara (stop), prikatib, afritik, nasal, likwid o malapatinig. Gayundin kung ang paraan ng pagbigkas ay palabi, pangipin pagilagid (alveolar), pangala-ngala, velum at titigutan (glottal). Nagkakaiba-iba rin ang dalawang wika sa posisyon o ayos ng dila sa pagbigkas ng salita, kung ito ba ay harap, sentro at likod, o di kaya naman ay mataas, gitna o mababa (Rubrico, 2010). Mapapansin natin na ilan lamang ang mga ito sa mga bagay o bahagi na maaari nating sipatin o silipin sa pag-alam at pag-aaral ng fonetikong talahanayan ng iba’t ibang wika. Mula sa pag-alam sa kasaysayan sa pagkakabuo ng wika, kultura ng target na lugar, mga mamamayan, ang komunidad at iba pang salik na maaaring makaapekto sa paghubog, pagkakabuo at pagpapayaman ng wika. Sa kalagitnaan ng pag-aaral ng ito, paghahambingin natin ang wikang Filipino at Ilokano kasama ang kani-
4
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA kanilang fonetikong talahanayan na bahagi ng pag-aaral ng ortografiya. Layunin din na malaman ang ang iba’t ibang salik na siyang pangunahing nakaaapekto sa pagkakabuo nito tungo sa malalim at kritikal na pag-alam sa mga target na wika. Ano ba ang kahalagahan ng pag-alam at pag-aaral ng fonetikong talahanayan ng isang partikular na wika? Sa pamamagitan nito at sa pagtanggap natin sa wika, pumapaloob tayo sa isang lipunan at nakikiisa sa mga taong naroon. Samakatuwid, ang kamalayan natin bilang indibidwal ay karugtong ng kamalayan ng iba sa lipunan. Kapag may kapangyarihang sumakop sa kamalayan ng kapwa natin sa lipunan, kasama tayong napapailalim sa nasabing kapangyarihan (Lumbera, 2007). Tunay ang tinuring ito ni Lumbera sapagkat tayo na isang indibidwal ay bahagi ng ating lipunan na siyang nagtataglay at gumagamit ng isang wika, kabahagi tayo sa pagsulong nito at patuloy na pagpapayabong nito para sa susunod na henerasyon. Mahalaga rin ito lalong higit sa mga mag-aaral at nagpapakadalubhasa sa wika sapagkat maaari itong maging isang gabay sa pagkatutuo, paglalayag
at paghahanap ng kaalaman hinggil sa mga wika sa Filipinas. Isama pa natin ang mga guro at maging mga dalubguro upang magsilbing tanglaw at gabay sa kanilang mga mag-aaral sa wastong pagbabaybay ng salita at pagalam sa kalikasan at paraan ng artikulasyong Filipino at Ilokano. Sa administrador, pamahalaan, Komisyon sa Wikang Filipino at iba’t ibang organisyong nagtataguyod ng Wikang Pambansa at mga wika sa Filipinas, upang maipagpatuloy nila ang kanilang mga adhikain sa pagpapaunlad at pagpapayabong ng mga wika sa bansa. Gayundin ay makabuo ng mga programa na magdudulot ng kapakinabangan sa wika sa higit at mabisang pagtataguyod dito. Lalong higit sa ating mga Pilipino upang tayong lahat ay maging bahagi at makiisa sa adhikaing mapaunlad ang ating wika sa
5
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA pamamagitan ng paggamit nito bilang midyum ng komunikasyon at higit sa lahat ang pagmamahal at pagpapahalaga rito.
Teoretikal na Pundasyon ng Pag-aaral Ang teoryang Language Expectancy nina Jones at Stewart (1975), ang pangunahing talahanayan
gagamitin ng
Wikang
sa
komparatibong
Filipino
at
pagsipat
Ilokano.
sa
Naniniwala
fonetikong ang
mga
tagapagtaguyod nito na ang wika ay may padron, format o maging alituntunin na nabuo sa isang partikular o espisipikong konteksto. Ang padron at alituntuning ito ay nakaangkla sa sikolohikal o kultural na paniniwala ng mga mamamayan sa isang lugar at ang mga ito ang siyang magiging primaryang susi upang mabuo ang isang wika. Samakatuwid, isinasaalang-alang sa pagkakabuo ng wika ang kalagayang mental ng gumagamit ng wika maging ang tradisyon, paniniwala at kultura ng mga tao. Paano nakikipag-ugnayan ang mga tao batay sa pagsusuri ng Languange Expectancy Theory (LET)? Ang mga tao ay nakikipag-ugnayan sa kaniyang kapaligiran sa pamamagitan ng pag-alam unang-una sa kontekstong kaniyang kinabibilangan. Kinakailangang alamin muna ang kultura ng mga tao kung saan nagaganap ang komunikasyon upang sa gaanoon ay magkaroon ng maayos na ugnayan sa bawat isa. Ikalawa, isinasaalang-alang din ang ginagamit o gagamiting wika sa pakikipagugnayan.
Karaniwan
sa
ganitong
pagkakataon
ay
may
iisa
o
napagkasunduang wika na siyang ginagamit sa komunikasyon sa loob ng isang kontekstong kanilang kinabibilangan, sa paraang ito ay nagkakaroon ng pagkakaunawaan o mabilis na daloy ng komunikasyon sa isang taget na lugar. At ang ikatlo ay ang
6
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA ang taong gumagamit ng wika dahilan upang ang wika ay manatiling buhay. Mahalaga ang pag-alam sa aspektong ito sapagkat ang bawat tao sa iba’t ibang lugar ay may kani-kanilang paraan ng pagbigkas ng wika batay sa kanilang punto at pagpapakahulugan. Nagkakaroon din ng iba’t ibang varyasyon sa paggamit ng wika na nagiging sanhi upang magkaroon ng samu’t saring kahulugan sa isang salita. Nagbigay ang mga tagapagtayod nito ng tatlong (3) espektasyon ng komunikasyon na mahalang bigyang pansin natin para sa mahusay na pagsusuri ng papel na ito. (1) The Communicator, nakapaloob dito ang kredibilidad, estado sa buhay, pisikal na anyo, kasarian at kalagayang panlipunan
ng
taong
nakikipag-ugnayan
kung
saan
ibinabatay
ang
pakikipag-usap sa isang tao batay sa aspekto o antas ng pamumuhay. (2) The Relationship, pinahahalagahan din ang ugnayan ng tagapaghatid at tagatanggap ng mensahe gayundin sa tagapakinig at taong nakikipag-usap. Pangunahing pokus naman ng (3) Context of Situation, ang lugar kung saan nagaganap ang komunikasyon. Ang mga espektasyong ito ng komunikasyon ay nakaaapekto sa paghubog o pagkakabuo ng isang wika. Ang mga pananaw at paniniwala ng mga tagapagtaguyod ng teorya ang siyang pangunahing magiging pundasyon o lente ng pag-aaral na ilalapat para sa mahusay na pag-alam at pagsipat sa Wikang Filipino at Ilokano. II. Sulyap sa Nakaraan Isa sa mga katangian ng pag-aaral na ito ay paghambingin ang dalawang magkaibang wika sa Filipinas. Sa pag-alam dito, mahalagang salik ang pagbabalik tanaw sa ating kasaysayan sa pagkakabuo ng ating Wikang Pambansa gayundin sa ating alfabeto dahil sinasalamin nito ang ebolusyon ng fonetiko at upang magkaroon tayo ng paunang kaalaman hinggil sa paksang ating tinatalakay. Ayon kay Bernales (2002), bago pa man dumating ang mga Espanyol sa bansa ay mayroon ng sariling paraan ng pagsulat tayong mga Pilipino sa
7
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA pamamagitan ng tinatawag na Baybayin, binubuo ito ng (16) labing-anim na mga simbolo, nagmula ito sa salitang “baybay” na nangangahulugang ispeling o pagbabaybay. Ito ang itinuturing na sinaunag paraan ng pagsulat ng etnolinggwistikong pangkat sa Filipinas.
Taong 1521 nang dumating ang mga Espanyol sa Filipinas, sa loob ng mahigit tatlong daang taong pamamalagi nila sa bansa, hindi lamang kaugalian, tradisyon, paniniwala, mayamang kultura, at relihiyon ang kanilang ipinamana sa ating mga Pilipino, kasama rito ang kanilang wika at ang kanilang alfabeto na tinatawag na Abecedario o Alfabetong Romano, binubuo naman ito ng (30) tatlumpung titik kabilang na ang ñ. Unang sinakop ng mga Espanyol ang bahagi ng Kabisayaan na sinundan ng malaking bahagi ng Luzon dahil dito higit na niyakap ng mga tao rito ang abecedario gayundin ang paraan ng pagbigkas o punto ng pananalitang Espanyol. Tinaguyod ni Lope K. Santos noong 1940 ang Abakada na binubuo lamang ng (20) dalawampung titik. Ang alfabetong ito ay ibinatay sa Wikang Tagalog dahil ito ang wikang higit na sinasalita na nauunawaan ng mas nakararaming Pilipino, kinalaunan naisapubliko at naisaaklat ang Abakada sa pamamagitan ng binalangkas ni Santos na Balarila ng Wikang Pambansa. Noong 1976, ang (20) dalawampung titik ng Abakada ay nadagdagan ng (11) labing-isa pang titik mula sa Abecedario bunga ng malaking impluwensya sa atin ng mga Espanyol. Ang mga titik na ito ay ang mga c, ch, f, j, ll, ñ, q, rr, v, x at z, ito ngayon ang tinatawag na Alfabetong Pilipino. Taong 1987 nang magtalaga ang Pangulong Manuel L. Quezon ng isang surian kung saan responsible sa pagtataguyod at pagrereporma ng wika upang makabuo ng isang Wikang Pambansa na tinawag noong Surian
8
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA sa Wikang Pambansa. Ayon sa itinadhana ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 s. 1987, katuwang ng Surian sa gawaing pagrereporma ang mga linggwistika/dalubwika, manunulat, profesor/guro at iba pang samahang pangwika. Sa isinagawang pag-aaral ng Surian, lumabas na ang Tagalog ang pinakagamiting wika na sinundan ng Ilokano, dahil dito, sa Tagalog ibinatay ang ating Wikang Pambansa. Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mga Pilipino lalong higit ang mga hindi marunong magsalita ng Tagalog sa sapilitang pagpapagamit nito sa bansa. Kaya naman, muling nirebisa ng Surian sa Wikang Pambansa na kinilala ngayon bilang Komisyon sa Wikang Filipino ang ating Wikang Pambansa, sa kalaunan ay tinawag itong Wikang Filipino na sumasalamin sa lahat ng mga wika sa bansa kabilang na ang Ingles at Kastila at lahat ng mga umiiral na wika sa Filipinas kung saan magkakaroon ng ganap pagkakaunawaan sa komunikasyon. Dahil nagkaroon din ng malaking impluwensya sa ating mga Pilipino ang pagdating ng mga Amerikano, muling nirebisa noong 1987 ang ating alfabeto salig sa pagkakabuo ng alfabetong
Ingles, ito ngayong ang kasalukuyan nating ginagamit na tinatawag na Alfabetong Filipino na binubuo ng (28) dalawampu’t walong mga titik na ang paraan ng pagbigkas ay ibinatay rin sa Ingles. Kapansin-pansin sa ebolusyon ng ating alfabeto na nagkaroon ng malaking ambag ang iba’t ibang bansang sumakop sa atin sa pagkakabuo nito. Hindi lamang paraan ng pagsulat ang nagkaroon ng mga pagbabago ngunit kaakibat ng bawat titik ang pagbabago sa fonetikong talahanayan at punto ng artikulasyon ng ating wika. Ang pagbabalik tanaw sa evolusyon ng ating alfabeto ay makatutulong upang ating lubusang masipat at masuri ang pagkakabuo o estruktura ng Wikang Filipino at Ilokano na siyang pangunahing tuon ng papel na ito. Ang mga pagbabagong ito ang isa sa ating magiging basehan o batis ng impormasyon at pag-unawa sa
9
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA pagkakabuo ng Filipino at Ilokano para sa masinsinang pagsusuri ng
dalawang magkaibang wika.
III. Lirip a. Fonetikong Talahanayan Simulan natin ang pagsusuri ng papel na ito sa fonema. Ano ang fonema? Ayon kay Aquino (2001), ito ang pinakamaliit na yunit ng tunog. Habang binigyang kahulugan naman ito ni Atienza (1976), ang fonema bilang makabuluhang tunong at tinatawag namang Fonolojiya ang pag-aaral dito. Paano binibigkas ang bawat titik ng Wikang Filipino?
10
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA Talahanayan 1 Fonetikong Talahanayan ng Katinig sa Wikang Filipino
Mapapansin sa talahanayan ang fonetikong talahanayan ng mga katinig sa Wikang Filipino. Pasara ang paraan sa posisyong palabi binibigkas ang titik p at b, habang pagilagid naman ang titik t, sa ngalangala (velar) nagmumula ang pagbigkas sa titik /k/ at /g/, kabilang din sa pasarang paraang walang tinig ang impit na tunog o glottal. Pailong ang paraan ng artikulasyon sa posisyong palabi ang titik m, pangipin-labi naman ang n, ang ŋ ay sa ngalangala (velar) ang punto ng artikulasyon. Mapapansing bininigkas ang titik s sa paraang pasutsot sa posisyong pagilagid, habang ang h naman ay kabilang sa posisyong pangalangala (palatal). Pagilid ang paraan ng artikulasyon ng titik l sa posisyong pagilagid. Pakatal ang nabubuong tunog kapag binigkas ang titik /r/ pagilagid. At ang malapatinig na tunog ng titik /y/ ay pangalangala (palatal) habang ang w ay pangalangala rin (velar).
Nagkakaiba-iba ang paraan ng pagbigkas ng bawat katinig sa pamamagitan ng paraan at posisyon kung paano ito binibigkas. Ayos ng Dila
Bahagi ng Dila HARAP
SENTRAL
LIKOD
MATAAS
I
U
GITNA
E
O
MABABA
A
Talahanayan 2 Fonetikong Talahanayan ng Patinig sa Wikang Filipino
11
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA Ipinapakita naman ng Talahanayan 2 ang paraan ng pagbigkas ng mga patinig sa Wikang Filipino batay sa ayos at bahagi ng dila. Kapansinpansin na ang patinig i ay binibigkas habang nasa mataas na ayos ang dila at harap na bahagi ang dila ang siyang ginagamit sa pagbigkas, ang titik u naman ay binibigkas sa likod na bahagi ng dila. Ang titik e naman ay nasa ayos na gitna at bahaging harap, samantalang nasa bahaging likod binibigkas ang titik o. Mababa- sentral ang ayos at bahagi ng dila ang paraan ng pagbigkas ng patinig a. Kung ating susuriin ang buka ng bibig habang binigkas ang bawat titik na patinig sa Wikang Filipino, mapapansing nagsimula sa maliit na buka ng bibig ito sa pagbigkas ng titik i, bahagyang lumaki ito nang bigkasin ang titik e, higit na lumaki ang pagbuka ng ating bibig kapag binigkas ang titik a, bahagya muli itong liliit sa pagbigkas ng titik o at higit na liliit sa pagbigkas naman ng titik u. Ibig sabihin lamang nito na ang maayos na pagbigkas ng mga patinig ay nakasalalay sa ayos ng dila at bahagi ng dila ng ginagamit sa pagbigkas.
Batay sa inilahad na fonetikong talahanayan ng Wikang Filipino, ipinahihiwatig na sa pagbigkas ng bawat titik katinig man o patinig ay may sinusunod na padron at alintuntunin sa pagbigkas sa pamamagitan ng pinanggagalingan ng tunog maging ang bahagi at ayos ng dila kung saan nakabatay ang pagbigkas.
Talakayin naming natin ang fonetikong talahanayan ng Wikang Ilokano.
12
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA Talahanayan 3 Fonetikong Talahanayan ng Katinig sa Wikang Ilokano
Ang sumunod na talahayan ay nagpapakita ng fonetikong talahanayan ng Wikang Ilokano. Nakaayos ito kung saan binubuo sa bibig ang tunog, mula sa labi hanggang sa glottis o mula sa harap tungong likod ng bibig. Gayundin isinaayos ang talahanayan sang-ayon sa paglabas ng
hangin sa bibig na ipinapakita ng unang kolum. Kapag stap, humihinto ang paglabas ng hangin mula sa bibig, habang pinaparaan sa maliit na pwang ang hangin kapag frikativ, iniipit naman ang paglabas ng hangin kung ito ay afrikeyt, sa ilong lumalabas ang hangin kapag neysal, nakukulong sa mataas na bahagi ng dila ang daloy ng hangin sa loob ng bibig na tinatawag na lateral, nagkakaroon ng pagkatal
sa loob ng bibig kung ito naman ay tri/flap at ang mga titik na malapatinig ang tunog ay malayang nakalalabas ang hangin sa bibig.
13
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA Kapansin-pansin sa fonetikong talahanayan ng Ilokano ang paggamit ng walong dagdag na letra sa alfabeto na halaw sa Ingles na hindi isinama ng fonetikong talahanayan sa Filipino, halimbawa na lamang sa titik f at v na binibigkas sa paraang labyo-dental at daloy ng hangin sa paraang frikativ. Ang malapatinig na tunog ng titik w sa Wikang Filipino ay nasa punto ng artikulasyong pangalangala (velar) habang binibigkas naman ito sa Ilokano sa paraang palabi o baylebyal. Pasutsot ang paraan ng artikulasyon na nasa puntong pangalangala (palatal) binibigkas ang titik h samantalang nasa punto ng artikulasyong glottal ito nabibilang sa Wikang Ilokano. Mayroon ding pagkakaiba sa pagbigkas ng titik ŋ na binibigkas sa paraang pailong na nasa puntong pangalangala (velar), sa Wikang Ilokano binibigkas ito sa paraang pailong ngunit nasa puntong glottal.
Talahanayan 4
Paraan ng Pagbigkas ng Patinig sa Wikang Ilokano
May iba’t ibang paraan ng pagbigkas ng titik e, o at u batay sa haba at diin ng pagbigkas nito sa Wikang Ilokano na wala sa Wikang Filipino. Sa
14
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA isang pag-aaral na isinagawa ni Paz (2005), malalaman mo kung saang parte ng Ilocos nagmula ang isang Ilokano at ganoon din kung saang probinsya batay kanilang sinasalitang wika. Halimbawa kapag ang isang Ilokano ay sumasang-ayon, [w e
n]ang kaniyang isinasagot, ang mga taong
ito ay nagmula sa Ilocos Norte at Tarlac, [w
3 n] naman kung ito ay nagmula
sa Vigan at Ilocos Sur at ang mga taong mula sa Nueva Ecija, [win] ang kanilang
paraan
ng
pagsang-ayon.
Mapapansin
na
nagkakaroon
ng
pagkakaiba-iba sa paggamit ng patinig batay sa haba at diin ng pagbigkas nito. Ipinapahiwatig lamang nito na nakaiimpluwensya sa pagkakaiba-iba ng paraan ng pagbigkas ng salita ang lugar kung saan nagaganap ang ugnayan o komunikasyon. b. Heminasyon Sa isang pag-aaral nina Ilao et. al, (n.d) may tinatawag heminasyon na tumutukoy sa pagkakaroon na magkasunod na katinig na makikita sa Wikang Ilokano. Ang mga salitang ito ay tuwirang hango mula sa Filipino na kadalasang mga terminong pangkamag-anak na kapag isinalin sa Ilokano, ang salita ay nasa anyong pinarami sa pamamagitan ng pagsusunod ng unang katinig sa ikalawang pantig. Halimbawa ang salitang anak sa Filipino ay magiging annak sa Ilokano na nangangahulugang maraming supling. Gayundin ang salitang babai (babae) ay nagiging babbai sa Ilokano na ibig sabihin ay maraming babae. Kapansin-pansin din na malayang nagpapalitan ang titik e at i, o at u na makikita o sinasalamin ng parehong wika.
c. Alituntunin sa Panghihiram ng Salita Kapag panghihiram ng salita buhat sa salitang banyaga ang paguusapan, mas madalas na manghiram ang Wikang Filipino sa Kastila kaysa Ingles sapagkat ang palabaybayan ng Kastila ay mas konsistent. Ang ilang letra sa Kastila na wala sa dating Abakada ay magkakaroon ng halos palagiang katumbas. Ang ca, que, qui, co, cu sa Kastila ay regular na
15
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA tinutumbasan sa mga karaniwang salitang Filpino ng ka, ke, ki ko, ku. Halimbawa ang mga sumusunod na salita:
Wikang Kastila caso queso esquinita circo curva
Wikang Filipino kaso keso eskinita sirko kurva
Sa Ingles, hindi maaaring ganito ang paraan ng panghihiram ng salita, kung kaya’t mayroong (3) tatlong
paraan ng panghihiram. Una,
pagkuha sa katumbas sa Kastila ng hiniram na salitang Ingles at pagbabaybay rito nang ayon sa palabaybayang Filipino, tulad ng salitang electricity ay magiging electricidad. Ikalawa, panghihiram sa salitang Ingles at pagbaybay rito nang ayon sa palabaybayang Filipino, gaya ng salitang christmas tree- krismas tri. Ikatlo, panghihiram sa wikang Ingles ng walang pagbabago sa baybay o tuwirang panghihiram tulad ng mga salitang ches, coke, at golf. Sa panghihiram sa Ingles, hindi pinahihintulutan ang tuwirang paggamit ng walong dagdag na letra dahil magugulo ang palabaybayang Filipino at magkakaroon ng iba’t ibang baybay ng salita.
16
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Talahanayan 5 Alituntunin ng Panghihiram ng Salita sa Ilokano Naiiba naman ang panghihiram ng salita sa Ilokano dahil hindi tuwirang gagamitin ang mga titik c, f, j, ñ, q, v, x at z o ang walong dagdag na letra sa alfabeto sapagkat katumbas ng mga ito ang mga titik na kumakatawan
sa
mga
analogong
tunog.
Pansinin
ang
talahanayan,
nagkakaroon ang mga Ilokano ng kanilang sariling panumbas na titik sa bawat hiram na salita. Halimbawa na lamang sa salitang Espanyol na caballo, tinumbasan ang titik c ng k, kaya naging kabalio. Hindi tuwirang hinihiram ang salita mula sa ibang wika bagkus nagkakaroon sila ng kanilang sariling panumbas sa mga ito. Sa mga pagkakataon na may panumbas ang salitang bayaga sa salitang Ilokano, ang naturang katumbas ang gagamitin. Sa salitang Ilokano na pagalagadan ang ginagamit sa halip na rule, salaysasay sa halip na narrative, paing sa halip na exile, gakat sa halip na bill (panukalang batas), panagsanay sa halip na training. Kung hindi maiiwasan ang humiram, hihiram muna sa Espanyol. Mas malapit kasi ang ponolohiya ng Espanyol sa Ilokano. Ito ang dahilan kung bakit mas magaang basahin ang birtud (virtud) kaysa virtiu (virtue), mensahe (mensaje) kaysa meseyj (message). Pinagtibay ito sa pag-aaral nina Ilao
17
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA (n.d) kung saan sinasabing naging popular ang abecedario sa malaking bahaagi ng Ilocos lalong higit sa mga nakatatandang mamamayan nito. Sa mga lumang salita sa Espanyol sa Wikang Ilokano, mapapansin ang pagkawala
ng
ortograpikong
h.
Halimbawa,
oras
(horas),
abilidad
(habilidad), hierro (yerro/yero), asienda (hacienda). Mapapansin sa mga bagong hiram, hindi na nawawala ang h at binibigkas na rin ito. Halimbawa, historia, historiko, humanidades, horrible. Salig sa mga inilahad na salita, mapapansin ang pagpapahalaga sa wikang banyaga partikular na ang Ingles at Kastila dahil dito, sinalamin ito ng kani-kanilang fonetikong talahanayan at punto ng artikulasyon. Ibig sabihin, malabanyaga ang fonetiko at artikulasyon ng wikang Filipino at Ilokano. d. Pagpapantig at Pagbabago ng Tunog Pandiwa
Filipino
Ilokano
nagbasa
(imperpektibo) nag-ba-ba-sa
(imperpektibo) agbas-basa
nagsulat
nag-su-su-lat
agsur-surat
Talahanayan 6 Pagbabago ng Tunog ng Salita Dumako naman tayo sa pagbabago ng tunog ng mga salitang kilos (pandiwa). Walang alituntunin na sinusunod sa Wikang Filipino pagdating sa pagbabago ng tunog ng mga salita. Samantalang sa Wikang Ilokano, nababago ang gramatikal na kahulugan ng mga salita gaya ng pagpapakita sa pagbuo ng kilos ng pandiwa. Halimbawa, ang salitang agbasa na nagiging agbas-basa kapag ito ay nasa aspektong imperpektibo. Kapansinpansin ang paghinto sa unang pantig ng salita, nangangahulugan lamang ito
18
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA na kapag nagbabago ang aspekto ng pandiwa, nag-iiba rin ang paraan ng pagbigkas ng salita dahil nagkakaroon ng paghinto sa unang pantig nito. Makikita rin na naiiba ang paraan ng pagpapantig ng salita sa Ilokano dahil nasasama sa pag-uulit ng unang pantig ang kasunod na letra na hindi nagaganap sa Wikang Filipino.
IV. Lapat-Dapat Pangunahing kaisipan ng teoryang Language Expectancy ay ang pagkakaroon ng padron o alintuntunin sa pagkakabuo ng wika. Ang mga padron o alituntuning ito ay nakaangkla sa isang konteksto at kultura ng mga taong gumagamit nito. Sa ating pagbabalik sa kasaysayan ng pagkakabuo ng Wikang Filipino, mapapansin na sa evolusyon ng alfabeto at Wikang Pambansa malaking bahagi ang ginagampanan at impluwensya ng mga bansang sumakop sa Filipinas tulad ng Amerika at Espanya. Sa kanilang pamamalagi sa bansa, nakuha natin ang kanilang paraan ng pagsasalita, gayun din ang iba’t ibang salita na naging bahagi ng ating pagka-Pilipino. Kaakibat ng kanilang paraan ng pagsasalita ay ang pagtamo natin ng kanilang sariling fonetikong talahanyan na masasalamin sa ating wika at alfabeto. Patunay lamang sa mga ito, ang walong dagdag na letra na kabilang sa ating ginagamit na alfabeto na nagkaroon ng makabagong paraan ng pagbaybay at pagbigkas ng bawat fonema. Sa kabilang dako, malaking impluwensya sa punto ng artikulasyon ng mga Ilokano ang fonetikong Kastila na masasalamin maging sa kasalukuyan sa kanilang pagpapahalaga sa Abecedario na nagkaroon ng malaking bahagi ng kanilang buhay.
Paano ilalapat ang (3) ekspektasyon ng LET? (1) The Communicator ay patungkol sa pag-aadjust ng isang taong kinakausap batay sa
19
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA lugar ng kombersasyon at antas ng lipunan ng kinakausap. Masasalamin ang pagbabagong ito sa Wikang Filipino sa paggamit ng pormal na salita sa mga mas nakatataas na tao sa lipunan, ginagamit din ito kadalasan sa mga paaralan maging mga opisina, ngunit gumagamit ng balbal na wika sa mga pampublikong lugar tulad ng kalsada kung saan hindi gaanoong pormal ang daloy ng usapan. Sa pagbabagong ito, mapapansin ang pakikibagay ng isang tao sa isang konteksto kinapapalooban ng komunikasyon. (2) The Relationship o ang ugnayang sosyal ng tagapaghatid ng mensahe sa kanyang kausap. Nag-uusap ang dalawang tao upang magkaunawaan kung kaya’t gumagamit sila ng iisang wikang pareho nilang nauunawaan. Gagamit ang dalawang Ilokano ng kanilang sariling wika (Ilokano) dahil ito kanilang napagkasunduang wika na magdudulot ng mabilis na pagkauwa at paghahatid ng mensahe gayundin ang prosesong nagaganap sa Wikang Filipino. (3) The Context of Situation ay patungkol naman sa lugar kung saan nagaganap ang ugnayan o ang komunikasyon. Ang Ilocos ay bahagi ng Hilagang Luzon na isa sa mga naunang nasakop ng mga Espanyol, bahagi ng pagsakop na ito ang pagtamo ng mga Ilokano ng kanilang kultura, tradisyon at paniniwala, kabilang din dito ang abecedario na nagkaroon ng impluwensya
sa
alfabetong
Ilokano
maging
sa
kanilang
fonetikong
talahanayan na pangunahing tuon ng pag-aaral na ito. Ano ang nabuong padron sa pag-aaral ng fonetikong talahanayan ng dalawang wika? Bansang sumakop
Impluwensya Kultura Wika Alfabet o Sariling Wika
20
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
Bagong Wika at Alfabeto
Bago pa man sakupin ng iba’t ibang bansa ang Pilipinas, may roon na tayong sariling wika kung saan ginagamit sa komunikasyon. Nang dumating ang mga mananakop, nagkaroon ito ng impluwensya sa bansa tulad ng kanilang kultura, wika at alfabeto ang mga ito ang siyang tuwirang nakaaapekto sa ating sariling wika dahilan upang magkaroon maapektuhan ito at magkaroon ng bagong wika at alfabeto buhat sa mga bansang sumakop ditto. Malinaw sa paglalapat ng teoryang Languange Expectancy sa pag-aaral, ang mga ito ang siyang nagging padron upang mabuo ang isang wika at maapektuhan maging ang kanilang fonetikong talahanayan. V. Kongklusyon Ang pag-aaral ay humantong sa mga sumusunod na kongklusyon buhat sa isinagawang pagsusuri sa kasaysayan, fonetikong talahanayan ng Wikang Ilokano at Filipino at paglalapat ng napiing teorya: a. Ang pag-alam sa kasaysayan ng pagkakabuo ng target na wika ay mahalaga upang magkaroon ng paunang kaalaman sa tinatalakay na paksa. b. Ang fonetikong Ilokano at Filipino ay nagkakaiba sa paggamit ng walong dagdag na letra, paraan ng pagbigkas ng malapatinig na tunog ng w at y, paraan ng pagbigkas ng mga patinig, heminasyon, panghihiram ng salita at lugar kung saan ginagamit ang wika. c. Ang lahat ng mga umiiral na wika ay mayroong sariling padron sa pagkakabuo nito, maaaring ito ay bunga ng mga sumakop sa isang lugar at ang kanilang mga impluwensya at kultura na nakaapekto sa pagbabago ng kanilang wika, alfabeto at fonetikong talahanayan.
21
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA Higit na kinakailangan ng masusing pag-aaral upang magkaroon ng mas malawak na impormasyon na makatutulong upang mapag-ibayo ang kaalaman at pagkatuto hinggil sa paghahambing ng mga fonetikong talahanayan ng mga umiiral na wika sa Filipinas.
Batis Ortograpia Ti Ilokano. (2015). Metro Manila: Kagawaran ng Wikang Pambansa. Ortograpiyang Pambansa. (2014). Metro Manila: Komisyon ng Wikang Filipino. Paz, C. J. (2005). Gabay sa fildwurk. Quezon City: Econofast Press. Santiago, A. O., & Tiangco, N. G. (2003). Makabagong Balarilang Filipino. Manila: Rex Book Store. Villafuerte, P. V. (2008). Scridb. hinango sa: Scribd.com: https://www.scribd.co /doc/27744757 filipino101.tumblr.com/post/70079511264/punto-at-paraan-ng-artikulasyon