IST R U K T U R A N G W I K A I. Ponolohiya A . K atuturan Ang agham ng wika na nag-aaral sa tamang pagbigkas ng mga salita (pronunciation) at tumatalakay kung paano nagsasalita ang isang tao. Ang articulatory phonetics ang sangay ng ponetika na tumatalakay sa mga pangunahing sangkap na may kinalaman sa pagsasalita. Makaagham na pag-aaral ng wika ukol sa tamang pagbigkas ng mga salita (pronunciation) at tumatalakay kung paano nagsasalita ang isang tao. Ang articulatory phonetics ang sangay ng ponetiks na tumatalakay sa mga pangunahing sangkap na may kinalaman sa pagsasalita. B. Mga Batayang K onsepto x
x
x
x x
x
A rticulatory Phonetics - tatlong salik ang kailangan ng isang tao upang makapagsalita: Enerhiya o pinanggagalingan ng lakas; artikulador o kumakatal na bagay at resonador o patunugan Diptonggo ± Ang diptonggo ay ang magkatabing tunog ng patinig (a, e, i, o, u) at malapatinig (y, w) na nasa iisang pantig, gaya ng /aw/, /ay/, /ey/, /iw/, /iy/, /oy/, /uy/. (Hal: kalabaw reyna kahoy saklay giliw) K laster - tumutukoy sa magkatabing tunog ng katinig na nasa iisang pantig, gaya ng /pw/, /py/, /pr/, /pl/, atbp. Lalong lumaganap ang mga salitang may klaster makaraang dumami nang dumami ang mga hiram na salitang ipinapasok sa talasalitaang Filipino at ginagamit sa araw-araw na pakikipagtalastasan. (Hal: pyesa trabaho klase gripo produkto tsansa) Ponema ± tumutukoy sa mga makabuluhang tunog ng isang wika, may 21 ponema sa Filipino (16 katinig at 5 patinig) Ponemang segmental ± tumutukoy sa mga tunog na kinakatawan ng mga titik sa ating alpabeto Ponemang suprasegmental ± tumutukoy sa mga tono, diin, haba at antala na ginagamit upang makapaglinaw ng kahulugan. (mga simbolong ginagamit: tono (1-2-3); haba (.); diin (CAPS :) at hinto/antala (//)
I I. Morpolohiya A . K ahulugan
Sangay ng lingwistika na tumutukoy sa pag-aaral ng istruktura ng mga salita at ng relasyon nito sa iba pang mga salita (Paz et al., 2003)
Ang morpema ay ang ang pinakamaliit na yunit ng isang salita na nagtataglay ng kahulugan (Santiago, 2003)
Ang morpema ay laging may kahulugang taglay na sarili (Ampil et al., 2010) B. A nyo ng Morpema x Morpemang binubuo ng salitang ugat Tinatawag ding malayang morpema sapagkat maaaring makapag-isa at hubad sa pagkakaroon ng panlapi. x Morpemang binubuo ng panlapi Kinikilala rin sa tawag di-malayang morpema sapagkat kahit hindi buong salita ay may kahulugang taglay dahil nakadaragdag sa kahulugan ng salitang-ugat. C . U ri ng Morpema Morpemang Diversyunal -Nagbabago ang kahulugan nito dahil sa pagkakabit ng iba pang morpema o afiks nito. Halimbawa, ang salitang ma-tubig nagtataglay ng katangiang taglay ng isang salitang ugat at pagkarami nito, samantala ang tubig-an may kahulugang lugar na kakikitaan ng salitang-ugat at pa-tubig naman na tumutukoy sa bagay na gamit para matupad ang diwang isinasaad ng salitang-ugat. Morpemang Infleksyunal -Hindi nagbabago ang kahulugan ng mga salita o morpema (sa kategoryang sintaktika) kung kinakabitan ng iba pang morpema o afiks. Nag-iiba lang ang aspekto at anyo ng salita. Halimbawa: naglinis, naglilinis at maglilinis. D. Pagbabagong Morpoponemiko Anumang pagbabago ng morpema dahil sa impluwensiya ng kaligiran nito. Nangyayari ang ganitong mga pagbabagong anyo ng morpema dahil sa mga ikinakabit na makabuluhang tunog. 1. Asimilasyon (di-ganap at ganap) Pangbansa ------- pambansa Pangdikidik ------- pandikdik -------- panikdik
2. Pagpapalit ng ponema ³G´D\QDJLJLQJ³U´ (kapag ang patinig ang huling ponema ng unlapi) ma+dami ---------- marami ³G´D\QDJLJLQJ³U´ (Kapag ang d ay nasa posisyong pinal ng salitang nilalapian) lapad +an = lapadan ----- laparan +LQGLSZHGHQJPDJNDSDOLW³G´DW³U´ (kapag magkaiba ang kahulugan ng salita) madamdamin (dramatic) maramdamin (sensitive) binabaybay ang panlaping /-han/ ng /-nan/ tawahan ---------- tawanan 3. Metatesis Nilalagyan ng gitlaping /-LQDWQDJSDSDOLWQJSRVLV\RQDQJ³L´DW³Q´ -in-+lipad = nilipad NDSDJQDJVLVLPXODVD³O´R³\´DQJVDOLWDQJ-ugat) May salitang nagkakapalit ng posisyon at kinakaltasan ng ponema tanim + -an ------ taniman ----- tamnan 4. Pagkakaltas ng Ponema Nawawala ang huling ponemang patinig ng salitang-ugat sa paghuhulapi nito. takip + -an = takipan = takpan 5. Paglilipat-diin Mga salitang nagbabago ang diin kapag nilalapian Basa+ -hin = basahin 6. Reduplikasyon Pag-uulit ng pantig ng salita Masaya = masasaya Mataas = matataas Dalawa o higit pang pagbabagong morpoponemiko M angdagit ----- mandagit (asimilasyong parsyal) -----mandadagit (reduplikasyon) ----mandaragit (pagpapalit ng poemang ³G´DW³U´
I I I. Sintaks A . K ahulugan Ang pagkakaalam kung paano pinagsasama-sama ang mga salita para bumuo ng mga parirala (phrase),sugnay (clause) at pangungusap (sentences). Ito ay may kinalaman sa sistema ng mga tuntunin at mga kategorya na syang batayan ng pagbubuo ng mga pangungusap. Pag-aaral ng istruktura ng mga pangungusap. B. Dalawang Bahagi ng Pangungusap Paksa/Simuno ± ang pinag-uusapan sa pangungusap. Panaguri ± ang kaalaman o impormasyon tungkol sa pinag-uusapan. C . Periferal na Istruktura: Paraan ng Pagpapahaba Ang pagpapahaba ng Panaguri a) Pagpapahaba sa paggamit ng direksyunal Hal: Ipinagkakaloob sa mahihirap ang donasyon b) Pagpapahaba sa paggamit ng lokatib Hal: Magpupulong sa Manila Hotel ang mga senador. Pagpapahaba sa paggamit ng mga kataga: pag-aagam-agam: tila, baka,yata, marahil mga kataga: lamang,sana,pa,daw, din,pala,muli,na atbp. c) panahon: kahapon,ngayon,bukas atbp. d) direksyon/pook: sa paaralan,sa tabi, sa ibabaw. Pagpapahaba sa paggamit ng mga kataga: e) Paghahambing/pamamaraan: sadya,kusa,bahagya atbp. f) panggaano: sapat,katamtaman, labis, kulang. g) pang-ayaw o pagpapahindi: ayaw, hindi. K aganapan/ K omplemento a)Layon na pinangunahan ng ng b) Benapektib na pinangungunahan ng para sa/kay. c)Sanhi na pinangungunahan ng dahil sa. d) Instrumental na pinangungunahan ng sa pamamagitan ng Pagpapahaba ng paksa sa pamamagitan ng pagpapahalayag ng: pagmamay-ari na pinangungunahan ng ng/ni. Paglilinaw o aposisyon na pinag-uugnay ng pang-angkop na ng/na. Lokatib na pinangungunahan ng sa.
D. W astong G amit M A Y at M A Y R O O N - Iisa ang kahulugan ng mga salitang ito; naayon ang gamit sa uri ng salitang sumusunod. Gamitin ang may kapag susundan ng pangngalan ( mapaisahan o maramihan ), pandiwa, pang-uri o pang-abay. Halimbawa: May anay sa dingding na ito. May kumakatok sa pinto. May dalawang araw na siyang hindi umuuwi.
Tandaan: Gamitin ang mayroon kapag susundan ng kataga, panghalip na panao o pamatlig o pang-abay na panlunan. Halimbawa: Mayroon kaming binabalak sa sayawan. Mayroon iyang malaking suliranin. Mayroon kayang mangga sa palengke ngayon?
Tandaan: Maaring gamitin ang mayroon nang nag-iiisa. Halimbawa: ³0D\DVDZDEDVL\D"¶³0D\URRQ´ Tandaan: Nagagamit din ang mayroon bilang pangngalan. Halimbawa: Sa aming bayan, madaling makilala kung sino ang mayroon at kung sino ang wala. N A N G at N G Nang - pangatnig na panghugnayan - tagapagpakilala ng pang-abay na pamaraan at pamanahon - tagapag-ugnay ng salitang-ugat na inuulit at pandiwang inuulit Ng - pantukoy ng pangngalang pambalana - tagapagpakilala ng layon ng pandiwa at tagaganap ng pandiwa - pang-XNROQDNDVLQJNDKXOXJDQQJ³VD´
A. NANG Makikita sa unahan ng pangungusap Halimbawa: 1. Nang dumating ang guro, tumahimik ang mga mag-aaral. 2. Nang maluto ang sinaing, agad na hinarap ni Maria ang pagpiprito ng isda. Gamit sa pang-abay na pamaraan (adverb of manner). Halimbawa: 1. Lumakad siya nang dahan-dahan. 2. Ang tumatakbo nang matulin kung matinik ay malalim. Gamit sa pagitan ng inuulit na pandiwa. 1. Sayaw nang sayaw ang mga bata sa ulanan. 2. Kanina pa siya ikot nang ikot. B. NG Nagsasaad ng pagmamay-ari. Halimbawa: 1. Napakagara ang bahay ng mga Dela Cruz. 2. Ang palad ng mayayaman ay tila napakanipis.
Tandaan: Kung ang sumusunod na salita ay isang pandiwa (verb) at pang-uri (adjective), ga mitin ang NANG. NANG din ang gamit sa unahan ng pangungusap. Raw, Rito, Rin, Roon at Rine ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig (vowel - a, e i, o, u) o malapatinig (semi-vowel - w, y). Halimbawa: Pumunta ka rito. Taga-Dabaw (Dabao) rin si Imelda. Nag-aaway raw ang mga bata. Maliligo rine ang mga dalaga. Patungo roon ang mga kandidato. Ang Daw, Dito, Din, Doon at dine ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig (consonant). Halimbawa: Sa ilog daw maliligo ang mga binata.
Pupunta rin dito ang mga artista. 3. Yayaman din tayo balang araw. Dito at Doon ang ginagamit sa simula ng isang pangungusap. Halimbawa: Dito ba tayo maghihintay? Doon na tayo mananghalian sa bahay. 25. KUNG at KONG - Ginagamit ang kung bilang pangatnig na panubali. Katumbas ito ng if sa Ingles; ang kong ay panghalip na panao sa kaukulang paari Halimbawa: Matutulog na ako kung papatayin mo na ang ilaw. Nabasa ang binili kong aklat. Iba pang paglilinaw sa wastong gamit/dagdag-kaalaman: B I T I W A N at B I T A W A N - Ang wastong gamit ay bitiwan at hindi bitawan. Ang salitang-ugat ay bitiw at hindi bitaw. Ang salitang "bitaw" ay ginagamit sa pagsasabong ng manok samantalang ang "bitiw" ay sa pagkawala o pag-alis sa pagkakahawak. Halimbawa: Bitiwan mo ang mga braso ko kung hindi ay sisigaw ako. Nabitiwan ni Aling Nena ang mga pinamalengke dahil sa takot. Binitawan ni Mang Kanor anga kabayong nagwawala. "Bitiwan mo muna yang mga hawak mong holen at tulungan mo ako sa pag-iigib", ang sigaw ni Boyet sa kapatid. Bitiwan mo na ang pag-asang babalikan ka pa ng iyong kasintahan.
Tandaan: Ang "bitawan" ay nauukol sa pook na pinagdarausan ng paglalaban ng mga manok na walang tari. Ito ay maaring sa kalsada o bakuran. Ang "bitaw" ay idinaraos upang bigyan ng pagsasanay ang mga manok. K A PA G at K U N G - Ipinakikilala ng kung ang di-katiyakan ng isang kalagayan; - Ipinakikilala ng kapag ang isang kalagayang tiyak.
Halimbawa: Umuuwi siya sa probinsiya kapag araw ng Sabado. Hindi niya masabi kung Sabado o Linggo ang pag-uwi niya sa probinsiya. Mag-ingat ka naman kapag nagmamaneho ka. Mag-ingat ka kung ikaw ang magmamaneho ng kotse. K I B O at I M I K - Pagkilos ang tinutukoy ng kibo - Pangungusap ang tinutukoy ng imik. Halimbawa: Wala siyang kakibu-kibo kung matulog. Hindi siya nakaimik nang tanungin ko. Tandaan: Hindi lamang sa tao nagagamit ang kibo. Halimbawa: Kumikibo nang bahagya ang apoy ng kandila. Huwag ninyong kibuin ang mga bulaklak na iniayos ko sa plorera. D A H I L at D A H I L A N - Pangatnig ang dahil - Pangngalan ang dahilan - Pang-ukol naman ang dahil sa o dahil kay. Halimbawa: Hindi siya nakapasok kahapon dahil sumakit ang ulo niya. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng kanyang pagkakasakit. Hindi siya nakapasok kahapon dahil sa sakit ng ulo. Tandaan: Ginagamit kung minsan ang dahil bilang pangngalan sa panunula. Iwasan ito sa karaniwang pangungusap o pagsulat. Iwasan din ang paggamit ng dahil sa bilang pangatnig. Mali: Hindi siya nakapasok kahapon dahil sa sumakit ang ulo. H A B A N G at SA M A N T A L A N G Habang - DQJLVDQJNDODJD\DQJZDODQJWL\DNQDKDQJJDQDQR³PDKDED´ Samantalang - DQJLVDQJNDODJD\DQJPD\WDQLQJR³SDQVDPDQWDOD´
Halimbawa: Kailangang matutong umasa habang nabubuhay. Nakikitira muna kami sa kanyang mga magulang samantalang wala pa akong trabaho. Gulung-gulo ang isip niya habang hindi pa siya sinsagot ng kanyang kasintahan. Gulung-gulo ang isip niya samantalang hindi pa dumarating ang sulat ng kanyang kasintahan. Tandaan: May iba pang gamit ang samantala. Ipinakikilala nito ang pagtatambis sa dalawang kalagayan. Halimbawa: Bakit ako ang pupunta sa kanya samantalang ikaw ang tinatawag kanina pa? I B A Y A D at IPA G B A Y A D Ibayad - pagbibigay ng bagay bilang kabayaran Ipagbayad - pagbabayad para sa ibang tao Halimbawa: Tatlong dosenang itlog na lamang ang ibabayad ko sa iyo sa halip na pera. Ipagbabayad muna kita sa sine. Mali at katawa-tawa: Ibayad mo ako sa sine Ibinayad ko siya sa bus.
PA H I R A N at PA H I R I N Pahiran - paglalagay Pahirin - pag-aalis Halimbawa: Pahirin mo ang sipon sa ilong ng iyong kapatid. Aking papahirin ang luha sa iyong mga mata, giliw. Huwag mo nang pahirin ang natirang langis sa makina. Huwag mong kalimutang pahirin ang iyong muta sa umaga. Halimbawa: Pahiran mo ng mantikilya ang aking tinapay.
Aking papahiran ng pampakintab ang aking mesa. Tayo nang pahiran ng floor wax ang sahig. Pinahiran niya ng dumi ang aking kuwaderno. Tandaan: Pahirin ang ginagamit kung ang nais gawin ay alisin o tanggalin ang isang bagay mula sa isang bagay. Pahiran ang ginagamit kung ang ibig ipagkahulugan ay lagyan ng isang bagay ang isang bagay. PI N T O at PI N T U A N Pinto - ang inilalapat sa puwang upang hindi ito mapagdaanan at kung ang tinutukoy ay ang kongkretong bagay. Halimbawa: Nangyari ang suntukan sa may pintuan. Huwag mong iharang ang iyong kotse sa harap ng pintuan. Sa malapit sa pintuan mo ilagay ang paso ng rosas. Huwag ninyong gawing tambayan ang pintuan ko. Si Maria ay hahara-hara sa pintuan kaya nabangga ni Simon. Pintuan - ang ginagamit kung ang tinutukoy ay isang lugar. Ito ay ang lagusan o pasukan o ang lugar kung saan nakalagay ang pinto kung meron man. Halimbawa: Pininturahan ni Ama ang bagong gawang pinto. Gawa sa narra ang kanilang pinto. Tayo nang pumasok sa bakal na pinto. Masyadong mataas ang pintong kahoy para ating akyatan. Huwag mong sipain ang pinto.
Tandaan: Gayon din ang pagkakaiba ng hagdan sa hagdanan Hagdan - ang inaakyatan at binababaan Hagdanan - ang kinalalagyan ng hagdan SU B U K A N at SU B U K I N Subukan - pagtingin nang palihim Subukin - pagtikim at pagkilatis
Halimbawa: Ibig kong subukan kung ano ang ginagawa nila tuwing umaalis ako sa bahay. Subukin mo ang bagong labas na mantikilyang ito. Subukin mo kung gaano kabilis siyang magmakinlya.
Tandaan: Iisa ang anyo ng mga pandiwang ito sa pangkasalukuyan at pangnakaraan : sinusubok, sinubok. Magkaiba ang anyo sa panghinaharap: susubukan, susubukin T A G A- at T I G A- Walang unlaping tiga-. Taga- ang dapat gamtin. Gumagamit lamang ng gitling kapag sinusundan ito ng pangngalang pantangi. Halimbawa: Taga-Negros ang napangasawa ni Norma. Ako ang palaging tagahugas ng pinggan sa gabi.
Tandaan: Naiiba ang unlaping tig- na ginagamit kasama ng mga pambilang: tig-isa, tigalawa tigatlo tig-apat, atbp. A G A W I N at A G A W A N Agawin ang isang bagay sa isang tao/hayop. Agawan ng isang bagay ang isang tao/hayop. Halimbawa: Ibig agawin ng bata ang laruan ni Jess. Ibig agawan ng laruan ni Boy si Jess. H I N A G IS at I N I H A G IS Hinagis ng isang bagay Hnihagis ang isang bagay Halimbawa: Hinagis niya ng bato ang ibon. Inihagis niya ang bola sa kalaro. A B U T A N at A B U T I N Abutin ang ang isang bagay
Abutan ng isang bagay Halimbawa: Abutin mo ang bayabas sa puno. Abutan mo ng pera ang Nanay. B I L H I N at B I L H A N Bilhin ang isang bagay Bilhan ng isang bagay Halimbawa: Bilhin natin ang sapatos na iyon para sa iyo. Bilhan natin ng sapatos ang ate. W A L ISA N at W A L ISI N Walisin ang isang bagay na maaring tangayin ng walis Halimbawa: 1. Walisin mo ang mga tuyong dahon sa bakuran. 2. Aking wawalisin ang mga alikabok sa aking kuwarto. 3. Tayo nang walisin ang mga dumi sa sahig. 4. Nais kong walisin ang nagkalat na papel sa aklatan. Walisan ang pook o lugar Halimbawa: 1. Napakarumi ng iyong silid. Pwede bang walisan mo naman 'yan? 2. Aking wawalisan ang silid-aklatan dahil may bibisita bukas. 3. Walisan mo ang ating bakuran. Tambak ito ng mga tuyong dahon. 4. Nais kong walisan ang aklatan.
Tandaan: Gamitin ang salitang walisin kung ang ibig tukuyin ay ang pag-aalis ng partikular na dumi o kalat. Gamitin ang salitang walisan kung ang tinutukoy ay isang partikular na lugar na marumi. SU K L A Y I N at SU K L A Y A N Suklayin - ang buhok ng sarili o ng iba Suklayan - ng buhok ang ibang tao
Halimbawa: Suklayin mo ang buhok ko,Luz. Suklayan mo ako ng buhok, Alana. N A M A T A Y at N A PA T A Y Napatay -may tiyak na tao o hayop na pumaslang ng kusa/sinasadya Namatay -kung ang isang tao ay binawian ng buhay sanhi ng sakit, katandaan o anumang dahilang hindi sinasadya;ginagamit din sa patalinghagang paraan doon sa mga bagay na walang buhay. Halimbawa: Namatay ang kanyang lolo dahil sa sakit sa atay. Napatay ang aking alagang aso. M A GSA K A Y at SU M A K A Y Magsakay - magkarga ( to load) Sumakay - to ride Halimbawa: Nagsakay ng sampung kahon ng lansones sa bus si Jo. Sumakay na tayo sa daraang bus. O P E R A H A N at O PE R A H I N Operahin - tiyak na bahagi ng katawan na titistisin Operahan - tumutukoy sa tao Halimbawa: Ang tumor sa dibdib ng maysakit ay ooperahin mamaya. Si Luis ay ooperahan sa Martes. K A T A at K I T A Kata - ikaw at ako Kita - ikaw Halimbawa: Manood kata ng sine. Iniibig kita. K I L A at K I N A - Walang salitang kila. Ang Kina ay maramihan ng kay.
Halimbawa: Pakidala ang mga laruang ito kina Benny at Maris. Makikipag-usap ako kina Vic at Nona.
K U N G D I at K U N D I - $QJ NXQJ GL D\ JDOLQJ VD VDOLWDQJ ³ NXQJ KLQGL´ R LI QRW VD Ingles; ang kundi naman ay except. Halimbawa: Aalis na sana kami kung di ka dumating. Walang sinuman ang pwedeng manood kundi iyong mga may tiket lamang. H A G D A N at H A G D A N A N - Ang hagdan ( stairs) ay ang baytang na inaakyatan at binababaan. Samantalam ang hagdanan (stairways) ay ang bahaging kinalalagyan ng hagdan. Halimbawa: Nagmamadaling inakyat ni Marving ang mga hagdan. Ilagay mo ang hagdanan sa tapat ng bintana. I K I T at I K O T - Ginagamit ang ikit para maipakita ang kilos na paggilid mula sa labas patungo sa loob. Ang ikot naman ay mula sa loob patungo sa labas. Halimbawa: Nakatatlong ikit muna sila bago nila natunton ang daan patungo sa loob ng kuweba. Nahirapan pala silang makalabas ng tunnel. Umikut-ikot muna sila sa loob nito bago nila nakita ang daan palabas. H A T I I N at H A T I A N - Hatiin ( to divide) o partihin; Hatian ( to share) o ibahagi. Halimbawa: Hatiin mo sa amin ang pakwan. Hinatian niya ng kanyang hamburger ang namamalimos na bata. N A B ASA G at B I N ASA G - Ang salitang nabasag ay nangangahulugan ng kilos na di sinasadya o di ginusto; ang salitang binasag naman ay nagpapakita ng sariling pagkukusa. Halimbawa: Galit na galit na binasag ng lalaki ang mga salamin ng kotse. Nagmamadali kasi siyang maghusga kaya nabasag niya ang mga plato.
B U M I L I at M A G B I L I - Bumili- to buy; Magbili- to sell o magbenta Halimbawa: Pumunta ang nanay sa Baguio para bumili ng mga sariwang gulay. Ang trabaho ng tatay niya ay magbili ng mga lumang kasangkapan. K U M U H A at M A N G U H A - Kumuha- to get; Manguha ± to gather, to collect Halimbawa: Kumuha ng isang basong tubig si Neth para kay Jean. Nanguha ng mga kabibe ang mga bata sa dalampasigan.
Sanggunian: Ampil, R. et al. (2010). Akademikong F ilipino sa Komunikasyong Global. Manila City: UST Publishing House Batnag, A. et al. (2011). Sayusay: Sining ng Mabisang Pagpapahayag. Quezon City: C&E Publishing, Inc. Bernales R.A, Veneracion E.B. et.al, (2009) Retorika:Ang Sining ng Pagpapahayag. Malabon City: Mutya Publishing House Inc. Decena, J.A. at Macalinao, E.A. (2004) Retorika, Patnubay sa Masining na Pagpapahayag para sa Kolehiyo. Mandaluyong City: Books Atbp. Publishing Corp. Santiago, A. at Tiangco, N. (2003) Makabagong Balarilang F ilipino: Binagong Edisyon 2003. Quezon City: Rex Bookstore