ANG BIBLIA AT MGA KATUTUBONG RELIHIYON SA PILIPINAS KASAYSAYAN NG CRISTIANO ESPIRITISMO SA LUPANG HINIRANG Datapuwat kung ating kilalanin ang ating sarili ay hindi tayo hahatulan. I CORINTO 11:31
Ang pagkilala sa sarili ay nahahati sa iba-ibang bahagdan at ang pangunahin ay bilang tao at lahi. Bilang lahi maraming Pilipino ang hindi nakakaalam sa tunay na kasaysayan ng kanilang Inang Bayan ang Lupang Hinirang. Kung may nakababatid nakababatid man karaniwang mula 1521 hanggang sa panahong pangkasalukuyan lamang. Madalang ang may alam mula taong 1521 pababa. Kaya tinangggap ng mga Pilipino kahit kahit tinawag na pagano ng mga Kastila ang kanilang mga ninuno. ninuno. Ito ang dahilan kaya di maitago ni Dr. Jose Rizal ang ang kalungkutan sa pagkawala ng mga tradisyon at mga alaala ng nakaraan ng lahing-kayumanggi: lahing-kayumanggi: "...unti unti ...nawala ang kanilang mga sinaunang tradisyon, ang mga alaala ng kanilang nakaraan;... isinuko nila ang kanilang panulat, ang mga awitin, ang mga tula, ang kanilang mga pamantayan matutunan lamang kahit hindi nauunawaan ang ibang mga doktrinang hindi nila naiintindihan, ibang moralidad, panibagong paghanga na kaiba sa mga inspirasyong dulot ng sariling kalikasan at daloy ng kaisipan. Sila'y unti-unting nangaunti, hinamak nila ang kanilang mga sarili sa paningin ng sariling mga mata; ikinahiya nila ang anumang kanila; nag-umpisa silang humanga at pumuri ng anumang banyaga at hindi maunawaan; pinanghinaan sila ng espiritu espiritu at ganap na sumuko."
Teodoro Agoncillo History of the Filipino People, pg.100
ANG KATUTUBONG PANINIWALA SA LUPANG HINIRANG Repleksyon ng likas na relihiyosong paniniwala at mga tradisyon ang pangunahing pananaw sa mundo ng mga katutubo sa Lupang Hinirang. Mayroon silang tatlong konsepto ng pangkalahatang pananaw sa buhay kahit noon pa: Unang konsepto: Ang paniniwala na may makapangyarihang daigdig ng mga espiritu na hindi nakikita. Karaniwang sinasabi, "silang mga hindi tulad natin" o "silang hindi nakikita." Bagamat bukas ang daigdig ng tao sa mga espiritu kabaligtaran kabaligt aran ang kalagayan nito sa tao. Tanging sa mga medium lamang o sa pamamagitan ng mga pangitain at panaginip nalalaman ng tao ang mga kagustuhan kagustuhan ng mga espiritu sa kabilang daigdig.
espiritu saan mang dako. dako. May Dios na pinaka-makapangyarihan pinaka-makapangyarihan sa Ikalawang konsepto: May espiritu lahat at iba pa na nasa mataas na antas ng kalagayan sa mundo nang kaitaasan. May mga espiritu na kumukontrol sa kalikasan at nakakaapekto sa mga pangyayaring likas sa sanlibutan. May mga espiritu na nakatira sa mga bato, puno, bukid at bulubundukin. bulubundukin. May mga bato din na pinaniniwalaang pinaniniwalaang may kapangyarihan kapangyarihan dahil sa mga espiritung gumagabay. mga anito anito at iba pang mga espiritu ang lahat ng ng mga mga Ikatlong konsepto: Kaugnay ng mga karaniwan at di pangkaraniw pangkaraniwang ang pangyayari pangyayari pati na ang mabuting mabuting kapalaran. kapalaran. Gawa ng mga espiritu ang masasamang pangyayari. Kaya upang magtagumpay at para maiwasan ang masaktan o anumang karamdaman, kailangang suyuin ang mga espiritu kung may nagawang hindi
1
mabuti. Pinapayapa Pinapayapa sila ng tamang tamang pagsasakripisyo pagsasakripisyo at mga seremonya. seremonya. Kailangan ang ibayong ibayong pag-iingat upang makatiyak na walang nagawa na anumang laban sa sinumang espiritu. Kailangang humingi ng paumanhin kapag dadaan o dadako saan man inaakalang may nakatirang espiritu. espiritu. Dahilan kaya nagsasabi nagsasabi ang mga Kapampangan Kapampangan ng "Makilabas ko pu" o ang mga Tagalog na " Makikiraan po" o ang mga Cebuano na "Tabi, apo." Kailangan ding humingi ng paumanhin kung dudura, may ibabato, iihi o mananabi sa labas lalo na kung gabi. Avatar o sugo ng mga espiritu ang ang ibang mga ibon, hayop hayop at mga insekto. insekto. Maaaring maghatid maghatid ng sakuna, sakuna, mabuting kapalaran, panganib o kasaganaan ang mga tawag o senyales nila (Job 12:7).
MGA MITO O KUWENTONG WALANG AWTOR myths) ng mga katutubo sa Lupang Hinirang. Ito ay upang Ipinagsaling-dila ang mga mito (myths) ipaliwanag at ipalaganap ang konsepto ukol sa kapaligirang kapaligir ang pisikal. Gayundin ang mga pangyayari na tulad ng tao at lahat ng mga bagay bagay na may buhay. May sariling mito at tradisyon ang bawat grupong etniko . May pagkakapareho sila sa buong kapuluan o kaya’y sumusunod sa iisang daloy ng kaisipan. Nawala ang mga ito sa pagpasok ng Katolisismo Katolisismo at modernong agham. Subalit may ilang nananatili sa talaan ng mga misyonaryong Kastila, modernong pag-aaral ng anthropolohiya anthropolohiya o kaya'y buhay na tradisyon mula sa mga grupong etniko.
Sa mito ng mga Ilokano, si Angngalo ang lumikha ng mundo pati bundok at mga kapatagan na naging lawa at dagat ang ilan. Sa mga Manobo ng Mindanao, si Kakalindug ang Dakilang Manlilikha na nakatira sa mundo ng kalawakan sa likod ng mga ulap. Matapos likhain ang mundo para maging tahanan ng tao, nagtali siya ng isang malaking sawa sa haligi para bantayan ito. Ayon sa tradisyon ang paggalaw ng dambuhalang sawa ang dahilan ng mga lindol. Sa mga Tiruray na kalapit ng mga Manobo, si Minaden naman ang manlilikha na humugis ng patag sa daigdig at naglagay ng ilaw sa mundo at kalawakan. Pangunahin sa mga mito at mga tradisyon ang konsepto na may tatlong antas ang sanlibutan: Ang mundo ng kalawakan sa kaitaasan, daigdig ng tao sa kalagitnaan at mundo ng mga patay sa kailaliman. Higaonon) ng hilagang Mindanao ang isa sa mga kaakitNagmula sa tradisyon ng mga Bukidnon (Higaonon) akit na konsepto ng kosmolohiya. Ayon sa tradisyon si Magbabaya kasama ang pitong nilikha niya mula sa pitong hibla ng kanyang buhok ang gumawa ng sanlibutan. Ang mga mundo mundo sa kaitaasan, mga mundo ng kailaliman at mundo ng tao na tinatawag na bugta o lupa. May siyam na antas ang mundo mundo sa kaitaasan at at mundo ng kailaliman. kailaliman. Mula sa daigdig ng tao paitaas maingat itong pinananatili pinananatili sa lugar sa pamamagitan pamamagitan ng mga gintong gintong kadenang kadenang hawak ni Galura (Sanskrit: ang mundo ng kailaliman, ang nether-world o o daigdig daigdig ng mga patay. patay. Iniingatan Garuda) Garuda). Gayundin ang naman ito sa kanyang lugar ng dambuhalang sawang si Intumbangel ang ahas ahas ng mitolohiya.
Sinasabi na kapag humahangin ng malakas, ipinapagaspas ng dambuhalang ibon ang kanyang pakpak at lumilindol lumilindo l naman kapag kumikilos ang dambuhalang sawa. May India) ang partikular na tradisyong ito dahil sa kapuna-punang hawig sa mga impluwensyang impluwensyang Indic (India) elementong Sanskrit . May pagkakatulad din ang buong ideya sa kosmolohiyang pananaw ng mga labinglimang daigdig sa itaas at labing-limang labing-limang daigdig sa ibaba mula sa daigdig ng Jain - na may labinglimang tao. Ang konsepto na maraming maraming antas ang sanlibutan sanlibutan ay matatagpuan din sa mitolohiya mitolohiya ng ibang grupo tulad ng mga Ifugao ng Hilagang Luzon at mga Bisaya ng Panay. Sa mga Bisaya kahilwayan ang tawag sa mundo ng kalawakan, kamariitan ang mundo ng tao sa kalagitnaan at kasakitan naman ang mundo ng mga patay o nether-world . 2
Nakakaakit din ang mito ng mga Bisaya. Noong una, kalawakan at dagat pa lamang at isang agila ang walang humpay na lumilipad sa pagitan ng dalawa. Pagod dahil walang malapagan inisip ng ibon na lunasan ang sitwasyon. Pumaimbulog siya at sinabi kay kalawakan na nagplano si dagat na ilubog siya sa tubig. Sumagot si kalawakan at sinabi, kapag ginawa niya ang gayon babatuhin ko siya ng mga malalaking bunton ng lupa at mga mabibigat na bato para hindi siya makabangon at makapaminsala. Lumipad paibaba ang ibon at sinabi kay dagat na galit sa kanya si kalawakan, binuo nito na batuhin siya ng mga malalaking bunton ng lupa at mabibigat na bato. Dahil dito nagalit si dagat at tinangkang ilubog si kalawakan. Tumaas si kalawakan at nagumpisang batuhin si dagat ng malalaking bunton ng lupa at mabibigat na bato. Nagtatakbo ng paroo't parito si dagat sa pagtatangkang makaiwas subalit nawalan ito ng saysay. Mula noon, hindi na nakabangon si dagat sa kanyang kinalalagyan. Natamo ng agila ang kanyang ninanasa ang mga bato at mga bunton ng lupa ang naging mga isla ng Pilipinas. Pareho ang mito ng Kabisayaan at Luzon tungkol sa pinagmulan ng tao: Ayon sa mito, nagdesisyon ang punong-dios na si Captan na isilang ang isang kawayan mula sa pagsasanib ng hangin ng lupa at hangin ng karagatan. Habang namamahinga ang ibon sa lupa - nakita niya sa tubig ang puno ng kawayan na itinutulak ng alon sa kanyang mga paa at kanyang pinagtutuka hanggang mabiyak. Mula sa isang biyak lumabas ang unang lalake at sa isang biyak naman ang unang babae. Lalake ang panganay nilang anak na pinangalanang Sibo (Cebu), kasunod ng isang babae na pinangalanan namang Samar . Dakong huli, nagkaroon uli sila ng isang anak na lalake na tinawag namang Pandaguan. Si Pandaguan ang unang mangingisda na umimbento ng lambat na ng una n’yang subukin ay nakahuli ng pating. Hinila niya ito sa pampang sa akalang hindi maaano. Subalit namatay ang pating at labis itong iniyakan ni Pandaguan, ito ang naging pasimula ng kamatayan. Dahil sa pangyayari, nagpalabas ng kidlat ang mga dios na sina Captan at Maguayan para patayin si Pandaguan. Namalagi siya sa daigdig ng mga patay sa loob ng isang buwan. Sa awa ng mga dios ibinalik uli siya sa daigdig ng mga buhay. Habang patay si Pandaguan sumama sa ibang lalake ang asawa niyang si Lubluban sa akalang di na siya magbabalik at ito ang naging pasimula ng kataksilan. Dahil dito, nagbalik si Pandaguan sa daigdig ng mga patay at doon na namalagi. Dito na napupunta ang mga namamatay sa tinatawag na sular . Hanggang iutos ng kasama nilang babae ang pag-aalay sa mga dios - para di na mapunta sa ilang na iyon ang mga namamatay kundi sa panig ng mga isla o kabundukan para parangalan o pagpistahan. Ito ang naging pasimula ng mga sakripisyo na ginagampanan ng mga paring tinatawag na baylanes. T. Valentino Sitoy Jr. The Initial Encounter, Vol. I pg. 1-8
Walang pasubali na maraming mito at mga tradisyon ang mga katutubo sa Lupang Hinirang. Ang ilan dito ay patuloy na nananatili dahil sa mga grupong etniko. Matangi sa Israel, binubuo ng mga mito ang pangkalahatang pananaw ng buong mundo tungkol sa Dios bago nagkaroon ng Biblia. Ang mga Israelita lamang ang may kasulatan tungkol sa tunay na pinag-mulan ng sanlibutan mula pa noong taong 1400 B.C. dahil sa Pentateuch o Limang Aklat ni Moises. Torah ang tawag sa pag-aaral o pagtuturo nito na nakabatay sa aklat ng Genesis, Exodo, Levitico, Mga Bilang at Deuterenomio.
3
PENTATEUCH: Ito ang unang bahagi ng Lumang Tipan simula sa paglalang hanggang sa kamatayan ni Moises. Katipunan ito ng mga tradisyon na mahigit isang libong taon. Ang pinakaunang mga istorya nito ay bumabalik sa panahon ng mga sinaunang patriarkang Hebreo, labing-walong libong taon bago ipinanganak ang Panginoong JesuCristo. Noong ikalimang siglo bago ipinanganak ang Panginoon ang tradisyunal na materyal na ito ay pinag-samasama at inedit ng mga paring eskriba kung paanong tinataglay ito ngayon. Subalit noong ikalawang siglo bago ipinanganak ang Panginoon, naging tiyak ang tradisyon na si Moises mismo ang sumulat ng buong Pentateuch. Collier Encyclopedia Vol. 4 pg. 120
ANG PAGDATING NG MGA KASTILA Marso 16, 1521 muling natuklasan ang Pilipinas ni Ferdinand Magellan, isang Portugalino; Marso 25, 1521 nang iwan niya ang Homonhon para pumunta ng Limasawa kung saan sinalubong siya ng magkapatid na Haring Kolambu at Rajah Siagu; Marso 29, 1521 isinagawa ni Kolambu at Magellan ang sandugo bilang tanda ng pagkakaibigan. Marso 31, 1521 isinagawa ang unang misa sa baybayin ng Limasawa na pinangunahan ng paring si Pedro de Valderama (Dito na nagsimulang magbago ang mga mito at tradisyon ng mga katutubo tungkol sa mundo at paglalang ng tao). Gregorio F. Zaide Philippine History & Goverment, pg. 90-91 Isa sa mga unang kwestyon na laging itinatanong ng mga Kastilang eksplorer ay tungkol sa relihiyon. Tinanong ni Magellan si Raha Kolambu kung Muslim sila o pagano o ano ang pinaniniwalaan? Ang sagot ni Raha Kolambu "wala silang sinasambang anuman kundi tumitingala sila at pinagdadaop ang kanilang mga kamay sa langit at tinatawag ang kanilang Dios na Abba." William Henry Scott Barangay, pg. 79 Salitang Aramiko ang Abba na karaniwang ginagamit ng mga Hebreo ito ang itinawag ng Panginoon kay Amang Yahweh (Marcos 14:36) at gayundin ni Apostol Pablo (Roma 8:15). Hindi katakataka ang tawag na Abba na ginamit ni Raha Kolambu , sapagkat ang salitang ginagamit sa Pilipinas ay binubuo ng iba't ibang wika kasama na ang Java, Malay, Sanskrit, Hebreo atbp. Kaya hindi rin malayo na sa nakaraan ay may lahi na nagmula sa mga pinili ng Dios na nakarating sa Lupang Hinirang na maaaring mula sa lahi ni Noe o ni Abraham. Sa Cultural History na isinulat ni Gregorio Zaide, si Padre Rodrigo de Agunduru Moriz (1584-1626) ang unang tagapagtipon (recollect) ng kasaysayan ng Pilipinas at may teorya sa pinagmulan ng mga Pilipino. Ayon kay Moriz, ang mga Pilipino ay mula sa lahi ni Cham, isa sa mga anak ni Noe na nanirahan sa Pilipinas matapos ang bahang gumunaw. Batay sa kasaysayan malinaw na relihiyong Kastila ang nagdala ng idolatriya sa Pilipinas dahil wala sa tradisyon ng lahing-kayumanggi ang pagsamba sa mga rebulto. Pang-aalipin ng mga Kastila sa napakahabang panahon ang dahilan kaya napunta sa mga rebulto ang pagsamba ng maraming Pilipino sa Dios. Tanging ang mga grupong etniko lamang na nanatili sa sinaunang paniniwala ng mga ninuno ang hindi naapektuhan ng pagbabagong bunsod ng pagdating ng mga Kastila. 4
ANG PINAGMULAN NG PANINIWALANG MAY DIOS Ayon sa Biblia kay Adam at Eva nagmula ang lahing-tao. Sina Cain at Abel naman ang nagpasimula ng kusang-loob na paghahain sa Dios (Genesis 4:2-4). Nagpatuloy ito pati ang pagsama ng tao - hanggang ganap na mawalay sa Dios. Hindi natupad ang kalooban ng Dakilang Lumikha na supilin ng tao ang lupa (Genesis 1:28). Nangibabaw ang espiritu ng kadiliman na itinapon sa daigdig at ang tao ang nasupil sa halip na sumupil (Apocalipsis 12:7-9). Sa kawalang kabuluhan ay nagpakasama pa ang tao. Nalumbay at nagsisisi ang Dios na nilikha Niya ito (Genesis 6:5-6) kaya ninais N’yang lipulin (Genesis 6:7). Subalit hindi naisagawa dahil may nalalabi pa na tagapangaral ng Kanyang katwiran (II Pedro 2:5). Hindi magawang lipulin ng Dios ang mabuti na kasama ng masasama (Genesis 7:23). Nagsagawa ng bagong plano ang Dios at muling nagbilin sa pamamagitan ni Noe na magpalaanakin at kalatan ang lupa. Si Noe ang nagpasimula ng kusang-handog na susunugin matapos ang bahang gumunaw na sinamyo ng Dios at sinabi: Hindi na Niya muling gugunawin ang lupa (Genesis 8:20-22). Pinagtibay Niya ang tipan kay Noe sa pamamagitan ng bahaghari (Genesis 9:1-13). Sa panahon ni Noe alam na nang lahat na may Makapangyarihang Dios – hanggang sa likhain ng tao ang Tore ni Babel. Muling sumama ang tao at nagnasang itanyag ang sarili sa halip na ang Dios. Pinag-iba-iba ng Dios ang wika kaya kumalat ang tao sa buong lupa. Ang mga naging magkakasama ay ang mga nagkaka-intindihan ng kanya-kanyang wika (Genesis 11: 1-9). Sa iisang lugar nanggaling ang mga ninuno ng bawat lahi ng tao sa lupa. Simula sa panahon ni Noe lahat sila ay nakakaunawa na may Makapangyarihang Dios - hanggang sa likhain ang Tore ni Babel. Sa pamamagitan ng pinagsaling-dila o oral tradition, nanatili ang kaalaman na may Makapangyarihang Dios. Ito ang dahilan kung bakit maski mga katutubo na hindi abot ng sibilisasyon ay nasusumpungang may sinasambang Dios. Hindi nga lamang ayon sa tamang pagkakilala, sapagkat noon ay wala pang kasulatan na ibinibigay ang Dios. Tanging sa panahon lamang ni Moises nagkaloob ang Dios ng kautusang nasusulat. Sa pamamagitan din nang mga tradisyon may orihinal na lahi na nagpatuloy ng tamang pagkakilala sa Dios: Simula kay Noe, Shem, Abraham, si Isaac at ang kanyang naging anak na si Jacob na tinawag na Israel (Genesis 32:22-28) - si Moises na pinagbigyan ng Dios ng mga kautusang nasusulat (Exodo 34:27-28) – hanggang kay Haring David at kay JesuCristo. Kay Abraham ipinagkaloob ng Dios ang tipan ng pagtutuli (Genesis 17:9-11: Tradisyon sa Lupang Hinirang ang pagtutuli noon pa - bago dumating ang mga Kastila). Kay Abraham pinagpala ang lahat ng mga bansa sa pamamagitan ng isang binhi (Genesis 17:1-8). Ang Panginoong JesuCristo ang Binhi (Galacia 3:16-17), ang propetang tulad ni Moises na lilitaw (Deu. 18:18-19) na Siyang pakikinggan sabi ng Dakilang Ama (Mateo 17:5). Simula sa pagsabog ng wika may plano na ang Dios na muling pag-isahin ang tao sa itinakda Niyang panahon. Naganap ito sa Bagong Tipan na pinagtibay sa dugo ng Panginoong JesuCristo (Galacia 3:28). Laganap na ngayon ang mga aral ni Cristo sa pamamagitan ng Biblia, marami na ring iba't ibang salin nito na lumitaw. Pangunahin sa mga ito ay ang A.V. 1611 o King James Version na isinulat ng apatnaput-walong eskolar. Una, pinagsama-sama nila ang maraming manuskrito na lumitaw at inalis ang ginawa ni Origen na isinulat sa Egypt na kinabibilangan ng Luma at Bagong Tipan. Ito ang Roman Catholic Latin Vulgate & Rheims (1582) at Greek Septuagint . Para sa Lumang Tipan pinili nila ang manuskritong ginagamit ng mga Hudyo, ang Massoretic Text . The Crusaders Sabotage, pg.28 5
HINDI PAGANO ANG MGA NINUNO NG MGA PILIPINO Hindi naging makatarungan ang pananaw ng maraming Pilipino sa kanilang mga ninuno. Dahil pinaniwalaan nila ang sali’t saling sabi ng mga pari na sila’y mga pagano. Ayon sa diksyonaryong Webster : Pagano ang tao kung hindi Hudyo, Kristiyano o Muslim o kaya ay walang relihiyon. Pagano ang tao kung sumasamba sa maraming dios na tulad ng mga Griyego at mga Romano. Israelita o Gentil lamang ang pamantayan ng Biblia pagdating sa pananampalataya, walang salitang pagano na nakasulat dito. Tinutuli na ang mga Pilipino noon bago pa dumating ang mga Kastila ang pagtutuli ay tanda ng tipan ng Dios kay Abraham. Ang mga sinaunang Pilipino kahit maraming anito ay may iisang Makapangyarihang Dios na kinikilala at sinasamba sa Espiritu na may iba-ibang pangalang ayon sa katutubong salita. Base sa pangalang Abba na sinabi ni Raha Kolambu kay Magellan, at teorya ni Padre Rodrigo de Agunduru Moriz na ang ninuno ng mga Pilipino ay anak ni Noe. Labis na naging imposible kung bakit tinawag ng mga paring Kastila na pagano ang mga ninuno ng mga Pilipino, samantalang kung tutuusin sila ang mga pagano na nagpalaganap ng paganismo sa Pilipinas. Noon ang paniniwala sa Dios ay nahahati lamang sa dalawang bahagdan: Ang mga Animista o likas na sumasamba at naniniwala sa mga espiritu at ang mga naniniwala sa idolatriya na sumasamba sa mga rebulto o inanyuan bilang kanilang mga dios na gaya ng mga Paring Katoliko. Animista ang likas na paniniwala ng mga katutubo sa Lupang Hinirang dahil sa paniniwala sa mga espiritu. Kasama dito ang paniniwala na may Iisang Dios na Makapangyarihan sa lahat na sinasamba sa Espiritu kaya hindi pagano ang mga ninuno ng mga Pilipino kundi ang mga Kastila. Kaiba ang paniniwala ng mga ninuno ng mga Pilipino kaysa relihiyon na dinala ng mga Kastila. Ginagamit nila si Cristo subalit marami sa mga kautusan Nito ang nilalabag nila: Kabilang na ang pananakop, pagpatay, pang-aapi, pagsasamantala at pinakamalala ay ang pagpapalaganap ng idolatriya. Sa Biblia, kamatayan sa dagat-dagatang apoy ang hatol sa mga taong sumasamba sa mga larawang inanyuan (Apocalipsis 21:8).
PINAGMULAN NG KATOLISISMO Nagmula ang Simbahan ng Romano Katoliko sa pagsasanib ng paganismo at Cristianismo. Ang mga pagano ay sumasamba at nananalangin sa isang inang diyosa ( Jeremias 44:15-23). Iniakma ang pagsamba sa diyosang ina sa pangalan ni Maria. Ang mga pagano ay may mga diyos at diyosa na nauugnay sa iba't ibang araw, gawain at mga pangyayari sa buhay. Iniakma ang sistemang ito at tinawag na santo ang mga diyoses. Ang mga paulit-ulit na pananalangin, rosaryo at mga relikya ay mga iniakma mula sa paganismo at binigyan ng panlabas na kaanyuang Cristianismo. Kinikilala ng mga Katolikong Iskolar na nabuo ang kanilang simbahan sa paghahalo ng paganismo at Cristianismo. Sa kanilang pananaw, tagumpay ng Cristianismo ang mga bagay na ito. Ayon sa Biblia ang paghahalo ng ibang paniniwala ang palaging dahilan kaya nahuhulog ang mga Israelita sa paningin ng Dios. Karaniwang hindi nila ganap na itinatakwil ang pagsamba sa tunay na Dios kundi hinahaluan lamang nila ng mga ritwal ng paganismo (Halimbawa sa Biblia: Exodo 32:4-8, Amos 5:26, Gawa 7:42-43). Ralph Woodrow Babylon Mystery Religion pg. 156, 158
6
BINTANG NA DEMONYO ANG SINASAMBA NOON Pinaratangan nang mga Kastilang sina Miguel de Loarca at Antonio Pigaffeta na demonyo ang sinasamba ng mga sinaunang Pilipino, subalit hubad ito sa katotohanan dahil sa sinasabi ng iba: " Kakaunti ang nalalaman sa kasaysayan ng mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila. Ang mga nalalaman naming nahayag ay isang sosyedad na nasa pamilya ang mga ugat. Ang pamilya ang sentro ng edukasyon at relihiyon." Rodney L. Henry Filipino Spirit World pg.6
ANG NAG-IISANG DAKILANG DIOS SA KATUTUBONG PANANAW Nahahati sa mga grupong etniko ang mga sinaunang Pilipino subalit may pananaw sila na may iisang Dios na Pinakamakapangyarihan na tinatawag sa iba-ibang pangalan:
Sa mga Ifugao ng Luzon, si Kadak'lan ang Kataas-taasang Espiritung Manlilikha; sa mga Kapampangan, si Miglalang ang Manlilikha; sa mga Zambals, si Malayari ang Panginoong May-ari; sa mga Tagalog, si Bathalang Maykapal ang Dakilang Panginoon; sa mga Bisaya, si Laon o Malaon ang Kauna-unahan; sa mga Bikolano, si Gugurang ang Kataas-taasang Dios; sa mga tao sa Mindanao: Mga Bukidnon, Higaonon, Mamanwa, Subanon at mga Manobo, si Magbabaya ang Tagahatol; sa mga Bontok at Kankanai, si Lumawig ang Kataas-taasan; sa mga Tagbanwa ng Gitnang Palawan, si Magindusa; sa mga Mangyan ng Mindoro, si Mahal na Makakaako; sa mga Bilaan, si Mele; sa mga Bagobo, si Pamulak Manobo; at sa mga tao ng Limasawa, Butuan at Calagan (Surigao) noong 1521, si Abba na ang kahulugan ay Ama sa salitang Aramiko.
MAY MGA ESPIRITUNG MAS MABABA ANG KALAGAYAN SA DIOS May mga espiritu rin na nasa mas mababang kalagayan at tinatawag na mga anito o diwata. May kanya-kanya silang nasasakupan at tungkuling ginagampanan para ilagay sa kaayusan ang nilikhang daigdig ayon sa utos ng Kataas-taasang Dios na tumitingin sa pangangailangan ng tao. Sa mga Tagalog sila ay sina:
Indianale, panginoon ng paggawa at mabubuting gawain; Dimangan, panginoon ng mabuting ani; Amanikabli , panginoon ng karagatan; Mayaari , diosa ng buwan at ang kanyang kapatid na si Tala, diosa ng mga bituin; Hana, diosa ng umaga; Ikapati, panginoon ng lupa at agrikultura; Mapulon, panginoon ng iba-ibang panahon; Apolaki , panginoon ng araw at patron ng mga mandirigma; Dian dimasalanta, diosa ng pag-ibig.
7
Sa mitolohiya ng mga Bisaya ng Panay at Bukidnon na gaya ng mga Tagalog. May kinikilala din silang mga espiritu na mas mababa ang kalagayan kaysa Dios. Sila ang mga anito na namamagitan sa Dios at sa tao sa pamamagitan ng mga sakripisyo o alay. Hindi hinahandugan ng mga katutubo ng sakripisyo ang Dios na nasa pinakamataas na kalagayan. Tulad ng pananaw ng mga Tagalog, ang Dios na nakatira sa mundo ng kalawakan ay isang napakadakilang Dios at walang maaaring makipag-usap sa Kanya. Ngunit ang mga anito bilang Kanyang mga ministro ay pwedeng mamagitan para sa kapakanan ng tao. T. Valentino Sitoy Jr. The Initial Encounter, Vol. I pg. 13-15 Ang tawag na Dios ay isang hiram na salita na nagmula sa mga Kastila. Kung ibabatay ito sa tawag ng mga katutubo sa Lupang Hinirang: Katumbas ito ng mga tawag na Bathalang Maykapal; Gugurang; Apo Malayari atbp. Ang tawag sa Dios na Espiritu saan man dalhin ay may katumbas na kahulugan sa iba pang wikang banyaga. Ang Dios sa wikang Griyego ay tinatawag na Theos; sa wikang Hebreo naman ay Eloah o Elohim; God sa wikang Ingles at Allah naman sa mga Muslim. Ang kaibahan ngayon ang Dios na sinasamba sa Espiritu ay ganap na nakikilala ng mga Cristiano sa pamamagitan ng Biblia. Paniniwala sa mga anito na nasa mas mababang kalagayan ang dahilan - kaya natanggap ng mga katutubo sa Lupang Hinirang ang relihiyon ng mga Kastila. Sa katutubong pananaw katumbas ng mga anito ang mga anghel at santo na itinuturo ng Simbahang Katoliko. Subalit ang totoo ang relihiyong Kastila ay isang mitong Romano na may bihis Cristiano. Maraming aral at tradisyon ang Katolisismo na hindi ayon sa Biblia.
PAGHAHAMBING: SINAUNANG PANINIWALA AT CRISTIANISMO Ang Tunay na Dios ay sa Espiritu sinasamba ng mga katutubo sa Lupang Hinirang kahit di pa nasusulat ang Lumang Tipan. Sa Bagong Tipan naman ipinahayag ni Cristo na ang Ama ay dapat sambahin sa Espiritu at katotohanan (Juan 4:23). Kaya hindi malayo sa Dios at sa kasulatan ng Cristianismo ang mga katutubo sa Lupang Hinirang dahil Espiritu ang sinasamba nila noon pa: Sa Lumang Tipan mga anghel ang namamagitan sa Dios para sa tao (Genesis 16:10). Sa katutubong pananaw at sinaunang paniniwala sa Lupang Hinirang mga anito ang katumbas ng mga anghel na namamagitan sa Dios at sa tao. Si Abraham at si Lot ay nagdulot at naghain sa mga anghel (Genesis 18:1-5, 19:1-3). Ang mga katutubo sa Lupang Hinirang ay naghahain at nag-aalay sa mga anito. Ang kanilang paghahain o pag-aalay ay hindi pagsamba kundi para payapain ang mga espiritu o upang mamagitan ang mga anito sa Dios at sa tao. Katutubong dahilan kaya hindi inaalayan ang Dakilang Dios: Ang mga Ikalahan ay isang grupong etniko at tribung tinatawag na Igorot. Hota nalagan higatayo ang tawag nila sa Dakilang Manlilikha. Sa kanilang pananaw ang Manlilikha ay napakabuti at hindi gagawa ng anumang masama sa kanila o kahit sa kanilang mga baboy. Kaya hindi Siya kailangang hainan o alayan para suhulan.
8
MGA REBULTO O LARAWANG MAY ANYO SA PILIPINAS NOON May mga idolo ang tahanan ng mga Bisaya na tinatawag nilang tao-tao, bata-bata o larawan. Sila ang bantay ng pamilya at unang nilalapitan sa sandali ng karamdaman o suliranin. Manikin o maliit na tao ang tao-tao, nuno ang bata-bata o maliit na bata, imahen naman ang ladaw na minolde o modelo. Hindi gaanong pinapansin ang pagsamba sa mga idolo ng iba-ibang diwata, kaya wala ang atensyon ng mga Kastila sa kanila. Hindi sila pinupunasan, pinapabanguhan o nilalagyan ng mga adornong ginto at alahas na tulad sa malawang distrito (lake district) ng Maynila. Si Hernando de la Torre (1528) ay nag-ulat na sumasamba sa mga idolong kahoy ang mga katutubo ng Surigao " pinipintahan nila ito na gaya ng ating ginagawa sa mga santo.” Ganito inilarawan ni Pigaffeta ang isa sa Cebu: “Ang mga idolo ay gawa sa kahoy na may butas, wala silang likurang bahagi. Nakabuka ang kanilang mga kamay at nakalabas ang kanilang mga talampakan sa ilalim ng kanilang mga paang nakabuka. Mayroon silang malaking mukha at apat na pangil na tulad ng baboy-damo at pintado ( Anyo ng meditasyon sa pormang naka-Lotus batay sa analisasyon ng salita).”
Ayon naman sa paring si Mentrida (1637) ang diwata ay diyos na idolo ng mga pagano. Hindi imahen sapagkat sinasamba nila ang demonyo sa espiritu. Malinaw na hindi rebulto ang tinatawag ng mga babaylan sa paghahandog ng hain o pagsasakripisyo kundi mga espiritung hindi nakikita (Pinalabas lang ng mga Paring Kastila na demonyo ang sinasamba ng mga sinaunang Pilipino subalit ang totoo makahayop na pagtrato ang ginawa nila sa mga ninuno ng mga Pilipino) .
Wala sa kasaysayan na sumasamba ang mga sinaunang Pilipino sa mga rebulto. Wala silang templo o bahay sambahan, ginagawa ang pag-anito sa parang o sa ilalim ng puno ng balete (Pagsamba sa mga inanyuan mahigpit na ipinagbabawal ng Biblia: Exodo 20:5; Deuterenomio 7:25; Gawa 17: 29-30; Apocalipsis 9:20-21, 21:8).
William Henry Scott Barangay , pg. 86-87, 240
SINAUNANG PANINIWALA SA KABILANG BUHAY Naniniwala ang mga sinaunang Pilipino na may buhay pagkatapos ng kamatayan. Naglalakbay ang kaluluwa sa kabilang daigdig para tumanggap ng gantimpala o parusa. Sa langit pupunta ang mabuting kaluluwa na tinatawag na kalualhatian ng mga Tagalog at olagan naman ng mga Bisaya. Pupunta ang masamang kaluluwa sa impierno na tinatawag na kasamaan ng mga Tagalog at solad naman ng mga Bisaya. Gregorio F. Zaide Philippine History & Government, pg. 63-64 Sa mga Tagalog may mortal na kaluluwa na tinatawag, diwa ang espiritu ng buhay at lagyo naman ang panloob na kamalayan. Kalagyo ang tawag sa dalawang taong kumuha ng parehong pangalan o “soul mates." May kanya-kanyang espiritung protektor ang bawat tao na ang tawag ay katutubo o bathalang katutubo. Sa mga Bisaya ang mag-asawa ay muling magkakasama sa kabilang buhay at mag-papatuloy sa mga nakagawiang gawain ngunit hindi na magkaka-anak. Sa ganitong paraan nila gugugulin ang kanilang mga buhay ng siyam na ulit. Muling ipanganganak ng mas maliit sa huling kapanganakan hanggang sa ilibing sa ataul na kasing-laki ng butil ng bigas sa huling reinkarnasyon. William Henry Scott Barangay , pgs.238, 93 9
Sa mga Pinatubo Ayta ang pinakamahalagang esensya ay tinatawag na kaelwa. May hiwalay na kalagayan ang kaelwa at sa katawan ito tumitira. Maaari itong umalis ng panandalian na tulad ng pananaginip o palagian na tulad ng kamatayan. Para sa kanila hindi lahat ng sakit ay gawa ng espiritu tulad ng sipon, ubo, sakit ng ulo at sakit sa balat. May dalawang kategorya ng mga espiritu ng kalikasan ang mga Ayta ng Pinatubo. Ang isa'y binubuo ng mga anito o mabubuting espiritu at ang isa pa ay ang kamana na binubuo naman ng masasamang espiritu. Hiromu Shimizu Pinatubo Aytas, pg.46, 51, 49 Sa mga nabanggit, malinaw na ang mga anito ay mabubuti at hindi masasamang espiritu na gaya ng akala ng marami. Binaligtad lamang ng mga paring Kastila ang bagay na ito sa pagsasabing demonyo ang sinasamba ng mga tao noon sa Lupang Hinirang.
PANANAW SA MASASAMANG ESPIRITU Noon pa man ang mga katutubo sa Lupang Hinirang ay may sarili ng pananaw tungkol sa masasamang espiritu. Ayon kay Fray Juan de Placencia noong 1589, si Sitan ang kinikilala nang mga Tagalog na pangulo ng masasamang espiritu, halos kawangki ng Shaitin ng mga Hebreo. T. Valentino Sitoy Jr. The Initial Encounter, Vol. I pg. 17
Bukod kay Sitan na halos kawangki ng salitang Satan sa wikang Ingles na siyang kinikilalang pangulo ng mga masasasamang espiritu. May mga masasama ring espiritu na nabibilang sa mababang katayuan at may iba’t ibang kalagayan:
Hukluban, isang makapangyarihang uri ng mangkukulam; matatanggal, mangkukulam na lumilipad at napuputol ang kalahati ng katawan; mangagaway , manggagaway na pwedeng manggamot, manakit at pumatay; mangasilat , manggagaway na may kakayahan para huwag maibig ang sinuman; mangkukulam, lumilitaw sa gabi na parang nagliliyab; patianak , isang babae na namatay pagkapanganak na naging hobgoblin o tiyanak; silagan, lamanglupa na kumakain ng atay; tigbalang , isang espiritu na may pakpak at kumikidnap ng mga lalake; uswang, terminolohiya sa lahat ng kumakain ng atay; at wiwit o multo. William Henry Scott Barangay , pg.241
Maging sa ibang dako ng kapuluan ng Lupang Hinirang may mga kinikilala ding masasamang espiritu. Katimbang ng pananaw ng mga Tagalog ang pananaw ng marami tungkol sa masamang espiritu sa buong kapuluan.
10
ANG IBA'T IBANG TRIBU SA PILIPINAS Iba-iba ang tribu sa Pilipinas na ang pangkalahatang paniniwala ay mga Animista. Ang mga Hudyo ay maituturing na nabibilang din sa mga Animista dahil naniniwala sila na ang Dios ay Espiritu. Sa pangkalahatan maging ang mga Cristiano ay maituturing na mga Animista dahil sinasabi sa Biblia na ang Dios ay dapat sambahin sa Espiritu (Juan 4:24). TASADAY: Ang mga Tasaday ay tribu na sa kuweba nakatira sa pinaka-liblib na bahagi nang kagubatan ng Mindanao. Ayaw nilang umalis sa kanilang lugar dahil sa magandang panaginip ng kanilang mga ninuno. Sa kabila ng pagiging mga taong-bundok ang mga Tasaday ay likas ang kabaitan. Hindi sila pumapatay ng hayop sa kagubatan. Sa tuwing huhukay sila o puputol ng halaman, umaawit sila ng pasasalamat sa berdeng bagay sa pagbibigay ng kanilang mga sarili bilang pagkain. Alice Wellman Spirit Magic, pg.45 BATAK: Ang mga Batak ng Palawan ay kinikilalang mga Negrito, bagaman Veddoid na tulad ng mga Senoi ng Malay Peninsula ang tingin ng ibang mga awtoridad sa kanila. Gabay ng kanilang pag-uugali ang pananagutan sa pangkat, ang anumang masamang gawa ay maaaring magbunsod ng galit ng mga hindi nakikita ( Ang mga Senoi ay tribu na nakabase sa mga panaginip ang paniniwala, ayon kina Dr. Joseph Hart at Dr. Richard Corriere: The Dream Makers ).
Kahit mga taong bundok, may halimbawa sa Biblia ang paniniwala ng mga Tasaday at mga Batak ng Palawan. Si Apostol Mateo (1:20, 2:12) ay nagsabi na nakipag-ugnayan ang Espiritu kay Jose at sa mga Mago sa panaginip. Sa pagtulog naman ng tao ay nagtuturo ang Dios ayon kay Job (33:15-16).
ANG MGA PARI NOON SA LUPANG HINIRANG Ang mga pari at mga paring babae ay tinatawag sa iba't ibang pangalan depende sa lengguwaheng ginagamit ng lugar - machaqnito sa mga Ivatan; managanito sa mga Pangasinense; catalonan sa mga Tagalog; baglan sa mga Isneg ng Hilagang Luzon; babaylan o babalyan sa mga Bisaya, baylan sa pangkalahatan sa mga tao ng Mindanao. T. Valentino Sitoy Jr. The Initial Encounter, Vol. I pg.18
Mga manggagamot at medium ng mga espiritu ang mga babaylan, nagsasalita sila sa tinig ng mga diwata o ibang espiritu sa ilalim ng trance. Mga babae at lalake naman ang mga catalonan. Bilang mga medium, nakikipag-ugnayan sila at nagsasalita sa tinig ng mga espiritu. May mga alalay sila upang makipag-usap sa mga hindi pangkaraniwan at napaglalakbay nila ang sariling kaluluwa upang hanapin ang isang nawawalang kaluluwa. Nagsasagawa sila ng mga seremonya sa publiko para sa kaunlaran at kasaganaan ng komunidad, nagsusuri at gumagamot ng mga karamdaman. William Henry Scott Barangay, pg.84, 239
11
Walang organisadong paraan ng pagpapari. Subalit napapayapa ng mga babae at lalakeng nanggagamot ang mga espiritung nasa likod ng lakas ng kalikasan sa pamamagitan ng pag-aalay ng mga hayop. Ang tradisyon ng mga matatanda ay binubuo ng mga kuwento at mga awit na itinuturo sa pamamagitan ng pinagsaling-dila o oral tradition. H. de la Costa, History Collier Encyclopedia, Vol.18 pg.695
MEDIUM ANG MGA SINAUNANG PARI SA LUPANG HINIRANG MAMANUA: Sila ay mga Negrito nang hilagang-silangang Mindanao. Magbabaya ang tawag nila sa lumikha ng daigdig at naniniwala sila sa maraming espiritu. Mga medium at manggagamot ang kanilang mga pari (shaman). HANUNUO MANGYAN: Naniniwala sila sa mga espiritu na nasa matataas na antas ng kalagayan. Kilala nila ang mga espiritu na binibigyan nila ng alay. May mga medium sila para magsagawa ng mga seremonyas sa namatay. Tinatawag nila ang di karaniwan at mga espiritu na makakatulong para makatiyak ng mabuting ani. MANOBO NG AGUSAN: Hindi pangkaraniwan ang buhay sa kanila. Sa ilalim ng kanilang relihiyosong paniniwala may kinikilala silang Makapangyarihan sa lahat at bilang ng mga espiritu ng kalikasan na may mas mababang kalagayan. Ang mga pari (shaman) ay nag-aangkin ng importanteng posisyon bilang medium sa pagitan ng tao at mga hindi pangkaraniwan. SAMA-BAJAW NG SULU: Mga hindi bayolenteng tao na naniniwala sa daigdig ng mga espiritu. Kinukonsulta nila ang mga medium ng espiritu para magpagamot o magpahula. E.P. Patanne The Philippines In the 6th to 16th Centuries Chapter II, The People, pg.19-38
Malinaw na sa Lupang Hinirang may umiiral na pananampalataya sa Dios maski noon pa. May mga taong nakalaan talaga para sa ganitong paglilingkod. Nagtataglay sila ng mga katangiang higit sa mga paring Kastila na ang talagang layunin sa Lupang Hinirang ay manakop at pinalabas pa nila na mangmang ang mga katutubo. Subalit ang totoo, ginawa nilang maging mga mangmang ng sapilitan nilang palitan ang katutubong alpabeto ng alpabetong Kastila. Lahat ng mga kasulatan na katutubo ang salita ay sinunog ng mga pari at ipinagbawal na gamitin. Tinangkang burahin ng mga Kastila ang sinaunang kasaysayan ng Lupang Hinirang at ang mga tradisyon nito bilang lahi. Kaya noon, walang katibayan ng pag-aari ng mga lupain na nasusulat sa katutubong salita matangi sa wikang Kastila. Maging ang mga lupain ay karaniwang naging pag-aari din ng mga Kastila o lahing-Kastila. May sarili na ring balangkas ng pamahalaan ang mga tao sa Lupang Hinirang noon pa. Ang ninuno ng mga Pilipino ay mga tao na nagtataglay ng sariling edukasyon, talino at angking kakayahan.
12
PAMILYA SENTRO NG EDUKASYON AT RELIHIYON Pamilya ang sentro ng edukasyon at relihiyon bago dumating ang mga Kastila. Nagtuturo na ang mga mamamayan ng lupaing ito sa kanilang mga anak na bumasa at sumulat sa pamamagitan ng alpabetong Malayan. May musika sila at ebidensiya ng ilang makasining na likha. Nagpapakilala ang hagdan-hagdang palayan ng Banaue sa husay ng kakayahan sa inhenyeriya ng mga katutubo. Ang mga sinaunang naninirahan dito ay tiyak na di mga primitibong tao na naghihintay gawing sibilisado ng kulturang Europeo. Rodney L. Henry Filipino Spirit World, Pg.5-7
ANG PAMAHALAAN SA SINAUNANG PANAHON Ang pinakapundamental na yunit noon o estadong etniko ay pinangungunahan ng karadyahan kung di man kaharian o sultanato. Kung nasa lebel na iyon ang isang datu, siya ay hari, lakan, radya o sultan bilang pinunong pulitikal; subalit nananatili pa rin siyang pinunong pangekonomiya bilang datu ng kanyang baranggay. Ang pangalawang haligi ng baranggay ay ang panday. Ispesyalista sa pagpapanday ng bakal o mga kasangkapang gawa sa bakal. Ang datu ay para sa aspetong militar at pang-ekonomiya, ang panday naman ay para sa aspetong teknolohikal. Ang pangatlong ispesyalista’y ang babaylan mismo. Ang babaylan ang pinakasentral na personahe sa dating lipunang Pilipino sa larangan ng kultura, relihiyon, medisina at lahat ng uri ng teoretikal na kaalaman maging sa mga penomeno ng kalikasan. Sa madaling salita proto-scientist ang babaylan bukod sa kanyang pagkadalubhasa hinggil sa tao at sa Diyos. Sa larangan ng relihiyon siya ang namamahala sa ritwal, maging kung kailan magtatanim o mag-aani man. Zeus Salazar Women’s Role in Philippine History: pg.54-57
Pinaniniwalaan na ang mga anito ang namamahala sa lahat: Tulad ng kapanganakan, kamatayan, karamdaman, digmaan, kalikasan, pananim, relasyong espiritual at pantao. Pati na proteksiyon ng pamilya, pamayanan, pangingisda, pangangaso at pagbibigay impormasyon sa mga mahihirap na desisyon. Pinupunan ng mga espiritung ito ang kalikasan sa pamamagitan ng paninirahan sa mga puno, kuweba at mga ilog. Lubhang nakaayos ang buhay sa ganitong sistema ng paniniwala. Dahil maaaring magalit ang mga espiritu sa anumang paglabag. Sa pamamagitan ng mga sakripisyo napapayapa ang mga espiritu. May iba't ibang anyo ito, depende kung anong dios na nasa mas mababang kalagayan ang papayapain. Maaaring bigas, prutas, langis o tuba ang sakripisyo. Ang adhikain ay para ibalik ang pagpapala ng anito na nalapastangan. Ang ritwal ng pagsasakripisyo para payapain ang mga anito ay napakahalagang bahagi ng pananaw ng mga sinaunang tao sa Lupang Hinirang. Ang pagsasagawa ng pagsasakripisyo ay karaniwang ginagampanan ng mga babaylan, baylanes o catalonan. Ang paniniwala na primitibo ang mga tao sa Lupang Hinirang bago dumating ang mga Kastila ay taliwas sa katotohanan. Hindi sila mga mangmang o mga pagano sapagkat may sarili itong kultura, paniniwala at mga tradisyon. Nawasak ang lahat ng ito dahil sa napakahabang panahon ng pananakop ng mga dayuhang Kastila. 13
PAGHAHAMBING: SINAUNANG BATAS AT BATAS NG BIBLIA Maging ang pundamental na pamantayan sa pagpapairal ng mga panuntunan sa pamayanan noon ay komparatibong maihahambing din sa Biblia. Ang pinakamatandang saligang batas na natatala sa kasaysayan ng Lupang Hinirang ay isinulat ni Datu Sumakwel noong 1250 A.D., kilala ito sa tawag na Maragtas Code. Ang Maragtas ay terminong Sanskrit na ang kahulugan ay Great People o Mga Dakilang Tao sa salitang Tagalog. Mas angkop itong sabihing Mga Dakilang Lahi dahil sa Lupang Hinirang ang mga katutubo ay binubuo ng iba-ibang lahi o tribu. Ang mga sumusunod ang buong teksto ng Maragtas Code: KODIGONG MARAGTAS 1. Ang pagtangging gumawa sa mga bukid o ang pagtatanim ng anumang halaman para sa pang-araw-araw na pangangilangan ang pinakamabigat na kasalanan, ito ay may karampatang mabibigat na kaparusahan. (a) Ang tamad na tao ay aarestuhin at ipagbibili sa isang mayamang pamilya para maglingkod bilang alipin. Ito ay upang matutunan ang aral ng paglilingkod at ang kahalagahan ng gawain sa bahay at sa mga bukid. (b) Kapag siya'y naturuan na sa gawain at natutunan niyang mahalin ito ay ibabalik siya sa kaniyang pamilya. Ang halaga na ibinayad para sa kaniya ay isasauli at hindi na siya ituturing na alipin. Kundi isang taong malaya na muling napasigla ang mga hangarin na mabuhay sa bunga ng sariling pagod. (c) Ngunit kapag naglaon at natagpuan siyang hindi nagbago sa anumang paraan at nagsasayang lamang siya ng kanyang mga oras na walang ginagawa, muli siyang aarestuhin ng mga maykapangyarihan at ipadadala sa kagubatan. Hindi siya pahihintulutang makihalubilo sa buong komunidad dahil isa siyang masamang halimbawa.
2. Anumang uri ng pagnanakaw ay mahigpit na parurusahan. Ang mga daliri ng magnanakaw ay puputulin. 3. Tanging ang mga makasusuporta lamang sa pamilya o ilan pang mga pamilya ang maaaring makapag-asawa ng higit sa isa at magkaroon ng maraming anak ilan man ang gustuhin. (a) Ang mahirap na pamilya ay hindi maaaring magkaroon ng anak na higit sa dalawa. Sapagkat hindi nila masusuportahan at mapapalaki ng maayos sa komunidad ang maraming bilang ng mga anak . (b) Ang anak na hindi masusuportahan ng kanyang mga magulang ay papatayin at itatapon sa ilog. 4. Kung ang isang lalake ay magkaroon ng anak sa isang babae at tumakas dahil ayaw niyang pakasalan, ang anak niya sa babaing ito'y papatayin. Dahil mahirap para sa isang babae na walang asawa na suportahan ang isang bata. (a) Ang mga magulang ng babae ay itatakwil siya. Ang mga awtoridad sa pamayanan ay hahanapin ang lalake. Kapag siya’y nahuli at patuloy na tumatangging pakasal, papatayin siya sa harap ng anak ng babae na kanyang inabandona. Ang ama at bata ay ililibing sa iisang libingan. 14
KODIGONG KALANTIAW Ang ikalawang pinakamatandang saligang batas noon ay ang Kalantiaw Code na isinulat ni Rajah Kalantiaw. Binubuo ito ng labing-walong kautusan: Unang Kautusan: Huwag mong papatayin, o pagnanakawan, o sasaktan ang matatanda, para huwag malagay sa panganib ng kamatayan ang iyong buhay. Lahat ng lalabag sa kautusang ito ay lulunurin sa ilog na may isang bato o sa kumukulong tubig. Ikalawang Kautusan: Tiyakin ninyo na ang inyong mga utang sa inyong mga pinuno ay may nakalaang pambayad. Sinumang hindi makatupad ay lalatiguhin ng isandaang ulit sa unang pagkakamali. Kung malaki ang utang, ang kamay ng may utang ay ilulubog sa kumukulong tubig ng tatlong ulit. Sa ikalawang pagkakamali ay papatayin ang may utang sa pamamagitan ng mga suntok. Ikatlong Kautusan: Sinuman ay huwag mag-aasawa sa napakabatang-batang mga babae o mag-aasawa ng higit sa kaya niyang pangalagaan o maging sobra ang hilig sa pakikipagniig. Sinumang lumabag sa kautusang ito sa unang pagkakataon ay pipiliting lumangoy ng tatlong oras. Sa ikalawang pagkakataon ay ilalagay siya sa kamatayan sa pamamagitan ng mga tulis ng tinik. Ikaapat na Kautusan: Sumunod at tuparin: Huwag gambalain ang mga libingan; kung dadaan sa harap nila saan man sila naroroon nasa mga kweba man o mga puno ipakita ninyo ang paggalang sa mga patay. Sinuman ang mga lalabag sa kautusang ito ay malalagay sa kamatayan sa pamamagitan ng mga langgam o lalatiguhin ng mga may tulis hanggang kamatayan. Ikalimang Kautusan: Ang mga kasunduan sa pagpapalitan ng pagkain ay kailangang ganap na tuparin. Sinuman ang mabigong tumupad sa kautusang ito ay lalatiguhin ng isang oras. Sa ikalawang paglabag ilalagay siya sa langgaman sa loob ng isang araw. Ikaanim na Kautusan: Igalang ang mga banal na lugar, tulad ng mga puno na kinikilalang may kahalagahan at iba pang mga lugar. Sa unang pagkakamali, pagmumultahin ng ginto o pukyutan ang sinuman na katumbas ng isang buwang paggawa. Para sa ikalawang pagkakamali, ang kaparusahan ay limang taon. Ikapitong Kautusan: Ang parusang kamatayan ay ihahatol sa mga sumusunod: Sinumang pumatay ng mga banal na puno; sinumang pumana ng matatandang lalake at babae sa gabi; sinumang pumasok ng walang pahintulot sa tahanan ng mga pinuno; sinumang pumatay ng mga pating o ng mga buwayang may guhit. Ikawalong Kautusan: Pagkaalipin sa loob ng isang taon ang parusa sa sinumang magnakaw ng mga asawa ng mga pinuno; sa pag-aalaga ng aso na kumagat sa mga pinuno; sa panununog sa pananim ng iba. Ikasiyam na Kautusan: Bubugbugin sa loob ng dalawang araw: Sinumang kumakanta habang naglalakad sa gabi; sinumang papatay sa mga ibon na tinatawag na Manaul; sinuman ang sumira sa talaan ng mga pinuno; sinumang mandaya na may masamang hangarin; sinuman ang magbiro sa patay. Ikasampung Kautusan: Tungkulin ng ina na turuan sa lihim ang kanyang mga anak na babae sa pangkasariang kalinisan, gayundin ang paghahanda sa kanila sa pagiging isang ina. Ang mga lalake ay kailangang parusahan ang kanilang mga asawa kapag nahuli sa kasalukuyan ng pangangalunya. Sinumang lumabag sa kautusang ito ay puputulin sa mga piraso at ihahagis sa mga buwaya. 15
Ikalabing-isang Kautusan: Ang mga sumusunod ay susunuging buhay: Sinuman na sa pamamagitan ng lakas o katusuhan ay makatakas o makaiwas sa kaparusahan; sinumang pumatay ng mga napakabatang-bata; sinumang magtangkang nakawin ang mga asawa ng mga matatandang lalake. Ikalabindalawang Kautusan: Ang mga sumusunod ay lulunurin: Ang mga alipin na lumusob sa kanilang mga pinuno o mga may-ari at panginoon; ang lahat ng mga mahahalay; sinumang pumatay sa kanilang mga idolo sa pamamagitan ng pagbasag o pagtatapon sa kanila. Ikalabintatlong Kautusan: Ang mga sumusunod ay ilalagay sa langgaman sa loob ng kalahating araw: Sinumang pumatay ng mga pusang itim kung bagong buwan; sinuman ang mang-umit ng anumang bagay mula sa kanilang mga pinuno o sa mga matatanda gaano man kawalang halaga. Ikalabing-apat na Kautusan: Ang mga sumusunod ay hahatulan ng pagkaalipin habangbuhay: Sinumang tumanggi na ipakasal ang kanilang magagandang anak sa mga anak na lalaki ng mga pinuno o itago sila na may masamang hangarin. Ikalabinlimang Kautusan: Tungkol sa paniniwala at mga pamahiin. Ang mga sumusunod ay lalatiguhin: Sinumang kumain ng masamang karne ng mga banal na insekto o mapakikinabangang mga halamang gamot; sinumang manakit o pumatay ng mga sisiw ng Manaul at mga puting unggoy. Ikalabing-anim na Kautusan: Ang mga daliri ng mga sumusunod ay puputulin: Sinumang magwasak ng idolo na mga gawa sa kahoy o putik na nasa kanilang mga altar. Sinumang sumira sa panusok na ginagamit ng mga babaylan sa pagsa-sakripisyo ng mga baboy o bumasag ng mga sisidlan ng alak (Bagaman may kautusan tungkol sa mga altar at mga idolo, para ito sa mga anito at hindi sa Makapangyarihang Dios. Ang mga anito ay hindi inaalayan sa altar dahil ang pag-anito o paghingi ng tulong ay karaniwang ginagawa sa parang o sa mga puno ng balete).
Ikalabing-pitong Kautusan: Ang mga sumusunod ay ilalagay sa kamatayan: Sinumang lumapastangan ng mga lugar kung saan ang mga banal na bagay na may kaugnayan sa kanilang mga dios o mga pinuno ay matatagpuan. Sinumang magsagawa ng mga pangangailangan sa mga lugar na ito ay susunugin. Ikalabing-walong Kautusan: Sinumang lumabag sa mga kautusang binanggit, kung sila’y mga matatanda ay itatapon sa ilog para kainin ng mga pating at mga buwaya. RAJAH KALANTIAW Pangatlong Pinuno Aklan Panay
Ang mga batas ng barangay ay ginagawa ng mga datu sa tulong ng mga matatanda. Sa kaso ng mga kompederasyon, isinasagawa ito ng nakatataas na datu sa tulong ng mga tagasunod o datu na nasa mas mababang kalagayan. Gregorio F. Zaide Cultural History pg. 60-63 Ang mga nabanggit na pamantayan ang dahilan kung bakit napakababait ng mga sinaunang tao sa Lupang Hinirang dahil natiis nilang maging alipin sa loob ng 377 taon. Kaapihang bunsod ng relihiyon ang dahilan kaya lamang sumiklab ang malawakang rebolusyon noong Agosto 26 taong 1896. 16
PAGHAHAMBING: SINAUNANG BATAS AT SINASABI NG BIBLIA Ang saligang batas noon ng mga katutubo sa Lupang Hinirang kahit ikumpara sa kautusan ng Lumang Tipan ay hindi nalalayo. Mas mahigpit pa nga ang kautusan ni Moises kung tutuusin, dahil sa halos lahat ng mga pagsuway ang hatol ay babatuhin hanggang kamatayan (Bilang 15:35-40). ANG MGA KAPARUSAHANG ITINAKDA SA LUMANG TIPAN Ang sumakit sa isang tao, na ano pa’t mamatay ay papataying walang pagsala. At kung hindi sinasadya ng isang tao, kundi ang Dios ang naghulog sa kaniyang kamay; ay lalaanan kita ng isang dako na kaniyang tatakasan. At kung magtangka ang sinoman sa kaniyang buhay, na pumatay na may daya, ay alisin mo siya sa aking dambana upang patayin. At ang sumakit sa kaniyang ama o sa kaniyang ina ay papataying walang pagsala. At ang magnakaw ng isang tao, at ipagbili, o masumpungan sa kaniyang kamay, ay papataying walang pagsala. At ang lumait sa kaniyang ama, o sa kaniyang ina ay papataying walang pagsala. At kung may magbabag, at saktan ng isa ang isa, ng bato o ng kaniyang suntok, at hindi mamatay kundi mahiga lamang sa banig. Kung makabangon uli at makalakad sa tulong ng kaniyang tungkod ay ligtas nga yaong sumakit sa kaniya; pagbabayaran lamang niya ang panahong nasayang, at kaniyang pagagalinging maigi. At kung saktan ng sinoman ang kaniyang aliping lalake o babae, ng tungkod at mamatay sa kaniyang kamay; ay parurusahan siyang walang pagsala. Gayon ma'y kung tumagal ng isang araw o dalawa, ay hindi siya parurusahan: sapagka't siya'y kaniyang salapi. At kung may magbabag at makasakit ng isang babaing buntis, na ano pa't nakunan, at gayon ma'y walang karamdamang sumunod: ay tunay na pagbabayarin siya, ayon sa iaatang sa kaniya ng asawa ng babae; at siya'y magbabayad ayon sa ipinasiya ng mga hukom. Datapuwa't kung may karamdamang sumunod, magbabayad ka nga ng buhay kung buhay, Mata kung mata, ngipin kung ngipin, kamay kung kamay, paa kung paa, Paso kung paso, sugat kung sugat, bugbog kung bugbog. EXODO 21:12-25
MGA KATUTUBONG KAUGALIAN AT AKLAT NG GENESIS Sa kaugalian man ay may pagkakapareho ang mga sinaunang Pilipino sa mga Hebreo sa panahon ng aklat ng Genesis: Ginampanan ni Cain at Abel ang paghahain (Genesis 4:3-4) at maging ni Noe (Genesis 8:20), bago pinanabog ng Dios ang wika sa buong lupa (Genesis 11:1-9). Ang mga katutubo sa Lupang Hinirang noon ay nag-aalay para sa kapayapaan at upang ang mga anito ay mamagitan sa Dios.
17
Noon wala pang kautusang nasusulat bagaman may tagapangaral ng katwiran ng Dios (II Pedro 2:5) . 1400 B.C. lamang ibinigay ng Dios kay Moises ang mga kautusang nasusulat: Ang mga sinaunang tao sa Lupang Hinirang ay may katutubong kautusan, gabay nila ang likas na paggalang sa mga espiritu at paniniwala na may Makapangyarihang Dios na sinasamba sa Espiritu. Isang katwiran ng Dios na matatagpuang nakasulat sa Bagong Tipan dahil hinahanap ng Ama ang mga sasamba sa Kanya sa Espiritu at katotohanan (Juan 4:23). Noon totoong malayo ang Dios sa tao, dahil sinabi Niya na hindi makikipagpunyagi ang Kanyang Espiritu sapagkat ang tao’y may laman (Genesis 6:3). Mga anghel ang nakakaugnayan ng mga tao noon na may mas mababang kalagayan kaysa Dios. Sila ang malapit sa mga tao at nagkaanak pa nga sa mga anak na babae ng tao (Genesis 6:1-4). Ang mga katutubo sa Lupang Hinirang noon ay naniniwala na may isang Dios na Makapangyarihan sa lahat na malayo sa tao. Sa mga anito lamang Siya nakikipag-usap. Kaya sa mga anito na nasa mas mababang kalagayan sila dumudulog at naghahain upang mamagitan para sa kahilingan nila sa Dios.
KONSENSYA KATUTUBONG KAUTUSAN NA NASA TAO May taglay at likas na paggalang sa mga espiritu ang mga sinaunang tao sa Lupang Hinirang. Gabay nila ang katutubong kautusan na umiiral sa tao mismo. Ang bagay na ito ay nasusulat at sinasabi din naman nang Bagong Tipan: ANG KAUTUSANG KATUTUBO O LIKAS SA TAO Sapagka't kung ang mga Gentil na walang kautusan sa katutubo, ay nagsisi gawa ng mga bagay ng kautusan, ang mga ito, na walang kautusan, ay siyang kautusan ng kanilang sarili; Na nangagtatanyag ng gawa ng kautusang nasusulat sa kanilang puso, na pinatotohanan ito pati ng kanilang budhi, at ang kanilang mga pag-iisip ay nangagsusumbungan o nangagdadahilanan sa isa't isa. ROMA 2:14-15 “Sapag ka't kung ang mga Gentil na walang kautusan sa katutubo ay nagsisigawa ng mga bagay ng kautusan...." Hango ito sa Bibliang Ingles na "For when the Gentiles, which have not the law, do by nature the things contained in the law...." Mula sa salitang Ingles na "nature" ang salitang "katutubo" na hinango naman sa wikang Griyegong "Phusis," likas o natural sa pagkatao ang ibig sabihin. Sa pamamagitan ng kalikasang ito nagtatalo ang isipan at damdamin ng tao na ang tawag ay konsiyensya. Ang mga walang konsiyensya o mga walang budhi ay kabilang sa mga tao na nabuhay o namumuhay pa sa lupa na puro pagpapakalayaw at pagsasamantala lang sa kapwa ang ginawa nilang pamumuhay sa mundo.
Bukod sa katutubong kautusan, may katwiran ngayon ang Dios na sinasaksihan naman ng kautusang nasusulat ayon sa mga propeta: Ito’y ang pananampalataya kay Jesucristo (Roma 3:21-22) para maihatid ang tao sa isang daang bago na nabuksan dahil sa Kanyang naging pagpapakasakit at kamatayan sa krus (Hebreo 10:19-22). Ang mga kaloob na ayon sa Biblia ay katangian na ng mga sinaunang pari sa Lupang Hinirang noon pa, ang mga babaylan, catalonan atbp. Subalit ngayong panahon na ng pagbabago ang lahat ay kailangang sumunod sa mga aral ng Biblia at pasakop sa Dios sa Pangalan ng Panginoong Jesucristo. 18
Mula sa sinaunang paniniwala - kung makikilala ng mga katutubo sa Lupang Hinirang si Cristo at susunod sila sa mga aral ng Panginoon na nasa Biblia. Lalandas sila sa isang daang bago na may higit at malinaw na pagkakilala sa Dios. Kaya mula sa malabong pagkakilala sa Dios ang lahat ay lilinaw na gaya ng salamin. Sapagkat hinahanap din ng Dios ang mga tunay na sasamba sa Kanya sa Espiritu at katotohanan (Juan 4:21-23).
MEDIUM ANG MGA ALAGAD NG DIOS Ang pagiging medium sa espiritu ng mga babaylan at mga catalonan atbp. ay hindi rin labag sa Biblia. Sapagkat walang karapatan ang sinuman na magsabi na masama ang isang espiritu kung mabuti ang ginagawa. Para masiyasat kung mabuti o masama ang isang espiritu dapat ay bukas ang mata ng tao sa mga bagay na hindi nakikita ng karaniwang mata. Ang mga tao na may ganitong katangian ang nakakakita at nakakaalam kung banal, mabuti o kaya’y masama ang espiritu na lumalangkap sa isang medium. Dios ang nagbibigay ng mabuting Espiritu (Nehemias 9:20), kaya maging sa Biblia ay mababatid na ang mga lingkod ng Dios ay mga medium din na gaya ng mga sumusunod:
Mga medium sina Moises at Aaron dahil sumasa-bibig nila ang Dios (Exodo 4:15);
Medium si Josue dahil kinakasihan ng Espiritu
Medium si Ezekiel dahil sumasakanya ang Espiritu at nagsasalita sa kanya
Medium si Daniel dahil isang marilag na Espiritu ang nasa kanya (Ezekiel 2:1-2);
(Bilang 27:18); (Ezekiel 2:1-2);
Totoong may mga medium dahil sinasabi na " Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu na tayo ay mga anak ng Dios (Roma 8:16)." Utos din sa mga alagad ng Dios na magpagaling ng mga maysakit at magpalayas ng mga demonio ng walang bayad (Mateo 10:5-8).
ANG PAGWASAK NG MGA KASTILA SA LUPANG HINIRANG Para ganap na sakupin ang mga katutubo sa Lupang Hinirang ang ginawa ng mga Kastila ay pinalitan nila ang sinaunang baybayin ng Latinong alpabeto. Unti-unting winasak ng relihiyon at pamahalaang Kastila - ang pundasyon nang edukasyon at relihiyon ng mga sinaunang tao sa Lupang Hinirang na nag-uugat sa pamilya. Sa kalagitnaan ng ikalabing-walong siglo madalang na ang nakakabasa at nakakasulat ng katutubong salita. "Lahat sila ay bumabasa at sumusulat ng ating mga letrang Kastila ngayon," ang wika nang paring si Sebastian Totanes noong 1745. Ang mga misyonaryong Kastila ay walang habas na winawasak ang lahat ng inaakala nilang mula sa demonyo at pinapalitan ng sarili nilang literatura (Kay Magellan inumpisahang sunugin ang mga tanda sa kasaysayan ng mga katutubo sa Lupang Hinirang, Barangay pg.86). ANG SALITA NI GAT. ANDRES BONIFACIO: " Ang mga Pilipino noon ay pinamamahalaan ng tunay nating mga kababayan bago dumating ang mga Kastila. Namumuhay na may dakilang kaunlaran at kasaganaan, bata at matanda, maging ang mga babae ay marunong bumasa at sumulat ng sinaunang alpabeto na mula sa atin." 19
ANG SALITA NG PAMBANSANG BAYANI NA SI JOSE RIZAL Hindi basta nobela ang Noli Me Tangere. Isinulat ito ni Dr.Jose Rizal sa dakilang pintor na si Felix Ressureccion Hidalgo. Ayon kay Rizal:
"Noli Me Tangere,” mula sa evangelio ni Lucas 6:19 , " Huwag mo akong salingin” ang ibig sabihin: Naglalaman ang aklat ng mga bagay na walang sinuman sa atin na nagsalita hanggang ngayon. Napakaselan nila na hindi maaaring mahawakan ninuman. Sa ganang akin tinangka kong gawin ang bagay na walang sinumang gustong gumawa. Sinubukan kong sagutin ang mga paghamak na ibinunton sa atin at sa ating bansa ng maraming siglo. Inilarawan ko ang kalagayan ng tao, ang buhay, ang ating paniniwala, ang ating pag-asa, ang ating mga hangarin, ang ating mga daing, ang ating mga luha. Inilantad ko ang pagkukunwari na nasa ilalim ng balatkayo ng relihiyon, dumating upang tayo'y pahirapan at lapastanganin; natutunan kong makilala ang tunay na relihiyon mula sa mali, mula sa pamahiin, mula doon sa mga humahadlang sa banal na salita upang kumatas ng salapi, para paniwalain tayo sa panggagaway, kung saan mapapahiya ang Katolisismo kung ito'y alam nila." (Sa hindi malamang dahilan, mali ang talata na isinulat ni Agoncillo dahil ang “Huwag mo akong salingin” ay hango mula sa sa litang Ingles na “touch me not.” Hindi sa Lucas 6:19 nakasulat ito kundi sa Juan 20:17 KJV.)
Teodoro A. Agoncillo History of the Filipino People pg.96, 100, 139-140
REBELYON SA LUPANG HINIRANG NA KAUGNAY NG RELIHIYON Mapang-aping relihiyon at Cristo ang ipinakilala ng mga Kastila sa Lupang Hinirang. Marami silang mga aral na hindi tumutugon sa Biblia. Pang-aapi ang pangunahing dahilan kung bakit maraming katutubo ang nagpatuloy sa nakagawian at ang iba naman ay nagbalik sa sinaunang paniniwala. Tulad ng naging katwiran ng isang matalinong Bisaya sa paring si Alcina: "Padre, di kami nag-aalinlangan na magkakaroon ng isang kalangitan para sa mga Kastila pero hindi para sa mga Bisaya. Dahil nilikha kami ng Dios sa bahaging ito ng mundo na masyadong kakaiba sa iyo; simula pa ay nakikita na natin na hindi kami pinapayagan ng mga Kastila na maupo sa kanilang mga bahay dito, o pagpakitaan kami ng kahit anumang paggalang. Gaano pa kaya doon kung saan sinasabi mo na puro karangyaan, maharlika at walang hanggan ang kaluwalhatian?" William Henry Scott Barangay, pg. 93
Ang sinaunang pananaw at paniniwala sa Lupang Hinirang ay hindi ganap na nagbago kahit sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Kahit nang magkaroon na ng mga Konsulado ng iba't ibang bansa tulad ng: Rusya at Amerika (1817), Pransiya at Alemanya (1835), Britanya (1844) at Japan (1888). Nagpatuloy ang tradisyon ng mga matatanda sa pamamagitan ng sali't saling sabi. "Ang mga paniniwalang relihiyoso at iba pa ay hindi naalis kahit sa pagdating ng Kanluraning sibilisasyon. Ginagawa ang karamihan sa kanila sa likod ng mga Cristianong Misyonaryo, ang resulta naging kaagapay ito ng Katolisismo. Nanatili ang mga elemento ng paganismo at pinasok nito ang bagong relihiyon. Ngayon, sa malalayong pook o ilang malalaking siyudad ang Katolisismo ay isang kataka-takang pagsasanib ng Cristianismo at paganismong paniniwala. Kaya kakaiba ang Katolisismong Pilipino.” (Malungkot isipin na isa si Teodoro Agoncillo sa mga n aniniwala na pagano ang kanyang mga n inuno) Teodoro A. Agoncillo History of the Filipino People, pg.116, 48 20
PAGPASOK NG ARAL KATOLISISMO AT PROTESTANTISMO Ang mga aral ng Katolisismo ay akma lamang sa pangangailangan ng mga sinaunang tao sa Lupang Hinirang matapos ang kamatayan. Subalit hindi sa pang-araw-araw na pangangailangan, kung saan nakaugnay ang espiritu sa lahat ng mga bagay sa kanilang buhay. Walang teolohiya ang Katolisismo sa kalikasan, pangingisda, pangangaso, kung saan magtatayo ng bahay at lalunglalo na kung paano lulunasan ang mga karamdamang likha ng mga espiritu. Dalawang uri lang ng espiritu ang kinikilala ng Katolisismo, ang mabuti at masama o ang mga espiritu ng kabanalan at mga espiritu ng kadiliman. Ang pagtanggap sa mga rebultong santo ng Simbahang Katoliko ay naging madali dahil na rin sa paniniwala ng mga sinaunang tao noon sa mga anito. Subalit hindi sa isang Dakilang Dios na sinasamba sa Espiritu. Nang pumasok ang Protestantismo sa panahon ng mga Amerikano, ang naging hangarin naman ng mga ito ay ialis sa Katolisismo ang mga Pilipino. Subalit tulad din ito ng Katolisismo na walang teolohiya sa kalikasan, pangingisda, pangangaso, kung saan magtatayo ng bahay o kung paano gagamutin ang mga espiritual na karamdaman. Dadalawang uri din ng espiritu ang kinikilala ng mga Protestante, ang mga banal at ang mga demonyo. Wala din itong pananaw tungkol sa mga espiritu ng kalikasan. Muling naganap ang kakaibang pagsasanib ng sinaunang paniniwala at ng bagong relihiyon. Lumapat ang Protestantismo sa pananaw ng mga sinaunang Pilipino na ang Dios ay Espiritu, subalit hindi sa paniniwala sa iba't ibang uri ng espiritu (Mababasa ang malaking bahagi ng bagay na ito sa aklat ni Rodney L. Henry, ang “The Filipino Spirit World ”).
Ang hindi paniniwala sa mga espiritu ng kalikasan ang isa sa mga dahilan kaya ayaw tanggapin ng mga Lumad ang mga aral ng mga paring Katoliko. Sa kanilang pananaw, higit itong nakapinsala sa kanila kaysa nakatulong. Humingi ng paumanhin ang Simbahang Katoliko sa mga tribung ito na nalathala sa pahayagang The Daily Inquirer noong Agosto 6, 1997.
RELIHIYOSONG REBELYON LABAN SA MGA KASTILA Dahil sa hindi maka-taong pag-trato ng Pamahalaang Kastila lalo na nang mga paring Kastila, maraming katutubo ang nagbalik sa sinaunang paniniwala at nagbunsod ng rebelyon:
Ang babaylan na si Tamblot na nagbalik sa sinaunang paniniwala na nagrebelde noong taong 1621-1622. Ang buong lugod na tumanggap kay Miguel Lopez de Legazpi noong 1565 na si Datu Bankaw ng Limasawa kasama ang babaylan na si Pagali . Binautismuhan si Datu Bankaw ng kanyang kabataan ngunit nagbalik sa sinaunang paniniwala ng tumanda at nagbunsod ng rebelyon. Maraming nagsibalik sa kanilang sinaunang paniniwala sa halip na yakapin ang bagong relihiyon: sina Miguel Lanab at Alababan noong 1625-27, si Tapar noong 1663, si Francisco Rivera noong 1718, at si Ermano Apolinario de la Cruz noong 1840-41, at ang mga Igorot ng Cordilleras. Teodoro A. Agoncillo History of the Pilipino People, pg. 104-105
21
Hindi maikakaila na nanatili ang sinaunang paniniwala ng mga katutubo sa Lupang Hinirang sa kabila ng paghihigpit ng mga Kastila. Naging grupo ng mga rebelde ang mga babaylan ng Bohol sa pangunguna ni Isio. Subalit itinuring niya ang kanyang sarili na gaya ng Papa sa Roma, kasabay ng pagyakap sa sinaunang paniniwala (“Babaylanism in Negros” ni Evelyn Tan Cullamar) . Ang halimbawa ni Isio ang dahilan kaya may mga babaylan na may mga rebulto ngayon. Bagaman sinauna ang paraan ng kanilang panggagamutan ang paniniwala nila sa Dios ay hango sa pananaw ng Katolisismo. Kaya mahirap silang ituring o mas angkop na sabihing hindi na sila maituturing na mga Animista.
ANG KASAYSAYAN NG ESPIRITISMO SA MUNDO Sa Europa ang Espiritualismo ay orihinal na nagmula sa ilalim ng pangalang Espiritismo. Ang doktrina ng reinkarnasyon ay may mahalagang posisyon sa mga pagtuturong espiritual na inihayag sa mga unang mga kasapi ng kilusang Espiritista. Marami ang mga tumututol sa pananaw na ito dahil sa paniniwalang Cristiano. Nagbunsod ito ng pagkakaroon ng pangkat na tumututol sa reinkarnasyon at tinawag ang kanilang mga sarili na Espiritualista. Ang mga patuloy na tumatanggap sa reinkarnasyon ayon sa presentasyon na pinagsama- sama ni Allan Kardec sa “The Spirits’ Book” ay patuloy na tinawag ang kanilang mga sarili na mga Espiritista. Espiritismo pa rin ang pinakamalawak na relihiyosong pananaw sa Brazil. Donald Watson The Dictionary of Mind and Spirit, pg. 320
ESPIRITUALISMO AT PILOSOPIYA Sa pilosopiya, katangian ang anumang sistemang pangkaisipan na naniniwalang may realidad na hindi materyal ngunit wala sa hinagap ng mga damahin. Ang ibig sabihin, yumayakap ang espiritualismo sa napakalawak na kaayusan na labis na nagpapaunlad sa pilosopikal na pananaw. Higit na angkop, iniuugnay ito sa anumang pilisopiyang tumatanggap ng opinyon tungkol sa isang walang hanggan, personal na Dios, imortalidad ng kaluluwa, o kawalan ng anyo ng kaisipan at hangarin. Ang espiritualismo sa kahulugan ay hindi nagsasabi ng anuman tungkol sa materya, kundi sa kalikasan ng isang Makapangyarihan sa Lahat o isang pandaigdigang lakas o ang eksaktong kalikasan ng espiritual na realidad mismo. Maituturing na si Plato ay isang espiritualista dahil sa kanyang pananaw sa kaluluwa, gayundin si Aristotle sa pagkaalam ng aktibo at hindi aktibong kaunawaan at pananaw na ang Dios ay aktualisasyon (kaalamang kumikilala sa sarili). Si Rene Descartes na karaniwang tinatanggap na ama ng modernong pilosopiya ay tinatanaw ang kaluluwa na katangi-tanging pinagmumulan ng mga pagkilos, kaiba ngunit kumikilos sa loob, isang katawan. Encyclopedia Britannica CD99
22
PAGBABALIK TANAW KAY ALLAN KARDEC Leon Denizarth Hippolyte Rivail, higit na kilala sa kanyang pangalan sa panulat na Allan Kardec, ipinanganak sa Lyons noong ika-4 ng Oktubre 1804, mula sa kilalang pamilya ng mga mahistrado. Ipinanganak sa isang Katolikong bansa subalit aral sa isang Protestante. Siya ay isang abogado, eskolar at astronomer. Siya ay aktibong bahagi sa mga paggawa ng Society of Magnetism, at labis na nag-ukol ng oras sa praktikal na pagsisiyasat ng sonambolismo, trance, clairvoyance at iba-ibang penomena. 1850 nang ang iba’t ibang penomeno ay pumukaw sa Europa na simula pa ay kilala na bilang espiritista. Pagkakita ng napakalaking kahalagahan nito sa agham at relihiyon, maagap ngunit maingat na siniyasat ni Leon ang tunay na kalikasan ng penomena.
May kaibigan siya na may anak na dalawang babae na naging mga medium. Kapag sila ay naka-aktong medium at mga kaedad ang kasama, ang mga komunikasyon ay may kaugnayan sa sanlibutan ayon sa kanilang mga pananaw at desisyon. Subalit kapag siya ay naroroon, ang mga mensahe sa pamamagitan ng dalawang kabataang medium ay masyadong malalim at seryoso ang karakter. Sa pagtatanong ay sinabi: Mga espiritu na nasa mas mataas na antas ng kalagayan kaysa karaniwang nakikipag-ugnayan ang dumarating dahil sa kanya, at patuloy nila itong gagawin para magampanan niya ang isang relihiyosong misyon. Agad niyang sinubukan ang katotohanan nito sa pamamagitan ng mga progresibong katanungan na may kaugnayan sa iba’t ibang suliranin ng tao at ng sandaigdigan, ang kasagutan ang naging basehan ng teoryang espiritista. Nang hangarin niya na isulat ang mga naging komunikasyon ay sinabi sa kanya: “sa aklat kung saan iyong kakatawanin ang aming mga turo, ibibigay mo bilang ating gawa kaysa iyo, ang titulong Le Livre Des Esprits (The Spirits Book); at isasa-publiko mo ito hindi sa ilalim ng iyong pangalan, kundi sa pangalan sa panulat na Allan Kardec.” Matapos na maisapubliko ang aklat, itinatag ni Allan Kardec ang The Parisian Society of Psychologic Studies, sa hangaring matamo sa pamamagitan ng mga medium ang kapaliwanagan sa katotohanan ng tungkulin. Maraming mga katulad na asosasyon ang dagling nabuo sa buong mundo. Maraming mga isinapublikong lathalain ang naipadala sa Parisian Society . Isang napakalaking koleksyon ng aralespiritu ang sumakamay ni Allan Kardec, sa loob ng labing-limang taon. Mula sa mga materyales na ipinadadala sa kanya sa bawat sulok ng mundo, napalaki at nakumpleto niya ang The Spirits’ Book . Ang binagong edisyon ng The Spirit’s Book ay lumabas noong taong 1857; ang The Mediums’ Book naman ay lumabas noong taong 1861; The Gospel as Explained by Spirits noong 1864; Heaven and Hell noong 1865 at Genesis noong 1867. Mapapansin na sa mga naisagawa, si Allan Kardec ay hindi medium kundi inobliga ang sarili sa pagpapalawak sa pagka-medium ng iba para sa pagtatamo ng kahayagang-espiritual. Ang kamatayan ni Allan Kardec ay hindi nakabawas sa kanyang sinimulan, kundi naging basehan ng pagbabago ng relihiyosong pananaw ayon sa prediksyon ni Cristo. Anna Blackwell The Spirits’ Book, Preface 23
ANG KASAYSAYAN NG CRISTIANO ESPIRITISMO SA PILIPINAS Ang Espiritismo Cristiano (Christian Spiritism) sa Pilipinas ay masasabing isang sangay na nagumpisa ng rebolusyon noong 1896. Ang mga pangunahing Cristianong Espiritista na nagtatag ng Espiritismo sa Pilipinas ay mga Rebolusyonaryong Katipunero. Sila ay sina Juan Alvear ng San Fabian Pangasinan at Agustin de la Rosa ng Maynila na parehong aktibong Katipunero noong rebolusyon ng 1896. Si Agustin De la Rosa ang naging unang presidente ng Union Espiritista Cristiana noong 1905, ito ay matapos magsanib ang mga Espiritista ng Pangasinan, Maynila at mga probinsya ng Katagalugan. Nasa pangunguna ni Alvear ang Pangasinan at nasa pamumuno naman nina De la Rosa at Casimiro Pena ang Maynila, kasama na ang mga probinsya ng Katagalugan. Sa panahon ni Aguinaldo nagsanga sa tatlong pangkat ang rebolusyon sa Pilipinas:
Ang grupo ni Aguinaldo ay nagpatuloy sa armadong pakikibaka. Ang grupo naman ni Gregorio Aglipay ay nagpatuloy ng krusada para sa kalayaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng simbahan na kumalas sa kontrol ng Vatican. Si Aglipay ang naging unang obispo ng Iglesia Filipina Independiente. Binubuo naman ang ikatlong grupo ng mga unang Cristianong Espiritista, na nasa pangunguna nina Juan Alvear, Agustin De la Rosa at Casimiro Pena. Juanito M. Beo, The Historical Roots of Christian Spiritism Faith Healing & Psychic Surgery II The Phil. Society for Psychical Research Foundation Magazine
PASIMULA NG MGA CENTRO NG ESPIRITISMO SA PILIPINAS Taong 1900 sa atas ng Banal na Espiritu, si Don Agustin dela Rosa at ang kanyang mga kasamahan ay nagtatag ng kaunaunahang Centro ng Espiritismo sa Lungsod ng Maynila. Dito nila regular na isinasagawa ang paglilingkod espiritual na sumasamba sa Dios sa Espiritu at Katotohanan. Pinalaganap nila ang Espiritismo sa ibang lugar at habang nadadagdagan ang naniniwala, dumadami din ang mga Centro ng Espiritismo. Lumaganap ito sa mga lalawigan ng Rizal, Bulacan, Pampanga, Cavite, Laguna, Batangas at Timog Quezon. Taong 1903 sa atas ng Banal na Espiritu itinatag naman ni Don Juan Alvear ang unang Centro ng Espiritismo sa kanyang sariling bayan sa San Fabian, Pangasinan. La Perseverancia ang pangalan na ibinigay ng Banal na Espiritu sa Centro. Simula dito, lumaganap pasilangan ang Espiritismo sa ibang mga bayan ng Pangasinan, Tarlac, Nueva Ecija, Hilagang Quezon, Nueva Viscaya hanggang Ilocos region, Cagayan Valley, Mountain Province at pagkatapos ay sa Visayas at Mindanao.
ANG PAGKAKATATAG NG UNION ESPIRITISTA CRISTIANA Pebrero 19, 1905, nagpasiya ang kapatiran ng Espiritismo sa Pangasinan na pag-isahin ang kanilang samahan na kasama ang mga taga-Maynila. Nagpadala si Don Juan Alvear ng mga kinatawan upang gampanan ito sa pangunguna ni Florentino Soriano at Alejo Baltazar para magkaroon ng pagpupulong sa Maynila. Ngunit nagpasiya si Agustin dela Rosa at mga kasama na huwag madaliin ito. Gusto muna nilang siyasatin patunayan at pag-aralang mabuti ang katotohanan, unang-una na ang tungkol sa Banal na Espiritung protektor. 24
Makaraan ang mahigit tatlong taon matapos matiyak ang katotohanan ng mga aral ng Banal na Espiritung protektor, nakumbinsi ni Don Agustin dela Rosa at mga kasama na pag-isahin na lamang ang samahan at tuloy irehistro. Pebrero l9, 1909, nanumpa sila at lumagda sa Mga Artikulo ng Inkorporasyon sa harapan ni Don Luciano dela Rosa upang magpatala sa Bureau of Commerce at nagkasundo na ang maging pangalan ng relihiyosong organisasyon ay Union Espiritista Cristiana De Filipinas Inc . Pebrero 19, 1909 ang pagpapatala ay sinang-ayunan ng Bureau of Commerce, naging legal na rehistrado ang Espiritismo sa Pilipinas at binigyan ng 50 taong pag-iral na nagwakas noong ika-19 ng Marso 1959. Ang samahan ay muling inirehistro sa ilalim ng Security and Exchange Commission bilang 15147 para sa karagdagang 50 taong muli. ANG KANILANG MGA MOTO: Hacia por la ciencia y el amor Para sa ika-uunlad ng agham at pag-ibig Guerra la ignorancia y el fanatismo Pakikidigma laban sa ignoransiya at panatismo Sin caridad no hay salvacion posible Walang kaligtasan kung walang kawanggawa Todos para una y una para todos Isa para sa lahat, lahat para sa isa Halaw mula sa isang lathalain ng: Union Espiritista Cristiana de Filipinas Inc.
PAGTATATAG NG THE CHRISTIAN SPIRITIST OF THE PHILS. INC. Sa panahon ng pamamahala ni Dr. Dominador Viola sa Union Espiritista Cristiana de Filipinas Inc . nag-umpisang mahati ang mga Cristianong Espiritista. Tinutulan ng kauna-unahang materyal operador na si Elueterio Terte ang pananaw ni Dr. Viola na si Cristo ay tao. Nagbunsod ito ng mahabang debate na inabot ng mga taon, hanggang magdesisyon si Elueterio Terte na humiwalay sa samahan. Sinabi ni Terte na ang lahat ng Espiritista na naniniwala na si Cristo ay tao, sumama kay Dr. Viola; Ang naniniwala naman na si Cristo ay Diyos ay sumama sa kanya. Ang nabanggit ang dahilan kaya naitatag ang The Christian Spiritist of the Phils Inc. noong taong 1966. Ang pahayag na ito ay mula mismo sa bibig ng mga matatandang medium na sina Magno Mones at Dionisio Gaspar, kasama sila sa mga nanindigan sa panahon ng debate na si Cristo ay Dios. Bagaman walang talaan ang The Christian Spiritist of the Phils Inc. na si Dionisio Gaspar ay bahagi ng unang bugso ng mga tumiwalag sa Union Espiritista Cristiana de Filipinas Inc . na pinangunahan ni Terte.
MGA UNANG MATERYAL OPERADOR O PSYCHIC SURGEON Sa daigdig ng mga tunay na Cristianong Espiritista ay batid ng lahat na si Elueterio Terte ang naging kauna-unahang materyal operador o psychic surgeon. Sa pahayag ng mga kapatiran ng The Christian Spiritist , may pitumpung medium noon na nagnais maging materyal operador – isa-isa silang pinatungan ng kamay ni Elueterio Terte at tatlo sa kanila ang nawalan ng diwa. Sila ang mga nahirang ni Terte. Ayon mismo sa pahayag ni Magno Mones, ang mga kasama niyang nahirang ay sina Antonio Agpaoa at isang babaeng medium na taga-Pangasinan. Si Elueterio Terte mismo ang nagsanay sa kanila para maging materyal operador. 25
Sa panahon ng pagiging materyal operador ni Elueterio Terte, siya ay naglingkod ng tapat at walang bayad – nanatiling magsasaka at namatay na isang mahirap. Sinundan ni Magno Mones ang mga yapak ni Eleuterio Terte, naging tapat din siya sa Dios at naglingkod sa tao ng wala ring bayad. Nanatili sa Gabaldon Nueva Ecija si Magno Mones na naging materyal operador sa loob ng dalawamput-anim na taon, bago isinuko ang kaloob na kapangyarihan. Ayon sa kanya, batay ito sa kasunduan nila ng kanyang Espiritu Protektor o Spirit Guide. Si Dionisio Gaspar naman ay pinagkalooban ng materyal na operasyon ng Espiritu, subalit agad niyang isinuko sa takot mahiwalay sa Dios. Ginawa n’ya ito ng siya ay makadama ng pagmamapuri sa taglay na kaloob. Bagaman patuloy sa masikap na paglilingkod, nanatili na lamang siya sa operasyong espiritual. Ayon sa kanya si Cristo ang gusto niyang makilala at hindi siya. Dakila ang pananampalataya ng dalawang matandang medium, mabuti silang halimbawa ng mga tunay na Cristianong Espiritista at hindi ito mapasusubalian. Ang kanilang katapatan ay hindi matutumbasan ng salapi. Pahayag ito ng mga kapatiran ng The Christian Spiritist at kapwa mga medium na sina Cardito Aguilan at Jimmy Baluyot. Ang Union Espiritista Cristiana de Filipinas Inc . ang unang rehistradong pinagmulan ng samahan ng mga Cristianong Espiritista. Wala silang mga rebulto na tulad ng mga Centro ng The Christian Spiritist . Gremon Inquito The Inner Light Study Group
ANG MGA ESPIRITISTANG MAY REBULTO Ang mga espiritual na nanggagamot na may mga rebulto ay hindi orihinal na nagmula sa mga sinaunang mga Cristianong Espiritista. Hindi rin maaaring sabihing mga pari ang pamantayan nila sa panggagamutan. Sapagkat ugatin man ang kasaysayan, ang mga prayle ay hindi nanggamot o nanggagamot ng mga karamdaman espiritual o materyal man. Manapa ang idinulot ng mga prayle sa mga ninuno nang mga Pilipino ay labis na kaapihan, isang malalim na sugat sa kaluluwa. Lohikal mang tanawin mas may kaluwalhatian ang gumawa kaysa ginawa. Kung ang sinuman ay gagawa ng anumang larawang inanyuan at saka n’ya papahiran ng pabango, luluhuran at titirikan ng kandila, s’ya mismo ang hahamak sa kanyang sarili. Hamak ang tao kapag lumuhod sa larawang inanyuan na ginawa ng kanyang mga kamay at mas lalo pang hamak kapag lumuhod sa gawa ng kamay ng ibang tao. Kapag hinamak ng tao ang kanyang sarili kasabay nito ay hinahamak din niya ang Dios na lumalang sa kanya. Hindi lahat ng Espiritista ay dapat paniwalaan: Ang Espiritung sumasanib sa mga medium ay dapat subukin sa pamamagitan ng mga pahayag at mga gawa (Juan 4:1). Ang pamantayan sa tunay na lingkod ng Dios ay aral ng evangelio at paglilingkod ng walang bayad. Kung ang mga pahayag na lumalabas sa bibig ng isang medium ay labag sa mga sinasabi ng Biblia (I Corinto 4:6), dapat lang itong itakwil kahit sabihin pang Anghel, Propeta o Apostol ang bumaba at nakalangkap (Galacia 1:8).
LAYUNIN NG CRISTIANO ESPIRITISMO SA LUPANG HINIRANG Ang mga nagpasimula ng Cristiano Espiritismo sa Pilipinas ay mga naging bahagi ng rebolusyon. Kaya malinaw na ang hangarin ng rebolusyon ay hindi lamang para sa kalayaan ng Bayan, kundi maging sa mapagsamantalang relihiyon ng mga dayuhan.
26
Kung hindi sa mga rebolusyonaryo na tulad ng mga unang Espiritista at mga paring Aglipayano, walang ibang relihiyon na maaaring maitatatag sa Pilipinas maliban sa Katolisismo. Dahil sa panahon na tinatalakay ang Malolos Konstitusyon, may nagsusog na maging opisyal na relihiyon ng Pilipinas ang Katolisismo. Nagkaroon ito ng debate at dalawang ulit na nagtabla. Sa dakong huli nagwagi ng isang boto ang mga tutol na ang Katolisismo ang maging opisyal na relihiyon sa Lupang Hinirang. Dito unang nabuo sa Lupang Hinirang ang batas na naghihiwalay sa Estado at Simbahan. Sa pagtalakay ng Malolos Konstitusyon, walang representasyon ang anumang relihiyon maliban sa grupo ng mga Cristianong Espiritista, grupo ng mga Aglipayano at mga Katoliko. Hindi batid ng marami ang panimulang adhikain ng rebulosyon pagdating sa antas ng relihiyon kaya marami ang patuloy na nakayakap sa relihiyong dayuhan. Mga relihiyon na nag-aari ng mga pinakamamalaking lupain sa Lupang Hinirang. Umaangkat sila sa ibang bansa at nagnenegosyo, subalit hindi pinagbabayad ng buwis ng pamahalaan. Sa mga relihiyong ito ang Katolisismo ang pinakamalaki. Sa bagay na ito kapag Biblia ang batayan, anumang relihiyon ay dapat pagbayarin ng buwis dahil may kautusan tungkol dito (Roma 13:7). Si Cristo mismo ay nagsisilbing halimbawa dahil hindi Niya itinangi ang Kanyang sarili kundi Siya man ay nagbayad din ng buwis (Mateo 17:24-27). Sa puntong ito, dapat tayong magkaisa at tandaan ang mga aral na iniiwan sa atin ng ating nakaraang kasaysayan. Imulat natin ang ating mga mata sa tunay nating kalagayan sa ikatatamo ng tunay na kalayaan at kasaganaan. Sapagkat mga relihiyon na itinatag ng tao at hindi ni Cristo ang tunay na ugat ng kahirapan sa ating bayan. Tandaan natin at isabuhay ang mga dakilang aral na ito ng Banal na Kasulatan: Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, At pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan. KAWIKAAN 22:6 Hawakan mong mahigpit ang turo; huwag mong bitiwan: Iyong ingatan: sapagka't siya'y iyong buhay. KAWIKAAN 4:13
CRISTIANO ESPIRITISMO ISANG BANAL NA LANDASIN Ang Cristiano Espiritismo sa Pilipinas ay hindi sa demonyo, bigay ito ng Dios at katuparan ng banal na pangako sa aklat ni Propeta Joel (2:28-31), na ibubuhos Niya ang Kanyang Espiritu sa lahat ng laman. Ang Cristiano Espiritismo ay direktang pakikipag-ugnayan sa Dios at sa Panginoong Jesucristo. Ito ay sa pamamagitan ng mga Banal na Espiritu na may tungkulin sa kabilang buhay at sa daigdig ng tao. Ang bagay na ito ay ginagampanan ng mga medium ng mga Banal na Espiritu. Ang mga Cristianong Espiritista ay nakakatulong di lamang sa pagpapalayas ng masasamang espiritu na sumasapi sa tao, kundi nakakaakay din ng mga espiritung naliligaw ng landas para magbalik-loob a Dios. Nakakatulong din ito para lunasan ang mga karamdamang bunsod ng mga espiritu. Ang espiritual na operasyon o psychic surgery at magnetismo o pranic healing ay ilan lang sa mga katangiang taglay ng mga Cristianong Espiritista.
27
ANG PSYCHIC SURGERY AT PRANIC HEALING Ang psychic surgery o operasyong walang instrumento ay dakilang handog ng Dios sa tao. Nakasulat ang mga halimbawa nito sa Genesis 2:21, ng kunin ng Dios ang isang tadyang ni Adan; sa Job 5:18 , naman ay nagsusugat at nagtatapal ang Dios; sa aklat ng Deuterenomio 32:39, naman ay "I wound and I heal " o "nagsusugat at nagpapagaling " (Putol ang pariralang ito sa Bibliang Tagalog) . Ginagawa ito ng mga kasangkapan o medium ng mga Espiritu o maging ng mga kapatiran man sa samahan ng Cristiano Espiritismo. Gayundin ang " magnetismo" o pagpapatong ng kamay sa mga bahaging may karamdaman (Marcos 16:18), " psychic healing ," " pranic healing " o "spiritual healing " ang karaniwang tawag dito ngayon. Naniniwala ang mga tunay na Cristianong Espiritista na ninais ng Espiritu Santo ang pagiral ng Espiritismo sa Lupang Hinirang upang makabahagi sa pagpapalaganap ng evangelio para sa kaligtasan ng kaluluwa (Efeso 4:23-24). Subalit hindi maitatanggi na may mga taong ginagawa itong hanapbuhay. Ang iba ay sadyang nagpapanggap at nanloloko upang kumatas ng salapi sa kapwa tao. Ang tunay na Cristianong Espiritista ay nangangaral ng evangelio at naglilingkod ng walang bayad (Mateo 10:7-8). Kaya dapat na masusing siyasatin ang bawat nagsasabing sila’y sa Dios, mahigpit na babala ito ng Biblia para huwag malinlang ang sinuman (I Juan 4:1).
ANG PAGSISIYASAT SA MGA MATERYAL OPERADOR Marami na rin ang nagsiyasat sa katotohanan ng psychic surgery o ng mga materyal operador sa Pilipinas. Ilan sa mga banyagang nagsiyasat sa katotohanan nito ay sina B. Kirchgasner Inhinyero ng Kanlurang Alemanya; M. Mc Causland ng National Federation of Healers in England; G. N. Meek Inhinyero at Psychic Researcher ng New York; Dr. H. Naegali isang Doktor na Swiss; Dr. W. Schiebeler Physicist, ng Kanlurang Alemanya; Dr. S. Seutemann isang Physiotherapist ng Kanlurang Alemanya; Donald D. Westerbuke, Bio-Chemist ng Amerika at Dr. Alfred Stelter guro nang Physics at Chemistry. Sila ang ilan sa mga dayuhan na nagdeklara sa katotohanan ng psychic surgery sa Pilipinas. Ito ay ayon sa pahayag nang pamosong Paranormal Psychic Researcher na si Jimmy Licauco. Ang kanyang mga aklat ay may kaugnayan sa mga bagay na paranormal . Ang pagsisiyasat sa katotohanan nang mga materyal operador ay mababasa sa kanyang aklat na " The Magicians of God ."
PAGSASANIB NG ANIMISMO AT CRISTIANO ESPIRITISMO Ang tanging kaibahan ng sinaunang Animismo sa Cristianismo ay ito: Tukoy sa Cristianismo kung sino ang Dios na Makapangyarihan, dahil may Biblia at kautusan ng Dios na nasusulat bilang pamantayan ng pananampalataya. Ang Espiritismo ay malaon ng bahagi ng relihiyosong paniniwala ng mga sinaunang tao sa Lupang Hinirang bago pa dumating ang mga Kastila noong 1521. Gabay ng mga ninuno ng mga Pilipino ang paniniwala sa Espiritu sa kanilang pang-arawaraw na pamumuhay. Sa panahong pangkasalukuyan ang tunay na Espiritismo sa Pilipinas ay bunsod ng sinaunang paniniwala sa Dios na pinaunlad ng pagkakilala sa Panginoong JesuCristo. Banal na pananampalataya sa Dios sa nakasanayan ng mga tapat na tagasunod na nakasalalay sa mga turo at aral ni Cristo. Isa itong relihiyosong agham kaya tinatawag na Cristiano Espiritismo o Christian Spiritism. Paraan ng pagsamba sa Dios sa Espiritu at Katotohanan (Juan 4:23-24). 28
Sa pakikipag-ugnayan sa Dios ang laging namamagitan sa tao ay mga anghel na gaya ng halimbawa ni Moises (Exodo 3:2, Gawa 7:30) ; ng mga Apostol (Gawa 5:17-20); ng senturion na si Cornelio (Gawa 10:1-3); ni Pedro (Gawa 12:11); at ni Pablo (Gawa 27:23) atbp. Ngayon sa Bagong Tipan ang mga isinusugo ng Dios at nakaka-ugnayan ng tao ay tinatawag na Mang-aaliw (Juan 14:26, I Corinto 12:28) , sa kanila nakikipag-ugnayan ang mga tunay na Cristianong Espiritista.
PAHIMAKAS: Ang pagsasaliksik na ito ay bunsod ng hangaring maunawaan ng mga Pilipino ang tunay na paniniwala ng kanyang mga ninuno. Hindi para iwan ang sinaunang paniniwala sa Makapangyarihang Dios na Espiritu. Kundi para mas pagtibayin ito sa pamamagitan ng mga aral ng Biblia at halimbawa ng Panginoong JesuCristo (Marcos 1:15). Para sa ikaliligtas ng kaluluwa, kailangan ang rebolusyonaryong pagbabago ng pananaw at pananampalataya sa Ama at Bugtong na Anak ng Dios (Juan 3:36). Alalahanin ng bawat Pilipino na hinirang ng Dios ang kanyang bayan hindi dahil sa mga relihiyong dayuhan. Kundi dahil sa sinaunang paniniwala ng kanyang mga magulang na ang Dios ay sinasamba sa Espiritu na siyang hinahanap ng Ama sa langit (Juan 4:23-24). Kalooban ng Dakilang Dios ang nagtulak upang matuklasan sa isang di sinasadyang pagkakataon - na ang Espiritismo pala sa Pilipinas ay bahagi ng pananampalataya sa Dios ng mga ninuno - bahagi ng kasaysayan ng lahi at ng rebolusyon sa hangaring mapalaya ang Inang Bayan. Ang araling ito’y handog sa lahat ng naghahanap ng katotohanan upang suriin. Dahil katotohanan lamang ang tanging magpapalaya sa tao mula sa kamangmangang bunsod ng mga maling aral. “Ito ang dakilang hangganan ng Animistang paniniwala ng ating mga ninuno - ang Tunay na Dios na tinatawag sa iba’t ibang pangalan ay mataimtim na nayayakap sa ilalim ng tunay na Cristianismo Espiritismo - tulad ng isang sintang iniibig ang pakikipagtaling – puso sa Kanya ay dapat manatiling banal hanggang sa huling higit ng hininga at hantungan ng buhay”.
May Akda Bro. BHOY ZAPATA
29