ABSTRAK
Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na malaman kung ano nga ba ang ng mga kadahilanan ng mga kabataang nahinto sa pag-aaral o mas kilala sa tawag na Out of School Youth (OSY). Pananaw ng mga piling kabataan na nahinto sa pag-aaral. Posibleng dahilan o rason kung bakit sila pansamantala o tuluyan ng titigil sa pag-aaral. Dahil nais ng mga mananaliksik na maunawaan ang mga suliranin na kinakaharap ng mga kabataang huminto sa pag-aaral, o huminto na ring abutin ang kani-kanilang mga pangarap sa buhay. Sa ganitong paraan malalaman ng mga mananaliksik ang kani-kanilang opinyon o rason kung ano nga ba ang nagtulak sa kanila para ihinto sa pag-aaral. Ang mananaliksik ay nagsagawa ng Sarbey upang malaman ang kani-kanilang opinyon upang maunawaan ng husto ang kanilang rason sa pagkahinto.
KABANATA I
INTRODUCTION
Ang isang kayamanan na kailanman ay hindi mananakaw ay ang karunungan. Karunungan na tutulong sa atin upang makamit ang lahat ng ating mga pangarap, ngunit paano natin makakamit ang inaasam na tagumpay kung ang mga biniyayaan lang ng ginhawa sa buhay ang may kakayahang makapagtapos ng pag-aaral at makuha ang inaasam na kurso pagdating sa kolehiyo. Ayon sa inilabas ng website ng Kagawaran ng Edukasyon. Anim na pong (60) mag-aaral mula sa una-ng baitang hanggang sa ika-anim na baitang ay 25-40 lamang ang
nagsisipagtapos nito. Pagdating sa Highskol ganon pa rin raw kong sa loob ng klase ay 60 na mag-aaral paggraduate nito 25-35 lamang ang mabibigyan ng diploma karamihan raw dito ay nag-aasawa na o kaya may trabaho na kahit hindi pa sakto sa edad. Samantala sa kolehiyo raw ang pinakamalaking porsiyento ng mga mag-aaral na ang di makapagtapos sa pag-aaral ayon sa sarbey kung sa loob ng klase ay may 60 mag-aaral swerte lang daw ang 20 ay mabigyan ng diploma.
. Sa kabila ng pamumudmod ng ilang bilyong pisong Additional Cash Transfer (CCT) mga programang naglalayong mabawasan ang kahirapan sa pamamagitan ng paggawa ng mga programa ng welfare kondisyon sa mga pagkilos ng tagatanggap sa pamilyang mahihirap, patuloy na tumaas ang bilang ng kabataan na hindi nag-aaral simula nang manungkulan si Pangulong Benigno Aquino III. Dahil dito, labis na naalarma ang ating mga gobyerno matapos malaman sa 2010 Annual Poverty Indicator Survey (APIS) ng National Statistics Office (NSO), na 6.24 milyon mula sa 39 milyong Filipino na may edad labindalawa hanggang labingwalong out of school youth (OSY). Lubhang mataas ito kumpara sa 4.84 milyong OSY noong 2002.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong pamatotohanan ang kahalagahan ng edukasyon sa mga batang nahinto sa kani-kanilang pag-aaral o Out of School Youth (OSY). Upang mapagtuunan ng pansin ang mga hinanaing ng mga batang napilitang huminto sa pag-aaral dahil sa kahirapan. Kahirapan na nagtutulak sa mga kabataang kumakayod upang makatulong sa kanilang mga magulang kahit sa simpleng pamamaraan.
HAYPOTESIS
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong mabigyan ng kaukulang pansin ang mga dahilan na nagbibigay balakid sa mga kabataan upang makapagpatuloy sa pag –aaral na humahadlang sa kanila upang makamit nila ang kani-kanilang inaasam na tagumpay.
SAKLAW AT LIMITASYON
Ang pananaliksik na ito ay nakapaloob lamang sa pananaw o opinion ng mga indibidwal na napili upang sagutin ang survey kwestyon na inihanda ng mga mananaliksik tungkol sa mga rason o dahilan ng pagkahinto ng mgakabataan sa pag-aaral o out of school youth student sa Navotas City. Dahilan ng pagkahinto at hindi pagpasok sa paaralan ng mga kabataan ang nais ng mga mananaliksik na bigyan ng pansin.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang mabigyan ng pansin ang mga kabataan na nagnanais bumalik sapag-aaral at upang maunawaan ng gobyerno o pamahalaan na kailangan pa nilang bigyan ng pansin ang pamahalaan ng Edukasyon upang mabigyan ng sapa tna pondo o pera na ibinibigay ng gobyernosa mga myembro ng programang 4Ps dahil marami parin ang mga kabataang nagtatrabaho kesa nag-aaral.
DEPINISYON NG TERMINOLOHIYA
KABANATA II
MGA KAUGNAYAN NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Libo-libong kabataan na umaabot sa milyon ang mga out of school youth (OSY) Ayon sa (2010) Annual Poverty Indicators Survey (APIS) ng National Statistics Office(NSO), 6.24 milyong kabataan na ang out of school (OSY) lubhang mataas ito kumparasa 4.84 milyong OSY noong (2002). May iba't iba ring rason ang mga kabataan dahilan para tumigil sa pag-aaral 28.9 porsiyento o 1.8 milyon naman ang nagsasabi na masyado mataas ang gastos kaya napipilitan na lamang silang huminto, 27.5 porsiyento 0 1.7 milyon naman ang nagsasabing tamad silang mag-aral habang ang iba naman ay mas piniling tumulong nalang sa kani-kanilang pamilya. Sa kabila ng pamumudmod ng ilang bilyong pisong Conditional Cash Transfer (CCT) Sa pamilyang mahihirap, patuloy na tumataas ang bilangn g hindi nag-aaral simula ng manungkulan si Pangulong Benigno Aquino III.
Kasama sa mga kondisyones ng (CCT) sa pamilyang mahihirap ay ang tiyakin na papapasukin sa eskwelahan ang kanilang anak may edad 6 hanggang 14. anyos. Binanggit din ni Manny Villar na mahirap para sa mga kabataan ang hindi makapagtapos ng pag-aaral. Dahil kahit College Graduate ay mahirap din makahanap ng trabaho ano pa kaya kung hindi sila makatapos ng pag-aaral,
Ayon sa (FLEMMS) na nagsasabing halos 4 na milyon ang (OSY) 22.9 na porsiyento dahil ito ay may kani-kaniyang pamilya na, at 19.2 porsiyento naman ang nagsasabing kulang sa pinansyal ang kani-kanilang magulang kaya hindi sila makapasok sa eskwelahan. Iba't-iba ang dahilan o rason ng pagkahinto ng mga mag-aaral.
PATULOY ang pagdami ng mga kabataang hindi nag-aaral. Taliwas sa sinasabi ng Department of Education na nababawasan na ang bilang ng mga ito. Ayon sa report ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) umaabot na sa 3.3 milyong kabataan ang hindi na nag-aaral. Lumaki na ang bilang at ayon pa sa ACT, maaaring dumoble pa ang bilang sa hinaharap. Noong 2002, nasa 1.86 million lamang ang mga batang hindi makapag-aral. Sabi ng ACT hindi alam ng DepEd ang tamang bilang ng mga out-of school youth. Mali umano ang sinabi ni Education secretary Jesli Lapus na isang milyon lamang ang mga batang hindi makapag-aral.
Nakikita ang katotohanan sa report ng ACT na 3.3 milyon na ang mga batang hindi makapag-aral. Sa kasalukuyan, maraming kabataan ang palabuy-laboy lamang sa kalsada at namamalimos samantalang ang iba pa ay nagpapatulo na ng pawis sa pagtatrabaho sa mga pabrika, pagawaan ng muwebles, tindero at tindera sa palengke at marami pang iba. Karamihan ay napilitang magtrabaho para makatulong na sa kanilang mga magulang. Sa halip na ang mga oras nila ay ginugugol sa loob ng eskuwelahan, ang pagtatrabaho sa bukid, dagat at pabrika ang kanilang inaatupag. Hindi sila kakain kung hindi magtatrabaho.
Nakaaalarma ang malaking bilang ng mga batang hindi makapag-aral at nararapat lamang na kumilos ang DepEd sa ganitong problema. Tungkulin ng gobyerno na mabigyan ng libreng edukasyon ang mga kabataan.
Sabi ng ACT dapat ipagpatuloy ng gobyerno ang ginagawang feeding program sa mga public elementary students, magkaroon din ng libreng school bus at alisin ang mga school fees.
Para sa amin, dapat tumulong ang mga guro sa paghikayat sa mga magulang ng mga bata na ipagpatuloy ang pag-aaral. Sa kasalukuyan, may mga magulang na sila pa ang humihikayat sa mga anak na huwag nang mag-aral ang anak sapagkat wala silang perang gagastusin sa pagpasok kagaya ng pagbibigay ng baon.
KABANATA III
METODOLOHIYA
Ang pananaliksik na ito ay may disenyong kwantitatibo. Ayon kay Sucat (2016) ang kwantitatibong pananaliksik ay gumagamit ng mga numero at istatistikong datos sa pagpepresenta ng mga resulta. Surbey ang ginamit na instrument ng mga mananaliksik sa pangangalap ng datos. Mayroong 100 respondente sa pag-aaral na ito sila ay pinili sa pamamagitan ng purposive sampling. Isinagawa ang pag-aaral na ito sa Navotas City.
KONSEPTWAL NA BALAGTAS
Out of School Youth
Out of School Youth
Kabataan/
Batang Lansangan
Kabataan/
Batang Lansangan
Dahilan ng paghinto sa Pag-aaral
Dahilan ng paghinto sa Pag-aaral
DATOS AT MGA RESULTA
Talahanayan 1.
Kasarian
Bilang ng mga kalahok
Porsyento
Lalaki
51
51%
Babae
49
49%
Kabuuan
100
100%
Ipinapakita sa unang talahanayan ang distribusyon ng mga kalahok ayon sa kanilang kasarian. Sa isandaang ( 100 ) kalahok, Limampu't isa sa kanila ay lalaki, Apatnapu't siyam ( 49 ) naman sa kanila ay babae.
Talahanayan 2.
Third Gender
Bilang ng mga kalahok
Porsyento
Lesbian
12
12%
Gay
37
37%
Bisexual
51
51%
Transgender
0
0%
Kabuuan
100
100%
Sa isandaang ( 100 ) kalahok sa ikalawang talahanayan. Labing dalawa ( 12 ) sa kanila ay Lesbian. Tatlumpu't pito ( 37 ) naman ang umaming sila ay Gay. Limampu't isa ( 51 ) naman ang Bisexual. Habang sa transgender naman ay walang nakalap
Talahanayan 3.
Naaapektuhan kaba sa sinasabi ng iba dahil sa kasarian mo?
Kasagutan
Bilang ng mga kalahok
Porsyento
Oo
36
36%
Hindi
64
64%
Kabuuan
100
100%
Sa ikatlong talahanayan, Tatlumpu't anim ( 36 ) ang naaapektuhan sa sinasabi ng iba dahil sa kasarian nila. Animnapu't apat ( 64 ) naman ang hindi naaapektuhan.
Talahanayan 4.
Sang ayon kaba sa Same Sex Marriage?
Kasagutan
Bilang ng mga kalahok
Porsyento
Oo
55
55%
Hindi
45
45%
Kabuuan
100
100%
Sa ikaapat na talahanayan, limampu't lima ( 55 ) ang nag sang-ayon sa Same Sex Marriage. Apatnapu't lima ( 45 ) naman ang hindi naman sumang-ayon.
Talahanayan 5.
Nakakaapekto ba sa pang araw-araw mong pamumuhay ang iyong kasarian?
Kasagutan
Bilang ng mga kalahok
Porsyento
Oo
22
22%
Hindi
78
78%
Kabuuan
100
100%
Sa ikalimang talahanayan, Dalawampu't dalawa ( 22 ) ang naaapektuhan sa pang araw-araw nilang pamumuhay dahil sa kanilang kasarian. Pitompu't wala ( 78 ) naman ang hindi.
Talahanayan 6.
Nahihirapan kabang makihalubilo sa iba dahil sa kasarian mo?
Kasagutan
Bilang ng mga kalahok
Porsyento
Oo
10
10%
Hindi
90
90%
Kabuuan
100
100%
Sa ikaanim na talahanayan, Sampu ( 10 ) ang nahihirapan makihalubilo sa iba. Siyamnapu ( 90 ) naman ang hindi.
Talahanayan 7.
Nakakaranas kaba ng Diskriminasyon?
Kasagutan
Bilang ng mga kalahok
Porsyente
Oo
55
55%
Hindi
45
45%
Kabuuan
100
100%
Sa ikapitong talahanayan, Limampu't lima ( 55 ) ang nakakaranas ng diskriminasyon sa kapwa nila, Apatnapu't lima ( 45 ) naman ang hindi nakakaranas.
Talahanayan 8.
Edad
Bilang ng mga kalahok
Porsyento
11-15
39
39%
16-20
49
49%
21-50
12
12%
Kabuuan
100
100%
Sa ikawalong talahanayan. Sa isandaan ( 100 ) na kalahok. Tatlumpu't siyam ( 39 ) ang may edad na 11-15. Apatnapu't siyam ( 49 ) naman ang may edad na 16-20. Habang ang labing dalawa ( 12 ) naman ay may edad na 21-50.
KABANATA IV
Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon
Sa kabanata na ito nagpapakita ng lagom ng pag-aaral at konklusyon at rekomendasyon.
Lagom
Ang paglalathala ng pag-aaral tungkol sa "Ang pananaw ng piling miyembro sa diskriminasyon". Isandaang kalahok ang sumagot sa mga katanungan na pinamigay. At ang resulta ay ang mga sumusunod.
Karamihan sa mga kalahok ay hindi naaapektuhan sa mga sinasabi ng iba dahil sa kanilang kasarian. Ito ay sinangayunan ng 64 na porsyento.
Para sa kanila ang bawat isa ay may karapatan maikasal kung ano man ang kanilang kasarian na nakuha ng 55 porsyento.
Ang pamumuhay nila ay hindi naman naaapektuhan, may mga tao man na nanghuhusga sa kanila. Pinapakita nila kung ano at kung sino sila. Mas magiging masaya kung magpapakatotoo. Ito ay sinangayunan ng 78 porsyento.
Ang karamihan sa kanila ay hindi hirap makihalubilo sa iba. Dahil marami parin ang mga taong nakakaintindi sa kanila. Ito ay nakakuha ng 90 porsyento.
Mas malinaw na nakakaranas sila ng diskriminasyon sa kapwa nila dahil sa kanilang kasarian. Ayon ito sa 55 porsyento ng kalahok.
Konklusyon
Base sa isinagawang pananaliksik sa "Ang pananaw ng mga piling miyembro ng LGBT sa diskriminasyon". Maraming tao ang nangdidisrimina sa mga homosekswal. Ang mga kagaya nila ay tanggap at nagpapakatotoo kung ano at sino sila. Lahat ng tao ay pantay-pantay sa mata ng Diyos. Pero laganap parin ang diskriminasyon sa kasarian. Ang pagkakapantay-pantay ng mga kasarian ay nangangahulugan na ang mga kalalakihan, kababaihan at miyembro ng komunidad ng LGBT ay may pare-parehas na karapatan sa mundong ating ginagalawa.
Rekomendasyon
Sana sa bawat suliranin na kinakaharap ng mga miyembro ng komunidad ng LGBT sa pangdidiskrimina ng mga taong mapanghusga at hindi lubos kilala ang mga kagaya nila. Maging bukas ang kanilang mata at isipan na lahat ng taong nasa mundong ibabaw ay may karapatan mamuhay. Ang kagustuhan lang ng mga kagaya nila ay respeto, pagtanggap at pagmamahal nula sa kapwa nila.
.
APENDIKS
Pangalan:__________________________ Edad: ______
Barangay:_____________________________ Kasarian: ___ Lalaki ___ Babae
Third Gender: _____ Lesbian _____ Gay _____ Bisexual _____ Transgender
Mag-aaral: _____ Sekondarya _____ Kolehiyo
Trabaho: _____ Walang Trabaho _____ May Trabaho
Panuto: Lagyan ng check (/) ang mga sumusunod na pahayag, depende sa iyong pananaw.
Naaapektuhan kaba sa sinasabi ng iba tungkol sa kasarian mo?
____ Oo ____ Hindi
Bakit?(Opsyonal): ________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
Sang ayon ka ba sa Same Sex Marriage?
____ Oo ____ Hindi
Bakit?(Opsyonal): ________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
Nakakaapekto ba sa pang araw-araw mong pamumuhay ang iyong kasarian?
____ Oo ____ Hindi
Bakit?(Opsyonal): ________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
Nahihirapan kabang makihalubiro sa iba dahil sa kasarian mo?
____ Oo ____ Hindi
Bakit?(Opsyonal): _______________________________________________________________________________________________________________________________________________
Nakakaranas kaba ng Diskriminasyon?
____ Oo ____ Hindi
Bakit?(Opsyonal): _______________________________________________________________________________________________________________________________________________